BUKIDNON

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kaligirang Kasaysayan ng Bukidnon

Heograpiya

Ang Bukidnon ay isang patag na lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan

sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Lungsod ng Malaybalay ang kapital nito at ito’y

napapaligiran ng Misamis Oriental, Agusan del Sur, Davao del Norte, Cotabato, Lanao del Sur,

and Lanao del Norte. Mayroon itong dalawang mahahalagang landmark, Mt. Kitanglad at

Pulangi River. Ang Mt. Kitanglad ay 2,955 metro mula sa antas ng dagat. Sa kabilang banda,

ang Pulangi River, ay dumadaan sa hilagang-silangan at timog na bahagi ng lalawigan patungo

sa Rio Grande ng Mindanao.

Ang kabuuang lupain ng lalawigan ay binubuo ng 829,378 na ektarya (8, 293.78 square

kilometers). Binubuo nito ang 59 porsyento (59%) ng Hilagang Mindanao. Nagbibigay din ito ng

80 porsyento (80%) o 34 milyong metriko tonelada ng mga di-metal na deposito ng

mineral.Kabilang sa mga ito ang matataas na kalidad na puti at pulang luwad, ginto, kromite,

tanso, halas, mangganeso, kuwarts at limestone.

Kasaysayan ng Politika

Noong 1850, panahon ng mga Kastila, munisipalidad pa ang Bukidnon ng lalawigan ng

Misamis. Hindi pa kilala ang munsipalidad noon sa pangalang Bukidnon, sa halip Malay-balay

ang tawag dito at Bukidnon naman para sa mga taong naninirahan dito. Kaunti lang ang mga

katutubong naninirahan noon sa Malay-balay, kaya na rin siguro ito ang ipinangalan sa

munisipalidad dahil nangangahulugan itong kaunting mga bahay. Nang sumiklab ang 1900

nagsimula na rin dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas. Noong Agosto 20, 1907 sa tulong
ng proposisyon ni Komisyoner Dean C. Worsetr ng The Philippine Comission, na ihiwalay ang

Malay-balay sa Misamis, naipasa ang Philippine Comission Act 1963 na naglalalaman ng

ganitong layunin. Bilang bungad ng nasabing Comission Act, naging regular na probinsya o

lalawigan ang Bukidnon pagsapit ng Setyembre 1, 1914 at opisyal na nadeklarang probinsya ng

Hilagang Mindanao noong Marso 10, 1917. Ngunit nang dumating ang mga Hapon sa Pilipinas

noong 1942, sinakop nila ang Bukidnon at tsaka na lamang nakatanggap ng independensya

noong 1945, panahon ng liberasyon kung kalian napalisan na ang mga Hapon sa Pilipinas.

Kasaysayan ng Kultura

Ayon sa mga katutubo ng Bukidnon, mayroong apat na pangunahing tribo sa Central

Mindanao noong unang panahaon: ang Maranao na naninirahan sa Lanao del Sur, at ang

Maguindanao, Manobo at Talaandig na ayon sa pagkakabanggit ay naninirahan sa silangang,

timog, at hilagang-gitnang bahagi ng ang orihinal na lalawigan ng Cotabato. Nang hinati ng

pamahalaang sibil ang gitnang Mindanao sa mga lalawigan noong ika-20 siglo, ang mga pangkat

na nakasama sa lalawigan ng Bukidnon ay ang Talaandig at ang Manobo. Hindi kalaunan, ang

mga Bisaya, Cebuano, Boholanos at Ilonggos ay lumipat na din sa lalawigan ng Bukidnon na

sinundan ng iba't ibang mga grupo mula sa Luzon, tulad ng mga Ilocanos, Batangueños, ang mga

Igorot at ang mga Ivatans.

Mga Tao at Kultura ng Bukidnon

You might also like