Buhay OFW

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Rochelle C. Marasigan Judy Anne C. Costa Shaine C. Rodrin Teresa Minelli C.

Torres

Buhay OFW
Napakahirap ang buhay ng isang OFW lalo na sa Middle East nandyan yong iba naloloko ka ng kanilang employer kasi di naman lahat maganda ang nagiging buhay ng isang OFW sa ibang bansa. Sa una yon ang pinakamahirap kasi Homesick ang kalaban mo dito... you have to adjust yourself at makisama sa ibat-ibang klase ng tao kailangan mo din ang malawak na pang-unawa. Wag kang masyadong magtitiwala sa mga kasama mo kilalanin mo muna kung mapagkakatiwalaan mo ba sila kasi may mga taong selfish. Pagdating sa trabaho dapat dedicated ka sa work. mag-ingat din sa mga taong sipsip. May mga tao din na imbes tulungan ka lalo ka nilang hihilain pababa. Maging mapagpasensya, kasi may mga boss na minsan di mo maintendihan ang utak sisigawan ka kahit wala kang ginawang kasalanan o mali sa trabaho mo.. Ako iba'tibang uri at klase ng tao ang nakatrabaho ko merong Koreans, British, French, Qatari at Indians lahat naman sila mababait lalo na yong British at French para mo lang silang mga barkada. Yong Koreans naman naku palasigaw pero marunong magsorry pag alam nilang mali sila. Yong Indians naku di mo mapagkakatiwalaan yan parang pinoy ang mga ugali mga back fighter karamihan. Yong Qatari naman mismo yong CEO/President ng company namin ang nakatrabaho ko ang masasabi ko lang walang alam pagdating sa business kilala lang nya ay MONEY. Minsan inuutusan akong pumunta sa isang business conference kahit di ko scoop di ko nga sinusunod pinagtataguan ko mabuti nalang makakalimutin hahahaa... Pero wag nating kakalimutan kung bakit tayo ay nasa ibang bansa syempre para sa pamilya natin para sa kanilang kinabukasan. Minsan, madalas nakakagawa tayo ng mga pagkakamali parang nakakalimutan na natin ang mga pinangarap natin sa buhay, yong mga pinangako nating gawin tapos kadalasan pa nasasaktan mo pa kung sino ang taong mahal mo. Pero kailan man tayong mga pilipino hindi natin nakalimutan kung bakit tayo nasa ibang bansa. Nandito tayo para sa mga mahal natin sa buhay. Kahit gaano kahirap ang buhay dito, kahit gaano kalungkot titiisin natin yon para lang mapaligaya natin ang mga mahal sa buhay. Sa bawat patak ng pawis natin, ng luha natin alam nyo ang kapalit lang non yon lang simpling ngiti na galing sa kanila.

Buhay OFW : karangyaan o pangarap

Ako ay isa sa mga kababayan natin na tinatawag nilang OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa kapalit ng hangarin na umangat o umasenso ang buhay mula sa pinas. Sa unang pagtapak natin sa lupa ng mga dayuhan, ating baon ang pangarap na makapag ipon sa lalong madaling panahon upang mabigyan natin ng kaginhawaan ang ating mga mahal sa buhay na naiwan natin mula sa sariling bayan. Sa mga kababayan natn na patuloy na nangungupahan baon ang pangarap na makabili ng sariling lupa at makapagpundar ng sariling tahanan. Ang iba naman sa atin ay makapag impok at magkaroon ng sapat na puhunan para makapagsimula sa maliit na sariling negosyo upang sa gayon ay kanila na nilang makasama ang kani-kanilang pamilya sa pagdating ng panahon. Ngunit sa kabila ng mga pangarap na ito, di lahat ng ating mga kababayang OFW ay nakakamit ang kanilang adhikain sa buhay. Batid natin na ilan sa atin ay bigo pa din sa kanilang mga pangarap sa kabila ng pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Subalit meron din namang ilan sa atin ay wagi sa kanilang mga pangarap sa pagkakataong makapag impok ng sapat na puhunan at baon sa kanilang pag uwi ang bagong pag-asa sa buhay. Masasabi natin na ang iba sa atin ay halos tumanda na sa paghahanapuhay sa ibang bansa. Maging ito man ay personal na kagustuhan o sa kadahilanang wala pa ding sapat na ipon para makapagsimula sa pinas. Oo, sapagkat alam natin na kapag dumating tayo sa punto na mag desisyong manatili na sa ating sariling bansa ay wala na tayong babalikan pang pinapasukan o hanapbuhay. Kaya ang ilan sa atin ay di magawang umuwi at patuloy pa ding nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Minsan isa sa mga rason o kadahilang wala tayong maipon ay dahil ilan sa atin ay nahihilig sa karangyaan o pagbili ng mga bagay na di naman gaanong kinakailangan. Tulad na lamang ng mga mamahaling damit, kasangkapan, alahas, bagong modelo ng cellphone na kung saan minsan ay nawawaglit sa ating isip ang orihinal nating adhikain sa buhay bago pa man tayo umalis ng ating bansa. Di rin natin maitatanggi na ang ilan sa ating mga kababayang OFW na bakasyunista ay halos walang humpay sa paglustay ng perang kinita o inipon halos sa buong taon na animoy one day millionaire kung gumastos. Bago pa man dumating ang araw ng kanyang pagbalik sa ibang bansa ay butas na ang kanyang bulsa. Kaya sa kanyang pag alis andun ang panibagong utang na naiwan sa pinas para sa kanyang muling pag-alis ay babayaran na lamang. Dahil sa patuloy na pananatili ng ganitong lifestyle ito ay nagiging dahilan ng ating kawalang

ipon kaya tayo ay nagtatagal sa ibang bansa. Pero kung ating isasa-isip at ipapanatili natin ang ating unang adhikain bago pa man tayo umalis ng bansa siguro ay di natin kinakailangang magpakatanda sa ibang bansa at posible nating makamit ang ating pangarap sa buhay. Sana dumating tayo sa panahon ng realidad na higit na masarap mabuhay na kapiling natin ang sariling pamilya o mga mahal sa buhay kaysa na tayo ay malayo sa kanila. Mahalagang mabuhay tayo at magkasya sa sapat na gastusin lamang at di maging luho sa anumang bagay upang sa gayon ay makatulong tayo sa sarili nating mahal sa buhay na naghahanapbuhay sa ibang bansa. Kung ang bawat isa, nasa pinas man or nasa labas ng bansa ay matutunan na pahalagahan ang pansamantalang kinikita at higit na nanaisin na mag impok, posible na makamit natin ang ating mga pinapangarap.

"Kung papalarin, plano ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng higit 61,000 bagong guro para sa 2013." (http://dzmm.abs-cbnnews.com)
Kung papalarin, plano ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng higit 61,000 bagong guro para sa 2013. Ito'y upang mapunan ang malaking kakulangan sa mga guro sa iba't ibang bahagi ng bansa. Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni DepEd Asec. Tonisito Umali na umaasa ang ahensya na maisasabatas ang pagbibigay ng pondo para sa 61,500 bagong teaching positions. Layon din umano nito na gawing regular ang contractual na Kindergarten teachers na sumusweldo lang ng P3,000 hanggang P6,000 kada buwan. "Sa darating pong taon at sa tulong ni Congressman Tinio, ito po ay maisasabatas ito pong budget para po mag- create ng 61,500 new teaching postions. Pwede po nating sabihin na dahil po yung sa kindergarten teachers natin na halimbawa, hindi po lahat yan ay may Teacher 1 item position." "Unti-unti po natin silang nire-regularize, ika nga, para makuha nila yung Teacher 1 item postiion na talaga naman pong mas mataas yung benepisyo kumpara sa nakukuha nila," ani Umali.

Bagong mga guro, Di Sapat; Regularization, Dapat Unahin


Naniniwala naman si Alliance of Concerned Teachers (ACT) Rep. Antonio Tinio na hindi sapat ang pagdadagdag lang ng mga guro sa susunod na taon. Naniniwala si Tinio na dapat unahin ang regularization ng mga volunteer at contractual teachers maging ang pagtataas ng sweldo ng mga ito mula sa basic salary na P18,549 sa higit P24,000 na basic salary. "Kinikilala natin na pinakamalaking bilang ng teachers hiring ang popondohan para sa 2013. 61,510 next year subalit kapos pa rin yan dahil hindi matutugunan yung pagreregularisa sa lahat ng mga volunteer kindergarten teachers, 23,900 volunteer teachers sa ilalim ng DepEd ang mga contractual," ani Tinio. "One third lang ang mabibigyan ng item next year, may LGU teachers pero nagtatrabaho almost 50,000 ang mga yan. Doon sa hriing next year, hindi pa sila mareregularize. Kailangang taasan ang honorarium dahil ang sweldo nila ay below minimum wage," paliwanag pa ni Tinio. Ayon pa kay Tinio, ang kawalan ng suporta ng Malakanyang ang dahilan kung bakit hindi pa naisasabatas ang pagtataas ng sweldo ng mga guro. "Kasi ang tingin namin ang dahilan kung bakit hindi pa ito naisasabatas kahit may malawak na suporta sa House of Representatives at Senado pero walang suporta pa kasi ng Malakanyang ,susi yun eh. DBM in particular and Malacanang." "Ang sweldo ng teacher ngayon entry level salary grade 11 ay P18,549 per month, yun yung basic salary. Siguro kung single ka, okay ito. Pero kung may anak kang pinapaaral ay kapos na kapos ito kaya maraming mga teachers ay baon sa utang, kailangang mag-sideline o magnegosyo, nagli-leave yan para mag-abroad for one year bilang care giver, bilang DH kaya't tingin natin dapat itaas ang sweldo," giit pa ni Tinio. Depensa naman ni Umali, sinusuportahan ng DepEd ang petisyong ito ni Tinio, gayuman, ay naniniwala itong may mga hakbang nang ginagawa ang Malakanyang para masolusyunan ang mga problema sa mga pa-sweldo sa mga guro. "Talaga naman pong ang ating kagawaran, sumusuporta tayo. Siguro nagkataon po lamang na ang focus is to wipe out the shortages of teachers."

"Yan po ang nais kong iklaro, ang gobyerno ay talagang seryoso na solusyouan itong taong-taong isyu ng kakulangan ng guro, silid aralan, aklat, palikuran at upuan." "Patungo rin tayo doon pero simulan po muna natin yung kakulangan," pagtatapos ni Umali.

You might also like