Pagsulat - Sinopsis NG Kuwento NG Magandang Dilag at Kuba

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hulyo 01, 2019

Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng


Akademik

Ang Magandang Dilag at ang Kuba

Minsan may isang magandang dilag na sinusuyo ng halos lahat ng kalalakihan sa


nayon. Ngunit ang magandang dilag ay tila mapili o sadyang pihikan. Sa dinami-rami ng
mga manliligaw nito’y wala pa ring mapili.
Ayon sa magandang dilag, hindi lang panlabas na anyo ang batayan nito sa pagpili
ng lalaking mapapangasawa. Ang hinahangad nito ay isang lalaking mamahalin siya ng
lubos.
Isang gabi, isang kuba ang umakyat sa kanya ng ligaw.
Nagtawanan ang ilang binata na nakasabay ng kuba sa panliligaw. Batid ng mga
ito na wala nang kapag-a-pag-asa ang kubang iyon sa pihikang dilag.
Nang makita nga ng magandang dilag ang kuba na nakatakdang manligaw sa
kanya ay napailing ito. Hindi man siya naghahangad ng masyadong guwapo, pero ang
kubang ito ay sadyang nakaririmarim pagmasdan. Hirap itong lumakad at tunay na may
kapangitan.
Hindi alam ng dilag kung papaano niya sasabihin sa kuba na wala na itong pag-
asa sa kanya. Ngunit nang mahalata iyon ng kuba ay bigla itong nagsalita.
“Naniniwala ka ba na ang bawat nilalang ay pinaglalaanan ng Diyos ng
makakapareha sa buhay?”
Tumango ang magandang dilag, dahil naniniwala siya doon. Sa katunayan, iyon
ang hinihintay niyang dumating sa kanyang buhay. Ang lalaking kapareha ng kanyang
kaluluwa.
“Kung ganoon, hindi mo na ba ako natatandaan?” ang biglang tanong ng kuba.
Nagtaka ang magandang dilag, “Ha? Nagkita na ba tayo?”
“Kung sabagay, hindi kita masisisi. Hindi mo na nga ako makikilala pa…”
Nasilip ng magandang dilag sa mga mata ng kuba ang kakaibang
kalungkutan. Siya’y nahabag dito at nagsabing, Sige, isalaysay mo sa akin ang una
nating pagkikita…
“Bago pa lang tayo isinilang sa lupa, nagkita na tayo. Parati tayong magkasama
at maligayang-maligaya. Hindi pa ganito ang itsura ko. Hindi ako kuba at hindi ganito ang
aking mukha. Isang araw, tinawag tayo ng Anghel. Oras na raw upang tayo’y isilang sa
lupa. Ngunit may mga pagbabago. Ako raw ay mapupunta sa pamilyang dukha. At ikaw
ay mapupunta sa pamilyang may kaya sa buhay, ngunit kapalit niyon ay ang pagbabago
ng iyong anyo. Ikaw raw ay isisilang na isang kuba at pangit.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Nakiusap ako sa Anghel na sa akin na lang ibigay ang mapait na
kapalaran. Hindi ko matitiis na isilang kang ganito. Ang sabi ko sa Anghel, kahit sa
dukhang pamilya ako mapunta, kayo kong magsikap at umunlad. At nang tanungin niya
ako, papaano ang pangit kong itsura at pagiging kuba? Hindi ko na raw mababago iyon.
Wala raw babaing magkakagusto sa akin. Totoo iyon. Pero malaki ang tiwala ko na
matatagpuan kita. At kapag naalala mo ang aking ginawa para sa iyo ay mamahalin mo
rin ako.”
Ganoon nga ang nangyari. Dahil sa ikinuwento ng kuba sa magandang dilag,
binigyan ito ng pagkakataon ng dilag na makapanligaw at mapatunayan ang pagmamahal
nito.
At sa bandang huli nga, ang kuba pa ang umani ng matamis na oo ng magandang
dilag. Sila’y ikinasal at naging maligaya ng isa’t isa.

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-parables-mga-parabula-ang-magandang-dilag-
at-ang-kuba-parabula-parable_1124.html/page/0/1

Sinopsis
May isang magandang dilag na nakatira sa isang nayon kung saan ang mga
kalalakihan ay naglalayong manligaw sa kaniya ngunit wala siyang mapili ni isa man sa
kanila. Ayon sa dilag, ang kaniyang hanap ay tunay na pag-ibig at hindi lamang ang
panlabas na anyo mula sa kaniyang nais mapangasawa.

Ngunit isang gabi, may isang kuba na di kaaya-aya ang itsura sa kaniyang mata
ang umakyat ng ligaw. Pinatunayan ng kubang ito ang kaniyang pagmamahal sa dilag
kahit noong sila’y hindi pa naisisilang sa mundong ito. Ikinuwento niya ang mapait na
kapalarang kaniyang tinanggap upang makaiwas ang kaniyang mahal na dilag sa isang
masaklap na tadhana.

Pagkatapos marinig ng dalaga ang kuwento ng kuba, binigyan niya ito ng


pagkakataon upang mapatunayan sa kaniya ang pag-ibig nito hanggat sila’y ikinasal at
nagging maligaya sa isa’t isa.

Ipinapahiwatig ng kuwentong ito ang aral na “Ang tunay na pag-ibig ay yaong


handang magsakripisyo alang-alang sa minamahal.”

You might also like