Module Fil7 t2 - Luzon-2015-2016

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

LASALYANONG MODYUL SA PAGKATUTONG


NxGEN BLENDED
Mga Guro: Ria V. Gomez
Laarni F. Bongao

Antas at Seksyon: Baitang 7

Asignatura: Filipino 7

Term: 2

Paksa ng Modyul: Panitikang


Luzon: Larawan ng
Pagkakakilanlan

Panahon : Tatlong Buwan

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Akdang Pampanitikan ng Luzon

Komprehensibong Pagbabalita

MGA LASALYANONG SIMULAIN

LGP 1: Magsisilbing hamon sa mga mag-aaral upang matanto ang kanilang tunay na

LGP 2: Maipaunawa ang perspektibong nakatuon sa pagiging Kristiyano batay sa kakayahan at


pagpapahalaga ng mag- aaral..

LGP 3: Mahikayat ang pagkakaroon ng pagkakaiba at pagkakaugnay sa mga mag- aaral.

LGP 4: Maisakatuparan ang mga bagay na natutunan sa isang gawaing kapakipakinabang sa

LGP 5: Maihanda ang mga mag-aaral na makilahok sa mga gawain, pamilya, lipunan at

kakayanan.

simbahan at lipunan.

simbahan

UNANG BAHAGI/ANTAS : MGA INAASAHANG BUNGA


TUNGUHING MAY PAGLILIPAT(Transfer Goals):
Matapos ang aralin inaasahan kong
1. Maunawaan ng mga mag-aaral ang ibat ibang mga kultura ( tao, lugar, bagay at pangyayari),
mga tradisyon at gawi ng mga tao sa Luzon upang mapahalagahan at maipagmalaki nila ang
bansang Pilipinas gamit ang ibat ibang akda mula sa Luzon.
2. Makapagsagawa ng isang Komprehensibong Balita mula sa mga impormasyong nakalap at
kakayahan na makapagpagsalita nang matuwid sa Filipino.
3. Makasulat at makabuo ng sariling-likhang alamat gamit ang mga suprasegmental at Di-berbal na
Palatandaan ng Komunikasyon.
4. Makapagsagawa ng sariling Talumpati gamit ang mga salitang hudyat ng simula, gitna at wakas.

Mga KAKAILANGANING PANG-UNAWA(EU):

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Ang ibat ibang akdang pampanitikan sa Luzon ay naglalarawan sa ating pambansang pagkakakilanlan.
MAHAHALAGANG TANONG (EQ)
Paano inilalarawan sa mga akdang pampanitikan sa Luzon ang ating pambansang
pagkakakilanlan?

ACQUISITION GOALS:
1. Natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayari sa tekstong napakinggan F7PN-IIId-e-14
2. Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-balita batay sa materyal na binasa F7PB-IIIj-19
3. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa ulat-balita - F7PT-IIIj-17
MEANING MAKING GOALS :
1. Napaghahambing ang mga katangian ng alamat batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan,
at mga aspektong pangkultura (heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa) na nagbibigay-hugis sa
panitikan ng Luzon - F7PB-IIId-e-15
2. Nasusuri ang mga katangian at elemento ng alamat. - F7PB-IIId-e-16
3. Naisusulat ang buod ng isang alamat nang may maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari - F7PU-IIId-e-14
4. Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan - F7PBIIIf-g-17
5. Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda F7WG-IIId-e-14
6. Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang halimbawa. F7PN-IIIj-17
7. Nagagamit ang mga angkop na salita sa pag-uulat tungkol sa sariling lugar/bayan - F7PU-IIIj-17
8. Nagagamit sa pagbabalita ang kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya gaya ng
kompyuter, at iba pa.- F7EP-IIIh-i-8
TRANSFER GOALS:

1. Naipaliliwanag ang tema at iba pang elemento ng alamat batay sa napanood na mga halimbawa
nito. - F7PD-IIId-e-14
2. Nahihinuha ang kaalaman at motibo/pakay ng nagsasalita batay sa napakinggan. - F7PN-IIIf-g-15
3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin, antala) at mga diberbal na palatandaan (kumpas, galaw ng mata/ katawan, at iba pa) sa tekstong napakinggan F7PN-IIIa-c-13
4. Naimumungkahi ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga hakbang sa pagsulat ng balita
batay sa balitang napanood sa telebisyon- F7PD-IIIj-16

IKALAWANG BAHAGI/ANTAS: MGA PANTUKOY NA PATUNAY/ PAGTATAYA


PRODUKTO O PAGGANAP BILANG PATUNAY NG PAG-UNAWA AT PAGLILIPAT
Ang mga mag-aaral ay inaasahang makabuo ng isang Komprehensibong Pagbabalita

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

NARATIBONG GRASPS NG GAWAING MAY PAGLILIPAT

Naisasagawa ng mag-aaral ang isang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa kanilang lugar
GRASPS
Naglunsad ng patimpalak sa pagbobrodkast ng balita sa Filipino ang ABS-CBN sa pakikipag-ugnayan sa
Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Bukas ito sa lahat ng mag-aaral sa ika-7 baitang. Layunin ng patimpalak na ito na
tumuklas ng mga batang may angking husay sa pagbabalita sa Filipino.
Ang magwawagi ay magiging bahagi ng ilulunsad na programang balitaan para sa mga kabataan. Ang unang antas
ng paligsahan ay sa paaralan isasagawa kaya ikaw at ang iyong mga kaklase ay lalahok dito. Ang Ulat balita ay
huhusgahan ayon sa rubrik na nakalahad sa ibaba:
Pagdedeliber ng ulat (tamang pagbigkas at angkop na ekspresyon) 30%
Kalidad ng boses
20%
Anyo sa kamera 20%
Dating/Hikayat sa manonood 10%
Continuity/ Daloy ng buong programa 20%
GABAY SA PAGLILIPAT NG KASANAYAN (SCAFFOLDING)
UNANG ANTAS
Ginabayang
Gawain/Direktang
Panghihikayat
(Direct Prompt)

IKALAWANG ANTAS
Gawaing may Bahagyang
Paggabay/Bukas na
panghihikayat
(Open prompt)

IKATLONG ANTAS
Ginabayang Paglilipat
( Guided transfer)

IKAAPAT NA ANTAS
Indibidwal na Gawaing
Pampaglilipat/Aktwal na
Paglilipat
(Independent transfer)

Pagbuo ng Trivia
(Produkto ng Luzon)

Malikhaing
Pagkukwento

Talumpati

Komprehensibong
Pagbabalita

INSTRUMENTONG PAMPAGTATAYA (Mapang Pampagtataya ng Yunit)


ANYO

KAALAMAN

PAG-UNAWA

Panood at panunuri
ng ibat ibang balita
mula sa youtube

Pagsagot sa Open
Ended na mga
tanong mula Alamat

Larong Jeopardy
:Trivia tungkol sa
Luzon

Panonood sa
Youtube ng mga
Alamat

Panonood sa
Youtube ng mga
Alamat

Gawaing Pangupuan
(Worksheet)
Ponemang
Suprasegmental at
Di berbal na
Komunikasyon.

Pagsusuri at
Pananaliksik sa
Alamat
(Pangkatang
Gawain)
1. Elemento ng
Alamat
2. Banghay ng
Alamat
3. Kultura na
makukuha mula
sa alamat

Pagsusuri at
Pananaliksik sa
Alamat
(Pangkatang
Gawain)
1.Elemento ng
Alamat
2.Banghay ng
Alamat
3.Kultura na
makukuha mula sa
alamat

PreAssessment/Diagn
ostic
Panimulang
Pagtataya

PROSESO

Pagbuo ng
Concept Map :
Pagsusuri ng
Pamagat

PRODUKTO/
PAGGANAP

Pagbuo ng Trivia
mula Luzon (Video
ng Sarili) gamit ang
I-Movie

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL


Pangangalap ng
Datos /
Pananaliksik

Pagtatayang
Pormatibo

A.Y. 2015 - 2016

Pagbuo ng
balangkas
(Indibidwal na
gawain)

Pagbuo ng
balangkas
(Indibidwal na
Gawain)

Talasalitaan
(Indibidwal na
Gawain)

Talasalitaan
(Indibidwal na
Gawain)

Worksheet :
Pagtukoy sa
pangunahin at
pantulong na
kaisipan

Worksheet :
Pagtukoy sa
pangunahin at
pantulong na
kaisipan

Worksheet:
Pagtukoy sa Layon
ng Sanaysay

Worksheet:
Pagtukoy sa Layon
ng Sanaysay

Worksheet:
Pagbabalangkas

Worksheet:
Pagbabalangkas

Worksheet:
Pagsulat ng
Pamatnbay

Worksheet:
Pagsulat ng
Pamatnbay

Online Assessment
(Google
Classroom) Trivia
tungkol sa Luzon

Pagsulat ng sarilinglikhang Alamat


(Indibidwal)

Pagsulat ng sarilinglikhang Alamat


(Indibidwal)

Online Assessment
(Google
Classroom)
- Kaligirang
Pangkasaysayan
ng Alamat

Pagsulat ng Pormal
na Sanaysay
(Indibidwal)

Malikhaing
Pagkukuwento
Talumpati

Pagsulat ng Pormal
na Sanaysay
(Indibidwal)

Komprehensibong
Pagbabalita

Online Assessment
(Google
Classroom)
- Ponemang
Suprasegmental
at Di berbal na
Komunikasyon.

Pagtatayang
Sumatibo/
Pangwakas

e- Portfolio
Pagsulat ng
repleksyon sa bawat
gawain

Pansariling Pagtataya

Makapagpahayag ng mga pamantayan sa pagsasagawa ng mahusay sariling-likhang


alamat at pormal na sanaysay na kinapapalooban ng kultura ng Luzon.

Makapagbahagi ng kaalaman tungkol sa kahalagahan kakayahan sa pagsasalita at


pagsusulat sa Filipino.

Makapagbigyan ng katangian ang mga nakapaloob na ideya sa mga nabasang alamat at

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

sanaysay partikular sa Luzon.

Magkaroon ng malawak na perspektibo sa kahalagahan sa pagbabasa at pag-unawa sa


mga babasahing may kinalaman sa ating lipunan gayundin ang tamang gamit ng
ponemang suprasegmental at di berbal na komunikasyon sa pagkikipagtalastasan.

Makabuo ng sariling pananaw hinggil sa kultura ng mga taga Luzon.

BLENDED ACTIVITIES/TOOLS
ENVIRONMENT
ATTRIBUTES
AKTIBO

FACE-TO-FACE
Pagsagot sa Open Ended na mga
tanong mula Alamat

E-LEARNING
Panonood sa Youtube ng mga Alamat
Online Assessment (Google
Classroom) Trivia tungkol sa Luzon

Gawaing Pang-upuan (Worksheet)


Ponemang Suprasegmental at Di berbal
na Komunikasyon.
Talasalitaan (Indibidwal na Gawain)

Worksheet : Pagtukoy sa pangunahin at


pantulong na kaisipan
-

Online Assessment
(Google Classroom)
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Alamat
Online Assessment
(Google Classroom)
Ponemang Suprasegmental at Di

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016


berbal na Komunikasyon.
Panood at panunuri ng ibat ibang balita
mula sa youtube
Panonood mula sa Youtube at
pagbabasa sa slideshare at bubuo ng
sariling pamatnubay (Balita)

KOLABORATIBO

Pagsusuri at Pananaliksik sa Alamat


(Pangkatang Gawain)
1.
Elemento ng Alamat
2.
Banghay ng Alamat
3.
Kultura na makukuha mula sa
alamat

Larong Jeopardy :Trivia tungkol sa


Luzon

KONSTRAKTIBO

Pagbuo ng balangkas (Indibidwal na


gawain)

Pagbuo ng Concept Map : Pagsusuri


ng Pamagat

AWTENTIKO

Pagsulat ng sariling- likhang Alamat


(Indibidwal)

Pagbuo ng Trivia mula Luzon (Video ng


Sarili) gamit ang I-Movie

Pagsulat ng Pormal na Sanaysay


(Indibidwal)

Malikhaing Pagkukuwento
Talumpati

Pangangalap ng Datos / Pananaliksik


NAKATUON SA LAYUNIN

Pagsulat ng Komprehensibong Balita

Komprehensibong Pagbabalita

IKATLONG BAHAGI/ANTAS: DALOY NG PAGKATUTO


LESSON PROPER : ALAMAT NG TAGA- LUZON
INTRODUKSYON
Unang Araw
Magandang araw! Alam natin na tayo at magtutuon sa pagbabasa at pagsusuri ng alamat. Alamin natin
na ang Alamat ay isang kwento tungkol saan / kailan ang pinagmulan ng isang bagay o pangyayari.
Narito ang listahan ng mga pamagat na inyong babasahin.
PRE- TEST (Indibidwal)
Alamat ng Buko , Alamat ng Pasig at Alamat ng Unang Bahaghari
1.
Sa inyong palagay, ano kaya ang malalaman at matutunan natin sa mga alamat na ating
babasahin:
___________________________________________________________________________________
_
_
_
_
_

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Mga gabay na katanungan:
Ano ano ang maaaring maging paksa ng alamat?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng isang bagay?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng ating pagiging Pilipino? Patunayan?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

II.

INTERAKSYON

PAKSA : Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat (Pagtalakay ng Guro)


Ang ALAMAT ay isang akdang pampantikan na tumutulong at tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay o
pangyayari.
Ang akdang ito ay isa sa malaking tulong sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura , tradisyon at kaugaliang
Pilipino.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat
O

Ang salitang alamat ay panumbas sa "legend" ng Ingles.

Ang katawagan namang ito ay nagmula sa salitang Latin na "legendus", na ang


kahulugan ay "upang mabasa".

Panahon ng mga Katutubo


O
O
O
O

Noon pa mang 1300 AD ( After Death ), ang ating mga ninuno, na


kilala sa katawagang Ita, Aetas, Negrito o Baluga ay may sarili ng mga
karunungang-bayan, kabilang ang alamat.
( Sila ang mga taong walang
permanenteng tirahan.)
Ayon sa mga heologo ( geologists ), nakuha o nalikha nila ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa
iba't ibang lupain sa Asya.
Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan ( bunga marahil ng kakauntian ), panulat, sining, at siyensya,
ang mga ito ay nagpapasaling-dila o lipat-dila lamang.

Ang Alamat ng dumating ang mga Indones


O

Ang matatandang alamat ng ating mga ninuno ay nalangkapan ng kanilang mga


katutubong alamat na ang nilalaman ay tungkol sa mga: anito, buhay ng mga santo
at santa, bathala, at pananampalataya sa Lumikha.

Ang Alamat ng dumating ang mga Malay


O Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto na tinatawag na Alifbata o Alibata.
O

Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat na pasaling-dila o bukambibig lamang ay naisatitik ng ating mga
ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga bato sa pamamagitan
ng matutulis na kahoy, bato, o bakal.

Sa panahong ito, higit na lumaganap ang mga alamat hinggil sa pananampalatayang


pagano at sumibol ang "Maragtas" at "Malakas at Maganda"

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Iba pang mga dayuhan


O Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at Persyano.
O Sa mga panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga ninuno kaya't marami sa mga
alamat ang naisulat at naipalaganap.
O Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan
Panahon ng Espanyol
O

Ipinasunog ng mga prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno.

Ang iba'y ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo.
Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga taong-bayan ay
hindi nila masira.

Ikalawang Araw
Panood ng mga Alamat ( Trayad)
Panoorin natin at unawain gamit ang link na ibinigay ng guro. Sagutin ang mga sumusunod na gawain sa ibaba:
a.
b.
c.

Alamat ng Buko: https://www.youtube.com/watch?v=Kv23h22Ns_U


Alamat ng Pasig https://www.youtube.com/watch?v=-0YJHNRVlvs
Ang Unang Bahaghari https://www.youtube.com/watch?v=hLKqcw9LXQM

a.

Tungkol saan ang tatlong alamat na napanood?

b.
Bumuo ng buod tungkol sa mga alamat na napanood na binubuo ng 5 pangungusap. Gawing gabay ang
sumusunod na salita sa pagbuo ng buod :
Simula.
Pagkatapos nito.
Sumunod
Bukod pa rito
Hanggang sa
Natapos ang kwento nang
c.

Pumili ng isang alamat at bumuo ng buod nito sa pamamagitan ng pagbuo ng komiks.

Ikatlong Araw
Pananaliksik : Elemento ng Alamat ( Apat na Miyembro / Box Group)
Tulad ng ibang mga akdang pampanitikan, ang mga ito ay may ibat ibang elemento na nakatutulong
mas lalong maunawaan ang nilalaman at mensahe ng akda. Ano- ano naman ang mga elemento ng
alamat? Manaliksik at gamitin ang mga ito upang masuri ang tatlong alamat.
Mga link kung saan nanaliksik:
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Pumili ng isa mula sa mga napanood na alamat at suriin gamit ang mga elemento ng alamat na
nasaliksik.
Elemento ng
Alamat
1.

Kahulugan

Halimbawa mula sa napanood na alamat

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

2.

3.

4.

5.

Ikaapat na Araw
Elemento ng Alamat : Banghay
A.

Pagiging Makatotohanan ng mga Pangyayari (Anim na Miyembro)

Muling balikan ang mga kaganapan mula sa alamat na napanood. Alin sa mga sumusunod na
pangyayari ang makatotohanan at alin naman ang hindi. Gamitin ang tsart sa pagbuo.

Makatotohanan

Alamat ng Buko
Hindi Makatotohanan

Makatotohanan

Alamat ng Ilog Pasig


Hindi Makatotohanan

Makatotohanan

Alamat ng Unang Bahaghari


Hindi Makatotohanan

B.
Aral na Makukuha
Gamit ang PIN (Positive, Interesting and Negative Points mga Puntong Positibo, Kawili- wili at
Negatibo) tayain ang natutuhan sa pag-aaral ng mga alamat. ( Trayad)
Alamat

Positibong
Natutuhan

Kawili- wiling
Bahagi

Negatibong
Nakita

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Ikalimang Araw
6.Ang Alamat Bilang Salalayan ng Kulturang Pilipino
(Anim na miyembro sa bawat grupo)
Muling balikan ang mga pinanood na alamat. Ano- anong mga kulturang Pilipino ang masisilayan?
Sagutin ang tsart maging gabay ang mga sumusunod na salita sa pag-iisip ng kaugaliang Pilipino

Paniniwala
Ugali
Lugar
Kultura
Tradisyon
Alamat ng Buko

Alamat ng Pasig

Ang Unang Bahaghari

Alin sa mga sumusunod na kultura o tradisyon ang nakikita parin sa kasalukuyan? Punuin ang tsart
magbigay ng lima.
Mga Kultura / Tradisyon na
masisilayan sa kwento.

Ika-sampu Ikalabing-apat na Araw

Pag-eensayo
Pagsasagawa

Nakikita parin ba ito


sa kasalukuyan?
Oo o Hindi

Patunay

UNIT: FILIPINO

III.

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

INTEGRASYON

A. INTEGRASYON SA PAGSULAT
Ikaanim- Ikapitong Araw
7.

Pagsulat ng Alamat (Burador)

Muling balikan ang mga katangian at elemento ng mga alamat. Palaging tandaan na ang mga ito ay
mahalaga sa pagbuo ng isang kwentong alamat. Subukan punuuin ang talahanayan bilang gabay sa
pagsulat ng burador.

1.
2.
3.

4.
5.
6.
7.

Pamantayan
Sino ang iyong target na
mambabasa?
Ano ang nais na maging paksa ng
alamat?
Anong kultura, paniniwala at
tradisyong partikular sa Luzon ang
nais mong bigyang- diin?
Anong aral ang nais mong ihatid sa
mga mambabasa?
Sino ang nais mong maging
pangunahing tauhan?
Saan at kailan ang pangyayari?
Anong tao / bagay / pangyayari
ang nais mong pagbatayan mo ng
iyong alamat?

Iyong Sagot

Sana ay nakatulong sa iyo ang talahanayang ito upang magkaroon ka ng direksyon sa iyong isususlat
mong alamat. Sige simulan mo ng sumulat!
Format : Arial 11 , 1.5 spacing at printed
1.
2.
3.

Magkaroon ng sariling pamagat.


Bumuo ng tatlong talata ( panimula, nilalaman at wakas)
Tingnan ang rubric upang maging gabay sa pagbuo ng alamat.

8.
Pagwawasto at Pag-eedit
Makipagpalitan sa kaklase na sa iyong tingin ay malaking tulong upang maiwasto at mai-edit ang iyong
burador. Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba.
1.
Makipagpalitan ng nabuong burador sa iyong grupo upang maitama at maiwasto ang iyong
naisulat na sanaysay.
2.
Gamiting gabay sa pagtatama / pagwawasto ang ipapakita ng guro.
3.
Gumamit ng pulang bolpen.

UNIT: FILIPINO

4.

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Ibalik sa kamag- aral matapos itong iwasto.

Mga Simbolo sa Pag- eedit

Simbolo sa Pageedit

Kahulugan

1.

mby

Maling baybay / ispeling

2.

xs

Ekstrang salita. Sobra ang mga


salitang ginamit.

3.

nws

Nawawalang salita.

4.

ms

Maling salitang ginamit.

5.
6.

map
b

Maling
/ pokus ng pandiwa.
Maling aspekto
pagbabantas

7.

ap

Anyo ng pandiwa

8.

espasyo

9.

Ilapit / pagdikitin ang salita o letra.

10.

Transpose o ilipat.

11.

Gumamit ng malaking letra

12.

Gumamit ng maliit na letra

13.

Bilugan ang salitang ingles. Isalin sa


Filipino

8. Pagsulat ng Pinal na Kopya


1. Matapos iwasto, muling basahin ang nabuo at naitamang burador at simulang itama ang mga
mali.
2. Matapos maitama, muling isulat sa sulating papel na ibibigay ng guro bilang pinal na sulatin.
3. Maging maingat at gumamit lamang itim o asul na panulat.

B. INTEGRASYON SA GRAMATIKA

Ikawalo Ikasiyam na Araw


9. Ponemang Suprasegmental at Di- berbal na Komunikasyon
Sa wakas, natapos mo rin ang pagsulat ng alamat. Ating simulan ang malikhaing pagkukuwento sa
pamamagitan ng pagbibidyo ng sarili. Subalit bago simulan ang ito. Tanadaan ang mga
sumusunod na gabay upang maging malikhain at matagumpay ang iyong pagkukuwento.
Panoorin natin ang halimbawang video.

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Gabay na tanong?
1. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga naging dahilan kayat naging mahusay at matagumpay
ang malikhaing pagkukuwento? Magbigay ng isa at magbigay ng patunay.

Isa sa mga bagay na dapat tandaan para sa isang mahusay na pagkukuwento ay tamang
diin, tono, at antala o hinto o mas kilala bilang mga ponemang suprasegmental.
Ang DIIN ay tumutukoy sa bigat o lakas ng pagbigkas ng tunog sa isang salita, o kayay
ng isang salita sa loob ng isang pangungusap. Sa wikang Filipino, makabuluhan at
makahulugan ang pagbabago ng diin sa mga salita. Narito ang mga halimbawa:

buhay life
buhay alive
tala bituin
tala - rekord

Subukang basahin ang mga sumusunod na pahayag:


1. Maraming babae ang kasapi sa organisasyong Gabriela Partylist.
2. Maraming babae ang kasapi sa organisasyong Gabriela Partylist.
Ano ang pinagkaiba ng dalawang pahayag?
3. Malaya ang Pilipinas.
4. Malaya ang Pilipinas.
Ano ang pinagkaiba ng dalawang pahayag?
Ang TONO naman ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pangungusap. Batay sa tono
ng pangungusap ay maaaring magbago ang kahulugan nito. Narito ang ilang mga halimbawa:

Mag-aaral ka? (tanong)


Mag-aral ka. (utos)
Mabait siya. (nagpapahayag ng katotohanan)
Mabait siya? (nagpapahayag ng katanungan o pagdududa)
Mabait siya! (nagpapahayag ng pagkabigla sa nalamang katotohanan o nagpapahayag ng
pagbibigay- diin sa ipinahahayag.)

Ang HINTO naman ay tumutukoy sa paghahati- hati o pagpapangkat pangkat ng mga salita sa
isang pahayag. Nakapagdudulot ng pagbabago sa kahulugan ng pangungusap ang pagbabago
ng hinto o antala sa mga salita.
Narito ang mga halimbawa:

Doktor/ (si) Ana / ang kapatid ko//


Doktor Ana / ang kaibigan ko//
(Si) Doktor Ana ang kaibigan ko//
Ano ang pinagkaiba-iba ng mga pahayag?

Ang ikalawang bagay sa matagumpay na pagkukuwento bukod sa ponemang suprasegmental ay


Komunikasyong Di-berbal. Ito ay tumutukoy sa uri ng pagpapahayag na ipinapakita sa

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin, tikas o tindig , ekspresyon ng mukha at iba pang
anyong hindi pasalita.
Isa sa mga uri ng komunikasyong di- berbal ang kinesics. Saklaw ng kinesics ng mukha at mga
senyas ng katawan (kilos / galaw o gesture).
Sa pamamagitan ng senyas ng katawan, ibat ibang damdamin ang naipapahayag. Narito ang
ilang mga uri ng senyas ng katawan:
O Sagisag (emblem)

O Tagapaglahad (illustrators)

O Pangontrol (regulators)

O Pandamdamin (affects display)

Gawain 10 : Ponemang Suprasegmental


A. Panuto: Ibigay ang wastong bigkas ng bawat salita. Ibigay rin ang pantig na may diin ayon sa
kahulugan nito. Isulat ang sagot sa patlang.
Halimbawa:

haMON ham
HA : mon challenge

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

1. saya (skirt) ___________


saya (rejoice) _________

A.Y. 2015 - 2016

4. upo (vegetable) __________


upo (seat) _____________

2. pala (shovel) ___________


pala (interjection) _________

5. aso (dog) ___________


aso (smoke) _________

3. paso (burn) ________


paso ( flowerpot) ___________

6. baga (ember) _____________


baga (lungs) ______________

B. Panuto: Lagyan ng angkop na antala o hinto ang sumusunod na bahagi ng akdang Alaala ni
Liwayway A. Arceo sa pamamagitan ng paglalagay ng (/).
Itay bakit malamig ang tainga mo?
Tatawa si Ama Talaga?
Hahaplusin ni Ama ang aking likod Sige anak kunin mo ang libro mo at magbasa tayo.
Basta may itatanong ako sa iyo pero hindi talaga ang sagot ah?
Ano iyon?
Bakit mo ko tuturuang bumasa titser ka ba?
Hindi ako titser ngunit gusto ko maging marunong ka.
C. Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na mga pahayag.
a. Hindi, si Lilia ang nanalo sa timpalak.
_______________________________________________________
b. Hindi si Lilia ang nanalo sa timpalak.
_______________________________________________________
c. Padre, Tony, si Dodong.
_______________________________________________________
d. Padre Tony si Dodong.
_______________________________________________________

REFERENCES:

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

SANAYSAY NG LUZON
DALOY NG ARALIN
I.

INTRODUKSYON

Ikalabing-limang Araw
Alam mo ba ang larong 4 pics 1 word na laro. Halikat subukang hulaan ang mga
sumusunod na larawan na may kinalaman sa ating paksa ngayong araw.

M N D O L A I E
May ideya ka ba kung saan matatagpuan ang Mendiola? Nakarating ka na ba dito? May
ideya ka ba kung bakit ito sikat o bakit nga ba sikat na lugar ito? Ano nga ba ang ginagawa
ng mga tao rito?

II.

INTERAKSYON

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Gawain 11 : Pagsusuri sa Pamagat


Panuto: Gamit ang concept map. Magbigay ng iyong hinuha kung tungkol saan kaya ang sanaysay
na babasahin batay sa pamagat nito.

Nang maging
Mendiola ko ang
iNternet Dahil kay
Mama

Gawain 12 : Talasalitaan
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap . Tukuyin ang salitang- ugat at panlaping
ginamit pagkatapos isulat sa patlang ang kahulugan ng may salungguhit na salita.
1. Iyan ang paulit-ulit na dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman
ako nagsalita upang ipagtanggol ang aking sarili
2. Kaagapay ng ating utak ang ating bibig upang makapagsabi tayo ng mabubuting bagay.
3. Minsan, nakatatakot sabihin ang nilalaman ng saloobin dahil hindi ka naman naiintindihan
ng iba.
4. Paano kaya nila sasabihin ang mga gusto nilang sabihin kung ipinagkait sa kanila ang
kakayahan at karapatang makapagsalita?
5. Alam ko na mag-aaksaya lang sila ng panahon, pati na rin ng kuryente na nagbabadyang
tumaas na naman ang halaga.
6. Sa unay nag-aalinlangan akong magbigay ng opinyon pero nag-aalala ako na baka hindi
nila magugustuhan ang sasabihin ko...
7. Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nakapansin sa sinulat ko. Marami ang naglike ngunit
may ilan-ilang ding umalma.
8. Hindi ka maniniwala, pero marami ang namamangha sa dami ng maaari mong
mapakinabangan sa paggamit ng sabong iyon.
9. Maraming kaganapan sa ating lipunan na dapat nating masabi sa taong-bayan.
10. Pero ngayon, panatag ko nang nailalahad ang aking mga opinyon, pananaw, at mga
nararamdaman kay Mama, at pati na rin sa mga taong malalapit sa aking buhay.

Salitang- ugat

Panlaping Ginamit

Kahulugan

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Ikalabing-anim Araw
Gawain 13 : Pagbasa ng Halimbawang Sanaysay

Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet Dahil kay Mama


ni Abegail Joy Yuson Lee
(Ikalawang Gantimpala, Carlos Palanca Memorial Awards para sa Kabataan Sanaysay)
Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip. Iyan ang
paulit-ulit na dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman ako nagsalita
upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong hindi nagsasabi ng tunay na
nararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong may punto naman siya doon. Tama naman talaga
siya. Ginagamit natin ang ating mga bibig para maisalita kung ano ang ating mga saloobin
kaagapay ang utak upang iproseso ang mga napapansin at kapansin-pansing mga bagay-bagay na
nangyari sa ating paligid.

Ngunit, naisip ko, habang sinasabi na naman niya sa akin ang paborito niyang linya, paano
naman kaya ang mga piping hindi naisasalita ang kanilang mga saloobin? O kaya, ang mga taong
katulad ko na nahihiya o kung minsan ay natatakot isalita ang mga saloobin? Paano kaya nila
sasabihin sa mga tao sa paligid nila ang kanilang mga hinaing? Paano kaya nila maipararating ang
kanilang mga nasasaisip. Paano kaya nila maipagtatanggol ang kanilang mga sarili laban sa iba?
Hindi naman sa lahat ng oras ay nariyan ang mga taong nakauunawa sa bawat pagkumpas ng
kanilang mga kamay at pagbabago ng ekspresyon ng kanilang mga mukha o ang mga simpleng
pananahimik nila sa sulok ng bahay. Nagtataka ako. Paano kaya nila sasabihin ang mga gusto
nilang sabihin kung ipinagkait sa kanila ang kakayahan at karapatang makapagsalita?

Ang lahat naman ay magagawan ng paraan, ang motto nga ni Mama.


Salamat sa internet! Ito ang nagsilbing tulay ko upang maipahayag sa aking mga kausap
ang ilang mga bagay na hindi ko kayang maiparating nang tuwiran. Hindi ko man maisatinig palagi
ang mga nais kong sabihin, maaari ko namang maisulat ang mga ito. Gamit ito, naipaparating ko
sa aking mga kaibigan ang aking kasalukuyang kalagayan, opinyon, pananaw at mungkahi ukol sa

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

ilang mga isyung personal at panlipunan. Minsan nga ay nabasa ko ang ipinost ng isa kong
kaibigan sa Facebook. Nanghihingi siya ng mga mungkahi sa kung anong magandang gawin
ngayong bakasyon. Marami ang nagbigay ng kanilang mga opinyon. May mga nagsabing magbabad
na lamang sa pagfe- Facebook. May mga nagsabing maglaro na lamang daw sila ng mga computer
games. Alam ko na mag-aaksaya lang sila ng panahon, pati na rin ng kuryente na nagbabadyang
tumaas na naman ang halaga. Hindi ako sumang-ayon sa mga mungkahi nila. Sa unay nagaalinlangan akong magbigay ng opinyon pero nag-aalala ako na baka hindi nila magugustuhan ang
sasabihin ko o baka hindi maganda ang magiging reaksiyon ng mga makakapansin sa aking
isusulat. Ngunit, maya-maya ay napagpasyahan ko na magbigay na rin ng aking opinyon. Naisip
ko, wala namang masama kung susubukan kong magtipa ng mga nais kong sabihin. Iyon ang unang
pagkakataong nagbigay ako ng opinyon maliban sa mga madalas kong iminumungkahi na hahaha,
tama, at kung ano-anong mga pangkaraniwang ekspresyon. Sulitin mo ang summer, kumain ka
ng sorbetes o di kayay mag-swimming ka para ma-enjoy mo ang init ng panahon. Kung gusto
moy pwede ka ring mag-exercise, magiging fit ka pa niyan. Sumulat ng blogs tungkol sa iyong
sarili o ilang mga tula tungkol sa iyong mga nararamdaman ngayong tag-init.
Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nakapansin sa sinulat ko. Marami ang naglike
ngunit may ilan-ilang ding umalma. Gayunpaman, natuwa pa rin ako dahil marami ang nagsabing
maganda ang mungkahi kong iyon. Kahit papaanoy naibahagi ko ang mga ideyang maaaring
makatulong sa iba, hindi ba? Kaya simula noon ay ganap nang natanggal ang mga pag-aalinlangan
kong magkomento o magpahayag ng aking mga opinyon, pati ang mga nais kong sabihin ay
madalas ko na ring ipinopost sa Facebook at Twitter.
Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita, isa na naman iyan sa mga
pahayag ni Mama. Ang pahayag na iyon ni Mama ang nagpapaalala sa akin kung bakit hindi ako
nagaalangang maghayag ng aking saloobin sa internet sapagkat ito ay hindi namimili ng tao. Sa
madaling salita walang diskriminasyong nagaganap sa mundong ito. Lahat ay puwedeng gumamit
nito. Bukas kasi sa publiko. Walang pinipiling taong gagamit. Mapabata, estudyante,
mangangalakal, guro, doktor, mga kawani ng gobyerno, mga tagapag-ulat, manunulat, mga lolot
lola, maging ang mga may kapansanan sinuman ay mamamangha sa dami ng pakinabang nito.
Siyempre, hindi magpapatalo ang mga kabataang tulad ko. Ito ngayon ang paraan ko at ng iba
pang kabataan para ipaalam sa lahat ang reaksiyon, opinyon, at saloobin namin tungkol sa mga
nangyayari sa aming paligid pamilya, pamayanan, lipunan at mundo. Ang bawat titik na itinitipa
namin sa kompyuter ay may mahalagang mensahe. Umaasa kami na mapapansin ang mga
ipinopost naming mga blogs sa internet, na kahit sa mundo ng cyberspace ay puwede naming

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

baguhin ang realidad, na maaari naming gawing tama ang ilang mga maling napapansin namin sa
paligid, at hindi lang kami bastabasta nagpapalipas ng oras gamit ito.
Alam kong mapatutunayan namin ito.
Napag-isip-isip ko na kahit sa lipunan ay makatutulong kaming mga kabataan sa
pamamagitan ng internet, hindi bat kami rin naman ang sinasabing kinabukasan ng ating bayan?
Ang mga raliyista sa Mendiola ay nahihirapan na iparating ang kanilang mga hinaing sa
pamahalaan. Nakapagsasalita man sila, hindi naman sila pinakikinggan ng gobyerno. Nakatitiyak
ako na gumagamit din ng internet ang pamahalaan at siguradong mababasa rin nila ang mga
blogs na naka-post doon. Isa ako sa mga sumusuporta sa kanila kung alam kong tama ang
ipinaglalaban nila. Lahat tayoy umaasa na sa oras na mabasa ng may kapangyarihan ang mga
reaksiyon at opinyon na inilalagay natin sa internet ay malalaman nila at babaguhin ang kanilang
mga pagkakamali. Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon.
Ito na ang malayang kalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng ibat iba naming reaksiyon at
kuro-kuro sa mga maiinit na isyu at pangkasalukuyang kaganapan ng ating lipunan. Dito na namin
ipino-post ang mga naglalakihan naming plakards ng reaksiyon
at hinaing. Dito na namin ipinapakalat ang mga nalilikha naming mga tula, sanaysay, at
artikulong magbubukas ng isip sa kapwa-kabataan namin.
Hindi naman kasi totoong puro kompyuter at pagfe-Facebook na lang ang inaatupag
ng lahat ng mga kabataan ngayon. Siguro ngay napapansin na halos di kami matinag sa harap ng
kompyuter pero hindi naman sa lahat ng oras ay naglilibang lang kami. Dala na rin siguro ng
modernisasyon kaya nakasanayan na naming gumamit ng internet para maipahayag namin ang
aming mga sarili ang aming mga saloobin, mga pananaw, reaksiyon, at mga opinyon. Alam kong
may pagkakatong hindi na rin namin makontrol ang aming mga sarili sa paggamit ng internet, at
inaamin ko na nagkakamali kami, pero sanay maunawaan ninyo na sa mga edad naming ito ay
masyado kaming sensitibo, mausisa, at mapaglakbay sa totoong mundo at sa mundo ng
cyberspace. Nais naming ilabas ang aming mga saloobin sa pamamagitan ng internet.
Tuwing kinakausap ako ni Mama noon ay nakikinig lamang ako sa kanya. Para akong
piping hindi nagsasalita kapag tinatanong niya ako kung ano ang opinyon at pananaw ko sa isang
bagay. Hindi ko alam kung nag-aalala ako na baka mali ang masasabi ko o natatakot ako sa
magiging reaksiyon niya. Pero ngayon, panatag ko nang nailalahad ang aking mga opinyon,
pananaw, at mga nararamdaman kay Mama, at pati na rin sa mga taong malalapit sa aking buhay.
Para akong piping natutong magsalita. Salamat kay Mama sapagkat natuklasan kong maging
Mendiola ang internet na naging dahilan sa pagsasatinig at pagsasatitik ng aking mga saloobin.

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Malaking bagay na natuto akong ibahagi ang aking nararamdaman, ideya, at karanasan dahil alam
kong makatutulong din ang mga ito sa ibang tao. Ewan ko ba! Gumagaan ang pakiramdam ko sa
tuwing naipahahayag ko ang aking nararamdaman dito.
Mula sa :
http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/nang-maging-mendiola-ko-ang-internet.html

Gawain 15 : Malayang Talakayan


1. Tungkol saan ang nabasang sanaysay?
2. Ilarawan ang nagsasalita sa sanaysay, ano ang kanyang pinagdaraanang problema sa
kanyang sarili na karaniwang pinagdaraanan ng isang kabataang tulad mo? Ilahad.
3. Paano niya ito binigyan ng solusyon? Sang-ayon ka ba sa paraan ng kanyang ginawang
solusyon? Ipaliwanag.
4. Bilang isang kabataang Pilipino, naniniwala ka ba na Hindi puro pagfa- Facebook lamang
ang inaatupag ng mga kabataan sa kasalukuyan? Ipaliwanag ang sagot.
5. Sa iyong palagay, ano ang mensahe ng may-akda sa kanyang sanaysay na Nang Maging
Mendiola Ko Ang Internet Dahil kay Mama? Ipaliwanag.
Gawain 14 : Pagtukoy sa Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
Panuto: Sa tulong ng dayagram, bumuo ng mga kaisipang mahahango sa sanaysay na binasa.
Pangunahing Kaisipan

Mga Pantulong na Kaisipan

Ikalabing-pitong Araw
Ang iyong binasang akda ay isang SANAYSAY. Ito ay isang komposisyon sa anyong prosa na may
iisang diwa at pananaw.
Katangian ng Sanaysay
Ang isang mabuting sanaysay ay nagtataglay ng mga sumusunod:
1.Kung minsan ay hindi lantad na paglalahad.

2. May anyong pasalaysay, paglalarawan at paglalahad ng mga nagsasalungatang opinyon

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

hinggil sa paksang tinatalakay.


3. May isang paksang tinatalakay
4. May malinaw na halimbawa, angkop at mapananaligang mga batayan
5. May kawili- wiling panimula at wakas.
Layunin ng Pagsulat ng Sanaysay
1. Magpaliwanag Ilahad ang isang kalagayan sa isang malinaw, mayroong
pinagbatayan at matibay na posisyon.
Ano ang ibig sabihin ng pagmamahal?
Paano maipadarama ang tunay na pagmamahal?
2. Magturo Ipakita o ipadama kung ano ang tama o mali, makatotohanan man o hindi
sa mga pangyayari, ideya at kaisipan.
Ano- ano ang maaaring maging bunga ng pagtulong sa kapwa?
Paano ipakikita ang pagtulong sa kapwa?
3. Manuligsa Layunin nitong bigyang linaw ang isang pangyayari, iangkop ito sa
pamantayang sinang-ayunan ng nakararami at gisingin ang kanilang pag-iisip sa mga
bagay na mali o hindi makatotohanan.
Bakit dapat wakasan ang panloloko sa bayan?
Kung hindi matututo ang tao sa tamang pagtatapon ng basura, mabibigyan pa
ba ng solusyon ang baha?
4. Magpapaniwala Layon nitong baguhin ang dating paniniwala sa paniniwala ng
manunulat at hikayatin sila sa iniisip ng may-akda na tama at matuwid ayon sa
kanyang pananaw.
Ano ang kabuluhan ng sama-samang pagkilos laban sa katiwalian?
Bakit kailangang itaguyod ang family planning?

Gawain 15 : Layon ng Sanaysay


Panuto: Muling balikan ang sanaysay na binasa. Sagutin ang mga tanong at tukuyin kung
ang layunin ng pagtatanong ay magpaliwanag, magturo, manuligsa o magpaniwala.
1. Ano ang layunin ng sanaysay ?

Layon ng tanong : _______________________________________

2. Paano mo mapatutunayan na hindi lamang pagfe- Facebook lang ang inaatupag ng


mga kabataan sa ngayon?

Layon ng tanong : _______________________________________

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

3. Maituturing ba na ang Internet ay maaaring maging Mendiola? Pangatwiranan.

Layon ng tanong : _______________________________________


4. Bakit kinakailangan nating bilang kabataan na ipahayag ang ating sarili sa murang
edad lalo na sa mga isyung panlipunan na kinahaharap natin sa ngayon sa ating
bansa?

Layon ng tanong : _______________________________________


Ikalabing-walo Ikadalawamput dalawang Araw
Elemento ng Sanaysay
Upang maging mahusay sa pagsulat ng sanaysay ay mahalagang matutuhan kung paano
maisasawika ang naiiisip at nararamdaman.
Ang kaalaman sa elemento ng sanaysay ay makatutulong sa pagbuo nito.
1. Paksa - Dito umiikot ang nilalaman ng iyong sanaysay. Tinitiyak ng paksa kung anong uri ng
mga tagapakinig ang gagamit ng paksa.
2. Nilalaman Makikita ang kabuuan ng nilalaman ng sanaysay. Dito makikita ang ideya,
saloobin at maging ang nasaliksik ng may-akda. Binubuo ito ng panimula , balangkas
(katawan) at pagwawakas.
3. Pamagat Ito ang pinak-kritikal na bahagi. Sa pamagat pa lamang malalaman na kung
magiging interesado ba ang mambabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa o hindi.
Ang ating isusulat na sanaysay ay tinatawag na Sulating Pormal o Maanyo. Ito ay nagbibigay ng
impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar , hayop o pangyayari. Ang mga ito ay naglalaman ng
mahahalagang kaisipan at may mabisang pagkakasunod- sunod upang maintindihan ng
mambabasa. Ang mga salita ay akma sa piniling isyu at kadalasang may mga salitang ginagamit
kaugnay tungkol sa pananaliksik.
Narito ang mga paksang na sikat na sikat sa kasalukuyan. Pumili ng isa at simulan ang pagsulat ng
iyong burador.
1.
2.
3.
4.
5.

Aldub at Pastillas Girl , May mabuting maidudulot ba sa pagtangkilik nito?


Internet, Nakapagpapalalim Ba ng Pagkamakabayan?
Ingles nga ba ang sagot sa pag-unlad ng Pilipinas?
Heneral Luna : Bayan muna o Sarili?
Takot sa Diyos, Mayroon pa nga ba nito sa mga kabataan?

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Subuking punuuin ang talahanayan bilang gabay sa pagsulat ng burador ng iyong sanaysay.
1. Sino ang iyong target na mambabasa?
2. Anong paksa ang nais mong ihatid sa
iyong mga mambabasa?
3. Ano sa iyong palagay ang magiging
pamagat mo na tiyak kukuha sa
kanilang atensyon?
4. Ano ang layunin sa pagsulat ng iyong
sanaysay?

Gawain 16 : Pagbabalangkas
Panuto : Bumuo ng balangkas ayon sa layon ng iyong sanaysay. Gawing gabay ang
halimbawang balangkas sa ibaba.
I.
II.

III.

Panimula ( Tungkol saan ang iyong paksa?)


a.
b.
Nilalaman ( Mga impormasyon, Layon ng iyong Sanaysay)
a.
1.
2.
3.
b.
1.
2.
3.
Pagwawakas ( Konklusyon, Mensahe sa mga mambabasa)

Paraan ng Pagsulat ng Sanaysay


Gaya ng anumang komposisyon, kailangang ito ay may simula, katawan at may
wakas.
1. Simula ng Sanaysay Upang maging kaakit- akit ang iyong maging panimula,
narito ang mga teknik na maaari mong pagbatayan:
a. Paggamit ng katanungan
Halimbawa:
Bakit may mga taong tulad ng lamok na sa dugo ng iba ay nagpakabusog?
b. Paggamit ng Pangungusap na nakatatawag- pansin
Halimbawa:
Nakalulungkot isipin na ang naganap na malakas na lindol sa Cebu at Bohol
sy pwedeng magyari lamang sa isang masamang panaginip.

c. Paggamit ng isang maikling kuwento o anekdota

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Halimbawa:
Isang malalim na gabi ay napagmasdan kita. Hindi ako makatulog noon
kaya binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali- aligid sa katawan ng isang
patpating pulubing nakahandusay. Pinilit kitang hulihin ngunit hindi ko
magawa. Iniisip ko ang mahimbing na pagtulog ng lalaking wala man
lamang kumot sa katawan.
d. Paggamit ng siniping pahayag
Halimbawa:
Kapag sama ang itinanim, masama rin ang aanihin. Ito marahil ang
angkop na larawan ng isang taong gahaman sa kapangyarihan.
e. Paggamit ng salitaan o diyalogo
Halimbawa:
Bakit ka nagpapakahirap samantalang labis- labis na ang ating
kayamanan?, sabi niya sa kausap.
Gusto kong masabi naman nila na tayo ay kumikilos din, tugon ng kausap.
Sa buhay ng mga mapagkunwari ay ganito ang maaari mong marinig.
Totoo bang tagapaglingkod sila ng bayan?
2. Ang Katawan ng Sanaysay Mahalaga na magpagsama- sama ang mga
kaisipan at ideya sa maayos na pagkakasunod-sunod. Narito ang gabay sa
tamang paraan ng paghahanay ng nilalaman ng sanaysay batay sa paksa,
layunin at sa target na mambabasa.
a.
b.
c.
d.

Magsimula sa mga bagay na alam na patungo sa mga di pa alam.


Magsimula sa simple tungo sa pinakamabigat
Magsimula sa tiyak hanggang sa pinakamalawak or vice versa
Magsimula sa di- gaanong mahalaga patungo sa lalong mahalaga

3. Wakas ng Sanaysay
a. Paglalalgom ng buong nilalaman sa pamamagitan ng pag-uulit ng
pangunahing kaisipan
Halimbawa:
Kung magagawa nating ngumiti sa gitna ng kabiguan, kung tayo ay may
lakas ng loob na harapin gaano man sumasaatin ang matinding sakit sa
buhay, kung tayo ay laging nakahanda sa anumang problema, marahil, ang
tagumpay na may hatid na tunay na kaligayahan ay sa atin din makikita.
(Mula sa Talinghaga ng Buhay
ni Amando A. Rayos)
b. Paggamit ng angkop na sipi sa isang akda na nasusulat sa tula o
tuluyan
Halimbawa:
Ang nagagawa nga naman ng pagbabasa. Wika nga isang may-akda,
Kung ang lahat ng tao ay mananahimik sa isang tabi at magbabasa ng
libro, wala ng digmaan, payapa ang daigdig, liligaya ang tao.
(Ang Pamilyang Palabasa, Umuunlad, Lumiligiya ni Erlinda A. Pinga)

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

c. Pagpapahiwatig ng mga desisyong higit na humihingi ng sinundang


pagpapaliwanag
Halimbawa:
Magwawakas ako sa pamamagitan ng isang pakiusap: Isang ngiti po
naman diyan. Opo, kahit kakaputol na pilit na ngiti
(mula sa Ang Ngiti ni Miguel C. Arguelles)
d. Pag-iwan ng isang katanungan sa mambabasa upang patuloy na pagisipan nang malalim ang paksa ng katha.
Halimbawa:
Kapag matatag at matapat din ang isang tao, magiging matiwasay at
payapa ang pamumuhay sa lipunan. Ikaw, anong magagawa mo para sa
kabutihan ng bayan?
e. Paggawang hula sa maaaring maganap
Halimbawa:
Darating ang panahon, maghihilom din ang sugat na nalikha ng hindi
pagkakaintindihan.
f. Pagpapahayag ng isang punong kaisipan.
Halimbawa:
Ang pananalig sa Diyos ang pinakamahalaga sa lahat dahil tanging Siya
lamang ang pinakamatalik nating kaibigan na hindi mang-iiwan hanggat
hindi tayo nagtatagumpay.
(punong kaisipan Diyos ang pinakamahalaga sa lahat)
g. Pagsariwa sa suliraning binanggit sa simula.
Halimbawa:
Simula : Ilang beses nang ninais pahintuin ang dyipni, ngunit hindi
nagtagumpay.
Wakas : Kapag inalis ang mga dyipni, ang behikulong may sakay na
kasaysayan, sining at kultura
(mula sa Alisin Kamo ang Dyipni?
ni Valeriano Nofuente)

III.

INTEGRASYON

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

A. INTEGRASYON SA LASALLIAN CORE VALUES


Bilang isang kabataang lasalyano, paano natin mapapaunlad ang ating lakas ng loob at tiwala sa
ating sarili?
Panoorin: :https://www.youtube.com/watch?v=YMz2_S2y9WE

B.INTEGRASYON SA PAGSULAT
Gawaing Blg. 17: Pagsulat ng Padron / Burador
Handa ka na ba sa pagsulat?!
Pamantayan sa Pagbuo:
1.
2.
3.
4.

Maayos, maingat at mabisa ba ang pagkakalahad ng mga kaisipan?


Mainam ba ang mga piniling mga salita o pahayag?
May basehan o batayan bang inilahad?
Masigla ba, masaya, kaaakit- akit, at kawili- wili basahin ang sanaysay?

Sana ay nakatulong sa iyo ang talahanayang ito upang magkaroon ka ng direksyon sa iyong
isususlat mong alamat. Sige simulan mo ng sumulat!
Format : Arial 11 , 1.5 spacing at printed
1. Magkaroon ng sariling pamagat.
2. Bumuo ng tatlong talata ( panimula, nilalaman at wakas)
3. Tingnan ang rubric upang maging gabay sa pagbuo ng alamat.
Gawaing Blg. 18: Pagwawasto at Pag-eedit
Makipagpalitan sa kaklase na sa iyong tingin ay malaking tulong upang maiwasto at mai-edit
ang iyong burador. Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba.
1. Makipagpalitan ng nabuong burador sa iyong grupo upang maitama at maiwasto ang
iyong naisulat na sanaysay.
2. Gamiting gabay sa pagtatama / pagwawasto ang ipapakita ng guro.
3. Gumamit ng pulang bolpen.
4. Ibalik sa kamag- aral matapos itong iwasto.

Kahulugan
Kahulugan

Simbolo sa Pag- eedit

Mga Simbolo sa Pag- eedit


1.

mby

Maling baybay / ispeling

2.

xs

Ekstrang salita. Sobra ang mga salitang ginamit.

3.

nws

Nawawalang salita.

4.

ms

Maling salitang ginamit.

5.

map

Maling aspekto / pokus ng pandiwa.

Simbolo sa Pag- eedit


6.
7.
11.

8.
12.

9.
13.
10.

Kahulugan
Maling pagbabantas

ap

Anyo ng pandiwa
Gumamit
ng malaking letra

espasyo
Gumamit ng maliit na letra
Ilapit / pagdikitin ang salita o letra.
Bilugan ang salitang ingles. Isalin sa
Transpose o ilipat.
Filipino

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Pagsulat ng Pinal na Kopya


1. Matapos iwasto, muling basahin ang nabuo at naitamang burador at simulang itama ang mga
mali.
2. Matapos maitama, muling isulat sa sulating papel na ibibigay ng guro bilang pinal na sulatin.
3. Maging maingat at gumamit lamang itim o asul na panulat.

Ikadalawamput tatlo apat na Araw


B.

INTEGRASYON SA PAGSASALITA

Sa wakas ay natapos mo ang iyong sanaysay pero hindi pa ito natatapos, Narito naman tayo
upang bigkasin ang iyong nilikhang sanaysay. Ang tawag sa pamamaraang ito ay talumpati. Ano
nga ba ang talumpati?
TALUMPATI
Isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit o
makahikayat ng mga nakikinig.
Isang maanyong pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita .
Isang uri ng akda na tumatalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay
bigkasin sa harap ng madla na handang makinig
Isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tungkol sa isang
mahalagang paksa
Ito ay maaaring bigkasin o basahin sa harap ng taong handang makinig.

Hindi tulad ng sanaysay, ang talumpati ay mayroong apat na bahagi. Ang mga ito ay:
1.
Panimula sa bahaging ito, dito ipinaliliwanag ang okasyon o dahilan
ng pagtatalumpati gayundin ang pagbati sa mga nakikinig. Kasama na rin dito ang
pagpapaliwanag sa paksa ng talumpati.
2.
Paglalahad Ito ang katawan ng talumpati. Tinatalakay sa bahaging
ito ang paksa ng talumpati.
3.
Paninindigan Sa bahaging ito, nagbibigay ng mga patunay o
katunayan sa mga inilalahad hinggil sa paksa. Dito hinihikayat ang mga nakikinig na sumangayon sa mga paniniwala ang nagsasalita. Ang kanyang pahayag ay kailangang malinaw,
makatwiran, makatotohanan at makabuluhan.
4.
Pamimitawan Ang bahaging ito ang nagbibigay ng konklusyon sa
talumpati. Kailangang mag-iwan ng aral o impresyon sa mga nakikinig ang nagsasalita.
Binubuod niya rito ang mga sinabi niya upang hindi makalimutan ng mga nakikinig.
Muling balikan ang isinulat na sanaysay, subuking ayusin sa ganitong paraan.
Handa ka na ba?!
Bago magsagawa ng talumpati, panoorin ang mga sumusunod na video mula sa youtube.
Panoorin at suriing mabuti kung ano- ano ang mga dapat tandaan at pamantayan sa
pagtatalumpati.

Pamantayan
UNIT:
FILIPINO Napakahusay
Tinig /
Bigkas

Kilos/
Galaw

Ekspresy
on ng
Mukha

May
Panghihi
kayat sa
Madla

Mahusay
Katamtaman
DEPARTMENT:
HIGH
SCHOOL Kailangan ng

Kitang-kita ang
paglakas at
paghina ng tinig
na naaayon sa
damdamin ng
talumpati.
Napakaliwanag
ang pagbigkas .
May wastong
paglalapat ng
himig.
6
Kahanga-hanga at
angkop ang kilos
sa nilalaman ng
piyesa.
Napalutang nito
ang diwa at
damdaming
nakapaloob sa
talumpati.
5

Kita ang paglakas


at paghina ng tinig
na naaayon sa
damdamin ng
talumpati.
Maliwanag ang
pagbigkas . May
wastong
paglalapat ng
himig.

Damang- dama at
kitang-kita ang
ekspresyon ng
mukha batay sa
damdaming
nakapaloob sa
talumpati.
5
Naging kawili- wili
at kitang-kita ang
panghihikayat sa
mga nakikinig
4

Dama at kita ang


ekspresyon ng
mukha batay sa
damdaming
nakapaloob sa
talumpati.
4

5
Mahusay at
angkop ang kilos
sa nilalaman ng
piyesa.
Napalutang nito
ang diwa at
damdaming
nakapaloob sa
talumpati.
4

Naging kawili-wili
at kiya ang
panghihikayat sa
mga nakinig
3

Bahagyang nakita
ang paglakas at
paghina ng tinig
na naaayon sa
damdamin ng
talumpati.
Gayundin ang
pagbigkas .
Bahagyang wasto
ang paglalapat ng
himig.
4
Hindi gaanong
angkop ang kilos
sa nilalaman ng
piyesa.
Bahagyang
napalutang nito
ang diwa at
damdaming
nakapaloob sa
talumpati.
3
Bahagyang
nadama at nakita
ang ekspresyon
ng mukha batay
sa damdaming
nakapaloob sa
talumpati.
3
Naging kawili- wili
sa madla. May
panghihikayat
subalit
katamtaman lang
ang reaksyon ng
mga nakinig.
2

Hindi nadama at
nakita ang
ekspresyon ng
mukha batay sa
damdaming
nakapaloob sa
talumpati.
2
Hindi napanatili
ang kawilihan ng
mga nakikinig.
Walang reaksyon
ang madla.
1

Pinal na Iskor

RUBRIC SA TALUMPATI

REFERENCES:

A.Y.Iskor
2015 - 2016

Pagsasanay
Hindi nakita ang
paglakas at
paghina ng tinig
na naaayon sa
damdamin ng
talumpati.
Malabo ang
pagbigkas . Hindi
wasto ang
paglalapat ng
himig.
3
Hindi angkop ang
kilos sa nilalaman
ng piyesa. Hindi
rin napalutang ang
diwa at
damdaming
nakapaloob sa
talumpati.
2

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

PAGSULAT NG BALITA
DALOY NG ARALIN
I.

INTRODUKSYON

Ikadalawamput limang Araw


Hindi maikakaila na napakalaking impluwensiya sa ating bansa ang mga balitang ating napanonood at
napakikinggan. Dahil sa mga balitang ito, nagkakaroon tayo ng kamalayan sa kung ano ang tunay na
pangyayari sa ating kapaligiran.
Dahil sa malaking impluwensiyang naihahatid sa atin ng balita, napakalaking responsibilidad ang
pagpapahayag nito sa mga tao. Sa modyul na ito, tutulungan ka na magkaroon ng kamalayan sa
pamamahayag at makasulat ng balita.
Gawain Blg. 1 : Panonood ng Balita
Panuto: Panoorin ang tatlong halimbawang balita at sagutin ang mga katanungan pagkatapos. I-type ang
inyong sagot gamit ang Google Doc App. Pagkatapos, i-post ang sagot bilang attachment sa
Assignment na nasa inyong Google Classroom.
https://www.youtube.com/watch?v=YAUsMu2TlfU (isports)
https://www.youtube.com/watch?v=EH3Btqj0K_I (lba pang impormasyon)
https://www.youtube.com/watch?v=4iKKghtZ8A0 balita
Mga gabay na katanungan:
1.
Tungkol saan ang mga napanood na balita? Magbigay ng 1 at ipaliwanag.
2.
Bagamat lahat ng ito ay pare- parehong mga balita, paano kaya sila
nagkakaiba batay sa paraan ng mga salitang ginamit?
3.
Paano nakaapekto ang paggamit ng salita sa uri ng balita na ating
pinakikinggan o binabasa?
4.
Sa iyong palagay, ano- anong mga datos ang kailangan upang makabuo
ng isang balita?
II.

INTERAKSYON

Ikadalawamput anim pitong Araw


Gawain Blg. 2 : Lektyur : Kahulugan at Anyo ng Balita

Balita Ito ay paghahatid ng anumang impormasyon sa kapaligiran pulitka o sa lipunan. Ito ay


maaaring pasulat o pasalita sa mga pangyayaring naganap na o nagaganap o magaganap pa
lamang.
Dahil ang balita ay mahalaga at malaki ang naitutulong sa ating lipunan sa kasalukuyan kinakailangan
ito ay:
1. May ganap na kawastuhan dapat tama, makatotohanan, maayos ang pagkakalahad ng mga
detalye, tamang pagbibigay- diin , hindi magulo ang diwa.
2. Walang kinikilingan
3. Maikli lamang
4. Malinaw
5. Sariwa
6. Timbang kaukulan din sa bawat katotohanan.

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Pasalita
Ito ay pasalita kung ang ginawang midyum ay ang radyo, telebisyon, o bidyo o
podcast sa internet.

Pasulat
Kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin.

Bakit nga ba MAHALAGAng magbasa, makinig, o manood ng balita?


Ito ay dahil ang balita ay:

1. Nagbibigay- impormasyon
MANILA, Philippines Nagpaalala ang Philippine National Railways (PNR) sa kanilang mga
pasahero na bahagyang maaapektuhan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na
gagawin sa Maynila ang kanilang operasyon ngayong linggo.
Magpapatupad ng Holiday Schedule ang PNR sa mismong araw ng APEC summit sa
Nobyembre 18 at 19.
Magkakaroon ng isang-oras na pagitan ang pagdating at pag-alis ng mga tren.
Susundin naman ang regular schedule sa Martes at Huwebes.
Pinagkunan: http://www.philstar.com/bansa/2015/11/16/1522512/operasyon-ng-pnr-limitado-ngayong-apec-week

2. Nagtuturo
Panoorin ang bidyo ng Good News segment ng GMA News and Public Affairs tungkol sa
mga natural na gamot para sa ibat ibang sakit.
Panoorin:
https://www.youtube.com/watch?v=c5VRVY6XApU
3. Lumilibang
Sa mga mahilig mag-selfie at naghahanap ng kakaibang gimik ngayong weekend, swak na
swak ang isang indoor na pasyalan sa Cubao, Quezon City. Kahit maulan, mistula kang nasa
iba't ibang lugar, at may kakaibang background. Tara Grets! Panoorin natin 'to.
-TV Patrol, Biyernes, Agosto 28, 2015
http://www.abs-cbnnews.com/video/lifestyle/08/28/15/tara-grets-pumasyal-sa-art-island-sacubao
4. Nakapagpapabago
Panoorin:
Kambal na iniwan sa kahon, nakatanggap ng mga tulong gaya ng breastmilk
24 Oras (GMA 7)

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Panoorin:
http://www.gmanetwork.com/news/video/348804/24oras/kambal-na-iniwan-sa-kahonnakatanggap-ng-mga-tulong-gaya-ng-breastmilk#small
Mayroon ding ibat ibang Uri ang Balita:
A. Ayon sa Istilo ng Pagkakalahad ng mga Datos
Tuwirang Balita
Paraan ng pagsulat na parang baligtad na piramide o mula sa pinakamahalaga
hanggang sa pinakamaliit na kahalagahan ng balita.
Hindi dapat maligoy at maikli ang mga pangungusap na madaling maunawaan ng
mga mambabasa.
Panoorin ang halimbawang balita: https://www.youtube.com/watch?v=x7s1oapEpNE

Balitang Lathalain
o Nababatay sa tunay na pangyayari tulad ng tuwirang balita ngunit ang karaniwang
ayos nito ay pinagpalibang pinakamahalagang pangyayari (suspended interest
structure) kagaya ng ayos ng kwento.
o Panoorin ang halimbawang balita:
o http://www.gmanetwork.com/news/video/348951/stateofthenation/kahalagahan-ngsocial-media-mas-nakikita-tuwing-oras-ng-sakuna

B. Ayon sa Pinangyarihan ng Balita


Lokal na Balita
Mga balitang naganap sa pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng tagapakinig o
mambabasa
Ilan sa mga halimbawa nito ay:
Balitang Pambansa
Panoorin: OFW na nahulihan ng bala sa NAIA, nawalan ng trabaho sa Hong Kong
http://www.gmanetwork.com/news/video/348764/24oras/ofw-na-nahulihan-ng-balasa-naia-nawalan-ng-trabaho-sa-hong-kong#small
Balitang Panlalawigan
Panoorin: Christmas Village sa Baguio, binuksan na sa publiko
http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/regions/v3/11/14/15/tingnan-christmasvillage-sa-baguio
Narito ang iba pang halimbawa ng lokal na balita:
Balitang Pambarangay
Balitang Panlalawigan

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Balitang Panrehiyon
Balitang Pambayan
Balitang Pampaaralan

Balitang Pang-ibang Bansa (Balita sa Ibayong-Dagat)


Mga balitang naganap sa labas ng bansa

Panoorin: Astronaut, muntik nang malunod sa Spacewalk


http://news5.com.ph/videos/0AF6BA86980E4B1/astronaut-muntik-malunod-saspacewalk

. C. Ayon sa Nilalaman
1. Pang-agham at Teknolohiya
ISA pang eksperimento para makalakad ang mga paralisadong tao o yaong mga lumpo ang
matagumpay na naisagawa ng isang grupo ng mga scientist sa University of California.
Nalathala ang kanilang isinagawang eksperimento sa Journal of NeuroEngineering and
Rehabilitation.
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo
(Pang-Masa) | Updated September 27, 2015 - 12:00am
Basahin: Paralitiko nakalakad sa utos ng kanyang utak
http://www.philstar.com/punto-mo/2015/09/27/1504454/paralitiko-nakalakad-sa-utos-ngkanyang-utak
2. Pangkaunlarang Komunikasyon
Mabilis na pagpapadala ng mensahe sa gitna ng anumang sakuna. Posible ba ito kahit
walang kuryente at linya ng telepono? Alamin sa pagpa-Patrol ni TJ Manotoc. TV Patrol,
Oktubre 23, 2015, Biyernes
Panoorin: ALAMIN: Mobile app na pwedeng gamitin kahit walang signal
http://www.abs-cbnnews.com/video/lifestyle/gadgets-and-tech/10/23/15/alamin-mobileapp-na-pwedeng-gamitin-kahit-walang-signal

3. Pang-isports o Pampalakasan
MANILA, Philippines Kasabay ng pagpapatupad ng K-12 curriculum ay hiniling ni independent
presidential candidate Sen. Grace Poe sa Department of Education (DepEd) na repasuhin at
baguhin ang mga patakaran at regulasyon na gumagabay sa Batang Pinoy at sa Palarong Pambansa.
(Pilipino Star Ngayon) | Updated November 17, 2015 - 12:00am
Basahin: Patakaran sa Batang Pinoy, Palarong Pambansa pinababago
http://www.philstar.com/psn-palaro/2015/11/17/1522675/patakaran-sa-batang-pinoy-palarongpambansa-pinababago
Mayroong ring ibat ibang Anyo ang Balita:
1. Tuwirang Balita paraan ng pagsulat na parang piramide mula sa pinakamahalaga hanggang sa
pinakamaliit na kahalagahan ng balita. Hindi dapat maligoy at maikli ang mga pangungusap na
madaling maunawaan ng mga mambabasa.
2. Balitang Lathalain Nababatay sa tunay na pangyayari tulad ng tuwirang balita. Ang karaniwang
ayos nito ay pinagpalibang pinakamahalagang pangyayari (suspended interest structure) kagaya

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

ng ayos ng kwento. Ito ay nasa pagitan ng pagbabalita , editoryal o lathalain batay sa paksa at
pamamaraan.
3. Balitang Iisang Paksa Iisang pangyayari o paksa ang taglay ng pamatnubay. Sa katawan ng
balita ipinaliliwanag ang detalye.
4. Balitang Maraming Itinatampok Maraming bagay o paksa ang itinatampok sa pamatnubay.
Nakahanay sa pahupang kahalagahan (accdg. to decreasing of importance). Ang papaliwanag sa
mga paksa ay nakahanay sa katawan ng balitana ayon na din sa pagkakaayos ng mga ito sa
pamatnubay.
Mga Katangian ng Balita
1. Kawastuhan
Ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.
2. Katimbangan
Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan o pinapaboran sa alinmang panig na sangkot.
3. Makatotohanan
Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.
4.Kaiklian
Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan at hindi maligoy.
Gawain Blg. 3 :
Panuto: Ngayon naman, sukatin natin ang iyong natutunan sa bahaging ito ng modyul. Ngunit
bago mo puntahan ang link sa Google classroom, magbalik-aral ka muna sa mga paksang
tinalakay:

Balita
Kahulugan
Paraan ng Paglalahad (Pasalita at Pasulat)
Kahalagahan
Uri
Katangian

Handa ka na ba para sa Maikling Pagsusulit? Kung gayon, sundin ang mga PANUTO sa ibaba:
1. Buksan ang inyong Google Classroom sa Filipino.
2. I- click ang link na may pamagat na Kahulugan, Kahalagahan, Uri at Katangian ng Balita
Sagutan ito.
Ikadalawamput Walo Siyam na Araw
Ang isang balita ay nagiging balita lamang kung ito ay nakapupukaw ng
interes ng mga tagapakinig o mambabasa. Kaya maaaring sabihing
ang anumang naganap na balita para sa isa ay hindi balita para sa iba.
Upang makuha at mapanatili ang interes at kawilihan ng mga mambabasa o
tagapanood, kailangang makita ang mga sumusunod na sangkap sa pagsulat ng
balita.

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Gawain Blg. 4 : Lektyur : Sangkap ng Balita


Sangkap ng Balita
1.

Kapanahunan
Ito ay bago pa lamang nangyari o maaaring matagal na ngunit ngayon lamang natuklasan.

2.

Kalapitan
Mas interesado ang mga tagapakinig o mambabasa na malaman ang nagyayari sa
kanilang paligid o pamayanan kaysa sa malalayong lugar.

3. Kabantugan
Tumutukoy sa pagiging prominente o kilala ng taong sangkot sa pangyayari.
4. Kakatwahan o Kaibahan
Mga pangyayaring di karaniwan tulad halimbawa ng isang tao na nangagat ng aso o ng
isang hayop na dalawa ang ulo.
5. Tunggalian
Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban ng tao laban sa kapwa tao, maaari rin itong
pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng tao laban sa kaniyang sarili.
6. Makataong Kawilihan
Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring nakapupukaw sa ibat ibang uri ng
emosyon ng tao: pag-ibig, poot ,simpatiya, inggit at iba pa.
7. Romansa at Pakikipagsapalaran
Tinatalakay dito hindi lamang ang buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng mga artista kundi
ang pakikipagsapalaran din ng mga ordinaryong tao tulad ng pagliligtas ng batang si Rona
Mahilum sa kaniyang mga kapatid sa nasusunog nilang bahay
8. Pagbabago at Kaunlaran
Anumang pagbabago at kaunlarang nangyayari sa pamayanan ay maaaring paksain ng
balita tulad ng pagpapatayo ng mga bagong gusali,kalsada, pamilihang
bayan at iba pa.

Gawain Blg. 5 : Pagtataya sa Sangkap ng Balita


1. Buksan ang Google Classroom.
2. I- click ang link na may pinamagatang Sangkap ng Balita
3. Sagutan ito.
Gawain Blg. 6 : Pananaliksik
Panuto:
1. Pumili ng ISANG paksa na nais mong gamitin sa pagsulat ng iyong sariling balita.
2. Sikapin na ang paksang pipiliin ay umaayon sa Sangkap ng Balita.
3. Manaliksik ng maraming impormasyon na makatutulong upang suportahan ang paksa ng iyong
balita.
4. Punuin ang talahanayan at isulat ang sagot gamit ang Google Doc app at I-attach sa google
classroom na may pamagat na : Assign: Pananaliksik : Paksa ng Balita

Paksa ng Balita:

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Anong Sangkap ng Balita ang isinaalang- alang sa pagpili ng paksa ng Balita?:

Mga Tiyak na Impormasyon mula sa paksa ng Balita : (Magbigay ng 10


impormasyon)

Sanggunian :

Ikatatlumpo Ikatatlumpot isang Araw


Hindi sapat ang mga nakalap na mga impormasyon upang maging balita ito.
Kailangan ding tandaan na ang balita ay dapat makakuha ng atensyon ng
mga mambabasa at dahil dito nararapat mong malaman ang pagbuo ng
Pamatnubay.

Ang pamatnubay ay pangunahing bahagi ng isang balita na matatagpuan


sa unang talata.
Ito ay naglalaman ng pinakatampok o pinakamahalagang pangyayari sa
Gawain Blg. 6 : Panonoood ng Video / Pananaliksik
Panuto:
1. Halikat panoorin ang https://www.youtube.com/watch?v=njfKeUycKEE o di kayay basahin
ang http://www.slideshare.net/allanortiz/pagsulat-ng-balita-at-pamamahayag?
next_slideshow=1 at alamin mo kung ano-ano ang ibat ibang uri ng Pamatnubay (Lead).
2. Matapos ang pananaliksik, isulat sa talahanayan ang mga nasaliksik. Siguraduhing nasa
wikang Filipino ang inyong sagot. Gawin ito sa Google Doc app at i-post ang file sa
Assignment sa inyong Google Classroom na may pamagat na:
Pananaliksik sa mga Uri ng Pamatnubay
3. Narito ang talahanayan na iyong gagamitin.

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

Mga Uri ng
Pamatnubay

A.Y. 2015 - 2016

Kahulugan

Gawain Blg. 7: Pagsulat ng Pamatnubay


Panuto:
1. Balikan ang mga datos na nasaliksik mula sa Sangkap ng Balita.
2. Bumuo ng sariling pamatnubay. Gawing gabay ang mga uri ng pamatnubay na iyong nasaliksik.
3. Gamitin ang talahanayan sa susunod na slide. Ilagay ito sa isang buong papel.
4. Kuhaan ito ng larawan at I attach ito sa google classroom na may pamagat na Assign : Pagsulat
ng Pamatnubay.

Bumuo ng sariling halimbawa ng pamatnubay batay sa nasaliksik na


datos:
Uri ng pamatnubay na gagawin?

UNIT: FILIPINO

III.

INTEGRASYON

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

Ikadalawamput siyam na araw Ikatatlumput apat na araw


A. INTEGRASYON SA PAGSULAT NG BALITA
O hayan! Marahil ay maaari ka na ngayon makapagsulat ng iyong sariling balita. Bago ka
magsimula ay tandaan mo ang mga sumusunod:
1. Itala ang mga pangyayari, unahin ang pinakamahalaga paibaba.
2. Piliin sa mga hawak na tala ang pinakamahalaga at kawili- wili, at iyon ang gamitin sa pagsulat
ng pamatnubay.
3. Buuin sa sarili ang pamatnubay, unahin ang pinakamahalaga sa anim na tanong.
4. Isulat ang pamatnubay na pangungusap. Gawin hanggat maaari na maikli , simple ngunit
makahukugan at may dating ang pamatnubay.
5. Isulat ang katawan ng balita.
6. Gamitin ang karaniwang ayos ng pangungusap (unahin ang pandiwa/ panaguri bago ang
paksa o simuno).
7. Ilagay ang source sa unahan ng pangungusap.
8. Isulat ang buong pangalan ng taong binanggit sa unang pagkakataon.
9. Sa pagsulat ng petsa, gamitin ang ganitong format: ikalima ng Nobyembre (Nobyembre 5)
10. Iwasang simulan ang pagbabalita sa pagsasabi ng petsa.
Mula sa : http://journalism.about.com/od/writing/a/broadcast.htm

REFERENCES:

UNIT: FILIPINO

DEPARTMENT: HIGH SCHOOL

A.Y. 2015 - 2016

You might also like