Azulan

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 55

Magnum Secrets (Completed)

*/Prologue:/ *- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D *LASING NA AKO NG NAKAUWI SA BAHAY*. Ayaw ko


mang kumatok sa amin dahil mga tulog na ang mga tao pero napilitan ako. Hindi ko na
kasi kaya ang pag kahilo. walang hiya kasi tong si Jay eh. Gusto ng hard.
Nakakahiya naman kasi sa kanya halos one year din kasi siyang nawala galing
singapore. Kaya naman bilang pakunswelo eh pumayag na ako. "Nay buksan nyo tong
pinto!!!" kasabay ng pag katok ko. "Nay!!!!" sabay katok ko ulit ng tatlong
malalakas pero walang sumasagot. Hindi ko na kaya. Nagsuka nako sa harap ng pintuan
namin. Lecheng buhay to oo. Nasan na kasi si Nanay hindi man lang ba ako naririnig
eh halos ang lakas lakas na ng pag katok ko. Sumilip ako sa may bintana namin. Buti
nalang eh nakalimutang isara. Kaya naman eh dun na ako pumasok. Langya hindi pa ako
kasya. peste! Wala pa naman akong duplicate key. Talagang sinadya yun ni Nanay
dahil para daw hindi na ako uminom pag gabi. Sa totoo niyan eh natigil na yun.
Ngayon nalang ulit nangyari sa di ko inaasahan. Kaya naman eh isa lang ang
natatanging paraan na alam ko. BAAM! Binasag ko ang bintana namin sa likod. Nag
kabasag basag ang halos kakagawa lang na salamin. Patay nanaman ako nito bukas.
Naramdaman kong tumutulo ang dugo ko sa kamay. Pero sa sobra kong lasing ay hindi
ko masyadong makita. Nanghihina talaga ako. Punyeta. Naramdaman ko nalang na
nakahawak ako sa isang matigas na bakal. HIndi ko alam kung ano to dahil patay ang
ilaw. Kinapa kapa ako ang bagay na iyon ngunit kahit anong hula ko ay walang nag
reregister sa utak ko. Peste pati ba naman tong utak ko hindi ko magamit ngayon.
Biglang bumukas ang ilaw. "Josh!!!" sigaw ni nanay. Agad niya akong inakay at
pinaupo. Halos hindi ko na makita ang muka niya. May sinasabi siya pero hindi ko
marinig tanging mga ungol lang ang naririnig ko. Unti unting dumidilim ang paligid.
Pati narin ang mga ungol ay unti unting nawawala tapos ang sumunod non ay hindi
kona alam. *X~X~X* Nagising ako sa kama ko. Tamang tama naman ay dumating si nanay.
Mas malinaw na ang paningin ko. Pero ramdam ko parin hanggang ngayon ang sakit ng
ulo ko. "Ayos ka naba?" tanong i nanay sa kin. Habang ginagamot ang sugat ko sa
kamay. "Opo nay ayos na. Medyo masakit lang ang ulo ko. pero kaya ko naman." pag
sasalaysay ko. "Nabigla ka siguro? sabi ko naman sayo na wag ka ng iinom. Tigas
talaga ng ulo mo." sermon sakin. "Si Jay kasi eh. Di na sana ako iinom yun pinilit
ako ni loko." pag kekwento ko. "Tapos binasag mopa yung salamin dun sa kusina. Ikaw
tlaga! yan tuloy nasugatan kapa" sabay batok sakin. Tawa lang ang naisagot ko sa
sinabi ni Nanay. Kinukompuni ni tataty ang sirang bintana sa kusina. Habang
ginagawa niya yun ang makikita mo sa muka nito ang inis. Tahimik lang si Tatay
kumapara sa shotgun na bunganga ni nanay. Pero tila mas okey nayon kayasa naman sa
silent type. Nakakatakot!
Nagpaalam na ako kila nanay at tatay. Papasok na kasi ako sa trabaho ko. Taga
bantay ng computer shop. Tumigil muna ako sa pag aaral dahil narin sa hirap ng
buhay. may sakit kasi ang Nanay ko. madali ng kapitan ng mga sakit. kaya naman eh
hinto muna ako ng highschool imbis na pam baon ko eh pang kain nalang namin. Si
tatay naman eh barya barya lang ang kita sa pag da drive ng jeep. Kung mamalas
malasin pa eh dun lang napupuinta lahat sa gamot ni Nanay. Matumal ngayon ang pasok
ng tao sa computer shop dahil narin sa lunes. Busing busy sa mga report ang mga
kabataan. Tinuturuan ko na gumawa ng email add ang ka isa isa naming costumer ng
biglang my pumasok na matanda. Nakaitim ito at halatang hindi naliligo. "teka lang
miss ah!" paalam ko sa babae pag katapos ko siyang iwan. "Opo kuya." sagot naman
nito sakin. Agad kong pinuntahan ang matanda na sa kasalukuyan ay nasa gitna ng
pintuan. "Ano ho yon?" tanong ko dito. na kahit lam ko naman na hindi siya maruning
mag computer. Bigla niyang tinaas ang kamay niya. tinuro niya ang mga palad ko.
Nung una hind iko siya maintindihan pero nang tumagal parang gusto yata niyang
makita ang palad ko. Kay hindi ko ito pinag damot. Agad ko itong pinakita sa kanya.
Sinalat salat niya lang ito at bahagyang nag salita. "Mang ingat ka iho." sa
mahinag boses. Nawiwirduhan ako sa matandang to sa totoo lang. Windo na nga ang
kausuotan niya pati narin ang kanyang pananalita. Pagkatapos nun ay agad ng umalis
ang matanda. Susundan ko sana siya ng tingin pero bigla siyang nawala. "Miss nakita
mo yung matanda dito diba?" tanong ko sa nag iisang costumer ko sa computer shop.
"Sino pong matanda kuya?" balik na tanong niya sakin. *X~X~X* Dumating na si Roger
ang kapalitan ko. Aba si loko halos mahiwa na ang muka sa sobrang ngiti. "Oy Roger?
mukang masaya tayo ngayon ahh?" tanong ko habang nag aayos na ako ng sarili.
"Syempre naka iscore ehhhh!" tawa nito. Inambaan ko siya sa likod at konting
binola. "Oiii manlibre ka naman dyan naka score ka pla eh!" pambubuno ko. "Gago
wala pa ngang sweldo ehh. Nag papapsa load pa tong nanay ko. Asar nga ehh di ako
tuloy mapag reply kay loves ko ng I love you too!" "O sya sya aalis na ako. sige
pre!" sabay labas ko. Pag bukas ko palang ng pintuan namin ay amoy na amoy ko
kaagad ang niluto ni nanay na sinigang. "Oi nandyan kana pala! tamang tama at
nakaluto na ako. Binaba ko ang bag ko sa may sofa at tuluyan ng umupo sa hapag
kainan. "Si tay wala pa?" tanong ko habang kumukuha ng kanin. "Nako wala pa. Gabi
naraw siya makakauwi birthdy yata nung kumpadre niya." pagsasalaysay ni nanay.
"Nako naman si Tatay ohhh. mamaya bigla nanaman yang atakihin sa puso." pag kainis
ko. "Hayaan mona paminsan minsan lang naman yan. Sige kain na." alok ni nanay
sakin. Napansin ko na puro buto yata ang laman ng sinigang namin ahhh. Dun lang
bumawi sa dami gulay. Feel na feel ko talaga ang hirap namin sa buhay. haii nakooo!
"Anak meron palang dumating na sulat para sayo. dun ko nilagay sa lamesa sa kwarto
mo." sabi ni nanay habang kumakain. "Hooo? san daw galing?" tanong ko. "Walang
nakasukat eh. Kaw nalang yung tumingin." pahabol niya. Nabusog talaga ako sa luto
ng nanay ko . Nakakawala ng pagod kahit na boring ako ngayon sa trabaho eh. Isang
kutsara lang ng luto ng nanay ko solve na ang lahat. Nanood muna kao ng t.v.
palabas na kasi yung palagi kong pinapanood pag alas syete na ng gabi. ang
katatakutan. Tungkol to sa mga tru to life documentary sa ibat ibang parte ng
pilipinas at sa iabang bansa. Pagkatapos kong manood ay umakyat nako sa taas para
matulog na. Ewan ko ba pero bigla akong dinalaw ng antok . Napagod yata ako sa pag
ka tunga nga ko sa computer shop ngayong araw. Pagpaso ko sa kawrto ay nagpalit
agad ako ng damit. Mas gusto ko pa ang nakahubad matulog mas presko.
Nakita ko ang sulat daw para sa akin sa ibabaw ng lamesa. Pero di ko muna binuksan.
Wala akong gustong gawin ngayon kundi matulog. Kaya naman pinikit kona ang aking
mata at tuluyan ng nakatulog.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.01: The Mysterious Letter nibblyfingers
Dedicated to nibblyfingers spinner.gif *PAGMULAT NG AKING MATA* ay nahulog na pala
ako sa kama. Malamig ang semento kaya naman pawang nalamigan ang likod ko. Agad
akong bumangon sa sahig tinignan ko ang kama ko. Punyemas parang pinag rambulan ng
sang katutak na baboy. Pag tingin ko sa relo ay ala syete na ng umaga may dalawang
oras pa ako bago pumasok. Kaya naman inayos ko muna ang magulo kong kama. at sabay
baba ng sala. /Secret no.01: *The Mysterious Letter */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D /* */
Bumaba na ako ng sala ng nakita ko si Nanay nakaupo sa may sofa. Tila hingal na
hingal ito at may mga bula pa ang mga kamay. "Nay!" bulalas ko pag kalapit ko sa
kanya. Naglalaba pala siya nang bigla siyang sumpungin ng hika niya. Nako naman o
ang tigas kasi ng ulo sabi ng wag ng gagawa sa bahay. Kaya naman ako muna ang
nagpatuloy ng labahan. Easing easy yata to! Sinasampay ko na ang mga damit ng
nagising si tatay. Alam ko kahit hindi ko nakikita dahil narin sa lakas ng yabag ng
paa nito. "Kumain naba kayo?" tanong niya. "Si Joshua hindi pa." sagot ni nanay na
nakaupo lang sa sala. "Joshua lika na kain na tayo!" yaya sakin ni tatay na sa mga
oras na yon eh nagtitimpla na siya ng kape. "Oho tapusin ko lang to. malapit na."
sagot ko. Sa wakas tapos na akong mag sampay kaya naman eh nagpunta na ko sa hapag
kainan. Matigas na ang tinapay dahil nahanginan na pero okey pa naman to eh sawsaw
ko lang sa kape. Tahimik nanaman si tatay umatake nanaman ang pagka silent type
niya. Ako naman eh nakikiramdam lang. Dun nalang ako nag coconsentrate sa pag subo
ko. Tamang tama yung pag sampay ko. Dahil oras na rin ng new day ko sa pag pasok.
Mag punta ulit kaya yung matandang wirdo? *X~X~X* Naabutan ko si Boss Roberto
(A.K.A. Boss kamote) pag tungo ko sa comp shop nakanang naman dahil may date daw
sila ng asawa niya. Todo porma ito. Naka brown na polo at Jeans. "Gwaping tayo
ngayon boss ah!" bati ko. "May date eh!' sagot niya. habang nag aayos ng buhok sa
may salamin. Agad na ring dumating ang mga costumer. Aba kakaiba ito kahapon ahhh!
punuan. Mukang tiba tiba kami ngayon ahhh. Agad na nagpaalam si Boss sakin. Nag
shades pa siya bago ito umalis. Ang iingay ng mga bagets na nag lalaro. Puro
sigawan! Kakarindi tapos yung iba mga amoy araw pa! susme! naka aircon kaya tong
shop. "Sige tirahin moyan Julius!!! yan sige!" sabi nung isang bata. "Umalis ka
dyan baka matamaan ka!!!" pag pupumiglas naman ng isa. Minsan pa nga ay hindi sila
nakokontento ginagaya pa pati mga sound effect. Haii buhay!!! Sakit talaga sa
tenga! Kagaya ng TATATATAT RARARRRRRARA Syempre ako naka prente lang dito. kahit
papano eh maganda rin ang gantong gawain paupo upo lang pa tingin tingin lang ng
time. Easing easy!!! Biglang ng ring yung cellphone ko. Kinuha ko yon sa bag ko na
nakalagay sa ilalim ng counter. Nag dukitin ko na ay may sumamang itim na papel.
tinabi ko muna yung cellphone ko sa gilid at tinignan ang itim na papel.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Mr. Joshua Alumpihit We
are please to inform you that you been accepted at Magnum Academy. Term begins on
June 1. Your sincerely, Gregory Fausto.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "Ano daw?" gulat ko! Teka
Teka? Wala naman akong idea kung pano nila nalaman ang pangalan ko. Dahil wala
naman akong pinifill apan na kahit anong form. O sinasalihang game show? Pano kaya
nangyari yun??? Tinupi ko muna ang inbitasyon at tinignan ang text. Josh bili mo
muna yung nanay mo ng gamot pag uwi mo. Si tatay pala ng text. Siguro mas naging
grabe ang nararamdaman ni nanay pag alis ko. * X~X~X*
Agad akong nagpunta sa malapit na butika. Binili ko ang utos ni tatay na mga gamot.
Tapos nun ay sumakay nako ng jeep nakakainis ang tumal ng pasahero nagtagal pa
tuloy ako. Kung kailan naman nagmamadali oo! Habang nag lalakad ako pauwi ay
biglang may dumating na isang sasakyan . Magarbo ito yung mga paratang nakikita sa
mga pelikula na ang sakay ay mayayaman. Di hinayaan ko lang. Actually pag nagka
pera ako ganun din ang gusto kong bilihin. Unti unti kong napansin na tila
sinusundan ako ng kotse. Tila minamatyagan ang mga kilos ko. Nung una hindi ko lang
to pinansin. Hanggang pinagpatuloy ko lang ang pag lalakad ko. Pero di talaga ako
tinantanan nang kotseng yon. Hanggang hinarang nako sa pag lalakad. Nanahimik ang
buong paligid. pati ako naguguluhan. Nakakatakot. Unti unting bumukas ang pintuan
ng itim na kotseng yon. At agad na may lumabas na isang naka itim din na lalaki.
Unti unti siyang lumapit sa akin at nag tanong. "Ikaw ba si Joshua?" sabay ngiti
nito.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.02: Mr. Nobody Dedicated to spinner.gif * * *
* *HINDI AKO KAAGAD NA NAKAPASALITA* sa tanong ng lalaking nakaitim na yon. Simula
ng nagpakita yung dugyot na lalaki sa computer shop ay sunod sunod na ang mga
widdong pangyayari sa buhay ko. at ito na nga ang bago. "Ikaw ba si Joshua
Alumpihit?" tanong niya ulit sa akin. "Oho ako nga ho!" mahina at mabagal ko na
sagot. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako sa sitwasyon na yon o hihingi ng tulong.
Para kasing may hindi tama. Wierd???? Ilang minuto rin kaming nasa ganong pusisyon.
nag magsalita ulit si Misteryosong mama. ""Lika na sumakay ka sa kotse at gusto
kong makausap ang nanay mo." sabay turo niya sa magarbong itim na kotse. /Secret
no.02: *Mr. Nobody */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Nakatingin lang si Nanay kay
misteryosong mama habang inuubo ubo pa. Si tatay ay wala pa hanggang ngayon dahil
namamasada pa ng jeep. Nakakalbo na si Misteryosong mama. Medyo kulubot na ang
balat nito sa mukha at pati narin sa mga kamay. Ang mga kuko naman nito ay kulay
abo na tila mamatay na. Ang kanyang mga mata naman ay maliit nakasuot ito ng
salamin na halatang nanlalabo na. Nakaitim si Misteryosng lalaki. Gustong suto ko
ang tabas ng kanyang tuxido na damit. Astigg! pang mayaman. "Tiga saan uit ho
kayo?" tanong ni nanay na tinatakpan pa ang bibig niya ng isang panyo. "Bago ko
sagutin ang tanong niyo ay magpapakilala muna ako sa inyo. Ako ho si Ernesto
Climente. Pinadala ho ako ng Magnum Acadamy para sunduin ang inyong anak." wika
nito. "Teka teka hindi ko maintindihan. Eh wala naman po kaming sinalihang kahit na
anong raffle." pagsasalaysay ni nanay. "Napili ho ng aming computer ang inyong anak
upang sumailalim sa isang libreng pag aaral. Ang aming eskwelahan ay nag tuturo
hindi lang sa mga may pera kundi sa mga nangagailangan." sabay ngiti ulit ni Mr.
Ernesto. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Ang wierd talaga paano naman napunta sa
computer nila ang pangalan ko. Ano yun Magic? "Joshua?" tanong ni Mr. Ernesto sa
akin. "Ho ano ho yun?" marahan kong sagot. ''Patingin ng imbitasyon." utos niya.
Agad ko namang kinuha ang bag ko. Mula dito ay hinanap ko ang itim na imbitasyon na
hinihingi ni Mr. Ernesto. Na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng mga basura ng bag ko.
Pag kakuha ay inabot ko ito sa kanya. Hindi naman kalakihan ang imbitasyon. Medyo
matigas ito na parang cardboard. Ang mga titik na pinag imprenta dito ay kulay
silver na pag tinapat mo sa ilaw ay sobra ang kinang. Hinawakan ni Mr. Ernesto ang
naturang inbitasyon. Sa gilid pala nito ay may maliit na tila sikretong bulsa. Sa
bulsang iyon ay meron isang siyang kinuha na isa pang maliit ng puting papel.
Tumingin muna sa amin si Mr. Ernesto bago pa man niya ito buksan. May pa thrill
thrill pa eh!. Pagbukas niya ng maliit na papel ay wala naman itong nakasulat.
Pambihira wala naman pala eh. Kinabahan pa ako. Akala ko naman kung ano. "Kailangan
ko ng dugo mo!" agad na sabi ni Mr.Ernesto. "Ho???" gulat ko. "Isang patak lang ang
kailangan natin para mabasa ang nakasulat dito." ika niya. Mas lalo akong
nawirduhan. Ano to blood compact? Tumingin muna ako kay nanay. Wala naman akong
nabanaag sa muka niya ng pagka bahala. kaya naman eh omoo narin ako. Saka siguro
naman ay hindi ko yon ikamamatay. Tinusok ni Mr. Ernesto ang dulo ng aking
hintuturo. Ang aking patak ng dugo ay tumulo na sa maliit na pirasong papel nayon.
Para itong mahika. Unti unti ay may lumalabas na mga letra. Una Letter L - E - X -
U - S. sa ilalim naman nito ay 3 - 6- 0. Wow ano to code??? "Ang unang pangalan yan
ang section mo. Yung mga numero naman ay ang iyong magiging silid." wika ni Mr.
Ernesto sa marahang salita. Nagkatinginan ulit kami ni Nanay. Pa wirdo ng pawirdo
ang mga pangyayari. Hindi ko ba alam kung nananaginip ba ako? Teka pakigising na
ako!!!! "Ahhh eh Mr. Ernesto. kailan ho ba magsisimula ang klase?" tanong ni nanay.
"Ngayon na ho. Sa lalong madaling panahon." agad nitong sabi.
*X~X~X* Naglilipgpit na ako ng mga dadalhin kong gamit. Matagal tagal ko naring
hindi nagagamit ang isa kong malaking bag. medyo luma na at marami ng tagpi. pero
wala akong magagawa. No choice. Hindi ko namalayan si nanay sa likod ko. Hindi man
niya sabihin pero labis ang kanyang kalungkutan. "Nay?" sabi ko ng napatigil ako sa
pag tutupi ng aking mga damit. "Anak. ma mis miss kita." wika ni nanay habang
umuubo pa. Hinapo ko ang likod ni Nanay. Pilit kong pinapadama sa kanya na ayos
lang ko. "Nay pag nakatapos na kong pag aaral ay hindi na kayo iinom pa ng kahit
anong gamot. dahil papadoctor ko na kayo. Sabay yakap sa payat niyang katawan.
Naramdaman ko ang minit na luha ni nanay. Niyakap niya ako ng mahigpit. Para bang
hindi na kami magkikita. "Nay tama na ang kadramahan makakasama na yan sa inyo."
sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha niya. Tinext ko na si tatay. Nag paalam
ako. pati narin kay boss Kamote at kay Roger. Haiiii sa wakas mapapagtuloy ko narin
ang matagal ko ng inaasam. Ang makatapos ng aking pag aaral. Nasa pintuan na kami.
Handa narin ako sa magiging byahe namin. Habang si nanay ay nasa tabi ko lang at
namamaga na ang mata dahil sa pag luha. "Anak mag iingat ka dun ah!" wika nito.
"Opo nay lagi nyong buksan yung cellphone nyo. tatawag ako." pangako ko sa kanya.
Hinagkan ko si Nanay sa pisngi. Tamang tama naman ang dating ni Tataty galing sa
trabaho. nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap. "Anak bakit naman pabigla
bigla ang desisiyon mo?'' Tanong niya sa pagkabigla. At isa lang ang sinagot ko.
Ang pamatay na. "Para po sa kinabukasan natin to tay!" sabay tulo na ng luha ko.
Concern din pala si tatay sakin. Feel na feel namin ang mga eksena parang Maala ala
Mo Kaya lang. Agad na akong pumasok sa itim na kotse. Pag pasok ko sa loob ay
tumingin pa ko sa pwesto ni Nanay at tatay. Nakaakbay si Tatay kay nanay habang
hinahapo niya ito. Si nanay naman ay umiiyak parin habang winawagayway niya ang
kanyang kamay sa akin. Nag simula ng umandar ang kotse. Mula sa aking kinauupuan ay
unti unti lumiliit sila nanay at di naglaon ay nawala na sila sa paningin ko.
*X~X~X* Nakatulog pala ako sa byeha namin. Ang dating maingay na paligid ay unti
unting napapalitan ng katahimikan. Bumangon ako sa likod ng sasakyan ng nakita ko
si Mr. Ernesto nakatinign sa harap ko. "Musta ang tulog mo?" tanong niya. "Nasan
napo tayo?" tanonh ko naman. "Malapit na tayo." wika lang niya. sabay tingin sa
bintana ng sasakyan. Pati ako ay simulip sa may bintana. Madilim ang paligid.
Tanging ang ilaw lang ng aming sasakyan ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid.
Ng kinalaunan ay nakakakita na ang aking mata sa dilim. Sa kalukuyan pa la naming
tinatahak ang isang mahabang daan. Puro mataas na puno ang nasa gilid nito. Nag
hahanap ako ng kahit isang maligaw na bahay ngunit bigo ako. Nakakatakot!.
Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumugil ang sasakyan. sumilip ako sa may
bintana. Tumambad sa kin ang isang malaking gate. Kulay itim ito at halata ang
pagka antigo. Sa gitna nito ay may Nakalagay na titik L. Biglang bumukas ang
naturang gate. Pumasok ang aming sasakyan sa loob. Bumungad naman sa akin mula rito
ang isang napaka laking eskwelahan. Hindi ko ito masyadong makita dahil tanging ang
ilaw lamang ng post light ang nag bibigay ng liwanag sa paligid. Ang aking akala ay
dun na ko ni Mr. Ernesto dadalhin ngunit nagkamali ako. Kami ay huminto sa isa pang
malaking gusali. Pinababa na ako ni Mr. Ernesto sa kotse. Dinala ko na rin ang bag
ko sa pag labas ng kotse. Tumingin ako kay Mr. Ernesto at isa lang ang nasabi nya.
"Welcome sa iyong bagong tahanan." wika niya.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.03: Welcome to Magnum reessy Dedicated to
reessy spinner.gif *ILANG MINUTO RIN AKONG NAKATANGA* sa harapan ng masasabi kong
bago kong bahay. Isa itong sa palagay na nating state of the art na klase ng bahay
pag dating sa mga disenyo nito. "Pumasok kana iho!" yaya sa akin ni Mr. Ernesto.
Ayoko sanang pumasok dahil hindi pangkaraniwan ang nararamdaman kong kilabot. Hindi
ko alam pero bigla akong kinilabutan ng ilapat ko sa lupa ang mga paa ko. Sabayan
pa natin ng malamig na hangin na hanggnag sa ikabuturan ng aking buto ay tila
nakakapasok. Tumingin muna ako sa muka ni Mr. Ernesto bago ko simulan ang aking pag
lalakad. Dinala ako ng aking mga paa hanggang sa pintuan ng malaking bahay. Pag ka
yuko ko ay nakita kopa ang nakalagay na doormat na nakalay ay welcome. Pero sa
palagay ko eh hindi ako mawewelcome dito. /Secret no.03: *Welcome to Magnum */- - -
- - - - - ░ ▒▓▓█D /* */ Nagulat nalang ako dahil biglang bumukas ang ilaw sa loob.
Alam ko yun dahil gawa sa salamin ang ilang bahagi ng pintuan kaya naman kita mo
ang loob. Pag bukas nito ay sinalubong ako ng isang matandang babae na sa palagay
ko eh nasa 40 edad na. Niyakap niya agad ako. Ano kami close agad!!! "Nako iho.
Matagal ka nanaming hinihintay. Welcome sa Magnum Academy!" bungad niya sakin. "Ako
nga pala si Mrs. patty ang magiging pangalawa mong nanay dito." pahabol niya.
"Maraming salamat po!" mahina kong tugon. Agad na akong pumasok sa naturang bahay.
Pag pasok ko ay Bumungad sa akin ang kanilang lobby. Kulay pula ang mga ding ding
nito na parang may black design. Carpeted ang sahig at may isang kaakit akit na
chandilter. Napamangha ako. Sandali kong binaba ang aking gamit sa sahig ng lobby.
Pasensya na dahil ngayon lang talga ako nakakita ng katulad nito. Tinawag ako ni
Mrs. Patty. kasalukuyan na siyang nasa hagdanan at winagayway niya ang kayang kamay
na senyales na lika na. Nag tungo na kami sa second floor ng malaking bahay na yon.
Binuksan ni Mrs. Patty ang ilaw sa hall way. Bumungad sa akin ang isang mahabang
hallway na sa gilid ay puro pintuan. Bawat pinto ay may nakalagay na numero. "Anong
numero ng kwarto mo?" wika niya sa akin. Agad kong binuklat ang maliit na puting
papel na nakuha ko sa imbitasyon. " 3 - 6 - 0 - ho. ayon dito.'' sabi ko. Agad
kaming nagpunta sa kwartong may nakalagay na 360 sa pintuan. Pag dating doon ay
iniwan na ako ni Mrs. Patty. "Matulog ka muna at bukas ng umaga. Gigisingin ka na
lang kita." wika niya sabay alis. Ang tahimik ng buong hall way. Mas lalo pa kong
natakot dahil ako na lang mag isa. May mga ilaw naman na nanggagaling sa wall light
sa bawat kwarto pero basta nakakatakot parin. Agad ko ng binuksan ang pintuan.
Madilim doon. Wala kong makita. Binuksan ko ang dala kong sinaunang cellpohne para
gawing flash lidght. Kahit papano naman ay nakakatulong ito sa pag tingin ko sa
dilim. Peste hindi korin makita ang switch ng ilaw. Hnaggang may natabig ako.
"Aaryyyy!!!!" wika nito. Biglang bumukas ang ilaw. isang lalaki pala na himbing na
himbing sa pag tulog ang nagising ko. "Pasensya na!' pag papatawad ko. Kinuha ng
naturang lalaki ang kanyang salamin at tinignan niya ko simula ulo hanggang paa.
Payat ito. Clean cut ang buhok at mukang matalino. "Bago ka dito?" wika niya na
parang nananginip pa. "Oo bago lang." sabi ko. "Ako nga pala si Michael."
pagpapakilala niya habang naka labas ang kamay niya at handang makipag kamay.
"Joshua nga pala ako." wika ko ng nakipag kamay din. Agad na akong nagputa sa
kabilang kama at nilapag ko muna ang aking malaking bag sa may ilalim ng kama
Pinatay ko na nag ilaw at kamiy natulog na. *X~X~X* Nagising ako sa sikat ng araw.
Nag rereflect kasi sa salamin na malapit sa kama ko ang liwanag nito. Pag bangon ko
ay nakita ko naman si Michael na nag susuot na ng sapatos. "Musta tulog mo?" tanong
niya sa kain.
"Okey lang namn ." sagot ko habang nagpaupunas pa kong muta. "Dali na at
handa na ang almusal." wika niya. Naligo na ako at nagpalit ng damit. Sabay kaming
nag punta ni Michael sa dining area. Feels like home ang tema. May walong upuan sa
lamesa. Sa gitna ng hapag kainan ay may maliit na chandelier. Pawang brick red ang
wall paper ng dining area kaya naman eh nakakadag dag ito ng gana sa pag kain. Mala
ueropean nag dating ung mga nakikita ko sa internet. Dumating narin si Mrs. Patty.
Malayo pa lang siya pero amoy na amoy ko na ang dala niyang pag kain. "Tarannnnn!"
wika niya pag baba niya ng pag kain. "Kompleto ahh!" sabad ko naman . "Syempre yan
ay english breakfast!." ika ni Mrs. Patty. English breakfast meron itong itlog,
sausage, hashbrown, black fudding at kung ano ano pang hindi sakin pamilyar. at may
gatas pang kasama. "Enjoy your food sabi ni Mrs. Patty. Sabay alis. Masarap ang pag
kain. kakaiba ang lasa nito walang kapares. Walang sinabi kahit yung mga nabibli na
pag kain sa mga karinderya. Pero isa lang ang napansin ko. "Michael bakit tayo
lang?" tanong ko. "Nako may mga hang over pa kasi yung iba yaan mo makikilala mo
rin sila mamaya." wika nito. "Ganon ba?" matabang na sagot ko. Excited pa naman
akong nagpunta rito. Pero ang tanong excited kaya silang makita ako??? Pagkatapos
kumain ay nagbihis na ako ng uniporme na bigay nila sa akin. Kasabay noon ay
binigyan din nila ako ng mga gamit ko. Tapos non ay nagpunta na kaming klase ni
Michael. "Wow!" yan nag tanging nasabi ko pag pasok ko sa eskwelahan. Malaki pala
talaga ang buong Magnum. Di ko kasi nasilayan ito kagabi dahil madilim. "What do
you think?" tanong sa akin ni Michael. "Grabe ang laki saka ang ganda." pagkamangha
ko. Maganda ang pagka gawa ng buong Magnum. Bago ka pumasok sa entrance ng school
ay bubungad muna sayo ang isang malaking garden. Pag pasok mo sa loob ay isang
magandang lobby din ang bubungad sayo sa kanan at kaliwa naman nito ay dalawang
magkabilang hagdanan na tungo sa mga silid. Nagpunta na kami ni Michael sa aming
kwarto. Wala pang masyadong tao. Ako lang si Michael at isang babae na sa palagay
ko ay maarte dahil . Todo tingin ito sa kanyang salamin. "Oy patricia!" bati sa
kanya ni Michael. "Mornig. Ang who he is? tanong nito. "Siya nga pala si Joshua.'
pakilala sakin ni Michael. Kumaway lang ng saglit si Patricia sa akin. Ngunit
hanggang dun lang. Haiii pano pa kaya yung dating sakin ng iba? Dumami na ang mga
pumasok na estudyante. Gusto ko pasana silang makilala pero mamaya na. Duamating
narin ang aming guro. Ang pakilala niya siya daw si Mr Bandom. Math teacher namin.
Grrrr! ang inaayawan kong subject sa tanang buhay ko. Pinakopya niya muna kami ng
Lesson tapos later na lang daw niya i didiscust. As always. Habang busing busy
naman ako sa kakokopya sa black board ay. Bigang pumasko ang isang lalaki sa room
namin. Muka itong nakakatakot. Nakaitim ito at sa palagay ko ay hindi siya guro
dahil narin sa way niya ng pag dadamit. Para siayng tiga bantay sa nito sa
sementeryo. Agad siyang bumulong sa guro namin at umalis na. "Mr. joshua Alumpihit"
punta ka sa deans office. wika ni mr. Bandom
Magnum Secrets (Completed) Secret no.04: Forbidden Rules monsterinblue Dedicated to
monsterinblue spinner.gif *NAKATAYO LANG AKO SA HARAP NG PINTO* ng deans office.
Nakatitig lang kao sa bawat letter na nakalagay sa may pintuan. /DEANS OFFICE Mr.
Gregory Fausto./ Tok! Tok! Tok! pag katok ko dito. "Tuloy ka" wika ng tinig na nasa
loob. Magulo ang kwarto ni Mr. Gregory. Halos wala ng mapag lagyan ng picture dahil
sa samot saring painting nasa ding ding. Pero mukang isa lang ang pagkakatulad ng
bawat tema nito... Walang iba kundi ang kamatayan. Napalunok ako. Nakikita ko pa
ang usok na nagmumula sa likod ng isang malaking upuan. Kasalukan kasing
nakatalikod ang dean pag pasok ko. kaya hindi ko kaagad siya nakita. "Ikaw ba si
Joshua?" tanong nito sa akin. "Ahmmm opo ako nga po!" tugon ko naman. /Secret
no.04: *Forbidden Rules */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Unti unting umikot ang upuan.
Haiii salamat at naaninag korin ang muka niya. Sa totoo lang eh. Mukang nakakatakot
itong si Dean. kamuka siya ng mga napapanuod kong kontrabida sa mga pelikula ni
fernando foe Jr. May bigote siya at halata na rin ang katandaan. "Ako nga pala si
Mr. Gregory Fausto." ika nito. Habang bumubuga pa ng usok mula sa kanyang
sigarilyo. "Nice to meet you po sir." sabi ko. "Alam mo bang napaka swerte mo dahil
ikaw ay napili ng school namin sa aming libreng scholarship." pag mamataas nitong
sabi. "Maraming salamat po." tugon ko. Habang medyo napatigil kami sa aming usapan
ay nilibot ko pa ang aking paningin sa loob ng silid. May mga pinatuyo rin ditong
mga hayop katulad ng uwak, pusa at mga ahas. Napaka wierd naman ng mga collection
nito. Sa itaas ng table niya ay maraming papeles at may mga picture ng mga
kabataan. Parang mga resume ang dating. "Meron pala tayong mga rules and regulation
dito." wika uit niya. "ano po yung mga rules??? dito?" sabad ko. "Unang una. Bawal
ang umalis pag gabi. kailangan na matulog kayo sa oras. Sunod. Huwag aalis ng
eskwelahan ng walang permiso. Wika ni Mr. Gregory. HIumigop muna ito sa kanyang
sigarilyo at muling nagsalita. "Walang ring papasok sa kahit anong kwarto sa
boarding house at sa eskwelahan. Ang mga estudyanteng lalabag sa mga palatuntunning
ito ay may katapat na parusa. " Wika niya habang lumalaki pa ang mata. Napalunok
ako. Para narin kaming nakakulong sa malaking bahay nato. "Opo masusunod ho."
pagsisinungaling ko. "Mabuti na yung malinaw." marahan niyang sabi. " Sige bumalik
kana sa klase mo. Nilisan ko ang kwarto ni Mr. Gregory ng may pagsususpetsa. Unti
unti kong binuksan ang pintuan niya sa office at marahan itong sinara. *X~X~X* Agad
na akong bumalik sa klase. Nagtataka parin ako sa ma rules and regulation ng school
nato. Pero uunahin ko muna tong intindihin ang aming math class. Baka bumagsak pa
ako dito. Natapos din ang Klase namin ng araw nayon. Agad akong nagpuntang kwarto
para mag ayos ng gamit. Baka kasi kainin ng mga daga tong gamit ko pag di ko
nalagay agad sa cabinet. Habang niniligpit ako nang mga damit ko at inilalagay ko
ito sa designated cabinet na binigay nila ay biglang dumating si Michael. Niyayaya
akong lumabas. "Maya na dude. liligpitin ko muna ito." sabi ko. Habang akoy
nagliligpit ay nakita ni Michael ang sinaunang cellphone ko. "Dude sayo yan?"
tanong niya sabay kuha ng phone ko. "Oo dude walang duda." sabi ko. Agad niyang
sinuri ang cellphone ko at libre niya itong nilait. Pero para sakin eh expected
kona dahil nga naman sa ngayon ay hightech na ang mga gadget. Nilabas ni Michael
ang tatlo niyang hightech na cellphone. Pinapili niya ako. Tanong niya kung ano raw
sa tatlo ang sa palagay ko eh pinaka maganda para sa akin. "Yung nasa kanan." sabi
ko. "Kunin mo dude.' sabi niya. Maganda ang cellphone touch screen. Nakakamagha.
"Dude sayo nayan." sabi niya sakin ng biglaan. "Anoooo? hindi wag." pag aapila ko.
"Nako wag mong ng isoli bigay ko nayan sayo. meron pa naman akong dalawa dito eh."
pahabol niya.
"Dude salamat " ika ko. "Pero bakit mo ako binigyan ang gantong mamahaling gamit
eh bago lang tayong magkakilala?" pahabol ko. "Okey lang yan dude. hindi ka naman
siguro killer diba?'' sabi niya. "Nako hindi!!!!" agad kong sabi. Napaka swerte ko
talaga sa bago kong kaibigan dito. Biruin nyo binigya pa ako ng cellphone at wag ka
dahil hightech. Kumpara ko naman dun sa dati kong cellpohne na panahon pa yata ni
Mahoma. * X~X~X* Gabi na ng muli akog lumabas ng kwarto. Sa may sala ay nakita ko
si Michael na may mga kausap. Tila mga bago ring tao sa boarding house. Syempre wi
nelcome naman nila ako. Si Rupert sa tingin ko eh mahilig sa mga jokes at makulit.
Hindi rin tumitigil ang bunga nga niya sa kakakwento. Si Ashley isang babaeng
tahimik lang. Bookworm daw kasi kaya naman eh parang pipi lang sa gilid. S Goldie
isang babae na mallit lang pero super talino daw nito sa math. Sabi nila. Nandun
din si Patricia na tinalo pa ang red wall paper ng sala sa makinang na pulang suot
nito. Agad kaming nag kagaanan ng loob nag kwentuham kami ng aming mga buhay buhay
at nag tawanan din. Syempre aliw na aliw sila sa mga kwento ko. Dahi ako nga lang
ang dukha dito. Pag katapos nun ay tinawag na kami ni Mrs. Patty para kumain na ng
dinner. Aba roasted chicken lang naman ang kinain namin at ang pinaka masiba sa
lahat ay si Rupert. Ang takaw takaw kumain pero never daw siyang tumaba. "Ano bayan
Rupet nakakadiri ka kumain. Para kang patay gutom." wika ni patricia dito. Pero
tila nanunuya pa itong si Rupert at mas lalong nginasab niya ang pag akin na nasa
kayang plato. "Yucckkkkk!" sabi ni patricia sa nasaksihan. At sa expression naman
yun ni Patricia ay sabay saaby naman kaming nagtawanan. *X~X~X* Busog na busog ako
sa kinain ko namin kanina. Na bigla yata tong tiyan ko. pano ba naman eh hindi ko
mapigilang kumain ng maramim. lalo na ng napakasarap ng luto. Sabayan pa natin ng
hindi ako makatulog dahil sanay akong mag puyat. napaka aga kasi nag pag tulog dito
probinsyang pronsiya ang tulog time. kaya naman eh naiisip ko munang bumaba para
uminom ng tubig. Biglang nalang nanuyo ang lalamunan ko. Dahan dahan kong binuksan
ang pintuan namin sa kwarto. Hinakbang ko ang kanan kong paa sabay ang kabila ng
walang ingay. Nakakatakot man sa hallway. Pero pinigil ko ang aking takot. Para
naman kong hindi lalaki nyan. Nasa kalagitnaan na kong hallway ng biglang may
narinig akong yabag ng paa. Hinayaan ko lang . Pinagpatuloy ko parin ang pag
lalakad ko. Ngunit ng nang simula muli ako sa pag hakbang ay narinig ko ulit ang
yabag. Dun na ako nakaramdam ng takot. Ang alam ko kasi ay ako na lang ang gising
dito ngayon. Unti unti kong nilingon sa likod ang aking ulo at nasilayan ko ang
isang babae na nakaputi. Ang muka nito ay natatakpan ng kayang mahabang buhok. at
Marahan itong nag lalakad tungo sa akin. Hindi ako makapag salita. Pilit kong
binubuka ang aking bibig ngunit wala namang lumalabas na kahit anong boses. Napaupo
ako sa sahig. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya nanam eh pinikit ko nalang ang
mata ko. At bigla nalang may lumabas na tinig sa bibig ko.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!"
Magnum Secrets (Completed) Secret no.05: The Bloody Suffer zauhrialish Dedicated to
zauhrialish spinner.gif *NAGISING LAHAT NG ESTUDYANTE* sa sigaw ko. Naririnig ko
lang ang kanilang mga yabag dahil narin eh ayokong imulat ang mga mata ko. "Anong
kaguluhan dito?" wika ni Mr. Gregory pag dating niya. Nahuli niya ako sa ganong
pusisyon. Nakaupo at Nakapikit ang mga mata. Habang pinalilibutan ako ng iba pang
estudyante na nagising yata sa pag sigaw ko. /Secret no.05: *The Bloody Suffer */-
- - - - - - - ░ ▒▓▓█D Pag mulat ko ay nakatingin sa akin lahat ng mga mata nila.
Ang iba ay nagkikita kong nagbubulungan ng "Anong nangyari?" Habang ang iba naman
ay nagtataka sa akin. Unti unti kong tinaas ang aking ulo at nandon parin ang
babaeng naka puti. Hinawi ni patricia ang buhok nito at nalaman naming si Ashley
ang naturang nakaputing babae. Nag sleep walk pala. Pambihira sabi ko sa sarili ko.
Halos mamamtay na ako sa takot pero buti na lang eh si Ashkey lang pala. Pero hindi
pa tapos ang takot ko dahil ang next naman na haharapin ko ay si Mr. Gregory.
Dinala niya ako sa Deans office. Sa inis nito ay nagsindi nanaman siya ng mabahong
amoy ng kanyang sigarilyo. "Anong gingawa mo sa gantong oras ng gabi?" tanong niya
sa akin. "Iinom lang po sana akong tubig." sagot ko. "Alam mo naman ang kauna
unahang rules dito diba?" wika naman nito na halos lumalaki nanaman ang mata.
Mukang na te tense itong si Mr. Gregory nanginginig ang kamay niya. Parang
mananaksak. "Sige sa ngayon ay pagbibigyan pa kita. Pero may kasabay na yan na
parusa. sa susunod." Pananakot nito. "Oho. sabi ko ng nakayuko. Lumabas na ako ng
office ni Mr. Gregory. Sa labas ay hinihintay ako nila Michael. "Dude anong
ngayari?" tanong nito. "Bibigyan padaw ako ng isa pang pagkakataon." sabi ko. "Nako
dude buti naman. Lika na tulog na tayo." wika niya sa akin. Nagsibalikan na ang
lahat sa kani kanilang mga silid. Pero yung iba ay hindi parin mapiiglan ang pag
bulong para sialg mga bubuyog kung mag bulungan sabayan pa natin ng pag tingin sa
akin. Haiii nako. Hindi na talaga maubusan ng chismosa sa mundong ito. *X~X~X* Na
late na kong gising kinabukasan. Pano naman kasi eh hindi muna ako nakatulog sa
nangyari. Langya kasi tong si Ashley eh. Tinakot ako nag sobra. Pag upo ko sa dinig
area ay nagbubulunga parin si Rupert at Goldie pero parang alam ko na ang pinag
uusapan nila. "Musta ang tulog mo scream boy?" tanong sakin ni Patricia na medyo
tumatawa pa. "Okey lang." sagot ko na medyo nahihiya. Sabay tawa naman ng malakas
ni Rupert hindi na hindi yata niya mapigilan ang pa ngungutya sa kin. "Rupert
tigilan mo na nga yan." saway naman ni Goldie sa kanya. Si Ashley naman ay
nakatahimik lang sa may gilid at tila nahihiya sa ginawa niya sa akin kagabi. At
walang anu anuy bugla siyang lumapit sa akin. "Joshua sorry ahhh. Hindi ko
sinasadya." pagpapatawad niya. "Nako wala yun." sabi ko naman sabay ngiti. Agad
namang dumating si Mrs. Patty na may dalang isang malaking lalagyan. Nilapag niya
ito at binuksan. "Wow!" bulalas ni Michael na nakita ang favorite niyang spaghetti.
Mukang espesyal ang niluto na agahan samin ni Mrs. Patty. Amoy na amoy ang aroma
nito na sariwang kamatis at amoy ng oregano. Sabayan pa natin ng malalaking hiwa ng
sausage salami at malalaking hiwa ng chesse. "Bon appetit" wika nito samin. Ha ha
ang lakas talaga nitong maka italyano ni Mrs. Patty. *X~X~X* Nagpa quiz si Mr. Hugo
sa english. Langya! pinagsulat ba naman kami ng 100 word about our self. Ano naman
kayang isusulat ko dito. Bukod sa salitang dukha! Halos nagka bali bali ko ang
cells sa utak ko sa ginawa ko. HIndi ko narin tinignan kung tama ba naman ang mga
grammar ang spelling ko. basta isa lang ang alam ko. Tapos na ko. "Pass your
paper!" wika ni Mr. Hugo. habang nakataas ang noo.
Kasabay non ay biglang ng ring ang bell! KRIGGGGGGG! Buti naman ay tapos na ang isa
sa mga disaster na tagpo ng araw na ito. Tapos nun ay napansin ko si Ashley sa may
gilid ng bintana. Mukang may malalim na iniisip. Parang semana santa ang muka.
"Dude pansinin mo si Ashley kanina payan ganyan." sabi ko kay Michael. "Oo nga.
Pero sanay na kami dyan palagi namang ganyan yan eh. Nakakatakot lapitan parang
mananakmal bigla." pabirong sabi ni Michael. Nakita ko namang sinusuyo ni Goldie
ang kaibigan pero parang nag thank you lang ito sa kanya at pinag patuloy lang niya
ang pag sesenti sa may harap ng bintana. Nasa sala na ng boarding school ang lahat
ng tinawag kami ng Mrs. Patty para kumain na. Ginigiling giling pa nito ang kanyang
bewang habang dinadala ang kanyang favorite creation ngayong gabi. Ang
sinampalukang manok. Halos naglalaway na ako sa asim ng nasabing lutuin ng biglang
may napansin si Patricia. "Teka nassan si Ashley?" wika nito sa marahan ng boses.
"Baka nagmumukmok sa may taas!" pabirong sabi ni Rupert habang kumukuha na ng
kanin. "Sige tignan ko nalang." sabad naman ni Goldie habang papa tayo na sa upuan.
Habang papunta na si Goldie sa may taas upang puntahan si Ashley ay. Nag sikuhaan
na ang lahat ng kanin. Halos parang mauubusan na naman nang kanin tong si Rupert.
Biruin nyo nakakuha na nga siya eh. Kukuha pa ulit. Talaga naman ohhhhh! Habang
kumukuha si Patricia ng kanin ay may tumulong dugo mula sa itaas ng kisame. Una
patak patak lang ito. Ngunit sinundan ito ng mas malakas na tagas. Halos mapuno na
ang plato niya ng dugo na nag mumula sa kisame. Unti unting dinutdot ni Patricia
ang kanyang kamay mula rito at inamoy. Dun lang niya nakomperma na dugo talaga ito.
Lahat ay nabigla! Hindi agad kami nakapag salita. Sino ba naman kasing makakakain
sa harapan ng hapang kainan habang may tumutulong dugo? Ang sagot wala! Agad akong
tumingala kitang kita ko pa buhat sa itaas ang malapot na pagtulo ng sariwang dugo.
"Ano ba ang kwarto na katapat ng hapag kainan?" wika ko sa pag tataka. "Ang kwarto
nila Ashley!" agad namang sagot ni Patricia. Agad namang tumindik ang aming
balahibo dahil biglang sumigaw si Goldie mula sa taas. AHHHHHHH!!!!! Na halos
marinig ito hanggang sa buong campus.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.06: Wrong Assumption My1727 Dedicated to
My1727 spinner.gif *NABITAWAN NI PATRICIA* ang hawak hawak niyang kutsara. Malakas
ang pag kalansing nito ng nahulog ito sa kahoy na sahig. Kasabay noon ay agad
kaming tumakbo tungo sa second floor ng dorm. Halos hindi magkandarapa ang lahat sa
pagtakbo. Lahat ay nais na agad na makapunta sa silid nila Ashley. Pag pasok namin
sa silid ay nakita namin si Goldie na nakasalampak sa gilid ng kwarto. Halos ayaw
niyang tignan ang kabilang kama. Nakayapos siya sa kanyang dalawang tuhod at pilit
na tinituro ang kabilang kama ni Ashley. "Buksan nyo ang ilaw!!!! Buksan niyo!!!!"
sigaw nito ng paulit ulit. Hanggang binuksan ko ng walang katakot takot ang switch
ng ilaw. / Secret no.06: /*/Wrong Assumption /*- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D */ /* /* */
Tumambad sa amin ang duguang kama ni Asley magulo ito. At hindi mapag kakailang
nagpupumiglas ito dahil narin sa mga nakitang gulo ng linens. Agad namang dumating
sila Mr. Gregory sa pinangyarihan. Nagulantang ito. Ngunit napansin ko na mukang
may pagka iba sa expression ng muka niya. "Bumalik kayo sa mga kwarto ninyo!" wika
niya na halos tinataboy kami. "Dalina umalis muna kayo." pahabol nito. Si Patricia
at Goldie naman ay todo sa pag iyak. Hindi na mapigilan ang pag buhos ng kanilang
luha habang ang ibang kaklase naman namin ay todo himas sa mga likod nila. "Ashley!
Ashley! Ashley! pauit ulit nilang sabi habng naglulupasay sa corridor ng dorm."
Dumating naman ang nurse ng school at pinainom sila ng pampakalma. Pinaupo sila sa
may sofa at pinapaypayan para matanggal ang mga tensyon nila. "Grabe talaga ang
nangyari!" sabi ni Michael habang umiiling pa. "Oo nga eh! sino naman kaya ang
gagawa niyan at nasan ang bangkay ni Ashley?" tanong ko. Agad namang nakisingit si
Rupert sa usapan at biglang sinabi. "Patay na kaya si Ashley???" mahinang tanong
niya. Narinig naman ito ni Goldie at walang humpay na bigla niyang pinagsusuntok
ang likod ni Rupert at sinabi. "hindi pa siya patay!!!!" halos masira ang damit ni
Rupert sa lakas ng pagkakakapit ni Goldie rito. Agad naman naming inawat si Goldie.
Hinawakan namin siya sa kanyang dalawang kamay at nilayo namin siya ni Michael kay
Rupert. "Joke lang yun!" pag papatawad ni Rupert pag layo niya kay Goldie.
"Nagagawa mo pang mag joke ngayon." sabad naman ni Goldie. "Sorry na." pag hihingi
ng tawad ni Rupert sa dalaga. Dumating narin pag katapos ng isang oras ang mga
pulis. Nag imbistiga sila sa pinangyarihan ng krimen. Kumuha sila ng blood sample
mula sa duguang linen ng kama. Nilagyan din nila ng finger print powder ang bawat
gilid ng bahay. Dahil nagbabaka sakali sila na baka may makuha silang finger print
dito. Humupa na ang tensiyon sa bahay. Umakyat na ang lahat sa kani kanialng mga
kwarto. Si Goldie at Patricia naman ay nakatulog narin dahil umepekto na ang
pinainom ng nurse dito na pampakalma. Si Pupert naman ay nagpalit na ng damit.
Napapailing ito dahil sa nasira ni Goldie na signiture shirt niya. Eh mukang
favorite pa naman niya yun. Sabay narin kaming umakyat ng kwarto ni Michael. Nasa
loob na ako ng nakalimutan ko ang cellphone ko sa baba kaya naman eh. Bumalik ako
sa sala para kunin. Nakita ko ito sa gilid ng sofa. Buti nalang at walang kumuha.
Pag panik ko sa taas ay siya namang dating ng Chief of pulis at ni Mr. gregory.
Hindi ko intensyon ang makinig sa kanilang usapan pero. Naging interesado ako dahil
tiyak ay tungkol sa kaso ni Ashley ang kanilang pag uusapan. "Musta naman ang kaso
Sir. Mercado?" tanong ni Mr. gregory sa chief of Police. "Malabo pa ho sa amin kung
sino at nasaan ang katawan ni Ashley pero isa lang ho ang kagulat gulat sa aming
imbistigasyon." wika ni Sir. Mercado. "Ano ho iyon?" agad naman na tanong ni Mr.
Gregory. Sinagot ni Mr. Mercado ang kanilang finding mula sa dugo ni Ashley at pati
ako ay hindi makapaniwala sa narinig ko na nagpalaki ng aking mga mata. *X~X~X*
Bakas parin sa lahat ang kalungkutan kinabukasan pag tipon namin sa hapag kainan.
Walang imikan. Tila lahat ay nagluluksa sa pagkawala ni Ashley. "Nasan na si
Goldie?" tanong ko. Habang nabasag ko yata ang katahimikan ng lahat. Walang sumagot
sa akin. Tumitingin ako sa mga mata nila pero kahit isang titig ay hindi nila ako
tinignan. "Oo nga nasan na kaya ang batang yon." sagot naman sa akin ni Mrs. Patty
na sinabayan yata ako sa akling simpatsiya. "Dadalhan ko nalang siya ng pag kain
niya sa kayang kwarto." pahabol nito. Sinimulan ko ng higupin ang nilutong sopas ni
Mrs. Patty. Maingat akong hinigop ang bawat sabaw nun. Parang nakakahiya naman
kasing mag gawa ng ingay sa harapan ng mga ito. Nakakatakot. Hanggang mayat mayay
nagpaalam na si Patricia. "Aalis na ako." wika nito sa malungkot na boses. Kinuha
nito ang bag at dahan dahang nagpunta sa aming silid paaralan. Sinundan ko ng
tingin si Patricia. Pilit kong hinuhuli kung ano nga ba ang simpatiya niya. Ngunit
parang di ko parin makuha. Sabagay kung ikaw nga naman ang mawalan ng mahal sa
buhay ay ganun din ang reaksyon mo. HIndi pumasok si Goldie sa aming klase.
Talagang pinakatawanan niya ang loner forever sa kanilang kwarto. Nako nakakatakot
dahil baka matulad siya kay Ashley!!! (Joke lang!) *X~X~X* Pag dating ng hapon ay
nagtipon tipon ang lahat sa sala. Tahimik lang silang nakatanga sa isat isa.
Syempre ako nakitanga narin. Nakikisama nalang. Mayat maya ay bumaba na si Goldie
galing sa kanyang kwarto. Malungkot parin ang mata nito at namumula. Halatang
kakagaling lang nito sa pag luha. Tumabi siya sa tabi ni Patricia. Niyakap naman
siya ng kaibigan ng todo higpit. "Guys" wika ni Michael. "Bakit?" tanong naman ni
Patricia. "Nasan na kaya ang katawan ni Ashley? Patay naba talaga siya?" wika nito
sa mahinang boses. "Di pa siya patay." sabad naman ni Goldie. "Kung di siya patay
nasaan ang katawan niya?" pabalik na tanong ni Michael. Nako buti nalang at wala
doon si Rupert nako. Dahil kundi lalabas na siguro ang mga pinag kekwentuhan namin
sa buong campus. May pagka chismoso pa naman yun. Medyo nanahimik ang lahat. Pilit
na kinakarkula ang bawat sinabi ni Michael. Pero ang hindi nila alam ay may narinig
ako kanina sa usapan nila Mr. Gregory at ang cheif of Police. "Guys" binasag ko ang
katahimikan nila. "Ano yon?" sabi naman ni Michael sa akin. Hindi ako nakapag
salita kaagad. Kunyari eh tumitingin pa ako sa labas ng bintana. "Ano yun?"
intirisadong tanong sa akin ni Patricia. Lumaki na ang mga mata nito at unti unting
lumapit sa akin. "Ano yun Joshua may nalalaman kaba?" tanong nito sa akin. Hanggang
lumuhod na ito sa harapan ko. "O sige isge!" sabi ko. "may narinig ako sa usapan
nila Mr. Gregory kanina at ang Cheif of Police." pag chichismis ko. Pag kasabi ko
non ay bigla silang lumapit sa akin. Para silang mga aso at nakita nila ang amo
nila pag kagaling nito sa buong araw na trabaho. "Makinig kayo." wika ko sa
mahinang boses. "sa palagay ko eh! buhay pa si Ashley." sabi ko. Nagulat silang
tatlo. Talo pa nila ang mga batang nanonood ng horror movie. "Bakit mo naman nasabi
yan Joshua?" marahang tanong sakin ni Goldie habang nagpupunas pa ng luha. "kasi
sabi narinig ko kanina na ang dugong nakuha nila sa kama ni Ashley ay hindi dugo
galing sa tao." sa mahina kong sabi. "Eh kanino?" sabi ni Patricia. "Dugo yun ng
galing sa baboy." pagpapatuloy ko.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.07: The Very Secret Diary AkoSiSadako15
Dedicated to AkoSiSadako15 spinner.gif *NANLAKI ANG BUNGANGA NI MICHAEL* ng narinig
niya ang sinabi ko. Pati ang salamin niya ay muntikan nang matanggal mula sa
kanyang matangos na ilong. "Hindi nga di kaba nagbibiro?" tanong sa akin ni
Patricia na mukang naguguluhan. "Bakit naman ako magbibiro. Di ko gawain yun ahhh."
pag sasangga ko sa aking sarili. Nanghina si Golde sa kanyang narinig. Para itong
lobong nawala nang hangin. Dinantay niya ang kanyang maliit na katawan sa malambot
na sofa. Hanggang sa aming likod ay biglang dumating si Mr. Gregory. ng di namin
namamalayan. Naka black suit parin ito. At tila gising na gising pa. "Oy bakit pa
kayo nandito?" bulyaw nito sa amin. /Secret no.07: *The Very secret Diary */- - - -
- - - - ░ ▒▓▓█D */ /* Biglang napatayo si Goldie mula sa pagkasalampak niya sa
sofa. Parang isang pito ang tinig ni Mr. Gregory kaya ito agad na napatayo.
"Nakalimutan lang ho namin ang oras." Pananakip ni Michael. "Oo nga ho." pag sakay
ko naman. "Gabign gabi na kung ano ano pa ang mga pinag uusapan ninyo. Hala panik
na kayo sa inyong mga kwarto." wika ni Mr. Gregory na nanlalaki nanaman ang mga
mata. Agad na kaming nagsikilos. Dali dali kaming nagpunta sa itaas at halos hindi
kami lumilingon sa likod. Ni ang malaking mata ni Mr. Gregory eh! ayaw naming
makita. Nagpunta na kami ni Michael sa aming kwarto. Humiga na kami sa aming mga
kama. "joshua may sasabihin kapa bukas sa amin." wika nito sabay patay ng ilaw.
*X~X~X* Kakagising ko palang kinabukasan. pero parang hussle na sakin ang lahat.
Bakit ko pa kasi sinabi yung narinig ko kila Mr. Gregory eh. Yan tuloy
iniimbistigahan ako ng tatlong to. Pagbaling ng ulo ko sa aking kama ay may nakita
akong sulat. Sinulatan pala ako ni Michael habang natutulog ako. sabi niya may
meeting daw kami sa dulo ng library. Pagkatapos ng english class. Wow naman!!! Kaya
yun na nga ang nangyari. Pagka tapos ng english class namin ay nag punta na ako ng
library. Malaki nag library ng magnum tinalo pa nito ang national library na
matatagpuan sa Maynila. Panalo sa kompleto ng libro. Ibat ibang lingwahe. May
japanese. English. Sapanish, italian at kung ano ano pa. Kung bga sa pagkain eat
all you can. Ang mga lalagyanana ng libro ay may taas na 6 feet kaya naman eh uso
dito ang hagdanan pag may kukunin na mga matataas na volume ng libro. Sa dulo ng
library ay nakita ko si ang tatlo na parang may pinagbubulungan. "Sigurado ka bang
walang sumunod sayo." wika ni Patricia sa kin. Pag punta ko sa pwesto nila Tumungin
tingin ako sa likod ko. at sabay sabing "wala." with all i might. Umupo na ako sa
upuan. Kasabay naman ng pag upo ko ay labas ni Goldie ng isang brown na notebook.
Napaka wierd ng itsura nito. parang libro ng Witch!!! "Ano yan!" sabay turo ko sa
libro. "SHHHH!" senyas sa kin ni Goldie. diary to ni Ashley. Nakuha ko to sa mga
naiwan niyang mga gamit. Sa palagay ko eh may nakukuha tayong impormasyon dito."
wika pa niya sa mahinang boses. Sinimulan na naming basahin ang mga pahina nito.
Pero wala kaming makuhang impormasyon. Puro lang kwento tungkol sa mga libro na
nababasa niya sa araw araw. Ano bayan!!!! Hanggang may nabasa si Goldie. "SHHH!"
teka ito ito pakingggan niyo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ May 29,
Magandang libro ang nabili ko ngayon. Tinatahak kona ang daan pabalik aky Mrs.
Patty pero bigla akong nakaramdam ng takot. Sa pakiwari ko kasi ay may lalaki na
sumusunod sa likod ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "Ano yun yug
killer na papatay sa kanya?" tanon ni Patricia. "Maaari." sabad naman ni Michael.
"Ano pa ano pa " sabi ko naman . "Wala yun lang." sagot ni Goldie. Paglipat niya sa
ibang page ay wala ng kasunod ito. Puro na blanko. mas lalong naging misteryo sa
amin nag mga pangayayari. Lalo na ng pag buklat ni Goldie sa huling page nito.
Lumitaw ang isang misteryosong pangalan. Ang pangalang Carlos Verra! * X~X~X* Sino
kaya si Carlos Berra. Pangalan kaya ito ng killer na pumtay at tumangay sa katawan
ni Ashley o hindi. Yan ang tumatakbo sa maing isipan ng narinig namin yun. Nako!!!
parang mas lalong komplekado ang lahat ahhh. "Sino naman yang Carlos Verra nayan?"
tanong ni Patricia. Parang pamilyar pero di ko pa siya naririnig dito." pahabol
nito. "Parang pamilyar din pero di ko matandaan kung san ko narinig." pahabol ni
Goldie. "Alam ko na. Para malaman natin eh alamin natin sa student record." sabi ni
Michael. "O sige magpunta ka sa Office ni Mr. Gregory." sabad ni patricia. "Ayy
oonga nasa office pala niya ang lahat ng files dito." pagkalumgkot na sabi ni
MIhael. Sandaling nanahimik ang lahat. Tila nagiisip kung paano malalaman kung sini
nga ba si Carlos Verra. "Kung manual nating tatanungin ang bawat section eh aabutin
tayo ng siyam siyam at baka hindi nila sabihin ang tunay nilang panaglan"
pagsasalaysay ni Goldie. Agad akong napatingin sa kabilang side ng library. Nakita
ko si Ms. Lilibeth na todo bilang ng mga libro nito sa isang gilid ng lamesa. (Ang
aming liblarian) "Guys may naisip na akong ideya." sabi ko. "Ano?" excited na
tanogn ni Michael. "Tignan kaya natin sa files ni Ms. Lilibeth." sabi ko. "Saang
files?" pagtatakang tanog ni Goldie. "Walang iba kundi sa files sa na nasa computer
niya." sabay nguso ko dito.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.08: Carlos Verra SamJaneStar Dedicated to
SamJaneStar spinner.gif *NAGSIMULA NA KAMING KUMILOS* ang plano eh titignan namin
ang mga panaglan ng mga student ng magnum sa computer ni Ms. Lilibeth. Na curious
kasi kami kung dito nga ba sa school namin ang taong nanganagalan ng Carlos Verra.
Kaya naman eh pumunta na kami sa pwesto ni Miss. Lilibeth at sinimulan nanamin ang
aming unang plano. /Secret no.08: *Carlos Verra */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Unang
kumilos si Patricia. Pumunta siya sa pwesto ni Miss. Lilibeth sa kabailang lamesa.
Inis torbo niya ang pag aayos nito sa mga bagong libro. "Miss. Lilibet pwede po
bang patulong ako sa paghanap ng libro." sa malumanay na boses. "Nako iha hindi
pwede. Marami akong ginagawa ngayon." pag sasagi ni Miss. Nagkatinginan kaming
lahat buhat sa ibat ibang direksyon. Kailangan naming mapa layo si Miss sa naturang
computer nito. "Miss. Lilibeth sige na po. " pagpupumilit ni Patricia. Medyo
napangiwi si Miss. At milagrong napaoo niya ito. Dinala ito ni Patricia sa Poetry
Section. HInawakan niya ng mahigpit ang kanang bisig ni Miss para macontrol nito
kahit papano ang kanyang galaw. "Ano bang hinahanap mo Iha?" tanong ni MIss dito.
habang tumutingin tingin sa mga bookshelf. "Ahhhm.. yung kay Toronto Bascal po?"
sagot naman ni Patricia an medyo nanginginig pa ang boses. "Teka meron banon?"
pagtatakang tanong ni Miss. "Opo naman!" pataas na sagot ni Patricia. Sa likod ni
Patricia ay sumesenyas na ito. Pinapaikot nito ang kanyang kamay na ang ibig
sabihin ay GO NA!!! Palihim akong ngpunta sa computer ni Miss na nasa desk nito.
Ako ang naatasan nila dahil daw sa background ko sa pag pipindot sa computer. Sila
Goldie at Michael naman ay taga look out sa kanan at kaliwa. Pinindot kona ang mga
button ng computer pinagalaw ko narin ang cursor nito. Nilagay ko sa search engine
ang file name ng mga student at gotcha bigla itong lumabas. Multi task ang ginagawa
ko ng mga oras nayon. Dahil habang nakatingin ako sa computer ay sinisilayan korin
sila miss at Patricia sa di kalayuan. Nang mag oras nayon ay magandang pag kakataon
dahil iisa lang ang tao bukod sa amin. Ewan ko ba pero parang sumasang ayon sa amin
ang pag kakataon. Sa pangat long pag harap ko kila Patricia ay nasanggi ko ang
isang ballpen na nandoon. Umikot ikot ito sa ibaba ng lameasa at ngapagulong
ghulong sa ibaba. Nag gawa ito ng ingay. Sa aking pag kakarkula ay narinig ito
hanggang sa kinatatayuan ni MIss. Eh sa kasalukuyan pa naman akong nag e escan ng
mga pangalan mula sa letter C. Biglang tumingin si Miss sa direksyon ko. "Ano yun?"
wika niya. "Nako MIss. Wala po yun." Pananakip ni Patricia. na narinig din ang
ingay. Agad akong nagtago sa ilalim ng desk ni Miss. Akma naman itong pupunta sa
kinaroroonan ko para tignan kung ano ang nahulog. Pero buti nalang at biglang
gumawa ng eksena si Goldie. "MIss" wika nito. Inulit niya ang kunyaring sa kanyang
nahulog na ballpen. Talagang sindya niya na sa harapan ni Miss ito ibagsak para
malaman na ballpen lamang ang tanging nahulog. Agad naman itong na gets ni MIss. at
sabi. "Yan lang pala yung narinig ko." wika nito. "Oo nga po miss yan lang yun."
patong naman ni Patricia. Habang nagkakatingin naman siya at pati na si Goldie.
Pagkatapos nun ay agad na akong umalis sa harapan ng desk ni Miss. Lilibeth.
Sumenyas na rin ako kila Michael at Goldie. Si Patricia naman ay umalis narin.
Kunyari eh hindi na siya interesado na hanapin pa ang book of poems na hinahanap
niya. *X~X~X* Tanghalian. Nag tipon tipon na naman ang lahat sa hapag kainan.
Syempre ako ang una nilang tinanong lahat. "Joshua may nahanap kaba na Carlos ang
pangalan?" tanong ni Patricia sa akin. Habang nakatuon pa ang kamay niya sa lamesa.
"Nako wala. Hinanap ko na ang buong letter C. May Carlos pero hindi Verra ang
apilyido." pagsasalaysay ko. Biglang nalungkot ang lahat. Habang parang semana
santo ang bawat isa ay dumating naman si Rupert. syempre as always. Parang clown
yung muka nito na laging nakangiti.
"Hey guys!!! parang semana santo ang mga muka ninyo?" sita nito samin. "Kasi
nakita ka namin." sabad naman ni Goldie. "Hala bakit ako? Nag sorry na nga ako
diba." pagkalungkot nitong sabi. Dumating na si Mrs. Patty. Dala na nito ang pag
kain namin na sharshadong bangus belly. At ensaladang green mango. pati yata si
Mrs. Patty ay nakita ang mga busangot naming muka. "O anong nangyari sa inyong
lahat?" tanong nito. "Wala ho." Pagsisinungaling ni Michael. Nilapag ni Mrs. Patty
ang ulam na dala dala niya sa lamesa at Pumewang. "Alam ninyo. Hindi lang kayo ang
nawalan ng kaibigan dito. Ako rin." pag sasalay say niya. "Halos pangalawang taon
na niya dito sa school na ito. Na mimiss ko rin yung pag sasama niya sa akin sa
palengke. Tapos nag papaalam siya sa akin na mag pupunta siya sa Carlos Verra
Bookstore." wika ni Miss Patty na parang nag iimagine pa. Nagkatinignan kaming
apat. Napaisip kami. Kaya pala walang pangalan ng Carlos Verra sa files ng student
sa school nato dahil hindi pala siya pangalan ng tao. Kundi pangalan ng bookstore.
Oo nga naman nakalimutan ko rin na mahilig pala si Ashley sa mga libro. Pero bakit
niya sinulat sa last page ng diary niya ang Carlos Verra. Ibig sabihin ba nito ay
may tinitago siya buhat dito??? Napansin yata ni Rupet ang pag titinginan namin
kaya naman eh todo rin ang tanong nito. "Oiii mga classmates??? okey lang kayo?"
tanong nito. "Oo naman." sabi ni Patricia na hinahampas naman ang paa ko sa ilalim
ng lamesa. "Oo okey lang kami" sabi ko *X~X~X* Nagtipon tipon ulit kami sa library.
Ito na yata ang magiging hideout namin. Este meeting place pag may mga gantong
kaemportanteng pag uusap. "So here it goes." pag puputol ni Patricia sa pag
sasalita niya. "Kailangan nating makapunta sa bookstore na yon sa bayan." pabulong
nitong sabi. "The question is. Pano? Ano yun sasawayin natin ang rules ng school
nato na hindi pwedeng lumabas ng walang permiso." sabi ni Goldie. "At kung
magpaalam man tayo. Sure ba na papayag si Mr. Gregory?" wika naman ni Michael. "At
anong papaalam natin. Na ag iimbistiga tayo sa pag kawala ni Ashley? Ayoko na
kayang makita na manlaki pa ang mga mata niya." mas nakakatakot yun no? patong ni
Patricia. Agad nanaman ng nag isip ang lahat. "Guy may naisip na akong plano." sabi
ko. "Ano yung?" sabay sabay silang sabi. "Lapit kayo dito at ibubulong ko." sagot
ko. Nilapit nila isa isa ang kanilang mga tenga. Para silang mga chismosa na sabik
na sabik sa chismis. At ako naman ay may mahalagang impormasyon ang pinamalita sa
kanila.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.09: Plan by Minutes kohanasuki Dedicated to
kohanasuki spinner.gif *MAHIMBING ANG TULOG KO* ng ginigsing ako ng isang kakaibang
tinig. Para siyang humihinga sa tenga ko. Ramdam ko ang konting hangin na lumalabas
mula sa kanyang ilong. Alam ko ito. Dahil pareho ito ng sensesyon pag nagbubulungan
kami nila Michael. Pinaparamdaman ko lang kung ganon parin siya makalipas ang ilang
minuto. Pero wala paring nagbago. Unti unti kong kinuha ang cellphone ko sa gilid.
Ito ang ipang tatapat ko sa muka nitong nilalang na to pag patuloy parin siyang
nasa gilid ng ulo ko. Patay pa naman ang ilaw. Balak kong gisingin si Michael sa
Kabilang kama. Pero pano kung may dalang panaksak tong nilalang na to at bigla
nalang akong saksakin pag nag ingay ako. O kaya eh sakalin na lang ako bigla. Ang
daya naman ohhh. Talo ako. Unti unti kong inangat ang cell phone ko. Tinapat ko ito
sa gilid ng tenga ko ng walang ginagawang ingay. Mas mabuti munang makita ko ang
muka niya bago man siya makagawa ng anumang ikakamatay ko. Pinindot ko ang menu sa
bago kong touch screen na phone. Hanggang tumambad mula sa kaliwang tenga ko ang
nakatalukbong na muka ng isang tao. Hindi ko mawari kung lalaki ba siya o babae.
Nanlilimahid ang panakbong niya sa ulo ng dugo. Hanggang bigla nalang niya akong
sinakal. /Secret no.09: *Plan by Minutes */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D /* */ "Hoy
Joshua gising!!!" pag gising sa akin n Michael. Tagaktak ang pawis ko. Akala ko
tala eh totoo na. Para kasing true to life ang lahat. Parang hindi panaginip. "Dude
ano bang nangyari?" Sabi ni Michael habang nag aalala narin. "Sama ng panaginip ko.
Taong naka talukbong. Hindi ko alam kung sino." Pag sasalysay ko kay Michael.
Habang tuloy parin ang hingal ko. "Sino naman kaya yun? Di kaya si Ashley yon?"
dugtong ni Michael. "Di ko alam. Siguro?" sabi ko naman. Biglang ng ring ang bell
big sabihin na nito na simula na ang agahan. "Dude lika na sa baba. Wag mo nag
alalahanin yun." sabi ni Michael. "Sige sige mauna kana. Susunod nalang ako." sabi
ko. Nauna na si Michael sa baba. Ninais ko munang tumigil sandali sa kwarto. Bago
pa man ako bumaba. Ewan ko ba pero isa pang misteryo nanaman ang taong
nakatalukbong na yon. "Oi bakit ang tagal mo?" tanong ni Patricia sa akin pag baba
ko. "Wala lang." Pag sisinungaling ko. "Nako nanaginip kasi yan." pag patong ni
Michael. ''Ano tungkol san?" tanong naman ni Goldie habang kumukuha ng tinapay.
"Tungkol sa taong naka talukbong ang mukha?" Sabi ko. Napatigil si Goldie sa pag
subo niyang ng tinapay sa nasabi ko. "Oh my!" tanging nasabi niya. "Hindi kaya si
Ashley yun?" tanong niya sa akin. "Di ko alam?" sabi ko. "Hindi ko kasi mawari kug
lalaki siya o babae." pag dadagdag ko. "Yan din ang sinabi ko sa kanya." Hirit ni
Michael. "San nga pala si Rupert?' tanong ko "Yun nandun sa bago niyang nililigawan
si Rowena sa kabilang room natin." Chismis ni Patricia. saka okey narin yun dahil
hindi na tayo mag sesenyasan pag nandito siya." "Korek!' dagdag ni Goldie. Dumating
si Mrs. Patty sa dinig area. Kinamusta niya kami kung masarap ang mga niluto niya.
"Yes Ma'am!!!" sabay sabay naming sabi. Hanggang humirit na tong si Goldie. "Ahmmm
Mrs Pat! Pwede po ba kaming sumama sa inyo sa pamamalengke mamaya." Hirit ni
Patricia. "Ahhhm sige yun lang pala eh." agad namang sagot ni Mrs. patty. Yun kasi
ang plano. Para Makapunta kami sa Carlos Verra bookstore eh kailangan naming sumama
sa pamamalengke ni Mrs. Patty. "Kaya lang po Gusto ko pang magsama ng isa." Pag
hahabol ni Patricia. "Huh! sino naman?" tanong din naman ni Mrs. patty. "Si Joshua
po!" agad na sagot nito. *X~X~X* "Yes!!!!" laking tuwa ni Patricia. "So ano na?"
tanong nito habng nasa dulo nananman kami ng library. Nilabas ni Patricia ang
listahan ng bibilihin namin maya maya. "Teka teka? Bakit ba natin dapat malaman
kung ano ang mga dapat bilihin ni Mrs. Patty?" tanong ni Michael.
"Para malaman natin kung gaano tayo dapat tumagal sa bookstore." sabi ko.
"akin na ang listahan?" utos ko. Nilatag ko sa table ang naturang listahan.
"Kunyari." sabi ko. "Itong Petchay. sabihin na nating 5 minutes bago si Mrs. patty
makakuha o makapili. Ngayon idadag dag natin yan sa oras na itatagal natin sa
bookstore kung saka sakali." pag sasalay say ko. "Ahhh ganun pala yun." pag hanga
ni Michael. "Teka sino naba dito ang nakaputa na ng palengke?" tanong ko naman.
"Ako!" sabi ni Goldie na over over ang self confidence. "kaya lang isang beses
lang." sabi pa nito. "okey nayon . Atleast may idea na tayo.'' Pahabol ko.
Kinompute na nqmin lahat ng bibilihin. May carrots , petchay, hotdog, at kung ano
ano pa. Haggang umabot sa 30 minutes lahat ang tagal nang oras ang nakuha namin.
"So 30 minutes lang lahat???" sabad ni Patricia. "Estimated pa lang yan kasi naman
eh sa isang tindahan for example tatlong ingredients agad ang bibilihin. Saka tabi
tabi lang naman ang mga suki dun ni Mrs. Patty" Pag sasalaysay naman ni Goldie. "Sa
totoo lang mahaba haba na ang 30 minutes ahhh. Teka gano ba kalayo ang Carlos
Verra?" tanong ko ulit. "Alam ko eh sa kabilang kanto pa yun ng palaengke so mga 5
minutes bago pa makarating don." sabi ni patricia. "Nu bayan!!! paunti ng paunti
ang oras ahhh." bulalas ni Michael. "Hindi okey na yan. basta bilisan na lang natin
ang kilos mamaya." sabay tingin ko kay Goldie. "Oo." Agad naman niyang sabi.
Nilapag ni Goldie ang kamay niya sa gitna ng lamesa. At isa isa naman kaming
nagsipatong dito. "kaya natin to." pahabol ko pa. *X~X~X* Nagpunta na kami ng
bayan. HInatid kami ni Mang Nestor. Halos isang oras din ang byahe. Gubat na gubat
ang dating. Talaga namang siyam siyan pag nilakad mo. Siguro aabtan kami nito
hanggang hapon. Mas nag liwanag na sa akin ang lahat. Nung una ko kasing punta dito
eh gabi kaya naman eh parang nakakatakot. Pero ngayon eh kakaiba. Buhay na buhay
ang kalakalan dito. Malaying malayo sa kababalaghan na namumutawi sa Magnum. Unang
bumaba ng sasakyan si Mrs. Patty dala dala nito ang isang malaking basket. Mukang
nadagdagan yat ang mga pamimilihin niya ahhh. Pabor naman sa side namin dahil mas
matagal rin kami sa bookstore. "Malayo paba dito yung palengke?" tanong ko kay
Patricia pag kababa namin. "Mga isang kilometro pa." sagot niya sa akin. " Ahhhh
sige." Ako lang pala at si Patricia ang sumama. Ayaw ni Goldie good luck na lang
daw sa amin. Nag simula na kaming mag lakad. Wala pa kami sa mismong palengke pero
marami na ang mga vendor na nagtitinda sa gilid ng kalye. Sumenyas na sa akin si
Patricia. bigla na akong kumilos. "ARRRAYYY!" sigaw ko. habang kunyari eh may
nangyari sa paa ko. "O bakit?" tanong ni Mrs. Patty sa kin. "Di kopo alam pero
biglang sumakit yung paa ko." Alibi ko. "Nako sige magpahinga ka muna diyan." Sabi
ni Mrs. patty. "Lika na Patricia." yaya nito. "Ahhhmm. Sasamahan ko po muna si
Jsohua dito." Sabad ni Patricia. "Ganun ba. pano bato?" Sabi niMrs Patty habang
napapakamot ng ulo. "O sige pero babalikan ko kaagad kayo dito ahhh." sabi niya
sabay alis. Sinundan namin ng tingin si Mrs. Patty hanggang mawala ito sa aming
paningin. "Ano joshua Lika na?" sabay kindat sa akin ni Patricia. "Sige" sabi ko
naman. Kumaripas kami ng takbo papunta sa nasabing shop. halos ilipad na kami ng
hangin sa sobrang bilis. "Time check: 28 minutes." sabi ko. Hinihingal pa kami ng
kami ay napapad sa pintuan ng naturang Carlos Vergara Bookshop. Nakalagay pa sa
sign board nito ang kumininang na pangalan ng Bookstore. "Ano pasok na tayo" wika
ni Patricia na tila hinahapo pa ng hingal. "lika na!" sabi ko naman.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.10: Photographs and Memories Mr_Simple09
Dedicated to Mr_Simple09 spinner.gif *BINUKSAN KO ANG UNTI UNTI ANG DOORKNOB* ng
nasabing bookstore. Inikot ko ang doorknob ng pakanan. CLICK! saka naman ito
bumukas. Unit unti ang pagbukas ko sa may pinto. Bling!!! umalingaw ngaw ang bell
pag katama dito ng dulo ng pinto. Imposibleng wala ni isang nakarinig nito mula sa
loob. Ngunit tila walang lumalabas. "Tao po?" pag tawag ko sa loob. Ngunit wala
paring lumalabas. "Patricia dun kamuna sa gilid ng pinto silipin mo kung parating
na si Mrs. Patty." utos ko. Agad naman akong sinunod ni Patricia. Agad siyang
nagpunta sa may pintuan. At sumilip sa gitnang salamin nito. Time check: 27
minutes. Pag tingin ko sa kaing relo. /Secret no. 10: *Photograph and Memories*/. -
- - - - - - - ░ ▒▓▓█D Maliit lang ang Crlos Verra's Bookstore. HIndi ko inaasahan
na ganto lang ito kaliit. Ang ini expect ko kasi ay malaki ito. Kahit mga one
fourth sana ang library namin sa magnum pero I was dissapointed. Eh halos pag
tingin ko sa kaliwa ko eh isang shelves lang libro ang naroon. Siguro mas malaki
lang ito ng banyo namin sa magnum ang sukat nito. Muli ay sumigaw ako sa may
counter. "Tao po nag mamadali po kami!!!" sigaw ko. Habang pinapadyak ko ang aking
paa sa flooring ng nasabing bookstore. Pambihira naman ohh baka mahuli kami!!!! Sa
loob ng counter ay biglang may lumabas na lalaki. Naka mask ito ng itim. Ang lakad
nito sa akin ay paunti unti. Tila para akong naonood ng suspense movie na siya lang
ang hinihintay ko para ako ay saksakin. Huminto siya sa harapan ng counter at
sinabi. "Anong maipag lilingkod ko sa inyo." wika nito sa marahang boses. "N-n-n
nga punta po kami dito para po magtanong kay Ashley???" pautal utal kong sabi.
Tumawa ng malakas ang lalaking naka mask nayon.... "Ha ha ha! ganun ba?" wika nito
sa masayahing boses na. Tinanggal niya ang kanyang maskara at tumambad sa akin ang
aayo niya. Sa palagay ko eh mga 29 years old ito. Na medyo singkit ang mata. Na
super todo ang pag smile. "Pasensiya na at natakot ko kayo. Ako nga pala si Benson
ang apo ni Carlos verra. ang may ari nitong bookstore." nakangiti nitong sabi.
Akala ko eh. Kung ano ng na encounter ko. Muka naman siyang mabait sa palagay ko
kaya naman eh. Sinabi na namin ang aming sadya. "Nadito po kami para mag tanong
kung may pinaiwan po ba dito si Ashey smith??? "Teka ahhh tignan ko lang sa record
namin." wika nito. Habang tinitignan ni Benson ang mga pangalang sa record nila ay
kinamusta ko si Patricia sa may pinto kung ayos siya. Time check: 20 minutes left!
sus ang bilis ng oras. "Ayun!" bulalas ni Benson sa akin. Sumunod ka sa akin. "Sige
po." sagot ko. Binuksan ni benson ang pintuan sa may likod ng counter. Pag silip ko
dito ay may isang hagdanan papunta sa undergroung ng bookstore. Wala akong makita
sa ibaba nito. Puro dilim. Akalain mo nga namn oo may ganto pa pla sa boostore na
to. Muli ay sinenyasan ko si Patricia na nasa pintuan nagbabatay. "Sandalali lang
ko." senyas ko sa kanya. "mag ingat ka!" senyas naman niya sa kin. Mahaba ang
hagdanan na iyon. Napapahawak nalang ako sa pader na nakakapa ko sa kadilian ng
lugar. ang tanging nagbibigay lang sa amin ng liwanag ay ang ilaw na hawak hawak ni
Benson. "Nandito na tayo." wiak niya. Pag dating namin sa baba. "Huh eh wala naman
po akong makita eh." pag rereklamo ko. "Teka lang." wika niya. Nag punta si Benson
kalahating kilometro halos sa kinatatayuan namin at bigla niyang binuksan ang
switch ng ilaw. Agad na lumiwanag sa buong lugar. Isa pala itong malaking kwarto na
ubod ng dami ng libro. ito ay may tig iisang booshelve lang sa bawat pader nito
ngunit ang bawat isa ay natataglay ng taas na halos 9 feet. halos tumingala na ako
sa pinaka dulo ng naaabot ng bookshelve. "Ano nga ulit ang panglan ng kaibigan
nyo?" "Ashey Smith po!'' agad ko namang sagot. Kinuha ni Benson ang isang hagdanan
at inakyat ang nasa gitnang bookshelve. Marahan niyang tinignan ang mga title ng
libro. "Yes ito nga!" bulalas niya. Kinuha niya ang librong iyon at tuluyan ng
bumaba.
"Ashley Smith from Magnum Academy tama ba?" tanong ni Benson sa akin. "Opo yan
nga!!!" excited kong sabi. "Matagal natong binigay ni Ashley dito. Ibigay ko ko raw
to sa nararapat." sabay tingin niya sa akin. Anong nararapat ibig sabihin ba nito
eh. Im the chosen one. Ha ha! parang super hero lang ahhh! Agad na akong pumanik sa
may taas. Habang hawak hawak ko ang libro na iyon sa aking kamay. Ngunit pag taas
ko ay wala na si Patricia. Langya sa na kaya nag punta yun??? *X~X~X* "Patricia
lika na" sigaw ko ngunit walang sumasagot." bigla akong ninerbiyos. Pano kaya kung
si Paricia naman ang nawawala at dinukot. Anong sasabihin kong alibi. Nakoooo! Ng
biglang "Booo!!!" sa likod ko. Langya talaga tong si Patricia ohhh. Nagagawa pang
mag joke sa mga gantong sitwasyon. "Lika na! sabi kosa kanya." Time check 5 minutes
left. Agad kaming kumaripas ng takbo. Halos sa kabilang kanto pa kami pupunta.
Halos 5 minuts din ang layo. Kung tatakbuhn langya oo! Ano to partay patayan. Ano
kaya kug lumipad nalang kami. "Dali Patricia dali!!!" sigaw ko habang tumatakbo. Si
Patricia naman ay mahina sa mga gantong takbuhan talaga nga naman oo!!! baka ma
late pa kami nito. May part pa na himinto so Patricia dahil napapagod na raw siya.
"teka teka!" wika nito na napasandal na sa pader at hinihingal. Ang kamay nito ay
nakahawak na sa dib dib niya. Nako naman ohh anak mayaman kasi. Buti nalang ako
DUKHA!!! sanay sa lakaran at takbuhan. Pag dating namin sa palengke ay buti nalang
eh wala pa si Mrs. Patty siya naman yata ang na late. Umupo ako sa mismong spot
kung san ako ng drama kanina. Si Patricia din ay pumorma na. "Oyyy ano ayos lang
kayo?" wika nito sa amin. Habang hawak hawak ang basket na punong gulay. Kinuha ko
ang naturang basket at gayon din si Patricia. "Aba magaling na ang paa mo
joshua???" pag tatakang tanong nito. "Ayy Oho!' sabi ko naman. "O siya. samahan nyo
pa ako at may bibilihin pa ako sa loob." sabi niya. *X~X~X* Pagdating namin sa
Magnum eh. Agad kaming nag tipon tipon ng grupo sa dulo ng Library. lahat ay
halatang excited sa balitang masasagap namin. Ngunit ano naman kaya ang sikreto ng
librong ito kung saka sakali? Mula sa aking Jacket ay nilabas ko ang librong
binigay sa amin ni Benson. Hindi naman ito kalakihan ngunit may aking kapal. Naka
sealed pa ito ng makapal na masking tape. mukang ayaw sa aming ipabasa. "Ano yan
libro o another diary?" Pabirong tanong ni Michael. "Para siyang book of witch!"
sabi naman ni Patricia. "Oi ahh super duper ang pagod ko diyan ahhh bago namin
makuha yan. Talo ko pa ang sumali sa running sa olympics." Dagdag pa nito.
Nagtawanan ang lahat. At nakalimutan namin na nasa libray pala kami. "SHHHH!" sabay
sabay ng mga tao na nandoon. Tumahimik kaming apat. At pinag patuloy ang pag digest
sa naiiwang clue ni Ashley ang librong ito. Dahan dahan kong tinanggal ang masking
tape ng naturang libro. At dahan dahan ko tong binuksan. Sa unang page nito ay
blanko. Kulay itim lamang. "Nako ahh baka until the end banko nanaman!" wika ni
Goldie. Binuklat ko ulit ang mga pages nito. At nabigla kami dahil sa gitna pala
nito ay parang may naka ukit na sikretong lalagyana. Para bang sinadyang lagyan ito
para malagyan ng gamit. "Ano yan?' tanong ni Patricia. Ang laman nito ay mga
nakataklob na mga litrato. Halos 40 photos din yun. Nang itoy among tignan ng
malapitan ay nagulat ulit kami dahil. Karamihan sa mga litratong ito ay kuha ng mga
muka ni Mr. Gregory. Ang dean ng Magnum Academy!
Magnum Secrets (Completed) Secret no.11: Two of a kind GeishaBlade Dedicated to
GeishaBlade spinner.gif *NAGULAT KAMING LAHAT SA MGA LITRATO* na nagmula sa libro
na binigay samin ni Benson. Nag punta kasi kami sa Crlos Verra's Bookstore para
magtanong tungkol kay Ashley. Ngunit mas malaki pa pala doon ang malalaman namin.
"Patingin nga ako!" wika ni Patricia habang inagaw niya ang ibang mga litrato.
Bakit puro muka to ni Mr. Gregory?" tanong niya sa amin. "Aba malay namin. Kami ba
si Ashley?" pamimilosopo ni Michael. "Heee! I mean may kinalaman ba si Mr. Gregory
dito? Ano siya Reporter nag kukuha ng mga picture?" tanong nito ni Patricia sa
amin. "Maari. Hindi pa natin malinaw kung bakit pero iisa lang ang namumutawi sa
isip ko." Marahan kong sabi. "Ano yun?" tanong naman ni Goldie. "Maaring may
kinalaman si Mr. gregory sa pagkawala ni Ashley." wika ko. /Secret no. 11: *Two of
a kind*/ - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Biglang ng ring ang bell pag katapos namin mag
usap. Kringggggg! Halos hindi naman kami mag kanda ugaga sa pag tago ng mga litrato
sa loob ng libro. "Anong oras naba?" tanong ni Patricia. "Ahmmm mag aalas dos na."
Sagot naman ni Michael. "Oyyy baka nakakalimutan nyo may klase tayo sa english
ngayon." Pag papaalala ni Patricia sa amin. "Ayy oo nga pala! paggulat ni Michael."
Agad na kaming nagpunta sa aming claasroom. kasalukuyan ng nagtatawag ng mga
pangalan si Mr. Hugo ng dumating kami. "Buti naman at may gana pa kayong pumasok sa
klase ko." wika nito habang hindi na yata maipinta ang mukha. "Sorry sir!" sabay
sabay naming sabi. As usual nag bigay si Mr. Hugo ng long quiz sa english. Ngunit
at this time ay madadali nalang. maaaga rin niya kaming pinalabas dahil may
pupuntahan daw siya napaka swerte talaga namin. "Joshua?" sigaw sa kin ni Michael
pag labas namin ng kwarto. "Bakit?" sabi ko naman pag lingon ko sa kanya. Sumenyas
siya sa akin na parang pinapapunta ako sa kwarto namin. Syempre sumenyas naman ako
ng " OO sige!" sabay tingin kunyari sa ibang direksyon. Nauna si Michael sa kwarto
namin. May pinuntahan pa kasi ako at that time. May inutos kasi sa akin si Mrs.
Rizza. (Teacher namin sa Science) na tulungan ko daw siyang mag buhat ng mga libro
niya. Naman naman oo! Ako na ang hari ng utusan. "May pag lilingkod pa po ba ako sa
inyo?" tanong ko kay mrs. Rizza pag baba ko ng mga libro. "Nako iho wala na.
Maraming salamat ahhh!" pag papasalamat niya. "Wala po yun!" nakangiti kong sabi.
Agad akong nag punta sa second floor dahil sigurado ay hinihintay na ako ni Michael
sa kwarto. nang biglang nabunggo ko si Mr. gregory sa may hagdanan. "Arayyy!"
bulalas ko ng nabunggo ko siya. "Ohhhh mag ingat ka!" sabi niya sa kin. Na medyo
masama ang mukha. "Nako sorrry po." pag papaumanhin ko. "Sa susunod ay mag ingat,
wag kang padalos dalos." wika niya sa akin. Sabay pag papatuloy ng pag baba niya sa
hagdanan. Hindi ko masyadong inisip ang sinabi ni Mr. Gregory sa akin. Pero parang
may nais siyang sabihin. sa totoo lang eh medyo natakot ako sa kanya. lalo nat alam
ko na may kinalaman siya sa pag kawala ni Ashley. *X~X~X* Kumatok ako ng tatlong
beses sa kwarto namin. Senyasan namin ito. Na parang code na kung saka sakali na
may pumasok na ibang tao ay alam namin. Sinundan yung dalawang katok naman sa loob
ng kwarto bago ito buksan. "Ang tagal mo naman!" wika ni Michael sabay lock ng
pinto. "May inutos pa kasi si Mrs. Rizza." sagot ko. Pero hindi ko na kinwento ang
pag bunggo namin ni Mr. Gregory sa may hagdanan. Nagulat din ako dahil hindi lang
pala si Michael ang nasa kwarto. Kundi naroon din sila Goldie at Patricia. "Nasan
na yung mga picture?" wika ni Patricia. "teka lang!" sabi ko. Agad kong kinuha ang
drawer ko sa may ilalim ng higaan ko. Mula dito ay nilabas ko ang libro na binigay
ni Benson. "Yan!!!" wiks naman ni Patricia habang binubuksan niya ang libro at
nilalabas ang mga litrato. Hindi pa kasi namin masyadong nakita ang ibang mga
litrato. Dahil narin sa pag ring ng bell kanina. At sabihin na nating time
pressure.
"Guys tignan nyo to." wika ni Patricia. Dun lang namin napanmsin na hindi
lang pala Picture ni Mr. Gregory ang naroon. Kundi picture din ng isang taong
nakaitim. "Sino yan?" tanong ni Goldie sa pagtataka. "Aba malay ko. Puro itim
ehhh." Sagot naman ni Patricia. "Hindi kaya multo yan?" wika naman ni Michael.
"Multo ka dyan? Pagmamataray ni Goldie. May mga litrato rin ng mga lugar. Ngunit
isa lang ang katangi tanging litrato na nagisip kami ng todo. Ang picture ng isang
susian ng susi. "Ano yan?" tanong ulit ni Goldie. "Sa palagay ko eh. Susian ng susi
yan. Kaya lang ang tanong kung saang pinto yan?" pag dadagdag ko. "Nako halos isang
daang pinto pa naman ang narito sa Mgnum alangan namang tignan natin lahat yon.
Nako sigurado aabutan tayo ng siyam siyam." wika ni Michael. Mariin kong tinignan
ang lahat ng litrato ng may napansin pa akong iba. "Guys tignan ninyo. Ilan ba ang
camera ni ashley?" seryoso kong tanong. "Ang alam ko eh. Isa lang." sagot naman ni
Patricia. "Pero bakit ganun parang dalawang camera ang ginamit. Yung isa eh may
date tapos yung iba ay wala." pag sasalaysay ko. "Oo nga no?" pag sang ayon nila sa
akin. Kung ganun eh. Isa pa ang nabuo ko sa isipan ko. Hindi lang si ashley ang
kumuha ng mga litratong iyon. Kung hindi dalawa sila. Ang tanong sino pa yung isa?
Magnum Secrets (Completed) Secret no.12: The New Mate msInfinity Dedicated to
msInfinity spinner.gif *PARANG MAS LALO KAMING NAGULUHAN* sa mga impormasyong
nasagap namin sa mga litratong iyon. Una ang mga picture ni Mr. Gregory, Ano yun
may kinalaman ba talaga siya sa pagkawala ni Ashley o baka may iba pa siyang
sikreto. Sunod ang picture ng susian nayon. Ang hirap kayang isa isahin ang mga
pintuan dito. Pano pa kaya kung ang hinahanap naming susian ay yung pintuang bawal
namin puntahan. At ang pangatlo kung bakit may date yung ibang picture. Samantalang
wala naman yung iba. Tama kaya ang aking sipantaha na may ka partner si Ashley sa
pag kuha ng mga litrato? Nakakalat ang mga litrato sa sahig. Para mas ma eksamin
namin ito ng mabuti ng biglang mag yabag kaming narinig. "sino yun?" wikan ni
Goldie. "Shhhh! Sabi nmaan ni Patricia. Agad akong ng volunteer. Nag punta ako sa
harapan ng pinto para tignan ang tao na naroon. Dahan dahan kong binuksan ang
doorknob ng pinto ng walang ingay. Habang binubuksan ko ito ay nakita ko sa may
siwang ng pintuan na tila may tao. Kaya naman eh mas lalo akong na excite na buksan
ito. "CLICK!" tunog ng pintuan na ang ibig sabihin ay bukas na ito. Hanggang walang
habas kong biglang binuksan ang pintuan. /Secret no.12: *The New Mate*/ - - - - - -
- - ░ ▒▓▓█D Agad kong binuksan ang pintuan. Ngunit nakatunog yata ito at biglang
tumakbo. Bigla ko itong hinabol. Nakita kopa ang paa nito na nasa dulo na ng
mahabang corridor ng nakita ko. "Tigil!" sigaw ko sa kanya. Ngunit hindi niya ako
pinakinggan takbo parin siya ng takbo. Hanggang pag kaliwa ko ay bigla kong
nabangga si Rupert na may dala dalang mga bola ng basketball. "Aray" bulalas nito.
ang mga bola ng basketball na hawak niya ay nag kagulong gulong sa may hagdanan.
"Pasensya na!" pag papaumanhin ko. "Bakit naman kasi. Tumtakbo ka?" wika niya
habang napapahawak sa tagiliran nito. Napalakas yata ang pag bunggo ko. "May
hinahabol lang ako na tao." Pag sasalay say ko. "Sinong tao?" Tanong niya sa akin.
Ngunit syempre muli ay hindi ko nalang inilaborate kay Rupert ang nangyari. Ang
tanging nasabi ko ay ." hayaan mo nayon. Wala yon." Agad akong bumalik sa may
kwarto. Lahat sila ay excited kung sino ang sumisilip nayon. "Oi Joshua sino yun?"
Tanong agad sa akin ni Patricia. "wala di ko naabutan!" Agad kong sagot. "Sino kaya
yun?" wika naman ni Rupert habang inaayos ang salamain niya sa mata. "Basta guys.
Simula ngayon ay todo ingat na tayo." Paalala ko nalang sa kanila. Dahil ngayon ay
patindi na ng patindi ang mga nangyayayri dito. kaya dapat eh doble ang pag iingat.
*X~X~X* Pag punta namin sa aming Filipino class ay ginulat kami ng isang balita.
Mag kakaroon daw kami ng play. At ang gagawin namin ay ang Florante at Laura.
Punyemas mapapasabak na naman ako sa actinga nito ahhh. Wala pa naman akong ka
gusto gusto sa mga gantong gawain. Si Mrs. Agustin ang pumili na sa tingin niya daw
ay swak na swak sa mga tauhan. At ang inyong lingkod ang napiling Florante. at Si
Patricia naman ay ang Laura. Punyamas ohhhh! Bibigyan kami ni Mrs. Agustin ng mga
photo copy ng mga dialog. Dyos por miyo! "Laura Laura ang aking iniirog!" wika ko
na sa medyo napalakas na boses. "Joshua lambutan mo naman." wika ni Mirs. Agustin.
"Opo!" saaby kamit sa ulo. Nag tawanan ang buong klase. langya naman ohhh.
Napasabak nanaman ako. Natapos na ang practise namin ng bigla koiang puntahan ni
Patricia. "O bakit mang aasar ka?" wika ko na naka busangot ang mukha. "Hindi.
Gusto mo turuan kita sa acting mag practise tayo mamaya." wika niya sa akin. Nung
una eh medyo nahihiya pa ako. Pero omoo narin ako dahil. Para din naman sa grade ko
ito. Nagpunta ako sa rooftop ng school. Eksaktong alas singko ng hapon. Hindi na
masyadong mainit non at mahangin kaya naman eh mas magandang mag practise pag
gantong oras. "Ganto lang yan. Kailangan ay lambutan mo nag dila mo." wika niya.
"Pano? Ganto ba? Laura Laura aking iniirog!" sa malumanay na boses.
"Pwede narin pero medyo matigas pa ng konti." wika niya. Hinawakan ni patricia ang
mga labi kotkunyari eh minamasahe niya para daw mag responce ang mga mussle ko sa
bibig at mabigkas ko ang mga letrsa ng malumanay. Habang ghinagawa niya yon ay
napatingin ako sa mga mata niya. Mas maganda pala si Patricia ng malapitan.
Nakakahalina. "O bakit?" wika niya na medyo na awkward din yata sa kin. "Nako
wala!" sabi ko naman. Agad ni Patricia na tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. At
tumalikod. "Lika na sa baba. Bukas na ulit tayo mag patuloy." wika niya. "O sige!"
sabi ko naman. Dahan dahan kaming bumaba. habang bumababa kami ay tinitignan ko si
Patricia. Para itong napipi. Hindi nag sasalita. Ewan ko ba kung anong nagawa ko.
"Patricia okey ka lang?" tanong ko sa kanya. "Huh? oo nman!" agad niyang sabi. Nag
nasa baba na kami ay bigla naman kaming binungad ni Mr. Gregory. Agad kaming
gumalang sa kanya. Niyuko namin ang aming ulo. "Ano hong meron?" Tanong ni
Patricia. "May darating." Sagot ni Mr Gregory. Wala pang isang minuto ng biglang
may dumating na kotse. Magara ito. Halos pang mayaman ang style. Unti unti ay
bumukas ang pintuan nito at may lumabas na isang babae. Hinintay namin ni Patricia
kung sino ang babaeng ito. Hanggang nasilayan namin ang kanyang buong itsura. Unti
unti siyang lumapit sa may pintuan ng Magnun Dorm. At biglang sinabo ni Mr.
Gregory. Welcome po sa aming Dorm. Ms. Candice.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.13: The Warning YojIrahs Dedicated to YojIrahs
spinner.gif *NAMULAT AKO SA ISANG MADILIM NA PALIGID*. Wala akong makita. Puro
dilim ang nababanaag ng mata ko. Teka nasan bako? Wika ko sa aking isipan.
Natatakot man ako ngunit pinagpatuloy ko nalang ang pag kapa sa dilim. Hanggang
nakapa ko ang isang pintuan. Alam ko iyon dahil nakapa korin ang mismong doorknob
nito. Teka teka nasan ba talaga ako? At pano ako napunta sa lugar na ito. Mga
katanungan sa isip ko ng mga puntong iyon. Napalunok ako. Gusto kong buksan ang
pintuan nayon ngunit tila naka lock ito. Naramdaman ko ang butas ng susian.
Kinalikot ko ito ng aking hintuturo. Pagtangal ko ng aking daliri mula sa butas
nito ay biglang may nagsindi ng ilaw. Sinilip ko ito mula sa butas. Isang babae na
naka school uniform ang naaninag ko mula sa butas ng susian. "Sino ka?" Tanong ko
sa babae. Ngunit bigla siyang tumakbo. Nawala ang babae ngunit iniwan niya ang
binuksan niyang kandila sa loob ng kwartong iyon. Pinagmasdan ko ang buog kwarto.
Medyo madilim ang loob at diko maaninag masyado. Pinagmamasdan kopa ang iabang
lugar ng kwarto nang biglang sumilip din ang naturang babae mula sa butas ng
susian. /Secret no.13: *The Warning */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D "Pare gising!!!" Wika
ni Michael sakin na nagaalala na. Bigla akong bumangon. Kahit na panaginip lang ang
lahat ay namumutawi parin sa akin ang mata ng babaeng yon. Nanlilisik ito na tila
galit na galit. "Pare nanaginip ka nanaman?" Wika ni Micahel na nagising ko yata.
"Pasensya na pare kasi naman sobrang nakakatakot yung panaginip ko." Wika ko.
"Tungkol saan naman to this time?" Tanong niya. "Tungkol sa isang pintuan tapos
isang babaeng nakakatakot." Wika ko habang hinihingal pa. "Pare chill ka lang."
Wika ni Michael habang hinihimas ang likod ko. 10 o'clock sa library. Nagtipon
tipon ulit kami. As usaul sa dulo nanaman kami kung saan eh kami kami lang ang
pwedeng mag usap. wala ng iba. "Joshua ano yan?" Tanong ni Patricia habang
nilalabas ko ang sketch ng pintuan sa panaginip ko. "Eto yung napaginipan ko." Wika
ko. "Familiar ba sa inyo ang susian na to?" Tanong ko naman sa kanila. Kinuha ni
Goldie ang naturang sketch pinag masdan niyang maigi at kinarkula kung nakita
naniya ito. "Alam niyo guys parang katulad siyang susian sa may attic?" Wika ni
Goldie. "Patingin nga!" Sabay agaw naman ni MIchel. "Oo nga no? Di kaya eto rin
yung sa may picture???" Dagdag pa nito. Mula sa mag litrato na nakuha namin sa
Carlos Verras Bokstore ay kinumpara namin ang sketch ko at ang litrato ng susian.
At tumpak hawig nga ang dalawa. Medyo pangit nga lang at parang drawing ng bata ang
guhit ko. Pero 90 percent na kamuka. "See?" Sabi ni Patricia. "So ang pintuan pala
na hinahanap natin ay yung sa attic?" Wika ni Goldie. "Tumpak!" Sabi ko naman. Sa
malalimang pag uusap namin mula sa pintuan ng attic ay hindi namin alam na may tao
pala sa liko ng bookshelve kung nasan kami naroon. Bigla itong tinuro ng nguso ni
Patricia. Paa lamang ang makikita namin sa may maliit na siwang ng baba. Tila
nakikinig ito sa bawat kataga na binibigkas namin. Agad si Michael kumilos. Dahan
dahan siyang gumalaw at nag puntang kabilang bookshelve upang tignan kung sino
iyon. Hanggang nagulat ang babae. "Oiii!" Wika ni Michael. Nagulat ang naturang
babae. Nabitawan niya ang hawak hawak niyang libro sa sobrang gulat. Umalingaw ngaw
mula sa buong library ang ingay. "Sino ka?" Tanong ni MIchael dito. "I'm Candice."
Tanging sabi nito sabay alis. Bumalik agad si MIchael mula sa pwesto namin. Halata
ang pagka curious nito sa muka. "Anong nangyari. Mukang may nahulog dun ahh?"
Tanong ko. "Bago atang student ehhh Candice ang pangalan." Wika ni Michael.
"Candice??? Ahhh baka yung nakita namin ni Patricia kahapon." Sabi ko naman. "Yung
mahaba yung buhok na medyo wavy tapos may suot lagi na ribbon???" Dagdag ni
Patricia. "Yun nga tumpak!" Sabi naman ni Michael. "Alam nyo guys medyo nawe
werduhan ako sa kanya sa totoo lang." Sabad naman ni Goldie.
"Bakit naman?" tanong ni Patricia. "Basta na bivibes ko na may tinatago siyang
something." Wika ni Goldie habang nililigpit niya ang gamit. "So pano guys. Kylan
natin pupuntahan ang attic?" Tanong ko naman sa pagka excited. "Maya na natin guys
yan pag usapan pag katapos ng practise natin sa ating play." Wika ni Patricia.
"Okey!" Sabi ko naman na sobra ang ngiti. Agad na kaming nagpunta ng auditorium.
Dito raw gusto ni Ma'am na mag practise ngayon para mas feel na feel daw namin ang
presence ng mga character. Wala pa si Ma'am nung nagpunta kami. Kaya umupo muna
kami sa mga upuan na nandoon. Malaki nag buong auditorium. Dito kasi ginaganap ang
mga seremony katulad ng Magnum annual award at Graduation Ceremony. Agad nang
pumasok si Ma'am Agustin. Maganda ang mga ngiti nito. Mukang hindi siya masyadong
mag susungit nagong araw sa amin. Nako buti naman. Agad na kaming pumwesto nauna si
Patricia sa gitna. "Okey Patricia ganyan nga with attitude!" Wika naman ni Ma'am.
Habang nag eenternalize si Patricia sa gitna ng stage ay tila may nakita akong
nakasilip sa may pintuan ng auditorium. Gusto ko itong sabihin sa iba ngunit. Its
not a big deal sabi ko sa sarili ko. Tinuon ko nalang ulit ang sarili ko sa pag
papractice namin. Going smooth naman ang lahat. Medyo magaling nadaw kami sabi ni
Ma'am. Syempe ng practise kaya kami ni Patrica sa rooftop ng ilang beses na nakaya
naman eh kahit papano eh nahasa na ang skill ko sa acting. Matapos ng isang oras ay
nagtawag ng break si Ma'am. Ang iba ay lumabas muna ng auditorium para umihi. Pero
ang iba ay ng stay ng stage para makapag pahinga kasama na kami don. "Ang galing mo
na ahhh!" Sabi sakin ni Patricia ng pabigla bigla. "Sus bola!" sagot ko. "HIndi nga
mas maqling kana kaysa nung sa una nating practise. Talagang na iinternalise mo na
si Florante." Wika nito. "Salamat! Ikaw rin magaling." Sabi ko. Sabay ngiti. "I
know!" Walang kahiya hiyang wika ni Patricia. Sabay tawa. Naka salampak lang kami
sa may stage habang kamiy nag uusap. Hanggang napatingin ako sa taas. Tila
gumagalaw ang stage light na nasa itaas. Nakalambitin lang ito kasama ng iba pang
wire. Pero hindi ko lang ito pinansin. Sige parin kami sa tawanan at pag uusap ni
Patricia. Hanggang may narinig kaming ingay na tunog.
IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!! na ubod ng lakas parang isang malakas na
tinig na nilagay sa microphone. Hananggang muli ay napatingin ako sa taas. Mula sa
kinauupuan namin ay biglang nalaglag ang isa sa mga stage light. Bigla kong niyakap
si Patricia. Pinagulong gulong ko siya hanggang mahulog kami kapwa sa dulo ng
stage. Wasak ang stage light nayon. Nagmarka rin sa naturang stage ang pinsala ng
pag kabgsak nito. Parang siguradong patay kaming dalawa ni Patricia pag kami ay
tuluyang natamaan. Agad na nag kagulo. Biglang nag sidatingan ang mga tao sa
auditorium. "Anong nangyari?" Wika ni Mr. Gregory pag dating niya. Agad na may
inialis ang basag na stage light. At dahil sa pangyayaring ityon ay ma dedelay ang
aming stage play dahil nga sa nasirang stage. Hindi na kami pinag klase pag katapos
ng insedenteng yon. Halos nadamay ang aming buong section sa pangyayari. Pinapunta
muna kami sa aming mga silid. Habang iniimbistigahan daw ang mga pangyayari.
Nagpunta na ako sa kwarto ko. Agad naman akong pinuntahan ng grupo. Parang lahat eh
makikichismis sa akin. "Ohh anong meron?" Pag tataka ko. "Oii musta kayo?" Sabi
nman ni Goldie. HIndi kami nakalapit sa inyo kanina eh ang daming tao!" Pagdadagdag
pa nito. "Ayos naman kami." Sabi ko. "Diba Patricia???" Tanong ko sa kanya. "Oo
naman. Salamat pala kanina ahh. Kung hindi dahil sayo patay na tayo ngayon." Wika
niya sa malumanay na boses. "Nako wala yun." Sabi ko naman. " Pero alam niyo parang
may nakita akong sumilip kanina sa auditorium eh. Habang ng paparactise tayo."
Pagsasalaysay ko. "HUh sino?" Tanong naman ni Patricia. "Yan ang hindi ko alam pero
parang babae?" Wika ko ulit. "So ibig sabihin ay may kinalaman itong babaeng ito sa
pagbagsak ng stage light???" Pag dagdag ni MIchael.
"Muka???" Sabi ko. "HIndi kaya warning yun sa atin?" Sabi naman ni Goldie.
"Anong warning saan? Eh wala naman sa ating nakarinig ahhh???" Sagot ni Patricia.
Nanahimik kami sandali at nag isip. "Teka teka guys! Sa palagay ko ay meron." Wika
ko. sabay tingin ko kay MIchael. "O bakit ganya ka makatingin s akin." Wika ni
MIchael. "Sino ba ang nakikinig sa usapan natin kanina? Walang iba kundi si
Candice." Sa pabulong kong boses.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.14: Alone in the Dark Karderians
Dedicated to Karderians spinner.gif *MAAGANG NAGISING ANG LAHAT*. Lahat ay nag
tipon tipon kaagad sa paborito naming hang out pag umaga. Sa kusina. Lahat ay
excited kung ano ang niluto ni Mrs. Patty sa amin ngayong umaga. Wala pa siya
ngunit kung ano ano na ang hinuhula ng barkada. "Ahhhhm sa tingin ko itallian
spaghetti yan." Hula ni Goldie. "I think. Hotdog, bacon tapos with fresh milk."
Hula naman ni Patricia. "Panong hotdog, bacon tapos with fresh milk? Eh yun ang
pagkain natin kahapon." pagsasagi ni Michael. "Ikaw Joshua anong sa tingin mo?"
Biglang tanong sa akin ni Michael. Nakatinign lang ako sa may bintana at
natutulala. Hindi dahil sa apgngyayari kahapon, kundi sa hindi pag tuloy na
magpunta kaming attic. Ano nalang kaya kung ako nalang mag isa? Sagi ko sa aking
isipan. Nang bigla akong gulatin sa tanong na yon. "Ahhh tuyo, kamatis saka tilog
na pula." Biglaan kong sagot. Bigla silang nagtawan ng malakas. Hindi ko alam kung
nag iinis o talagang sinadya? "Joshua joke ba yun?" Tanong sakin ni Goldie. "Hindi"
Sabi ko sa Normal na mukha. /Secret no.14: *Alone in the Dark */* *- - - - - - - -
░ ▒▓▓█D /* */ Sa totoo nyan eh namimis ko na ang ganong ulam pag umaga. Sabayan pa
ng mainit na garlic rice tapos matapang na kape. Yun kaya ang inuulam ko lagi!
Kailangan ko kasi ng lakas bago ako pumasok sa pinagtrabahuhan kong computer shop
noon. Saka isa pa yun lang yung kaya ng budget namin. Palibhasa tong mga to mga
RICH. Biglang nanahimik ang lahat. Babanat pa sana si MIchael ng linya niya ng
biglang dumatin si Mrs. Patty. Mula samag akamay nito ay may daladala itong isang
malaking kaldero. "Okey handa naba ang lahat sa umagang ito?" Tanong niya sa amin.
"Opo!" Halos wika naman namin ng sabay sabay. Binuksan ni Mrs. Patty ang kaldero at
umalingasaw ang niluto niyang Italian spaghetti. "Wow ako ang winner!" Sigaw ni
Goldie. Habang tumataas pa ang kamay. Lahat na ay handa na para kumain ng pinigilan
naman kami ni Mrs. Patty. "Oppsss teka lang. Bago kayo kumain ay may bago kayong
makakasama ngayong araw nato." Pagpapatuloy niya. "Iha pasok kana dito. Mula sa
sala ay biglang lumabas si Candice. Super ngiti ang muka nito na parang nakakaloko.
"Hi!" Tanging nasabi nito. Habang winewave pa niya ang kanyang kanang kamay. "Ohh
dito ka. Wika ko sa kanya. Habang inoffer ko sa kanya ang dating upuan ni Ashley.
"HIndi. hindi pwede. Wika ni Goldie. Na todo ang pag simangot. "Goldie???" Pagsaway
naman ni Patricia sa kaibigan habang nilalakihan nito ng mata. "Sige okey lang ako
kukuha nalang ako ng upuan." Sa mahimag boses ni Candice. Kumuha si Candice ng
upuan buhat sa may sala. Pagkaupong pagka upo nito ay inalok naman siya kaagad ng
plato at kobyertos ni Michael. Nakangiting kinuha nito ni Candice at nagpasalamat.
Tahimik lang ang lahat habang kumakain. Tila lahat ay napipi at ayaw magsalita.
"Guys okey lang kayo?" Tanong ko. Susubo na si Candice ng biglang tumayo si Goldie.
Nabigla kaming lahat dahil okey naman siya kanina. Teka teka! Mukang may naaamoy
ako dito ahh? "Guys mauna nako." Paalam niya sa amin. "Hey whats wrong?" Tanong
naman ni Patricia. "Wala." Mataray na sagot ni Goldie sabay alis. Hindi ko talaga
maintindihan si Goldie. Dahil ba kay Candice kung bakit siya nag kakaganun? "Nako
sige pagpatuloy mo lang ang pag kain mo. Wag mong intindihin yun. baka meron? He
he!" Pagbibiro ni Michael kay Candice. *X~X~X* Pumasok na kaming klase pag katapos
ng nangyaring yun kanina. At dahil hindi kami natuloy sa aming gagawin sa may play
eh. Long test ang ipinalit. Langya wish ko lang na mataas ang nakuha ko don. At eto
pa Essay!!! Punyemas naman talaga oo. Pagkatapos ng klase namin ay napansin kong
nag isa si Candice sa may Garden ng school. Napaka wierd talaga nitong babaeng to.
Biruin nyo nakahiga lang siya dun mag isa. I wonder kung anong nasa isip niya?
Papapunta na sana akong dorm ng mga oras nayon ng bigla kong naisip na puntahan
siya. Dahil hindi ako naawa sa kanya. Kundi para maging kaibigan siya. "Hi!' Bati
ko. Pagkatapos kong lumapit. Nakataas ang kamay niya sa kanyang ulo prenteng
prenteng dinadama ang hampas ng hangin sa kanyang buong katawan. "Oii Joshua? Tama
ba?" Tanong niya sa akin. "Oo tama. Bakit ikaw lang ang nandito?" Tanong ko naman
sa kanya. "Wala lang. Sanay nako na ako lang mag isa." Wika niya na halatang
malungkot. "Ikaw bakit ka nandito?" Biglang tanong naman niya sa akin. "Ahhhh wala
lang gusto ko lang." Pag aakila ko. Tumabi ako kay Candice. Dahan dahan rin akong
yumuko at unti unting umupo sa damuhan. "Ahhmm Candice pag pasensiyahn mo si Goldie
kanina ahhh." Wika ko habang nakatingin kunyari sa malayo. "Ahh wala yun.
Naiintindihan ko siya." Sagot naman ni Candice. "Mabait naman yun eh. Medyo
masungit lang sa mga bago." Sabi ko. "Bakit siya lang ba ng nawalan ng kaibigan."
Bulong nito. "Huh???" Pagkagulat ko. "Ahmm wala." Bigla niyang sabi. "O sige alis
nako. Salamat sa time." Wika niya sabay alis. Napaka weird niya sa totoo lang. Pero
sa palgay ko ay may tinatagong lihim tong si Candice eh? Hindi ako mapakali pag
dating ng gabi. Ewan ko ba pero gusto ko na talagang magpuntang attic. Nangangati
na ang kamay ko at mga paa. Super excited nako kung ano ba talaga ang hiwagang
handog ng secret place nayon. Kung bakit pa kasi nangyari ang lahat ng yun sa
auditorum eh kaya yun nabago ang plano. Pinagpaliban muna ng grupo ang pag punta sa
may attic. Tinignan ko ang aking relo. Alas dose na. Kung aalis ako gayon eh tiyak
makakabalik ako nito ng eksakto isang oras kung papalarin. Teka ano nga ba ang
kakailanganin ko? Isang mini flashlight, At hair clip na hiningi ko kay Patricia.
Unti unti akong bumangon sa may kama. Kinakabahan man ako dahil ako lang mag isa
ang pupuntang attic pero nandito nato eh. Kung hindi ngayon eh kaylan pa?
Kasalukuyang naglalakad na ako sa gitna ng pasilyo. Tanging nag hawak hawak sa
kamay ay isang maliit na flashlight upang ilawan ang aking daraanan. Buti nalang
kanina eh hindi nagising si Michael pag labas ko ng kwarto. Mantika kasi matulog
eh. Siguro ma leletchon yun ng buhay pag may sunog? He he. Madilim na ang buong
pasilyo. Ibang iba ito sa palagi kong nakikita pag nagpupunta akong kwarto. Sa
ngayon eh puro dilim para akong naglalakad sa gitna ng gubat tapos walang kahit
ano. Pitch black. Pero sa pagkakataong ito ay kailangan kong itago ang aking takot.
At ilabas ang katapangan. Pakaliwa na ko ng pasilyo ng bigla akong may narinig na
yapak. Bigla akong tumingin sa aking likuran. Tinuon ko dun ang ikaw ng dala dala
kong maliit na flashlight Pero wala akong nakitang tao. Siguro guni guni ko lang
yon. Sabi ko sa likod ng aking isipan. Nagpatuloy parin ako sa pag lalakad ng
narinig ko ulit ang yapak ng paa. Pero this time eh hindi na ako pwedeng magkamali.
Talagang may sunusunod sa likuran ko! Takot man ako. Pero unti unti akong naglakad
papabalik. "Sino yan?" Tanong ko habang mabagal na naglalakad. "Magpakita ka."
Pabulong kong sabi. Pagbaling ko ng tingin sa kabilang banda ay nakita ko ang isang
pamilyar na babae. Tinatakpan niya ang kanyang mukha ta tila nasisilaw sa liwanag
ng flashlight. "Sino ka?" Ulit kong tanong sa kanya. Unti unti niyang tinanggala ng
kamay sa kanyang mukah at diretchong tumingin sa akin. "Ako to Joshua si Candice."
Wika niya.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.15: The Attic yowchielotxD Dedicated to
yowchielotxD spinner.gif *INILAWAN KONG MULI ANG MUKA NI CANDICE*. Hindi kasi ako
makapaniwala na siya ay nandirito sa gantong oras ng gabi. Ano kayang ginagawa
nitong babae na ito? Sinusundan niya kaya ako? "Candice? Bakit ka nandito?" Sa
gulat kong tanong pero pabulong. "Shhhss! Wag kang maingay. Bababa sana ako ng
nakita ko ang ilaw ng flashlight mo." Alibi niya. Pero syempre sino bang
mapapaniwala niya sa mga pinagsasabi niya? Lelang niyang panot! Magtatangka na
akong bumalik sa kwarto ko. Hindi ko na siya ulit na kinausap at agad na tumalikod
na sa kanya. Dahan dahan naglakad na ako pabalik ng bigla naman niyang hawakan ang
braso ko. "Joshua saglit." Wika niya sa normal na boses. /Secret no.15: *The*
*Attic */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D /* */ Tinignan ko ang muka ni Candice. Parang may
iba pa siyang gustong sabihin at ipahiwatig sa mga kakaiba niyang mga tingin sa
akin. Tanging dilim lang ang nababalot sa aming mga paligid ng mga oras nayon.
kalahati lang ng muka naming dalawa ang naiilawan ng dala kong maliit na
flashlight. "Bakit?" Tanong ko. "Ahmmm." Wika niya. Tila may sasabihin siya sa
aking mahalaga. "Kung wala eh aalis na ako. Baka mahuli pa tayong dalawa rito. Lika
na" Yaya ko. Tatalikod na ako ng muli siyang nagsalita. "May alam ako sa pagkawala
ni Ashley." Wika niya ng pabulong. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang
narinig ko o imagination lang dahil sa mga past fewdays na nangyari? Mula akong
humarap sa kanya. At muli ay pinaulit ang kanyang sinabi. "Ano? Pakiuit?" Tanong
ko. "May alam ako sa pagkawala ni Ashley." Wika niya ng pabulong ulit. "Pa-pa-
panong???" Pautal utal kong sabi. "Basta mahabang kwento. Ngayon alam mo na kung
sino ako eh. Anong ginagawa mo rito?" tanong naman niya sa akin. "Wala basta
babalik na ako sa kwarto ko." Sabi ko. "Joshua wag kanag mag akila pupunta kang
attic no?" Wika nito ng nakangiti. "Huh! pano mo nalaman?" Sa nagulat kong tanong.
Habang naka tayo kami sa gilid ng mahabang pasilyong yon ay biglang may dumating na
isang nakaitim na lalaki. Alam namin yung dahil meron siyang dalang lampara. Bigla
naming pinatay ang dala kong maliit na flashlight. Naka hood ang lalaking ito. Ang
kanyang damit ay parang mga suot nila Harry Potter. Ang hahaba. Kulang nalang eh
walis tambo tapos pwede na silang lumipad sa pamamagitan nun he he. Tumahimik kami
ni Candice. Halos hindi na kami humihinga. Sa palagay kasi namin ay maaring
maramdaman kami nito kahit na nasa dilim na kami. Normal ang paglalakad nito sa
pasilyo. Maliit lang ang liwanang ng dala niyang lampara kaya naman eh konti lang
din ang espasyo na naiilawan nito. Halos isang dipa nalang ang layo nito sa amin ng
bigla itong tumigil. Tila ay nararamdaman niya kami. Palingun lingon ito sa kanyang
likuran at hinahanap kung may tao. Agad kaming naglakad papalayo ng bigla namang
natabig ni Candice ang isa sa mga boorknob ng mga pintong naroon. Nag gawa ito ng
maliit na ingay ngunit parang nakuha nito ang atensiyon ng lalaking naka hood. Unti
unti na siyang papalapit sa pwesto namin ng dahan dahan. Pilit na kinakarkula nito
ang kanyang pag hakbang. Ngunit ang hindi niya alam eh nakikita namin siya. "Anong
ggaawin natin?" Tanong ni Candice sa akin. "Di ko alam?" Bulong ko. Nang bigla
nanaman akong nakaisip ng ideya. Bigla kong hinagis ang paper clip na hawak hawak
ko. Mula sa kadiliman ay Inihagis ko ito ng super layo sa hindi na kami masusundan
ng lalaking ito. TIng!!! Tumunog ito ng malakas. Nahulog ang papaer clip sa may
hagdaan. HIndi ko rin alam kung saan ito nahulog basta ang alam ko eh magiging safe
na kami in a matter of minutes. Bigla itong sinundan ng naka hood. Ahad siyang
bumaba sa may hagdanan ng dorm. Pagka babang pagka baba niya ay bigla ko namang
hinila si Candice papaunta ng attic. Pinatanggal ko ang sapatos niya para kahit na
tumakbo kami ng mabilis ay walang ingay. Wala kaming karipas ng kakatakbo hanggang
masilayan namin ang hagdanan papuntang attic.
Saglit akong huminto. Halos hindi naman makalabas ang mga pawis ko sa sobrag tense.
Teka sino kaya yung lalaki kanina? Ang wierd ahhhh! Wika ko sa aking isipan habang
nakabend ang katawan ko at nakahawak sa aking tuhod. "So whats next?" Wika ni
Candice sa hinihingal din na boses. "Sa ngayon eh safe na tayo. Basta isasama na
lang kita sa mission ko ngayon." Sabi ko. "Yesss! GUsto ko yan!!! Dali!" Wika ni
Candice na halata sa boses ang pagka excite. Dali dali na kaming pumunta ng pintuan
ng attic. Inilawan ko ang susian nito. At tumpak ito nga ang nasa litrato. Walang
pinag iba. "Kaya lang eh may problema tayo." Sa mahina kong boses. "Ano yun?"
Biglaang tanong naman ni Candice. "Yung hair clip binato ko kanina para makatakas.
Hindi ko na mabubuksan yung susian ng attic." Pagsasalaysay ko. "Teka ahh." sabi ni
Candice. Mula sa kanyang bulsa ay kinuha niya ang isang mamahaling ballpen at mula
sa takip nito ay tinanggal niya ang metal clip nito. Sabay ibinigay sa akin. "O yan
pwede naba yan?" Tanong niya. "Ang talino mo? hindi kaba magnanakaw dati?" Sa
pabiro ko ng tanong. "Oii hindi no!!!" Nababasa ko lang yan sa mga detective na
libre. O sige lika na!" Sabay hawi ng kamay niya at turo sa may susian. Pinasok ko
ang dulo ng metal clip sa butas ng pintuan. Inikot ikot ko lang ito kagaya ng
palagi kong ginagawa sa bahay namin pag sinisiraduhan ako ni Nanay. Clikk! Tumunog
ang bukasan ng susi. Ibig sabihin eh bumukas na. Dahan dahan kong binuksan ang
pinto ng attic. kitang kita ko naman sa muka ni Candice ang sobrang exitement.
Binuksan ko ang ilaw ng flashlight pag pasok namin. Amoy nabasang papel at lumang
mga libro ang simoy ng hangin sa attic. Nakakabingi. Parang kulungan. Puro sirang
mga gamit ang iyong makikita sa loob. May mga malalaking painting. Antic na upuan
at lamesa at kung ano ano pa. "Joshua tignan moto ohh?" Wika ni Candice. Isang
painting ng isang mag asawa ang tinanggalan niya ng balot. Halos maraming alikabok
ang panay na nagsasayawan sa hangin. "Sino yan?" Wika ko habang napapaubo. "Ewan ko
siguro sila yung may ari ng school nato." Sabi ni Candice. Isang balbas saradong
lalaki ang nakatayo sa painting. Nakakatakot ang mga mata nito at parang nakatingi
sa akin kahit san man ako lumingon. Habang katabi naman niya sa loob ng painting
ang isang magandang babae. Malumanay ang mga tingin nito na kabaliktaran naman ng
katabi niyang balbas saradong lalaki. "Mr. and Mrs Magnum." Malumanay na basa ni
Candice sa baba ng painting. Pagkatapos nun ay naglibot pa kami sa loob. Hindi ko
akalain na medyo malaki ang attic. Pagbukas ko kasi ng pintuan ay parang maliit
lang ito. Naging Optical illution lang pala ang pagiging maliit nito dahil narin sa
dami ng gamit na nakaimbak rito. Sa kabilang banda si Candice naghahnap ng clue.
Pinahagian ko na kasi sa kanya ang misyon ko para mag ka idea siya kung ano ang
hahanapin niya kung saka sakali. "May nahanap ka naba?" Tanong ko sa kanya. "Wala
pa eh..." Sagot naman sa akin ni Candice. Nang biglang pagbaling ko ng flashlight
sa isang parte ng attic ay biglang may umilaw. Ano kaya yun. Wika ko sa aking
isipan. Agad ko itong pinuntahan. Sinuyod ang mga gamit na naroon at tinignan kung
ano nga ba ang umuiilaw nayon. Isa palang itong square ng metal na lalagyanan. Sa
likod nito ay may nakaulit na letter A. Posible kayang A stand for Ashley. Ahhh
basta itatago ko nalang. Halos kalahating oras din ang aming paghahanap. Pero yun
lang ang katangi tangi kong nakita. Napatingin din ako sa aking relo at alas dos
nan g umaga!!! PATAY!!! kaya naman eh napag desisyonan na namin na bumalik na sa
aming kwarto. * X~X~X* Kinabukasan ay nag pulong agad kami sa may dulo ng library.
Puyat man ako pero kaya ko to. Ako pa eh sanay ako ako sa mga puyatan na bagay. "So
What is this for?" Tanong sa akin ni Goldie. "Guys. May pagtatapat ako sa inyo."
Sabi ko.
"Ano yun. Joshua?" Tanong naman ni Michael. "Wait wag mong sabihing kayo na ni
Patricia?" Pabirong sabi ni Goldie. "Nako hindi pa po. Este hindi po." Sa nakangiti
kong sabi. Halos hindi naman nagsasalita si Patricia sa may gilid. At mukang
namumula. "Pero guys seryoso ako." Papapatuloy ko. "Ano bayun?" Tanong naman ni
Patricia. "Ahh Kagabi kasi ehh nagpunta na akong attic." Sa mahina kong sabi.
"WHATTT????! Sabay sabay nilang sabi. "SHHHss! wag kayong maingay." Wika ko habang
naka silent sign. "Okey continue." Sabi ni Goldie. "Tapos yun may nakita akong
wierd na bagay. Pero sana eh makatulong ito. But meron pa!" sa excited kong sabi.
"ANO???!" Sabay sabay ulit sila. Mula sa aking cellphone ay ti next ko si Candice
sinabihan ko siya na mag punta siya sa aming pwesto. Halos 5 minutes din ang
hinintya ko sa pag punta niya. "And guys yung isa pang revelation. We have a new
member of our group. Si Candice." Wika ko sabay labas ni Candice sa katabi naming
bookshelve.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.16: Night Walk Dedicated to spinner.gif
*BIGLANG SUMIMANGOT SI GOLDIE* ng nakita niya si Candice na dumating. Kitang kita
mula sa expression ng muka nito ang sobrang inis. "Hey hey chill ka lang!" Wika ni
Michael habang hinarang na niya ang kanyang kamay beetween Goldie and Candice. "Are
you crazy Joshua? Anong napakin sayo ng babaeng niyan para mapa oo ka niya na
sumama sa grupo." Wika ni Goldie na halatang nagagalit. Nakahawak lang si Patricia
sa kaibigan. Paminsan minsan niyang hinahapo ang likod ni Goldie para kahit papano
ay makalma ito. "Ahhm simple lang." Sa yabang kong sagot. "At ano yun???" Tanong
naman ni Goldie. "Ahhh Candice if you please." Wika ko habang winave ko ang kamay
ko at sumenyas na lumapit siya. Dahan dahan lumapit si Candice sa pwesto ko.
Huminga siya ng malalim at halatang halata ang kaba. Dahan dahan niya ring binuka
ang kanyang bibig at sinabi... "May alam ako sa pagkawala ni Ashley. Matutulungan
ko kayo." Wika nito sa normal na boses. /Secret no.16: *Night Walk */- - - - - - -
- ░ ▒▓▓█D "Huh? Pakiulit?" Tanong ni Goldie kay Candice. Habang namumula na ito sa
inis. Close na close kasi ni Goldie si Ashley. kaya naman eh ganun nalang ang
reaksiyon nito sa mga nangyayari. Teka teka ang hindi ko lang maintindihan sa
babaeng ito eh kung bakit ayaw niyang tanggapin si Candice sa aming grupo ano to
power tripping??? "Oiii teka lang Goldie. Huminahon ka naman kahit saglit. Bigyan
natin si Candice ng time for explanation." Sabad naman ni Michael. "Okey then.
Magsalita ka." Wika ni Goldie na medyo bumaba na ang tono ng boses. Mula sa
pagkakatayo ay umupo si Goldie sa tabi ko. Namumutla ito. Tila natatakot siya na
kung anong impormasyon ang lumabas sa kanyang bibig. "Matagal ko ng kilala si
Ashley. Nagkakilala kami sa photorapy club." Pagsasalaysay niya. "So do you mean na
ikaw ang kasama ni Ashley na kumuha ng mga photos??? OH my God!" Gulat ni Patricia.
Pero tungo lang ang binigay na sagot ni Candice rito. "Awesome!!!" Gulat ni
Michael. "So patunayan mo nga sa amin kung ikaw ang kasama na kumuha ng mga photos
give us three shots na natatandaan mo." Hamon ni Goldie. "Ahhm okey. Una yung sa
amy attic, Si Mr Fausto, Then yung misteryosong lalaki na nakaitim." Wika ni
Candice sa mahinag boses. Lahat kami ay napatunganga. Lahat nga ang sinasabi ng
babaeng ito ay totoo! Ultimo ang kaninang nagagalit na si Goldie ay parang naging
maamong tupa. Naging malinaw na sa amin ang kalahating istorya. Pero parang may
flaws parin sa mga kwento ni Candice. Hindi consisted. "So sino ang kumuha kay
Ashley?' Tanong ko kaagad. "Si Mr. Fausto." Wika nito sa mahinag boses. "Sabi ko na
nga ba eh!" Pangagalaiti ni Goldie. "Kailangan na nting tumawag ng pulis." Sabad
naman ni Patricia. "Wag kailangan muna natin ng ebidensiya na si Mr. Fausto nga ang
kumuha kay Ashley." Wika ko. "Then ano ang plano?'' Tanong ni Michael. "Ewan ko
wala pa." Tanging nasabi ko. Bigla rin akong napaisip sa tanong ni Michael. Ano nga
ba ang plano pagkatapos naming malaman na si Mr. Fausto ang kumuha kay Ashley. Well
sa totoo lang eh ang gusto ng grupo eh ang makakuha nga ng ebidensiya para sa
patunay pero bago mangyari yun eh. kailangan ng 24 oras na pag babantay. Pero isa
payun sa problema namin dahil ito kasing si Mr. Fausto eh napakalakas ng pakiramdam
alam na alam niya kung may nagmamasid sa kanya. "Saka nga pala guys meron pa akong
kwento. Yung kagabi may isang misteryosong lalaki na naka Harry Potter suit nag
biglang naglakd sa harapan namin." Pagsasalaysay ko. "What Harry potter suit???"
Wika ni MIchael sabay tawa. "So sino yun?" Tanong naman ni Patricia. "Hindi korin
alam eh. Yan pa ang isang misteryo." Sabi ko. Tapos nun ay nilabas ko naman mula sa
aking bulsa ang nakuha ko sa attic kagabi. Ang silver box nayun. "Woow!" Sabay
sabay na wika ng lahat. "what is that?" Wika ni Patricia. Handa ko ng buksan ang
silver ng biglang dumating mula sa pintuan ng library si Mr. Fausto.
"Guys umayos kayo." Wika ko. Mukang wala sa mood ngayong araw si Mr. Fausto. Pala
galit ang paglalakad nito hanggang bigla siyang nagsalita ng malakas.
"ATTENTION!!!" Wika nito. Mula sa kanyang bulsa ay nilabas niya ang paper clip na
itinapon ko kagabi. "Kung sino man ang lumalabag sa palatuntunana ng eskwelahang
ito ay may parusa. Wag na wag lang kayong magpapahuli sa akin. Kundi hindi nyo
magugustuhan ang susunod na mangyayari." Wika nito sa galit na boses habang
winawagayway ang papaer clip na yon. Pagkatapos ng kanyang mini announcemet ay
umalis na si Mr Fausto. Halata parin ang galit nito hanggang huling pagyapak niya
papalabas ng library. "Guys anong problema nun?" Tanong ni Michael. "Ewan ko." sabi
ko sabay lunok. *X~X~X* Sa may science lab. BOOM! Biglang sumabog ng malakas ang
glass cylinder ni Rupert. Halos magka kalat kalat ang mga slime na ginawa namin sa
aming experiment. "RUPERT JHONSON!!! Ano nanamang ginawa mo?" Galit na sabi ni Sir
Dakara. "Ahhm sir wala po. Bigla nalang siyang sumabog." Wika ni Rupert. Painosente
lang tong si Rupert pero halata nanam sa pinag kikilos niya na sinadya niya ang mga
pangyayari. Pinuntahan ni Mr. Dakara ang pwesto ni Rupert at nakita nito ang isang
piraso ng bubble gum. "So ganto pala ang hindi sinasadya." Wika ni Mr. Dakara
habang nakangiwi. "Ahhm sir di kopo alam yan. I swear." Pag kakaila ni Rupert.
"Lika at dun ka nalang mag paliwanag sa deans office. Lika lika!!" Wika ni Mr.
Dakara habang piningot niya si Rupert sa tenga at sinamahan papalabas. "Guys
Dismiss!" Pagpapatuloy ni Sir. Magulo talaga itong si Rupert at dito talaga niya
palaging ginagawa ang mga trip niya pag nag si science lab kami. "Pambihira talaga
yan si Rupert no wala ng ginawang matino." Wika ni Goldie. Habang inaayos na ang
gamit niya para lumaba na ng lab. "Ahh mabuti nga yang si Rupert eh." Sabad naman
ni Candice. "Anong matino? Eh puro nga yan kalokohan eh." Wika naman ni Patricia.
"So wag mong sabihing nanliligaw sayo si Rupert???" Tanong ni Goldie Kay Candice.
"Ewan ko?" Sagot naman agad ni Candice. Pagdating ng hapon ay muli kaming nag
kumpol kumpolan kami sa may sala. Active nanaman kasi itong si Rupert sa
pagkekwento. Kinikiwento niya kami kung anong nangyari kanina sa Deans Office.
Halos umusok daw yung ilong ni Mr. Fausto sa kanya. "Ha ha! Wala ka talagang
kapares Rupert." wika ni Goldie. Na napapaiyak na sa kakatawa. Na miss din namin
kasi ang company nitong si Rupert eh. Napapadalas kasi ang pan liligaw niya sa
ibang section at ang bago daw kuno ay kay Candice. "Teka maiba tayo. Oii Rupert ano
tong nababalitaan namin na nagkakamabutihan naraw kayo ni Candice ahh?" Biglaang
tanong ni Michael. "Well I'm consider her as my special friend!" Wika ni Rupert na
sobra ang ngiti. " Wow ahh Ano to showbiz!" Hirit naman ni Patricia. Sabay tawanan
ang lahat. Hindi pa kami nakaka kota ng aming tawanan ng bigla ng nag ring ang
bell. Ibig sabihin kasi nito ay matutulog na. "Ano bayan! Bakit ang aga?" Reklamo
ni Rupert. "O sige dun ka magreklamo kay Mr. fausto." Sabad ni Goldie. "Sus Joke
lang" Sagot naman ni Rupert. Agad na kaming nga punta sa aming kanya kanyang
kwarto. Inis man kami dahil sa pag putol ng aming pag uusap eh walang kaming
magagawa. Kung anong sinabi ng Dean eh yun ang masusunod. *X~X~X* Hindi pa naman
masyadong malalim ang tulog ko ng mga oras nayon. Kasalukuyan pa naman akong nasa
border line kung saan eh malapit na akong mapunta sa mahimbig na pagkakatulog ng
aking isipan. Nang bigla akong naaling pungatan ng isang tunog. Tunog nang pintuan
na unti unting nagbubukas. Mula naman sa labas ay unti unti namang pumasok ang
malamig na hangin sa aming kwarto. Sino kaya ito? Wika ko sa aking isipan. Unti
unting naglakad mula sa may pintuan ang naturang nilalang na ito. Kahit na marahan
lang ang kanyang lakad para hindi siguro kami magising eh bisto na siya.
Hanggang bigla itong nagtungo sa aking harapan at bigla akong ginising.
"Joshua... Gising ka dali." Wika nito. Agad kong binuksan mula sa makapal na
kadiliman ang malapit lang sa akin na lampshade. Pag bukas ko nito ay bumungad mula
sa aking harapan ang nakapantulog na si Candice. "Oiii!" Bulalas ko. Pagkakita ko
sa kanya. Pagkatapos niya akong gisingin ay ginising nya naman si Michael. Todo
tapik siya rito. Pero dito yata siya na challenge dahil. Halos mahirap itong
magising kinailangan pa niya ang tulong ko para lang makawala ito sa dream land.
"Ano ba???" Sa inis nitong sabi pag katapos imulat ang mata. "May papakita ako sa
inyo." Wika ni Candice. Na medyo lumalaki pa ang mata. "Huh Saan?" Tanong ko naman.
"Nako basta! Dalian natin." Wika naman ni Candice na halata ang pagka excite nito.
Nauna ng lumabas sila Michael at Candice sa may pintuan. Samantalang ako eh bumalik
muli. Tinignan ko muna ang panandalian ang mga mahahalagang gamit ko na nakatago sa
sikreto kong lalagyan na nasa ilalim ng kama. At mula naman sa isa ko pang box na
lalagyan ay kinuha ko ang paborito kong dalhin na mini flashlight. Pagkatapos nun
ay nagmamadali na kaming nalakad ng tatlo at nagtungo na sa labas ng dormitoryo.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.17: Ceremonies of the Candles Dedicated
to spinner.gif *MALAMIG NA HANGIN*. Madilim na kapaligiran. Tanging mga kuliglig
lang ang nag bibigay ng ingay sa nababalot ng kadiliman na paligid. May liwanag rin
ang mga post lamp sa gilid ng buong magnum academy ngunit may hangganan lang ang
ilaw na nasasakop nito. "Joshua san ba tayo dadalhin ng babae nayan?" Tanong sa
akin ni Michael. Habang kamiy naglalakad ''Ewan ko." Tanging nasagot ko.
Panandalian kong hinawakan ang balikat ni Candice at saka tumigil. Kasalukuyan
kaming nasa harapan na ng pintuan ng magnum. "O bakit?" Tanong ni Candice na
napatingin sa amin. "San ba talaga tayo pupunta nang gantong oras ng gabi. Alam mo
ba na malaking parusa pag nahuli tayo at nasa labas pa tayo ng dormitoryo." Sabi
ko. "At di lang yun dahil naka pantulog pa ako." Pag dadagda ni MIchael. "Malalaman
niyo rin kung saan tayo pupunta. At tiyak ko na walang manghuhuli sa atin." Wika ni
Candice sabay talikod ulit sa amin. /Secret no.17: *Ceremonies of the Candles */- -
- - - - - - ░ ▒▓▓█D /* */ Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Iniilawan ko ang
bawat dinadaanan namin ng dala kong mini flashlight. Habang si Michael naman eh
nilalabanan ang lamig. Todo yapos ito sa kanyang payat na katawan at hindi
mapakali. "Malayo paba tayo?" Tanong nito na naiirita na. "Medyo." Sagot naman ni
Candice. Seryoso ang muka ni Candice habang naglalakad. Hindi manlang siya
lumilingon sa amin. Seryosong seryos ito sa kanyang bawat paghakbang patungo sa
kung saan kami pupunta. Kasalukuyan na kaming nasa grass field na medyo malayo na
sa magnum ng biglang hinarang ni Candice ang kanyang kamay sa amin. "Shhhh!" Wika
nito. Magtago tayo dali. Agad kaming nagtago sa isang malapit na damuhan. Buhat
naman dun ay nakita namin ang lalaking nakita namin kahapon. Ang lalaking nakaitinm
at naka hood nayon na parang suit ni Harry Potter. "Sabi ko na nga ba eh! May
kinalaman ba siya sa pupuntahan natin ngayon?" Tanong ko. "Oo." Wika ni Candice sa
mahinag boses. Pinauna namin ng konti ang naturang naka hood nayon. Pagkalipas ng
ilang segundo ay kami naman ag sumunod. Mabagal lang ang pagsunod namin upang hindi
kami mahuli at hindi mag hinala ang naka hood nato na may sumusunod sa kanya.
Hanggang makapunta kami sa likod ng Magnum. Palingap lingap pa nag naka hood nayon
bago paman siya pumasok sa isang double door na pintuan. Pagkatapos nun ay pumasok
na kami sa double door na pintuan na yun. Madilim sa loob nito. Nakakabingi ang
katahimikan. May mga iilang ilaw rin sa ding ding nito ngunit konting parte lang ng
lugar ang naiilawan. "Ngayon lang ako nakapasok rito." Wika ni Michael. Habang
tinitignan ang buong paligid. "Ako rin." Wika ko. Sinundan namin ang misteryosong
lalaki hanggang sa Isang mahabang pasilyo ang sunod naming tinahak. Nakakatakot ang
itsura nito. Parang may isang mabangis na hayop ang bubungad sayo sa may dulo. Pag
punta sa dulo ay nahati ang daan. At nawala narin ang sinusundan naming
misteryosong lalaki. "O saan tayo pupunta?" Tanong ko. Nagiisip si Candice ng mga
tagpong yun. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang baba na tila kinakarkula at
iniisip kung saan nagpunta ang lalaking yun. Sabay sabing. "Sa kanan tayo." Wika ni
Candice. "Sigurado ka?" Tanong ko naman na medyo may pag dududa. "OO naman
nakapunta nako rito dati." Wika niya. "Kung ganon bakit paisip isip kapa diyan
kunyari." Sabat ni Michael. "Nako kunyari lang yun. Ang totoo niyan eh napagod
ako." Wika naman ni Candice sabay tingin saming dalawa. Agad na kaming nagtungo sa
kanang bahagi ng pasilyong yun. Habang papalapit naman kami sa aming misyon ay saka
naman ako kinakabahan. Ano kaya ang lihim ng lalaking naka hood nayon? At ang
pinaka matinding tanong eh sino siya? Yan ang mga misteryoso ring tanong na
naglalaro sa aking isipan habang marahan kaming naglalakad. Makalipas ang halos
isang kilometrong lakaran ay naka punta na kami sa aming patutunguan. Biglang
tumigil si Candice.
"So eto nayun?" Tanong ni Michael. "SHHSS! OO!" sagot naman ni Candice. Pumasok
kami sa isang maliit na kwarto. Mula naman roon ay tinanggal ni Candice ang pasak
ng mga butas sa may ding ding na halatang sinadya. Una akong sumilip sa may butas.
Sunod naman sy sumilip si Michael sa kabila ring butas. Mula roon ay nakita ko ang
isang malaking kwarto na puno ng mga kandila. May mga tao rin duong naka hood pero
sa tingin ko eh may hinihintay pa sila. Nakatayo lamang sila. Lahat ng mga wirdong
taong ito ay nakasuot ng kulay itim ring maskara. Siguro may mga sampung katao rin
sila. Hanggang biglang bumukas ang pinto. Mula roon ay may pumasok na naka hood
ding nilalang. Nagtinginan ang mga myembro nito pagdating ng naka hood na lalaki.
Pagkatapos nun ay sumenyas ito. Tinaas niya ang kanyang kamay sa may ere na tila
mag uumpisa na sila sa kanilang gawain. Pumunta ang bagong dating na may hood sa
may gitna. At tumabi naman ang ilang mga myembro sa gilid. Pagkatapos nun ay
lumitaw ang isang marka sa kanilang kinatatayuan. Para itong isang bilog na may
bituin sa gitna na may mga kakaibang mga letra. Sa tingin ko eh sulat latin. Pero
mas nakaka gulat ang sumunod na pangyayari. "Tanggalin nyo na ang iyong mga suot."
Wika ng naka hood na lalaki. Agad naman siyang sinunod ng iba pa. Unti unti nilang
tinanggal ang kanilang mga suot na hood. Kasabay non ay ang kanilang mga maskara.
Nagulat ako sa aking nasaksihan ko ng mga tagpong iyon dahil mga guro ng Magnum ang
lahat ng myembro. Agad ring pumwesto ang misteryosong lalaki sa may gitna at siya
naman ang nagtanggal ng kanyang maskara pa suspense pa niya hinubad ito habang nag
hihintay naman kami ni Michael kung sino ang kanilang leader at dun lang namin
nalaman na si Mr. Fausto pala yun. Bigla akong napa ingtad sa kwarto. Panandalian
ko munang tinanggal ang aking mata mula sa butas. "Oh my God!" Wika ni Michael.
"Anong gingawa nila?" Tanong nito. "Di ko alam. Pero isa lang ang masasagot natin
ngayon. Kung sino ang lalaking naka hood nayon." Sabi ko. Bigla akong napatingin sa
paligid at napagtanto na may nawawala. "Nasan si Candice?" Tanong ko. "Ewan ko
nadito lang siya kanina eh." Sa mahinag boses ni Michael. Inilawan ko ang ibang
parte ng kwarto ngunit hindi ko siya nakita. Hanggang bigla akong kinabahan. "Hindi
kaya?" Tanong ko kay Michael. Tapos bigla kaming nagkatinginan. Tinginan na para
bang pareho kami ng iniisip. Kaya naman eh dali dali kaming tumakbo papuntang dorm.
Halos lumipad na ang aming paa sa sobrang bilis. "Joshua sana mali ang hinala
natin." Sabi ni Michael habang kumakaripas din ng takbo. "Sana nga!" Wika ko naman.
Papasok na kami ng dormitoryo ng bigla namang nahulog ang salmin ni Michael sa
mata. Punyeta!!!! "Joshua tulong hindi ako makakita!'' Wika nito. Kung kailan ka
nga naman nagmamadali oo!!! Agad kong inilawan ang paligid. Kung pwede lang sanang
buksan ang ilaw rito para madali naming makita eh ginawa kona. Kaya lang eh buhay
naman namin at scholaship ko ang nakasasalay dito kaya wag nalang. Pag banda ng
liwanag sa may hagdanan ay nakita ko ang salamin ni Michael buti nalang eh hindi
nabasag. Parang magic lang. Pagkasuot na pagkasot ni Michael ng salamin niya ay
nagtungo agad kami sa kwarto. HIndi nanamin ininda ang ingay ng aming paa. Dahil
alam na man naming walang sa aming sisita dahil nasa seremonya ang lahat ng guro.
Nauna na akong tumakbo patungo sa aming kwarto. Ngunit malayo palang ako eh aninag
ko na bukas ang aming pintuan. "Punyemas talaga! Tama nga!!!" Bigla kong binuksan
ang ilaw ng aming kwarto. Mula roon ay nakita kong magulo ang lahat ng aming gamit.
Mula sa kama, Cabinet at kung ano ano pa. Hindi mapag kakailang may nag hanap rito.
Agad ko namang hinanap ang lalagyan ko na nasa ilalim ng kama. Binuksan ko ito at
agad na sinuri ang laman. "Ano Joshua may nawala ba?" Tanong agad ni Michael sa
akin. Na medyo hinihingal pa. "OO yung silver na lalagyan." Agad namang sagot ko.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.18: Rupert Secrets Dedicated to spinner.gif
*MULI KONG BINALING ANG AKING PANINGIN SA BUONG KWARTO*. Halos para itong dinaanan
ng bagyo. Gulo gulo ang mga linens at wala sa allignment ang kama. Pati ang mga
drawer namin eh nakatiwang wang at nasa labas ang mga damit. "Anong gagawin natin
ngayon Joshua?" Tanong ni michael sa akin habang nakapatong ang dalawang kamay niya
sa kanyang ulo. "Hindi ko alam." Wika ko habang nakasalampak sa may sahig. Hnidi
halos gumana ang utak ko sa mga pangyayaring yun. Para akong binunutan ng spinal
cord at hindi na makagalaw habng iniisip ang susuod kong kilos. "Tekal lang." Agad
kong sabi. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa may sahig. Hinahawakan ko si
michael sa may balikat at sinabi. "Michael ayusin mo agad ang mga kalat dito at may
pupuntahan lang ako." Sabi ko kay Michael sabay labas ng kwarto. /Secret no.18:
*Rupert Secrets */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D /* */ Agad akong nagtungo sa 3rd floor.
Naisipan kong tunguin ang kwarto ni Candice para mag imbistiga. Kung siya nga ang
hinala namin? Kasalukuyan kasing nasa seremonya pa ang mga guro kaya naman eh
malakas ang aking loob. Sarado ang kwarto ni Candice pag dating ko. Dahan dahan
kong inikot ang doorknob ng pintuan at sabay na pumasok. Agad kong binuksan ang
ilaw. Tumambad sa akin ang kwarto ni Candice na ubod ng linis. Ngunit ang nakakapag
taka rito ay nanduon pa ang mga gamit ni Candice. Ngayon ang tanong eh siya ba
talaga ang kumuha ng silver box??? Hinalungkat ko narin ang mga gamit niya na
naroon pero eh hindi ko nakita ang silver box na nawawala. "Punyemas!" Bulalas ko.
Napaupo ako sa may kama. Sobra akong naghihinayang sa mga pangyayari. Halos parang
hindi ako makakilos sa sobrang inis. Pano nalang namin matatapos ang aming
imbestigasyon gayong ang isa sa mga clue eh wala na? Nag eemote pa ako sa loob ng
kwarto ng bigla namang may narinig akong kaluskos sa may labas. Nung una ay hindi
ko lamang ito inintindi. Maaring isa nanamang pusa iyon na kasalukuyang naglalakad
sa corridor ng 3rd floor. Pero nagkamali ako dahil may nakita akong anino na
kawangis ng isang tao. Bigla akong kinabahan. Sino kaya ito? Tanong ko sa aking
isipan. Dahan dahan akong nagtungo buhat sa may pintuan. Mariin kong hinawak ang
aking kamay sa may doorknob tapos ay sinunod ko ang aking katawan. Pagkatapos nun
ay wala akong habas na binulaga ang nasa pintuan. "Oiiii!" Wika ko. Mula naman sa
labas ay tila nagulat ito. Sa sobrang gulat niya ay naihagis niya ang hawak hawak
niyang silver box sa akin at bigla nalang tumakbo. Syempre nagulat ako. Panong
napunta sa kanya ang silver box gayong ang alam namin eh si Candice ang kumuha
nito???. Kaya naman eh hanggat hindi pa nakakalayo ito ay walang habas ko siyang
hinabol. Hinabol ko siya hanggang sa makakaya ko. Kasalukuyan ko siyang naabutan sa
mahabang corridor ng 3rd floor. Buhat sa kanyang likod ay kitang kita ko ang buhok
niyang halos lumipad na sa hangin sa angkin niyang bilis. Pati ang suot nitong itim
na t-shirt ay halos maangat narin sa kanyang katawan. Pero kahit na anong abot ko
sa kanyang t-shirt ay hindi ko siya mahuli. Pagdating sa staircase pababang second
floor ay karipas parin ito sa pagbaba. " Tigil!" Wika ko habang nauubusan na ako ng
lakas. Pero nagisip kaagad ako ng paraan para maabutan na siya. Mula sa handle ng
staircase ay nagpadulas ako. Halos 7 foot din ang taas nito kaya naman eh kulang eh
mag usok ang puwetan ko. Pagdating sa baba ay hinarang ko siya. Hinubad ko ang suot
kong t-shirt para gawing pagtaklob sa ulo niya. Agad ko siyang hinawakan sa may
likod at pinahiga sa lupa. Kinuha ko ang kanyang dalawang kamay at nilagay ko sa
kanyang likod para hindi siya makaalpas. "Sino ka?" Tanog ko rito habang
hinihingal. "Dude easy lang." Sagot nito. Agad kong tinanggal ang t-shirt ko sa
kanyang mukha at bumungad sa akin ang magulong buhok nito. Unti unti kong tinignan
ang kanyang mukha mula sa pagsilip rito. Hanggang nagulat ako dahil ang
misteryosong tumatakbong ito ay si Rupert.
*X~X~X* Tinawagan namin sila Goldie at Patricia sa aming kwarto para magpulong. "Oh
my God! Gulat ni Goldie pag kakita niya kay Rupert. "Is that true?" Sa gulat niya.
Habang todo pamewang ito. "Teka teka pagsalitain naman natin siya para mapalinawang
niya ang side niya." Wika ni Michael. Kasalukyan kaming nakapalibot kay Rupert ng
mga tagpong yon. Lahat kami ay nakatitig lang sa kanya habang nag hihintay ng kung
anong pagpapaliwanag na maririnig namin tungo sa kanyang bibig. "Una sa lahat eh.
Pasensya na sa inyo." Wika ni Rupert na halata ang kalungkutan. "Sino kaba talaga
Rupert may kinalaman kaba sa lahat ng pangyayaring ito?" Sabad naman ni Patricia.
"Pano napunta sa iyo ang silver box? Ikaw ba ang kumuha kay Ashley?" Sunod sunod na
tanong ni Patricia na parang hindi na maawat pa. "Hey hinay hinay lang naman."
Apila ni Rupert habang nasa tenga ang dalawang kamay. " Ahmm first of all eh. Hindi
ako kasabwat ni Candice. At hindi rin ako kalaban." Pagdedepende ni Rupert sa
kanyang sarili. "So paano mo nakuha ang silver box nayun?" sa malumanay kong boses.
"Ganto kasi yun. Narinig ko na may kausap si Candice sa telepono kaninang umaga.
Narinig ko na kukunin niya ang silver box mula sa kwarto mo. Kaya naman eh kinuha
ko yon pag alis niyo at pinalitan ko ng iba." Pagsasalaysay niya. "Balak ko tong
isoli kanina pero ginulat mo ako." Pagpapatuloy niya. "Isasaoli mo? Eh yun na yata
ang pinaka weird na paraan para magsaoli ng bagay eh." Pag aapila ko. " Saka bakit
mo ginawa yun?" Follow up question ko. Pero sa tanong na yun eh hindi manlang si
Rupert sumagot. Pinaglalaruna niya ang kanyang mga daliri na parang iniisip niya
kung sasabihin ba niya sa amin ang kanyang tunay na dahilan. "Okey guys sasabihin
kona ang sikreto ko." Wika niya. Agad kaming nagulat. Akala kasi namin ay nagkataon
lang ang lahat ng pangyayari mula sa pagkarinig niya sa telepono ni Candice at sa
pag kuha ng silver box. Pero mukang may mas malalim pa. "Sige mag salita ka lang at
makikinig kami." Wika ni Goldie. Mula sa pagkakatungo ay unti unting tiningala ni
Rupert ang kanyang ulo sa amin at sabay sabing. "Sumama kayo sa akin." Samahinang
boses. Tinignan namin kung may mga bantay sa paligid. Nang natingan na namin na
safe na eh dahan dahan kaming nagtungo sa kwarto ni Rupert. Mula roon ay nagpunta
siya sa kanyang drawer at inilabas ang isang envelope. "ito tignan ninyo." Wika
niya sabay abot sa amin ng envelope. Makapal ang lamang ng envelopre nayon. Pero
wala kaming ideya kung ano ba ang laman nito at kung ano bang sikreto ang sinasabi
ni Rupert. Dahan dahan kong tinuklap ang scothtape na nagsisilbing sealed ng
naturang envelopre. Lahat kami ay excited kung ano nga bang laman nun. Kaya naman
eh hindi ko na pinatagal. Pagbukas ko nito ay bumulaga sa amin ang ibat ibang mga
lirato. Ang iba rito ay katulad ng nakuha naming litrato sa Carlos verra's
bookstore. "Oh my God!" Bulalas ni Patricia. "Wag mong sabihin na ikaw ang totoong
kasama ni Ashley na nag iimbistiga." Wika nito habang nakabuka ang bibig. "Tama ako
nga at wala ng iba." Wika ni Rupert habang nagkakamot pa ng ulo. "Pambihira ka oo!.
Bakit ngayon mo lang sinabi." sabi ko. "kasi kung hindi niyo lang nalalaman eh ang
number. 1 rule namin ni Ashley eh wag magtitiwala sa iba.'' Pagpapatuloy nitong
sabi. *X~X~X* Kinabukasan. Agad na ng hagilap ang mga pulis sa buong Magnum para
mag hanap ng ebidensiya sa pagkawala ni Candice. Tinuring na nila itong missing
makalipas ang 24 oras. Pero as usual eh wala silang nakitang sign ng pagkawala
nito. Samantala sa may dulo nag library ay pinagpatuloy ni Rupert ang kanyang
kwento. Ayon sa pagsasalysay niya ay nagkakilala sila ni Ashley sa photography
club. At that time daw kasi eh puro babae palang ang member ng club kaya naman eh
dyahe kung sasabihin niya na member siya rito kaya naman eh tinago na lang niya.
"So pano nagsimula ang pagiimbistiga ninyo?" Tanong ko. "So ganto kasi yun."
Pagkekwento ni Rupert. Ang kwento ni Rupert sa amin ay nakwento daw ni Ashley na
merong isang lalaki na naka hood ang palagi niyang nakikita sa may magnum at that
time. HIndi lang daw ito pinansin ni Ashley dahil ang iniisip daw niya eh. Baka
bisita lang ito o isa sa mga tao na nasa paligid nakatira. Pero napansin daw ni
Ashley na pag dumarating daw or nakikita niya ang lalaking ito ay may nawawalang
estudyante. Kaya naman eh kinuhanan niya ito ng litrato. / / "So anong ginawa niyo
for the investigation?'' Tanong ko ulit. "Yun nag imbistiga kami. At nalaman nga
namin na pangatlong generation na ang kwentong ito. tuwing solstice ay may
nawawalang mga estudyante." Wika ni Rupert. "So dun na pinanganak ang mga picture
nato ganun ba?" Tanong naman ni Michael." "Oo ganun nga." Maikling sagot ni Rupert.
Ang kwento pa ni MIchael na unag batch ng picture ang nakuha namin ni Carlos Vera.
At ang second batch ay ang binigay niya sa amin kagabi. Tinignan ko muli ang mga
litrato ng bigla nanamang umentra si Goldie. "So ano namang ang kinalaman ni
Candice rito?" Sa mataray nitong tanong. "Hind ko alam. Pero kalaban siya. Alam ko
yun sa una palang." Sagot ni Rupert. "kaya mo pala siya nililigawan para malaman mo
ang mga plano niya and para masubaybayan mo rin siya. Tama ba?" Tanong ko kay
Rupert. "Tama!" sagot ni Rupert. "Then lahat pala ng sinabi ni Candice ay
kasinungalingan???" Tanong naman ni Patricia. "Yes mali lahat yun. Ginugulo lang
niya kayo para mawala kayo sa inoyng inbestigasyon. Dahil ang toto niyang eh hindi
si Mr. Fausto ang kumuha kay Ashley." Pagsasalaysay ni Rupert. "So ano yung
seremonya kagabi?" Tanong ko. "Ahh yun ba yun ang ginagawa nilang seremonya para
matigil na ang pagkawala ng mga estudyente rito. Matagal na nila yong ginagawa pero
paulit ulit lang ang pangyayari. In short eh hindi effective." Pagpapatuloy ni
Rupert. Pagkatapos ng mga paliwanag ni Rupert ay nilabas ko naman ang siver box
mula sa aking bag. Mula sa aking palad ay pinagmasdan namin ito ng maigi. "Ito
Rupert alam mo ba ang tungkol dito?" Tanong ko sa kanya. "Actually hindi na. Dahil
naging weird na siya. One week before siyang nawala." Pagsasalaysay nito. "Ganun
ba? O sige handa na ba kayo?" Tanong ko sa lahat. "Yes!!!" Sabay sabay naman nilang
sabi. Unti unti kong binuksan ang box nayun. Mula sa bukana nito ay sumilay sa amin
ang isang maliit na susi. Napaka nipis nito na sing nipis ng credit card. "Epic!"
Bulalas ni Michael. Isa isa nila itong hinawakan. Lahat kami ay namangha sa anyo
nito at hugis. Kung hindi niyo natatanong eh hugis pa letter M ang dulo nito at ang
pinaka ulo nito ay parang hugis ng bungo. "Susi ba talaga yan o bling bling?
Pagbibiro ni Rupert. At sinabayan naman ito ng tawa ni Michael. "So whats next???"
Favorite na sabi ni Goldie. Sabay tinginan naman namin sa isat isa.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.19: The Girl with No Memory Dedicated to
spinner.gif *NANDIDILIM ANG KALANGITAN* ng hapon nayon. Nakatingin lang ako sa may
bintana ng sala ng dormitoryo at pinagmamasdan ang galit nga kalangitan ng biglang
dumating ang barkada. "Oii ano na?" Bati sa akin ni Rupert pagkatapos niyang ilapag
ang kanyang bag sa may sofa. Habang tila pagod ang lahat at panadaliang nakaupo ay
saka naman ako kumilos. Mula sa aking bag ay inilabas ko ang envelope na lalagyanan
ng mga litrato. Tinagilid ko ang lamesa sa may sala at mula sa carpeted na sahig
nito ay kinalat ko ang mga litrato. Agad namin itong inimbistigahan. Habang nag
nagmamasid ako sa mga litrato ay katabi ko si Rupert para i explain ang bawat isa.
Habang sa may pintuan naman ay si Michael ang naatasang look out namin. Hindi na
nakayanan ng kalangitan ang galit. Biglang bumuhos ang malakas na ulan sa buong
magnum. halos zero visibility ang masisilayan sa buong paligid. "Grabe namang ulan
yan." Bulalas ni Patricia habang nakatingin sa bintana. Habang si Goldie naman ay
biglang nagsalita. "Guys mukang may tao sa labas?" Wika niya sa mataas na boses.
/Secret no.19: *The Girl with No Memory */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D /* */ Kumidlat ng
malakas. Kasabay nun ay parang panandaliang nandilim ang paligid ng brown out pala.
Punyemas naman ohhhh! Agad kong niligpit ang mga litrato sa may sahig. Sa tulong ni
Rupert ay parang kidlat naming napasok ang lahat ng mga litrato sa may brown
envelope. "Oii guys meron talaga!!!'' Parang natatakot na boses ni Goldie. "San ba
yun?" Wika ko. Sinilip ko ang bintana. Ilang dipa lang kasi ang layo nito sa may
pintuan ng dorm kay kahit na kalahati lang ng katawan ng nakatayo rito ay makikita
mo. Nung una ay wala akong makita. Dahil narin sa lakas ng ulan na nagiging zero
visibility ang buong paligid at Brown out pa. "Alam nyo guys wala." Wika ko habang
nakasalampak parin ang muka ko sa bintana. Pero nag iba ang aking pananaw ng
biglang kumidlat. BOOOOM! Biglang humampas ang liwanag nito sa may pintuan. Tila
isang malaking flashlight ang pinakitang gilas nito sa akin. Nang nailawan ang
harapan ng pintuan ng dorm ay dun. Walang kaduda dudang may tao nga. "Guys may tao
nga!" Sa gulat ko. "Oh diba meron? Sabi ko na nga ba eh." Pag aapila nan ni Goldie.
Agad naming pinuntahan ang pintuan. Madilim ang buong paligid at ang konting
liwanag lang ng buwan ang nagbibigayng liwanag kaya naman eh kinailangan namin ang
tulong ng flashlight. Dahan dahan kaming nagtungo sa may pintuan. Hindi naman ako
natatakot pero kahit papano ay tumitibok ang puso ko. Feeling ko kasi eh nasa isang
horror movie ako na kung saan eh. Haharapin na namin ang killer. Nang malapit na
kami sa may pintuan ay biglang kumidlat ulit. BOOOM! Mula sa kalahating parte ng
glass door ng magnum ay nakita namin ang halatang pigura ng isang tao. "Lika na
puntahahn na natin." Wika ko sa normal na boses. Rinig na rinig pa namin ang
lagaslas ng ulan mula sa pintuan. Para itong galit na galit at may pinaghuhugutan.
Unti unti kong pinihit ang doorknob ng pintuan. Saka ko ito binuksan. Mula sa aming
harapan ay bumungad sa amin ang isang babae. Natatakpan ang buhok nito ng kanyang
mahabang buhok at basang basa ang suot nitong damit. Tamang tama naman na bumukas
ang ilaw. Lumiwanag sa buong paligid ng nangyari iyon. Halos sumakit ang aming mata
sa kaagad na pag sulyap ng liwanag sa aming mata kaya naman eh. Pumikit muna kami
panandali. Sa muli naming pag dilat ay mas nakita namin ang itsura ng babaeng ito.
ngunit mas napatingin ako sa expression ni Rupert. "It cant be?" wika ni Rupert na
nakanganga. "Huh bakit? Kilala mo siya?" Tanong ko rito. Para maaman kung sino siya
ay dahan dahan akong nagtungo sa kinarorornan ng babaeng ito. Hinawi ko ang buhok
ng babaeng iyon. At dun ko ang napag tanto na yon pala si Ashley. *X~X~X*
"ASHHHLEY!!!!!!" Siagw ni Goldie pagkakita sa kaibigan. Hindi nila lubos akalain na
bigla nalang darating si Ashey sa pintuan ng magnum ng pabigla bigla. Kung ano ang
kamisteryosong pagka wala nito ay ganun din kamisteryoso ang muli nitong pag
babalik.
Basang basa ang katawan ni Ashley sa may ulan. Nakasuot ito ng puting bistida
at nakayapak. "Ashley san ka galing?" Tanong ni Patricia na umiiyak na. Pero hindi
nag sasalita si Ashley naka tulala lang ito at paminsay minsan eh tumitingin sa mga
mukha namin. Parang nangingilala. Agad nilang pinunasan si Ashley na tuwalya.
Pinunasan nila ang mahaban nitong buhok at binalutan ang kanyang buong katawan ng
makapal na tuwalya para maiwasan ang sobrang lamig. Habang ginagawa nila yon ay
bigla namang dumating si Mr. Fausto. Tila mismong sila eh hindi makapaniwala sa pag
balik ni Ashley. "Por diyos por santo! Totoo nga!!" Bulalas nito habang naka pray
sign ang mga kamay. Dumating din ang iba pa roon. Halos nagdagsaan na ang ibang
estudyante sa may sala. Sila Goldie naman ay walang sawang pag yapos sa kaibigan.
Halos sinusulit nito ang bawat sandali ng kanilang pag kikita. Nang walag anu anoy
biglang nag salita si Ashley at tuminign sa amin. "Sino kayo?" Wika nito. Biglang
napatigil si Goldie sa pagyakap sa kaibigan. Nagulat siya sa narinig. Halos hind
naman maiwasan na magbulungan ang iba pang estudyante sa narinig nila. Sabagay kami
rin ehhhh. "Mabuti pa eh ihatid muna natin siya sa kanyang kwarto." Wika ni Mr.
Fausto. Habang sinesenyas ang kamay. Mula sa tulong ng iba pang guro ay inilalayan
nila si Ashley sa kanyang kwarto. Habang kami nila Rupert naman eh naiwan lang sa
may sala. "Ang wierd!" Bulalas ni Michael habang parang na co confuse. "Ano siya
nagka amnesia?" Tanong naman ni Rupert. "Hindi natin alam." Sabi ko. "Tanging siya
lang ang makakasagot niyan." Sa aking pagapapatuloy. *X~X~X* Sa hapunan nag luto si
Mrs. patty ng Menudo. Haii nako namiss ko talaga ang mga gantong ulam bigla ko
tuloy na miss ang mga luto ni Nanay. Sa kabilang banda eh parang nahalata ko na
tahimik lang ang lahat. "Anong nangyari sa inyo?" Sa pagkagulat ko. Pero huindi
lang sila umimik. "Pagpapatuloy paba natin yung ano? Pagpupuptol ni Michael. "Ewan
ko?" na pati ako eh napaisip. Pagpapatuloy pa kaya namin ang mga pagsisiyasat sa
mga misteryo ng Magnun kung nandito na ang bagong biktima?kayo sa palagay ninyo?
Nakabusangot parin ang lahat ng biglang dumating ang tatlong maria. Inaalalayan
nila Patricia at Goldie si Ashley habang papunta ito sa may lamesa. Pagka upong
pagka upo ni Ashley ay biglng ng ingay si Rupert. Tila winasak niya ang katahimikan
na bumabalot sa bawat isa ng gabing yon. "Ashley ako pala si Rupert. yung Ex mo!'
Banat niya. Habang nakataas ang kamay at parang nakikipag kilala. "Talaga?" Wika
naman ni Ashley sa pagtataka. "Nako wag ka diyang maniwala at nilololoko ka lang
niyan." Singit naman ni Goldie sabay tawa. Tumawa ang lahat pag katapos ng pag
bibiro ni Rupert. Pero kahit na anong tago nila sa kanilang kalungkutan ay kusang
lumabas parin ito. Unti unting sinubo ni Ashley ang ulam na niluto ni Mrs. Patty ng
gabign yun. "Pweee!' Expression nito sabay dura sa pagkain. Napatingin sa kanyan
ang lahat. "Bakit Ashley ayaw moba?" Tanong ko. "Hindi ko alam pero ayoko ng lasa."
Wika nito. "Masarap naman ahhhh." Banat ni Michael. "Sigurado kang hindi mo gusto?"
Tanong ulit ni Goldie sa kaibigan sabay lungkot ng mukha. "Pasensya na pero hindi
ehh." Wika ni Ashley sa malumanay na boses. "Eh Ashley yan ang pabrito mong pagkain
ehhh.'' Wika naman ni Patricia. Nanahimik nanaman ang lahat. Parang ang OA naman
kasi na pati ang mga paborito niya noon ay hindi na niya gusto ngayon??? Teka teka.
Parang may naamoy akong iba rito ahhh? Tapos ng kumain ang lahat. Naghuhugas ako ng
plato kasama si Patricia. Kami kasi ang nakatoka ngayong gabi.
"Patricia?" Tanong ko rito. Habang sinasabon ko ang mga baso. "Bakit?" Sagot naman
niya sabay tigil sa pag sasabon ng plato. "Wag kang magagalit ahhh! Pero tila may
kakaiba kay Ashley." Pagsasagi ko. Panandalian niyang hinugasan ang kanyang kamay
at tumalikod sa akin. Parang tila siya eh nag iisip. "Oii wag kang magalit. kung
ayaw mong pag usapan ehh! okey lang." Wika ko sabay pag patuloy sa aking ginagawa.
"Alam mo. Pati ako eh may ibang nararamdaman kay Ashley." Wika niya. Pero
nakatalikod parin sa akin. "So anong plano?" Tanong ko kaagad. "Subaybayan natin
siya. At kailanagn ko ng tulong mo.'' Wika ni Patricia sa akin. Sabay harap muli sa
may lababo. Nangtinignan kami ni Patricia sa may mata. Sabay sabi ko na. "O sige."
Magnum Secrets (Completed) Secret no.20: Sleepwalk Dedicated to spinner.gif
*NAKALIMUTAN KONG ISARA ANG GRIPO*. Halos umapaw na ang tubig na nagmumula rito sa
may lababo. nakatingin lang kasi ako kay Patricia habang patuloy parin ang kanyang
kalungkutan ng mga oras nayon. Walang anu ano namay biglang dumating si Ashley.
Iinum daw ito ng tubig. Kaya naman eh hindi kami nagpahalata na siya ang topic
namin. Agad naming pinagpatuloy ang aming ginagawang pag huhugas ng plato. "Okey
kana Ashley?" Tanong ni Patricia. Na pinipilit na ngumiti. "Oo okey na ako" Sagot
naman ni Ashley sabay inom ng tubig. "Eh ikaw okey kanaba?" Pagpapatuloy ni Ashley
sa mahinang boses. Biglak kaming natigilan. "Ano?" Tanong ni Patricia rito. Sa
pagtataka. "Ahhh wala. Sige enjoy nyo lang ang ginagawa ninyo." Wika nito tapos
sabay alis. /Secret no.20: *Sleepwalk*/ - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Muli ng bumalik si
Ashley kinabukasan. Maayos naman ang performance niya as a student. Parang sa
pagiging matalino ay walang nagbago. Yun na yun parin siya. Sa Algebra. kahit na
hindi nagtataas ng kamay ay siya parin ang tinawag ng professor namin na si Mr.
Lorenz "Okey Ashley!" Wika nito habng inaabot ang white board marker. Dahan dahang
tumayo si Ashley sa kanyang upuan. Halatang na te tense ito dahil siguro eh napurol
na ang utak niya sa tagal na niyang nawala. Kinuha niya ang White board marker kay
Mr. Lorenz at sinimulan na niyang i solve ang problem. Una nakatingin lang siya sa
may Whiteboard. Parang nag aalangan siyang sagutin ito. Nakatingin lamang kami sa
kanyang likod habang hinihintay namin ang susunod na mangyayari. Tumingin si Ashley
sa amin. Sabay tingin ulit sa black board. Hanggang sinimulan na niya na itaas ang
kanyang kamay at i solve ang math problem. Sinimulan ng isulat ni Ashley ang
whireboard pen sa white board at nagulat kami sa taglay niyang bilis. Para siyang
may kodigo sa kanyang harapan na diredirecho lang sa pag sulat. Punyemas!!! Ang
bilis ng kamay niya. Para siyang robot. "Tapos na po mr. Lorenz" Wika ni Ashley na
kunyari eh nahihiya pa. "Well done Ashley." Wika naman ni Mr. Lorenz. Na
napatunganga rin. Muling bumalik si Ashley sa kanyang upuan. Habang lahat naman
kaming mga kaklase niya ay nakatanga lang sa nangyari. "Tapikin mo nga ako Joshua"
Utos ni Michael sa akin. "Hindi na kailangan dahil lahat ng nakita mo ay totoo."
Wika ko. *X~X~X* Tanghalian naon at ang lahat ay nasa hapag kainan na ng dorm.
Lahat na eh exhausted dahil sa math kanina. Pero parang may nawawala. Walang iba
kundi ang matah queen na si Ashley. "Guys si Ashley?" Tanong ni Goldie sa amin na
napahinto sa kanyang pag subo. Lahat kami ay nag tiniginan. Parang ni isa kasi sa
amin ay walang ideya kung nasan na ang babaeng wierd na yun. "Hindi ehhh.'' Sabi
ko. Sabay tingin kay Patricia. Tatayo na sana si Goldie para hanapin ang kaibigan
ng bigla naman itong dumating. Tila pagod na pagod ito at namamawis ang ulo. "San
ka galing? Kakain na tapos kung saan saan kapa nagpupunta." Wika ni Goldie na
nakapamewang. "Diyan lang ako. May kinuha lang ako sa may kwarto." Wika nito habang
pinupunasan ang labi. "Ahhh ganun ba? O sige kumain kana." Yaya naman ni Goldie
rito. Pa wierd ng pa wierd ang mga nangyayri kay Ashley habang tumatagal. Una yung
pagkawala ng memorya niya, Tapos yung mga sinasabi niya na para siyang sinasapian
tapos kunyari eh hindi niya yun sinabi. Yung mala robot niyang pag iisip na parang
may naka insert na 16 gig na memory card sa utak niya. At ang huli lang kani kanina
lang ang biglaan niyang pag kawala tapos babalik siyang bigla. Babalik na ako ng
kwarto ng mga tagpong iyon. Tapos na kasi kaming kumain at kahit papano ay gagawin
ko ang report ko sa english. Nang biglang akong tinawag ni Patricia. Mahina lang
ang pagtawag niya sa akin. Para siguro eh hindi nila malaman na may plano kami. "O
bakit?' Sabi ko na pabulong din.
"Gusto ko ng simulan ang ating pag iimbistiga?" Wika ni patricia sa akin. "kailan?"
Bigla kong tanong. "Ahmm mamayang gabi na." Wika nito na medyo nag papacute. "Ano
bayan?" Sabi ko na medyo napapakamot ng ulo. "O sige sige gagawin ko muna yung
report ko. Tapos text nalang kita." Pagpaptuloy ko. Sa sobrang tuwa ni Patricia ya
napayakap siya sa akin. Yakap na sobrang higpit na parang wala nang bukas. Pero
makalipas ng ilang segundo ay parang na realize din niya ang kanyang pagkabigla
kaya naman eh natigilan din siya sa pag yakap sa akin. "Ahhhh ehh. Sorry ahhh
natuwa lang ako." Wika nito. "Ahh he eh okey lang.'' Sagot ko naman. *X~X~X*
Natapos na ako sa aking report na hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nang
bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Kasalukuyan akong nakasalumpak sa may kama
ko at hawak hawak ang isang ballpen. BEEP BEEP BEEP! Agad kong kinuha ang aking
cellphone sa aking bag. Habang kinukuha ko ito ay tumitingin naman ako kay Michael
na baka magising ito. Pero buti nalang eh hindi. "Joshua nasan kana?" Wika sa akin
ni patricia na nasa kabilang linya. "Ahh sorry nakatulog ako. Pero sige papunta na
ako diyan." Sabi ko sa kanyan. Niligpit ko ng mabilis ang mga gamit ko sa report.
Pagkatapos nun ay kinuha ko ang favorite kong dalhin pag mga gantong bagay na mini
flashlight at agad na na bumaba. Sabi ni Patricia ay mag kita raw kami sa may lobby
ng dorm. Pero teka teka bakit dun??? Dahan dahan akong bumaba. Madilim ang
kapaligiran at napaka lamig. Habang pababa ako ay maraming tumatakbo sa aking
isipan. Na kesyo may babaeng biglang darating sa dadaraanan ko. O kaya bigla kong
makikita si Mr. Fausto nako lagotttt! Dahan dahan akong bumaba ng lobby. Nung una
eh hindi ko makita si Patricia pero. Nag signal ito. Binuksan niya ng panandalian
ang hawak din niyang flash light kaya nalaman ko kung nasaan siya. Agad ko siyang
pinuntahan sa kanyang pwesto. Kasalukuyan siyang nakatingin sa may pintuan at tila
naghihintay. "Pasensya na at nahuli ako. Nakatulog kasi ako ehh." Wika ko sa kanya.
"Okey lang. Atlest kahit late ka eh dumating ka. " Pagsasagi ni Patricia. "Pero
teka bakit ka nandito sa gilid ng hagdanan?" Tanong ko. "Basta maghintay lang tayo
rito." Wika ni Patricia. Habang nakatuon lang ang mata sa may pintuan ng dorm.
Hindi ko siya maintihan. Pero susubukan ko nalang siyang sundin at baka may kakaiba
nanamang maging surpresa ang ginagawa kong ito. Makalipas ang 10 minuto at biglang
unti unting bumukas ang pintuan ng dorm. Mabagal ang pag bukas nito. Kasabay nun ay
ang pag pasok ng kaunting hangin mula sa may labas. Pag dampi ng hangin sa aking
balat ay kinanababawan ako ng takot. Takot na hindi ko maintindihan. "Yan na
siya.'' Bulong ni Patricia. Habang nakatingin parin sa may bukas ng pinto. "Sino?"
Tanong ko. Pagkatapos bumukas ang pintuan ay biglang naglakad mula rito si Ashley
papasok. Nagulat ako. Ibig sabihin ba nito eh hanggang ngayon ay nag e sleep walk
parin siya. Pero bakit? Puro putik ang paa ni Ashley na nag mamarka ang kanyang paa
sa sahig ng dormitoryo habang siya ay nag lalakad. Nakatingin lang kami sa kanya
habang siya naman ay marahan lang sa kanyang pag lalakad. Nakapikit lang siya
habang ang dalawang kamay nito ay nasa kanyang tagiliran. "Tulog bayan? Parang
hindi naman?" Biro ko habang nasa likod ako ni Patricia. "Hindi ba halata na sleep
walk siya?'' Sagot naman ni Patrica sa akin. Sa puntng yon ay biglang tumigil sa
Ashley sa paglalakad. Kasalukuyan na siyang nasa harapan namin na malapit sa
hagdanan nang natigilan siya. "Oh my god!" Bulalas ni Patricia. At ang sumunod na
nangyari ay hindi na namin kinaya dahil biglang bumukas ng paunti unti ang kanyang
mga mata.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.21: Plan B Dedicated to spinner.gif *HINAWAKAM
NI PATRICIA ANG KAMAY KO.* Halata na binalutan ang buong katawan niya ng takot
habang nakatingin sa nakadilat na si Ashley. Blanko ang mga mata nito pero parang
hindi siya nag iisleepwalk. Kundi talagang alam niya ang kanyang ginagawa. Dahan
dahang inikot ni Ashley ang kanyang ulo sa kanan. kasunod naman nun ay sa kaliwa.
Mula naman sa kaliwang parte ng lobby ay napalunok ako. Dahil mas matagal ang pag
tingin niya sa pwesto namin. Na sa palagay ko kasi eh naaninag niya kami sa may
ilalim ng hagdanan kahit na nababalutan na kami ng kadiliman. "Anong gagawin
natin?" Bulong sa akin ni Patricia. Na nakahawak parin ang kamay nito sa akin.
"Shhhss." Sa mahina kong boses. "Basta wag ka lang maingay." Sa pagpapatuloy ko.
/Secret no.21: /*/Plan B /*- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Muling tinuon ni Ashley ang
tingin niya mula sa kanyang harapan. Pagkatapos nun ay nagsimula ulit siyang nag
lakad nag dahan dahan sa may hadanan. Hindi ito tumitingin o pasulyap sulyap sa
kayang likod. Pero nakakamanghang karkulado niya ang pag hakbang niya sa bawat
baytang ng hagdanan kahit na hindi siya tumitingin rito. Nang mawala na sa aming
panigin si Ashley ay biglang huminga ng malalim si Patricia. Rinig na rinig ko
parin ang labis na pag tibok ng kanyang puso. "Nakit niya kaya tayo kanina?" Wika
nito na halos tagaktak ang pawis dahil sa nasaksihan kanina. "HIndi ko alam. Pero
mukang alam niya ang ginagawa niya." Sagot ko. " Ilang oras siyang nasa labas?"
Followup question ko. "Sa karkulado ko eh mga trenta minutos din." Sagot naman ni
Patricia. Halos trenta minutos daw si Ashley nag tagal sa may labas. Kung pag
lalakad ang ginamit nyang paglalakbay eh. Halos isang kilometro din ang mararating
niya. Pero ang isa pang tanong eh kung saan siya nagpunta? Kinabukasan ay binulabog
kami ng isang napaka hesterikal na ingay. Halos ang ingay nayun ay nanggising sa
buong dormitoryo. "Dude ano yun?" Tanong agad ni Michel na napanganga rin. Para
itong sigaw na parang sobrang takot ang nadarama. Kaya namn eh pinuntahan namin
kung saan ito nagmumula. Mula sa second floor ay naabutan namin ang isang kwarto na
pinagkakaguluhan ng iba pang mga estudyante. walang iba kundi ang kwarto ni Ashley.
Agad akong sumingit mula sa siksikan ng mga katawan ng mga estudyanteng naroon. At
nang makita kona ang eksenang nagaganap ay mas lalo akong kinilabutan. Ang porma.
Si Ashley ay nasa loob ng kanyang silid na may dalang kutsilyo. Duguan na ang kamay
nito na halos tumutulo na sa may sahig ng kanyang kwarto. Nasa gilid lang siya ng
kanyang kwarto at tila takot na takot. Nandon din sila Mr. Fausto para pigilan
siya. Pero mismong sila eh natatakot sa kung anong gawin ni Ashley sa kanila at
mismong sa kanyang sarili. "Ashley ibaba mo yan." Utos ni Mr. Fausto na naka alalay
ang kamay. "Hindi!!!!" Pasigaw na wika ni Ashley. Nasa gilid lamang ng kwarto sila
Goldie at Patricia. Habang wala naman silang habans sa kakaiyak. Wala paring
nagbago sa eksena na nagaganap sa may kwarto ng bigla nalang ianangat ni Ashley ang
hawak niyang kutsilyo. Ang metal na parte nito ay umilaw sa liwanag na pumapasok
mula sa bintana ng kanyang kwarto. Nung una ay parang tinitignan lang niya ang
liwanag na nagmumula roon. Ngunit biglang na shock ang lahat ng ng bigla niyang
unti unting hiwain ang kanyang balat. Kitang kita namin kung pano niya hiwain ito.
Bawat pag hiwa niya sa kanyang maputing balat ay purong dugong likido ang mabilis
na lumalabas. Pero ang nanaka praning dito eh hindi siya nasasaktan. Ang expression
na pinapakita niya ngayon habang ginagawa niya ng karima rimarim na bagay nayon ay
ang expression na nakita namin sa kanya kagabi. Kundi blanko lang. Habang hinihiwa
naman ni Ashley ang kanyang balat eh dun na si Mr. Fausto kumilos. Agad niyang
sinunggaban si Ashley. Swerte naman niyang nakuha kaagad mula sa mga kamay nito ang
hawak hawak nitong kutsilyo. Pagka kuha ni Mr. Fausto rio ay itinapon agad niya yun
sa may labas.
Ang ibang mga estudyant naman ay todo alalay. Niyapos nila si Ashley para hindi ito
makatakas. Pinahiga nila ito sa may sahig ng kanyang kwarto at agad naman siyang
tinurukan ng nurse ng naroon ng pampatulog. *X~X~X* Kamusta na si Ashley?" Tanong
ko kay Patricia. Makatapos siyang dalhin sa klinik para malunasan ang kanyang mga
sugat. "Okey na siya.'' Wika ni Patricia sa malumanay na boses. Pero halata parin
dito ang labis na kalungkutan. "Iyak mo lang yan." Wika ko sa kanya. Nakatulala
lang si Patricia sa harapan ko ng bigla siyang humagulgol ng iyak. Niyapos ko siya
sa aking dibdib habang hinihimas himas ko naman ang kanyang ulo. "Anong nangyayari
sa kanya?" Wika ni Patricia ng paulit ulit habang umiiyak. "Babalik din sa dati ng
lahat." Wika ko naman. Medyo nag okey key narin ang kalagayan ni Ashley pag dating
ng hapon. Kinamusta naman siya sa kanyang kawrto kasama ang isang psychologist.
"Doc ano pong nangyari kay Ashley bakit siya nagkakaganyan." Tanong ni Mr. Fausto
sa tumingin na doctor sa aming kaibigan. "Na trauma lang siguro siya despite ng
pagkawala niya. Pwedeng may gumawa sa kanya nito or may nangyari sa kanyan habang
siya eh nasa outside world." Wika ng doctor habang nakatingin ito sa kanyang
pasyente. "Ahh ganun ho ba?" Sabi ni Mr. Fausto habang nakangiti na. "Pero doc
hanggang kailan ho siyang ganyan?" Follow up question ni Mr. Fausto. "Ahhh. Kanina
eh kinouncelling na natin siya. Pero kailangan natin siyang batayan in about 24
hours. Kung ganun parin ang responce niya eh. kailanang na natin siyang dalhin sa
totoong hospital para makaiwas sa kung ano pang malubhang mangyayari."
Pagsasalaysay ng doctor. "Sige ho doc salamat." Pagpapasalamt ni Mr. Fausto rito.
Tinignan muna ulit ng doctor ang kalagayan ni Ashley bagio ito tuluyang umalis.
Habang kami namang mga kaibigan niya ay naiwan lang sa kanyang kwarto para kahit
papano eh hindi niya ma feel na nag iisa. "Sana gumaling na si Ashley." Wiak ni
Rupert na malungkot ang mukha. "Magaling naman siya ahhh." Sigaw naman ni Goldie na
medyo nainis. "Oii Relax ka lang. Ang ibig sabihin ni Rupert eh mas gumaling kaysa
sa ngayon. Ganun lang.'' Bawing salita ni Michael. Habang naguusap naman ang lahat
ay bigla ulit akong kinausap ni Patricia sa may gilid. Kinuha niya ang aking braso
at walang habas na pilit akong hinila sa may gilid ng kwarto habang ang lahat ay
abala sa kanilang pag uusap. "Joshua tignan mo to?'' Wika ni Patricia. Habang
nilabas niya mula sa kanyang bulsa ang isang maliit na botelya. "Ano yan?'' Tanong
ko. Isa itong botelya na mukang pangkaraniwan sa unang tingin. Pero ng sinmulan ko
ng amuyin ang laman nito ay yun ang hindi pangkaraniwan. Kaamoy ito ng binurong
kung ano anong mga bagay. Nakakasuka. "San to galing?" Wika ko. Habang nakasimangot
dahil sa amoy na naamoy ko. "Kanina lang sa drawer ni Ashley. Sa tingin ko eh yan
ang pinagaabalahan ni Ashley pag nawawala siya." Pagtatanong ni Patricia sa akin.
Biglang gumana ang aking isipan Pano kung tama ang sipantaha ni Patricia. At kaya
siya lumabas ng dormitoryo eh dahil nauubusan na siya ng supply nito?. Paro ang isa
pang tanong eh. Kung saan niya ito nakuha. Posible bang kung saan niya ito nakuha
eh dun siya galing at dun niya rin nakuha ang kakaiba niyang pag uugali pag balik
rito??? Pwes maaari. "Hoy Joshua!" Wika sa akin ni Patricia sabay tapik sa braso
ko. " Natulala ka nanaman diyan!" Puna nito sa akin. "Ahh wala iniisip ko lang kung
ano ang mga possibilities mula sa boteng ito." Sabay tingin ko sa mga mata ni
Patricia. Sabay kaming tumingin sa nakaratay na si Ashley sa higaan. Sa tabi nito
ay patuloy paring hinihimas himas ni Goldie ang kanyang buhok habang tuloy parin sa
diskosyunan si Michael at Rupert. "So anong plano na ngayon?" Tanong ulit ni
Patricia sa akin. Pinapaikot ikot ko mula sa aking mga daliri ang maliit na boteng
yon. Sabay sagot na "Magbago tayo ng plano." Wika ko sabay tingin sa kanya.
*X~X~X* Alas dose na ng gabi. Ito na ang napag kasunduan naming oras ni Patricia.
Mahimbing ng natutulog ang buong estudyante ng Magnun Acedamy pati narin ang mga
guro. Ang ka room mate ko namang si Michael ay halatang super himbing sa pagtulog
dahil narin sa sobrang pag hilik nito. Ang pintuan namin sa kwarto ay biglang unti
unting bumukas. "Joshua! Bati sa akin ni Patricia. Ngunit sa pabulong na boses. "Oo
nandiyan na!" Pabulong korin na sabi. HInanda kona ang aming gagamitin. Ewan koba
pero pati ag susi na manipis nayon na hugis bungo ay nilagay ko sa aking sapatos.
Marahan na akong papalabas ng kwarto ng walang anu anoy bigla namang bumukas ang
ilaw. "Oii saan kayo pupunta?" Wika ng boses. At nang pag lingon ko ay nakita ko si
Michael na puno ng suspetsa sabuong mukha at gising na gising. Habang ito ay
nakatingin sa akin.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.22: Follow The Trail Dedicated to spinner.gif
*NAKATINGIN LANG AKO KAY MICHAEL* habang nakatayo. Sa kanan kong kamay ay hawak
hawak ko ang dala kong mini flashlight samantalang sa kaliwa ko naman ay ang
dooknob. Papalabas na kasi ako nun sa kwarto ng hindi ko alam na set up lang pala
ni Michael ang pag tutulog tulugan. "Saan kayo pupunta?" Tanong niya sa akin.
Habang sinusuot niya ang kanyang eyeglass. Napalunok ako. Napatingin muna ako sa
may siwang ng pintuan at sinisilip ang kalahating katawan ni Patricia na
kasalukuyan ng hinihintay na ako sa may labas ng corridor. Muli akong tumingin sa
mukha ni Michael sabay sabing. "Hahanapin namin ang totoong Ashley." Sa normal kong
boses. /Secret no.22: *Follow The Trail */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D /* */ "Ano???"
Sigaw ni Michael pag katapos naming magpaliwanag. Agad kong tinakpan ang kanyang
malaking bunganga. Baka kasi eh marinig kami ng lahat sa lakas ng sigaw nito.
Mahirap na at baka mabulilyaso pa ang aming misyon ngayong gabi. Hindi kasi rin
naming masasabi na hindi marinig ang kanyang boses kahit na naka sarado ang pintuan
ng kwarto alam mo naman sa magnum kahit na ang pader ay may tenga. "So saan nyo
naman planong hanapin ang lugar kung saan si Ashley or sabihin nating "Weird Ashley
nagpunta nung gabi?" Tanong ni Michael habang naka cross arm. "May clue na kami."
Sabi ko. "At ano yun?" Tanong ulit ni Michael na sa puntong ito ay napatayo na sa
may kama niya. "Nung gabi kasi eh may mga putik ang paa ni "Wierd Ashley" ng
sinubaybayan namin siya." Pagpuputol ko. "And so?" Paguusisa ni Michael. "So sinuri
namin yung putik. May mga nakahalong mga maliliit rito na red pebbles so saan ba
makikita ang red pebble?" Pagpuputol ko. Bigla naman itong tinuloy ni Patricia
sabay sabing. "Makikita ang mga reb pebbles sa old quarry." Pagtatapos ni Patricia
sa sinabi ko. Muling napaisip si Michael. Parang kinakarkula niya sa kayang isipan
kung nasaan nga ba ang old quarry. "Teka teka? san nga ba yun? Wika niya habang
naka lagay ang kanyang hintutro sa kanyang isip. Habang kasalukuyang nagiisip si
Michael ay bigla namang may tumunog. Parang tunog ito ng naglalakad. Rinig na rinig
namin ang mga yapak nito sa mismong harapan ng aming kwarto. "Ano yun?" Tanong agad
ni Patricia. "Hindi ko alam." Sagot ko naman. Dahan dahan akong nagpunta ng
pintuan. Inikot ko ang doorknob at marahan itong binuksan. Sa aking pag bukas rito
ay agad kong nakita kaagad ang isang parte ng damit ng isang babae. Ang mahabang
damit nito ay marahang pumapagaspas sa may corridor ng dormitoryo habang tila ang
nagmamayari ng damit na iyon ay wala sa kanyang sarili. "Ano Joshua sino yun. Si
Mr. Fausto ba?" Paguusisa ni Patricia na halata mula sa boses nito ang nerbiyos.
"Hindi!'' Agad ko namang sagot na kasalukuyan eh nakasilip parin sa may siwang ng
pintuan. "Ehh sino nga dude?" Tanong naman ni Michael. Pero imbis na sagutin sila
sa kanilang mga katanungan eh bigla akong umalis mula sa may pintuan. Agad kong
inayos ang aking kama. "Mag ayos na kayo at aalis na tayo!" Sa madali kong sabi.
"Bakit ba? Sino ba talaga yun?" Tanong sa akin ni Patricia na hinawakan na ako sa
braso. Tinignan ko ang kamay ni Patricia na naka hawak sa akin. Unti unit kong
tinaas ang aking tingin at huminto ako sa kanyang mga mata sabay sabing. "Si Ashley
yun at susundan natin siya." Sa mahina kong boses. *X~X~X* Makalipas ang ilang
minuto ay sinundan na namin si Ashley. Ang kanyang ulo ay hindi manlang lumilingon
sa kanyang dinaraanan ni hindi niya ito tinitignan pero napaka imposibleng hindi
siya nabubunggo. "Dude talaga bang ng iisleepwalk yan?" Tanong ni Michael sa akin.
"Actually hindi ko rin alam eh." Sagot ko habang marahan paring naglalakad.
Marahang binuksan ni Ashley ang pintuan ng lobby ng dorm. Sa pagbukas niya rito ay
may kaunting hangin ang dahan dahang pumasok. Ang lamig nito ang nag silbing tila
takot sa buo naming katawan.
Pagkatapos nun ay nakakapangilabot na lumingon si Ashley sa kanyang likuran. Agad
kaming yumukong tatlo. Para siyang isang manika na walang buhay. Nag durugo pa ang
iilan nitong sugat sa kamay at medyo umaagos pa ang dugo nito sa bendang nakabalot
rito ngunit tila hindi niya ito nadarama. Patuloy parin sa pag lakad si Ashley
pagkatapos ng tagpong yun. Kasalukuyan na kaming nasa kalye. Marahan lang ang aming
pag lakad sa madilim na parte ng daan. Sa aming paglalakad ay aming hinihiling na
kahit isang saglit ay hindi manlang masagi sa kanyang isip na lumingon sa likod
nito. Dahil kung mangyari yun ay siguradong sira ang aming plano. Malamig ang
hangin ng gabing yon. Madilim din ang buong paligid. Gusto ko mang gamitin ang dala
kong mini flashlight upang ilawan ang aming daraanan ngunit hindi pwede. Baka kasi
makita ni Ashley ang liwanag nito at baka ito pa ang ika huli namin. Kaya naman eh.
Nilalakasan nalang namin ang aming mata sa dilim na ang tanging palatandaan ay ang
suot nitong puting damit. Makalipas ng kalahating minuto ay natunton na namin ang
old quarry. "Nandito na tayo." Wika ni Patricia na halata rin sa mukha nito ang
pagsabik. Hindi ko naman malaman kung saan siya nasasabik? Sa adventure ba namin
ngayong gabi? Sa muling pag kikita nila ni totoong Ashley kung tama nga ang hinala
namin? O dahil sa matutuklasan namin kung ano man yon? Madilim ang buong paligid.
Pero ayon narin sa aking nakikita at ang konting naliliwanagan ng kaisa isang
bombilya naroon ay makikita mo mula sa aming kinaroroonan ang iilang patong patong
na sako at mga pala na halatang inabandona na. Ang maputik na lupa rin dito ay
tinutubuan na ng mga bermuda grass. "Alam mo nakakatakot dito." Wika ni Patricia. "
Parang setting sa horror film." Pagpapatuloy nito Biglang humampas ang malakas na
hangin sa aming mga balat. At agad namang umalingasaw kaagad ang amoy ng mabahong
gas at amoy ng basang lupa na talaga namang nakakasuka. "Oiii magmamasid nalang ba
tayo rito o nakalimutan lang ninyo kung ano ang tunay nating misyon?'' Wika ni
Michael na nagrereklamo na. "Eto na nga po ehhh. "Sagot ko naman. Sa di kalayunan
ay nakita namin si Ashley na inangat ang isang natatakpang butas. Makikita mo sa
kanyang mukha na nahihirapan siya sa pag angat rito pero ang mas nakakamanghang
panoorin rito ay mismong siya dahil sa buong lakas niyang binuhat ng mag isa ang
naturang takip nayon. Pagbukas roon ay wala siyang pinalampas na oras upang pumasok
rito. Pagkatapos naman non ay pinabayaan na niya itong bukas. Sa hindi niyo kasi
natatanong eh nasa isang malaking bato kami at nag tatago. Pinauna namin si Ashley
na maglakad ayon narin sa aming plano. Pagkatapos nun ay kami naman ang umeksena.
Agad kaming nagpunta sa pinasukan ni Ashley. isa itong pabilog na tunnel pababa. Na
hindi ko malaman kung gaano ito kalalim. Panandalian kong nilagay ang liwanag ng
aking mini flash light sa loob ng butas at sinilip ito. Ayon sa aking pag tingin
rito ay merong akong nakitang hagdanan sa may gilid. Nangangalawang na ito at medyo
basa. Siguro eh dahil narin sa ulan. "Guys ano papasok naba tayo? Tanong ni
Michael. Habang nakatingin sa may butas. "Sige." Sabi ko naman. Nauna muna akong
pumasok sa loob. Sumunod si Michel at pumahuli naman si Patricia. Sinipit ko sa
aking bunganga ang aking dalang mini flashligh para kahit papano ay mailawan ng
kahit kaunti ang aming binababaan. Pagdating namin sa baba ay bumungad sa amin ang
pambihirang lugar. Nasabi kong pambihira dahil lahat ng mga bagay rito ay kulay
puti. Magmula sa flooring na sahig. Ang kisame, Mga ding ding ng bawat kwarto at
ang mga nasa loob nito. Parang tila naligaw lang ang lugar na ito sa loob ng
quarry. Perpekto ang pagkakagawa nito. Hindi rin tinipid sa espasyo. Kasya ang
tatlong tao sa lawak ng daanan.
"Pambihira! Nasan tayo?" Tanong ni Patricia pag kababa namin. "Totoo ba nag lahat
ng ito?" Tanong naman ni Michael sa pagtataka. Ang loob nito ay tila isang ospital.
Parang napakalinis ng lahat ng bagay dito. Hinding hindi nabubuhay ang kung anong
klaseng mikrobyo. Para saan ang lahat ng ito? Bakit kaya may ganitong lugar sa
ilalim ng quarry? Yan ang mga katanungan na pumapasok sa isip ko at sa palagay ko
eh sa pag iisip din ng dalawang kasama ko rito ngayon. Hindi kami makapaniwala sa
aming nakikita. Patuloy lang kami sa aming pag iimbistiga sa lugar ng may nakita
naman si Patricia an tila isang malaking mikropono sa isa sa dulo ng pasilyong
tinatahak namin sa ngayon. Napahinto kami. "Ano yun?" Tanong ni Patricia.
Pinuntahan niya ito at handa ng hawakan ng bigla naman itong tumunog. TING TING
TING! Mula sa speacker na nalapit lang sa kinatatayuan namin ay may biglang ng
announce. "/NO.1201 is on the isolation room. I repeat NO.1201 is on the isolation
room/." Sabi ng tinig. Nagtataka kami sa sinabi nayon ng announcer. Pero sa puntong
yun eh hindi naman namin alam kung saan na kami pupunta. Bigla kasing nagsanga ang
daan. Hindi ko alam kung saan na kami pupunta kung sa kanan o sa kaliwa ba?
Nadagdag pa sa aming pag kalito ang isang tinig na nagmumula sa lupa. "May
parating." Wika ko. Hindi kami mag kanda ugaga. Hindi kasi namin alam kung saan
kami nito magtatago. Patay kang bata ka! Palakas ng palakas ang yabang ng paa. Ang
ibig sabihin nito ay papalapit na ito ng papalapit sa amin. Pero sa mga puntong yun
ay wala parin kaming makitang pagtataguan. Marami kasing kwarto dito pero lahat eh
walang doorknob. Punyemas naman oo!!! Pano kaya bubuksan ang bawat kwarto rito?
"Baka naman sasabihin mo na bumukas ka o kaya isang command." Pagsasagi ni Patricia
na natataranta na. "Punyemas na command yan wala na tayong oras!!!" Sabi ko naman.
Agad akong nagpunta sa isa sa mag pintuan na naroon. Pilit kotong hinahanapan ng
susian o kahit na anong paraan para mabuksan ito pero eh wala. Ano kaya kung bigla
ko nalang sirain ito? Sabi ko sa aking isip. Ayyy nako bahala na nga! Basta ang
kailangan sa ngayon eh makapagtago kami. Kaya naman eh tumapat ako sa isa sa mga
pintuan na naroon at handa na itong kabugin ng biglaan naman itong bumukas.
Punyemas automatic pala!!! Agad kamig pumasok sa loob ng kwarto nayon. Eksaktong
eksakto naman na biglang pagdating ng isang nakaputing lalaki na parang doctor sa
harapan ng pintuan. Nasilayan kasi namin ang kawangis nito mula sa may ilalim ng
pintuan. "Oh my God nasan ba tayo?" Bulalas ni Patricia habang nililibot ang
kanyang mga mata sa buong kwarto. "Para siyang ospital na di mo malaman.'' Wika
naman ni Michael habang pinapakeelaman ang mga bagay na naroon. Malaki ang loob
kwarto. Pati ang mga kasangkapan sa loob nito ay kulay puti rin. Magmula sa
kurtina, lamesa, Crafted cieling, Carpeted na sahig, Walling nito, Mahabang sofa,
Mini chandilier na talaga namang napakaganda at kung ano ano pa. Kung kanina sa
aming pag pasok ay para kaming nasa ospital. Ngayon naman eh para kaming nasa
hotel. "WOW!" Wika ko sa labis na paghanga rito. "Pero guys eh nasan na ang totoong
Ashley at ano ang pinupuntahan naman nung weird na Ashley sa weird na lugar na
ito?" Tanong ko. Nagkatinginan lang kaming tatlo. Panandalian kaming namangha sa
magandang lugar na ito aminin ko yan pero ang mas importante sa ngayon ay ang
paghahanap sa tunay naming kaibigan na si Ashley. kaya naman eh lumabas na kami sa
may kwartong yun. Sa aking paglabas ay agad na umagaw ng aking pansin ang isang
malaking litrato. Namumukaan ko ang nasa larawan nito ngunit hindi ko matandaan
kung saan ko siya nakita? Panandalian akong nag isip pero mas tinuon ko ang aking
sarili sa pag labas ng kwarto.
"San kaya dumaan ang lalaking yun? Sa palagay ninyo eh saan siya pupunta?'' Tanong
ko kaagad. "Nako alamin nalang natin." Mataray namang sagot ni Patricia. Hinalughog
namin ang bawat kwarto ng lugar nayon. Para itong isang malaking puzzle na may
mahahabang pasilyo na paminsan minsay may mga intersection din. Mula naman sa aming
paghahanap sa naturang lugar ay bigla kaming napunta sa isang kwarto na may ubod na
laking pintuan. Pero ang kakaiba rito eh hindi kulay puti ang pintuan nito. Parang
naligaw lang. "Sa palagay niyo ba eh diyan pumasok yung lalaki kanina or nandiyan
si Ashley." Tanong ko kaagad. "Maari." Sagot agad ni Michael na napapangiwi. Dahan
dahan kaming nagpunta sa may pintuan. Kung maari ay hindi kami gumawa ng kahit
konting ingay para narin sa aming kaligtasan. Nauna muna akong sumilip mula sa
siwang nito. Mula naman sa siwang ay nakita ko ang lalaking nakaputi na dumaan
kanina na masusing ginagamot ang mga sugat ni "Weird Ashley" Nakaupo lang ito sa
isang habang lamesa. Habang ang lalaki naman ay nakatayo lang sa kanyang harapan
habang ginagamot ang kanyang sugat. Sa gilid naman ng lalaking nakaputi ay ang mga
gamit na pampaopera na nakalagay naman sa isang mahabang metal na stool. "Ano
Joshua?" Pangungulit sa akin ni Patricia habang tinatapik ako sa may likod. Ayoko
namang gumawa ng ingay kaya naman eh mula sa aking lukuran ay gumagawa ako ng
senyas. Sa may loob naman ay tila narinig ni "Weird Ashley" Ang wika ni Patricia
kaya eh." Napatingin ito sa may pintuan. Nagtaka rin ang lalaking nakaputi. "Ano
yun. NO.1201' Tanong niya rito. Ngunit hindi siya sinagot nito bagkus ay tinuro na
lang niya ang kanyang kamay buhat sa pintuan ng kwartong yun. Na doon mismo. Oo
walang duda sa pwesto na kinatatayuan ko.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.23: Wrong turn Dedicated to spinner.gif
*NAKATURO LANG SI ASHLEY SA MAY PINTUAN.* Samantalang ako naman ay halos hindi na
makapaniwala sa mga nangyayari. Pinagpapawasan ako ng malutong lutong habang
nakikita ko ang kabiyak na mukha ni Ashley sa may siwang ng pintuan. Sabayan pa
natin ng kanyang hintuturo na walang kasing tuwid kung maituro ang kinalulugaran
ko. Ay hindi! Naming tatlo. Dahan dahan na nilingon ng nakaputing lalaki ang
kanyang ulo sa may pintuan. Matagal siyang nakatitig rito na tila nakikita niya
kami mula sa may labas. "Dito ka lang... No.1201" Wika nito kay Ashley sabay baba
ng hawak hawak nitong bulak na may /povidone-iodine/. (Betadine) Tumungo lamang si
Ashley sa command ng lalaking yun. Mula naman sa labas ay nagtaka si Patricia.
Bigla kasi akong umalis mula sa pagkakasilip ko sa may butas. '' Lika na!" Sa
pagmamadali kong sabi. "Bakit ba Joshua???" Inis na sabi ni Patricia na mukang
gusto pang sumilip sa may butas. Hinawakan ko si Patricia sa kanyang bisig.
"Michael dali na tumakas na tayo. Delikado!" Sa aking wika pero nagpupumilit talaga
tong si Patricia. Kaya naman eh sumilip siya. Pero mukang hindi yata niya
nagustuhan ang kanyang nakita. Hanggang Bigla siyang sumigaw ng ubod ng lakas!
AHHHHH! /Secret no.23: *Wrong turn */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D /* */ Napasigaw si
Patricia sa kayang nakita. "Isang mata! Isang mata!" Paulit ulit nitong sabi habang
napa upo na siya sa may sahig sa sobrang gulat. Samantalang kitang kita naman mula
sa expression ng mukha nito ang sobrang takot. "Magmadali kayo!" Bigla ko namang
sabi. Inalalayan ko si Patricia mula sa kanyang pag kakaupo sa may sahig. Habang si
Michael naman ay tila naghahanap ng kung anong bagay. Sabay sabing "Yun!" Mula sa
di kalayuan ay biglang kinuha ni Michael ang isang mabigat na upuan na mukang
nagsisilbing waiting area sa may labas. Sa tulong naming tatlo ay sabay sabay
naming hinila ito at iniharang sa may pintuan. Syempre para nga naman eh may time
pa kaming makatakbo at hindi kaagad makalabas ang lalaking ito mula sa nasabing
kwarto. Agad na kaming tumakas. Tinahak namin ang daan kung saan kami nagpunta
kanina. Halos hindi kami tumutingin sa likod. Dinere direcho lang namin ang mga
pasikot sikot upang makapunta kaagad kami sa una naming pakay. Ngunit tila may
haharapin nanaman kaming panibagong hamon. Dahil biglang tumunog ng malakas ang
kanilang emergency alarm. Kasabay nun ay ang paglitaw ng pulang ilaw sa paligid.
Ang lahat ng kulay puti kanina ay tila nadungisan ng kulay pulang dugo. WING WING
WING!!! kinubabawan ng malakas na tunog ang buong paligid ng naturang wierd na
lugar nayon. Hindi narin namin marinig ang isat isa. Kaya ang ginawa nalang namin
eh ang mag sign language upang magsilbing aming linggwahe ng mga oras nayon.
Balisang balisa ang mga mukha naming tatlo. Tila ito na ang katapusan namin. Pero
ang tanong ko sa aking sarili eh ganun din kaya ang gagawin nila sa amin ng parang
katulad kay Ashley pag nahuli kami? Badyang nakakatakot! Winagayway ni Patricia ang
kanyag kamay na tila gustong sabihin na "Paano na?" Agad din naman akong nag sign
language na "Doon tayo." Sabay turo ko sa isang hallway. Agad kaming nagtungo roon.
Medyo nakakaligaw na ang buong paligid. Nakakalito narin ang mga daanan. Dahil
narin sa ingay ng alarm at ang nakakasuyang pula na nababanaag sa buong paligid. Ti
nry din namin kahit papano na hanapin ang lagusan kanina. Pero mukang nawawala na
kami ng pag asa. Kung matino lang siguro ang sitwasyon ngayon sa buong kapaligiran
eh may tiyansya pa kaming makita ito. Bigla namang naging leader si Michael agad
siyang nanguna sa amin ng pabigla bigla. Mula sa maingay na ugong sa buong paligid
ay tila nagawa pa nitong matandaan kung saan kami pumasok kanina. Agad kaming
kumilos. Halos limang lagusan ang pinasukan namin at di mabilang na hallway ang
aming tinakbo na tila pambihira namang nakita namin ang una naming pinasukan na
kwarto. "Shoot ito na nga!" Wika ko sa aking sarili.
Bigla kaming nagyakapan sa sobra naming tuwa. Ang ibig sabihin kasi nito ay
malapit na kami sa may hinahanap naming lagusan papalabas. Kaya naman eh sinimulan
na naming tumakbo ng mabilis. Bilis na walang ibang iniisip kundi ang pag takas sa
weird na lugar na ito. Halos hindi na namin iniisip ang aming mga itsura. Hindi man
namin nakikita sa salamin eh alam kong super haggard na ang inyong linggod. Napunta
kami sa isang pasilyo pag dating ng ilang minutong kakatakbo. Hinihingal hingal pa
ako ng napansin ko na nasa isa pala kaming intersection. Bigla kaming huminto.
Napahawak ako sa may ding ding habang tumatagaktak naman ang pawis ko. "Saan tayo
papasok?" Tanong ni Patricia habang hinihingal. "Sa kanan." Sagot ko. Ngunit ng
ibaling na namin ang aming tingin sa kanan na pasilyo ay biglang may dumating na
lupon ng mga nakaputing tao. Nakakatakot ang mukha nila. Pagbaling naman namin sa
kaliwa ay ganun din. "Nako naloko na!" wika ko. "DALI!!!!" Sa todo kong sigaw. Agad
kaming dumerecho. Pagkatapos nun ay kumaliwa naman kami. Halos kalahating kilometro
pa ang layo ng lagusan kaya namn eh halos lumipad na kaming tatlo sa sobrang bilis.
Mula naman sa aming likod ay mabilis din ang mga taong naka puti na gustong kumuha
sa amin. Nagpadulas nako sa madulas na sahig. kasabay nun ay nadapa naman si
Michael. "Punyeta!" Agad akong nakapunta sa may bukana ng lagusan. Medyo tumama pa
ang aking ulo mula sa matigas na ding ding nito ngunit hindi ko na yun ininda pa.
Samantalang tinulungan naman ni Patricia si Michael na bumangon. Mula naman sa
kanilang likuran ay nakikita ko na malapit na ang mga lalaking nakaputi. "Joshua
tumakas kana!!!!!" Sigaw ni Patricia. Habang akay akay niya si Michael. Mukang sa
mga tagpong kasing yun ay alam na niya na hindi na sila makakatakas pa. Kasabay non
ay nahuli na sila ng mga lalaking nakaputi. Hinawakan si Patricia sa may braso
sabay turok dito ng pampatulog. At gayon din si Michael. Nagmamadali naman akong
pumasok sa may butas. Dito ko talaga binuhos ang aking buong liksi. Madali kong
inihakbang ang kanan kong paa sa may hagdanan papataas at tuluyan ng umakyat. Nang
makapunta nako sa may taas ay agad kong sinarado ang butas. Binuhat ko ng buong
lakas ang mabigat na bakal na saraduhan nito. Sabay nun ay bigla akong napahiga sa
maruming putik ng quarry. Ibang pagod ang naramdaman ko. Habang nakatingin lang ako
sa buong itim na kalangitan. "Patricia, Michael. Babalik ako." Wika ko ng biglang
tumulo ang mumunting luha sa aking mga mata. *X~X~X* Agad kong tinahak ang daanan.
HIndi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong. Gulong gulo ang isipan ko. Babalik
ba ako ng magnum o hindi na? Puro putik ang kalahati ng aking mukha. Pakiramdam ko
rin ay ang lagkit lagkit na ng buo kong katawan. Namamasa narin sa pawis ang buo
kong likod. Pati ang buhok ko ay gulo gulo na. Sa mahaba kong paglalakad sa kalyeng
yon ay biglang may dumaan na police car. Tila nag rorobing ito. Agad akong nag
wagayway ng kamay. Hindi naman ako nabigo dahil tumigil ang naturang police car sa
mismong harapan ko. "Nako binata anong ginagaw mo rito?" Tanong kaagad sa akin ng
police pagkababa ng bintana nito. Kitang kita ko sa mukha niya ang labis na
pagkagulat ng nakita ako. Agad naman akong sumilip sa may loob ng kotse at
sinabing." Mamang police tulungan nyo ako. Habang patulo na ang aking luha. Agad
akong pinapasok ng pulis sa loob ng police car na yon. Maliit lamang ito. Kung
hindi ako nagkakamali ay kasing laki lang ito ng taxi. Dinala ako ng naturang
police sa malapit na police station. Katamtaman lang naman ang laki ng pulis
station na pinadalahan sa akin. Sa loob nito ay maliban sa police na kumuha sa akin
ay meron pang isa. "Napano yan?'' Tanong ng isa pang police na nasa loob. "O ikaw
na ang kumausap diyan!" Sabi naman ng police na nagdala sa akin. Pinaupo ako sa
police na nasa loob. Ayon narin sa nameplate nito ay SPO1 Renato Castro ang kanyang
pangalan.
Pinainom naman nila ako ng tubig at marahang pinaghilamos. Umuusok usok pa ang
sinding sigariliyo ni Mr. Castro sa kanyang lamesa. Pinagmamasdan koyon habang
umiinom ako ng tubig. Makapal ang kanyang bigote at medyo nakakalbo naman ang
kanyang buhok sa ulo. "Oii Binata. Napano ka?" Tanong nito sa akin. "Hindi po kayo
maniniwala pero may kumuha po sa mga kaibigan ko sa may quarry." Sa pagsasalaysay
ko. Biglang tumawa ng malakas si Mr. Castro. Tila hindi siya naniniwala sa mga
pinagsasabi ko. "Alam mo ba bata ang mga pinagsasabi mo?" Matagal ng sarado ang
quarry. At teka anong ginagawa ninyo doon?" Sa pagbabago ng kanyang tono. "Ahh ehh
may hinahanap lang po kami." Sa pagpapatuloy ko. "Sino naman ang hinahanap nyo?"
Tanong ulit ng pulis sa akin sabay hit hit ng sigarilyo. "Yung isa papo naming
kaibigan pero pag punta po namin sa underground na parang ospital nayon eh nahuli
po kami." Sa pagsasalaysay ko ulit. Binaba ni Mr. Castro ang kanyang sigarilyo at
huminga ng malalim. "Alam mo iho. Napaka hirap paniwalaan ng mga pinagsasabi mo.
Dahil unang una ay hindi pwedeng magtayo ng lugar sa ilalim nito dahil may gas sa
ilalim ng quarry. Ibig sabihin eh may tendency na sumabog. Naiintindihan mo???''
Pagpupumilit na pagsasalaysay ni Mr. Castro sa akin. "Per..." Pagpuputol kong sabi.
"Ayy nako pinapainit mo ang ulo ko! O sige sige!" Wika nito. "LIto!!!" Sigaw nito.
Mula sa loob ng kwarto ay isa pang pulis ang lumabas. Mapayat ito at tila bata pa.
"Ano ho iyon?" Tanong nito kay Mr. Castro. "Ahh samahan mo ang batang ito at tignan
nyo ang quarry. Tignan mo kung totoo ang mga pinagsasabi nito then ireport mo
kaagad sa akin. Wika ni Mr. Castro na tila naiinis na sa akin. "Opo sir!" Wika
naman ni Lito. *X~X~X* Sinisilip lang ako ni Lito mula sa salamin ng police car. Sa
likod kasi ako pinaupo. Kahit ayoko man eh napilitan akong bumalik sa quarry.
Nakasilip lang ako sa may bintana ng kotse habang iniisip ko kung ano na nangyayari
kila Patricia at MIchael. "Totoo ba ang mga pinagsasabi mo?" Tanong ni Lito sa
akin. Habang tuloy parin sa pagmamaneho. Bigla akong tumigin kay Lito gamit ang
head mirror ng kotse. Sabay sabing "Oho totoo yun." Sa mahina kong sabi. Marahan
lang ang takbo ng sasakyan. Wala akong makita sa buong paligid dahi narin sa walang
lamp post sa mga gilid ng kalsada. Tahimik lang ako sa loob ng police car. Habang
si Lito naman ay abala lang sa pagmamaneho. Makalipas ang ilang minuto ay nakapunta
na kami sa lumang quarry na hindi ko namamalayan. Tahimik ang buong quarry. Parang
walang nagaganap na anumang anumalya bhat sa ilalim nito. "Dito na tayo." wika ni
Lito habang napapatinign din sa paligid. Marahan munang sinuyod ni Lito ang paligid
mula sa loob ng police car. Ang mga tingin nito sa bawat gilid ay tila tagus
tagusan. Tinitignan ang bawat angulo at pinakikiramdaman ang buong paligid. Pinatay
na niya ang engine ng kotse. Sabay nun ay tinanggal na niya ang suot niyang
seatbelt. At tuluyan ng lumabas. Umikot siya sa may unahan ng kotse at muli akong
binalikan mula sa aking pwesto. "Ano diyan ka lang?" Tanong niya sa malumanay na
boses. "Oho dito lang ako." Sagot ko naman. Marahang nag lakad si Lito sa mismong
quarry. Kinasa niya ang kanyang dalang baril at inihanda sa kung anong sagupaang
magaganap. Mula naman sa loob ng kotse ay nasisipat ko pa ang mga kilos nito.
Habang tila nag iimbistiga ito sa lugar at pawang may tinatawagan ito sa kanyang
dalang police walky talky. Hanggang sa kabilang banda ay nawala si Mr. Lito sa
paningin ko. Nangpunta kasi siya sa kabilang lugar kung saan ay hindi ko na kayang
habulin ng aking tingin. Nasa loob lang ako ng kotse makatapos ang ilang minuto.
Pero tila napakatagal na bumalik ni Mr. Lito. "Sana eh walang nangyari sa kanya."
Tanging panalangin ko habang napapadasal na ako sa loob. Kuliglig lang ang tanging
napapakinggan ko sa paligid. May mga tunog din akong napapakinggan na hindi ko
mawari. Hanggang bigla akong nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril. Sumilip
ako sa may bintana para masilayan manlang kung anong nangyayari. Nang bigla nalang
ay nakita kong nagtatakbo si Mr. Lito na halos dumudgo na ang kanyang tiyan.
Nagkakatok siya sa may pintuan ng kotse. Ang dugo nito sa kanyang kamay ay tila
isang likido na pinapahid nito sa may salamin. Bigla ko naman siyang pinapasok.
Madalian kong binuksan ang pintuan sa harapan at agad niyang binuksan ng makina.
"Mr. Lito kaya nyo pabang magmaneho?" Tanong ko kaagad ng bigla niyang kinabyo ang
kotse. "Kailangan nating makaalis rito!!!" Tanging nasabi niya. Napapaubo si Mr.
Lito habang tagaktak ang pawis na tumutulo sa mukha niya. May mga dugo narin na
lumalabas mula sa bibig nito na paminsay minsan ay tumutulo na sa kanyang harapan.
"Sino po ang gumawa niyan?" Tanong ko kaagad sa kanya. Pero eh hindi na niya ako
sinasagot. Malakas ang tulo ng dugo na umaagos mula sa kanyang tagiliran. Habang
hawak hawak naman ito ng kaniyang kabilang kamay para maampat kahit papano ang dugo
nito. Mabilis ang takbo ng sasakyan. Parang tila eh nawawala na sa ulirat si Lito
sa sobrang tense nito. "Mister patigilin nyo na ho yung kotse baka mabangga tayo."
Utos ko rito para narin sa aming kaligtasan. Nakakatakot sa loob ng kotse. Para
kaming sumakay sa loob ng roller coaster na nasiraan ng stop button. Pero tila
hindi niya ako naririnig. Kaya eh bigla kong inigaw ang manubela kay Lito.
Nagpambuyo kaming dalawa. Halos para kaming asot at pusa sa loob ng kotse. "Akin na
yan!" Bigla kong sigaw. Habang siya naman ay pinipigilan lang ako. Kitang kita ko
sa mukha nito ang halo halong takot at sakit pero mukang ang una nitong agenda eh
ang makalayo. May mga dugo narin ako sa buo kong katawan. Ang kamay kasi na
pinangpipigil sa akin ni mr. Lito ay galing sa kanyang sugat. Pilit ko paring
inagaw ang manubela sa kanya makalipas ang ilang minuto pero eh huli na ang lahat
dahil pagkatingin ko sa may harap ng salamin ng sasakyan eh isang puno ang biglang
lumitaw mula sa aming harapan.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.24: The Room without Door Dedicated to
spinner.gif *HINANG HINA ANG BUO KONG KATAWAN.* Namumula rin ang buo kong paningin
dahil narin sa dugong umaagos sa aking mga mata. Hindi ko rin maigalaw ang buo kong
katawan habang nakasalamapak parin ako sa loob ng kotse. Parang mga piraso ng candy
na nakasabog ang pira pirasong basag na salamin sa may car seats. Ito lang kasi ang
nakikita kong sinaryo sa aking harapan. Unti unti kong inangat ang aking ulo. Sa
unahan ng kotse ay nakita ko si Mr. Lito na naka tingala lang sa may driver seats.
Halos hindi na ito huminginga na sa harapan nito ang yuping bahagi ng sasakyan. At
ang naka laylay na sanga ng nanggaling sa nabangga naming puno. "Mr. Lito. Gising
po!!! Wika ko habang pilit kong tinatapik ang kanyang mukha. Pero kahit na anong
tapik ko mula sa mukha nito ay walang akong sagot na naririnig. Makalipas ng ilang
minuto ay may dumating na mga nakaputing lalaki. Nakatakip ang kanilang mga mukha
ng isang puting maskara. Naaninag ko mula sa basag na salamin ng kotse ang unti
unti nilang pagdating. "Anong gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili habang
naghahanap ng paraan para makatakas. Ngunit ng sinubukan kong igalaw ang aking mga
paa. Ay hindi ko ito maikilos. Awang awa ako sa sarili ko. Wala na akong magawa.
Palapit narin sa pwesto ko ang mga nakaputing taong yun. Kaya naman eh isa nalang
ang paraan ang ginawa ko. Kundi ang magtulog tulugan. /Secret no.24: *The Room
without Door* /* *- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Naramdaman ko nalang na binubuhat nila
ako. Ingat na ingat nila na binuhat ako mula sa may kotse at marahan akong inilipat
sa isang naka prepera na kama. Hindi sila nagsasalita. Marahan kong binuksan ang
aking mga mata upang makita ang nagaganap. Nakikita ko buhat sa aking harapan ang
isa sa mga lalaking yun na humihila sa hinigaan ko. Malabo pa ang aking paningin
kaya hindi ko maaninag ang mukha nito. Ibang ruta rin ang diaanan namin. Alam ko
yun dahil tila nakakapanibago ang paligid. Dinala nila aka sa isang espesyal na
kwarto. Pagkatapos nun ay naramdaman ko nalang na biglang huminto ang paghila nito
sa akin. Bigla namang may dumating na isa pang lalaking nakaitim at tumapat naman
ito sa mismong harapan ko. Dun na ako dumilat. Alam ko na kasi ang suusnod na
mangyayari. Kagaya ng ginawa nila kila Patricia at Michael ay tuturukan nila ako ng
pampatulog. Bigla akong kumilos. Kahit na nahihirapan pa akong gumalaw ay pinilit
kong magpatihulog sa may kama. BOOM! Bigla akang bumagsak sa may tiles na sahig.
Pinilit kong tumakas sa pamamagitan ng paggapang mula sa may pintuan pero kahit na
anong pilit ko ay hindi ko magawang kumilos ng maayos. "Hindi kana makakatakas."
Wika ng lalaking naka itim. Napapaluha na ako. Ang sakit na nadaraman ko ay walang
kasing hapdi. Para akong inooperahan ng walang anesthesia. Nararamdaman kong
pumuputok ang bawat ugat sa aking katawan sa sobrang pilit kong gumalaw. Pero ano
ba ang pinaguusapan natin dito? kundi ang kaligtasan ko. Binend ng nakaitim na
lalaking yon ang kayang katawan. Inihanda ang isang hiringgilya at agad akong
tinirukan mula sa aking pagkakahiga sa may sahig. Ramdam ko pa ang sakit ng karayom
na unting unting pumapasok mula sa aking tagiliran. Parang mas lalong wala akong
maramdaman. Mas domoble naman ang sakit ng biglang hugutin ng walanghiyang iyon ang
karayom mula sa pagkakabaon nito sa aking laman. Ang aking kamay ay naka unat
parin. Kahit na alam kong wala na akong pag asang makalabas ay pilit ko paring
inaabot ng aking kamay ang pintuan ng kwartong yun. Ngunit ilang minuto lang ay
agad na tumalab na mula sa aking buong sistema ang naturang pampatulog kaya agad
nalang akong inantok at tuluyan ng nakatulog. *X~X~X* Nagising ako sa isang madilim
na kwarto. Para akong nasa kawalan na walang nais tumulong sa isang kawawang tao na
kagaya ko. "Nasan ako?" Wika ko pa habang napapahawak pa ako sa aking ulo. Kahit
saan ako bumaling ay pare pareho lang ang nakikita ko. Lahat ay nababalutan ng
itim.
"Ilabas nyo ako dito! Ilabas nyo ako dito!" Sigaw ko. Ngunit tila ay walang
nakakarinig sa akin Umalingawngaw lang ang buo kong tinig sa madilim na kwarong
ito. Ang aking tinig ay parang nag eecho sa loob. Paulit ulit lang kasi at tila eh
tumatalbog ang aking boses pabalik. Agad namang may sumagot ng aking panalangin.
Mula kasi sa di kalayuan ay bigla akong may narinig na tinig. "Hindi ka makakalabas
dito." Wika ng boses. Ang tinig nayon ay mukang pamilyar sa akin. Naramdaman kong
bigla ang kanyang presensya. Hindi ko siya makita mula sa pinanggalingan ng boses
niya kaya eh hinamon ko siya. "Lumabas ka! Magpakita ka sa akin." Utos ko. Bigla ko
nalang narinig ang pag lapit niya. Ang mga yapak niya ay rinig na rinig ko mula sa
aking pwesto. Marahan lang yun ngunit mabagal. Napapalunok naman ako ng hindi ko
mawari. Nakakatakot kasi ang mga pangyayaring ito. Parang tila nagaganap lang sa
isang horror na pelikula. Biglang tumigil ang pag lakad niya. Nagsimula ring
tumahimik sa buong kwarto. "Nasan kana? Michael ikaw bayan?" Tanong ko habang
hinihintay ko ang paglitaw ng kanyang mukha. Pero hindi na siya sumagot. Bagkus ay
ang panlalamig ng buong katawan ang pumaibabaw sa akin. Bigla akong natakot. Hindi
narin ako ng tanong sa mga puntong yun. Hanggang nagsalita nanaman siya. "Nandito
ako" Wika niya sa mahinang boses. Agad akong napalunok. Mas malakas at di hamak na
mas malapit sa palagay ko ang tinig nayon. Naririnig ko na ang hininga niya na
pawang nasa tenga ko lang. Hindi kaya?" Tanong ko sa aking sarili. Dahan dahan kong
nilingon ang aking ulo sa aking kaliwa. Sa pagbanda ng aking ulo sa gawing iyon ay
siya namang paglakas ng kaba ng dib dib ko. At hindi nga ako nagkamali. Dahil ang
lalaking hinahanap ko ay nasa tabi ko lang. Pero ang nakakapag taka rito ay
magkamukang magkamukha kami. Sabay sabi niyang. "Ikaw ay ako!" Pabulong nitong
sabi. *X~X~X* TOOT! TOOT! TOOT! Bigla akong nagising sa lakas ng tunog ng monitor.
Ganon parin ang aking pakiramdam kanina. Tila hindi ko maramdaman ang buo kong
katawan. Unti unti kong binuksan ang aking mga mata. Sa aking pagbukas rito ay agad
na bumanda ang liwanag na nagmumula sa ilaw ng kwarto. "Nasan ako?' Tanong ko sa
aking sarili habang ramdam pa ang sakit sa buo kong katawan. Pinilit kong bumangon.
Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa aking kamay. Hinipo ko rin ang mga sugat
ko sa ulo at sa ibang parte ng aking katawan at nakakagulat na lahat ng ito ay
nalagyan na ng paunang lunas. Dahan dahan ko namang inikot ang aking paa. Pero sa
una kong attemp eh sakit lang aking naramdaman. Humiga ulit ako sa may kama. Hindi
ko alam kung nasaan akong parte ng wierd ng lugar na ito pero isa lang ang naiisip
ko sa ngayon ang hanapin ang mga kaibigan ko. Kaya naman eh bumangon ako ulit.
Pinilit ko ulit na igalaw ang aking paa. Ito lang kasi ang inaasahan ko sa ngayon
upang makatakas ako ng walang kahirap hirap. Pinaikot ikot ko ulit ang aking paa.
Sa tulong ng tiyaga at determinasyon ay kahit na masakit ay nagawa kong itapak ng
kahit papano ang mga paa ko sa lupa. Agad akong tinignan ang buong kwarto. Puro
puti ang aking nababanaag. Tanging ang kama lang nato at ang isang monitor ang
gamit nito sa loob. Ginamot nila ang aking mga sugat gunit hindi nila pinalitan ang
aking suot na damit at sapatos. At ang isa ko pang ipinagtataka ay walang pintuan
ang kwartong ito. Ang tanong ko sa ngayon eh paano ako makakatakas??? Agad akong
nag isip. Kung nagawa nila akong ipasok sa loob ng kwartong ito ay magagawa koring
makalabas mula rito. Ngunit ang tanong eh papaano? Tumingin ako sa bawat gilid ng
kwarto pero kahit anong kakaibang kakatuwang bukasan ay wala akong makita.
Punyemas! Humiga muna ako panandalian upang mag isip. Tanging nababanaag ko lang
mula sa aking harapan ay ang maliwanag na ilaw na katapat ng aking kama. Sobra ang
liwanag na pinapamalas nito. Sa matagalan kong pagtingin mula rito ay may napansin
akong isang kakatuwang bagay. Sa gitna kasi nito ay tila may maliit na hiwa. Isang
hiwa na hindi pangkaraniwan sa mga natural na ilaw na ating napapansin sa normal na
bahay.
Nilagay ko ang kama sa gitna ng kwarto. Pumanik ako sa taas nito upang suyuding
mabuti ang naturang butas. "Teka teka!" Wika ko habang nakaisip ng ideya. Hinubad
ko ang aking sapatos. Mula rito ay bigla kong naalala ang tinago kong susi na
galing sa silver box. Sa sobra kong excited ay napaiktad ko ang aking sapatos sa
malayo. Ang naturang manipis na susi ay tumalsik rin sa malayo. Ang tunog ng susi
pagkabagsak nito sa may puting sahig ay senyales na makakatakas na ako rito. Agad
akong bumaba mula sa kama. Agad kong pinulot ang susi at nagmamadaling pumanik.
Dahan dahan kong inangat ang aking kamay. Mula sa aking kamay ay pinasok ko mula sa
may butas ng ilaw ang susi at yes! Walang dudang ito nga! Dahil kasyang kasya.
Marahan kong inikot ito at biglang nalang akong nakarinig ng konting tunog.
"CLICK!" Biglang umangat ang bukasan ng pinto sa gitnang bahagi ng kwarto. Pati ako
ay namangha mula sa pagbukas nito. "Pambihira!" Wika ko. Mabilis akong lumabas ng
kwartong yun. Konting laming ng hangin ang aking nadama mula sa paglabas rito. Agad
kong tinignan ang paligid. Sa aking paglabas rito ay aking napasin na mas marami pa
palang kwarto ang naroon. At kapareho ding wala itong mga pintuan. Agad ko yung
pinag kakakatok. Tinitignan kung may tao rin loob nito. Pero kahit na katok pabalik
ay walang sumasagot. Kaya lang eh naisip ko rin na kung ako eh kinulong nila sa isa
sa mga kwarto na narito ay may posibilidad na dito rin nila dinala ang iba ko pang
mga kaibigan. kaya naman eh pinagbubuksan ko nalang ang lahat ng kwartong naroon sa
pamamagitan ng dala kong susi. Una kong binuksan ang unang kwarto ngunit wala
ritong tao. Ganun din naman ang nadatnan ko sa pangalawa. Tanging isa nalang na
pintuan ang hindi ko nabubuksan makalipas ang ilang minuto. Ang pinaka dulong
kwarto. Huminga muna ako ng malalim bago ito buksan. Pinapanalangin na sana ay
nandito na ang tatlo kong hinahanap na kaibigan. Unti unti kong nilagay ang susi sa
gitnang butas ng kwarto. Marahang inikot ito. Kasabay naman nun ay unti unti naman
bumukas ang pintuan nito sa gitna at sa pagbukas ng pintuan ng kwartong yun ay
walang dudang may tao sa loob. Hindi ko pa tiyak kung sino ang nasa loob ng kwarto.
Nakahiga kasi sila kaya hindi ko makita ang kanilang mga mukha. Kaya naman eh upang
makasiguro ako kung sino ang mga ito ay agad ko silang pinuntahan. Unti unti akong
naglakad mula sa kanilang mga kama. At ng makalapit na ako ay walang duda. Nakita
kong mahimbing na mahimbing na natutulog ang tatlo. Sila Patricia. Michael at
Ashley. *X~X~X* Agad ko silang pinag gigising. Tinapik ko ang bawat isa sa kanila
upang magising sa kanilang mahimbing na pagkakatulog. Agad naman silang nagising sa
lakas siguro ng tapik ko at agad silang nag sibangon. "Nasan tayo?'' Tanong ni
Patricia habang nagtataka. "Oo nga!'' Wika naman ni Michael. Nagulat naman si
Ashley sa kanyang nakita. Hindi niya rin siguro inaasahan ang muli naming
pagkikitang apat. Sa sobrang tuwa nito ay hindi nito napigilang umuyak. "Akala ko
hindi ko na kayo makikita?" Wika ni Ashley habang tuloy parin ang pag agos ng
kanyang luha. "Ako rin!" Sabad naman ni Patricia. Agad namang umentra si Michael at
biglang nag iba ng tining nito. "Teka teka ikaw ba talaga si Ashley?" Tanong ni
Michael na may pagsususpetsa. "Oo naman! Ako to!" Sagot naman ni Ashley na
nagtataka rin. "O sige kung ikaw si Ashley eh magbigay ka ng pruweba." Hamon ni
Michael. "Pruweba ba kamo." Pagpuputol niya. "O sige. May gusto ka kay Mrs. Urehara
yung dati nating teacher sa P.E. " Wika ni Ashley sabay ngiti. Biglang nagulat si
Michael. "Si Ashley lang ang pinagsabihan ko niyan!" Sa kanyang pagkagulat.
"Teka teka mamaya na ang dramahan dahil kailangan na nating tumakas dito." Wika ko
habang napatigil ko yata sila sa kanilang pagdadramahan. Pinagtatanggal na nilang
tatlo ang mga aparatong naka lagay sa ibat ibang parte ng kanilang katawan.
Pagkatapos nun ay pumwesto na sila upang umalis. Kitang kita ko mula sa kanilang
mga mukha ang sobrang determinasyon na makaalis sa impernong lugar na ito. Ngunit
hindi pa kami tuluyang nakakalabas sa may kwarto nang bigla namang may dumating na
isang taong naka maskara. Ang tinig nito ay talaga namang naagaw ang aming
atensiyon. Sabay sabing. "Hindi kayo maaring umalis ng walang pahintulot ko. Bigla
siyang pumasok sa kwarto. Sa likod nito ay may mga lalaking nakaputi na tila handa
na kaming hulihin. Unti unting namang tinanggal ng nakamaskara ang kanyang panakip
sa mukha. Dahan dahan lang ito. Tila pa suspense niyang pinapaalam kung sino talaga
siya. Hanggang lumitaw na ang kanyang mukha. Sa pag tama ng liwaang sa mukha nito
ay siya namang pagkagulat ng bawat isa sa amin. "Hindi maaari!" Sa pagkagulat ko.
Dahil kung hindi ninyo natatanong eh. Ang lalaking may pasimuno ng lahat ng ito ay
Si Mr. Alfonso Magnum ang may ari ng Magnum Academy at halos limang dekada ng
patay.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.25: Magnum Secrets Dedicated to spinner.gif
*"HINDI MAARI!*" Wika ko habang nakatingin lang ako sa mukha ni Mr. Magnum.
Nababanaag mula sa mukha nito ang labis na kasiyahan sa aming pagkikita. "Pero
panong?'' Sa pagpapatuloy ko. Napaiktad ako ng kaunti sa aking kinatatayuan.
Napatingin din ako sa aking mga kaibigan. Mula sa mga mukha nila ay nakikita ko rin
ang aking kaparehong reaksiyon. Walang iba kundi gulat at takot.. Unti unting
binuka ni Mr. Magnum ang kanyang bibig. Tinaas niya ng bahagya ang kanyang kamay at
sinabi. "Kunin sila at dalhin sa kabilang kwarto." Utos nito sa kanyang mga alagad.
Agad na kumilos ang mga lalaking nakaputi. Pumusok sila sa may kwarto at agad nila
kaming pinaghahawakan sa aming mga braso. Nagpupumiglas ang bawat isa sa amin.
Pilit naming tinatanggal ang mga matitigas nilang hawak tungo sa aming mga braso.
Kahit ayaw namin ay tila nagpadala nalang kami sa agos. Tila kami ang mga dahon na
mabilis na iniaagos mula sa malakas na pagdaloy ng tubig. Hanggang makalipas ng
ilang sandali ay nakita nalang namin ang aming sarili na nasa loob ng isang
misteryosong kwarto. /Secret no.25: *Magnum Secrets */- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D
Malaki ang pinagdalahang kwarto sa amin. Ginapos muna nila ang aming mga kamay bago
kami tuluyang pinaupo sa isang puting silver chair. Para lang kaming nasa loob ng
bahay. May mahabang upuan, Isang malaking chandilier, Kulay puti ang buong ding
ding at marmol naman ang buong sahig. Sa gitna kami ng kwarto pinaupo. Mag kakatabi
ang aming upuang apat na halos isang patlang lang ang pagitan. Mayat maya ay
sumunod na si Mr. Magnum sa naturang kwarto. Magara ang kasuotan nito na puro puti
rin. Marahan siyang umupo sa sofa na kaharap lang namin at iniayos ang sarili. "Oh
bakit ganyan ang mga itsura ninyo? Sita nito sa amin. "Para kayong nakakita ng
multo?" Tanong naman nito habang naka dekwatro. "Hindi ba?" Sabi ko. Sa normal na
boses. Biglang tumawa ng malakas si Mr. Magnum. Ang pag tawa nito ay parang
nasisiraan na siya ng ulo. "Okey so ang ibig sabihin ba nito eh gusto ninyong
marinig ang paliwanag ko?" Tanong nito sa amin pag katapos niyang tumawa ng
malakas. Hindi kami nagsalitang apat. Bagkus ay galit at inis ang nararamdaman
namin ng mga oras nayon. Kung ako lang ang masusunod ay kanina ko pa ito sinuntok
upang magising na siya sa malalim niyang pagkakatulog. "Okey I think ang
katahimikan nyo is means yes." Wika nito sa normal na boses. " But? Before anything
else ay gusto kong makilala nyo ang aking favorite creation so far." Pagpapatuloy
niya sa agnun paring tono. Bigla niyang nilakihan ang kanyang mata at tumingin sa
bawat isa sa amin. Tila ninenerbiyos tuloy ako kung sino ito at kung bakit siya ang
paborito sa ngayon ni Mr. Magnum. Agad si Mr Magnum na pulaklakpak ng isang beses.
Kasabay nun ay biglang umalis ang isa sa mga lalaking naroon. Minuto rin ang aming
hinintay sa kayang pagbalik. At sa muling pagbalik nito ay may kasama na siyang
iba. kasama nito ang isa pang Ashley. Nalaman namin ito dahil narin sa mga sugat
nito sa kanyang mga katawan. "Mga bata pinapakillala ko pala sa inyo si No.1201."
Pagpapakilala ni Mr. Magnum rito. Although alam na namin na hindi ito si Ashley.
Pero nakakamanghang magkamukhang magkamukha silang dalawa. Napapatingin pa ako kay
Ashley na nakaupo kasama namin at kay Ashley na nasa tabi ni Mr. Magnum. Para
silang pinag biyak na bunga. "Kung ganun Mr. Magnum eh. Isa kang kawangis din?"
Tanong ko na may kasamang pagtataka. Pumalakpak si Mr. Magnum. Napatayo pa ito
habang pumapalakpak. kitang kita mula sa mukha nito ang sobrang pagkawili sa akin.
"You're so great Joshua! Tama ka. Pero katawan ko lang ang ginaya ngunit ito parin
ang utak ko. Ahhm okey sabihin na nating nilipat ang utak ko sa bagong katawan na
ito." Pagpuputol niya. "Halos ilang taon din kaming nag aral tungo sa syensyang
ito. Pero naisip ko rin nakung kaya namin mag clone ng katawan para pag salinan ng
organ na galing sa original na body part like me. Eh kaya din naming gumawa ng
totally kawangis or sabihin nating over all clone with internal organ at all.
Hininto muna ni Mr. Magnum ang pag sasalita at uminom muna nag redwine na katabi ng
kinauupuan niyang lamesa. Pagkatapos nun ay muli niyang pinagpatuloy ang kanyang
pagpapaliwanag. "Pero sad to say na palpak ang unang clone namin. Si no.1201. for
example Hindi pa ganap ang galing ng kanyang memorya. At first eh okey naman ang
memory na nilagay namin sa kanyang utak but all of a sudden eh bigla nalang na
corrupt ang kanyang memory. "Pagpapatuloy ni Mr. Magnum sabay iling. "Hangal ka!"
Wika ni Ashley. Hindi ka kailanman makakagawa ng taong katulad ng orihinal!' Sigaw
nito. Napatigil sa pag lakad si Mr. Magnum habang nagpapaliwanag. Halatang
nalungkot ang kanyang mukha. At tuluyang tumingin sa pwesto ni Ashley. Marahan
siyang lumapit rito. Hinaplos ng dahan dahan ang mukha nito na tila kina caress at
walang anu ano ay bigla nalang niya itong sinampal. Napaiktad ang mukha ni Ashley
sa sobrang lakas ng impact. Namula ang parte ng mukha ng sinampal nito. Lahat din
kami ay nagulat sa inasal nayon ni Mr. Magnum pero wala kaming magawa. "Walang kang
alam sa syensya kaya wala kang karapatang magsalita. Siguro ngayon ay hindi pa
successful ang gawa namin pero kaya pa naman naming gumawa ng bago ulit." Wika ni
Mr Magnum sabay ngiti. Halatang natatakot naman si Michael at Patricia sa
pinagkikilos ni Mr. Magnum hindi kasi nila akalain na ganun ito kalupit. Tungo kasi
sa mga painting na nakakalat sa buong eskwelahan ay napaka amo ng mukha nito at
tila hindi gagawa ng mga kabaliwang ito kagaya nalang ng ginawa niya sa mga
kaibigan ko.. Muli ay nagpunta si Mr. Magnum sa unahan namin at nagpaalam. "Diyan
muna kayo at magpahinga. Dahil mamaya ay may surpresa akong ipapakita sa inyo na
sigurado nyong magugustuhan." Wika nito sa normal na mukha. Dahan dahan ng umalis
si Mr. magnum sa may kwarto. Tumutunog pa ang sapatos nito habang tumatapak ito sa
marmol na sahig. Sa kanyang pag alis ay bakas parin ang tuwang nadarama niya mula
sa expression na pinapakita ng kanyang mukha. *X~X~X* Muli kong niligid ang aking
mata sa buong kwarto. Maliban sa nakaputing lalaking nagbabantay sa amin ay
napansin ko rin ang isang malaking painting na nasa harapan namin. Sa naturang
painting ay makikita si Mr. Magnum at ang kanyang asawa. "Wala na tayong pag asa."
Wika naman ni Patricia na nakuha ang aking atensiyon. Tumingin ako kay Patricia.
Halatang halata sa mukha nito ang labis na panghihinayang sa aming sanang pagtakas
kanina. Nagbabadya na itong lumuha. Habang panay parin ang kilos sa upuan na tila
desidido talagang tumakas. "Patricia wag kang mag alala dahil gagawa ako ng
paraan." Sa pabulong kong sabi. Agad akong nagisip. Ilang segundo rin akong nagisip
ng mga kakatuwang bagay kung pano kami makakatakas. Kailangan kong paganahin ang
utak ko ngayon dahil kung hindi ay mapapasama kami sa koleksiyon ng baliw na taong
ito. Tumingin tingin ako sa aming bantay. Mula sa porma ng kanyang mukha ay tila eh
wala talaga kaming bantang patakasin. Parang kahit na anong paraan na gawin namin
ay mahuhulit mahuhuli kami nito. Pero bahala na. Sabi ko sa isip ko. Dahil kung
hindi ko ito susubukan ay hindi ko alam kung eepekto ang naisip kong plano. Kaya
naman ay huminga muna ako ng malalim bago ko paman simulan ang aking naiisip. Bigla
akong nagsisigaw. Intensiyon ko talagang kunin ang atensiyon ng guard upang lumapit
ito sa akin pero kahit na anong gawin kong pag sisigaw ay wala paring epekto.
"Patay kang bata ka!'' Wika ko sa aking sarili. "Joshua anong binabalak mo?" Tanong
sa akin ni Patricia. "Basta" Sagot ko naman. Nag hindi ko makuha ang kanyang
atensiyon ay tila nagpatihulog ako sa upuan. Nakatali ang aking kamay sa upuan kaya
pati ang upuan ay napasama sa pag kahulog ko. Yes! Napatingin na ang guard. Matagal
itong naka titig sa akin. Habang ilang sandali lang ay tuluyan na itong kumilos.
Dahan dahan itong nagpunta sa kinauupuan ko. Marahan niyang binend ang kanyang
katawan para tulungan akong ibalik sa dati kong ayos ngunit ang hindi nila alam ay
natanggal ko na ang gapos sa aking kamay.
Bigla kong hinawakan ang kanyang braso. Kasalukuyan kasi itong nakahawak sa akin
habang itinatayo niya ako. Kaya yun ang aking ginamit upang tuluyan akong makatayo.
Kasabay naman nun ay hinawakan ko siya sa leeg at agad na sinakal siya. Napaiktad
si Guard. Sa sobrag gulat niya ay hindi na niya nagawa pang lumaban. Para kaming
nag re wresling. Katamtaman lang ang katawan ng bantay na ito kagaya ko kaya naman
eh tamang tama lang kaming mag match sa laban. Naging maingay sa loob ng kwarto.
Tila ang mga kaibigan ko ang naging fans ko sa aming laban. Nagpupumiglas narin
sila Patricia sa kanilang pagkakagapos Habang napupunong buyo kami ng guard nayon.
Napatayo kami. Mula sa pagkakalock ko sa mga braso niya ay nakawala siya. Agad niya
akong sinipa. Halos maramdaman ko naman ulit ang sakit. Tumemwang ako sa may
kabilang banda habang nakita ko nalang ang gulat sa mukha ng nga kaibigan ko.
"Joshua" Sabay sabay nilang usal habang tila gusto nila akong tulungan. Sa puntong
yun ay kinuha na ni guard ang kanyang walky talky. Handa na siyang humingi ng
tulong mula sa mga kasamahan nito. Itatapat na sana niya ang walky talky sa kanyang
bibig at tuluyan ng magsasalita ng bigla namang may humampas sa likod nito. Biglang
bumagsak si guard sa may sahig. Kasabay nun ang pag banda ng mukha nito sa lupa.
Rinig na rinig kopa ang malakas na pag salpok ng bungo nito kasabay nun ang
paglabas naman ng malapot na dugo nito mula sa kanyang bibig. Sa likod nito ay
nakita kong naka tayo si Patricia habang hawak hawak ang bangkong inupuan ko.
Nakaalis narin pala niya ang kanyang gapos. Tinulungan namin na matanggal ang gapos
ng iba pa naming kaibigan. Pagkatapos nun ay nagmadali na kaming umalis sa nasabing
kwarto. Tinahak namin ang isang mahabang pasilyo. Sa aming pagtakbo ay kitang kita
namin ang mga monitor na nagkalat sa buong paligid kaya alam namin na nakikita nila
kami. "Pano na?" Tanong ni Michael habang hinihingal. "Basta wag lang tayong
tumingil sa paghanap ng lusutan palabas." Sagot ko naman rito. Sige parin kami sa
kakatakbo. Sinusunyod namin ang bawat pasilyo na aming nakikita. Ngunit
nakapagtatakang tila walang humahabol sa amin. Ano yun pinapabayaan na nila kami?
Pero talagang napaka imposible. Dahil kanina lang ay todo banatay nila sa amin?
Kahit na maraming gumagambala sa utak ko ay tuloy parin kami sa aming pagtakbo.
Katulad parin ito sa una. Puro panay puti parin ang nakikita namin sa paligid.
Hindi mapag aakila na nasa loob kami ng quarry ngunit pawang nasa ibang bahagi kami
nito. Makalipas ang ilang minutong walang katapusang pag tatakbo ay tumigil muna
kami sa isa sa mga kwartong naroon. Bigla kasing dinapuan ng pagod ang dalawang
bababeng kasama namin. "Dito muna tayo." Wika ko habang nasa loob kami ng kwartong
yun. Agad namang napaupo na sila Patricia at Ashley sa may sahig. Nakikita pa namin
ang pagtakaas at pag baba ng kanilang mga balikat habang tila nakukulangan na sila
ng hangin na hinihigop. Madilim ang naturang kwarto. Ibang lamig ang dumadampi sa
aming mga balat pag buhat namin sa loob nito. Kahit na ayokong magisip ay tila may
nararamdaman akong kakaiba buhat rito. "Wala bang ilaw rito?" Tanong ni Michael
habag tumitingin din sa may paligid. Ibang iba rin ang amoy na namumutawi sa may
ere. Amoy gamot at malansang hindi ko maintindihan. Sa kabilang banda naman ay tila
may naririnig kaming isang malaking operator machine dahil narin sa malaks na tunog
ng motor. "Dude ano yun?" Tanong ulit ni Michael habang patuloy parin sa pag tour
sa loob ng kwarto. "Hindi ko alam." Sagot ko naman. Agad kaming nag hanap ng
posibleng bukasan ng ilaw. Sa pag lalakad ni Michael at sa pag kapa nito sa mga
posibleng bukasan ang ilaw ay biglang may nakapa siyang mukang isang button. Agad
naman niya itong pinindot not knowing kung ano ang tunay nitong gamit. EHHHH!
Biglang lumakas ang tunog ng makina. Kasabay nun ang palitaw ng mga ilaw sa buong
paligid. Kulay berde ang mga ilaw nito na tila eh mga lumot. Biglang lumiwanag ang
buong paligid. Mula sa aming harapan ay naging malinaw na ang senaryo na nagaganap
sa loob na pawang gusto rin naming makita.
Halos isang daang malalaking tube ang bigla nalang lumitaw mula sa kadiliman ng
malaking kwartong ito. Bawat tube ay tila may mga tao sa loob na may lamang berde
na likido. "Ano yan?" Gulat ko mula sa aking nakita. Pati rin sila Ptricia at
Ashley ay napatayo rin mula sa pagkakaupo nila sa may lupa. Nagsikapit kami ng ma
kamay. Tila ito na yata ang pinaka teribleng nakita naming sinaryo sa aming tanang
buhay. Tila ang senaryong ito ang mga nakikita ko sa mga alien movie na hindi ko
lubos maisip na makikita ko sa tunay na buhay. Sabay sabay kaming lumapit buhat sa
malalaking tube nayon. Halos halata sa pagkakapit nila Patricia at Ashley sa kamay
ko ang sobrang takot. Pinagmasdan namin ang ilang tao na nasa loob ng tube. Pawang
ang bawat isa ay nasa mahimbing na pagkakatulog habang nakapasak sa kanilang mga
bibig ang isang bahabang tube din na sa palagay ko eh gamit ito upang sila ay
makahinga. Ang bawat tube na pinaglalagyan nila ay may respetadong mga numero.
Kagaya nalang ng isang magandang babe na tinignan ko. Na ang nakalagay sa babang
pinaglalagyan niyang tube ay No. 1224. Marahan kong sinuyod ang mga mukha ng mga
clone na ito. Sa bawat pa tingin ko sa bawat isa sa kanila ay sumasagi sa aking
isipan kung ano ang gamit ng mga kawangis na ito. Bakit gagawa ba si Mr. Magnum ng
isang mundo na puno ng mga gantong tao. Baliw na talaga siya! Wika ko sa aking
isipan. Hanggang walang anu anoy bigla naman akong tinawag ni Michael. "Joshua lika
dito!" Tawag nito sa akin. Agad naman akong nagtungo sa kinaroroonan ni Michael.
Banaag sa mukha nito ang labis na pagkagulat. "Bakit?'' Tanong ko sa kanya habang
nakatinign ako sa kanyang mukha. Hindi si Michael nagsalita. Bagkus ay tiniro niya
sa pamamagitan ng kanyang nguso ang isang malaking tube na nasa kanyang harapan.
Marahan ko namang tinuon ang aking tingin sa tube nayon at pati ako ay nagulat sa
aking nakita. Dahil ang nasa loob ng tube ay kamukhang kamukha ko. Mula sa mata
nito, sa ilong, bibig at pangangatawan ay walang dudang ito ang aking kawangis!
Nagulat ako. Hindi ako makapaniwala sa aking nasasaksihan. Kahit saang angulo mo
tignan ay kamukhang kamukha ko talaga ang nasa loob ng malaking tube. Dahan dahan
kong dinampi ang aking kamay sa tube na nasa harapan ko. Kitang kita ko pa ang
konting mga bubbles na paunting unting lumabas mula sa bibig nito. Bigla akong
tumungo sa may sahig. "Bakit?" Tanging nasabi ko habang shock parin ako sa aking
mga nakita. Hanggang bigla akong nakarinig ng tunog. Nagmumula ito sa tube na
kasalukuyang hinahawakan ko. "Joshua!" Wika ni Michael na nasa likod ko. Agad kong
tinignan ang nangyayari. Mula ulit sa aking kawangis ay mas marami ng bubbles ang
lumalabas mula sa bibig nito. Ang buo niyang katawan ay pawang naginginig. Bigla
kong tinanggal ang aking kamay sa pagkakhawak sa tube nayon. Bahagyang napahakbang
ako patalikod habang mula sa aking harapan ay pinagmamasdan ko ang mga tila
naglalarong bula sa loob nito. Ubod na sila ng dami halos mapuno ng bubbles ang
buong tube habang patuloy parin ang pag ngisay ng buo nitong katawan. Ilang segundo
naman ang lumipas ng bigla nalang nawala ang mga bula. Nabalot ng katahimikan ang
buong kwarto. Para akong nabingi. Hindi ko alam ang nangyari pero isa lang ang
sigurado ko. Na hindi ito maganda. " Anong nangyare?" Sabay na sabi ni Patricia at
Ashley na kasalukuyang dumarating. Napatahimik lang kami ni Michael sa nangyari. Ni
hindi namin masabi kila Ashley ang mga nasaksihan namin kanina. Ang mga mata namin
ay pawang nakatingin lang sa may tube na tila ay pinapakiramdaman namin kung ano
ang susunod na mangyayari. "Joshua tignan mo!" Sabi ulit ni Michael na nasa tabi
ko. Nakatuon parin ang aking mga mata sa tube. Mula sa loob nito ay nakita naming
bahagyang gumalaw ang mga kamay ng aking kawangis.
"O my God!" Usal ni Patricia habang napahawak siya sa kanyang bibig. "Shhhh!" Sabi
ko naman na nakatuon parin sa may tube. Biglang mas tumaas ang tensyon sa loob ng
kwarto. Pakiramdam kasi namin ay biglang magigising ito pag tinangka naming gumalaw
o gumawa ng ingay. Ngunit tila kahit na anong ingat namin ay walang kwenta dahil
makalipas lang ang ilang minuto ay nakikita namin mismo mula sa aming harapan na
paunti unting bumubukas ang mga mata nito.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.26: Lucid Dreams Dedicated to
spinner.gif "*JOSHUA*!" Wika ni Patricia habang mahigpit ang kapit nito sa laylayan
ng aking damit. Natakot kasi ito sa pag mulat ng mata ng lalaking ka clone ko. Pati
narin sila Michael at Ashley ay napapahakabang patalikod. Tila ang bawat isa sa
amin ay labis na natatakot sa kung anong susunod na pawang nakagigimbal na
mangyayari. May konting bula ulit ang bahagyang lumitaw sa tube ng yon. Kasabay nun
ay bahagya na niyang iniikot ang kanyang mukha sa paligid. Tila sinisipat nito kung
nasan siya naroong kwarto. Ang sunod ay tinuon na niya ang kanyang ulo sa amin.
"Joshua." Sa halatang natatakot na boses ni Patricia. "Nandito ako wag kang mag
alala." Sabi ko naman rito. Biglang humawak ang ka clone ko sa may salamin ng tube.
Tila kinakarkula niya kung gaano ito katibay. Samantalang kami naman ay nakatingin
lang sa kanya sa may labas. Bigla nalang niyang hinampas ng kanyang kamay ang glass
tube. Kitang kita pa namin ang pag galaw ng tubig sa loob nito. Kasabay nun ang pag
patay sindi ng ilaw na sa loob ng tube na parang nasisira na. Nagulat kami sa
inasta ng ka clone ko. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin. Pawang
nakatingin lamang kami sa labas ng tube na tila nabibigla. Ilang sigundo pa ang
lumipas ay nagkaroon na ng lamat ang glass tube. Pag katapos nun ay bigla nalang
kaming nakarinig ng konting tunog at bigla nalang itong nabasag. /Secret no.26:
/*/Lucid /*/*Dreams* /* *- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D /* */ Sumabog ang glass tube. Ang
mga salamin nito ay tila ulan na nag sisaboy sa aming harapan. Nakikita ko pa mula
sa aming harapan ang mga maliliit na piraso na tila kumikinang na bagay mula sa
ere. Bigla kong hinawakan si Patricia. Sinangkalan ko ang aking likod tungo sa
harap ng glass tube upang matakpan ko si Patricia mula sa malakas na pagsabog.
Ganon din naman ang ginawa ni Michael kay Ashley. Pagkatapos nun ay nag kalat ang
kulay green na likido sa may sahig. Nakikita ko pa buhat sa aming harapan ang
berdeng likido na tila eh gawa sa gelatine. "Okey lang ba kayo?" Tanong ko agad.
Pagkatapos ng pag sabog. Sabay sabay kaming tumingin sa may unahan. Buhat naman dun
ay nakita ko ang aking clone na tila nakasalumpak lang sa may sahig. "Buhay pa ba
yan?" Tanong ni Patricia habang nakakapit parin sa damit ko. "Sa palagay ko." Sa
mahina kong sabi. Dahan dahan namin itong sinuri. Marahan naming inihakbang ang
aming mga paa sa mala gelatine na sahig. Matapang akong nangunang sinuri ang aking
kawangis. Naka hubad ito. Ang buo nitong katawan ay tila nababalutan rin ng madulas
na likido. Naka talikod ito sa may lupa habang ang kalahati ng kanyang katawan ay
kasalukuyang nasa loob pa ng tube. Lumunok muna ako. HIndi ko alam kung buhay pa
ito o hindi. Marahan kong hinawakan ang kanyang ulo. Nanginginig ang kamay ko
habang ginagawa ko ito. Medyo madulas ito kaya medyo nahihirapan akong siyang
iangat. "Michael tulongan moko." Sa mahina kong sabi. Ngunit ng tutulungan na ako
ni MIchael sa pagbuhat rito ay bigla itong gumalaw. Bigla nitong inangat ang
kanyang ulo at tila may gustong sabihin sa akin. Nagulat naman ako. Kasabay nun ang
pag sigaw ni Patricia. AHHHH! Tila nagulat rin ang ka clone ko. Natakot ito sa
kanyang narinig na sigaw. "Tulungan mo ko." Bigla ko nalang narinig. Ngunit hindi
ko alam kung kanino galing. "Tulungan mo ako." Wika nanaman ng mahiwagang wika.
Ngunit sa pag kakataong ito ay tila mula sa pag iisip ng ka clone ko. Bigla akong
napatingin sa mga mata niya. "Ikaw bayun?'' Tanong ko rito habang hawak hawak ko
siya sa aking bisig. " OO ako yung naririnig mo!" Wika naman nito sa kanyang
isipan. Nagulat ako. Panong nagagawa na magsalita ng ka clone ko sa kanyang isipan?
Ito ba ang sinasabi ni Mr. Magnum na experimento niya? Agad naming dinamitan ang ka
clone ko. Binihisan namin siya sa pamamagitan ng mga kurtinang naroon. Pagkatapos
nun ay agad namin siyang pinaupo sa isang upuan. "Weird." Bulalas ni Patricia
habang tumitingin siya sa aking kamukha. " Kuhang kuha nila ang mukha mo Joshua
ohh!" Pagpapatuloy nito.
Malamlam ang mga mata ng aking kamukha. Kitang kita pa sa kanya na kulang pa ang
kanyang lakas upang lumakad. Ininterview naman ni Michael ang aking kamukha sabay
sabing."May naalala kaba?" Tanong nito. Matagal sumagot ang aking kamukha. Tila
nahihirapan pa niyang ibuka ang kanyang bibig ngunit makalipas ang ilang segundo ay
nagsalita ito ng "Oo." Bigla naman akong nagpunta kaagad sa harapan niya. Ngunit
bakit sa pagkakataong ito ay hindi na niya ginamit ang kanyang abilidad na
magsalita sa kanyang isipan? Tinignan ko muna siya sa kanyang mga mata. Sabay
tanong na. "Anong naalala mo?" Banaang ang lungkot ng biglang namutawi sa mukha ng
aking kamukha. Nakatinign lang ito sa akin habang tila marami siyang gustong
sabihin tungo sa mga tingin niya nayon. Unti unti nitong tinaas ang kanyang mga
kamay. Dahan dahan niya itong pinalutang sa ere at inilapit sa bandang mukha ko.
Pagkatapos nun ay marahan niyang inihaplos ang kanan niyang kamay sa kabilang
pisngi ko. Pagkatapos ang kaliwa niyang kamay sa kabila. Nagtataka naman ako sa
pinaggagawa niya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sahibin sa mga pinaggagawa
niya nayon. Ngunit bigla nalang niyang sinabi na. "Tignan mo" *X~X~X* Biglang
nandilim ang paningin ko. Muling nagdilim ang buong paligid. "Nasan ako?" Wika ko
sa aking isipan habang napapatingin sa paligid. Para akong napunta sa ibang kwarto.
Pag tingin ko sa paligid ay wala na ang mga kaibigan ko. Pati narin ang aking
kamukha ay hindi ko makita. "Patay kang bata ka!" Bulalas ko habang wala akong
ideya sa kung anong nagyari sa akin. Nangangapa ako sa dilim. Pero para lang akong
tanga na kahit na anong gawin kong pag kakapa eh hindi ako makahawak ng pader.
Hanggang bigla nalang akong nakarinig ng dalawang taong nag uusap. Pag silip ko sa
aking likod ay bigla ko nalang nakita ang aking sarili at si Mama sa aming bahay.
Teka teka bakit ako nasa bahay??? Ano ba talagang nagyayari sa akin. Kasunod nun ay
biglang nag iba ang buong paligid. Ang dating puro kulay itim ay nag karoon na ang
hugis. Biglang nagkaroon ng pader na parang mahikang bigla nalang lumitaw sa
kadiliman. Pati ang mga gamit namin sa bahay ay biglang naglitawan sa paligid.
Iniapak ko ang aking nakayapak na paa sa may sahig. Ang eksenang tila pinapanood ko
ay ang pag uusap namin ni Mama at ako kay Mr. Ernesto ang lalaking nag sundo sa
akin ng gabing yun patungong Magnum. Bigla rin akong napaluha. Nakatitig lang kasi
ako kay nanay na halos anim na buwan ko ng hindi ulit nakikita. "Nay! Nay!" Sigaw
ko rito. Ngunit tila hindi niya ako naririnig. Sinubukan ko ring hawakan si nanay
sa kanyang kinauupuan. Ngunit ng ipatong ko na ang aking kamay sa kanyang balikat
ay tumagos lang ito. Nagulat ako! Ano ba talaga ang lahat ng ito? At nasaan ako?
Kasabay ng pag uusap nayon ay may narinig naman akong isang tila paparating na
kotse. Naririnig ko pa ang malakas na engine nito na tila papalakas ng palakas at
papunta sa aking pwesto. Pinupunasan ko pa ang aking luha habang papatingin na ako
sa aking likuran. Nang bigla naman napunta ako sa isang mahabang daanan. Biglang
nag iba nanaman ang setting ng paligid. Lumingat lang ako saglit ngunit ang dati
kong tinatapakang sahig ng aming bahay ay napalitan na ng lupa. "Bakit ganon?" Wika
ko habang nakatingin pa ako sa aking paanan. Ang tunog ng papalapit ng kotse ay mas
lalong lumakas. Bigla kong binaling ang aking tingin sa aking harapan ng bigla kong
nakita ang nguso ng sasakyan na bigla nalang dumating sa aking harapan. "Tigil!!!"
Sigaw ko rito ngunit tila hindi ako nito naririnig ng nagmamaneho. Nang halos
malapit na ito sa akin ay wala na akong nagawa kundi ipikit nalang ang aking mga
mata. Kitang kita ko ang kislap ang front light ng kotse sa aking mata kahit na
nakapikit. Ang malakas na liwanag nito ang senyales na ang nguso ng kotse ay nasa
harapan ko na at babangga na sa akin. Ngunit ang ipinagtataka ko eh. Buhay pa ako.
Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Nakita ko ang aking sarili na nasa
loob ng isang kotse. Na katabi ko ang sarili ko sa time lap nayon at nagmamaneho
naman si Mr. Ernesto. Ang eksenang ito ay ang eksena kung saan ay papunta na akong
Magnum. Bikat ganun? Tila ang mga imaheng ito ay napag daanan ko na. Gulong gulo
ang aking isipan. Para akong nasa isang panaginip. Teka teka ito ba ang gustong
ipakita ng ka clone ko? Pero paano siya nagkaroon ng ganitong abilidad???
Pinagmasdan ko lang ang mga nangyayari. Nakikita ko lang ang aking sarili sa
eksenang ito na nakasilip sa salamin ng buntina tila tinitignan ang daan kahit na
madilim. Lahat naman ay ayon sa mga pangyayari ngunit bigla nalang akong nakakita
ng eksena na hindi ko matandaan. Biglang huminto ang sasakyan. Kitang kita ko sa
aking sarili ang labis na pagtataka. "Mang Ernesto bakit po?" Sabi ni Joshua sa
eksenang ito. HIndi lang nagsalita si Mang Ernesto sa eksenag pinapanood ko. Bagkus
ay lumabas siya sa may kotse at tinignan ang nagyayari sa labas. Mula naman sa may
labas ay tila may isang lalaking nakaputi na nakasalampak sa lupa. Dahan dahan
itong pinuntahan ni Mang Ernesto upang tignan . Ngunit ng kakamustahin na niya ito
ay bigla nalang itong bumangon at tinurukan si Mang Ernesto ng pampatulog. Takot
ang nabanaag sa mukha ko ayon narin sa aking nakikita. Teka teka bakit tila hindi
koto matandaan na nangyari?" Sabi ko naman habang nanonood. Pinagpatuloy ko lang
ang panoood sa eksena. Hanggang nagulat nalang ako dahil biglang lumapit ang
lalaking nakaputing yun sa may kotse at si joshua na nasa eksena naman ang
tinurukan ng pampatulog. BInuksan nito ang pintuan ng kotse kung saan si Joshua
nakaupo at itoy niyakad niya patungo sa may labas. Nagulat ako sa eksenang napanood
ko. Kasabay nun ay bigla ulit nag iba ang paligid. Ang buong lugar ay tila mga
dahon na bigla nalang nag sihulog buhat sa puno. Pagkatapos nun ay napalitan ang
buong paligid ng puting mga pader. "Teka teka mukang sa quarry to ahh!" Sabi ko.
Pinanood ko na ang bagong eksena. Sa eksena nato ay nakahiga ang katawan ni Joshua
sa isang mahabang kama. Sa harapan nito ay may dalawang doctor. Ang isa ay hindi
mapag kakailang si Mr. Magnum samantalang ang isa naman ay nakatakip ang mukha.
Nakita kong inabot ng isang doctor ang isang mahabang hiringgilya kay Mr. Magnum
pagkatapos nun ay kinuhanan nila ito ng dugo. Narinig ko rin sa kanilang pag uusap
tungkol sa gagawin nilang ka clone ko. Mula sa isang malaking tube ay binuo nila
ang aking kawangis. "Mr. Magnum. Handa naba kayo sa experimentong ito?" Wika ng
isang doctor rito. Tumungo lang si Mr. magnum. Mula sa expression ng mukha nito ay
makikita mo na handa na ang lahat. Pagkatapos nun ay nagbago na naman ang buong
paligid. Ang malaking tube ay bigla nalang nawala. Ang paligid ay napalitan ng mga
tila metal na pader. Sa eksenang ito ay nakita ko si Joshua na nakaupo sa isang
mahabang lamesa. Wala itong ibang kasama sa kwarto kundi si Mr. Magnum. Nakatingin
lang si Mr. Magnum sa mga mata ni Joshua. Hindi ko rin alam ang kanyang nasa isip
ng mga oras nayon. "Welcome sa mundong ito. No.001." Wika ni Mr .Magnum habang
nakatingin parin kay Joshua. Mula naman sa kanyang bulsa ay tila may nilabas siyang
isang mahabang bagay. Pinindot niya ang swich nito at agad na umilaw. Kulay neon
green ang ilaw nito na talaga namang napaka liwanag. Tinapat niya ang naturang
bagay sa kamay ni Joshua at mula sa pulso nito ay biglang lumabas ang mga numerong.
No.001. *X~X~X* "Joshua! Joshua!" Wika ni Patricia sa akin habang tinatapik niya
ako sa mukha. "Anong nangyari?" Tanong ko naman habang tila sumasakit pa ang aking
ulo. "Nakatulog ka!" Wika naman ni Patricia habang halata naman sa mukha nito ang
labis na pagaalala. Teka teka ako? Nakatulog? Ibig sabihin eh panaginip lang ang
lahat ng yun? Bigla kong bumangon. Hinanap ko kaagad ang aking kamukha kung ano ang
gusto nitong ipahiwatig sa aking mga nakita. Pinuntahan ko siya. Mula sa kinauupuan
nito sa harapan ko ay bigla ko siyang kinompronta.
"Ano ang ibig sabihin nun?" Tanong ko rito habang tinapat ko ang mukha ko sa
mukha niya. Pero hindi niya ako sinasagot. Tila kulang pa ang kanyang lakas upang
magsalitang muli. Tumitig lang siya sa akin. Titig na tila marami siyang alam.
"Joshua anong nagyayari?" Tanong ng mga kaibigan ko na tila naguguluhan narin.
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang aking tila panaginip kanina. Napatingin ako sa
aking pulso. Pano kung tama ang hinala ko at ito ang gustong sabihin ng aking
kamukha? Paulit ulit na tanong na pumapasok sa aking isipan. "Michael may laser
ligth ba dito?" Tanong ko kaagad. Agad na kumilos si Michael. Agad siyang nag hanap
ng ganong ilaw sa buong kwartong ito. hanggang nakahanap siya sa may likod. "Joshua
rito." Tawag sa akin ni Michael. Inalalayan ko ang aking kamukha. Nagtungo kaming
dalawa sa bandang dulo ng kwartong yun. Sa isang gilid ay meron kaming nakitang
isang maliit na ilaw at ang kaisa isang laser ligth din sa buong kwarto. Kinuha ko
ang isang kamay ng aking kamukha. Kasabay nun ay ang kabilang kamay korin.
Napalunok muna ako at huminga ng malalim bago ko paman isagawa ang experementong
ito. Ilang minuto lang ang lumipas ay sabay kong tinapat ang aming pulso sa laser
light nayon. Sa pulso ng kamukha ko ay walang kahit anong marka ang lumabas.
Nagulat ako! Bakit ganun ang nangyari? Bigla akong kinabahan. Nag init ang buong
katawan ko kasabay nun ay bumilis ang tibok ng aking puso. Tinakpan ko muna ang
aking sariling pulso. "Bakit ba Joshua? Tanong sa akin ni Michael sa pagtataka.
Mula naman sa aking pulso ay unti unti kong tinanggal ang kabilang kamay ko na
nakapatong rito. At sa paganggal ng aking kabilang kamay na nagtatakip rito ay
nakita ko na biglang lumabas ang sikretong marka. Ang No.0001
Magnum Secrets (Completed) Secret no.27: My name is Uno Dedicated to spinner.gif
*NABITAWAN KO ANG KAMAY NI JOSHUA.* Para akong isang kalansay na bigla nalang
napaluhod sa may sahig ng kwarto. "Joshua! Anong nagyayari sayo?" Tanong sa akin ni
Michael habang tila nag aalala na ito. Gusto kong umiyak. Gustong kong puntahan si
Mr . Magnum upang ako na ang mismong kumukil sa kanyang buhay. HInawakan ako ni
Joshua sa aking likuran. Ang pag kakahawak nito sa akin ay tila gusto niyang
sabihin na "Ayos na ang lahat at nandito lang ako." /Secret no.27: /*/My name
is //Uno /*/ /- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D / / Inalalayan ako ni Michael mula sa aking
pagkakaluhod sa may sahig. Tumigil narin ang aking pag luha. Pero kahit papano ay
hindi ko parin maintindihan na sa halos anim na buwan ko na pananatili sa Magnum ay
ako pala ang totoong kawangis. Muling nanunumbalik sa aking isipan ang mga
masasayang sandali ko sa itinuring konang pangalawa kong tahanan. Ang Magnum
Academy. Nakatingin lang ako sa kawalan na parang walang nakikita kundi kadiliman.
Hanggang naramdaman ko nalang ang isang kamay na biglang humaplos mula sa aking
balikat. "Uno (Totoong pangalan ko.) Nandito lang ako." Pagpuputol ni Joshua. "Ikaw
at ako ay iisa." Pagpapatuloy nito. "Maraming salamat." Wika ko rito sabay yakap ko
sa kanya. Naguguluhan ang mga ibang kaibigan ko sa mga nagyayari. Minabuti na muna
namin ni Joshua na ilihim muna namin ang lahat. At sabihin sa kanila ang
katotohanan pag maayos na ang sitwasyon. Nagputa na kami sa harapan ng pintuan.
Handa na kaming lumabas sa loob ng kwartong iyon ng bigla naman kaming nakarinig ng
mga paa na marahang naglalakad sa labas nito. Mula naman sa siwang ng pintuan sa
may ibaba ay nakita namin ang mga anino nila na tila naka handa na upang salubungin
kami. "Ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong naman ni Patricia habang halata na
ang takot. Tumingin ako kaagad sa may paligid ng kwarto. Ngunit kahit na anong
bintana na pwede naming labasan sa loob nito ay wala. Hanggang napatingin ako sa
may kisame. Buhat dito ay may nakita akong tila lagusan. "Dun! Dun tayo!" Wika ko
sa kanila sabay turo sa naturang butas. Sinarahan muna namin ang pintuan. Sa tulong
ni Michael at ni Joshua ay pilit naming binuhat ang isang tube na naroon at
iniharang namin ito kaagad sa may pintuan upang hindi nila kaagad mabuksan ang
pintuan. Pagkatapos nun ay agad na kaming pumwesto. Sa tulong ng isang lamesang
naroon ay pumatong kami rito. At isa isa kaming umakyat sa may butas ng kisame.
Madilim sa may loob ng kisame. Ang amoy dito ay amoy kinakalawang nabakal na hindi
mo maintindihan. Nanguna akong pumasok. Habang nasa loob naman kami non ay hindi ko
naman alam kung saan kami papatungo. Masami kasing lagusan sa naturang kisame
kasabay panun ang pagkakagulo parin ng utak ko. Ilang sandali pa ay may nakita
akong liwanag sa di kalayuan. "Yun dun tayo!'' Bulalas ko na labis ang tuwa sa
aking mukha. Sumilip muna ako sa may butas sa may baba nito. Isa itong malaking
kwarto. Sa loob nito ay naaninag ko ang ibat ibang maliliit na telebiyon na sa
palagay ko ay monitor. May isang upuang may gulong na kaharap ng lamesa at isang
malaking aparato. Sinilip ko rin ang buong paligid. Swete rin itong matatawag dahil
wala akong naaninag na tao. Kaya naman eh hindi na kami nagpaligoy ligoy pa.
Pinwesto na namin ag aming sarili at dahan dahan kaming bumaba rito isa isa.
*X~X~X* Tama nga ang hinala ko kanina pa. Isa ngang surveillance room ang
napuntahan namin. Bumungad sa amin mula sa kwartong yun ang mahigit sampung pare
parehong klase ng normal na laki ng t.v. Na buhat naman dito ay minomonitor ang
ibat ibang bahagi ng laboratoryo. "Wicked!" Bulalas ni Patricia habang nakatingin
sa mga monitor. Marahan kaming nakatingin sa mga monitor. Dito ay nakikita naming
todo paghahagilap ang mga alagad ni Mr. Magnum sa amin. Bawat kwarto ay talaga
namang hinahaluglog nila.
"Umalis na tayo rito." Sabi agad ni Michael na halata na ang takot. "Sige!"
Sagot ko naman. Agad kaming nag lakad papalabas ng kwarto. Halata sa aming mga mata
ang halong takot at saya. Takot dahil hindi pa kami lubusang nakakatakas sa
impyernong lugar na ito at saya dahil kahit papano ay abot na namin ang pag asa.
Ngunit hindi pama kami nakakalabas ng kwartong iyo ay marahang bumukas ang pintuan.
Ang pag bukas nito ay pa slow motion habang lumalangitngit naman ang bisagra nito.
KKKIIIIIKKKKK! Mula sa bukana nito ay may bigla kaming nakitang isang pigura. Nung
una ay hindi namin masyadong maaninag kung sino ito. Ngunit ng bahagya ng bumukas
ang buong pintuan ay tsaka namin nalaman kung sino ito. Walang iba kundi si Mr.
Magnum. Dahan dahan siyang lumabas mula sa pintuan na tila nakangiti pa. Banaag sa
mukha nito ang labis na pagkadismaya kahit na todo pa ang kanyang pag ngisi. "Saan
kayo pupunta?" Tanging sabi nito sa amin. Mula sa bulsa ng kanyang suot ng jacket
ay dahan dahan niyang nilabas ang isang normal na laki ng baril. Inangat niya ito
sa may ere at agad na itinutok sa akin. Nagulat kaming lahat. Nakikita ko pa mula
sa aking harapan ang kinang na nagmumula sa repleksiyon ng ilaw na nasa loob ng
kwarto sa kanyang dalang baril. Ang bawat isa sa amin ay hindi lamang nag sasalita.
Tila pinaparamdaman lang ng bawat isa kung ano ang kanilang magagawa at kung
ipuputok naba ni Mr. Magnum ang hawak hawak nitong armas. Dahan dahang naglakad si
Mr. Magnum sa loob ng kwarto. Ang mga yapak nito ay tila karkuladong karkulado.
"Alam mo ba uno?" Sabi nito sa akin. Napalunok ako ng tinawag niya akong ganun.
Nagulat naman sila Patricia. Tila sila ay naguguluhan din kung bakit ganun ang
tawag sa akin ni Mr. Magnum. "O bakit parang nagulat kayo kung bakit uno ang
itinawag ko sa kanya." Pagpuputol ni Mr. Magnum. Napatingin ang lahat sa akin. Tila
may clue na sila kung sino talaga ako. Ang pagtingin nila sa akin ay walang pinag
iba sa mga panghuhusga na para bang may ginawa akong kasalanang wala ng
kapatawaran. "Uno Uno Uno!" Pagpapatuloy ni Mr. Magnum. "Alam mo kung hindi kalang
kasi nakielam sa mga plano ko eh hindi tayo hahantong sa mga eksenag katulad nito.
Pero ginusto mo yan eh! Tinulungan mo sila na makapunta rito. Kaya ngayong alam mo
na ang lahat ay mas lalong hindi kita bubuhayin. Mamatay na kayo rito sa loob ng
laboratoryong ito at ipapalabas nalang natin na nawawala kayo. Simple as that!". Sa
mataas nitong tono. Nagagalit na ako. Madiin ang pagtikom ko sa aking kamao habang
akoy nakikinig lang sa mga pinagsasabi ni Mr. Magnum. "Bakit Uno. Galit na galt
kana ba?'' Wika ni Mr. Magnum habang palakad lakad parin sa loob ng kwarto. HIndi
lang ako nag sasalita. Tinitignan ko lamang siya. Tingin na parang guisto ko na
siyang patayin! Muka namang nagalit si Mr. Magnum sa aking mga tingin. Kaya naman
ay bigla niya akong nilapitan at bigla niya akong sinuntok. Ang aking mukha ay
napabaling sa kabila dahil narin sa lakas ng impak. "Joshua! Bulalas naman ni
Patricia at angkang lalapit sa akin ngunit bigla siyang tinutukan ng baril ni Mr.
Magnum. "Sige lumapit ka lang dito at ikaw ang uunahin ko!" Sa mataas nitong tono.
Walang magawa ang mga kaibigan ko. Nakatingin lang sila sa akin. Habang ako naman
ay nakasalampak lang na sa lupa. Malapit na ang aking mukha sa may sahig kulang
nalang sa pwesto ko ngayon ay halikan ko na ang sahig. Bigla akong napatingin kay
Josuha. Kumikindat naman ito sa akin na tila may pinaplanong kakaiba. Kaya naman eh
tinuloy ko nalang ang aking acting. Pinagpatuloy ko nalang ang tila pag halik ko sa
may sahig habang panay parin ang pag lakad ni Mr. Magnum sa paligid ng kwarto.
Tumalikod si Mr. Magnum. Dahan dahan itong lumakad sa may harap ng monitor at
Marahang kinuha ang isang basog alak na naroon. Unti unti niya itong ininom.
Inangat niyang ng bahagya ang kanyang ulo bago paman niya pinasayad ang likido sa
kanyang bibig. Nang nakita ito ni Joshua ay agad na niyang sinimulan ang kanyang
plano. Agad siyang umatake sa likod ni Mr. Magnum. Ang basong hawak hawak nito ay
tumilapon mula sa harapang monitor. Nabasag ang baso ang laman nito ay talaga naman
nabuhos sa mga monitor sa aming harapan.
NI lock arms ni Johua si Mr. Magnum. Hindi ito makagalaw. Ang kamay ni Mr. Magnum
ay nilagay ni Joshua sa likod nito habang kanyang kamay naman ay ang pinang lo lock
niya rito. "Tumakas na kayo dali!" Sigaw ni joshua sa mataas na tono! "Pano ka?"
Tanong ko naman rito. "Basta ako na ang bahala basta tumakas na kayo!" Sigaw nito
ulit sa amin. Tinulungan ako ni Patricia na tumayo. kasabay nun ay agad na kaming
nagpunta ng pintuan upang lumabas. Si Joshua naman ay sinipa sa likod si Mr.
Magnum. Napaiktad ito sa lupa. Ang pag iktad nito ang ginawa namang pagkakataon ni
Joshua upang tumakas. Agad siyang pumwesto at nagmamadaling tumakbo patungo sa
aming pwesto ng biglang... BOOM!!! Bigla nalang kaming nakarinig ng putok ng baril.
Napatigil kami sa aming pagtakbo. Habang ang aking paningin naman ay tinuon ko sa
aking likuran upang makita kung anong nagyayari. Mula sa aking paningin ay nakita
ko si Joshua na papahiga na sa may sahig. Ang kanyang kamay ay nakataas sa may ere
na parang humihingi ng tulong habang mula sa tagiliran nito ang panay na pagtagas
ng dugo. "Joshua!!!!!" Sigaw ko rito habang tila ramdam ko rin ang sakit ng kanyang
nadarama.
Magnum Secrets (Completed) Secret no.28: The One Dedicated to spinner.gif *PATULOY*
parin ang pagtulo ng dugo ni Joshua sa may sahig ng surveillance room. Nakasalamak
lang ito sa may sahig habang parang wala na itong malay tao. Nagulat din kaming
lahat sa pangyayari. Nakatingin lamang kami buhat sa kayang kinaroroonan habang
napatigil kami sa aming pagtakas. Balak kong puntahan si Joshua buhat sa kanyang
kinaroroonan. Handa ko ng ihakbang ang aking mga paa upang tumakbo ng bigla namang
nansalita sa Mr. Magnum mula sa pagkakahiga nito sa may lupa. "Sige lang at subukan
mong lumapit. Kundi ay ikaw ang isusunod ko. "Wika nito habang tinutok nito ang
kanyang dalang baril sa akin. /Secret no.28: /*/The One /*- - - - - - - - ░ ▒▓▓█D
"Napaka sama mo talaga!" Agad kong sigaw kay Mr. Magnum. Nakatitig lang ako ng
masama sa kanya habang patuloy parin ang pagtutok nito ng hawak hawak niyang baril
sa akin. Dahan dahang bumangon si Mr. Magnum mula sa kanyang pag kakahiga sa lupa.
Nakahawak pa ito sa kanyang tiyan ng senyales na napuruhan siya ni Joshua kanina ng
todo. Sa kanyang pagbangon sa may lupa ay hindi parin nito itinatanggal ang kanyang
pagtutok ng baril sa akin. Marahan siyang nagtungo sa may monitor. Sa gilid nito ay
may nakalagay na tila isang mikropono at bahagya siyang nagsalita rito. "Squad 1
and 2. Pumunta kayo sa may survaillance room. I repeat squad 1 and 2. Pumunta kayo
sa may survaillance room nandito na sila." Wika nito habang nakahawak parin siya sa
kanyang tiyan. Buhat naman sa may monitor ay nakita ko pa ang pag tulo ng natapong
alak dito kanina. Nakita korin na medyo bahagyang basa na ang ibaba ng mga monitor
kasama ang iilang basag na parte ng baso. Pagkatapos nun ay biglang tumahimik sa
buong kwarto. Nakakabingi ito na tila ay kinakarkula ng bawat isa sa amin ang kani
kanilang galaw. "Ano Uno? Siguro naman eh may alam kang dasal. Dahil lahat naman ng
memory ni Joshua ay nilagay ko sayo. Hindi ba? Kaya ngayon palang ay simulan mo
na!" Wika nito habang nakangiti. Nagsimula nanaman akong magalit. Tila sasabog na
ang buo kong katawan sa sobrang inis. Ang aking kamao ay talaga namang todo sa
pagtikom habang nagiinit na ang buo kong katawan. Nakatitig lang kaming lahat kay
Mr. magnum ng mga tagpong yun. Nag bigla nalang kaming nakarinig ng isang tunog.
Tot! tot! tot! Agad kaming na confused. Hindi kasi namin alam kung saan nagmumula
ang tunog na aming naririnig. Pati si Mr. Magnum ay tila nagtataka rin. Hinanap ni
Mr. Magnum kung saan nagmumula ang tunog nayon. Hanggang bigla nalang niyang
ibinaling ang kanyang tingin buhat sa kanyang likuran. Titingin palang siya rito ng
nakaisip ako ng plano. Habang tumitingin si Mr. Magnum buhat sa likuran niya ay
agad naman akong kumilos. Bigla akong tumakbo. Ang pagtingin niya nayon ay ang
ginawa kong advantage. Binilisan ko ang pagtakbo. Ni risk ko na ang pag kakataong
ito. Kung hinid ko kasi to gagawin ay baka pag sisihan ko. Isa pa eh isa lamang
akong kawangis kaya naman eh sa totoo lang ay walang halaga kung mabubuhay pa ako
sa mundong ito. Malapit na ako sa pwesto ni Mr. Magnum. Sa palagay ko eh agad niya
namang narinig ang pag takbo ko dahil bigla niyang ibinaling ang kanyang tingin
muli sa kanyang harapan. Ngunit papatingin pa lang siya muli sa akin nang bigla
nalang sumabog ang isa sa mga monitor. BOOM!!!! Nagulat ako sa pagyayari. Sa
palagay ko ay yun din ang naririnig naming tumutunog kanina. Bumagsak si Mr. Magnum
sa may sahig. Kasabay nun ay parang confetti na sumaboy mula sa hangin ang mga
pirasong maliliit na salamin ng monitor. Napahiga rin ako sa lupa. Tinakpan ko ang
aking mga mata sa pagmamagitan ng aking kamay upang hindi ito mapasukan ng bubog.
Kasabay nun ay nagsabugan rin ang iba pang mga monitor na naroon. Para itong
sinturon ni hudas na sunod sunod sa pag sabog. "Joshua!!!!" Sigaw ni Patricia sa
akin. Pagkatingin ko rito ay inaalalayan na nila ang wala paring malay na si
Joshua. Handa narin akong umalis ng mga tagpong yun. Ngunit ng handa na akong
tumayo ng bigla nalang may humila ng paa ko. Agad ko itong tinignan ng bigla ko
nalang nakita si Mr. Magnum habang hawak hawak ang isang kong paa.
Agad kong ginalaw galaw ang aking paa. Pero tila hindi nagpapatalo si Mr. Magnum
sige parin siya sa pag kakakapit sa paa ko. Tila eh this time ay hindi na siya
papayag upang akoy makatakas. Nakita naman kami ni Michael. Agad siyang pumunta sa
pwesto namin upang akoy tulungan. Agad niyang hinawakan si Mr. Magnum sa may bewang
nito at agad na kinuha ang baril na nasa kanyang kabilang kamay. Pagkatapos nun ay
agad naman akong kumuha ng isa sa mga bubog na nagkalat roon at bigla kong sinaksak
ang kamay ni Mr. Magnum sa pamamagitan nun. "AHHHHH! Sumigaw ng malakas si Mr.
Magnum. Kasabay nun ang pag kalat ng usok sa buong lugar ng kwarto. "Joshua dali!"
Wika ni Michael sa akin. Nakita ko si Michael na naka dantay parin ang katawan niya
kay Mr. Magnum kaya naman eh agad akong nagpunta sa kanilang pwesto at sa
pamamagitan parin ng aking dalang bubog ay sinaksak ko siya sa kanyang tagiliran.
Ang dugo ni Mr. Magnum ay sumirit mula sa aking mukha. Kasabay nun ay ang pagtigil
nito mula sa kanyang pag pupumiglas. Unti unti namin ang kanyang pabagal bagal na
panghihina. Ang dugo ni Mr. Magnum ay nagkalat sa may sahig. Samantalang si Michael
naman at ang iba pa ay panay na ang yaya sa akin para lumabas na ng kwarto. Handa
na akong tumakas ng bigla nanaman akong tawagin ni Mr. Magnum. "Uno!" Wika nito sa
mahinang boses. Nakadapa parin si Mr. Magnum sa may sahig habang bahagya niyang
inaangat ang kanyang kamay sa may ere. Tila eh may gusto siya sa aking sabihin na
hindi ko maipaliwanag. Dahan dahan kong hinawakan ang kamay ni Mr. Magnum. Marahan
niyang binuka ang kanyang bibig at sinabi ang katagang. "Patawad." Kasabay nun ay
bigla nalang nag iba ang paligid at tila ay nagpunta nanaman ako mula sa isang
panaginip. *X~X~X* Nag iba ang kulay ng buong paligid. Ang bawat ding ding nito ay
napalitan ng tila isang malaking parang. Malakas ang hangin sa paligid. Sa di
kalayuan ay nakita ko si Mr. Magnum na katabi ang kanyang asawa habang tila
tinigtignan lang ang buong paligid. "Dito ko itatayo ang ating eskwelahan." Wika ni
Mr. Magnum sa kanyang asawa sabay yakap dito. Hindi lang sumagot ang asawa ni Mr.
Magnum bagkus ay niyakap lang din niya nito ng marahan. Sabay sabing. "Maraming
Salamat." Mahilig sa mga bata si Mrs. Magnum. Hindi na sila nagkaanak kaya naman ay
naisipan nalang nilang magtayo ng sarili nilang eskwelahan upang mapawi ang
kalungkutan nito. Pagkatapos nun ay nag iba ulit ang paligid ang dating malaking
bukirin ay paunti unting nagkakaroon ng hugis at kulay. Mula sa madamong lupa ay
biglang naglitawan ang mga pader. Parang mahikang kusa silang nabubuong mag isa. Sa
muling pag tingin ko rito ay walang kaduda dudang ito ang Magnum Academy! Agad
akong pumasok sa loob nito. Mas maganda ito nung una. Mas maayos, Mas kahali
halina. Nakita ko rin sa loob ang mag asawa. Kitang kita ko mula sa kanilang mga
labi ang labis na ligaya. Walang mapaglagyan ito. Ang eskwelahan na ang itinurin
nilang anak sa halos marami ng taon na nagdaan sa kanilang buhay. Pagkatapos nun ay
nag iba nanaman ag paligid. Tila sa pag kakataong ito ay napunta ako sa isang
ospital. Mula sa aking harapan ay nakita ko si Mr. magnum na kinakausap ng isang
doktor. "Musta ho doktor ang aking asawa?" Tanong nito sa may Doktor habang halata
sa mukha ang labis na pag aalala. "May malubhang sakit ang iyong asawa. Pasensya na
ngunit. Maaring isang buwan nalang siya mabubuhay. Nagalit si Mr. Magnum sinuntok
nito ng todo ang matigas na pader na kaharap lang niya. Nabigla rin ang dokrtor.
Hindi ito nakagalaw habang mula naman sa kamay ni Mr. Magnum ay halos wala ng tigil
ang pag dugo ng kanyang kamao. Ang sumunod na pinakita sa akin buhat sa vision nato
ay parang isang malaking animated book na nasa aking harapan. ibat ibang eksea ang
sunod sunod sa aking pinapakita. Ang pag sasaya nilang mag asawa haggang sa huling
hininga ni Mrs. Magnum hanggang sa pagkasawi ng kanyang buhay.
Na depress ng todo si Mr. Magnum napabayaan na niya ang kanyang sarili pati narin
ang pamamahala sa buong Magnum Academy. Napilitan niyang ibigay ang kaniyang
kapangyarihan upang mapatakbo ng ibang tao ito. Pagkatapos nuon ay nagpakamatay si
Mr. Magnum. Nakita ko pa sa eksenang yun na may hawak siyang baril at pinutok niya
ito sa kanyang bunganga. Ang pag kalat ng dugo nito sa may ding ding ay talaga
namang nakakapangilabot. Kitang kita ko pa mula sa may ere ang pag tilamsikk ng
dugo nito. *X~X~X* Napaka lungkot pala ng buhay ni Mr. Magnum kasabay nun ang
bahagyang pag tulo ng luha mula sa aking mga mata. Hanggang bigla ko nalang
naramdaman ang pagtapik ni MIchael sa aking balikat. "LIka na at sasabog natong
kwarto!" Sigaw niya sa akin. Agad na akong tumayo. Binitawan ko na ang kamay ni Mr.
Magnum at itoy dahan dahang nahulog sa may sahig. Maitim na ang usok sa loob ng
kwarto. Kasabay nun ang isa pang napaka lakas na pag sabog. Agad kaming nagsitakbo.
Tila lumilindol na sa buong lugar. "San na tayo?" Tanong ni Patricia. "Basta dun
tayo." Wika ko naman sabay turo ko sa isa sa mga corridor na naroon. Papunta na
kami roon ng bigla namang nagsalita si MIchael. "Teka teka parang may natatandaan
ako." Wika nito. Sabi ni Michael ay natatandaan niya raw nag sa palagay niya ay isa
sa maaaring labasan dito mula sa monitor. Kaya naman ay sinundan namin siya.
Marahan kaming naglakad. Habang sabay sabay naming inaalalayan si Joshua mula sa
paglakad. Dahil hanggang ngayon ay wala parin itong malay. Kahit na anong tapik ko
sa mukha ni Joshua ay hindi ito nagigising. Parang pilit niyang binubuka ang mukha
niya ngunit hindi nito kaya. Marami na kasing nawalang dugo rito kanina. kaya naman
sa palagay ko ay labis rin ang epekto nito sa kanya ngayon. Makalipas ang ilang mga
pasilyo na aming tinahak ay nakapunta na kami sa sinasabi ni Michael na lagusan. At
hindi nga siya nagkamali dahil lagusan nga ito papalabas! "Lika na ano pang
hinihintay niyo?" Sigaw ni Michael sa amin. Mas lalong lumakas ang mga pagsabog.
Tila nakakatakot na kung mas magtatagil kami sa loob nito ng ilan pang minuto.
Unang umakyat sila Patricia at Ashley. Kasunod naman si Michael ngunit ng aakyat na
siya ay bigla siyang nagsalita. "Kayong dalawa na ni Joshua ag sunod na umakyat.''
Wika nito sa akin. "Hindi maaari" Sagot ko naman rito. Nagtatalo pa kami niMichael
kung sino ang maiiwan upang huling lumabas ng biglang nagsalita si Joshua. "Uno..."
Sa mahina nitong boses. Ngunit nakapikit parin. Hinawakan ko ang kamay ni Joshua
sabay tanong dito na " Bakit?'' Umubo ubo pa ng kaunti si Joshua. Sa kanyang pag
ubo ay nakikita kong nagdurugo narin ang kanyang bibig. Ang iilang dugo nito ay
umaalpas na mula sa kanyang labi. "Iwan nyo na lang ako rito. Hindi niyo ako
kakayaning buhatin sa butas nayan. Mahihirapan pa kayo." Wika nito. "Hindi! Hindi
ka namin iiwan dito!" Wika ko habang napapaiyak na. Bigla nalang tumulo ang aking
luha buhat sa aking mga mata. Kasabay nun ang marahan ko paring paghawak sa kamay
ni Joshua. "Uno maraming salamat..." Wika ni Joshua sa akin. "Mahalin mo sila Inay
at Itay. Ikaw na ang pumalit sa akin." Pagpapatuloy nito habang nakita ko ang
pagpatak rin ng luha niya buhat sa kanyang mga mata. "Wag kang magsalitang
ganyan!'' Sigaw ko rito. Kasabay nun ay ang muling pagsabong. Niyayakad na ako ni
Michael upang lumabas na ngunit hindi ko magawang iwan o bitawan ang kamay ni
Joshua. Mas lalong naigng matindi ang pag lindo sa loob ng quarry. Pilit ko paring
niyayakad ang katawan ni Joshua papatas ngunit tila hindi ko na siya kaya. "Iligtas
mona ang sarili mo Uno." Wika ni Joshua sa akin. Pero hindi ko parin siya
pinakikinggan. Sige parin ako sa pag buhat sa kanyang mabigat ng katawan. Hanggang
unti unti ko nalang na nararamdaman na mas bumibigat siya buhat sa aking mga bisig.
"Joshua! Joshua!!!' Sigaw ko rito ngunit hindi na ito sumasagot. Sinuri ko pa ang
kanyang paghinga ngunit hindi na ito gumagana. Ang kanyang kamay ay bigla nalang
nahulog sa may sahig na isa sa mga senyales na siya ay patay na.
Magnum Secrets (Completed) Epilogue: Dedicated to spinner.gif */Epilogue/*: - - - -
- - - - ░ ▒▓▓█D *NAALALA* ko pa ang malakas na pag sabog nayon. Boom! Halos
mabingin ako. Pakiramdam ko ay maglalabasan na mula sa aking tenga ang mga laman sa
loob nito. Buti nalang at agad kaming nakalabas mula sa may lagusan ng quarry bago
pa man matuluyang gumuho at masira ang lahat ng instraktura doon. Lahat lang kami
at tila napatunganga sa lahat ng pangyayari. Marungis ang aming mga mukha na tila
wala ng tatalo pa sa amin sa pag uunahan upang mamalimos sa kalye. Banaag parin sa
amin ang takot. Takot na hindi na yata namin maiiaalis sa aming memorya habang
buhay. *X~X~X* Isang liggo na ang nakaraan. Tapos na ang term sa Magnum Academy.
Ito na ang oras upang umuwi na kami sa aming sari sariling tahanan. Nakatingin lang
ako isang hapon sa may bintana ng aming kwarto. Narinig ko nalang na bumukas ang
pintuan. Mula roon ay biglang sumilip ang mga kaibigan ko. Sila Patricia at
Michael. Hindi lang ako natinag sa aking ginagawang pagtingin sa kawalan. Parang
ayoko ng gumalaw. "Hoiii! Joshua anong klaseng pag eemote yan?" Wika ni Patricia
habang papalapit. "Handa ka naba?" Pagpapatuloy nito. Bahagya naman akong gumalaw.
Ibinaling ko ang ulo ko sa kanila sabay ngiti. Agad namang tumabi sa akin ang
dalawang ito. Tinignan lang nila ako sa aking mga mata at sinabi. "Joshua?"
Pagpuputol ni Michael ano bang iniisip mo? Tanog nito sa akin. "Kung yung tungkol
sa kakambal mo ang iniisip mo eh wag kanang mag alala dahil walang makakaalam nun
hanggang mamatay kami." Wika nito habang ang kaliwa nitong kamay ay idinantay niya
sa balikat ko. "Oo nga Uno I mean Joshua." Sabat naman ni Patricia. Iniba narin
namin sa mga police ang kalahati ng kwento kaya yung tungkol dun eh hindi mo narin
kailangang isipin." Pagpapatuloy nito. Naantig talaga ako sa mga pinagsasabi ng
dalawang to. Kahit na hindi ako ang totoong Joshua eh. Bukas kamay nila akong
tinanggap at di itinuring na iba. "Maraming salamat sa inyo." Sa mahina kong sabi.
Napaluha ako sa mga tagpung yun. Hindi ko mapigilang lumabas ang kakarampot na
tubig na dumaloy mula sa aking mga mata. Bigla naman akong niyakap ni MIchael at
Patricia. Pagkatapos nun ay bigla namang dumating ang iba ko pang mga kaibigan.
Sila Ashley, Rupert, at Goldie. "Anong dramahan to? Bakit hindi nyo kami sinasali?"
Pagrereklamo ni Rupert pagkakita niya samin sa ganong akto. "Oo nga!!!" Sabay
namang sagot nila Ashley at Goldie. "Problema bayun? Edi pumunta kayo rito." Yaya
naman ni Patricia. Hindi nagpahuli ang tatlo. Agad nilang ibinuka ang kanilang mga
braso habang papalapit. Paglapit nila ay agad naman kaming nag group hug. Banaag
ang saya sa bawat isa. Parang wala ng bukas. "O siya tama nayan at uuwi na ako!" Sa
nakangiti kong sabi. "Ngayon naba yun?" Pagkabigla ni Goldie. "Nako huli kana sa
balita." Sagot naman ni Patricia sabay tawa. Nakahanda na ang mga dadalhin ko ng
araw nayon. Mga damit ko. Ilang parapernalya. Kikoy kit ko at kung ano ano pang
pinagbibigay sa akin ng mga kaibigan ko na nakalagay sa isang malaking maleta. Agad
ko ng iniayos iyon. Tinulungan pa nila ako na ibinaba ang aking maleta na parang
hindi ko ito kayang bitbitin. "Oii para kayong mga excited. Ano ako retarded hindi
mabuhat yan?" Pagbibiro ko pa. Sabay sabay kaming nagtungo sa may entrance ng
Dormitoryo. Buhat doon ay naghihintay na ang kotseng maghahatid sa akin patungong
bahay. Nang naka handa na ang lahat ay bigla nanamang nag senti ang bawat isa. "Oii
ano bayang mga mukha niyo parang mamatay na ako ahhhh!" Pagbibiro ko sa
kanila."Umayos nga kayo!!!" Pagpapatuloy ko. "Basta Joshua mag ingat ka ahhh." Wika
ni Patricia sa akin. Mula sa kanyang bulsa ay iniabot nito ang isang litrato na may
dedication sa likod. Sabi nito sa akin na kung malulungkot daw ako eh tignan ko
lang yan upang akoy sumaya. Pagkatapos nun ay agad na akong sumakay ng sasakyan.
Kinambyo na ni Manong driver ang kambyo nito pagkatapos ay bahagyan na itong
umandar. Muli naman akong tumingin mula sa may likod ng kotse. Nakikita ko pa
silang kumakaway sa akin. Ang kanilang mga pigura ay ultimo lumiliit habang ang
aming sasakyan ay papalayo mula sa dormitoryo.
Habang ako naman ay nasa loob ng sasakyan ay muling nagbalik sa akin ang mga sinabi
ni Joshua. Ang buka ng kanyang bibig at ang mga huli niyang kataga. Paulit ulit ito
sa isip ko na parang sirang plaka. Muli akong tumingin sa may bintana ng sasakyan.
Sa pagtingin ko rito ay tila nakita ko si Joshua sa aking repleksyon. Nakangiti ito
sa akin na tila masaya na siya sa kinalalagyan niya ngayon. Agad korin naman siyang
sinuklian ng ngiti. Ngiti na parang sinasabing. "Hayaan mo hindi kita bibiguin."
Agad naman akong sinilip ni manong driver mula sa front mirror ng kotse. Tila
nababanaag nito ang pinaggagawa ko. Sabay tanong na. "Oii Joshua okey ka lang"
Tanong nito sa akin bigla na tila nawiwirduhan. Nagulat naman ako sa biglaang
tanong ni manong driver sa akin. Bigla rin naman akong tumingin sa kanya sabay
sabing. "Aii nako wala ho yun manong. Wag nyo ho akong intindihin. Nami miss kolang
ho ang mga magulang ko!" Sa biglaan ko ring sabi. Muli kong ibinaling ang tingin sa
may salamin ng kotse. Huminga ng malalim at sinabi sa sarili na. "Nay! Tay!
Hintayin nyo ako." Sa malumanay na boses. Wakas :)) *X~X~X* * * *Authors Note:*
Unang una ho sa lahat ay maraming maraming salamat po sa mga readers ko na walang
kasawa sawang nag basa nito kahit na maraming typo error haha! Maraming salamat din
sa mga ng cocomment sa bawat chapter kahit na napipilitan lang... Yung tipong naawa
lang sa akin wahhah! Nung una ko pong ginawa itong concept ng Magnum secret eh
expected ko na na matumal ang mga magbabasa nito. Dahil alam nyo naman sa wattpad
lalo na sa mga newbie dito ay talagang romance ang prepared nila na genre. Pero
after I prepared more chapter to this story eh nagustuhan din naman ng mga IBANG
mga readers ko. My original concept to this story is so simple. Ang istorya ay
iikot lamag sa isang lalake na mapapadpad sa isang malayong baryo then after that
eh magkakaroon ng ibat ibang kababalghang magaganap sa kanyang buhay. Pero eh sa
sang katutak na pag be brain storming ng utak ko ay napalihis ata at naging
detective ang dating. Haha! Pero eh sumatutal eh nag enjoy naman din ako sa
pagsusulat nito. :D Sa mga nakabasa na at magbabasa palang eh! Maraming maraming
salamat po. Kayo ang nagiging lakas ko sa bawat titik ng aking sinusulat. Walang
katumbas na kasiyahan mula sa aking puso. Keep the imaginations alive... Its
me*AZULAN*! :))

the end ^_^?

You might also like