Halimbawa NG Isang Textong Narative
Halimbawa NG Isang Textong Narative
Halimbawa NG Isang Textong Narative
Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay ng
takot at pangamba sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito. Si
Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng mga alon, simula
noon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tila
tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya.
Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kaniyang
pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.
Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na kumain sa halos
kalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siya
ng napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi nitong kailangan ng buong
mamamayan ng buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon.
Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya ininda ang hampas ng alon na
bumubugbog sa kaniyang katawan, nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi na
muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao ng walang takot at pangamba sa
kanilang puso.
Pilipinas sa pagluluwas ng kopra at langis.Kabilang din sa mga iniluluwas ang produktong abaka,tabajo,asukal at
ibat ibang prutas gaya ng pinya,mangga,saging,at marami pang iba.
Hindi bat dapat ipagpasalamat ang mga biyayang ito na handog ng Diyos?
Gagawa ang mga mag-aaral ng isang tal;a ng impormasyon ukol sa pinabasang texto. Pagkatapo, tutukuyin nila ang
mga bahagi ng texto batay sa nabasa.
MAHALAGA ANG VAT SA EKONOMIYA NG BANSA
Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan kung bakit buo ang loob na
makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa
mga proyeektong pangkaunlaran. Kayat hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay
itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa ibat ibang bansa
na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapag-uwi ng mga foreign investments na
esensyal na modernisasyon ng lokal na industriya.
Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang privatization na nagpasok ng malaking salapi sa kaban ng bayan.
Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.
At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan ng
EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW.
Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos ang takbo ng buhay ng mga
Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga
mayayaman lamang ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement, real
estate at iba pa.
Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng mga mamamayan tulad ng
bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang taxation
at masugpo ang tax evasion na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.
Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais ng masama sa bawat batas
na kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at maayos na
pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig
sa problema. Kung nais nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana
nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.