Buod NG Kwento Ni Mabuti
Buod NG Kwento Ni Mabuti
Buod NG Kwento Ni Mabuti
Uminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa punto de
vista ng isa sa kanya ng mga estudyante.
Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng
kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo'y binudburan rin ng salitang
'mabuti' ang mga sinasabi niya.
Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni
Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y
hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild aklata na iyon upang umiyan
rin.
Kung anong kadahilana'y hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang estudyante
kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.
Wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala
ay patuloy pa rin ang kaniyang positibismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ang pagningas
kahit nilulunod na siya ng kalungkutan.