Filipino 106 Report
Filipino 106 Report
Filipino 106 Report
CAPAGUE
Ang sa
Wika
Edukasyon
sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhanaang batas, Ingles. Ang wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.
Sa
konstitusyong nabanggit sa Seksyon 7,tiniyak dito ang wikang panturo.Kaya bilang pagtugon sa batas, naglunsad ang Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports( dating MECS )ng palisi sa edukasyong bilinggwal na nakasaad sa DECS Order No. 52, s. 1987 na may pamagat na Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987.
EDUKASYONG BILINGGWAL
Ang
magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na aralin ( subject ) sa kurikulum.
ng magkapantay na kasanayan sa paggamit ng Filipino at Ingles sa lebel pambansa sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wika at paggamit ng mga ito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng edukasyon.
Sa madaling salita, magiging wikang pantulong ang mga wikang rehiyunal sa mga unang baitang ng paaralang elementarya.
ng kasanayan ang mga mamamayan sa wikang Filipino upang magampanan nila ang kanilang tungkulin bilang Filipino, at kasanayan sa wikang Ingles upang matugunan nila ang pangangailangan ng bansa sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang bansa.
kay Gonzales(1998), isa sa pinakaepektibong tagapagpalaganap ng batayang kaalaman sa Filipino ay ang sisitema ng bawat paaralan.Dito itinuturo ang Filipino bilang isang wika at ginagamit itong midyum sa pagtuturo( Filipino, Araling Panlipunan, Eduksyon sa pagpapahalaga at iba pa. Ang pagiging epektibo nito at kabisaan ay dahil sa itinuturo ito sa isang kapaligirang pabor sa wika. Bunga nito, nagiging mabilis ang pagkalat ng wika.
SA ELEMENTARYA
2 TUON SA PAGTUTURO SA ELEMENTARYA
1
. Sa mga nagsasalita na ng Filipino, dapat silang sanayin sa mabisang pagaaral ng pagbabasa at pagsulat sa wika.
. Sa mga di Tagalog na kailangan pang maging bihasa sa Filipino, makatutulong ang pagtuturo sa kanila ng Filipino bilang istandard na wika at sanayin sila sa pakikinig at pagsasalita.
SA SEKUNDARYA
Kailangan ang pagpapaunlad ng mga gawain sa pagbasa at pagsulat. Kapag narating na ng mga estudyante ang tintawag ni Jean Piaget, isang sikolohista, ang pormal na hakbang ng kognitibong paglinang, dapat na matutuhan na nilang harapin ang mga gawain para sa mataas na order-kognitibo sa Filipino.
Halimbawa: Kaalaman sa mga katotohanan (facts) Paglalaan ng mga gawain para sa ganap na pag-unawa ng ibat ibang teksto sa sa larangang akademiko ( paglalapat ng mga prinsipyong natutunan sa kongkretong sitwasyon, paggawa ng makabuluhang analisis, pagbuo ng sintesis, malikhaing pagbuo ng mga pangyayari at ebalwasyon.
Pagpapabasa
ng mga multi-lebel na babasahin sa Filipino( tungkol sa ibat iabang paksa ) at dapat magtaglay ng mga gawaing magsasanay sa kritikal na pag-iisip at kaiangan ding hamunin ang mga mag-aaral sa pagpapahayag ng sarili sa Filipino tungkol sa mga isyung sopistikado at mataas na kaisipan.Makikita ito sa larangan ng deskripsyon, eksposisyon at panghihikayat sa pagsasalaysay.
Pagsasanay
sa mag-aaral sa tinatawag na displaced speech,isang pagpapahayag tungkol sa mga referent o bagay/ tao na hindi nakikita kundi nasa ibang lugar.Ayon sa mga sikolohista,ang ganitong kasanayan ay hindi likas na natatamo, kailangan nito ang alaga at pagsasanay
SA TERSYARYA
Ayon pa rin kay Gonzales,apat ang mahahalagang puntos na dapat isaalang-alang sa pagtuturo ng Filipino sa tersyarya.
Una, Dahil sanay na sanay na sa Filipino ang ga estudyante pagtuntong sa kolehiyo sa lebel ng BIC (Basic Interpersonal Communication) o iyong Filipino para sa gamit sosyalisasyon ( social language skills), kailangan nila ay ang Cognitive Academic Language Proficiency ( CALP Cummins 1980,1981 ) sa Filipino upang matuto sila sa paggamit ng Filipino sa higit na matataas na abstraktong pag-iisip sa mga espesyal na paksa sa kurikulum.
Tinutukoy
ng CALP ang kakayahang gamitin ang wika sa mga sitwasyong tinatawag na context reduced, ang kakayahang gamitin ang wika sa pag-aaral at pagtalakay ng mahihirap na kaisipan (abstractions).Sa madaling salita, malapit na kaugnay ng literasi ang CALP, ang kakayahang gamitin ang wika bilang kasangkapan ng karunungan, pagbasa para sa mensahe at para masiyahan at maglibang, pagsulat upang makipagtalastasan at marahil, mas mahalaga, magagamit ang wika sa paglilinaw ng kaisipan at pagtuklas ng bagong kaalaman at kaisipan.
na makabago pa. Isang abstraktong disiplinang teoretikal ang balarilal. Hindi ito daan sa mas mataas na kasanayang pangwika kundi sa kasanayan sa pagsusuri ng linggwistika.Sa kabilang dako, nararapat pa rin sigurong bigyang puwang ang pagtuturo ng aspektong pambalarila dahil kailangan ito sa pagpapataas ng paggamit ng wika.( Nasa pangangailangan ang pagtuturo nito).
Ikatlo, Bigyan at pabasahin sila ng mahihirap na teksto hanggang sa masaktan sila, para malinang ang kanilang mas mataas na antas ng kasanayan sa pagbasa.(pagbibigay ng abstrak na ideya, mapanuring pag-iisip, pangangatwirang lohikal, atb.
Ikaapat, Pasulatin sila nang pasulatin dahil isang kapangyarihan ang pagsulat sa paglagong kognitibo at pagtatamo ng CALP.Itoy mga ssulating lagpas pa sa pagsasalaysay, eksposisyon, argumento at deskripsyon.
PAKIKINIG Nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga batayang kasanayan sa pakikinig.
PAGSASALITA Naisasagawa ang makabuluhan at mabisang pakikilahok sa mga gawaing nauukol sa pakikipagtalastasan.
PAGBASA Kasanayan sa Pagkilala ng Salita Nakakamit ang higit na kasanayan sa kahusayan sa pagkilala at pag-unawa ng mga sal sa ibat ibang paraan sa tulong ng pahiwatig sa pamamagitan ng pagsusuri ng tunog ng mga salita sa pamamagitan ng kayarian nito
PAG-UNAWA
Ganap na napapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa nakakamit ang kasanayan sa mapanuringpag-unawa sa binasa natatamo ang mga kasanayan sa pagpapahalaga nagkakaroon ng higit na maunlad na kasanayang pang-aklatan
PAGSULAT Nakakaugalian ang pagsunod sa wasto at maayos na pagsulat sa paggamit ng mga sangkap sa pagsulat
Nagkakaroon nang ganap na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat sa paggamit ng sangkap sa pagsulat
a.Malinang ang kaalaman at kasanayang magamit ang narinig Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat sa angkop na sitwasyon b.Malinang ang kasanayan sa pagunawa, pagsusuri, pagpapakahulugan at pagbibigay-halaga sa mga kaisipan/paksang narinig at nabasa.
c.Malinang ang kaalaman, mga kasanayan at pagpapahalaga sa panitikang Filipino. d.Malinang ang kakayahan at kasanayan sa pagkilala at paglikha ng ibat ibang uri ng katutubong panitikan. e.Mapaunlad ang kaalaman at kasanayan sa pananaliksik at pagsasaling-wika.
Sa programang ito, ang asignatura ay tatawaging Filipino (I-IV).Itinuturo ito sa araw-araw sa loob ng 40 minuto. Kaugnay nito, maaaring mamili ang guro sa sumusunod na mungkahing modelo:
Unang Modelo- Isang linggong pagtuturo ng wika, Isang linggong pagtuturo ng panitikan Ikalawang Modelo- Unang linggo: 3 araw na pagtuturo ng wika, 2 araw na pagtuturo ng panitikan Ikatlong Modelo- kung unang itinuro ang wika, tapusin muna ito bago magsimula sa araling pampanitikan, o bise-bersa
MARAMING SALAMAT
IRYN MALLARI-ILAGAN Tagapag-ulat
Pambansang Mataas na Paaralan ng Sandoval Sandoval, Narra, Palawan