Fil

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

REVIEWER Kabanata 11 Los Baos

Mga Tauhan: Kapitan Heneral- Pinipilit na gawin ang kanyang mga trabaho habang siya ay naglalaro ng baraha. Dahil dito, hindi niya napagtutuunan ng pansin ang kanyang trabaho. Hindi niya gaanong pinag-iisipan ang kanyang mga desisyon na ginagawa. Madali rin siyang mabuyo sa suhestiyon ng iba. Padre Camorra- Maiinitin ang ulo at ayaw magpalamang sa kanyang mga kalaro. Padre Sibyla- Laging nagpapatalo sa Kapitan Heneral upang mapanatili ang magandang samahan niya rito. Hindi sang-ayon sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila dahil ayaw niyang matuto ang mga Indio ng Kastila. Padre Irene- Katulad ni P. Sibyla nagpapatalo rin siya sa Kap. Hen. para gumanda ang imahe. Gahaman sa pera at kayamanan. Sang-ayon sa pagpapatayo ng AWK dahil sinuhulan siya ng kabayo ng mga estudyante para panigan sila. Paborito niya ring magaaral si Macaraig. Simoun- Sumali sa laro ng baraha ngunit iba ang hininging kapalit sa halip na pera. Mga pabor ang hiningi niya upang maiba naman daw ang gagawin ng kanyang mga kalaro. Pero ang totoo ay nais niya lang na mas maipakita ng mga kalaro ang kabuktutan nila. Don Custodio- Mataas ang pagtingin sa sarili at ang kanyang mga payo ay wala sa lugar. Ipinayo niya na ilipat ang paaralan sa sabungan dahil wala naman daw sabong tuwing lunes hanggang biyernes. Padre Fernandez- Matalino at iniisip ang makabubuti sa nakararami. Sumang-ayon siya sa pagtatayo ng AWK dahil hindi lingid sa kanya na may kakayahang mag-aklas ang mga estudyante kung sakaling hindi nila papayagan na magbubunsod sa pagbagsak ng mga Kastila. Kalihim- sunud-sunuran sa Kap. Hen. at walang boses. Kahit alam niyang mali ang ginagawa ay hindi siya nagsasalita. Karagdagang Impormasyon Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga Dominiko. Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita. (Basahin ang pagkapatapon sa mga Hesuwita sa Pilipinas sa mga aklat ng ating kasaysayan.) Si Padre Sibyla ay isang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutol ang mga Dominiko sa balak na paaralan. Si Padre Irene naman ay siyang inupahan ng kabataan na maging tagapagtanggol o tagatangkilik ng balak.

Mga Tanong at Sagot 1. Bakit di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Heneral? -May kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man siya paroon. 2. Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral? -Ang paglalangis sa may kapangyarihan. Halos nangyari ang balak na pagbihising usa ang isang tao para may maipabaril lamang sa Kapitan Heneral. Ang pag-gamit ng banda ay isa pa.

3. Bakit nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral? -Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay sa pagiging masaya ang heneral sa pananalo nito para maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol sa usapin ng paaralan ng kabataan. 4. Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga alahas na dala ng utusan samantalang siya, dala pa ang higit na mga mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan? -Balak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan. Buo ang kanyang pananalig na kung ang mga tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga maginoo ito at kaya niyang kausapin ng marangalan. Di niya ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa dalawa : dinala niya iyon upang ang ilan ay ipagkaloob sa puno ng pangkat o upang gawing katunayan ng kanyang pagtitiwala sa mga tulisan tulad ng mag-isa niyang pagkakalakbay. 5. Anong institusyon sa Pilipinas ang napag-ukulan ni Rizal na patawang pamumuna ngunit dapat na matalim na pag-iwa sa damdamin ng mga Pilipino? Totoo pa ba ito ngayon? -Ang sabong... Samantalang ang mga sabungan noon ay magagarat malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki ngunit ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang pagkumpuni sa sariling tahanan, at iba pa ay di mahirap. Kung minsay maganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila. Sa mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang sandang pangangailangan. 6. Alin ang tinatawag ni Rizal na mga pagnanasang balintuna sa kabanatang ito? Bakit? -Nais ng kabataang Pilipino na ipaturo sa kanila ang wikang Kastila sukdang ikaalipin ng kanilang lipi samantalang ang sadya namang mang-aaliping kastila ay napapakatangi- tangi sa hiling na ito. 7. Bakit sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring Dominiko, sa paaralang binabalak ng kabataan? -Si Padre Fernandez ay naiiba sapagkat siyay matalino. Sa kanyang pagtuturo sa unibersidad ay nakatagpo siya ng mga estudyanteng may katalinuhan at wala sa kanya ang asal panginoon ng maraming prayle. Dilat ang mga mata niya sa katotohanan.

Sitwasyon
Nangaso sa Bosuboso ang Kapitan Heneral.

Naganap at Napag-usapan
Walang nahuling kahit na ano ang Kapitan Heneral dahil sa napakarami niyang kasama. Natakot ang mga pinuno ng bayan na baka may maalis o mapalipat ng katungkulan dahil sa pagkabigo sa pangangaso ng Kapitan Heneral. Ikinuwento ng Kapitan Heneral ang mga naging karanasan niya sa pangangaso sa ibang lugar at pinintasan ang mga lugar pangasuhan sa Pilipinas. Sinabi ng Kapitan Heneral na mas naibigan niya ang paliguan sa Pilipinas.

Isyu/Sakit ng Lipunan
Pagpapaimportante o labis na pagbibigay halaga sa sarili o sa tao di makatarungan pag-aalis o paglilipat sa trabaho Pang-aabuso kapangyarihan sa

Pagmamalaki, pagyayabang, pagpapanggap upang maikubli ang kapintasan

Pakikipaglaro ng baraha ng Kapitan Heneral.

Pagsali ni Simoun sa larong baraha.

Pagpapasya ng Kapitan Heneral sa mga Isyung Pambayan.

Habang nagbabaraha ay tinutugunan ng Kapitan Heneral ang mga kanyang mga gawaing opisyal. Nagalit at umayaw na si Padre Camorra sa paglalaro at ibinato sa ulo ni Padre Irene ang 2 baraha. Niyaya si Padre Fernandez na pumalit sa puwesto ni Padre Camorra subalit tumanggi ito. Humihingi si Simoun ng kakaibang pusta mula sa mga prayle at sa Kapitan Heneral. Napag-usapan ang pagkahulog ni Simoun sa kamay ng mga tulisan at pangungumusta ng mga ito sa Kanyang Kamahalaan. Pagkakaroon ng mahihinang kalibre ng sandata Pagpapaayos ng paaralan sa Tiyani Pagtatayo ng Akademiya ng Wikang Kastila Pagpapalaya kay Tata Selo

Kawalang-pokus at di maayos na pagtupad sa tungkulin, papapakitangtao, katamaran Pagsusugal ng mga opisyal ng pamahalaan at mga alagad ng simbahan

Pag-udyok pagpapalaganap kasamaan

at ng

Pagkagahaman sa kayamanan ng mga prayle

Pagpapalaganap ng karahasan Pagkukulang o pagpapabaya sa edukasyon Pang-aabuso sa kapangyarihan, kasakiman o ayaw palamang Pagsupil sa pagkatuto

Kabanata 12 Si Placido Penitente


-Nagdadalawang-isip siya kung dapat pa ba siyang pumasok sa paaralan. Sa kanyang pagpasok ay nakita niya si Juanito Pelaez at hiningian donasyon sa pagpapatayo ng monumento ni P. Baltazar. Sa kabanatang ito makikita na ang mga estudyante ay hindi gaanong nagpupursigi sa pag-aaral. Iilan lamang ang nagsusumikap. Karagdagang Impormasyon 1. Ang Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng kastila ay nasa Intramuros (Walled City) sa malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran sa ngayon. Panahon na ng mga Amerikano nang ang UST ay ilipat na sa Espanya, Maynila. Lahat halos ng paaralan noon ay nasa Intramuros-Letran at Ateneo. 2. Mga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa tatlong kolehiyo noon. Ateneo -Nangakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming dalang aklat at kuwaderno. Letran -Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala ng aklat. UST -Malinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang dala. Paaralang Normal

-Mga tahimik , makukulay ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan at mapagdala ng aklat. 3. Katatapos noon ng bakasyong para-Pasko kaya bagong balik sa paaralan ang mga estudyante. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral? -Apat na taon nang siyay nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siyay walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siyay matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan. 2. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente? -Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa. 3. Bakit ayon kay Pelaez ay walang hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra sa mga babae sa Tiyani (liban kay Huli?) -Tinatakot ng prayle na ang mga kapatid o magulang ng babae ay maipabibilanggo o maipapatapon kung di masusunod ang kanyang kagustuhan. At iyon ay alam ng mga dalaga na totoong nangyayari. 4. Bakit daw na si Huli man ay babagsak din? -Kilala ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang di magtatagal at makakagawa ng paraan ang kura na makuha ang ibig kay Huli. 5. Anu-ano ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon? -Karamihan nooy walang natutuhan dahil: a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo na sa UST. b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante. c. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa estudyante. d. Madalas ang araw na walang pasok.

Kabanata 13 Ang Klase sa Pisika


Padre Millon: Tapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa metapisika (mga teorya) ay nagturo ng kimika at pisika, magkaslungat na mga asignatura. Pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika (A little knowledge is a dangerous thing) na karamihan ay di pinanaligan at kalabas labas ay magtuturo ng mga asignaturang ito sa paraan ng pilosopiya. (Siyay di pa makapaniwala na ang mundo ay bilog at itoy umiinog at umiikot sa araw.) May paglahi sa itinituro at tinuturuan mga makamandag na kasarian ng isang guro. Siya lamang ang nagtatanong at ayaw magtanong. (Ikinatutuwa ang katangahan ng tinuturuan at kinaiinis ang tamang pagtugon sa kanyang mga tanong.) Ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin di ipinaliliwanag. Nagtutungayaw at nagmumura ng istudyante. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit sampay-bakod na kastila ang ginagamit ni Padre Millon sa klase? -Wala siyang paggalang sa mga tinituruan na ipinalalagay niyang mga tanga lamang.

2. Bakit sa pagtingin na lamang sa silid aralan sa pisika ay masasabi kaagad na sadyang walang matutunguhan ang mga estudyante? -Ang pisika ay di maituturo ng sa bibig lamang. Kailangan ang mga larawan, kasangkapan at mga halimbawat paliwanag sa pisara. Ni isang larawan ay wala sa buong silid. Nakasusi ang mga kasangkapan. At mga pisara ay di ginagamit. Dooy may sumulat ng VIVA! (Mabuhay!) noong unang araw ng pasukan. Enero nay di pa nabubura. Dapat, iyon ay magiging klase ng pilosopiya, di ng pisika. 3. Ano ang masasabi natin sa mga tukoy ni Rizal ukol sa pagtuturo? -Ang mga principle ni Rizal sa pagtuturo ay hindi naluluma hanggang ngayon. a.) di dapat maging malaki ang bilang ng mag-aaral sa isang klase b.) di dapat inaaglahi at kinagaagalitan o hinihiya ang istudyante k.) ang guro ay di lang dapat matalino at saklaw ang kanyang itinituro kundi dapat ay may malasakit o lugod siya sa pagtuturo at sa isignaturang itinituro d.) ang maraming bakasyon ay nakakatabang ng pag-aaral at nakahihikayat sa pagliban. 4. Ano ang masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang inilalarawan sa kabanata? -Siyay naglalarawan sa karaniwang Pillipino. Mapagtimpi tayot mapayapa. Hanggat maaariy nagtitiis tayo lamang sa gulo. Ngunit kung tayoy napapasubo na, marunong din tayong sumbog na parang bulkan.

Kabanata 14 Sa Bahay ng mga Mag-aaral


Sandoval- Isang opisyal sa pamahalaan ng kastila na tinatapos ang kanyang pag-aaral sa Pilipinas. Mahilig makipag-talumpatian (debate) upang maipagmayabang ang kanyang talino at husay. Mataas ang pagtingin sa Espanya at naniniwalang lahat ng ginagawa ng mga Kastila ay tama. Pecson- Pesimistiko at hindi naniniwalang magtatagumpay ang pagtatayo ng AWK dahil naniniwalang hindi hahayaan ng pamahalaan na mabigyan ng tamang edukasyon ang mga Indio dahil malalamangan daw sila. Makaraig- mayaman, matalino at makapangyarihan ngunit iniisip pa rin ang kapakanan ng mga Pilipino. Siya ang nagpahiram ng bahay na gagamitin sa AWK. Simbolismo Sandoval- mga Kastilang bulag sa katotohanang hindi lahat ng ginagawa ng kapwa kastila ay tama. Pecson- mga Pilipinong nawawalan ng pag-asa na magbabago at aahon pa ang Pilipinas sa pagkalugmok nito. Makaraig- mga Pilipinong hindi sumusuko at patuloy na lumalaban upang mapabuti ang kalagayan ng Pilipinas. Pelaez- mga Pilipinong balimbing at laging iniisip lang ay ang makabubuti sa sarili. Mga Nag-usap a. Sandoval at Pecson Paksa ng Usapan Pagtuturo ng wikang Kastila sa pamamagitan ng AWK Pamamahala ng Kapitan Heneral sa Pilipinas Pagpayag sa AWK ayon sa kuwento ni Padre Irene Don Custodio bilang tagapasya sa AWK Paraan ng pagpapapayag kay Don Custodio

b. Makaraig sa mga Mag-aaral

c. Isagani sa mga Mag-aaral

Paraan ng pagkausap kay G. Pasta

Kabanata 15 Si Ginoong Pasta


G. Pasta- nilapitan ng mga mag-aaral na pinangunahan ni Isagani upang hikayatin na sumang-ayon sa pagtatayo ng AWK kung sakaling hihingi ng payo sa kanya si Don Custodio. Hindi siya pumayag dahil natatakot na baka mawala ang lahat ng kanyang kayamanan at pinaghirapan. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.

Kabanata 16 Mga Kasawian ng Isang Intsik


Quiroga- naghahangad na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa Pilipinas. Mga Kasawian Naghanda ng bonggang-bongga para makakuha ng koneksyon ngunit wala namang napala dahil pagkain lang ang ipinunta ng kanyang mga bisita. Mababa pa rin ang pagtingin sa kanya. Nalulugi ang kanyang negosyo. Nagkautang kay Simoun dahil sa 3 pulseras na nagkakahalaga ng 3 libo ang isa. Ginipit ni Simoun at napilitang itago ang mga armas sa kanyang tindahan/tahanan upang mabawasan ng 2libo ang kanyang utang.

Kabanata 17 Ang Perya sa Quiapo


Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga laruan o pabaril na tulad ng kasalukuyang gamit ng taguring ito. Ito ay Fair o mga kubol ng siriko, mahika (magic), mga tindahan ng laruan ,paninda mga ari, at iba pa. Nooy Enero. Tandaan uli ang pagkawala ni Simoun gayon siya ang nagyaya sa panonood sa espinghe ni Mr. Leeds. Pinipilit ni Ben Zayb na may pandaraya sa palabas ng espinghe kayat nais niyang mabunyag ang sikreto at maipahiya si G. Leeds.

Mga Tanong at Sagot 1. Anong kalinangang Pilipino ang binigyan diin ni Rizal sa Kabanatang ito? -Ang palilok ng mga anyo o larawan. Isa itong talakay sa sining ng paglilok ng mga Pilipino na pinuri ni Rizal. 2. Ano ang inilalarawan sa kathang La Prensa Filipina? -Ang pamamahayag sa Pilipanas (state of Filipino press or journalism): matanda (makaluma); pisak ang isang mata ( di katotohanan ang pagbabalita at iyong lang ibig paksain ang pinapaksa ): marumi, at lugami ang pamamahayag noon. Ang nakakatawa rito ay isa pa si Ben Zayb sa nagtatawa sa larawan at wala siyang kamalay-malay na sila ang inaatake sa larawang iyon lalo si Ben Zayb. ( Animo ito ng pagkakapahintulot ng sensor sa pagpapalathala ng Florante at Laura ni Balagtas na atake ng kumatha laban sa pamahalaan.) Mas malinaw rito ang panunuligsa sa ikalawang larawan, ang bayan ng Abaka. Inilalarawan dito na ang Pilipinas ay bayan ng abaka na ang karaniwang gamit ay panggapos sa mga dinarakip ng guwardiya sibil. Ngunit ito man ay di nasakyan ng matatalinot magagaling na pangkat nina Ben Zayb.

Tauhan a.Padre Camorra b.Padre Salvi c.Ben Zayb d.Paulita Gomez e.Donya Victorina f.Juanito Pelaez g.Don Custodio

Mahahalagang Reaksyon at Kilos Ano ang pakiramdam at ginawa nang makakita ng magagandang babae? Ano reaksyon sa mga nakikitang magagandang babae? Ano ang sinabi tungkol sa pangungurot ni P. Camorra at piguring inihmbing ka P. Camorra? Ano ang tugon sa pagbati ni Juanito? Ano ang ginawa sa mga bumabati sa pamangkin niya? Ano ang reaksyon nang makita si Paulita? Ano ang sinabi tungkol sa kakayahan ng mga Pilipino sa pag-iiskultor?

Kahulugan o Pahiwatig ng mga Reaksyon at Kilos Mahilig sa babae Mahilig sa babae Maloko, mapang-asar Ayaw kay Juanito Mapagpalagay Masaya siya Minamaliit ang mga Indio

Kabanata 18 Mga Kadayaan


Ang pandaraya ay hindi nakita dahil ito ay nasa ilalim ng mesa at ginagamitan ng mga spring kaya hindi nakita ni Ben Zayb. Mabilis na umalis si G. Leeds upang takasan ang mga problemang kanyang kahaharapin pagkatapos ng palabas. G.Leeds- isang amerikano na kaibigan ni Simoun. Imuthis- ang espinghe na halos kapareho ni Ibarra ng kapalaran sa buhay. P. Salvi- hinimatay sa palabas. Deremof- salitang sinambit ni G. Leeds upang mabuhay ang ulo. Mga Tanong at Sagot 1.Bakit hinimatay si Padre Salvi? -Dahil sa takot sa tinawag na ulo. 2. Kanino inahalintulad ang buhay ni Imuthis? -Kay Ibarra. 3. Ano ang ipinahihiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos ng salaysay ni Imuthis? -Ito ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaan at pagpakasal.

Kabanata 19 Ang Paglisan


Mahahalagang Pangyayari 1. Nilisan ni Placido Penitente ang Pamantasan. 2. Nadatnan ni Placido ang inang si Kabesang Andang sa kanyang tinitirahan at nag-usap ang mag-ina. 3. Nilisan ni Placido ang tinitirahan kahit na naroroon ang kanyang ina. 4. Nilisang muli ni Placido ang kanyang tinitirahan at iniwan ang kanyang ina. 5. Nakipag-usap si Placido kay Simoun. 6. Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang pupuntahan. 7. Umuwi na si Placido at nakinig na sa mga pangaral at payo ng kanyang ina.

Karagdagang Impormasyon 1. Nakita ni Placido na kasama ni Padre Sibyla si Don Custodio, na magpapasiya ukol sa balak na paaralan ng kabataan. 2. Ang salita kayang Ingles na amok (huramentado) ay galing sa hamok ng Malay? 3. Si Kabesang Andangay halimbawa ng isang ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya lamang nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang mapagmalaki bilang ina ng isang nakapag-aral at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng pag-aaral ni Placido ay bilangguan o bibitayan, na siyang tiyak na ibubunga ng masikhay at matining na pag-aaral noon ay papag-aralin pa kaya niya ito? 4. Ang paghihimagsik ni Simoun ay magsisimula sa mga arabal (kanugnog-pook ng Maynila o suburbs na noon ay mabugat pa tulad ng Balintawak, Sta Mesa. Makati, La Loma at atbp.) na binubuo ng : A. Pangkat ng mamamayang naaaping ibig maghiganti; B. Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging gayon sa udyok ng paghanap ng katarungang di naging kanila sa pamahalaan; C. Mga kawal na kanyang pinaniwalaang ibig ng Kapitang Heneral na manggulo sila sa mga sibil at sa mga prayle upang magkaroon ng dahilan ang heneral na magtagal pa sa Pilipinas; D. Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang mga kawal at sibil. Dahil dito, ang mga sibil at mga manong ay makakalaban ng mga kawal na may mga pagkakautang kay Simoun at ang mga tulisan kakampi ni Simoun, at ang mga mamamayang sasapi sa kanya ay malayang makalulusob sa Maynila (Intramuros ngayon) at maluwag niyang makukuha ang siyudad na walang magtatanggol. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral? -Iisa ang unibersidad noon para sa karera ang unibersidad ng Sto. Tomas. Ayaw na siyang tangapin doon. 2. Ano ang lintik na ibig nang sumabog ni Placido upang maipakilala nga ngitngit ng kanyang paghihiganti? -Ang himagsikang tulad ng naganap noong 1872 na kinasangkutan nina P.Burgos. makikita ritong ang diwa ng 1872 ay nananatiling buhay sa isip at damdamin ng mga Pilipino pagkatapos noon. Umaasa sila sa muling pagsabog ng malaking himagsikan. 3. Bakit napatapon ang dating guro sa San Diego? -Ninasa niyang makapagturo nang mabuti. Naging kalaban niya ang simbahan at ang pamahalaan na sadyang ayaw na ang mga indiyo ay matuto ng husto. 4. Bakit umanib kay Simoun sa balak niyang paghihimagsik ang Kastilang may rayuma? -It'y nagkaasawa ng maganda. Pinagnasaan ng mga prayle ang babae. Para maiwasan ang ganti ng Intsik, ito ay ginawan ng lalang ng mga prayle upang mapabilanggo hanggang magkaramdam. Ibig ng Kastila na makapaghiganti. 5. Bakit napaaga ang pagbubunsod sa himagsikang binalak ni Simoun? -Dahil kay Maria Clara na ayon sa balitang tinanggap ni Simoun ay nasa bingit na halos ng kamatayan.

6. Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara? -Sa Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria Clara na iisang babae sa buhay ni Ibarra.) nabubuhay ito mula sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos ay sinusunog nito ang sarili sa sariling pugad at ang abo nitoy nagiging bagong Fenix. Kung makuha na ni Simoun si Maria Clara sa mga kuko ng bulag na paniniwala, bibigyan niya ng bagong buhay ang mongha. Ani simoun patungkol kay Maria Vlara: Isang paghihimagsik ang naglayo sa akin at sa iyo; isa ring pagbangon ang magsasauli sa akin sa iyo. 7. Bakit nakita ni Simoun sa kanyang balintataw na tila galit ang anyo ni Don Rafael at ni Elias? -Ang dalawa`y di sang-ayon sa pamamaraang kanyang ginamit. Si Don Rafael ay kabutihang lagi ang panuntunan sa pakikitungo sa bayan. Kay Elias ay di siya karapat-dapat sa tungkuling kanyang ginaganap; di na siya karapat-dapat dahil ang naguudyok sa kanya sa paghahangad na mapalaya ang bayan ay di ang diwang makabayan at makatarungan kundi payak na paghahangad ng paghihiganti. 8. Ipaliwanag ang biglang pagbabago ng loob ni Placido nang kausapin siya kinabukasn ng kanyang ina? -Sa ipinabatid sa kanya ni Simoun noong sinundang gabi ay naisip niyang isa ng kalabisan ang makipagtalo sa kanyang ina. Kunway payag na siya sapagkat batid niyang sa mga araw na iyon ay ibubunsod na ang madugong himagsikan kayat wala nang tanging hiling sa ina kundi umuwi kaagad sa lalawigan upang makaiwas sa labanan. 9. Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun? -Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na ngunit wala pang mitsa na sisindihan upang pasabugin ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may layon: pagbawi kay Maria Clara.

Kabanata 20 Ang Nagpapasya


Don Custodio Naging mayaman dahil mayaman ang kanyang napangasawa. Ginamit ang kayamanan ng kanyang naging asawa upang maging makapangyarihan. Minsan ang kanyang mga panukala ay wala sa lugar. Ipinagyayabang niya ang kanyang pagpunta sa Madrid kahit na wala namang pumansin sa kanya roon dahil kulang ang kanyang pinag-aralan. Gawa-gawa lamang niya ang mga kwento. Tinaguriang Buena Tinta. Nagpapalakas siya sa mga Prayle at kay Ben Zayb para mas maging kilala pa. Mga Tanong at Sagot 1. Paano nabigyan ng bansag na Buena Tinta si Don Custodio? -Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng ilang lingo at sakanyang walanghabas na pakikipagtalo kung kani-kanino. 2.Paano siya nagkaroon ng pagkakataong makahawak ng napakaraming tungkulin? -Sa tulong ng salapi ng kanyang mayamang asawa, siya ay nangalakal at tumanggap ng mga paggawa ng pamahalaan. 3. Ano ang palagay ni Don Custodio sa mga Pilipino? -Ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan.

Pagsasaling-Wika

Pagsasaling-Wika
Pampanitikan Teknikal

1. Pampanitikan Hindi ito basta pagsasalin mula sa isang wika tungo sa ibang wika Pag-aangkop ng akdang pampanitikan sa bagong kalagayang pampanitikan na taglay pa rin ang orihinal na katangian, estilo at himig ng akdang pampanitikan 2. Teknikal Maaari ngunit hindi ito malikhaing pagsulat Tuwirang may kinalaman sa mga siyensiya, pangkalikasan man o panlipunan, pang-akademiko na nangangailangan pa rin ng mga espesyalisadong wika MGA PARAAN AT TUNTUNIN SA PAGSASALING-WIKA 1. Basahin ng paulit-ulit ang akda 2. Huwag gawing literal ang pagsasalin 3. Iwasang isalin ang pagsasaling salita-sa-salita 4. Basahing mabuti ang ginawang pagsasalin pati ang orihinal na akda 5. Tiyaking maayos at malinaw ang pagsasaling-wika sa sariling pamamaraan MGA PARAAN ng PAGSASALIN Sansalita-bawat-sansalita Halimbawa: Each citizen must aim at personal perfection and social justice through education. Bawat mamamayan dapat layunin sa personal kaganapan at panlipunan katarungan sa pamamagitan edukasyon. Literal Halimbawa: Father bought Pedro a new car. Ang tatay ay binili si Pedro ng isang bagong kotse. Komunikatibong Salin Halimbawa: All things bright and beautiful All creatures great and small All things wise and wonderful The Lord God made them all. Ang lahat ng bagay, magagandat makinang Lahat ng nilikhang dakilat hamak man May angking talino at dapat hangaan Lahat ay nilikha ng Poong Maykapal

POINTERS:
1. Kabanata 11-20 2. Talasalitaan (Huling 5 kabanata) 3. Pagsasaling-Wika

4. 5. 6. 7.

Mga Tauhan Mahahalagang Pahayag Mga Pangyayari at Detalye Simbolismo at Isyung Panlipunan

Sanggunian:

El Filibusterismo nina Lolita Bandril at Loreto Francia Obra Maestra nina E. de Vera at A. Bucu at F. Cuao http://www.joserizal.ph/fi20.html

You might also like