Konseptong Papel

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

RES 301

KONSEPTONG PAPEL

PAKSA: ANTAS NG
KAALAMAN SA
WASTONG PAGGAMIT
NG WIKANG FILIPINO AT
KASANAYAN SA
PAKIKIPAGTALASTASAN
NG MGA MAG-AARAL.
Rasyonale

Ayon kay Halliday (1973) ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na


ginagamit araw araw. Sa pamamagitan ng tunog at simbolo ay ating naipapahayag ang
nais sabihin ng ating isipan. May gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa
mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika
sa pagpapangalan, berbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos at
pakikipag-usap. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at
panliteratura, nakikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at
ipagmalaki.

Ayon kay San Buenaventura (1985), ang wika ay isang ingat-yaman ng mga
tradisyong nakalagak dito. Sa madaling salita, ang wika ay kaisipan ng isang bansa
kaya’t kailanman ito’y tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito
ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa. Ngunit ang pangunahing ginagamit ng mga
Pilipino ay ang wikang Tagalog na kadalasang matatagpuan sa Luzon ang
pamantayang bersyon ng wikang Tagalog. Malawak ang wikang Tagalog at madami
rin itong uri ngunit habang patagal ng patagal at paunlad ng paunlad ang teknolohiya
marami sa mga Filipino ang nakakaligtaang gamitin angating wika sa kadahilanan ng
pag usbong ng ibat ibang termino at salita. Marami ang nakakalimot sa tunay na tawag
o kahulugan sa kadahilanang maraming salita ang pwedeng ipalit na mas maikli o di
naman kaya’y mas madaling bigkasin. Lalo na ang mga kabataan malimit kung
gumamit.

Ayon kay Constantino (2005) mula kinder hanggang sa senior high ay


mayroon pa rin. nagkakaiba lang sa lebel batay sa baitang. Halimbawa kung ikaw ay
nasa junior high makakatagpo ka ng ibat ibang gawain gaya ng pagsusuri sa ilang
panitikan ngunit pag tungtong ng senior high makakatagpo mo ang ilang asignatura sa
Filipino na nababagay sa iyong antas bilang senior high gaya ng pananaliksik.
Ibinabagay ang pagtuturo sa antas ng isang mag-aaral. Sa pag aaral kasama sa hinahasa
ang makrong kasanayan, ang makrong kasanayan ay pagbasa, pagsulat, panonood,
pagsasalita at pakikinig. Nahahati ito sa dalawa ito ay receptive at expressive na
nahahati rin sa primary at secondary. Primary expressive ang pagsasalita, ang
panonood at pakikinig naman ay primary receptive. Secondary expressive naman ang
pagsulat at secondary receptive naman ang pagbasa. Sa pakikipagtalastasan ng tao sa
bawat araw ng kanyang buhay, berbal man o hindi, ang kanyang kakayahan sa
pagpapahayag ay laging kasama. Sa kanyang galing sa pagpapahayag nakasalalay ang
kalinawan ng mensahe na kanyang ipinahahayag sa kapwa kaya nararapat lamang ito
hasain lalo na sa mga paaralan at sa tahanan. Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa
pagsasalita kung saan ginagamit ito ng tao sa araw-araw na pakikipag talastasan sa
kanyang kapwa, pagpapahayag ng damdamin, pagkalat/ pagkalap ng impormasyon at
marami pang iba. Kaya dapat ito malinang dahil may paraan ito ng paggamit batay sa
pangangailangan at kung sino ang iyong kausap. Ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
pakikipagtalastasan ay madalas impormal o hindi sapat sa kadahilanang maraming
umusbong na bagong termino kaya mas pinipili na lang gumamit ng mga mag-aaral ng
balbal o di naman kaya ay ingles dahil dito sila mas nadadalian. Mahalaga ang
kasanayan sa pakikipagtalastasan gamit ang wika sa mga mag-aaral na kumukuha ng
kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino sa paaralan ng J.H Cerilles
State College ng Tambulig off-site lalo na sa mga magpapakadalubhasa sa
asignaturang Filipino o kaya naman kahit guro na iba ang ispesipikasyon dahil
kelangan nila gumamit ng wika para tuluyan silang maintindihan o kaya naman ay
maunawaan ang asignatura at mga nilalaman nitong lektyur.
Layunin ng Pag-aaral

Isasagawa ang pananaliksik na ito upang malaman ang antas ng kaalaman sa


wastong paggamit ng wikang Filipino at kasanayan sa pakikipagtalastasan ng mga
mag-aaral na kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education major in
Filipino sa paaralan ng J.H Cerilles State College ng Tambulig off-site. Layunin nitong
makamit ang mga sumusunod:

1. Malaman kung may positibo at negatibong epekto ba ang wastong paggamit ng


wika sa pakikipagtalastasan.
2. Malaman kung mahalaga ba talaga ang wastong paggamit ng wika sa
pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral.
3. Malaman ang lebel ng kasanayan sa wastong paggamit ng wika ng mga mag-
aaral.

Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isasagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibo o palarawang


disenyo. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga
mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng
talatanungan o survey questionnaires para makalikom ng mga datos na
magdedetermina sa lebel ng kasanayan sa wastong paggamit ng wika. Naniniwala ang
mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas
mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente. Limitado
lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong
ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya
lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan
maari-ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa
pagkalap ng mga datos at impormasyon. Ang mga datos na makakalap ay maaaring
makatulong sa pagpapatunay na mahalaga ang wastong paggamit ng wika sa mga mag-
aaral.
Seting ng Pag-aaral

Isa sa pangangailangan ang magamit ang wika bilang isang kakayahang


komunikatibo na tumutugon sa isa sa mga tunguhin ng K to 12 kurikulum. Sa
pamamagitan ng pagtatala o kaya naman ay pagbibidyo. Kaugnay nito, isinagawa ang
pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary
Education major in Filipino sa paaralan ng J.H Cerilles State College ng Tambulig off-
site.

Pagpili ng Kalahok

Ang mga mananaliksik ay pumili ng respondente mula sa mga mag-aaral na


kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino sa paaralan
ng J.H Cerilles State College ng Tambulig off-site.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang aming grupo ay kakalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng


mga talatanungan na may mga malalalim na salita o termino. Binabalak namin ito
hatiin sa ibat ibang klase ng lebel. Sa una hindi masyadong malalim ang mga termino
at may pagpipilian sila. Ikalawang lebel ay may medyo malalalim na salita at termino
may pagpipilian at ikatlo ang pinaka mahirap nag lalaman ng mahihirap na termino at
salita walang pagpipilian. Gagawa kami ng pamantayan na dapat aprubahan ng guro sa
pananaliksik. Ang pamantayang ito ang magsasabi o mag dedeklara kung ano ang
karaniwang lebel ng mga mag-aaral pag dating sa pakikipagtalastasan gamit ang wika.
Ang pamantayan din ang magsasabi kung ano ang lebel ng pagiging bihasa sa wika ng
isang tao. Ito ang ginamit sa pagkalap ng impormasyon. Ito ay ang aming napili, dahil
ang impormasyong kailangang makalap ay maibibigay lamang ng sariling pananaw ng
bawat respondante, at ang tanging paraan upang malaman ito ay sa pamamagitan
lamang ng interbyu.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Uumpisahan namin sa pag-gawa ng mga tanong na ilalagay namin sa sarbey,


ikalawa, pag-gawa ng liham na ipapakita namin sa aming mga repondents upang sa
gayon ay maunawaan nila kung ano ba ang aming ipapasagot sa kanila at ang aming
paksa, ikatlo, habang silay sumasagot sa aming interview/survey. Aming
pinagmamasdan ang mga kanilang reaksyon sa pag sagot sa aming binigay na
talatanungan/survey form. At huli, pagtapos nila sagutan ang sarbey, ang mga
mananaliksik ay gagawa ng interpretasyong berbal bilang tritment.

Tritment ng Datos
Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na
tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally at bibigyan ng berbal na
interpretasyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungang
inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay ikukumpara ayon sa pagkakaiba ng mga
kasagutan. Ang mga datos ay iaanalisang mabuti at magiging gabay sa resultang
ninanais ng mga mananaliksik. Mula sa mga sarbey at pakikipagpanayam ang mga
makakalap na datos ito ay sasalain at pipiliin ang mga makakatulong o benepisyunal sa
pag-aaral.

Inaasahang bunga

Isasagawa ang pananaliksik na ito upang malaman ang antas ng kaalaman sa


mga mag-aaral sa wastong paggamit ng Wikang Filipino sa kasanayan sa
pakikipagtalastasan. Inaasahan ng mga mananaliksik na masagot o makuha ang mga
layuning nasa itaas. Inaasahan din na sa pag-aaral na ito ay masagot ang nga katanguan
ng mag mananaliksik. Sa huli ay inaasahan ng mga mananaliksik na makapagbigay ng
rekomendasyon, panukala at mungkahi sa ginawang pag-aaral. Ang mga mananaliksik
din ay makapagbibigay sa huli ng konklusyon basi sa ginawang pag-aanalisa sa mga
datos na nakalap sa pag-aaral.

Reperensya

[CITATION Reb \l 1033 ]

[CITATION San73 \l 1033 ]

[ CITATION Pam05 \l 1033 ]


[ CITATION Mic73 \l 1033 ]

Abueva, Jose V. (1995). Filipino sa Siglo 21. Universidad ng Pilipinas. Ebsco.com


/Page12/
Anonuevo, Rebecca T. (2016). Ang Filipino bilang Disiplina: Sakop, Lawal at
Potensyal ng pagtuturo ng panitikan kaugnay ng Bagong Kurikulum bunsod ng K to
12. Ateneo.Journals.ateneo.edu.
[Author removed at request of original publisher]. (2016, September 29).
Communication in the Real World: An Introduction to Communication Studies.Kinuha
mula sa https://open.lib.umn.edu/communication/chapter/3-2-functions-of language/
Baustista, Francisco B. (2015). Direksiyong Historikal ng mga pag-aaral panggramar
ng mga Wikang tagalong. Mandaluyong City. Academia Publishing House.
Belvez, Paz M. (2015). Development of Filipino,The National Language of the
Philippines.https://ncca.gov.ph/about-ncca 3/subcommissions/subcommission-on-
cultural- disseminationscd/language-and-translation/development-of-Filipino-the-
national-language-of-the-philippines/
Cheng, C.K See S.L. (2006). The revised wordframe model for the Filipino
Language.https://www.semanticscholar.org/paper/The-Revised-WordFrame-model-
for-the-Filipino-Cheng-see/5c5be82b74fc7359427762b9163833b3391818
Dominguez, A. A. (n.d.). Wikang Filipino pagyayamaninsa ‘Aklat ng Bayan’.
Pressreader.
Effective Use of Language. (n.d.). nakuha mula sa
https://faculty.washington.edu/ezent/el.htm
Heslinga, Verginia. (2017). Balance toward Language. Researchgate. Pg.2
Kedia, A. (2018). What is language as means of communication? Kinuha noong March
18, 2019, sa https://www.quora.com/What-is-language-as-means-of-communication?
redirected_qid=23407514
Language and communication (2018, August
06).Kinuhamulasahttps://www.uu.nl/en/research/utrecht-institute-of-linguistics-
ots/research/language-and-communication
Mangahas, M. (n.d.). Numbers on Filipino, Cebuano and Ingles. Inquirer.net.
Muharni, Muhami. (2017). The influence of gramamar and vocabulary mastery
onStudent reading comprehension and language development center of UIU Suska
Riau. http://journal.uir.ac.id/index.php/jshmic/article/view/508
Petras, Jayson D. (2014). Motibasyon at Atityud sa paggamit ng Wikang Ingles sa
Pilipinas at ang Implikasyon niyo sa Filipino bilang Wikang Pambansa. Up. Ebsco.com
Philippines - Constitution & Politics. (n.d.). Foreign Law Guide. doi:10.1163/2213-
2996_flg_com_323998
Purificacion, Marlon. (2018). Removal of Filipino Subject in college unconstitutional
senator. https://journal.com.ph/news/nation/removal-Filipino-subject-college-
unconstitutional-senators
Sorreta, Carlos D. (1990). Mga pananaw hingil sa paggamit ng Wikang Filipino sa
pag-aaral at Ang kahalagahan nito sa paghubog ng katauhan ng magaaral. Phil.
Heinhouse.
Thompson, I. (2015). kinuhamulasahttp://aboutworldlanguages.com/Tagalog
Wikang Tagalog (2019, February
26)Kinuhamulasahttps://en.wikipedia.org/wiki/Tagalog_language#cite_n ote-7
Tagalog

You might also like