Filipino Activity
Filipino Activity
Filipino Activity
11931736
GEFILI Activity
Intelektwalisasyon
Ito ang pagtrato sa isang paksa sa malalim, matalino, at edukadong paraang. Sa konteksto, ito ay may
kinalaman sa pag-unlad ng wikang Filipino. Ayon kay Torres-Yu, maiihalintulad ang salitang
intelektwalisasyon sa mga kahulugang:
● Ginagamit na ang wikang Filipino ng mga intelektwal at dalubhasa sa kanilang diskurso
● May sapat na terminong teknikal na maitatapat sa mga hiniram sa wikang Ingles o iba pang wikang
dayuhan
● May sapat na bokabularyong magagamit sa pagpapahayag ng abstraktong kaisipan
● May modernong alpabetong makakaangkop sa pagpasok ng mga salitang hiniram sa ibang wika
: Isa sa mga layunin ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino ay ang palaganapin ang ating wika.
Literatura
Mahahango sa kasalukuyang literatura ang pag intelektwalisasyon ng ating wika. Isang partikular na
halimbawa ay ang pansamantalang pagsalin ng mga salitang banyagang na hindi hango sa ating kultura.
Dahil dito, posibleng maging permanente ang pagsasaling ito dahil sa namamayaning kalakaran ngayon sa
Agham Panlipunan at maging sa disiplina ng literatura at sining.
Diskursong pangkultura
Ang direksyon ng pagsasa-Filipino ng Agham Panlipunan ay dapat nakatanaw sa pagbubuo ng teorya at
metodong bunga ng kaisipang nakaugat at akma sa ating kultura.
: Ang mga iba’t ibang paniniwala at tradisyon ng mga tao ay isa sa mga paksa ng diskursong pangkultura.
Kalakalan ng pagsasalin
Hindi mangyayari ang intelektwalisasyon kung mananatili ang kasalukuyang kalakalan ng pagsasalin
lamang ng mga salitang banyagang na naghahayag ng kanilang konsepto at katergoryang pangkulturang
kanluranin na hindi sa atin.
Sipat-sulipat
Nangyayari ang pagsasa-Filipino ng mga diskursong pangkultura sa sipat-sulipat ng Agham Panlipunan.
Ang tunay na intelektwalisasyon ay mangyayari kapag ang wikang Filipino ang gagamitin ng mga
Filipinong intelektuwal at iskolar sa pag-iisip at pagbuo ng kaisipan, kaalaman, at karunungang hinango sa
karanasan ng mga Filipino at nakatuntong sa katutubong tradisyon intelektuwal.
Karunungang Filipino
Ang pagtuloy na pag-asa sa karunungang nagmula sa sentrong kanluran ay may masamang dulot dahil
ang karakalang ito ay tila walang katapusang paghabol sa kung ano ang bago o uso sa mga centro ng
karunungan sa mundo. Ang tunay na kapangyarihang maaaring nagmula sa karunungan ay hindi sa maliit
na sirkulo ng mga naturang akademiko manggagaling. Manggagaling ito sa karunungang nililikha ng mga
akademikong nakatingin at umuugnay sa tradisyong katutubo at sa totoong karanasan ng bayan.
Sagabal sa pagsasalin
Base sa nabasa, malaking sagabal sa pagsasakatutubong ang mga saloobin ng mga akademikong mas
pabor ng gumamit ng "quote... unquote". Sa mga dayuhang manunulat, sa problema ng paglalathala ng
mga publikasyong nakasulat sa wikang Filipino at sa mahinang ugnayan ng mga akademiko sa ibat ibang
institusyon dahil malakas na umiiral ang pagkakanya-at kumpitensya.
: May ilang mga salita at pangungusap na sagabal sa pagsasalin.
Metodong Kanluran
Bagaman mahalaga ang kaalamang mula sa kanluran para sa masaklaw na pag-unawa ating mga
suliranin. May peligrong maaring bumangon kung ang isang tao ay mamimihasa lamang sa paggamit ng
mga kategoryang pasok sa pagsusuring pawang hiram lamang.
: Maaring makapagbigay ng negatibong epekto sa ating kultura ang labis na pagkakalantad sa metodong
kanluran.
B. Gawain
1. Problema /Sitwasyong Pangwika
Ngunit, ang pag iintelektwalisasyon ng ating wika ay isa paring progresong nais matupad. Ito ay
mahirap matugunan. Maraming gawain ang dapat gawin sa intelektwalisasyong Pilipino upang ang
wika ay maaaring magamit bilang wikang gumagana sa pagkontrol ng mga dominyo ng wika.
Ito parin ay problemang pangwika dahil hindi pa ganap na "intellectualized" at wala pa rin lubos na
kakayahang maglingkod bilang isang sapat na wikang maghahatid ng kaalamang mula sa Kanluran.
Ang mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino ay lubos na may kaalaman sa sitwasyon na hindi lubos
na katumbas, at hindi magagawang moderno tulad ng salitang Ingles. Ang Filipino ay ang wikang
pambansa na naglalayong maging higit pa sa isang katutubong wika at hangarin na maging na
maging opisyal na pagsasalita ng bansa. Ito ay nahawahan at nakompromiso mula sa simula ng
mismong mga wika na hinahangad na ibukod.
2.2 Bakit kaya sinabi ni Torres-Yu na kailangang humupa, lalong mabuti’y mawala, ang pagdududa
ng Filipinong intelektwal sa sarili niyang kakayahang makabuo ng bago, sarili, at orihinal, sa
wikang nag-uugnay sa kaniya sa kalinangang bayan?
- Nabanggit ito ni Torres-Yu dahil bilang Pilipino, wala ng ibang makakatulong sa atin kundi tayong
magkakapwa mga Pilipino. Kung lahat tayo ay nagtutulungan sa parehong layunin, ang ating wika
ay uunlad, makakatulong sa paglaban sa mga isyu laban dito, at gawing mas kilala sa publiko ang
ating wika.
2.3 Sa inyong palagay, bakit kaya nagkakaroon/o di nagkakaroon ng pagbabago sa palagay ukol sa
wika wikang Filipino ang mismong mga Pilipino? Ano kaya ang kalimitang suliranin bakit hindi
natin agad na nakikita ang katotohanan o realidad na ating hinahanap lalong-lalo na sa usapin ng
pambansang wika?
- Ang mga Pilipino ay nabubulag sa pag-iisip na dahil ang salitang Ingles ay ang pang-unibersal na
wika, kailangan ito nalang dapat ang bigyan natin ng pokus. Para sa mga magulang, inaasahan
nilang maging mapagkumpitensya ang kanilang mga anak sa mundo, kailangan nilang maging
mahusay sa Ingles. Sa kabilang banda, madalas na nakalulungkot na napakaraming mga kabataan
ang nakakalimot sa kanilang Pilipino. Sa napakaraming mga libro at media na kinukuha nila sa
Ingles, at napakaraming mga sambahayan na nagsisimulang gumamit ng Ingles bilang kanilang
pangunahing wika, ang kakayahang Pilipino ay hindi masyadong binibigyang pansin ng mga bata
dito sa Maynila.