Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21
ANG MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK:
GABAY SA PAMIMILI NG PAKSA AT PAGUO
NG SUIRANIN NG PAG-AARAL GROUP 3 Ayon kay Susan B. Neuman (1997) na binanggit nina Evasco et. Al (2011) sa aklat na “Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Pnlipunan, Panitikan at Sining” ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasgutan sa mga partikularna katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran. Patuloy ang pananaliksik sa iba’t ibang paksa at phenomenon dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mg apangyayari at pagbabago sa kaniyang paligid kasabay ng pagunawa, tumutuklas ang tao ng iba’t ibang imbensiyonat kaalaman. KAHULUGAN AT KABULUHAN NG MAKA- PILIPINONG PANANALIKSIK
• Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan at
kabuluhan.Mailalatag ang halaga ng pananliksik kung isaalang-alang ang pangangailangan ng lipunang kinaluluguran nito.Sa Pilipinas na dumanas ng mahabang kasaysayan ay nanatiling bansot at nakaasa ang mga siyentipikong pananaliksik sa mga banyagang kaalaman.Hamon para sa mga Pilipinong iskolar at mananaliksik ang pagbuo ng kalinangan sa pananaliksik na nagmula sa at ginabayan ng sariling karanasan, umuugat sa aral ng kasaysayan, at nagsisilbi para sa sambayanan. Sa ganitong konteksto, malaki ang pangangailangang paunlarin ang maka-Pilipinong pananaliksik na naiiba sa tradisyunal na pananaliksik sa kanluran. • Ang maka-pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan. Hindi maiiwasan na nasa wikang ingles o iba pang wika ang isang pananliksik, kailangan pa rin isalin ito sa Pilipino upang mas mapakinabangan. Mahalaga ang pamimili ng mananaliksik sa wika at paksang gagamitin sa pananaliksik. Ang mahusay na pamimili ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat at halaga ng pananaliksik.Maisasagawa ang mahusay na pamimili kung isasa-alang alang ang kontekstong panlipunan at kultura ng lipunang kinabibilangan. Makabuluhan ang naging pagninilay ni Dr. Bienvenido Lumbera (2000), Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, sa kanyang aklat na “Writing the Nation, Pag-akda ng Bansa,” hinggil sa usapin ng pamimili ng paksa sa pananliksik. Bakit hindi paksaing Pilipino? Tanong ito ng isang kababayang kararating lamang sa Indiana University mula sa Pilipinas. Ginulantang ako ng tanong. Sa loob kasi ng talong pagkakalayo sa sariling bayan, hindi sumagi sa isipan ko na importante pala na iugnay ko ang aking mga plano para sa sariling hinaharap sa mga pangngailangan ng aking bayang tinubuan. Taong 1959 noon, at simula iyon ng aking re-edukasyon bilang intelektwal na ang kamalaya’y hinubog ng kulturang kolonyal. • Ang pagninilay na ito ni Lumbera ang tuluyang nagbunsod ng desididong pagkiling niya bilang iskolar na itanghal ang wikang Filipino at paksang Pilipino sa kaniyang pananaliksik sa kultura at panitikan. Mula noon, “Itinaguyod niya ang posisyon na ang wikang pambansa ay wika ng marunong at wikang hindi naghihiwalay sa intelektwal sa sambayanan. • Ayon kay Rosario Torres-Yu sa aklat niyang “Kilates: Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas.” Para sa kaniya, Malinaw na ang intelektwal na gawain ay hindi pansarili lamang, bagkus ay kailangang iugnay ito sa pangangailangan ng bayan. Ang pagpili ng paksa at wika sa pananaliksik ay pamimili rin kung para kanino ang gagawing pananaliksik. Kung para ito sa bayan, nararapat na it ay nasa wika at karanasang nauunawaan. • Malinaw na tinutukoy sa karanasan ni Lumbera na ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino sa pagpapaliwanag at pagpapakahulugan, pumapaksa ng karanasan, asspirasyon ng mga Pilipino sa iba’t-ibang larang at disiplina at naisasakonteksto sa kasaysayn at lipunang Pilipino. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naayon sa interes at kapaki- pakinabang sa sambayanang Pilipino. - Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik [ara sa kalahok nito o pinatutungkulan ng pananaliksik. - Ayon kay Virgilio Enriquez (1976), proponent ng Sikolohiyang Pilipino, kailangang “ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikin. - Kilalanin munang mabuti ang mga kalahok at hanguin sa kanila ang paksa, nang ganoon ay may kaugnayan ito sa kanilang pamumuhay. - Kalimutan ang sariling hangarin at ituon ang pag-aaral sa pangangailangan at hangarin ng kalahok. Upang maisagawa ito mahalaga anng pakikipamuhay at pag-alam sa kanilang kondisyon. Pinaunlad ni Enriquez ang iba’t iabang metodong angkop sa kultura at pagpapahalagang Pilipino gaya ng pagmamasid, paggamit sa pakiramdam, pagtatanong-tanong, pagsubok, pagdalaw-dalaw, pagmamatiyag, at pagsubaybay. Tinukoy rin niya na mahalaga sa pananaaliksik ang pakikilahok at pakikisangkot. Kung talagang pag-aaralan ang interes ng masa, mauunawaan ng isang mananaliksik ag tinatanggap ng karaniwang Pilipino at matutunghaan ang lalim ng kaalamang galling sa kanilang karanasan. KOMUNIDAD ANG LABORATORYO NG MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK.
Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang
mamamayang Pilipino sa akademya at edukado,mahalagang tungkulin din ng pananliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na ito. Mahalagang tungkulin din ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga guro, na lumabas at tumungo sa mga komunida bilang lunsaran ng maka- Pilipinong pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag- aaral sa komunida, nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang mga mag-aaral mula sa masa. Naisisistema nila nag mga karanasang ito at muling naibabalik para sa kapakinabangan ng komunida. Sa ganitong paraan ay nagiging dinamiko rin ang mga unibersidad at paaralan sa pagtugon sa mga pagbabago at pangangailangan ng lipunan. KALAGAYAN AT MGA HAMON SA MAKA- PILIPINONG PANANALIKSIK GROUP 3 ILAN LAMANG ANG SUMUSUNOD NA HAMON NA DAPAT KILALANIN AT PANGIBABAWAN NG ISANG MANANALIKSIK SA WIKANG FILIPINO.
1. Patakarang Pangwika sa Edukasyon.
Nakasaad sa Konstitusyong 1987 ang mga probisyon kaugnay ng pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang pambansa sa pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa Sistema ng edukasyon at pamamahala. Gayunpaman, tila tumataliwas ang kasalukuyang kalagayan ng wikang pambansa lalong-lalo na sa Edukasyon. Kasabay sa pagpapawalang-bisa and Executive Order 210 na ipinatupad ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noon Mayo 2003 at ang tangkang lehislasyon ng Gullas Bill 4710 o mas kilala sa tawag na English Bill, ay pananatiling etsa-puwera ng wikang Filipino sa patakarang pangwika ng eduksayon. 2. Ingles bilang Lehitimong Wika. Ingles pa rin ang lehitimong wika ng Sistema ng Edukasyon at lakas –paggawa. Nagiging tuntungan ang pagpapaigting ng globalisadong kaayusan sa lalong pagpapalakas nito bilang wika ng komunikasyon, komersyo, at pagkatuto lalong-lalo na sa pananaliksik. Ang katastasan sa Ingles ay nagiging batayan sa pagkakaroon ng disenteng trabaho. Ayon kay Gonzalo Compoamor II sa artikulong “The Pedagogical Role of English in the Reproduction of Labor,” neoliberal ang katangian ng polisyang pangwika sapagkat umaayon ito sa pangangailangan ng ibang bansa habang tinatalikdan ang batayang tungkulin sa pambansang industriyalisasyon. Daang taon pa ang lalakbayin upang makamit ang kritikal na pananaw sa pagpaplanong pangwika sa bansa, ngunit kailangang maging ahente ng pagkuwestiyon ang mga guro at mag-aaral ng pananaliksik sa kalakarang ito. • 3. Internasyonalisasyon ng Pananaliksik. Dahil sa daluyong ng globalisasyon, maging pamantayan sa pananaliksik ng mga unibersidad at kolehiyo ay umaayon na rin sa istandard ng internasyonalisasyon na pananaliksik, ngunit nalalagay sa alanganin ang mga guro at mag-aaral na nais na magpakasalubhasa sa pananaliksik sa araling Filipino. • 4. Maka-Ingles na Pananaliksik sa iba’t ibang Larang at Disiplina. Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na batayan sa paggamit ng wika kay halos hindi pa ginagamit na wikang panturo ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan tulad ng agham panlipunan, agham at teknolohiya, matematika, pagsasabatas at pamamahala, medisina, at iba pa. Ingles pa rin ang namamayaning wika sa mga akademikong larangan at maganit pa rin ang pagsasalin ng mga pananaliksik labas sa humanidades, panitikan, at agham panlipunan. MGA GABAY SA PAMIMILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN SA PANANLIKSIK
• 1. May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling
paksa? - Kapag bagong-bago ang paksa na nais talakayin, kadalasang hindi sapat ang nasusulat na mga naunang pag-aaral at literaturang kaugnay nito. Bagama’t maaring magsilbing eksplorasyon ng bagong paksa ang pag-aaral, ipinapayo rin sa mga nagsisimulang mananaliksik na pumili muna ng paksang may sapat nang pundasyon. • 2. Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa sa malawak na saklaw? - Maaaring hatiin ang isang malaking paksa sa maliliit na bahagi at pumili lamang ng isang aspekto nito na tiyak na sasaklawin. Nalilimita rin ang pananaliksik kung tiyak ang magiging kalahok o populasyon ng pananaliksik. Ang bagong disenyo o pamamaraan ay makapagbibigay rin ng limitasyon sa pananaliksik. • 3. Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing paksa? - Tungkulin ng mananaliksik na bigyan ng panibagong dimensyon ang isang lumang paksa upang lagyan ng pagsusuri, kongklusyon at rekomendasyon batay sa bagong datos na nakalap. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtiyak na hindi duplikasyonng mga naunang pananaliksik ang paksa. • 4. Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong? - Madalas na ipagpalagay ng mga mag-aaral na ang pananaliksik ay maaaring gawin lamang sa pamamagitan ng Google, Yahoo, o iba pang search engine sa internet. Tiyakin na ang tanong ng pananaliksik ay hindi lang basta masasagot ng mga dati nang pangkalahatang kaalaman o paliwanag na makukuha sa Internet o nailathala sa libro. Kung hindi nagagamit ang siyentipikong pamamaraan ang tanong upang masagot, hindi ito maaring maging tanong sa pananaliksik.