No Boundaries

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 131

No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter I
Si Nicco

Malakas ang hangin, tipong nagagalit ang kalangitan sa lakas ng kulog


at kidlat, bawat patak ng ulan ay para bang mga batong nagkakalaglag sa mga
bubungan. Sa ganiton pagkakataon, may isang malakas na iyak ng bata ang
naririnig. Iyak na animo ay nakikisabay sa bagsik ng panahon. ―Uhaaaaa…
Uhaaa.. Uhaa.. Uhaaaaaaa‖

―Lena, lalaki ang anak mo. Salamat sa Diyos at naisilang mo ng


maayos ang bata.‖ Sabi ng matandang kumadrona.

―Nicco, Nicco ang gusto kong ipangalan sa bata. Mahal ikaw na ang
bahala sa anak natin.‖ – at sa pagkabigkas nito, naibigay na ni Lena ang kanyang
huling hininga. Ang iyak ng bata ngayon ay sinabayan pa ng hiyaw ng
kalungkutan ng isang asawa sa pagkawala ng isang buhay.
―Lenaaaaaaaaaaaaaaa... Gumising ka Lena. Wag mo kaming iwan.‖

PAGKALIPAS NG LABING LIMANG TAON


Lumaking matalino, mabait at may takot sa Diyos si Nicco. Maganda
ang tikas, maputi, may katangusan ang ilong, tama ang katawan, may biloy sa
pisngi, mapungay ang mata na tila may kalungkutan, may katangkaran,
mapamaraan sa buhay at higit sa lahat kinagigiliwan ng marami. Ito na ang araw
ng pagtatapos ni Nicco sa High School at kasalukuyang natapos na ang
programa para sa pagtatapos.

―Astig ka Nicco, sabi ko na nga ba ikaw ang Batch Valedictorian eh.‖

―Wala akong nasabi, tama si Rome, astig ka talaga tol. Matalino na,
mabait pa, talentado na nga, gwapo pa, artistahin talaga.‖ Dugtong ni Chad

―Ano ba, hindi totoo yun. Saka walang ganyanan mga tol, tsamba lang
to.‖ Sagot ni Nicco kasabay ng mahinang tawa at matipid na ngiti.

―Oh, ayan na si Sandra‖ sabi ni Rome ―ano sasagutin mo na ba.‖


Kasabay ang nakakalokong tawa.

1
Emmanuel R. Caleon

―Mga sira, mabait lang talaga sa akin yung tao, kayo talaga malisyoso
kayo. Wala akong balak makipagsyota, magpapari ata ako.‖ Sagot ni Nicco.

―Ke gwapo mong yan magpapari ka. Sayang ang lahi nyo.‖ Sabat
naman ni Chad.

―Hindi yan, sabi kasi ni tatay yun daw ang gusto ni nanay kapag
nagkaanak sila ng lalaki eh.‖ Sagot ni Nicco ―Alam nyo na, yun din kasi ang
hilig at gusto ko.‖

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay dumating na ang tatay ni Nicco para


ayain siyang umuwi. Matapos nito ay nagpaalam na sila sa isa’t-isa at unti-unti
na din nawalan ng tao sa lugar na pinagdausan ng programa. Sa bahay nila
Nicco samantalang nag-uusap silang mag-ama ay dumating si Fr. Rex na kura
paroko sa kanilang simbahan kung saan siya ay naglilingkod bilang isang
sacristan.

―Magandang gabi po father.‖ At kasabay ang pagmamano ni Nicco.


―Ano po ang sadya ninyo?‖

―Magandang gabi po father. Tuloy po kayo, Nicco kaw na bahala kay


father papasok lang ako sa kwarto.‖ Sabi ni Mang Juancho. ―Sige po itay.‖
Sagot ni Nicco.

―Ah iho, binabati kita. Tunay ngang pinagpapala ka ng Diyos. Narinig


ko ung speech mo kanina, ang ganda ah. Talaga ngang napakayabong na ng
kaisipan mo.‖ Pambungad ni Fr. Rex.

―Ah, salamat po father. Hindi naman po siguro tama na ako lang ang
sabihan ng pinagpapala, kung tutuusin lahat naman po tayo ay pinagpapala, nasa
pagdadala lang po ng tao yan kung paano gagamitin at isasabuhay.‖ Nakangiting
saad ni Nicco.

―Tama ka iho. Pero mabalik ako, nagustuhan ko ung sinabi mong this is
the best possible world.‖ Talagang nakakapagbigay ng pag-asa sa mga tao.
Kahanga-hanga na sa gulang mong yan ay nagagawa mong mag-isip ng
ganoon.‖

―Ah yun po ba father. Naisip ko lang po kasi na saan mundo pa ba


pwedeng manirahan ang mga tao? Wala ng mundong pwedeng tirahan kundi
dito. May hangin, may puno, may mga halaman, may tubig. Kahit na nga po ba
sabihin nating unti-unti ng nauubos at napapabayaan eh ito lang ang tanging
mundong mayroon ng mga ganun. Saka nasa tao naman po kung paano un
aalagaan. Siguro nga po, madaming kasamaan sa mundo. Pero sa paniniwala ko,
ung dami ng kasamaan ay tatlong beses na mas madami ang kabutihan. Ang
problema lamang po ay kailangan pa nating hanapin un at tayo mismo ang dapat
2
No Boundaries

makatagpo. Kung walang kasamaan hindi po natin magagawang maramdaman


kung ano ang kabutihan. Hindi natin mararamdaman ang kaligayahan matapos
ng kabutihan kung walang kasamaan. Kung sa kabilang buhay, hindi naman
tayo sigurado kung saan tayo madadako di po ba. Kung sakali mang paladin
tayo at diretso sa langit, hindi ko na po maituturing na mundo un, kasi kasama
na po natin ang Diyos nun.‖

―Hay, sabagay may punto ka iho. Siya nga pala, ikaw ang isasama ko
bukas para sa baccalaureate mass ng Colegio de San Isidro. Umaga yun,
pumunta ka na lang ng simbahan hintayin mo na lang ako dun. Sige iho, aalis na
ako, si manang Conching mo kasi nagpapatulong pa sa akin.‖

―Sige po father mag-iingat po kayo wag masyado papakapagod.‖

3
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter II
Si Andrei

―Wag nyong sasaktan ang mga anak ko.‖ Sigaw ni Doña Rita ―Ako na
lang, wag nyo na idamay ang mga bata.‖

―Sabi mo eh, pagbibigyan kita.‖ Pagkasabi ng lalaki ng mga katagang


ito ay sabay na hinataw ng tubo ang ulo ni Doña Rita. Biglang dumadundong
ang iyak sa loob ng mansion ng mga del Rosario.

―Mama‖ iyak ng mga bata ―Mama.. Mamaaaaaaa..‖

―Señorito gumising po kayo.‖

Nagising si Andrei na basang basa ng pawis at animo’y takot na takot.


―Salamat po Aling Martha.‖ Humihingal na nasambit ni Andrei.

―Nanaginip ka na naman ano iho.‖

―Opo, naalala ko na naman si Mama at yung mga hayop na


magnanakaw na yun‖

―Oh siya, wag ka na masyado magpaapekto dun. Nakaraan na yun,


pitong taon nadin ang lumipas nun, mas mahalaga ang ngayon at kung paano mo
haharapin ang bukas.‖ Sagot ni Aling Martha.

―Sige po pipilitin ko, kaso mahirap po talagang hindi magpaapekto lalo


na kung laging bumabalik.‖ Sagot ni Andrei.

―Iho, sabi nga ng kapitbahay namin past is past, pero past defines the
present. Hindi pwedeng baliwalain o kalimutan ang nakaraan lalo na kung
masakit ang naidulot nito o kaya ay matinding trauma. Sabi din nya na siguro
kung ang mas magandang gawin na lang natin ay gamitin nating lakas ang
nakaraan sa pagtanaw ng bukas at paggawa sa ngayon.‖ Sagot ni Aling Martha
―Alam mo iho, may punto ung bata na yun, kasi mas lalo tayong tatatag at
titibay sa pamamagitan nung nakaraan natin lalo na ung masasakit na
pangyayari.‖ Dagdag pa ni Aling Martha.
4
No Boundaries

Bumangon si Andrei at sabay na niyakap si Aling Martha. ―Salamat po


sa inyo, pinapagaan nyo po lagi ang loob ko. Kayo na din po ang nagiging
parang nanay ko. Salamat po.‖

―Wala yun iho. Minahal na din naman kitang parang tunay kong anak
kasi.‖ Sagot ni Aling Martha ―Ah siya nga pala, pinapatawag ka ng papa mo at
nagpapasama sa’yo sa graduation ata ng San Isidro National High School.‖

―Sige po mag-aayos lang po ako at bababa na ako.‖

―Sige basta bilisan mo.‖ Sabay nito ay bumaba na si Aling Martha.

Sa pagdating nila Andrei sa bulwagan kung saan gaganapin ang


taunang pagtatapos sa San Isidro National High School ay umugong ang mga
bulungan patungkol sa paghanga kay Andrei. Bukod kasi magandang
pangangatawan nito ay talaga namang may kagwapuhan. Matangos ang ilong,
matambok ang pisngi, may biloy sa dalawang pisngi, maputi, maganda ang mga
mata na tila laging nang-aakit, maganda ang tikas, magaling sa pananamit, at
higit sa lahat, palakaibigan at mabait na bata.

Naiwan si Andrei sa baba ng entablado samantalang ang papa nya ay


nasa taas dahil siya ang naimbitahang guest speaker sa naturang graduation.
Ilang oras din siyang naghintay at nakatapos na sa pagsasalita ang kanyang ama.
Labis na ang pagkainip ni Andrei at nais na nitong umuwi subalit sa
pamamagitan ng isang text ay sinabi ng papa niya na konting tiis na lamang at
patatapusin lang nila ang pagsasalita ng Valedictorian. May halong inis na
lumayo si Andrei at pumunta sa ilalim ng puno kung saan malapit ito sa mga tao
at kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan. Buhat duon ay naririnig pa din
niya ang kaganapan sa loob kung kaya’t makalipas ang ilang minuto batid
niyang ang nagsasalita na ay ang Valedictorian. Sa loob loob ni Andrei ay
malapit na silang makauwi.

―this is the best possible world. No matter what the circumstances are, it always
follows the goodness of having such misfortunes. My fellows, we must not see
things very badly but try to search the other side. Never blame but instead be
thankful for everything. Life is a battle of good and evil and life is a matter of
options and choices. We ourselves define the life we will take. We must bring out
the best in every raw material that are present.”

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay paulit –ulit na lamang naalala ni


Andrei ang sinabi na yun ng valedictorian lalo na ang ―this is the best possible
world.” Sa isip ni Andrei, ang pinaniniwalaan niya this is the worst world to live
in, people are corrupted and are materialist, they never think of others and of
others own personal emotions and feelings. ―Kalokohan naman ung sinabi nung

5
Emmanuel R. Caleon

valedictorian nila. Puro lang siguro pasarap sa buhay yun. Hindi nya siguro
naranasang mamatayan ng nanay o kaya patayin ang nanay n’ya sa harap niya.‖

Ilang sandali pa ay dumating na ang papa. ―Let’s go Andrei. Thank you


for waiting and coming with me.‖

Habang pauwi na sila ay namamayani ang katahimikan sa kanilang


mag-ama. Patuloy pa ding naaalala ni Andrei ang mga sinabing iyon ng
valedictorian ng SINHS. ―Ang ganda nung sinabi ni Nicco di ba?‖pagbasag ng
papa ni Andrei sa katahimikan ―Short and simple but meaningful. Ah, kailan nga
pala ang graduation nyo?‖

―Sinong Nicco? Ung valedictorian? Opo maganda nga po.‖ Kahit hindi
sang-ayon ay umoo na lang si Andrei. Sabay nito ay naalala niyang graduating
nga din pala siya at bukas na yun ―Ah, bukas po ang graduation namin ni
Andrew.‖ Napaisip si Andrei kung nasaang lupalop na naman ang kapatid nyang
si Andrew.

―Bukas na pala, nakalimutan ko, dami ko kasing invitations at


ginagawa. Pasensya na din hindi ko kayo masasamahan.‖ Sambit ni Governor
Don Joaquin ―si Aling Martha na lang ang pasasamahin ko sa inyo.‖

―Ayos lang po Pa, naiintidihan po namin.‖ Kahit may sama ng loob ay


pilit parin maging mahinahon si Andrei, pabulong nalang nyang inusal ―lagi
namang ung iba ang una para sa’yo. Kailan ba kami naging mahalaga o inuna
mo?‖

6
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter III
Ang Pagtatagpo ni Nicco at Andrei

Sa may bulwagan ng Colegio de San Isidro kung saan idaraos ang misa
para sa mga batang magtatapos ng hapon ding yun ay puno na ng mga
magulang, guro, panauhin at mga bata ang buong lugar. Bago pa man
magsimula ang misa ay nausal na ni Nicco ang paghanga sa lugar. ―Grabe ang
ganda dito, paaralan ba talaga to? Hay, puro talaga mayayaman ang
nandito,daming mas maganda pa kaysa kay Sandra, mga itsurang pang-artista
mga estudyante dito, para tuloy nakakahiya, hehehe. Kaya ko to. Di ako dapat
mahiya.‖

Mula sa malapit ay naririnig pala siya ni Fr. Rex ―Oh Nicco, bakit ka
naman mahihiya. Tandaan mo lahat ng tao ay special, kaya hindi dapat mahiya
sa iba. Men are born equal at katulad ka din nila.‖

―Salamat po Father sa ginutuang karunungan nyo. Hehehe‖

―Kaw na bata ka, halika na at magsisimula na tayo.‖

Habang si Andrei naman, bagamat hindi kasama ang kapatid sanhi ng


katamaran, ay halata sa muka ang pagkabagot. Hihikab hikab at minsan ay
napapapikit pa. ―Hoy Andrei umayos ka nga‖ sabi ng katabi ni Andrei
―nakakahiya pag may makakita sa’yo.‖

Kahit asar pilit umayos si Andrei at duon nahagip ng paningin nya si


Nicco. ―Gwapo ah‖ naiisip ni Andrei habang nakatingin kay Nicco di
namamalayan ng binata na siya ay ngingiti ngiti. Hindi malaman ni Andrei kung
bakit tila nahuhumaling na siyang titigan ang binata na kapwa din nya lalaki.
Kung sa pag-aakala nyang simpleng paghanga lang ito yun ang dapat nyang
malaman na hindi pala ito ganuong kasimple. Di napapansin ni Andrei na
tumitingin din sa kanya ang sacristan subalit agad agad ding binabawi.

Habang nasa may entabladong ginawang altar ay tila ba hindi mapakali


si Nicco. Para bang ang lakas ng tibok ng puso nya habang nagseserve sa altar.
Pakiramdam nya na may nakatingin sa kanya at sinusuri kung anung klaseng
pagkatao ba mayroon siya. Tama ang hinala niya, madami na sa mga nakikinig
7
Emmanuel R. Caleon

ng misa ang tinititigan sya at minamasdan ang mga kilos nya at nagpapakita ng
paghanga. Lalong lumakas ang tibok ng puso nya at lalong nanginig ang mga
kamay at binti nya ng mapansing mayroong isang binatilyong nakapako na ang
paningin sa kanya. Di maintindihan ni Nicco ang nararamdaman niya. Tila ba
gusto nyang magpasikat para lalo siyang pansinin ng binatang iyon subalit
pinangungunahan siya ng hiya sa lahat ng nanduduon sa bulwagan. Pinilit nyang
baliwalain at kalmahin ang sarili ngunit talagang di nya maiwasang titigan din
ang lugar na kinalalagyan ng binata.

Pagkatapos ng misa ay inaya si Fr. Rex para magminandal at sinasama


si Nicco subalit tumanggi si Nicco at mas piniling ayusin na lang muna ang
gamit nila sa baba. ―Sigarado ka ba iho na ayaw mong kumain muna?‖ tanong
ng pari.

―Ah hindi na po Father. Aayusin ko na lang po ung mga gamit natin


para mabilis tayong makabalik sa simbahan. Hintayin ko na lang po siguro kayo
sa may labasan.‖

―Sabihin mo, nahihiya ka lang ano iho.‖

Biglang namula si Nicco ―Hindi naman po sa ganun‖

―Sige na nga, ipagbabalot na lang kita. Hintayin mo na lang ako sa may


labasan‖

―Naku si Father talaga.‖

Habang nakatayo sa may labasan si Nicco at hinihintay si Fr. Rex ay


unti-unti nang nawalan ng tao sa paligid. Sa gitna ng katahimikan ay may
narinig na ingay si Nicco.

―Pwede ba Carla tigilan mo na ako. Di nga kita type.‖ sigaw ng lalaki.


Biglang lumakas ang kabog sa dibdib ni Nicco ng marinig ang magandang boses
na iyon.

―Andrei, naman seryoso ako. Paano mo ako magugustuhan kung di mo


naman ako pinapansin lagi.‖ Sagot ng babae.

Hanggang sa ang dalawang boses ay nagpakita na kay Nicco. Sigurado


si Nicco sa nakita nya at lalo siyang kinabahan. Iyon ung lalaking nakatingin sa
kanya kanina. Nagsimula ng mabalisa si Nicco. Iniisip na baka napansin din
nitong tumitingin sya sa gawi nito kanina.

Hinawakan ni Andrei ang dalawang balikat ni Carla. ―Carla I’m so


sorry if I hurt your feelings. Pero dapat malaman mo kung bakit hindi kita

8
No Boundaries

napapansin.‖ Sandaling tumahimik ang dalawa ―Bakla ako at may boyfriend na


ako.‖

―Don’t fool me Andrei. Si Steph ang dahilan diba. Hindi ka bakla


sigurado ako.‖

―No, I’m not kidding. In fact, may boyfriend na ako ngayon.‖ Sabay
lingon sa gawi ni Nicco ―kita mo hinihintay nya ako para sabay kami umuwi‖ sa
pagwika ni Andrei ng ganoon ay hindi alam ni Nicco kung ano ang gagawin
ngunit may puwang sa puso niya ang biglang sumaya at unti-unting nilapitan ni
Andrei si Nicco at biglang hinalikan sa labi. Nakakabigla, ngunit hindi magawa
ni Nicco na tabigin si Andrei. Pakiramdam niya ay gusto ito ng puso niya. Ilang
segundo ding magkalapat ang labi nila ng biglang lumapat naman sa pisngi ni
Andrei ang napakalakas na sampal. Dahil sa sampal ay nagkalayo ang dalawa.

―Walanghiya kang Andrei ka. Tandaan mo ang araw na ito. Hindi ako
papayag na hindi makaganti.‖ Banta ni Carla.

Ilang minuto nading wala si Carla ay binasag ni Andrei ang


katahimikan. ―Pasensya ka na pare, makulit lang talaga kasi.‖ Napansin ni
Andrei na tila lalong lumungkot ang mga mata ni Nicco at nakatitig sa kawalan.
Mas malungkot kaysa sa nakikita at namamasdan niya kanina. ―sige pare, kung
susuntukin mo ako ayos lang‖

―Kawawa ka naman kung susuntukin pa kita. Nasampal ka na nga at


sigurado akong masakit un.‖ Nakangiting wika ni Nicco at sabay tingin kay
Andrei.

Hindi malaman ni Andrei kung bakit bigla siyang nakaramdam ng hiya


at biglang umiwas ng tingin kay Nicco. ―Ganuon ba, basta pasensya na talaga.‖
Pakiramdam niya ay para bang natutunaw siya sa tingin na iyon. Bigla at namula
ang pisngi niya na napansin ni Nicco subalit hindi na nagawa pang usisain.

―Basta ba ikaw ang bahalang magpaliwanag kay Fr. Rex pag kumalat
ung ginawa mo weh. ― sa pagkakasabi nito ni Nicco ay may kasabay na
mahinang tawa na lalong kinakabog ng dibdib ni Andrei.

―Sige ako na ang bahalang magpaliwanag kay Fr. Rex kung saka-
sakaling gumawa ng gulo ang babaing yun.‖ May katahimikan na namang
namayani ―siguro kung hindi ko ginawa yun malamng kinukulit pa din nya ako.
Sa bahay nga laging tumatawag yun. She’s so obsessed. She’s not acting like
any normal girl out there.‖

―Naiintindihan kita. May mga bagay talaga na pag hindi mo dinaanan


sa dahas hindi ka papakinggan o papansinin. Hindi ka seseryosohin.‖

9
Emmanuel R. Caleon

―Salamat talaga pare. Salamat at naiintindihan mo ako. Siguro kung


ibang lalaki ang nandito malamang bugbog sarado na ako. Hindi naman ako
pwede gumanti kasi ako may kasalanan buti na lang at ikaw ang nandito.‖
Pakiramdam ni Andrei ay para bang napakagaan ng loob nya kay Nicco.

Ganuon din si Nicco para bang matagal na silang magkakilala sa


pakiramdam nya ―Wala yun, kung hindi kita naintindihan sana nakatikim ka na
sa akin‖ Kasunod ng mahinang tawa. ―Buti na lang at ako ang nandito noh…‖ at
ang kasunod nito ay sa isipan na lang niya sinabi ―..dahil ako ang nahalikan mo‖

―By the way I’m Andrei. Emjhay Andrei John del Rosario and you
are..‖

―Nicco, Niccollo Emmanuelle Ray de Dios. Nice meeting you.‖

―Nice meeting you too.‖

Sa gitna ng pag-uusap ay dumating na si Fr. Rex ―Nicco tara na, balik


na tayo ng simbahan.‖

―Magandang araw po father‖ sabay ang pagmamano ni Andrei.

―Magandang araw din naman.‖

―Tara na po father. Sige Andrei alis na kami. Ingat ka ah.‖ Pag-aalalang


nasambit ni Nicco.

―Sige ikaw din. Magkita pa sana tayo sa susunod.‖ Sabi ni Andrei


subalit ang puso nya ay ayaw na sanang iwan pa si Nicco.

―Oo Andrei, sana magkita pa tayo‖ – tanging nasaisip ni Nicco.

10
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter IV
Pagkabigo ng Buhay Pag-ibig ni Andrei

Sa gabi ng pagtatapos ng magkapatid na del Rosario sa High School ay


tanging si Aling Martha lamang ang sumama sa kanila. ―Mga iho,
pagpasensyahan nyo na ang Papa nyo. Madami daw talaga syang commitment
ngayon. Nalimutan daw niya na ngayon ang graduation nyo kaya tumanggap sya
ng mga appointment.‖ Pagdepensa si Aling Martha para sa papa nila Andrei.

―Wala po iyon Aling Martha, sanay na kami ni Kuya Andrei kay Papa.
Lagi naman syang walang oras para sa amin.‖ saad ni Andrew.

―Pero iho, intindihin n’yo na lang Papa n’yo. Gaya n’yo nakita ko na
malungkot din siya kanina at hindi n’ya kayo masasamahan.‖ Pagtatanggol ni
Aling Martha

―Aling Martha, wag nyo na po ipagtanggol si Papa‖ usal ni Andrew


―kung tutuusin mas magulang pa po kayo para sa amin kaysa sa kanya.‖ dagdag
pa ng binata. ―di ba Kuya Andrei.‖

Habang si Andrei ay nakatahimik lamang at patuloy na iniisip si Nicco


at ang kapangasahang ginawa n’ya dito kanina. ―Ayos lang kaya si Nicco?
Naiisip pa kaya n’ya yung ginawa ko sa kanya? Sana naman hindi n’ya ako
iwasan pag nagkita kami ulit.‖ – laman ng isip ni Andrei bago s’ya tanungin ng
kapatid nyang si Andrew.

―Kuya, kanina ka pa tahimik dyan ah. Ano ba ang iniisip mo? Baka
naman sino?‖ tanong ni Andrew

―Wala yun, may naalala lang ako pero wag mo na lang itanong dahil
walang sense un.‖ Sagot naman ni Andrei.

―Kuya ayan na si Carla oh, humanda ka baka mangulit na naman yan sa


iyo.‖

Sa pagdaan ni Carla ay tila may pang-aasar nitong sinabing ―Kamusta


ka na Andrei? Kamusta na yung boyfriend mo? Di ko akalain bakla ka pala.‖
11
Emmanuel R. Caleon

Agad ding umalis si Carla ng mapansing tila hindi siya nakikita ni Andrei at
lalong hindi naasar sa ginagawa niya.

―Oh Kuya ano naman ba ang sinasabi ng babaing iyon? Tanong ni


Andrew

―Wala, nahihibang na naman. Wag mo na lang pansinin.‖ pagdepensa


ni Andrei.

Ilang sandali na lang at natapos din ang programa subalit sumasagi pa


rin sa isip ni Andrei si Nicco. ―Hay Andrei, tigilan mo na yan, wag mo na isipin
si Nicco. Wala ka mapapala. Lalaki ka at lalaki din un. Hindi kayo talo.‖ Sabi ng
isip ni Andrei.

Nang pauwi na sila ay nakita ni Andrei ang kababatang si Chad. Si


Chad ang anak ng dating sekretarya ng kanilang papa nung Vice Mayor pa
lamang ito ng bayan nila. Nilapitan ni Andrei si Chad na higit sa isang taon na
din niyang hindi nakikita. ―Oi pare, kamusta ka na?‖ pagbati ng binata ―kamusta
graduation?‖

―Oi pare kaw pala yan‖ sagot ni Chad ―ayun nakaraos din kami
kahapon. Si Papa mo nga ang speaker naming eh.‖ Si Chad din ay kabarkada ni
Nicco sa SINHS.

―Oo alam ko, andun din kaya ako.‖

―Wow naman, at peace na pala kayo ni Papa mo.‖ Sambit ni Chad na


may tipid na tawa.

―Magtigil ka nga. Saan ba ang punta mo? Nadaan ka yata dito?‖ usisa
ni Andrei.

―Hinihintay ko ung pinsan ko, may celebration kasi sa kanila. Gusto mo


sumama ka? Shot shot lang sandali tas uwian na.‖ aya ni Chad sa kaibigan.

―Sige paalam lang ako kila Andrew. Malamang naman wala din si Papa
sa bahay pagdating namin‖

―Sige hintayin kita.‖

Sa bahay ng pinsan ni Chad na kaibigan din naman ni Andrei ay duon


napagkwentuhan ng dalawa ang tungkol sa buhay pag-ibig ni Andrei. ―Kamusta
na kayo ni Stephanie? Tinuloy mo bang ligawan?‖ usisa ni Chad.

―Pare hindi ko pa nililigawan basted na ako.‖ sagot ni Andrei ―ganuon


kasaklap pare.‖
12
No Boundaries

―Sa gwapo mong iyan, daming naghahabol sa iyo tas ayaw sa iyo?
Bakit naman daw?‖

―Hindi daw ako ang type niya. Mas type nya si Andrew pare‖ saad ni
Andrei ―at ito pa pare, nililigawan na pala siya ni Andrew at hanggang ngayon
ay nililigawan pa din siya at hanggang ngayon ay hindi alam ni Andrew na
mahal na mahal ko si Steph.‖

―Ganuon ba, sorry pare sa tanong ko. Ayos lang yun pare. Maganda na
din at hindi ka pinaasa, hindi tulad ni—―

―Shut up pare, wag mo ng ipaalala si Nicolai ang dakilang manloloko.‖


basag ni Andrei sa kaibigan.

Tumawa na lang ng malakas si Chad at ganuon din si Andrei. ―Hahaha,


hanggang ngayon pala ay di mo pa din makalimutan yung ginawa nya.‖

Biglang naging seryoso si Andrei ―Oo naman pare, minahal ko siya,


pinaglaanan ng oras, nagsakripisyo, inilaan ang buong buhay ko. Pero ano,
malalaman ko, hindi lang pala kami dalawa, apat kaming pinagsasabay-sabay
nya.‖ Biglang tumulo ang luha ni Andrei ―at masaklap pa, ako ang
pinagmumuka nyang masama.‖

―Tama na pare, wag ka ng umiyak.‖ pag-alo ni Chad ―move on ka na‖

―Mahirap talaga kasi pare,‖ sambit ni Andrei ―ayoko na talaga sanang


alalahanin pero hindi pwede, sa tuwing naaalala ko nasasaktan ako.‖

―Alam mo pare, may nakapagsabi sa akin, kung ang isang bagay hindi
talaga para sa’yo, talagang hindi mo makukuha. Pilitin mo mang makuha at
sakaling magtagumpay ka hindi ka pa din makakaramdam ng tunay na ligaya.
Dahil sa pag-aakala mong ito na ang para sa’yo, di mo alam na unti-unti na
palang sumasara ang puso mo at naitataboy kung ano ang talagang laan para
sa’yo. Ganyan din sa pag-ibig pare. Mas mainam na yung hinahanap pero wag
mong piliting makuha, dahil pag nakita mo na ang tunay na para sa’yo, ito na
mismo ang lalapit at didikit sa’yo.‖ pag-alo ni Chad kay Andrei.

―Salamat pare‖ sambit ni Andrei ―buti na lang at may tao pang kagaya
mo. Buti na lang at naging kaibigan kita, buti na lang at nakilala kita pare.‖

―Ayos lang iyon pare, basta sa tuwing maaalala mo yung mapait mong
nakaraan, wag kang iiyak, mula duon humugot ka ng lakas.‖ usal ni Chad ―wala
pang namatay na ginawang lakas ang sakit ng kahapon‖ dagdag pa nito.

13
Emmanuel R. Caleon

Pumailanlang ang katahimikan sa dalawa na kapwa apektado na ng


espiritu ng alak. Sa gitna ng katahimikan ay muling nagsalita si Chad. ―Sa
ngayon ba pare wala kang ibang natitipuhan?‖ tanong ni Chad sa kaibigan.

―Di ko alam pare, nakatali pa rin ang puso ko kay Steph. Pero alam ko
lilipas din to. Sa ngayon medyo naguguluhan ako, lalo na sa mga nangyayari.‖
Sagot ni Andrei.

―Ano ba ang nagpagulo sa’yo? Yun bang nangyari kaninang umaga?‖

Natahimik ulit ang pagitan ng dalawa at parang binuhusan ng malamig


na tubig si Andrei ng maalala ang kapangahasang ginawa n’ya kay Nicco. Bakas
sa mukha ng binata ang pagkagulat at pagkabigla subalit umaasa siyang hindi
iyon ang ibig iparating ng kaibigan.

―Nakita kasi kita kanina pare, malapit na ako sa gate nun nang marinig
kitang may kasigawan. Nakita ko hinalikan mo si Nicco. Pare, napakatino ni
Nicco, matalino, mabait, kakaiba sa lahat.‖ at nagpatuloy si Chad ―kung ang
tinutukoy mong nagpapagulo sa’yo ay si Nicco, mas mainam na kalimutan mo
na lang. Malayo ang pangarap ng taong iyon na siya lang mag-isa ang
makakaabot.‖

―Pare, hindi naman sa ganoon –― matagal bago makapagsalita ulit si


Andrei ―wala na sana pareng ibang makakaalam nun. Ayoko malagay sa
kapahamakan si Nicco.‖

―Kung hindi mo sana ginawa iyon sana wala kang ipinag-aalala‖ untag
ni Chad ―pero wag kang mag-alala, dahil gaya mo mahalaga sa akin si Nicco,
ayoko ding mapahamak ang kaibigan kong iyon, wala akong pagsasabihan.‖

―Salamat pare.‖

―Pero sinasabi ko sa iyo, wag kang maguluhan kay Nicco. Wag mong
hayaang lumalim ang damdamin mo sa kanya. Pareho lang kayong masasaktan
sa bandang huli.‖

―Wag kang mag-alala pare dahil hanggang ngayon si Stephanie pa rin


ang nasa puso at isipan ko. Susundin ko ang payo mo pare. Maghihintay ako
kasabay ng paghahanap ko.‖ – kahit iba ang sinasabi ng puso at isipan ni Andrei
ay nagawa pa din niyang pagtakpan ang tunay na laman nito.

―Si Stephanie, ang pinakamayumi sa buong lalawigan ng San Juan.


Hanggang ngayon siya pa din ang laman ng puso mo tama ba ako Andrei?‖
Biglang pagsingit ni Marie sa usapan ng dalawa na ikinabigla naman nila ―wag
kang mag-alala kadarating ko lang kaya’t kung may tinatago kayo malamang
hindi ko narinig un.‖
14
No Boundaries

―Hay naku Andrei, andito naman ako, bakit si Stephanie pa din ang
iniisip mo? Kayong magkapatid kayo nahuhumaling sa iisang babae.‖ panunuya
ni Marie na may halong pang-aakit para kay Andrei ―sabagay sino namang
lalaki ang hindi mababaliw kay Stephanie, kahit ako tanggap kong siya na ang
pinakaDiyosa sa buong lalawigan.‖

Nahalata na ni Marie ang pagkairita sa mukha ni Andrei kung kaya’t


nagpasya itong magpaalam na sa dalawa. ―Oh siya, hinihintay pa ako ng mga
amiga ko duon, kita nalang tayo sa susunod.‖ sabay kindat at ngiti.

―Pare, sobrang makapang-akit tila gustong angkinin ang lahat ng


kalalakihan sa mundo.‖ Sabi ni Chad at sumang-ayon din si Andrei sa
pamamagitan ng pagtawa.

―Pare sandali lang may tumatawag ata sa akin‖ paalam ni Andrei.

―Hello, Andrew bakit napatawag ka?‖


―Pinapauwi ka na ni Papa, bilisan mo at wala ata sa mood.‖
―Sige pauwi na ako‖

―Pare, una na ako, pinapauwi na ako sa bahay. Alam mo na kailangan


magpakagoodboy‖ kasunod nito ang mahinang tawa. ―Ung napag-usapan natin
wala na sanang iba pang makakaalam ah.‖

―Loko ka talaga, sige na uwi ka na.‖

―Salamat ulit pare.‖

15
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter V
Kasaysayan ni Stephanie

―Stephanie‖ tawag ng mommy ni Steph habang kumakatok sa pintuan


ng kwarto niya ―may bisita ka sa baba.‖

―Sino po?‖ tanong ni Steph na tila nagiisip kung sino naman kaya yun.

―Basta babain mo na lang‖ dagling sagot ng mommy nya ―mamaya ka


na lang magbeauty rest.‖ Sabay ang mahinang tawa.

―Si mommy talaga‖ sagot ni Steph na may paglalambing sa tinig nito.

Wala pang limang minuto ay narito na si Steph at pababa sa hagdan


―Andrew, ikaw pala yan., Ano naman ba ang naisipan mo at bigla kang
nandito?‖

―Wala lang masama bang dalawin ang mahal ko?‖ sagot ni Andrew na
sinabayan pa niya ng ngiti na lalong nagpagwapo dito.

Si Stephanie Luisa del Carmen ay anak ni Teresita del Carmen na isang


guro sa San Isidro National High School at ni Nacario del Carmen na isang
Kapitan ng Baranggay. Hindi masasabing mayaman at lalong hindi mahirap.
Kabilang sila sa kung tawagin ay middle class.

Isang mayuming dalaga si Steph, mabait, may takot sa Diyos at higit


pang kapansin pansin ay ang kagandahan nito na talagang angat sa buong
lalawigan. Matangkad na pang beauty queen ang dating. Matangos ang ilong,
magandang mga mata na para bang laging nangungusap, maninipis na mga labi
na labis sa pula, mahaba ang buhok na binagayan ang hugis ng kanyang mukha,
maputi, balingkinitan ang katawan at higit sa lahat may taglay na karisma para
mahulog ang sinumang lalaki sa unang sulyap pa lamang.

Mula pagkabata pa lamang ay suki na ng mga beauty contest si Steph.


Sa tatlumpu’t limang sinalihan nito ay dalawampu na ang napapanalunan niya at
ang iba ay runner-ups naman. Kahit hindi gusto ni Step hang ganuong mga
buhay ay pinipilit niyang gawin dahil nakikita nya na sa tuwing mananalo siya
16
No Boundaries

ay labis na nagagalak ang mga magulang niya. Para kay Steph, wala nang mas
hahalaga sa mundo kung hindi ang makita nyang masaya ang kanyang mga
magulang.

Hindi pa man nagtatagal ang usapan ng dalawa ay nagtanong si


Andrew ―Steph, mahal mo ba ako?‖ nanatiling walang imik si Steph ―please
naman oh, sagutin mo na ako.‖

―Andrew‖ sagot ni Stpeh

―Please tell me you love me too‖ pagsusumamo ni Andrew.

―I really love you Andrew, kaso –― natahimik muli si Steph

―Kaso? Sige ituloy mo nakikinig ako‖

―Let us wait for the right time to come.‖ sagot ni Steph

―Kailan pa iyong right time na yun?

―Sa palagay ko hindi pa ngayon ang tamang oras. Hintayin mo akong


maging handa at maayos ko ang lahat.‖ sagot ni Steph ―but I assure you, it will
be soon.‖

―Steph‖ tila may lungkot sa tinig ng binata.

―Alam mo sabi nga ni Nicco, pag ang mga bagay ay ginawa ng wala pa
sa oras ay pihadong masasayang lang ito. Kailangan munang maging handa at
siguraduhing maging hinog ang lahat para sa bandang huli ay hindi masayang o
kaya ay manghinayang at mas maging masarap ang kalalabasan.‖

Ang nanay ni Steph ang adviser ni Nicco nung third year ito. Kaya’t
kahit sa Colegio de San Isidro nag-aaral ang dalaga ay naging magkaibigan ang
dalawa at alam ni Andrew ang tungkol sa bagay na iyon.

―Sige Steph, nakahanda ako para maghintay sa iyo.‖ malungkot na saad


ni Andrew.

―Salamat Andrew‖ saad ni Steph ―at isa pa nga pala‖ dugtong ni Steph
―pupunta ako ng Australia. Kinukuha ako ng tita ko. Duon ako pinag-aaral ng
college.‖

―Steph‖ muli ay lumaganap ang katahimikan sa dalawa ―nakahanda


ako, hihintayin kita sa muling pagbabalik mo at sana nakahanda ka na sa
pagbabalik mo.‖

17
Emmanuel R. Caleon

―Oo Andrew, pangako ikaw lang ang mamahalin ko.‖

Di na nagtagal ay nagpaalam na si Andrew dahil tumawag ang kanyang


Papa para magpasama sa isang appointment na pupuntahan nito.

18
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter VI
Ang Kambal na si Andrew

―Saan ka na naman ba nanggaling ikaw na bata ka?‖ pambungad na


tanong ni Governor Don Joaquin.

―Kila Steph lang po. Dumaan lang po ako sandali.‖ mahinahong sagot
ni Andrew kahit na sa totoo ay medyo asar ito sa ama dahil nais pa niyang
makasama si Steph.

―Halika na at aalis na tayo.‖ Pagkasabi nito ni Governor Don Joaquin


ay pahangos na dumating si Aing Martha.

―Ano po ang kailangan n’yo Aling Martha?‖ tanong ni Andrew

―Anong oras po ba ang balik n’yo? Di po ba at ika-pitong taon ngayon


ng kamamatayan ni Doña Rita?‖ saad ni Aling Martha.

―Oo nga pala, nakalimutan ko. Aling Martha ikaw na lang po ang
bahala para sa kamamatayan ni Doña Rita mo.‖ sambit ni Don Joaquin ―baka
kasi gabihin kami.‖

Habang umaandar ang kotse ay may namumuong galit sa ama dahil


maging ang kamatayan ng ina ay nakalimutan nito. ―wala ka na ngang silbing
ama, wala ka pa ding silbing asawa.‖ Paghihimagsik ng isipan ng binata.

Kasabay nito ay naibubulong din ng isipan ni Andrew ang nangyari


nung nakaraang pitong taon. ―Pitong taon na din pala nang patayin si Mama.
Ang mga magnanakaw na yun, pati si Mama dinala nila. Hindi na nakuntento sa
mga nanakaw, pumatay pa. Kaawa-awa si Mama, wala akong nagawa para
iligtras siya sa mga hayop na un.‖ Habang naiisip ni Andrew ang ganitong mga
bagay ay pinipigilan niyang umiyak.

Si Em-Ehm Andrew Mark del Rosario o Andrew ay ang kakambal ni


Andrei. Lumaki silang kambal ng magkamukang magkamuka. Hindi mo
nasasabi kung sino ang sino sa dalawa. Tanging sa pag-uugali lang nagkakaiba.
Kung si Andrei ay tahimik, iyon naman ang ikinagulo ni Andrew. Mabilis
19
Emmanuel R. Caleon

kumilos, maliksi at gagawin agad isang bagay na ibig nito. Laging sinasabi kung
ano ang laman ng kanyang isip, subalit tikom na pag ang kanyang papa ang
kausap. Tulad ni Andrei, mabait at maasahan din si Andrew. Mahilig
magkimkim ng sama ng loob ngunit inilalabas din sa mga kaibigan at lalong
higit kay Aling Martha. Tulad ni Andrei, madami din ang nahuhumaling sa anyo
at bikas ng binata. Lalo’t higit sa ugaling palakaibigan nito. Di tulad ni Andrei
na madalas mapagkamalang suplado, iba ang aura ni Andrew mula sa kakambal.

Si Andrew din ang sanhi ng kabiguan ni Andrei sa pag-ibig kay


Stephanie. Lingid sa kaalaman ni Andrei ay alam na ni Andrew ang pagbabalak
na ligawan nito si Steph. Pinili na lamang ni Andrew ang manahimik dahil
natatakot siyang masira ang samahan nilang kambal. Sa paniniwala ni Andrew,
hindi na baling makaaway niya ang lahat wag lang ang kakambal. Mahal niya
ang kakambal at ito lang ang lagi niyang kasama sa lungkot. Laging dumadamay
ito sa kanya sa lahat ng problema.

―Andrew‖ basag ni Governor Don Joaquin sa katahimikan ―kanina ka


pa walang imik diyan ah.‖

―Wala po papa, may iniisip lang po ako.‖

―Ang Mama mo na naman ang iniisip mo, tama ba ako?‖

Natahimik si Andrew.

―Iho, wag mo na lang isipin un, nakalipas na yun. Mas mahalaga


tanggapin na lang na wala na talaga si Mama mo at maging masaya.‖

Sa isip-isip ni Andrew ―hindi ako katulad nyo mabilis lumimot at


kalimutan ang mahal ko. Hindi ako manhid kagaya nyo na walang pakiramdam
at hindi marunong masaktan.‖ Mula ng mamatay ang kanilang ina ay hindi man
lang nila nakitang umiyak ang Papa nila.

Ilang sandali pa at inabot na nila ang kapitolyo kung saan ang kanyang
ama ang pangunahing tagapagsalita para pagbubukas ng proyekto ng lalawigan
para sa mga batang lansangan. Nais na sanang umuwi ni Andrew para
makabisita sa puntod ng ina, subalit may kung ano sa puso n’ya na nagpipigil
para umalis. Kahit pinapauna na siya ng ama ay pinili pa rin niyang manatili sa
lugar na iyon.

Sa kabilang banda naman, dahil sa paghanga ng Gobernador sa batang


si Nicco ay inanyayahan din itong magsalita sa naturang programa. Sa unang
sulyap pa lang ni Andrew sa binatang si Nicco, tulad ni Andrei ay agad itong
nahumaling na titigan ang maamong mukha ni Nicco. Tila ba isang anghel ang
nasa entablado ngayon ang naiisip ni Andrew. May kung anong tinig na pilit
siyang sinasaway at pinipigilang titigan ang binata. Subalit, pinilit sumuway ni
20
No Boundaries

Andrew. Naisip niyang kung lalagyan ng mahabang buhok ang binatang iyon ay
magiging marikit na dilag at hindi mo aakalaing lalaki din pala. Naisip niyang
bigla kung sino ang mas maganda si Nicco o si Steph. Dahil sa malalim na pag-
iisip ay hindi na niya napansin ang nangyayari sa paligid. Maging ang pangalan
ng kanyang iniisip ay hindi na niya nagawang mapakinggan at maintidihian.
Natauhan na lamang siya ng sinabi nito na –

―this is the best possible world. Kaya naman, marapat at tungkulin nating
mahalin ang mga bagay na nakaligid sa atin. Matuto tayong pahalagahan at
bigyang importansya ang kahit gaano kaliit na bagay ang mayroon tayo. Hindi
dapat tayo mawalan ng pag-asa, sapagkat sa bawat kabiguan ay laging
mayroong naghihintay na kabutihan ang maidudulot nito. Wag isipin na ang
kalagayan natin sa ngayon ay isang sumpa o parusa. Wag natin hayaang tayo ay
maliitin, anu man ang estado, ang tao ay tao pa din. Kumilos tayo para mabago
ang buhay natin, kumilos tayo para makamit ang buhay na para sa atin ay isang
pangarap na lamang.‖

―Gwapo sana‖ mahinang usal ni Andrew ―kaso mali ang sinabi nya.
Best possible world ka jan. Di mo ba alam para lang yan sa mga taong walang
pakialam sa mundo, sa mga taong manhid.‖ Tulad ni Andrei negatibo din ang
pananaw niya sa mundo, bunga na din ito ng nangyari sa kanilang mama at sa
inaasal ng kanilang ama, isabay pa dito ang pressure na dala ng pagiging del
Rosario.

Gabi na ng umuwi ang mag-ama. Habang nasa loob ng sasakyan ay


namayani ang katahimikan. ―ang ganda nung sinabi ni Nicco di ba?‖ pagbasag
ni Don Joaquin sa katahimikan.

―Sino pong Nicco? Un po ba yung nagsalita kanina?‖ tanong ni


Andrew.

―Oo Andrew, siya nga. Nakilala ko yun sa SINHS at talagang


napahanga ako, maging si Kuya Andrei mo ay humanga.‖

Tahimik na lang si Andrew at hindi na kumontra dahil hindi naman


siya mananalo sa ama, sa huli siya pa ang lalabas na mali. Pero sabi ng isip niya,
―pareho kasi kayong manhid ni Nicco na yun kaya nagandahan ka, saka
pinasasakay ka lang ni Kuya Andrei.‖ Sa pag-iisip nito ay tila ba nangingiti si
Andrew.

21
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter VII
Muling Pagtatagpo ni Nicco at Andrei

Isang linggo na din mula ng magkakilala sila Nicco at Andrei. Hindi


nadin malinaw para kay Nicco ang anyo ng binatang si Andrei. Kahit anong pilit
ang gawin ni Nicco ay hindi nya mabuo ang larawan nito sa isipan. Tanging
natatandaan na lamang niya ang ang kabog ng kanyang dibdib at panginginig ng
kanyang kamay at binti nung mga panahong iyon. Maging ang ginawang
paghalik nito sa kanya na unang beses niyang nalasap.

―Nicco, gumising ka na at tanghali na‖ pang-iistorbo ng isang pamilyar


na tinig sa nahihimbing na si Nicco ―bilisan mong kumilos at may pupuntahan
tayo.‖

―Kung makagising ka parang wala ng bukas‖ sagot ni Nicco at


pagkagulat ng makita ang taong gumising sa kanya ―Chad, ano ang ginagawa
mo dito?‖

―At kung matulog ka parang wala ng bukas‖ nakangiting sagot ni Chad


―may pupuntahan nga tayo, pinagising ka na sa akin ni Mang Juancho para
makalakad na tayo agad.‖

Sa paglalakad ng dalawa sa kapitolyo ay nagtanong ulit si Nicco ―Saan


ba talaga tayo pupunta? Ano naman ang gagawin natin dito sa kapitolyo?
Niloloko mo lang ata ako eh.‖

―Hindi kita niloloko. Panahon na para ipakita mo yung talentong


matagal mo nang tinatago.‖ sagot ni Chad.

―Ano namang talent un?‖ tila nagtatakang tanong ni Nicco.

―Ang pag-awit. Lagi kitang naririnig na kumakanta sa inyo. Sayang


naman ang talent kung hindi ipapakita sa marami. Baka mapanis yan.‖
nakangiting saad ni Chad.

―Di bali nang mapanis wag lang mapahiya.‖ pagkasabi nito ay biglang
huminto ng may mapansin ―sira ka ba, mamaya na pala ung contest eh.‖
22
No Boundaries

―Eh ano naman ngayon, kantahin mo ung lagi mong kinakanta sa


kwarto mo‖ sagot ni Chad ―ung No Boundaries. Ganda nga ng version mo eh.‖

Matapos sabihin ito ay lumapit na si Chad sa nagsusulat ng mga kasali


at ipinalista na si Nicco. ―Miss, open pa po di ba kayo sa listing na sasali di ba?
Pakilagay po Niccollo Emmanuelle Ray de Dios galing ng San Isidro.‖

Huli na ng mapansin ni Nicco ang ginawa ng kaibigan kaya’t wala


siyang nagawa kundi ang umayon na lang. ―Naku Chad, pag ako napahiya
mamaya hindi kita mapapatawad. Dahil sa ginawa mo, ikaw dapat ang
maghanda ng lahat at ako’y walang alam sa ganyang mga bagay.‖

―Ayaw mo nun, ikaw ang magdadala ng pangalan ng San Isidro, wag


ka mag-alala, ung nanalo dati ay galing ng San Isidro at judge un ngayon. Sabi
nga nya humanap ako ng representative natin eh. Sigurado ipapanalo ka nun.‖
pagkasabi ay tumawa nalang ito.

―Ayaw kong manalo sa pandaraya. Hindi pa naman ako siguro ganuong


kasama na tao, sigurado akong hindi ako magiging maligaya kung alam kong
inalis ko sa iba ang karapatang dapat ay sila ang may hawak pero nakuha ko
dahil sa daya. Mas gusto ko na lang mapahiya kaysa naman makaapak ng ibang
tao at magbigay ng inhustisya. Nakakahiya ang ganuon.‖ sambit ni Nicco na
may kalungkutan.

―Ano ka ba, siyempre di mangyayari un na mananalo ka dahil sa daya.


May tiwala ako na kaya mo talagang manalo. Alam mo, madami ang
nagsasabing magaling ka talaga. Kung patuloy mong itatago yang talent na yan,
dineprieve mo lang ang sarili mo para makuha ung tamang pagkilala sa husay
mo sa isang bagay.‖ pagtutuwid ni Chad ―ayos nga un diba, tatawagin ka nilang
The Singing Priest of San Isidro.‖ dagdag pa nito na nakangiti.

Dumating na nga ang oras ng kompetisyon. Kitang – kita ni Nicco ang


pagdagsa ng mga taga-San Isidro para suportahan siya. Pangpito siya sa mga
kalahok, labis naman ang kaba niya ng marinig ang mga kasaling nag-eensayo
sa backstage at ung mga nakatapos na. Nang sumilip siya para tingnan ang nasa
labas laking gulat niya ng makita ang isang pamilyar na anyo na kasama ng mga
hurado. Lalo siyang kinabahan at nangatog ang kanyang mga tuhod ng
masiguradong ito ang pangahas na umangkin sa labi n’ya sa unang pagkakataon.

Matagal siya sa ganuong ayos ng lapitan siya nila Fr. Rex at ni Chad.
―Malapit ka na iho, galingan mo.‖ sabi ni Fr. Rex.

―Mamumutla ka na oh, wala ka pa sa stage nyan. Isipin mo sa kwarto


ka lang kumakanta, ang ang hawak mo suklay at nakatayo ka sa papag. Ganuon

23
Emmanuel R. Caleon

lang. Wag mo isiping madaming nanunuod sa’yo.‖ sabi naman ni Chad na may
ngiti.

―Wag kang mag-alala, tutulungan ka ng Diyos para magawa mo ang


lahat ng kaya mong ibigay tulad ng ibang kalahok.‖ sabi ni Fr. Rex.

―Salamat po‖ pagkawika nito ay naisip niya na –―oo nga pala, laging
tumutulong ang Diyos sa lahat ng bagay. Nagbibigay ng suporta para sa lahat.
Basta ibigay ko lang ang sarili ko at lahat ng kakayahan ko siya na ang bahala.
Fair naman siya sa lahat, un nga lang nasa tao na kung paano gagamitin ang mga
binigay sa kanila.‖

Sa pag-iisip ng ganito ay bahagyang napanatag ang kalooban ni Nicco.

―Niks, ikaw na, bilisan mo‖ sabi ni Chad.

Sa kabilang banda naman, habang nakaupo si Andrei kasama ang ibang


hurado ay nakaramdam siya ng kaba nang mabasa ang isang pamilyar na
pangalan sa listahan ng mga kalahok. Iniisip niya kung ito ba ay si Nicco na
nakilala niya o isang kapangalan. Kahit alam niyang ito ay ang kakilala niya,
nagbibigay pa din siya ng duda sa kanyang hinala. Kahit hindi pa nagsisimula ay
nais na niyang makita ang pampitong kalahok at bawat kumakanta ay tila ba
gusto niyang sabihing ―next‖ para umabot sa pampitong kalahok. Gusto na rin
niyang tumayo sa upuan at pumunta kung saan anduon ang mga kalahok. Lingid
sa kanyang kaalaman ay may mga matang nakatitig sa kanya na ganuon din ang
nararamdaman. Hindi makapagconcentrate si Andrei dahil sa pagnanais na
makita ang pampitong kalahok at lalo lumakas ang dagundong sa loob niya at
bumilis ang tibok ng puso ng tinawag na ang kanina pa niya hinhintay.

Kahit may kaba at pagkabalisa kay Nicco dahil sa dami ng tao, lalo’t
higit dahil sa mukhang dati’y pilit niyang inaalala ay nagawa pa din niya ang
makakanta sa harap ng mga tao. Sa una’y kinakabahan ngunit ayaw niyang
ipahalata. Inisip niyang nanaginip lamang siya nang sa ganuon ay mawala ang
tensyong bumabalot sa kanya. Pinalagay niyang ang lahat ay imahinasyon na
lalong nagbigay sa kanya ng lakas para lalong galingan. Iniisip niyang
kumakanta siya para kay Andrei na nuon din ay nasa harapan niya.

Hindi alam ni Andrei ang nararamdaman. Napakalaking paghanga ang


binigay sa umaawit sa harap niya. Tila ba nais niyang angkining ito ay
kumakanta para lang sa kanya. Tila nais niyang paalisin ang lahat para siya
lamang ang makadinig sa tinig ni Nicco. Pakiramdam niya ay silang dalawa na
lang ang tao sa lugar na iyon. Unti-unti bumalik siya sa dating katauhan ng
marinig ang palakpakan ng mga tao. Pagkarinig nito ay tumayo siya kasama ang
ibang hurado na kita ang paghanga sa galing ng kalahok.

24
No Boundaries

Nais ni Andrei na matapos na ang patimpalak ng sa ganuon ay


malapitan na niya si Nicco. Habang si Nicco ay hindi alam kung uuwi na ba para
maiwasan ang binata o hihintaying matapos ng makapag-usap sila. Pero mas
nanaig ang pagnanasang sila ay muling magkausap.

Sa may di kalayuan ay nanduon din si Andrew para maghanap ng lead


vocalist sa bandang tinatatag niya. Hindi niya maintidihan ang sarili dahil sa
pakiramdam niya na nais na niyang angkinin at tawaging sa kanya ang pamilyar
na mukhang iyon. Tila ba nais niyang pagsisihan ang binulong dati ng isipan
niyang ito ay manhid. Nais pa sana niyang manatili subalit inaya na sila ng mga
kabarkada niyang umuwi dahil sa tingin nila ay nakita na nila ang bagong
magiging miyembro ng banda nila at minabuting bukas na lamang ito kausapin.
Ayaw man ng kalooban ni Andrew ay nilisan na nila ang lugar at ang
pakiramdam niya ay tila ba iniwanan niya ang taong mahalaga sa kanya.

Di naglaon ay natapos na ang patimpalak at nagbunyi ang buong San


Isidro dahil sa tagumpay ng kanilang manok. Sa kanilang pagsasaya sa
backstage ―Sabi ko na nga ba magaling ka talaga‖ payakap na pagbati ni Aling
Neneng. Kasunod nito ay ang pagbati na din sa kanya ng mga kababaryo,
kakilala, kanyang mga nakalaban, mga hurado, maging ang mga hindi nila
kakilala na humanga sa likas na talento ni Nicco.

―Iyan si Nicco, hindi lang pang-akademiko, pang kantahan pa‖ pagbati


ni Manong Rene.

Nahihiya man at namumula walang ibang nasabi si Nicco kundi


―Salamat po.‖

―Sa una’y gwapo sa tingin, matalino kung iyong susubukin, mabait


kung kikilalanin, at ngayon bumibirit na din.‖ Pagkawika nito ni Rome ay
tumawa ang lahat.

Sa di kalayuan ay nanduon at naghihintay ng tamang oras si Andrei


para malapitan si Nicco. Sa kabilang banda ay hinhintay din ni Nicco na lapitan
siya ni Andrei at pilit niyang hinahagilap ng mata kung nasaan ang binata.
Kaya’t nang mag-aya ang mga kakabayan niya para umuwi na ay tumanggi ito
at sinabing maya-maya na siya uuwi. Ganuon pa man ay sinamahan siya ni Chad
hanggang sa makatapos na silang magligpit at kausapin ng iba’t ibang taong
nagpapabatid ng paghanga.

Nang mapansin ni Andrei na wala ng nakapaligid kay Nicco kundi si


Chad ay nilapitan na niya ito para batiin. ―Congratulations! Perfect score ka sa
lahat ng judges.‖

―Salamat naman po‖ tanging nasambit ni Nicco na nahihiya.

25
Emmanuel R. Caleon

―Sabi ko sa’yo pare, magaling to eh‖ pagmamalaki ni Chad.

―Tama ka pare, kita mo standing ovation at nanalo na walang bad


comments‖ pagsang-ayon ni Andrei ―ano pauwi na ba kayo?‖ dugtong pa ng
binata.

―Oo pare, magcocommute na nga lang kami wala kasi akong dalang
sasakyan eh‖ sabi ni Chad.

―Pauwi na din ako, halika na sabay na kayo sa akin.‖ pag-anyaya ni


Andrei.

―Sige ba pare!‖ si Chad.

Habang nasa sasakyan ay patuloy na nag-uusap ang magkaibigang


Chad at Andrei. Sa likod na piniling sumakay ni Nicco dahil nahihiya ito kay
Andrei samantalang si Chad ang nasa harapan at si Andrei ang nagdidrive.
Tawanan, kwentuhan, alaskahan ang pinag-uusapan ng dalawa. Sa isip-isip ni
Nicco, ayos lang na hindi niya makausap si Andrei mahalaga nakita nya ulit ito.
Habang patuloy sa pag-uusap ang dalawa tila nasaktan ang damdamin ni Nicco
nang marinig ang kwentuhan ng dalawa patungkol kay Steph at lalo siyang
nalungkot nang malamang ito pala ay minamahal ni Andrei. Nais tumulo ng
luha ng batang si Nicco pero pinigilan niya ang sarili.

Kahit masakit, pinipilit pa din niyang ngumiti pag nililingon siya ng


kahit sino sa dalawa. Napagtanto niya na kahit ano ang gawin niya, hindi
maaaring magsama ang parehong lalaki dahil ang lalaki ay para sa babae.
Sinaway niya ang sarili sa pag-iyak dahil inisip niyang wala siyang karapatang
masaktan dahil sa simula pa lang ay dapat alam na niya ang bawal.

Di nagtagal at nakarating na sila sa bayan. Ilang sandali pa ay binaba na


ni Andrei si Nicco sa harap ng bahay nila samantalang si Chad ay sa kabilang
kanto pa. Labis ang lungkot ni Nicco na dinaan na lang niya sa tulog. Wala sa
bahay nila ang tatay niya, maging ang mga kapatid ay hindi naisipang dumalaw
o kaya ay puntahan siya. Isa lang ang nasa isip niya, ang magpahinga at wag
nang alalahanin pa ang lahat nang nangyari.

26
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter VIII
Si Andrew at Nicco

Kahit lumipas na ang magdamag, hanggang ngayon ay hindi pa rin


maalis sa isip ni Andrew ang binatang narinig niya sa kapitolyo. Ang bawat ngiti
nito, pikit ng mga mata, buka ng bibig, maging ang tinig nito na paulit-ulit
niyang naririnig. Habang nagmamaneho ay masusing minamasdan ng binata ang
daan ng San Isidro na para bang may hinahanap. Pagkalabas ng San Isidro ay
tila bagang pipi ito na hindi man lang nagsasalita at bakas ang lalim ng iniisip.

―Andrew, what’s wrong?‖ tanong ni Steph na napansin na malalim ang


iniisip ng manliligaw.

―Wala lang ito, iniisip ko lang kasi iiwan mo na ako ngayon‖ sagot ni
Andrew na may halong paglalambing ―ayan, nandito na tayo sa airport.‖

―Sakto, may 15minutes pa pala tayo para magsama‖ nakangiting sambit


ni Steph. Tanging ngiti lang ang ginawad ni Andrew sa mga katagang iyon.

Di nga nagtagal at nakaalis na ang eroplanong kinalululanan ni Steph at


nagdesisyon na ding umuwi si Andrew. Sapagkat may dala ding sariling kotse
ang mga magulang ni Steph sa paghahatid sa anak kung kaya’t mag-isang
nagbyahe ang binata sa pag-uwi. Sa pagpasok nya ulit sa San Isidro ay patuloy
pa din niyang hinahanap ang binatang biglang binalingan ng kanyang interest.

Kinaumagahan, araw ng Linggo, napagpasyahan ni Andrew na


magsimba sa bayan ng mag-isa. Hindi tulad ng nakagawian na sa bisita sa barrio
sila nagsisimba ng kakambal kasama si Aling Martha. Saktong sa pagdating niya
ay naghahanda na ang mga sacristan para sa pagsisimula ng misa. Duon ay
naulinigan niya ang mga pagbati sa isang tao at ang isang pamilyar na tinig na
nagpapasalamat sa mga bumabati. Nais sanang makita ni Andrew ang
pinanggagalingan ng tinig na iyon subalit kasabay sa paglapit niya ay ang
pagsisimula na ng prusisyon mula sa pinto ng simbahan patungong altar.
Napagpasyahan ni Andrew na sa harapan umupo at ipagpamamaya na lang ang
gagawing paghahanap sa binatang nagpapagulo sa isipan niya.

27
Emmanuel R. Caleon

Mula sa ibaba ay kitang kita ni Andrew ang mga mukhang nasa itaas ng
altar. Sa pag-ikot ng kanyang paningin ay napakong bigla ang kanyang mga
mata sa binatang kanina pa niya hinahanap. Biglang bumilis ang tibok ng
kanyang puso at tila napakaingay sa loob ng kanyang dibdib. Hindi niya maialis
ang mga mata sa anyo na kahapon pa niya hinahanap. Lalong bumilis ang tibok
ng kanyang puso ng makitang tumingin din ito sa gawin niya at siguradong siya
ang nginitian nito.

Mula sa itaas ay kitang-kita ni Nicco ang mga tao, maging ang lalaking
kanina pa sa kanya nakatingin. Sa pag-aakalang ito ay si Andrei, binigyan niya
ito ng isang ngiti. Sa pag-aakalang nasa loob ang lalaking nagpapakabog sa
kalooban niya ay nagsimulang makaramdam ng pagkabalisa ang batang
sacristan. Subalit hindi tulad ng dati, pakiramdam niya na tila ba ibang tao iyon
at hindi si Andrei na nakilala niya.

Nang matapos ang misa ay nakita ni Andrew ang mga kabarkada niya
kung kaya’t nawalan na siya ng oras na puntahan ang sacristan dahil naipit na
siya sa kwentuhan. Naisip na lang niya na mayroon pa naman ibang araw lalo na
at alam niya kung saan hahanapin ang hinahanap. Masaya na siya at nakita niya
ang binata at kahit kailan niya nais ay maaari niya itong puntahan.

Samantala, madami ang pumupunta sa sakristiya hindi lamang para


magmano kay Fr. Rex kundi para batiin din ang kampeon ng San Isidro.

―Nicco, alam ko namang pagod ka, bakit ka pa nagserve ngayong


araw.‖ sabi ni Fr. Rex kay Nicco.

―Naku Father para isang oras lang po sa isang linggo ay


pinagbabawalan nyo pa akong maglingkod sa Diyos.‖ pakling sagot ni Nicco.

―Naku iho, hindi naman kita pinagbabawalang magsimba, sana naman


ay nagpahinga ka muna at kahit mamaya ka na nagsimba.‖

―Father, kung magsisimba po ako, mas maganda na ung magseserve na


din ako.‖ ani ni Nicco ―iba po kasi sa pakiramdam ang alam mong
nakakapaglingkod ka kahit sa munting paraan. Madami po tayong dapat
ipagpasalamat at madaming dahilan para paniwalaan nating siya ay nag-iisang
maylikha at manunubos.‖

―Sige na nga, ikaw na ang panalo sa ngayon.‖

Patakbong umalis si Nicco dahil mahuhuli siya sa usapan nila ni Rome.


Nalimutan na rin niya ang binatang inakala niyang si Andrei. Tila ba pilit na
pinagtatagpo ng tadhana si Andrew at Nicco. Hindi sinasadyang sa
pagmamadali niya ay nabangga niya ang isang lalaki at ito ay natapunan ng
iniinom na softdrinks.
28
No Boundaries

―Shit‖ sabi ng binatang natabig ni Nicco ―hindi kasi marunong mag-


ingat‖ sabay lingon ni Andrew.

Tila ba napipi si Nicco dahil hindi niya inaasahang si Andrei pala iyon.
Muli ay nanginig ang kanyang katawan at lumakas ang kabog sa dibdib niya.
Hindi din malaman ni Andrew ang gagawin o sasabihin ng malamang ito pala ay
ang binatang nais niyang makilala at makita.

―Sorry And—― hindi pa man niya naitutuloy ay agad ng sumabat ang


mga kaibigan ni Andrew.

―Stupido, hindi ka kasi nag-iingat‖ sabi ng isa ―bulag ka ba o tanga?‖


dugtong na nito.

―Gusto mo pare bangasan na natin to‖ sibad pa ng isa.

Likas ang pagiging mayabang sa barkada ni Andrew, nakapagtatakang


kahit mayabang ang mga ito ay tila hindi apektado at naiimpluwensiyahan si
Andrew.

―Ah, mga pare, pabayaan nyo na, talagang may mga tanga lang sa
mundo.‖ Hindi maunawaan ni Andrew kung bakit iyon ang nasabi niya, iba ang
nasa loob ng kanyang puso. Tila ba gusto niyang hawakan ang mga kamay nito
at sabihing ayos lang ang nangyari. Maging ang mga kabarkadang iyon ni
Andrew ay nagtaka sa sinabi nito. ―tara na umalis na tayo.‖

Labis na nasaktan si Nicco dahil hindi niya inakalang ganuon ang


sasabihin ng inakala niyang kaibigan. Inalo niya ang sarili na at sinabi – ― Nicco,
Nicco, Nicco, madami lang talaga ang mapagpanggap sa mundo. Malas mo lang
at nakakilala ka ng isa. Mainam na at habang mas maaga nalaman mo na ang
ugali ng Andrei na yun, darating din ang katapat nun na pagpapatino sa kanya.‖
Isang malalim na buntong-hininga ang inilabas pinakawalan ni Nicco.

Nang gabi ding iyon ay iniisip pa rin ni Nicco ang nangyari, ngunit
tulad kanina ay inalo niya ang sarili -- ―Nicco, Nicco, Nicco, ang mahalaga totoo
ka sa sarili mo at hindi ka nagpapanggap okay.!‖ Nahihirapan mang makatulog
dahil sa pag-iisip sa nangyari ay pinilit pa rin niya, ngunit hindi pa rin talaga
niya kaya kaya’t saglit niyang kinausap ang Diyos mula sa kawalan –

―Buti na lang po andiyan ka lagi para kausapin ko, paglabasan ko ng


sama ng loob. Hindi man po kita nakikita, sa puso ko alam ko na hindi ka nang-
iiwan. Sa tuwing nababalisa ako, napapagaan mo ang loob ko. Paano na lang
kung wala ang tulad mo.‖

29
Emmanuel R. Caleon

Inilabas ni Nicco ang lahat ng nararamdaman sa pamamagitan ng dasal,


at tila ba epektibong gamot, unti-unting nawala ang pag-iisip niya at napakalma
agad siya. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

Kagaya ni Nicco ay hindi din makatulog si Andrew, tila pinagsisisihan


ang ginawa niya kanina, lalo na ang ginawang pag-iwan niya dito kanina.

―Hay, ano na kaya ang iniisip nun tungkol sa akin.‖ mahinang sambit ni
Andrew ―sana naman pag nagkita kami ulit hindi na siya galit, magsosorry na
lang ako‖

Minabuti ni Andrew na magpatugtog na lang gamit ang ipod nang sa


gayon ay malimutan niya ang ginawa kanina na labis niyang pinagsisisihan.

Samantala, walang kaalam-alam si Andrei na nagagalit pala sa kanya si


Nicco dahil sa pagkakamaling hindi siya ang may gawa kundi dahil sa maling
akala ni Nicco. Gayun pa man, hanggang sa panaginip ay naaalala niya si Nicco
at ang tinig nito na para bang isang anghel ang umaawit na binagsak ng lupa
para sa kanya.

30
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter IX
Kabiguan ni Nicco

―Good morning idol Niks‖ bati ni Chad sa bagong gising na kaibigan


―pinapasabi ni tatay mo aalis lang daw sya sandali. Babalik din naman daw.‖

―Sana’y na ko lagi naman kasing ganuon yun. Bakit ba kay aga andito
ka‖ sabi ni Nicco ―ahh, dadalin mo ulit ako sa kapahamakan ano.‖

―Hindi ah, mangangamusta lang sana.‖ sagot ni Chad na ngingiti-ngiti


―saka may dadalaw sa iyo ngayon.‖

―Sino? Mga kapatid kong di nakakaalala?‖ sabay tawa ng mahina


pagkasabi.

Alam ni Richard Raymond Cruz o Chad ang tungkol sa kwento ng


pamilya ni Nicco at sa lihim na sama ng loob sa mga ito. Si Chad na ang
maituturing na best friend ni Nicco. Kaso lubhang malihim si Nicco kaya ¼ lang
ang alam ni Chad sa mga kwentong ito.

―Dalawang linggo na mula ng graduation natin ni wala isa sa kanila ang


nagpakita‖ sabi ni Nicco na tila ba may halong pagsusumbong.

―Baka naman busy? Intindihin mo na lang‖

―Busy? Hindi din siguro. Lagi ko nga silang iniintindi. Pinipilit ko


silang intindihin. Pero hanggang kailan? Pinipilit ko silang intindihin, pero ako?
Kailan ba nila ako sinubukang intindihin. Ayaw nga nila ako pakinggan,
intindihin pa kaya?‖ pasasaad ni Nicco na tila labis ang pagdaramdam.

―Nicco‖ tanging nasambit ni Chad, alam niyang mas kailangan ng


kaibigan ang tagapakinig kaysa sa isang kausap.

―Minsan nga kahit hindi ko alam kung ano ang dapat kong intindihin,
iniintidi ko pa din. Sasabihin pa nilang ako ang hindi nakakaunawa. Paano ko
sila mauunawaan kung ayaw nilang sabihin o magsalita ng tapat at tunay nilang
nararamdaman. Hindi ako manghuhula para malaman ang tunay nilang
31
Emmanuel R. Caleon

nararamdaman. Wala akong kakayahang basahin ang puso at isipan nila. Tao
lang ako, hindi ako Diyos para magawa ko iyon. Saka ako? Kailan ba nila
tinanong ang nararamdaman ko? Lagi bang sila na lang ng sila? Bawal ba akong
magsalita, bawal ba akong alalahanin? Hindi sila nakikinig pag ako na ang
nagsasalita.‖ kita na ang kalungkutan kay Nicco habang inuusal ang mga
katagang iyon.

Nabalot ng katahimikan ang buong bahay hanggang sa unti-unting


pumatak ang mga luha ni Nicco dala ng kimkim na sama ng loob sa kanyang
pamilya. Muli siyang nagsalita. ―Pinipilit ko naman eh, kaso kahit ako, hindi ako
perpekto, hindi ko maiwasang magdamdam sa kanila, hindi ko maiwasang
sisihin sila dahil sa mga bagay na ginawa nila. Hilig nilang suungin ang mga
bagay bagay at magdesisyon ng madalian. Hindi na nila iniisip ang maaring
kalabasan. Hindi na sila kumokonsulta sa ibang tao. Akala ba nila sila lang ang
nasasaktan sa sinasapit nila? Pati ako, nasasaktan din ako para sa kanila‖
panandalian ay namayani ulit ang katahimikan ―Lagi na lang ako ang mali,
pinipilit kong makisama kahit alam kong hindi nila kaya ang makisama.
Hanggang kailan na ako lang ng ako? Dapat makaramdam din sila ng hiya para
matutunan nila ang pakikisama.‖

―Nicco, pakatatag ka. Alam ko, kaya mo yan.‖ pag-alo ni Chad.

―Alam mo tol, madaming bagay sa mundo ang hindi natin kayang


maintindihan. Pinipilit kong magpakabuti pero ang mga taong nakapaligid na
din sa atin ang nag-aaya sa atin sa masama. Kahit hindi nila alam pero ganuon
ang nagaganap. Tipong kahit pamilya mo nalilimutan mo ng pamilya mo dahil
sa sobrang pagsasakripisyong ginagawa mo.‖ At isang malalim na buntong
hininga ang pinakawalan ni Nicco. ―hindi naman bawal magsakripisyo, basta ba
alam mo deserving ka sa hirap na iyon at deserving ang taong iyon sa
pagsasakripisyo na ginagawa mo.‖

―Nicco, di ba at ikaw na din ang nagsabi na paghugutan natin ng lakas


ating nakaraan lalo na ung mga hindi magandang nangyayari?‖

―Oo tol, un na nga ung ginagawa ko. Kita mo, hanggang ngayon hindi
ako sumusuko. Pero iba pa din ung may mapagsasabihan ka ng lahat ng
nararamdaman mo. Iba na yung mayroong ibang nakakaalam sa kabiguan mo.‖

―Salamat tol sa tiwala, paano na yan pag nasa seminaryo ka na? Sino
ang pagsasabihan mo niyan?‖ tila nagpapatawang tanong ni Chad kay Nicco.

―Ah yun ba? Sino ba may sabing iyon nga ang pangarap ko? Siguro,
dahil sa mula pagkabata iyon na ang pinapangarap sa akin natutunan ko ng
gawing parte ng buhay ko na iyon ang pangarapin. Sa totoo lang kahit hindi mo
pangarap, madali mo ng matututunang gawin nadin iyon na pangarap mo. Kaso
ikaw na mismo ang babago sa pagkatao mo. Iba ng pagkatao ang dadalin mo.
32
No Boundaries

Masyadong kumplikado at mahirap para sa isang taong maging katuparan sa


pangarap ng iba‖ sambit ni Nicco.

―Kita mo, dahil sa pangarap nilang magpari ako pati puso ko inilalayo
ko sa kaligayahan. Iniiwasan ko ang taong talagang mahal ko.‖ Panandaliang
natahimik ang kapaligiran ―si Sandra, pinilit kong baliwalain kahit sinasabi ng
puso ko tas ngayon si Andr—― biglang napahinto si Nicco sa sasabihing iyon.

―Sino tol? Si Andrei ba ang tinutukoy mo?‖ tanong ni Chad.

―Ah wala un tol, nahihibang lang ako‖ pagbawi ni Nicco.

Kahit nararamdaman ni Chad ang katotohanan ay pinilit na lang niyang


binalewala. ―Pare, nasaan na ang Niccong matibay na kakilala ko? Ang Niccong
magaling magpayo? Ang Niccong pantas? Wag kang bibigay Niks.‖ Pag-iiba ni
Chad sa usapan.

―Salamat tol at pinapakinggan mo na naman ako.‖ ramdam ni Chad ang


pasasalamat ni Nicco ―buti at nandito ka‖ namayani ulit ang katahimikan ―sa
totoo lang hindi ako bumibitiw sa prinsipyo ko sa buhay. Alam ko sa bandang
huli, may magandang magaganap. Ako pa optimistic ata si ako. Puno ng
magagandang pangarap.‖ nakangiting saad ni Nicco.

―Wala naman diba masama sa pangangarap. Sa katunayan, isa yan sa


magpapatibay sa atin bilang tao. Mapapanatili nyan na matibay tayo at patuloy
na lumalaban. Pero bawal mangarap ang nawalan na ng pag-asa. Kaakibat lagi
ng pangangarap ang pag-asang makakamit ito. Wala ng silbi ang pangangarap
kung sa simula ay sinusuko na natin ang sarili natin sa pagkatalo. Sinasayang
lang natin ang oras natin sa pangangarap na wala namang pag-asa sa ating mga
puso.‖ tila ba nabubuhayan ulit ng pag-asang sinambit ni Nicco.

―Tama ka tol, yan ang Niccong kilala ko, lumalaban.‖ nakangiting wika
ni Chad.

―Kahit puro kabiguan ang danasin ko, alam ko dito sa puso ko,
nararamdaman ko, may bahagi pa ding nagpapasaya sa akin. Kahit gaano kapait
ang kapalaran ko alam ko may puwang pa rin sa matamis na tagumpay.‖
Kailangan ko lang hanapin sa puso ko kung saan ang mumunting puwang na
iyon para sa kaligayahan. Dahil lang sa maling pagkilos ng tao ang kalungkutan
ng bawat isa kaya naman tao din mismo ang makakapagbigay ng kaligayahan sa
sarili nila.‖ kahit ramdam ang kalungkutan ay pinipilit ngumiti ni Nicco para
ipakitang matatag siya. ―sadyang madami bagay lang sa mundo ang hindi natin
makukuha kailanman.‖

―Tama ka tol‖ sambit ni Chad ―tama lang talagang tawagin kitang idol
Niks.‖
33
Emmanuel R. Caleon

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay mayroong isang tao na labis din


nasasaktan habang nakikinig sa pagkukwento ni Nicco. Kanina pa nakakubli sa
gilid ng pinto si Andrei at hindi na tinangkang pumasok ng marinig ang tinig ni
Nicco na para bang nahihirapan. Pinipigilan niya ang sarili para lumapit dahil
alam niyang titigil sa pagkukwento ang binatang kanyang kinahuhumalingan.
Interesado siyang malaman kung ano ba ang pinagdadaanan nito kaya’t nanatili
siya sa may gilid at nakikinig. Nakaramdam siya ng higit na lungkot na marinig
ang pangalang Sandra na minamahal na labis ni Nicco, subalit labis at kakaibang
tuwa ang naramdaman niyang sabihin ni Nicco ang pangalan niya, bagamat
hindi natuloy ay sigurado siyang pangalan niya iyon. Di nagtagal, hindi na
makatiis pa si Andrei kayat nagpakita na ito sa dalawa.

―Magandang araw sa inyo‖ pagbati ni Andrei sa dalawa na labis na


ikinagulat ni Nicco ―mukang seryoso ata ang pinag-uusapan ninyo.‖

―Kanina ka pa ba diyan?‖ tanong ni Chad

―Anong ginagawa mo dito?‖ mariing tinig ni Nicco ―Magsosorry ka ba


sa ginawa mo sa akin kahapon?.‖

Naguguluhang lumapit si Andrei kay Nicco ―Ano yun Nicco? Anung


ginawa ko sa’yo?‖

―Matapos mo akong ipahiya kahapon nagpapanggap ka na namang


mabait ka sa akin?‖ saad ni Nicco.

―Wala akong alam sa sinasabi mo? Pwede wag mo akong pagbintangan


sa hindi ko naman ginagawa sa iyo.‖ pakiusap ni Andrei sa mahinahong tinig.

―Teka sandali, ano ba ang nangyayari dito?‖ pag-awat ni Chad sa


dalawa ―Nicco ano yang sinasabi mo?‖

―Kahapon pagkatapos ng misa, hindi ko naman sinasadya na nabunggo


kita pinagsungitan nyo na ako ng barkada mo‖ paliwanag ni Nicco ―tinawag nyo
pa nga akong stupido, bulag at sinabihan mo akong tanga.‖ dugtong pa niya.

―Hindi ako iyon at hinding hindi ko gagawin iyon. Muka man akong
suplado pero hindi ko ugaling mamahiya ng tao lalo na sa isang kaibigan na
gaya mo.‖ sagot ni Andrei ―baka iyon ung kakambal kong si Andrew.‖

―Wala na, nagawa mo na, aminin mo na lang kasi.‖ pagpipilit ni Nicco


―may Andrew ka pang nalalaman diyan.‖

34
No Boundaries

―Sandali lang‖ hinawakan ni Chad si Andrei palabas ―pare ako na muna


ang bahala dito. Kagagaling lang sa pagemote ni Nicco. Pangako, pagbalik mo
ayos na ang lahat.‖

―Sige pare, salamat. Sana maayos mo.‖ Sabi ni Andrei ―I trust you
pare.‖

Pagkaalis ni Andrei ay natahimik na muli ang bahay ―Alam mo Niks,


sana pinagpaliwanag mo muna si Andrei‖ isang malalim na buntong-hininga ang
pinakawalan ni Chad ―may kakambal naman talaga siya‖

―Wag ka ng magpaliwanag, alam ko mali iyong ginawa ko.


Pinangunahan ako ng emosyon ko, pero mahalaga narealize ko na mali ako.
Pwede ko pang itama ang pagkakamali ko. Hayaan mo sa susunod na magkita
kami kakausapin ko siya. Sana nga lang hindi siya galit sa akin.‖ nakangiting
wika ni Nicco.

35
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter X
Si Sandra ang Unang Pag-ibig ni Nicco

―Sandra, halika lumapit ka dito.‖ tawag ng lalaki kay Sandra na nuon


ay walong taon pa lamang.

Unti-unting lumapit si Sandra sa lalaki. ―Daddy ikaw ba yan?‖

―Oo anak ako nga‖ sagot ng lalaki.

Pamaya-maya pa ay sumigaw ang batang si Sandra ―Daddy wag po‖


umiiyak ang kawawang bata.

―Hayop ka, ano ang ginagawa mo sa anak ko‖ sabi ng isang tinig sabay
hampas sa likod ni Roberto ng isang silyang gawa na narra.

Nagising si Sandra sa yugyog ng kanyang ina. ―Nananaginip ka ata


iha?‖ tanong ni Aling Florencia ―naalala mo na naman ba ang tito Robert mo?‖

―Ah, opo‖ matipid na sagot ni Sandra.

―Anak, huwag mo na lang isipin iyon. Matagal ng lumipas iyon. Wala


kang dapat ipag-alala. Matagal ng namatay ang tito Robert mo. Hindi ka na nya
magagawan pa ng masama.‖

―Opo inay, alam ko po iyon, kaya lang patuloy pa din akong dinadalaw
ng bangungot na iyon‖ saad ni Sandra ―pero alam nyo inay lalo akong napatibay
nang pangyayaring iyon.‖ Dagdag pa ng dalaga.

―Aba, mainam kung magkagayon‖ pagsang-ayon ni Aling Florencia


―hala, sige mag-ayos ka na at lumabas ka na para kumain ng agahan.‖

―Sige po inay‖ magalang na sagot ni Sandra.

Si Sandra Bea Marie Navarro ay anak ng nasirang si Josefino Navarro


at ni Senyorita Florencia Navarro – Peralta na napangasawa naman ni Roberto
Peralta matapos mamatay ang asawa nitong si Josefino. Ang kanyang ina na si
36
No Boundaries

Florencia ay isang haciendera sa San Isidro, subalit itinakwil ng pamilya gawa


ng pag-ibig nito sa kanyang ama na si Josefino na isang magsasaka. Sa tulong na
din ng butihing mga kamag-anak nila Florencia ay nagawang makaahon sa
buhay subalit si Josefino ay namatay matapos mabaril ng hindi sinasadya.
Makalipas ang isang taon ay nakapag-asawa na muli si Florencia at ito ay si
Roberto Peralta. Pinagtangkaan si Sandra na pagsamantalahan ng kanyang ama-
amahan subalit hindi ito natuloy dahil nadin sa kanyang ina. Sa isang malakas na
hampas sa likod na iginawad dito ay nawalan ito ng malay kung kayat madaling
nadakip ng mga pulis. Namatay ang kanyang ama-amahan sa bilangguan sa sakit
sa atay na hindi na nagawang malunasan pa.

Lumaking mahinhin at mabait na bata si Sandra. Mayumi, marikit at


nakaka-akit. Mahaba ang alon-alon na buhok, makinis ang kutis na may
pagkamorena, maamo ang mga mata, maganda ang hugis ng mga labi at
matangos ang ilong. Nakakadagdag sa kagandahan nito ang nakapang-aakit na
mga ngiti na lalong nagpapatingkad sa kanyang kagandahan.

Matapos kumain ng agahan ay nagpaalam na si Sandra ―Inay, aalis na


po ako. Pupunta na kami ni Luisa sa kapitolyo. Mahirap nang mahuli ako sa
oras. Siguradong madami na ang nakapila para mag-apply ng scholarship.‖

―Mag-iingat ka iha‖ nag-aalalang habilin ng ina.

―Opo inay‖ magalang na sagot ni Sandra.

Sa may sakayan papuntang kapitolyo kung saan ang tagpuan nila ni


Luisa ay kanina pa naghihintay ang kaibigan. ―At sa wakas dumating din ang
senyorita‖ paunang pagbati ni Luisa kay Sandra.

―Pasensya ka na at natagalan ako, 5minutes pa lang naman akong late


ah.‖ Paliwanag ni Sandra na hihingal hingal.

―Ang late, late pa din. Kahit gaano katagal yan basta late ka, late ka na
nun.‖ giit ni Luisa na nakataas pa ang mga kilay.

―Aba at Niccong Nicco na ang dating natin ah.‖ tila may pang-uuyam
sa tinig nito na sinabayan ng mahinang tawa.

―Tara na at sumakay na tayo. Baka lalo tayong madulo sa pila‖


pagkawika nito ay sumakay na sila sa jip at agad na nagbayad.

―Biruin mo, college na pala tayo. Hindi ko akalaing ang bilis ng araw
diba‖ may halong pagkamanghang wika ni Luisa.

―Naku sabi nga ni Niccong aalog-alog, kapag nasisiyahan ka sa


ginagawa mo kahit gaano pa man yan katagal aakalain mong mabilis at kapag
37
Emmanuel R. Caleon

naman wala kang interest at hindi ka nasisiyahan kahit gaano kadali o kabilis
iisipin mo nang sobra sa tagal ang isang minuto.‖ tila may pag-papaalalang
nabigkas ni Sandra.

―Speaking of Nicco, sasayangin nya lahi nya. Aba, magpapari ba


naman. Mawawalan ng isang gwapong pinapantasya ang San Isidro‖ pagkasabi
nito ay mahinang tumawa si Luisa.

―Aba at pinapantasya mo pala ang lalaking iyon.‖ wika ni Sandra na


may himig ng selos.

―Bakit hindi? He is the man of every women’s dream. Umamin ka nga


sa akin, crush mo si Nicco no?‖ saad ni Luisa ―wag ng magdeny, halata ng
lahat.‖

Biglang namula si Sandra sa sinabi ng kaibigan, ―Oo, kaso wala naman


sa akin ang interest n’ya.‖ sagot ni Sandra ―saka mas mainam na iyong maging
pari sya diba madami siyang maiimpluwensiyahan at matutulungan.‖

―Sabagay may punto ka‖ pagsang-ayon ni Luisa.

Pamaya-maya pa ay nakarating na sila sa kapitolyo. ―Ayan kasi sabi ko


na nga ba at, mahaba ang pila‖ tila may himig ng paninisi si Luisa.

―Sorry na kasi‖ pagpapaumanhin ni Sandra sa kaibigan ―tara halika dun


at may nakapaskil ata sa may bulletin board‖ aya ni Sandra nang mapansin ang
bulletin board ng opisina para sa scholarship.

―Oh ano ba ang nakasulat dyan?‖ tanong ni Luisa.

―Ang nakalagay dito Selected Provincial Scholars. Tara hanapin natin


pangalan natin dito‖ masayang ipinahayag ni Sandra ―Navarro…. Ayun, Luisa
nakita ko pangalan ko dito‖

―Talaga sige nga hanapin ko din ung sa akin‖ sabi ni Luisa


―Makalinaw…‖ ilang sandali pa at ―Sandra wala talaga pangalan ko dito eh.
Pero si Nicco andito.‖

―Asa ka namang mawala iyon diyan‖ sabay tawa ―halika na at pumila


na tayo para sa’yo‖ anyaya ni Sandra.

―Mabuti pa nga‖ nakasimangot na sagot ni Luisa.

Inabot na ng gabi sa pag-uwi ang dalawa na kapwa pagod na pagod,


kaya’t pagkakain ng hapunan ni Sandra ay agad ding nakatulog ang dalaga
matapos ikwento ang magandang nangyari sa lakad niya.
38
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XI
Pagpasok sa Banal na Buhay ni Nicco

Mahigit isang buwan na din buhat ng magkita sila Andrew at Nicco ay


labis pa din ang pagsisisi ni Andrew sa kanyang nagawa. Pinanghihinayangan
din niya ang pagkakataon para makilala ang lalaking biglang nagpagulo at
nagpakabagabag sa kalooban niya. Kahit ano mang paghahanap ang gawin niya
kay Nicco ay hindi niya ito matagpuan kahit na sa simbahan ay lagi niya itong
hindi naabutan.

Sa kabilang banda, higit na din sa isang buwan ng huling magkita sila


Andrei at Nicco. Ang huling pagkikitang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng
dalawa. Nais mang hanapin ni Nicco si Andrei ay hindi niya alam kuing saan ito
hahanapin maging si Chad ay hindi nadin nakikita pa si Andrei sa San Isidro.

Ganun pa man, si Andrei ay patuloy na umaasa na sila ay magkikita na


muli ni Nicco at magkakaayos. Labis ang pangambang naiwan kay Andrei dahil
sa naganap sa pagitan nila ni Nicco. Hindi ito mapanatag sa isiping galit sa
kanya si Nicco. Hindi naman niya magawang umuwi sa San Isidro para
makipagkita kay Nicco dahil inaasikaso niya ang kanyang mga papel para sa
pag-aaral sa Maynila. Higit isang buwan din siyang nanatili duon dahil
pinapuntahan ng papa niya ang kanilang mga kamag-anak para bumisita at
mangamusta.

Sabado ng makauwi si Andrei sa San Isidro ay nais niyang makita agad


si Nicco, ngunit pinagpasyahan niyang magsimba muna sa bayan bago puntahan
ang binata sa kanilang bahay. Hindi malaman ni Andrei ang nararamdaman
dahil sa palagay niya ay muli na namang kumakabog ang kanyang dibidib sa
hindi maipaliwanag na dahilan. Habang nasa upuan ay naririnig ni Andrei ang
mga taong may iisang bulung-bulungan.

―Mapalad ang San Isidro dahil bibiyayaan na tayo ng Panginoon ng


kababayang pari.‖ usal ng isang ale.

―Tama ka mare!‖ sang-ayon ng isa pa.

39
Emmanuel R. Caleon

Samantala, si Nicco naman ang naatasang magserve sa misang iyon,


sapagkat kinabukasan ay papasok na siya sa seminaryo at ang misang ito ay
inaalay ng San Isidro para sa kanyang maluwalhating pagtahak sa banal na
buhay. Sa likod ng simbahan kung saan manggagaling ang pari ay madami na
ang bumabati kay Nicco dahil sa gagawin nito.

Sa pagsisimula ng misa ay biglang lumundag ang puso ni Andrei ng


makitang si Nicco ang sacristan ng gabing iyo. Sa isip – isip ng binata ―Sa
wakas, pinagtatagpo tayo ng tadhana, hindi ko na kailangang lumayo pa.‖
Nauupo si Andrei sa pinakaharap kung kayat madali siyang makikita.

Habang nasa taas ng altar ay agad na napansin ni Nicco ang binatang si


Andrei na nauupo sa harap. Nagsimula ng kumabog ang kanyang puso ng
mapansing lagi itong nakatingin sa kanya. Hindi malaman ni Nicco ang gagawin
kung kayat binigyan niya ito ng ngiti. Lingid sa kaalaman ni Nicco na ang
ngiting iyon ay nagpapula kay Andrei at sapat na para lalo siyang kasabikan ng
binata.

Ang kasiyahan ng dalawang binata ay tila nabalot ng lungkot ng


maalala ang katotohanang dapat nilang harapin.

―Mga kababayan ko, ipagdasal natin si Niccollo Emmanuelle Ray de


Dios sa kanyang gagawing pagtahak sa banal na buhay.‖ sabi ni Fr. Rex ―bigyan
natin siya ng masigabong palakpakan‖

Tila nawasak ang mundo ni Andrei sa nakitang iyon. Tila nais niyang
umiyak sa pakiramdam niya ay iiwan siya ng taong mahal niya. Nang hindi na
niya makaya pa, nagpasya si Andrei na lumabas ng simbahan. Gustuhin man
niyang umalis na ng tuluyan ay hindi niya ginawa sapagkat mas nais niyang
makausap ang binata at kahit sa huling pagkakataon ay makita ang mga ngiti
nito para maalala sa araw-araw.

Napalitan ng lungkot ang nasa damdamin ni Nicco nang mapagtantong


dahil sa desisyong iyon ay hindi niya makikita ulit pa si Andrei. Sa isiping iyon
ay tila nadurog ang puso niya lalo na ng makitang lumabas ang binata sa
simbahan. Pakiramdam niya ay iniwan siya ng isang taong tangay ang puso
niya. Gayun pa man, masaya siya dahil kahit sa huling sandali na iyon ay nakita
niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam, subalit umaasa
siyang sila ay magkakausap.

Hinintay ni Andrei si Nicco na lumabas sa sakristiya, nais niya talaga


itong makausap, hinintay niyang lumabas ito mula sa lugar na iyon at kahit
gaano pa katagal ay hihintayin niya ito. Samantala sa loob ay naghanda ng isang
salu-salo para kay Nicco at bilang pasasalamat na din sa Panginoon. Kulang
isang oras na din ang lumilipas ng lumabas si Nicco.

40
No Boundaries

―Nicco‖ sambit ng isang pamilyar na tinig ―kamusta ka na?‖ at unti-


unting nagpakita ang may-ari ng tinig na iyon.

―Andrei‖ tila naliligayahang nasabi ni Nicco ―ayos naman ako, ikaw?


Akala ko umalis ka na?‖

―Usap muna tayo gusto mo?‖ may halong pakiusap sa tinig ni Andrei.

―Sige ba, hintayin mo ako dito at magpapaalam na ako kila Fr. Rex‖
masayang sagot ni Nicco.

Sa may gilid ng simbahan nag-usap ang dalawa, malayo sa daanan ng


tao at sigurado ang katahimikan. Matagal ding tahimik sa pagitan ng dalawa.
Sapat na ang magkasama sila para bigyan sila ng kaligayahan. ―Andrei..‖
pagbasag ni Nicco sa katahimikan ―sorry nung nakaraang araw ah‖ dugtong nito
―alam ko mali ako, dapat pinagpaliwanag kita.‖

―Ah, wala iyon. Mahalaga ngayon hindi ka na galit at maari mo ng


malaman na malinis ang puso ko sa kasalanang iyon.‖ sagot ni Andrei
pagkawika ay natahimik ulit ang pagitan ng dalawa.

―Magpapari ka pala‖ untag ni Andrei ―bakit hindi mo sinabi sa akin?‖

―Hindi ka naman kasi nagtatanong eh‖

―Hindi mo ba alam na nasakt..‖ hindi na naituloy pa ni Andrei ―wala


kalimutan mo na.‖ dahil sa kadiliman ay hindi nakita ni Nicco ang pagtulo ng
luha sa mga mata ng binatang si Andrei ―mag-iingat ka dun ah at sana magkita
pa tayo sa susunod.‖

Alam ni Nicco ang kalungkutan ni Andrei ―Salamat sa pag-aalala, at


sisiguraduhin kong magkikita pa tayo. Gagawa ako ng paraan‖ nakangiti ngunit
malungkot ang tinig ni Nicco ―hindi ako papayag na hindi kita makita muli‖
dugtong ng isip ni Nicco.

Sabi naman ng isip ni Andrei ―kay bilis mong dumating sa buhay ko,
ngayon iiwan mo ako. Pero sige, sapat ng sabihin mong magkikita pa tayo para
bigyan mo ako ng pag-asa. Tulad nga ng sinabi mo, hanapin sa puso ang
mumunting bahagi ng pag-asa at sa sinabi mong iyan binigyan mo na ako ng
pag-asa.‖

―Sige tol, uwi na tayo‖ aya ni Nicco – kahit kabaliktaran ang nasa isip
niya, dahil ang totoo ay nais niya itong makasama pa kahit habang-buhay.

41
Emmanuel R. Caleon

―Sige una ka na‖ may hinhintay pa ako – ―Nicco wag mo akong iwan,
ikaw lang ang gusto kong makasama kahit habang-buhay‖ sigaw ng isip ni
Andrei.

Nilisan na ni Nicco ang lugar. Lingid sa kaalaman nila ay mayroon


palang isang taong kanina pa sila pinakikinggan. Pagkaalis ni Nicco ay agad
itong bumati kay Andrei ―Kamusta ka na pare, sabi ko na nga ba, malaki ang
tama mo kay Fr. Nicco eh‖ may pagbibiro sa tinig nito.

―Chad, ikaw pala iyan‖ agad na inayos ni Andrei ang sarili.

―Pare, ito lang masasabi ko sa’yo. Kung gusto mo talaga si Niks pag-
isipan mong mabuti at pag sigurado ka na hilahin mo na siya pabalik sa iyo. Sabi
nga niya, mahirap gumawa ng bagay na hindi mo pinag-iisipan dahil sa
simpleng aksyon mo, pwede mong gawing kumplikado ang lahat kung mali pala
ang hinala at akala mo.‖ Pagpapayo ni Chad.

―Salamat pare, pakiramdam ko mahal ko na siya‖ sagot ni Andrei ―sige


tawagin na nila akong bakla, kutyain, pero hindi ko pwedeng pigilan ang
damdaming gustong kumawala.‖

―Alam ko may nararamdaman din siya para sa’yo, pero dahil sa mga
bagay bagay, hindi niya magawang pakawalan ang damdaming iyon.‖ pag-alo ni
Chad ―ikaw, ikaw lang ang makakatulong para kumawala din ang ganuong
damdamin‖

―Ako?‖ Pagtatanong ni Andrei.

―Oo pare, dahil ikaw ang damdaming gusto niyang pakawalan.‖ Sagot
ni Chad.

―Sige pare, uwi na tayo. Pag-isipan mong mabuti. Wag kang


mawawalan ng pag-asa. Sa puso mo, laging may nakalaan para sa tagumpay at
kaligayahan.‖ Pag-aya ni Chad.

―Nicco fever ba ang San Isidro? Niccong Nicco ka kung mag-isip ah‖
may ngiting nasabi ni Andrei dahil na din gumaan ang loob niya sa sinabi ng
kaibigan.

―Ikaw ba naman ang laging kasama nun eh, tingnan ko lang kung di ka
mahawa.‖ Tumatawang sagot ni Chad.

Pagkauwi sa bahay ay naging mahimbing ang tulog ni Andrei


samantalang hindi mapanatag si Nicco. Dahil dito ay muli niyang kinausap ang
Diyos para sa kapanatagan at hindi nga naglaon ay nakatulog siya ng mahimbing
at magaan ang pakiramdam.
42
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XII
Si Nicco, Andrei at Andrew: Muling Pagkikita

Mag-iisang buwan na din mula nang magpaalam si Nicco sa bayan ng


San Isidro para tuparin ang pangarap niya at ng kanyang pamilya para sa kanya.
Mag-iisang buwan na din buhat ng magpaalam siya kay Andrei na labis na
nagpabago sa kanya bilang siya, na gumising sa isang kakaibang damdamin na
nuon lang niya naramdaman. Ilang araw na lang din at malapit ng magsimula
ang pasukan sa mga kolehiyo sa Maynila kung saan mag-aaral sina Andrei at
Andrew. Si Andrew ay patuloy na hinahanap ang isang mukhang labis na
nagbigay sa kanya ng kaba at tuwa sa minsang pagkikita. Si Andrei naman ay
labis ang kalungkutan sa nagyaring paghihiwalay nila ni Nicco na gumising sa
isang kakaibang siya.

Nautusan ng pamunuan ng San Agustin Seminary na pumunta si Nicco


kay Fr. Rex para ihingi ng payo ang problemang hinaharap ng seminaryo. Labis
ang tuwang naramdaman ni Nicco at sa isip niya ―Makikita ko ulit si Andrei,
bago ako bumalik sa seminaryo kailangan kitang makita Andrei.‖ at napangiti si
Nicco sa ganitong isipin at ngayon nga ay nasa harap na siya ng opisina ng
simbahan ng San Isidro at duon hinihintay si Fr. Rex.

Sa kabilang banda ay nakatakda ng lumuwas patungong Maynila sina


Andrei at Andrew para duon mag-aral. Napagkasunduan ng dalawa na humingi
muna ng basbas kay Fr. Rex bago sila umalis ng San Isidro. Kaya naman ng
umaga ding iyon, ay nagtungo sila sa simbahan para makipagkita kay Fr. Rex.
Ang kalungkutang nararamdaman ni Andrei ay biglang sumaya ng makita ang
isang pamilyar na itsura sa harap ng opisina. Si Andrew naman ay biglang
nakaramdam ng matinding kaba ng maaninagan din ang parehong taong nakita
ni Andrei.

―Sarado pa ang opisina, napaaga ata ako ng alis sa seminaryo.‖


pabulong na wika ni Nicco.

―Oo nga, napaaga ka, pero ayos lang kasi nakita kita‖ sabi ng isang
tinig ―buti na lang maaga din akong pumunta‖

43
Emmanuel R. Caleon

Walang kabang nilapitan ni Andrei si Nicco at gayon pa man ang


pagkakagulat ay nakita ang mga ngiting gumuhit sa mga labi nito. Si Andrew ay
nawala ang kaba at tila hindi makapaniwala sa nakikitang kakilala ng kuya niya
ang taong matagal na niyang hinahanap. Gayon din si Nicco na parang nagtataka
sa dalawang Andrei na ngayon ay nasa harap niya.

―Andrei? Sino sa inyo si Andrei‖ nakangiting wika ni Nicco.

Hindi tulad dati na may kaba sila sa dibdib tuwing nagkikita, tila ang
kaba ay napalitan na lamang ng hindi mapantayang kaligayahan.

―Oh, he’s Andrew, my brother, I mean, my twin‖ sagot ni Andrei sabay


tingin sa kakambal na tila nahihiya.

Hinarap ni Nicco si Andrew ―Please to meet you! I’m Nicco‖ sabay


ngiti sa kakambal ni Andrei.

―Mga iho, ano ang ginagawa ninyo dito?‖ nagtatakang bati ni Fr. Rex
sa mga binata na nuon ay kabababa lamang mula sa kwarto nito sa itaas.
Kasunod nito ay tiningnan niya si Nicco ―Aba Nicco, kita mo nga naman bagay
na bagay sa iyo ang suot mo ngayon, para kang isang anghel na binaba sa lupa‖
pagkasabi nito ni Fr. Rex ay namula si Nicco.

Nuon lang napansin ni Andrei at Andrew ang tila kakaibang bihis nito
kung ikukumpara sa nakikita nila dati. ―Oo nga Nicco, parang hindi ikaw si
Nicco‖ sambit ni Andrei.

―Ako pa din ito. Ibahin mo man ang kasuotan ko, ibahin mo man ang
anyo ko, hanggat nandito ang puso at isip ko, ako pa din si Nicco na kilala mo.‖
sagot ni Nicco sabay ang isang napakatamis na ngiti.

―Oh siya umakyat na tayo sa taas at duon na mag-usap at


nagkamustahan‖ sambit ni Fr. Rex ―sumama na din kayong dalawa‖ dugtong pa
nito.

―Tamang tama Father, kayo po ang sadya namin dito ni Kuya‖ kahit
may hiya ay pinilit ni Andrew na makapagsalita.

Makalipas ang ilang sandali at nakaakyat na sila sa taas.

―Nicco, ano ba ang sadya mo?‖ tanong ni Fr. Rex.

―Pinapasundo po kayo ni Rector sa akin‖ sagot ni Nicco.

―Pwedeng tawagan nyo na lang naman ako para hindi nyo na ako
sunduin pa.‖ni Fr. Rex.
44
No Boundaries

―Medyo personal po kasi, tungkol sa seminaryo‖ sagot ni Nicco


―unahin nyo na po sila bago ko ikwento.‖

―Ano ba ang kailanagan nyo sa akin?‖ sabay lingon kila Andrei at


Andrew.

―Hihingi po sana kami ng basbas sa inyo dahil po sa Maynila na kami


mag-aaral‖ sabi ni Andrew.

―Pero uuwi naman po kami ng lingguhan‖ dagdag ni Andrei, batid ng


binata na nalungkot si Nicco dahil sa pagkawala ng mga ngiti sa labi nito kung
kaya bumawi siya sa pagsasabing uuwi sila ng lingguhan.

―Ah iyon ba, sige bibigyan ko kayo ng basbas.‖

Sinimulan na ni Fr. Rex ang dasal sa dalawa at pagbibigay basbas ng sa


ganuon ay maging ligtas ang mga ito sa kapahamakan, matatag laban sa mga
tukso, malayo sa kapahamakan at masigasig sa pag-aaral at may lakas ng puso at
isipan.

―Kung nais nyo, hintayin nyo na si Nicco, hahayaan ko muna kayo


makapag-usap bago siya bumalik ng seminaryo‖ wika ng matandang pari.

―Sige po‖ agad at sabay na sagot ng kambal.

Isa si Fr. Rex sa tinitingala sa San Agustin Seminary kung kaya’t


napagpasyahan ng pamunuan nito na humingi ng tulong sa kanya. Sa loob ng
opisina ng pari ay sinimulan na ni Nicco ang pagkukwento.

―Father, nagkasunod-sunod po kasi ang problema sa seminaryo. Bago


pa man po ako dumating ay may nahuli silang dalawang seminarista na
gumagawa ng di magandang bagay. Nahuli po sila sa akto ng pagtatalik.
Kasalukuyan naman pong kumakalat ang balita na iyon sa buong San Felipe at
pinangangambahang pati sa buong lalawigan at maging karatig na pook. Kung
magkakataon po ay maaring maipasara ang seminaryo‖ panimula ni Nicco.

―Ano pa Nicco? Ikwento mo lahat ng sa gayon ay handa ako para


harapin ang pamunuan.‖ sambit ni Fr. Rex na may himig ng pag-aalala para sa
seminaryong pinagmulan din niya.

―Isa-isa na pong nawawala ang mga sponsors ng seminaryo at mga


seminarista dahil sa pangyayaring iyon‖ may lungkot na pagbabalita ni Nicco
―kumakalat din po ang balita na ang mga nagnanakaw sa mga bahay sa tabi ng
seminaryo ay mga seminarista o tauhan ng seminaryo‖ dugtong pa ng binatang
seminarista ―pasensya na po Fr. Rex un lang po ang maari kong ikwento dahil
45
Emmanuel R. Caleon

iyon iba po ay sila na ang magkukwento dahil maging kami ay hindi namin
alam‖ pagwawakas ni Nicco.

―Nakakalungkot, madami talagang tao ang marurupok.


Pinangungunahan sila ng makamundong pagnanasa at napagwawalang bahala
ang dapat sana ay sa nasa tuwid nilang landas.‖ nabakas ang kalungkutan ni Fr.
Rex ―sige iho, lumabas ka na at maghahanda na ako ng damit at kakausapin si
Fr. Matt para halilihan ako bukas. Mag-usap na kayo nila Andrei sa labas.‖

Nagpaalam na nga si Nicco at nilabas ang kambal na kanina pa


naghihintay. Matapos na magpalit ng damit para hindi masyadong maging
kapansin pansin ang bikas niya ay inaya na niya ang dalawa.

―Tara na‖ masayang sambit ni Nicco.

―Sige ba‖ agad na sumunod si Andrei.

Napansin ni Nicco na hindi pa din tumitinag si Andrew ―Andrew,


halika na sumama ka na sa amin‖ sabay ngiti.

Biglang namula si Andrew at nakaramdam ng hiya at kaba dahil sa


ginawa ni Nicco ―Ah, sige‖ tanging nasambit ni Andrew.

Habang naglalakad sila ay nagsalita si Andrew ―Sorry Nicco‖ sabi nya


―hindi ko sinasadya ung ginawa ko sa iyo nung nakaraang magkita tayo‖ dagdag
pa niya.

―Ah, hindi ka dapat sa akin magsorry. Kasalan ko din naman yun. Kung
magsosorry ka dapat kay Andrei kasi siya yung inaway ko dahil dun‖ sagot ni
Nicco na halata ang kasiyahan.

―Kung magsosorry ka sa akin hindi ko tatanggapin, ilibre mo na lang


kami para mapatawad kita‖ masayang bigkas ni Andrei sabay hila sa braso ng
kapatid.

Tila nawala ang hiya at kaba ni Andrew at napalitan na din ng puro


kaligayahan ―Sige ba, tara kumain muna tayo‖ sambit ni Andrew sa masayang
tinig.

Masayang masaya ang tatlo, aakalain mo ngang mula pa pagkabata sila


magkakakilala. Kung magkulitan at alaskahan ay para bang hindi mga nag-
aaway. Lumabas ang kakulitan ng kambal gayundin si Nicco. Sa asaran, laging
talo si Nicco pag nagsabay ng mamuwisit ang kambal. Naging magaan at
palagay na ang loob nila sa isa’t—isa. Wala na din ang kaba at hiya. Higit sa
lahat, mas lalo nilang nakilala ang bawat isa.

46
No Boundaries

Hindi nila napansin na maghahapon na at kanina pa naghihintay si Fr.


Rex sa simbahan. Napagkasunduan nilang bumalik na ng simbahan at ng sa
ganuon ay hindi abutin ng gabi sa daan sina Fr. Rex at Nicco. Malungkot man
sila dahil maghihiwalay-hiwalay na ay hindi na nila pinansin. Mas mahalaga ang
magandang nagyari sa kanilang tatlo ngayon.

―Magandang gabi po Fr. Rex‖ bati ng tatlo

―Sinulit nyo talaga ang araw ano‖ masayang bati ni Fr. Rex sa tatlo.

―Opo nga po eh, sarap nga pong asarin ni Nicco‖ sagot ni Andrew.

―Lagi pong talo sa asaran‖ dugtong ni Andrei.

―Kasi naman pinagtutulungan nyo ako eh‖ pagtatanggol ni Nicco sa


sarili.

―Kayong mga bata kayo. Mainam na din at nagkasama-sama kayo bago


pa man maging busy sa pag-aaral‖ sagot ni Fr. Rex ―nagbihis ka na at lalakad na
tayo.

―Sige po Father‖ sagot ni Nicco.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ng silid si Nicco at tulad


kanina at suot nito ang puting-puti niyang polo at itim na pantalon na typical na
sinusuot ng mga seminarista at pari.

―Sige Andrei at Andrew, alis na kami‖ tila may lungkot niyang sinabi.

―Sige mag-iingat kayo‖ sabi naman ni Andrew.

―Sana magkita pa ulit tayo‖ dagdag naman ni Andrei.

―Wag kayong mag-alala tiyak magkikita pa ulit tayo‖ tila pagbibigay


pag-asa niya sa bagong mga kaibigan na batid niya, tulad niya ang malungkot
din sa paghihiwalay nila.

Gabi na ng makarating ang dalawa sa seminaryo at duon ay sinabi sa


kanya ni Fr. Rex ―Iho, may tiwala ako sa kakayahan mong mag-isip at sa
paniniwala mo, ipapatawag kita sa meeting para makatulong na masolusyunan
ang problema ng seminaryo.

Matapos magdasal ay natulog na ang mga seminarista maging ang mga


pari para paghandaan ang maagang misa.

47
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XIII
Pag-amin ni Andrei

―Nicco ano ang masasabi mo sa nangyari sa mga kasamahan mong


nahuli?‖ tanong ni Fr. Rex kay Nicco.

Bagamat nagulat sa pangyayaring iyon ay nagsalita ang batang


seminarista. ―Bakit hindi natin sila bigyan ng pagkakataong magsalita?
Tanungin natin kung bakit nila nagawa yun. Paano natin malalaman ang
katotohanan o makapagdedesisyon ng tama kung sa simula pa lang ay masama
na ang husga natin sa kanila?‖ nanginginig na sagot ni Nicco.

―Halimbawang nalaman na natin ang dahilan? Ano ang susunod nating


gagawin sa kanila?‖ tanong ng Rector.

Kahit alam ni Nicco na maari niyang ikatanggal sa seminaryo dahil


taliwas ito sa gusto ng nakararaming pari duon ay sinabi niya ang nasa loob ng
kanyang puso ―Siguro marapat na bigyan natin sila ng panahon para makapag-
isip. Ipabatid natin sa kanila kung bakit mali iyon? Hindi dapat na iduduldol sa
harap nila ang naging pagkakamali nila, hayaan silang maintindihan kung bakit
sila mali.‖

―Paano kung nalaman na nila kung saan sila nagkamali at bakit sila
nagkamali? Ano na sa palagay mo ang dapat gawin?‖ tanong ni Fr. Cris, isang
pari duon na halata ang pagkadisgusto sa kanyang sinabi.

―Hayaan silang mabatid kung ano ba talaga ang gusto o mas gusto nila?
Kung sa palagay nila ay gusto pa din nilang ituloy ang pagpapari, wag nating
ipagkait ang bagay na ikaliligaya ng puso nila. Pero dapat lagi nating ipaalala na
may katapat itong sakripisyo. Dahil mahalaga din tayo para mailagay siya sa
tamang daan‖ sagot ni Nicco, sa loob loob niya ―eto na din naman ako,
matanggal na kung matanggal, ang mahalaga nasabi ko ang laman ng puso ko.‖

―Ibig mo bang sabihin na kahit dinungisan niya ang seminaryo ay


tatanggapin pa natin siya? Hindi ka ba nahihiya sa ganoon? Paano kung ulitin
nya iyon?‖ tanong ulit ni Fr. Cris.

48
No Boundaries

Magsasalita na sana ulit si Nicco nang sumingit si Fr. Rex ―Hindi mo


ba narinig ang sinabi ng bata? Kasama tayo sa pagdadala sa kanya sa tamang
landas. Ibig sabihin nagkaroon din tayo ng pagkukulang kung bakit nila nagawa
ang ganuong pagkakamali.‖ Pagtatanggol nito kay Nicco.

Natahimik si Fr. Cris na halata na ang pagkapikon sa ginagawang


pagkampi ni Fr. Rex sa batang si Nicco.

―Sige iho, ituloy mo.‖ sabi ng Rector.

―Hindi po mahirap na tanggapin siya muli. Ang kailangan lang ay ang


pang-unawa. Unawain na sila ay tao lang, marurupok, natutukso at nagkakamali.
Sa bawat pagkakamali, tulungan dapat sila ng mga nakapaligid sa kanya na
lumagay sa tama sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanila muli.‖ sa
pagpapatuloy ni Nicco.

Tahimik ang lahat ng magsalita ulit ang batang seminarista ―Ang


pagtanggap ay ang simula ng pagbabagong buhay.‖ – may sasabihin pa sana ang
si Nicco ng may magsalita.

―Iminumungkahi kong dapat ay ilaan ang usaping ito sa mga


namumuno ng seminaryo‖ sabi ni Fr. Froilan na halatang hindi kumbinsido sa
sinabi ng bata.

―Hindi nyo dapat solohin ang usapan, maging ang mga bata ay may
sariling palagay ukol sa usaping ganito. Bakit hindi sila pakinggan? Baka
sakaling may mapulot tayo.‖ pagdepensa ni Fr. Rex.

May sasagot pa sana ngunit pinigil na ito ng Rector ―Hindi maganda na


nakikita tayong nag-aaway ng ating seminarista.‖ pag-awat nito sa naging mga
sagutan ―sige na iho, lumabas ka na at kami na ang bahalang umayos nito.‖

Bago lumabas ay may narinig pa si Nicco na nagsalita ―Pareho kayong


pangahas ni Fr. Rex.‖

Ang mga pangyayaring iyon ang patuloy na naglalaro sa isipan ni


Nicco. Ang pangyayaring muntikan na niyang kinatanggal sa seminaryo. Kahit
sabihing pitong buwan na ang nakakalipas ay apektado pa rin siya ng
pangyayaring iyon. Mula kasi ng araw na iyon, marami na sa mga pari na
nagtuturo sa kanila ay pinag-iinitan siya, subalit ang iba ay humahanga din sa
bandang huli.

―7 months, 7 months na akong nandito. Matagal – tagal na din pala.‖


mahinang usal ni Nicco habang nasa loob ng kwarto niya. ―Salamat kila Kuya
Andrei at Kuya Andrew, binibisita nila ako kada linggo hindi ko tuloy

49
Emmanuel R. Caleon

nararamdaman ang lungkot‖ nasa ganitong pag-iisip si Nicco ng may tumawag


sa kanya.

―Nicco, Nicco, dali, tawag ka ni Rector.‖ sabi ni Joshua, kasamahan ni


Nicco sa kwarto. Tulad niya ay gwapo din ito at halatang habulin.

Sanay si Nicco na laging pinapatawag ng kung sino man sa mga pari at


maging ng rector, subalit ngayon ay tila ba iba ang pakiramdam niya. Pagdating
sa loob ng opisina ay nakita niya ang iba pang seminarista.

―Ngayong kumpleto na kayo may sasabihin akong maganda sa inyo‖


panimula ng rector ―Kayo ang mga napili para makauwi sa inyong mga tahanan
ngayong pasko. Dalawang linggo din iyan. Subalit, may kapalit ang pag-uwi
nyo. Dapat ay tumulong kayo sa parokya niyo sa pagsasagawa nila ng
selebrasyon para sa kapaskuhan.‖

Masayang masaya ang lahat ng seminaristang napili. Higit sa kanila


ang pinakamasaya ay si Nicco. Maisip pa lang niyang makakasama niya ang
mga Kuya del Rosario niya, lalo na si Andrei ay talagang sobrang ligaya na
niya.

Sabado ng araw na iyon at Linggo kinabukasan, alam niyang dadalaw


ang dalawa lalo na at bakasyon din ang mga ito kaya naman naisip niyang
sopresahing sasama siya pabalik sa San Isidro. Ika-sampu ng umaga kung
dumating ang mga kuya-kuyahan niya, minsan ay kasama si Governor. Ganuong
oras din ang tapos ng huling misa sa seminaryo at ganuong oras din maaaring
makaalis ang mga seminaristang mapapalad. Hindi nga nagtagal at dumating na
din ang mga ito kasama si Aling Martha at si Governor.

―Magandang umaga po Father‖ sabay mano, panimulang bati ng mga


ito sa rector na nakasalubong nila sa may gate ng seminaryo.

―Magandang umaga din po naman‖ sagot nito ―tuloy po kayo


Governor‖ sabay tingin kay Don Joaquin ―susunduin nyo po ba si Nicco?‖
dugtong ng pari.

―Ano pong susunduin yun?‖ halos sabay na tanong ng kambal.

―Hayaan nyo na lang na siya ang magsabi‖ sabay tingin sa may daanan
papuntang dormitoryo ng mga seminarista ―oh, ayan na pala si Nicco.‖ Sabay
turo sa paparating na si Niccong maraming dalang gamit.

Nilapitan ng dalawa si Nicco at tinulungang magdala. ―Ano yung


sinasabing susunduin ka daw?‖ tanong ni Andrei.

50
No Boundaries

―Ah, alam ko na, pinapalayas ka na dito ano?‖ pagbibirong wika ni


Andrew ―sabi ko naman sa iyo, di bagay dito ang mga may sungay‖ sabay ang
mahinang tawa.

―Baka naman narealize hindi ka para dito kaya aalis ka na no.‖


nagbibirong wika ni Andrei ―bakit mahal mo na ba ako?‖ dugtong pa nito sabay
tawa ng mahina.

―Ako ang mahal niyan hindi ikaw‖ sagot ni Andrew sa kakambal.

Sanay na ang tatlo sa ganuong biruan at alaskahan. Lalo pa at laging


alaska ng dalawa kay Nicco ay bakla ito kaya magpapari. Lingid sa kaalaman ng
dalawa na naapektuhan siya kapag binibiro siya ng ganuon at tuwing
magtatanong ang dalawa kung mahal ba niya si Andrei ay nais niyang sumagot
ng ―oo‖. Ganon din ang kambal, nilalabas na lang sa biro ang pagpapahiwatig
nila na mahal na nila ang seminarista lalo na si Andrei na sa simula pa ay
malakas na ang tama kay Nicco.

―Magandang umaga po rector‖ sabay mano ―Magandang umaga din po


Governor at Aling Martha‖ at pagkawika ay nagmano ang batang si Nicco.

―Pasensya na po kayo Governor..‖ hindi naituloy ni Nicco ang


sasabihin dahil agad na sumingit si Don Joaquin.

―Sabi ko sa iyo, Papa na lang ang itawag mo, tutal Kuya ang tawag mo
sa kambal ko.‖ Paggigiit ni Don Joaquin.

―Sorry po papa, pwede po ba akong makisabay sa inyo pauwi ng San


Isidro?‖ magalang na tanong ni Nicco.

―Kung ayoko may magagawa ba ako? Dala mo na nga yang mga damit
mo eh‖ sabi ni Don Joaquin sabay tawa ―kita mo, pati si rector nakukulitan na sa
iyo kaya pinapaalis ka na dito‖ tumawa ang lahat pati na ang rector.

Pamaya-maya pa ay nagpaalam na ang mga ito sa rector at sa ibang


mga pari. ―Sige po Father, uwi na po muna ako sa San Isidro‖ sabay mano ni
Nicco maging ang mga kambal.

―Sige mag-iingat ka iho. Mag-iingat kayo.‖ sabi ni Fr. Cris na naging


malapit na kay Nicco ―ingatan nyo si Fr. Nicco ah, bihira na ang makulit na
gaya niya‖ sabi ni Fr. Cris kila Governor Don Joaquin.

―Opo, alagang alaga iyan lalo na sa kambal ko. Bunso nga namin yan
eh‖ sabi ni Don Joaquin.

51
Emmanuel R. Caleon

Ilang oras pa ay nasa San Isidro na sila. Sa bahay hinatid si Nicco.


Tulad pa din ng dati, wala ang tatay niya duon. Hindi malaman ni Nicco kung
saan nagpupunta ang kanyang ama, maaga itong aalis, subalit sobrang gabi kung
umuwi. Minsan nga ay inuumaga na ito. Alam niya na may regular itong
trabaho, pero hindi niya alam ang oras ng pasok at labas nito. Nang tinanong
niya ito dati ay napagalitan lamang siya kaya minabuti niyang wag na lang
magtanong ulit, dahil alam niyang malalaman din niya ito pagnagtagal.

―Governor, este Papa, salamat po sa paghatid sa akin.‖ Pasasalamat ni


Nicco. ―Aling Martha salamat din po‖ inabot ng batang senimarista ang kamay
ng matandang si Martha.

―Ano ba yan, hindi man lang nagpasalamat sa akin‖ may himig


pagtatampo na wika ni Andrei.

―Hindi na kailangan un. Sino ba kayo?‖ sagot ni Nicco sabay tawa ng


lahat.

―Kayo talagang mga bata kayo, asaran kayo ng asaran‖ sabi ni Don
Joaquin na sanay na sa ganuong biruan ―wala ka bang balak magpunta muna kay
Fr. Rex?‖ tanong ng Don.

―Mamaya po, dadalawin ko lang ang mga kapatid ko‖ sagot nito.

―Di ba kami ang mga kapatid mo?‖ pabirong wika ni Andrew.

―Naku iho, kay bait mo talaga‖ pakling sambit ni Don Joaquin,


bagamat alam niya ang kwento ni Nicco base na rin sa kwento nila Andrei at
Andrew.

―Sige una na kami‖ paalam ng Don, ni Aling Martha at ng kambal.

Ayaw pang umuwi ng kambal subalit pinilit niya ang mga ito at tinakot
na magagalit siya kapag hindi sila umuwi. Bago matapos ang araw ay binisita
niya ang mga kapatid niya subalit gaya ng mga nauunang pagbisita niya sa kani-
kanilang bahay ay laging aligaga ang mga ito at hindi magkanda ugaga sa
ginagawa. Pinuntahan din niya sila Chad at Rome para mangamusta at sa
bandang huli ay kay Fr. Rex.

Inanyayahan siya na sa Mansion na lang ng del Rosario nagpalipas ng


Noche Buena subalit tinanggihan niya ito. Pati si Fr. Rex ay inaya siyang sa
simbahan na lang manatili pero mas pinili niyang makasama ang ama. Kaya
naman nang sumapit ang gabi bago ang araw ng pasko ay naghanda siya ng
kahit kaunti dahil umaasa siyang darating ang ama. Subalit inabot na ng umaga
ay wala siyang nakita maging ang anino nito. Nakatulog na ang batang

52
No Boundaries

seminarista sa sala ng marinig niyang may paakyat. Nagulat siya ng mapansing


si Andrei pala iyon.

―Merry Christmas Niks‖ nakangitng bati nito.

Nais sanang mapaluha ni Nicco subalit pinigilan niya ang emosyon


―Merry Christmas din Kuya Andrei. Nasaan si Kuya Andrew?‖ tanong nito.

―Wala, iniwan ko, tumakas nga lang ako. Ayun at tulog na tulog ang
loko.‖ Nakangiting wika nito ―ikaw lang ata mag-isa dito ah‖

―Oo, hindi pa din kasi umuuwi si tatay‖ nakangiting sagot nito.

―Buti na lang pala at pinuntahan kita. Kanina ka pa namin gustong


puntahan kaso nahihiya kaming magpaalam kay Papa. Alam mo na.‖ sabi nito
na may pag-aalala sa tinig.

―Ayos lang, salamat nga pala sa pagbisita‖ sagot ni Nicco, subalit sa


loob loob niya ―ayos lang sa akin, basta ba ikaw ang kasama ko ngayong
pasko.‖ At bigla siyang napangiti.

―Niks, may sasabihin sana ako sa’yo.‖ Napalunok ng laway si Andrei


―wag ka sanang magagalit‖

―Sige ano ba yon?‖ sagot nito.

Hindi malaman ni Andrei kung paano sisimulan, pero alam niya sa


puso niya na ito na ang pagkakataon para sabihin ang damdaming iyon. Ngayon
ay sigurado na niya ang nararamdaman.

―I Love You Niks‖ sabi nito.

―Joker ka talaga, ayos lang ako, wag ka nang magpatawa‖ sagot ni


Nicco.

―I mean it Niks, since then, I fell in love with you.‖ Paggigiit ni Andrei.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Nagsalita muli si Andrei ―I


can’t keep it inside myself anymore. Pakiramdam ko habang tinatago ko ito
gusto kong sumabog.‖

―Pero Andr—― at hindi na naituloy ni Nicco ang sasabihin.

―Wag kang mag-alala, alam ko namang may pangarap kang tinutupad.


Ang sa akin lang naman, karapatan mong malaman ang totoo. Ayos lang kung

53
Emmanuel R. Caleon

magbago ang tingin mo sa akin pero sana huwag mo akong iiwasan.‖ sabi ni
Andrei ―Hindi ko kayang iwasan mo ako.‖

―Huwag kang mag-alala Andrei, hindi nagbago ang tingin ko sa iyo.‖


nakangiting wika ni Nicco ―masaya ko dahil alam ko, mahal ako ng taong mahal
ko din.‖

Napangiti si Andrei sa sinabing iyon ni Nicco nang biglang tumunog


ang cellphone nito.

―Sandali lang tumatawag ni Andrew‖ saad ni Andrei.

―Kuya nasan ka ba? Hinahanap ka ni Papa, andito sila tita Melba‖ sabi
ni Andrew sa kabilang linya.
―Sabihin mo lumabas lang ako para magpahangin. Sige pabalik na ako
diyan.‖ Sagot ni Andrei.

―Niks ko, uuwi muna ako, pero babalik din ako mamaya‖ pagpapaalam
ni Andrei.

―Ingat ka Andrei‖ sabi naman ni Nicco.

Sa pag-usad ng mga araw ay wala ngang nagbago sa pagsasama ng


dalawa. Kung mayroon man ay ito ang mas lalong pagiging malapit nila sa isa’t-
isa. Kinabukasan ay bagong taon na at kailangan ng bumalik ni Nicco sa
seminaryo ng araw din iyon. Malungkot man si Andrei sa pag-alis na ito
pinangako niya kay Nicco na dadalawin pa din niya ito ng lingguhan para
mabawasan ang kalungkutan nila. Ngunit bago tuluyang maghiwalay ay nag-
iwan ng makabuluhang pahayag si Nicco, ―baka sa susunod na pagbisita mo
kasama mo na ako.‖

Sa pahayag na ito ni Nicco ay tila sumaya ang binatang si Andrei at


sumagot ng ―Aasahan ko iyan‖

―Wag mo munang asahan baka hindi matuloy, baka sa susunod na


buwan‖ at nakangiting bumaba ng sasakyan si Nicco. ―Ingat kayo‖ huling
pahayg nito bago tuluyang pumasok sa seminaryo.

Naguguluhan man si Andrew sa usapan ng dalawa ay binaliwala na


lang niya. Nakalubog na ang araw ng maka-uwi ang kambal. Naging malungkot
ang dalawa lalo na si Andrei dahil wala na si Nicco. Subalit napapasaya naman
siya ng makahulugang pahayag nito sa tuwing maaalala niya.

54
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XIV
Panahon ng Pagpili ni Nicco

―Niks, ano na , sasama ka na ba sa amin pag-uwi?‖ Mahinang tanong ni


Andrei kay Nicco.

Mahigit isang buwan na din ng sabihin ni Nicco ang makabuluhang


pahayag na iyon kay Andrei. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip si Nicco ukol
sa bagay na iyon. Iniisip niya kung tama bang iwan ang seminaryo para kay
Andrei o ipagpatuloy ang pagpapari para sa mga taga-San Isidro. Hati ang puso
ni Nicco ukol sa bagay na iyon. Alam niya na nagtatampo sa kanya ang Kuya
Andrei niya dahil binigo niya ito sa pag-asang magkakasama sila at lalabas siya
ng seminaryo.

―Kuya, pasensiya na. hindi po ako makakasama sa inyo.‖ malungkot na


tinig ni Nicco.

―Ganuon ba? Ayos lang, sa susunod na lang.‖ nakangiti ngunit kita ang
kalungkutan.

Nang sumunod na Linggo, tanging si Andrei lang ang pumunta ng


seminaryo. Bago ito para kay Nicco kayat tinanong niya ang Kuya Andrei niya
―Oh, bakit ikaw lang? Nasaan si Kuya Andrew?‖ nakangiti niyang tanong.

―Naiwan sa Manila, medyo busy‖ sagot ni Andrei ―gusto nga n’ya na


makapunta dito‖ dagdag pa niya.

―Ganuon ba sayang naman‖ wika ni Nicco ―Kamusta na ang Andrei


ko?‖ tanong niya kay Andrei.

―Kailan mo ba talaga balak sumama sa akin pabalik ng San Isidro?‖


Imbes na sagutin ay nagtanong si Andrei ―May balak ka bang sumama o
pinapaasa mo lang ako sa wala?‖ dugtong pa nito.

―Kuya, hindi ko po talaga sinasadya kung napapaasa kita‖ malungkot


na tinig ni Nicco ―Nahihirapan po kasi akong mag-isip kung ano ang gagawin
ko.‖
55
Emmanuel R. Caleon

―Ganuon na nga din yon, para bang pinapaasa mo ako sa wala. Sana
sinabi mo na ng mas maaga ng hindi ako masyadong umaasa sa iyo.‖ mahinahon
ngunit malungkot na tinig nito.

―Hindi naman sa ganuon kuya, kaya lang –― hindi na naituloy pa ni


Nicco ang sasabihin dahil nagpaalam na aalis na si Andrei.

―Sige sa susunod na lang ulit.‖ paalam nito ―sana may desisyon ka na


pagbalik ko. At tuluyan nang nilisan ni Andrei ang lugar.

Hindi naman mapanatag ang kalooban ni Nicco dahil sa pangyayari,


gusto sana nyang habulin ang Kuya Andrei nya para yakapin at sabihing sasama
na siya dito, subalit hindi niya magawa dahil lubha pang magulo ang isip niya.

Nang sumunod na Linggo ay walang Andrei o Andrew na nagpakita sa


kanya. Labis itong pinag-alala ni Nicco. Iniisip kung galit ba sa kanya ang Kuya
Andrei niya o baka naman inisip na wala na itong pag-asang umalis siya ng
seminaryo. Tila ba binagsakan ng langit at lupa ang kalooban ni Nicco sa
ganuong isipin. Pilit man niyang sawayin ang sarili ay hindi niya magawa
sapagkat iyon ang nararamdaman niya.

Nasa ganuon siyang pag-iisip ng may nagsalita – ―Tila malungkot ka?‖


sabi ni Matthew.

―Kayo po pala Dok.‖ sabi ni Nicco.

―Sarap umiyak dito sa hardin diba? Kahit naman sino, kailangang


umiyak. Bahagi na iyon ng pagiging tao‖ sabi ng doktor.

Nanatiling tahimik ang lahat ng magpaalam ang doctor kay Nicco.


Pagkaalis ng Doktor ay duon nagsimulang dumaloy ang luha sa mga mata ni
Nicco.

―Tama si Dok, kahit sino kailangan umiyak. Hindi ka dapat


magpanggap na masaya ka kung malungkot ka naman talaga. Mahirap magpigil
nang nararamdaman dahil kahit kailan, mahirap dayain at lokohin ang sarili
mong puso.‖ Sabi ni Nicco sa sarili.

56
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XV
Ang Pagdating ni Dok Matthew

―Sarap umiyak dito sa hardin diba? Kahit naman sino, kailangang


umiyak. Bahagi na iyon ng pagiging tao‖ sabi ng doktor.

Si Dr. Matthew Cervantes Jr. ay ang bagong doktor ng seminaryo.


Bukod sa pagsisilbi niya ng libre sa seminaryo ay regular na doktor din siya sa
isang ospital sa Maynila. Isang dating seminarista na lumabas ng seminaryo para
hanapin ang isang bagay na tunay na ikaliligaya ng puso niya. Sa pagbabalik
niya sa kanyang bayan ang Santiago ay duon niya nakita ang madaming
kakulangan ng lipunan. Napagtanto niya na madami sa mga kababayan niya ang
namamatay ng hindi man lang nakakakita ng doktor sa tanang buhay nila. Sa
pag-iral ng likas na kabaitan ay naantig ang kanyang puso upang tumulong sa
mga ganitong uri ng tao. Hindi naglaon ay nakita niya ang sarili na pinag-
aaralan ang medisina.

Kahit tutol ang kanyang pamilya sa bagong landas na tinatahak ay


pinanindigan niya ito. Hindi siya natakot na mawala ang kung ano pa man sa
kanya. Sa ngayon, mas iniisip niya ang pagtulong sa mga kapwa. ―Hindi ko
ipagkakait ang tulong sa nangangailangan sa paraang alam kong kaya kong
gawin.‖ Ito ang naging pamantayan niya sa pagtulong sa kapwa.

Ngayon ngang nakapagtapos na siya ng medisina at isa ng ganap na


doktor ay pinili niyang maging doktor sa isang pampublikong ospital at isang
volunteer doctor na pumupunta sa mga mahihirap na lugar para mag-abot ng
tulong. Hindi din niya ipinagkait ang libreng serbisyo sa kanyang dating
tahanan, ang San Agustin Seminary. Pinupuntahan niya ang seminaryo ng
dalawang beses sa isang linggo. Buhat ng una silang makapg-usap ni Nicco ay
naging malapit na ang bata sa kanya.

Dalawang buwan na ang lumilipas at walang kambal na nagpakita sa


seminaryo. Labis na kalungkutan ang nararamdaman ni Nicco. Lalo’t higit sa
isiping galit sa kanya ang Kuya Andrei niya. Linggo nuon, nasa hardin si Nicco,
parehong lugar kung saan niya unang nakausap ang doktor. Umiiyak ng palihim
ang batang si Nicco ng muli ay makita siya ng doktor.

57
Emmanuel R. Caleon

―Ano ang problema iho?‖ tanong ng doktor sa kanya.

―Wala naman po.‖ Sagot nito.

―Kung wala, bakit ka umiiyak?‖ tanong nito ―hindi pwdeng umiiyak ka


ng walang dahilan‖ dugtong pa nito. ―Lagi kitang nakikitang umiiyak sa lugar
na ito‖ ibig sabihin may problema ka.

At duon nga ay ikinuwento ni Nicco sa Doktor ang lahat. Kahit may


pag-aalinlangan sa kanya ay ginawa pa din niyang magtiwala sa doktor dahil
alam niyang makakatulong ito sa kanya.

―Isipin mo, ano ba talaga ang mas matimbang sa iyo? Saan ka ba mas
liligaya? Bakit hindi mo subukang pagdaanan ang parehong landas. Ngayon ay
tinatahak mo ang unang option mo, nakikita ko masaya ka pero may kirot at
hapdi sa puso mo. Bakit hindi mo subukang lumabas? Tahakin mo ang isa pang
option. Malay mo, sumaya ka na walang kirot sa puso mo.‖ sambit ng doktor.

―Dok, nagsimula lang naman po ito nung umamin sa akin si Kuya


Andrei at mas naramdaman ko ang kalungkutan nung hindi niya ako
dinadalaw.‖ Sagot ni Nicco.

―Tamang pagkakataon na para subukan mo ang isang landas.‖ Dagling


pagsagot ng pari. ―Kung sakali mang hindi ka lumigaya sa labas, bukas ang
seminaryo para tanggapin ka.‖

Napangiti si Nicco na para bang gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa


palagay niya ay binigyan siya ng senyales mula sa taas kung ano ang gagawin
niya. Naisip na lang niyang, mas madali pala ang magpayo kaysa sa isabuhay
mo ang pinapayo mo.

―Salamat po Doc Matthew‖ sabi ni Nicco ―buti na lang po at andyan


kayo‖

―Salamat din sa tiwala mo sa akin‖ sagot ng doktor ―walang


makakaalam ng pinag-usapan natin‖

Mula nuon ay tila gumaan na ang pakiramdam ni Nicco, at unti-unti sa


bawat linggo, alam na niya ang isasagot sa kanyang minamahal na kuya Andrei
kung sakaling bumisita ito at magtanong sa kanya.

58
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XVI
And Desisyon ni Nicco

Matapos ang pag-uusap na iyon sa pagitan ni Dok Matthew at Nicco ay


tila ba punung-puno ang puso niya ng pag-asa at unti-unting nabubuo ang loob
niya para sa kanyang desisyon. Lumipas ang mga araw ay wala pa ding Andrei
at Andrew na nagpapakita sa kanya sa seminaryo. Walang sulat o tawag na mula
sa mga ito. Malapit ng magwakas ang 10buwan para masabing nakapagsikap
siya ng isang taon sa loob ng seminaryo.

Dumating ang araw, saktong dalawang linggo bago sila pauwiin sa


kani-kanilang mga bahay, may hindi inaasahang bisita si Nicco. Ang kanyang
mga kuya-kuyahan ay bumalik, matapos ang madaming linggo ay muli nila
itong pinuntahan. Magkahalong pananabik at tuwa ang naramdaman niya.

―Niks, pasensya ka na ngayon lang kami nadalaw ulit.‖ Sabi ni Andrew


na nakangiti ―madami lang kasing ginagawa.‖ dugtong pa nito.

―Ayos lang iyon‖ sagot nito ―mas mahalaga at nakadalaw pa kayo‖

Tila walang kibo si Andrei ng mga sandaling iyon. Tila ba ayaw siyang
makausap o kung ano pa man. Hindi makatiis si Nicco sa ganuong siwasyon
kaya siya na mismo ang gumawa ng hakbang para mabali ang katahimikan nito
―Kuya Andrei, may magandang balita ako sa iyo, pero hindi ko muna sasabihin‖
pagkasabi nito ay ngumiti si Nicco.

Napaisip ang dalawa lalo na si Andrei – ―ito na ba ang hinihintay kong


pagkakataon para makasama ka Nicco‖ tanong ng isip ni Andrei sabay ngiti.

―Malamang tama ang iniisip mo ngayon‖ nakakalokong saad ni Nicco


―basta ba susunduin niyo ako dito pagpinauwi na kami eh‖ dugtong pa nito.

Nawala ang kalungkutan sa puso ni Andrei, nawala din ang pagtatampo


dahil sa paniniguradong sinabi ni Nicco. Mas nanaig ngayon ang pananabik na
makasama ang taong nagpababago sa kanya.

59
Emmanuel R. Caleon

Pagkaalis ng dalawa ay agad na tinungo ni Nicco and opisina ng Rector


para sabihin ang binabalak nito. Sa una ay hindi matanggap ng rector ang
pamamaalam ni Nicco subalit lubhang mapilit at mapanindigan ang bata kaya
pinayagan na din niya.

―Salamat po Father at inunawa mo po ako. Maraming salamat po at


pinagbigyan ninyo ako sa gusto kong hanapin pa ang ibang mundo ko.
Maraming salamat po at hinayaan ninyo akong ibuka pa ang mga pakpak ko at
lumipad ng mas Malaya at mas mataas. Salamat po dahil hindi ninyo ipinagkait
sa akin ang posibleng kaligayahan ko. Maraming salamat po talaga sa
pagpayag.‖ Pasasalamat ng batang si Nicco.

―Walang anuman iyon iho. May tiwala ako sa kakayahan mo. Alam ko
nais mo lang sundin ang dikta ng puso mo. Kung sakali mang mapagtanto mong
nagkamali ka ng piniling daan, bukas kami lagi para sa isang katulad mo at
handa ka naming tanggapin sa oras na dalin ka ulit dito ng puso.‖ masayang
pagwawakas ng pari sa usapan.

Dumating nga ang araw para ang lahat ng seminarista ay makauwi.


Alam ni Nicco na iyon na ang huling tapak niya sa lugar na iyon. Hindi na niya
iyon babalikan pa sa susunod na buwan at maging sa kasunod pa. Dumating na
din ang pinakahihintay niyang susundo sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay si
Andrei lang ang sumundo sa kanya walang kasamang iba.

―Oh, bakit ikaw lang? Nassan si Kuya Andrew?‖ tanong nito.

―Di kasi ako mapanatag kung ano ba iyong magandang balita mo sa


akin‖ sagot ni Andrei ―kaya pinilit kong ako na lang ang susundo sa iyo at
ginawan ko ng paraan para magkaroon siya ng lakad sa araw na ito.‖
Nakangiting dugtong pa nito.

―Ikaw talaga‖ tanging nasambit ni Nicco ―halika na umalis na tayo,


nakapagpaalam na ako sa kanilang lahat bago ka pa man dumating‖

Nanaig ang katahimikan sa kanila ng magsalita si Andrei ―Ano ba kasi


iyong sasabihin mong magandang balita?‖ tanong nito.

―Hindi na ako babalik sa seminaryo.‖ Sabi ni Nicco.

Biglang hininto ni Andrei ang sasakyan ―Talaga?‖

―Opo, buti nga at –― hindi na natapos ni Nicco ang sasabihin dahil


ginawaran siya ng halik ni Andrei sa mga labi.

―Buti naman kung ganuon‖ sabi pa nito ―sa wakas magkakasama na


tayo.‖
60
No Boundaries

―Napakabilis mo, bigla ka na lang nanghahalik‖ nakangiting sabi ni


Nicco. ―Sige na paandarin mo na ang makina para makauwi na tayo, kakausapin
ko din si Fr. Rex sa bagay na ito.‖

―Ano ngayon ang balak mo?‖ tanong ni Andrei ―gusto mo mag-aral ka


sa Maynila para magkasama na talaga tayo?‖ dagdag pa nito.

―Mag-aaral ako, kaso wala ako pang-Maynila‖ sagot ni Nicco ―siguro


kukuha na lang ako ng scholarship para makapagtapos ako ng pag-aaral o kaya
working student.‖ Dugtong pa niya.

―Hindi mo na kailangan pang gawin iyan.‖ kontra ni Andrei


―kakausapin ko si Papa para siya na ang magpaaral sa iyo.‖

―Ayoko, nakakahiya sa Papa mo.‖ Sagot ni Nicco.

―Hindi iyan, gustung-gusto ka nga niya. Malamang matutuwa iyon na


tulungan ka.‖ Sagot ni Andrei.

―Basta nakakahiya pa din‖ sagot ni Nicco.

―Saan ka unang pupunta?‖ tanong ni Andrei.

―Kay Fr. Rex muna.‖ Sabi ni Nicco ―kakausapin ko muna siya para
makahingi ng tawad‖

―Hihingi ka ng tawad dahil pinagpalit mo ang pagpapari para sa akin?‖


nakangiting saad ni Andrei.

Gumanti na lang ng ngiti si Nicco. Sa isip niya –―oo, pinagpalit ko


silang lahat para sa iyo at walang pagsisisi kong ginawa ito‖

Namasyal muna sila bago umuwi. Sa sobrang saya nilang dalawa ay


hindi nila namalayan ang oras, basta pakiramdam nila ay hindi na magwawakas
ang kasiyahan nila. Tapos na ang huling misa para sa araw na iyon ng dumating
sila ng San Isidro. Pagkababa ni Nicco sa sasakyan ni Andrei ay pinakiusapan
nito ang binata na umuwi na at hayaan na siyang kausapin si Fr. Rex. Labag
man sa kalooban ni Andrei ay iniwan niya ang pinakamamahal na si Nicco.

―Fr. Rex, patawarin mo po ako‖ panimula ni Nicco.

―Wala kang dapat ihingi ng tawad‖ nakangiting sinabi ni Fr. Rex


―naiintidihan ko kung bakit mo ginawa ang bagay na iyon.‖ Dugtong pa nito.

61
Emmanuel R. Caleon

―Sinabi na sa akin ng Rector ang lahat‖ agad sabi ng pari nang


mapansin ang pagtataka sa muka ng binatang si Nicco.

―Alam mo iho, mahirap talagang intindihin kung ano nga ba ang gusto
mong gawin sa buhay. Minsan ang akala mong iyon na ay hindi pa pala. Minsan
andiyan na sa tabi ang para sa iyo, hindi mo pa napapansin, minsan darating sila
kung kailan huli na, minsan darating sila pag kumplikado ang lahat.‖ saad ng
pari.

―Hindi mo pwedeng diktahan ang puso‖ sabi ulit ng pari ―laging


naitatama ang pagkakamali, kaya naman, kung sa tingin mo ay may mali sa
ginawa mo, mag-isip ka na lang ng paraan para maitama iyon.‖

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. ―Ano na ang balak mo


ngayon?‖ tanong ng pari.

―Balak ko po sanang kumuha ng trabaho o kaya ay scholarship para


makapag-aral.‖ sagot ni Nicco.

―Sige, tutal naman bukod tangi ka sa lahat at minahal na kita parang


tunay kong anak, ako na ang magpapaaral sa iyo, sa Maynila ko sana gustong
pag-aralin ka.‖ Sabi ng matandang pari.

―Nakakahiya naman po sa inyo‖ sagot ni Nicco.

―Hindi ka dapat mahiya, tutulong ako ng bukas sa puso ko, may malinis
na hangarin‖ sagot ng pari ―Ano naman ang kukunin mong kurso?‖

―Nais ko po sanang ituloy ang Pilosopiya, magandang pag-aralan ang


Pilosopiya dahil kaya niyang ibigay ang mga bagay at karunungang wala sa
iba.‖ Sagot ni Nicco.

―Maganda iyan iho, basta ako ang bahala para sa mga gastusin mo.‖
Sabi ng pari ―Siya, umuwi ka na, masyado ng gabi papadelikado sa daan.

―Salamat po ng marami Father.‖ Pasasalamat ni Nicco.

Tulad ng dati wala ni isang anino na nasa bahay nila. Nalungkot man si
Nicco dahil walang pinagbago ang ayos ng kanilang tahanan ay natuwa pa din
ito sa isiping makakasama niya si Kuya Andrei niya na mag-aral sa Maynila.
Nakatulog si Nicco na masaya sa ganitong mga isipin.

62
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XVII
Lihim na Pagsasama sa Kaligayahan

Nalaman na ng buong San Isidro ang desisyon na iyon ni Nicco, at sa


bawat isang nagtatanong, isa lang ang lagi niyang sagot ―Mahirap po kasing
gawin ang mga bagay na hindi naman ikinaliligaya ng puso.‖ Madami ang
nanghinayang, gayunpaman, madami ang suportado ang desisyon niya. Isa na sa
mga sumuporta dito ay ang kanyang pamilya.

Isang linggo na din ng makauwi siya ng San Isidro, pagkagaling sa


labasan ay inabutan niya ang mga kapatid sa kanilang bahay. Hindi siya sanay sa
ganuong pangitain, lalo na at hindi niya inaasahan ang pagpunta ng mga ito sa
bahay nila.

―Magandang hapon mga kapatid ko.‖ panimula niya, bagamat may


pangambang baka ang mga ito ay galit sa kanya ay pinilit niyang itagao ang
nararamdaman. ―Kumain na ba kayo?‖ kasunod na tanong nito.

―Nicco‖ sabi ng Ate Lourdes niya ―bakit mo biglang naisipan na huwag


ng ituloy ang pagpapari?‖ tanong nito.

Kahit pinaghandaan ni Nicco ang ganitong posibilidad ay hindi niya


alam kung bakit tila nablanko ang isip niya at bigla siyang napipi. Nanatili na
lamang siyang nakatahimik.

―Bakit hindi mo man lang sa amin ipinaalam?‖ dugtong pa nito.

Gusto sana niyang sabihin na ―Paano ko sasabihin sa inyo, ni hindi nyo


nga ako nabisita sa seminaryo, ni hindi ko kayo makausap‖ – subalit pinili na
lang niyang itikom ang bibig. Pakiramdam niya ay nais tumulo ng luha sa
kanyang mga mata sa isiping ang realidad ay may pamilya siyang walang
pakialam sa kanya.

―Ano pa ang silbi nang pagiging kapatid namin sa iyo, kung hindi mo
kami magawang pagsabihan ng mga balak mo?‖ sabi naman ng Ate Nica niya
―kahit naman ganito kami, inaalala ka pa din namin‖ saad din nito.

63
Emmanuel R. Caleon

Hindi na talaga mapigilan ni Nicco at umagos na paunti-unti ang mga


luha sa mga mata niya. Yumuko na lamang siya ng sa ganuon ay hindi nila ito
mapansin. Binigyan lakas niya ang sarili at nagsalita ―Mahirap tumupad sa isang
bagay lalo na kung paunti-unti ay lumalayo ang puso mo dito. Pakiramdam ko
hindi ako masaya sa ginagawa ko. Pakiramdam ko may kulang sa akin.
Pakiramdam ko mas magagawa kong makalipad ng malaya sa labas ng
seminaryo. Higit sa lahat, hindi ko kaya na mabuhay sa isang mundong ipinilit
lang sa akin para tahakin.‖

Tumahimik ang kapaligiran. ―Naiintindihan ka namin‖ wika ng Ate


Antonette niya ―basta ba siguraduhin mo na magiging masaya ka sa desisyon
mo. Hindi ka namin pipigilan‖ dugtong pa nito.

Naantig ang damdamin ni Nicco, sa unang pagkakataon, naramdaman


niyang bahagi siya ng pamilya ay mayroon siyang pamilya. Natuwa siya dahil sa
unang pagkakataon ay nagpakita ng interes sa kanya ang mga kapatid niya.
Nasabi na lang niya sa sarili – ―Tunay nga, kahit hindi mo maramdaman sa una,
sa bandang huli, ang kabutihan na ang mismong magpapakita sa iyo, sa mga
oras na hindi mo inaasahan.‖

Kinabukasan, nagkita ulit sina Nicco at Andrei sa may lumang bahay


ng mga del Rosario, malayo ang bahay na iyon at natitiyak nilang sila lang ang
tao sa lugar at paligid. Kasalukuyan silang nasa hardin ay masayang ibinalita ni
Nicco kay Andrei ang naging usapan nila ng kanyang mga kapatid. ―Edi
maganda kung ganuon, kaya pala masaya ang mood ng Nicco ko kagabi‖
nakangiting sabi nito ―bakit hindi mo ikunuwento sa akin ung nung magkausap
tayo sa phone?‖

―Gusto ko kasi personal kong sabihin sa iyo. Mas maganda kung


personal mong malalaman.‖ Nakangiting sagot ni Nicco.

―Ayos pala. Tayo? Kailan kaya nila matatanggap ang tungkol sa atin?
Matatanggap kaya nila tayo?‖ tanong ni Andrei.

―Kuya Andrei ko, wag ka mag-alala, matatanggap din nila tayo‖


pagkasabi ni Nicco nito ay natahimik ang pagitan ng dalawa.

―Dahil sa ang buhay ng tao ay karaniwang nakasandig sa relihiyon,


nagiging pangunahing angkatan nila ng prinsipyo ang relihiyon. Mayroon lang
talagang ibang pinaninindigan ang prinsipyong nakukuha nila mula sa labas ng
relihiyon pag nakita nilang may mabuting idudulot ito o kaya naman ay
malaking pakinabang para sa kanila at nakararami‖ pagbasag ni Nicco sa
katahimikan ―parang tayo, we break free, we move out of the shell, because we
know that we can grow more in this world that we are now creating.‖ tila may
pang-aalong sinabi ni Nicco ―napa-english ako dun ah‖ birong dugtong ng
binata.
64
No Boundaries

―Tama ka Nicco ko. Kung matatanggap tayo ng simbahan, matatanggap


din tayo ng mga tao. Ang simbahan ang pangunahing pinagkukunan ng
ideolohiya at kaisipan ng mga tao. Relihiyon ang malaking bahagi ng buhay ng
tao. Dito na sila kumukuha ng basihan ng tama at mali, higit sa lahat iyong mga
ordinaryong taong nagpapatangay na lang sa agos. Dahil dito, nagagawa ng
relihiyon na makapagdikta ng social norms. Bakit madami ang kontra sa
paggamit ng condoms? Kasi sabi ng relihiyon bawal iyon, labag daw un sa
moralidad. Ibahin natin halimbawa ang sitwasyon, kung natanggap ng relihiyon
ang condoms, sana natanggap na din ito ng marami.‖ paghabol pa ni Andrei.

―Tigil na nga natin itong usapan na ito.‖ Pag-iba ni Nicco sa usapan


―kailan natin sasabihin kay Andrew?‖ tanong ni Nicco kay Andrei.

―Bahala na, basta darating ang panahon sasabihin ko din.‖ sagot ni


Andrei.

Matagal ding natahimik ang dalawa, dahil sapat na sa kanila ang


magkasama sila para lumigaya. ―Sumama ka daw sa amin sa Maynila bukas sabi
ni Papa‖ saad ni Andrei na tila may pag-uutos kay Nicco.

―Bakit naman daw?‖ tila nagtatakang tanong ni Nicco.

―Aayusin na natin ang mga papel mo para duon ka na din makapag-


aral‖ sagot ni Andrei ―si Papa na ang bahala sa pag-aaral mo‖ dugtong pa nito.

―Nakakahiya naman, pinangakuan na ako ni Fr. Rex na tutulungan daw


niya ako sa pag-aaral ko.‖ Sabi ni Nicco.

―Nagkausap na sila ni Papa nung nakaraang araw, at pumayag ni Fr.


Rex na ipaubaya na kay Papa ang pag-aaral mo. Sinabi na din ni Fr. Rex na
gusto mong ituloy ang ABPhilosophy.‖ Sabi ni Andrei.

―Ganuon ba, para yatang ipinagbili ako ng hindi ko alam.‖ wika ni


Nicco.

―Kung ipinagbibili ka, sana matagal na kitang binili para simula pa lang
alam kong akin ka na.‖ may himig ng paglalambing kay Andrei.

―Kahit naman hindi mo ako bilin, sa iyo pa din naman ang bagsak ko,
kasi ako ang hahanap ng may-ari sa akin.‖ sagot ni Nicco na may mahinang
tawa ―loko ka, nambobola ka na naman eh.‖

―Kung pambobola ang pagsasabi ng katotohanan, sige nambobola ako‖


may mahinang tawa din si Andrei.

65
Emmanuel R. Caleon

―Sige magkita tayo bukas para masikaso na natin ang pag-aaral mo sa


Maynila. Tamang-tama may ABPhilosophy sa Philippine University‖

Hindi na nagpahatid pauwi si Nicco. Naglakad na lang siya mula sa


simbahan pauwi at maagang natulog. Masaya niyang inisip ang magandang
bukas kasama si Andrei niya.

66
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XVIII
Pag-amin kay Andrew ng Katotohanan

―Sa wakas at naayos na din ni Nicco lahat ng papel niya‖ masayang


pagbabalita ni Andrew ―talagang dito na siya mag-aral kasama natin‖

―Oo nga eh, salamat sa tulong ninyo ah‖ pagsang-ayon ni Nicco.

―Wala kang dapat ipagpasalamat, ayos lang yun‖ sagot naman ni


Andrew.

―Salamat talaga‖ giit ni Nicco ―buti na lang may mga kuya akong gaya
ninyo.‖ masayang dagdag ni Nicco.

―Siya nga pala, paano na yan, magkakahiwa-hiwalay tayo bukas‖


sambit ni Andrei.

―Oo nga pala, hiwa-hiwalay tayo bukas‖ sang-ayon ni Andrew ―si


Nicco sa College of Liberal Arts, si Kuya Andrei sa College of Engineering at
ako sa College of Accountancy‖

―Bakit ganuon?‖ tanong ni Nicco ―di ba nakapag-enroll na tayo online?


Ano pa ba ang kailangan nating gawin?‖

―Kukunin pa natin ung katibayan na nakaenroll na tayo. Papakita natin


sa College Offices ung resibo galing sa bangko saka ung pinirint natin galing sa
site.‖ Pagpapaliwanag ni Andrei.

―Ganun ba iyon, di ko alam kasi eh‖ sabay ang nakakalokong ngiti.

Kinabukasan, maagang nakatapos si Nicco kaya mas nauna siyang


makauwi sa tinutuluyan nilang bahay na malapit sa unibersidad na kanilang
pinapasukan. Hindi niya namamalayan na nakatulog na pala siya. Samantala,
kasunod niyang naka-uwi si Andrew at nakita nitong mahimbing ang tulog ni
Nicco. Nilapitan siya ni Andrew at kita dito na nakakaramdam ito ng matinding
kaba. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ng
nahihimbing na si Nicco. Napalunok muna siya ng laway bago tuluyang
67
Emmanuel R. Caleon

inangkin ang mga labi nito. Sandali lamang at agad din niyang inilayo ang mga
labi. Wari niya ay sobra sa kaligayahan ang kanyang nararamdaman sapagkat
matagal na niyang inaabangan ang ganuong pagkakataon. Ang pagkakataong
masolo si Nicco. Lagi kasing kasama ni Nicco ang kuya Andrei niya. Nasa gitna
siya ng pag-iisip at pagnamnam sa mga labi ni Nicco ng dumating ang kuya
Andrei niya.

―Andrew‖ bati nito ―bakit ka nakalupasay sa sahig?‖ tanong nito.

Nagulat si Andrew at nanghinayang dahil anduon na ang Kuya Andrei


niya ―Wala naman, masyado lang kasi ako napagod kaya dito na muna ako
napaupo‖ agad niyang sagot.

―May gusto sana akong sabihin sa’yo kapatid ko‖ tila kinakabahang
sinabi ni Andrei.

―Ano naman iyon?‖ magkahalong pananabik at kaba ang


nararamdaman ni Andrew sa mga sandaling iyon ―para atang napakahalaga ng
sasabihin mo at seryoso ang dating mo ngayon‖

―Seryoso talaga to, tungkol kay Nicco‖ sabi ni Andrei ―pero ipangako
mo, walang ibang makakaalam nito. Sa iyo ko lang sasabihin‖ pahabol ni
Andrei.

Biglang nakaramdam ng kaba si Andrew ng mga sandaling iyon, inipon


niya ang lakas para makapagsalitang muli ―sige, pangako ililihim ko, ano ba
iyon?‖

Nagdadalawang isip pa din si Andrei kung dapat ba niyang sabihin sa


kakambal pero hindi niya napigilan ang sarili para magsalita ―Mahal ko si
Nicco‖ panimula niya ―at mahal din niya ako‖ dugtong pa niya.

Tila nawasak ang mundo ni Andrew sa narinig, nanatiling tahimik ang


buong paligid ―Bro, sana maintidihan mo kung ano ang nararamdaman ko.
Simula pa ng una kong makita si Nicco iba na ang pakiramdam ko. Lagi
pakiramdam ko ibang Andrei ako.‖ Sabi ni Andrei.

―Kuya..‖ sabi ni Andrew ―naiintidihan kita, wag kang mag-alala‖


nakangiti niyang saad, subalit umiiyak na ang puso niya at ang nasa loob niya ay
iba –―naiintidihan kita kasi pati ako ay iniibig at minamahal na din si Nicco. O
Nicco, bakit ba labis akong nasasaktan dahil sa iyo, kung kailan handa na akong
aminin ang nararamdaman ko, saka ko nalamang hindi din pala pwde dahil
masasaktan ang mahal kong Kuya.‖ biglang bumakas ang lungkot sa mukha ni
Andrew.

Napansin iyon ni Andrei kaya naman ―ayos ka lang ba bro?‖


68
No Boundaries

―Oo ayos lang ako‖ sagot ni Andrei. Pero sa loob loob at kung tunay na
nararamdaman ―hindi ako ayos kuya, ang sakit.‖

Nanatiling tahimik ng magsimulang magsalita ulit si Andrei


―Ipinagkakatiwala ko sa iyo ang sik—― hindi na nagawa pang ituloy ni Andrei
ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Andrew.

―May nangyari na sa inyo?‖ tanong ni Andrew ―paano at kelan


nagsimula?‖ sunod na tanong nito.

―Wala pang nagyayari sa amin, dalawang halik at yakap pa lang‖ sagot


ni Andrei ―hindi na hihigit pa dun ang gagawin namin hangga’t hindi pa kami
tinatanggap ng mga kapatid niya at ni Papa‖ dagdag pa niya. Mula duon ay
kinuwento ni Andrei ang lahat.

Malungkot man si Andrew ay pinilit niyang huwag ipahalata iyon sa


kapatid. ―Wag ka mag-alala, ligtas sa akin ang sikreto ninyo.‖

Pansin man ni Andrei ang lungkot sa kapatid ay hindi na lang niya


pinansin pa. ―Salamat bro, salamat. Matutuwa si Nicco dahil alam mo na ang
tungkol sa aming dalawa.‖

Kinagabihan ay kinausap ni Nicco si Andrew.

―Kuya Andrew‖ nakangiting bati nito.

Tila nawala ang lungkot sa puso ni Andrew dahil sa tawag na iyon ni


Nicco. ―Bakit Niccollo Emmanuelle Ray?‖ nakangiting turan nito.

―Magpapasalamat lang po ako sa iyo kasi natanggap mo kami ni Kuya


Andrei‖ sabi ni Nicco.

―Ah iyon ba, wala iyon‖ biglang nalungkot si Andrew ng maalalang


pagmamay-ari na ng kakambal niya ang pinakamamahal na si Nicco.

Tahimik ang pagitan ng dalawa ng magsalita ulit si Nicco ―Hindi tayo


dapat magbigay ng limitasyon sa pagmamahal dahil hindi natin hawak ang puso
ng bawat isa. Hindi tayo dapat magbigay ng limitasyon dahil hindi natin at hindi
kailanman mababasa ang nasa puso at isipan ng iba. Maging ang sarili nga natin
minsan ay maaaring hindi natin naiintidihan.‖ Sabay ang isang ngiting sapat na
para mapagaan ang loob ni Andrew.

Sa isang dako ng puso ni Andrew ay tila may nagsasalita ―Tama ka


walang limitasyon, kaso bakit hindi ako ang napili mo? Nicco, labis akong
nasasaktan‖
69
Emmanuel R. Caleon

―Halina kayo dito sa loob, kumain na tayo‖ sigaw ni Andrei sa dalawa


at agad din naman silang sumunod sa pinakamatanda sa kanilang tatlo.

Sa katotohanan, mahirap ang buhay na pinagdaanan ng kambal. Lalo’t


higit ng mamatay ang kanilang mama. Apat silang magkakapatid at puro mga
lalaki. Tila ang pagpasok sa pulitika ng kanilang ama ay isang malaking sumpa.
Hindi nila nadanasan ang kumain ng sama-sama o kaya ay mamasyal. Tanging
ang kanilang mama lang ang kanilang nakakausap dahil ang papa nila ay laging
wala sa bahay. Mayroon din silang limang kapatid sa labas. Iyon ay bunga ng
pagtataksil ng papa nila. Higit pa doon, namatay ang mama nila.

Pinatay ang mama nila sa harapan nila. Ang hardinerong labis nilang
pinagkatiwalaan at tinuring nilang ama ay siya ang mismong kumitil sa buhay
ng ina. Ginahasa muna ito sa harap nila bago pinatay. Wala ang papa nila nuon,
maging si Aling Martha at mga kapatid ay wala din. Kalagitnaan ng gabi,
mahimbing ang tulog ng lahat, kumukulog at kumidilat, malakas ang ulan kung
kayat lalong walang makakarinig sa malakas na iyak ng dalawang bata. May
awa naman kahit paano ang hardinerong magnanakaw at tinira silang buhay,
sinabit sila sa may malaking bintana na may busal sa bibig samantalang ang
kanilang ina ay hinati sa tatlo.

Mula ng araw na iyon ay lalong lumayo ang loob ng kanilang ama sa


kanila. Ang mga kapatid nila ay tila nasira ang buhay. Maagang nagsipag-asawa
at hindi lang sa iisang babae nagkaanak, hindi sa dalawa kundi sa tatlo o apat.
Sila na kambal ay laging naikukumpara sa mga pinsan nila, kesyo mas
magagaling sa kanila, mas maabilidad, mas matalino at kung anu-ano pa. Nang
minsang maikwento nga ito kay Nicco isa lang ang nasabi niya ―we need not to
compare ourselves to others because we are different and uniquely designed for
something that best suits us.”

Simula ng mamatay ang mama nila ay wala na ni isa sa mga kamag-


anak nito ang nagpakita pa sa kanila. Maging ang kanilang lolo at lola ay tila
nawala ang amor sa kanila. Hindi din nila malilimutan na isinisi sa kanila ang
pagkamatay ng kanilang ina. Tanging sila lang ang naging magkaagapay at
nagtutulungan sa buhay. Pag may problema ang isa andyan ang isa at
nakaalalay. Pero hindi lahat ng problema ay pwede mong masabi, hindi lahat ng
sakit ay pwedeng ihingi ng karamay, dahil sa bagay na pwedeng ikaw ang
makasakit sa taong mahal mo pag sinabi mo pa iyon. Ganuong ang naging
sitwasyon sa pagitan ng kambal ng dumating sa buhay nila si Stephanie at
Nicco.

Pagkatapos ng hapunan ay naghanda na sila ng mga gamit para umuwi


ng San Isidro. Pinipilit ni Andrew na ipakitang masaya siya sa harap ng dalawa.
Gayunpaman, ramdam ni Andrei ang sakit na naidulot nito kay Andrew kaya

70
No Boundaries

naman pinipilit niya itong pasayahin at paminsan-minsan ay gumagawa ito ng


pag-alo na hindi mababatid ng kakambal na pansin niya ang kalungkutan nito.

71
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XIX
Pagbabalik ni Stephanie

Dalawang taon na ang nakalilipas buhat ng lisanin ni Nicco ang


seminaryo. Isang magandang bagay din at sa pagpasok niya sa unibersidad ay
hindi na siya nagdaan sa first year. Hindi nasayang ang isang taon niyang
pamamalagi sa seminaryo. Ngayon nga ay bakasyon at pagpasok nila ay forth
year college na sila. Siya ay umaasang makakatapos sa oras. Napagtanto niyang
napakahirap pala ang kumuha ng ABPhilosophy sa labas ng seminaryo. Isang
kursong tunay na pumapanday sa karunungan ng isang tao. Si Andrei ay 5year
course, kung kayat may dalawang taon pa itong bubunuin sa pag-aaral.
Samantala, si Andrew naman ay hindi kumuha ng mga advance subjects kung
kayat ang dapat na 4years ay magiging 5years.

Matagal na ding tumatakbo ang relasyon nila Nicco at Andrei. Hindi


maiiwasan ang tampuhan, sa tuwing darating ang mga oras na ganito ay si
Andrew ang lagi nilang takbuhan. Natanggap na ni Andrew unti-unti ang
kapalarang hindi na magiging kanya si Nicco. Kung kayat naging malaking
tulong siya upang lalong tumibay ang samahan ng dalawa.

―Hey, Andrew and Andrei‖ sabi ng tinig habang kumakain sila sa isang
karideryang malapit sa simbahan ―Did you miss me?‖ tanong ng babae.

―Stephanie, is that you?‖ tanong ni Andrei na may pagkamangha sa


itsura ng dalaga ―lalo ka atang gumaganda‖ dugtong pa ng binata.

Hindi alam ni Andrei, dahil sa ginawa niya ay nakaramdam ng inis ang


batang si Nicco. Alam ni Nicco ang tungkol kay Stephanie kung kaya’t lalo
itong nagpasiklab sa kanyang damdamin upang magselos.

―Yes, it’s me.‖ sagot ni Stephanie at napatingin kay Nicco ―Nicco,


ikaw ba yan? Biruin mo nga naman, walang pinagbago.‖

―Tama! Same old Nicco. Nothing changes but quality wise, I’m
improving, that is what men need to achieve‖ kasunod ang mahinang tawa.

72
No Boundaries

―Salamat sa mga words of wisdom mo. It helps me so much.‖


pasasalamat nito. Ginatihan naman ng ngiti ni Nicco ang sinabi ng dalaga.

―Andrew, hindi ka na nagsalita dyan‖ biro ni Andrei sa kakambal.

―Tara na kuya Andrei, iwan na muna natin sila para makapag-usap‖


pagkasabi nito ay hinila ni Nicco palayo si Andrei.

Nang makalayo na sila Andrei ay sinita ni Nicco ang kuya niya ―Ikaw
ah, kung makatingin ka kay Steph parang hinuhubaran mo na.‖

―Nagseselos ang Nicco ko, wag ka ng magselos, nabigla lang ako sa


itsura n’ya. Pero ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko. Ikaw na ang last at
hindi na babalik sila past.‖ Nakangiting wika nito.

―Sige na nga, tutal naman mahal din kita kaya pinapatawd na kita.
Wag ka na lang uulit. Maliwanag ba?‖ sagot ni Nicco.

―Opo mahal kong Nicco.‖ nakangiting sagot ni Andrei.

Sa kabilang banda ay nag-usap din si Steph at Andrew.

―Kamusta ka na?‖ panimulang tanong ni Andrew kay Steph.

―Mabuti naman ako. Ikaw ba?‖ balik na tanong ni Steph ―Hindi na nga
pala ako babalik ng Australia.‖ dugtong pa ng dalaga.

Bumakas ang saya sa mukha ni Andrew ―Talaga? Magandang balita.‖


sabi nito ―Iyong tinatanog ko sa iyo dati pa? Handa ka na bang sagutin?‖

―Tulad ng sinabi ko dati, makakapaghintay ang ganyang mga bagay.


Kung magagawa mo pang maghintay kahit ilang linggo na lang malalaman mo
ang kasagutan ko.‖ Sabi ng dalaga.

Tila nahulaan niya ang ibig sabihin nito kayat ang naisagot niya ay ―Oo
naman, kung tatlong taon nga ay nahintay kita, ilang linggo pa kaya.‖
Nakangiting sagot nito sa dalaga.

Mahabang oras din na nag-usap ang dalawa hanggang sa


mapagpasyahan nilang umuwi na sa kani-kanilang mga bahay. Hinatid ni
Andrew si Steph sa bahay nito at nagpaalam na din.

Umaasa ang puso ng binata sa magandang kasagutan ni Steph sa kanya.

73
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XX
Si Andrew at Stephanie

Nang gabi ding iyon muling naalala ni Andrew ang mga pinagdaanan
nila ni Stephanie. Sa pakiramdam niya ay lalong nahulog ang loob niya kay
Steph ngayong nakita niyang mas naging kaakit-akit ito. ―Oh, Steph, akin ka
lang‖ nasabi niya sa sarili.

Magkaklase sina Andrew, Andrei at Steph sa Colegio de San Isidro.


Magkatabi ng upuan si Andrei at Steph samantalang si Andrew mula’t sapul ay
nagkagusto na sa dalaga kung kayat hindi niya ito malapitan. Si Andrei ang
naging daan para magkakilala ang dalawa, hanggang sa lumalim ang
pagtitinginan.

Simula nang makita ni Andrew si Steph ay hindi na niya makalimutan


ang dalaga. Lagi itong naglalaro sa kanyang isipan. Binabalak ligawan subalit
nahihiya siya dahil ayaw niyang masira ang namamagitan sa kanilang
pagkakaibigan kung sakaling pumalya ang panliligaw niya. Ayaw niyang
malayo si Steph sa kanya.

Samantala, nang minsang gabihin ng uwi si Steph ay may mga lasing


na humarang sa kanya. Sakto namang dumating si Andrew na siyang naging
daan para makatakas sila. Hinatak siya ni Andrew at sabay karipas ng takbo.
Nang mapansin siya ni Andrew na pagod na ay kinarga siya nito at lalong
binilisan ang pagtakbo para hindi mahabol. Mas lalo niyang hinangaan ang
binata nang imbes na magtago ay dumiretso sila sa police station para
magsumbong. Dahil dito unti-unting nahulog ang kanyang loob sa binata.

Napagpasyahang ligawan ni Andrei si Steph ng may magsabi sa


kanyang may gusto din ang dalaga sa kanya. Wari bang ito ang maituturing
niyang senyales para ligawan ang dalagang iniirog. Sa una ay nahihiya, subalit
dahil sa angking kabaitan ni Steph ay pumanatag ang kanyang kalooban.

Hindi maikakailang may gusto si Steph kay Andrew. Lagi itong


nahuhuli ng mga kabarkada ni Andrew na nakatingin sa binata. Nang
magsimulang ligawan siya ni Andrew ay tila isang panaginip na nagkatotoo.

74
No Boundaries

Hindi niya pansin na may gusto din pala sa kanya ang binata kung kayat laking
gulat niya ng mag-alok ito ng panliligaw.

Mula second year high school ay nililigawan na ni Andrew si Steph,


ngayon nga na nasa kalahati na ang taon ng pagiging third nila ay binalak niyang
sagutin ito. Nagkaroon ng pagbabago sa desiyon niya ng makilala niya si Nicco.

Unang nagkausap sila Nicco at Steph ng mapansin ni Nicco na may


malalim itong iniisip. Naging magaan naman ang pakiramdam niya kaya sinabi
niya dito ang problema.

―Alam mo kasi Nicco, gusto ko na siyang sagutin, kaso iniisip ko, hindi
pa ako handa sa buhay na may boyfriend.‖ Sabi ni Steph.

―Mahirap ang pumasok sa isang buhay na hindi ka pa handa. Pag


nagkaboyfriend ka, ibig sabihin may mababago sa takbo ng araw-araw mo. Pag
pumasok ka sa isang bagay dapat siguraduhin mong makakaya mong
panindigan, para sa huli, wala kang pagsisisi na ganuon ang dinaranas mo.‖ sabi
ni Nicco ―baka sa huli manghinayang ka sa mga mawawala sa iyo o sa bagay na
pinakaiingatan mo.‖ Dagdag pa nito.

Iyon na marahil ang pinakanagmarka sa isip ni Stephanie, kung kayat


hanggang ngayon ay hindi niya sinsagot si Andrew.

Gayunpaman, hindi bumitiw si Andrew, pero ang tukso ay malapit


lang. Kung mahina ang isang tao, malamang na bumigay ito. Gayon na nga ang
nangyari kay Andrew, kaya naman agad itong nahulog kay Nicco. Pero tulad
nga ng minsang binanggit ni Nicco –―ilang ulit ka mang madapa ay lagi kang
pwedeng bumangon, ilang ulit ka mang magkamali ay pwede mong itama, ilang
ulit ka mang matukso, alam ng puso at isip mo kung saan ka aakayin pabalik,
basta ba nakahanda ka lagi para samahan ito. Natural lang ang matukso at
maging marupok, lalo na at malayo ang minamahal mo pero kung iisipin pwede
mo namang iwasan kaso pinili mo pa rin ang matukso. Wala kang ibang
pagpipilian kundi ang bumalik sa taong mahal mo at dumanas ng karampatang
paghihirap dahil sa nagawa mo.‖

Sa pagbabalik na ito ni Stephanie ay lalo niyang napatunayang tama si


Nicco, dahil ngayon ay pinagsisihan niya at nagkagusto siya kay Nicco – lalo’t
higit na kung tinuloy niya ang balak na panliligaw dito.

Sa ngayon ay alam at sigurado na ni Steph na handa na siya para


tanggapin ng buong buo si Andrew. Naramdaman niyang kulang ang pagkatao
niya ng mamalagi siya sa Australia at walang Andrew na nakabantay at
sumusuporta sa kanya. Alam na niyang hindi masasayang ang mga bagay at
wala siyang pagsisisihan sa bandang huli.

75
Emmanuel R. Caleon

Sa kabilang banda, si Andrei, tulad ng naramdaman ni Andrew ay


nagkagusto na din kay Steph, subalit hindi niya ito kayang ipagtapat sa dalaga.
Naging mabait sa kanya si Steph. Mapagbigay, maalalahanin at higit sa lahat
pinupuri ang kahit pinakamaliit na nagawa niya. Kakaiba si Steph sa lahat. Mula
nuon ay hindi na niya pinapansin ang kahit na sinong babae lalo na iyong
nagpapaalam na may pagtingin sila sa kanya.

Alam niyang hanggang kaibigan lang ang turing sa kanya nito. At sa


tuwing magkukwento ito ng tungkol kay Andrew at ang pagkagusto niya sa
kakambal ay tila ba nadudurog ang puso niya. Nang malaman niyang may gusto
din si Andrew kay Steph ay dagli niyang sinabi na may gusto din si Steph sa
kanya. Hindi niya alam na nililigawan na pala ni Andrew si Steph. Nalaman na
lang niya ito nang mapagdesisyunan niyang ligawan ang dalaga.

Sa ngayon, isa lang ang alam ni Andrei, kahit gaano pa gumanda si


Steph, hindi niya ipagpapalit ang nag-iisang Niccollo Emmanuelle Ray de Dios
na nagpakilala sa kanya sa bagong katauhan at bumuhay sa isang pakiramdam
na naiiba sa lahat at ngayon lang niya naramdaman.

76
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XXI
Pagkabigo ni Andrew kay Nicco at Tagumpay kay Stephanie

Isang maliit na salu-salo ang inihanda ng pamilya del Carmen para


idagdiwang ang kaarawan ni Stephanie. Kasama sa inanyayahan ng pamilya ang
kambal na del Rosario maging si Nicco. Isang magandang umaga iyon na
maaliwalas ang paligid, masarap ang simoy ng hangin at higit sa lahat maganda
ang panahon. Napagpasyahan ni Andrew na bisitahin ang kanilang lumang
bahay sa may dulo ng bayan. Nais niyang balikan ang mga alaalang nasa lugar
na iyon. Mga alaalang masasaya at hindi magaganda, higit sa lahat ang mga
alaala ng kanyang mama. Matapos kasing maganap ang trahedyang iyon sa
pamilya nila ay lumipat sila ng bahay para unti-unting malimutan ang naganap.

Pagdating niya sa lugar na iyon ay nakita niya ang sasakyan ng


kanyang kakambal na si Andrei. Nakaramdam siya ng kaba at mabilis na
pagtibok ng kanyang puso. Pagpasok niya sa loob ay nakita niya ang kakambal
na nakaupo sa hagdan, tatawagin na sana niya ito ng mapansing may isa pang
tao na naruon. Pagtingin niya sa kayakap ng kakambal ay si Nicco. Masaya
silang nag-uusap at tila ba sarap na sarap sila sa bisig ng bawat isa. Sa
pagkakakita ng ganuon ayos ay tila nadurog na muli ang puso ni Andrew, subalit
pinilit niyang maging kalmado at inihakbang palayo ang mga paa.

―Nicco, Nicco, Nicco, bakit patuloy akong nasasaktan kahit tanggap ko


ng hindi ka sa akin.‖ mahinang usal niya ―Stephanie, patawarin mo ako, hindi ko
naman sinasadya na ganito ang maramdaman ko.‖ dugtong pa niya.

Dumiretso na si Andrew sa tahanan nila Stephanie dahil tanghalian ang


salu-salong inhanda ng pamilya. Isang oras na din siyang anduon ng dumating
ang kakambal kasama si Nicco. ―Magandang tanghali po‖ bati ng mga ito sa
mga magulang ni Stephanie.

―Oh, Andrew, kamusta kanina ka pa ba nadito?‖ tanong ni Nicco.

Pilit man ang ngiti ay sumagot si Andrew ―Oo, mga isang oras na din.‖

―Talagang mahal na mahal mo si Stephanie ano, masigasig ka sa


panliligaw at nagawa mong makapaghintay.‖ sabi ni Nicco ―ganyan nasusubok
77
Emmanuel R. Caleon

kung talagang mahal mo ang isang tao. Hindi ka bibitaw kahit na gaano ka
maghintay. Dahil ang puso ng tunay na nagmamahal ay hindi nagsasawa lalo na
at kung alam niyang mayroon talaga siyang hinihintay.‖

Tila napipi si Andrew sa sinabing iyon ni Nicco dahil sa totoo lang,


nahintay man niya ito ay nagawa pa din niyang maguluhan ng dumating sa
buhay niya si Nicco.

―Pero kahit alam mong may hinihintay ka, may pagkakataon talaga na
masusubok ang tatag ng tao. Maraming darating, magiging mabait sa iyo, lagi
kang aalalahanin, darating sa puntong matutukso kang mahulog sa taong iyon.
Pero alam ng puso kung saan siya dapat na tumungo at sino ang
makakapagbigay ng tunay na ligaya sa kanya bilang tao.‖ saad ni Nicco.

―Ano naman ang dapat gawin pag ganuon nga ang nagyari?‖ tanong ni
Andrew na tila humihingi ng tulog.

―Bakit ganuon ba nangyari sa iyo?‖ sabay ang nakakalokong ngiti sa


labi ni Nicco.

―Hindi naman, naitanong ko lang.‖ may himig ng pagtatanggol sa sarili


si Andrew.

―Kailangan lang ng panahon. Isipin mo kung sino ba hindi mo kayang


mawala sa iyo. O kaya ay iyong hindi mo kayang makitang masaktan.‖ Sagot ni
Nicco. ―Kaya ng pusong malaman yan sa pagdating ng tamang panahon.‖
Dugtong pa nito.

Dahil sa sinabing iyon ni Nicco ay tila natauhan siya. Naisip niya na


hinangaan din niya si Nicco dahil sa ibang pananaw nito sa buhay. Nahulog din
siya sa tinig nito, sa mga ngiti na tila laging nagsasabing ingat ka kasi mahal
kita. Mas lalo niyang naramdaman ang pagkagusto dito dahil sa naging
maalalahanin ito sa kanya. Hindi ito nakalimot magtanong kung kumain na ba
siya, o kung ayos lang ba siya. Hindi madamot sa pagpapakita ng kabaitan sa
kanya. Kailanman ay hindi nagtampo o nakita niyang nagalit sa kanya.

Ngayon ay nasigurado niyang hindi niya kayang saktan si Stephanie,


alam niyang mahina ang kalooban nito at madudurog din ang puso niya
makitang umiiyak ang dalaga. Alam niyang si Stephanie ang may kakayahang
makapagbigay sa kanya ng kaligayahan. Alam niyang kahit ilang beses siyang
matukso ay babalik at babalik siya sa dalaga dahil iyon ang gusto ng puso niya
at iyon ang kukumpleto sa kanya.

Bumaba na nga mula sa itaas ang dalagang may kaarawan. Sa gitna ng


kasiyahan at usapan ng maraming bisita ay tumayo si Stephanie sa gitna.

78
No Boundaries

―Para sa lahat ng nandirito ngayon, nais kong ipahayag sa inyo ang


isang magandang balita. Lalo na sa isang taong nagawa akong hintayin.‖
Panimula nito.

Tila nabalot ng kaba ang buong pagkatao ni Andrew at nahuhulaan na


niya ang nais sabihin ng dalaga na magandang balita.

―Sa isang taong initindi ako, sa isang taong hinintay ako ng matagal, sa
isang taong iniwan kong umaasa. Masasabi kong nagbunga na ang paghihintay
mo. Dahil handa na ako ngayon para harapin ang isang bukas na kasama ka.‖
sabi pa ng dalaga.

Tumingin si Nicco at Andrei kay Andrew dahil batid din ng dalawa ang
magandang balita na iyon ni Steph. Nakaramdam ng hindi mapantayang
kaligayahan si Andrew nang masigurado niyang iyon na nga ang balitang
matagal na din niyang hinihintay, ang sagot sa tanong niya para sa dalaga.

―Em-Ehm Andrew Mark del Rosario, tinatanggap ko na ang alok mo sa


akin bilang maging girlfriend mo.‖ sabi ng dalaga.

Tumayo si Andrew at sinagot ang dalaga ―Ayokong maging girldfriend


ka‖ natahimik ang lahat ―dahil gusto kong ikaw ang maging asawa at katuwang
ko sa buhay.‖ Dugtong pa nito.

Napayakap si Steph kay Andrew at nagsipalakpakan ang lahat ng


anduon. Tila isang napakalaking tagumpay nito para kay Andrew. Alam niyang
hindi siya nabigo talaga kay Nicco dahil si Nicco ang gumising sa kanya para
lalong mahalin at pahalagahan si Steph.

―Bro, binabati kita‖ sabi ni Andrei.

―Salamat kuya, sa wakas sa akin na si Steph‖ nakangiting sabi nito.

―Sabi ko sa iyo Kuya Andrew at magiging maganda ang bunga niyan.‖


Sabi ni Nicco.

―Salamat Nicco, hulog ka ng langit sa akin, salamat sa iyo.‖


pasasalamat ni Andrew.

―Wala akong alam na dapat ipagpasalamt mo.‖ sabi ni Nicco.

―Akala mo lang na wala pero mayroon. Basta salamat talaga.‖ giit ni


Andrew.

―Sabi mo eh.‖ Nakangiting sagot ni Nicco.

79
Emmanuel R. Caleon

Hapon na ng mapagpasyahan umuwi nila Andrei at Nicco. Nagpaabot


naman ng gabi si Andrew sa bahay nila Steph para makasama pa ito ng mas
matagal. Kinagabihan ay tila nasa tuktok pa din ng mga ulap si Andrew dahil sa
nangyari. Masiglang masigla ang binata, at lalong naging makulay ang buhay
nito. Nakatulog ng mahimbing si Andrew habang nilalasap ang tagumpay nito.

80
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XXII
Pagmamahalang Wagas ni Nicco at Andrei

Natapos na ang bakasyon, ngayon ay haharapin na ulit ang bagong taon


para makapag-aral. Si Stephanie ay kumuha ng advance subjects sa Australia
kung kayat ang apat na taon sanang pag-aaral ng Public Administration ay
naging tatlo. Sa ngayon ang dalaga ay nakapasok sa munisipyo bilang Head ng
Public Relations Office.

Lumakad ang mga araw at gaya ng dati ay madals magkaroon ng


tampuhan ang dalawa. Madalas magselos si Nicco, higit pa ngayon na naging
Mr. Engineering si Andrei. Madaming nakadikit na mga babae at pinapantasya
din ng mga bading. Minsan nga ay inaalala nito ang kasintahan na baka may
mag-offer ng indecent proposal kapalit ay grades. Mas lalong naging protective
si Nicco kay Andrei, mas hinigitan niya ang paglalambing dito. Lagi din niyang
inaalala ang academic standings nito kayat ang laging sitwasyon sa apartment
nila ganito.

―Andrei ko, pagkakain mo gumawa ka na ng mga assignments mo.‖


paglalambing ni Nicco.

―Opo mahal kong Nicco pagbubutihin ko para sa iyo‖ sagot ni naman


ni Andrei.

―Dapat lagi kang nag-aaral at nagrereview ng mga pinag-aralan ninyo.‖


Pagkasabi ni Nicco nito ay lalapit sa likuran ni Andrei para yakapin.

―Ang sweet naman, kaya madaming langgam dito sa bahay dahil sa


inyo, naiinggit tuloy ako, sana andito din si Steph.‖ sabay tawa pagkasabi ni
Andrew ng ganitong mga kataga.

―At ikaw naman Kuya Andrew ko, hindi ko mo’t pagmamay-ari ka na


ni Steph eh hindi na kita pakikialaman‖ nakangiting wika ni Nicco.

―Kaya sa iyo ako, kasi hindi ka nakakalimot‖ isasagot naman ni


Andrew kay Nicco.

81
Emmanuel R. Caleon

―Tigil na iyan, baka magselos pa ako.‖ Idudugtong pa ni Andrei at


sabay na magkakatawanan ang tatlo.

Karaniwan na ang ganitong mga sitwasyon sa tatlo tuwing


magkakasama.

Si Nicco naman ay dalawang taon ng napagwawagian ang Tinig


Unibersidad, isang singing contest na para sa buong unibersidad nila. Nakilala
din ng madami at hindi maikakailang madami ding humahabol dito ng tingin.
Lalo na’t malapit ito sa mga tao, kahit hindi niya kakolehiyo ay madami siyang
kakilala. Naging daan ito para makapasok siya sa Student Council. Lagi naman
siyang sinusuportahan ni Andrei sa lahat ng proyekto nila. Maging si Andrew ay
naging active din dahil sa dalawa.

Si Andrew naman ay sumikat dahil tulad ni Andrei ay naging Mr.


Accountancy ito. Bantay sarado din ito kay Nicco dahil iyon ang pangako niya
kay Steph. Dumami man ang umaaligid sa kanya, di niya pinapansin, lagi
niyang iniisip, ―maglaway kayo sa akin, basta si Stephanie na ang may-ari sa
akin.‖

Mas lalong naging madalas ang tampuhan ng dalawa pero sa bandang


huli ay nagkakaayos din. Habang dumadami ang tampuhan, mas lalo naman
silang nagmamahalan. Minsan nang naisipang dumalaw ni Andrei kay Nicco sa
kwarto nito ay nakita niya ang minamahal. May nakahigang babae sa balikat
nito. Bukod dito, may nakita din siyang nakatitig sa mahal niyang si Nicco na
tila ba hinuhubaran na ang mahal niya. Pagkaalis ng ulo ng babae ay saka naman
ang lapit ng lalaki, kitang-kita niya kung paano nito dinikit ang ari niya sa likod
ng mahal na si Nicco. Pagkatapos nun ay walang pakundangang niyakap nito
ang mahal niyang si Nicco. Nakita niyang nagwawala ang mahal niyang si
Nicco, ngunit tumatawa. Hindi na sana niya papansinin pa kahit selos na selos
na siya para hindi na sila mag-away pa, pero hindi talaga niya kayang magpigil
ng damdamin.

―Nicco‖ tawag niya mula sa likuran.

Agad namang binitiwan ng lalaki si Nicco ―Kuya Andrei, ikaw pala‖


nakangiti nitong wika.

Nang makalayo na ang dalawa ay sinabi ni Nicco ―Ang sweet sweet


talaga ng Kuya Andrei ko, dinadalaw pa ako.‖

―Minsan na nga lang kitang dalawin eh mahuhuli pa kitang nagtataksil‖


malungkot na wika nito.

―Asus, ang Andrei ko, nagseselos.‖ Nakangiitng sabi ni Nicco.

82
No Boundaries

―Hindi kaya ako nagseselos‖ sagot ni Andrei.

―Anong hindi, kita naman sa iyo‖ nakangiti pa rin si Nicco sabay tingin
sa mga mata ni Andrei. Tila alam ni Nicco kung paano paamuhin ang kanyang
Kuya Andrei dahil sa ginawa niya ay tila lumambot ang puso ni Andrei at
nawala ang pagseselos nito.

―Aminin mo na nagseselos ka. Natutuwa nga po ako kasi nagseselos


ka.‖ saad ni Nicco.

―Oo nagseselos ako, nagseselos ako dahil mahal kita. Nagseselos ako
dahil ayaw kong mawala ka sa akin. Ang selos ay isang magandang ekspresyon
ng pagiging makasarili dahil ayaw kong may kahati sa iyo na taong minamahal
ko.‖ sagot ni Andrei.

―Nakakatuwa talaga Kuya ko. Healthy iyon sa isang relationship, kaso


dapat mag-ingat, dahil baka hindi mo namamalayan nabibitawan mo na pala
ako, hindi ko pa naman kayang humawak ng ako lang mag-isa.‖ sagot ni Nicco
―pero huwag kang mag-alala, mananatili akong nakakapit hanggang sa maibalik
mo ang pagkakahawak mo sa akin dahil mahal kita.‖ Dagdag pa niya.

Tila nasiyahan ang dalawa sa sagot ng bawat isa, kung kayat lalo nilang
napatunayan ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa ay mananatiling matatag
anumang unos ang dumating.

Unang nakakauwi sa bahay lagi si Nicco, pero sa pagkakataong iyon ay


nais niyang makabawi sa Kuya Andrei niya kaya pinuntahan niya ito sa kwarto
nila para sabay na silang umuwi. Hindi niya maasahan ang kanyang nakita duon.
May kaakbay itong babae na mahahalatang maganda at mayaman, mga tipong
kalolokohan ng madaming kalalakihan. Hindi niya kaya na makita pa ang
Andrei niya sa ganuong sitwasyon. Tila habang tumatagal na makita niya ito sa
ganuong sitwasyon ay nadudurog ang puso niya. Ipinagpasya niyang umuwi na
lang at huwag ng tanungin si Andrei tungkol sa bagay na iyon.

Pahakbang na siya palayo ng may tumawag sa kanya ―Nicco‖ sabi ng


isang tinig. Hindi niya ito nilingon sa pag-aakalang ibang Nicco ang tinatawag.

―Niccollo Emmanuelle Ray‖ sigaw ulit nito, pamilyar sa kanya ang


tinig kayat lalo niyang nasiguradong siya ang tinatawag nito.

―Edward, ikaw pala iyan.‖ sagot niya. Si Edward ang kasamahan niya
sa Student Council, nalimutan niya na Engineering nga pala ang kinukuha nito.

―Saan ka papunta, ano ang ginagawa mo dito sa floor namin?‖ tanong


ng gwapong si Edward.
―Wala lang napadaan lang‖ sagot niya.
83
Emmanuel R. Caleon

Bigla namang napatayo si Andrei nang marinig ang pangalang Nicco at


bigla siyang napatakbo ng marinig ang buong pangalan ng kanyang mahal.
Tumalon sa tuwa ang puso niya ng malamang dinalaw din siya ng mahal niya.
Hinintay na muna niyang makaalis si Edward bago niya lapitan ang kasitahan.

―Nicco, napadalaw ka ata?‖ tanong ni Andrei na bakas ang katuwaan.

―Sabay sana tayong umuwi kaso nagbago na ang isip ko kaya hindi na
din kita tinawag.‖ Sagot ni Nicco sa mahinang tinig.

Naramdaman ni Andrei na nagseselos si Nicco kayat hinila niya si ito


sa malayo ―Nicco ko, kung ano man ung nakita mo kanina wala lang iyon.‖
Panimula nito ―biruan lang namin iyon at normal na sa amin iyon.‖ Dugtong pa
nito.

―Wala naman sa akin iyo. Huwag kang mag-alala nagtitiwala ako sa


iyo, binibigay ko sa iyo ang lahat ng tiwala ko‖ sagot ni Nicco ―sige na uwi na
ako, bibili na lang ako ng pagkain para hindi na tayo magluto ah‖ paalam na
Nicco.

Pipigilin pa sana niya si Nicco, subalit dumating na ang Prof. nila kayat
hinayaan nalang niya na makauwi ang mahal at sa bahay na lang aamuin. ―Sige
mag-iingat ka‖ nag-aalalang wika nito.

Hindi nagawa ni Andrei na magconcentrate dahil isa lang ang nasa isip
niya. Nasaktan niya si Nicco, si Nicco na pinakamamahal niya. Hindi siya
makakatagal na may galit sa kanya si Nicco. Tila ang isang oras at kalahati ay
napakatagal na para sa kanya. Nang matapos ang klase ay agad umuwi si
Andrei. Pagpasok pa lang ng bahay ay nanibago na siya sa nakita. Hindi tulad
dati na si Nicco ang unang sumasalubong sa kanya ay wala ito ngayon. Si
Andrew lang ang nakita niya na nanunuod ng TV.

―Kamusta na ang araw mo?‖ tanong ni Andrew.

―Eto maayos naman‖ sagot niya ―si Nicco?‖ sunod na tanong niya.

―Nasa kwarto masama ang pakiramdam‖ sagot naman ni Andrew


―tingin ko nga may lagnat, kasi pagdating dito kumain sandali tas nakatulog na.‖
dugtong pa nito.

―Ganuon ba‖ pagkawika nito ay pinasok niya ang kwarto nito at nakita
nga niyang nahihimbing na ito. Nilapitan niya at saka binigyan ng isang halik sa
noo.

84
No Boundaries

May tatlong kwarto ang apartment na iyon, may sala, kusina at kainan.
May kalakihan din at masasabing sakto na para sa kanilang tatlo.

Naninibago man ay pinilit niyang ngumiti para hindi makahalata ang


kakambal. Pagkatapos kumain ay dumiretso ito sa kwarto ng minamahal niya si
Nicco. Tinabihan niya ito saka niyakap, hinaplos ang mukha at binigyan ng
mumunting mga halik. Tila inaamo-amo niya nang sa ganuon ay mapatawad na
siya.

―May tiwala ako sa iyo, tiwala ang bagay na dapat taglay natin para
lalong tumibay ang pagmamahalan natin. Kaso huwag sanang abusuhin o
samantalahin ang tiwala sapagkat mahirap na itong ibalik sa dati.‖ wika ni Nicco
sa mahinang tinig.

―Sorry na mahal kong Nicco, narealize ko, mali ang ginawa ko. Kahit
na sabihing kaibigan ko lang iyon, hindi pa rin tama, dahil alam kong
masasaktan ka pagnakita o nalaman mo na ganuong ang pinapakita ko sa
kanila.‖ sagot ni Andrei.

―May pagkakamali din naman ako sa iyo, iyong nakita mo kanina,


hindi ko din dapat hinahayaan iyon, dahil alam kong may isang tao na akong
masasaktan pag nalaman niya na ginagawa ko iyon.‖ sagot ni Nicco na may
pagsisisi.

―Bati na tayo?‖ tanong ni Andrei.

―Opo naman, mahalaga nalaman natin kung saan tayo nagkamali para
maitama nadin natin ito hanggang maaga.‖ Sabay harap kay Andrei at binigyan
ng isang halik sa labi.

―Mahal na mahal kita Nicco, ikaw lang ang buhay ko, wag mo akong
iiwan‖ pagsusumamo ni Andrei.

Mahal na mahal din po kita Andrei ko, hindi kita magagawang iwan,
sana ganuon ka din sa akin‖ sagot ni Nicco sa mahal niyang si Andrei.

Higit isang oras ding nag-usap ang dalawa ng magkayakap. Lumabas


na si Andrei sa kwarto ng mahal niyang si Nicco para makagawa ng mga dapat
niyang gawin.

―Ano Kuya? Napaamo mo na ba ang mahal mo?‖ tanong ni Andrew.

―Oo bro, magaling na ang Nicco ko‖ sabay ang mahinang tawa.

Mula ng gabing iyon ay lalong naramdaman ng dalawa na mas lalo


nilang iniibig at minamahal ang isa’t-isa. Pinatutunayan lang nila na walang
85
Emmanuel R. Caleon

limitasyon ang pagmamahalan at hindi dapat husgahan ang ganuong uri ng


pagsasama.

Love is not bounded by any chances. It is the two truly in loved people
that matters. No matter what, love knows NO BOUNDARIES.

86
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XXIII
Masayang Katapusan sa Buong Akala

Isang buwan na lang ang nalalabi at matatapos na ang taunang


pampaaralan. Sa kabutihang palad, si Nicco ay makakatapos ng kolehiyo.
Naipasa niya ang lahat ng subjects maging ang thesis niya ay tinanggap. Kita
ang kagalakan kila Andrei at Andrew ng malaman nila ang tungkol sa
magandang balita na ito. Subalit ang kagalakang ito ay panandalian lamang pala
at hindi din matatagalan ay mababalot ng lungkot ang tatlo.

―O aking Nicco, san ka pupunta? Sabado ngayon ah.‖ Nag-aalalang


tanong ni Andrewi.

―Andrei ko, may lalakarin lang ako, kukuha ako ng kopya ng birth
certificate ko para kung sakaling kailanganin ko di ba?‖ sagot ni Nicco.

―Samahan kita, hitayin mo lang ako.‖ sabi ni Andrei.

―Huwag na mahal ko, tapusin mo na lang yang ginagawa mong


miniature model‖ pagpipilit nito.

―Gusto talaga kita samahan‖ kita ang kalungkutan sa mukha ng binata


―pero sabi mo wag na lang, sige pagbubutihan ko na lang itong ginagawa ko‖
sabay ang ngiti ni Andrei.

―Tama, dapat lang pagbutihin mo, para next year, ikaw naman ang
makakgraduate.‖ saad ni Nicco ―O siya , alis na ako‖ paalam nito.

Habang naglalakad ay nakaramdam ng pagkahilo si Nicco. Naninibago


siya sa nararamdaman sapagkat hindi naman siya nagkakaganito. Inisip na lang
niyang dala lang iyon ng matinding init kaya ganuon ang nararamdaman niya.
Habang nasa jeep ay tila mas lalo niyang nararamdaman ang pagkahilo. Sa
pakiramdam niya ay hinang-hina siya. Hindi naman siya ganito dati, kahit na
nga ba sabihing lagi siyang puyat at pagod ay hindi siya nakakaramdam ng
panghihina o pagkahilo. Naisip niya na baka namimiss lang niya si Andrei kaya
ganuon ang nararamdaman niya.
87
Emmanuel R. Caleon

Ipinasya niyang bumaba muna sa isang fastfood chain, sa loob ay


umorder siya ng softdrinks at fries. Nakaramdam siya ng kaunting ginhawa kaya
itinuloy niya ang pagbyahe. Magtatanghali na ng makarating siya sa NSO, sakto
namang nagcut-off kaya maghihintay pa siya ng matagal bago muling magbukas
ang mga opisina. Nakaramdam ng ginhawa si Nicco sa loob at higit pa ng
tawagan siya ni Andrei.

―Hello, kamusta na ang mahal ko?‖ tanong ni Andrei sa kabilang linya.

―Eto, ayos naman ang mahal mo, sayang nga naabutan ako ng cut-off.‖
May panghihinayang sa tinig nito.

―Ganuon ba, siguro namimiss mo na ako ano? Kasi namimiss na kita‖


simpatikong tanong nito na may halong paglalambing.

―Ang asawa ko talaga, siyempre naman namimiss ko ang asawa ko.‖


Sagot ni Nicco na may paglalambing din sa tinig.

Bagamat bago kay Andrei na tawagin siyang asawa ni Nicco ay labis


siyang natuwa. ―Ang asawa ko nglelevel up na‖ sabay ang tawa sa kabilang
linya ―puntahan kita diyan‖

―Magagalit ako pagpinuntahan mo ako dito. Mas gusto ko matapos mo


iyan, at higit pa makita ko dapat iyan pag-uwi ko.‖ Giit ni Nicco.

―Ayoko sa lahat na magalit ang asawa ko kaya susunod na lang ako


kahit ayaw ko.‖ Tila nalungkot niyang sabi.

―Ang asawa ko nag-drama pa‖ sabi nito ―di bali, may sopresa ako sa
iyo pag-uwi ko‖ sagot nito ―sige na, gawin mo na iyan?

―Sige po, I love you Nicco ko‖ sabi ni Andrei buhat sa kabilang linya.

―I love you more Andrei ko‖ sagot ni Nicco at pinindot na niya ang end
call.

Saktong ala-una ng magbukas ulit ang mga opisina. Hindi nagtagal at


nakuha na niya ang hinihintay niyang birth certificate. Pagkalabas ng gusali ay
tinext na niya si Andrei na pauwi na siya. Labis namang kinasabikan ni Andrei
na muling makita ang minamahal niyang si Nicco. Habang naglalakad siya
patungong sakayan ay may huminto sa harap niyang isang kotse. Pagkababa ng
bintana ay bumati sa kanya ang naksakay duon.

―Kamusta ka na Nicco‖ sabi nito.

88
No Boundaries

―Kayo pala Dok Matthew. Kamusta na po kayo? Mabuti naman po


ako.‖ Sagot nito.

―Saan ba ang punta mo ngayon?‖ pagkasabi nito ay unti-unting


bumuhos ang ulan ―sumakay ka na baka maulanan ka pa.‖

―Sige po, salamat po Dok.‖ Sagot nito ―Pauwi na po kasi ako, galing po
ako sa NSO kumuha ng Birth Certificate.‖

―Ihatid na kita‖ sabi ng Doktor.

―Huwag na po, may dadaanan pa po kasi ako sa may mall‖ sabi nito.

Nakapagkwnetuhan ang dalawa habang inihatid ng doktor sa mall si


Nicco. Sa loob ng mall ay patuloy pa din ang patak ng malakas na ulan.
Pagkahatid ng doktor kay Nicco ay nagpaalam na ito sapagkat bibiyahe pa ito
patungo sa seminaryong pareho nilang naging tahanan.

Tila lalong lumalakas ang ulan, pagkatapos mabili ang sorpresa niya
kay Andrei ay nagpasya na itong umuwi. Kahit malakas ang ulan ay sumugod pa
rin siya dito. ―Buti na lang pinadoble ko ang plastic nitong cake para hindi
mabasa ung loob.‖ Madilim na ang paligid, lalong sumama ang pakiramdam
niya. Pakiramdam niya ay babagsak na siya ng may makapitan siyang poste.

Kita ang pag-aalala kila Andrei at Andrew ng mga sandaling iyon.


Nakahanda na ang sasakyan ni Andrei para hanapin ang mahal niyang si Nicco.
Nasa akto na siya ng paglabas ng may kumatok sa pinto. Si Nicco, basang basa
ng ulan.

―Magandang gabi mahal ko‖ sabay ang paggawad nito ng halik sa mga
labi ni Andrei ―Magandang gabi Kuya Andrew‖ kasunod ang ngiti.

―Saan ka ba nanggaling? Pinag-alala mo ako, hindi kita matawagan?‖


simula ni Andrei samantalang si Andrew ay kumuha ng tuwalya para ibalot sa
katawan ni Nicco ―kapag may nangyari sa iyong masama hindi ko mapapatawad
ang sarili ko‖ dugtong pa niya.

―Sorry po kung pinag-alala ko kayo. Hindi ko naman inaasahang uulan


ng malakas, nabasa phone ko nung sumugod ako sa ulan kaya nasira siguro‖
sagot ni Nicco.

―Ang mahalaga bumalik ka dito‖ sabi ni Andrei sabay yakap kay


Nicco. Nakiyakap na din si Andrew dahil maging ito ay labis na nag-alala sa
kanyang kaibigan.

89
Emmanuel R. Caleon

Inalalayan ng kambal si Nicco para makaupo ng makahigop ng mainit


ng tubig. Pinaghanda naman nila noodles si Nicco ng sa ganuon ay mawala ang
panlalamig nito. Pinagpunas ng katawan at pinagpalit ng damit.

―Pasensya na kayo, yung cake na binili ko nadeform na ata‖ sabay turo


sa kahong kanina pa niya dala.

―Sabi ngang mas mahalaga ang andito ka na ngayon‖ sagot ni Andrei


na maluha-luha na.

―Tama iyon, kaya let’s celebrate‖ sabay kuha ng kutsilyo at binuksan


ang kahon at hinati ang cake.

Makalipas ang ilang oras ay nagpahinga na ang tatlo. Napagpasyahan


nilang tabi-tabi silang matutulog sa kwarto ni Nicco. Alam kasi nilang hindi
maganda ang pakiramdam, nito. Nuong una ay tumanggi si Nicco, subalit
lubhang mapilit ang kambal lalo na ang Andrei niya kayat napapayag na din
siya. Pagkahigang-pagkahiga ay nakatulog agad si Nicco. Si Andrei ay may
dalang maligamgam na tubig para ipahid kay Nicco samantalang si Andrew ay
dala ang kanilang mga unan at kumot. Niyakap ni Andrei si Nicco, hindi lang
basta para bigyan ito ng init kundi para iparamdam dito na mahal na mahal niya
si Nicco. Sa ganitong sitwasyon, naisin man ni Andrew na manatili sa kwarto at
tabihan ang kanyang dalawang kapatid, pinasya niyang mas mabuti kung
magsosolo ang dalawa kaya nagpaalam na siya kay Andrei at lumabas.

―Kuya Andrei, sige iwan ko na kayo ni Niks, basta wag gagawa ng


hindi maganda‖ nakangiting sabi nito.

―Salamat Andrew, oo, wala kaming gagawin, may pangako kami di


ba?‖ sagot ni Andrei.

Pagkaalis ni Andrew ay pinilit ni Andrei na makatulog, subalit hindi


niya magawa. Kahit nahihimbing si Nicco ay kinausap niya ito.

―Alam mo Nicco, mas lalo kong napatunayang mahal kita. Hindi ako
napanatag mula ng hindi ka magparamdam sa akin. Kanina, naisip kong may
masamang nangyari na sa iyo, hindi ko alam ang gagawin ko, pakiramdam ko
nadudurog ang puso ko., pakiramdam ko mamamatay na ako. Mahal na mahal
kita Nicco. Ayaw kong mawala ka sa akin, huwag mo akong iiwan dahil hindi
ko kakayanin. Ikaw ang bumuo sa akin, ikaw ang bumubuo sa pagkatao ko,
ikaw ang buhay ko Nicco. Mahal na mahal kita.‖ Sabay ang pagtulo sa luha ni
Andrei.

Lingid sa kaalaman ni Andrei ay nagising si Nicco kanina pa at


naririnig nito ang mga sinabi niya. Sa isip ni Nicco ay sinagaot niya si Andrei.
Hindi kaya ni Nicco ang pag-alalahain ang kanyang Kuya Andrei kaya naman
90
No Boundaries

kahit nahihirapan ay pinilit nitong makauwi. ―Mahal na mahal din kita kuya
Andrei, Ikaw na ang buhay ko ngayon. Ikaw na ang mundo ko ngayon. Ikaw na
ang lahat para sa akin.‖ Sabi ng isip ni Nicco. Sabay umagos ang mga luha sa
mga mata niya at nakatulog siya sa ganuong ayos.

Kinaumagahan ay pinilit ni Nicco na tumayo. Pinilit niyang kumilos


para hindi na mag-alala ang kanyang mga kuya lalo na si Andrei.
Nararamdaman niya ang kirot sa likod niya.Tila ba nagkadikit-dikit ang mga
buto niya at sa pakiramdam niya ay para bang ito ay tinutusok ng karayom.

―Natitiis ko pa naman, mawawala din ito pamaya-maya‖ – sabi ng isip


ni Nicco.

―Sakto pala ako ang unang nagising, maipagluto nga muna sila para
bago kami magsimba ay makakain na muna‖ sabi ni Nicco – hindi na sila
umuuwi ng San Isidro sapagkat tambak ang mga gawain nila. Sayang lang sa
oras ang apat na oras ng byahe ng pag-uwi sa kanila.

Nang mga sumunod na araw ay nakakaramdam si Nicco ng pananakit


sa likod, batok at leeg niya. Pinipilit niyang itago para hindi na mag-alala pa ang
mga kuya niya. Dumadalas din ang pagkahilo niya. Binalewala na lang niya ito
at hinayaan. Hindi niya alam na maari pala itong maging seryoso. Mas mahalaga
sa kanya ngayon ay kapiling niya ang pinakamamahal niyang si Andrei. At
magkasama nilang pinapatunayan na Love Knows NO BOUNDARIES. It is the
realization of love between two different people. Love speaks no limit, travels
no end and feels passionately and selflessly. True love is not judgmental, it is the
matter of understanding.

91
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XXIV
Paglantad ng Katotohanang Itatago sa Lahat

Isang linggo na lang at malapit nang matapos ang klase. Kita ang
pananabik sa tatlo na muling makabalik sa San Isidro, higit sa kanila ay si
Andrew na sabik ng masilayan muli si Stephanie. Sa isang linggong yaon ay
tatlong linggo na ding iniinda ni Nicco ang pananakit ng kanyang likod, batok at
leeg. Paminsan-minsan nga ay nararamdaman din niya na namamanhid ang mga
ito. Inisip na lang niyang dahil iyon marahil sa puyat at pagod. Madami na din
ang nakakapansin na madalas niyang ibinibiling ang kanyang ulo. Una sa mga
nakapansin nito ay ang Andrei niya.

―Nicco ko‖ panimula ni Andrei ―sumasakit pa rin ba ang likod mo?‖


may pag-aalala sa himig nito.

―Ah, wag mo na lang akong alalahanin‖ sabi ni Nicco ―mawawala din


ito pamaya-maya‖ dugtong niya sabay ang isang ngiti.

―Ganuon ba, sige hahagurin ko na lang ulit mamaya‖ saad ni Andrei


―sabihin mo sa akin pag hindi pa din umaayos.‖

―Sige ba Mahal ko.‖ sagot nito.

―Kay aga nagpapalanggam kayo dito‖ nakangiting sambit ni Andrew


―patingnan mo na kaya sa doktor yan?‖ dugtong pa nito.

―Huwag na, pahinga lang ang kailangan nito.‖ Sagot naman ni Nicco.

―Kasi naman masyado kang nagpapakapuyat, ayaw mo namang


magpatulong sa amin.‖ Wika ni Andrei.

―Alam ko namang busy kayo, saka pagkatapos nito, tapos na ang stress.
Mahabang pahinga naman ang kasunod kaya ayos lang din.‖ Sagot ni Nicco na
may himig ng kasiguraduhan.

―Naku, basta dapat maayos na iyan, dapat gumaling ka na bago


dumating ang graduation mo.‖ Sabi ni Andrew.
92
No Boundaries

―Huwag kayong nag-alala ayos lang talaga ako.‖ pagdepensa nito sa


sariling kalagayan ―maligo na kayo para makapasok na tayo.

Maagang pumapasok ang mga ito. Pagdating sa silid-aralan ay


nagsimula na namang maramdaman ni Nicco ang pamamanhid ng kanyang
batok at likod. Sumabay pa dito ang sakit ng kanyang ulo. Dumukdok na lang si
Nicco sa lamesa niya. Hindi niya namalayang nakaidlip pala siya, napansin na
lang niya iyon ng tabigin siya ng katabi niyang si Tiffany at sinabing nasa harap
na ang prof nila. Nakaramdam ng kaunting ginhawa si Nicco matapos ang isang
matinding kirot mula sa kanyang likod. Natapos ang klase na wala sa
konsentrasyon si Nicco. Patuloy niyang iniinda ang pananakit ng kanyang
likuran.

Katulad ng dati, siya ang unang nakauwi sa bahay. Nagluto saka


hinintay ang pagdating ng kambal, gaya ng mga nauunang araw, darating si
Andrew pagkatapos ay si Andrei. Laging sabay-sabay sila kung kumain. Kaya
naman pagkadating ni Andrei ay agad itong pinagpalit ng damit ni Nicco habang
hinahanda nila ni Andrew ang pagkain. Saktong labas ni Andrei sa kwarto ay
nakahanda na ang mga pagkain sa mesa.

―Sarap talagang magluto ng asawa ko.‖ papuri ni Andrei.

―Nagjojoke ka na naman Kuya Andrei’ kontra ni Andrew.

Sa ganoong paraan ay nagsisimula na ang kulitan nilang tatlo.

―Masakit pa ba ang likod mo?‖ tanong ni Andrei kay Nicco.

―Hindi naman masyado‖ matipid na sagot ni Nicco.

―Sige hahagurin ko iyan bago ka matulog‖ may paglalambing na wika


ni Andrei.

―Ako Kuya Andrei? Pahagod din ng likuran ko.‖ singit ni Andrew.

―Ano ka sinuswerte? Si Nicco ko lang ang pagsisilbihan ko‖ sabay ang


tawa ng tatlo.

Nang gabi ngang iyon ay hinagod ni Andrei ang likuran ni Nicco. Kahit
naman kaunti ay nawala ang pananakit nito. Naging mahimbing ang tulog ni
Nicco. Tinabihan na din siya ni Andrei at nakatulog sila ng magkayakap.
Kinaumagahan, naunang nagising si Nicco at naghanda ng pagkain. Pareho ang
naging takbo ng araw nila.

93
Emmanuel R. Caleon

Nang sumunod na araw ay nakaramdam ng sakit ng buong katawan si


Nicco. Tatlong araw na lang ang nalalabi sa araw bago magbakasyon. Pinilit
niyang bumangon ng araw na iyon. Nakapasok pa din naman siya subalit ng
maghahapon na ay hindi na talaga niya kinaya kung kayat hindi na niya tinapos
pa ang klase.

Pagkauwi ni Andrew ay agad niyang napansin na nakahiga sa sahig si


Nicco. Hindi pa nakakapagpalit ng uniporme, hindi tulad ng dati. Binuhat niya
ito patungo sa higaan nito. Hinintay niya si Andrei na makauwi, tinext din niya
ang kapatid para bumili na lang ng pagkain sa labas.

Pagkauwi ni Andrei ay una niyang hinanap si Nicco.

―Nasa kwarto, mataas ang lagnat‖ sagot ni Andrew.

Agad namang pinuntahan ni Andrei si Nicco. Hinalikan sa noo at


sinabihan ng ―I love you.‖

Nawala ang lagnat ni Nicco kinaumagahan ngunit bumalik din ng


hapon. Kahit hindi niya gaanong kaya ay pinilit niyang umarte na para bang
wala siyang dinadaing na karamdaman. Kahit pansin ng kambal ang ginagawang
iyon ni Nicco ay hindi na lang nila pinapansin, ayaw din naman kasi nilang
bigyan pa ng alalahanin si Nicco. Kinabukasan ay ganuon din ang nangyari. Sa
pagkakataong ito ay may tumulong dugo mula sa bibig ni Nicco. Napansin ito
ng mga kaklase niya. Pinipilit siyang pumunta ng clinic subalit tinanggihan niya
iyon.

Hindi na niya tinapos pa ang klase, ayos lang naman iyon sapagkat
wala na silang ginagawa pa at alam ng mga prof niya ang nangyari sa kanya.
Kinuha niya ang calling card ni Dok Matthew na binigay sa kanya ng huli silang
magkita. Araw ng biyernes iyon at huling araw ng klase. Tamang araw din iyon
dahil nasa ospital sa maynila ang doktor na pakay niya. Tinawagan niya ang
mga kuya-kuyahan niya at nagpanggap na may pupuntahan lang dahil may
tinatapos silang final presentation mula sa batch nila. Pinayagan naman siya ng
mga ito sa kundisyong uuwi bago mag-alas-diyes ng gabi.

Sa kabutihang palad ay anduon ang duktor na hanap niya.

―Nicco, napasugod ka atang bigla‖ tanong ng duktor kay Nicco. ―buti


na lang at wala na akong mga pasyente ngayon.‖

―Kasi po Dok‖ may pagaalinlangan pa din sa kanya kung tama ba ang


gagawin niya.

―Ituloy mo lang Nicco‖ pagpipilit ni Dok Matthew.

94
No Boundaries

Kinuwento na nga niya ang lahat sa kaibigang doktor. Kahit tapos na


ang shift ng doktor ay sumailalim si Nicco sa mga pagsusuring medical. X-ray,
blood test, blood count, urine test, at madami pang iba. Batid kasi ng duktor
kung anong maaring karamdaman ni Nicco. Ninais makasigurado ng doktor na
tama ang magiging pagsusuri niya sa batang si Nicco.

―Nicco, bumalik ka na lang bukas ng umaga‖ sabi Doktor ―bago ako


pumunta ng seminaryo ay dapat makasigurado muna ako sa kalagayan mo.‖
dagdag pa nito.

―Sige po Dok, salamat po ng madami‖ sagot ni Nicco.

Pagkauwi ay tila nanghihina padin si Nicco. Kinamusta siya ng kambal


at bakas sa mukha nila, lalo na si Andrei na labis ang pag-aalala para sa kanya.
Matapos makakain ay uminom si Nicco ng gamot na binigay sa kanya ng
doktor. Naibisan ang sakit na nararamdaman niya. Matapos nito ay balik ang
sigla niyang nakipagbiruan sa mga kuya-kuyahan niya. Nakipagkulitan at
nakipag-asaran tulad ng dati. Nagtataka man ang dalawa ay masaya pa rin sila
dahil bumalik ang dating sigla ni Nicco.

―Mga Kuya ko‖ panimula niya ―hindi muna ako makakasama sa inyo
pabalik ng San Isidro‖ malungkot nitong sinabi.

―Bakit naman?‖ halos sabay na tanong ng kambal.

―Hindi pa kasi kami nakakatapos gawin ung final presentation namin‖


pagdadahilan niya ―baka siguro pagkatapos na lang ng graduation ako
makauwi.‖ dugtong pa nito. Sa isip ni nicco –―Mainam din ang magsinungaling
minsan para maprotektahan mo sila sa pag-aalala.‖

―Sige si Andrew na lang ang uuwi bukas.‖ sabi ni Andrei.

―Hindi kuya Andrei ko, sumama ka na pag-uwi‖ pamimilit nito.

Naging mahaba ang diskusyon ng dalawa sa bagay na ito, sa huli ay


nagwagi si Nicco at napapayag niyang umuwi si Andrei. Dinaan niya sa lambing
ang mahal niyang kasintahan kayat sa bandang huli ay bumigay ito sa nais niya.
Ayaw man ni Andrei na iwan ang mahal na katipan ay ginawa pa din niya
kalakip ang pangakong mag-iingat ito. Kaya naman kinabukasan ng magpaalam
ang dalawa ay dali-daling naghanda si Nicco para pumunta ng ospital.

―Dok, magandang umaga po.‖ bati ni Nicco.

―Magandang umaga din. Umepekto ba ang gamot?‖ tanong ng duktor.

95
Emmanuel R. Caleon

―Opo, guminhawa po ang pakiramdam ko kagabi.‖ Masayang bati nito


―Ano na po ang resulta ng mga test na ginawa natin kahapon?‖ tanong ni Nicco
bagamat kinakabahn ay pinilit niyang kalmahin ang sarili.

Nagusap ng masinsinan si Nicco at si Dok Matthew. Sinabing lahat ni


Dok Matthew ang tungkol sa kalagayan niya. Unti-unti ay umagos ang mga luha
sa mga mata ni Nicco ng malaman ang katotohan. Ipinagpatuloy lang ni Nicco
ang pagluha. Ilang minuto din siyang tahimik na umiiyak ng magsalita itong
muli ―Dok, wala po sana kayong pagsasabihan nito kahit na sino.‖ pakiusap ni
Nicco.

―Sige iho, pero tandaan mo, kahit gaano pa man natin itago ang
katotohanan, ang katotohanan mismo ang maglalantad sa sarili nila. Ang mas
masakit nito ang taong inaalala nating huwag masaktan ay doble ang sakit na
mararamdaman dahil sa desisyon nating itago sa kanila ang katotohanan.
Maaring sisihin nila ang sarili nila dahil sa mahabang panahong pinagkait natin
sa kanila ang totoo ay hindi sila nakagawa ng paraan para makatulong o
makakilos.‖ tila paalala ni Dok Matthew.

Sumagot si Nicco kahit nahihirapan ―Mas mainam na itago na muna


natin ang katotohanan lalo na at hindi pa handa ang mga tao. Sa ganitong mga
pagkakataon, mas maganda na kung unti-unti silang sanayin patungo sa
paghahanda sa kanila ukol sa tinatagong katotohanan. Pag alam nating handa na
ang lahat at hinog na ang bunga base sa nakikita natin, saka natin ihayag ang
mga bagy na dapat nilang malaman.‖ mahinahong sagot ni Nicco.

―Sige iho, iyan ang kagustuhan mo. Sa ngayon ay reresetahan kita ng


gamot para maibsan ang mga pananakit na nararamdaman mo.‖ sagot nito.

―Salamat po dok‖ tanging nasabi ni Nicco.

―Higit sa lahat kung kailangan mo ng kaibigan para makausap, andito


lang ako.‖ Pahabol ng doktor.

Walang nagawa si Nicco kundi ang ngitian ang doktor. Pagkatapos nga
ng usapang iyon ay pinatatag niya ang kalooban dahil alam niyang siyang mag-
isa lang ang haharap sa problemang ito. Alam niyang masasaktan ang Kuya
Andrei niya pagnalaman ito. Gabi na ng makauwi si Nicco. Lumibot pa siya sa
baywalk para makapag-isip ng maayos. Pagkauwi ay muli niyang inisip ang mga
bagay na gagawin. Hindi niya mapigilang umiyak sa isiping iiwan na niya ang
mahal niyang Andrei, magkakalayo na sila ng mahal niyang Andrei.

Nang gabi ding iyon ay kinausap ni Nicco ang Diyos, alam niyang ang
Diyos lang ang kanyang pwedeng kapitan sa mga oras na iyon. Alam niyang
isang malaking tulong ang kayang ibigay ng dakilang manlilikhang ito. Alam

96
No Boundaries

niyang sa bawat pagdadaanan pa niya ay kaya nitong tulungan siya para


malusutan ang bawat pagsubok.

Sa isip-isip niya, ito na ba ang sinasabing love is bounded by chances?


Pero nanatili siya na naniniwala na love knows NO BOUNDARIES, as long as
the feeling stays inside your heart, it will travel the endless roads, it will
continue to conquer great journeys and will give selfless emotions. Keep the
love burning inside your heart so that you can proudly say, I love unbounded. I
am proud that I break the barriers and love NO BOUNDARIES.

97
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XXV
Tampuhang Nicco at Andrei

Nakalipas ang isang linggo at dumating na ang araw ng pagtatapos ni


Nicco. Maaga ng ipinaalam ng ama ni Nicco na hindi siya makakasama nitong
umakyat sa entablado. Dahil dito si Governor Don Joaquin ang kasama niyang
aakyat at tatayong ama niya. Tanghali ng dumating ang mga ito sa Maynila.
Kasama ng mag-aamang del Rosario sina Aling Martha, Fr. Rex, Chad, Rome at
Stephanie.

Malungkot man si Nicco ay hindi nadin niya ito pinansin. Nalalabi na


lang ang araw niya sa mundo bakit pa niya sasayangin sa kalungkutan. Higit sa
lahat, may isang desiyon siyang gagawin kung saan ibibigay niya ang lahat ng
emosyon niya at kalungkutan para dito. Si Nicco, hindi man nakapagtapos ng
Cum Laude ay nakatanggap naman ng natatanging pagkilala mula sa
unibersidad. Hatinggabi na ng makatapos ang programa, pinagpasyahan nilang
kinabukasan nalang umuwi. Kaya naman si Nicco at Andrei ang magkasama sa
kwarto. Si Don Joaquin, Rome, Chad at Andrew sa isang kwarto at si Aling
Martha at Stephanie sa isa pa.

Nang gabing iyon ay natulog na magkayakap si Nicco at Andrei,


nakahiga si Nicco sa mga bisig nito habang yapos naman niya ang buong
katawan ng binatang iniirog at minamahal niya. Nais niyang kahit man lang sa
huling pagkakataon ay maramdaman niya ang katawan nito, ang init na mula sa
kanyang mahal at higit sa lahat ang pakiramdam na protektado siya nito, alaga
sa anumang oras at ang pakiramdam na mahal na mahal din siya nito. Tumulo
na lang ang mga luha niya ng maalalang maaring ito na ang huling pagkakataon
na magagawa niyang yakapin ang mahal niyang si Andrei. Maaring bukas o sa
susunod na araw ay hindi na niya magagawang maamoy ang halimuyak nito,
marinig ang tibok ng puso nito na tila isang musika para sa kanya, maramdaman
ang yakap ng binata o makita ang mukha. Nakatulog siya sa ganitong isipin.

Kinaumagahan ay maagang umalis ang lahat para bumalik ng San


Isidro. Patuloy pa ding pinag-iisipan ni Nicco kung itutuloy ba niya ang balak,
subalit naiisip niyang ito ang pinakamainam sa lahat. Kaya naman, kinagabihan
matapos ang salu-salong inihanda para sa kanya ay inaya niya ang Kuya Andrei
niya sa isang lugar na tahimik at malayo sa lahat. Isang lugar na walang
98
No Boundaries

makakaisip na puntahan ninuman. Kinakabahan si Andrei, ngunit higit ang


kabang nararamdaman ni Nicco.

―Kuya Andrei‖ panimula niya ―alam mo namang mahal na mahal kita.‖


Sabi niya.

―Oo naman, alam at nararamdaman ko.‖ Sagot ni Andrei, bagamat


naguguluhan ay pinilit pa din niyang intindihin at pakiramdaman ang nais
sabihin ng minamahal niyang si Nicco.

―Kahit anung mangyari tandaan mo mahal na mahal kita‖ matapos nun


ay tumakbo palayo si Nicco. Pakiramdam niya ay hindi pa niya kayang
pakawalan si Andrei. Ayaw pa niyang mawala ito sa piling niya. Pero iyon lang
ang paraan para ihanda ito sa katotohanan. Ito lang ang paraan para hindi ito
masaktan pag huli na ang lahat.

Hahabulin sana niya si Nicco subalit may kung anong pumigil sa kanya
para huwag itong sundan. Higit pa ay kinabahan ito sa sinabi ng katipan na tila
nagpapahiwatig na mawawala ito sa kanya.

Hindi nakatulog ng maayos si Nicco ng gabing iyon, subalit pinilit


niyang magising ng maaga, may dapat siyang ikunsulta kay Fr. Rex at sa
Gobernador na nagsilbing ama niya.

―Good Morning po Father‖ sabay mano sa pari.

―Ano ba ang sadya mo iho at napakaaga mo dito?‖ tanong ng pari.

―Nais ko po sanang bumalik ng seminaryo‖ panimula niya ―duon ko po


nais gugulin ang nalalabi kong mga oras‖dagdag pa niya.

―Maganda iyan iho, tunay ngang tinatawag ka ng Diyos para maging


tagapaghatid niya ng balita.‖ Saad ng pari ―tutulungan kitang makabalik.‖

―Salamat po Father‖ tila nabunutan siya ng tinik nang aprubahan ng


pari ang desisyon niya.

Sunod niyang pinuntahan ay si Governor Don Joaquin. Sinamantala


niyang tulog pa ang kambal ng masiguradong ang gobernador lang ang
makakaalam ng balak niya. Tulad din ng pari ay natuwa ang gobernador sa
pasya niya at nangako ng suporta. Hindi niya alam ay hindi din nakatulog si
Andrei dahil pinag-iisipan nito ang sinabi ni Nicco. Buhat sa likuran ay nagsalita
ito.

―Iyon pala ang nais mong sabihin sa akin kagabi‖ malungkot na sabi
nito.
99
Emmanuel R. Caleon

―Kuya Andrei‖ tila nabibilaukan niyang nasabi.

―Ang aga mo atang nagising? Sige mag-usap na muna kayo ni Nicco at


maghahanda na ako para makaalis.‖ Pagkasabi nito ay tumayo na ang
gobernador at nagpaalam na aakyat na muna ito.

Katahimikan ang namagitan sa dalawa, nang hindi makaya ni Andrei


ang sarili ay lumabas ito. Sinundan naman siya ni Nicco. Higit pang binilisan ni
Andrei ang paglakad ―Kuya Andrei!‖ sigaw ni Nicco. Tila may sariling buhay
ang kanyang mga paa, nilingon niya si Nicco at kita niya ang mga luha sa mata
nito. Nadurog ang puso niya sa nakitang umiiyak ang kanyang mahal.

―Pag-usapan na muna natin ito‖ pakiusap ni Nicco.

―Sumunod ka sa akin‖ aya ni Andrei.

Malungkot man si Nicco ay nabuhay ang pag-asang mauunawaan siya


ng Kuya Andrei niya. Pagdating sa may parting iyon ng hardin ng mga del
Rosario ay agad na nagsalita si Andrei.

―Ano ba Nicco, pinaglalaruan mo ba ako?‖ galit na tanong nito.

―Kuya Andr—― hindi na niya natapos ang sasabihin.

―Ang sakit Nicco, minahal kita, minamahal kita, mahal na mahal kita at
handa akong mahalin ka habang-buhay bakit mo nagawa sa akin to.‖ Puno ng
kalungkutang sinabi ng Andrei.

―Mahal na mahal kita ng higit sa buhay ko, pero ito lang ang alam kong
paraan para sa bandang huli hindi ka masaktan.‖ Paliwanag ni Nicco.

―Kung mahal mo ako, hindi mo gagawin ito sa akin.‖ Napaluhang sabi


ni Andrei ―kung ayaw mo akong masaktan, bakit ngayon ginagawa mo sa akin
to?‖

―Gusto ko maging normal ang takbo ng buhay mo. Gusto ko


matanggap ng lipunan ang pagkatao mo. Gusto ko mabuhay ka ng walang
nilalabag sa pamantayan ng mga tao. Yun lang ang gusto ko, makuha mo ang
mga bagay na hindi mo makukuha pag kasama mo ako.‖ mahinahong paliwanag
ni Nicco.

―Makasarili ka, bakit iyong gusto mo ang iniisip mo? Hindi iyon ang
gusto ko. Ikaw ang gusto ko. Wala akong pakialam sa mga bagay na makukuha
ko pag hindi ka kasama, mas gusto ko ng mga bagay na makukuha ko kapag
kasama kita. Mahal na mahal kita Nicco‖ giit ni Andrei.
100
No Boundaries

―Pero Kuya Andrei, intindihin mo sana ako.‖ Sambit ni Nicco na may


pakiusap.

―Lagi kitang iniintidi, sana ako ang intindihin mo ngayon.‖ Pagkasabi


nuon ay umalis na si Andrei at naiwan si Nicco. Napaupo si Nicco at walang
ibang alam gawin sa mga oras na iyon kundi umiyak.

Hindi batid ng dalawa na may mga matang nakatingin sa kanila buhat


sa itaas. Nakikitang lahat ni Andrew ang naganap sa pagitan nila., Ganuon na
lang ang awa niya sa kakambal at ganuon din kay Nicco. Hindi niya alam kung
sino ang papanigan pero alam niya, maaayos ang gusot sa pagitan ng dalawa.

Love knows NO BOUNDARIES, hanggat kaya mong magtiis para sa


taong mahal mo. Hanggang alam mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan
para makita siyang masaya sa hinaharap. Ang pagsasakripisyo para sa mahal mo
ay isang patunay na love knows NO BOUNDARIES. As long as love is selfless,
it can soar high, as long as it is pure, it can go a far distance.

101
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XXVI
Pakiusap kay Andrew

Bago tuluyang umuwi sa bahay ay pinutahan niya ang mga kapatid para
sabihin sa mga ito ang desisyon niya. Nabuhay ang loob niya ng malamang
suportado ng mga ito ang kanyang mga plano, gayundin ang kanyang ama na sa
unang pagkakataon ay naabutan niya sa bahay na hinihintay siya.

May isang buwan na din ang lumilipas nang magkatampuhan sila ni


Andrei. Mula nuon ay hindi pa sila nagkikita, maging ang mga tawag niya ay
hindi nito sinasagot. Dalawang araw na lang at kakausapin na siya sa seminaryo
para tanungin ukol sa gagawin niyang pagbabalik. Mula ng araw na malaman
niya ang tungkol sa kalagayan niya, ang bawat gabi sa kanya ay isang
napakalaking pagsubok. Sa bawat umaga ay tila napakihirap harapin para sa
kanya, ngunit tulad nga ng kanyang pananaw sa buhay, hanapin sa puso ang
mumunting sisidlan ng pag-asa.

Ayaw niyang pumunta ng seminaryo na hindi nakakausap si Andrei,


lahat ng paraan na alam niya ay ginawa niya. Maliban na lang sa isang bagay,
alam ni Nicco na maging si Andrew ay galit sa kanya, subalit nagbaka-sakali pa
din siya na makausap si Andrei sa pamamagitan ni Andrew. Kaya naman
tinawagan niya ang kakambal ni Andrei .

―Kuya Andrew‖ sabi niya sa kabilang linya.

―Nicco, napatawag ka?‖ sagot ng malungkot na tinig mula sa kabilang


linya.

―Pwede po ba tayong magkita‖ sabi nito.

―Sige, gusto din naman kitang makausap tungkol sa ilang bagay‖ sabi
nito ―mamayang hapon, bandang ala-singko magkita tayo sa lumang bahay
namin.

Pagkasabi niyon ay pinindot na ni Andrew ang end call.

102
No Boundaries

Nang hapon ngang iyon ay maagang nagtungo si Nicco sa lumang


bahay ng mga del Rosario. Naramdaman niyang lalo ang kalungkutan dahil
punung-puno ng mga alaala ang lugar na iyon. Iyon ang tagpuan nilang dalawa
ni Andrei. Duon sila masayang nag-uusap habang magkayakap. Naaalala niya
ang mga matatamis na salita mula dito. Ang bawat tawa, ngiti at kakulitan ng
kanyang Kuya Andrei. Hindi niya namamalayang tumutulo na pala ang kanyang
mga luha ng may tumawag sa pangalan niya.

―Nicco‖ sabi ng tinig.

Lumundag ang puso niya ng isiping si Andrei iyon, subalit sa


paglingon niya.

―Andrew‖ biglang pumanglaw ulit ang kasiyahang saglit na bumakas sa


mukha ng binata.

―Ako nga? Sino pa ba ang inaasahan mo?‖ sagot ni Andrew ―Ano iyon
sasabihin mo?‖ tanong nito.

―Kuya Andrew, pwede mo ba akong tulungan para makausap si Kuya


Andrei?‖ kinalimutan niya ang alinlangan dahil mas mahalaga sa kanya ang
makausap ang mahal na si Andrei.

―Bakit mo naman gustong makausap? Hindi mo ba alam na nahihirapan


ang Kuya Andrei dahil sa ginawa mo?‖ tila may paninisi sa tinig nito.

―May dahilan ako kaya ko nagawa iyon.‖ agad na sagot niya ―isang
napakabigat na dahilan‖ muli ay tumulo ng dahan-dahan ang mga luha sa mga
mata nito.

―Anong dahilan? Sige sabihin mo sa akin?‖ pamimilit ni Andrew ―baka


sakaling maintindihan kita.‖

―Isang dahilan na hindi pa kayo handa para malaman, isang dahilan na


hindi pa pwedeng sabihin‖ depensa ni Nicco sa sarili.

―Makasarili ka Nicco, sarili mo lang ang iniisip mo.‖ Panunumbat ni


Andrew.

―Kung pagiging makasarili ang pagprotekta sa mga mahal para hindi


sila masaktan, sige makasarili na ako‖ saglit pa at dinugtungan ito ni Nicco
―kahit pa tawagin niyong kasakiman ang bagay na iyon tatanggapin ko.‖

Walang nasabi si Andrew kung hindi ―Nicco‖ ramdam niya ang bigat
sa kalooban ng batang si Nicco. Ang galit niya dito ay napalitan tila ng awa at
malasakit para dito. Sa pakiramdam niya ay hindi niya kayang makita si Nicco
103
Emmanuel R. Caleon

sa ganitong sitwasyon. Agad ay tinapos niya ang usapan at sinabing gagawin


niya ang lahat ng makakaya para makapag-usap sila ni Andrei.

―Salamat Kuya Andrew‖ tanging nasabi ni Nicco.

Agad nilisan ni Andrew ang lugar na iyon, sa sasakyan magmamaneho


siya, tanging lungkot ang kanyang nararamdaman. Tumutulo ang luha niya dahil
sa nangyari. Hindi niya kayang makitang umiiyak ang kaibigan. Sa isip niya –
―Kahit ano pa mang galit ang nasa puso mo, agad itong mawawala kong
mahalaga ang taong ito para sa iyo.‖

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay may isang taong nasa lugar ding iyon
ng mga oras na iyon at naririnig ang kanilang usapan.

104
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XXVII
Pagpapalaya ni Andrei at Pagbabalik sa Banal na Buhay ni Nicco

Matapos nga ang pag-uusap na iyon ay nagtext si Andrew kay Nicco


kinagabihan. Agad namang binasa ni Nicco ang laman ng text na iyon ni
Andrew.

―Niks, pumayag si Kuya, magkita daw kayo sa lumang bahay bukas ng


umaga‖ sabi sa mensahe.

Dali – dali naman niya itong sinagot ng ―Sige sabihin mo hihintayin ko


siya duon. Salamat Kuya Andrew‖ pagkatapos nuon ay wala ng sagot mula kay
Andrew.

Masaya si Nicco dahil muli ay tinawag siyang Niks ni Andrew.


Nangangahulugan lamang iyon na unti-unti na siyang nauunawaan ng kakambal
ni Andrei. Samantala, pinag-iisipan ni Nicco ang sasabihin kay Andrei ay muli
siyang nakaramdam ng pananakit sa kanyang likod. Dumadalas siyang
makaramdam ng ganito. Mainam na lang at mabisa ang ibinigay sa kanyang
gamot ni Dok Matthew. Hindi nga nagtagal ay nawala ang sakit at dali-dali
siyang nakatulog.

Kinabukasan, bago pa man mag-alasnueve ay nasa lumang bahay na


siya ng mga del Rosario. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya si Andrei na
nakaupo sa may hagdanan. Nagtataka siya dahil wala namang nakaparadang
kotse sa harap ng bahay. Inisip niyang baka naglakad ito papunta duon.
Nakaramdam siya ng tuwa ng muling nasilayan ang minamahal niyang si
Andrei. Higit pa ay nakaramdam siya ng kaba sa kung paano ipapaliwanag dito
ang sitwasyon.

Maagang nagising si Andrei, agad siyang nagbihis at agad na tinungo


ang kanilang lumang bahay. Napagpasyahan niyang maglakad nalang ng sa
ganuon ay may mas mahabang panahon siya para mag-isip kung paano
kakausapin si Nicco. Isang oras na din siyang naghihintay ng makitang pumasok
na ito sa loob. Agad siyang tumayo at pinuntahan ang nuon ay napatigil na si
Nicco. Agad niya itong niyakap at sa sobrang kaligayahan ay hindi niya alam
kung papakawalan pa ba si Nicco sa mga bisig niya.
105
Emmanuel R. Caleon

―Nicco ko, I Love You.‖ sabi ni Andrei.

Napaluha si Nicco at agad na sumagot ng ―I Love You more‖ niyakap


din niya ang binatang si Andrei. Tahimik ang paligid habang dinadama nila ang
mga yakap ng bawat isa. ―Sorry kuya Andrei sa nagawa ko sa iyo.‖ wika ni
Nicco ―alam ko hindi maganda ang gagawin ko na iwan ka.‖

―Sssh, you don’t need to explain‖ agad naman sagot ni Andrei.

―Kuya..‖ nanatili sila sa ganuong ayos at sa isang mahabang


katahimikan. Pakiramdam nila ay ayaw na nilang matapos pa ang muli nilang
pagkikita. Subalit unang kumawala sa pagkakayakap si Nicco at nakiusap na
pakinggan siya.

―Mahal kita kaya hindi pwedeng hindi mo malaman ang nasa puso ko.‖
giit ni Nicco.

―Hindi na kailangan, sapat na ang sinasabi ng puso ko para sa iyo.


Sapat na ang narinig ko kagabi, sapat na ang mga luhang nakita ko sa iyo, sapat
na ang nakita at naramdaman kong bigat ng kalooban mo.‖ Pagsaway ni Andrei
―dahil mahal kita kaya naramdaman ko kung gaano kabigat ang nararamdaman
mo.‖ Dugtong pa ni Andrei.

Lumunok muna ng laway si Nicco bago tuluyang makapagsalita ―Kuya


hindi ko naman gustong gawin ito, kaya lang..‖ napahinto si Nicco at lalong
tumulo ang mga luha sa mata nito.

―I Love You Nicco, more than everything, more than my life‖ sabay
hawak sa balikat ni Nicco at tiningnan ni Andrei sa mga mata ang binata.

―I Love you more than you love me, more than my life, more than any
limits. I love you without any hesitations, I love you even if it means sacrifice‖
sagot ni Nicco ―at iyon ang gagawin ko ngayon, kasi mahal na mahal kita. Ayaw
kong masaktan ka sa bandang huli kung kailan mas malalim na ang pagtingin
mo para sa akin.‖ dugtong pa nito.

―Alam ko, kaya naman sige, pinapayagan na kita, basta siguraduhin


mong magiging masaya ka. Pipilitin kong maging masaya kahit wala ka.‖
malungkot na sagot ni Andrei.

―Salamat Kuya, sana, sa gagawin kong paglisan ay ipagpatuloy mo ang


buhay mo. Makahanap ka ng taong karapat-dapat sa iyo. Karapat-dapat
pagtuunan ng pansin. Umaasa ako, sa paglipas ng isang taon mula ngayon ay
muli kitang makikita, bisitahin mo sana ako sa seminaryo, sana sa panahong
iyon, kasama mo na ang taong pinili mo para pag-alayan ng lahat ng buhay mo.‖
106
No Boundaries

Wika ni Nicco. Sa isip ni Nicco, ―paano ako magiging maligaya kung hindi kita
makakasama, kung alam kong mawawala ka na sa akin‖

―Sinasabi mo bang kalimutan na kita?‖ kontra ni Andrei ―mahirap


kalimutan ang taong nagparamdam sa iyo na may halaga ka. Mahirap kalimutan
ang unang tumawag sa iyo sa pangalan mo ng puno ng pagmamahal. Higit sa
lahat mahirap kalimutan ang taong naging buhay mo sa mahabang panahon.
Ikaw ang tong iyon, ikaw ang unang taong umintindi sa akin.‖ Pagpipilit ni
Andrei. ―Pero dahil sa sinabi mo, kahit hindi ko kaya gagawin ko.‖

―Salamat Kuya, isipin mo nalang na nagkamali ka sa pagpili mula sa


isang libong posibilidad ng makilala mo ako. Hanapin mo ang tunay na dapat sa
iyo. Mayroon diyan na mas higit ang kayang gawin para sa iyo.‖ sabi ni Nicco
―Ipangako mo, paglipas ng isang taon pupuntahan ninyo ako sa seminaryo
kasama ang taong pinili mo.‖ Pagpipilit ni Nicco.

―Ipinapangako ko, pupuntahan kita sa seminaryo, pero ang makahanap


ng kapalit mo, mukhang malabo na iyon‖ sagot ni Andrei.

―Gusto ko ikwento mo sa taong mamahalin mo ang yugto kung saan


magkasama tayo. Hindi ako papayag na mapunta ka sa taong hindi kayang
tanggapin ang nakaraan mo. Kung hindi niya matatanggap ang nakaraan mo,
paano pa niya tatanggapin ikaw at ang kinabukasan mo?‖ tila paalala ni Nicco
―Walang karapatan ang isang taong mahalin ka kung hindi niya kayang mahalin
at tanggapin ang nakaraan mo.‖ pahabol ni Nicco.

―Sige, gagawin ko para sa iyo. Mahal na mahal kita Nicco.‖ sabi ni


Adrei

―Mahal na mahal din kita Andrei ko‖ sagot ni Nicco.

Sa huling pagkakataon ay nilasap nila ang sarap ng labi ng bawat isa.


Nakaramdam ng kagaanan sa kalooban si Nicco ng bigyang laya na siya ni
Andrei. Nakaramdam ng kagihawahan sa kalooban ng malamang maaayos ang
buhay nito kahit wala na siya. Kinabukasan ay hinatid siya ni Andrei sa
seminaryo bilang huling pamamaalam na din. Bago bumaba ng kotse ay nag-
usap muna ang dalawa.

―Mag-iingat ka lagi kuya Andrei‖ sabi ni Nicco.

―Basta para sa iyo, mahal kong asawa‖ nakangiti nitong sagot ―wag
kang magagalit kung maghanap ako ng kabit, iyon kasi ang bilin mo.‖ Pabiro
nitong sagot. Sa kalooban ni Andrei ay kabaliktaran ang pinapakita niya.

107
Emmanuel R. Caleon

―Asus ang Kuya ko talaga, sige na pasok na ako.‖ Sabi ni Nicco. Sabay
baba sa kotse. Pakiramdam niya ay napakabigat sa pakiramdam ang ginagawa
niya. Pinilit niya ang sarili na makababa.

―Basta pag hindi ka tinanggap ulit sa loob tawagan mo ako iuuwi na


kita ulit‖ sagot ni Andrei sabay paandar sa kotse para hindi na makita ni Nicco
ang mga luha sa mga mata niya.

Habang papasok ay sinalubong siya ng rector at agad na inaya sa


kwarto kung saan ay hinihintay na siya ng pamunuan ng seminaryo. Sa loob ng
kwarto ay hindi alam ni Nicco ang mararamdaman subalit pinatatag niya ang
kalooban.

―Maligayang pagbabalik Nicco‖ nakangiting bati sa kanya ni Fr. Cris.

Sinuklian lang niya ito ng ngiti.

―Ano ang dahilan mo at naisipan mong bumalik dito?‖ tanong ng


rector.

―Nagabablik po ako dahil ito ang sinasabi ng puso ko. Nagawa ko itong
iwan dati sapagkat may nakita akong tao na sa palagay ko ay nakalaan para sa
akin. Sa ngayon, naiisip ko pong bumalik sa dating landas na mula sa pagkabata
ay ninais ko ng pasukin. Alam ko isa ito sa nakalaan para aking tahakin, kung
kayat muli ay binabalikan ko. Isa pa sa taong nagparamdam sa akin ng
pagmamahal at pagpapahalaga, gusto kong mabuhay siya ng normal at maayos.
Nais kong mabuhay siyang tanggap ng lipunan. Nais kong mabuhay siya na
pasado sa basehan ng moralidad. Mangyayari lamang iyon kung ako na mismo
ang lalayo sa kanya.‖ sagot ng batang si Nicco, bagamat kinakabahan ay handa
siyang aminin ang totoo sa harap ng mga pari.

―Isa kang malaking kawalan sa seminaryo Nicco.‖ sabi ng rector ―kaya


naman bago ka pa namin kausapin ay may desisyon na kaming nagawa‖
dugtong pa nito.

Nahulaan na ni Nicco kung ano ang pasya ng mga ito, kaya naman
nakaramdam siya ng kasiyahan at kalungkutan dahil naiisip niyang tuluyan na
niyang iiwan si Andrei.

―Muli at tinatanggap ka ng seminaryo na ito bilang mag-aaral ng


teolohiya.‖ Sabi ni Fr. Ed na siyang pinuno ng mga seminarista ―hindi ka na
dadaan pa sa pilosopiya dahil natapos mo na ito sa labas‖ dugtong pa ng pari.

―Maraming salamat pos a inyo‖ sabi ni Nicco ―Nais ko pong sa


nalalabing oras ko ay tahakin ko ang landas na patungo sa Diyos. Nais kong
paglingkuran siya at isakripisyo ang lahat para sa kanya.‖ dugtong pa niya.
108
No Boundaries

Binati siya ng mga pari na kita ang kasabikang muli siyang masilayan.
Pagkalabas ng silid na iyon ay nakita niya ang mga dating kasamahan na
hinihintay ang kanyang pagbabalik. Binati din siya ng mga ito at nagpakita ng
kasiyahan na muli ay makakapiling nila si Nicco. Higit sa mga ito ay ang
kaligayahan ng nabigyan niya ng pinakamalaking tulong sa pagpasok niya sa
seminaryo.

Sa gitna ng kasiyahan ay nakita niya si Dok Matthew.

―Usap tayo sa klinika mamaya‖ sabi nito. Pagkaraan ay umalis na din


ang doktor.

Nang hapon ding iyon ay pinuntahan niya ang kaibigang doktor sa


klinika ng seminaryo.

―Maupo ka Nicco.‖ Sabi nito ―Sa ngayong andito ka sa seminaryo, ako


ang mag-aalaga sa kalusugan mo.‖ Sabi pa ng doktor.

―Salamat po Dok, alam ko makakatulong po kayo para mabawasan ang


sakit na nararamdaman ko.‖ pasasalamat ni Nicco.

―Tulad ng sinabi mo, wala akong pinagsabihan ng tunay mong


kalagayan.‖ Saad pa ng doktor ―ang maitutulong ko lang ay mabawasana ang
sakit pero hindi ko natitiyak kung madudugtungan pa ang buhay mo.‖
malungkot na sabi ni Dok Matthew.

―Tanggap ko na po ang kamatayan ko, lahat tayo darating sa puntong


iyon. Ang tanging magagawa natin ay maging maligaya sa kung anong
kapalaran mayroon tayo. Maikli na lang ang buhay ko para maging malungkot
pa.‖ sabi ni Nicco ―Mahalaga, bago ako mawala makita ko si Andrei na masaya
kasama ang taong para sa kanya‖ sabi ni Nicco.

―Mabait kang talaga Nicco‖ sabi ng doktor ―O siya, bumalik ka na


duon, inumin mo ito araw-araw, tatlong tableta, isa sa umaga, tanghali at gabi.‖
Aalis na ako pamaya-maya.

―Salamat po talaga Dok Matthew.‖ Pamamaalam ni Nicco.

Naging maganda naman ang paglalagi ni Nicco sa seminaryo, pinilit


niyang maging masaya. Iniisip ang magandang buhay ni Andrei na hindi siya
kasama. Sa tuwing maiisip niya ang bagay na ito ay iisa lang ang nasasabi niya.

―Mainam na iyong hindi ako ang kasama niya, sigurado naman akong
magiging maligaya siya higit pa sa mararamdaman niya pag kasama niya ako.‖

109
Emmanuel R. Caleon

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XXVIII
Paglipas ng Isang Taon: Sina Andrei at Sandra

Pagkahatid ni Andrei kay Nicco ay napag-utusan ito ng Papa niyang


harapin ang mga scholars at pinapag-aral ng pamilya nila. Galing man sa
kalungkutan ay pinilit niyang maging maayos sa harap ng mga ito. Labis man
ang sakit sa kanyang puso ay sinikap niyang maging mahinahon at pinilit na
hindi ipahalata ang nararamdaman. Pagkatapos ng usapan nila sa pagitan ng mga
scholars ay may lumapit sa kanyang isang babae.

―Excuse me po sir‖ magalang na wika nito.

―Andrei na lang‖ pakiusap nito.

―Sorry po‖ sabi ng dalaga ―Sandra nga po pala‖

―Please to meet you Sandra‖ simpatikong sagot nito ―may kailangan


ka?‖

―Gusto ko lang po sanang magpasalamat sa inyo, dahil sa inyo nagawa


kong makatapos ng Business Management‖ pasasalamat ng dalaga ―salamat po
talaga ng marami.‖

―You’re welcome‖ at ginantihan ni Andrei ng ngiti ang pasasalamat na


iyon ni Sandra.

Biglang nakaramdam ng hiya ang dalaga. Nagpaalam na ang binata


subalit muli ay tinawag siya nito.

―Andrei‖ tawag nito. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang
kanina pa napapansin.

―Bakit Sandra?‖ tanong ni Andrei.

Pinilit niya ang sarili na dapat niya itong sabihin ―Kasi po, pansin ko
napakalungkot mo.‖ Sabi nito.

110
No Boundaries

―Salamat sa concern‖ dahil dito ay gumaan ang pakiramdam ni Andrei.


Pakiramdam niya ay may bago siyang mapagsaasabihan ng problema bukod kay
Andrew. ―Gusto mong kumain?‖ yaya niya dito.

―Nakakahiya po, huwag na lang.‖ saad ni Sandra.

―Hindi, ayos lang sa akin iyon. Sumama ka, ikaw din hindi ko
tatanggapin ang pasasalamat mo.‖ nakangiting turan ni Andrei.

Napapayag niya si Sandra na kumain sa labas. Sa tagpong iyon ay


nakita ni Andrei ang kakulitan nito. Kahit sandali ay nakalimutan niya ang
kalungkutang binigay ni Nicco. Sa gabing iyon ay muli siyang nakadama ng
kalungkutan sa isiping wala na talaga sa kanya si Nicco. Nagmistulang isang
anghel sa kanya si Sandra dahil lagi niya itong tinatagawan pag kailangan niya
ng kausap. Gumagaan ang kalooban niya pag nakakasama ito at pag
nagkukwento. Mas lalong naging malapit ang dalawa. Nang pakiramdma ni
Andrei na handa na siyang sabihin kay Sandra ang totoong problema niya ay
ginawa niya. Nalaman niyang ang Sandrang nagustuhan ni Nicco dati ay ang
Sandra na kaharap niya ngayon. Ganuon din si Sandra, nagulat siya na ang
kanyang Nicco pala ay inibig at minamahal ang Andrei na ngayon ay kaharap
niya.

Nang malaman ni Sandra ang tunay na sanhi ng kalungkutan ni Andrei


ay tila nadurog ang puso niya. Duon niya napapag-alamang may gusto na din
pala siya kay Andrei. Kahit na ganuon ang nangyari, walang nagbago sa
samahan ng dalawa. Sa tuwing naaalala ni Andrei si Nicco ay si Sandra ang
tinatakbuhan niya. Kahit masakit man para kay Sandra iyon ay inaalo pa din
niya at pinapakinggan si Andrei. Higit at lalong humanga na tunay nga ang
pagmamahalan ng dalawa ng malamang walang naganap na pagsisiping sa
dalawa. Napatunayan niyang malinis ang hangarin at tunay na pagmamahal ang
namagitan sa dalawang lalaking minahal at minamahal niya.

Pitong buwan din mula ng magkakilala ang dalawa. Isang pangyayari


ang nagpakilala kay Andrei ng bagong pakiramdam. Dalawang linggong hindi
nagpakita sa kanya si Sandra. Sa tuwing pupuntahan niya sa bahay ay hindi niya
ito naabutan. Hindi din sumasagot sa mga text o tawag niya. Naisip niyang baka
nag-sasawa na sa kwento niya si Sandra at ayaw na siyang makita pa nito. Ito
ang simula ng pag-usbong ng bagong pakiramdam kay Andrei. Higit niyang
naintidihan ang posibilidad na may gusto na siya sa dalaga ng panahong makita
niya itong may kasamang lalaki. Sa pakiramdam niya ay nais niyang gulpihin
ang lalaki at sabihing layuan si Sandra. Subalit naisip niyang wala siyang
karapatan dahil may Nicco siya at hanggang kaibigan lang ang kaya niyang
ibigay kay Sandra.

Nang sabihin niya sa kakambal ang nararamdaman na iyon ay


pinayuhan siya ni Andrew. ―Kuya Andrei, matagal ng nagpaalam sa iyo si
111
Emmanuel R. Caleon

Nicco, makahanap man ikaw ng iba ay hindi siya magagalit pa dahil siya mismo
ang nagsabing humanap ka ng taong makakapagbigay sa iyo ng kaligayahan.
Ang dapat mo lang gawin, tuluyang pakawalan sa puso mo si Nicco nang sa
ganuon ay lumaya na siya at ikaw. Nang sa ganuon ay mapakawalan mo ang
nararamdaman mo para kay Sandra.‖

Isang linggong pinag-isipan ni Andrei ang tinuran na iyon ng kapatid.


Hindi nga nagtagal ay napagdesisyunan niyang hindi niya kayang mawala si
Sandra. Kaya naman inabangan niya ang labasan nito sa trabaho. Pagkakita niya
dito ay agad niyang nilapitan at inaya para kumain sa labas. Dito na niya
ipinagtapat ang nararamdaman. Sa pakiramdam niya ay napakaligaya niya.
Walang mapagsidlan ang ligayang mayroon siya ng sabihin ang totoong
nararamdaman kay Sandra. Walang pag-aalinlangang tinanggap ni Sandra ang
panliligaw ni Andrei. Labis ang tuwa sa puso ng dalaga. Isang panaginip na
natupad ang pakiramdam niya. Isang buwan ang tinagal ng panliligaw na iyon.
Hindi na pinalagpas ni Sandra ang pagkakataon. Iyon na ang binigay niyang
regalo kay Andrei sa pagpasok ng taon. Kaya naman naging maligaya ang
bagong taon nila. Sa isip-isip ni Andrei –―Nicco, salamat sa iyo, handa na akong
harapin ka tulad ng pangako ko. Handa ko ng ipakilala sa iyo ang taong kapalit
mo sa puso ko.‖

Sa kabilang banda ay walong buwan na ang nakakalipas mula ng


malaman ni Nicco ang tungkol sa sakit niya. Minsanan na lang kung sumpungin
siya ng sakit sa likod at alam iyon ni Doktor Matthew. Sa tuwing bumibisita ito
sa seminaryo ay laging si Nicco ang nasa klinika nito. Alam ng madami na
malapit ang dalawa kung kayat walang nakaiisip na may sakit ang binatang
seminarista.

―Magandang balita kung ganuon.‖ Sabi ni Dok Matthew ―baka sakaling


gumaling ka sa sakit mo, pag nagkataon isa itong himala.‖

―Talaga po Dok?‖ tanong ni Nicco ―Salamat naman po sa Diyos kung


magkaganun man nga.‖

―Oo, ipagpapaalam kita kila Rector para payagan kang makalabas


muna. Sasabihin ko isasama kita sa isang out-reach program‖ sabi ng doktor.

―Bakit po ano ang gagawin natin sa labas?‖ tanong ni Nicco.

―Ipapasuri kita, tingnan natin kung may improvement.‖ Paliwanag ng


doktor.

―Talaga po? Salamat po talaga ng madami.‖ Sabi ni Nicco.

Pinayagan si Nicco para makalabas ng seminaryo. Tatlong araw lang


ang paalam nila kung kaya naman sinigurado nilang agad ay masusuri si Nicco.
112
No Boundaries

Kahit gabi na ay kinuhanan ng bone marrow sample si Nicco. Kinabukasan ay


handa na ang resulta. Subalit ganuon pa din, isang masamang balita pa din ang
nalaman nila. Hindi gumagaling si Nicco, lalo lang lumalala. Normal lang na
paminsan-minsan na lang umandar ang pananakit ng kanyang likod at
pagkahilo, subalit darating din ang oras na magiging sobrang sakit nito. Kahit
anong gamot ay hindi uubra. Malungkot man sa balita ay pinasaya ni Nicco ang
sarili, tanggap na niya ang kapalarang iyon, kaya naman ang tanging magagawa
niya ay gumawa ng kabutihan sa kapwa.

Gumawa siya sa seminaryo ng isang organisasyon para makatulong sa


mga mahihirap sa karatig nilang pook. Naging masaya si Nicco sa ganuong
gawain maging ang mga seminarista. Lalong dumami ang sponsors ng
seminaryo. Ang dating pangit na imahe nito ay naging maganda na.
nakapaglunsad sila ng mga programa para makatulong sa mga street children, sa
mga illegal settlers. Napakiusapan din nila ang kapitolyo, si Governor Don
Joaquin para makapagpagawa ng tahanan para sa mga batang lansangan at
madami pa. naging kaakibat ang seminaryo para malutas ang kahirapan sa
buong lalawigan.

Isang taon at dalawang linggo na mula ng magpaalam siya kay Andrei


at apat na buwan na mula ng simulan nila ang organisasyonh sa seminaryo.
Kinabukasan ay maghahandog sila ng misa pasasalamat at maikling programa
para sa mga taong naging malaking tulong sa seminaryo at sa organisasyon.
Maagang nagpahinga ang lahat para sa gaganaping pagdiriwang na iyon.
Maayos ang pakiramdam ni Nicco at tila ba ay kay lakas-lakas niya. Ang lahat
ay nasasabik na para sa gaganaping programa bukas. Mag-aalay ng awit, sayaw
ang mga seminarista at ang mga batang natulungan ng organisasyon. Kahit
pinapatulog na ang lahat ay hindi nila magawa, maging ang mga pari ay tila mas
nasasabik pa sa gagawin nila kinabukasan. Napagpasyahan na lang nilang
gumawa ng mga bagay na pwedeng souvenir ng pagdiriwang bukas. Naging
masaya ang naging paggawa nila. Lalong naging malapit ang mga pari sa mga
seminarista. Nagagawa nilang makipagsabayan sa mga kaharutan ang biruan ng
mga ito. Isa itong bago sa seminaryo, naging malapit ang mga seminarista at
mga pari. Ala-una na ng umaga, madami na silang nagagawa at tingin nila ay
sasapat na sa mga bisita. Isa-isa nang nakatulog ang mga seminarista at mga
pari.

Si Nicco bagamat hindi pa nakakadama ng antok ay pinilit makatulog.


Katulad ng dati ay kinausap niya ang Diyos para mapanatag ang kanyang
kalooban. Mag-isa lang si Nicco sa silid ng panahong iyon, ang kanyang
dalawang kasama sa kwarto ay nakitulog muna sa ibang silid para magpractice
ng gagawin nila bukas. Sa kabilang banda ay may isang tao namang nasasabik
na din para bukas.

―Nicco ko, matutupad ko na ang pangako ko sa iyo.‖ Sabi ni Andrei sa


sarili. ―Makikita na ulit kita Nicco ko.‖ Hindi namamalayan ni Andrei na
113
Emmanuel R. Caleon

bumabalik ang dating damdamin niya para sa binata. Nasa ganuong pag-iisip
siya nang makatulog.

Tatlong oras lang nakatulog si Nicco at ginising siya ng masakit na


likuran, batok at leeg. Pakiramdam niya ay tinatanggal iyon ng buong-buo.
Kasabay niyon ay may dumaloy na dugo mula sa kanyang bibig. Sa tindi ng
sakit ay tila hindi na niya magawang mag-isip sa kung ano ang gagawin. Pinilit
niyang abutin ang kahon kung saan nakatago ang kanyang mga gamot na
binigay ni Dok Matthew. Nahirapan siyang abutin ang mga ito, sa bandang huli
ay nagawa niyang makuha subalit lalong tumindi ang sakit na kanyang
nararamdaman. Nanginginig niyang binuksan ang lalagyan, tila ba wala siyang
lakas para buksan iyon, pagkakuha ng mga tableta ay agad niyang sinubo subalit
hindi pa man nalulunon ay agad ng tinangay ito ng dugo palabas sa kanyang
bibig. Nakatatlong ulit siya subalit ganuon ang nangyayari. Dahil sa sakit ang
paraang naiisip niya ay lununing muli ang dugo ng sa ganuon ay makasama nito
ang mga gamot.

Apat na tableta na ay hindi pa rin nababawasan ang kirot. Lima, anim,


pito ay wala pa ding pagbabago. Nawawalan na siya ng pag-asa ng unti-unti ay
nabawasan ang sakit na ito. Nang maramdman niyang kaya na niya ang sarili ay
nilinis na niya ang naging kalat upang nang sa ganuon ay walang makaalam na
may iniinda siyang sakit. Sakto namang nakatapos siyang maglinis ng dumating
ang mga kasamahan niya.

Sinamantala niyang walang tao sa kapaligiran, tinungo niya ang klinika


ng seminaryo. Nagulat siya ng matagpuan duon ang Doktor na naging kaibigan
at tagapag-ingat ng kanyang lihim.

―Magandang umaga Nicco‖ bati nito.

―Magandang umaga po doktor.‖ Ganting bati nito ―Tila kay aga po


ninyong naparito?‖

―Dapat lang, kasi balak kong suriin muna ang kalagayan mo bago kayo
magsimula.‖ Sabi nito.

―Salamat po doktor‖ wika niya.

―Ikaw bakit ka naparito? ― tanong niya kay Nicco.

―May sasabihin lang po sana ako.‖ Sagot niya.

―Ano naman iyon?‖

―Salamat po sa inyo. Ibinigay po kayo sa akin para mapagsabihan ko ng


nararamdaman ko. Salamat po sa pakikinig sa akin, sa ipinakita ninyo sa aking
114
No Boundaries

kabutihan. Salamat po dahil naging kaibigan ko kayo. Salamat po dahil alam ko


pinahalagahn po ninyo ako.‖ Sabi ni Nicco.

Ramdam ng doktor na tunay ang sinabi ni Nicco. ―Hindi mo kailangan


magpasalamat. Itinuring kitang kapatid ko. Bilang kapatid dapat na tulungan
kita.‖

―Basta salamat po talaga‖ giit niya ―saka po may sasabihin pa ako sa


inyo.‖ Nag-aalinlangang sabi ni Nicco.

―Ano iyon Nicco?‖ tanong ng doktor.

Natagalan bago makapagsalita si Nicco ―If I can help even to my last


breath, I won’t miss this chance. Kaya naman po gusto ko, kung sakaling
dumating na ang oras ko, gusto ko idonate sa nangangailangan ang mga organs
ko na pwedeng mapakinabangan‖ sabi ni Nicco.

―Too early to give up Nicco. Hindi pa ngayon ang oras mo‖ naluluhang
sinabi ni Dok Matthew.

―Dok, wag kayong umiyak, gusto ko lang masabi iyon bago ako
mawala.‖ May pang-aalo sa tinig nito.

―Nicco naman, magtatagal ka pa.‖ giit ng doktor.

Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa dalawa ng muling


magsalita si Nicco.

―Dok Matthew, may pabor po sana akong hihilingin, sana po kayo na


ang magsabi sa kanila kung paano ko gustong ilibing. Gusto ko po sana ay
dalawang araw lang mananatili ang walang buhay kong katawan bago ilibing sa
lupa. Sana po ay imbes na mag-aksaya ng pera para sa ataul ay idonate na lang
ito sa nangangailangan. Nais ko pong malasap ng katawan ko ang higaan ko sa
San Isidro, sapat na po iyon sa akin para maging higaan nang nahihimlay kong
katawan. Hindi ko po nais na magsuot ng ng magandang damit. Sapat na po sa
akin ang sando at shorts ang suot habang nakahimlay. Dumating ako sa lupa ng
walang kahit ano maliban sa pagmamahal, gusto ko po na lisanin ang mundong
ito ng simple at payak at may baong pagmamahal.‖ nakangiting wika ni Nicco.

―Napakabait mong bata, sige ako ang bahala sa mga bilin mo.‖ Sabi ng
doktor.

―Salamat po, sige po kita na lang po tayo sa gym mamaya. Babalik na


po ako sa dormitoryo at baka hinahanap na ako duon.‖ Paalam ni Nicco.

115
Emmanuel R. Caleon

Habang paalis si Nicco ay may nasabi pa ang batang doktor. ―Nicco,


kakaiba ka sa lahat, marunong kang makuntento sa kung ano ang mayroon ka.
Kakaiba ka sa lahat. Iba ang pananaw mo, iba ang lahat sa iyo. Matatag ka,
kahit alam mong oras mo na, nakahanda ka na agad sa maikling panahon. Nicco,
bihira na lang ang kagaya mo sa mundo.‖

116
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XXIX
Hindi Inaasahang Pagpapakita ng Katotohanan

Pinilit ni Nicco na huwag ipakita ang sakit na nararamdaman niya.


Pinilit niyang ikubli ito sa mga ngiting pilit niyang ipininta sa mukha. Nakailang
tableta na ba siya ay ganuon pa din ang kanyang pakiramdam. Inisip niya kung
magagawa pa ba niyang kumanta sa harap ng mga tao sa kalagayan niya ngayon.
Umaasa siyang bago pa man dumating ang mga panauhin ay aayos ang kanyang
pakiramdam.

―Magandang umaga Governor Don Joaquin‖ pagbati ng mga pari at


mga seminaristang nag-aabang sa mga panauhin.

―Magandang umaga din naman.‖ sagot nito ―nasaan si Nicco? May


sorpresa kaming dala para sa kanya?‖ usisa ng gobernador.

―Tama nga naman, isang taon na din naming hindi nakikita ang kapatid
namin.‖ dugtong pa ni Andrew ―di ba Kuya Andrei? Miss na natin si Nicco
kulit.‖ Sabay ang tingin nito sa kakambal.

―Oo‖ tanging sagot ni Andrei. Sa totoo lang ay kinakabahan ito sa


muling pagkikita nila ni Nicco.

Napansin ni Sandra ang kaba at pagkabalisa kay Andrei kaya naman


binulungan niya si Andrei, ―Wag kang kabahan, matutupad mo na ang pangako
mo sa kanya.‖ – may himig man ng kaligayahan, sa totoo lang ay nagseselos ito
dahil alam niyang mas mahal ni Andrei si Nicco kaysa sa kanya.

Agad nilang napansin si Nicco kasama ang mga batang dati ay nasa
lansangan. Halatang kahit lumalakad ay nag-eensayo ang mga ito para sa
gagawin nila mamaya dahil kumakanta pa sila ng Do-Re-Mi. Hindi napansin ni
Nicco na pinagmamasdan pala sila ng mga taong anduon, kaya naman ng
makatapos ang kanta ay pinasalubungan sila ng palakpakan ng mga panauhing
nabighani sa kanilang ginawa. Laking gulat na lamang niya sa natanggap na
mga papuri para sa mga bata.

117
Emmanuel R. Caleon

Sa may di kalayuan ay tinawag siya ng Rector. Nuon lang niya


napansin na kausap pala nito ang gobernador, hinanap niya ang isang mukhang
matagal na niyang nais makita. Subalit, sa pakiramdam niya ay wala ito duon.
Nakaramdam ng kalungkutan si Nicco subalit ang pinakita niya ay mga ngiti.

―Aba, Fr. Nicco mukha ka ngayong tao.‖ Panimulang biro ni Andrew.

―Salamat Kuya Andrew sa napakagandang pambungad mo.‖ pagkasabi


nito ay may mahinang tawa. Naalala ni Nicco ang dati, ganuon sila kung mag-
asaran. Kay tagal na din ng huli nilang magawa iyon subalit ngayon ay heto,
nakikipag-inisan siyang muli sa kanyang Kuya Andrew. Parang may kulang,
nilinga niya ang lugar kung may Andrei ba siyang makikita. Paglingon niya sa
likuran ni Andrew ay anduon si Andrei at bumati sa kanya.

―Ang Nicco ko, kagalang – galang tingnan ngayon‖ pagkawika nuon ay


niyakap niya si Nicco.

Labis ang naramdamang selos ni Sandra sa tagpong ito, pero sapat na


sa kanya ang isiping matagal ng walang ugnayan ang dalawa at natural lang ang
ganuon dahil matagal silang hindi nagkita.

―Sandra?‖ sabi ni Nicco ―Ikaw nga Sandra‖ at niyakap din niya ang
kaibigan. Natuwa si Sandra dahil naaalala pa din siya ng lalaking una niyang
inibig.

―Siya ang bagong girlfriend ni Kuya‖ singit ni Andrew.

Kahit may selos ay pinilit niyang otago ito. Sa una pa lang, ito ang
gusto niya, matiyak na may aalalay na sa kanyang Kuya Andrei. Nakangiti
niyang binati ang dalawa.

―Masaya ako para sa inyo.‖ sabi niya. Labis na natuwa si Sandra dahil
alam niyang pinagkakatiwala na sa kanya ni Nicco ang puso ni Andrei. Si
Andrei naman ay nalungkot ng maalalang pagmamay-ari na nga pala siya ng
iba.

―Nicco may sorpresa ako sa iyo‖ singit ng gobernador.

―Pasensiya na po Gob hindi ko na po kayo napansin, Fr. Rex, Aling


Martha at Steph‖ pagpapaumanhin ni Nicco.

―Wala iyon‖ sagot ni Aling Martha.

―Di ba sabi ko Papa.‖ giit ni Don Joaquin ―may kasama pa kaming iba
para bisitahin ka‖ saad ng butihing gobernador.

118
No Boundaries

―Nicco‖ sabi ng tinig.

Pagtingin niya ay ang kanyang ama na si Mang Juancho at mga kapatid


niya. Nilapitan niya ang mga ito at agad na niyakap. Sa isip niya, labis siyang
natutuwa dahil binisita siya ng mga ito. Sapat na ang katahimikan para
maramdaman ang kaligayahan nila.

―Salamat po sa inyo, sa kabutihan nyo, salamat po‖ baling niyang muli


kay Don Joaquin.

Ngiti lang ang iginanti ng butihing Don sa kanya.

―Pasok na kayo sa loob at baka pati ako ay maiyak‖ anyaya ng rector.

―Tama iyon‖ sabi ni Aling Martha.

―Sandali lang‖ pigil ni Nicco ―Congratulations sa mga Kuya ko‖

―Asus ang Nicco ko talaga, naalala pa‖ sabi ni Andrei ―salamat sa


pagbati.‖

―Salamat at naalala mo‖ dugtong ni Andrew.

―Sige pasok na po kayo‖ nakangiting turan ni Nicco.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang misa. Nais sana ni Nicco na


maging isa siya sa mga tumulong sa rector, kay Fr. Cris at kay Fr. Ed sa
pagdaraos ng misa. Sa kadahilanang marami ang aliw sa kanyang pag-awit
isinama siya bilang soloista ng choir ng seminaryo.

Makalipas ang isang oras at kalahati ay sinimulan naman ang


palatuntunan. Bago simulan ang palatuntunan ay kinausap muna si Nicco ni Dok
Matthew ukol sa pakiramdam nito. Kahit hindi gaanong maganda ay
pinagsinungalingan niya ito at sinabing kaya niya at wala siyang dinadamdam
na sakit. Pangatlong nagtanghal ang mga dating batang lansangan, si Nicco
naman ang kumumpas para sa mga ito. Naging maganda ang kinalabasan.
Aakalin mo ngang palabas sa broadway dahil may kasama pang indak at sayaw.
Kasunod naman niyon ay ang sayaw mula sa mga seminarista.

Kitang-kita kay Andrei ang pagtitig nito sa minahal niyang si Nicco.


Napansin ito ni Sandra at kita na sa mukha nito ang selos. Nahalata naman ni
Andrew si Sandra kaya tinext niya ang dalaga.

―Bilas, wag mong pagselosan si Nicco, namiss lang namin si bunso.


Pati nga ako tintitigan ko si Niks.‖ sabi nito Andrew sa text.

119
Emmanuel R. Caleon

―Salamat bayaw‖ reply niya kay Andrew. Tila napahinahon siya ng text
na iyon ni Andrew, pero nakasisigurado siya, mas malalim pa ang
nararamdaman ni Andrei.

Kasunod na tinext ni Andrew ang kakambal niyang si Andrei.

―Kuya, tunaw na si Niks, si Sandra naman ang tingnan mo, nagseselos‖


sabi niya sa kakambal.

Pagkabasa nito ay tiningnan niya si Sandra, nakonsensiya siya sa


nagawa niyang iyon. Nakalimutan niyang kasama nga pala niya ang kanyang
kasintahan. Hinawakan niya ang mga palad nito at ipinatong sa kanyang hita.
Kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilan ang sarili para tingnan si Nicco.
Kahit anong saway niya ay para bang kusang kumikilos ang kanyang mga mata
para tingnan ito.

Pinakahuling nagtanghal ay si Nicco. Dalawang awitin ang inihanda


nito, sa unang kanta ay solo lamang niya at sa pangalawa ay kasama na ang
choir ng seminaryo. Madami ang talagang humanga sa talento ng binata.
Pagkaraan umawit ay yumukod ito sa mga tao at sinuklian naman ng
masigabong palakpakan. Nang mga sandaling iyon ay kumikirot na ang likod
niya, subalit sa isiping baka iyon na ang huling pag-awit niya ay binigay niya
ang makakaya ng sa ganuon ay maging maganda ito. Mula sa itaas ay kita ni
Nicco ang lahat ng panauhin. Masaya ang pakiramdam niya, nakita niya ang
kanyang pamilya. Naramdaman niyang mahalaga siya para sa mga ito. Tama
ang hula niya dati pa, tama ang paniniwala niya. Ang kabutihan ay magpapakita
sa oras na hindi ka umaaasa. May puwang sa puso ng tao ang pag-asa at
kabutihan.

Mula din sa itaas ay kita niya ang Andrei niya. Imbes na magselos sa
nakikitang hawak nito ang mga kamay ni Sandra ay pumanatag ito at naging
masaya. Sa isip-isip niya, ang unang minamahal ko at ang huling minahal at
minamahal ko, sila ngayon ang magkasama. Panatag si Nicco dahil alam niyang
maalagaan nila ang isa’t-isa.

Pagbaba sa hagdanan ay nagtungo agad siya sa labas. Habang


naglalakad ay naalala niya ang napag-usapan nila ni Dok Matthew. Ang usapang
bumago sa kanyang desisyon, ang sanhi kung bakit nagawa niyang iwan si
Andrei at magbalik loob sa dating daang iniwan niya.

―Tatapatin na kita Nicco‖ panimula ng doktor ―hindi maganda ang


lumabas sa mga tests mo‖ malungkot nitong sabi.

Tahimik lang na nakikinig si Nicco.

120
No Boundaries

Nagpaliwanag pa ang doktor sa maraming mga bagay. Habang


naririnig ang mga ito ay nais umiyak ni Nicco. Inipon niya ang lakas para
makapagtanong ulit sa doktor. ―Ano po ang sakit ko Dok? May lunas pa po ba
ako?‖ tanong nito.

Huminga muna ng malalim ang doktor at sinabing ―May bone cancer


ka Nicco‖ sagot ng doktor. Natahimik sa pagitan ng dalawa.

Tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata ni Nicco.

Huminga ulit ng malalim ang doktor bago muling magsalita


―Nakakalungkot, pero wala ka nang lunas. Umabot ka na sa stage 4, huli na
bago magpakita ang mga sintomas sa’yo. Kung napaaga sana ang paggamot sa
iyo, malamang na magamot ka pa kahit paano‖ pagpapatuloy ni Dok Matthew.

Umiiyak man ay pinilit magsalita ni Nicco ―Hanggang kailan na lang


po ako Dok?‖ tanong nito.

Tumayo muna ang doktor at lumapit sa kanya ―Hindi ko sigurado,


hindi ka na aabot pa ng isang taon‖ sagot nito sabay yakap kay Nicco.

Sa ngayon nga ay iniisip talaga niyang himala at nakalagpas siya ng


isang taon, ngunit sa pakiramdam niya ay handa na siya para makapagpahinga.
Umupo siya sa may hindi kalayuan, natatabihan siya ng mga rosas na bagong
bukadkad. Naamoy niya ang halimuyak ng mga iyon. Ilang sandali pa ay mahina
siyang nagsalita.

―Panginoon ko, ngayong naramdaman ko nang may pamilya akong


nag-aalala sa akin at nagmamahal, panatag akong masisimulan na nilang ayusin
ang buhay nila. Higit pa dito, ngayong alam kong nakita na ni Kuya Andrei ko
ang daan at nakita ang nakalaan para sa kanya, alam kong muli na siyang
liligaya at makakamit na niya ang ligayang hindi niya makukuha pag ako ang
kasama niya.‖ tumingin muna sa langit ang binata bago ulit magsalita
―Panginoon, maaari na akong magpahinga, handa na akong lisanin ang mga
taong mahal ko.‖ Pagkasabi nito ay nakangiting napapikit at unti-unting
bumagsak ang katawan ni Nicco sa mga rosas. Kita din sa mga mata nito ang
luha na unti-unti ay dumaloy kasabay ang dugo na umagos mula sa kanyang
bibig. Ilang sandali pa at bumuhos ang ulan na tila ba nakikiramay sa pagkawala
ni Nicco. Unang ulan iyon ng bakasyon iyon.

Tinawag ni Aseph ang kaibigang si Nicco para pumasok na dahil


umuulan. Nagtaka ito sa hindi pagsagot ng kaibigan, napansin din niya ang
nangyari kay Nicco na napahiga sa mga rosas at tila ngayon ay walang malay.
Dali-dali itong pumasok sa gym para tawagin ang rector at mga pari para
matulungan si Nicco.

121
Emmanuel R. Caleon

―Rector‖ basa ng ulan ay tumatakbo ito patungo sa entablado. ―Rector‖


muli niyang tawag dito.

Bago pa man siya makalapit ng entablado naisigaw na niyang ―Si


Nicco po, si Nicco po‖ umiiyak at humihingal ay pinilit niyang ibalita ang
nangyari.

―Anong nangyari kay Nicco?‖ tanong ni Fr. Cris.

―Wala na pong malay sa labas‖ sagot ni Aseph.

Bago pa man makasagot si Aseph ay nakatakbo na palabas si Andrei na


sinundan ni Andrew. Sumugod ang dalawa sa ulan, at kitang-kita nila ang
walang-buhay na katawan ni Nicco. Kasunod nila si Dok Matthew. Pinulsuhan
ni Dok Matthew si Nicco.

―Ano po ang nangyari kay Nicco?‖ tanong ng kambal na halata ang


pag-aalala.

―Wala na ang pulso niya‖ naluluha man ay sinundan niya ang sinabi
―wala na si Nicco.‖

Kasunod ng Doktor si Mang Juancho at mga kapatid ng binatang


seminarista. Nakasunod na din ang mga pari at seminarista, sina Don Joaquin,
Aling Martha, Sandra at Steph maging ang ibang panauhin ay nasa labas nadin
at nauulanan. Lahat sila ay narinig ang masamang balitang patay na si Nicco.

―Nicco, bakit napakaaga mong nawala. Hindi man lang kita


napagtuunan ng pansin. Hindi ko naman akalaing mawawala ka kaagad.‖ Sabi
ng ate Lourdes niya.

―Kung alam ko lang na mawawala ka kaagad, sana pinakita ko na


mahal kita, sana sinuklian ko ang pagmamahal mo para sa akin. Hindi man lang
ikaw nakalasap ng saya mula sa amin‖ sabi ng ate Antonette niya.

―Akala ko, akala ko talaga matagal pa kitang makakasama Nicco, hindi


man lang ako nakadamay sa iyo sa mga panahong may problema ka. Ang dami
naming pagkukulang sa iyo Nicco‖ ang Ate Nica naman niya ang kasunod.

Lahat ng malalapit kay Nicco ay nagsimula na ding umiyak. Ang


kambal na Kuya-kuyahan niya ay niyakap ang walang-buhay niyang katawan at
sa mga kapatid nito ay bakas ang pagsisisi sa mga nagawa at naging
pagkukulang. Si Mang Juancho ay tila isang batang napaluhod at sa
pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng poot sa sarili at hindi niya nagawang
maalagaan ang anak. Napayakap si Aling Martha kay Fr. Rex dahil hindi kayang

122
No Boundaries

makita ng matanda na nasa ganuong sitwasyon ang batang naging napakabait sa


kanya.

Binuhat ng kambal si Nicco at ipinasok sa loob ng gym. Tumawag ang


seminaryo ng funerarya para maiayos na ang lamay para sa seminaristang
nagpabago sa buhay nila. Ang kambal ay tila kinakausap si Nicco.

―Nicco, nagbibiro ka lang di ba? Gumising ka na? Miss ka na ng Kuya


Andrei mo?‖

―Oo nga Nicco, magkukulitan pa tayo, aasarin ka pa namin, wag ka ng


manloko.‖ Dugtong ni Andrew.

―Naaalala mo ba yung sinabi ko sa iyo, ung sabi ko? Tinupad ko iyon


para sa iyo.‖ Sabi ulit ni Andrei.

―Nangako ka di bang ikaw ang magkakasal sa amin ni Steph‖ wika ulit


ni Andrew ―tuparin mo un.‖

Ang ibang mga kaibigan din ni Nicco ay may kanya-kanyang alaala sa


binata.

―Hoy, Nicco, sino na ang mangunguna sa organisasyon natin?‖ sabi ni


Aseph na matindi ang pagluha.

―Hindi pwdeng iwan mo kami, wala na kayang mangungulit sa kwarto.


Tatahimik na naman kami niyan eh‖ sabi ni Ken.

―Mawawalan ako ng kadebate Nicco, sige na naman oh.‖ Pakiusap ni


Carl.

―Nicco, sino na lang ang mag-iisip para magpuyat sa paggawa ng mga


kung anu-ano?‖ singit ni Fr. Cris ―Nicco, gumising ka naman, gusto mo bang
umalis ng seminaryo? Papayagan kita basta gumising ka?

Sa may pintuan ay anduon sina Sandra at Steph kasama ang ama at mga
kapatid ni Nicco. Nakayakap si Sandra kay Steph. ―Nicco, hindi ko man lang
nasabi sa iyong minahal kita‖ nahinang usal ni Sandra. Tulad ng iba ay
lumuluha din ang dalawang dalaga. Pareho silang naging malapit kay Nicco.
Wala silang ibang maisip ngayong kung hindi ang kabaitan nito sa kanila. Mga
payo nito sa bawat problema. Mga biro nito at itsura pag napipikon na.

Kasama din nila sina Don Joaquin at Aling Martha. Malaki ang
panghihinayang ni Don Joaquin sa pagkawala ni Nicco, tunay at tinuring talaga
niya itong anak. Binalak din niyang isunod na ito sa pangalan ng del Rosario. Si
Aling Martha naman ay tila nawalan ng anak. Sa kabaitan nito ay paano niya ito
123
Emmanuel R. Caleon

malilimutan. Sa tuwing umaga ay dudungaw ito sa bintana at babatiin ang lahat


ng dumaan ng magandang umaga. Malambing din ito sa kanya, laging nakangiti
at magalang kung kumausap. Alam lagi ni Nicco kung malungkot ang matanda
kaya gumagawa ito ng paraan para sumaya siya.

―Ano bang magandang alaala ko sa iyo Nicco?‖ wika ng ama niya sa


tabi ―wala, wala akong maalala‖ puno ng kalungkutan niyang sinabi kasabay
ang pagpatak ng mga luha ―wala dahil kahit minsan ay hindi ko pinakita sa iyo
na mahalaga ka sa akin.‖ Pagkasabi niyon ay niyakap si Mang Juancho ng
kanyang mga anak na babae.

Si Fr. Rex ay kasama ang rector at sabay na nagdadalamhati. Inaalala


ang karunungan ng bata, inaalala ang mga sandaling kasama nila si Nicco, mga
nagawang kabutihan at mga kakulitan. Naalala kung paano unang napahanga ni
Nicco ang rector, kung paano niya ipinagtanggol ang dapat sanay napaalis ng
seminarista. Lubhang kalungkutan ang naramdaman nila.

Nasa kalagitnaan sila sa ganuong pag-alala nang magkalakas ng loob si


Dok Matthew para magsalita.

―Simula sa una alam ko na ang ganito‖ panimula niya.

―Pinilit niya akong ilihim ito sa inyong lahat, ayaw niyang makita
kayong masaktan kaya niya nagawang huwag sabihin ito sa inyo‖ dugtong pa
niya.

Isang katahimikan ang namayani ―kahit ganuon ay pinilit niyang


maging matatag, pinilit niyang mabuhay. Gusto niyang bago siya mamatay ay
maayos ang buhay ng taong mahal niya.‖

―Bago siya mamatay ay ninais niyang maramdaman ang pagmamahal


ng isang pamilya‖

Sa pagkakarinig nito lalong tumindi ang pagdadalamhati ng kanyang


pamilya at ng kambal. Nagpatuloy sa pagkukwento ang doktor. Inilahad ang
mga katapangang ginawa ni Nicco.

―Nicco, hanggang sa huli napakabait mo, pinairal mo ang pagiging


makasarili mo. Hindi mo kami nagawang pag-alalahanin‖ sabi ng Ate Nica niya
―pero, doble ang sakit na nararamdaman namin ngayon at labis na pagsisisi sa
mga nagawa namin sa iyo‖

―Patawad kapatid ko, wala kami nuong panahong kailangan mo ng


kapatid na tutulong sa iyo, sa mga panahong kailangan mo ng karamay.‖ sabi ng
Ate Lourdes niya.

124
No Boundaries

―Patawad sa lahat ng pagkukulang namin sa iyo‖ pagwawakas ng Ate


Antonette niya.

Pagkababa ni Dok Matthew ay agad niyang inaya si Andrei palayo sa


mga tao.

―Andrei, sana ngayon naintidihan mo kung bakit ginawa ni Nicco sa


iyo iyon.‖ Sabi ng Doktor.

―Opo Dok, alam ko na ako lang ang gusto niyang protektahan.


Nagpapasalamat ako at isang tulad niya ang minahal ko at patuloy na una sa
puso ko‖ sagot niya ―tama si Nicco Dok, kung natanggap ng lipunan ang
tungkol sa amin, malamang ngayon naalagaan ko siya hanggang sa huling
hininga niya.‖ dugtong pa nito.

―Andrei, malalim ang pagmamahal sa iyo ni Nicco, kita ko ang


kalungkutan sa kanya sa tuwing maaalala ka niya. sa bawat sakit na dinaanan
niya, ikaw ang ginagawa niyang lakas. Gusto niya maging maligaya ka. Gawin
mo iyon para sa kanya.‖ Wika ng doktor.

―Opo, pipilitin ko para sa kanya.‖ Pagkasabi ay binalikan na niya ang


katawan ni Nicco.

Nang makarating ang serbisyo ng punerarya ay pinigilan ni Dok


Matthew ang mga ito para hindi madala ang katawan ni Nicco. Kinausap niya
ang mga pari, ang pamilya nito, pinaalam niya ang huling habilin ng binata ukol
sa magiging libing niya. Umayon na rin naman ang lahat para igalang ang
kagustuhan ni Nicco.

Sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi umalis sa tabi ni Nicco si


Andrei. Gayundin si Andrew na madalas ay nasa tabi ng higaan nito. Pinabayaan
ni Sandra si Andrei sa ganuong gawain. Alam at tanggap niya na mahal nito si
Nicco. Nabatid ng pamilya de Dios at del Rosario ang ukol sa ugnayan ng
dalawa, walang pagtutol mula sa mga ito. Alam nilang tunay na pagmamahal
ang naramdaman ng dalawa. Tinaggap nila ang naging relasyon ng dalawang
binata.

Ang mga seminarista naman ay matiyagang nagbantay sa labi ng


binatang nagpabago sa ikot ng seminaryo. Hindi nila hinayaang walang
magdasal para sa binatang inisip na muling ibangon ang seminaryong naging
tahahan nila. Sa binatang pinagsikapang linisin ang pangalan ng seminaryo at
nanindigan laban sa mga sumisira dito. Ang mga batang lansangang sa tulong ni
Nicco ay gumanda ang buhay ay naruon din, nag-aalay ng mga awitin para sa
kanilang Kuya Nicco.

125
Emmanuel R. Caleon

Hindi muna pumasok si Governor Don Joaquin sa kapitolyo para


mabantayan ang labi ng anak-anakan, gayundin si Aling Martha at Fr. Rex. Sina
Steph, Sandra, Rome at Chad ay ang umaasikaso sa mga bisita at nakikiramay.

Ang kanyang ama din naman ay hindi umalis ng bahay maging ang
kanyang mga kapatid. Binantayan nila ang labi ni Nicco na kahit sa huling mga
sandali ay maipakita nilang mahalaga ito sa kanila.

Sa loob nga ng dalawang araw ay nailibing si Nicco. Walang


magarbong lamay, ataul o damit. Nasunod ang lahat ng kagustuhan ng binata.
Isang simpleng burol, ang dapat na sa ataul napunta ay binili ng mga pagkain
para sa mga kababayan niyang walang makain. Ang dapat sana ay pambili ng
damit ay inilaan para mabigyan ng damit ang madaming kabataang walang
pambihis sa sarili nila. Bago ito tuluyang ibaon sa lupa ay minisahan muna ito sa
Parokya ng San Isidro. Kita ang pagkapuno ng tao. Lahat ng mga ito ay
nakikiramay sa binatang binigyan sila ng pag-asa. Naghandog ng isang
programa kung saan pinagsalita ang mga taong malalapit dito. Kanya-kanya
silang pahayag ng kabutihan ni Nicco, mga alaalang masasaya, mga alaalang
nagpapatunay kung bakit madami ang nagmamahal sa kanya.

Habang tumatagal ay unti-unti nilang pinilit na tanggapin ang


pagkawala ng binata, kahit mahirap, alam nilang matututunan din nila iyon.
Naniniwala sila, maaring wala ang pisikal na katawan, pero sa alaala at sa puso
nila, mananatiling buhay ang Niccong pinakamamahal nila.

126
No Boundaries

No Boundaries
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter XXX
Ang Buhay Matapos ang Isang Taon

Isang taon na din ang nakakalipas buhat ng mawala si Nicco. Unang


taon ng kamatayan nito. Sariwa pa sa alaala ng lahat ng nagmamahal ang Nicco
na minahal nila. Ngayon nga ay nakatakda silang bisitahin ang puntod ni Nicco.
Alayan ng dasal at panalangin. Pinaghandaan ng tatlong pamilya ang araw na
ito. Ang pamilya ng San Agustin Seminary, pamilya del Rosario at pamilya de
Dios.

Maagang nagising si Andrei ng araw na iyon. Pinasya niyang pumunta


muna sa kanilang lumang bahay para alalahanin ang magagandang alaala ni
Nicco na taglay ng lugar na iyon.

―Nicco, natitiyak kong sa pagpili ko sa iyo mula sa isang libong


posibilidad ay hindi isang pagkakamali. Nararamdaman kong tama ang ginawa
kong piliin ka at ang ginawa ng puso kong mahalin ka ng lubusan.‖ mahinang
turan ni Andrei.

―Kuya Andrei‖ bati ni Andrew mula sa likod ―Ang aga mo dito ah.‖

―Hindi naman‖ sagot ni Andrei ―Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?‖


tanong ni Andrei.

―Wala lang inaalala ko lang ang bahay na ito. Alam ko kasing may
alaala din si Nicco sa lugar na ito‖ sagot ni Andrew sa kakambal.

―Tama ka bro‖ pagsang-ayon ni Andrei ―akala ko dati malulungkot


lang ang alaala ko dito, pero dahil kay Nicco, minahal kong ulit ang lugar na
ito‖ dagdag pa niya.

Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa dalawa.

―Mabait talaga si Nicco kahit hanggang sa huli. Siguro kung andito pa


si Nicco, patuloy ko lang na masasaktan si Sandra at baka tuluyan na siyang
nawala sa akin.‖ panimula ni Andrei ―kung nagkataon nawala nadin ang isa sa
kaligayahan ko. Kung hindi siguro namatay si Nicco, malamang nakatali pa din
sa kanya ang puso ko. Malamang ay patuloy akong aasa sa pagbabalik niya sa
127
Emmanuel R. Caleon

akin. Marahil hindi ko maibibigay kay Sandra ang pagmamahal na dapat sa


kanya. Hindi ko magagawang masuklian ang pagmamahal niya dahil si Nicco
ang nasa isip ko. Hanggang sa huli gumawa pa din siya ng kabutihan para sa
akin. Gumawa siya ng dahilan para hindi ko masaktan si Sandra.‖ Pagwawakas
niya.

―Talagang ganyan Kuya‖ sagot ni Andrew ―Punta tayo sa simbahan‖


anyaya niya sa kakambal.

Pagdating sa simbahan ay anduon na si Sandra, nakita nila ang


dalagang nagdarasal ng taimtim. Tinabihan ito ni Andrei at sinabayan sa
pagdarasal. Pagkatapos ng isang panalangin ay nagwika ito ―Tama si Nicco,
kusang lalapit ang nakalaan sa atin sa oras na makita na natin ito. Madami ang
inilaan para sa atin. Mula sa madaming ito, tayo ang pipili kung ano ang gusto
natin. Siguraduhin nating wala tayong magiging pagsisisi sa kung ano man ang
mapipili natin at higit pa ay dapat makuntento tayo sa kung ano ang makukuha
natin para hindi makaramdam ng kalungkutan. Sa ngayon, masaya ako at may
Sandra akong napili mula sa isang libong posibilidad.‖ pagkawika ay tumingin
ito kay Sandra at sabay ang isang napakatamis na ngiti.

Tumalon naman ang puso ni Sandra at higit pa, napatunayan niyang


labis na ang pagmamahal sa kanya ni Andrei. Ang tangi lang niyang nasabi para
sa binata ay isang malambing na ―Oh Andrei ko‖

Pagkatapos magdasal ay sinundo na nila si Steph sa bahay at sabay


sabay na nagtungo sa sementeryo. Naabutan niula duon ang ama ni Nicco na si
Mang Juancho. May dalang isang bata si Mang Juancho. Nasisigurado ni Andrei
na si Nicco ang hawak nitong bata. Si Nicco ang bunsong anak ni Mang Juancho
sa ikalawa nitong pamilya. Ipinangalan niya ang bata sa namatay na si Nicco
para dito ibuhos ang pagmamahal na ipinagkait niya sa kanyang anak.

―Tatay‖ masayang bati ni Andrei ―kay aga po ata ninyo dito‖ tanong
nito.

―Oo nga tatay, naunahan pa ninyo kami‖ pagsang-ayon ni Andrew.

―Maaga kasi akong nagising, kaya naman pumunta na ako dito‖ sagot
nito ―ang papa nyo? Hindi nyo ata kasama?‖

―Maya-maya pa po iyon, inumaga na sa pagpirma para diretso ang araw


niya dito.‖ sagot ni Andrew.

―Alam niyo mga anak‖ panimula niya ―pinagsisisihan ko talaga at hindi


ko sinabi kay Nicco ang tungkol sa pangalawang pamilya ko. Sana sa simula pa
lang ay sinabi ko na sa kanya, para hindi ko siya napabayaan.‖ pagpapatuloy
nito ―pinangunahan kasi ako ng takot na baka hindi niya matanggap‖
128
No Boundaries

―Tay wag na po ninyong isipin iyon‖ sabi ni Andrei na may pag-alo


―Wala po iyon kay Nicco‖

―Sa tingin ko po ay masaya siya dahil alam niyang may mag-aalaga sa


inyong panibagong pamilya.‖ dagdag pa ni Andrew.

Madami din ang nagbago mula ng mamamatay si Nicco. Ang mga


kapatid nito ay natitipon sa bahay tuwing linggo. Tinanggap nila ang bagong
pamilya ng kanilang ama. Hindi nila nakalimutang magdamayan. Hindi na nila
ngayon sinosolo ang mga problema. Isa pa, natutunan nilang pakiramdaman ang
bawat isa. Alam na nila kung paano magdamayan. Mas lalong higit, unti-unti
nilang naaayos ang mga problema nila dahil tulong-tulong sila sa paglutas nuon.
Sama-sama silang muli ay binigkis ng pagkamatay ni Nicco. Lalo’t higit, naging
isa silang masayang pamilya.

Bukod sa kanila ay dumagdag ang mga del Rosario sa kanilang


pamilya, dalawang pamilya ang binigkis ni Nicco. Higit pa rito, anak ang turing
ng Don Joaquin sa mga kapatid ni Nicco at ganuon din ang turing ni Mang
Juancho sa mga del Rosario lalo na sa kambal.

Sa pagkamatay ni Nicco, nagising si Don Joaquin na dapat niyang


bigyang halaga ang kanyang mga anak. Kaya naman kinausap niya ang mga ito
at inayos ang gusot sa pagitan nila. Tama naman ang ginawa ng Don dahil unti-
unti ay umayos ang samahan sa kanilang pamilya. Magkakasundo ang lahat ng
kanyang mga anak. Natutunan din nila ang pagmamahal ng isang pamilya. Isang
pamilyang hindi naramdaman ni Nicco.

―Sayang, wala na si Nicco‖ simula ulit ni Mang Juancho ―hindi niya


makikita ang pamilyang gusto niyang makita ang pagmamahal na hindi niya
naramdaman.‖ Nagsisimula na namang lumuha ang matanda.

―Tay talaga oh, masaya si Nicco ngayon sigurado ko‖ pag-alo ni


Andrei ―dahil nakikita niyang umaayos ang pagsasamahan natin, kahit wala
siya, alam kong nararamdaman din niya ang pagmamahal‖ dagdag pa nito.

―Isa pa po, si Nicco na din ang naging susi para maayos ang gusot sa
mga pamilya natin. Siguro ay sinadya ng Diyos na ganito ang mangyari para
matutunan natin ang mga aral na dapat nating malaman‖ wika ni Andew.

―Marahil ay tama kayo mga anak‖ sabi ni Mang Juancho.

―Sa bandang huli, kung kailan wala na saka lang natin malalaman ang
halaga. Nakapanghihinayang lang talaga at iniwan tayo agad ni Nicco. Siya pa
ang naging sakripisyo para maintindihan natin ang aral na dapat nating

129
Emmanuel R. Caleon

matutunan. Nakapagsisisi at napabayaan ko ang anak ko.‖ sabi pa ni Mang


Juancho.

―Sa sinabi po ninyong iyan ay tiyak na mas sasaya si Nicco, dahil


nalaman niyang may halaga pala siya. Kasi kahit mawala ang isang bagay kung
hindi naman ito mahalaga sa isang tao ay hindi niya ito hahanapin pag nawala o
kaya ay hindi niya mapansin na nawala pala ito.‖ sabi ni Andrei.

―Tama po iyon tay, hanggang nasa puso natin si Nicco, habang buhay
siyang mananatiling buhay‖ dugtong pa ni Andrew ―kita mo nga naman,
nagiging Nicco na din tayong mag-isip‖ pabiro nitong turan.

Nagtawanan na lang ang tatlo ng dumating ang mga ate ni Nicco.


Sinundan ng Don at ni Aling Martha, kasunod si Chad at Rome, si Dok
Matthew, si Fr. Rex, Fr. Cris, Fr. Ed, ang rector, iba pang mga pari at mga
seminarista. Pati ang mga natulungan ng organisasyong tinatatag ni Nicco.
Dumating din para bumisita ang iba pang nagmamahal kay Nicco.

Matapos ang pag-aalay ng panalangin ay nagpalipad ang mga ito ng


puting lobo na nagpapakita na ―Sige pa Nicco, tumuloy ka sa paglipad. Salamat
sa mga itinuro mo sa aming aral. Higit sa lahat, salamat sa pagtuturo mo sa amin
ng --
Love knows NO BOUNDARIES
Love is not bounded by any limits
It is for two deeply in loved people
It is for pure and passionate emotion
Love can travel even there is no road to take
It never quits loving
It continually loves even there is no reason to love
It entails contentment and satisfaction
It avoids hurting others
It requires understanding
Love is an infinite journey
It needs sacrifices
It engages pain and sorrows
It never ask for return
It surrenders everything
It removes anger and hatred
It involves loyalty.
Love is the realization of deep feeling for wanting and needing
It must be felt
It must be selfless
It must be faithfully given
It must learn how to forgive purely
It must not ask for anything in return
Love inclines the endless feeling of HAPPINESS.
130
No Boundaries

END

No Boundaries
Emmanuel R. Caleon

Future Titles:

Sa Sigaw ng Pagbabago

Bandehado

Retokada

_____ _____

131

You might also like