SAMPLE - Unrequited The Devils Heart PDF
SAMPLE - Unrequited The Devils Heart PDF
SAMPLE - Unrequited The Devils Heart PDF
1 xxakanexx
Prologue
s
Days With Him
Nikita’s POV
Day One…
“Everyone, meet the newest addition to our class, Yza Joan
and Yto Jose. Kambal sila. Say ‘good morning’ to them.”
“Good morning, new classmates!”
I couldn’t wipe the smile on my face when I first saw the boy
with those pesky cute cheeks. Ang taba-taba ng mga pisngi niya
pagkatapos ay ang haba pa ng buhok niya. Ang cute niya! Gusto
ko siyang maging kaibigan.
Nginitian ko siya noong napadaan siya sa tapat ng chair
ko, pero hindi niya ako pinansin. Sinundan ko siya ng tingin.
Nagtungo sila ng kakambal niya sa likod. Siya pa mismo iyong
nagtanggal ng bag ng kapatid niya sa likod nito pagkatapos ay
inilagay sa tabi. Naupo silang dalawa. Nakita kong hinawakan niya
pa iyong kamay ng kakambal niya.
Napatingin siya sa direksyon ko. Ngumiti ako. Gusto kong
ipakita sa kanya iyong dimple ko, pero hindi naman siya nag-smile
back. Napanguso ako. Ang sungit naman niya!
“Huy, Niki! Ano’ng tinitingnan mo?” Lumingon ako sa katabi
kong si Zachary Drew. Nakatingin siya sa akin. “Penge ng candy.”
“Tse! Ang panget mo!” Dinilaan ko siya pagkatapos ay sinilip
ko ulit iyong boy na may cute cheeks.
“Class, listen. What are odd numbers?” tanong ni Teacher
UNREQUITED:
The Devil’s Heart
2 4
Cheska. Nakita kong nagtaas ng kamay iyong bago naming
classmate. Kahit nakataas na ang kamay niya, hawak niya pa rin
iyong kamay ng batang babae.
“Yes, Yto Jose?” tawag sa kanya ng guro namin. Tumayo siya.
“Odd numbers cannot be divided evenly. Examples of these
are 1, 3, 5, 7, 9, 11, 13, 15, 17, 19 and so on and so forth.”
Namilog ang mga mata ko. Ang talino pa niya! Ako ay hindi
masyadong matalino sa math pero si Yto Jose…
Tumingin muli siya sa direksyon ko. Ngumiti ulit ako. Nakita
kong lumabi siya pagkatapos ay umupo ulit. Napahagikgik ako.
Ang cute talaga niya! Crush ko na siya.
Narinig kong nag-ring ang bell. Recess na pala. Kinuha ko
iyong baunan ko saka nilapitan ang mga bago kong classmates.
“Nagugutom ka na, ’noh, Yto? Naririnig ko iyong tiyan mo,”
sabi ng batang bungi.
“Hi!” Binati ko sila. Tumingin sa akin iyong batang bungi.
“Ako si Nikita Cyrene Kerkmez,” pakilala ko sa sarili ko.
“Ako si Yza Joan Ybarra, siya naman si Yto Jose Ybarra.
Kambal kami,” pakilala niya sa sarili at sa kapatid niya.
“May baon ako, gusto ninyo share tayo?” alok ko sa kanila.
Lumabi ang bago kong crush.
“S’abi ni Nanay, Yza, baon lang natin ang kainin natin. Bad
manghingi,” sabi niya sa kanyang kapatid.
“Hindi naman kayo nanghihingi, binibigay ko. S’abi ni Momsi,
always share food with your friends. I’m sharing kasi friends ko na
kayo.”
“Talaga? Friends na tayo?” tanong sa akin ni Yza.
“Oo naman basta friends na rin kami ni Yto.” Ngumiti ako
5
1 xxakanexx