Kultura NG Meranao

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

KULTURA NG MERANAO

Ang Maranao ay kilala sa


mga sumusunod:
Lake Lanao at Lantsa, ang
bangka nila.
Torogan
 Ang Torogan ay isang tradisyonal na bahay
na itinayo ng mga Maranao sa lalawigan ng
Lanao, Mindanao, Pilipinas. Ang torogan ay
isang tanda ng mataas na katayuan sa
lipunan. Ito ay isang noo'y tahanan sa mga
Sultan o Datu sa pamayanang Maranao.
 Sa kasalukuyan, mga bahay na yari sa
konkreto na ang mahahanap sa mga
buong pamayanang Maranao, ngunit may
mga natitira pang mga torogan na
sandaang taong gulang na. Ito'y
mahahanap sa Dayawan at sa lungsod ng
Marawi, pati na rin malapit sa lawa ng
Lanao. Hindi kumpleto ang isang torogan
kapag wala ang maalamat na ibong
Sarimanok na dapat makikita sa loob ng
bahay.
 Ang Kawayan Torogan na itinayo ng Sultan
sa Kawayan Makaantal sa Bubung
Malanding, Marantao, Lanao del Sur, ang
huling matitirhang torogan, ay inihayag
bilang isang Pambansang Yamang
Pangkalinangan ng Pambansang Museo ng
Pilipinas noong 2008.
 Mayroon ring iba pang mga torogan na
matatagpuan sa iba't ibang pook sa Lanao tulad
ng Dayawan Torogan ng Marawi at Laguindab
Torogan ng Ganassi. Ang lahat ay
nangangailangan ng malaking pondo para sa
kanilang rehabilitasyon. Itong koleksyon ng mga
torogan mula sa iba't ibang bayan sa Lanao ay
isinusulong na mapasama sa pansamantalang
talaan ng Pilipinas sa Pandaigdigang Pamanang
Pook ng UNESCO.

Darangan, isang epikong
Maranao.
 Sarimanok, Papanoka "Mara" o "Mara patik"
ay isang makasaysayang ibon ng mga
Maranao at naging simbolo ng kanilang
sining.
 Ang sarimanok /sá·ri·ma·nók/ (sa Maranao
"artipisyal na ibon") ay isang maalamat na
ibon ng mga Maranao ng katimugang
Pilipinas. Ito rin ay isang makulay na okir na
karaniwan ay gawa sa tanso, sa anyo ng isang
nakatayong ibon, na malamang ay isang
susulbot[1] na may nakasabit na isda sa tuka
nito. Kinakatawan din ng sarimanok ang
mayamang sining ng mga Maranao at ito'y
sumisimbolo rin ng kasaganahan.[2]
 Walang makapagbigay katiyakan ng
pinagmulan ng sarimanok. May kuro-kurong
ito ay isang totem na ibon ng mga Maranao,
na kung tawagin ay itotoro, na siyang
nagsisilbing tulay nila sa mundo ng mga
espiritu sa pamamagitan ng di-nakikita
nitong kakambal na ibong kung tawagin ay
inikadowa.
 Ayon kay Akram Latip, isang iskolar na
Maranao, "Halos lahat ng mga Sarimanok ay
nililikha ng mga taga-Tugaya,"[3] kung saan
karamihan sa mga taga-rito ay manlililok.
 Kulintang ang kalimitang musikal na
instrumento nila. Ito ay gong o mga
gong.
THANK YOU

You might also like