Rooming With Mr. Perfect

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 476

The Friendly Wedding [Season One & Two]

by FrustratedGirlWriter

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki


na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni
Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila.
Hanggang sa araw-araw na lang ay lagi itong topless sa loob ng bahay nila.
Nahahalata niya ring nilalandi-landi siya nito. Pero ang sabi nito, "Hindi kita
nilalandi. Walang malisya. Friends kaya tayo." Ay, weh?

=================

Teaser

TEASER:

Kailangang magpakasal ni Sapphire. As in! Agad agad! Kung hindi, hindi niya
makukuha ang parte ng mana niya sa Lola niyang tinawag na ng kalangitan.

Ang kaso, wala siyang boyfriend. Never nagkaroon at wala naman kasi siyang planong
makipagrelasyon kahit kailan. Single mom ang Mama niya at habang lumalaki siya ay
makailang beses niya itong nakitang nasaktan dahil sa mga lalaki. Kaya sinumpa niya
sa sarili na never na never ever siyang magkaka-nobyo man o asawa.

So, what to do?

Aba siyempre, ang gasgas na solusyon at walang kamatayang sagot ay: kasabwatin ang
future groom at magkaroon ng kasunduan kapag kasal na sila. Kahit isang taon lang
magtagal ang kasal ay okay na at makukuha niya naman na ang parte sa mana.

Nanghingi siya ng tulong sa pinsan niyang si Reeve dahil baka may kilala itong
matino namang lalaki na papayag sa kabaliwan na naisip niya. At nagulat siya ng may
i-refer nga sa kanya ang seryosong pinsan!

Try niya daw kausapin ang kapatid ng asawa nito--si Johann Lawrence Anderson.

Nang makita niya ang lalake ay pasok agad ito sa standards niya! Mas matanda sa
kanya ng apat na taon, guwapo na, malakas pa ang dating, isang nirerespetong
professor, maalaga sa katawan--kaso walang abs, flat stomach lang. Pero ayos na
iyon! Witty at gentlemen. Kaaya-aya rin ang sense of humor.

Perfect!

"Sa tingin mo papayag siya? Bakit siya ang ni-refer mo?" tanong niya sa pinsan.

Nagkibit-balikat ito. "He's brokenhearted. Na-basted ng step sister ko na first and


true love niya daw, hindi rin niya mahanap ang bestfriend niya. My wife thinks that
his brother is just trying to be happy but deeply hurting inside. Baka sakaling
pumayag siya sa kondisyon mo, just to divert his attention."

Sa madaling salita, vulnerable si Johann. Kaya nang kinausap niya ng masinsinan,


isang "Okay. No problem," ang sagot sa kanya!

Dahil sa sobrang tuwa ni Sapphire, inalok niya itong maging friends sila para
maging komportable sila sa isang taon na pagsasama nila sa iisang bubong bilang
mag-asawa.

Solve ang problema niya! Makukuha niya ang mana at hindi pa sakit sa ulo ang
magiging asawa niya dahil "friends" na nga sila.

But, wait! Bakit nang nasa iisang bahay na lang sila, feeling niya ay lagi siyang
inaakit nito?! Akala niya ba brokenhearted, eh, bakit lagi siyang nilalandi?!

"Huwag mo nga ako landiin!" saway niya rito minsan.

Natawa ito. "Hindi kita nilalandi, oy! Nagpapaka-friendly lang ako."

Friendly?! Saan banda friendly na palakad-lakad ito sa bahay ng topless?

At nagkaka-abs na ang "friendly husband" niya.

Omeyged.

=================

Chapter One

CHAPTER ONE

"BAKIT ba ang hirap makuha ng mana ngayon? Bakit ang daming kondisyon na kailangan
munang gawin? At ano ang purpose ni Lola bakit kailangan niyang mag-iwan ng ganoong
bilin?"

Binagsak ni Sapphire ang sarili niya sa malaki at malambot niyang kama. Masama ang
tingin niya sa chandelier na nakasabit sa kisame. May her Lola rest in peace.
Ngunit, inis siya sa iniwan nitong bilin sa kanilang magpipinsan para lang makuha
ang mana nila.

She heard her girl cousins giggle.


"Nakutuban siguro ni Lola na gusto mong maging old maid forever kaya, hayan, you
cannot claim your 'prize', if you don't have a 'proof of purchase'," nang-aasar pa
na sabi ng nakababatang pinsan niya na si Lavender.

Proof of purchase? Hah! She smirked. Para makuha niya ang parte ng mana niya
kailangan niyang magpakasal bago sumapit ang 28th birthday niya. Eh, twenty-seven
na siya ngayon at sa susunod na buwan na ang birthday niya!

Ang 'proof of purchase' niya na dapat ipakita sa abogado ng yumaong lola ay isang
marriage contract! Kung hindi pa siya kasal on or before her birthday, mapupunta
ang parte niya ng mana sa charity. As always.

"I thought sa mga nobela lang nangyayari ang mga ganito," wika niya pa. "Ang daya
naman ni Lola, eh!" dabog niya pa sabay sinipa ang paa. Tumalsik tuloy ang suot
niyang sapatos.

Narinig na naman niya ang hagikgikan ng mga pinsan niya.

"You know, Saphi, start looking for your groom now instead of wasting your time
whining about Lola's condition in her last will," her cousin Crystal Jane adviced.
Mas bata rin ito sa kanya pero kung magsalita, parang mas matanda pa sa kanilang
magpipinsan.

"Hindi ganoon kadali iyon!" bulalas niya sabay bangon sa higaan. "Wala nga akong
boyfriend tapos magpapakasal pa 'ko? Bakit ba kasi kailangan pang magpakasal sa
lalake?!"

"Kaysa naman sa babae ka rin magpakasal? Lalong hindi mo makukuha ang mana mo."

"Kung hindi mo ise-set aside ang pagiging man-hater mo, then, say 'bye-bye' na sa
mana mo," Haley-another cousin of hers, teased. Pagkuwa'y nagtawanan pa ang mga
ito.

Napasimangot siya sa tatlong babaeng pinsan na prenteng nakaupo sa peach-colored


furry couch sa isang gilid ng kuwarto niya.

"Ang lakas ng loob niyong asarin ako! Ang daya-daya niyo!" Paano ba naman kasi,
lahat naman sila ay nakakuha ng pare-parehong kondisyon bago makuha ang pamana ng
Lola nila. Ang kaso, maraming taon pa bago mag-28 ang mga ito. Her cousins have
much time to find someone they can marry.

But how about her? She only has a month!

Bakit naman kasi sa lahat pa ng kondisyon upang makuha ang mana ay ang pagpapakasal
pa? Ayaw niyang magpakasal! Hindi nga siya nakikipag-boyfriend dahil ayaw niya sa
mga lalaki.
Tama ang sinabi ni Haley na isa nga siyang man-hater. Walang dating sa kanya ang
kahit sinong lalaki. Ilag siya sa mga kalahi ng tatay niyang hindi pinanagutan ang
Mommy niya noong pinagbubuntis siya. She never imagined herself having an intimate
relationship with men. Habang lumalaki siya, nakikita niya kung paanong makailang
beses na umiyak ang Mommy niya kapag naloloko ng mga naging boyfriend nito.

Ang rason ng magaling niyang nanay, gusto daw kasi nito maranasan ang "happily ever
after".

Happily ever after? Happily ever after, my face!

Her mom Mercy Monteverde raised her all by herself. Wala itong naging asawa magmula
nang ipanganak siya nito. Pero makailang beses nagkaroon ng mga nobyo. She was a
single mother. Walang naging problema ang ina sa pagbuhay sa kanya dahil mayaman
ang pamilya na pinanggalingan nito.

The Monteverde family owns a chain of hotels and restaurants all over the
Philippines. Through the years, namamayagpag ang family empire ng Monteverde. And
last year, nang magpakasal ang nakakatatandang pinsan nilang lalaki na si Reeve
Monteverde sa anak ng isang sikat rin na hotel magnate ay mas nag-expand pa ang
malaking emperyo ng kanilang pamilya.

"Kung tutuusin, Saphi, ikaw rin naman ang may kasalanan," sabi ni Lavender.

"Paanong ako ang may kasalanan? Eh si Lola ang gumawa ng last will and testament
niya."

"Remember, nang nasa ospital si Lola three months ago, harapan mong sinabi na
hinding-hindi ka magpapakasal? Na okay lang sa'yong tumandang dalaga? Feeling ko,
na-alarm si Lola doon. Eh, diba, when we were kids pa, she's always telling us that
we should get married and have kids?"

"And take a look at it, alam din ni Lola, kung gaano kahalaga sa'yo ang manang
makukuha mo, kaya naman, she came up with that condition," konklusyon ni Crystal
Jane. "Kami pa nga ang nadamay."

Tumikwas ang isang kilay niya. Napaisip siya sa sinabi nito. Hindi malayong ginawa
nga iyon ng lola nila.

Mercelina Monteverde-their grandmother died two months ago because of colon cancer.
Siya ang pinakamalapit sa abuela dahil sa mansyon siya ng mga ito lumaki habang ang
mga pinsan niya ay nasa kani-kanilang mga bahay kasama ang kompletong pamilya ng
mga ito.

Ang mga ina nina Crystal Jane, Haley, at Lavender, at ang ama ni Reeve ang kapatid
ng Mommy niya. Coincidently, lahat silang magpipinsan ay only child kaya naman ang
tatlong pinsan niya ang tinuring niyang mga kapatid. Hindi kasi sila gaanong naging
malapit sa isang lalaking pinsan nila dahil noong mga bata pa sila ay masyadong
malayo ang tinitirhan ng mga ito kaya tuwing may okasyon lang nila nakikita.

Back to her late grandmother, nanalaytay daw sa dugo ng mga Monteverde ang pagiging
manipulative. Hindi na siya nagtaka doon dahil parang totoo naman. Lalo na sa
kanya. Kaya nga mas ayaw niya sa lalaki dahil sa tingin niya, hindi niya kayang
manipulahin ang mga ito.

Kapag nagmahal siya, baka masaktan lang siya at umiyak ng umiyak katulad ng Mommy
niya. Ayaw niya ang nagmumukhang tanga at helpless.

Hinding hindi siya gagaya sa Mommy niya.

Nilapitan niya ang mga pinsan. Sumusukong napabuntong-hininga siya. "Looks like
hindi ko na talaga makukuha ang mana ko. Sige, sa charity na lang iyon."

Sabay-sabay nanlaki ang mga mata ng mga ito. "Sapphire!" sabay-sabay bulalas ng mga
ito.

"Hindi mo lang puwedeng pabayaan ang mana mo! It's a large amount of money! Gosh!
Kahit hindi ka na magtrabaho all your life, mabubuhay na pati ang apo mo."

"Tama si Lavender, Saphi. You can't just give it up!"

"Eh, kaysa naman magpakasal ako? Una, wala akong boyfriend. Pangalawa, saan ako
makakakita ng pakakasalan sa loob lang ng isang buwan. At pangatlo, I can't live
with a man!"

Napailing-iling si Haley. "There are so many ways, Saphi. Hindi mo naman kailangan
sigurong totoong magpakasal."

Napakunot noo siya. "Lola's lawyer will double check if the marriage contract is
valid. Hindi natin puwedeng pekein iyon."

Haley naughtily smiled. "Then, have a fake groom instead," maarteng sabi nito at
saka tumayo.

Si Haley ang pinakabata nilang pinsan-only twenty-one years old. Ang pananamit nito
ay sobrang provocative. Backless na ang top nito, napaka-ikli pa ng skirt nito.
But, instead of looking cheap, she looked so elegantly sexy.

"Fake groom?" ulit ni Crystal Jane. "You mean like, kasasabwatin ni Saphi ang
pakakasalan niya?"
"Yeah. Bayaran na lang ni Sapphire after. And if they will live in one house, they
can sleep in separate rooms and have their own lives pa rin."

Lavender chuckled. "Kasal sa papel lang? Parang nakabasa o nakanood na ko ng mga


ganito, ah?"

"Eh, iyon lang naman ang solusyon para dito sa man-hater nating pinsan."

Inirapan niya ito. "Kaysa naman maging playgirl ako na katulad mo."

Mukhang di naman offended si Haley at tumawa ito. "Hindi na kaya ako playgirl
ngayon! I'm done playing with boys na. Last year pa. Pero, hindi naman ako naging
man-hater, ano. I would like to fall in love pa rin."

Fall in love? With a man? Yuck.

"Para naman nating niloko si Lola, if ganoon ang gagawin ni Saphi," apela ni
Crystal Jane. Sa kanilang apat, ito ang pinakamatino, pinakamahinhin, at
pinakamabait.

"Tama si Crystal Jane," Lavender agreed. "Sigurado ang intensyon ni Lola kaya niya
ginawa ang condition na iyon ay dahil gusto niyang huwag tumandang dalaga si
Saphi."

"Eh, kaysa naman pilitin natin ang dear cousin natin na ma-inlove sa isang guy sa
loob lang ng isang buwan tapos kasal agad? Sinong lalaki ang papayag sa ganoon?"

"Bakit? May lalaki rin bang papayag sa idea mo na magpapakasal lang tapos babayaran
na lang after?"

"Marami kaya! Walang tumatanggi sa pera."

"Pero, bad pa din na magpakasal lang dahil doon."

Napatingala si Sapphire at tinakpan ang tainga niya dahil nagdiskusyon na ang mga
ito. Siya ang pinakamatanda pero wala siyang maisip na paraan.

Hinayaan niya ang mga magpipinsang magtalo. Bumalik na lang siya sa ibabaw ng kama
niya. Tinalukbong niya ang comforter sa kanya at hinayaan niya ang sariling mag-
transform at maging isang potato.

Pero, siyempre, hindi nangyari iyon. Wish niya lang na ganoon kadaling takasan ang
dilemma niya ngayon.
Lola, akala ko love mo 'ko? Eh, bakit pinapahirapan mo 'ko ng ganito?

Mali nga naman ang naisip na idea ni Haley pero kapag hindi niya nasolusyonan
hanggang sa susunod na buwan ang problema niya, ang pangarap niya na makapagpatayo
ng sariling bookstore business gamit ang mamanahin niya sanang pera ay biglang
maglalaho. Bye-bye money, bye-bye dreams na rin siya.

Pero, kapag naiisip niya naman na may posibilidad na ma-inlove siya sa lalaki
within a span of month, kinikilabutan na siya. Kinikilabutan siya maisip pa lang na
nakikipagyakapan siya o nakikipaghalikan sa mga ito.

Napabuga siya ng hangin. Sinubsob niya ang mukha sa unan at saka tumili ng malakas.
Dalawa lang ang choices niya. It's either she'll go with Haley's idea or she will
force herself to fall in love with a guy.

So, what to choose?

"Sapphire? Are you still alive?"

"Baka nag-i-imagine na naman siya na maging potato. Hayaan na lang muna natin."

Biglang siyang bumangon. Gulo-gulo na ang buhok niya at may nakatabing pa sa mukha
niya pero hindi niya alintana. Pinatalim niya ang mga matang tagus-tagusan ang
tingin.

"Nakapagdesisyon na 'ko," aniya na walang kahit anong ekspresyon sa mukha.


Napatingin siya kay Haley. "I'll go with your idea."

Napapalakpak ito habang si Crystal Jane ay napabuntong-hininga na lang.

"Sigurado ka na?" paninigurado pa ni Lavender. Nakikita niya sa mukha nito ang


pagtutol pero alam naman nitong kapag nakapagdesisyon na siya, hindi na mababago
iyon.

Tumango siya at saka tumayo sa ibabaw ng kama. "Ayokong lokohin si Lola, may she
rest in peace. Pero ang laki na kayang joke ng nakalagay sa will and testament
niya. Hindi lang matanggap siguro ni Lola na man-hater ako. Pero naiintindihan niya
na siguro ako sa heaven ngayon."

Nameywang siya at niyuko ang tatlong pinsan. "Saan ba 'ko makakahanap ng lalaki na
puwedeng masilaw sa kayamanan kahit mayaman na? Yung guwapo na walang girlfriend?
Yung matalino na hindi mukhang nerd? Yung macho pero hindi closet queen? Yung hindi
mangingialam sa mga gagawin ko pero faithful habang kasal pa kami?"

"May qualifications ka pa?"


"Aba, siyempre! I'm Sapphire Danaya Monteverde! Kahit pa makikipagsabwatan ako sa
'husband-to-be' ko, siyempre naman gusto kong makasal ako sa puwede namang
ipagmayabang na lalaki. Trophy husband ang datingan!" They belong to an elite
society. Kilala siya na kabilang sa pamilyang Monteverde. Kaya ang inaasahan ng mga
tao sa mapapangasawa nila ay galing din sa may sinasabing pamilya.

"Oh, well, simulan mo ng maghanap ngayon, Saphi. Meron naman sigurong nag-eexist sa
qualifications mo. Lalaking-lalaki ang hanap mo. They have needs, mind you. And sex
is not out of the question," ani Lavender.

Malakas siyang napasinghap kasabay nang panlalaki ng mga mata. "No! No! No! Sex is
definitely out of the box!"

"Gusto mong maging faithful sa'yo yung guy habang kasal pa kayo? Saphi, hello? One
year ang minimum ng pagsasama niyo dapat para ma-transfer sa'yo nang buo ang
pamana. Sinong lalaki ang kayang hindi makipag-sex sa loob ng isang taon?"

Bakit ba hindi niya naisip iyon?"E-Eh di, idadagdag ko sa qualifications ang


lalaking ayaw ng sex."

"May lalaki bang ayaw ng sex?"

"Eh di, yung marunong magtiis!"

"For a year? I doubt."

"Meron naman siguro. Kaso kaunti lang sila. Pero, paano mo naman malalaman kung
kaya nga nilang magtiis di'ba?"

"Oh my!" Napahawak siya sa kanyang mga pisngi. "Kapag mali pa 'ko ng napili, baka
ma-rape ako!" Suddenly, for the first time ay gusto niyang umatras sa naging
decision.

"Wala ka bang kaibigang lalaki na baka puwede mo na lang pakiusapan?" tanong ni


Crystal Jane sa kanya.

Umiling siya. Truth be told, wala siya kahit kaibigan man lang na babae.

"Man-hater nga si Saphi, aasahan mo pang magkaroon siya ng lalaking kaibigan? Eh,
kahit nga kay Reeve, ilag yan. To think that he's our cousin."

"Speaking of Reeve," singit niya. "Bakit kaya di na lang ako magpatulong sa kanya?"
Naisip niya na baka maraming kakilala at koneksyon ang pinsan nilang iyon. Sa
business world ito sikat kaya hindi maipagkakailang maraming bachelors siguro na
kakilala ito.
"O kaya, baka isa sa mga pinsan ng asawa niya, may available," naisip niya pa. Ang
asawa ng pinsan nila na si Agatha, ay may mga pinsang lalaki rin na maka-ilang
beses na rin niyang nakita lalo na ng kinasal ang pinsan niya. Mukha namang
matitino. Baka may willing makipagsabwatan sa kanya basta walang sex o kahit anong
intimacy na involved.

Biglang natahimik ang tatlo niyang pinsan. Haley was now busy with her IPhone. Si
Crystal Jane ay may hinahalungkat sa bag nito. Si Lavender naman kung saan-saan
tumitingin.

"Ay, sorry," nakangiwing sabi niya sa mga ito. Nakalimutan niya na may past pala
ang mga ito sa tatlong lalaking pinsan ni Agatha. "Hindi na kasama sa choices 'yung
mga sinisinta niyo."

"Kahit naman isama mo si Reynald, hindi papayag iyon dahil may g-girlfriend na
siya," sabi ni Lavender.

"Si Ramses rin," dagdag ni Crystal Jane.

"Lalo na si Gideon," Haley muttered.

Napailing-iling siya. Ang itsura ngayon ng magagandang pinsan niya ay imahe ng mga
babaeng hindi maka-move on. Ayaw niyang matulad sa mga ito.

Nalaman niya gaano nagpakatanga sa mga lalaking nabanggit ng mga ito ang tatlo.
Parang Mommy niya lang. Kapag "nagmahal", ang dami nang kinakalimutan. Ang mga
lalaki naman kasi, mahilig din manloko.

Sila kasi talaga ang may kasalanan, eh. Sa next lifetime ko, gusto ko maging
tagaputol ng mga kaligayan nila para wala ng babaeng nasasawi. Hah!

But, for now, she really needs a groom kung gusto niyang hindi rin maputol ang
kaligayan na pinapangarap niya.

=================

Chapter Two

CHAPTER TWO

"GOOD morning!"

Kahit hindi ipahalata, alam ni Sapphire na nagulat ang pinsan niyang si Reeve nang
mapagbuksan siya nito ng pinto ng opisina nito.

"Sapphire? What are you doing here?"

Nginitian niya ito. "May I come in?"

Tumango ito at niluwagan ang pinto.

"Sorry for disturbing you. Wala kasi ang secretary mo sa labas kaya dumiretso na
'kong kumatok dito sa opisina mo," paliwanag niya agad habang dire-diretsong
pumasok at nilibot-libot ang tingin. Umupo siya sa upuan sa harap ng lamesa nito.

"It's fine. Pinsan naman kita. But, I'm quite surprise that you're here today. May
I know why?" diretsang tanong nito hindi pa man umiinit ang puwit niya sa kina-
uupuan.

Umupo ito sa puwesto nito at tinitigan siya. Reeve's powerful. Ito ang may hawak
nang dalawang pinaka-bigating hotel sa buong bansa. He's so high and mighty while
sitting on his place. Pero kahit kailan ay hindi siya na-i-intimidate ng pinsan
niya. Wala kahit isang lalaki ang naka-intimidate sa kanya.

Sinalubong niya ang tingin nito. "Hindi mo man lang ba 'ko aalukin ng kahit ano?
Like juice, coffee, or water?"

"Come on, Sapphire. Kailan ka pa tumatanggap ng kahit anong alok ng lalaki? Might
as well not to offer you anything. Besides, kapag gusto mo naman, sasabihin mo."

Napataas ang kilay niya. Kahit hindi sila malapit sa isa't isa ay kilalang-kilala
siya nito. "Paano mo nalaman iyan?"

He shrugged. "Observations."

She rolled her eyeballs. "Yeah, right. If I know, si Mommy ang nagsasabi ng mga
bagay tungkol sa'kin." Humalukipkip siya at diniretso ang upo. "Anyway, you're
right. You don't have to offer me anything. I need your help," diretsang sabi niya.

Kumunot ang noo nito. "What kind of help?"

"Alam mo ang nakalagay sa last will ni Lola Marcelina, di'ba? I won't be able to
take my part, hanggang sa hindi pa 'ko nakakasal."

Marahang tumango ito. "What about it?"


"I have a deadline, Reeve. Dapat kasal na 'ko on or before I reached the age of
twenty-eight. And my birthday is just a month away. Magte-twenty-eight na 'ko next
month!"

"Get married, then," he simply said.

Napasimangot tuloy siya. Ang dali lang dito sabihin iyon. Porke't wala itong
problema sa parte ng mana kaya relaxed na lang ito. "Madali lang magpakasal kung
may pakakasalan. Kaso, wala. At kaya ako nandito, magpapatulong ako sa'yo."

Lalong nangunot ang noo nito.

"Find me a husband!" she demanded.

Doon na nito hindi naitago ang gulat. "Come, again?"

Mabilis na ipinaliwanag niya rito ang napag-usapan nila ng mga babae niyang pinsan.
Habang tumatagal ang paliwanag niya ay lalong lumalalim ang mga kunot sa noo ng
pinsan niya.

"That's a ridiculous plan, Sapphire," tanging komento nito pagkatapos ng


pagpapaliwanag niya.

"Wala na 'kong pakialam eventhough that's the most weirdest plan ever! Basta, I
need a groom. Kailangan ko ng lalaking papayag sa inaalok ko. At sigurado ako na
may mare-'refer' ka naman sa'kin kahit papaano. Come on, Reeve! I'm a family, you
should help me! Kailangan ko ang mana 'ko. I have plans for it."

Napailing-iling ito. "Parang niloko mo si Lola kung gagawin mo iyan."

Napapikit siya. "I know! But she left me with no choice! Argh! Alangan namang ma-
inlove ako sa loob ng isang buwan lang? I hate men! So, there's no chance that I
could love them a bit!" Exemption lang ito, ang Papa nito, ang Lolo nila na matagal
na ring yumao, at ang ama ng mga pinsan niyang babae. "Tulungan mo na'ko. Alam kong
marami kang kakilala. Iyong mga pinsan ng asawa mo? O kaya iyong mga colleagues
mo?"

Napahilot si Reeve sa sentido nito at napabuntong-hininga. "Magpapakasal ka para


lang makuha ang mana. After a year, makikipaghiwalay ka. Marriage is sacred,
Sapphire. Hindi iyon basta-basta."

Napalabi siya. "Uso naman ang marriage for convenience. Ikaw nga, nagpakasal ka
para mas maging malaki ang empire ng Monteverde at maging ikaw ang CEO at
President. Ikaw pa ngayon ang Chairman of the Board. O, anong pinagkaiba niyon sa
sitwasyon ko? You got what you want when you got married. Ganoon lang rin naman ang
gagawin ko," she reasoned out.
"Malaki ang pinagkaiba natin. I married Agatha but we never got an annulment. From
the start, wala akong planong makipaghiwalay sa kanya. Eh, ikaw, hindi ka pa
nagpapakasal, parte na ng plano mo ang pakikipaghiwalay."

"Bakit pa ko mananatiling kasal kung nakuha ko naman na ang mana ko? Besides, hindi
rin naman lugi ang mapapangasawa ko kasi bibigyan ko siya ng parte na makukuha ko.
Kapag naghiwalay kami, pareho kaming masaya."

"Lola Marcelina wants you to have your own family that's why she came up with that
condition on her will. Mawawalan ng saysay ang ginawa niya dahil sa plano mo."

Matalim na tinitigan niya ito. Kinokonsenya siya ng nakatatandang pinsan. Pero


nagawa na iyon ni Lavender at Crystal Jane sa kanya bago pa man siya pumunta roon
kaya wala nang epekto sa kanya iyon.

Tumindig siya at inirapan ito. "Kung hindi mo 'ko matutulungan, just say so."
Tumalikod na siya at taas noong nagmartsa papunta sa pinto.

"Sapphire, come back here!" he commanded, authoratively. "Nag-uusap pa tayo."

Napapadyak siya sa inis at saka ito nilingon. "Eh, magsasayang lang ako ng oras
kung pipilitin kita ng pipilitin pero halata namang hindi mo 'ko matutulungang
makahanap ng groom-to-be. Mas mabuti pang maghahanap na lang akong mag-isa!"

Napabuga ito ng hangin. "I'll help you, okay?" sumusukong sabi nito.

Nagliwanag ang mukha ni Sapphire at napatakbo palapit rito. "Really?"

He sighed. "Alangan namang pabayaan kita? Pero ayoko lang talaga sa balak mo. Hindi
rin naman ako matatahimik kung maghahanap ka lang ng kung sinu-sino diyan."

Napangiti siya. Totoo nga ang sabi ni Haley, hindi sila matitiis ng pinsang si
Reeve. Kahit madalas na seryoso at istrikto ay mabait ito. Mas bumait pa nang
magkaroon ng asawa.

"Yey! Kailan mo 'ko hahanapan ng groom?" she excitedly said. Bigla niyang
naramdaman ang malaking pag-asa na bumangon sa dibdib niya. Na-imagine niya agad
ang future bookstore niya.

"Pumunta ka bukas sa bahay. Ayain mo ang mga pinsan natin. There's a little Sunday
lunch party tomorrow. Doon na tayo mag-usap ulit."

Tumangu-tango siya at nangakong pupunta bukas.


~0~0~0~

MULA nang tumapak sina Sapphire at ang tatlo niyang pinsan na babae sa bahay ni
Reeve at ni Agatha ay siya lang ang masaya at excited. Ang tatlong pinsan niya ay
halatang mga hindi mapakali at ninenerbiyos. Kasama pala kasi nila sa tanghalian
ang mga pinsan ni Agatha na lalaki. Pito ang mga ito. Ang isa, may asawa na at
buntis pa. Si Dylan iyon. Ang anim na natira walang sabit na kasama.

Kadalasan kapag maraming lalaki ay parang nasu-suffocate si Sapphire. Pero iba


ngayon. Malakas ang kutob niya na kaya siya pinapunta ni Reeve doon ay para sadyang
makilala niya ang mga pinsan ng asawa nito. Hindi lang siya tinutulungan ng pinsan,
binibigyan pa siya ng choices!

Nakaupo ang lahat ng tao sa isang napakahabang lamesa na naka-set up sa garden.


Buti, hindi mainit at maaraw. Nagkukuwentuhan ang lahat ng kung anu-ano habang
hinihintay ma-serve ang pagkain.

Naiinip si Sapphire. Hindi niya kasi makausap ng matino ang mga pinsan niya. Si
Haley, inaabala ang sarili sa cellphone nito. Si Lavender, nagbabasa ng libro. Si
Crystal Jane, Bible naman ang binabasa. Kinalabit niya na lang si Reeve.

"Bakit ang ingay ng mga pinsan ni Agatha?" mahinang angal niya. Sa sobrang ingay ay
nagkahalo-halo ang mga kuwento na wala siyang maintindihan. "Saka hindi pa ba natin
pag-uusan ang tungkol sa plano ko?"

Bago pa makasagot ang pinsan niya ay may nakaagaw na ng pansin nila.

"Yo! Family, what's up?"

Natahimik ang lahat at napatingin sa bagong dating.

The guy has a friendly and jolly aura. Napakalaki ng ngiti nito na halos parang
nakapikit na ang mga mata nito na singkit. Nakilala niya na ito noon. 'Johann' ang
pangalan nito at half-brother ni Agatha.

"Uy, buti nakarating ka!" ani Charlie rito-isa rin sa mga pinsan ni Agatha na
kanina pa nangunguna sa kuwentuhan. "Lumabas ka rin sa lungga mo."

"Tss. Hindi naman ako nagkulong. Marami lang akong ginawa," tanggi nito at saka
isa-isang binati ang mga pinsan nito.

"What did you do? Fixed a broken heart?" kantiyaw dito ni Reynald.

"Nag-fix ako ng grades ng mga estudyante ko," paliwanag nito pero halatang tumalim
ang tingin sa huli. Napabaling ito kay Lavender. "Ikaw si Lavender, di'ba? Pinsan
ka ni Reeve?"
Ngumiti lang at tumango ang pinsan niya. Nakipagkamay si Johann rito. "Kumusta?
Balita ko, nasa iyo daw ang puso ng pinsan kong si Reynald. Pakisauli na daw para
maka-move on na siya."

Natulala si Lavender habang nagtawanan ang mga pinsan nito.

"Gago!" sabay bato rito ng table napkin ni Reynald.

Napangisi lang si Johann. "You started it." Sumunod na binati nito si Crystal Jane.
"Ikaw pala si Crystal Jane! Oo nga, mukha kang anghel. Ikaw iyong mga tipong hindi
dapat niloloko. Di'ba, Ramses?"

"Gusto mo makulong?" banta rito ni Ramses na nasa kabilang banda ng lamesa.

"Bakit ako ang makukulong, eh, hindi ako ang guilty?" natatawang sabi nito at saka
kinamayan naman si Haley. "Wow! Haley, right? The sexy one!"

Humagikgik ang pinsan niya. "Thank you, Johann," she flirtly said.

"But you're too young. Cradle snatcher talaga si-"

"Don't you even dare," singit agad ni Gideon, in a dangerous tone. Tumawa na naman
si Johann at ang iba pang mga pinsan nito. Mukhang enjoy na enjoy sa pang-aasar.

Pagkarating sa kanya ay napahinto si Johann.

Napataas tuloy siya ng kilay rito. Kahit nakikita niya ito noon ay madalas na hindi
niya ito napapansin. Well, she never pays attention to any guys at all.

"Ikaw si Sapphire?"

"Yes, why?"

"Mas gumanda ka ngayon. Napapansin na kasi kita dati pa." Inabot nito ang kamay.
"I'm Johann."

Parang nag-init ang magkabilang pisngi ni Sapphire dahil sa sinabi nito. Napaatras
ang leeg niya at inirapan ito. Lihim na kinastigo niya ang sarili. Sinabihan lang
siyang maganda, na-complement na siya agad? Ilang beses naman siyang nasasabihan ng
maganda at pagkagaling sa lalaki ay hindi niya pinapansin, pero ng ito ang nagsabi,
namula siya?
"A-ha-ha! Hindi pinansin!" kantiyaw ng mga pinsan nito rito.

Binawi na rin nito ang kamay at si Reeve na ang sumunod na kinausap.

Kinalabit siya ni Haley. "Hey, bakit mo naman sinungitan si Johann? He's a cutie.
And I can sense na mabait siya," bulong nito.

Napatingin siya rito. "Binola ka lang, mabait na agad? And I don't care at all."

Mas umingay na ang pagkukuwentuhan ng mga magpipinsan dahil sa pagdating ni Johann.


Hindi niya alam pero palihim na sinundan niya na ito ng tingin hanggang sa
magkainan na.

Napupuno ng tawanan ang hapag. Nawala na din ang awkwardness ng mga pinsan niya
dahil sa mga kuwento ni Johann. Parang ito nga lang ang kuwento ng kuwento at
tagatawa lang ang iba.

Nang matapos ay tanghalian ay tuluy-tuloy pa rin ang kuwentuhan. Aaminin ni


Sapphire, naaaliw naman siya sa mga sinasabi ni Johann. She even laughed at one of
his jokes earlier. Masarap siguro itong maging kaibigan. Too bad, hindi siya
nakikipagkaibigan sa lalaki.

"Reeve, can we talk na?" aya niya sa pinsan.

"Okay. Sa study na tayo mag-usap." Tumayo ito at sandaling nagpaalam sa asawa.

Tumayo na rin siya at nagpaalam sa mga pinsan pero nagsamahan ang mga ito sa kanya.
Napailing na lang siya.

Pagkapasok nila ng bahay ay pumunta silang lahat sa study room. At pagkasarang-


pagkasara pa lang ng pinto ay bumira na si Sapphire.

"So, Reeve, inaya mo ba 'ko rito so I can check out Agatha's cousins?" tanong niya
agad.

Sumingit si Haley. "Huh? Talagang natuloy ang plano na sa mga pinsan ka ni Agatha
kukuha ng groom?"

Sumingit na rin si Crystal Jane. "Eh, sabi pa naman sa kuwentuhan kanina, lahat
sila may girlfriends na," malungkot na sabi nito at saka napayuko.

"Inaya ko kayo rito dahil gusto kayong makasama ng asawa ko. At gusto rin niya
kayong mas makilala. Nagkataon lang na invited din ang mga pinsan niya dahil nga
matagal na rin nilang hindi nagagawang magsama-sama," paliwanag ni Reeve at saka
umupo sa isang swivel chair. "Anyhow, Sapphire, I shared your problem with Agatha.
Pinag-usapan namin kung..." napabuntong-hininga ito. "Kung sinong lalaki ang puwede
naming ma-'refer'."

Kumislap ang mga mata ni Sapphire. "Sino?"Oh, she's closer to her money!

"Si Johann."

Naunahan na siya ng mga pinsan niyang suminghap. Napatili pa si Haley. "Ohhhh! He's
Agatha's brother, right? He's so funny and cute," maarteng wika pa nito.

"Siya rin iyong ini-snob ni Saphi kanina," dagdag pa ni Lavender."Pero parang wala
lang sa kanya. I think, he can handle our dear Sapphire here."

"He's nice and friendly. I like him for Saphi!" komento naman ni Crystal Jane.
"Nice choice, Reeve."

"S-Sandali, sandali," aniya sabay taas pa ng kamay upang mahinto sa pagsasalita ang
mga pinsan. Ang dami nang nasabi ng mga ito habang siya ay nganga lang. "B-Bakit
siya?" tanong niya. Hindi sa ayaw niya. Actually, okay lang naman kaso parang ang
hirap kasabwatin ng katulad ni Johann sa mga plano niya. Parang hindi nito
seseryosohin.

"Bakit naman hindi?" tanong-pabalik ni Reeve.

"Oo nga naman. Look, Saphi, he's older than you, he's cute or 'pogi'," sabad na
naman ni Haley at saka nagbilang sa mga daliri nito. "Malakas ang sex appeal niya,
and he said a while ago that he's a professor from a prestigious university."

"Maloko lang siya pero halata mong witty and gentleman," dagdag pa ni Lavender.
"And the sense of humor? He has a lot!"

"Magandang makasama ang mga ganoon. Parang, there will be no boring times when he's
around. He's perfect sa mga plano mo, Saphi."

Oh sure, he is! Napansin niya rin iyon kanina habang palihim na sinusubaybayan niya
ang lalaki. Sa totoo lang, nakuha nga nito ang interest niya dahil nga sa naging
reaksyon niya nang sinabihan lang siya nitong maganda. And for the first time, may
nakakuha talaga ng atensyon niya!

Bumaling ulit siya kay Reeve. "Sa tingin mo papayag siya? Bakit siya ang ni-refer
mo?" tanong niya rito.

Nagkibit-balikat ito. "He's brokenhearted."

Naunahan na naman siya ng mga pinsan sa pagre-react kaya hindi na lang siya nag-
react kahit pa nagulat siya sa nalaman.

"He is?" Haley reacted. "Parang hindi halata."

"He's really brokenhearted. Na-basted siya ng step sister ko na 'first and true
love' niya daw, as he claimed it. Nadagdag pang wala naman ang bestfriend niya
ngayon para damayan siya. Hindi niya mahanap. So, my wife thinks that her brother
is just trying to be happy but deeply hurting inside," paliwanag ni Reeve na
pinakanggan niya talagang mabuti. "Baka sakaling pumayag siya sa kondisyon mo, just
to divert his attention."

Wala sa sariling napatango lang siya. May mga lalaki rin palang nasasaktan? Akala
niya puro ito lamang ang mga nanakit ng feelings ng babae

Bigla tuloy siyang naawa kay Johann. Another first time! First time niyang maawa sa
lalaki.

"Oh, in short, he's vulnerable right now. Puwedeng-puwede mapilit!" ani Haley. "Oh
my, you're a genius, Reeve! Saphi, grab this chance!"

Mabilis siyang lumabas ng study.

"Saan ka pupunta, Saphi?" habol ni Lavender.

"I'm gonna fetch my groom!"

=================

Chapter Three

CHAPTER THREE

WALA nang pagdadalawang-isip si Sapphire na mabilis lumapit kay Johann. Nasa living
room ito at nakikipagkuwentuhan sa mga pinsan nito.

“Hindi nga, Johann? Kumusta ka na ba talaga? Dalawang linggo kaming


walang balita sa’yo.”

Napakamot si Johann sa batok nito. “Ayos lang naman ako. Siyempre, may
pinagdaanan. Hindi niyo naman ako masisisi na gusto ko rin mapag-isa. Masakit
masaktan. Alam naman natin iyon.”
“Did Czarina really broke up with you?” naranig niyang seryosong tanong
pa ng pinakamatandang pinsan ng mga ito na si Bari.

“Broke up? Paano kami maghihiwalay kung hindi naman naging kami?
Binasted niya ‘ko, that’s the truth. Nagpaliwanag naman siya. Inintindi ko. Wala
naman akong magagawa kung hindi niya ‘ko mahal.”

“Nasaktan ka?” tanong naman ni River.

“Ikaw minsan ka na lang nagsasalita, ganyan pa tanong mo. Matagal kong


hinintay na maligawan siya. Bata pa kami, minahal ko na. Tapos tatanungin mo kung
nasaktan ako? Hindi, hindi! Sumaya ako! Nagpa-party ako!” sarkastikong sagot nito.

Nagtawanan ang mga ito.

“I was just asking. Because sometimes, we don’t really get hurt. We’re
just obliged to feel it when our pride speaks. True pain comes from the heart.”

Walang nagsalita sa mga ito kaya doon na siya sumingit. Tumikhim siya
at kinalabit si Johann. Kasabay nitong naglingunan sa kanya ang ibang lalaki.
Ngunit ang mga mata niya ay diretso na agad ang tingin kay Johann.

“Hi! Can I talk with you?” kaswal na tanong niya rito. Ngumiti pa siya
rito. Hindi siya ngumingiti sa mga lalaki. Maliban na lang nga kung kamag-anak. Sa
case ni Johann, ito ang kanyang future husband kaya hindi niya pagdadamutan ng
ngiti.

Tila nagkaroon ng question mark sa mga mata nito. “Ah... sure, sure!”
Binalingan nito ang mga pinsan. “Excuse lang muna.”

Nauna na siyang tumalikod at lumabas papunta sa porch ng bahay. Sumunod


ito sa kanya. “Ahm, Sapphire, right? Anong pag-uusapan natin?”

Humarap siya rito. Nakangiti ito pati ang mga mata.

Tumikhim siya. “P-Pasensya pala kaninang lunch. Na-snob kita. I was


hungry at that time na kasi,” pag-uumpisa niya.

“Walang problema sa’kin iyon. Kalimutan mo na,” cool na wika nito.


“Iyon lang ba ang sasabihin mo?”

“I have a proposal to make,” mabilis niyang sabi. Ayaw niyang magsayang


ang oras. Wala ng hiya-hiya. Wala naman siya noon kapag mga lalaki ang kaharap.
“Tungkol ba sa business iyan? Nako po! Teacher kasi ako, eh. Hindi ako
masyado interesado diyan,” iiling-iling na sabi nito.

“No, no. Hindi naman tungkol sa negosyo. Pero makakakuha ka ng malaking


pera.”

Napangiwi ito. “Networking? Nako, mas lalong ayoko.”

“No. Wala itong kinalaman sa kahit anong business. Ang kailangan mo


lang gawin ay maging mabait, faithful, at masunurin na asawa.”

“Huh?” gulung-gulong sambit nito. Lumukot ang buong mukha sa pagtataka.

She smiled at him. “Will you be my husband?”

Literal na nalaglag ang panga nito. Nanlaki din ang maliit nitong mga
mata.

Natawa siya dahil ang ewan ng itsura nito. She held his chin. Siya na
ang nagsara ng bibig nito. “You look funny.”

Napakurap-kurap ito. “T-Tama ba ang dinig ko? I-Inaalok mo ‘kong maging


a-asawa mo?”

Natawa na naman siya. “You sound funny.”

“Ikaw ang funny! Crazy pa! Anong meron sa utak mo at inaalok mo kong
maging asawa?” Sa gulat niya ay tumawa ito ng malakas.

Tinawag siya nitong baliw at pinagtawanan ang proposal niya!

“Hey, stop laughing!” Hinampas niya ito sa tiyan na medyo malaki dahil
kakakain lang.

Napahawak ito doon. “Aray! Ang bigat naman ng kamay mo.”

“Hah! Wala kang abs!”

“Bakit ikababagsak ba ng lipunan kung wala akong abs?” biglang depensa


nito. Halatang sensitibo ang topic rito kapag tungkol sa abs.

Lihim siyang napangisi. May isa na agad siyang kahinaan na alam mula
rito. Humalukipkip siya. “Let me explain everything to you, okay? Basta kailangan
ko ng asawa ng isang taon. At ikaw ang gusto ko.”

He looked at her intently. “Wala akong abs.”

“Mapagtitiyagaan ka na.”

Nanlaki ang mg mata nito at biglang pinagkrus ang kamay sa harap ng


dibdib. “Katawan ko lang ang habol mo?”

She rolled her eyeballs. “I don’t care about your body. Pogi ka naman.”

“Uy, thanks.”

“Isa ka pang Anderson. Anak ka ng isang maimpluwensiyang negosyante


dito sa bansa. Marangal ang trabaho mo. Maganda kang iharap sa mga tao, sa alta-
sosyedad. I will never get embarassed kung ikaw ang mapapakita kong asawa sa
maraming tao. Mas kapani-kapaniwala pa na hindi imposibleng nagkagustuhan tayo at
agad na nagpakasal.”

“Sandali, sandali. Ang bilis mo naman.” Napailing-iling ito. “Kailangan


mo lang pala ng trophy husband? Napakababaw naman ng rason mo.”

“No! Hindi kasi iyon lang iyon! I need your help, okay?” pag-amin na
rin niya. Ayaw niyang humihingi ng tulong sa lalaki, pero kailangan talaga ng
cooperation sa plano niya. “Siguro naman, alam mo ang pagkamatay ng lola namin nina
Reeve two months ago? You even attended her wake, right?”

“What about it?”

Napabuga siya ng hangin at napayuko. “Nag-iwan kasi si Lola ng


kondisyon sa last will and testament niya. Kaming mga apo niya, iniwanan niya kami
ng mga malalaking mana. Mga lupa, kotse, bahay, at pera! Pero, hindi namin makukuha
iyon hanggang sa hindi kami nagkakaroon ng asawa. Ang deadline namin hanggang sa
28th birthday lang namin. Kapag 28 na kami at wala pang asawa, lupa at bahay lang
ang iiwan sa’min. Ang pera, sa charity na mapupunta.

“Sina Haley, matagal pa ang deadline nila. Pero ako, hanggang next
month na lang! I’m turning twenty-eight next month at wala akong balak mag-asawa,
as in never! But, I need to get my inheritance. Lalo na ang pera.” Tiningala niya
ito at sinalubong ang mga mata. “Gusto kong makapagpatayo kasi ng malaking
bookstore. Pangarap ko na iyon noong bata pa’ko.”

“Makukuha mo ang buong mana mo, basta magkaasawa ka lang?”

“Half lang muna ang makukuha ko sa pera pagkatapos kong makasal. Iyong
kalahati, makukuha ko lang kapag lumipas ang one year and I’m still married.”
Napakamot ito sa batok. “Kasal sa papel lang tayo, ganoon?”

“Yep!”

Tinitigan ulit siya nito. “Ganoon ka kadesperada sa mana mo?”

“Medyo,” pag-amin niya. “Sino bang hindi gustong maabot ang pangarap?
Makapagpatayo lang naman ng malaking-malaking bookstore, masaya na ‘ko.”

“Bakit bookstore?” usisa pa nito. Pero alam ni Sapphire that Johann’s


just buying time. Pinag-iisipan nito ang proposal niya!

“Mahilig akong magbasa ng libro, eh.”

“Magtayo ka na lang ng library. Tapos free reading sa mga kabataan na


walang pambili ng libro.”

“May magiging ganyang area sa bookstore na pinaplano ko. May free


reading area doon. Pero siyempre, para hindi rin ako lugi, magbebenta na rin ang ng
books para sa mga may pambili.” Wait, bakit kinukuwento niya ang mga future plans
niya sa isang lalaki?

Hayaan mo na, Saphi. Si Johann ang key sa future plans mo, so it’s just
okay to explain everything to him.

“Okay.”

“Ha?”

Nagkibit balikat ito. “Okay. No problem. Payag na ‘ko maging asawa mo


ng isang taon. Hindi naman ako masyadong busy sa buhay ko,” he said in a very light
tone.

“OMG!” singhap niya at saka napatakip pa sa bibig. Maya-maya ay tumili


siya ng malakas. Hindi niya na rin mapigilan ang sariling yakapin ito.

Yes! Yes! Makukuha niya na ang mana niya! Ang bookstore niya, very soon
na ang opening! Tama nga si Reeve at Agatha sa choice nang mga ito na si Johann ang
gawin niyang first prospect. At bumigay agad!

“Anong meron?” nag-aalalang tanong ni Agatha nang makita sila na


magkayakap. “Narinig kong tumili si Sapphire.” Napahawak pa ito sa malaking tiyan.
“Oo nga, what happened?” pakiki-isyuso na rin nina Lavender.

Masayang-masaya si Sapphire. Oh, she could jump for joy. At ginawa niya
nga iyon habang pumapalakpak.

Tumawa si Johann. “Ibang klase pala mapapangasawa ko kapag masaya.”

Natulala ang mga tao.

“Mapapangasawa?” biglang singit ng pinsan nitong si Dylan. “Seriously?”

“Ganoon na kabilis ngayon ang ligawan, after a few seconds pakasal na


agad. Life is short. Kayo nga ni Lana, married overnight.” Hinawakan siya ni Johann
sa braso at pinakalma. “Ganyan ba talaga kasaya kapag maikakasal sa poging tulad
ko?”

Wala nang pakialam si Sapphire sa mga tao sa harap nila na hindi pa rin
makapag-react. Wala na siyang time magpaliwang sa mga tao doon. Bahala na ang mga
ito. Ang mahalaga ay makasal sila ni Johann.

Walang papaalam na hinila niya si Johann paalis doon. At nagpahila


naman ito.

“Iuuwi mo na ba ‘ko? Sandali, hindi ako prepared,” biro nito nang


pinasakay niya ito sa kotse niya.

“No. We’re going to celebrate. My treat.” Ini-start niya ang makina ng


kotse. Pagkuwa’y humarap siya rito. Dahil hindi siya pinahirapan ng lalaki,
exemption na ito sa galit niya sa mga lkabaro nito. “Let’s be friends?” sabay abot
ng palad rito

“Inalok mo na ‘ko ng kasal, ngayon mo pa tinanong iyan? Aba matinde,”


angal muna nito pero inabot naman ang kamay niya. “Pero dahil ikakasal tayo, sige.
Friends na tayo!” Napakaluwang pa ng ngiti nito habang nagshe-shake hands sila.

Napangiti si Sapphire ng malapad. Hindi lang dahil solved na solved na


ang problema niya sa makukuhang pamana ng kanyang lola. Because, finally... she has
a friend.

~0~0~0~

HONESTY is the best policy. Sabi 'yun sa kanya ni Johann. At tutal naman daw, ang
kailangan lang nilang paniwalain na totoong nagmamahalan sila kaya ikakasal sila—ay
ang abogado ng yumao niyang Lola, so, there's no need to lie to their respective
parents.
Kaya naman ngayon ay nakaharap silang dalawa kay Mr. Philip Anderson--ang ama ng
mapapangasawa niya. Masusing ipinaliwanag nila rito kung bakit kailangan nilang
magpakasal ng anak nito sa madaling panahon. As in, next week na. Hindi na siya
maghihintay ng birthday niya next month at baka magbago pa ang isip ni Johann.

"I see," tumatangu-tangong sabi ng future father-in-law niya nang matapos siya sa
pagkukuwento. "Marriage for convenience."

"Yes, Sir. Let's just put it that way."

Bumaling ito kay Johann. "Is this your way to be able to move on?"

"Move on saan, Daddy?"

Oh, he's still indenial. Poor Johann. Nabasa minsan ni Sapphire na may mga stages
daw ang pagmo-move on. At nasa first stage pa lang ang groom niya.

Napailing-iling ang ama nito. "Where do broken hearts go?"

"Sa kanya." Sabay turo sa kanya ni Johann. "Sa babaeng gustong magtayo ng
bookstore."

Napangiti ang matandang lalaki. Magkatulad na magkatulad ang ngiti nito at ni


Johann. Siyempre, mag-ama nga kasi.

"Mag-merienda muna kayo, o," pasok ni Mrs. Ria Anderson--asawa ng tatay ni Johann
at ina ni Agatha. Magkaiba ng ina sina Johann at Agatha. Ang alam niya lang, anak
si Johann sa dating girlfriend ng totoong ama nito.

"Wow! Ikaw nag-bake nito, Mommy Ria?" Mabilis na kumuha si Johann ng cake mula sa
malaking tray nang ibaba iyon sa mesita ng ginang. Akala niya ay ito ang kakain
pero ibinigay nito ang platito ng cake sa kanya. Inabutan pa siya ng tinidor at ito
na ang nagsalin ng juice sa baso para sa kanya.

"Oo. Kaya ka kumain ka na rin, Johann. At sana magustuhan mo rin, hija,"


nakangiting sabi sa kanya ng ginang. Napaka-warm ng ngiti nito. Bigla niya tuloy
na-miss ang Mommy niya na busy pa kasama ang mga amiga nito sa Asian Cruise. Next
mext month pa ang uwi ng Mommy niyang lakwatsera dahil magla-Las Vegas pa daw ito
kasama ang bagong boyfriend.

Hmp. Tapos pag-uwi dito sa Pilipinas, umiiyak na naman dahil iniwan ng boyfriend.
Hindi na nadala.

Pagtikim niya sa cake ay sobrang sarap nga niyon. Nagme-melt sa dila niya ang
caramel na filling ng cake. Parang gusto niyang mapapikit sa sobrang tamis pero
hindi nakakaumay.

"Ang sarap!" Johann enthusiastically said. Naunahan siya nito sa pagpuri. "Sa
sobrang sarap, makakalimutan ng broken hearted na broken siya," natatawang sabi
nito.

Mrs. Anderson looked pleased. Maya-maya ay inasikaso na nito ang asawa. Ito na ang
nag-abot ng cake sa esposo. In return, Mr. Anderson was the one to get the glass of
juice for his wife.

Ganoon pala ang mag-asawa? Nagsisilbihan?

Palibhasa, hindi pa siya pinapanganak ay patay na ang lolo niya kaya laking-Lola
lang siya at hindi niya alam paano ba magtratuhan ang grandparents niya. Iyong mga
naging boyfriends naman ng Mommy niya dati, puro Mommy niya lang nagsisilbi sa mga
ito.

"Buo na ba talaga ang desisyon niyo sa pagpapaksal?"

"Well, I want to help her," sagot ni Johann. "And I think being married in more
than a year is not quite a bad idea."

"And Mr. Anderson, hindi naman na bago sa mundo natin ang mga ganito. I know you
can understand me. I'll be a good and faithful wife naman po sa anak niyo. Mag-
uusap pa lang kami sa magiging set-up namin but more or less, I won't bring any
shame to your family name."

"Naiintindihan kita, hija. Ang iniisip ko lang, paano kung isa sa inyo ay may
mahulog ang loob? Anong gagawin niyo?"

Nagkatinginan sila ni Johann. At sabay pa silang natawa. Imposibleng ma-fall in


love siya sa lalaki. Aba't kahit friends na sila, hanggang doon lang naman iyon.
She still hated men and she does not want to fall in love with them. Lalo na kay
Johann na halata naman bigo talaga sa pag-ibig.

Ayaw naman niyang maging... ah, ano nga bang tawag doon? Panakip-butas?

“Daddy, man-hater si Sapphire,” imporma ni Johann sa ama. “Kaya nga


bigla na lang nanghugot ng magiging groom dahil walang boyfriend since birth.”

Halatang nagulat ang huli nang mapatingin sa kanya. “Is that true, hija? Man-
hater?”

Alanganing ngumiti siya. Pasimpleng sinamaan niya ito ng tingin pero hindi siya
pinansin at aliw na aliw ito sa pagkain ng cake.
“Ahh... ganoon nga po. I grew up without a father and I saw a lot of times how my
mother got hurt by her past boyfriends.” Bata pa lang siya, ang pangit na ng image
sa kanya ng mga lalaki. Kaya nakatatak talaga iyon sa utak niya.

Hindi na nagkomento pa ang ama ni Johann. Nakakaintinding tumango lang ito. Lumapit
naman sa kanya ang asawa nito at nagulat siya ng niyakap siya ng ginang. Kung
yakapin siya nito ay naramdaman niyang parang anak siya nito.

Kaya pala ang lambing-lambing ng asawa ni Reeve na si Agatha. Lumaki ba naman sa


ganito kalambing na nanay at pamilya?

Pero kusang niyakap niya rin ito pabalik. She was touched. She felt safe inside a
true mother’s arms.

“You will marry the right man,” bulong nito sa kanya habang hinahagod ang likod
niya. Lumayo ito at hinaplos ang mukha niya. “I can see that you have a good heart.
Sooner or later, you’ll learn to forgive.” Matamis pa siya nitong nginitian.

Nagtaka naman siya. Forgive saan? Anong kailangan niyang patawarin? Wala namang may
kasalanan sa kanya. Walang umaaway sa kanya. No one dared to provoke a Monteverde.

Magtatanong sana siya sa ginang ngunit natagpuan niya na lang ang sarili na
nagpapaalam na sa mag-asawa na hindi naman tinutulan ang plano nila ni Johann na
magpakasal. Maya-maya ay nasa loob na siya ng kotse ni Johann na lumang modelo ng
Toyota Vios. 2007 model pa yata ang kotse. Outdated ang lalaki pero halatang well-
maintained ang kotse nito kahit luma na.

“Ah, saan tayo pupunta?”

“Sa bahay ko. Bungalow lang iyon sa isang subdivision malapit sa trabaho ko. Doon
kita ititira, okay?”

Napataas ang kilay niya. “Ako? Patitirahin mo sa bungalow?” gulat na wika niya. Isa
itong Anderson kaya inaasahan niya na titira sila sa isang condo unit, or sa isang
town house, or sa mansion!

Napasulyap ito sa kanya. “Bakit hindi? Dalawa lang naman tayo. Kasya naman tayo sa
bahay ko, ano. Saka kahit hindi exclusive village iyong subdivision na pupuntahan
natin, mababait tao doon. Lalo na ang mga magiging kapitbahay natin.”

Napahalukipkip siya. “I can’t believe this! Ako si Sapphire Monteverde patitirahin


mo sa isang bungalow? Doon na lang tayo sa makukuha kong pamana na town house sa
Marikina tumira. Exclusive pa ang village. Maganda ang security.”

“Ang yabang mo naman. Kahit si Sapphire Monteverde ka,” binigyang diin nito ang
‘Monteverde’. “Tao ka pa rin. Prinsesa ka sa inyo, okay. Pero, mag-aasawa ka na. At
ako ang magiging asawa mo. Gagawin kitang reyna sa sarili kong palasyo. Tuturuan
kitang maglaba, magluto, maghugas ng plato, mamlantsa, maglinis ng bahay—”

Matinis siyang napatili.

Napangiwi ito at napahawak sa isang tainga. “Ang OA, ah.”

“Hindi mo ‘ko gagawing reyna! You’ll turn me into a maid! Wala iyan sa kasunduan
natin!”

“Wala pa tayong kasunduang ginagawa.”

“Wala iyan sa magiging kasunduan natin!”

“Eh di, ilagay.”

Gustong magwala ni Sapphire sa loob ng kotse. Kaso baka ma-distract si Johann sa


pagmamaneho at parehas silang madisgrasya. Kaya tumili na lang ulit siya ng
malakas.

Huminto ang kotse. Naka-stop light kasi. “Isa pang tili mo, hahalikan kita,” banta
nito.

“Johann, hindi mo ‘ko mapapasunod sa mga gusto mo. Pakakasalan lang kita but it
does not mean na I will let you manipulate me. Ikakasal lang tayo para may maiharap
akong authentic marriage contract sa lawyer ni Lola. And that’s it! I won’t be your
wife in the true sense of it! We will live our own lives kahit kasal na tayo!”
mariin na mariing saad niya. She can’t let herself be under Johann. Dapat siya ang
naka-kontrol sa sitwasyon.

“Uy, hindi ako informed diyan.”

“Alam mo na ngayon!” singhal niya rito.

Napangiwi ito. Nagsimula na ulit umandar ang kotse. “Ibig sabihin, kahit mag-asawa
na tayo, puwede pa ring makipag-date sa iba?”

“No! Dapat faithful. If you’re not aware, matunog ang mga apelyido natin. Ayokong
makarinig sa news isang araw na ang asawa ng isang Sapphire Monteverde ay may ibang
babaeng kasama sa hotel! Ikaw naman siguro, ayaw mong malagay sa diyaryo na isang
taksil ang isang Anderson?”

“Bakit ako ang example mo ng nagtaksil? Bakit hindi ikaw?”


“Eh, ikaw ang lalaki!”

Napakamot ito sa sentido. “Faithful ako. Mahigit isang dekada nga akong nagmahal ng
isang babae lang. Basted pa ‘ko.”

“Ah, basta! Ayan na ang unang kasunduan natin.”

“Wala akong problema diyan. Pero, ititira pa rin kita sa bahay ko.”

“Ayoko! Doon na lang tayo sa town house na mamanahin ko!”

“Ako ang lalaki. Obligasyon kong iuwi ka sa pamamahay ko kapag mag-asawa na tayo.”

Napapadyak siya. Hindi kasi siya makapagkomento. Alam nito ang mga obligasyon
bilang lalaki at wala naman siyang balak tutulan ang ganoon. Galit lang siya sa mga
lalaking hindi alam kung paano maging tunay na lalaki.

“Ang yaman-yaman mo, Johann. Hindi mo ba ‘ko ititira man lang sa mansyon? Or sa
isang mamamahaling condo unit?”

“Tatay ko lang ang mayaman. Ako, lumaki ako sa hirap. Nakuwento ko naman sa’yo na
last year lang kami nagkakilala ng Daddy ko. Kaya lahat ng makikita mong akin,
pinaghirapan ko. Itong kotse ko, ilang taon ko ring hinulugan. Iyong bahay ko na
titirhan natin, marami akong dinaanan na proseso para lang makakuha ako ng loan
para doon.”

Napalabi siya. Bumilib kasi siya sa sinabi nito. Unang beses niyang bumilib sa
isang lalaki. Exemption ang mga kamag-anak niya.

“Kaya nga iyong bungalow ko, huwag mong nila-‘lang’ lang iyon. Ikaw ang unang
babaeng ititira ko doon. Be proud, Monteverde,” nagmamalaking sabi nito sabay
baling sa kanya. “At naniniwala ako sa kasabihang, ang tunay na pogi ay nakatira sa
bungalow house.”

Wala nang masabi si Sapphire. Natawa na lang siya sa kalokohan ng husband-to-be


niya.

=================

Chapter Four
CHAPTER FOUR

SIMPLE lang ngunit maaliwalas at malinis ang bahay ni Johann. Naramdaman rin ni
Sapphire na masiyahin ang aura ng mga tao na nakatira sa subdivision na iyon. Bago
kasi sila pumasok ng bahay ni Johann ay ipinakilala muna siya nito sa mga
kapitbahay nito. At iyon nga, natuklasan niyang friendly ang neighborhood. Lahat
nakangiti sa kanya at niyayakap pa siya. May beso-beso pa nga. Pinakilala kasi siya
ni Johann na fiancee nito.

“Hep!” pigil sa kanya ni Johann nang papasok na siya ng bahay nito.


“Hubarin mo ang sapatos mo, binibini. Kakalampaso ko lang kaninang umaga bago ako
umalis ng bahay.”

“Ha? Madudumihan ang paa ko.”

“Naglampaso nga ako kanina.”

“Eh, kanina iyon. Madumi na ulit ang floor mo. May alikabok na ulit.”

Naghubad ito ng sapatos at naunang pumasok sa bahay. “Sandali, ikukuha


kita ng pambahay na tsinelas.” Dire-diretso itong lumapit sa isang back door na
nasa kusina ata. Kitang-kita iyon mula sa kinatatayuan niya.

Lumabas si Johann sa back door at pagkabalik ay may gomang tsinelas na


itong dala. Yumuko ito at ito pa ang nagsuot sa kanya ng tsinelas. Kulay puti ang
tsinelas na may yellow strap.

“Anong brand ng slippers ‘to?” tanong niya habang nakatitig sa suot na


tsinelas. Ngayon lang siya nakakita niyon.

“Palengke brand.”

“Palengke?”

“Oo. Mahal iyan. Twenty.”

“Twenty thousand?”

Johann laughed. “Twenty pesos. Sa tabi-tabi ng palengke iyan binebenta.


Twenty-five pesos nga iyan. Tinawaran ko lang.”

May tsinelas pa lang twenty pesos lang? At okay pa sa paa! Ang binibili
niya kasing slippers sa mall ay pinaka-cheap na ang five hundred pesos.

Lumakad siya papasok sa sala na may isang mahabang sofa at dalawang single seater
sofa sa magkabilang gilid. Sa harap niyon ay isang 27-inches flat screen T.V.

Binagsak ni Johann ang sarili sa mahabang sofa. Inabot nito ang remote
na nakapatong kasama ang isang landline telephone sa isang side table. Binuksan
nito ang T.V. at sports channel agad ang bungad.

Pinagpag nito ang tabi. “Upo ka.”

Umupo nga siya katabi nito. “Bakit nasa living room ang T.V. mo?”

“Bakit saan ba dapat?”

“Ahm, sa entertainment room? O kaya sa bedroom.”

Natawa ito. “Ang liit lang ng bahay ko, saan ko pa isisiksik ang
entertainment room? Saka mabuti nang nandito ‘yan. Para kapag may bisita ako, aliw
sila manood ng T.V.”

Nilibot niya pa rin ang tingin sa buong bahay. Wala masyadong nakasabit
sa dingding ni Johann. Kahit paintings or picture frames wala. Kung doon siya
titira, marami siyang naisip na isabit sa mga dingding.

Oh, wait! Is she considering living there now?

Hmm. Why not, Sapphire? Homey naman ang feeling. That’s true. Isa iyon
sa kinagulat niya. Johann’s a bachelor. So she was more on expecting a house with a
very manly style and aura. Na-i-imagine niya pa na baka makalat ang bahay nito
pagdating nila. Pero hindi. Naglampaso pa nga daw ito kanina.

“Can I see your room?”

Nagkibit balikat ito. “Bago magkusina may lusutan sa kanan. Iyong nag-
iisang pinto doon ang kuwarto ko,” sabi nito habang nakatutok na ang buong atensyon
sa basketball na pinapanood.

Tumayo siya at saka hinayaan ang sarili na mag-explore sa bahay nito.


Bago nga magkusina ay may lusutan sa bandang kanan. Naka-elevate ang parteng iyon.
Isa nga lang ang pinto roon at nang binuksan niya iyon ay amoy ng pabango ng lalaki
ang sumimoy. May malaking kama sa gitna ng hindi masyadong kalakihang kuwarto ni
Johann. Mas malaki pa nga ata ang walk-in closet niya kaysa roon.

Nasa isang hilera ang built-in closet at working table ni Johann. Iyon
ang magulo. Maraming papel sa ibabaw ng lamesa nito. Ang laptop nito na nakatiklop
ay may mga nakapatong din na papel. Marami pang post-it notes na nakadikit sa
dingding na kaharap ng table. Nagbasa siya ng ilang nakalagay. Puro deadline of
submission ang nakasulat. May math faculty meeting pa na nakalagay ang date and
time.

Nilibot na uli niya ang tingin. May aircon ito na kahilera ng mga
bintana. Iyon lang at wala nang ibang gamit sa loob ng kuwarto nito. Lumabas na
siya roon at sumunod na pinuntahan ang dining area. Four-chaired round table lang
ang nandoon. At tanging isang rattan divider lang ang naghahati sa dining at kichen
area. Isang hakbang lang at nasa kusina na siya.

Maayos naman ang kusina. Malinis rin. Ka-itsura iyon ng dirty kitchen
sa mansyon ng lola niya. Pa-‘L’ ang counter at maayos na nakasalansan ang isang
oven toaster sa tabi ng isang electric water heater na kahilera ng stove. Ang
lababo nasa pahabang part at sa gilid niyon ay may... hindi niya alam ang tawag sa
lalagyanan na nandoon pero may mga nakataob na baso at pinggan doon. Nagpalinga-
linga siya. Wala itong dishwasher?

Lumapit siya sa refrigerator na kahit papaano ay malaki naman. Pagbukas


niya ng ref ay kumpleto naman sa stocks ng pagkain nito roon. Sumunod na binuksan
niya ang backdoor na nilabasan nito kanina. Nandoon ang laundry area. Maliit lang
na space iyon. Pagtingala niya ay may mga nakasabit pang uniform ata nito roon.

Sinara niya na ang backdoor. Paglingon niya ay nakikita niya nang lahat
ang kitchen, dining area, at sala. Binalikan niya si Johann na engrossed pa rin sa
pinapanood.

“Bakit isa lang ang kuwarto mo? Where will I sleep if I live here with
you?” nakapameywang na tanong niya rito habang nakatayo sa mismong harap nito.

Umurong ito ng kaunti para makita ang pinapanood. “Eh di, sa kuwarto
ko.”

Nanlaki ang mga mata niya. “You mean, I will sleep with you?!” bulalas
niya. Magtatabi sila sa iisang kama? Hah! That’s a no-no!

Tiningala siya nito. “Nasa isang kuwarto lang naman talaga natutulog
ang mag-asawa, di’ba? Alangan namang maghiwalay pa tayo ng kuwarto? Sorry ka, wala
akong extra room. Hindi uso iyon sa bungalow ko.”

Nanlaki ang mga mata niya. “I’m not gonna share a room with you!”

“Huwag kang maingay,” saway nito sa mababang tono. “Maririnig ka ng mga


kapitbahay natin.”

Naiiritang hinampas niya ito ng nakuhang throw pillow. “Ayokong matulog


kasama ka. Wala akong plano kahit kailan na tumabi sa lalaki!”
Hinablot nito ang throw pillow mula sa kanya at hinampas naman iyon sa
balakang niya. “Sapphire, huwag kang maarte. Hindi naman kita aanuhin kahit
nakahubad ka pang tumabi sa’kin sa kama. Kapag ayaw ng babae makipag-ano, hindi ako
nakikipag-ano. Saka, friends tayo, di’ba? Walang malisya, p’re!”

“Dito ka na lang matulog sa sofa.”

“Eh di, gagamit pa ‘ko ng electric fan dito imbes na aircon na lang ang
bukas sa gabi? Sayang sa kuryente!”

“I will pay the electric bill, then!”

“Malamok dito!”

“I’ll buy you a mosquito repelant—”

“Patutulugin mo ‘ko sa sofa sa sarili kong pamamahay? Maawa ka naman


sa’kin. Pagod na pagod akong uuwi galing sa trabaho tapos dito mo lang ako
patutulugin? Hindi ako kasya dito.”

“Kaya nga sa town house na lang tayo tumira.”

“Napag-usapan na natin iyan.” Tumayo ito sa tapat niya. He towered over her.
“Sapphire Monteverde and future Mrs. Anderson, matino akong lalaki, okay?”
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Tutulungan kitang makuha ang mana mo.
Ang kapalit niyon sa’kin, makakapag-practice akong maging head of the household.
Para sa susunod, kapag nagpakasal ako sa babaeng mahal ko talaga, alam ko na
gagawin ko. Akala mo, ikaw lang makaka-benefit? Siyempre ako rin dapat.”

Sasagot sana siya kaso hinarangan ng isang daliri nito ang tapat ng labi niya.

He inhaled and removed his finger. “Ngayon, may mga malinaw na rules
sa’kin na kahit hindi mo sabihin, alam ko na dahil nga marriage for convenience ang
drama natin. Kasal lang sa papel. No sex. Iyon lang naman iyon. Wala ka ring
problema sa loyalty ko, sinabi ko na iyon. Pero hindi puwedeng wala tayong pakialam
sa isa’t-isa.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Ayokong pinakikialaman ako.”

“Hindi kita pakikialaman basta alam kong nasa katinuan pa ang mga
pinag-gagagawa mo. Kung magiging asawa kita ng mahigit isang taon, siyempre,
responsibilidad kita. Susumpa ako kay Lord kapag nagpakasal tayo. Kasalanan na nga
na hindi natin tutuparin ang ‘til death do us part’. Kaya wag mo na ‘kong mas
konsensyahin.”
“Pero—” Hinarangan ulit nito ang mga labi niya ng daliri nito.

“Ngayon, magkaibigan na tayo. Mahalaga sa’kin ang mga magiging desisyon mo. Mag-
aalala ako kapag umalis ka ng hindi nagpapaalam. Pagsasabihan kita kapag wala ka sa
katuwiran. All your actions would matter to me. Tutal magkasabwat na tayo sa
pagkuha ng mana mo, ituloy na natin ang pagiging partners-in-crime hanggang sa
dumating ang expiration date natin. Ang tanging rule lang siguro na susundin natin
sa pagsasama nating ‘to ay respeto.”

Napakurap-kurap si Sapphire dito. Bakit ganoon magsalita si Johann? She


can sense that he’s sincere to everything he said. He really wanted to play the
role of being a good husband. He values their new-found friendship. He... he cares
about her...

May lalaki pa lang ganoon kahit walang makukuhang kapalit mula sa


babae? Hindi katawan niya ang habol ni Johann. Respeto lang.

Maybe, Mrs. Ria Anderson was right. She will marry the right man.

~0~0~0~

ISANG off-shoulder satin white gown ang suot ni Saphi. Her cousin Haley did her
hair and make-up for that day. Kinulot nito ang dulo ng lagpas balikat niyang buhok
at hinayaan lang na nakalugay. Hindi rin masyado makapal ang make-up. Tila napaka-
natural lang nang pagkaka-ayos nito sa kanya. Mas naayos nito ang kilay niya at mas
nalagyan ng accent ang mahaba niyang pilikmata.

Sumunod na sinuot naman sa kanya ni Lavender ang wedding veil at


tumabing iyon sa mukha niya. Tumayo siya at sinuot na rin ang dirty white Prada
shoes niya.

“Ready?” nakangiting tanong sa kanya ni Crystal Jane habang inaabot sa


kanya nito ang bouquet niya.

Tumango lang siya kahit buong kalamnan niya yata ay nanginginig. Ugh!
Bakit naman kasi siya kinakabahan? Ikakasal lang naman siya, then that’s it.
Maglalakad lang naman siya sa isang maikling aisle ng isang Christian Chapel kung
saan idadaos ang munti at pribadong kasal nila ni Johann. Pero siyempre may ilang
selected press na nagpumilit na mag-gate crash kaya hinayaan na lang kaysa
magkagulo.

Ang pagpapakasal nila ni Johann ay isang malaking deal para sa media


dahil pangalawang beses nang magkakaroon ng union between the Andersons and
Monteverdes. Dahil nauna nang magpakasal last year ang pinsan niyang si Reeve
Monteverde at ang kapatid ni Johann na si Agatha Anderson.

Oh, well, wala naman siyang problema sa press people. Maganda nga iyon
para mapanuod ng ng abogado ng Lola niya na ikakasal na siya. Baka bukas-makalawa,
nasa kanya na ang mamanahin niya dahil baka ito pa ang kusang magbigay.

Maliit lang talaga ang kasalan na iyon. Nandoon lang ang pamilya ni
Johann kasama ang mga pinsan nito-as usual. Siya naman, ang mga pinsan lang rin ang
nandoon kasama ang mga titos and titas niya. Wala ang Mommy niya. Hindi na ito
nakahabol pero pinaalam niya na ikakasal siya. Hindi naman na tumutol pa ang ina
dahil nasa hustong gulang naman siya para magdesisyon, sabi nito. Magse-celebrate
na lang daw sila pagkabalik nito. Sanay naman siyang laging wala ang ina kaya hindi
issue sa kanya ang hindi pagdalo nito.

Wala na silang entourage ni Johann. Mag-isa lang siyang naglalakad sa


aisle habang kabi-kabila ang kislapan ng camera. Hindi niya tuloy makita si Johann
dahil doon.

Anyway, she smiled sweetly and happily while walking down the aisle. Happy bride
naman talaga siya dahil sinong hindi magiging happy na ilang minuto na lang ay
solved na ang problema niya?

Kaya pagkarating niya sa tabi ni Johann ay nagtaka siya sa itsura nito. Don’t get
her wrong, guwapo ito sa suot na gray suit. Mas bagay pala rito ang executive look
kaysa maging teacher. But anyway, nagmukha itong tanga dahil parang nakatunganga
ito habang nakatingin sa kanya.

Pumitik siya sa harap nito. Doon ito napakurap-kurap. “Oy! Nandyan ka na pala!”

Nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi nito. Nginitian niya lang ito. “Well?”

“Ay!” Mabilis itong kumilos at inabot ang kamay niya. Akala niya ay hihilahin na
siya nito sa altar ngunit, dinala nito ang likod ng ld niya sa mga labi nito.

Bahagyang napapitlag si Sapphire dahil nakaramdam siya ng kung anong sensasyon na


dumaloy mula sa labi nitong nasa likod ng palad niya, patawid sa braso niya at
dumiretso sa puso niyang biglang bumilis ang pagtibok. Diretso pang nakatingin sa
kanya si Johann. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya at saka siya nginitian.

Iniwas niya ang tingin rito at napalunok. Hinayaan niya lang na dalhin siya nito sa
altar kung saan naghihintay ang isang pastor na magkakasal sa kanila.

Nagsasalita na ang pastor para umpisahan ang seremonya ngunit hindi mapakalma ni
Sapphire ang puso niya. Bakit ganoon? Bakit bumulis ng ganoon ang puso niya? Parang
hinalikan lang siya sa kamay, eh, nahalikan na rin naman siya sa kamay dati pero
hindi naman parang tumatakbo ang puso niya. Masyado ba siyang excited o
ninenerbyos?

Nang oras na para mag-take ng vows at magsuot ng wedding rings ay doon pa lang niya
nakalma ang puso.
Siya ang unang magsasabi ng vows. Di na siya gumawa ng personal at ni-recite na
lang ang mainstream na wedding vow.

“I, Sapphire Danaya Monteverde, take you, Johann Lawrence Asuncion-Anderson, to be


my lawfully wedded husband—to love and to cherish for richer and for poorer, in
sickness and in health... until death do us part. In the name of the Father, and of
the Son, and of the Holy Spirit. Amen,” she recited as she slipped the wedding ring
on his ring finger.

Akala niya ay ganoon rin ang sasabihin ni Johann ngunit iba ang naging wedding vows
nito.

“Sapphire Monteverde, take this ring as a sign of not only my love but, also, a
sign of our friendship, a sign of our strong partnership, at ng kung anu-ano pang
‘ship’. Nangangako akong aalagaan ka hanggang sa araw na itinakda ng Diyos. Ako ang
magiging sandalan mo sa oras na kailangan mo ng sandigan. Ako ang magiging unan mo,
sa oras na maubusan tayo sa bahay. Pero, totoo, sa oras na kailangan mo ng
maiiyakan at kayakap, lagi lang akong nandito.” Sinalubong nito ang kanyang mga
tingin. “I will take all your bitterness away and will fill our life with sweetness
everyday.”

Napalunok si Sapphire. Bakit parang nangangako ito? Hindi ba nasobrahan ng acting


‘tong si Johann?

“Sapphire, I’ll turn your loneliness into our happiness. I’ll turn the fights into
hugs. I’ll turn the cries into kisses. I’ll turn the hates into love. I’ll turn
your world upside down.”

She heard the dreamily sighs of the crowd. Siya naman ay mukhang gusto pang madala
sa mga sinasabi nito. Ang lalim naman ata ng hugot ni Johann? Ganoon ba kapag
brokenhearted ang lalaki?

At saka bakit bumalik na naman sa mabilis na pagtibok ng puso niya? Kainis naman!
Ang hirap-hirap pa naman pakalmahin niyon.

“I will love you, Sapphire for richer and for poorer, in sickness and in health...
until death do us part. In the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy
Spirit. Amen.” At saka lang nito tuluyang isinuot ang singsing sa daliri niya.

Bakit ang bigat yata ng singsing niya? Bakit tila dumikit iyon sa balat niya at
parang hindi na puwedeng tanggalin?

Sa kakaisip, hindi na namalayan ni Sapphire na tapos na ang kasal at mag-asawa na


talaga sila ni Johann.
Oh, my bookstore, come to mama!

=================

Chapter Five

CHAPTER FIVE

WALA na yatang mas sasaya pa kay Sapphire sa buong Earth ng mga sandaling iyon.
Nagpagulong-gulong pa siya sa kama habang yakap-yakap and titulo ng lupa, bahay, at
kotse na minana niya sa kanyang yumaong Lola. And by next week, mata-transfer na sa
account niya ang kalahati ng minana niyang pera.

And yes! By next week, masisimula na niya ang pagpapatayo ng


pinapangarap na malaking-malaking bookstore! And maybe, by next year ay mabuksan na
niya iyon kasabay ng pagkuha niya sa isa pang kalahati ng perang mamanahin. Ngunit,
kahit di naman na niya makuha iyon ay sobra-sobra pa ang pera niya ngayon para
makapagpatayo ng bookstore.

Kanina, pagkatapos na pagkatapos mismo ng kasal nila ni Johann ay


nagulat siya nang makita ang abogado ng Lola niya at mabilis pa sa alas-kuwatrong
nabigay sa kanya ang mga pamana.

Parang last week lang, problemadong-problemado siya sa mana, ngayon,


nasa kanya na iyon! Napapalakpak siya sa sarili at kinawagkawag pa ang mga paa.

“Naks! Ang saya-saya ni Misis, ah!”

Natigil si Sapphire sa ginagawa at saka napatingin kay Johann na


pumasok ng kuwarto. Nagpupunas ito ng basang buhok. Katatapos lang nitong maligo.
Isang white cotton shirt at shorts ang suot nito.

Napabangon siya sa kama at nginitian niya ito. “Grabe, I have na with


me my own land, my own house, and my own car! And by next week, I’m gonna be a
millionaire!”

“Yehey!” he cheered. “Balato ko, ah?”

“Of course! Gagawin rin kitang millionaire. Asawa kita, eh.”

Natawa ito at saka umupo sa gilid ng kama patalikod sa kanya.


“Nakakapagod pa lang ikasal. Sumakit panga ko sa kakangiti.”
Pinatong niya ang mga dokumento sa ibabaw ng maleta niya. Pinatong niya
sa ibabaw ang IPhone niya para hindi iyon liparin. Tumabi siya kay Johann at
mahinang siniko ito.

“Thank you, Johann, for this day.” Malaki utang na loob nya rito.
Exempted na exempted na talaga ito sa galit niya sa mga kalahi nito.

Tumingin ito sa kanya. “Masaya ka?”

“Sobra! I’m super close to my dreams because of you. Hindi ako


nagsisisi na naging kaibigan kita.”

Kinurot nito ang pisngi niya. “Anything for you, Misis.”

Lumukot ang ilong niya. “Ang corny naman ng endearment mo sa’kin.”

“Uyy... gusto niya ng mas sweet na tawagan,” tukso nito. “Sige, anong
gusto mong itawag ko sa’yo?”

“Ayoko kaya. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko, mas okay.”

“Okay, Misis,” nakangising sabi nito at saka nag-dive sa kama.

She rolled her eyes. Wala namang effect ang pagsaway niya rito.
Naramdam na rin ni Sapphire ang pagod ng buong araw na iyon kaya naman humiga na
rin siya. Malaki naman ang kama ni Johann kaya kahit magkatabi sila ay hindi
nagdidikit ang mga balat nila. Hindi na siya umangal ulit sa sleeping arrangement
nila dahil mukha naman wala talagang gagawing masama si Johann.

Hinila niya ang comforter pataas hanggang sa mga labi niya. Sumukob rin
doon si Johann. Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Tunog lang ng aircon
ang naririnig.

Pinikit ni Sapphire ang mga mata. This was supposed to be there


honeymoon night. Pero, heto silang dalawa, pilit natutulog at nagpapakiramdaman.

“Misis?” pabulong na tawag ni Johann.

“Yes?” pabulong na tugon niya rin.

“May tanong ako.”


“Ano?”

“Kapag niyakap ba kita, papayag ka?”

“Hindi.”

Tumawa ito. “Sabi ko nga.” Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.


“Matutulog ka na talaga?”

She exhaled and opened her eyes. “Okay. Hindi ‘ko pa gustong matulog.”
Pagod man ang katawan niya sa nangyari buong araw, ang isip naman niya ay buhay na
buhay pa. She’s too excited for her money and for her future bookstore. Ngayon pa
lang, isip na siya ng isip kung saan magandang itayo ang pangarap niya.

“Bakit ayaw mo pang matulog?”

“Marami akong gustong isipin. How about you?”

“Hindi rin ako makatulog, eh.” Tumagilid ito ng higa, paharap sa kanya.
“Kuwentuhan mo nga ako.”

Napatingin siya rito. “What am I? Your storyteller?”

“Bilis na, Misis. Para naman makatulog na tayo pareho.”

Inirapan niya ito. “I have no story to tell. My life was not that
exciting.” Graduate siya ng AB Literature kaya ang hilig niya ay magbasa ng kung
anu-anong libro, magbigay ng reviews, mag-travel sa kung saan, at magsulat sa
sarili niyang blog. Iyon lang ang lagi niyang ginagawa. Araw-araw, routine niya
iyon. Maliban na lang kung dadalo siya ng mga socialite parties or gatherings
kasama ang mga pinsan niya.

“Magtatanong na lang ako tapos sagutin mo na lang.”

Pumikit siya at inayos ang pagkakahiga. “Sounds fine with me.”

“Bakit sa lahat ng puwedeng negosyo, ‘bookstore’ ang naisip mo?”

“Mahilig ako sa mga libro. Nasabi ko na iyan sa’yo.”

“Para ka pa lang si Czarina.”

Czarina? Ang niligawan nito na nambasted dito? “She’s a bookworm, too?”


“Yes. And she’s a writer also. Marami na rin siyang libro na na-
published,” proud na sabi nito. “Hindi ako nagbabasa ng libro kung hindi lang
tungkol sa Math. Pero kapag libro niya, binabasa ko talaga. May collection pa nga
ako.”

Dumilat siya at tinignan ito. He’s a supportive lover. “Aw. Too bad,
she does not love you back.”

Sumimangot ito. “Maraming salamat talaga sa pagpapaalala, Misis,”


sarkastikong wika nito.

“Move on, dude.”

Sinubsob nito ang mukha sa unan. “Kaya nga ako nagpakasal sa’yo. Ano pa
bang dapat kong gawin kundi ang lumimot sa sakit?”

“You’re too dramatic, Mister. Parang iyon lang.”

Nag-angat ito ng ulo mula sa pagkakasubsob sa unan at saka siya


tinignan. “Kapag ikaw na-inlove at nasaktan, tignan lang natin kung hindi ka
magiging ma-drama, Misis. Kapag nag-drama ka, pagtatawanan talaga kita, tignan mo.”

Tumaas ang kilay niya. “Hah! I’ll never fall in love, sorry ka na lang.
Hindi ko hahayaan ang sarili kong magpaka-ewan dahil lang sa love na iyan. Kung
alam kong mapapaso ako, bakit ako makikipaglaro sa apoy? Love is just for fools.”

“Ang bitter mo. Tandaan mo, dahil sa ‘love’ kaya ka nandito sa mundong
ibabaw. Mahal ka ng Diyos, hija.”

“Amen.”

“Ganyan ka, ha? Sige. Tatawanan talaga kita kapag na-inlove ka.”

“Kanino naman ako ma-i-inlove?”

“Baka sa’kin,” nakangising wika nito.

“Friends tayo. At isa pa, ayoko nga sa lalaki , di’ba? Excemption ka


lang dahil nga friends tayo, asawa kita, at tinulungan mo ‘kong makuha ang mana
ko.” She will never fall in love with any man. Kahit pa sa asawa niya.

“Alam mo ang pag-ibig, hindi napipigilan iyan. Kapag ‘yan pinana ka,
wala ka nang magagawa. Makikita mo na lang ang sarili mo na nakangiting mag-isa
kahit walang dahilan. Masarap magmahal, akala mo?”

“Anong masarap sa nasasaktan?”

“Masarap magmahal, hindi masaktan.”

“Huh? Hindi ba synonyms iyon?” she sarcastically said.

Johann chuckled. “Sagad sa buto ang pagka-bitter mo, Misis.” Ibinuka


nito ang mga braso. “Come on, let me give you a hug.”

Inamba niya ang kamao. “Sapak, you want?”

Ang lakas ng tawa nito. “Friendly hug lang. Walang malisya.”

Tumalikod siya ng higa dito. “‘Friendly hug’ your face! Matulog na nga
tayo. We’re just talking nonsense here.” Hinila niya ang comforter hanggang sa leeg
niya at saka pumikit.

“Sandali, kuwentuhan mo pa ‘ko. May mga tanong pa ‘ko.”

“I wanted to sleep na, Mister. Save your questions for tomorrow,”


humihikab na sabi niya.

“Ayaw mo talaga ng hug?” Naramdaman niya pa ang pagsukob nito sa loob


ng comforter. “Malamig ang gabi, Misis. Masarap may kayakap.”

“Papayakap lang ako sa’yo kapag may abs ka na,” pang-aasar niya rito.

“Tss. Ano bang meron sa abs at gustung-gusto niyong mga babae?


Mamahalin ba kayo ng wagas ng abs na iyan?”

Lihim siyang napapangiti. Naasar ito. “Masarap hawakan ang abs.


Matigas.”

“Matigas? May alam akong puwedeng patigasin na puwedeng hawakan,”


pilyong wika nito.

“Eeewww!” Napabalikwas siya ng bangon at hinampas ang unan rito.


“Pervert!”

Natawa ito. “May ‘matigas-matigas’ ka pang nalalaman diyan. Akala ko ba


man-hater ka?”
“Naririnig ko lang iyon sa mga pinsan ko.” Humiga na siya ulit,
patalikod rito. “Matulog na nga kasi tayo. Huwag mo nang ipilit na yakapin ako.”
Ayaw niyang yakapin siya ni Johann. Dahil alam niya ang epekto ng isang yakap. Hugs
can give comfort and affection. Ayaw niyang mas lumalim ang pagkakaibigan nila ni
Johann.

Dahil baka kapag naghiwalay na sila sa susunod na taon, masyado siyang


maging attached sa kaibigan niyang asawa na hindi niya kayang mahiwalay rito.

~0~0~0~

NAGISING si Sapphire kinabukasan na wala na si Johann sa kama. Bumangon na siya at


nag-inat-inat.

Walang suklay-suklay na lumabas siya ng kuwarto para pumunta sa banyo.


Paglabas niya pa lang ng silid ay agad na sinalubong siya ng init sa labas niyon.
Sa kuwarto lang pala may aircon at hindi sa buong bahay. Nanlagkit tuloy siya.

Dumiretso na siya sa banyo nang mapalingon siya sa kusina at nakita ang


nakatalikod na pigura ni Johann. Tanging boxer shorts lang ang suot nito. His bare
back exposed.

Sandaling natigilan si Sapphire at napatitig sa likod ni Johann.


Malapad pala ang balikat nito at maganda ang porma ng likod. He was muscled in the
right places. Hindi ito sobrang muscular pero halatang maalaga ito sa
pangangatawan. Likod pa lang iyon!

At nang mapadako ang tingin niya sa bandang puwetan nito ay napataas ang kilay
niya.

Her husband has a nice butt! Napansin niya na iyon nang una niya pa
lang itong makita. Ngunit, ngayong naka-boxers lang ito, mas na-emphasized pa ang
korte ng pang-upo nito. It was full and...

“Magandang umaga, Misis!”

Napaangat agad ang tingin niya sa mukha ni Johann nang humarap na ito.
“G-Good morning.”

“Kagigising mo lang? Kanina ka pa ba diyan? Bakit hindi ka naman


umiimik?”
I’m busy staring at your ass, Mister. “Papunta kasi ako ng comfort
room. Maghihilamos ako.”

He sipped on his mug of... hot coffee siguro iyon. “Hindi ka pa


naghihilamos ng lagay na iyan? Ang ganda mo na naman kahit bagong gising,”
nakangiting sabi nito pagkatapos uminom ng kape.

Humalukipkip siya at hindi sinasadyang napatingin sa katawan nito.


Maganda talaga ang katawan nito. Wala lang talagang abs. “Bakit hindi ka nag-e-
exercise para magkaron ka ng abs?”

Kumunot ang noo nito. “Mahirap ang work-out para magkaroon ng abs.
Hirap na hirap na nga akong mag-push ups, eh.” Inangat nito ang mug. “Gusto mo ng
kape?”

Umiling siya. “I don’t drink coffee, I prefer a glass of fresh milk.”

Parang nagulat ito. “Oh? Hindi ka pala nagkakape? Natural na natural


ang pagka-bitter mo sa mga lalaki?”

“Oo.” Tumalikod na siya at nagtungo ng banyo. She hastly washed her


face and brushed her teeth. Umihi din siya. And when she was about to wash, wala
siyang makitang bidet.

“Oh, my gosh. I’m gonna use a ‘tabo’?” aniya habang nakaupo pa sa


toilet bowl at tanging balde at tabo lang ang nasa tabi niyon. “Johann!” tawag niya
sa asawa.

Narinig niya ang paglapit nito sa nakasarang pinto. “Yes, Misis?” katok
nito.

“You don’t have a bidet here?”

“Sosyal! Bidet! Wala, eh. Sorry, Misis.”

“Ugh! How am I going to wash my... my you know!”

“Uso ang tabo, Misis. Hindi ka ba marunong gumamit? Ako na lang


maghuhugas ng ‘you know’ mo, you want?” tumatawang wika nito.

Napangiwi siya. “Gusto mong pukpukin kita ng tabo, Mister?” Nagsimula


na siyang gumamit ng tabo at maingat na naghugas. Napailing-iling siya. Hindi niya
akalain na darating ang araw na gagamit siya ng tabo!

Bukas na bukas ay magpapa-install siya ng bidet.


Paglabas niya ng banyo ay dumiretso siya ng kusina. “What’s for
breakfast?” tanong niya kay Johann na may niluluto.

“Tuyo. Tapos magsasangag ako pagkatapos nito.”

Nangunot ang noo niya nang maamoy ang niluluto nito. “That’s tuyo? Why
is it mabaho? Is it safe to eat?”

Lumingon ito sa kanya. “Huwag mong sabihing hindi ka pa nakakakain


nito?”

Lumayo siya sa niluluto nito. “Hindi pa. Hindi naman naghahain ng


ganyan tuwing breakfast sa mansion ni Lola. Bakit ba iyan ang papakain mo sa’kin?
Wala ka bang hotdog or bacon? Wheat bread, perhaps? Or vegetable salad?”

“Mas masarap ang tuyo at sinangag sa lahat ng sinabi mo.” May kinuha
itong isang baso sa ibabaw ng dining table. “O, gatas mo, Misis. Wala pang fresh
milk sa ref ko kaya pinagtimpla na lang kita.”

Napangiti siya nang makakita ng gatas. Mabilis niyang inabot ang baso
ng gatas at uminom. Wala naman siyang problema kung fresh o powdered ang gatas.

Mabilis niyang naubos ang gatas. “Thanks for this.”

Humarap sa kanya si Johann at napahinto siya nang umangat ang kamay


nito at dumampi sa gilid at sa taas ng labi niya. Pinunasan pala nito ang natirang
gatas.

“Gusto mo pa?” tanong nito.

Tumango siya at inabot ang baso rito. “Yes, please.”

“Ako pa ulit magtitimpla? Ikaw naman.”

Napasimangot siya. “Ikaw na lang. Masarap timpla mo.”

“Sige. Pero ikaw mag-prito nitong tuyo.”

“Ayaw. Mabaho iyan.”

“Ganito lang amoy nito pero masarap ‘to. Lalo na kapag sinawsaw natin
sa suka na bubudburan ng kaunting asin. Tapos pwede rin nating lagyan ng sili.”
Inabot na nito sa kanya ang frying spatula at nilapit siya sa tapat ng frying pan.
May limang tuyo na piniprito roon. “Bakit ang liit ng fish? Bakit mukhang
dehydrated?”

Natawa si Johann. “Kaya nga kasi ‘tuyo’. Itinapat sa araw iyan.


Dehydrated fish talaga iyan,” tumatawang sabi nito habang nagtitimpla na ulit ng
gatas.

Ah, kaya pala ganoon ang tawag doon. Bakit ganoon? Parang hindi niya
nabasa ang tungkol sa tuyo? Dapat siyang mag-research. “Bakit mabaho ito?”

“Pinagpawisan siguro nang binilad sa araw.”

She laughed. “You’re crazy, Johann. Magdamit ka na nga!” Nag-umpisa na


rin kasi siyang medyo mailang na naka-topless ito. She can also imagine his nice
butt. Tsk tsk. That’s bad for her. Ang dami niyang napapansin kay Johann na hindi
naman niya dating pinag-uukulan ng pansin sa ibang lalaki.

“Ang init-init, eh. Bakit ba? Mamaya na ‘ko magbibihis kapag kakain
na.” Inabot na ulit nito sa kanya ang bagong timplang gatas at kinuha na sa kanya
ang pamprito. “Umupo ka na dun. Ako nang bahala rito. Sandali na lang ‘to.”

Napanguso siya. “Talagang iyan ang kakainin natin?”

“Oo. Trust me, masarap ‘to. Kakamayin pa natin para lalong mas magana
sa pagkain.”

Nagkibit-balikat na lang siya at ininom na ulit ang gatas na tinimpla


ni Johann. Umupo na siya sa hapag at hinintay ang pagkain. Hindi naman nagtagal at
nakahain na ang pritong tuyo at sinangag sa harap niya.

Umupo si Johann sa tapat niya. “Lead the prayer.”

“Huh?”

“Ikaw ang magdasal bilang bagong muse ng aking bungalow house,” sabay
kindat sa kanya. Nagsuot ito ng white sando.

“Kailangan talagang mag-pray?”

“Opo, Misis. Kailangan talaga nagdadasal bago kumain. Hindi niyo ba


ginagawa iyon?”

“Hindi nakasanayan.”
“Puwes, masasanay ka na. Hala, sige, let’s pray.”

Sa huli, ito na rin ang nagdasal at pagkatapos ay kumain na sila.


Maganang magana na kinakamay ni Johann ang pagkain, habang siya ay hindi alam kung
anong gagawin.

Napatingin ito sa kanya. “Ayaw mo pang kumain?”

“Can I have spoon and fork?”

“Huwag kang maarte. Sariling kamay mo naman ang gagamitin mo.”

Napasimangot siya. “I don’t know how to eat with my bare hands. Hindi
naman tinuro sa school iyon.”

Napaismid si Johann at natawa. “Hay nako, ganito pala kapag may sosyal
na asawa.” Tumayo si Johann at lumipat sa tabi niya.

Nag-demonstrated ito kung paanong magkamay. Nakinig siyang mabuti rito.


At hindi naman siya nahirapang makuha ang sinasabi nito dahil malinaw din itong
magpaliwanag. Ah, kaya pala nag-teacher. Marunong magturo.

Next thing she knew, magana na siyang kumakain ng tuyo at sinangag. And
indeed, masarap nga ang “dehydrated” fish.

“Nga pala, Misis. Binigyan ako ng Dean ng one-week leave dahil nga
kinasal tayo kahapon. Ikaw ba may trabaho?”

Umiling siya. “Alam ng sponsors ng blog ko na nagpakasal rin ako, so,


walang pressure sa’kin na magsulat ngayon ng articles. Bakit?” Kumuha pa ulit siya
ng tuyo at nagsandok ng sinangag.

“Baka gusto mong magbakasyon? Tutal, wala naman tayong ibang gagawin,”
anito habang sinisimot ang pagkain.

She shrugged. “Okay lang.”

“Saan mo gustung pumunta?”

“Gusto ko mag-European tour.”

“Ay, grabe. Hindi naman kaya ng budget ko iyan. Be practical naman.


Isang professor lang ang asawa mo.”
Tumingin siya rito. “We can use naman my money, eh.”

“Pumunta na lang tayo sa isang beach resort sa Batangas o Zambales. O


kaya mag-Tagaytay tayo. Iyong mga ganung biyahe lang. Hindi naman natin kailangang
gumastos ng malaki para mag-loving-loving, Misis.”

“You know, Mister, hindi naman makakabawas sa pagkalalaki mo kung ako


ang gagastos sa bakasyon natin. Isa pa, you don’t want to tour in Europe ba?”

“Dito na lang tayo sa Pilipinas para mga Pilipino rin makikinabang ng


gagastusin natin. Punta tayong Cebu, gusto mo? May resort kaming pinuntahan dati ni
Xan doon na maganda at saka—”

“Sino si Xan?” biglang tanong niya nang makarinig nang ibang pangalan
ng babae.

“Bestfriend ko. Ay, hindi mo pa pala siya nakikilala. Pa’no kasi


missing-in-action.”

Napataas ang kilay niya. “Bestfriends? May mag-bestfriend bang lalaki


at babae?”

“Meron. Kaming dalawa. Bakit? Selos ka?” nakangising sabi nito.

“As if! Sure kang friends lang kayo? Or may relationship din kayo?”

Natawa ito. “Lahat na lang pinaghihinalaan kami. Platonic ang relasyon


namin. At isa pa, may mga mahal kaming iba.”

Nagkibit-balikat na lang siya. Pero hindi pa rin siya naniniwala.


Diyata’t masyadong friendly si Johann sa mga babae? At ano kayang itsura ng Xan na
iyon? Mas maganda kaya kaysa sa kanya?

But, wait. Why is she comparing herself to Johann’s bestfriend that she
does not even know yet? Walang point ang pinag-i-iisip niya.

“I’m finished,” aniya at saka tumayo at dumiretso sa lababo para


maghugas ng kamay.

Sumunod si Johann at bitbit nito ang mga pinagkainan. “Misis, sa


susunod hihintayin mong matapos ang kasabay mong kumain bago ka tumayo. Naturo
naman siguro ang GMRC sa school niyo, ano? At saka magliligpit ka rin ng
pinagkainan mo. Pinapaalala ko lang, wala tayong katulong dito.Walang kusang
magliligpit ng pinagkainan mo.”
“Eh di, ikaw na lang ang gumawa,” mataray na sabi niya. Pero sa loob-
loob ay medyo napahiya siya sa ginawa niya. Tama naman kasi ito. Lagi na lang na
ito lagi ang tama. Naiinis na siya.

“Hindi. Mula ngayon, toka-toka tayo sa paggawa ng mga gawaing bahay.


Katulad ng sinabi ko sa’yo, tuturuan kita ng mga house chores. Kababaeng tao, hindi
alam paano kumilos sa bahay?”

“Doing house chores isn’t the basis to determine what a real woman is.
That’s stereotyping.”

“Alam ko iyan. Basta, tao tayo. Lalaki o babae dapat alam paano maging
masinop sa bahay. Tignan mo, pagka-expire nang kasal natin, magpapasalamat ka
sa’kin dahil tinuturuan kita.”

Inirapan niya ito. “No! Hindi mo ‘ko mauutusan na gumawa ng mga house
chores. I’m Sapphire Monteverde!”

“Hep! Let me correct that. You are now, Mrs. Sapphire Danaya
Monteverde-Anderson. Kung gusto mong manatili tayong mag-asawa hanggang next year.
Matuto kang makisama sa palasyo ko. Undestand?” he patiently explained.

He wanted to dominate. Obviously. Pumayag na siyang tumira sa bahay


nito at hindi masunod ang mga gusto niyang kondisyon, pagkatapos ay gagawin pa siya
nitong gumawa ng mga bagay na hindi naman niya ginagawa sa tanang buhay niya?

Naiintindihan niyang gusto nitong mag-practice na maging head of the


household, pero hindi siya nito mapapasunod ng basta sa mga gusto nitong mangyari!

Never ever!

=================

Chapter Six

CHAPTER SIX

PADABOG na nilagay ni Sapphire ang huling pinggan na hinugasan niya sa lalagyan


niyon. Tumama iyon sa mga kapwa pinggan nito kaya naman lumikha ng ingay iyon.

“Misis, huwag ka nang magdabog. Ayan na, tapos ka nang maghugas ng


pinggan.”

Nilingon niya ito at tinignan ng masama. “I thought we’re friends? But


why are you doing this to me?”

“Tinuruan lang kitang maghugas ng pinggan, nagkakasumbatan na ng


pagkakaibigan? Natapos mo naman maghugas. Next time, huwag ka na lang magdadabog.”

“Look at my hands!” singhal siya sabay taas ng mga kamay niya. Sinadya
niya pang itapat ang mga iyon sa pagmumukha nito. “Namumula! Kumukulubot! It’s so
ugly! Kasalanan mo ‘to!”

Tumawa ito. “Natural lang iyan. Pero hindi naman habang buhay na ganyan
iyan. Babalik din sa dati ang kamay mo. Halika, lagyan natin ng hand lotion para
hindi mawala ang lambot at kinis niyan.” Hinawakan pa siya nito at hinila papunta
sa loob ng kuwarto.

Umupo siya sa kama habang may kinuha naman ito sa loob ng closet.
Tumabi ito sa kanya at may hawak na itong isang bote ng hand lotion. Maya-maya
pinapahid na nito sa kamay niya ang lotion at may kasama pang marahang hilot.

Hindi naman marami ang hinugasan niyang pinggan. Naghugas lang siya ng
pinagkainan nila kaninang umaga at ng lunch. Pero ang kinadadabog niya ay ang
matagpuan ang sariling sumusunod sa pinapagawa sa kanya ng magaling niyang asawa!
She can’t believe it!

“Pagkatapos nito, tuturuan naman kitang magwalis at maglampaso ng


sahig. Maglilinis din tayo ng banyo mama—”

Matinis siyang napatili. “No! Ayoko na, Johann! First day na first day
ng marriage natin, inaalipin mo ‘ko!” sigaw niya

He grimaced. “Hindi kita inaalipin. Ginagawa ko lang na productive ang


araw na’to para sa’ting dalawa. Ang mga bagong kasal, laging productive ang mga
araw.”

“Productive sila dahil nagpo-produce sila ng baby! Hindi sila


naghuhugas ng plato o maglalampaso ng sahig!”

“O, eh, anong gusto mo? Gumawa na lang rin tayo ng baby?”

Tinadyakan niya ito sa binti ngunit nakaiwas ito.

Naiinis na binawi niya ang kamay mula rito. “I’m going to sleep! I
don’t want to sweep and polish the floor!” Humiga siya at nagtalukbong ng
comforter.
“Sigurado ka bang magte-twenty-eight ka na? Bakit ka ganyan? Para kang
bata! Ay, hindi pala. Kasi ang bata mas gusto pang matuto ng mga bagong bagay.
Hindi katulad mo. Aba, Misis, masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo.”

Sapphire screamed when Johann grabbed her feet. “Johann!”

“Tumayo ka diyan o hahalikan kita!”

“Ayokong magwalis at maglampaso! Lalong ayokong maglinis ng banyo!


That’s so eew!” Hah! Hinding-hindi na siya ulit mapapasunod nito. Ayaw na ayaw
niyang helpless siya at walang choice kapag nakikipagtalo sa lalaki. Isa pa, no one
dared na utusan ang isang katulad niya!

Mas hinila ni Johann ang mga paa niya ngunit kumapit siya sa headboard
ng kama.

“Isa!” pagbibilang nito.

“No!”

“Dalawa!”

“I said, no!”

“Tatlo! Kapag umabot ng apat, hahalikan kita. Sa lips. Yung torrid!”


pagbabanta pa nito.

Bigla siyang napabalikwas ng bangon at tinignan ng masama ang asawa.


“Nasaan na ang walis at panglampaso?”

~0~0~0~

“SIGE, ipunin mo lang ang dumi, Misis. Ayan. Ganyan. Tapos saka mo ilagay sa
dustpan. Okay. Ganyan nga. Sige, tama ‘yang ginagawa mo.”

Napabuntong-hininga si Sapphire. Marami nang alikabok sa hawak niyang


dustpan at gustung-gusto niya nang isaboy ang lahat ng iyon sa pagmumukha ni
Johann. Pero dahil hindi naman pala ganoon kahirap ang pagwawalis, palalagpasin
niya ang balak.
Kinuha na sa kanya ni Johann ang walis at dustpan. Ito na ang nagtapon
ng dumi sa likod-bahay. Pagbalik nito sa loob ay may dala na itong mop. Nagsimula
na itong mag-demo kung paano siya maglalampaso mula sa living room hanggang sa
kusina.

Gusto sana ni Sapphire na hindi pansinin ang sinasabi ni Johann at


gawing mali-mali ang mga tinuturo nito. Ang kaso, hindi niya alam kung bakit kahit
anong pilit niyang pag-ignora kay Johann ay hindi niya mapigilang makinig sa
tinuturo nito.

He’s really an effective teacher. Gustung-gusto siguro ito ng mga


estudyante nito.

At kung effective teacher ito, dapat ay hindi siya magpatalo. Dapat


niyang ipakita rito na ‘good student’ naman siya. Talk about pride. Kakabit na iyon
ng pagiging isang Monteverde. Mommy niya lang siguro ang walang pride dahil
naghahabol ito sa lalake kapag iniiwan.

Nang ibigay sa kanya ni Johann ang mop ay nagsimula na siyang mag-mop


ng sahig. Ten minutes later, she’s done mopping. Wala siyang narinig na kahit anong
angal o mali sa ginawa niya mula kay Johann. Tahimik lang itong nakamasid sa
ginagawa niya.

“Okay. I’m done here, Mister.” Padabog na binalik niya rito ang mop.
“Ano pang papagawa mo?” mataray na tanong niya.

Nginitian siya nito at marahang pinalis ang pawis sa noo niya gamit ang
kamay nito. “Ang bilis mong mapagod. Magpahinga ka muna tapos labas tayo sa may
kanto. Kain tayong merienda.”

“Okay.” Tinalikuran niya ito at dumiretso siya sa kuwarto. Kumuha siya


ng tuwalya at saka lumabas para pumuntang banyo.

After taking a bath, nagsuot siya ng red cotton shirt at white shorts.
Pinatuyo niya ang buhok at sinuklay ng sinuklay. Nagtungo siya sa sala pagkatapos.
Nakita niya si Johann na prenteng nakaupo at nanunuod ng TV.

“Ang ganda naman ng misis ko,” bungad nito nang makita siya.

She rolled her eyeballs. “I want to eat na. We’re going to have
merienda pa, right?”

Pinatay nito ang TV. “Yes, of course. Come with me. We’re going to the
kanto over there. Manang Lisa’s banana que is so masarap. Like, oh my gosh.”

Kumunot ang noo niya at hinampas ito sa braso. “Are you making fun of
me?”
“Ang conyo mo kasi.” Inakbayan siya nito at inakay palabas ng bahay.
“Ang arte mo pa minsan.”

Malakas na siniko niya ito sa tagiliran.

“Aray! Wala namang ganyanan.”

“Bakit mo ko sinasabihang maarte?”

“Kasi maarte ka talaga. Alangan namang sabihin kong kulay yellow yang
shirt mo kahit halatang-halata namang pula iyan?” Binuksan nito ang gate at lumabas
sila. Magkasabay silang naglalakad nito at sa lahat ng makasalubong nila na tao ay
binabati sila ng ‘Congratulations’.

“The whole subdivision know that we’re married?”

“Oo. Pinagkalat ko.”

Napatingin siya rito. “Huh? Bakit?”

“Eh, mga kapitbahay ko sila, eh. Medyo proud ako na ikakasal ako sa
isang magandang dilag na gustong magtayo ng bookstore.” He smiled at her. “But
seriously, isa lang ang sinabihan ko tapos kumalat lang. Saka mula nang dalhin kita
dito last week, na-excite ang buong subdivision na magpapakasal na ‘ko. Malaking
threat kaya ako sa mga kalalakihan dito,” natatawang sabi nito.

“Ang yabang mo.”

“Wow. Hiyang-hiya naman ako sa’yo.”

Napalabi siya at napahalukipkip. Nakatuon ang atensyon niya sa


nilalakaran. “Am I really that mayabang? Am I really maarte?” Bigla siyang naging
concious. Wala kasing nagsasabi sa kanya na mayabang o maarte siya. Si Johann pa
lang.

“Ayon lang naman sa obserbasyon ko, oo. Hindi ka ba nayayabangan o


naartehan sa sarili mo?”

“Hindi. Pero alam kong ma-pride ako. But I never noticed that I’m too
proud o maarte. I mean, ganito ako lumaki. Walang sumasaway sa’kin, so I thought
it’s just okay.”

“Okay lang din naman. May karapatan ka namang magmayabang kasi


maipagyayabang naman talaga ang pagiging Monteverde. May karapatan ka rin namang
maging maarte kasi sabi mo nga, kinalakihan mo. Pero, sa mundong ginagalawan mo na
ngayon, kailangan mong mag-adjust. You married an ordinary guy like me, Sapphire.
Makakasalamuha ka ng mga taong hindi kayang intindihin kung bakit ganyan ka, kaya
bilang asawa at kaibigan, sinasabi ko lang iyong mga napapansin ko na baka puwede
mong baguhin o kaya i-adjust na lang.”

“So, I just can’t be me, ganoon?”

“Be yourself, Misis. Pero may tinatawag kasi tayong ‘pakikisama’. Mag-
a-adjust ka lang naman ng kaunti. Iyong mga negative mo, gagawin nating positive.”

Napatingin siya rito. Kaya siguro napaka-friendly nito dahil marunong


itong makisama. “You care about people,” nasambit niya.

Nagkibit-balikat ito at saka sila sumuot sa isang makitid na daanan.


Later on, nasa tapat na sila ng isang barong-barong na may tindang mga bananaque na
naka-display lang sa labas.

“Magandang hapon, Manang Lisa!” bati ni Johann sa isang matandang babae


na may katabaan at siyang nagbabantay ng tinda. “Kumusta benta?”

“O, Johann! Nako, buti’t nakaabot kang bata ka. Malapit nang maubos ang
paninda ko. Tignan mo, oh. Walo na lang na stick ang natira.”

“Talaga naman! Ang lakas na ng benta niyo, Manang! Sabi ko sa inyo,


masarap talaga ang bananaque niyo. O, di’ba, pumatok sa mga kapit-bahay natin?”

“Oo nga, eh. Buti na lang at sinunod ko ang payo mong magbenta ako
dito. Nakadagdag din ito sa pambaon ng mga anak ko sa school.”

“Mabuti iyan, Manang. Nga po pala, kasama ko po ang asawa ko. Si


Sapphire po pala,” pagpapakilala sa kanya ni Johann.

Napatingin sa kanya si Manang Lisa at nginitian siya ng malaki nang


makita siya. “Ang ganda-ganda mo naman, hija! Kumusta ka?”

She smiled back to the old lady. “Thank you po, Manang Lisa. I’m just
fine. Nag-a-adjust pa po sa bagong bahay.”

“Ganyan talaga kapag bagong kasal. Aba’t masasabi kong masuwerte ka


dahil mabait at matinong lalaki ‘tong si Johann. Medyo loko-loko lang,” pabulong pa
na sabi nito.

“Oy, Manang, narinig ko po iyon, ha?” singit ni Johann. “Tsk. Imbes na


anim na stick ang bibilhin ko, lima na lang.” Kumuha ito ng isang bananaque at
inabot sa kanya. “Tikman mo iyan, Misis. Iyan ang pinakamasarap na bananaque na
matitikman mo.”

Kinuha niya iyon at pasimpleng bumulong rito. “Is this clean?”

Tumango ito at nag-thumbs up pa sa kanya. Kaya naman kumagat siya sa


medyo mainit pa na bananaque. And Johann’s right. It was indeed delicious!

Hindi na namalayan ni Sapphire na naubos na niya ang dalawang saging sa


isang stick dahil sa sarap. Sa huli, pinakyaw na ni Johann ang mga natira at masaya
silang kumakain ng bananaque pauwi ng bahay.

Biglang nawala ang inis ni Sapphire kay Johann dahil sa ginagawa nitong
pagpapagawa sa kanya ng mga house chores.

“Sa makalawa, punta tayong beach, gusto mo?” tanong ni Johann sa kanya
habang magkatabi sila sa sofa at inuubos ang bananaque na binili. “Katulad ng sabi
ko sa’yo kaninang umaga, seryoso talaga ako na magbakasyon tayo.”

Nagkibit-balikat siya. “Okay. No problem with me. Puwede ko bang isama


ang mga cousins ko? Kasi, baka they want to go to the beach rin.”

“Uy, masaya ‘yan. Sige, susubukan ko ring pasamahin ang mga pinsan ko.
Kahit busy sila, mangungulit ako”

Tumingin siya rito. “Alam mo, Johann, you’re right. Bagong kasal tayo
kaya dapat productive tayo. Or, since one year lang itong marriage natin, let’s
make it real productive!” Bigla na lang siyang may naisip gawin.

Natigil sa pagnguya si Johann. “Anong ibig mong sabihin?”

Mas lumapit siya rito. Then, she leaned closer to him. “I think you’re
going to like what I’m thinking.”

Nangunot ang noo nito at pagkuwa’y nanlaki ang mga mata. “A-Ano bang
iniisip mo?”

Tinukod niya ang kamay sa dibdib nito. “It’s something fun.”

Napalunok ito. “May kama bang involved diyan?”

Parang may kumislap na ideya sa isip niya. “Puwede!” bulalas niya at


mas mabilis na gumana ang utak niya. Mas lumapit pa siya rito dahil bigla siyang
na-excite.
Ngunit may angking katangahan din si Sapphire. Nadulas ang kamay niya
sa pagkakatukod sa dibdib nito at sumubsob ang mukha niya sa mukha nito!

What’s worst, lumapat ang labi niya sa mga labi ni Johann!

Napasinghap siya at mabilis na lumayo rito. Sa pagkataranta ay nahulog


siya mula sa sofa ngunit nahigit niya ang sando ni Johann kaya nasama itong
bumagsak. Pagkalaglag niya ay bumagsak din ito sa ibabaw niya.

At muling aksidenteng naglapat ang mga labi nila! Nanlaki ang mga mata
ni Sapphire at akmang titili ngunit natigil iyon nang maramdaman niya ang paggalaw
ng mga labi ng asawa.

Bakit ganoon? She was frozen. And her eyes started to close because of
his sweet kiss...

=================

Chapter Seven

CHAPTER SEVEN

ANG plano pala na naiisip ni Sapphire ay tungkol sa pagtulong sa tatlong pinsan


nito na makapagmove-on mula sa mga pinsan ni Johann. Ang gagawin nila ay isasama
nila ang kanya-kanyang pinsan sa bakasyon nila at saka magsasabwatan sila ni Johann
para makulong sa kuwarto ang mga magkakaparehang dapat magkalinawan at magka-
closure katulad na lang ng pinsan ni Johann na si Gideon at ang pinsan niyang si
Haley.

Iyon ang tinutukoy ni Sapphire na pagiging productive! Ang makatulong


sa problemang pag-ibig ng mga pinsan niyang babae.

“Ah, okay,” tumatangu-tangong sabi ni Johann. “Akala ko kasi ang naisip


mong productive ay okay nang mag-‘ano’ tayo kaya kita hinalikan.”

Malakas na hinampas niya ito ng unan. Naiinis na tumili siya


pagkatapos. “You, bastard! That was my first kiss!” Gigil na gigil siya! Hinalikan
siya nito sa malaking akala.

“Sorry na. You responded to my kiss, so I thought that you wanted it


too.”
Napatili na naman siya at hinampas muli ito ng unan. Pinaalala pa nito
ang kagagahan din na ginawa niya! Oh, how can she kiss him back? Hindi niya alam
paano humalik pero... pero.. for goodness sake! She kissed him back!

Nangako siya sa sarili niya na wala kahit kailan ang makakahalik sa


kanya na lalaki. But that promise was broken!

“K-Kalimutan mo na lang iyong nangyari. O kaya, isipin mo, friendly


kiss lang iyon. Ganoon na lang.”

Hindi na siya umimik. Humiga na lang siya ng kama at nagtalukbong ng


kumot. “I hate you.”

She heard him sighed. “Ang liit-liit naaman nitong pinag-aawayan natin.
Unang araw pa lang natin, away na tayo ng away. Paano pa sa susunod na 365 days?

“The kiss is a big deal for me, Johann. For almost twenty-eight years
of existence, iningatan kong hindi ako mahalikan. I hated boys to the core. I hated
how they can easily hurt girls. So, no guy deserved my kiss. Dahil iisipin niyong
bumigay na kami. Na mabilis niyo na kaming mapapasunod sa mga gusto niyo.”

“Ganun ba iyon? Sige nga, maglinis ka ng banyo.”

“I hate you!”

“Sorry na mali ako ng akala. Pero hindi ako magso-sorry na hinalikan


kita. Masarap kaya.”

Matinis na naman siyang napatili. Because her mind wanted to agree.


Johann’s kiss was good. No, it’s great! Para siyang nakaramdam ng karerahan sa
dibdib niya. Nakarinig pa nga ata siya ng fireworks, what the hell?

“Huwag ka nang mag-aalala, Sapphire. Hindi ako katulad ng ibang lalake.


Hindi porket nahalikan na kita, iisipin ko agad na easy-easy ka lang. I know that
you’re different.”

“Buti alam mo.”

“Kaya nga, peace na tayo. Ayokong nagagalit ka sa’kin. Ayokong nag-


aaway tayo.” Naramdaman niya ang kamay ni Johann sa magkabilang balikat niya.
“Misis, please?”

“Kakalimutan na lang natin ang kiss na iyon?”

Matagal bago ito sumagot. Inalis niya ang pagkakatalukbong ng kumot sa


ulo niya at tinignan ito.

“Kung gusto mo talagang kalimutan, sige,” kibit-balikat na sabi nito.

“We will never discuss it again. As in never.”

Tumango ito.

She sighed. “Okay. Magpapahinga muna ako.”

“Sure. Pagkagising mo, maglilinis ka ng banyo.”

Umungol siya. “Bukas na lang puwede?”

“Tuturuan kitang maglaba bukas.”

“You got to be kidding me!”

“Magdidilig rin tayo ng halaman at ika-carwash ang Toyota ko.”

Dumapa na siya ng higa at saka tinakpan ng unan ang mga tainga.


Pagkapikit niya nang mata ay naalala na naman niya ang halik ng asawa. Ugh! Ano ba
‘tong nangyayari sa kanya?

May gana pa siyang maalala ang halik nito? Why, he’s teaching her to be
a slave! Ano ba ‘tong pinasok niya?!

~0~0~0~

HINDI natuloy ang balak na beach getaway nila ni Johann dahil hindi nilang nagawang
maaya ang mga kanya-kanyang pinsan. Tinamad nang tumuloy si Sapphire dahil hindi
rin naman pala magagawa ang plano niya kapag nagkataon.

But Johann just set their plan to next month. Itinapat sa birthday niya
para daw walang rason para tumanggi ang mga kailangan nilang imbitahin. Mas maganda
rin na maging planado na planado nilang dalawa ang gagawing plano para sa mga
pinsan nila.

Nangunot na naman ang noo ni Sapphire nang makita si Johann na naka-


boxers lang at palakad-lakad sa harap niya. Hindi niya tuloy maiwasang masulyapan
ang puwet nito.
Inubos niya ang iniinom na fresh milk at saka tumayo. Pang-apat na araw na silang
nagsasama. Ikaapat na araw na rin ito nang pagtuturo nito sa kanya ng house chores.
So far, ang hindi na lang niya yata alam gawin ay kung paano makukumbinsi si Johann
na huwag laging naka-topless kahit nasa bahay lang sila.

“Mister! Wala ka na bang ituturo sa’kin?”

Lumingon ito sa kanya. “Wala naman na. Mag-ayos na lang tayo ng totoka sa araw na
gagawa ng mga house chores. Paghatian natin para sa maluwalhating pagsasama.” Umupo
ito sa dining table. “Kuha ka ng papel at ballpen.”

Mabilis siyang pumasok ng kuwarto at humugot lang sa work table nito ng paper and
ballpen.

“Okay, Monday to Friday, laging five PM ang tapos ng klase ko,” panimula ni Johann.
“Kaya tuwing lunch, wala naman ako dito. Sa umaga, ako na lang maghuhugas ng plato
at magluluto. Para sa gabi, ikaw na naman at nang makapagpahinga ako.”

“Can you please wear a shirt?”

“Mainit kaya.”

“Bakit hindi mo na lang ipa-aircon ‘tong bahay mo?”

“Hindi practical. Mahal sa kuryente.”

Umingos siya.

“Nadi-distract ka ba sa katawan ko? Okay lang iyan. Naiintindihan ko ang dulot ng


angking kakisigan ng isang pogi.”

She sarcastically laughed. “You still have no abs. Ang sagwa lang minsan, ang laki
pa ng tiyan mo kapag nakahubad ka. Feeling macho?”

“Kapag ako nagka-abs, ‘who you’ ka sa’kin.”

She just laughed at him. “Anyway, may I remind you that I am a lifestyle blogger
so, madalas ay busy ako sa research at minsan hindi ako umuuwi ng bahay.”

“Bakit? Saan ka pumupunta?”

“Anywhere. Everywhere. Lalo na kailangan ko ring makabili ng mga iba’t ibang libro
na babasahin. Basta, I’m always out of the house. Kaya nga, I can’t see the point
kung bakit kailangan mo pa ‘kong turuan ng mga house chores, eh, hindi ko rin naman
magagamit ng madalas.”

“Mas mainam pa rin na alam mo kung paano kumilos sa bahay natin.” Nangunot ang noo
nito at nag-isip. “Hmm. Lagalag pala ang misis ko. Akala ko, introvert ka at masaya
ka na sa pagbabasa ng libro.”

“I just travel for the sake of finding good books and to put something on my blog.
Kung ako lang rin, gusto ko lang sa loob ng kuwarto ko with my books and a glass of
milk.” Totoo iyon. Masaya na siyang nakakulong lang sa kuwarto niya at nagbabasa.

“Ganoon ba? Eh di, bawasan mo na lang ang pag-alis alis mo. Alam mo kasi, Misis,
kasal ka na. Kaya may mababago at mababago talaga sa buhay mo, sa buhay natin,”
sabi nito habang may isinusulat sa papel. “Pumili ka ng mga travel na makakauwi ka
at the end of the day.” Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Because for sure, hindi
ako makakatulog nang hindi ka nakakauwi.”

She pouted her lips. “Bakit hindi ka makakatulog? Kama mo ba ‘ko?”

“Asawa kasi kita.”

Hindi alam ni Sapphire kung paanong magre-react sa sinagot nito. Kaya hindi na lang
siya umimik.

“Ikaw ba makakatulog ka habang hindi pa ‘ko nakakauwi?”

“Yes.”

Tumawa ito. “Kay buti mong maybahay, hija.”

She crossed her arms and stood up. Lumipat siya sa may sofa at binuksan niya ang
TV. It was a very hot and lazy afternoon. Masarap matulog pero ang magaling niyang
asawa, ayaw buksan ang aircon sa kuwarto. Nagtitiis tuloy siya sa hangin ng
electric fan ngayon.

Tumabi sa kanya si Johann sa sofa. “O, yari na ‘tong shedule natin. Tignan mo.”

Tinignan niya ang papel na hawak nito. Gumawa pala ito ng table na may Monday to
Sunday sa iba’t ibang column. Sa gilid ay nakalagay ang mga chores na gagawin.

Ang nakalagay kapag siya ang gagawa ng house chore ay ‘Misis na Maganda’. Kapag ito
naman gagawa, ang nakalagay ay ‘Johann de Pogi’.

Gusto niyang matawa sa kabaduyan nito. But that’s Johann, anyway.


Nang masigurado ni Sapphire na pantay ang pagkakahati ng house chores ay ibinalik
na niya rito ang papel. Kahit ano namang gawin niyang angal, natatagpuan na lang
niya ang sarili na ginagawa rin ang mga pinapagawa ni Johann. Minsan hindi niya
alam kung kay Johann pa ba siya naiinis o sa sarili niya na.

“Nakakaantok naman iyang palabas. Lipat mo sa basketball,” utos nito.

“Ayoko nga. Maganda iyang Pretty Little Liars. You should watch it.”

Humikab si Johann at sumandig ang ulo nito sa balikat niya. “Ang sarap matulog ng
ganitong oras, Misis.”

“I know. Buksan na kasi natin ang aircon sa room para maka-siesta tayo. It’s so
mainit, o!”

“Mas masarap nga matulog na ganito ang panahon.”

Napatili siya nang hapitin siya nito sa baywang at sumubsob ang mukha nito sa leeg
niya. “What are you doing?!”

“Sshh. Marinig ka ng mga kapitbahay... inaantok ako, Misis,” inaantok nga na wika
nito.

Pilit niya itong itinulak. “Ano ba, lumayo ka nga. Ang init-init tapos ang lagkit
mo pa.” Kinikilabutan si Sapphire dahil topless pa rin ito at kung makahapit sa
kanya ay parang pag-aari siya nito. Nararamdaman pa niya ang mainit na hininga nito
sa leeg niya. Nagtatayuan ang balahibo niya sa batok.

“Hmm...” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa baywang niya. At talaga
namang binaon na nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya!

“Johann!” Nabato siya sa pagkakaupo. Ayaw niya nang puwesto nila dahil hindi siya
sanay nang ganito. She does not know how to handle the fact that a man was hugging
her tightly like these. “Johann!”

Pero hindi na umiimik ang binata. Nang makiramdam siya sa paghinga nito ay natulog
nga ang lalake!

Argh! Pagkagising talaga nito ay lagot ito sa kanya! Napakadami na nitong nilalabag
sa kasunduan nila!

Sapphire, wala naman kayong ibang kasunduan kundi ang maging faithful sa isa’t isa
and no sex. Iyon lang. So, walang nilabag na kahit ano si Johann. Even the kiss you
both ‘accidentally’ shared.
Napapikit ng mariin si Sapphire at pinalis ang alaala ng halik ni Johann.
Napatingin siya sa lapag kung saan nangyari mismo ang insidente.

Hinawakan niya ang braso ni Johann at pilit iyong inaalis. Ngunit lalo lang
humihigpit iyon at lalo lang nagsusumiksik sa kanya ang asawa. She wanted to think
that Johann’s just faking his nap, pero talagang tulog ito dahil nang sundutin niya
ang tagiliran nito ay hindi man lang ito nakiliti.

Ramdam na ramdam ni Sapphire ang hubad na dibdib nito sa braso niya. Malagkit pa
ang feeling dahil pinagpawisan ito kanina. At hindi pa ito naliligo! The thing
though, hindi naman mabaho ito. Hindi niya nga ma-describe ang amoy nito. Ganoon ba
ang amoy lalaki? Iyong medyo amoy-pawis pero parang may ibang dating pa rin ang
amoy? But how should she know what a guy smells like? Si Johann pa lang ang naaamoy
niyang lalaki sa tanang buhay niya. Si Johann pa lang at hindi pa talaga ito
naliligo.

Angal nang angal na mainit, then, he won’t take a bath? This guy is really crazy.

Sa huli, wala na namang magawa si Sapphire kundi hayaan si Johann na nakalingkis sa


kanya. Wala na siyang nagawa kundi tiisin ang maya’t-mayang paghipan ng mainit na
hininga nito sa leeg niya. She tried to focus on watching her favorite TV series.
But she failed, lalo na nang hindi niya na rin maintindihan kung bakit ang lakas-
lakas ng tibok ng puso niya.

And she can’t even understand the feeling that she’s enjoying their position now.

Dahil sa mainit na panahon at sa hangin ng electric fan ay hindi namalayan ni


Sapphire na nakatulog na rin siya. And she’s smiling.

Nagising na lang siya maya-maya na nakahiga na siya ng sofa... oh, let her correct
that, nakahiga na sila ni Johann sa sofa! Nagsisiksikan sila at... magkayakap!

Pag-angat niya ng tingin ay tulog na tulog pa rin si Johann. Nakadantay ang mga
braso ni Sapphire sa baywang nito. Gusto niyang umalis sa puwesto na iyon ngunit,
hindi niya mautusan ang sariling katawan na kumilos. Namungay ang mga mata niya at
parang hinihila na naman siya ng antok.

Ah, bahala na! Wala naman sigurong masama na magkayakap sila ni Johann ngayon
habang nagsi-siesta. Mag-asawa sila at... ‘friends’ naman sila.

Isa pa kumportable siya sa mga bisig nito. Inside his arms, she felt
secured. Parang walang aapi sa kanya.

May ganoon palang pakiramdam? May ganoon pala siyang mararamdaman sa


isang yakap ng lalaki? No, sa yakap lang ni Johann niya iyon mararamdaman. Kahit pa
pinipilit siya nitong maghugas ng pinggan, magwalis, magkuskos ng toilet bowl,
maglaba, magplantsa, at magluto, sa tabi lang nito ay mas safe siya.

Buti pa rito, nakakaramdam siya ng ganoon. Sa mga yakap ng Mommy niya,


kahit kailan ay hindi niya naramdaman iyon. Kahit kailan ay hindi niya naramdamang
okay siya lalo na kapag nag-uuwi ng boyfriend ang ina niya.

She let out an inward sigh at hinayaan niya nang tangayin siya ng
panaginip. Sa panaginip niya, hindi siya man-hater. Sa panaginip niya, malaya
siyang kiligin sa mga ngiti at hirit ni Johann.

Sa panaginip niya, wala siyang Mommy na walang pakialam sa anak nito


oras na makakita na ng ibang lalake.

Buti pa si Johann, kahit wala pang isang buwan na magkakilala sila, may
pakialam ito sa kanya.

=================

Chapter Eight

CHAPTER EIGHT

MUKHANG kawawa na prinsesa ang itsura ni Sapphire habang naglilinis siya ng toilet
bowl. Kahit pangalawang beses niya na iyon sa paglilinis ng banyo ay nandidire pa
rin talaga siya sa paglilinis. Mas okay na lang na maghugas siya ng pinggan o kaya
ay magwalis. So far, sa lahat ng chores na natutunan niya, ang paglilinis talaga ng
banyo ang pinaka-ayaw niya.

"O, bakit nakasimangot ang misis ko?"

Inirapan niya lang si Johann na nasa bungad ng pinto ng banyo. Naka-uniporme na ito
at umiinom ng kape. Tapos na ang one-week honeymoon leave nito sa university kaya
papasok na ito.

"Ang sungit mo naman sa umaga. Papangit ka niyan, sige ka."

"I don't get it why I have to clean the toilet this early morning!" angal niya at
saka tinanggal ang gloves na suot. Tapos na ang nililinis niya. Puting-puti na ulit
ang bowl.

"Huwag ka ng umangal. Tapos na, eh. Nakapaglinis ka na."


May point. "Whatever. Babaguhin ko iyong ginawa mong schedule, hindi na ko
maglilinis ng banyo sa umaga," aniya habang naghuhugas ng mga kamay. Pagkatapos ay
tinulak niya ito para makalabas siya ng pinto.

Dumiretso siya sa dining table at saka kumain ng niluto ni Johann na agahan which
is hotdogs and scrambled eggs. Bumili rin ito kanina ng pandesal sa bakery sa
kabilang street.

"Huwag ka na ngang sumimangot. Smile na, Misis," nakangiting pang-uuto sa kanya


nito at saka inabot ang isang baso ng fresh milk sa kanya.

Hindi niya ito pinansin pero tinanggap niya ang baso ng gatas.

"Ngumiti ka na para may inspirasyon ako sa trabaho ko. Bilis na." Marahang kinurot
pa siya nito sa pisngi.

Ngumiti nga siya. Pero yung halatang fake, yung halatang pilit.

Natawa si Johann. "Ang ganda mo talaga." Inubos na nito ang kape. "Pasok na 'ko.
May klase pa 'ko ng alas-otso." Kinuha nito ang susi ng kotse sa sabitan ng mga
susi sa may tabi ng kusina. "Aalis ka ba mamaya?"

Tumango siya. "Nag-aya sila Lavender na mag-spa at mag-shopping before lunch,"


sagot niya.

"Sige. Kapag umalis ka, siguraduhin mong lahat ng appliances nakahugot sa saksakan,
ha? Patayin mo rin iyong mga ilaw tapos iyong back door siguraduhin mong naka-lock.
Pati iyang pinto sa harap," bilin nito. "Anong oras ka uuwi?"

"I don't know. Anytime I like."

Kumunot ang noo nito. "Huwag kang magpagabi. Wala akong kasama mag-dinner."

"So?" Eh, paano kung mapasarap sila ng mga pinsan niya sa pagsha-shopping?
Siyempre, hindi naman siya puwedeng umalis at iwan ang mga pinsan.

"Anong 'so'? Paalala lang, Misis, hindi ka na single. May asawa ka ng pogi na uuwi
mamaya at magluluto ng hapunan. Get home before seven."

Now, she has a curfew? Argh! "I'll try."

"Kapag ikaw, hindi ka umuwi bago mag-alas siyete, papaluin kita sa puwet."

"Subukan mo lang."
"Joke lang. Basta umuwi ka, ha? Ayokong masyado kang ginagabi sa labas ng bahay.
Babae ka pa man din. May asawa ka pa. Kapag may nakakita sa'yo sa labas na sobrang
gabi at hindi ako kasama, baka isipin, pabaya akong asawa. Masisira din image mo,
sige ka."

May point na naman ito! Lagi na lang. "Okay, fine! Umalis ka na nga. You're going
to be late for your class," pagpapalayas niya na rito.

Tumingin ito sa Rolex wristwatch nito. "Oo nga. Sige, iyong mga bilin ko, ha?"
Naglakad na ito palabas ng pinto.

She just waved her hand to dismiss him. Pinagpapatuloy niya na ang pagkain nang
bumalik ito sa tabi niya.

"Kiss ko?" biglang sabi nito. Binaba pa nito ang ulo sa tapat niya.

Napaatras ang leeg niya. "And why should I kiss you?" mataray na sabi niya. Pero
bigla siyang nataranta sa sinabi nito.

"Ginagawa ng mag-asawa iyon. Bago umalis at pagkarating ng bahay, may kiss."

"Asawa lang kita sa papel. Remember?"

"O, sige. Friendly kiss na lang. Sa cheeks." Itinapat pa nito ang cheeks sa kanya.

"Ganoon ba iyon? May friendly kiss ba talaga?" Palibhasa, wala siyang friends.
Malay niya ba.

"Oo. Iyong beso-beso. Hindi ka ba nakikipag-beso?"

"Nakikipag-beso."

"Eh di kiss mo na 'ko sa cheeks. Friends naman tayo, diba?"

Tinignan niya ito at kinunutan ng noo. "Inuuto mo ba 'ko, Mister?"

"Hindi kaya," depensa nito. "Sige na, Misis. Kiss mo na'ko. Para makaalis na 'ko."

Para matapos na lang ay hinalikan niya ito sa pisngi. Friendly kiss lang naman daw.
Fine. Pagkatapos niya itong halikan sa pisngi ay kumain na ulit siya. Napapitlag
lang siya nang ito naman ang humalik sa kanya sa pisngi.
"Ingat ka mamaya sa lakad niyo ng mga pinsan mo. Ba-bye!" paalam na nito habang
lumalabas. Narinig niya ang pag-start ng kotse at ang pag-alis niyon.

Napahawak siya sa pisngi na hinalikan ni Johann. Pinunasan niya iyon dahil may
kaunting laway.

Yuck!

Then, she remembered there 'accidental kiss' na dapat ay kinakalimutan niya na.

Napangiwi siya. Double yuck! Bakit naman niya biglang naalala iyon?

Napailing-iling na lang siya at tinapos ang pagkain. Nagligpit siya ng pagkain at


saka naglinis ng lamesa. Naghugas rin siya ng pinagkainan kahit hindi naman dapat
siya ang naghuhugas. Aba't nalusutan siya ng asawa niya! Ito ang paghuhugasin niya
ng pinggan mamayang gabi para fair.

Maya-maya ay naligo na siya at nag-ayos. Susunduin siya ng pinsang si Lavender para


sabay na silang pumuntang spa. Since, wala siyang sariling kotse dahil hindi niya
puwedeng iuwi sa bahay nila ni Johann-wala kasing parking space, ayaw naman niyang
mag-taxi kaya nagpasundo na lang siya sa pinsan.

By nine A.M. ay nasundo na siya ng pinsan.

"Ang cute ng bahay niyo ni Johann. Simple and small but I can sense the homey
feeling," komento nito habang nagmamaneho.

"Yeah. Okay lang naman ang bungalow niya. Kung hindi niya lang ako pinaglilinis ng
banyo," angal pa rin niya.

She laughed. "Is it true? Iyong text message mo sa'min na tinuruan ka ni Johann ng
chores?"

"Hell, yeah! The first week of our marriage was him teaching me to do the house
chores! Can you believe it?"

"Well, it's about time that you learn doing some house chores, Saphi. Sa'ting
magpipinsan, ikaw lang hindi marunong kumilos sa bahay. Masyado ka kasing ini-spoil
ni Lola."

She pouted. "That's not my fault." Hindi niya naman kasalanan na busy masyado ang
Mommy niya na ma-inlove at hindi siya maturuan kung paano kumilos sa bahay. Ang mga
pinsan niya kasi, although rich and 'sosyalin' like her, tinuruan ang mga ito na
kumilos sa bahay. Ang mga Auntie niya ang nagturo sa mga ito noong mga teens pa
lang sila.
Minsan nga naiinggit pa siya sa mga ito dahil may ina ang mga ito para magturo ng
ganoon. Gusto niya rin namang matuto noon pero ang gusto niya ay ang Mommy niya ang
magtuturo sa kanya. Hanggang sa umabot siya ng edad niya ngayon, hindi niya akalain
na sa asawa niya pa matututunang gumawa ng mga gawaing-bahay.

Pagdating nila ni Lavender sa isang mamahaling spa ay naghihintay na sa kanila roon


sina Haley at Crystal Jane.

"So, how's the new wife?" kumusta ni Haley sa kanya.

She shrugged. "Just fine." Bumeso siya rito. "Buti na lang talaga at nag-aya kayo
mag-spa! I badly need this for all the chores that Johann made me do!"

Crystal Jane laughed. "Para namang inalipin ka ng asawa mo."

"Well, I feel like it."

Sinimulan na silang i-accommodate ng mga masseu.

"How about Johann? How is he being a husband?" Haley asked again.

"Makulit. Lagi niya kong pinipilit sa mga pinapagawa niyang house chores. Hindi
niya 'ko pinapayagang buksan ang aircon sa hapon. Laging naka-topless!"

Her girl cousins giggled.

"There's nothing funny, girls! Ang baduy niya pa. Alam niyo ba kung anong tawag
sa'kin?"

"What?"

"'Misis'!"

"Oh, that's sweet!" Crystal Jane commented.

"It's kinda baduy, but, yeah, it's sweet," dagdag pa ni Lavender.

Umingos siya at pumasok ng isang banyo. Paglabas niya ay bathrobe na lang ang suot
niya. Ganoon din ang mga pinsan niya. Sabay-sabay na pumasok sila sa isang sauna.

"Pero mabait naman si Johann, sa'yo? I mean, hindi siya nagte-take advantage?"
"O-Oo. Nirerespeto naman niya 'ko." Hindi na niya kailangan pang ikuwento ang
aksidenteng halik ni Johann na tinugon niya. At hindi niya rin ikukuwento ang isang
hapon na natulog sila ng asawa na magkayakap. Naalala niyang pagkagising nilang
dalawa ni Johann ay parang wala lang kaya hindi naman sila nagka-ilangan.

"Is it also true na sa one room and one bed lang kayo natutulog?" tanong ni Haley.

Tumango siya. "Oo. Malaki naman ang kama niya. Nasa magkabilang gilid kami and,
behave naman siya. Minsan pilyo lang. Madami siyang green jokes sa gabi." Palagi
kasing matagal silang makatulog ni Johann kahit pa nakahiga na silang pareho. Para
makatulog, nagkukuwentuhan sila ng kung anu-ano. At ang magaling na lalaki, madalas
mag-green joke. Hampas ng unan ang inaabot sa kanya. Ngunit mas madalas, natatawa
na lang siya.

Patuloy sa pagtatanong ang mga ito na patuloy rin naman niyang sinasagot.
Pagkatapos nilang mag-sauna ay dumiretso na sila sa massage room. Hinubad nila ang
mga bathrobe at nagtapis ng tuwalya. Sumunod ay nakadapa na silang nakahiga sa
massaging bed.

Laking ginahawa ni Sapphire nang sinimulan na siyang masahiin. "Oh! I really need
this! Sumakit ng sobra ang likod ko nang pinaglaba ako ni Johann noong isang araw.
Sumakit din ang batok ko nang pinagplantsa niya 'ko."

They giggled.

"Masasanay ka rin, Saphi."

Umungol lang siya. "Lagi ko na lang pinapaalala na one year lang naman kaming
magkakasama. Kaya okay na lang din."

"Nakuha mo na ang part ng mana mo, right?"

"Yes," nakangiting sagot niya habang nakapikit. Sarap na sarap talaga siya sa
ginagawang pagmasahe sa likod niya. "This week, I would be able the half of the
money. Puwede na 'ko mag-start maghanap ng place for my future bookstore!"

Natuwa rin ang mga pinsan niya at nagsimula na siyang magkuwento ng mga plano niya.
Maya-maya ay nakatulog siya habang minamasahe pa sila. After an hour, she woke up
feeling so light.

Pagkaalis nila sa spa ay sobrang gaan ng pakiramdam niya at all smiles pa siya.
They went to the mall, had their lunch and shopped for new clothes. Masaya si Saphi
kapag kasama ang mga pinsan niya. Mga little sisters ang turing niya sa mga ito
kahit minsan ay siya pa ang pinagsasabihan ng mga ito.
"Haley, totoo ba ang nasa newspaper ng isang araw?" tanong ni Crystal Jane kay
Haley habang nagsuskat sila ng mga sapatos.

"Anong mayroon sa newspaper?" natanong niya.

"Nasa blind item ngayon ang isang vice-mayor ng isang maliit na province na
nakitang nakikipagmake-out sa isang young socialite na anak ng isang governor in
that same province."

Her eyes widened and looked at Haley. "Vice-mayor? Si Gideon? Nakipagbalikan ka ba


kay Gideon? Eh di'ba may fiancee na siya?"

Haley winced. "We're drunk that night, okay? W-Wala lang iyon."

"Huwag ka ngang tanga, Haley. Ayan ka naman, eh," saway niya sa pinsan. "He's too
old for you!"

"Twelve years lang naman ang tanda niya. Iyong iba nga, decades ang pagitan ng age.
At saka... wala lang kasi iyon."

"You're young. Maghanap ka naman ng kasing edad mo lang na twenty-one or twenty-


two. At saka puwede iyong walang sabit?" aniya rito. "Pero kasalanan din naman ng
Gideon na iyon. May sabit na nga, nakikipaghalikan pa sa'yo. Ugh, men!"

"Kung magsalita ka naman, parang hindi siya pinsan ng asawa mo."

Humalukipkip siya. "I don't care. Nagpakatanga ka na minsan, huwag ka ng umulit."


Bumaling siya kay Crystal Jane at Lavender na tahimik na nagsusukat ng sapatos.
"Kayo ring dalawa. Subukan niyo lang na magpakatanga na naman sa the same guy at
masasaktan lang kayo ulit. Alam kong wala pa kayong mga closure kanina Reynald,
Ramses, at Gideon, but that does not mean na hindi na kayo magkaka-closure. Once
and for all, dapat matapos na ang katangahan niyo sa mga lalaking iyon. Sila, naka-
move on na. Kayo, hindi makakita ng iba, dahil ano? Umaasa pa rin kayo na sila ang
makakatuluyan niyo?" sermon niya sa mga ito.

"Yeah, right, Saphi. Sinasabi mo lang iyan kasi hindi ka pa nagmahal," ani Haley.
"Hindi mo kami masisisi o kahit sila Gideon kung bakit umaasa pa rin kami kahit
masakit na. Tanga na kung tanga, but won't you hope for another chance with the man
who made you feel so special?"

"Hindi. Kung ang mismong lalaki rin iyon ang nagparamdam sa'kin kung gaano ako
katanga."

"Hindi naman kasalanan lahat ng lalaki iyon," pagtatanggol pa no Crystal Jane. "We
chose to love them so we faced the consequences."
"Kaya pumayag kang maging rebound girlfriend noon?" sarkastikong sabi niya na
nakapagpaamang rito.

"Hey!" saway ni Lavender. "That's below the belt, Saphi. We get it, you're a man
hater. Pero galit ka lang naman sa kanila, hindi dahil lalaki sila at kaya nilang
magmanipulate ng babae. Galit ka lang naman sa mga lalaki dahil nagseselos ka sa
mga naging boyfriends ng Mommy mo noon. Kasi sila nabibigyang oras ng Mommy mo pero
ikaw, hindi!"

"Lavender!" saway naman ni Crystal Jane rito.

Sapphire greeted her teeth. "That's not true!"

"Get real, Sapphire! Man-hater ka ng man-hater pero sa totoo lang you're just a
daughter who was deprived by her own mother's attention!"

Hindi na napigilan ni Sapphire ang sarili at sinugod niya si Lavender. Sa lahat ng


pinsan niya, ito talaga ang madalas niyang makaaway. "You, bitch!" pamemersonal
niya na rin rito. "Nasasaktan ka kasi pumatol ka kay Reynald kahit alam mong may
steady girlfriend siya noon! Mas nasaktan ka nang mas piliin ni Reynald ang
girlfriend niya kaysa sa'yo! Instead of hating him, you just loved him more kasi
ikaw ang nang-akit! Ikaw ang third-party!"

Napatili si Haley nang magsabunutan na sila ni Lavender. Pinigilan sila ni Crystal


Jane at pati ng mga saleslady ng shoe store ay pumagitan na.

Para silang bata ni Lavender na nagsabunutan. Ang dami pa nilang mga binatong
masasakit na salita sa isa't isa. Hindi sila mapigil ng mga pinsan at mga saleslady
hanggang sa tumawag na ng security.

"What happened here?" tanong ng isang tinig na pamilyar kay Sapphire.

Hawak-hawak na siya ng isang security nang mapalingon siya sa may entrance ng shoe
store.

"M-Mommy?"

Napatingin sa kanya ang Mommy niya na hindi mapagkakamalang ina niya. Sa eleganteng
itsura at get up nito na tights at sleeveless blouse na mas sexy pa sa kanya ay
aakalaing nakatatandang kapatid niya lang ito. Kinulot pa nito ang mahabang buhok
at naka-high heels ng sobrang taas.

"Sapphire!" gulat rin na wika nito at saka lumapit sa kanya. Binitiwan na siya ng
mga security. "Nakipag-away ka ba, anak?"

"Auntie Mercy!" bulalas rin ng mga pinsan niya maliban kay Lavender na masama pa
rin ang tingin sa kanya. Kanina lang ito ang sumundo sa kanya pero ngayon magkaaway
na sila. Well, bukas, paniguradong okay na sila.

"Nakipag-away ka kay Lavender?" gulat na bulalas ng ina niya nang makitang magulo
rin ang buhok ni Lavender katulad niya. "Hay nako! Hindi niyo na kinalakihan iyan
at sa public place pa kayo nag-away." Bumaling ito sa mga pinsan niya. "Girls, come
on." Bumaling naman ito sa mga personnel at humingi ng pasensya. Babayaran na lang
daw nito ang damaged na nagawa nilang magpinsan kung mayroon man.

Siya, shocked pa rin sa pagkakita sa ina. "M-Mommy, hindi ba nasa ibang bansa ka
pa?" natanong niya rito habang naglalakd na sila palabas ng mall. Nasa likuran ang
mga pinsan niya at nakasunod sa kanila.

"Actually, kakauwi ko lang kanina. Dito ako dumiretso para sana bilhan ka ng
wedding gift. Then, napadaan ako sa shoe store na iyon and we saw each other! Hay,
anak, bakit ka ba nakipag-away sa pinsan mo?" malumanay na tanong nito.

Hindi siya sumagot. Pati mga pinsan niya ay hindi na nagsalita hanggang sa
magdesisyon na lang silang umuwi. Nagkatinginan lang sila ni Lavender bago inirapan
ang isa't isa.

"Mommy, bakit ganyan ang suot mo?" saway niya sa ina habang nasa kotse na nito
silang dalawa. Saka pa lang rin napansin ni Sapphire na alas-singko na pala ng
hapon.

"Anong problema sa suot ko?" balik-tanong nito.

"Nakalabas na ang cleavage mo!"

Natawa ito. "What's wrong? Ikaw rin naman, ah?"

"I'm twenty-eight." Hanggang ngayon hindi pa rin mag-sink in sa utak niya na kasama
niya na ang ina at inihahatid siya nito pauwi.

"And I'm just... forty-six. I'm still sexy, so why not flaunt it, right?"

Isa lang ang ibig sabihin kapag nagpapakita na naman ang Mommy niya ng cleavage at
ng ka-seksihan nito. Single na naman ito at naghahanap na naman ng bagong
boyfriend. Kaya siguro ang aga nitong umuwi dahil nakipag-break na sa boyfriend na
dapat ay kasama nito sa States.

Napailing-iling na lang siya. Hindi na siya nagsalita puwera na lang kapag tinuturo
niya ang direksyon kung saan ang bahay ng asawa.

Nang makarating na sila sa bahay ay gulat ang ina niya sa nakita.


"I thought you married an Anderson? So, why are you living in this... kind of
house?" di-makapaniwalang sabi nito.

Pinapasok niya ito sa loob ng gate. Nasa loob na ang kotse ni Johann.

"Huwag ka na magtanong, Mommy. Halika, pakikilala kita sa asawa ko."

Binuksan niya ang pinto at agad na umamoy ang niluluto ni Johann. If she's not
mistaken, chicken curry ang niluluto nito.

"Hubarin mo ang heels mo, Mommy."

"Why?" nakataas-kilay na tanong nito.

"Ganito kasi rito." Nauna na niyang hubarin ang sandals at saka tumuloy ng bahay.
"Johann!"

"Uy, Misis, nandyan ka na pala," sumilip ang ulo nito mula sa kusina. "Masunuring
bata. Umuwi nga before seven. That's good!"

"Kasama ko si Mommy."

Halata ang pagkagulat nito. "Mommy mo?"

Itinuro niya ang ina na nasa pinto pa rin, nakayuko at inaalis ang heels nito.
Tuloy, nakikita na ang boobs nito.

"Ma! Your boobs, my god!" Mabilis niyang tinakpan ang ina.

Natawa lang ito na parang walang pakialam. "Oh, sorry."

Napalingon siya kay Johann. From his view, siguradong nakita rin nito ang nakita
niya.

"Wala akong nakita," tanggi agad nito kahit hindi pa siya nagsasalita. Lumabas ito
mula sa kusina at binati ang kanyang ina. "Good evening po, Ma'am."

"Oh! You're Johann Anderson?"

Her husband charmingly smiled. "Yes, Ma'am. Ako po ang asawa ng anak niyo. Nakauwi
na po pala kayo dito sa Pilipinas. At ang ganda niyo po! Para lang kayong
magkapatid ni Sapphire."
Her mom flatteringly laughed. "Oh, thank you. Huwag mo na 'kong i-'po' and
i-'Ma'am. Just call me by my name or call me, 'Mommy' too."

"Nako, parang ang hirap naman pong tawagin kayong Mommy. You're too sexy to be my
mother-in-law" bola ni Johann. Siyempre, nagpabola ang mommy niya.

At may nakita si Sapphire na pamilyar na tingin sa mga mata ng kanyang ina.

Iginiya ito ni Johann sa sofa at nakipagkuwentuhan. Agad na nagchikahan ang mga


ito. Nakalimutan bigla ng mga ito ang existence niya!

Kinalabit niya si Johann. "Excuse me lang, Mommy," paalam niya sa ina. "May
sasabihin lang ako kay Johann. Feel yourself at home," sabay hila kay Johann sa
kuwarto nila.

"Hoy, Mister! Huwag mo ngang binobola si Mommy na maganda at sexy!" saway niya rito
nang nasa kuwarto sila. Hininaan niya lang ang boses para hindi sila marinig.

"Ha? Hindi ako nambobola. Maganda at sexy naman ang mommy mo. Nagulat nga ako. Mas
malakas pa sex appeal ng nanay mo kaysa sa'yo."

Napasinghap siya at malakas itong hinampas sa braso. "Anong sabi mo?!"

Ang lakas ng tawa nito. "Joke lang. Para sa'kin, ikaw pa rin ang pinakamaganda,
Misis. Pa-kiss nga." At mabilis na nahalikan siya nito sa pisngi.

"Johann!" saway niya rito.

Nag-peace sign ito. "Friendly kiss lang iyon. Huwag bigyang malisya."

Napailing-iling na lang siya. "Basta, wag mo masyadong binobola si Mommy at saka


umayos ka kapag kinausap mo siya. Paramdam mong mas matanda pa rin siya, okay?
Huwag makikipag-usap na parang magka-age lang kayo."

"Ang cool kaya ng Mommy mo. Halatang mas masiyahin siya kaysa sa'yo."

"Whatever. Basta, iyong bilin ko, okay?"

"Masama bang i-compliment ang mommy mo?"

"Hindi. Basta. Kagagaling niya lang sa break up. At saka don't let her touch you.
Yung kahit pahampas-hampas lang," paalala niya pa rito.
"Bakit?" tanong na naman ito. Clueless ba talaga ito?

"Hindi mo ba napansin?"

"Na alin?" kunot-noong tanong nito. "Wait, bakit ang gulo ata ng buhok mo? Parang
nakipagsabunutan ka."

"Nag-away kami ng pinsan ko kanina. Nagkasabunutan kami sa mall."

Nanlaki ang mga mata nito. "Ano? Nakipagsabunutan ka sa mall?"

"Oo. Pero mamaya ko na ikukuwento sa'yo. Bumalik na tayo sa labas. Basta, sundin mo
ang bilin ko, alright?"

"Wait, ano ba dapat na mapansin 'ko? Ayaw ba sa'kin ng Mommy mo?"

Umiling siya. "Nakita ko sa mga mata niya kanina. Alam na alam ko. Type ka ni
Mommy!"

=================

Chapter Nine

CHAPTER NINE

"TYPE ka ni Mommy!"

Napakunot-noo si Johann. "Paanong type? Type na maging manugang? O anong masama


roon?"

"Stupid! Hindi iyon. Type ka ni Mommy. As in boyfriend material type!"

Ang lakas ng tawa nito. "Ang pogi ko naman. Shet!"

Hinampas niya ito sa braso. "Magseryoso ka nga! Basta tandaan mo ang mga sinabi ko,
okay? Huwag ka magpapa-cute kay Mommy."

Humalukipkip ito. Hindi na ito tumatawa ngunit ang mga mata nito ay halatang aliw
na aliw. "Misis, what made you think na magpapa-cute ako sa Mommy mo? Pogi nga ang
mister mo, pero magalang 'to!" sabay turo sa sarili. "Magpa-impress man ako,
magpapa-impress ako para mapatunayang karapatdapat akong maging asawa mo."
Siya naman ang nangunot ang noo. "You don't have to prove anything to my mom. Alam
naman niya ang real status natin. I mean, alam niyang nagpakasal lang ako sa'yo
just to have my inheritance."

"Ay, ganon? Sige, magpapa-cute na lang ako sa Mommy mo-aray!"

Malakas niya kasing kinurot ito sa tagiliran. "I know that my Mom is a sexbomb, but
please, don't lead her on."

Napakamot sa ulo si Johann. "Joke lang kasi iyon, Misis. At sinong matinong lalaki
na papatol sa ina ng asawa niya? Maybe, hindi tayo mag-asawa sa totoong kahulugan
niyon pero ginagalang naman kita. Lalo na ang Mommy mo. Kahit hindi mo 'ko warning-
an, I'll never flirt back to your Mom." Nagsalubong ang kilay nito. "Ang baba naman
yata ng tingin mo sa'kin?"

Johann looked offended and guilt stroke Sapphire. Napayuko siya. "Eh, kasi..."

"Kasi ano?"

Napanguso siya. "Nasanay lang kasi ako... Yung mga kaedaran mo kasi na lalaki ang
mostly na nagiging boyfriend ni Mommy. Well, hindi ko naman sila masisisi kung
attracted talaga sila sa Mommy ko." Her mother does not look her age and she's too
young looking to have a twenty-seven year old daughter. Sobrang ganda at nag-
uumapaw ang alindog ng Mommy niya.

Johann lifted her chin and looked at her. "Iba ako sa kanila. Okay?"

Iniwas niya ang baba. "Lalaki ka rin. Paano kang naiba?"

"Kasi pogi ako."

She rolled her eyeballs. "May mas guwapo pa sa'yo."

"Oo nga. Pero wala silang asawa na man-hater."

"What?" Hindi niya ma-gets ang point.

Inabutan siya nito ng suklay. "O, magsuklay ka muna para maintindihan mo 'ko. Next
time na makikipagsabunutan ka sa mall, siguraduhin mong hindi rin nag-shake iyang
utak mo para nagkakaintindihan tayo."

Kinuha niya ang suklay at nagsuklay nga. "Basta, Johann, ah..." paalala niya ulit
dito.
"Yes, Misis!" Sumaludo pa ito sa kanya at saka lumabas ng kuwarto nila. Agad naman
siyang sumunod rito habang nagsusuklay pa siya ng buhok.

"Mommy Mercy, dito na po kayo mag-dinner. Nagluto po ako ng hapunan," magiliw na


paanyaya ni Johann sa Mommy niya.

"Oh! That would be nice!" Nagniningning pa ang mata ng kanyang ina. "I'm impressed
that you can cook. Iilan lang ata ang lalaki na kayang magluto," sabay hawak pa ng
ina niya sa braso ni Johann.

"Ay, oo, Mommy!" Bigla niyang singit at saka kinuha ang braso ni Johann na hawak
nito. Inakbay niya pa mismo iyon sa balikat niya. "Naranasan po kasi ni Johann na
maging houseboy noon kaya marami siyang trabahong pambahay na alam."

"Really?" Her mother looked shock. Hindi siguro nito inaasahan na naging houseboy
ang asawa niya.

"Opo," nakangiting sagot ni Johann. "Nung ten years old po ako, hindi ko pa po
kilala ang totoo kong ama, namasukan po ako. Hanggang sa kinalakihan ko na po." Mas
hinapit siya nito sa balikat. "Nagluto rin po ako ngayon kasi alam kong wala 'tong
si Sapphire. Naisip ko po na ipagluto siya."

Lihim siyang napataas ng kilay. Siya? Ipagluluto ni Johann? Wala lang itong choice
ngayong gabi.

"I told you, Johann, stop using 'po' or 'opo'," malambing na sabi ng ina.

Johann chuckled. "Nako po, hindi ko po kasi mapigilan. Nanay po kayo ng asawa ko
kaya sa isip ko, naka-program na po talaga na magbigay galang po ako sa inyo."

Hah! Beat that, Mommy!

Hindi na sumagot ang Mommy niya at iniba na lang nito ang topic. Mukhang napahiya
ito or what. Napahiya siguro sa sarili dahil maka-ilang beses na pinangalandakan ni
Johann na siya ang asawa at nanay niya ito. Very consistent pa ang "po" at "opo" ng
mister niya.

Umupo na sila sa hapag. Magkatabi sila ni Johann habang nasa tapat nito ang Mommy
niya.

"So, Johann, what do you do?" tanong ng Mommy niya habang kumakain na sila.

"Professor po ako sa UP. Pero mga minor Math subjects lang po ang tinuturo ko.
Highschool teacher din po ako pero half load lang po ang kinuha ko ngayong school
year," sagot ni Johann habang nilalagyan ng kanin ang plato nito.

Nang kukunin niya na rito ang lalagyanan ng kanin ay hindi siya nito hinayaan. Ito
pa ang mismong naglagay ng kanin sa plato niya.

"Okay na iyan, Misis?" tanong nito pagkatapos siyang pagsilbihan ng kanin.

"Ah...d-dagdagan mo pa."

Ngumiti ito at dinagdagan ng kanin ang plato niya.

"So, you're a licensed teacher pala. That's pretty impressive. Pero, don't you have
plans to build a business? Hindi ka naman yayaman sa pagiging professor at
highschool teacher lang," komento ng Mommy niya.

Kukunin niya na sana ang bowl ng chicken curry pero naunahan na siya ni Johann. At
katulad sa kanin, nilagyan din nito ng ulam ang plato niya.

"Wala naman po akong planong magpayaman. Maganda naman po ang buhay ko. Nakakakain
ako ng tatlong beses sa isang araw, minsan apat pa nga po kapag sinama ang
merienda. Minsan din lima po kapag may midnight snacks."

Her mother chuckled. "You're a funny guy. But honestly, wala kang planong yumaman?
O kasi mayaman ka naman na? You're an Anderson. Kahit hindi ka magtrabaho,
mabubuhay ka."

"Hindi naman po ako ang mismong mayaman. Ang tatay ko lang po. Masarap po ang
maging mayaman. Totoo naman. Wala naman yatang tao na hindi iyan pinangarap. Pero
minsan po, kung hindi naman kulang ang mayroon ka, bakit ka pa maghahangad ng
sobra?"

Hindi namalayan ni Sapphire na tumatangu-tango siya habang ngumuya ng pagkain.


Gusto niya ang sinabi ni Johann. Aba't hindi lang pala puro kalokohan 'tong mister
niya!

"But sometimes, having just is never enough," her Mommy disagreed.

"Nasa sa inyo po iyan kung paano niyo binibigyang kahulugan ang salitang 'sapat',"
Johann answered in his light tone. "Ako lang po, sobra-sobra na sa'kin na may misis
akong sobrang ganda." Sabay baling nito sa kanya at saka kindat.

Muntikan nang mabulunan si Sapphire. Okay na, eh! Tapos bigla itong hihirit ng
ganoon? Palihim na inirapan niya lang ito dahil sa malapad na ngisi ng loko.

"Gusto mo ng juice, Misis?"


"Oo. Para mabuhos ko sa'yo."

Johann laughed. "Ang sweet mo talaga," sabay pisil sa pisngi niya. "Pa-kiss nga."
At hinalikan nga siya nito sa pisngi bago tumayo para magtimpla ng juice!

Mabilis ang loko! Naisahan na naman siya!

"You married a wise guy," sabi sa kanya ng ina nang sila na lang ang nasa lamesa.

Nagkibit-balikat lang siya. She saw the admiration in her mother's eyes.

"Ang mga ganoong lalaki, minsan lang nakikita. Kung ako sa'yo, anak, hindi mo dapat
siya pakawalan. And did I mention that he's obviously caring and sweet?"

Napasimangot siya. How come that her mother can see that through Johann? Wala pa
nga atang isang oras na magkakilala ang mga ito ay nasasabi na agad iyon ng Mommy
niya?

At si Johann, wise, caring, and sweet?

Huwag itanggi, Sapphire. True naman.

Lalo siyang napasimangot. "Pinaglilinis kaya niya 'ko ng banyo," sumbong niya sa
ina.

Her Mom chuckled. "Now you know how to clean the toilet? That's nice!"

Ay, grabe. Ang weird talaga ng tao sa paligid niya. Isa ba talagang magandang bagay
na maglinis ng inidoro? She can't understand.

Bumalik na si Johann na may dala-dalang isang pitsel ng mango juice na maraming-


maraming yelo. Ito na ang nagsalin ng juice sa baso nilang tatlo.

Nang makaupo na ulit ito ay pasimple niyang siniko ito.

"Aw!" mahinang daing nito at napahawak sa tagiliran. "Ano na namang ginawa ko,
Misis?" pabulong na tanong nito.

"You kissed me on the cheeks! Nakakahalata na 'ko sa'yo. You always make tsansing
to me."
"Eh di gumanti ka. Halikan mo rin ako sa cheeks," nakangising bulong nito.

Kukurutin sana niya ito ngunit mabilis nitong nahuli ang kamay niya at siya ang
sinundot nito sa tagiliran. Napapiksi siya dahil sa gulat at kiliti. Ginamit niya
ang isa niya pang kamay para gumanti pero nahuli din nito iyon sabay sundot pa uli
sa tagiliran niya.

Tahimik na natawa ito sa reaksyon niya. Pilit niyang binawi ang kamay pero hindi
siya nito hinayaan. Para silang batang naghaharutan.

Tumikhim ang Mommy niya kaya napatigil sila ni Johann.

"You, two, look good together. May plano ba kayong gawing totohanan ang kasal
niyo?" tukso nito na may naglalarong ngiti sa mga labi.

Nagkatinginan sila ni Johann. Natawa si Sapphire. "No way!"

Ngumiti lang si Johann at hindi pa rin pinapakawalan ang kamay niya. Hindi tuloy
siya makakain.

"Bakit naman, anak? Oh, you don't know what would happen in the future. Malay mo,
destiny will take place."

"Hanggang ngayon naniniwala ka pa rin sa destiny, Mommy? Ang tanda mo na."

"Bakit naman hindi, Misis? For all ages naman ang destiny." sabad ni Johann. "At
totoo naman iyon."

So, destiny na mabuntis ang Mommy niya at hindi panagutan? Destiny na magkaroon ng
maraming boyfriends ang Mommy niya para lang sumaya ito? Gustung-gustong sabihin
iyon ni Sapphire pero pinigilan niya ang sarili. Destiny is just a shit.

"Can you let go of my hand? I want to eat," mataray na wika niya sa asawa.

"Pero paano nga kung destined for each other tayo, ano?"

Kinilabutan si Sapphire. "Eeew! Huwag ka nga, Mister! You're creeping me out!"

Natawa ito at ang Mommy niya.

Pinakawalan na ni Johann ang mga kamay niya pero bago iyon ay hinalikan muna nito
iyon. "Ang bango ng kamay mo. Amoy chicken-curry."
Inirapan niya ito at saka inubos ang kinakain. Sa mga sumunod na oras ay ang Mommy
niya at si Johann lang ang nag-uusap. Inobserbahan naman ni Sapphire ang ina.
Mukhang wala na itong intensiyon na magpakita ng motive kay Johann. Sa endless "po"
ba naman ng mister niya at paulit-ulit na pagtawag rito na "Mommy", sinong hindi
madi-discourage? Para pang ewan si Johann na nilalambing siya.

Yet, she want to salute her husband. Dahil nakuha niya na ang ibig nitong sabihin
kanina.

Iba nga ito. He's different from any other guy. He's responsible and knows his
limits.

"Misis, bakit nakangiti kang mag-isa diyan? May joke ka ba? Share mo naman!"

Biglang napalis ang ngiti niya. Nakangiti pala siya? She's not aware! And wait,
she's smiling while thinking of Johann?

Napangiwi siya. "Ah, w-wala. Wala akong joke." Napasubo na lang siya ng pagkain.

"Akala ko may-joke ka, eh. Bigla-bigla kang ngumingiti diyan," ani Johann. "Kung
hindi lang kita kilala, iisipin kong iniisip mo 'ko, eh," tukso pa nito.

Muntik na naman siyang mabulunan.

~0~0~0~

"I HAD a great time! Next time, kayo naman ang pumunta sa bahay at ipagluluto ko
kayo," magiliw na sabi ng Mommy ni Sapphire sa kanilang mag-asawa.

"Nag-enjoy din po kami, Mommy! Masaya pong makasalo at maka-kuwentuhan kayo kahit
biglaan po ang pagdating niyo," nakangiting tugon naman ni Johann. "Sa susunod po
ulit."

"You know, I like you for my daughter. I can see that you're a great man."

Parang nahiya si Johann at napakamot sa batok. "Great? Hindi naman po. Pogi lang
po, okay na."

Her mom laughed and embraced Johann. "Take good care of Sapphire."

Naningkit ang mga mata ni Sapphire dahil parang ang tagal naman ng yakapan ng mga
ito? Nakita niya pang halos mag-crash na ang boobs ng Mommy niya kay Johann.

Malakas siyang tumikhim na nagpahiwalay naman sa Mommy niya mula sa pagkakayakap


nito sa asawa niya.

"Can I talk to my daughter for a while?" pakiusap ng ina sa asawa niya.

"Wala pong problema. Mauna na po ako sa loob."

"Where will you stay pala, Mommy?" tanong niya nang silang dalawa na lang ng ina.

"Sa mansyon ng Mama, saan pa ba? Doon lang naman ang bahay ko." Siya naman ang
sunod nitong niyakap. Medyo nagulat pa si Sapphire dahil hindi siya sanay na
niyayakap nito.

She hugged back although it's an awkward thing for her.

"I missed you," bulong sa kanya ng Mommy niya.

"I missed you, too, Mommy."

Lumayo na ang ina at hinawakan naman ang pisngi niya. "You're such a big girl now."
May nakita siyang emosyon sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan. Agad din
kasi iyong nawala pagkatapos niyang makita. "Somewhere in your heart, maybe you
could love your husband."

"That would not be possible, Mommy. I'm never gonna love a man." At dahil iyon
dito.

"Open your heart. Masayang ma-inlove, anak," nakangiting sabi nito.

Hindi siya sumagot. Paanong nasasabi pa rin ng Mommy niya na masarap ma-inlove
gayong ilang beses na itong nasaktan?

Hinalikan siya nito sa noo. "Be a good girl. Be a good wife."

She rolled her eyes. "Isang taon lang naman 'to."

"Kahit na. Hindi mo masasabi. Johann's a nice catch. Kapag pinakawalan mo, hindi ka
na makakakita ulit ng ganoong lalaki."

"Kung paglilinisin lang rin ako ng banyo at paglalabahin ng mga briefs, mas
mabuting wala na talaga akong ganoong lalaking makikilala ulit."

Napailing-iling na lang ang ina. "I gotta go, baby," paalam nito at saka sumakay na
ng kotse nito.
Pumasok na agad siya ng bahay pagka-andar ng kotse ng ina.

"Ni-lock mo iyong gate?" tanong ni Johann nang maabutan niya itong naghuhugas ng
mga pinagkainan.

"Yup." Kumuha siya ng plastic container at nilagay ang tirang ulam doon.

"Anong sabi sa'yo ng Mommy mo?" simpleng tanong nito.

Nilagay niya sa lababo ang wala nang laman na kaldero at ang plastic container na
may tirang ulam sa loob ng ref. "Huwag daw kitang pakawalan. Nice catch ka daw."

Napasipol ito. "Tama nga naman."

"Tapos try daw kitang mahalin. What the hell?"

"Bakit hindi? Lovable naman ako."

Humarap siya rito. She boredly stared at him. "Whatever. Basta, one year lang ang
kasal na 'to. After a year, tapos na. Iyon na iyon."

"After a year, puwede na 'ko sa Mommy mo."

Napasinghap siya. "Johann!"

He laughed. "Bakit? Buti pa Mommy mo, na-appreciate ako. Nag-give way lang iyon
sa'yo ngayon hanggang next year."

Malakas na pinalo niya ang braso nito.

"Aray naman! Bakit ba ang bigat bigat ng kamay mo?"

"Huwag na huwag kang makikipag-date sa Mommy ko pagkatapos natin maghiwalay next


year!"

"Uy, selos."

"As if!"

Tapos na itong maghugas at pinunasan na nito ang kamay. "Joke lang naman iyon.
Huwag kang masyadong selosa. Alam mo naman, ikaw lang ang one and only misis ko,"
anito sabay pisil sa ilong niya.

Tinalikuran niya ito at nagmartsa na siya papasok ng kuwarto nila. Nang lumabas
ulit siya ay dala niya na ang tuwalya at pantulog niya papunta sa banyo.

Nag-wash up lang siya sandali. Paglabas niya ng banyo ay fresh na fresh na ulit
siya habang suot ang terno niyang pajama. Malinis na ang lamesa at lababo nang
daanan niya.

Ang tanging bukas na ilaw lang ay ang sa sala. Nandoon si Johann at may ginagawa sa
center table. Nakabukas ang TV pero hindi naman ito nanonood.

"Matutulog na 'ko," aniya rito. "How about you?"

Hindi ito nag-angat ng tingin. "Mamaya na. Tatapusin ko lang 'tong lesson plan ko.
At saka pakikuha naman ang laptop ko sa kuwarto. Gagawa pa 'ko ng pang-lecture
bukas."

Bumalik siya ng kuwarto at kinuha ang laptop bag nito.

"Here," sabay abot niya rito nang nasa sala na ulit siya.

Nag-angat ito ng tingin at kinuha ang bag sa kanya. "Thanks, Misis."

Imbes na bumalik na ulit sa kuwarto para matulog ay umupo siya sa tabi nito.

"Akala ko matutulog ka na?"

"Hindi pa pala ako inaantok," sagot niya habang nakatingin sa TV.

Napatingin naman ito sa kanya. "Namumungay na mga mata mo, hindi ka pa inaantok?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Hihintayin na lang kita."

Tila takang-taka na nakatingin lang ito sa kanya.

"Why?"

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Hindi ka makatulog nang hindi ako
katabi, ano? Ayieee!"
Hinampas niya ito ng throw pillow sa mukha. Tatlong beses. "Don't flatter yourself
too much. Ikaw na nga hihintayin, ang lakas mo pa mang-asar."

"Hindi ka naman maaasar kung hindi ka guilty. Sige na, aminin mo na..." Tumaas-baba
pa ang dalawang kilay nito. "Hindi ka na makatulog na hindi ako katabi, ano?"

Tumayo na siya. "Eh di, matutulog na 'ko. Diyan ka na nga!"

Nahagip nito ang kamay niya. "Alam niyo kayong mga babae, sasabihin niyo lang
sa'min ng simpleng-simple kung anong gusto niyo mangyari, inaartehan niyo pa.
Halika na rito. Sige na, hintayin mo na 'ko. Bibilisan ko na lang 'tong ginagawa
ko."

Umingos siya. "That's not true. We girls don't have to state the obvious all the
time. Hindi na namin kasalan kung may mga boys na slow."

Napangisi ito. "Eh di, inamin mo rin." Malakas na nahila nito ang kamay niya kaya
nag-landing siya sa kandungan nito.

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis sanang tatayo kundi lang siya nito kinabig sa
baywang ng mahigpit. "Johann!" pagpupumiglas niya.

"Stay put ka lang diyan, Misis. Hindi mo alam kung ilang babae ang gustung mapunta
sa kinauupuan mo ngayon."

"Yabang! Ikaw, ha! Nakakahalata na 'ko sa'yo," sabay duro rito. "Mula nang ikasal
tayo, panay ang tsansing mo sa'kin. 'Yung mga yakap mo, 'yung mga pauso mong kiss
sa cheeks, 'yung mga akbay-akbay mo... akala mo hindi ko pansin, ha? Nilalandi mo
'ko!" akusa niya rito.

Johann loudly laughed. "Hindi kita nilalandi. Nagpapaka-friendly lang ako," depensa
nito.

"'Friendly' your face! Ganyan ba ang mga brokenhearted? Naghahanap ng lalandiing


iba-mmm!"

Tinakpan ni Johann ang mga labi niya... ng mga labi nito.

=================

Chapter Ten

CHAPTER TEN
HINDI pinansin ni Sapphire si Johann nang inabutan siya nito ng isang baso ng fresh
milk.

"Hindi mo pa rin ako kakausapin?" tanong nito.

Pagkatapos ng ginawa nitong paghalik sa kanya kagabi ng walang abiso, sa tingin ba


nito ay may gana siyang pansinin ito?

Kagabi pagkatapos siya nitong patahimikin ng halik ay sandali lang siyang


nagulantang. Mabilis siyang nakabawi at lumayo rito. Sinampal niya ito at saka siya
nagmartsa papasok ng kuwarto nila. She locked the door kaya naman hindi ito
nakatulog sa higaan nila kagabi.

"Misis, hindi ako aalis hanggang sa hindi mo 'ko kinakausap."

Tumayo siya at nilagpasan ito.

"Sapphire, it's just a kiss. Why are you making a big fuss about it? Kita mo, nag-
i-english na 'ko. Naiinis na 'ko sa'yo."

Nilingon niya ito. "At ikaw pa ang may ganang mainis! And what are you saying that
it's just a kiss? Hell! You know I hate being kissed! Pinalagpas ko iyong una pero
hindi iyong kagabi! You purposely did it!"

"Ang dami-dami mo kasing sinasabi kagabi. Sasabihin mo lang naman sa'kin na 'Oo,
Mister. Hindi ako makakatulog na hindi ka katabi.'," he said, mimicking her voice.

"Hanggang ngayon, iyan pa rin ang iniisip mo kaya gusto kitang hintayin sa
pagtulog?"

"Oo! Ipu-push ko 'to! Gusto ko, Misis, umaamin ka. Hindi mo kailangang magtago ng
mga bagay sa loob mo. Hindi mo kailangang magsinungaling sa sarili mo. At ano
namang masama na sabihin mo sa'kin na hindi ka nga makatulog na hindi ako katabi?
Asawa mo naman ako."

"I don't know what you're talking about."

Hinagip siya nito sa braso. "Misis, malapit na kitang painumin ng Sprite.


Magpakatotoo ka naman!"

Binawi niya ang braso rito. "Anong magpakatotoo? Kung anong sinasabi ko, kung anong
nakikita mo, iyon ang totoong ako!"

"Weh?"
Nakuyom niya ang mga kamay at nagsalubong ang mga kilay. "Bakit ba kasi ayaw mong
maniwala? Umalis ka na nga! Magturo ka na! I'm not your student so don't you
lecture me about myself!"

"Bakit galit ka?"

"Hinalikan mo 'ko kagabi!"

"Ano bang gusto mong gawin ko? Mag-sorry? Dahil hinalikan kita? Ikaw nga ang
nanampal kagabi."

"I'm not sorry that I slapped you! Wala pa tayong two weeks na kasal, lahat na ng
rules ko, na-violate mo na!"

Nangunot ang noo nito. "Misis, saan banda ko na-violate ang 'no sex' at 'be
faithful' na kasunduan natin, aber?"

Napapadyak siya. Nakakainis talaga! Ano ba kasing pumasok sa isip niya at ang
dalawang patakaran lang iyon ang pinairal nila? Dapat dinagdagan niya ng "no hugs,
no kisses, no akbays, no flirtings"! Nakalimutan niya na ang lalaking pinakasalan
niya ay laging may "way" sa lahat ng bagay.

"Alam mo, para hindi ka naiinis, aminin mo lang sa sarili mo ang mga bagay-bagay na
hindi dapat tinatakpan ng pride. Masyado kang faithful sa image mo na man-hater
kaya hindi mo maamin na-number one!" Itinaas pa nito ang hintuturo. "Nagseselos ka
talaga kahapon. Pinagseselosan mo ang sarili mong hot Mommy."

"No-"

"Number two!" He raised his middle finger together with the forefinger. "Okay lang
naman talaga sa'yo ang mga paakbay-akbay ko. Okay lang sa'yo na niyayakap kita.
Dahil kung ayaw mo talaga, hindi ka magpapa-akbay at magpapayakap."

"Ang kapal-"

"Number three!" He raised his ring finger next. "Aminin mo na... masarap ang halik
ko. Two times na iyon. Lubos kang pinagpala na mahalikan ng pogi."

"Hindi-"

"At number four!" sabay taas ng pinky finger nito. "Gusto mong sabay tayong matulog
kagabi dahil hindi ka makakatulog nang hindi tayo nakakapagkuwentuhan."

She crossed her arms. Napailing-iling pa siya. "How much air you got inside your
head, Johann? Really?"

"Alam mo, Misis, hindi masamang mag-deny. Ikaw 'yan, eh. Pero kung lagi mong
itatanggi sa sarili mo ang mga bagay na totoo mong nararamdaman at totoo mong
iniisip, aba! Mas kokomplikado ang buhay mo."

Nameywang siya. "Mister, my life is really complicated since the time that I grew
up without a dad. My life is complicated since the time that I have a mom, but I
can't feel it. It's a complicated life to see your mom with different boys that
makes her happy but would make her cry after. My life is complicated. There's
nothing simple being a neglected love child," seryosong sabi niya.

Hindi ito nagsalita. Nawala ang ngisi sa mga labi nito at nakita niya sa mga mata
nito ang pinaka-ayaw niyang makita oras na buksan niya kung ano ba talaga ang
nararamdaman niya at kung sino ba talaga siya.

Tinalikuran niya na ulit ito. "Pumasok ka na sa trabaho. Hinihintay ka na ng mga


estudyante mo." Mabilis siyang nakarating sa kuwarto nila. She locked herself
again.

Nakita niya ang awa sa mga mata ni Johann kanina.

Ayaw niyang kinakaawaan siya. So, she's used to hide the things that would expose
her vulnerability.

Kapag inamin niyang, oo, nagseselos siya kagabi nang makita niyang gusto ng Mommy
niya si Johann; na, oo, gusto niya ang pakiramdam na niyayakap at inaakbayan nito;
na, oo, masarap itong humalik; na, oo, hindi siya makakatulog ng hindi niya katabi
si Johann-it will only result to one thing.

That she's starting to like her husband. That she's starting to get used to his
presence. At wala pa silang dalawang linggong kasal, ganito na siya! Paano pa ang
mga susunod na mga linggo at mga buwan?

Ayaw niyang masyadong ma-attach dito. Ayaw niyang ma-in love rito. Ayaw niyang
masaktan.

Masyado na siyang nasaktan mula pagkabata niya. Ayaw niya na iyong dagdagan pa.

~0~0~0~

NAG-INAT si Sapphire nang matapos niya na ang dalawang latest articles na ipo-post
niya sa kanyang blog. Buong umaga at hapon siyang nagkulong sa kuwarto para lang
matapos ang sinusulat. Lumalabas lang siya kapag kakain at gagamit ng banyo.

Nagsimula na rin siyang mag-search sa internet ng mga bakanteng commercial lot na


puwede niyang bilhin upang pagtayuan ng plano niyang bookstore. So far, nakakita na
siya ng tatlong lot. Bukas na bukas ay aasikasuhin niya ang pagpunta mismo sa mga
prospect lot niya.

May goal siya. Dapat bago sumapit ang ika-twenty-eight birthday niya two weeks from
now ay nakakuha na siya ng puwesto at business permit sa pagpapatayo ng bookstore
niya. That would be her gift for herself.

Pinatay niya ang laptop pagkatapos ma-edit ang articles. Mamayang gabi na lang niya
ipo-post iyon dahil mataas ang views ng blog niya tuwing gabi.

Meanwhile, she's going to take a nap. Tinodo niya ang lamig ng aircon at saka
humiga ng kama at binalot ang sarili ng comforter.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatulog nang maalimpungatan siya
dahil sa tunog nang pagbukas ng gate at ang tunog ng kotse ni Johann. Bumangon siya
at saka pinatay ang aircon.

Bawal kasi gumamit ng aircon maliban sa gabi. Pero dahil sobrang init kaninang
hapon at hindi siya maka-focus sa pagsusulat ay binuksan niya ang aircon. Lumabas
siya ng kuwarto at iniwang nakabukas ang pinto para mabilis mawala ang lamig.

Pumunta siya sa sala at binuksan ang TV. Saktong paupo siya ng sofa nang pumasok si
Johann na may dala-dalang isang paperbag na may tatak ng isang mamahaling
restaurant. Napataas rin ang kilay niya nang makitang may dala itong isang boquet
ng tulips.

"Hi," nakangiting bati nito sa kanya. Friendly ang dating, mukhang hindi mang-
aasar.

"Ano iyang dala mo?"

"Dinner natin at saka..." Lumapit ito sa kanya pagkahubad nito ng sapatos. "Peace
offering. Ayoko sanang umalis kanina na magka-away tayo pero..." Ibinaba muna nito
ang paper bag sa center table.

Sumunod, napasinghap siya nang lumuhod ito sa harap niya at inabot ang tulips. "I'm
sorry for pushing you, earlier. Nagkamali ako," he sincerely said. "Sana hindi ka
na magalit sa'kin."

Napakurap-kurap si Sapphire. Nagulat kasi siya sa biglang pagluhod nito at


pagbibigay nito ng bulaklak. Mas nagulat siya dahil may lalaki pa lang umaamin ng
pagkakamali na hindi nito kailangang depensahan ang sarili? May lalaki pala na
kayang magpakumbaba?

May paluhod-luhod pang nalalaman!


Tinanggap niya ang mga bulaklak. "S-Sorry rin. Kalimutan na lang natin iyong
kanina," mabilis niyang pagtanggap. Kung tutuusin, maliit lang naman ang pinag-
awayan nila. There too old to meddle with it.

Tumango ito. He shyly smiled. "Sorry talaga, ha? I promise not to make you mad,
again. Hindi na kita aasarin. Pasensya na kung na-o-offend ka sa mga biro ko. Gusto
ko lang kasing maging komportable ka sa'kin." Umupo na ito sa tabi niya. "Pasensya
na rin kung sa tingin mo... nilalandi kita. I'm not really aware of my actions.
Ano... ganoon lang kasi talaga ako sa kaibigan."

"You're touchy?"

Napangiwi ito. "Hindi naman. Malambing lang siguro. Aaminin ko, may pagka-feminine
talaga akong maglambing. Kahit magsalita minsan. Madami kasi akong kaibigan na
babae kaya siguro ganoon."

"You kiss them in their lips, too?"

Umiling ito. "Hindi. Beyond the limit na iyon."

"Eh, bakit hinahalikan mo 'ko?" Friends din naman sila kahit mag-asawa sila sa
papel. Alam pala nitong beyond the limit ang paghalik sa mga labi, eh, bakit nito
ginagawa sa kanya?

Napasandal ito sa kinauupuan. He stretched his arms at the back of her seat.
Pagkatapos ay unti-unting sumilay ang pilyo at misteryosong ngiti sa mga labi nito
habang nakatingin sa kanya.

And she swore, her heart skipped a beat! Natulala na lang rin siya sa ngiti nitong
iyon. He looked like a teenage heartthrob because of that smile. Parang nandoon na
sa mga ngiti nito ang sagot sa tanong niya.

Johann grabbed her hand. "Halika, kain na tayo." Hinila siya nito patayo at
nagpahila naman siya habang kipkip pa rin ang mga tulips.

Pinaupo na siya nito sa hapagkainan at ito ang nag-serve ng kakainin nila. Isa-isa
nitong nilabas ang mga biniling pagkain. Mahigit apat ang ulam na binili nito at
iyong alam niyang pinakamahal at pinakamasarap ang mga binili nito.

Bigla siyang nagutom ng makita ang mga pagkain.

"Naisip ko, baka na-miss mo na ang mga pang-mayaman na pagkain kaya bumili ako.
Dapat nga sa labas kita aayain kumain kaso ang daming tao sa restaurant na
pagdadalhan ko sana sa'yo. Dito na lang tayo, di'ba? At least, solo natin ang
paligid. Komportable pa tayong makapagkuwentuhan."
"Ang sabihin mo, nanghihinayang ka lang sa gas ng kotse mo."

Tumawa ito. "Nagiging praktikal lang, Misis." Pinagsilbihan na siya nito ng pagkain
at saka ito umupo sa tabi niya. "Let's pray!"

Pinikit ni Sapphire ang mga mata at yumuko. Johann lead the prayer. "Lord, bless
our food, bless my beautiful wife, and bless our wondeful life. Amen."

"Bakit ang bait mo? Nagtaksil ka ba?"

Johann laughed. "This is my way of saying that I'm really sorry."

"Dapat pala lagi tayong nag-aaway para lagi kang ganito."

"Gusto mo lang pa lang pinagsisilbihan ka sa pagkain, sabihin mo lang. Willing


naman akong pagsilbihan ka."

Lihim siyang napangiti at saka nagsimulang kumain.

"Basta, Misis, kapag may mga gusto kang sabihin, sabihin mo sa'kin. Hindi mo
kailangang magsuot ng maskara kapag kasama mo 'ko."

Napatingin siya rito.

He looked at her also. "Kapag may problema ka o hinanakit sa buhay, sabihin mo


sa'kin. Handa ako laging makinig. Kapag may mga pagkakamali ka na hindi mo
mailabas, asahan mo rin na ako ang kahuli-hulihang tao na huhusga sa'yo." He
lightly pinched her nose. "Kaibigan ako, Sapphire. Kakampi mo 'ko."

Bakit nararamdaman niyang tila may tumagos sa puso niya? Bakit sa mga sinabi nito
ay naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa?

Wait, is she really alone from the start? Well...

Yes, she is. Kahit sa mga pinsan niya ay hindi niya magawang malabas ang buung-
buong pagkatao niya. She's busy dealing with her dramas all by herself that when
Johann came... he's the true friend she wished she has.

Ang tanong lang: Handa ba siyang ipagkatiwala ang sarili niya rito? Is she ready to
share a piece of her that she can even hardly admit to herself?

=================
Chapter Eleven

CHAPTER ELEVEN

“TULOY ang beach getaway sa birthday mo, ha?”

Mula sa pagkukuskos ng tiled floor ng banyo ay napaangat si Sapphire ng


tingin. “What?”

“Sabi ko, tuloy ang beach getaway natin. Di’ba hindi tayo natuloy nung
‘honeymoon’ natin dahil hindi available ang mga pinsan natin? I contacted my
cousins, hiningi ko ang isang araw nila para sa birthday mo,” ani Johann habang
nakatayo sa may pinto. Umiinom pa ito ng kape.

Napangiti si Sapphire. “Really? OMG. I’m gonna call my cousins later.


Sigurado naman na lagi silang available,” excited niyang sabi at saka mas kinuskos
mabuti ang tiled floor.

“Bati na kayo ni Lavender?”

Tumango siya at saka binanlawan ang tiled floor. “Two days after nang
incident sa mall, nagkabati na kami. Ganoon lang naman kaming magpipinsan. Kapag
nagkainitan, mag-aaway. Pero magbabati rin naman agad. Hindi kami nagtatanim ng
sama ng loob sa isa’t isa.”

“Pero, ang tapang mo, ano? Nakikipagsabunutan ka sa mall? That’s wild!”

Nagkibit-balikat lang siya.

“Eh, bakit ka ba kasi nanabunot?” he curiously asked.

“Lavender just pushed me to my limits.” Natapos na siya sa ginagawa


kaya nagbanlaw na siya ng paa at naghugas ng kamay.

“Ano bang sabi niya?”

“Just shitty asumptions,” she answered.

Tumabi ito nang lumabas siya ng banyo.


“Wow, Misis, improving ka na! Sobrang puti na nitong tiles natin sa
banyo. Nakakahiyang dumihan. Pati iyong toilet, parang nakakakonsensyang mag-pupu.”

Napangiti siya. “Thanks! I learned to use Muriatic Acid.” Pagkarating


niya sa dining table ay nakahanda na ang breakfast niya. Sweet Mister. Lagi na
nitong hinahanda ang breakfast niya sa tuwing maglilinis siya sa banyo every other
morning.

Natuto na siyang huwag magreklamo sa paglilinis ng banyo tuwing umaga


dahil halos mag-iisang buwan niya na iyong ginagawa.

Umupo na siya at bago kumain ay nagdasal ng maikli. She’s already


munching her bacon when Johann appeared infront of her. Topless!

“Bakit ka nakahubad? Suot mo na uniform mo kanina, ah?”

“Mali kasi iyong uniform. Friday pala kasi ngayon. Dapat iyong sky blue
na polo ang suot ko. Nakita mo ba iyon?”

“Nasa likod pa yata. Parang kalalaba ko lang niyon kahapon.” Hindi


sinasadyang dumapo ang mga mata niya sa tiyan nito. “Wala ka pa ring abs?” pang-
aasar niya rito.

Sumimangot ito. “Bakit ba? Hoping ka ‘no?” nakangisi nang sabi nito.
“Sabagay, kapag nagkaroon na ko ng abs, free kang himas-himasin kunwari. At wala
akong palag.”

She raised her eyebrow. “As if! I’m not interested to touch any abs.”

“Maniwala ako sa’yo. Sige, hintayin mo lang. Magkaka-abs rin ako. Hindi
ko papahawak sa’yo kapag nagkaroon.”

She sarcastically laughed. “Kapag nagkaroon,” she emphasized.

Tumalikod na ito at lumabas ng back door.

Good thing he has a nice butt. Napailing-iling siya sa naisip at saka


tinapos na ang pagkain.

Nakuha naman ni Johann ang uniform nito na tuyo na at saka sandaling


plinantsa. Paglabas nito ng kuwarto nila ay nakasuot na ito ng tamang uniform.

“Alis na ‘ko.”
“Okay.”

Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Hindi na siya


umaangal kapag ganoon dahil ‘kaugalian’ naman iyon, ayon nga kay Johann.

“Anong gusto mong pasalubong?” tanong nito.

“Abs,” pang-aasar niya pa rin dito.

“Badtrip ka, Misis. Lakas mang-asar, ah” naasar na wika nito. “Kapag ako nagka-abs
talaga, maglalaway ka!”

She just laughed and shove him away. Pagkaalis nito ay agad naman niyang tinawagan
ang mga pinsan para ayain sa nalalapit na birthday niya. Nang pumayag ang tatlo ay
mas lalo siyang na-excite. Matutuloy na ang plano nila ni Johann na magka-closure
na ang kanya-kanyang mga pinsan.

For the meantime, naligo at nag-ayos na rin siya after. Aasikasuhin niya muna ang
pagpili ng vacant lot or space para sa bookstore niya!

~0~0~0~

TATLONG araw na lang at birthday na ni Sapphire! Pero sa lahat ng malapit na mag-


birthday, siya lang yata ang aburido na aburido.

Hanggang sa ngayon kasi ay wala pa rin siyang mabiling lote para sa


pagtatayo niya ng bookstore. Lahat nang nakita niyang prospects ay natanggal sa
listahan niya dahil madaming problema sa titulo, sa may ari o sa kung saan-saan pa.
Wala na nga siyang problema sa pera, ang mismong mga plano naman niya ngayon ang
may problema.

Nanggigigil at malakas na hinampas niya ang katabing unan at napatili


sa inis

Biglang napabalikwas ng bangon si Johann na kanina pa natutulog. “Ah!


Saan ang away? Saan? Saan?” inaantok pa na sabi nito.

Nakasimangot na binalingan niya ito. “Mister, malapit na birthday ko.”

Kinusut-kusot nito ang mga mata. “Ano ba naman iyan, Misis? Tumili ka
dahil malapit na birthday mo? Excited? Excited? Kailangan mo pang mang-gising?”
parang naiinis na sabi nito.

Napalabi siya. “Hindi pa rin ako makakita ng magandang lugar para sa


bookstore ko! Lahat ng gusto ko, ang daming problema!”
Napakamot sa batok nito si Johann. Nahiga ulit ito ng kama. “May
deadline ka ba at madali na madali kang makahanap ng commercial space para sa
bookstore mo? Napakadami mong oras para maghanap ng lugar.”

“I have goals, you know. Dapat maabot ko iyon. Dapat by next year, nag-
uumpisa na ang construction ng dream bookstore ko. Kapag hindi ako mabilis na
kumilos ngayon, masyado nang atrasado ang mga plano ko.” Niyugyog niya ang balikat
nito. “Mister, do you have any suggestions?”

“Anong oras na?”

Tumingin siya sa wall clock. “Four AM.”

“Ah! May maganda akong suggestion.”

“Ano?” interesadong wika niya.

“Matulog ka na.”

Napasimangot siya. “Mister, naman, eh! I’m serious here. I badly need
suggestions.” Lumuhod siya paharap rito at saka niyugyog ito sa balikat. “Help me
with these! Hindi ako makakatulog.” Hindi kasi siya sanay na nawawala sa plano niya
ang mga bagay-bagay kaya hindi siya matahimik.

Bumalikwas ito ng bangon pero nakapikit pa rin. “Ano bang gusto mong
mangyari?” he sleepily said.

“Tulungan mo ‘kong makahanap ng lupa na puwedeng pagtayuan ng bookstore


ko.”

Napahikab ito. Nakapikit pa rin. “Wala tayong mahahanap ngayon. Walang


nagbebenta ng ganitong oras. Bukas na lang puwede? Pagkagaling ko sa klase?” Humiga
na ulit ito at nagtalukbong ng comforter hanggang sa ulo.

“May alam ka bang nagbebenta ng lote or space?” Naisip niya, mas


maganda kasi kung lupa pa lang mabibili niya para wala na siyang problema sa pagde-
demolish kung may nakatayo mang bahay o building.

Umungol lang si Johann.

“Hey, talk to me,” pangungulit niya pa rin. Hindi niya maintindihan na


kailangan ng asawa ng energy bukas para sa pagtuturo nito. “Knock knock! Mister!”
Kinatok niya pa ang ulo nito.
“Natutulog na. Balik ka na lang bukas.”

Pumasok siya sa loob ng comforter at niyugyog niya ulit ang braso nito.
“Johann, I thought we’re friends? You should help me.”

Napalingon ito sa kanya habang nasa loob na silang dalawa ng comforter.

“Oy, trespassing ka!” anito at saka siya tinalikuran ulit. “Huwag ka na


kasi makulit. Bukas na lang. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka na lang,
please?”

“But we’re friends...”

“Naalala mo lang na magkaibigan tayo kapag may kailangan ka. ‘Yan tayo,
eh.” Humikab ito ng malakas. “Bukas na lang, Misis ko. Tutulungan kitang maghanap
ng bakanteng lote everwhere you like, pramis! Lilibutin natin ang buong NCR bukas
kung iyon ang kinakailangan.”

Nangislap ang mga mata ni Sapphire. Mukhang maganda ngang ideya na


maglibot sila! “Really, Mister? We’ll do that?” Mas napanatag siya.

“Yes po. Kaya matulog ka na,” mahinang sabi nito. “Saka magdasal ka rin
na makakita tayo bukas. Minsan kasi kahit ano pang gawin nating hanap, kapag ayaw
pa ng Diyos ipakita, wala tayong makikita.” Humarap pa ito sa kanya at bahagyang
binuksan ang mga singkit na mata. “Don’t rush things, Misis.”

Lumabas na siya sa loob ng comforter. “You know, Mister, you look more
handsome when you talk ‘holy’ to me.”

“Mas nakaka-pogi talaga kapag close kay Lord.”

Nahiga na siya sa puwesto niya. Paglapat pa lang ng ulo niya sa


malambot na unan ay saka lang niya na-realized na inaantok na rin pala siya.
Masyado na rin siyang pagod dahil sa stress na inabot niya sa pamomorblema ng
pagtatayuan niya ng bookstore. “Is it true?” bigla niyang natanong.

“Hmm?” inaantok na sambit nito.

“Is it true that when we pray, God hears our prayers?”

“Oo. Naririnig Niya lahat.”

Napapikit siya at mapait na napangiti. “Narinig Niya kaya iyong dasal


ko nung bata ako?”
“Oo... Ano ba iyong dinasal mo?” tanong pa nito kahit halatang antok na
antok na.

“Na sana makilala ko ang Daddy ko.” May naramdaman siyang maliit na
kurot sa dibdib niya. Ugh! Why did she brought that up, anyway?

Hindi sumagot si Johann. Baka tuluyan nang nakatulog. Mas mabuti iyon.
Hindi niya na kailangan pang mag-elaborate tungkol sa sinabi niya. Hindi niya nga
alam kung paano niyang nasabi iyon samantalang ang lupa ng bookstore ang pinag-
uusapan nila.

Tumagilid siya ng higa na patalikod kay Johann. Unti-unti na siyang


hinihila ng antok nang maramdaman na lang niya ang isang mainit na bisig na
pumulupot sa baywang niya.

Napakunot noo siya at napadilat. Pagkuwa’y nilingon niya ang asawa. “H-
hey! What are you d-doing?” Lalayo sana siya pero mas hinapit siya nito.

“Niyayakap kita.” Binalik nito ang ulo niya patalikod rito. “Friendly
hug lang ‘to. Pang-comfort.”

Hinawakan niya ang braso nito sa baywang niya at pinilit iyon alisin.
“Bakit? Kailangan ko ba ng comfort?!”

“Sshh... Iyan ka na naman. Huwag ka nang mag-deny sa self, Misis.” He


pulled her closer to him hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng likod sa
katawan nito.

“J-Johann...”

“Si God, may tatlong posibleng sagot lagi sa mga dinadasal natin o
hinihingi natin sa kanya. May ‘yes’, may ‘no’, at may ‘not now’,” mahinang sabi
nito. “Nung hiniling mo siguro noon na makilala ang totoo mong ama, ‘not now’ ang
sagot Niya. Kasi may tamang oras sa lahat ng bagay na nangyayari sa mundo.”

Isinuot nito ang isang braso sa ilalim ng leeg niya. Kaya naman
nakaunan na siya roon.

“Ako, bago ko makilala ang totoong ama ko, maraming taon din ang
hinintay ko. Kaya malay mo, baka makilala mo ang Daddy mo in the near future.”

Pumikit siya. “Ayoko na siyang makilala ngayon,” she bitterly said.

Mas humigpit ang pagyapos nito. “Akala mo lang iyon.” Naramdaman niya
ang mga labi nito sa bumbunan niya. “Matulog ka na. Basta huwag mong kalimutang
mag-pray.”

Hindi na nagpumiglas pa si Sapphire sa posisyon nila ni Johann ngayon.


She felt comfortable lying her head on his arms and she felt okay while he’s
hugging her by the waist. Gusto niya ang paglapat ng likod niya sa katawan nito.
She can feel the warmth. Nararamdaman niya ulit kung anong nararamdaman niya nang
magkayakap silang nag-siesta sa sofa minsan.

Sa lahat yata ng man-hater, si Sapphire lang ang nag-e-enjoy na mayakap


ng lalake. But Johann isn’t any other man. He’s her husband.

Unti-unti na ulit siyang hinila ng antok pero... nagdasal muna siya


katulad nang sinabi ni Johann.

Although, she didn’t pray to meet her father someday or... makahanap sila ng
bakanteng lupa bukas. Hindi niya alam kung bakit pero nagdasal siya para
magpasalamat. She thanked God that she has a friend like Johann.

Kahit hindi halata, natatamaan siya sa tuwing nagto-talk ‘holy’ ito. Tumatatak sa
isip niya ang mga sinasabi nito.

Dahan-dahan siyang humarap rito nang nakapikit ang mga mata. Ramdam niyang tulog na
ito dahil lumuwag na ang yakap nito.

Dinilat niya nang kaunti ang namumungay niyang mga mata. Then she smiled when he
saw his face—peacefully sleeping. “Thank you, Mister,” she whispered. Nagsumiksik
siya rito.

And she hugged him back.

~~~

May lumalambot na ang puso. Ayiee :"> Next update, next week! #MisterAtMisis

Add me on FB, friends! <3 Thank you! ^_^


=================

Chapter Twelve

CHAPTER TWELVE

PARANG batang napatili sa saya si Sapphire nang makita niya ang buhangin at ang
mapayapang dagat.

Kailan ba siya huling nakapag-beach? Masyado na atang matagal at sobra


siyang nasabik nang makakita ulit ng dagat.

She raised her hands and closed her eyes. Pinakiramdaman niya ang
sariwang simoy ng hangin. Pinakinggan niya ang mga alon ng dagat. Ah! Kahit papaano
ay masaya talagang malayo sa polusyon at ingay ng Manila.

“Psst! Misis, mamaya mo na i-appreciate ang nature. Tulungan mo muna


akong ibaba ang mga gamit natin.”

Nilingon niya si Johann na parang pagod na pagod habang buhat ang bag
nito at hila-hila ang malaki niyang maleta. She made face. “You know, Mister,
puwede mo namang iutos iyan sa mga helpers diyan. Hindi kailangang tayo ang gumawa.
Remember, nasa beach house tayo ng grandparents ko kaya maraming magsisilbi para
sa’tin.”

Bigla nitong binaba ang mga gamit. “Hindi mo naman agad sinabi.
Nagpakahirap pa ‘ko bitbitin ‘tong mga gamit natin.”

“Who told you ba kasi to carry all our things?” Humarap ulit siya sa
dagat. She inhaled the fresh air. Buti na lang talaga at napilit niya si Johann na
sa beach house na lang ng mga Monteverde i-celebrate ang birthday niya.

Bahay-bakasyunan talaga ang beach house ng mga Monteverde sa Batangas.


Pero sila lang ng mga pinsan niya ang laging may privilege na gamitin iyon.
Kompleto sa facilities ang beach house at hindi lang “house” ang nakatayo kundi
isang malaking mansyon talaga. Kahit walang nakatira, marami pa ring mga katulong
na nagme-maintain ng bahay.

“Señorita! Maligayang pagbabalik po!” humahangos na bati sa kanya ni


Manang Berta—mula pa pagkabata niya ay mayordoma na ng beach house.

“Hi, Manang Berta! You look great! How’s the whole property?”
“Maayos naman po. Patuloy ang pagmimintina. Lalo na at sobra-sobra ang
iniwang pamana ni Donya Mercelina para mapanatiling maganda ang buong lugar,” sagot
nito at saka napatingin kay Johann na mukhang nag-e-enjoy na rin i-appreciate ang
nature.

“Siya na po ba ang napangasawa niyo, Señorita?”

She rolled her eyes. “Unfortunately,” pabulong niyang sagot at saka


hinila si Johann sa tabi niya. “He’s Johann Anderson, Manang.”

“Anderson? Hindi ba’t iyon din ang apelyido ng napangasawa ng Señorito


Reeve?”

“Yes, Manang,” sagot niya. “Kapatid siya ni Agatha.”

“Hi, Manang! Kumusta po?” nakangiting bati ni Johann at saka kinamayan


ang matandang kasambahay.

“Aba’t kagandang lalaki mo pala, hijo. Sa nakuwento sa’kin nitong si


Señorita, hindi ka da—”

Mabilis na natakpan ni Sapphire ang bibig ni Manang Berta. “Handa na po


yung rooms namin, Manang?”

“Ah, oho, Señorita. Malinis nang lahat at puwede nang ilagay ang mga
gamit niyo. Señorito Johann, ikinagagalak ko po kayong makilala.”

Natawa si Johann. “Ang sosyal talaga ng datingan ng señorito-señorita


na iyan. ‘Johann’ na lang po ang itawag niyo sa’kin. Hindi naman po ako mukhang
señorito, although, I undestand na pang-mukhang mayaman talaga ang mukha ko. Pogi
problems.”

Malakas na piningot niya ito sa tainga.

“Aray!” daing nito at saka hinilot ang taingang nasaktan.

“Manang, paki-akyat na lang po ang mga gamit namin. I think, meron pa


pong gamit sa kotse kaya kayo na pong bahala.” Hiningi niya kay Johann ang susi ng
kotse nito at saka iyon binigay kay Manang Berta.

“Masusunod po, Señorita. Handa na rin po pala ang mga pagkain. Kaya
puwede na po kayong kumain ng asawa niyo anumang oras.”
She smiled. “Thanks, Manang. Pero hihintayin na lang po namin sila
Lavender. Parating naman na sila.”

Pagka-alis ni Manang ay mga nakaantabay agad na iba pang katulong na


nagbitbit ng mga gamit nila. Sapphire and Johann stayed on the shore.

“Anong oras darating ang mga pinsan mo?” tanong niya kay Johann.

“Mamayang hapon. Di’ba sabi mo mas maganda kung mauuna ang mga pinsan
mo para hindi na sila makaatras?”

Napatangu-tango siya. Tuloy pa rin ang plano nila ng asawa na


matulungan ang mga pinsan na magkaroon ng closure para wala nang gulo at magkaayos-
ayos na. Para rin naman, once and for all, maka-move on na ang mga pinsan niyang
babae.

Inalis ni Sapphire ang balabal na nakasabit sa leeg niya. Inilapag niya


iyon sa buhanginan at saka inupuan. Tumabi naman sa kanya si Johann at sabay nilang
pinanood ang dagat.

Sapphire could stare at the sea the whole day and she would never get
tired. “Do you know why I want to celebrate my birthday in here?”

“Ahm... dahil halatang señorita ka rito? Isang pitik mo lang, lahat


ihahanda na sa harap mo?”

“Aside from that, gustung-gusto ko talaga dito sa beach house. Kapag


walang pasok noon, dito ako dinadala ni Lola kasi gusto niya rin sa dagat. This is
the perfect beach getaway for me. Maraming masayang memories.”

“Masaya ka pala nung bata ka. Bakit lumaki kang bitter?”

She smirked. “As we grow up, the world just steals our innocence away,”
makahulugang sabi niya.

“Kapag hinayaan mong mawala, mananakaw talaga sa’yo iyan ng mundo.”


Humiga si Johann sa buhanginan at inunan sa likod ang mga braso. Diretso itong
nakatingin sa langit. “Bakit ako naman? Maaga akong namulat sa kalakaran ng mundo.
Pero, hindi naman ako galit sa kung ano. Ako nga itong mahirap, lumaking masaya.
Bakit ikaw? Nasa iyo na ang lahat, malungkot ka pa rin?”

“And that’s the irony of life.” Tinanggal niya sa pagkakapusod ang


mahabang buhok at hinayaang malayang lipad-liparin iyon ng hangin. “Since it’s
gonna be my birthday tomorrow, I’m gonna share something to you.”

“Uy, gusto ko iyan. Ano naman iyon?”


Pinaglaruan niya ang buhangin sa mga paa. “Promise me, you won’t tell
anyone.”

“Okidoki.”

Nilingon niya ito at tinignan ng diretso sa mga mata. “I’m not really a
man-hater,” pag-amin niya.

Hindi man lang ito nagmukhang nagulat. Kumunot lang ang noo. “Anong
bago?”

Napataas siya ng kilay. “You know?”

“I know? I know talaga. Halata naman sa mga kilos mo. Ilag ka siguro sa
mga lalaki pero hindi ka man-hater. Dahil kung man-hater ka talaga, nunca na
pumayag kang mahalikan at mayakap ng pogi.”

Sinamaan niya ito ng tingin at akmang susuntukin sa tiyan ngunit nahuli


na nito ang kamay niya.

Johann laughed. “Misis, halata ko naman noon pa na hindi ka talaga man-


hater. Big word iyon. Mahirap pangatawanan. At saka halata sa mga galaw mo na isa
ka pa ring babaeng nangangailangan ng lalaki.”

Inismiran niya ito at napalabi siya. “Hindi ko kailangan ng lalaki.


Mabubuhay ako ng wala kayo.”

“Tss. Pero okay lang naman sa’kin na ipangalandakan mong man-hater ka.
Mabuti iyon, wala akong karibal sa’yo.”

“What?”

Nginitian lang siya nito pero hindi nagsalita.

“I don’t like your smile.”

Mas lumapad ang ngiti nito. “Marami na nga ring nagsasabi na ayaw nila
sa mga ngiti ko. Ang lakas daw maka-fall.”

Her forehead creased. “Maka-fall? What?” hindi niya naiintindihang


tanong.
“Maka-fall... maka-‘fall in love’, sabi ng mga estudyante ko.”

Napaismid siya. “What the hell?” Napailing-iling siya. Pero sa loob-


loob niya, ganoon nga siguro ang mga ngiti nito kaya ayaw niya. It’s dangerous for
her.

“Pero, Misis, bakit mo naman naisip na ipagkatiwala sa’king sabihin na


hindi ka man-hater kahit obvious naman?”

She crossed her arms and looked at the sea again. “I trust you. And
you’re my... friend.” Binalingan niya ulit ito. “Di’ba sabi mo, I can tell you
everything? Isa pa, matagal ko na ring hiniling na sana magkaroon ako ng...
kaibigan.” Napayuko siya at napatingin sa paa. “I guess, you’re a wish a came true,
Mister.”

Naramdaman niya na bumangon ito at inakbayan siya. Napatingala siya


rito.

He’s wearing that “malakas-maka-fall-in-love” smile, again, while


looking down at her. “Ang bait mo pala kapag magbi-birthday. Excited na tuloy ako
para bukas, baka mas mabait ka pa.”

Natawa siya at saka hinilig ang ulo sa balikat nito. “May na-realize
lang ako sa lahat ng mga sinabi mo sa nakalipas na isang buwan na kasal na tayo.
Sabi mo, kaibigan kita. Kakampi kita. So, I think, ako lang rin ang mapapagod
kakataray sa’yo para lang ma-live up ko ang image ko na man-hater. When I’m with
you, maybe, I can just be... I can just be myself.”

Sapphire clearly understood now that she can freely let her walls down
when she’s with Johann. Sa nakalipas na isang buwan na kasal nila, marami nang
napatunayan sa kanya ang lalaki na taliwas sa akala niyang ugali ng mga kabaro
nito.

Johann’s one of a kind that’s for sure. He keeps his promises. Katulad
nang tinulungan nga siya nitong libutin ang buong kamaynilaan para makahanap ng
perfect location para sa itatayo niyang bookstore. Kung dati halos wala siyang
choice, pagkatapos nilang maglibot, may tatlo siyang pinagpipilian pa ngayon.

Nang hindi niya pa ito nakilala, she never imagined that such a guy
exists. But yeah, a guy like Johann still exists.

“Basta nandito lang ako lagi. Kahit mag-expire na ‘tong marriage natin,
kaibigan mo pa rin ako.”

“Sabi mo iyan, ah?”

“Promise.”
Nag-promise na ito kaya panatag siya. Tumayo na siya at nag-ayang
kumain. Tuwang-tuwa naman si Johann dahil nagugutom na pala ito kanina pa.

Magkasabay na silang pumasok ng malaking beach house ng mga Monteverde.

~0~0~0~

NAPALINGON si Sapphire nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya.

“Bakit magkahiwalay pa tayo ng kuwarto?” bungad agad ni Johann


pagkapasok nito.

Nameywang siya. “Hindi ka marunong kumatok?”

“Ay, sorry. Na-carried away” Lumabas ulit ito ng kuwarto at sinara ang
pinto. Maya-maya ay kumatok. “Misis!”

“Come i—”

Mabilis na bumukas ang pinto bago niya pa matapos ang sasabihin. “Bakit
magkahiwalay pa tayo ng kuwarto?” ulit nito sa sinabi kanina habang magkasalubong
pa ang kilay.

Pinagpatuloy lang ni Sapphire ang pag-aayos ng mga damit niya. “Wala


lang. Naisip ko, sobrang laki naman ng bahay, bakit pa natin kailangang mag-share
sa isang kuwarto?”

“Ganoon? Gusto ko sa isang kuwarto lang tayo.”

“Bakit?”

Humiga ito sa kama niya. “Ikaw lang naman ang inaalala ko at baka hindi
ka makatulog na hindi ako katabi,” nakangising tukso nito.

Binato niya ito ng damit na nasa kamay niya at sumapol iyon sa mukha
nito. But it was a wrong move. Ang red bikini niya pala ang naibato niya rito!

Bago pa nito makuha iyon ay mabilis na siyang tumuntong ng kama at


kinuha ang bikini rito.
“Panty ba iyan?” natatawang sabi nito.

Inirapan niya ito. “It’s a bikini, FYI.”

Napasipol ito. “Basta, sa isang kuwarto na lang tayo. Maghihiwalay pa.


Ang gastos sa kuryente.”

“Hindi naman ikaw ang magbabayad.”

“Praktikal lang. Saka kahit pa. Conserve energy na lang. Nakatulong pa


tayo kay Mother Nature habang natutulog tayo sa iisang kuwarto.”

At dahil lagi namang may point si Johann, pumayag na din si Sapphire.


Maya-maya pa’y nasa kuwarto niya na ang mga gamit ng asawa.

They were busy unpacking their things when Johann’s cousins arrived.

“Hala. Bakit nauna sila?” pabulong na tanong niya kay Johann.

Nagkibit-balikat ito. “Ewan ko. Eh bakit wala pa iyong mga pinsan mo?”

She shrugged, too, and tried to call Lavender. Bumaba naman si Johann
para salubungin ang mga pinsan.

“Hello, where the hell are you?” tanong niya agad kay Lavender.

“Na-traffic kami, okay? Pero malapit na rin kami. Give us five


minutes.”

“Ah, okay. Bye,” mabilis niyang paalam. Malapit na pala ang mga ito
kung ganoon! Binaba niya ang cellphone at bumaba na rin.

“Kumusta biyahe niyo? Ang aga niyo, ah,” bati ni Johann sa mga pinsan
nito. “O, bakit kasama ka, Charlie? Hindi kita inimbitahan, ah!”

“Hah! Ako pa ba ang mawawala? Kahit hindi mo ‘ko imbitahin, kusa akong
pupunta. Kapag mga ganitong salu-salo, hindi dapat ako nawawala. Mami-miss niyo
‘ko.”

Lumabas siya ng bahay at lumapit sa mga ito. Agad na nagtinginan sa


kanya ang mga pinsan ni Johann kaya medyo nailang siya. “Ah... hi!”
“Sapphire! Advance happy birthday!” masiglang bati ni Charlie at akmang
lalapitan siya para yakapin ngunit tinago siya ni Johann sa likod nito.

“Man-hater si Sapphire, remember? Baka masapak ka kapag bigla mong


niyakap, Charlie.”

Natawa ito. “Ganoon ba iyon?”

“Oo. Kaya, kahit walang mga beso-beso galing sa inyo, okay lang. Batiin
niyo na lang siya. Right?” sabay baling nito sa kanya.

Hindi niya nga type makipag-beso beso sa lalaki kaya um-‘oo’ na lang
siya. Pero lumabas na siya mula sa likod ni Johann dahil ang OA nang pagkakatago
nito sa kanya.

“Ang daming magandang view rito,” ani Reynald habang nililibot ang
paningin. May nakasabit na DSLR sa leeg nito. “Salamat sa pag-i-imbita, Sapphire.”

“Sakto ang pag-imbita niyo. Masyadong stressful sa korte. I have time


to relax, finally!” sabi naman ni Ramses.

“Kung sa korte, masyado ka ng napapagod, paano pa kaya sa gobyerno?


Politics is such an ass,” komento ni Gideon. “Good thing though, we can still take
breaks like this.”

Dalawang araw lang naman kasi ang pananatili nila roon. Pagkatapos ng
birthday nya bukas ay uuwi na rin silang lahat. Hindi rin kasi puwedeng mawala ng
matagal si Johann sa trabaho nito.

“Makakarating ba si Dylan?” tanong ni Johann.

“Nope! Hindi na kasi advisable kay Lana na magbiyahe ng malayo. Last


trimester na, mas ingat na ingat na sila sa panganay nila,” sagot ni Charlie.

Iyon din ang rason kaya hindi makakapunta ang pinsan niyang si Reeve
dahil hindi na rin safe kay Agatha na mag-travel lalo na at labor month na ata ng
cousin-in-law slash sister-in law niya.

“Si River?”

“May tournament sa Germany.”

“Big time talaga ng mga professional car racers,” papalatak na sabi ni


Johann. “Si Kuya Bari?”
Saktong bumukas ang pinto ng Hummer na isa sa dalawang sasakyan na dala
ng mga ito. Lumabas doon ang pinakamatandang pinsan ng mga Anderson. Si Ibarra. But
his cousins prefer to call him “Kuya Bari”.

He stood tall and solid while surveying the whole place. Pagkuwa’y
diretsong tumingin ito sa kanya. “Sapphire,” he acknowledged her.

Unang beses niya pa lang na makilala ito noon sa kasal ng pinsan niyang
si Reeve at ni Agatha, ayaw niya na agad sa dating lalaki. Something’s telling her
that Ibarra’s aura is unusual. Hindi katulad sa ibang lalaki, his presence was
intimidating. Kahit naman ngayon na nakatingin lang ito sa kanya.

Ibarra’s dangerous, ika ng isang bahagi ng isip niya. But she does not
care at all.

When he stepped closer to her, awtomatikong napatago siya sa likod ni


Johann. Does not care, huh? tuya ng isip niya.

Johann laughed. “Ang hilig mo talagang manakot, Kuya Bari. Hindi ka pa


ba sawa sa hobby mong iyan?”

Nagtawanan rin ang mga pinsan nito.

Matipid itong napangiti. “Hindi naman ako nananakot,” anito at saka


tumingin ulit sa kanya. “Did I scare you, birthday girl?”

Tumikhim siya at lumabas sa likod ni Johann pero unconciously,


nakakapit siya sa braso ng asawa. “Hindi naman. Para ka lang mangangain ng tao,”
sagot niya

Nagtawanan lalo ang mga pinsan nito habang ito ay napangisi lang.

“Sandali, Johann,” biglang singit ni Charlie. “So you invited them all,
except me?” parang nagtatampong wika nito.

“Kapag kasi sumama ka pa, Charlie, dadami lang ang clown,” si Reynald
ang sumagot. “Eh, kay Johann pa lang, ubos na tawa namin. Hindi ka na masyado
kailangan.”

“Tama!” Johann agreed. “Pero nandito ka na, eh. Wala na ‘kong


magagawa.”

“Talaga! Inaapi niyo ‘ko? Puwes, si Sapphire lang ang makakatikim ng


masterpiece ko! Ikaw lang ang ipagluluto ko, di’ba, Saphi?” Akmang aakbay ito sa
kanya pero mabilis siyang nalayo ni Johann rito.
“Aakbay ka pa, eh! Hindi nagpapa-akbay ang man-hater sa lalaki. Huwag
kang makulit, ako na sasapak sa’yo.”

Mapanuksong tinignan sila ni Charlie. “Bakit parang nakakarinig ako ng


pagseselos sa tono mo? Kayo ba ay nagkaka-develop-an na?”

Napataas ang kilay ni Sapphire. “We’re just friends,” sagot niya.

Halatang hindi naniniwala ang mga pinsan ni Johann base sa reaksyon ng


mga ito. Napailing na lang siya at inirapan ang mga ito. Bahala nang si Johann ang
mag-explain sa mga ito.

“Saphi!!!”

Napalingon sila nang marinig ang mga tinig ng bagong dating. Biglang
kinabahan si Sapphire. Hindi niya pa kasi nasasabi sa tatlong pinsan niya na kasama
nilang magse-celebrate ang mga pinsan ni Johann. Pero bahala na.

“Oh my gosh!” tili ni Haley nang lumapit sa kanya. Super sexy na agad
ng suot nito at parang puwede na nitong ipanglangoy ang sobrang ikling shorts at
oversized top na suot. “I miss our beach house! Buti na lang dito ka magse-
celebrate ng—”

Bigla itong natigilan nang makita ang mga lalaki, lalo na si Gideon.
“Oh. We have other... visitors.”

“Saphi! Happy birthday for tomorrow!” bati naman ni Lavender pagkalabas


nito ng kotse. Naka-maong shorts din ito at citrus-printed ang damit. “Buti na lang
bati na tayo kung hindi, you won’t invite me. Ah! I totally missed the sea! And--”

Katulad ni Haley ang naging reaksyon nito nang makita ang mga pinsan ni
Johann.

Sa lahat ng lalaki ay si Charlie lang ang bumati. “Hi! Hello! You, two,
look good!”

“Thank you,” nakangiting sabi ni Haley. “Nice seeing you all here.”

“Y-Yeah,” segunda naman ni Lavender at saka napatingin sa kanya. “Hindi


sa’min nasabi ni Sapphire na pupunta rin pala kayo.”

She apologetically smiled and gave her cousins the “I-will-explain-


later” look.
“Oh, well. The more, the merrier!” masayang sabi ni Haley na may kasama
pang palakpak. Isa-isa pa nitong bineso ang mga pinsan ni Johann. Pero pagdating
kay Gideon...

“Aren’t you too old for this?” pilyang tukso rito ni Haley.

“Ooohh! ‘Old’ daw, o!” panggagatong pa ni Charlie.

“And aren’t you a little too young?” balik tanong ni Gideon rito.

Parang iba na ang kahulugan ng pasaring ng dalawa. So that made the


atmosphere more awkward.

Nagkatinginan sila ni Johann.

“Bakit naman iniwan niyo ‘ko sa kotse? Nandito na pala tayo, hindi niyo
man lang ako ginising.”

“Crystal Jane, nandito ka pala!” untag niya nang makitang naglalakad


ito suot ang isang makulay na summer dress at halatang kagigising lang. Nakatulog
malamang sa biyahe.

Napahikab ito. “By the way, bakit nasa labas pa kay—” Nang makita nito
ang mga lalaki ay napakurap-kurap ito. Biglang nawala ang antok.

Napatingin si Crystal Jane sa kanya. “Am I still dreaming?”

“No,” umiiling na sabi niya.

Binalot sila ng katahimikan.

Halatang walang masabi ang lahat. In short, awkward.

“Nagugutom na ‘ko!” Johann broke the silence. “Kain na tayo!” aya nito.

“Kakakain pa lang natin, ah? Gutom ka ulit?” aniya rito.

Inakbayan siya nito at binulungan. “Makisakay ka, Misis, kung gusto


mong umabante ‘tong plano natin. Umpisa pa lang palpak na. Nagkagulatan pa.”

She winced. “Sorry.”


“Guys, pasok na tayo sa loob! Maraming pagkain.”

Nauna nang pumasok ang tatlo niyang pinsan. At halos magtakbuhan na ang
mga ito papasok. Masyadong halata na may gustong iwasan.

Sumunod naman ang mga lalaking pinsan at huli sila ni Johann.

“Naramdaman mo ang awkwardness?” tanong ni Johann.

“Y-yeah.”

“Ganoon talaga ang dating kapag may unfinished business.”

Tumango siya. “Kaya kailangan, magawa natin ang mga plano natin. This
is the chance para mawala na ang awkwardness na iyan. Dapat nang matuldukan ang mga
dapat tuldukan.”

Hinawakan ni Johann ang kamay niya. “This is ‘Operation ni Misis at


Mister: Lagyan ng Tuldok’. Are you with me?”

Napangiwi siya dahil sa pinagsasasabi nito. “You’re so baduy. Eww.”

“Bilis na. Dapat matapos natin ‘to nang hawak kamay. Para ito sa
ikababawas ng mga hindi maka-move on. Ready?”

She rolled her eyes. Inisip na lang niya na siya rin naman ang nakaisip
ng planong iyon. Para iyon sa mga pinsan nila. Kaya...

“Okay! Ready!”

=================

Chapter Thirteen

CHAPTER THIRTEEN

MATAAS na ang sikat ng araw sa hapong iyon pero walang nakapigil kay Sapphire para
ayain ang mga kasamang mag-swimming.

Ang boring kasi sa loob ng bahay at halatang nagpapaka-busy lang iba para may
maiwasan.

“Ang wrong timing mo naman mag-aya ng swimming, Misis. Tirik na tirik ang araw."
Binuksan nito ang dalang payong at ipinayong nito iyon sa kanilang dalawa.

"Can't you feel the tension inside the house? At saka yung mga pinsan ko, hindi pa
maglalabasan ng kuwarto kung hindi ko inaya."

"Kaso, sa tingin mo sino ang magsi-swimming? Lahat nagtatago sa ilalim ng beach


umbrella. Tignan mo." Itinuro nito ang mga tao na may kanya-kanya pa ring business
habang

Sina Lavender, Crystal Jane, at Haley ay "abala" sa cellphones ng mga ito. Sama-
sama ang tatlo sa iisang beach umbrella. Habang si Charlie naman ay
nakikipagkuwentuhan kay Ramses na parang walang choice kundi makinig sa kalokohan
ng pinsan. Reynald was busy taking pictures while Gideon was reading a book.

Wala si Ibarra. Nagpaiwan sa beach house dahil mas gusto daw nitong matulog.

Napabuga siya ng hangin. "Ang boring kasi sa loob ng bahay, eh."

"Mag pa-games tayo, gusto mo?"

Napasimangot siya. "What is this? A children's party?"

"Nagsa-suggest lang, Misis. Saka ano naman kung maglaro? Bakit, bata lang ba ang
naglalaro?"

Umiling lang siya. "Hindi pa ba natin gagawin ang plano natin?"

Umiling ito. "Mamayang gabi na pagtapos ng hapunan. Kakausapin ko rin si Charlie at


Kuya Bari para may kakampi pa tayong iba. Ikukulong lang naman natin sila sa tig-
iisang kuwarto."

Tumingin siya sa dagat. Parang ang sarap talagang lumangoy ngunit baka naman magka-
sunburn siya kahit pa maglagay siya ng sunblock kapag lumusong siya habang tirik na
tirik ang araw.

"Mister."

"O?"
"Di ba, close ka kay Lord? Can you ask na magtago na lang yung sun behind the
clouds? Para kumulimlim and so we can take a swim?"

“Aba matindi. Ikaw, try mong magdasal. Baka dinggin ka. Birthday mo naman."

Lumabi siya. "Sabay na lang tayo."

"Duet pa gusto mo?”

"Ewan ko sa'yo. Ako na lang nga." Alam naman ni Sapphire na napaka-imposible na


kumulimlim ng kahit kaunti dahil sa sobrang taas ng araw. Pero wala namang mawawala
kung susubukan niyang magdasal, hindi ba? Lalo na, gustung-gusto niya na talagang
mag-swimming.

Pinikit niya ang mga mata, tumingala, at pinagsalikop ang mga kamay. "Lord, can you
take the sun away? Just a little bit? Pakitago po muna sa likod ng mga ulap. Gusto
ko po mag-swimming para makapag-swimming na rin po ang ibang tao. Please?”

She heard Johann chuckled.

Napadilat siya at napatingin rito. "What? Am I doing it wrong?"

Pinigil nito ang pagtawa. Ngumiti lang ito at saka umiling. "Sige lang. Continue.
Close your eyes and pray."

Inulit niya nga ang pagdadasal. Mas pinikit niya ng mariin ang mga mata at mas
pinagsalikop ang mga kamay. Napaka-imposible talaga na magtago ang araw, pero
sinubukan niya pa rin. "Lord God, sige na po. Pang-birthday niyo na lang sa'kin.
Please?"

Unti-unti siyang napadilat. At tirik na titik pa rin ang araw. Nalaglag ang mga
balikat niya at napalingon sa asawa. Napataas ang kilay niya nang makitang titig na
titig ito sa kanya.

"Problem?"

Napakurap ito. "H-ha?" tila wala sa sariling sambit nito.

“Why are you staring at me?" Nagtatakang wika niya.

Kumurap ulit ito pero maya-maya'y sumilay ang mga ngiti sa mga labi. "Tinatanong pa
ba iyan?”
Lalo siyang napakunot-noo. "Is there something wrong with my face?"

Hindi ito sumagot pero ilang saglit pa ay ngumiti ito mag-isa at saka napa-iling
iling. “Nevermind. Ano nang nangyari sa dasal mo?"

“I guess, busy pa si Lord. Hindi niya ko agad ma-a-accommodate.”

“Kapag tinawag mo Siya, He'll never be too busy to listen to you.”

“Eh bakit ang araw pa ri—” Natigilan si Sapphire at biglang napatingala nang
lumilim at nawala ang mataas na sikat ng araw. Hindi naman maitim ang ulap kaya
hindi naman mukhang uulan.

"Sabi sa'yo, eh. Nakikinig si Lord."

Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Johann. Pagkuwa'y napatili sa saya! "Guys
and girls! Wala na’ng sun! We can swim na!"

Napatayo si Haley at napatingala. "Oh! Wala na nga! Come on, girls! Let's take a
deep!"

Ibinaba ng mga ito ang kanya kanyang cellphones at saka nagtakbuhan sa dagat.
Walang pag-aalinlangan na hinubad ng mga ito ang suot na cover ups. Bumalandra ang
magagandang katawan ng mga pinsan niya na naka-two piece swimsuit lahat. Masayang
lumusong ang mga ito sa tubig.

Napasipol si Johann. "Ikaw ba, Misis, eh, naka-two piece din? Aba eh, hubad na!"
Tiniklop na nito ang payong.

Inirapan niya lang ito.

Naka-two piece din nga siya pero parang bigla siyang nahiya na hubarin ang cover up
niya dahil rito. Ewan niya ba. Maganda rin naman ang katawan niya. Pero mas
magaganda ang katawan ng mga pinsan niya.

Pare-parehas lang naman silang magpipinsan ng wellness at training program na


kinukuha. Kaya nga nagtataka siya kung bakit mas maganda ang katawan ng mga ito.
Pati ang mga balat ay kakaiba ang glow.

“Sus! Nahiya ka pa sa'kin. Sige na, mag-swimming ka na. Pinagdasal mo iyan, o!”

"Bakit ba minamadali mo 'ko? Gusto mo lang ata makitang naka-two piece ako, eh!"
He chuckled. "Medyo."

Nakatikim ito ng hampas sa kanya.

"Eh, ano namang masamang makita na naka-two piece ka? Asawa mo naman ako. Kaibigan
pa! Walang malisya, p’re! Sige na, mag-swimming ka na. Enjoy na enjoy na mga pinsan
mo, o. Join the fun."

Tinulak pa siya nito papunta sa dagat.

Sa huli, tinanggal niya na lang rin ang cover up at inalis na lang ang hiya. Bakit
nga naman siya mahihiya rito?

Pagkatapos niya maghuhad ay napatunganga ito sa kanya.

Malakas siyang natawa. "Speechless?" tukso niya rito. Nilagay niya pa ang mga kamay
sa magkabilang baywang.

"Ooh-la-la."

Napangisi lang siya at saka binato sa mukha nito ang cover up na hinubad. Pagkuway
tumakbo na siya sa dagat at nakisali sa mga pinsan niya.

She felt so happy. God is indeed listening. In her mind, she thanked Him for
letting the sun go. Hindi niya alam kung paanong nangyaring nawala ang katirikan ng
araw. Basta nakakapagtampisaw siya ngayon.

"Nakakainggit naman sila. Let's have a swim, too!" aya ni Charlie sa mga pinsan
nito. Tumakbo ito palapit sa shore at saka naghubad ng sando.

Lo and behold, ang makulit na si Charlie ay may tinatago pa lang abs! Hindi ito
nahuhuli sa mga nakikita niyang male models sa isang fashion magazine.

Sumunod na rin si Gideon, Ramses, at Reynald. And when they took off their
shirts... Oh my. Hindi rin papahuli ang mga katawan ng mga ito kay Charlie.

They are hunks, for crying out loud!

Paglingon niya sa mga pinsan niya ay napatunganga na lang ang mga ito. Siya naman
ay napailing-iling. Buti na lang at hindi siya nagmumukhang ewan kapag nakakakita
ng katawan ng lalaki. Oo, maganda ang mga katawan ng mga ito at halatang
maintained. Pero hindi naman siya kahit kailan nabighani sa abs.

Panukso niya lang iyon kay Johann para naaasar ito. Speaking of Johann...
"Mister!" tawag niya rito. Nakatayo lang ito sa malapit sa dagat habang pinapanood
sila.

"Bakit?"

"Take a swim, too! Malamig ang tubig."

"Ah, okay lang ako,” tanggi nito. “Hindi naman ako mahilig lumangoy."

Napataas ang kilay niya at umahon siya. Mapanuksong ngumiti siya habang papalapit
kay Johann. "Ang sabihin mo, ayaw mo lang maghubad. Ang lakas ng loob mong mag-
topless sa bahay, ah! Pero dito, bakit ayaw mo?" Nilingon niya ang mga pinsan nito.
"Intimidated?"

"Ako? Intimidated? Saan?"

"May abs sila."

Natawa siya nang malukot ang mukha nito.

"Ang saya mo, ah. Sige lang, tawa ka lang," asar na sabi nito.

Lalo siyang natawa at hinila ang shirt nito. "Take it off!"

Lumayo ito sa kanya. "Gusto mo talagang mukhang kawawa ako, eh 'no?"

Lalo siyang natawa at mas hinila pa ang damit nito. "Hubad na, Mister. Take it off!
Take it off!"

"Misis, ano ba? Huwag mo kong ipahiya ng ganito. Porke't wala akong abs, inaapi mo
na'ko."

"Take it off! Take it off!" she cheered.

"Tsk. Bumalik ka na nga sa dagat. Ibabato kita dun, sige!"

Mas lumapit siya rito at pabirong hinuhubad ang shirt nito. "Sige na! Show off your
body, too!"

"Tsk! Lumapit ka pa, lagot ka talaga sa'kin."


Ngunit nagpatuloy pa si Sapphire na mahubad ang shirt nito. "Show them your 'abs',
Mister."

"Iyan tayo, eh. Gusto mo talaga akong mapahiya. Huwag mo ko hubaran! Ah! Rape!
Rape!"

Napasinghap siya. "Ang kapal talaga ng mukha mo!"

Ito naman ang malakas na natawa. Hinuli nito ang mga kamay niya at nilayo nito sa
shirt. "Huwag mo kasi akong piliting maghubad. Wala talaga akong abs, oo na. Wala
na kong panama sa mga pinsan ko. Huwag mo nang pagduldulan, okay?"

She chuckled. "You know, hindi ka naman mukhang kawawa. Ano naman kung wala kang
abs? You're pogi pa rin naman."

Nanlaki ang mga mata nito. "Misis?" Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi,
"Misis, ikaw ba iyan? Sinasabihan mo kong pogi? Ikaw ba talaga ang misis ko? Ilabas
mo, Misis ko! Ilabas mo!"

"Ha-ha! You're not funny." Tinanggal niya ang mga kamay nito sa mukha niya.
Tinalikuran niya na ito. "Kung ayaw mo mag-swimming, eh di huwag."

Bumalik na siya sa dagat at nakisaya sa mga pinsan niya. Magkalayo ang grupo nila
sa mga grupo ng mga lalaki. At pabor na pabor yata iyon sa magkabilang partido kaya
hinayaan na lang ni Sapphire.

Tinignan niya ang puwesto na pinag-iwanan niya kay Johann. Wala na ito doon. Baka
pumasok na ng beach house.

Sayang.

Aaminin niya, inaasar lang naman niya ito dahil obviously, hindi ito kasing-“hunk”
katulad ng mga pinsan nito. But deep inside, she wanted him to join her to swim.
Para may kakulitan siya. When Johann’s around, it’s simply fun.

At totoo naman ang sinabi niya. Kahit hirap siyang sabihin, sinabihan niya itong
“pogi” because he’s really good looking even without abs or a great body.

She never praised a man and told them their handsome. But Johann will always be an
exception.

~0~0~0~
“WHERE are we going?” tanong ni Haley kay Sapphire.

Katatapos lang nilang maghapunan at nagsimula na silang kumilos ni


Johann. Kinasabwat na rin nila si Charlie para tulungan sila.

“Haley, sa tingin ko, dapat mo nang tigilan ang kakatukso kay Gideon.
Dapat tuldukan niyo na ang issues niyong dalawa. May girlfriend na siya kaya.
Tigil-tigilan mo na rin ang kalalapit sa kanya.”

“FYI, hindi ako ang lumalapit sa kanya. At imposibleng magka-closure pa


kami dahil kapag nag-uusap kami, mainit agad dugo niya sa’kin. It’s either he walks
away, I walk away, or we end up making out.”

Gulat na napalingon siya rito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi
nito. “W-What? Ikaw, Haley, ikaw ang pinakabata sa’tin but it does not mean na
hindi mo na alam ang tama at mali. Nakikipag-make out ka sa may girlfriend na? Ano
ka ba? Sinusundan mo ba ang mga yapak ni Lavender? Gusto mo maging girlfriend
number two?”

Haley rolled her eyes. “As if gagawin pa ‘kong girlfriend number two ni
Gideon.”

“At gusto mo pa yata.” Biglang natigil sa paglalakad si Sapphire. Bigla


siyang nag-alinlangan na ikulong ito sa iisang kuwarto kasama si Gideon. Baka
mamaya, imbes na magkaayos ang mga ito ay ibang milagro ang mangyari.

Napailing si Haley. “Hindi na kami magkakaayos ni Gideon. Nadala na


siya sa ginawa kong kalokohan last year. He’ll never listen to me, again, or trust
everything I say.” Lumungkot ang mga ito at saka tumalikod.

Napabuga siya ng hangin. Kung itutuloy niya ang plano, malaki ang
tsansa na makinig na si Gideon sa pinsan niya. But... will she take the risk, lalo
na at hindi lang simpleng tensyon ang namamagitan sa dalawa?

“Haley,” tawag niya sabay hila sa kamay nito. “Maybe this should be a
lesson that never fall in love again with a guy who’s twelve years older than you.”

“Yeah, right.”

Mas hinila niya ang kamay nito at pumunta na siya sa tapat ng kuwarto
na nilaan kay Gideon.

“What are you doing, Sapphire? At saka nasaan ba kasi sina Lavender at
Crystal Jane. Ang usapan, magna-night swimming kami sa pool.”
“Kapag ba nakulong ka sa isang kuwarto kasama si Gideon, magpa-promise
ka ba na... walang ibang mangyayari sa inyo like... you know...?”

Kumunot ang noo nito. “Bakit naman kami makukulong sa isang kuwarto?”

“It’s a hypotetical question. Ano na?”

“Walang mangyayari sa’min. Baka hindi pa kami magpansinan.”

Napangiwi siya. “But you’ll try to talk to him? Without making out?”

Mapaklang natawa ito. “Lasing lang kami noon kaya kami nag-make out. If
he was in his right mind, hindi niya gagawin iyon.”

“But you want to have a closure, right?”

Nagkibit-balikat ito. “Yeah. Kind of.”

That fueled Sapphire’s desire to continue her plan. “Pasok ka diyan,”


sabay turo niya sa pinto. “Nandyan sina Lavender.”

Pumasok nga ito.

“Ahm, Saphi, sure ka na nandito sila? May damit ng panlalaki ri—hey!”

Tinulak niya ito ng malakas papasok sa kuwarto at saka mabilis na


kinabig pasara ang pintuan at ni-lock iyon sa labas.

“Saphi! Saphi! Open the door!” tili ni Haley mula sa loob. “Saphi! This
is not funny!”

Nakita niya si Johann na palapit sa kanya.

“Saphi, I’m gonna kill you!” banta pa ni Haley na ikinangiwi niya.

“Iyan din ang sabi sa’kin ni Lavender. Papatayin niya daw ako kapag
nakalabas siya,” natatawang sabi ni Johann.

“Okay na ba si Lavender?”

“Oo. Kasama na siya ni Reynald ngayon. Sabi naman ni Charlie, kasama na


ni Crystal Jane si Ramses. So... meron sila hanggang 3 AM bukas para magkaroon ng
closure. Hopefully.”

Biglang tumahimik sa kakasigaw si Haley. Sabay pa sila ni Johann na


napadikit ang mga tainga sa pintuan.

“What are you doing here?” narinig nilang tanong ni Gideon kay Haley.

“I wish I know why. Kinulong ako rito ng pinsan ko! Kasabwat ka ba


rito?”

“Me? Nanahimik ako dito. Kita mo namang kaliligo ko lang.”

Nilayo na nila ang mga tainga nang mag-away na ang mga ito.

“Sa tingin mo, magkakaayos sila?”

“Magkakausap din nang matino iyang dalawa. Buong magdamag ba naman sila
diyan. Dapat makapag-usap na sila. Ito pala iyong susi sa kuwarto nina Reynald at
Ramses.”

Kinuha niya ang binigay nito at itinago iyon sa bulsa niya. “I hope
this would be really successful, dahil kung hindi, patay tayong dalawa.”

“Eh di, kitakits na lang sa heaven, Misis,” natatawang sabi nito.

=================

Chapter Fourteen

CHAPTER FOURTEEN

“MAGIGING okay lang kaya sila?” nag-aalalang sabi pa rin ni Sapphire.

Hinawakan ni Johann ang kamay niya. “Hayaan mo na sila diyan. Nagpapahinga na sina
Charlie at Kuya Bari. Sinabihan mo na rin ang mga kasambahay na huwag papalabasin
ang mga kinulong natin, di’ba? Wala na tayong problema. Nasa anim na lang kung
magkakaayos sila.” Hinila siya nito at bumaba sila ng hagdan.
“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong niya rito.

“Doon ulit tayo sa may dagat. Maglakad-lakad tayo.”

Hindi na siya tumutol dahil gusto niya ang idea nito.

Nang nasa labas na sila ay hawak pa rin nito ang kamay niya. Ayaw bitawan. Hindi na
lang rin niya binawi. Masarap naman sa pakiramdam ang mainit na palad nito na
bumabalot sa kamay niya.

Malamig na malamig ang hangin pero sapat na ang init sa kamay nito para
maging komportable ang pakiramdam niya.

“Two hours na lang, birthday mo na. Gusto mo mag-count down?”

Napatingin siya sa suot na wristwatch. “Oo nga, ano? Well, I don’t do


count downs. Matutulog na ‘ko pagkatapos nating maglakad.”

“Hindi mo hinihintay ang birthday mo? Aren’t you excited? Once a year
lang dumadating ang araw mo.”

“Magigising naman ako bukas. Bakit kailangan ko pang maghintay hanggang


mamaya?”

Natawa ito. “May issue ka rin sa paghihintay, ano? Sabagay, mayaman ka.
Maraming bagay na hindi mo kailangang hintayin para mapasa’yo.”

She just shrugged. “Ikaw ba? Nagka-countdown ka kapag dumadating ang


birthday mo?”

“Oo. Masaya kaya. When the clock strikes twelve, araw ko na iyon. It’s
something that I’m thankful for.”

He swayed their clasped hands. “Misis?”

“Yes?”

“Kung hindi ka pala talaga man-hater... bakit ayaw mo sa mga lalaki?


May nagawa ba ang mga lalaki sa’yo kaya ka ganyan? Naloko ka ba dati?”

Umiling siya at nilayo ang tingin rito. Tumingin siya sa madilim na dagat na
kalmado. “Kaya ko nasabunutan si Lavender noon sa mall kasi natamaan ako sa mga
sinabi niya.”
“Ano bang sabi niya?”

Oras na siguro para mag-share pa siya sa asawa ng mga bagay na matagal


niyang kinikipkip at kahit isa ay wala siyang pinagsabihan.

“Ayoko sa mga lalaki kasi... as I grow up, nakita ko kung gaanong bigyan sila ng
atensyon ni Mommy. Yung mga boyfriends niya, sobrang pampered niya. Kahit wala nang
oras sa’kin ang Mommy ko at naalala niya lang yata ako kapag wala siyang boyfriend,
masaya naman ako kapag masaya siya...Naiinggit ako sa mga lalaki kasi may oras sa
kanila si Mommy...” Nakagat niya ang mga labi nang nagbadyang tumulo ang mga luha
niya. She hates crying. Ugh!

“N-Nagagalit din ako kapag... k-kapag hinihiwalayan nila si Mommy. Tapos makikita
ko siyang umiiyak. Naiinis ako sa mga naging boyfriends niya kasi sinayang nila ang
love and time ng Mommy ko. Eh, buti nga sila, naramdaman nila iyon sa Mommy ko,
tapos sasaktan lang nila siya? K-Kaya ayoko sa mga lalaki, eh. Naiinggit ako kasi
sila lang nagpapasaya sa Mommy ko, sinasaktan pa nila...” Napasinghot siya. “K-Kung
ako na lang ang binigyan ni Mommy ng time and love, I’ll assure her na hindi ko
siya sasaktan. But maybe, being a child out of wedlock, I’m never enough to make
her h-happy...”

Iyon ang pinakatatagu-tago niya. Na ayaw niyang aminin kahit kanino. Na naiinggit
siya sa mga lalaki... na ang katotohanan na hindi niya mapapasaya ang Mommy niya,
dahil anak lang siya nito sa lalaking hindi ito nagawang panagutan.

It was never easy growing up for Sapphire. Ayaw niyang magalit sa Mommy niya kahit
wala itong laging oras sa kanya pero sa boyfriend nito ay mayroon. Ayaw niyang
magalit sa Mommy niya, because, she’s still her mom and her Lola told her that she
must love her mother no matter what.

And she loves her. Kaya ang hatred niya, napunta na lang sa mga lalaki para hindi
siya magtanim ng sama ng loob sa nanay niya. Kasi ayaw niya. “S-Someday, when my
mom’s youth and beauty was gone, it’s me who can only love her truly and
unconditional. I wanted to save that love, Johann... I can never hate my mom. So,
I hated guys, instead.”

Hindi niya namalayang naiyak na siya. Nanlabo na lang ang paningin niya at sunud-
sunod na sa pagtulo ang mga luha niya.

Tumigil sa paglalakad si Johann kaya napatigil rin siya. Ayaw niyang humarap rito
dahil ayaw niyang makita nito na umiiyak siya.

“Sapphire...”

Napapikit siya at awtomatikong napalingon rito. It’s in the way that he called her
name kaya hindi niya napigilang humarap rito.
He gently cupped her face and wiped her tears away. Hindi ito nagsalita. Walang
pagpapatawa o pagko-comfort na ginawa. Tahimik na pinalis nito ang mga luha niya.

Pagkuwa’y bumaba ang braso nito sa baywang niya at kinabig siya palapit rito.
Dinala nito ang ulo niya sa dibdib nito at mas niyakap siya nang mahigpit.

Lalo tuloy siyang napaiyak. Yumakap na rin siya sa baywang nito at mas sinubsob ang
mukha sa dibdibd nito.

Hinagod-hagod nito ang likod niya. “Iiyak mo lang. Matagal mo ring kinipkip iyan.”

Mas napahigpit ang yakap niya rito. And that’s all she needed for the past years
that she kept everything to herself. Kahit sa Lola niya, hindi niya nagawang umiyak
ng ganoon noong nabubuhay pa ito. Iyon lang ang kailangan niya.

Ang may maiyakan at walang pipigil sa kanya. Good thing, Johann didn’t try to stop
her from crying. Tahimik lang ito. Nakayakap sa kanya. Dinadamayan siya. Lagi
nitong alam kung anong tamang gawin.

Indeed, he’s really a friend.

“Naniniwala ako na mare-realize din ng Mommy mo na ikaw lang ang kailangan niya
para maging masaya talaga siya,” sabi nito pagkaraan ng mahabang oras ng
katahimikan at pag-iyak niya.

“She wants a happily ever after.”

“You are her happily ever after, Misis. Kasi anak ka niya. At ikaw lang rin ang
magmamahal sa kanya kahit ano pa ang mangyari. Bonus pa, darating din isang araw
iyong tao na magpaparamdam sa’yo na ikaw lang, sapat na para sa buong buhay niya.”
Naramdaman niya ang paghagod nito sa buhok niya. “Sa huli, maghihintay lang talaga
tayo. Everything will fall into their proper places at the right time. Maniwala ka.
English iyon.”

Natawa siya kahit umiiyak pa. “Johann naman, eh...”

He lighlty chuckled and hugged her tight. “Hay, ang misis ko, ang ganda pa rin
kahit umiiyak.” Hinalikan pa siya nito sa bumbunan. “Pero hanga ako sa’yo. Dakila
ang pagmamahal mo para sa iyong hot Mommy.”

Hinampas niya ito sa dibdib.

“Pero mas hot ka pa rin. Selosa ka naman.”


Pinalis niya na ang mga luha at lumayo na rito. Napakunot ang noo niya nang hubarin
nito ang shirt.

“Ang lakas ng loob mo na maghubad ngayon, ah! Porke’t wala na mga pinsan mo.”

Natawa ito. “May mga bagay talagang dapat alam mo kung kailan ilalabas at itatago
lang.”

Napatili siya nang bigla siyang buhatin nito. He scooped her up and ran towards the
sea.

“No! Ayokong mag-swimming!”

Pero lumubog na ito sa tubig kasama siya. Sobrang lamig ng tubig na parang
maninigas na siya! Napatili siya ng malakas dahil sa sobrang lamig at saka
napayapos ng mahigpit sa leeg nito. “Ang lamig!”

“Sige, yakap ka lang, Misis. Ako nama’y hindi tumatanggi sa body heat.”

Napalayo siya rito at sinabuyan niya ito ng tubig. Gumanti ito. Aahon sana siya
pero hinahabol siya nito at hinuhuli sa baywang. Ang nangyari, kahit mukhang
maninigas na sila sa sobrang lamig ay patuloy pa rin sila sa dagat at nagkukulitan.

Tanging mga tawanan nila ang naririnig sa buong katahimikan ng gabi at ng dagat.

~0~0~0~

“HAPPY BIRTHDAY, Misis!”

Pagkalabas na pagkalabas pa lang ni Sapphire nang banyo ay sinalubong


niya na ito ng yakap. Katatapos lang nilang magswimming sa ice-cold na dagat at
nakabanlaw na sila pareho.

“Ang bango mo naman,” puri niya sa asawa. “Pa-kiss nga.”

Hinilamos nito ang kamay sa mukha niya. “Tumigil ka nga, Mister,”


natatawang sabi nito. “Inaantok na ‘ko. Mamayang umaga na lang tayo mag-celebrate.”

Pero humanap siya ng tiyempo at saka ito mabilis na hinalikan sa


pisngi. Hindi naman ito umangal.
Napangiti siya. Natutuwa siya na lumalambot na ang puso ni Sapphire.
Pinagkakatiwalaan na siya nito at nakapag-open up pa ito kanina sa kanya. Para
siguro sa isang lalaki, napakasarap sa pakiramdam na napagkakatiwalaan siya.

At sa narinig niyang istorya ng misis niya, sisiguraduhin niyang


hinding-hindi masisira ang tiwala nito sa kanya. Iingatan niya iyon katulad ng pag-
iingat na ginagawa niya rito habang mag-asawa pa sila.

Nagpatuyo lang ito ng buhok at maya-maya pa’y mabilis na itong


nakatulog. Masyado nga atang napagod.

Kinumutan niya ito ng maayos at saka maingat na hinalikan sa noo.


Tinitigan niya pa ito at natagpuan na lang niya ang sariling napapangiti.

“Baliw na ata ako,” bulong niya sa sarili at saka napailing-iling.


Lumabas siya sandali ng kuwarto at saka nag-check ng mga “kinulong” nila.

Nang dumaan siya sa kuwarto ni Ramses, nakarinig pa siya ng mga pag-


uusap. Pagkarating sa kuwarto ni Reynald, ganoon rin. Pero kay Gideon, tahimik na
ang loob nang ilapat niya tainga sa pinto.

Nagkibit-balikat na lang siya. Napahikab na rin siya maya-maya at


pabalik na sana ng kuwarto nang may makita siyang pigura na nakatayo sa may
verandah na nasa dulo ng hallway ng second floor.

“Kuya Bari?” untag niya sa pinsan nang lapitan niya ito.

Nilingon siya nito. May hawak itong isang mug ng kape.

“Bakit gising ka pa?”

“Thinking about things,” seryosong sagot nito. “Tulog na si Sapphire?”

Tumango siya. Pero sa isip-isip niya ay ang weird talaga ng pinsan


niyang ‘to. Buong araw ba naman na hindi nakisaya sa kanila? “Matutulog na rin nga
ako. Nakakapagod ngayong araw. Sige, una na ‘ko.”

“Johann,” tawag nito sa kanya.

Napalingon siya rito.

“Nakita ‘kong masaya kayo ni Sapphire kanina. Mukha ngang napapalambot


mo ang puso niya.”
“Well, pogi powers,” pakuwelang sabi niya.

“Do you like her?”

“Oo!” matapat niyang sabi. Bakit niya pa itatanggi, eh, may gusto naman
na talaga siya sa asawa?

“Just don’t lead her on if you’re not ready to fully love her yet.”

Napakunot-noo siya. “A-Anong ibig mong sabihin?”

Umangat ang gilid ng labi nito. “You still love Czarina, right?”

Natigilan siya nang marinig ang pangalan ng babae.

“You’re still hurting.”

Napaiwas siya ng tingin rito.

“Huwag mong gawing panakip-butas si Sapphire kung gusto mong


makalimutan si Czarina. Don’t ever confuse your feelings. Because when the day
comes that Sapphire loves you and you think you love her, too, magkakagulo kapag
bumalik si Czarina. Magugulo ka kapag nakita mo siya isang araw sa harap mo. Tama
ba?”

Hindi siya makasagot. Ngunit sa loob niya, alam niyang tama ang sinabi
ng pinsan.

=================

Chapter Fifteen

CHAPTER FIFTEEN

Habang umiinom ng gatas si Sapphire ay mataman siyang nakatingin kay Johann na


palakad-lakad na naman sa loob ng bahay na walang shirt.

Parang may nagbago sa katawan nito. Pagkatapos ng birthday niya two weeks ago, mas
naging komportable na siya rito. Magkaibigan na magkaibigan na ang dating nilang
dalawa. Mas close pa sila kaysa sa pinaka-close friends, mas best pa sila kaysa sa
mag-bestfriends.
Iyon ang rason ni Sapphire sa sarili para malaya niyang nase-survey ang pagbabago
sa katawan ni Johann nitong mga nakaraang araw. Minsan, hayagan pa niyang
tinitignan ito and Johann does not mind at all.

“Nakatitig ka na naman sa katawan ko, baka naman ma-inlove ka niyan,” nakangising


sabi nito sa kanya nang mapansin ang ginagawa niya.

Nagpunas siya ng table napkin sa bibig pagkatapos maubos ang iniinom. “Your body...
Why it is your muscles are more defined now? And how the hell did you get
that...that abs trace?” di makapaniwalang tanong niya rito. Kumurap kurap pa siya.

Hindi siya nagkakamali, wala pa itong abs pero...pero pumoporma na iyon sa tiyan
nito.

Tumawa ito. "Nagwo-work out ako, malamang. Doon ako sa gym ni Dylan. Inalok niya ko
ng program para makadevelop ng abs. Isang oras sa isang araw lang ang kailangan
kong ilaan para magkaroon nito," sabay tapik pa sa medyo-may-abs na tiyan nito.

Napataas ang kilay niya. "You're going to the gym na pala? Since when?" Hindi naman
kasi nababago ang oras ng pag-alis at pag-uwi nito galing sa trabaho kaya hindi
halatang may oras pa pala ito na nagpupunta ng gym.

"Mula nang matapos ang birthday mo. Naisip ko, oras na rin siguro na maging mas
maalaga ako sa katawan ko. Masyado akong naste-stress sa pagtuturo. At least kung
gumanda man ang katawan ko, aalis na ko sa pagiging teacher. Magsasayaw na lang ako
sa gay bar."

She laughed and imagined Johann dancing in a bar full of gay audience cheering for
him while he's taking off his clothes to the last piece of his undergarment. Then,
Johann's wiggling his nice ass.

Napangiwi siya sa sariling imagination. "So eeww, Mister." She crossed her arms.
"Ang sabihin mo, mula nang birthday ko, naiinggit ka sa mga katawan ng mga pinsan
mo. Admit it, they look immaculate with those freaking abs."

Nameywang ito sa harap niya. And she swear, she saw his biceps flexed. Biceps!
Gosh! Halatang halata na nga ang biceps sa braso nito.

“Hindi naman ako inggitero, Misis. Wala akong kailangang ikainggit sa mga pinsan
ko. At saka bakit ba? Gusto ko ng magka-abs. Tutal, nagwo-work out na 'ko."

“Are you trying to impress me?" pang-aasar niya.

“Medyo. Pero puwera doon, nagiging seryoso lang ako sa pamumuhay ng healthy. Hindi
na ko ganoon kabata, ah. Sumasakit na likod ko sa tuwing pagkatapos ko mag-check ng
test papers. Tsk. Thirty-three lang ako pero pakiramdam ko ang tanda tanda ko na
dahil sa back ache ko."

Ngumuso siya. "Masyado ka kasing seryoso sa mga ginagawa mo. After you check your
students' papers, diretso ka na sa paggawa ng lesson plan at lectures sa laptop.
Siyempre lagi kang nakayuko. Paanong di sasakit ang likod mo? Diyan ka pa sa maliit
na center table gumagawa ng work. May work table ka naman sa loob ng room."

Umupo ito sa tabi niya. "Baka maabala kita sa pagtulog kaya dito ako sa labas
gumagawa ng trabaho."

“You can do the work pa rin naman inside the room, eh. Don't mind me. In the first
place, sa'yo naman ang kuwarto mo.”

“Ayos na 'ko. Kaya ko naman na, lalo na ngayon. Tama na ring nakakapag-work out
ako. Bonus pa ang abs para sa'yo," anito sabay kindat sa kanya.

Inirapan niya ito. “Mahirap magmaintain ng abs. Hindi pa nga refined iyan. At saka
kahit wala ka naman abs, okay lang. Mag-exercise ka na lang.” Ang alam niya kasi ay
mas mahirap ang pagkakaroon ng abs kaysa sa simpleng exercise na puwede namang
gawin ni Johann. Pagod na nga ito sa pagta-trabaho, magiging batak pa ito sa pagwo-
work out?

Pinatong nito ang braso sa sandalan niya. "Tss. Ikaw, Misis, ang gulo mo. Dati,
wagas mo kong inisin sa kawalan ko ng abs. Ngayon namang nagkakaron na, ayaw mo na.
Ano ba? Aym konpyus.”

Kapag nagkaroon na ito, ano pang ipapang-asar niya rito? At isa pa, hindi naman
siya fan ng mga lalaking sobrang ganda ng katawan. Johann's body is just enough.
Tama lang ang built nito. "Kung gusto mo talagang maging healthy, sumama ka na lang
sa'king mag-yoga class."

“Yoga?"

Tumango siya. "Mas maganda iyon. More relaxing and healthier. Come with me on
Saturday. Sabay na lang tayo sa yoga class."

Nangislap ang mga mata nito. “Napapansin ko nitong mga nakaraang araw, lagi mo na
kong sinasabay o sinasama sa mga activities mo. Katulad nang sinasabay mo na ko
kapag namimili ka sa grocery, sinasama mo rin ako sa pag-aasikaso ng bookstore mo.
Ngayon naman, sabay tayo sa pagyo-yoga!" Tinignan siya nito ng diretso sa mga mata.
"Gusto ko nang isipin na masyado ka nang nagiging... Anong tawag doon? Ah! Clingy!"

Awtomatikong nagsalubong ang dalawa niyang mata. Napatayo siya at naglakad palayo.
"You can say 'no' kung ayaw mo mag-yoga. Ang dami mo pang sinabi."

But she's kinda guilty of his accusation. Clingy? Is she being like that? Basta ang
alam lang niya, gusto niyang laging kasama ito dahil naaliw siya sa presensya nito.
And they're friends! Hindi ba ganoon ang magkaibigan? Lagi mong gustong kasama para
makausap? She's too comfortable with Johann in just a span of nearly two months.
Since she accepted that Johann's a friend, she does not mind being close or being
too attached with him.

Hinila ni Johann ang kamay niya. "Ang hilig mong mag-walk out kapag guilty, Misis.
Umupo ka nga ulit dito."

Pilit niyang binawi ang kamay pero ginamit nito ang lakas para mapaupo ulit siya sa
tabi nito. Nang aksidenteng madikit ang braso niya sa hubad nitong dibdib ay agad
siyang lumayo rito. She become aware of his bare upper torso. Bakit ganoon? Bakit
bigla siyang nailang? Sanay naman siya na wala itong pang-itaas na palakad lakad sa
loob ng bungalow nito, ah?

"O, anong nangyari sa'yo? Para kang nanigas diyan."

Umiling siya at malakas na binawi ang kamay niyang hawak nito. "Magdamit ka na nga!
Huwag mo nang ipangalandakan ang katawan mo. I get it, nagkaka-abs ka na. Fine.
Magdamit ka na."

"Eto naman, parang hindi ka na nasanay sa'kin. Ngayon ka na lang ulit umangal sa
pagiging topless ko," natatawang sabi nito. "Sisihin mo kasi ang araw, sobrang
init!"

"Maligo ka na kasi!"

"Sabay tayo?"

Nakatikim ito ng pingot sa kanya. "Stop being a pervert maniac, Mister. Maligo ka
na. Bubuksan ko ang aircon sa kuwarto. Hep! Wala akong pakialam sa electric bill
natin. I can pay it kahit pa electric bill ng buong subdivision. Papa-aircon ko pa
ang buong bahay natin hanggang garage para lang huwag ka nang mainitan."

Ngumiti ito. Ngiting nakaka-"fall" nga daw. Kinagat pa nito ang ibabang labi para
pigilan ang pagngiti pa ng todo.

"What's funny?" singhal niya rito.

"You sound so...wife-like. Handa kang ipa-aircon ang buong bahay para lang hindi
ako mainitan?" Mas sumingkit ang mga mata nito sa pagkakangiti, "Sweet."

Napakurap siya. Ganoon ba ang dating ng pagkakasabi niya? "H-hindi ganoon iyon.
Para lang huwag ka na maghubad, papa-aircon ko tong bahay. Kahit gumanda pa iyang
katawan mo, hindi ko pa ring gusto na nakabalandra iyan sa harap ko."
Hinimas nito ang baba. "Talaga lang? Sige." Tumayo na ito at pumasok ng kuwarto.
Paglabas nito ay may dalawa na itong tuwalya at pumasok na ng banyo.

Niligpit naman niya ininumang baso. Pagkatapos hugasan ay pumasok siya ng kuwarto
at binuksan ang aircon kasabay ng pag-on ng laptop niya. She's going to check her
blog and write a new article. Buti at free siya ngayong araw para maasikaso pa ang
blog. Nitong mga nakaraang araw kasi ay laging ang bookstore niya ang pinagtutuunan
niya ng pansin.

So far, organized ang mga plano niya sa future bookstore niya. May secretary na
siya na nagha-handle ng lahat ng bagay na kailangan niyang asikasuhin at laging
gumagawa ng schedule niya. Nakakuha na rin siya ng accountant na magha-handle ng
lahat ng expenses. She also had hired engineers and architects for the bookstore's
floor planning and landscape.

Buti na lang nakinig siya kay Johann na kumuha ng mga taong nabanggit niya dahil
she's too foolish to think na makakaya niyang mag-isa na matayo ang bookstore niya.
Stupid of her. Minsan, maganda rin talagang nakikinig siya sa ibang tao. Well, kay
Johann lang naman siya natutong makinig dahil kahit pa loko-loko ito ay napatunayan
naman niyang mas marami itong alam kaysa sa kanya. He was the one who recommended
all the people she has now para lang maging successful ang pagtatayo niya ng
bookstore. He's so supportive like a true friend.

She likes him even more because of that.

Wait. What?

Naisip niyang gusto niya ito?! Well, gusto niya ang pagiging supportive nito na
kaibigan. Iyon lang yun.

Iyon lang talaga.

Iyon lang.

Why am I convincing myself? What the eff is happening to me?

Napailing-iling siya. She tried to focus her crazy head to her article.
Nakapagsimula naman siyang magsulat and she finished writing two paragraphs when
Johann entered the room. Napatingin siya rito at nakitang basang basa pa ang buhok
nito while his towel tapered around his waist. Tumutulo pa ang tubig sa dibdib
nito.

Hinawi nito patalikod ang buhok gamit ang isang kamay. Sinara nito ang pinto at
napatingin sa kanya habang nakadapa siya sa ibabaw ng kama.

"Magbibihis ako. Diyan ka lang?" tanong nito.


This is not her first time to see him only covered with a towel. Pero parang
napatanga na lang siya rito.

“Sapphire?”

Biglaan naman siyang napabangon. “Ah... l-lalabas a-ako.” Mabilis siyang tumayo at
lumabas ng kuwarto. Muntik pa siyang mapatid sa pagmamadali.

Malakas niyang sinara ang pinto. At nang nasa labas na siya ay nakatingin lang siya
sa hawak na doorknob. Napahawak siya sa dibdib. Why is her heart not on its usual
beat? Bakit bigla na lang bumilis iyon ng ganoon.

Huminga siya nang malalim at napapikit. Ano ba iyan! Kanina niya pa hindi
maintindihan ang sarili.

She’s being clingy. She’s being unconciously caring. She’s being too observant to
Johann. Parang lahat na lang, napapansin niya rito. Parang lahat na lang ng oras,
gusto niya itong kasama. Parang lahat na lang ng kailangan o gusto nito ay ibibigay
niya.

Is she acting like a friend? Ugh! She has no idea how to be a friend. So baka tama
lang ang ginagawa niya. Ganoon din naman kasi si Johann sa kanya.

“Huy!”

Literal na napatalon siya mula sa malalim na pag-iisip. Nakita niya si Johann na


nakadamit na at binuksan na pala nito ang pinto.

Natawa ito sa reaksyon niya. “Gulat na gulat ka naman, Misis. Ganyan na ba ang
reaksyon kapag nakakita ng bagong ligong pogi?”

“Umalis ka nga diyan!” Malakas na hinawi niya ito at pumasok na ulit siya ng
kuwarto. Mabilis siyang sumampa ng kama at kinuha ang laptop. Nakipagtitigan siya
sa screen niyon.

Sinara ni Johann ang pinto ng kuwarto at humiga ito sa tabi niya. “Gisingin mo ‘ko
ng four PM. Siesta lang ako at marami pa ‘kong gagawin para sa Lunes.”

Hindi niya ito pinansin. Pinipilit niya kasing alamin kung paano pakakalmahin ang
puso. Ayaw talagang timigil sa mabilis na pagtibok niyon.

“Misis...” malambing na tawag ni Johann. “Narinig mo ba ‘ko?”

Salubong ang mga kilay na binalingan niya ito. “My heart... it won’t stop beating
fast.”

Napakunot noo ito sa sinabi niya. “Huh? Inaatake ka ba?”

Umiling siya. Wala naman kasi siyang sakit sa puso.

Napabangon ito at nilapat ang kamay sa tapat ng puso niya. “Oo nga! Ang bilis nga!
Para kang tumakbo kasi hinahabol ka ng aso. Hinga kang malalim. Ano bang nangyayari
sa’yo?” nag-aalalang wika nito.

Hindi siya makasagot dahil iyon din ang tanong niya sa sarili.

“In love ka ba?” he joked.

Natigilan siya at napatingin rito. Tumingin din ito sa kanya kaya nagsalubong ang
mga tingin nila.

And when she looked into his wondering eyes and realized how his fae too closed
with hers... parang kakapusin na talaga siya ng hininga.

Oh, my gosh. This. Can’t. Possibly. Be.

“I-I’m inlove...?” nabulong niya sa sarili.

“Ano?”

Napatingin siya sa mga labi nito. And she had this urge to kiss him. Oh no. That’s
not normal. That’s not how friend thinks of her friend’s lips.

“Sapphire, Misis? Mas lumakas tibok ng puso mo! Namumula na rin mukha mo. Allergy
ba iyan? Sugod na kaya kita sa ospital?” natatarantang sabi na nito.

“No... No...” umiiling na sabi niya. Nagsalubong ulit ang mga mata nila.
“Johann...”

“Ano na? Sugod na kita sa ospital?”

Napalunok siya at tinulak ito ng malakas. Binaba niya ang laptop sa kama at saka
siya tumakbo palabas ng kuwarto.

“Sapphire!”
Tumakbo siya papunta sa loob ng banyo at kinulong ang sarili sa loob.

“Inlove ka ba?”

Tinignan niya ang sarili niya sa salamin. Her face was flushed. Her
crazy heart just can’t stop running! Suddenly, she felt the butterflies in her
stomach.

“Sapphire?” pagkatok ni Johann sa pinto ng banyo. “Anong problema,


Misis? Ayos ka lang ba? Nag-aalala ako...”

Napakurap siya.

“Inlove ka ba?”

Her husband’s question still running inside her head.

“Inlove ka ba?”

If that’s the feeling of being in love... then, maybe... Just maybe,


she is falling inlove with Johann.

Oh, boy. This is not good.

=================

Chapter Sixteen

CHAPTER SIXTEEN

“ANONG problema mo? Bakit bigla ka na lang tumakbo at nagkulong sa banyo? Sa mental
na ba kita kailangang isugod?” natatawang pang-aasar ni Johann sa kanya habang
magkatabi silang nakahiga ng kama.

Nagtalukbong ng comforter si Sapphire hanggang ulo. “Go to hell,” aniya rito.


Hinding hindi niya sasabihin rito ang natuklasan niya. She'll never admit that
she's falling for him. Goddamnit! Paano nangyari iyon? Mahigit isang buwan at
kulang-kulang na dalawang buwan pa lang silang kasal ngunit ganoon na agad ang
nararamdaman niya?
Why on earth does she have to fall in love with the only guy she only treated as a
friend? Ang daya! Ang daya daya! Wala sa mga plano niya iyon!

Isa-isa niyang binalikan sa isip kung ano ang mga ginawa ni Johann na humantong
siya sa kung anong nararamdaman niya ngayon.

“May nagawa ba’kong masama?” inosenteng tanong ni Johann habang hinihila ang
comforter. “Did I offend you or what? Misis, magsalita ka naman. Hindi ako makaka-
siesta nito kung ganitong alam kong may problema ka.”

“Wala akong problema. Matulog ka na!” aniya at saka nakipaghilahan ng comforter


dito. The hell! Paano nahuhulog ang damdamin niya sa kaisa-isang taong pinaglilinis
siya ng banyo?

“Ah! Kapag hindi ka lumabas sa kumot mo, ako ang papasok at hahalikan kita! French
kiss!”

Mabilis na inalis niya ang nakatalukbong na comforter sa kanya. “Eh... wala nga
akong problema. Naguguluhan lang ako sa...” sa nararamdaman ko sa’yo. “Sa sinusulat
kong article, okay?” pagsisinungaling niya.

Tumagilid ito ng higa paharap sa kanya. “Bakit malakas tibok ng puso mo? Sigurado
kang wala kang sakit sa puso o ano?” Nakita niya ang concern sa mga mata nito.

Umiling siya. “I-It’s nothing, really. Kinakabahan lang ako na na-e-excite sa


sinusulat ko k-kaya ganoon.”

“Sure?”

“Y-Yeah.”

“Kanina ka pa nabubulol. Hanggang ngayon ba na-e-excite at kinakabahan ka? Ano bang


article ang sinusulat mo at masyado kang apektado?”

Nag-iwas siya ng tingin rito at saka humiga patalikod rito. “Basta. You don’t have
to worry na. I calmed myself already.” Nagtalukbong na ulit siya ng comforter
hanggang ulo.

“Gusto mo ng yakap?”

“No,” mabilis na sagot niya at saka pumikit ng mariin. A hug from Johann won’t help
her. Mas magpapagulo lang iyon ng damdamin niya.
Hell! Sabi na niya nga ba at hindi dapat niya hinahayaan si Johann na yakapin siya
noon. Unconciously, she invested feelings because of his warm hugs! Ugh! Damn it!

“Hmm... may problema ka talaga, eh. Hindi ako naniniwala na tungkol iyan sa
article,” he pushed. “Sige, kundi mo masasabi ngayon, ayos lang. Malalaman ko rin
naman iyan.”

Napalunok siya. Shit! Paano nga kung malaman ni Johann ang nabuong feelings niya
rito? Eh di, tinawanan siya nito? Naalala niya pa na sinabi nitong pagtatawanan
siya nito kapag naramdaman niya nang ma-inlove...

Pero hindi pa naman ako so sure that I’m falling in love already, right? Maybe, I’m
just overwhelmed lang with his presence. And lagi kami ang magkasama kaya baka
masyado lang akong na-attach. I don’t know anything about love, so I’m not going to
conclude that I am falling inlove with him.

Tama. Tama ang naisip niya! She’ll just leave it that way. Masyado lang siyang
overwhelmed kay Johann at sa mga ginagawa nito. Tama.

Tama. Ganoon lang.

Why do I sound like I’m always convincing myself? Argh!

“Misis?” untag na naman ni Johann.

“What?”

“Kapag sinabi ko bang gusto kita, anong gagawin mo?”

Bigla siyang napalingon rito. “What?!”

Napangiwi ito sa pagsigaw niya. “Bakit galit ka kaagad?” natatawang tanong nito.

Napakurap-kurap siya. “D-Don’t say such things. I’m going to annul our marriage if
that happens. Bahala nang hindi natin natapos ang one year. And we’re friends!
Friends don’t like their friends romantically!”

“Wow. Nagsalita ang expert sa ‘friendship’. Go on, tell me more,” panunuya nito
habang nakangisi. Palibhasa, alam nitong ito lang ang kaibigan na mayroon siya.

“Just don’t like me or even desire me, Mister. Magkaibigan na tayo. Ayokong masira
iyon,” sabi niya rito pero parang mas sarili niya ang pinagsasabihan. What the
hell, right?
“Hindi rin ba kita puwedeng mahalin?”

Her eyes widened. “Don’t like or even desire me nga, eh!” Ayan na naman. Bigla na
namang parang sinipa ng malakas ang puso niya at nagsimula na iyong tumakbo na
parang nakikipagkarerahan. Good! Just good! Sarkastikong sigw niya sa isip.

“Love is different from ‘like’ and love is different from ‘desire’. Love is
something much deeper. Much stronger. Much powerful. It can control me, Sapphire,”
biglang seryosong sabi nito. “If I loved you, you’ll have the power to control me.
Sa lahat ng sasabihin mo, lagi akong nakasunod. Sa lahat ng utos mo, lagi kong
gagawin. You love manipulating people, don’t you? Ayaw mo bang mahalin kita, so
you’ll have power over me?”

Natigilan siya. Napatunganga siya rito. Napakurap-kurap siya. Ganoon katindi ang
pag-ibig? Nagiging alipin ang isang tao?

“W-Why are we t-talking about t-this?”

Johann reached her face. Marahang humaplos ang hinlalaki nito sa pisngi niya. He’s
intensely looking at her.

And now, pati paghinga niya apektado na dahil hindi na lang basta tumitibok ng
malakas ang puso niya, nagwawala na rin iyon ng palihim sa loob ng dibdib niya at
nadadamay na pati ang lungs niya.

Bakit kung kailan nagkakagulo ang utak niya sa realization niya kanina at saka
naman biglang pinasok ni Johann ang ganoong usapan? Nakakahalata ba ito? Alam ba
nito ang nararamdaman niya?

“Johann...?”

Ngumiti ito. “Parang ang hirap na makasama ang isang Sapphire Monteverde araw-araw
nang hindi nahuhulog ang loob ko. Tsk! Mahal na yata kita.”

Nanlaki ang mga mata niya. And for a moment, her world stopped.

“Joke,” biglaang kabig naman nito.

Ay.

Napabangon siya. Kinuha niya ang unan at saka malakas na hinampas sa pagmumukha
nito. “You! Freaking sonofabitch! Gaytard! Bastard!” naiinis na sigaw niya at bawat
salita na lumalabas sa bibig niya ay isang hampas ng unan sa mukha nito. “Asshole!
Douchebag! Jerk! You can’t just joke about those kind of stuff! Stupid you, moron!”
“Aray! Aray! Ano ba? Bakit ganyan ka? Bakit ka nagpapaulan ng english? Hindi ko
maintindihan. Aray!”

“Ahhh!” napupunong sigaw niya at saka tinakpan ng unan ang mukha nito. Umupo siya
sa tiyan nito at mas idiniin pa ang unan sa mukha nito. Umaangal na ito nang hindi
makahinga. Pero masyado siyang nanggigil rito. “Bahala kang mamatay!”

“Misis!” Kinawag kawag nito ang mga kamay.

“Die!”

Hinuli nito ang mga kamay niya at ginamit ang lakas nito pra matanggal iyon sa unan
na nakatakip sa mukha nito. Napatili siya nang kumilos ang katawan nito.

Next thing she knew, she’s the one beneath him. Hawak nito ang mga kamay niya at
gulu-gulo na ang buhok nito na ang pa ay humarang sa mga mata nito. Hingal na
hingal ito dahil sa pahahabol ng hininga. “Papatayin mo ba talaga ako?! I’m just
joking! Kung maka-react ka naman, wagas!”

Naningkit ang mga mata niya. “Hindi kasi magandang biro iyon!”

“Bakit affected ka?” Nilapit pa nito ang mukha sa kanya.

Napapikit siya at binaling sa kaliwa ang mukha. “Let go of me!”

“Ang OA mo na.”

Pilit niyang inangat ang kamay para sampalin ito pero mahigpit ang pagkakahawak
nito niyon. “Hindi na nakakatuwa mga jokes mo, Johann.”

“Eh, kahit naman hindi joke iyon, hindi ka rin matutuwa,” bulong nito na narinig
naman niya.

“Umalis ka nga sa ibabaw ko! Tama nang kalokohan na ‘to! Para na tayong mga bata na
ewan. I’m just going to sleep! And you!” Bumaling na siya ulit dito at matalim na
tinignan ito. “Stop being funny. Stop smiling like a matinee idol smiling to his
fans. Stop hugging me. Stop talking about your philosophies in life. Stop. Just
stop. Okay?”

Unti-unti nang lumuluwag ang pagkakabihag nito sa mga kamay niya. Bumalik na ito sa
pagkakahiga sa tabi niya. “It was like you’re ordering me to stop being me,
Sapphire.”

Hell, yeah. Stop being you, Johann. I’m falling, damn you.
Lumayo siya rito at tumalikod na ulit ng higa. Nagtalukbong na ulit siya ng
comforter at tinakpan pa ng unan ang ulo. Sana makatulog siya nang hapong iyon.
Maybe it will clear her mind. Maybe when she woke up, she’ll realize that she’s not
really falling for her friendly husband.

Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ni Johann pero hindi na ulit ito
nagsalita.

Katahimikan na ang bumalot sa malamig na kuwarto. Pinilit niyang makatulog hanggang


sa narinig niya ang pag-ring ng cellphone nito.

“Hello? Xan?” sagot nito.

Xan? Roxanne? ‘Yung kinukuwento nitong bestfriend nito?

“Ha? Sandali, sandali. Nasaan ka ba? Ikaw ‘tong nag-iwan ng message na


magpapakalayo ka tapos—ano?! A-Ah! S-Sige. Sige. Nasaan ka ulit?”

Marahan niyang tinanggal ang unan na nakatakip sa ulo para mas marinig niya ang
sinasabi ni Johann.

“Wala. Hindi naman ako busy. Pupuntahan kita diyan sa Tagaytay. Diyan ka lang kung
nasaan ka man. Huwag kang aalis, ha?” nag-aalang sabi nito. Naramdaman niya ang
pagmamadali ng asawang bumaba ng kama at narinig niya ang pagbukas ng aparador.

“Letse naman kasi. Kung kani-kanino ka sumasama. Huwag ka nang umiyak. Oo na.
Pupuntahan na kita. Putek! Huwag ka na umiyak! Natataranta ako.”

Nakagat ni Sapphire ang ibabang labi. Bakit ganoon mataranta si Johann sa kaibigan
nito? Alalang-alala ito at ready na ready pang puntahan ang kung sino mang Xan na
iyon! At sa Tagaytay pa!

Dahan-dahan niyang inalis ang comforter na nakataklob sa kanya at sinilip si Johann


na ngayo’y nakapantalon na at nakatalikod sa kanya habang nagsusuot ng black shirt.

“Paano ko bibilisan? Nasa Manila ako, nasa Tagaytay ka! Ano ako? Lilipad? Lilipad?”
sarkastikong wika pa nito habang nasa tainga pa rin ang phone. “Sige na. Basta
bibilisan ko sa abot nang makakaya ko. Kumalma ka na. Papunta na ‘ko,” mas
mahinahon nang sabi nito sabay hablot ng wallet at susi ng kotse nito sa ibabaw ng
work table.

Pagbukas nito ng pintuan para lumabas ay may kung ano na lang ang nagtulak kay
Sapphire para bumangon.

“S-Saan ka pupunta?” habol niya rito.


Agad itong napalingon sa kanya. “Sa kaibigan ko. Babalik ako. Mabilis lang ako.”

“Sa Tagaytay ka pupunta...” She jumped off the bed.

“Ah, oo. Basta babalik ako mamayang gabi. Gabing-gabi. Mag-lock ka ng mga pinto.
Huwag mo na ‘kong hinatayin—”

“Bakit ka pupunta ng Tagaytay? Marami ka pang kailangang gawin, right?,” pigil niya
rito. Ayaw niyang pumunta ito sa malayo para sa isang babae.

He sighed. “Misis, kailangan ako ng kaibigan ko. Kailangan ako ni Xan ngayon, hindi
ko siya puwedeng basta pabayaan at hayaang umatungal sa isang lugar doon. Baka
mapano iyon.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. May damdaming agad na bumangon sa loob niya. “Huwag
mo siyang puntahan. Wala ba siyang ibang kaibigan na mas malapit kung nasaan siya?
Huwag kang umalis.”

Masama na ba ugali niya sa pagpipigil niya rito? Ayaw niya lang na pumunta pa ito
sa malayo at si Xan lang ang kasama. Hindi niya gusto iyon.

Tinitigan siya nito. “Ako lang pinagkakatiwalaan niya. Please, Sapphire. Kailangan
ko na talagang umalis,” nagmamadaling sabi nito at saka tumalikod.

She never saw Johann this worried because a friend just called him.

Napalabi siya at naiinis na hinabol ito sa labas. “Johann! Sandali! Sasama ako!”

~0~0~0~

HINDI siya nagseselos. Hindi siya nagseselos. Hindi siya nagseselos.

Hindi talaga!

Napabuga ng hangin si Sapphire at niyakap ang sarili saka tumingin sa


labas ng binata ng kotse ng asawa. Mula pa kanina pag-alis nila ng bahay ay saka
lang tumimo sa isip niya ang ginawa niyang pagpigil at paghabol rito.
What on earth she was thinking, right? Hindi siya makapaniwala sa
ikinilos. Dapat wala lang siyang pakialam. May karapatan mag-alala ng ganoon si
Johann dahil nga bestfriend nito ang may kailangan ng tulong. Pero ewan niya ba.
Hindi niya lang gusto ang isiping may kasama itong ibang babae sa ibang lugar.
Kahit pa kaibigan lang nito.

Malay niya ba sa Xan na iyon? Baka may gusto ito kay Johann!

So what, Saphi? Ano naman kung may gusto ang ibang babae kay Mister?

Tama nga naman ang matinong bahagi ng isip niya. Ano bang pakialam
niya?

Eh, bakit ka nakasakay ngayon sa kotse ni Johann at kasama niyang


nakikipagsiksikan sa traffic, makapunta lang ng Tagaytay?May pakialam ka, Sapphire.
Kasi nagseselos ka na may pupuntahang iba si Mister.

No, I’m not jealous! Shut up, brain!

Shit. Nakikipagtalo na siya ngayon sa sarili niyang isip. Great! Just


great!

“Misis, nag-volunteer kang sumama tapos ang dating din pala, hindi mo
‘ko kakausapin buong biyahe natin?”

Nilingon niya si Johann na naka-focus sa pagmamaneho. Inabot na sila ng


papalubog ng araw pero wala pa rin sila sa Tagaytay dahil sa traffic.

“I have nothing to say.”

Nakapila na ang sasakyan sa isang tollgate kaya huminto sila.

“Si Xan, limang taon ko nang kaibigan. Sobrang malapit kami niyon na
akala pa ng iba, kami ang magkakatuluyan,” pagkukuwento nito bigla. “Pero purely
platonic ang relasyon namin mula umpisa. Kahit kailan walang naging malisya sa’ming
dalawa.”

Kinuha niya ang hot chocomilk na in-order ni Johann sa drive thru ng


Jollibee kanina. “And why are you telling me that?” kaswal na tanong niya at saka
uminom. Oh, she can’t believe now that she’s drinking a cheap beverage from a
fastfood chain.

“Baka lang nagseselos ka,” nakangising sagot nito.


Muntik-muntikan na siyang masamid sa iniinom dahil sa sinabi nito at
dahil na rin sa lasa ng ininom niya. Pero nainom niya naman ng maayos ang hot
choco.

“Oh, please, Johann. I’m only jealous with my Mom’s boyfriends. Aside
from that, I can’t feel jealousy with others na. At bakit naman ako magseselos sa
kaibigan mo?” mataray na wika niya.

He chuckled. “Pinipigilan mo ‘ko kaninang umalis. Tapos nang hindi ako


magpapigil, sumama ka. Okay. Kung hindi ka nagseselos, bakit ayaw mo ‘kong umalis
kanina?”

Napalunok siya at uminom na lang ulit ng hot choco kahit ayaw niya ng
lasa niyon. Masyado kasing matamis. Hindi katulad sa mga mamahaling naiinom niya na
tama lang ang timpla dahil sa tunay na cocoa ang gamit.

“Tapos ngayon, wala kang masagot?” ngingisi-ngising sabi nito. “Wala


namang masama kung aamin ka. Wala namang masama kung sasabihin mong ayaw mo ‘kong
i-share kahit sa kaibigan ko.”

Inirapan niya ito. “Kung sasabihin kong nagseselos ako, aalis ka pa rin
ba?”

Hindi agad ito nakasagot dahil ito nagbayad ito sa tollgate. Pero
pagkalagpas nila ay nakita niya ang pagsilay ng munting ngiti sa mga labi nito.
“Aalis pa rin ako, Misis. Maraming mas kailangang inuuna kaysa sa pagseselos.
Katulad ng pagkakaibigan namin ni Xan. Kailangan niya ‘ko. At ang isang totoong
kaibigan, laging nandyan kapag kailangan. Kahit pa malayo pero kayang gawan ng
paraan, gagawin ko para sa isang matalik na kaibigan.”

“Kahit na nagseselos na ang misis mo? Mas mahalaga pa sa’yo ang


kaibigan mo kaysa sa asawa mo?”

“Ang totoong misis na mahal ang mister niya, hindi magseselos sa mga
kaibigan ng asawa niya. Babae man o lalaki. Dahil ang kaibigan ni mister, kaibigan
ni misis. Sa matitinong asawa lang applicable iyan,” natatawang sabi nito. “Meron
kasi minsan ang kaibigan ni mister, inaahas si misis. Meron pa, ang kaibigan ni
misis, inaakit si mister.”

Natawa na lang rin siya. “Crazy.”

“Pero dahil matino ako, rest assured, ikaw lang ibinabahay ko, Misis.”

“Ano ba? Hindi nga kasi ako nagseselos!” tanggi niya pero pinipigilan
niya ang sariling mapangiti dahil sa sinabi nito. Yikes!

“Basta si Xan, kapag nakilala mo, malalaman mo kung bakit hindi ko siya
nagustuhan at kung bakit hindi niya ‘ko nagustuhan sa romantikong paraan. Friends
lang talaga kami.”

“Stop explaining.”

“Lahat ng kaibigan ‘kong babae, hindi ko tinalo. Kapag friends, friends


lang!”

Hanggang magkaibigan lang rin kami. Pagkatapos ng one-year marriage na


‘to, hanggang magkaibigan lang kami. Okay. Fine. Okay. Alright.

Eh, bakit parang kinukurot ang puso niya?

“Sapphire.”

“What?” walang-ganang tugon niya.

“Pero tayo, puwedeng more than friends kung gusto mo,” nakangiting sabi
nito sabay mabilis na sulyap sa kanya. Kinindatan pa siya!

Ugh! Damn! Just... damn it!

Nalaglag yata ang puso niya.

=================

Chapter Seventeen

CHAPTER SEVENTEEN

“LETSE ka, Johann! Letse ka!” bungad ng isang babae kay Johann paglabas nilang
dalawa ng kotse ng asawa. Nag-park sila sa labas ng isang organic restaurant na
makikita sa Tagaytay.

“Wow. Oo, miss din kita, Xan.”

Pabirong sinampal nito si Johann. “Johann... Hu-hu!” Niyugyog pa nito ang mga
balikat ng asawa. Dahil gabi na, wala nang masyadong nakakapansin sa kanila. “Hindi
ka maniniwala sa nalaman ko mula sa lalaking sobrang yummy ang body at may eight
pack abs. Super havey ang fez at masarap humalik. Ugh! Putek, Johann! Y-Yung
nalaman ko... Diz iz zo kreyzi.”

Napangiwi si Sapphire nang umiyak na si Xan. Kinabig ito payakap ni Johann. Niyakap
din ito pabalik ni Xan at sumubsob sa dibdib nito.

May binulong-bulong dito si Johann na hindi niya narinig. Nanulis ang nguso ni
Sapphire. Hindi pa nga sila napapakilala sa isa't isa ay biglang parang di na siya
nag-e-exist sa mundo ng dalawa.

“Mag-usap tayo, Xan. May sasabihin ako sa'yo. Pero kailangan natin mag-usap
privately.”

Tumangu-tango si Xan. “K-Kaso sa loob ng resto, walang private room.”

“Sa loob na lang tayo ng kotse.” Tumikhim si Johann at napabaling sa kanya.


“Sapphire, pasok ka muna sa loob ng resto. Mauna ka nang mag-dinner.”

Tumaas ang kilay niya. Parang ayaw niyang iwan ang dalawa. Pero... mukha ngang
importante ang pag-uusapan ng mga ito.

Napatingin sa kanya si Xan at parang nagulat ito nang makita siya. "Ay! May kasama
ka pala, Johann." Nagpunas ito ng mga luha. "Hi, Miss! Ang ganda mo--wait..."
Tinitigan siya nito ng mabuti. Lumapit pa ito sa kanya. "Hala! Sapphire Monteverde!
Kilala kita! Nakikita kita sa mga socialite magazines. Pinsan ka ni Reeve
Monteverde, diba?"

“Y-Yeah...” Hindi na siya nagulat na may nakakakilala sa kanya. Masyadong pamoso


ang pamilya nila.

“Bakit ka kasama ng ugok na 'to?" biglang nang-intrigang tanong nito habang


tinuturo si Johann.

“Asawa ko si Sapphire, Xan."

“Huwaaaaaat?!” Nanlaki ang mga mata ni Xan at nagpalipat-lipat ang tingin sa


kanila. Maya-maya ay tumawa ito. “Ginu-good time mo ba 'ko, Johann? Sosyal kaya si
Sapphire. Di siya papatol sa'yo! Pakasal pa!” natatawang sabi nito.

“But it's true,” aniya. "Kasal kami."

Natigilan sa pagtawa si Xan. “Ay. Bakit?” Bumaling ito kay Johann.

"Gusto niya kasi magtayo ng bookstore."


"Huh?"

"Mamaya na kita kukuwentuhan. Ikaw muna ang magkuwento." Hinila na ito ni Johann sa
kamay.

"Ano ba iyan! Confused na naman ako! Nung umalis ako, si Czarina pa--"

"Sshh! Halika na. Pumasok ka na sa kotse. Marami tayong pag-uusapan. Letse kang,
babae ka. Aalis kang broken hearted, tapos tatawag ka na lang bigla na ngumangawa
na naman dahil sumama ka sa lalaki!"

"Hindi lang siya basta lalaki, bhe! Yumminess ang aura ng fafaness na itey! Walo
ang abs! Walo! Kaso may pinasabog siyang---"

"Pinasabog?! Madaming pinasabog?" nakangising sabi ni Johann.

Binatukan ito ni Xan. "Pucha! Hindi ganoong pasabog! Ang halay mo, ah!"

Pumasok na ang mga ito sa kotse. Si Sapphire, naiwan sa labas. She felt left out.
Pero sanay naman siyang nale-left out kaya okay lang. But being left out by
Johann... parang iba sa pakiramdam.

Hindi lang siguro siya sanay na nasa ibang tao ang atensyon ng asawa. Dahil sa
tuwing magkasama sila, ramdam niyang laging nasa kanya ang atensyon ni Johann. At
habang nakikita niyang sonrang close nito at ni Xan--mas close pa sa kanilang mag-
asawa...well, iba lang sa pakiramdam.

Nagseselos ka nga kasi, Sapphire.

Stop it, brain! Stop. Just stop!

You're inlove, girl!

Ugh!

Tumalikod na siya at tumuloy sa loob ng restaurant na medyo marami ang tao. Dinner
time na rin kasi. Umupo siya sa isang table na katabi lang ng glass window kung
saan kitang kita ang kotse ni Johann. Kaya naman mula sa puwesto niya ay naaaninag
niya pa rin ang dalawa na seryoso na ngayong nag-uusap.

“Good evening, Madam. Here's our menu.”


Napatingin siya sa waitress na may hawak na menu. Nginitian niya ito. “Ahm, no
thank you. Just serve me your best course.”

Tumango ito. “Would you like to have a tea, Madam, while waiting?”

“Sure thing. Thank you.”

Umalis sandali ang waitress at pagbalik ay may dala ng tsa. Tamang uminom siya noon
para makalma siya. Maki-clear din ang pag-iisip niya kung sakali. Masyado nang
maraming nangyari ng araw na iyon, well...para sa kanya. Masyado siyang maraming
naiisip lalo na sa feelings niya.

Bakit ba kasi hindi simpleng tanggapin ng puso niya ang posibiladad na mahal niya
na si Johann? Pero, bago lang kasi sa kanya ang pakiramdam kaya baka nga
napagkakamali lang niya sa ibang feelings. Maybe she’s too much fond of Johann,
ganoon...

Okay. Go on. Convince yourself more, Saphi. Just accept that you’re in love.

Hindi ko nga kasi alam kung ganito ba talaga ang pakiramdam ng in love! Argh!

Napasimangot siya. Kanina pa may nagtatalo sa loob ng isip niya at palakas iyon ng
palakas. Ugh!

Just stop denying, Sapphire. Ikaw lang naman ang nahihirapan. Ano naman kung aminin
mong mahal mo na si Johann, di'ba? It's not going to kill you or something.

She drank her tea and waited for her order. Wala muna siyang iisipin. Wala muna.
Bukas na lang siya mag-iisip. She'll just enjoy the Tagaytay breeze tonight.

Napatingin siya ulit sa kotse ni Johann. Sinasabunutan na ni Xan si Johann, nakita


niya. Napailing-iling na lang siya. Kitang kita kung gaanong ka-close ang mga ito
para magbiruan ng ganoon. Pansin niya kung gaano kakomportable ang mga ito sa isa't
isa.

Nangalumbaba siya at saka tinignan ng mabuti ang dalawa. Lalo na si Xan. Nangunot
ang noo niya nang mas mapansin ang itsura nito. She seems familiar...

Saktong dumating ang in-order niya. Kaya inabala na lang niya ang sarili sa
pagkain.

Nangangalahati na siya sa pagkain ng maalala kung sino ang kamukha ni Xan. Si Tanya
Aragon! Isang anak rin ng mayaman si Tanya na schoolmate niya sa isang exclusive
school ng highschool sila. Two years ang tanda niya sa babae pero naging co-members
sila sa isang writing club noon. Hindi niya makakalimutan si Tanya dahil lagi
silang partners noon sa kapag may club assignment.
Pero nabalitaan niya seven years ago na namatay daw ang babae dahil sa isang car
accident...Pero kamukhang kamukha talaga ni Xan ang babae... Nagkibit balikat na
lang siya sa huli. Marami namang magkakamukha sa mundo.

“Misis.”

Mabilis siyang napaangat ng tingin at nakita si Johann sa harap niya at kasama na


nito si Xan.

“Tapos na kayo mag-usap?" gulat na tanong niya.

Umupo sa tabi niya ang asawa habang umupo sa tapat niya si Xan. Mukha itong
malungkot pero pinipilit pa ring ngumiti.

“You remind me of someone,” aniya kay Xan.

Napabuntong hininga ito. "Hulaan ko, si Tanya Aragon?”

Tumango siya.

“Kilala mo ba iyon?” tanong ni Johann sa kanya.

“Yeah. We belong to the same circle, so we do bump with each other nang buhay pa
siya. Saka, schoolmates kami nung highschool at magkasama sa iisang school org.”

Nagkatinginan sina Johann at Xan.

“Why?” she asked.

“Pero kilalang kilala mo ba si Tanya?” interesadong tanong ni Xan sa kanya.

“We're not that close. Mahiyain kasi siya at saka aloof sa tao. And she's always
with her sister.”

Tumango ito. “Okay.” Bumalik sa pagkalungkot ang itsura nito.

Nahihiya naman siyang magtanong kung anong problema nito kaya bumaling na lang siya
kay Johann na inuubos na ang pagkain niya.

“Anong pinag-usapan niyo?” bulong niya sa asawa.


Tinapos muna nito ang pagnguya. “May problema lang siyang sinabi na kailangan
niyang ihinga. Hayaan mo lang iyang si Xan. Magiging okay rin iyan kapag natanggap
niya na ang kapalaran niya. Mukha lang siyang malungkot pero nag-iisip lang iyan.”

Pagbaling niya kay Xan ay tulalang nakatingin ito sa labas.

“Ang sarap naman nitong in-order mo. Ano ba ‘to?” tanong ni Johann.

She shrugged. “I don’t know. That’s the best they serve here so I just ordered it.”

Sumubo ito ng malaki mula sa steak na mukhang hindi naman meat pero parang gawa sa
gulay kaya iba ang lasa pero masarap. “Grabe. Nagutom ako sa biyahe.” Naghiwa ulit
ito ng stake at akmang isusubo sa kanya. “Kain ka pa, Misis.”

Awtomatikong bumuka ang mga labi niya at sumubo.

They’re sharing the same spoon, fork, and food. Why did she think that it was
sweet?

Kasi nga inlove ka.

Napakamot na lang siya ng noo.

“Nga pala,” biglang sabi ni Xan. “Pasensya na sa inyo kung naabala ko kayong mag-
asawa. Ano, Sapphire, next time bonding tayo kapag keribels ng time. Magulo kasi
life ko ngayon. Kasalanan ‘tong lahat ni Johann!”

“Gagi. Ako pa, ha?”

“Hmp! Letseng buhay!” Napasubsob ito sa lamesa. “Why is everything got to be this
complicated?”

“Kasi nag-i-english ka na.”

“Gusto ko na lang bumalik sa trabaho ko. Gusto ko na lang maging direktor ulit...”
Xan murmured.

“Hayaan mo na. May lalaki ka naman na may eight-pack abs at may chikiting ka pa na
cute,” sabi naman ni Johann na parang wala nang pakialam ngayon kundi ang kumain.

Napatuwid ng upo si Xan. Nangalumbaba ito at tumingin sa kawalan.


Dahil hindi naman maka-relate si Sapphire, nagtatanong ang mga matang tumingin siya
kay Johann.

“Kukuwento ko sa’yo kapag puwede na,” bulong nito sa kanya. “Top secret kasi ang
problema ng babaeng iyan. But rest assured, iyon lang ang secret. Wala kaming
secret affair.”

“Bakit ba paliwanag ka ng paliwanag sa’kin? Naniniwala naman ako na hindi nga kayo.
I mean, bagay kayo pero halatang super close friends lang kayo.” Inagaw niya rito
ang tinidor at siya na ang umubos ng huling hiwa ng steak.

He chuckled. “Ang dami ngang nagsasabi na bagay kami.”

Napasulyap siya kay Xan na sa labas pa rin ng bintana nakatingin at parang malayo
ang iniisip.

“You two look good together,” pag-amin niya base sa nakita niyang chemistry ng mga
ito habang nag-uusap sa loob ng kotse.

“Tayo rin naman.”

“Huh?”

He smiled. “Bagay rin tayo. We look good together.”

“No.” Lumayo siya rito. “Hindi tayo bagay.”

“Bakit? Porke’t lumaki ka sa mansyon at ako ay nakatira lang sa bungalow kaya hindi
tayo bagay? O dahil sobrang ganda mo at sobrang pogi ko na baka sumabog tayo kapag
nagsama—aray!” daing nito nang matamaan ang ilong nito ng kutsara na binato ni Xan.

“Hindi ganyan dumiga sa babae. Letse ‘to,” natatawang sabi ng babae at saka siya
tinignan at nginitian. “Kapag natayo mo na bookstore mo, iwanan mo na iyang
lalaking iyan.”

“Grabe. Saludo ako sa’yo, Xan,” sarkastikong wika ni Johann. “Isa kang supportive
na kaibigan. Napakasuportado mo. Hands down ako sa’yo, pards! Salamat sa
encouragement. Salamat talaga. Pumunta pa kami dito para sa’yo, eh. Salamat talaga.
Habang buhay kitang pasasalamatan.”

Ngising aso si Xan nang tumayo ito at magpaalam. “Text-text na lang, friends!
Nandyan na sundo ko. Ano, good luck sa inyong dalawa. Humayo kayo at magpakarami.
Babush!”

At sa isang iglap ay wala na ito sa harap nila.


“You have a weird friendship with her,” she commented.

Johann laughed. “Ganoon ang tunay na pagkakaibigan. Nag-aasaran ng walang pikunan.”


Inabot nito ang teacup niya at uminom din doon. “Pwe! Ano ‘to? Bakit gan’to lasa?
Ang pait!” angal nito habang nakangiwi.

“That’s a tea, Mister.”

“Kaya pala,” nakangiwing sabi pa rin nito. Ibinaba na nito ang teacup at nanghingi
na lang ng tubig sa isang waiter.

“Ano nang gagawin natin?” natanong niya. Since wala na si Xan, she assumed that
everything’s okay already.

“Ikaw, may gusto ka bang gawin?”

She looked at her silver wristwatch. Lagpas Nine PM na pala! Ang bilis
ng oras! “Let’s go home? May mga gagawin ka pa...”

“Huwag mo ‘kong alalahanin. Puwede namang gawin ko na lang iyon bukas.


Linggo naman. Nasa Tagaytay na tayo ngayon. Baka gusto mong mamasyal.”

“Gabi na. Saan pa tayo mamasyal?”

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya nito patayo. “Maglakad-
lakad na lang tayo. Masarap ang lamig sa labas, sulitin natin habang nandito pa
tayo.”

She liked the idea, so she agreed with him. Pagkatapos nilang magbayad
ng bill ay naglakad-lakad na nga sila ni Johann sa labas. Buti na lang at may
magandang garden at walk path ang restaurant.

Hawak pa rin ni Johann ang kamay niya. Bumalik sa alaala niya ang gabi
bago ang birthday niya. Magkahawak kamay rin sila ni Johann na naglakad sa
dalampasigan noon.

“Misis.”

“Hmm?”

“Alam kong may kanina pang bumabagabag sa’yo. Hindi mo pa rin ba talaga
sasabihin sa’kin kung ano?”
“How can you say that I do have a problem?”

“Inoobserbahan kita. Tinitignan ko mata mo. Hindi ka naman kasi mahirap


intindihin kung pagtutuunan lang kita ng atensyon. At gusto kong ginagawa iyon.”

“You like reading my thoughts?”

“Gusto kong nasa iyo lahat ng atensyon ko.”

Napatigil siya sa paglalakad at bumitiw sa kamay nito. “Johann, stop


fooling around. I get it. You’re brokenhearted and you need to divert your
attention. But please, don’t flirt with me, okay? I’m a friend, you said. We’re
friends! Just leave it that way.” Tinalikuran niya ito. Dahil isa pang hirit ni
Johann, bibigay na siya. Eh, alam naman niya ang tunay na estado ng puso nito.

Kaya nga kanina pa niya ayaw tanggapin na mahal niya na ito. Sapagkat
alam niyang walang katugon ang damdamin dahil may iba pang mahal si Johann.

“Sapphire!” habol nito sa kanya.

“Umuwi na tayo. Ayoko nang maglakad-lakad. I’m tired,” aniya habang


hindi ito nililingon.

“Sapphire, gusto kita.”

Napahinto siya sa paglalakad. Her heart just jumped out from her rib
cage.

“Oo, hindi pa kita mahal. Pero gusto kita. Gustung-gusto na kita.”

Dahan-dahan niya itong nilingon. “W-What the hell...?” nanghihinang


sabi niya.

Seryosong-seryoso ang buong mukha nito. Wala ang mga nakasanayan niyang
ngiti sa mga labi nito. Wala ang kislap sa mga mata nito at kung anu-anong emosyon
ang nandoon.

He stepped forward. “Magiging tapat na ‘ko sa’yo. Kung sa tingin mo


masyadong mabilis, wala akong pakialam. Basta sinasabi ko sa’yo, gusto na kita.
Gusto kitang yakapin lagi. Gusto kitang nakikita parati. Gusto kitang mahalikan pa
ulit. Gusto kong... gusto kong...”

Hinihingal na si Sapphire kahit wala naman siyang ginawa kundi tumayo


doon.
Napabuga ng malakas si Johann. “Magmula nang makita kitang naglalakad
papunta sa altar ng kinasal tayo, gusto kong...” He exhaled. “Ewan ko ba, pero
gusto kong mahalin ka.”

Hindi pa rin makakilos sa kinatatayuan si Sapphire. Unang beses niyang


makaramdam ng parang... all the organs inside her body were on chaos. At ang
pinakamagulo ay ang puso niya.

Gusto siyang mahalin ni Johann... Napailing-iling siya. She tried to


grasp for words. At bago pa siya makapagsalita ay nakulong na siya sa mga bisig
nito. Niyakap siya nito nang mahigpit.

“Sapphire... Nahuhulog na ‘ko...” bulong nito. “Puwede bang saluhin mo


‘ko?”

=================

Chapter Eighteen

CHAPTER EIGHTEEN

“SAPPHIRE, nahuhulog na ‘ko... Puwede bang saluhin mo ‘ko?”

“J-Johann...” Napalunok siya at napapikit. Tumaas ang mga braso niya at


niyakap rin ito. “I-I don’t know how this works but... I...I-I like you, too,” she
confessed. Eh, tatanggi pa ba siya gayong nauna na itong umamin?

Bahagyang lumayo ito sa kanya at hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.


“Totoo?” di makapaniwalang sabi nito. Bahagya pang bumibilog ang singkit nitong mga
mata.

Napayuko siya. “Kaya mabilis tibok ng puso ko kaninang umaga... Kaya sumama ako
sa’yo rito nang hindi ka magpapigil umalis... Kaya mukha akong bothered, it’s
because I... I’m confused, alright? I just don’t know if I’m falling, too, because
all of these are new to me. Umabot na ‘ko ng twenty-eight years pero kasi... ngayon
ko lang ‘to naramdaman.”

Napapitik si Johann. “Sabi ko na nga ba, eh!” tuwang-tuwang sabi nito. Kinabig na
naman siya nito payakap. “Tignan mo, hindi ka pa aamin kung hindi ako umamin.”
“Ahm... so what do we do now?” clueless niyang tanong.

Hinarap ulit siya nito at sinalubong ang mga tingin niya. He smiled gently and
caressed her face. “Dahan-dahanin natin. Huwag nating pilitin o madiliin ang mga
sarili natin na mas palalimin ‘tong nararamdaman natin. Kumbaga, hayaan natin ang
oras at panahon ang magpahinog. Let’s enjoy being together.” Dumulas ang isang
kamay nito mula sa braso hanggang sa kamay niya. Then he intertwined their fingers.
“Let’s work this out.”

“Paano kung hindi mag-work? Can we still be friends after that?”

Napasimangot ito. “Huwag mong isipin iyon, eh, wala pa nga. Basta, ang mahalaga ay
kung ano tayo ngayon.”

“Ano na ba tayo ngayon?”

“More than friends na, Misis,” nakangising sabi nito. Hinila nito ang kamay niya at
kinawit ang dalawang braso nito sa baywang niya.

Bigla siyang may naalala. Tinukod niya ang mga kamay sa dibdib nito. “Wait, how
about Czarina?”

Ikiniling nito ang ulo. “How about her?”

“Y-You love her...”

Napabuntong-hininga ito. “Pero kapag kasama kita, nakakalimutan ko siya.”

Napalunok siya. Naramdaman niya rin ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. “B-
Baka... baka you’re just confused lang rin... Huwag na nating i-work out ‘to kung
siya pa rin ang mahal mo.”

Mamaya ginagawa lang pala siyang rebound girl nito. Siya? Magiging rebound? No way!

“Magiging honest ako sa’yo, Sapphire. Hindi ko na alam kung ano bang nararamdaman
ko sa ‘kanya pero kapag sa’yo, sigurado akong nahuhulog na ‘ko. Kaya nga pakisalo
ako di’ba? Dahil masakit lumagapak.”

“Masakit nga bumagsak. And I’m falling, too. Will you catch me? Baka nga, ako pa
ang lumagapak kapag bumalik ang babaeng minahal mo nang mahigit isang dekada.
Sa’ting dalawa, ako ang pinakakawawa.”

Napakamot ito sa sentido. “Huwag mo kasi siyang isipin. Intindihin mo iyong


sinasabi ko sa’yo.”
“Sabi mo nakakalimutan mo siya kapag kasama mo ‘ko. So when you’re not with me,
siya na iniisip mo?”

“Kapag wala ka, iniisip ko kung anong ginagawa mo o kung saan ka pumupunta o kung
kumain ka na ba. Kapag nagtuturo ako, nakikita ko mukha mo sa blackboard. Kapag
nagji-gym ako, iniisip ko lagi kung anong magiging reaksyon mo kapag nagka-abs na
‘ko. Kapag natutulog na ‘ko, napapanaginipan kita.”

Bahagya siyang napangiwi. “That’s creepy.”

“Kaya nga, eh. Nakakabaliw pa. Sobrang okupado mo na buong isip ko, hindi ko alam
kung saan pa siya sisingit.”

“Paano kapag bumalik si Czarina—”

“Iyong totoo? Ikaw ang isip nang isip sa kanya, eh.”

She sighed. “I’m just scared, alright?” pag-amin niya. “Hindi ko alam kung paano
hina-handle yung ganito. Ayokong matulad sa Mommy ko na kapag iniwan, akala mo
pinagbagsakan na ng mundo. Ayokong matulad sa mga pinsan ko na kailangan pang
ikulong sa kuwarto kasama iyong mga ex nila para lang maka-move on.”

Bumitiw sa kanya si Johann at nahilamos nito ang mga kamay sa mukha. He looked so
frustrated. “Ano ba, Sapphire? Bakit iniisip mong masaktan? Bakit mo
pinapangunahan? Kung gusto mong sumaya, ang iisipin mo ay ang sumubok at magmahal.
Wala naman tayong tinatapakan na tao kapag pinili nating mahalin ang isa’t isa.
Kasal pa tayo,” pangungumbinsi pa nito. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.
“Naiintindihan ‘kong mas nagiging maingat ka lang para huwag masaktan. Bago ka sa
ganito, pero magtiwala ka sa’kin. Magtiwala ka lang,” he strongly said.

Nilapat nito ang mga kamay niya sa kaliwang dibdib nito.

Gulat na napatingin siya rito nang maramdaman ang malakas na pagkalabog ng puso
nito parehas sa kanya.

“Just take this chance with me. O, sige, huwag mo na ‘kong saluhin. Ako na lang
sasalo sa’yo.”

Napakurap-kurap siya. Napalunok ng ilang beses. Sa tingin niya, wala na sa tamang


posisyon ang body organs niya.

Say ‘okay’, Sapphire!

She can see in Johann’s eyes that he’s hoping. Unang beses niyang makita na parang
nakikiusap ang mga mata nito na pumayag siya. Nanginginig din ang mga kamay nitong
hawak ang kamay niya. At mas bumilis pa ang tibok ng puso nito sa paghihintay nang
pagpayag niya.

Should she agree with him? Should they work this out? Should she choose happiness?

~0~0~0~

PAGMULAT na pagmulat pa lang ng mga mata ni Sapphire ay bumungad na agad sa kanya


ang nakangiting si Johann na matamang nakatitig sa kanya.

“Good morning, Misis,” masayang bati nito.

Hinarangan niya ng palad ang pagmumukha nito. “Will you stop staring at
me while I’m sleeping? It’s not romantic.”

Isang linggo na mula nang magkaaminan sila at mula nang pumayag siyang i-work out
ang kung anumang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Pang-apat na araw na rin iyon
na sa tuwing gigising siya, mukha nito ang agad na bubungad sa kanya.

Pumikit ulit siya at tumalikod rito. She yawned and pulled her
comforter up to her neck. Naramdaman niya ang pagpasok rin ng comforter ni Johann
at niyakap siya nito.

Hinalikan nito ang batok niya. “Bakit ang hirap mong pakiligin?”
natatawang tanong nito.

“Because I’m not a teenager, Mister.” Nilapat niya ang likod sa katawan
nito. “But don’t worry, I appreciate your effort to always greet me first thing in
the morning.”

Inamoy-amoy nito ang buhok niya. “Sabado ngayon. Half-day lang ang
klase ako. Pasyal tayo mamaya?”

Umiling siya. “I want to sleep the whole day. Ngayong araw lang akong
walang aasikasuhin for the bookstore and for my blog.”

“Ganoon ba? Sige, pag-uwi ko mamayang tanghali, makikipaglampungan na


lang ako sa’yo dito sa kama. Meow!”
Natawa siya at siniko ito. “We’re not still going to have sex, you
know.”

He laughed, too. “Alam ko. Malinaw naman sa’kin na hanggang hindi pa


ganoon ka –intense ang feelings natin para sa isa’t isa, wala munang ganoon. Hindi
ko naman hinihintay iyon. Puso naman ang habol ko sa’yo, Misis ko.”

Lihim siyang napangiti. Minsan, gusto niyang ihampas ang laptop niya sa
mga hirit nito. Ang corny, eh. But she can’t deny that her heart’s overwhelmed by
his words and efforts just to work things out between them.

Humarap siya rito at yumakap na rin dito. It takes two to tango. If


they want to develop their feelings deeper, kailangan niya rin maki-cooperate.

“Hindi ako naniniwalang hindi mo hinihintay iyon,” aniya habang


tinitingala ito at sabay taas ng kilay.

Pilyong ngumiti ito. “He-he! Slight lang naman.” Mas hinapit siya nito
ng yakap. “Pero, seryoso, hindi ko naman masyado naiisip iyon. Ang wholesome nga ng
utak ko, eh! Gusto ko parati ko lang hawak kamay mo at gusto kong lagi kitang
nayayakap ng ganito.” He hugged her tighter and kissed her forehead.

“Hindi ko alam kung complement ba iyang sinabi mo. It’s either ganyan
ka kalinis mag-isip o hindi lang ako ganoon ka-desirable. Pero, lalaki ka, hindi
wholesome lagi ang pag-iisip niyo.”

“Ang judgmental!” he laughed. “Napakamapanghusga mong babae ka!


Kasalanan iyan kay Lord.”

Napalabi siya. “Bakit hindi ba totoo?”

“May mga lalaking kayang hindi isipin ang sex, Sapphire. May mga
lalaking totoo ang nararamdaman at sapat na sa kanila na kapiling lang nila ang
babaeng gusto nila o mahal. What I feel for you is true. It didn’t come out from
lust. It came out from the heart.”

Napangiti siya. “Nag-English ka,” she teased but her heart was tickled.

“Para maniwala ka.”

Sumubsob siya sa dibdib nito. “A guy like you is very rare, Johann.
Very rare.”

“Hah! Kaya nga huwag mo na ‘kong pakawalan. Mahalin mo na ako, beybeh!”


Sa isip ni Sapphire, hindi malabong mangyari iyon. Dahil iyon naman
talaga ang intensyon niya.

“Kung gusto mo naman na hinahalay ka, sabihin mo lang. Magagawan natin


iyan ng paraan.”

“Fuck you.”

“Ah, next time, Misis. Next time, gagawin rin natin iyan. Coming soon.
Starring me and you. With special participation of my six pack sexy abs.”

She bursted out laughing and pulling his hair. Tawa na lang rin ito
nang tawa kahit sinasabunutan niya na. Later on, he’s already above her. Kinikiliti
nito ang tagiliran niya habang pinapaulanan siya ng mga mumunting halik sa buong
mukha.

Tinulak niya ito nang malakas at saka siya mabilis na bumangon. “Stop
tickling me!” she squeeled. Kinakapusan na siya ng hangin.

“Halikan mo ‘ko, hindi na kita kikilitiin.” Tumaas-baba pa ang kilay


nito.

Napanguso siya.

Napangiti naman ito. “Ayan. Lapit mo lang ng kaunti iyang nguso mo


sa’kin.”

Hinampas niya ito ng unan. Umalis na siya ng higaan. “Nagugutom na ‘ko.


Let’s have some breakfast,” aniya at saka lumabas na ng kuwarto.

“Hoy! Yung kiss ko!”

“Later.” She rushed inside the comfort room. She washed her face and
brushed her teeth. Ayaw naman niyang halikan si Johann nang hindi pa nagtu-
toothbrush. Habang kaninang hinahalikan siya nito sa buong mukha naamoy niyang
nakapag-toothbrush na ito kaya mabango ang hininga. Siyempre, gusto niya siya rin
kung hahalikan man niya ito.

Paglabas niya ng banyo ay nakaabang na sa labas si Johann. Wala nang


pang-itaas at may nakasabit na tuwalya sa balikat. Maghahanda na ito sa pagpasok sa
trabaho.

Hinampas niya ang tiyan nito na...well, fine, medyo kumokorte na talaga
ang abs. Underdeveloped pa pero patuloy kasi ito sa pagpunta sa gym ng pinsan nito
kaya laging may improvement kapag nakikita niya. Bukas pa sila sabay magyo-yoga
class.
“Oy, simpleng tsansing, huh?” biro nito.

She just smugly smiled at him. Kinawit niya ang mga braso sa balikat
nito. She tiptoed and brushed her lips to his.

Naramdaman niyang natigilan ito. Matamis niya itong nginitian at saka


tumalikod na.

Pero mabilis nitong nakuha ang kamay niya at hinila siya palapit rito.
“Bitin,” bulong nito at saka siya siniil ng halik sa mga labi.

Hindi naman siya lumayo. Mula nang magkaaminan, hindi na siya lumalayo
o pumapalag kapag hinahalikan nito. Well, kahit noon pa man na nagkakahalikan sila,
hindi niya magawang makapalag. Because she likes kissing Johann.

Kinikilig siya.

Ayaw niya pang tumigil sa paghalik rito nang ito na ang kusang lumayo.

“Sandali, sandali! Tigil muna. Baka maisama kita sa loob ng banyo,”


tumatawang sabi nito. “Unless, okay lang sa’yo. Ako naman ay hinding hindi ka
aayawan—ouch!”

Piningot niya kasi ito sa tainga. “Take a bath na. Magluluto na ‘ko.”

“Sure answer na ba iyan? Puwede pang magbago ng sagot.”

“Wholesome ka di’ba? Stay that way,” aniya na ikinatawa lalo nito bago
tuluyang pumasok sa banyo.

“Pero iiwan kong nakabukas ‘tong pinto para—”

“Lock your door!”

“K.”

Tumalikod na siya at napailing-iling. Pero hindi naman mapuknat ang


ngiti sa mga labi niya habang nagluluto ng agahan.

Ah! Good thing she chose happiness. Tama si Johann, masaya ‘yung walang
pinipigilan at itinatago.
Tapos na siyang magluto ng tuyo at isasalang na sana ang malamig na
kanin nang marinig niyang may kumakatok sa labas ng gate.

“Tao po!”

Pinatay niya ang kalan at saka pinulupot pataas ang kanyang buhok at
itinali. Paglabas niya ng pinto ay naaninag niya na kung sino ang nasa labas ng
gate.

Uh-oh.

Hindi siya puwedeng magkamali. Kilala niya ang tao sa labas.

Parang robot na lumapit siya sa gate at dahan-dahang binuksan iyon. Mas


bumungad na sa kanya nang harapan ang babaeng naka-long sleeve peach dress na na
nakalugay pa ang mahabang buhok. Nakangiti ito ng matamis.

“Hi! Good morning!” bati nito.

“C-Czarina... w-what are you doing here?”

Mas lumaki ang ngiti nito kaya lalong lumiit ang mga mata at halos
nakapikit na.

“Naalala mo pa pala ako, Sapphire.”

Bigla siyang dinamba ng kaba. Bakit? “You’re my cousin’s stepsister. Imposibleng


hindi kita matandaan.” And you’re the one who dumped my husband.

Tumango ito. “Ahm, balita ko kasal na kayo ni Johann...” parang lumungkot ng kaunti
ang boses nito na agad namang natakpan. “Congrats! Ahm, puwede ba ‘ko tumuloy?”

“H-Ha?”

“Is Johann there? Kailangan kasi naming mag-usap.” Napayuko ito. “May kailangan
lang akong sabihin sa kanya. I think he deserved to know something.”

“Something about what?”

“Sinabi sa’kin nina kuya Reeve kung bakit lang kayo nagpakasal ni Johann. So maybe,
this won’t affect you,” mahinhin nitong sabi. “He needs to know s-something
about... between the two of us.”
Sapphire bit her lower lip.

Ayaw niyang papusukin ito. Ayaw niyang magkita ito at si Johann. Ayaw niyang mag-
usap ang mga ito. Ayaw niya.

Dahil siguradong may mag-iiba. Oh, she can sense it.

“Johann’s not here, I’m sorry,” diretsa niyang pagsisinungaling.

“Sapphire—”

Mabilis niya nang sinara ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Forget
about the manners!

Hinding hindi niya papalipitin si Czarina kay Johann! Hinding-hindi niya hahayaang
magkapag-usap ang dalawa!

~~~

Possessive si Misis. Uh oh.

Next update on Tuesday! (November 11, 2014) Thank you, friends!

PS. If interested kayo sa story ni Xan, just check my works and read "Irresistible
Eugene"! ;)

=================

Chapter Nineteen

"MISIS? Manok ka ba? Bakit kanina ka pa palinga-linga?"

Humaba ang nguso ni Sapphire dahil napansin pala ng asawa niya ang pagka-paranoid
niya. Nasa Shangri-La mall sila ngayon dahil nagpasama siya ritong mag-shopping.
"W-Wala lang. Don't mind me." Pinigil niya na ang sarili na magpalinga-linga pa
ulit.
Mula kasi nang nagpakita si Czarina, na-paranoid na siya. Baka mamaya nasa mall rin
ito at magkita ito at si Johann. Hindi puwede!

Humigpit ang pagkakakapit niya sa braso ni Johann.

"Ang mahal naman ng mga damit dito. Mas mura pa sa SM. Sa SM Megamall ka na lang
bumili. Tawid lang tayo, SM na."

Napasimangot siya. "Ayoko doon. Maraming tao. And why do I have to buy cheap
clothes if I have the money to buy the expensive and branded ones?"

"Maka-cheap ka naman! Doon ko kaya binibili briefs at boxers ko. Hindi sila cheap,
affordable lang talaga."

"I'm more comfortable doing my shopping in here. Isa pa, mas crowded sa mga SM
malls. Naiinis ako kapag maraming tao."

Lumiko sila sa swimsuit section ng department store. "Ang sabihin mo, hindi mo
gustong makihalubilo sa mga hindi mo ka-level. Tsk. Matapobre."

Tumingin-tingin siya ng mga two-piece bikinis na naka-display. "I'm not matapobre.


I just don't feel like joining such crowds. I never like crowds whether mayaman or
not. Kung mahilig lang ako makisali, eh di sana I have a friend aside from you."

Isang beses na nakihalo siya sa crowd ay noong college night party na in-organize
ng student council. Umuwi siyang inis na inis dahil ang daming lalaking lapit ng
lapit sa kanya at pinopormahan siya. Yuck. Nang sumubok naman siyang makisali sa
mga grupo ng mga babae ay halatang inis sa kanya ang mga iyon at fake smiles lang
ang binibigay sa kanya. Hmp! Bitches.

"Ang mahal ng bikini nila, o. 569 pesos!" bulong nito sa kanya habang hawak ang
pricetag ng isang orange bikini. "Kapag sa palengke, fifty pesos lang to."

Natawa siya at tinapik ang kamay nitong hawak ang orange bikini. "Bakit alam mo ang
price ng bikini sa palengke?"

"Curious lang kaya tinanong ko sa tindera," natatawang sagot naman nito. "Pero
seryoso, for just a piece of cloth, five hundred plus na agad?" Luminga ito at
lumapit naman sa isang sexy red swimsuit at tinignan ang pricetag niyon. "2899
pesos! Aba, kapag sinuot ba 'to ng may bilbil, se-sexy sila?"

"Ano bang problema mo sa mga expensive things? You're rich na rin naman na. Price
does not matter na as long as we're comfortable with what we wear, where we live,
and as long as we get what we want."

Inakbayan siya nito at naglakad na sila papunta naman sa accessories section.


"Praktikal lang talaga ako, Misis, alam mo iyon. At saka hindi naman ako lumaking
mayaman diba? Para sa mga hindi masyadong maraming pera, kung may mga bagay naman
na makakapagbigay nang same comfort at mas mura, iyon na lang ang bibilhin. Pero
may point ka rin naman kasi kinalakihan mo iyan at sa’yo naman ang pera mo. Pero,
subukan mong i-lessen ang shopping time mo. Hindi lang ako sanay na every week may
misis akong nagsa-shopping ng damit tapos di mo naman agad nagagamit. Na-sta-stock
lang sa aparador natin. Parang tuloy di naman pala masyadong kailangan. Pinambili
na lang sana natin ng pagkain tapos ibigay natin sa street children. O kaya,
nagbigay tayo ng tithes sa iba't ibang church."

Napatingala siya rito. She finds herself smiling at him. Kay Johann niya na-realize
na ang pagiging praktikal ay hindi naman pagiging kuripot. It's just getting what
someone needs. Hindi naman kuripot si Johann dahil kung maghulog ito ng tithes sa
simbahan, mas malaki pa iyon sa nagagastos niya tuwing nagsa-shopping siya.

Kapag may kumatok naman sa bintana ng kotse nito para manlimos, bibigyan nito ng
pagkain. Lagi kasing may mga biscuit at cupcake sa kotse nito. Natawa pa siya nang
makita na may stock ito ng ganoon sa lumang kotse nito, iyon pala may purpose. It
was really for the needy.

He's a cheerful giver. And he's influencing her to also practice giving.

"I love shopping for myself. It makes me happy. I love buying expensive things
because I'm rich. Is it wrong?"

"Hindi naman masama talaga na maging maluho minsan. Kaso ikaw, lagi." Nginisian
siya nito. "Hindi mo kailangang i-satisfy ang sarili mo parati para masabing totoo
kang masaya. Minsan, ang true happiness mararamdaman mo kapag nakatulong ka sa
kapwa, kapag napangiti mo sila, kapag nakikita mo silang masaya rin." Tumitig ito
sa kanya. "Parang ikaw, sa tuwing nakikita kong napapatawa kita, masaya na rin ako.
Kilig much!"

She laughed and pulled his ear. "Kilig much? What kind of gayness na naman yan,
Mister?"

"Narinig ko lang sa mga estudyante ko." Pagkuway ninakawan siya nito ng mabilis na
halik sa mga labi.

"Johann!" mahinang saway niya rito nang mapansing pinagtinginan na sila ng mga
saleslady. Nagngingitian ang mga ito habang iniiwas ang tingin sa direksyon nila.
"You should not kiss me in a public place like this."

Hinila niya na ito palabas ng department store. Buti na lang talaga, walang
masyadong tao.

"I'll kiss you anytime and anywhere I want. Gusto ko mainggit ang mga tao sa'yo.
Hindi dahil mayaman ka at ubod ng ganda kundi dahil may asawa kang adik na adik sa
mga labi mo."
Jeez! I love this gaytard! Forget about macho-ism and abs. This one's the real man
worth loving.

Nilingon niya ito. He's smiling widely while looking straight at her. She sweetly
smiled back and held his hand tighter.

Napakurap ito. "Huwag mo 'kong nginitian ng ganyan, Misis. Please lang."

Nagtaas siya ng kilay. "Why?"

Nag-iwas ito ng tingin at tumingala. "Lord, wala namang gantuhan. Mababaliw na puso
ko sa babaeng ‘to. Maawa Ka po sa akin. Hindi pa ba sapat na parusa na sobrang pogi
ko?"

Napa-facepalm si Sapphire at iiling-iling na lang habang tumatawa. Natawa na lang


rin si Johann sa sariling kalokohan. Hinapit siya nito sa baywang at saka nilapit
ang labi sa tapat ng tainga niya.

"But, I'm serious, Saphi. Your smile just made my world stop and my heart skip," he
sincerely whispered.

Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Now, how the heck won't she fall in love with
this kind of man? Honest and sincere. Nag-iisa na lang ata ito sa buong planeta.

"Is it not good?" she asked. Dahil ganoon din ang nangyayari sa kanya sa tuwing
nginingitian siya nito at kinikindatan.

Tumuwid ito ng tayo. "Hindi naman. Maganda naman 'to. Nagle-level up pa ang mga
damdamin."

"Really?"

Tumango ito. "Ramdam kong malapit na kitang mahalin. Konting kembot pa."

"What?"

"Basta. Malapit na ko. Ikaw ba? Nagle-level up ka na rin ba ng feeling sa'kin?"

"Yeah. I feel so." Nasa highest level na nga yata siya.

Ngingisi ito. "Good good. Gusto ko iyan. Tignan mo, nagwo-work out tayo? Masaya
diba? We don't hold back feelings. Walang kailangang itago sa isa't isa."
Lihim siyang napangiwi. Tinatago niya rito si Czarina, okay lang rin ba iyon?
Tumingin siya kay Johann pero lumagpas ang tingin niya rito nang mahagip ng tingin
niya ng isang pamilyar na pigura.

Oh, shit!

Speaking of Czarina, nakaupo ito sa labas ng isang coffeeshop at may kaharap na


laptop habang umiinom ng kape. Nanlaki ang mga mata niya. Bakit ito nandoon kung
kailan nandoon rin sila ni Johann?

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Johann nang makita ang reaksyon niya.

Lilingon na sana ito ngunit mabilis niyang nahawakan ang mukha nito at pilit
ipinaling sa kanya. “Ah! Let’s go to Megamall. Dali!”

Halos kaladkarin niya na ito papasok ng nakabukas na elevator.

“Ha? Bakit?”

“Don’t look back!” malakas na saway niya rito at saka hinawakan ulit ang
magkabilang pisngi nito. Nanulis ang nguso nito dahil sa pagkakahawak niya sa
pisngi nito.

Nang sumara na ang elevator door ay saka lang niya ito binitawan. Nakahinga na
siya.

“Okay ka lang?”

“Okay lang!” pasigaw na sagot niya. Napangiwi tuloy ito.

“Anong problema mo ba? Bakit parang nataranta ka?”

Mabilis siyang umiling. “Wala. Wala. Punta na tayong Megamall? Hindi pa ko


nakakapasok doon, eh.”

“Akala ko ba, ayaw mo doon?”

Naisip niya, dahil Linggo, mas maraming tao sa malls. Mas imposibleng mag-krus ang
landas doon nina Johann at Czarina. Tama, tama! “I changed my mind. Sa mga sinabi
mo, wala nga namang masama if I’ll do my shopping there. Baka mas marami pa ‘kong
mabili.”

“Sure?”
Mabilis siyang tumango. Tinitigan pa siya nito nang matagal. She tried to smile and
she did it. Matamis niya pa itong nginitian. Napangiti na rin tuloy ito.

“Grabe. Isang ngiti mo lang talaga... tsk,” napapailing na bulong nito sa kanya
bago sila lumabas ng elevator.

Hinawakan niya ito sa kamay. Their fingers locked habang lumalabas sila ng mall
para makapunta sa kabilang mall.

She looked at their clasped hands. Gusto niya ganoon lang sila. Call her
possessive, insecure, scared, or what... gagawin niya lahat para lang hindi magkita
sina Johann at Czarina.

Gusto niyang hilahin ang mga oras. Malapit na daw ma-inlove sa kanya ang asawa.
Kaunti na lang daw.

At sige, maghihintay pa siya. Masiguro lang niya na magiging kanya lang ito.

~0~0~0~

THREE days after, maagang natapos ang klase ni Johann at nagulat siya nang ayain
siya nitong pumunta ng mall. Pumasyal daw sila at kumain.

Pumayag siya dahil gusto niya rin naman. Sa SM North Edsa siya nito
dinala. Hindi pa rin kasi siya nakakapasok doon.

Nagtataka siya dahil kakaiba ang nakikita niyang kasiyahan at energy


mula rito. His eyes were like shining. His smiles were much happier...

“Ahm... you seemed happy... May nangyari ba?” tanong niya rito habang
naglalakad-lakad sila pagkatapos kumain sa Bon Chon.

Mas lumawak ang ngiti nito at sinulyapan siya. “Oo, may nangyari.”
Nilayo nito ang tingin sa kanya at napansin niya ang pamumula ng tainga nito habang
pigil-pigil nito ang sarili na mas mapangiti pa lalo.

Napakunot siya. Anong problema nito?

Oh, wait! Hindi kaya... hindi kaya pinuntahan ito ni Czarina sa


pinagtuturuan nito at nagkausap na ang dalawa. Mahina siyang napasinghap. Damn! Why
didn’t she think of that? Na posibleng puntahan doon ni Czarina ang asawa niya kung
pursigido talaga ang babae na makausap ito...

Shit!

Napabitaw siya kamay ni Johann. Agad naman itong napatingin sa kanya at


nagtaka. “O, bakit?” he asked.

“Spill it. Bakit ang saya-saya mo? M-May nangyari ba? May... may nakita
ka bang k-kakilala ngayon?”

Napakunot-noo ito. “Wala naman. Masama ba maging masaya nang ganito?”

“What’s your reason? Why are you so... happy?” Kinabahan na talaga siya
nang matindi. Kung hindi nagkita ang mga ito, baka naman nagkausap ang mga ito sa
cellphone? Oh, hell! Bakit rin hindi niya naisip iyon?

Hindi kaya umamin si Czarina na may gusto rin ito kay Johann at
nagsisisi ito na hindi nito sinagot ang lalaki noon?

“Masaya ako kasi kasama kita ngayon, Misis.”

Napaangat siya ng tingin rito. “We live together, Mister. Araw-araw


tayong magkasama!”

“Kaya nga, araw-araw rin akong masaya.”

Napapadyak siya. “Iba ang saya mo ngayon. I can feel it. Come on, tell
me!” she demanded. Wala na siyang pakialam sa mga taong pinagtitinginan sila dahil
bigla na lang silang huminto sa gitna ng paglalakad.

Napakurap si Johann. Maya-maya ay napabuga ito ng hangin. “Sapphire...


Mahal mo na ba ako?”

Tila pinadyak ang dibdib niya sa biglang tanong nito. “W-Why?” balik-
tanong niya rito.

Kinuha nito ang kamay niya at naglakad na ulit ito. Sumunod naman siya
hanggang sa makarating sila sa parking lot ng mall.

“Uuwi na ba tayo?” she asked him. Wala na ang mga ngiti sa mga labi
nito.

Nakaabot sila ng kotse nito at agad silang sumakay. But Johann didn’t
start the engine.
“Mahal mo na ba ako?” ulit nito sa tanong habang nakatingin sa kanya.

Her lips parted but she can’t utter her answer.

Napahawak sa manibela si Johann at saka nito sinubsob ang noo doon.


“Huwag ka namang ganyan, Misis. Pinapahirapan mo ‘ko.”

Huh? Bakit niya ito pinapahirapan? “Anong kinalaman ng sagot ko sa


tanong mo, sa tanong ko kung bakit ka masaya ngayong araw?”

Sandali, tinatanong ba siya ni Johann ng ganoon dahil kung ‘hindi’ pa


ang sagot niya ay mare-relieve ito at balikan si Czarina?

Wait, Saphi, hindi ka pa nga sure kung nagkita o nagkausap na ba sila


ni Czarina...

Pinukpok ni Johann ang sariling noo sa manibela. “Masaya ako kasi may
nalaman ako kaninang umaga.”

Biglang nanghina si Sapphire. Shit just got real. He probably knew


about Czarina!

“A-Anong nalaman mo?” lakas-loob niya pang tanong.

“Habang nasa kalagitnaan ako ng klase... nag-ring ang cellphone ko,”


pagkukuwento nito. “Sinagot ko... pagkatapos ng tawag may nalaman ako.”

Napapikit siya. Czarina called him! Damn, damn!

“Misis... alam ko na.”

She bit her lower lip.

“Alam na ng puso ko ang totoo.”

Mahal pa nito si Czarina pagkatapos nitong kausapin, baka iyon. Damn,


she’s going to cry! Ayaw niya na marinig ang susunod nitong sasabihin.

“Pagkatapos kasi ng tawag, napatingin ako sa wallpaper ko. Picture mo


ang wallpaper ko, eh. Naisip ko bigla, hindi ko na kailangang patagalin pala.”
Hindi na nito mahintay ang susunod na taon para i-annul ang kasal nila
dahil kay Czarina? Napalunok na naman siya. Naramdaman niya na ang pagsisimulang
pagkabasag ng puso niya.

“Pagkakita ko sa picture mo sa wallpaper ko—”

“What? You realized that you don’t really like me? Na si Czarina pa rin
pagkatapos niyang tumawag sa’yo at—”

“Ano? Anong pinagsasasabi mo? Anong tumawag si Czarina? Bakit siya


tatawag?” nagulat at nagtatakang tanong nito.

Napadilat siya at napatingin rito. “Bakit? Hindi ba siya ang nakausap


mo para ma-realized mo ang true feelings mo? Na siya pa rin talaga ang mahal mo?”

Napanganga ito sa kanya pero maya-maya ay tumawa ito nang malakas.

“What’s funny?!” naiinis na tanong niya.

“Saan mo ba nahugot iyang pinagsasasabi mo? Bakit napasok na naman si


Czarina? Hanggang ngayon, hindi pa nga kami nagkikita at hindi ko alam kung nasaan
na ba siya napadpad.” Nagpatuloy ito sa pagtawa.

Siya naman ang napuno ng question mark ang buong isipan.

“So, why are you happy? Sino ang tumawag sa’yo?”

“Tinawagan ako ng co-teacher ko at may tinanong lang sandali.


Pagkatapos ng tawag, napahinto na lang ako nang makita ko ang picture mo na
wallpaper ko nga.”

“Masaya ka na dahil nakita mo lang ang picture ko sa cellphone mo, eh,


araw-araw tayong magka—mmm.”

Nilapit nito ang mukha sa kanya at siniil siya nang halik sa mga labi.
Dahil sa gulat ay hindi siya agad nakapag-respond hanggang sa mabilis din itong
humiwalay.

He charmingly beamed. “Masaya ako dahil nalaman kong nahulog na pala


talaga ako. Kaya saluhin mo ‘na ko dahil nauna na ‘kong nahulog”

“Huh?” Nagpa-process pa ang utak niya. So, hindi pa rin talaga


nagkikita ito at si Czarina? Maski ang magkausap?
Kinuha nito ang kamay niya at saka hinalikan iyon. Then, he lovingly
looked at her again and tenderly smile.

“Tinatanong ko kung mahal mo na ba ako dahil ako...” Hinalikan muli


nito ang kamay niya. “Mahal na kita, Misis.”

Her eyes widened. Wait, what? Did... did... did she heard it right?

Kumislap ang mga mata nito at mas lumaki ang mga ngiti. “I love you, Sapphire.”

Oh, damn! She did hear it right!

Napuno nang masaya na tili ni Sapphire ang lumang sasakyan ng asawa.

~~~

Next updates are every Tuesday na po. 7 PM. Permanent sched na po iyan. Thank you!
God bless us all! :)

Malapit na mag-end ang season one adventures nina Misis at Mister! Stay tuned!
Hoooo. Season two is coming!

=================

Chapter Twenty

CHAPTER TWENTY

"HINDI mo pa 'ko mahal pero kung makatili ka kanina sa loob ng kotse, para kang
nanalo sa lotto?"

Inirapan ni Sapphire si Johann. Pagkatapos nitong magtapat kanina na mahal na nga


daw siya nito, totoo naman kasing nakaramdam siya ng pagkiliti sa kanyang puso.
Yes, she felt so happy.

Pero, hindi niya inamin na mahal niya na rin ito. Naisip niyang itago muna. Sandali
lang naman. She just wanted to feel... Being chased, possessed, loved... Oras na
umamin siyang mahal niya na ito, baka magsawa ito sa kanya.
Just like her mother's ex-boyfriends always did to her mom.

Tinapos na ni Sapphire ang pagkain. "Akala ko ba hahayaan lang natin maging natural
ang mga bagay? That we don't have to make it fast? Kasalanan ko ba na mas nauna
kang nahulog?"

Tinitigan siya nito at saka nagkibit-balikat. "Hindi naman kita minamadali, Misis.
Basta, mahal na kita. Bahala ka nang mag-handle ng kilig sa mga susunod na araw."
Johann grinned from ear to ear.

"What are you going to do na hindi mo pa nagagawa?" nagtatakang tanong niya.

"Marami pa. Kapag may mahal ako, hahanap at hahanap ako ng isang libong bagay na
puwede kong gawin, maparamdam ko lang sa kanya ang pagmamahal 'ko." He stared
straight into her eyes. "Gagawa at gagawa ako ng maraming bagay, masiguro ko lang
sa taong mahal ko na siya lang. Ikaw lang... masayang masaya na ang puso ko. Ikaw
lang, Misis, buhay na buhay na ang katawang lupa ko."

She chuckled. Damn Johann. So cheesy and sweet! "Ganoon ka magmahal?"

He leaned close to her. "Ganoon dapat magmahal lahat. Sumobra man, at least, hindi
dapat kulang. Sa kaso ko, mahihiya ang Anggat Dam dahil sa pagmamahal ko."

"Bakit?"

"Dahil mas mag-uumapaw sa kaligayan ang puso mo sa hatid nang tunay kong pag-ibig
sa'yo." Napahawak ito sa sariling ilong. "Sandali, ang deep ko. Nosebleed. Pucha,
ako ba 'tong nagsasalita?"

Napailing-iling siya pero hindi niya maitatangging touch na touch ang puso niya.
"So gay of you, Mister. Yeah. That's you." Napangiti siya at saka tumayo.

Hindi na pinigilan ni Sapphire ang sarili. Lumapit siya kay Johann na nakaupo at
nakatingala sa kanya. Yumuko siya. She cupped his face and kissed him.

"Isa pa," nakangiting hirit nito pagkatapos niyang humalik. Hinuli nito ang baywang
niya. And she found herself sitting on his lap and kissing him torridly.

Parehas silang hingal nang maghiwalay ang mga labi nila.

"Hindi mo pa ko mahal nang lagay na iyan, huh?" he teased.

She just smiled. She does not feel saying those three words yet. Not now. But she
can make Johann feel about it.
"Do you consider making love to me now?" bigla niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata nito. "Ay jusko po." Hinawakan siya nito sa baywang. "Huwag
kang nagtatanong ng ganyan. Ang wholesomeness ko, mawawala. Isa pa naman akong
kagalang-galang na guro at propesor."

She made face. "Wala ka namang estudyante ngayon. And you're not in school. You're
in our house. You're my husband. Puwede ka nang magmukhang hindi kagalang-galang."

Natawa ito at niyakap siya. "Hangga't sa hindi mo pa 'ko mahal, hindi natin
gagawin. Ako lang mag-e-enjoy kasi ako pa lang ang nagmamahal. Kapag mahal mo na
rin ako, mas masasarapan ka sa bawat sundot at hugot ng romansa at pag-ibig!"

Ang lakas ng tawa ni Sapphire. "Sundot at hugot? What the eff?! And you call
yourself a noble teacher. That's disgusting!"

"Tignan mo, disgusting pa sa'yo. Hindi ka pa handa. Kaya huwag mo 'kong babanatan
kung gusto kong makipag-make love sa'yo. Dahil ang sagot ko laging oo."

Natigilan siya. "Bakit noon sabi mo, hindi mo iniisip iyon?"

"Hindi ko iniisip kapag di ka nakakandong sa'kin ng ganito. Argh! Mga babae nga
naman. Temptasyon! Tukso!"

"Kapag magkatabi tayo sa kama, natutukso ka rin?"

"Hindi."

Tinaasan niya ito ng kilay.

Ngumiti ito nang nakakaloko. "Slight. Kinis kasi ng legs mo, eh. Nagkakasala minsan
mga mata ko."

"Bakit sabi mo noon, hindi ka nate-tempt?"

"Kasi friends tayo. Ayokong ma-awkward ka at maging uncomfortable kapag sinabi kong
nanggigil ako sa maputi mong legs at mapipintog mong hita. Siyempre dapat good boy
ako."

"Hah! You're not so wholesome, afterall! Lagot ka kay Lord."

Sumingkit ang mga mata nito sa pagkakangiti. "Understanding naman si Lord. Asawa
kita, hindi naman ako nagkakasalang manggigil sa legs mo." Hinalikan nito ang
balikat niya.

Napatingin naman si Sapphire sa legs niya. Naka-shorts na lang kasi siya. "Oo nga,
maganda nga legs ko."

Napatingin siya kay Johann na nakapikit na. She laughed.

"What happened to you?" she asked.

"Huwag kang tukso. Maki-cooperate ka naman, Misis. Walang akitan."

She chuckled. "Okay, open your eyes na. Ikaw ang maghuhugas ng plato ngayon.
Schedule mo." Tumayo na siya pero hinila siya ulit nito pakandong rito.

"Nakakatamad pa maghugas. Ganito muna tayo, Misis. Masarap sa ano--"

"Sa ano?"

"Sa pakiramdam. Masarap sa pakiramdam na nasa kandungan ko ang bago kong mundo."
Then, he winked at her.

Oh jeez. Corny lines, again. Corny lines that can make her smile. Damn it.

Ganoon ba talaga kapag inlove? O si Johann lang ang sadyang ganoon?

"Mahal kita," nakangiting sabi nito out of the blue.

Hinalikan niya na lang ulit ito. She wanted to reply 'I love you,too' but she's not
yet ready.

She's just afraid.

~0~0~0~

KUNG KAILAN kailangan ni Sapphire ang mga pinsan niya, at saka naman hindi niya ma-
contact ang mga ito. She wanted to seek for some advice. About love, yeah right.

It's her first time to feel that way and she wanted to consistently feel that way.
Siya ang pinakamatanda sa kanila pero ngayon, kailangan niyang marinig ang
sasabihin ng mga pinsan niyang naranasan nang magmahal noon. But too bad, hindi
niya talaga ma-reach kahit isa man lang sa tatlo.
She ended up visiting her Grandmother's mansion kung saan siya nakatira dati. Gusto
niyang makita ang picture nang Lola niya. She missed her. Hindi na rin masama ang
loob niya sa naging kondisyon nito bago niya makamit ang mana niya. Kundi dahil
doon, wala siyang Mister na nagpapangiti sa kanya araw-araw.

Pagpasok niya sa mansyon ay nakita niya agad ang Mommy niya na sa living room at
nagbabasa ng magazine. Nandoon pala ito?

"Mommy..."

Nag-angat ito ng tingin. "Saphi, baby!" Masayang bati nito. Tumayo ito at mabilis
siyang niyakap. Nakapantulog pa ito--specifically, she's wearing a sexy night
dress. "Oh, I missed you! Buti nakapunta ka rito, are you with Johann?"

"Ahm... No. He's working. Pumunta lang ako to check on the mansion. I was not
informed that you're here..." Ang alam niya kasi ay nagkabalikan na ito at ng
boyfriend nito. Kapag ganoon, sa bahay o condo ng boyfriend ito nagste-stay.

"Oh, yes. Alam mo naman. Ito lang naman ang bahay ko."

Umupo sila sa sofa at tumawag ito ng isang maid para dalhan sila ng snacks.

"Kumusta ka na, anak? Sorry I missed your birthday, ah? Pero alam ko namang nag-
enjoy ka. I saw some pics on your husband's Instagram account."

Napakunot noo siya. Aba't umi-Instagram ang asawa niya? Hindi niya alam iyon ah!

"Ah, yeah. I enjoyed. But it could be happier if you are there..."

Mas lumambot ang mukha ng ina. Parang nagsisi ito. "I'm sorry, anak, ha? Si Arthur
kasi inaya akong—”

“It’s okay, Mommy,” nakakaintinding sabi niya. “I know that your boyfriend wants to
make up with you. Alam kong gusto mo rin siyang makasama. If Arthur can make you
happy, sino naman ako para pilitin kang pumunta sa birthday ko, di’ba?”

Tila nagulat ang ina sa sinabi niya. “Saphi, baby...”

Napatayo siya. “Sanay na ‘ko, Mommy. As long as you’re happy, I’m happy for you,
too. I lived my whole twenty-eight years and saw you chase your happily ever
afters. You’re my mother but you’re not mine. I mean, that heart of yours? Para sa
mga nagiging boyfriends mo lang iyan.”

“Sapphire! Ano bang sinasabi mo? Mahal kita, anak.”


Tumalikod na siya. Bakit nga ba nasasabi niyang lahat nang ito? Ugh! “I l-love you,
too, Mommy. Kaya nga masaya ako kapag may nagpapasaya sa’yong ibang lalaki. Kasi
nabibigay nila sa’yo iyong hindi na mabibigay ng totoo kong Daddy sa’yo. I
understand, Mommy. I understand.”

“Anak, hindi—Sapphire! Come back here! Nag-uusap pa tayo!”

Pero nakatakbo na siya palabas ng mansion. Malakas na malakas ang tibok ng puso
niya pagkasakay niya sa pinara niyang taxi. Napasinghap siya ng malakas, napayuko,
at saka napaiyak.

Ayaw niyang isisi sa Mommy niya ang lahat kasi mahal niya ito. Pero masakit lang
talaga na hindi niya kahit kailan mapapasaya ang ina. She’s never enough for her.

Kaya takot siyang aminin kay Johann ang totoo, eh. Pati ang pagbabalik ni Czarina,
itinago niya. Because maybe Johann loves her now pero paano kung nakita nito si
Czarina ulit?

Johann’s full heart, is it hers already?

~0~0~0~

NAGHIHIWA ng sibuyas si Sapphire kahit hindi siya marunong. Wala lang. Para lang
iyong iyak niya, mapagkamalan na dahil naghihiwa siya ng onions.

Sa ganoong estado siya nakita ni Johann, pagkauwi nito galing sa


trabaho.

“Misis, I’m home!” masiglang anunsiyo pa nito.

Napasinghot siya at pinahiran ang mga luha gamit ang braso. Hawak pa
rin niya ang kutsilyo at nagtuloy sa paghihiwa ng sibuyas.

Naramdaman niya ang pagpulupot ni Johann ng mga braso nito sa baywang


niya. Hinalikan siya nito sa may leeg at nagtagal pa ito doon. Pawisan siya pero
inamoy pa siya nito.

“Wow. Ang bango mo, Misis. Amoy sibuyas!”

Napasinghot siya. “Lumayo ka nga!”


Natigilan ito. “Bakit ang sungit mo naman? Sandali... umiiyak ka ba?
Sino nagpaiyak sa’yo?! Iyang mga sibuyas ba? Akin na iyan, itatapon ko sila para
mabulok sila sa basurahan!”

Binitawan niya ang kutsilyo at humarap rito. Nang makita niya ang nag-
aalalang mukha nito na may comforting smile sa mga labi, nangilid ang luha sa mga
mata niya.

Oh, shit. Iyakin na siya mula nang makilala niya si Johann.

“Misis... nakakaiyak ba ang mukha ko?”

Umiling siya at nagtuluy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha niya.


Nakatingin pa rin siya rito. “Bakit walang akin, Johann?”

His eyebrows creased. “H-Huh?”

Ikinuwento niya ang naging biglaang outburst niya sa Mommy niya


kaninang hapon. Alam na ng Mommy niya ang hinanakit niya rito. “Naiiyak ako kasi
baka napasama ko ang loob ni Mommy. I walked out on her. Sabi ni Lola, it’s bad daw
na nakikipag-usap sa parents tapos biglang tatalikod. Kawawa naman si Mommy, baka
nasaktan ko siya.”

Marahang kinuha ni Johann ang mga kamay niya at itinapat iyon sa gripo.
Hinugasan nito ang kamay niya na amoy sibuyas. Pagkatapos ay kinapa nito ang mga
bulsa.

“Walang panyo...” bulong nito. Bigla na lang nitong hinubad ang polo na
uniform nito. Hinaplos nito iyon sa buong mukha niya. “Singa ka.”

“W-What?”

“Singa na.”

Suminga na siya sa polo nito. Nakahinga siya ng maluwag sa ilong.


Hinila na siya nito sa sala at pinaupo sa sofa. Binuksan nito ang electric fan at
itinapat sa kanya.

“Sandali lang, ha?” Umalis ito saglit dala ang siningahan niyang polo
nito. Pagbalik nito ay may dala itong maliit na... gitara?

An ukelele, to be exact!

“Alam mo, nakaka-offend ka, Misis,” biglang sabi nito.


Napasimangot siya. “Oo na. Alam ko nang na-offend ko si Mommy! Hindi mo
—”

“Hindi. Na-offend mo ‘ko.” Umupo ito sa center table na katapat niya.

Napakurap siya. “W-What? Pero wala naman akong ginagawa sa’yo.”

“Na-o-offend ako nang sinabi mong walang iyo. Eh, ako? Hindi ba ‘ko
sa’yo?”

Eh? She was astonished.

Kinalabit-kalabit nito ang strings ng ukelele habang tinititigan siya.


“Di’ba sinabi ko sa’yong mahal kita? Automatic, iyong iyo na ‘ko. Kung dati
nararamdaman mong walang pagmamahal na para sa’yo, eh, ano pang ginagawa ng isang
Mister na tulad ko? Hindi ako nilikha ni Lord para maging useless sa asawa kong
wagas magmahal sa hot niyang Mommy.”

Tulala siya rito.

“Naniniwala ako na hindi puwedeng ariin ng isang tao ang isa pang tao
dahil hindi naman tayo bagay para lagyan ng “property of”. Pero alam mo, kung gusto
mong tatakan ang puso ko ng “Property ni Misis si Mister” walang problema sa’kin.
Gusto ko iyon. Iyo lang ako.” Ngumisi ito.

“Johann...”

“May kabadingan akong gagawin at puwedeng puwede kang kiligin.”


Kinindatan siya nito. “Game?”

Wala sa sariling napatango na lang siya.

Tumingin ito sa tinutugtog na ukelele. Marunong pala itong maglaro


niyon?

“Well, you done done me and you bet I felt it. I tried to be chill but
you're so hot that I melted. I fell right through the cracks. Now, I'm trying to
get back...” biglang kanta nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Jeez! Wala ito sa tono!

Pero... pero, napapangiti siya.


Pumikit pa si Johann. As if he’s feeling the song. “Before the cool dawn run out,
I'll be giving it my bestest. And nothing's gonna stop me but divine intervention.
I reckon it's again my turn to win some or learn some. But I won't hesitate no
more. No more, It cannot wait...”

He looked at her, smiled funnily, and winked. “I’m yours...” Ginalaw-galaw pa nito
ang ulo. “Yes, Misis. Yeah! I’m yours! From head to toe!”

Ang lakas pa ng loob mag-adlib!

She roared a laugh. Oh my! Ang sakit sa tainga pero... why the hell her heart
tumbled?

“Well, open up your mind and see like me! Open up your plans and damn you're free!
Look into your heart and you'll find love, love, love, love.” Johann swayed his
hips.

Nakakahiya ang pagkembot nito at wala pa rin ito sa tono pero... Aww! He’s so cute!

“Listen to the music of the moment, people dance and sing, we're just one big
family... And it's our God-forsaken right to be loved, loved, loved, loved,
loved...”

Marunong mag-strum ng ukelele, wala sa tono kumanta, may pakembot-kembot pa na


parang sa macho dancer... okay lang ditong magmukhang tanga at kahiya-hiya...

He’s fine to look so funny as long as... she can smile and laugh, again. Para lang
gumaan ang pakiramdam niya... para lang... para lang iparating na si Johann...

He’s mine.

“So I won't hesitate no more, no more it cannot wait, I'm sure.”

She stopped laughing and smiled at him. Nakinig na lang siya rito. Simula ngayon,
maganda na sa pandinig niya ang wala sa tonong ‘I’m Yours’ ng asawa niya.

“There's no need to complicate. Our time is short. This is our fate,” Huminto ito
sa pagkembot at tumingin na naman sa kanya na parang siya lang ang nag-iisang babae
sa buong mundo.

“I'm yours! Oh, owo-owow-owow!” Nagtuloy-tuloy ito sa pagtugtog ng ukelele at


mukhang masayang-masaya habang nakatingin sa kanya.

“Kaya ikaw, Misis ko, lagi mong tatandaan, kung sa tingin mong walang pag-ibig na
sa iyo lang, well, Johann, your poging mister is here! Kakantahan kita, sasayawan
kita, magsti-strip pa ‘ko mamaya para lang sumaya ka. Ayan ang ‘hashtag galawang
Johann’! Pasasakitin ko ang tainga mo sa kanta ko, pasasakitin ko ang tiyan mo sa
kakatawa sa sayaw ko, pero pakikiligin ko naman ang puso mo sa sobrang saya dahil
sa dulot ng pag-ibig ko.”

Tumayo siya at nilundag ito ng yakap. “Mister...”

Naramdaman niyang nilapag nito ang ukelele at niyakap rin siya. Hinalik-halikan pa
nito ang tuktok ng ulo niya. “Mahal kita, Misis. Promise!”

Mas humigpit ang yakap niya rito. He’s real... Johann’s real. God!

“You’re mine...”

“I’m yours. From head to toe. Body and soul. Heart and mind. To infinity and
beyond! I’m Buzz Lightyear!”

Nagkatawanan sila.

Tiningala niya ito at hinuli ang mga nakangiting labi nito.

“Ay, gusto ko ‘to,” he murmured before kissing her back. Hinigpitan nito ang yakap
sa baywang niya.

Nakalimutan niya muna sandali ang problema sa ina. Nakalimutan niya ang takot sa
pag-ibig. She forgot her insecurities with his promising kiss.

“I love you, Mister...” kusang nanulas sa kanyang mga labi sa gitna ng halik.

“I know.”

Siya ang napahinto sa paghalik. “H-Huh?”

He chuckled. “Alam ko. Alam kong sasabihin mo rin iyan kapag handa ka na.” He
touched her face. “Alam kong mahal mo ‘ko kasi ramdam ko, ramdam ng puso kong mahal
na mahal ka.” Ngumiti ito. “Shet. Quota na ko sa ka-kornihan. Kiligin ka, please?”

“Ugh! Gaytard!” Kunwaring sinampal niya ito pero hinalikan naman niya ulit.

“I love you, too, Misis.”

Mabilis ang sumunod na nangyari. Natagpuan na lang ni Sapphire ang sarili na


nakahiga sa sofa at nasa ibabaw niya si Johann.

“A-Anong gagawin natin?” she dumbly asked. Really, Sapphire? Really?

Johann smiled. Hinding nakapang-aasar na ngiti ngunit iyong ngiting humahaplos sa


puso.

“Ito na ang ‘hashtag galawang Johann version two point-O’. Let’s get ready to
rumble!”

She bit her lower lip. Bakit excited siya? Damn!

~~~

#GalawangJohann. Wahahahaha!

=================

Chapter Twenty-One

CHAPTER TWENTY-ONE

NANINIWALA si Sapphire sa "divine intervention". Iyon bang lahat ay handa na at


tila wala nang makakapigil para gawin ang isang bagay pero sa hindi maintindihang
pangyayari, hindi matutuloy ang planong gawin.

Katulad ngayon. Kinakabahan siya pero ready na ready naman sa "hashtag-Galawang-


Johann-Version-2.0", ngunit may "divine intervention" na naganap.

Pababa na ang mga labi ni Johann sa leeg niya nang biglang may kumatok nang malakas
mula sa gate.

"Saphi? Saphi, baby? Knock knock!"

Her eyes widened. "Si Mommy!"


Agad na napatayo naman si Johann at napakamot sa leeg. "Sandali lang po, Mommy!"
Sigaw nito. Tinulungan siya nitong bumangon at ayusin ang sarili niya. "Love ko
Nanay mo pero parang wrong timing siya, ano? Nakakainis," nakangising sabi nito.

She has the same sentiments but she just shrugged it. "Sige na, Mister. Open the
gate."

Lumabas naman agad ito para pagbuksan ang Mommy niya. Mabilis naman siyang nag-
isip. Ano kayang kailangan ng Mommy niya? Kinabahan na din siya. Parang awkward pa
na magkaharap sila ng ina lalo na sa mga sinabi niya rito kaninang hapon.

Magkasabay na pumasok ng bahay ang Mommy niya at si Johann.

"Mommy..." She forced a smile. "I---"

Sinugod siya nito nang mahigpit na yakap bigla. "M-Mom..."

"I love you, Saphi. I love you so much," bulong ng ina. She cupped her face and her
mother's already teary eyed. "And I'm so sorry if you feel that I have neglected
you."

Tumikhim si Johann. "Maiwan ko po muna kayo," magalang na paalam ni Johann bago


tumingin sa kanya nang makahulugan. Pagkuwa'y pumasok na ito sa loob ng kuwarto
nila.

"Mommy, I've told you already that I understand naman. You don't have to say
sorry."

"No, anak." Napabuntong-hininga ito. Her mother looked stressed.

Napaupo sila sa sofa. "Nagulat ako sa mga sinabi mo kanina. B-believe me or not, I
wasn't aware na ganoon na pala ang tingin mo sa'kin." Hinawakan nito ang kamay
niya. "I'm sorry, my baby. Mommy failed you... Tama ka, I realized all of these
years, wala akong inatupag kundi maghanap ng boyfriend. Gusto ko lang naman na...n-
na magkakaroon ka ng Daddy pero..." Napayuko ito. "But looks like hindi naman iyon
yung nagawa ko. Rason ko lang ata iyon para mapagtakpan ang pagka-selfish ko.
Sapphire, I'm sorry... Mommy's sorry... Hindi ko naman kasi alam na may kinikimkim
ka na because I thought everything's cool with you..."

She sighed and hugged her mother who was in tears already. Ayaw niyang nakikita ang
Mommy niya na umiiyak. Mabigat sa dibdib. Tapos siya pa ngayon ang rason kung bakit
umiiyak ito.

"M-mommy...don't cry. Okay na. I still love you kahit anong mangyari."
"I was young and immature then. Looks like I never grew up, baby. Akala ko, I was
doing my duties as a mother already by the thought of finding a father for you.
Pero nag-asawa ka na at lahat, I never got married." Hinaplos nito ang buhok niya.
"Desperada na rin siguro ako, Saphi. Tumanda na 'ko nang ganito pero kahit isa sa
mga lalaking minahal ko...hindi nila ako ganoon kamahal para alukin ng kasal.
Parang walang tao ang gustong samahan ako hanggang dulo."

Saphi pouted. "Ako, Mommy. I want to grow old with you. I will take care of you."

Tinitigan siya ng Mommy niya at napangiti ito. "Oh, Sapphire..." Niyapos na naman
siya nito. "You don't know how much happiness you always brought me since the day
that I first held you."

"H-Huh? I m-made you happy?"

"Of course! Kapag umuuwi ako noon sa mansyon after a break-up, tinititigan lang
kita nang natutulog ka noon and I find myself smiling. After a heartbreak, you,
Saphi...a mere sight of you brings hope to me. Dahil sa'yo, laging may pag-asa
sa'kin na makakakilala rin ako ng lalaking tanggap tayong dalawa. I mean, kung
mahal niya ako, tanggap nila ako kasama ka. From all the relationships I've been
with, ang unang concern ko ay kung seryoso na ang isang relasyon, dapat tanggap ka
ng lalaking iyon."

Napakurap-kurap si Saphi. Napapasaya niya pala ang Mommy niya...

"You know why no relationship had worked out? Dahil nakikipag-break ako sa lalaki
kapag hindi ka nila tanggap. Di bale nang mahal ko siya pero pakakawalan ko siya.
I'll just cry for a while. Pero ayos nang umiyak ako over a heartbreak, kaysa naman
manatili akong magmahal ng lalaking hindi ka tanggap na parte ng pagkatao ko. At
the end of the day, I will always have you, Saphi." Napayuko na naman ito. Her
shoulders were shaking. "I-I'm sorry that I made it look like you never have a
value for me, anak. Please forgive me for making you feel that you never made me
happy. But, i'm telling you that's not true. Nagkamali lang talaga sa pagpili ko ng
priorities. I was busy finding a perfect father for you but I forgot being mother
to you. Saphi, baby, please... I know it's already too late, but let Mommy make it
up to you."

"Mom..." Nakusot ni Sapphire ang mga mata. Ayaw niya nang umiyak dahil nag-effort
kanina si Johann na patawanin siya at pasiyahin pagkatapos ay iiyak na naman siya?
Pero kasi...naiiyak siya dahil parang tumataba ang puso niya sa mga sinabi ng Mommy
niya. Hindi niya inaasahan na malaman ang mga iyon. Dapat pala noon niya pa sinabi
ang mga hinanakit rito para maaga nitong nalaman ang side niya.

But, maybe, the time now was just right.

"I love you, anak. I love you. Hindi mo lang alam kung ilang beses akong nag-regret
that I was not able to come to the special days of your life dahil lang inuna ko
ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano pa'kong babawi pero--"
"Mommy, you don't have to. The fact that I know now na napapasaya pala kita...na
napapansin mo pala ako dati...na you always consider me in every relationships that
you had...oh, Mommy, it's all okay now."

Her mother loves her truly in her own way.

Niyakap ulit siya ng Mommy niya na parang yakap nito sa kanya noong mas bata pa
siya. Sumubsob siya sa dibdib nito.

"I guess, the happily ever after that I wanted to have for a very long time was
already with me," bulong ng ina. "It's you, anak. You're my happily ever after."

Mas humigpit ang yakap niya sa ina at hindi na mapuknat ang ngiti sa mga labi ni
Sapphire.

Ugh! Too much love for that night!

Thank you, God! You did hear my silent cries before. I almost thought You don't
love me until Johann.

>>>>><<<<

LUMABAS ng kuwarto si Sapphire pagkagising na pagkagising niya kinaumagahan.


Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ay pinili nitong mag-overnight doon. Na-excite si
Sapphire na makatabi ang ina kaya pumayag siya. Magkatabi sila sa higaan sa kuwarto
habang ang kanyang mister na si Johann ay sa sofa natulog.

Okay lang naman daw rito dahil alam nitong gustung gusto nilang mag-ina na mag-
catch up agad sa isa't isa.

She yawned as she head towards the living room. Nakita niya si Johann na natutulog
pa sa sofa at nakatakip ang isang braso nito sa mga mata nito. Lumuhod siya sa tabi
ng sofa at kinintilan ng halik ang mga labi nito.

Naalimpungatan si Johann. Naalis nito ang braso na nakatakip sa mga mata at


mapungay ang mga mata nang dumilat.

"Misis..." He murmured with a hint of smile in his lips. "Ikaw ba ang nagpatikim
sa'kin ng true love's kiss?"

Sumiksik siya sa tabi nito kahit di na sila kasya sa sofa. Pero nagkasya na sila
dati kaya para-paraan na lang. Nasa loob na siya ng mga bisig ni Johann.

Tumingala siya at muling hinalikan ito.


"Ang sarap naman. Isa pa."

She kissed him again.

Napangiti ito habang nakapikit na ulit. "Ang sarap naman talaga ng mga ganitong
panaginip."

Napakunot-noo siya. "Stupid. Hindi ka nananaginip."

Humigpit ang pagyapos nito sa kanya. Dumapo pa ang isang kamay nito sa hita niya.
Marahan iyong humaplos pababa at pataas. Pinisil pa nito ang hita niya. "Ay, totoo
nga!" bulalas nito pero nakangisi.

Tinapik niya ang kamay nito sa hita niya. "Huwag mo 'ko hipuan!"

"Hashtag galawang Johann!"

She laughed. "Ugh! Umayos ka nga. Baka magising at lumabas si Mommy. Nakakahiya
kapag naabutan niya tayong--"

Hinalikan siya nito. Natawa siya dahil nakanguso ito at paulit-ulit lang na
sumasayad ang mga labi nito sa labi niya.

"You're disgusting."

"Gusto mo naman." Lalong ngumuso ito at hinalikan pa siya lalo. "Mas masarap ka pa
sa Yum burger ng Jollibee. Yum yum yum yum yum! Ensherep!" anito sa pagitan ng mga
halik. Mas lalo pa nitong niyakap ang baywang niya. Halos nasa ibabaw na siya nito.

She giggled like a little girl. Sometimes, she does not really like how Johann
plays with his language. Hindi siya sanay makarinig na ganoon magsalita ang lalaki
dahil sa society na kinalakihan niya, laging pormal o kayabangan magsalita ang mga
iyon. But then, Johann is Johann.

"Kumusta na kayo ni Mommy?" tanong nito pagkatapos siyang halikan sa mga labi.
Cheeks naman nito ang pinanggigilan niya ng halik.

Hinayaan niya lang ito. "Oh, we're so much fine. I mean, settled na lahat ng issues
ko sa kanya. Kung alam ko lang na kailangan ko lang sabihin 'tong lahat para ma-
realize ni Mommy, ginawa ko na sana noon pa."

"Eh, bakit nga ba hindi mo kinompronta ang mommy mo noon pa?"


"I guess, masyado rin talaga akong ma-pride. Ayokong ako ang lalapit sa kanya.
Gusto ko siya ang lumapit sa'kin kasi siya naman ang nagkulang. But I learned that
sometimes, it does not work the way. If I have issues with her, sabi niya, mas
magandang sabihin ko agad." Napabuga siya ng hangin. "I guess, you're right from
the first time you told me how conceited I am. Dapat babaan ko rin ang pride ko."

"Nababaan mo naman. Tumira ka sa bungalow na to, naglilinis ka na ng banyo nang


walang angal, namamalengke ka kahit maputik, hindi ka nag-e-aircon kapag hindi pa
oras ng pagtulog, at..." Inangat nito ang baba niya at sinalubong ang mga tingin
niya. "Natutunan mo 'kong mahalin," marahang sabi nito ang ikiniskis ang tungki ng
ilong sa ilong niya. "Isang man-hater na future bookstore owner na-inlove sa isang
poging teacher...perfect!"

She pouted. "Hindi ko talaga alam bakit ako na-inlove. Seriously, hindi pa 'ko na-
i-inlove before. Ayoko nga kasi sa lalaki and I have issues in life but then..."
Napangiti siya at sinubsob ang mukha sa leeg nito. She sighed. "Pa'no mo nagawa
iyon, Mister? Yung sa wedding vows mo...how did you turn my bitterness into
sweetness? How did you fill my everyday with sweetness?"

"Galawang Johann 'yan, eh," pagmamalaki nito at saka tumawa.

Yeah. He has the most unlikely but adorable moves. "I love you, Mister."

Napakunot noo siya nang maramdamang nanginig ito. Agad niyang inagat ang ulo. "What
happened?"

Nakapikit ito at pinipigilan ang pagngiti. "Putek."

"Huh?"

"Kinilig ako, pucha! Huwag kang ano..." Bigla itong napatakip ng mukha gamit ang
mga kamay. Napansin niya rin ang pamumula ng tainga nito at ang pigil nitong
pagtawa.

Napailing-iling siya pero napapangiti. Ganoon pala kiligin si Johann?

"Mister, can we continue na your version two-point-O?" she curiously asked, half-
teasing because most probably, they can't do it dahil nandoon pa ang Mommy niya.

Nanlaki ang singkit nitong mga mata nito. Nasa baywang niya na muli ang mga kamay
nito.

"Pero saan tayo...mag-a-ano?" tanong pa nito. Anticipating. Napalunok pa.

"Sa CR," she suggested. Pero pinapaasa niya lang ito. She's just teasing Johann.
Ayaw niya namang ang first time niya ay sa CR lang. Not so ideal.
"Huwag doon. Gusto ko sa komportable ka. Yung relaxed ka. First time mo, di'ba?
Tapos sa CR pa? Hindi naman pagpaparaos ang gagawin natin. Ayokong nakikipag-sex
para makaraos lang. Walang puso iyong ganoon. Dapat with feelings. Para lasap na
lasap," prankang sabi nito.

Aww! Johann, wala ka nang katulad. Good thing, I got you.

"Di bale, Misis, kapag hindi mo na first time, experiment tayo. Healthy iyon. Kahit
papaano, maganda ring i-Johann ka sa bawat sulok ng bahay. Bwa-ha-ha-ha!"

Binatukan niya ito. "Anong i-Johann?"

Ngumisi ito. "Alam mo na. Hashtag 'galawang-Johann-pinaka-hot-na-version'. Kapag


na-Johann ka, wala ka nang kawala. Akin ka na forever."

"You like playing with words, huh? Dami mong pauso."

Kumindat ito. "Kasama iyon sa 'galawang-Johann', ano ba?"

"Akin ka lang, ha? I mean, that silly hashtag of yours. Gusto ko, sa'kin ka lang
ganyan."

"Yung friendly na nanlalandi? Sure! I love you, Misis!" Nanggigil na kinagat nito
ang balikat niya.

"Hey! Magkakaron iyan ng mark!"

"Ay, sorry sorry." Tumawa pa ito habang hinahalikan ang balikat niya. "Hindi pa
pala ako nagtu-toothbrush."

"Same here."

"Hindi ba disgusting iyon?" Ginaya pa nito ang maarte niyang tono.

"Nah. I love you anyway, Morning breaths don't matter."

"Sandali."

"What?"

"Kinikilig na naman ako."


"Crazy!"

"Sapphire."

"What?"

"Salamat."

Napataas siya ng kilay. "For what?"

He smiled. "For making me happy."

Napalunok siya. "W-Wala naman akong ginawa... Ikaw nga lagi ang nagpapasaya
sa'kin."

"Ang malamang mahal mo 'ko at nagbukas ang puso mo para sa isang lalaki na kagaya
ko, sobrang pinasaya mo na'ko. Pakiramdam ko, ang pogi-pogi ko!"

"Ako din."

"Feeling mo, poging pogi ka din?"

Hinampas niya ito at tumawa pa ito. "What I mean is, I'm happy also for making me
feel like I'm the only girl in your eyes..."

"Ikaw lang din sa puso ko. Pati sa isip ko. Kulang na lang, pati atay, baga, at
bato ko, isigaw ang pangalan mo."

"Ugh! Gayness! Just kiss me."

Ngumuso ito. "Ikaw naman mag-effort abutin nguso ko. Masakit kaya sa leeg---mmm!
Mmm... Mmm! Yum yum!"

>>>>><<<<

Feeling ni Johann nasa cloud nine siya. Tapos hinehele siya ng mga anghel. Bakit
ba? Masaya kayang magmahal at mahalin. Salamat naman at minahal din siya ng taong
mahal niya. Akala niya, epic fail na naman siya at mare-reject.

Parang tanga na siyang hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi habang naghuhugas ng
pinggan. Linggo nang araw na iyon. Katatapos lang nilang magsimba ni Sapphire pero
wala sa bahay ang misis niya ngayon dahil pumunta ito sa mall kasama ang biyenan
niya.

Masaya talaga siya para sa asawa. Sa wakas, tapos na ang issue nito sa ina. They're
both catching up now. Tuluyan na talagang lalambot pa sa malambot ang puso ng asawa
niyang makinis ang legs.

"Tao po!"

Pinatay ni Johann ang gripo. "Sandali lang!" sigaw niya at saka itinaob ang plato
sa lalagyanan. Nagpunas siya ng kamay at agad na lumabas para buksan ang gate.

"Ano pong kailangan nila..." his voice faded as his smile went away.

"Johann...H-hi!"

Parang kakapusin siya ng hininga. Pucha na iyan. "C-Czarina..." Napakurap siya.


Totoo talaga. Nasa harap niya ang babaeng halos lagpas dekada niyang minahal...
pero walang naging katugon.

"Buti nakita na kita. Hindi kasi kita masaktuhan sa--"

Natigil ito sa pagsasalita dahil sa gulat nang bigla niya itong niyakap nang
mahigpit.

He missed her.

~~~Ugh! Shet. Ayokong ma-Johann kung ganito lang rin. Huhu. #hugot

=================

Chapter Twenty-Two

Hi, friends! Please like the official fanpage of "The Friendly Wedding" on Facebook
para sa news and announcements about the story of Mister and Misis! Thank you <3

~~~

CHAPTER TWENTY-TWO
SABI NILA, sa mga istorya daw ay laging may panggulo.

Sa kaso ng istorya nila Sapphire at Johann, mukhang hindi naman si


Czarina ang gugulo sa kanila. Kundi ang isang lalaking naglalakad ngayon palapit
kay Sapphire na kung makatingin ay parang alam lahat ng pinakatatago niyang
sikreto.

Napakalakas ng presensiya nito dahil sa dominenteng paglalakad na


nahahawi ang mga tao sa dinaraanan nito.

“Hey,” bati nito nang makalapit sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Anong gusto mong pag-usapan natin,


Ibarra?”

Inakbayan siya nito at parang nanigas ang balikat niya. “Come on. Let’s
talk somewhere private and comfortable.” Iginiya siya nito sa loob ng isang
mamahaling restaurant na nasa loob ng Greenbelt.

Classy at tahimik ang loob. Mangilan-ngilan lang ang mga tao. Pinaghila
siya nito ng upuan nang iginiya sila ng isang butler sa bakanteng mesa.

“What do you want to eat?” he asked while sitting on his chair infront
hers.

“Sabi mo, mag-uusap lang tayo.” Humalukipkip siya. “I even cut my


bonding time with my Mom just to talk to you. Now, I want things straight to the
point,” she demanded. Nagsa-shopping sila kanina ng Mommy niya pero kailangan
niyang umalis agad nang tumawag sa kanya ang pinsan ng asawa niya. Buti na lang
pinayagan siya ng ina at nakipagkita na lang ito sa mga amiga nito.

May mga naglarong ngiti sa mga labi nito. He leaned back on his seat
and stared at her.

Nag-serve ng red wine ang isang waiter kaya hindi niya naangilan si
Ibarra or ‘Bari’, that’s what his cousins call him.

Pagkaalis ng waiter ay tinaliman niya ang tingin rito. “Ano ba kasing


sasabihin mo?”

He reached for his wine and smelled it. “Bakit ba lagi kang nakaangil
sa’kin? What did I do to you?” nakangising tanong nito.

“I’m a man-hater, remember?” press release niya.


He chuckled. Pero parang kalkulado naman ang pagtawa nito. Mahina at
maiksi lang. “You’re not. I know. You’re just a frustrated man-hater, Sapphire.
Kahit ang pinsan mong si Reeve ay napansin din iyon.”

“Hindi naman kami laging nagkikita ni Reeve kaya how come he can
conclude that?”

“Oh, protective cousins have their own ways, Sapphire.”

Kumunot lang ang noo niya. “Just tell me what you want to tell me,
Bari. I don’t have all the time in the world,” mataray niyang sabi. “Kailangan ko
ring umuwi to catch dinner with Johann.”

Makahulugang ngumiti ito. “Johann. That long-lost cousin of ours.”


Napailing-iling ito. “Obviously, you have fallen in love with him. Kaya mas lalong
tumitibay ang konklusyon namin ni Reeve na hindi ka talaga man-hater.”

“What’s with you and Reeve? Pinag-uusapan niyo ba ‘ko? And are you two
close?”

“The point is this, Sapphire.”

“Hah! Finally, sasabihin mo na rin. This is such a waste of time kung


tumagal pa.”

“Reeve’s step-sister is back from somewhere. You know her. Czarina,


right?”

“What about her?” patay-malisyang tanong niya.

He looked straight at her eyes. He even mockingly smiled. “Tinatago mo


siya kay Johann.”

“W-What? Of course not! B-Bakit ko naman siya itatago?”

“Para hindi sila magkita.”

“Bakit naman ako magsasayang ng oras na hindi sila pagkitain?”


pagmamaang-maangan niya pa. Malapit na siyang tamaan ng kidlat.

He drank his wine while looking at her. Makahulugan ang tingin nito na
para bang alam na alam nito ang rason niya.

“You don’t want Johann to realize that he has still feelings for his
childhood sweetheart. For more than ten long years, Johann waited for the right
time to court Czarina. Then after months of courting her... binasted lang siya.
Ouch.”

Hindi siya nagsalita.

“And while mending his broken heart, pumasok ka sa eksena. Nag-alok ka


ng kasal. A convenient marriage that will just last for a year. Para lang makuha mo
ang mana mo.” He laughed quietly. “And eventhough you never have fallen in love
before, Sapphire, at the back of your mind, alam mo kung anong rason ni Johann kung
bakit siya pumayag.”

Nakuyom niya ang kamay na nasa ibabaw ng mesa. “He wanted to help me.
Ganoon siya. Matulungin sa kapwa.”

He ignored her answer. “Ano ba ang kailangan ng mga sawi sa pag-ibig?


Para hindi nila gaano maramdaman ang sobrang sakit? Tell me, Sapphire. Kahit hindi
expert sa love, masasagot iyan.”

She gritted her teeth.

He smiled mockingly. “A distraction. Johann needs distraction at that


time. And you came in the right time, Sapphire. You know very well, that you’re
just a distraction.”

Parang gusto niyang ibuhos ang wine niya sa pagmumukha ni Bari. “Well,
hindi na ngayon!” buong diing sabi niya. “At first, yes. I know that Johann needs a
distraction and I took advantage of that by asking him to marry me para makuha ang
mana ng Lola ko. We both benefited from it. Pero ang mga sumunod na araw na
magkasama kami sa iisang bahay, hindi planado ang mga iyon. Lalo na nang mahulog
kami para sa isa’t isa.”

“Oh. He said he loves you?”

“Yes.”

“Interesting. And Czarina’s back. More interesting.”

“Abnormal ka ba? What are you saying?”

“You don’t want Johann to know that Czarina’s back. You don’t want them
to see each other. Because it will stir up a feeling from Johann. A feeling that he
tried to forget because he was distracted by your presence.”

Gusto niyang takpan ang tainga. Alam na niya ang pinupunto nito.
“Natatakot ka,” sabi pa nito. “You’re afraid that Johann will soon
realize that he’s not really inlove with you.”

Hinawakan niya ang baso ng wine niya niya. Kaunti na lang, itatapon
niya na rito ang alak. Ang dami nitong alam. At totoo ang lahat ng alam nito.

“What do they call it? ‘Rebound’, isn’t it?”

“Shut. Up.”

“Kapag alam mo na ang isang bagay, huwag mong uutuin ang sarili mo na
kunwari hindi mo alam para hindi ka na lang masaktan.” Napailing-iling ito. “I know
your big pride does not want to accept that fact, Sapphire. Pero, hanggang kailan
mo ba maiiwas si Johann kay Czarina?”

“I’ll do it! Even if it takes me forever.”

“Tsk tsk. Not a wise and smart decision, Sapphire. Hindi lang si Johann
ang niloloko mo, pati na sarili mo.”

“Pero kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat, even the most
impossible things just to keep safe the love that you have.”

Kumislap ang mga mata nito. “Is there even a love between you and
Johann to start with?”

Parang naiiyak ni Sapphire sa pagkainis. “Bakit mo sinisiraan si Johann


sa’kin? He’s your cousin.”

“Hindi ko siya sinisiraan. Nagsasabi lang ako ng totoo. You’re a girl.


I don’t tolerate guys and even my cousins to fool girls unless... you are willing
to be fooled. Gusto mo bang sinasabihan ka ni Johann na mahal ka niya, well in
fact, overwhelmed lang talaga siya sa presensiya mo sa buhay niya? But then again,
Czarina’s here...” He leaned close to her. “Saan ka na nakalugar, Sapphire?”

Parang may kung anong matalim na bagay na bigla na lang tumusok sa puso
ni Sapphire. Dahil sa sakit na naramdaman sa dibdib, umangat ang kamay niya at
malakas na sinampal ang mukha ni Bari na malapit sa kanya.

Napaatras ito at sumandal sa kinauupuan hawak ang nasaktang pisngi.


Nakuha pa nitong ngumisi. “Got slapped, again. This is getting frequent,” bulong
nito sa sarili.

“Iba si Johann sa lahat ng lalaki na naka-encounter ‘ko. Ilang beses


niya iyong napatunayan sa’kin,” mariing sabi niya. “Pinatunayan niya sa’kin na
hindi lahat ng lalaki sa mundo ay magkakaparehas! He’s one of a kind. Kahit anong
pagtataray at pagmamaldita ko sa kanya, tinatawanan niya lang. Pagkatapos,
paglilinisin niya pa ‘ko ng banyo.

“Oo, Bari. I know that I’m just a mere distraction to him. But you
know, what? I don’t care! Unang beses kong naramdaman na magkaroon ng isang
kaibigan at kakampi kay Johann. I can feel that he’s a real person. Now, if he’ll
realize that he still loves Czarina, then I won’t give up without a fight! Ngayon
lang ako nagmahal, kaya gagawin ko lahat, to win him over. Ang lokohan puwedeng
mauwi sa totohanan. Kaya kung niloloko man ni Johann ang sarili niya na mahal niya
‘ko, then I will make a way, para maging totoo iyon!” buong tatag niyang sabi nang
hindi naiiyak.

“Afterall, I’m his wife. I will always have a claim on him. Czarina
dumped him. Her loss is my gain. At si Johann, takot kay God iyon. He won’t dare
cheat on me while we were married.” Marahas siyang tumayo habang mataman lang na
nakatingin sa kanya si Bari.

“What, you damn jerk? May sasabihin ka pa ba?” mataray na tanong niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Sapphire nang malakas itong tumawa. A


manly loud laugh. Pinagtinginan tuloy sila nang mangilang-ngilang customers at
waiters.

“Hey, you alpha jerk! Anong nakakatawa, huh? Stop laughing!” mahinang
saway niya rito. Abnormal nga yata talaga ito. Nakaka-intimidate lang ito ng
presensiya pero baliw pala.

Tumigil na nga ito sa malakas na pagtawa at saka napailing-iling. “Oh,


women nowadays. Ready to fight for the love of their life.”

“Aalis na ‘ko,” aniya at saka tumalikod.

“Come back here,” utos nito sa seryosong tinig.

Ayaw ni Sapphire sumunod ngunit natagpuan na lang niya ang sariling


nakaupo na ulit sa kinauupuan niya na katapat ni Bari. Bumalik na ulit ang
intimidating presence nito. But she’s Sapphire Monteverde-Anderson, dapat hindi
niya ipahalata na na-intimidate siya.

“Let me help you,” anito.

“Huh?”

“Papiliin natin si Johann.”


“Huh?”

Inilahad nito ang palad. “Give me your wedding ring.”

Napahawak siya sa daliri kung saan nakasuot ang wedding ring nila. “H-
Huh? Why would I give this to you?”

Misteryosong ngumiti ito. “Do you want to see Johann cry?”

>>>>><<<<<

NASA tapat na ng bahay si Sapphire nang kusang bumukas ang gate. Iyon pala nag-
aabang si Johann sa kanya.

“Misis! Sino iyong naghatid sa’yong kotse?”

Pumasok siya sa loob ng gate. “Si Bari.”

“Ha?” gulat na wika nito. Bigla siya nitong hinawakan sa magkabilang


balikat at sinipat sipat ang kabuuan niya. “Bakit siya kasama mo? Dangerous iyong
pinsan kong iyon. Buti hindi ka nilamon.”

Muntikan na. “Nagkita lang kami sa mall pagkatapos namin mag-shopping


ni Mommy. Eh, nauna nang umuwi si Mommy kaya siya na lang nagprisinta na maghatid
sa’kin,” pagrarason niya.

“Nagmo-mall pala iyon,” natatawang sabi nito at saka siya niyakap ni


Johann nang mahigpit. “I miss you, Misis.”

Napangiti siya at niyakap rin ito. Talagang nasa gate pa lang sila pero
nilalambing na siya nito.

“You smell good. Buti naligo ka ngayong araw?” pang-aasar niya rito.

“Oo nga, eh. Bigla na lang ako sinipag maligo. Isn’t it amazing?”
Inakbayan siya nito at kinuha nito ang mga shopping bags niya saka sila pumasok na
sila sa loob ng bahay.

Napangiti na naman si Sapphire nang makitang nakahain na ang dinner


nila. Maasikaso talaga ito. Pinasok ni Johann ang mga pinili niya sa loob ng
kuwarto nila. Paglabas nito ay siya naman ang pumasok ng kuwarto at nagpalit ng
pambahay.

Nang kakain na sila ay napansin niya na parang biglang tumahimik si


Johann. Habang pinagsisilbihan siya nito ng pagkain ay parang wala ito sa sarili.

Hinawakan niya ang kamay nito. “Are you okay?”

Napatingin ito sa kanya. “Ha? O-Oo naman.” Dinala nito ang kamay niya
sa mga labi nito. “May iniisip lang ako. Sige na, kain ka lang.”

“Kumusta pala araw mo?” tanong pa nito.

“Me and Mommy had so much fun.” Saka siya nagkuwento ng mga ginawa nila
ng ina. Minus the part na nagkita sila ni Bari. “How about you, how’s your day?”
tanong niya rito.

Patapos na pala ito kumain. “Hmm.”

“Anong ‘hmm’?”

“May sasabihin ako. Pero... pero huwag kang magagalit, ha, Misis?”

Tinignan niya ito. “O...kay.”

Tumikhim ito. “Bale kanina, naghuhugas ako ng pinggan. Pero wala na


pala tayong Joy dishwashing liquid kaya lumabas ako at bumili sa tindahan sa
kabilang kanto. Pagbalik ko, naghugas na ulit ako ng pinggan. Tinimpla ko na ‘yung
Joy tapos naglagay ako ng kaunti sa sponge--”

She boredly looked at him. “Really, Mister? Ikukuwento mo sa’kin step


by step iyan?” mataray niyang sabi.

Natawa ito. “Ito naman. Intro lang iyon. Ano, ahm, pagkatapos kong
maghugas ng pinggan may kumatok sa gate. Hulaan mo kung sino.”

Biglang binayo ng kaba ang dibdib niya. Nagkaroon agad siya ng hinala.
“Was that... C-Czarina?”

Ngumiti si Johann. “Bakit nahulaan mo agad?”

Napalunok siya. So, nagkita na ang mga ito? Biglang nalukot ang mukha
niya at saka siya tumayo. Pero hinila siya paupo ni Johann.
“Tignan mo ‘to. Hindi pa ‘ko tapos, eh. Selos agad?”

Marahas na binawi niya rito ang kamay. “What happened after?” angil
niya rito.

Mapang-asar pa itong ngumiti. “Aba, eh di, niyakap ko! Ang tagal naming
di nagkita. Na-miss ko iyong kababata ko.”

Agad na sinakop ng selos ang buong pagkatao ni Sapphire. “Niyakap mo


pala, huh? You also missed her? Eh, bakit nandito ka pa? Sumama ka na sana sa
kanya!” she bursted. “Now, what? You realize that you still love her?! Huh?! Huh?!”

“Wow. Ang bangis mo, Misis.”

“Johann!”

“Hala. Kalma lang, Misis. Ano bang pinagsasabi mo? Porket ba niyakap ko
at na-miss ko, kailangan ko nang sumama sa kanya? Na-miss ko lang siya pero hindi
ibig sabihin niyon, tatalikuran ko lahat ng binitiwan kong salita sa’yo. Halika nga
rito.” Hinila siya nito hanggang sa nakakandong na siya rito. “Ito ang problema sa
selosang Misis. Uber paranoid.”

Binatukan niya ito at akmang lalayo rito pero mahigpit ang pagkakayakap
nito sa baywang niya.

“Let me go!” she fiercely said.

“Ayoko nga. Kasi naman, nagkukuwento ako ng maayos. Pakinggan mo ‘ko,


puwede?”

Kumalma nga siya pero iniwas niya ang tingin rito. “What did you feel
when you saw her? Don’t lie to me. I know you still love her,” dire-diretsong sabi
niya.

“Hindi na mahalaga kung anong naramdaman ko. Ang mahalaga sa’kin ay


iyong mga sinabi ko sa’yo.”

“You still love her...I’m just a distraction. Overwhelmed ka lang sa


presence ko. Huwag kang ma-obliga na tuparin ang mga sinabi mo sa’kin kung hindi
naman iyon ang gusto ng puso mo.”

Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakayakap nito sa baywang niya.


Umalis siya sa pagkakandong rito at hindi na siya nito binitiwan. Nang humarap siya
ulit rito ay parang gusto niyang maiyak sa itsura nito.
Mukha itong nasaktan base sa ekspresyon ng mga mata nito habang
nakatingin sa kanya.

“Ganoon kababa ang tingin mo sa’kin?” mahinahong tanong nito. He’s


serious. His playful smiles have no hint in his lips.

“J-Johann...”

“Iyang pagseselos na iyan, nakakakitid ng utak iyan, eh. Sa tingin mo


ba, sasabihin ko sa’yong pumunta rito si Czarina para pasakitan ka? Eh di sana kung
gusto kitang lokohin, itinago ko na lang, di’ba?” Inurong nito ang upuan at saka
tumayo.

“You hugged her. You missed her.”

“Pero hindi ibig sabihin niyon, hindi na kita mahal.”

Napayuko siya.

“Masama ba siyang ma-miss? Masama ba siyang yakapin? Sabay kaming


lumaki ni Czarina, eh. Kahit naman nasaktan ako nang binasted niya ‘ko, tinanggap
ko iyon. Kasi hindi naman ako ma-pride na tao para maging bitter sa rejection na
iyon.”

“Masisisi mo ba’ko? She might be a threat, Johann. Binasted ka na niya,


right? Bakit kailangan ka pa niyang kausapin?”

“Anong threat? Hindi ganoon si Czarina. Hindi siya maninira ng relasyon


ng may relasyon.”

“Now, you’re defending her.”

“Ipinagtatanggol ko talaga siya kasi wala namang ginagawang masama


iyong tao. Kilala mo ba siya para husgahan agad ng ganyan? Iyan problema sa mga tao
ngayon, eh, kung makapanghusga, akala mo mga hindi nagkakasala.”

“Now, I’m pretty sure that you still love her! Masama bang mag-isip ako
na baka maagaw ka niya sa’kin? Hindi ko siya kilala, so I don’t know what she’s
capable of!”

Tinignan siya ng matalim ni Johann. “Pinu-push mo talaga iyan? Na mahal


ko siya? O eh di, sige! Oo, Sapphire, mahal ko pa siya! O, masaya ka na?”
Dahil sa panggigil ay naiyak na siya.

“Tapos ngayon iiyakan mo ‘ko?”

“I hate you!”

“Alam mo, Sapphire, siguro nga may katiting pa ‘kong nararamdaman sa


kanya. Pero siguro, utang na loob na lang. Dahil alam mo ba nung sampung taong
gulang ako, iniwan ako ng asawa ng nanay ko sa lugar na wala akong kilala. Doon na
lang daw ako sa totoo kong tatay. Dinala niya ‘ko sa tapat ng bahay nila Czarina
kasi akala ng tatay-tatayan ko, ang ama ni Czarina ang totoo kong ama. Hindi ‘ko
siya mahabol nang basta niya lang akong iwan doon na nagugutom at umiiyak. Tapos
alam mo kung sino iyong nagbukas ng tahanan nila kahit di nila ako kilala? Si
Czarina at ang pamilya niya. Pinakain nila ako. Binihisan. Pinag-aral. Wala silang
alam sa’kin kundi iyong sinabi kong iniwan lang ako ng tatay ko sa labas. Hindi
nila ako inisipan ng masama. Hindi nila hinusgahan na baka bata lang ako na alaga
ng sindikato tapos nanakawan ko sila kapag wala sila. Pinagkatiwalaan nila ako.

“Kaya sabi ko sa sarili ko, kapag may nagtiwala sa’kin, aalagaan ko


iyon. Hindi ko sisirain. Kaya nang sinabi mong mahal mo na rin ako, akala ko, may
tiwala ka na rin sa pagmamahal ko sa’yo. Tapos malalaman ko na napunta na pala rito
si Czarina noon pero tinago mo. At nang i-check ko ang phone ko kanina, nagulat na
lang ako na naka-block iyong number niya kaya pala hindi niya ‘ko ma-contact. Wala
ka pa lang tiwala sa’kin para gawin mo iyon.”

Napabuntong-hininga ito. “Okay lang magselos, Sapphire, pero iyong


sapat lang.”

“I-I’m sorry...”

“Kung mahal ko pa si Czarina, Sapphire, handa akong ignorahin iyong


damdaming iyon para sa’yo. Minsan, hindi mo naman kailangan sundin lagi ang puso
mo. Makikinig rin dapat sa sinasabi ng Diyos. At naniniwala akong may rason kung
bakit sa lahat ng lalaking puwede mong alukin ng kasal, ako ang napili mo. May
purpose ako sa buhay mo.”

Seryosong tinignan siya nito sa mga mata. “At gusto kong paniwalaan na
ang silbi ko sa buhay mo ay iyong ibigay sa’yo ang pagmamahal na matagal mo nang
hinahanap—tunay na pagmamahal mula sa kaibigan at mula sa isang tunay na lalaki.”

Johann turned his back. Still upset, he went outside the house.

Naiwan si Sapphire na umiiyak.

~~~

Like "The Friendly Wedding" on Facebook! <3


=================

Chapter Twenty-Three

CHAPTER TWENTY-THREE

HINDI naman si Sapphire ang tipong iiyak at malulungkot kapag nilayasan ng asawa.
Umiyak lang siya nang magtalo sila ni Johann at biglang umalis ang mister. Hinintay
niya lang na bumalik ito kagabi—which didn’t happen. So, what should she do?

Malungkot lang? Umiyak lang? Maghintay nang maghintay hanggang sa


bumalik si Johann?

Hah!

No way! Kung ayaw pang bumalik ni Johann, then she won’t be a pathetic
wife caging herself inside a small house until her husband gets home.

Kaya kinabukasan, pagkagising niya pa lang, nag-ayos siya. Sinuot niya


ang pinakamahal at pinakamaganda niyang damit, tinawagan niya ang driver sa mansyon
ng Lola niya, at pinadala ang sasakyan niya na Porsche.

Hindi siya magmumukmok sa isang tabi. She’ll surround herself with


luxury!

Wearing a sleeveless light orange crop top; white highwaist pants—na


hapit at siyang tumakip sa pusod niya; a pair of four-inch Manola Blahnik stilleto;
and with shining jewelries, lumabas siya ng bungalow at agad na sumakay sa
mamahaling sasakyan. Pinagtitinginan siya ng mga kapitbahay nila pero wala siyang
pakialam sa mga ito.

Siya ang magmamaneho at maiiwan ang driver sa bahay. “Make sure that
the house is safely locked,” bilin niya at saka binigay rito ang susi ng bahay. “If
ever my husband came home, tell him to go to hell.”

“Señorita?” nagtatakang usal nito.

Hindi ata makapaniwala sa sinabi niya. But, whatever. Isinuot niya ang
Gucci shades niya and drove away.

Napangiti siya sa amoy sa loob ng kotse niya. Ang tagal niya ring hindi
nagamit ang Porsche niya. And she missed the smell of being rich! Doon talaga bagay
ang isang Sapphire Monteverde. Hindi niya lang talaga alam kung bakit naging sunud-
sunuran siya sa mga gusto ni Johann.

Napaismid siya nang maalala ang asawa.

Inabot niya ang kanyang Iphone na nakalagay lang sa bulsa ng kanyang


Louis Vuitton bag. For the nth time, she tried to reach out to Haley, Lavender, and
Crystal Jane. Pero ang mga magagaling niyang pinsan, hindi talaga sinasagot ang
tawag niya. It’s either, ring lang ng ring at naiinip siya sa paghihintay kaya
binababa niya na, or ‘out of coverage’ area ang mga ito. What the heck? Mula nang
mag-birthday siya, hindi niya na nakasama ang mga ito. Hindi naman galit ang mga
ito sa ginawa nila ni Johann sa mga ito noong birthday niya.

“What the hell, girls? Ano bang mga pinagagagawa niyo and you can’t
even pick-up your freaking phones and return my calls?” maarteng pagre-record niya
ng voice message na ipapadala niya sa mga ito.

Niliko niya ang sasakyan palabas ng EDSA.

“Please, if you receive this VM, call me, text me, viber me—Ugh!
Whatever! Just... just talk to me. I miss you, girls. I miss our spa sessions.
Magpakita kayo sa’kin. Please!” mariing pagtatapos niya sa voice message.

Saglit siyang dumaan sa pinapatayo niyang bookstore. Saktong pagdating


niya sa construction area ay nandoon ang engineer na namamahala. May mga haligi na
ang five storey-bookstore na ipinapatayo niya. Kahit papaano, kapag nakikita ni
Sapphire ang future bookstore niya, kumakalma ang nerves niya. At least, this is
the good result in marrying Johann.

Dahil mainit at hindi siya makatagal sa sobrang taas ng sikat ng araw,


isang oras lang siyang nanatili roon at saka siya umalis. She went straight to the
main branch of Monteverde Hotel—or called now as Anderson-Monteverde Hotel.

Nagugutom siya at ang restaurant sa loob ng hotel ang pinakapaborito


niyang kainan kapag gusto niya nang sobrang mamahal na pagkain. Isa pa, kapag
nakita ng mga staff na nandoon siya, they will pamper her and mas sasarapan ng chef
ang pagluluto. Why, she’s the cousin of the owner. And partly, may shares din sila
sa hotel na magpipinsan kaya parang pagmamay-ari rin nila iyon.

At pagdating niya nga doon ay asikasong-asikaso siya ng mga staff. Oh,


she loves being rich!

“Give me your chef’s best,” aniya sa waitress na kumuha ng order niya.


Laging waitress ang humaharap sa kanya sa tuwing nandoon siya dahil alam ng lahat
ay man-hater siya.

Pagkaalis ng waitress ay kinuha niya ang IPAD niya and started to open
her Instagram account. Magba-browse muna siya while waiting for her food.

But then, accidents happen. Napatili siya nang malakas nang may
maramdaman siyang malamig na likidong bumasa sa likod niya. Napatayo siyang bigla.

“Ma’am, I’m so sorry. Sorry po talaga!” panghihingi ng tawad ng isang


waiter na aksidenteng natapunan siya ng malamig na tubig.

“Stupid,” she hissed. Binigyan niya ito ng matalim na tingin.

“I’m so sorry, Ma’am. Kukuhanan ko po kayo ng towel—”

“Shut up!” hasik niya na hindi nagtataas ng boses. She has breeding.
Hindi siya magwawala roon dahil maraming tao na pinagtitinginan na sila ngayon.

Patuloy pa rin sa paghingi ng tawad ang waiter na mukha ngang hindi


talaga sinasadya ang nangyari. Dinaluhan agad siya ng manager ng restaurant na
isang babae at dinala siya sa isang kuwarto na makakapagpalit siya.

“I want him fired,” utos niya sa manager.

“M-Ma’am? H-Hindi po puwede kasi po hindi naman po major accident ang—”

“What? Tinapunan niya ko ng tubig!” sigaw niya nang nasa private room
na sila.

“We’re so sorry, Ma’am, about that. Hindi naman po sinasadya. Nagpakuha


na po kami ng puwede niyong pamalit sa fashion botique ng hotel and—”

“No! I want him fired! You’ll fire him or I’ll fire you? You choose!”
pagmamaldita niya.

Nanginig sa takot ang kawawang manager. “M-Ma’am S-Sapphire... kasi po


—”

Tinaasan niya ito ng kilay. “You’ll just choose! Huwag nang maraming
sinasabi. Nakakainis, eh! Hindi kasi dapat kayo nagha-hire ng mga tatanga-tangang
lalaki!”

“Sapphire!”

Sabay silang napalingon ng manager sa tumawag sa kanya. Matalim ang


tingin sa kanya ng pinsang si Reeve. Nagbabanta. Ordering her to shut up.
Inirapan niya lang ito. Oh, right. Nasa main branch nga pala siya, so,
nandoon din ang main office kaya mabilis na nakarating sa pinsan niya ang presence
niya sa hotel.

“Go back to work, Mrs. Castueras,” utos nito sa manager. “I’ll handle
her.”

“Y-Yes, Sir.” Agad namang lumabas ang nasindak na babae. Poor her.

“What’s your problem, Sapphire?” seryosong tanong ng pinsan na


magkasalubong ang mga kilay habang nakatingin sa kanya.

Pumasok siya ng banyo at saka kumuha ng bathrobe. Naalibadbaran na siya


sa basa niyang likod. Pati yata underwear niya, nabasa na. So irritating! Bakit ba
kasi may mga tatanga-tangang tao sa mundo?

“Sapphire,” Reeve called again, dangerously.

“Basa ang likod ng damit ko dahil may tangang waiter na tinapunan ako
ng malamig na tubig,” sarkastikong sagot niya sa pinsan at saka ito sinarhan ng
pinto ng C.R.

Hinubad niya ang mga damit at sinuot ang bathrobe, pagbukas niya ng
pinto, galit na galit na si Reeve.

“Puwede ba, Sapphire, kung may problema kayong mag-asawa, huwag mong
dalhin dito sa hotel? You have no right to storm inside here and make all my
employees rattle in fear because of your childish bitchiness!” gigil na wika nito.

Napakunot-noo siya. “Paano mong nalaman na may problema kami ni


Johann?” nagtatakang wika niya.

He was poker-face now. “Dahil gabing-gabi na, umuwi ang magaling mong
asawa sa bahay namin. Nanggulo. Nangulit. Kinausap ang kapatid niya. Nanghingi ng
advice. And my wife was more than willing to comfort his brother up until dawn,” he
calmly said. Pero halatang aburido.

Oh. So, sa bahay ng mga ito nagpalipas ng gabi si Johann... “Anong


pakialam ko?” she bitchily asked. Hinawi niya ito at lumabas siya ng C.R. “And can
you please follow up my clothes? Gusto ko nang lumabas at kumain.”

“You’re one hell of a headache. Don’t hide behind your bitchy attitude,
Sapphire. You look so pathetic,” prankang sabi nito.

Napasinghap siya at nilingon ito. “How dare you! Pinsan mo ‘ko, Reeve!
Hindi mo dapat sinasabi sa’kin iyan! Isusumbong kita kay Mommy!”

“Stop. The. Crap.” Now, Reeve’s seriously looking at her. “Alam ko na


kung bakit ka nagkakaganito. Malungkot ka. Nagtalo kayo ni Johann. But you don’t
want to feel that sadness, right? So, the high and mighty man-hater Sapphire
Monteverde is back.”

“Ano bang pinagsasasabi mo?”

Humalukipkip ito. “Lie to me more, Sapphire. Come on,” biglang hamon


nito.

Kumuyom ang mga kamay nito. “Bakit naman ako malulungkot? Anong
ikalulungkot ko? I’m a Monteverde! I’m very rich! I can have everything I want! And
I’m very happy with the power and wealth that I have! Damn Johann but I don’t need
a man in my life.”

Tinitigan lang siya nito. Mas lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.
Mukhang hindi na ito galit.

“Ayoko kay Johann. Binabago niya ‘ko. Binabago niya kung sino ako.
Nilalayo niya ‘ko sa mga bagay na nagbibigay sa’kin ng comfort. Pinatira niya ‘ko
sa cheap bungalow niya. Pinaglilinis niya ‘ko ng banyo, pinaglalampaso niya ‘ko,
hindi niya ‘ko pinapagamit ng aircon kapag hapon!” Bakit kaya nangingilid ang luha
sa mga mata niya?

“Ayaw niyang nagsha-shopping ako hanggang sa gusto ko. Sa old-model car niya lang
ako pinapasakay. Minsan pinag-commute niya pa ‘ko sa walang aircon na jeep! Napaka-
kuripot niya! Nilayo niya ‘ko sa mansyon, sa 24-hour air conditioner, sa Porsche
ko! Nilayo niya ‘ko sa wealthy lifestyle. She turned me into a plain housewife who
will wait for him to come home from work... who will cook for him, take care of
him... I don’t deserve that! Dapat ako ang inaalagaan! I should be the one to get
the pampering!” Fuck the freaking tears, bakit bumabagsak iyon mula sa mga mata
niya?

“Pumayag siya sa inalok kong kasal para hindi niya masyado maisip ang pagka-
brokenhearted niya. And now his girl’s back, pagagalitan niya ‘ko dahil
pinaghinalaan ko ang love niya sa’kin. Screw that gaytard!”

Marahang lumapit sa kanya si Reeve at hinawakan siya sa braso.

Napayuko siya. “Nilayo niya ‘ko sa luxury na nagpapasaya sa’kin dati. Binago niya
si Sapphire Monteverde. Ginawa niyang Misis Anderson.” Napasinghot siya. “Then,
we’ll fight over small things, argue about contradicting beliefs, and laugh about
his funny gayish antics. Lagi siyang may cheap na pasalubong sa’kin pagkagaling
niya sa work with matching a sweet warm kiss in the cheeks. Pinapakain niya ‘ko ng
tuyo pagka-breakfast with matching fun stories about his experiences in life.
Pinagtitimpla niya ‘ko ng gatas, sinesermonan niya ‘ko about kay God, pinapangiti
niya ‘ko, kinantahan niya ‘ko, sinayawan niya ‘ko, niyayakap niya ‘ko, h-
hinahalikan niya ‘ko... pinakikilig niya ‘ko...”

Tuluyan na siyang napahagulgol. Reeve pulled her for an embrace. Hindi nagkomento
ang pinsan niya. Hinayaan lang siya nitong umiyak.

Katulad ng ginagawa ni Johann kapag naglalabas siya ng sama ng loob.

Tama si Reeve. Malungkot siya, eh. Guilty pa siya. Siya naman kasi ang may
kasalanan kaya nagalit si Johann. May point naman lahat ng sinabi nito, ng mga
pagtatanggol nito kay Czarina... Johann’s disappointed with her.

Iyon din ang ikinalulungkot niya. Because she came to realize from the day they got
married up until yesterday, Johann ever did was to make her happy. Pero ano bang
ginawa niya? She just made him upset.

“Johann helped me to open up my true feelings and that made me reconcile with my
mom. He’s my first ever friend. Siya iyong naglayo sa’kin sa buhay na marangya para
ipaintindi sa’kin na... living a simple life is not bad. And living a simple life
with him... gave me more happiness than my wealthy ways. Money can’t buy the most
precious things that God made for a person to be truly happy.”

“And what’s that?” tanong ni Reeve nang nakangiti. Ngunit parang alam naman nito
ang sagot.

“Trust and love.”

Mas napangiti ito at hinalikan siya sa noo. “That’s what I want you to have,
Sapphire. The very reason why I told you to marry Johann. I might hate my wife’s
brother at first, but Johann has extraordinary principles and faith that will
define true friendship, happiness, and love.”

“B-Bakit alam mo?”

Nagkibit balikat ito. “My wife’s like that. At sinabi rin sa’kin iyon ni Agatha.
Lumaki man silang magkahiwalay, they have the same faith, coincidently. At alam
kong kailangan mo ng isang taong kagaya niya.”

Napalabi siya. “Pa’no mo nasabi?”

“I see myself in you, Sapphire. Sa’ting magpipinsan, tayong dalawa ang hindi buo
ang pamilya. I can see the way you look with pride and bitterness. But behind that
I know you’re sad. When I healed with Agatha, naisip ko, who’s the person who can
heal with you too?”

Napapansin pala siya ng pinsan. Tama nga yata si Bari that protective cousins have
their ways... “Kaya kahit alam mong masakit pa kay Johann na binasted siya ng
stepsister mo, siya agad ni-recommend mong prospect groom?”

He knowingly smiled.“Johann has thing with sexy legs, sabi ni Agatha. So... we
kinda know that more or less, maaakit si Johann sa’yo. And we kind of estimated the
kind of a guy you can fall in love with even if it’s impossible for you to love at
that time.”

Napasinghap siya. “You—oh my gosh! You and your wife played cupid!”

He chuckled and wiped her tears away. “Actually, me, Haley, Lavender, Crystal Jane,
Agatha, and Bari played cupids.”

Nanlaki ang mga mata niya. “What the eff?!” Kasabwat ang mga pinsan niyang babae?
Kaya pala kung ipagtulakan siya kay Johann! At... at si Bari?! “Bakit kasama si
Bari?”

“Nang malaman ‘kong naghahanap ka ng ‘groom-to-be’, sinabi ko agad sa asawa ko.


Naisip niyang tawagan si Bari. I don’t know why. Then, at that time Bari’s concern
about Johann dahil nga nagkulong sa bahay when Czarina dumped him. So...yeah, we
eneded up pairing you with Johann.”

Naalala niya tuloy ang mga sinabi ni Bari pagkatapos siya nitong tanungin kung
gusto niya daw bang makitang umiyak si Johann. Napailing-iling siya.

So, that beast do really care about his cousin.

Dumating na ang damit na pamalit ni Sapphire. Halatang bagong-bago pa dahil sa


price tag. Mamahalin. Buti naman. Pumasok muna siya ng banyo para makapagbihis. May
extra undergarments din. Paglabas niya ng banyo, she’s already wearing a white off-
shoulder dress na above the knee ang haba.

“Reeve,” tawag niya sa pinsan.

“Yes?”

“For you, mahal na ba talaga ako ni Johann?” Pero, alam niyang mahal na nga siya ng
mister niya.

Tila nag-isip ito saglit. “Hmm. All I know is that last night, nambulabog siya sa
bahay. Nagising pa nga si baby Rainiel. Lasing si Johann. Kung anu-anong sinasabi.”
Tumingin ito sa kanya. “He keeps on calling your name bago siya mahimasmasan. Hmm.
Does that answer your question?” nakangiti pang wika ni Reeve.

Napangiti rin siya. Alam niya na ang dapat gawin.


~0~0~0~

KINUHANAN ni Sapphire ng picture ang bago niyang Prada shoes na binili. Pero hindi
ang bago siyang sapatos ang talagang focus. Sinadya niyang mas ma-emphasize sa
photo ang flawless legs niya.

Then, she posted it on her Instagram account with a caption: I’m sorry.
I have a peace offering when you come back home. #melovesyou

First time niyang mag-caption na walang kinalaman sa photo. And it


sounded so baduy. Jeez! Pero wala siyang t-in-ag na kahit sino.

Naghintay siya ng notifs. Puro likes. Then...

johanndepogi left a comment on your photo:FOLLOWBACK PO PLEASE!!!


#wowlegs #forgiven #melovesyou2 @saphianderson

Napa-facepalm na lang si Sapphire pero napapangiti. johanndepogi?What


kind of username is that? Ugh! Pati comment parang ewan. Bakit pa ba siya magtataka
sa kabaduyan ni Johann?

Nagreply siya: @johanndepogi followback, your face! #gohome #NOW

Nag-comment ulit ito: johanndepogi FOLLOWBACK PO! Ang ganda ganda niyo
po. Crush na crush ko po kayo @saphianderson #pauwinapo

She can’t help but laugh. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan
siya ng mga saleslady. Bakit ba? Masaya siya. Bati na sila ng asawa. Kailangan lang
pala ng picture ng legs niya!

She followed back Johann’s account. Binaba niya muna ang IPhone at saka
nagbayad ng mga pinamiling sapatos.

Patapos na siyang magbayad nang tumunog ang phone niya. May


notification from Instagram.

johanndepogi took a photo of you.

She tapped that and it’s a picture of Johann’s steering wheel. Hawak ng
isang kamay nito ang manibela ng kotse. Maganda pa ang filter na ginamit sa photo.
The caption says: Driving my way home. Miss na miss na miss na miss ko
na si Misis. <3 #GalawangJohann

=================

Chapter Twenty Four

CHAPTER TWENTY-FOUR

“UUWI na ‘ko. Bati na kami ng Misis ko,” paalam ni Johann sa kapatid niya.

“That’s great!” ani Agatha habang hinehele ang bagong panganak na anak
nitong si Rainiel. “Basta, Kuya Johann, you’re doing good naman. Just be gentle
with her. Hindi rin natin masisi si Sapphire. It’s her first time to be in love.
She’s just afraid to lose you.”

Napangiti siya. “Alam ko. Medyo napuno lang siguro ako. Pero, mas
hahabaan ko na pasensya ko. Mas mamahalin ko pa siya. Idol kita, eh.”

His sister smiled. “Balitaan mo ‘ko kung anong mangyayari, okay?”

Hinaplos niya ang bumbunan ng pamangkin niya na mahimbing na natutulog.


“Sure. Salamat pala sa pag-aasikaso sa’kin kagabi. Nakakahiya naman na nakaperwisyo
pa ‘ko. Badtrip tuloy si Reeve kanina,” hinging-paumanhin niya. Pero natatawa siya.
Ang kulit kasi ng mukha ni Reeve ng umalis kanina papuntang trabaho. Parang hindi
lang nito nakatabi ng isang gabi si Agatha, eh.

Magpinsan nga ito at si Sapphire, bilis uminit ng mga ulo.

“Huwag mo nang alalahanin si Reeve. Magiging okay din siya. Hindi kasi
siya sanay na hindi nga ako katabi. Saka nahirapan siyang patulugin si Rainiel
kagabi.”

Napangiwi siya. “Sorry talaga, sister. Pagdasal mo ‘ko, okay? Pagdasal


mo kami ni Sapphire. Nawa’y maging masayang-masaya kami katulad niyo ni Reeve.”

“Anong plano mo pagkauwi mo?”

“Bubuntisin ko siya,” aniya sabay tawa.


Natawa na lang rin si Agatha. “Ewan ko sa’yo, Kuya. Sige na. Go ahead.
Just love her more and everything will follow.”

Tumango siya at hinalikan ito sa pisngi. Grabe talaga kapag dito siya
nanghihingi ng advice. Kuma-klaro isip niya. Parang nilinis ng sampung anghel ang
madumi niyang utak. Amazing!

Hinalikan niya sa bumbunan ang pamangkin niya at saka na siya umalis.


Pagkasakay niya ng kotse, kumuha pa siya ng litrato ng kamay niya sa manibela. At
dahil abot pa ang WI-FI nila Agatha hanggang sa labas ng gate, nakapag-post pa siya
sa Instagram account niya na ginawa lang naman niya para malaman ang kalokohan ng
mga estudyante niya. Para sa classroom, may pang-asar siya minsan sa mga bata na
mahilig mag-selfie.

Aba’t akalain nga namang, sa Instagram pa sila nagkabati ng misis


niyang magaganda ang legs? Eh di, uuwi na siya! Go! Na-miss niya rin katabi ang
misis niya kahit pa isang gabi lang naman sila nag-away.

Pero dapat nga ay hindi niya na pinatagal ng ganoon. Masyado lang


siyang nagpadala sa emosyon. Di na siya uulit. Kawawa naman asawa niya, eh. Baka
umiyak pa nga iyon.

Tsk. Ayaw niyang isipin na umiyak si Sapphire pero most probably, baka
nga. Nako. Babawi na lang siya.

Kailangan nang malasap ni Sapphire ang isang Johann Anderson.

Ako na talaga! Galawang Johann, baby!

Binaba niya na ang cellphone sa katabing upuan at saka nagsimulang


magmaneho. Nasasabik siya, pucha na iyan! Nangingiti na naman siya habang naiisip
si Sapphire at ang pag-uwi niya sa kanyang home sweet bungalow.

Kundi pa siya inlove sa misis niyang maganda, eh, ano pang tawag sa
kanya?

Nagmaniobra na siya paliko at palabas ng gate ng village ng mahinto


siya. May nakita kasi siyang pamilyar na kotse na nakatirik sa labas ng gate ng
village. Pagkakita niya sa babaeng namomorblema, iginilid niya ang sasakyan at saka
bumaba.

“Czarina?” tawag-pansin niya sa kababata.

Gulat na napalingon ito sa kanya. “Oh! Johann, bakit ka nandito?”

“Galing ako kanila Agatha. Pauwi na nga ako. Ikaw ba? Anong nangyari sa
kotse mo?”

Napakamot ito sa ulo. “Eh, papunta nga rin ako kanila Agatha, eh. May
inutos kasi sa’kin si Kuya Reeve. Kaso, papasok na ‘ko ng village, biglang tumirik
‘tong sasakyan ko. Buti nga naitabi ko pa.”

Binuksan niya ang hood ng kotse. Napaubo siya sa usok. “Nag-overheat


ata ‘tong sasakyan mo.”

“Ganoon ba? Eh nang i-check ko iyan kanina, okay naman. Saka bakit mag-
o-overheat, eh, bago pa lang ‘tong Ford ko?”

Nagkibit-balikat siya at tinignan ang makina. “Lagyan lang natin ng


tubig ‘yung radiator. May tubig ka ba diyan?”

Pumasok si Czarina sa loob ng kotse nito at saka naglabas ng isang bote


ng mineral water.

“Ngek. Hindi sapat iyan,” natatawang sabi niya. Pumunta na lang siya sa
kotse niya at kinuha sa trunk ang baon niyang isang litrong tubig. Lagi rin kasi
nag-o-overheat ang pinakamamahal niyang Toyota kaya lagi siyang may baon.

Nilalagyan na niya ng tubig ang radiator nang magsalita si Czarina.

“Sorry, ah? Naabala yata kita.”

“Okay lang, ano ka ba? Buti nga napansin kita. Saka, kilala mo naman
ako. Lagi kitang tutulungan.”

Lagi niyang tutulungan si Czarina kahit ano pang maging problema nito.
Malaki ang utang na loob niya rito at sa pamilya nito. Kaya siguro minahal niya ang
dalaga. Totoong nasaktan naman siya nang tanggihan siya nito pero naisip niya, buti
lang siguro iyon. Baka hindi talaga sila ang para sa isa’t isa.

Eh, dumating pa si Sapphire. Ah, hindi talaga sila ni Czarina ang


meant-to-be. Gusto niya bigla si Sapphire na.

Naisip niya tuloy, siguro nga minahal niya si Czarina dahil malaki ang
utang na loob niya rito. At si Sapphire... mahal niya ang misis niya dahil... wala.
Basta. Mahal niya si Sapphire dahil gusto niya itong mahalin.

Masarap titigan ang asawa niya kapag naaasar habang naglilinis ng banyo at reklamo
ng reklamo. Pero ginagawa naman lahat ng ayaw nitong gawin. Tapos ayaw daw payakap
pero kapag niyakap niya, papayag. Mga babae talaga, hindi niya kahit kailan
maiintindihan.
“You’re happy?”

Napalingon siya kay Czarina. “Ako? Oo naman! Lagi naman akong masaya,” aniya rito.
“Okay na ‘tong kotse mo. Try mo i-istart.”

Pero hindi ito umalis sa tabi niya. “Mahal mo na talaga siya? Si Sapphire?”

Ngumiti siya. “Dapat naman talaga mahal mo ang asawa mo. Kaya, oo. Mahal ko talaga
siya. Masyado bang obvious?” Nawala ang ngiti niya nang makitang bumagsak ang luha
sa mga mata nito. “Czarina?”

Nag-iwas ito ng tingin. “You used to tell me that you love me,” biglang pahayag
nito.

Natigilan si Johann. “Czarina...”

“Bakit ang bilis mawala? Wala pa ngang three months ang lumipas. Bakit ganoon?”

Naguluhan si Johann. Bakit bigla na lang itong nagtatanong ng ganoon.

“Ahm... nakainom ka ba? Anyare sa’yo?” nag-aalalang tanong niya. Lumapit siya rito
at hinawakan ito sa balikat. “Anong sinasabi mo?”

Yumuko ito at tuluyang napahagulgol.

Agad siyang nataranta. Ayaw na ayaw pa naman niyang makitang umiiyak si Czarina.
Dahil mahirap ito patahanin. Aabutin sila ng siyam-siyam. “C-czarina? Hey, bakit ka
umiiyak?”

“S-Sorry, Johann... S-Sorry... Nagsisisi na ‘ko sa desisyon ko noon. Natatakot kasi


ako na baka kapag sinagot kita noon, mawala iyong kinship natin. I mean,” Napasinok
ito. “W-We’re so close and... and...”

“Uy, huwag kang ganyan. Okay naman ako. Wala na iyong pambabasted mo noon.
Naintindihan ko naman. Saka, naka-move on na ‘ko. Mabilis nga siguro pero kasi
kapag araw-araw mong kasama si Sapphire sa bahay, mahirap na hindi siya mahalin,
eh. Siguro, iisipin ng iba, distraction lang siya o rebound pero kasi ako naman ang
nakakaramdam.”

“A-are you really sure na totoo ang feelings mo sa kanya?” umiiyak pa rin na tanong
ni Czarina.

“Kung peke man ‘to, gagawin ko ang lahat para maging totoo ‘tong pag-ibig na ‘to.”
Kung naririnig lang siya ni Sapphire, sasabihin na naman nitong, “Eeww! Gayness
level 999.”

Gayness level pero kinilig naman si Misis. Imba talaga si Sapphire. Sarap halikan,
eh!

“Johann...”

He sighed. “Ngayon, kung nagi-guilty ka pa rin sa hindi mo pagsagot sa’kin, then


stop feeling guilty.”

“I’m not just guilty, Johann! Hindi mo ba narinig kanina? Nagsisisi ako! Nagsisisi
ako kasi pinakawalan kita. Sa pagtatago ko, saka ko lang na-realize lahat. Na...
na...” Lumunok ito at tumingin sa kanya. “Na mahal pala kita.”

Nanlaki ang mga singkit niyang mga mata. Patay tayo diyan!

Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay sa mga balikat nito. “Czarina... may asawa
na ‘ko.”

“It’s just for a year lang dapat!”

“Pero, forever na ‘to.”

Lalo itong ngumawa. Napangiwi naman siya. Suddenly, he’s not the right guy to
comfort Czarina anymore. Pero, hindi naman niya puwedeng iwan lang ito mag-isa doon
na umiiyak.

Mahal daw siya nito?

Ay, patay na talaga. Napatingala siya sa kalangitan. Lord, bakit may problema ulit?
Puwede po bang pauwiin Niyo po muna ako sa misis ko?

“C-Czarina...ano...” Napabuntong-hininga siya. Saan ba siya magsisimula? Tawagan


niya kaya si Agatha sa loob ng village? Siguradong marami itong puwedeng pang-
comfort na galing sa baul ng karunungan nito.

Narinig niya ang pag-ring ng cellphone niya sa loob ng kotse niya. Nakow! Baka si
Sapphire na ang tumatawag.

“Johann, please. Ako na lang ulit.”

Ay, biglang ganoon? Napakamot siya ng sentido. Ito na ba ang sinasabi nilang pogi
problems? Syet na iyan.
“Czarina, hindi ganoon kadali iyon. Di’ba writer ka? Di’ba alam mo kung anong sa
tingin mong point of view ng lalaki sa oras na ‘to? Mahal ko si Sapphire. Sobra...”

“Pero ako ang una mong minahal!”

Napaatras siya. Okay. Anong nangyari kay Czarina? Hindi naman ito ganoon dati.
Hindi ito basta basta sumisigaw o maglalagay ng tao sa isang awkward situation.

Diyata’t doppelganger lang ang kaharap niya? Baka ang totoong Czarina ay kinidnap
ng alien?

Pucha, Johann. Nagawa mo pang magjoke-joke. Mag-isip ka nga ng tama. Kalalaking tao
naman kung anu-ano iniisip. Taena.

“Calm down, Czarina. Hindi puwedeng ganito. Hindi puwede na bigla-bigla ka na lang
magsasabi na—”

Nagulat na lang si Johann nang kinabig siya ni Czarina at mariing hinalikan sa mga
labi.

~o~o~o~

“CLICK! Oh, this is controversy!”

Napangisi si Charlie habang tinitignan ang kuha ng camera phone niya.


Nasa di kalayuan ang kotse niya at papasok sana siya sa village kung saan nakatira
ang pinsan niyang si Agatha. Pero napatigil siya nang makita sa di kalayuan sina
Johann at Czarina.

Tama nga ata ang sinabi sa kanya ng Kuya Bari niya. Magaling.

At heto, he already has a picture of Johann and Czarina kissing. Tsk


tsk tsk.

He called his eldest cousin right away. “Tama ka nga, nandito sila,”
bungad niya agad.

“Anong nangyari?” kaswal na tanong nito.

“I’ll send the picture to you.”


~o~o~o~

PAGDATING ni Sapphire sa bahay nila ay nagtaka siya nang wala pa rin si Johann.
She’s expecting na mauuna ito since one hour ago pa ng magpost ito sa Insta na
pauwi na ito. Wala naman masyadong traffic dahil hindi naman rush hour.

Tinawagan niya na nga rin ito kanina pero hindi sumasagot.

Hmm... baka may sweet gimmick na naman siya. Si Mister talaga.

With that thought nakangiting pumasok siya ng kuwarto at nagpalit ng


mas komportableng damit. Lumabas na ulit siya ng sala at nag-abang kay Johann.

But another half hour passed, wala pa rin ito.

Tatawagan na niya sana ulit si Johann ngunit unang tumunog ang


cellphone niya. Hindi si Johann ang tumatawag. Si Bari.

Her eyebrows arched as she answered the phone. “What?”

“I’m outside the house. I’ll show you something.”

Lumabas naman ng bahay si Sapphire at nakita niya nga sa labas si Bari.


Walang sali-salita na inangat nito ang phone nito.

Then, she saw a picture of Johann... and Czarina. Kissing.

Sapphire stiffened.

“Now, do you believe me?”

Walang emosyong nag-angat siya ng tingin kay Bari. “Yes.”

=================

Season 1 Finale: Chapter Twenty Five


SURPRISE! Merry merry Christmas, friends!

Season One of TFW ends here. But Season Two will continue the love of Mister and
Misis. For more announcements, add me on Facebook! Or Like the official page "The
Friendly Wedding"!

Nga pala, I dedicate this story to my friend, Johann Lawrence Asistio. Ang
pagkakabigkas po pala ng Johann ay "Yohan". Hahaha! <3

Thank you, friends! Til next season!

~~~~

CHAPTER TWENTY-FIVE

“MISIS! Misis! I’m home!”

Hindi kumibo si Sapphire na nasa loob ng kuwarto at tahimik na nakaupo


lang sa kama.

“Misis?”

Pag-angat niya ng tingin ay nasa pinto ng kuwarto si Johann. And his


eyes shined when she saw her. Dali-dali itong lumapit sa kanya at niyakap siya.

“Na-miss kita,” bulong nito sabay halik sa pisngi niya. May tunog pa.

Sapphire’s face was blank.

“Bakit ganyan itsura mo?” nagtatakang wika nito. Hinaplos pa nito ang
pisngi niya. “Hindi ka ba masaya na bati na tayo?”

Tinitigan niya si Johann. Hindi alam ni Sapphire kung anong iisipin


niya.

“O, bakit ganyan ka naman makatingin?”


“B-Bati na talaga tayo?”

“Oo naman! Di’ba, okay na tayo? Sa IG pa? Hashtag ‘me loves you’?”

Mas lumungkot ang mga mata ni Sapphire. “Bakit ang bilis mo lang akong
patawarin? Baka hindi ka naman talaga nagalit? Baka pinaglalaruan mo lang ang
emotions ko?”

“Huh?” Mukhang naguluhan si Johann sa sinabi niya. “Mabilis ka lang


pinatawad, pinaglaruan lang agad?”

“Bakit sa Instagram lang tayo nagkabati?” tanong niya, monotone.

“Ayaw mo ba? Ibig lang sabihin niyon, ganoon kita kamahal na kahit sa
anong paraan pa ng paghingi mo ng tawad sa’kin, patatawarin kita. Ang mahalaga,
nag-sorry ka. At may kasalanan din naman ako kaya wala ako sa lugar na i-prolong
ang agony nating dalawa.” Tinabihan siya nito at hinawakan sa kamay niya. “Iyon
lang ba problema mo? Eh di, kunwari magkaaway pa tayo tapos ngayon ka lang magso-
sorry tapos halikan mo ‘ko ng torrid tapos bati na tayo! Yehey!” pakuwela pa nito.

Binawi niya ang kamay rito. “Do you love me?”

“Naman!” mabilis na sagot nito. “Super!”

Napailing-iling siya. “How can you do that?” mataray na tanong niya.

“Huh? Ang alin?” nagtatakang tanong nito.

“How can you say straight on my face that you love me after you kissed
another girl?”

Hindi ito nakaimik. “Sapphire...”

Napatayo siya. “Ano ba, Johann? Ano ba paniniwalaan ko? Bakit okay na
tayo, then, the next thing I knew, you’re kissing another girl? And not just any
other girl! You’re kissing Czarina! Czarina! Of all girls, siya pa! Siya pa! Damn
you!”

“P-Pero... P-Paano mo nalaman?”

Hinugot niya ang phone sa bulsa at pinakita rito ang picture nito at ni
Czarina. “That! That freaking picture!”

Kinuha iyon ni Johann at mas nilapit sa mga mata nito. “Shit! Ako nga
‘to! Bakit ang pangit ko naman dito? Pangit yung angle. Sino nag-picture?”

“Ano ba, Johann! This. Is. Not. A. Fucking. Joke!”

“Pero... pangit talaga iyong angle...”

“Johann naman, eh!” naiinis na bulalas niya

“Misis...”

“Huwag mo ‘kong ma-misis-misis diyan! Niloloko mo ‘ko! Pinaglalaruan mo


‘ko!”

“Hindi.”

“Hindi?! Then, what’s that?” Tinanggal niya ang mga kamay sa mukha.
Nagsunud-sunuran na ang pagtulo ng mga luha niya.

“Sino nagbigay nito sa’yo?”

“It’s not important anymore! Ang mahala ay ang picture! And that
fucking picture hurt me, Johann!”

Nagtagis ang mga bagang nito at kinuyom ang mga kamay. “Sino nagbigay
nito sa’yo?” ulit nito. Seryosong-seryoso na ang boses ni Johann. Nawala na rin ang
mga ngiti nito katulad nang nagalit ito sa kanya kagabi.

Hindi siya sumagot. Nakipaglabanan lang siya ng tingin rito.

“Sino nagbigay nito sa’yo?” Mas mariin na tanong ulit nito. “Sapphire.”

Wala nang lambing sa boses ni Johann. Well, what does she expect, eh,
mukhang galit na rin ito?

She held her chin up. “Si Bari.”

His teeth clenched. Tinignan ulit nito ang picture at saka nito binura.
“Putang ina. Putang ina talaga,” he cursed beneath his breath.

Lihim na napangiwi si Sapphire. “Ano, buko ka na?”

Tinignan siya nito. “Kapag ba sinabi kong ang picture na iyon ay hindi
katulad ng iniisip mo, maniniwala ka sa’kin?”

She didn’t answer.

Mataman itong nakatingin sa kanya. Kitang-kita niya sa mga mata nito na


inaasahan nitong sasagot siya ng ‘oo’. And when she didn’t, bumagsak ang mga
balikat nito.

“Bakit mas naniniwala ka sa iba kaysa sa’kin? Akala ko ba ako ang asawa
mo?” malungkot na sabi nito at saka napaupo sa gilid ng kama. “Wala iyong halik na
iyon. Wala talaga.”

“Liar.”

Napabuntong-hininga ito at tinukod ang mga siko sa hita. Nasapo nito


ang ulo gamit ang mga kamay. “Bakit ka ba ganyan, Sapphire? Bakit ayaw mo ‘kong
pagkatiwalaan? Mag-aaway na naman ba tayo? Ayoko nang mag-away tayo. Ayokong
nagagalit ka.”

“How can I trust you after what I just saw?”

“Alam mo ba iyong kuwento sa likod niyon?” Tiningala siya nito. “Alam


mo bang nagulat ako nang bigla niya ‘kong hinalikan pero tinulak ko rin siya
kaagad? Alam mo ba kung anong pumasok sa isip ko?” mahinang sambit nito. “Ikaw.
Ikaw ang unang pumasok sa isip ko. Alam mo ba kung anong na-realize ko? Mas gusto
ko ikaw. Mas gusto ko mga halik mo. Mas mahal kita, eh.”

Napayuko siya at pinigilan ang mga luha. No. She’s not going to cry
again.

“Sapphire. Alam kong... alam kong natatakot ka pa sa ganitong relasyon.


Natatakot ka lang. Naiintindihan ko. Hindi ako magagalit sa’yo kung hindi ka pa
magtitiwala ng buo sa’kin. Pero sana naman, paghinalaan mo na lahat, sige. Huwag
lang iyong totoo kong nararamdaman sa’yo.”

She swallowed an imaginary lump in her throat. “J-Johann...”


Napasinghot siya. “I guess, ako lang talaga ang hindi handa sa ganito. H-Hindi ko
pa kaya.”

“Anong sinasabi mo?”

“Hearing you right now, siguro nga, Johann, ako iyong may mali. Kasi,
hindi ko alam kung paano ba ang kalakaran dito. Alam kong dapat na magtiwala sa’yo
pero hindi ko alam paano, hindi ko alam kung paanong hindi matakot na baka isang
araw pagkagising ko, hindi mo na ‘ko mahal. I don’t know how to keep this kind of
big love.”
Napatayo ito. “Misis...” sabay hawak sa magkabilang balikat niya.
“Magtutulungan naman tayo rito, eh.”

Umiling siya. “Lagi na lang akong maghihinala. Lagi ko na lang


pagseselosan si Czarina. Lagi ka na lang mahihirapan na magpaliwanag sa’kin nang
paulit ulit.”

“Hindi naman ako mapapagod sa’yo.”

“No, Johann. For this to work, we must meet in the middle. Hindi iyong,
ikaw na lang lagi ang iintindi sa’kin. Hindi iyong paulit-ulit tayong mag-aaway.
Naisip ko nga, kung hindi pa tayo umaamin noon, mas okay pa tayo. You should have
stayed friendly na lang kasi.”

“Sapphire...”

Lumayo siya rito at saka hinubad ang singsing sa daliri niya.

Narinig niya ang mahina nitong pagsinghap nang makita ang ginawa niya.

“No...” bulong nito.

Pilit niyang nilagay sa mga kamay nito ang singsing. “That ring...
sobrang gaan pero hindi ko naisip na sobrang bigat pala ng responsibilidad ng isang
asawa hanggang sa minahal kita.” Huminga siya ng malalim. “H-Hindi na lang basta
laro ‘to, eh. Hindi na lang basta iyong pinagkasunduan natin para lang makuha ko
ang mana ko at para makapagpatayo ng bookstore... It’s something so overwhelming
that I don’t know how to contain it.”

“A-Anong.... Anong gusto mong mangyari?” halos pabulong na lang na


tanong ni Johann.”

“Keep that ring for now.” Tumalikod siya. “Gusto ko munang umuwi sa
mansyon ni Lola. Kasama ko naman doon si Mommy.”

“Gusto mo ng space?”

“Yeah. Kind of.”

“Kaya mong matulog na hindi ako katabi?”

Napapikit siya. “I-I’ll try. I did it last night, anyway.”


“Aalis ka talaga? Iiwan mo talaga ako?”

“Just for a while. Until I learn how to love and trust you back like
the way you love me.”

“Final answer mo na iyan?”

Tumango siya. Buo na ang desisyon niya.

“Hanggang gaano ba katagal iyan?”

She shrugged.

“Birthday ko na kaya next week. Magse-celebrate ako nang walang asawa?”

“Pupunta na lang ako kung magpa-party ka.”

Napabuntong-hininga ito. “Mahal kita.”

She didn’t respond. Lumapit na siya sa aparador nila at nagsimula na


siyang maglagay ng damit sa maleta niya. Napahinto siya sa pag-e-empake ng damit
nang yakapin siya ni Johann mula sa likod.

Tinuluy-tuloy na lang niya ang pag-e-empake. Hanggang sa naramdaman


niya ang mainit na labi ni Johann sa batok niya, sa gilid ng leeg, at sa balikat
niya. Sumunod ay umangat ang mga labi nito sa tainga niya.

“'Cause if one day you wake up and find that you're missing me...” he
sang softly. Off tune. But it sounded nice to her ears. “And your heart starts to
wonder where on this earth I could be. Thinking maybe you'll come back here to the
place that we'd meet... And you'll see me waiting for you on the corner of the
street...”

Hinarap siya nito rito. “Umuwi ka lang dito kapag handa ka na. Umuwi ka
dito sa bahay natin. Hindi man tayo rito unang nagkakilala, dito naman
nagkakilanlan mga puso natin.” He smiled. “Ang corny ko.”

“Matagal na.”

He cupped her face and gently brushed his lips to hers. “Hindi ako aalis dito.
Hihintayin kita, Misis. Promise. Mamatay man ang goldfish ng kapitbahay natin.”

“May goldfish ang kapitbahay natin?”


“Wala.”

“Argh! Whatever!” Nagbalik na siya sa pag-e-empake.

“Balik ka agad ha? Dito lang ako. Hintayin kita. Ha? Ha?”

Ang kulit.

Gustong mapangiti ni Sapphire. Now, her Mister is the man who can’t be
moved.

Good.

~o~o~o~

August 7. Johann’s Birthday.

“YOU’RE crazy, Sapphire!” bulalas ng pinsan niyang si Haley.

Napalabi si Sapphire sa sinabi ni Haley. “Eh, anong gagawin ko? Sumunod


lang naman ako sa utos ng Ibarra na iyon.” Tinukod niya ang mga siko sa balustre ng
terrace sa second floor ng mansyon ng Lola niya. She rested her chin on her hands.
“Sabi niya kasi, subukan daw namin kung hanggang saan kayang gawin ni Johann para
maipakita niya na totoong mahal niya talaga ako.”

Natawa ito. “That’s an old gimmick. So, what now? You’ll wait for
Johann here? Eh, hinihintay ka rin niya doon sa bahay niyo, right?”

“Ewan ko ba. Basta sabi ni Bari, pagkatiwalaan ko lang daw siya.”

“You started trusting him nang magawa niya ngang pahalikan si Czarina
kay Johann as part of this crazy plan?”

Inirapan niya ito. “Sabi niya kasi, dapat daw lagyan ng butas para may
rason na humiwalay muna ako kay Johann. Kasi naman iyong first plan, hindi nag-work
kasi si Johann iyong nag-walk out. So, ako lang iyong nasaktan di’ba? Kaya nagplano
kami ulit ni Bari pagkatapos ko makausap si Reeve sa hotel. Kasi na-realize ko
kayang-kaya ko nang pagkatiwalaan si Johann. Bari dared me. Gawin daw namin ulit
iyong plano namin kung ganoon. But this time, kami na gagawa ng butas. Then,
there’s Czarina. Kinausap ko siya bago ako bumili ng Prada shoes last week.”

“The one that you posted in Insta with an unrelated caption?”


“Yeah, that.” Pero totoo naman ang mga nilagay niya doon. Totoo namang,
she’s sorry for making Johann mad and that she loves him. “So, furthermore,
nahirapan akong papayagin si Czarina kasi hindi daw niya kayang gawin. Nang sinabi
ko kay Bari. Siya na lang daw bahala. When I got home, hayun na. May picture na
siya.”

Una, ayaw niya pang maniwala na mapapayag ni Czarina si Bari. Kasi


naman, Czarina does not look like a girl who’ll just kiss Johann for a frame up.
Pero nang makita niya na ang picture, naniwala na siya na kayang gawin ni Bari ang
lahat.

“Siya ba kumuha ng pic?”

“Si Charlie. Iyong isa pa nilang pinsan.”

Ang lakas ng tawa ni Haley. “Oh my gosh. Ang dami niyong kinasabwat.”

“Ginawa na daw nila ‘to dati, eh. Iyong kay Dylan daw? Sa isang pinsan
nila. Last Feb nila napaiyak. Sa mismong birthday.”

Napailing-iling ang pinsan niya. “Sa tingin mo iiyak si Johann ngayon?”

She shrugged. “Kapag hindi ko siguro siya binati ng ‘happy birthday’ at


saka kapag hindi ako umuwi, baka.”

Sa loob loob ni Sapphire, gustung-gusto niya nang umuwi para kasama niya na ulit si
Johann. Ang kaso, curious rin naman siya kung paano gagawa ng move si Johann para
mas pabalikin siya sa piling nito. Kaya sumunod lang siya kay Bari na huwag siyang
magpapakita kay Johann at huwag din daw siyang tatawag.

Napabuntong-hininga siya. She almost gave up the third day but Bari assured her
that it would be all worth it.

“Come to think of it, kayo pa talaga ang gumawa ng butas kunwari just to make this
plan work. Ibig sabihin ganoon kalinis si Johann?”

She proudly smiled. “Yes! Kung anong sinasabi niya sa harap ko, iyon din ang
sinasabi niya kapag nakatalikod ako. I’m not saying that he’s perfect and he does
not lie, but Johann had been open to me.”

“Tapos ikaw, ise-set up mo lang siya sa ganito? You, scheming bitch.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Look who’s talking.”

Ngumisi lang ito. “And here I thought, I’m the most immature Monteverde cousin.”
“Shut up.” She sighed and looked up the blue skies. “I just want to see how Johann
would push mountains just to have me. Oh, come on! I’m not a man-hater afterall.
I’m just a normal girl. Gusto kong maramdaman kung paano ba ang ma-pursue. Si
Johann naman kasi hindi masyadong nahirapan. Kaya tama lang siguro iyong suggestion
na ‘to ni Bari.”

“Lahat ng sinabi mo sa kanya bago ka umalis ng bahay niyo... hindi iyon totoo?”

Tumango siya. “Drama lang. Si Czarina gumawa ng ‘script’. Writer, eh.”

Natawa si Haley. “Look down, Saphi. Your prince charming is here.”

“Huh?” Napatingin naman siya sa baba at nanlaki ang mga mata niya nang makita si
Johann na nasa labas na nga ng gate. May mga orange balloons itong hawak sa isang
kamay habang may suot pang party-hat sa ulo.

Paano ito napunta agad doon?

Mula sa isang van ay naglabasan ang mga pinsan nito. Nakita niya si Reynald na may
dalang malaking... speakers. May microphone pang kasama iyon na inabot nito kay
Johann.

“Misis!”

Umalingawngaw ata sa buong tahimik na village nila ang boses nito sa mic. Tumingala
si Johann kung nasaan siya. “Uy, nandyan ka na pala!”

Nagkatinginan sila ni Haley. Lihim na nagkangitian.

“What are you doing here?!” sigaw niya rito.

“Birthday ko na! Bakit hindi ka pa umuuwi? Inaamag na ‘ko doon kakahintay.”

Lumabas si Charlie mula sa labas ng van na may hawak na videocam. “Sandali! Hindi
pa ready ang camera. Huwag ka muna bumanat. Dapat documented ito.”

“You’ll take a video?” tanong ni Ramses. “Dapat pala hindi na ‘ko sumama, nanood na
lang ako ng video na gagawin niyo.”

“Puwedeng pakibilisan? Hindi ko talaga alam kung anong silbi ko rito,” angal pa ni
Gideon.
“Hi, Vice Mayor!” magiliw na bati ni Haley pero halatang nang-aasar lang.

“Hindi mo alam kung anong silbi mo rito ngunit nandito ang babaeng nagbibigay silbi
sa buhay mo,” sabi ni Reynald.

“Popcorn, please!” komento ni Dylan.

“I’m getting bored,” ani River na kanina pa tahimik sa isang gilid.

“Nagsalita na si River, mga insan! Banat na, Johann!”

“Misis!” tawag na naman sa kanya ni Johann.

“What?”

“I want to make things clear. About the picture na ibinigay ni Kuya Bari? Hindi ko
alam kung ano na namang pakana ng Ibarra na iyon. Pero... kung ano mang sinabi niya
sa’yo, puwede bang huwag mo na lang pakinggan iyong gagong iyon? Kasi, hindi naman
kita lolokohin, eh. Anong mapapala ko kapag niloko kita? Magkaka-abs ba ‘ko?”

Umiling siya.

“Kahit magka-abs ako kapag niloko kita, sa kanila na ang abs, paki ko?
Basta, akin ang tiwala mo. Basta, akin ang buong puso mo. Basta, akin ka.”

“You cannot owe anyone!”

“Hiniling kaya kita kay Lord. Pinagdasal ko kaya na sana kapag nagmahal
ka, ako na lang iyong mahalin mo. Kasi iingatan kita.”

Napangiti si Sapphire. “Really?”

Sunud-sunod ang pagtango nito. “At isa pa, iyong sinabi mo na sana,
nanatili na lang akong friendly? Well, sorry. Hindi ko na kayang gawin iyon noon.
Hindi ko na kayang magpanggap na hindi ako nahuhumaling sa legs mo, Misis. Sorry na
talaga. May malisya na bawat tingin ko sa legs mo.”

“Baka naman you’re just inlove with my legs?”

“All of me loves all of you!” pakantang sagot nito. As usual, wala sa


tono. Napangiwi na lang siya.

Nakakahiya sa mga kapitbahay nilang mga mansyon. But, she’s kinda


enjoying and loving Johann more.

“What if I’m still not ready now?”

“Huwag ganoon. Miss na miss na kita. Umuwi ka na sa bahay. Malapit na


‘ko magka-music video kaka-emote mag-isa doon.” Nakita niyang ibinaba ni Johann ang
mga balloons na hawak nito. Kinusot-kusot nito ang mga mata. “U-Umuwi ka na, Misis.
P-Pagtitimpla na ulit kita ng gatas.”

“Oh, wait,” bulong ni Haley sa tabi niya. “His voice is shaking! Is he going to
cry?”

“H-Huwag ka nang matakot sa laki ng p-pagmamahal na binibigay ko sa’yo,” patuloy pa


nito habang kinukusot pa rin ang mga mata. “T-Tanggapin mo lang ang kaya mong
tanggapin. M-Magtiwala ka lang hanggang sa k-kaya mo. Just love me in any possible
way you can. Hindi mo kailangang pantayan ang pagmamahal ko...”

“Oh, my gosh, Sapphire! He’s really going to cry!”

“H-Hindi na mahalaga kung p-paulit-ulit kang manghinala o ano pa. I’m still going
to understand and love you anyway. Mahal na mahal kita, Misis. Buong pagkatao ko,
lahat ng parte ng katawan ko at ng buong kalamnan ko, hinahanap-hanap ka kapag wala
ka. Huwag mong iintindihin ang sinasabi ng iba na kesyo distraction ka lang,
rebound ka lang. Bakit? Sila ba nakakaramdam? Sila ba nababaliw kakaisip sa’yo?
Pucha! Lahat ng problem solving sa test paper ko, ikaw ang example na pangalan!”

Nagtawanan ang mga pinsan nito at nagpalakpakan pa. Napayuko si Johann at kinusot
na naman ang mga mata nito. Mabilis na bumamaba si Sapphire na sinundan ni Haley.

Tumatakbong binuksan niya ang gate pagkalabas niya. At si Johann, naririnig niya na
ang pagsinghot-singhot.

“Mister...” tawag niya rito.

Agad itong nag-angat ng tingin sa kanya. Namumula na ang mga mata nito. Nagpipigil
ngang umiyak.

“Misis. Umuwi ka na,” he begged with those puffy red eyes. How adorable.

“Can you sing for me, first?” nakangiting sabi niya rito.

Nagpalinga-linga ito. “Wala bang biglang babaril sa’kin dati kapag ginawa ko iyan?”

Umiling siya. Kung mayroon man, siya ang sasalo ng bala para rito. Oh. I’m getting
romantic. How nice.
Tumikhim-tikhim si Johann. “Mic test. Mic test. Check. Check. One. Two. Three.”

“Prepare your ears, countrymen!” babala ni Charlie na hindi na nila


pinansin.

Para kay Sapphire, parang sila na lang dalawa ni Johann ang tao sa
mundo.

“Other girls don't matter in your presence can't do what you do.
There's a million girls around but I don't see no one but you!” pagkanta na nito.

Lalong napangiti si Sapphire. His off key tune is the best for her
ears.

“Baby, you're so one in a million. You are, baby, you're the best I ever had. Best
I ever had and I'm certain that there ain't nothing better, no, there ain't nothing
better than this!”

Parang siya dapat ang kumanta ng kinakanta nito. Because Johann is the guy who is
one in a million.

“Ooh... all that I can think about is what this thing could be. A future, baby...
Baby, you're one of a kind! That means that you're the only one for me... Only one
for me!”

Hindi niya na pinatapos si Johann, inagaw niya ang microphone rito at


basta na lang iyong hinagis na nasalo naman ni Haley.

Tinalon niya ng yakap si Johann. Buong init na niyakap din siya nito
pabalik. At pagkatapos ay walang kaabog-abog na hinalikan ni Misis ang kanyang
Mister.

And there’s no perfect description for their kiss but perfection,


passion, and romance. It’s full of longing...of sweetness... full of great
undertanding, trust, and love.

Mas lumalim ang mga halik ni Johann. Now, it’s really knee-melting,
mind-blowing, and heart-racing.

“I love you, Mister,” she whispered after the kiss. She cupped his
face. “You are one in a million. Friendly. Sweet. Cheerful. Maniac, sometimes. And
most of the time, gay. But I really really love you. You are one of a kind like the
song says. And I’m certain too, that there ain’t nothing better than you,”
madamdamin niyang sabi.
Lumamlam nang muli ang mga mata ni Johann. Napalunok na rin ito at
ramdam ni Sapphire ang mabilis na pagtibok ng puso nito.

“Mister, thank you for sheding light on me when I’m in the dark of
hatred and denial. Thank you for making me realize how it felt so good to be loved.
Thank you for opening a whole new world for me—a world of brighter mornings, lively
smiles, dirty comfort rooms, and a world with God’s presence.” Hinaplos niya ang
buhok nito na may party hat pa. Hayyy... “Totoo ngang nakakapogi kapag close kay
Lord. Dahil kahit wala kang abs, ang sarap sarap mong mahalin. Johann Lawrence
Anderson, you’re just mine because you’re the only one for me. And I’m all yours
too for the taking.”

Kasabay ng pagngiti ni Johann ay ang pagpatak ng mga luha nito.


Napayuko ito at suminghot singhot. “M-Misis? Ikaw ba iyang nagsasalita talaga?”

She chuckled and kissed him once more. “Mahal na mahal kita, Mister.”

Pinisil nito ang mga matang tuluy-tuloy nang naglalabas ng mga luha.
“U-Uuwi ka na?”

“Uuwi na.”

Niyakap siya nito at sinubsob ang mukha sa leeg niya. “I missed you so
much.”

And God knows, how she missed him too. Oo nga. Their plan is all worth
it.

“Okay! Alam na kasunod nito! Kasalan na!”

Naramdaman na lang nina Johann at Sapphire na hinihila sila palayo sa


isa’t isa.

“Huh?” takang-takang sambit ni Johann. Ayaw siyang bitawan nito sa


baywang kaht pa hinihila na ito nina Charlie. Siya naman, hinihila ni Haley.

“Anong kasal? Sandali! Uuwi muna kami ni Misis ko!”

“Magpakasal muna kayo ulit. Hindi niyo pa ba ‘to memorize? Sa tingin mo


magse-set up ng ganito si Kuya Bari nang walang nakahandang magarbong selebrasyon?
Pa-birthday ‘to ni Kuya Bari sa’yo!”

Napabitiw sa kanya si Johann at halatang natigilan ito.


Napangiwi si Sapphire. Eto na. Magkakaalaman na.

“O, gets mo na? Na-Dylan ka na rin, Johann!”

“Ugh! Stop using my name!” angal ni Dylan.

Nagtawanan ang mga ito maliban kay Johann na tulala pa rin. Maya-maya,
pinagsususuntok na nito ang mga pinsan at pinagmumumura. Then, Johann looked at
her.

“Kasabwat ka!” akusa nito sa kanya habang magkasalubong ang mga kilay.

She sweetly smiled. “Happy birthday! I love you, Mister! See you in our
wedding!” At saka na sila tumakbo ni Haley sa loob ng bahay para makapagpalit siya
ng isang simpleng wedding gown. Oh! She’s excited for her wedding!

Narinig niyang sumigaw si Johann at nagmura na naman.

“Sandali lang! Pucha na mga letse kayo! Iuuwi ko muna si Sapphire!


Puwedeng honeymoon muna? Delayed na delayed na ang galawang Johann ko!”

Nagkatawanan na lang sila ni Haley.

Pag-akyat nila sa kanyang kuwarto at pagkakita sa kanyang susuotin ay


napangiti si Sapphire. Mabilis siyang nakapagpalit at naayusan ni Haley.

Ang Mommy niya at ang mga pinsan pa nilang sina Lavender at Crystal
Jane ay katulong sa pagpi-prepare ng kasal na one week lang pinaghandaan. At si
Bari lahat ang nag-sponsor.

Hah! Dapat lang!

After an hour, Sapphire’s already standing outside the entrance of the


church. Pagbukas ng malaking pintuan ay huminga siya ng malalim.

She slowly marched down the aisle. And when she saw Johann—scratching
his eyes, wearing a dark blue tuxedo, Sapphire is all ready now.

To love freely. Without doubts. Without fears. She’s ready to marry


again a man like Johann—loud and gay, but trustworthy and sweet.

And so, she continued walking to her forever.


~~~

SEASON ONE ENDS HERE.

Merry Christmas!

To God Be All The Glory!

=================

SEASON TWO Teaser

*oops! Hindi po update 'to, Teaser lang.*The Friendly Wedding Season 2 teaser:

Sapphire is a man-hater no more. Nagkaayos pa sila ng Mommy niya dahil nagawang


palabasin ng mister niyang si Johann ang mga pinakatatago niyang damdamin.
Napalambot nito ang puso niya.

Indeed, on the start of their friendly wedding, Johann started to fill their days
with sweetness and corny jokes. Nagawang alisin ni Johann ang lahat ng bitterness
niya sa katawan.

She was enlightened about how friendship and love work together, how to trust a
guy, and how to be happy with a simple loving life with Johann.

Si Johann naman, moved on na talaga sa childhood sweetheart nito. Patay na patay na


ito sa legs niya--ay este, sa kanya pala. He's really inlove with her that no one
can disprove his true feelings for her.

Ngayong totohanan na ang kanilang kasal, hanggang saan kayang panghawakan nila
Misis at Mister ang kanilang pangako para sa habambuhay na pagsasama?

Anong mga adjustments naman ang gagawin ni Johann para bumagay sa mundo ng Misis
nito?Mabilis kaya itong matatanggap sa alta sosyedad ng mga mayayaman kung saan
walang lugar ang bulok na kotse nito?

At si Sapphire? Paano kung tuparin na ng Diyos ang munting kahilingan niya mula
noong bata pa siya? Paano kung bumalik ang kanyang tunay na ama? Sasaya ba siya
lalo na't maraming gulo ang kasama sa pagbabalik ng taong pinakahihintay niyang
makilala?
Anong sikreto sa nakaraan ang puwedeng maulit sa kasalukuyan na posibleng
makapagpabuwag kanila Sapphire at Johann?

Ayayay!

Hanggang saan nga ba ang forever nina Mister at Misis?

~~~The Friendly Wedding Season 2 will be posted here and will start on January 1,
2015. 6 PM :)~~~Trivias:

1. Wala pa po akong maisip na title sa The Friendly Wedding Season Two.2. May
season two po dahil tapos na ang main plot ng season one. Matagal na po itong
plano.3. May #GalawangJohann na ata pero baka hindi detailed. Hihi, may minors po
kasi na nagbabasa.4. May story po ang mga pinsan ni Johann at Sapphire. Naka-post
na po ang story nina Haley At Gideon entitled "Sweet Scheming Playgirl". Yung kay
Dylan naman po, "Making Love".5. Marriage life, family, friendship, and faith pa
rin po ang ita-tackle sa season two. Sa Season one po kasi, struggles nila as
individuals eh. Not sure of the family life. Pero kapag malakas ang demand, why
not? Nyihihi.6. Humor pa rin po ito. Light tone pa rin ang story. Feel good lang.
Hihi.7. May story po si Ibarra or Kuya Bari, ngunit matagal pa bago ko po simulan.
Hoho. Baka 2016 pa. Haha! 35 years old lang po pala siya. Pinaka-kuya talaga sa
magpipinsan.8. Hindi ko pa sure kung 3 times a week ang update ng Season two but I
will try. 2 times a week puwede pa :)9. Season Two will start at Chapter Twenty-Six
. Continuation lang talaga. So dito ko rin po ipo-post.

Marami pong salamat!

=================

Season 2: Chapter Twenty-Six

CHAPTER TWENTY-SIX

AS SAPPHIRE walked down the aisle, hindi niya akalain na hindi na pala katulad ng
unang naramdaman ng kinasal sila ni Johann more than two months ago ang
mararamdaman niya ngayon. To think na symbolic wedding lang naman ang kasalang ito.

Sure, she’s nervous at their first wedding. Pero ngayon, nahalo na ang
excitement at lahat na ng emosyon na puwede niyang maramdaman. Parang gusto niyang
tumakbo na kay Johann but at the same time, gusto niya ring tumakbo paalis... argh!
Damn, wedding jitters!

Si Johann na naghihintay sa kanya, mukhang okay naman na. Mas sumingkit


lang ang mga mata dahil sa pagkusot-kusot nito kanina. Nakangiti na ito habang
nakatingin sa kanya.

Nang nasa harap na siya nito, kinuha nito ang kamay niya.

“O, bakit ang lamig ng kamay mo?” tanong nito sa kanya. “Kinakabahan
kang magpakasal ulit sa’kin?”

She chukled. “Silly. Bakit naman ako kakabahan?”

“Hindi na lang ‘to basta para sa isang taon, Sapphire,” sabi nito
habang naglalakad silang dalawa palapit sa altar. “Buong buhay na ‘to.”

“I know,” she smilingly said. “I’m ready to love you for the rest of my
lifetime, Johann.”

Parang nanginig ito kaya napasulyap siya rito at nakita niyang sobrang
laki ng pagkakangiti nito. Namumula pa ang tainga.

Mahina siyang natawa. “Don’t tell me na kinikilig ka?” she teased him.

Umiwas ito ng tingin sa kanya at halatang pinipigilan na ang


pagkakangiti. Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

“Yiee. Blushing groom!” pang-aasar niya pa.

“Ehh...” parang babaeng angal nito.

Muntikan na siyang mapatili ng sinundot nito ang tagiliran niya at


napaigtad siya.

Umayos lang sila nang nasa harap na nila ang isang reverent pastor at
sinimulan na nilang magdasal.

Maya-maya pa’y magkaharap na sila ni Johann para sa exchanging of vows.

Magsasalita na sana siya ng vows niya na siya na mismo ang gumawa nang
pigilan siya ni Johann.

“Huwag ka nang masyadong magsalita, Misis. Ayokong mapagod ka.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Ayaw mo lang yata makita ng lahat kung
paano ka kiligin, eh.”
Ngumisi ito. “Ayoko lang makita nila na maiyak ako rito. Dahil alam
kong lahat ng lalabas sa mga labi mo ngayon, tatagos lahat sa puso ko. Sapat na
sa’king marinig na mahal mo ‘ko.”

Ganoon ba iyon? Okay, then. Sasabihin niya na lang ang mga gusto niyang
sabihin kapag silang dalawa na lang. Ang mahalaga lang naman talaga ngayon ay
mapangako niya sa harap ng Diyos na mamahalin niya si Johann.

Dahil suot na ni Johann ang wedding ring nito, hinawakan niya na lang
ng mahigpit ang dalawang kamay nito at sinalubong ang mga tingin nito.

“I love you, Johann. And I promise to continue loving you every single
day that the Lord will make,” madamdaming sabi niya na ikinangiti nito. “I just
want to thank you now for being who you are and what you are. Thank you for showing
me what it felt like to be cherished and to be kissed by a real man like you. I
don’t care if you sound so gay sometimes, I love it. I love you just the way you
are. Kahit walang abs.”

He chuckled. Binawi nito ang isang kamay sandali at may kinapa-kapa sa


bulsa ng pantalon nito. Ilang saglit lang, nilabas na nito ang wedding ring niya na
hinubad niya sandali.

“Nauto na naman tayo ni Kuya Bari sa ganitong scripted na pagtatalo at


surprise na kasalan. Pangalawa niya na ‘to, tsk. Bakit hindi ko pa nahalata?”
Nilingon nito ang mga pinsan na nakaupo sa harapan at tahimik na. “Kayo na sunod!”

Nagtawanan ang mga ito at parang wala lang sa mga ito ang posibilidad
na baka nga ang mga ito naman ang gawan ng ganoon ng pinaka-kuya ng mga ito.

Bumaling na ulit sa kanya si Johann. “Misis, alam mo bang noong first


wedding natin, while you’re walking down the aisle, natulala ako?”

“Huh?”

Tumango ito. “Para akong nakakita ng dyosa o ng isang napakagandang


anghel na ipinadala sa lupa.”

“I’m far from being an angel,” tukoy niya sa kanyang ugali.

“Oo nga, eh. Kaya napagdesisyunan kong... tama, isang dyosa ang
nakikita ko na papalapit sa’kin ng mga oras na iyon para pakasalan ako.” Napangiti
ito. “Ang pogi ko talaga.”

She rolled her eyes. “Yeah, yeah.”


“Basta, noong kinasal tayo ng una, alam kong... alam kong hindi na kita
pakakawalan pagkatapos niyon. Kaya yung vows ko noon? Impromptu iyon. Totoo iyon.”

“I will take all your bitterness away and will fill our life with
sweetness every day.” Natatandaan niyang iyon ang vow nito noon. At tinupad nga
iyon ni Johann.

“Misis, makinig ka sa’kin ng mabuti. Minsan lang ako mag-e-english.”


Humugot ito ng malalim na hininga at sinimulang isuot sa kanya ang singsing. “Now,
I have taken your bitterness away, then I’ll just continue filling our life with
sweetness, gayness, and happiness every day...”

“Johann...”

“I cannot promise a perfect marriage. Pero pangako ko sa’yo, Sapphire


Danaya Monteverde-Anderson, na hinding-hindi kita iiwan at hinding-hindi ako
titigil na mahalin ka kahit anumang gulo, away, at hirap ang danasin nating dalawa.
I won’t just be your husband but I will be your best friend forever...

“Hinding-hindi ako gagawa ng mga bagay na makakapagpawala ng pag-ibig mo sa’kin.”


Nang tuluyan na nitong maisuot sa kanya ulit ang singsing niya ay itinaas nito ang
dalawa niyang kamay at masuyong hinalikan iyon. “Nangangako ako sa harap ni Lord,
na iingatan ko ang blessing na ibinigay Niya sa’kin. Ikaw ang blessing na iyon,
Sapphire. Kasama natin si Lord lagi sa marriage na ‘to.”

Nakagat ni Sapphire ang ibabang labi dahil sa pagtagos sa puso niya ng mga sinabi
nito. Buong intensidad at puso pa ang paglalahad niyon ni Johann.

Tumikhim ito at nagsalita pa ulit. “God gave me you to show me what’s real,” anito.
“There’s more to life than just a feel.”

Napakunot noo siya. That sounds familiar.

“I love you more than you’ll ever know. I love you more than you ever see, more
than my heart could ever show.” buong emosyong dagdag pa nito. “I love you more
than you’ll ever know. I love you so. And I will never let you go ‘cause you mean
everything to me. I just wanna let you to hold me in your arms forever.”

Nagtatawanan na ang mga bisita.

“Mister, mga kanta naman iyan, eh!” naiinis niyang sabi.

Tumawa ito. He smiled guiltily. “Sorry na. Pero akma naman ang lyrics sa gusto ko
talagang sabihin sa’yo. Wala lang talaga akong maisip na iba ngayong kundi ang
mahalikan ka at makatabi sa kama.”
Nagtawanan na naman ang mga bisita at nagsipulan ang mga pinsan nito.

“Hashtag galawang-Johann! Papa-trend na ba natin ‘to?” sigaw ni Charlie.

“Worldwide trend dapat, ah!” sabi pa ni Johann bago muling bumaling sa kanya. “Me
loves you, Misis,” pa-cute nitong sabi.

Argh! He’s annoying yet so adorable that she can’t help but to answer, “Me loves
you, too, Mister,” aniya kahit super korni. Hayaan na. Mahal naman niya itong
talaga.

Nagsimula na ulit magsalita ang pastor sa harap nila. Hanggang sa sabihin nitong,
“You may now kiss your bride. Mr. Anderson.”

Parang batang excited na nagningning ang mga mata nito. Inangat agad nito ang veil
na nakatabing sa mukha niya. Next, he gently cupped her face.

Habang papalapit ang mukha nito sa kanya ay nakita niya ang pagpikit nito ng mga
mata. Napangiti siya at ipinikit na rin ang mga mata. And when their lips touched,
they instantly felt the magic of love and blessing in that kiss.

Dahil nasa harap ng altar, Johann just made the kiss very short yet so sweet.

Nagpalakpakan ang mga bisita nila. Nang maghiwalay ang mga labi nila niyakap siya
nito ng sobrang higpit. She hugged him back.

“Happy birthday,” bulong niya rito. “Are you happy?”

“Sobra pa sa sobra,” anito at saka siya hinalikan sa pisngi.

~o~o~o~

“PAGBILANG ko ng tatlo, takbo na tayo, ah? Isa, dalawa, tat—”

Hinampas ni Sapphire ang asawa sa dibdib. “Umayos ka nga. We cannot run


away sa reception natin.”

Nagsasayaw silang dalawa ngayon. May ibang mga pares na nagsasayaw na


rin. Katatapos lang ng nilang kumain, kaya sayawan na ang sumunod.
“Gusto na kitang i-uwi at simulang mag-multiply!”

She laughed. “Ewan ko sa’yo. Hindi ka na wholesome.”

Mas hinapit siya nito sa baywang palapit sa katawan nito. He swayed her
more to the sweet rhythm. “Naiinip na ‘ko. Gusto ko ng buksan ang regalo ko.”

“Regalo?”

Napangiti ito ng malapad habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang regalo


ko di’ba? I want to unwrap you, beybeh!” pilyong sabi nito.

“Johann!” saway niya rito.

“Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang umuwi,”


makulit na sabi nito.

She rolled her eyeballs. “Hindi mo pa nga nakakausap halos lahat ng


bisita.”

“Gusto ko nang mag-honeymoon.”

“Mister.”

“Gusto na kitang masolo.”

“May gustong kumausap sa’yo,” aniya rito nang makita si Czarina sa


likod nila. Hindi na siya threatened sa babae dahil nag-usap na sila nito ng isang
araw at nilinaw nito sa kanya ang lahat.

Hindi daw talaga nito mahal si Johann sa romantikong paraan. Johann and
Czarina grew up together kaya kapatid lang talaga ang turing nito kay Johann.

“Ayokong makipag-usap. Gusto na kitang iuwi,” makulit pa ring sabi


nito.

“Johann... Kuya Johann,” tawag pansin ni Czarina rito.

Agad namang napalingon si Johann rito. “Uy! Ikaw pala.”

Nginitian ito ng dalaga. “Peace na tayo, ah? Iyong kiss, acting lang
iyon,” diretsang pag-amin nito. “Pati lahat ng sinabi ko, scripted.”
“Aha! Kaya naman pala,” bulalas ni Johann. “Sige na, kalimutan na natin
iyon. Kasabwat ka pala nila sa pagpapasaya sa’kin ngayon kaya, okay na. Absuwelto
ka na. Basta huwag mo nang uulitin iyon.”

“Sorry talaga. Napilit lang. Basta, magkaibigan pa rin tayo?” tanong pa


ni Czarina.

“Oh, sure! No problemo!” nakangiting sabi ni Johann at saka ito niyakap


saglit. “Ngayon, nagpapasalamat ako na binasted mo ‘ko. Kundi, hindi ko makikilala
si Misis.”

“Sabi sa’yo, eh. May mas tamang babae na para sa’yo.”

“Oo na. Huwag mo nang ulitin ang ‘pambabasted’ lines mo. Sige na. Alis
na kami ng Misis ko. Mag-iingat ka lagi. Kumusta mo na rin ako kay Tito Ed.”

“Okay!”

Hinila na siya ni Johann. “Let’s go home, Misis. The bed is waiting,”


nakangising sabi nito.

“Hey!” natatawang saway niya rito pero nagpapahila naman siya palabas
ng restaurant kung saan ginanap ang reception nila. “Hahanapin nila tayo, Johann.”

“Hayaan mo sila. Habang naghahanap sila, tayo happy-happy na.”

“Why are you’re so eager to have sex ba?” prankang tanong niya.

Nilingon siya nito. “Sex ka diyan? Makikipag-make love ako sa’yo, ano
ba?”

“Pinagandang term lang ang ‘make love’. It’s still sex.”

“Kahit na, Misis. Parang ang harsh kasi ng ‘sex’ na salita. Parang
walang pagmamahal,” anito habang nasa parking lot na sila at hinahanap ang kotse
nito. “Gusto mo ba kapag inaaya kitang makipag-make love, sasabihin ko, ‘Misis, sex
tayo!’ Tsk. Parang walang puso naman. Di’ba? Di’ba?”

“Ang dami mo talagang alam.”

“Pasensya na. Pogi na teacher lang.”

“Yeah, right.”
“Nasaan na ba iyong kotse ko?”

“Dinala mo ba iyong car mo rito?”

Natigil ito sa paghahanap at nilingon siya. “Hindi.”

“Eh, paano natin mahahanap? Ugh, stupid!” aniya pero natatawa siya.
Wala naman pala roon ang hinahanap nilang kotse.

“Ang harsh mo sa’kin, Misis. Iha-hard kita later, kita mo. Di ‘ka
makakatayo bukas.”

Napailing-iling lang siya. “So, paano tayo makakauwi?”

“Mag-jeep tayo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “You’ll make me ride a jeepney while wearing
my wedding gown?” gulat at maarteng sambit niya. “You’re crazy!”

“MRT na lang?”

“Let’s take a cab.”

“Eh, traffic sa EDSA. Bukas pa tayo makauwi sa’tin kapag nag-taxi


tayo.”

“Why not try a limousine?”

Sabay na napalingon sina Sapphire at Johann nang marinig ang boses ni


Ibarra.

He was confidently standing beside a black limousine. “This limousine


would take you to Amora Province. Just a forty-five minute drive from here. Puwede
kayong mag-stay sa maliit kong villa doon, for your honeymoon, what do you think?”

Nagkatinginan sina Sapphire at Johann.

“Anong kapalit?” naghihinalang tanong ni Johann sa pinsan.

Umangat ang gilid ng labi nito. “Just be happy loving each other.”
Binuksan na nito ang pinto ng likod ng limousine. “The driver would safely take you
to Amora.”

“Bakit mo ‘to ginagawa?” tanong ni Johann rito. “Una si Dylan at Lana.


Tapos, kami. Ao ba ‘to? Balak mo ba kaming isa-isahin?”

“Now that you suggest it, why not?” He manly chuckled. “Dylan and you
had your first weddings with very unlikely reasons. Makapangyarihan ang kasal. I
just want you both to experience being married for the sake of love alone.”

“Ganoon?” di makapaniwalang sabi ni Johann. “Eh, bakit kailangang


surprise pa sa’ming mga lalaki? May scripted pa na away?”

“So, girls can see how you truly wanted them. Para umiyak kayo ni
Dylan.”

“Iyon lang?”

“Ang mga totoong lalaki, umiiyak. Iyon ang gusto kong makita ni Lana
noon at ni Sapphire ngayon. Anong mas matindi pang pagmamahal sa lalaking hindi
takot magpakita ng emosyon?”

Nagkatinginan na naman sila ng asawa.

“Mas marami siyang alam kaysa sa’yo,” aniya kay Johann.

“Oo nga, eh. May hugot. Ang deep!”

“So, are you going to take my offer or not?”

Mabilis na siyang hinila ni Johann papasok ng limousine.

“Salamat, kuya Bari,” ani Johann rito pagkasakay nila. “Kahit last year
niyo lang ako nakilala na pinsan niyo, tinanggap niyo ‘ko ng buo.”

“We’re family. We’re brothers in spirit.”

“Kikiligin na ba ako?” pakuwela pa ng asawa.

Ngumisi lang si Bari. “Have fun,” sabi nito at saka sinara ang pinto ng
limousine.

Nang umaandar na ang limousine papunta sa Amora ay nagsalita si


Sapphire.
“He seemed scary. Pero mabait pala siya?” aniya kay Johann.

“Oo. Pero pakialamero. Pero, sige na lang. Maganda naman ang outcome.”
Inakbayan siya nito. “Saan ba iyong Amora? Ano ba iyon? Lugar ba iyon?”

“It’s a small province lang bago na lagpas ng kaunti sa Bulacan.


Governor doon ang father ni Haley,” sagot niya.

“Ay, oo! Doon pala vice-mayor si Gideon. Amazing!”

Idinantay niya ang ulo sa balikat nito. Inabot naman ni Johann ang isa
niyang kamay. Their fingers intertwined. Sabay pa silang nakahinga ng maluwag.

Siguro kasi, panatag na silang dalawa na mahal na mahal talaga nila ang
isa’t isa. And they’re starting again a marriage that would last a lifetime.

“Mahal kita,” bulong ni Johann.

“You have said that for a couple of times now.”

“Mahal kita,” ulit na naman nito.

Napangiti na lang siya at pinikit ang mga mata.

“Mahal kita, Misis.”

Ang kulit talaga. “I love you, too, Mister.”

~o~o~o~

“FLORELLA,” basa ni Johann sa pangalan ng villa na pinagbabaan sa kanila.

May isang babae na nagbukas ng black steel gate papasok doon. At sa


pagkamangha nila ni Johann ay napapalibutan ng mga bulaklak ang buong lugar.

“Wow. Parang flower garden,” komento niya. Lahat ata ng klase ng


bulaklak ay nakatanim doon. Makulay ang buong paligid dahil punung-puno ng mga
bulaklak. Tanging ang pathway na nilalakad nila ang puwedeng daanan.

Hinatid sila ng babae sa isang maliit na bahay na parang dome dahil


pabilog ang hugis. Parang animated na bahay na nakikita lang sa mga cartoon shows.
Pagkabukas ng pinto ay napakasimple lang ng loob. At may malaking kama sa gitna ng
pabilog na bahay.

“Kay Bari talaga ‘tong villa na ‘to?” tanong niya kay Johann pagkaalis
ng babaeng nag-assist sa kanila.

“Hindi rin ako makapaniwala, Misis,” sabi nito habang nililibot ang
tingin sa buong lugar na kompleto naman sa gamit. Maya-maya ay nagkibit-balikat ito
at lumapit sa gitna ng kama.

“Anyway, heto na Misis. This is the moment!”

“H-Ha?”

Lumapit sa kanya si Johann at hinila siya palapit sa kama.

“Papipiliin kita. ‘Galawang Johann version two-point-O’ or ‘Galawang


Johann-pinaka-hot na version’?”

Kumunot ang noo niya. “What’s the difference?”

Umangat ang kamay ni Johann sa nakatali niyang buhok. Inalis nito ang
tali niyon at bumagsak ang mahaba niyang buhok. “Parehong dirty pero mas hard iyong
isa,” nakangising sabi nito habang umiikot na ang kamay nito sa zipper ng gown niya
sa likod.

Napalunok si Sapphire. Hindi niya na alam kung nagjo-joke pa ba ito


dahil kakaiba na ang tingin nito. His eyes were suddenly full of passion.

“I-It’s my first time....s-so, I’m going to chose the hard one,”


pilyang sabi niya. Trying to avoid the nervousness in her system. She trusts
Johann. She’s safe with his friendly gay husband.

Ang lakas ng tawa nito. “Hard pa gusto, ah!”

Napatili si Sapphire nang buhatin siya nito at ihiga sa kama.


Pagkatapos ay dahan-dahan nitong hinila ang wedding gown niya hanggang sa underwear
na lang ang suot niya. Then he went on top of her.

“Ready ka na bang ma-Johann?” tanong pa nito habang hinuhubad ang coat


at ang iba pang damit sa ilalim niyon.

“Y-yeah. I think so.” Nakahubad na siya, eh. Sino pa bang hindi ready?
Wala na rin itong suot pang-itaas. As usual, underdeveloped man ang abs nito na
halos wala talaga, still, maganda ang katawan nito.

Hindi niya rin alam kung paano mabilis nitong naalis ang suot na male slacks.
Tinitigan siya nito sandali at saka siya hinalikan ng buong alab sa mga labi.
Nagdikit ang mga hubad nilang dibdib and a tingling spark happened.

Lumayo sandali sa kanya si Johann at hinila nito ang comforter. Nakangisi ito
habang nasa ibabaw niya pa rin. “I love you, Misis. Ready ka na talaga? Final
answer na?”

“Ugh! Come on! Just shut your mouth and make love with me!” nabibitin na sabi niya.

Kaylaki at lapad ng mga ngiti nito. “Ito na! Galawang Johann time!
Happy birthday to me!” sabi pa nito at saka tinaklob ang comforter sa kanilang
dalawa.

And under the sheets, Johann’s hands, mouth, and ‘big pride’ did the
moves that made Sapphire moan, laugh, shout, scream, and love her husband more.

~~~

Nakisabay si Johann sa putukan. LOL. Hahahaha!

Happy New Year, friends!

#GalawangJohann #WalangAbsPeroMayBigPride HAHAHAHAHAHA! <3

Next Update: January 3, 2015. 7 PM.

=================

Chapter Twenty-Seven

This chapter is dedicated to Venus Gamelo. <3

~~~
CHAPTER TWENTY-SEVEN

“BULAGA!”

Natatawang hinampas ni Sapphire si Johann sa mukha. Bigla kasi itong


lumabas sa loob ng kumot nila.

“You look stupid,” aniya at saka gumilid ng higa. Hinila niya ang kumot
hanggang sa taas ng hubad na dibdib. “Let me sleep, mister.”

“Ha? Maaga pa, ah,” angal nito at saka siya hinalikan sa balikat.

“Umaga na!” she emphasized while pointing outside the window.

“Ay.” Natawa ito at pinugpog siya ng halik sa pisngi. “Ang bilis ng


oras, Misis. Kanina gabi lang kasi.”

Napahikab siya at pinikit ang mga mata. A month since their surprise
wedding and still parang hindi nauubusan ng energy si Johann sa kama.

Everyday with Johann now was a pure bliss. Naramdaman niya na ngayon
ang dapat talagang maramdaman ng mga bagong kasal. And her husband never let any
single day to be boring for her.

Kapag pumapasok ito sa trabaho, minsan sinasama pa siya tapos naiiwan


siya sa faculty room at siya ang pinagre-record nito ng grades. Ginawa ba naman
siyang personal secretary nito?

But it was okay with Sapphire since she enjoyed being with Johann.
Hindi na nga sila mapaghiwalay. Kung nasaan siya, nandoon rin ito.

“Thank you,” bulong ni Johann maya-maya.

Napangiti siya. Every day, Johann will thank her...

“Thank you for loving me,” dugtong nito.

Tinanong niya noong unang araw na nag-thank you ito sa kanya kung bakit
ito nagpapasalamat. At ang sagot lang nito,

“Gusto kong malaman mo kung gaano ako kasaya na pinili mong magmahal at
ako ang minahal mo. Ang suwerte ko. Tinalo ko pa iyong mga may abs. Ano sila
ngayon, ha?”
“You don’t have to say ‘thank you’.”

“Pero gusto ko. Gagawin ko ‘to araw-araw. Para hindi ka magsawa sa


pagbibigay sa’kin ng pag-ibig. Naks!”

She laughed and kissed him. “I should be the one thanking you.
Afterall, you’re the one who have done so many things for me.”

“Kinikilig ako, Misis. Enebe?”

She rolled her eyes. “Gay.”

Ngumisi ito at pumaibabaw sa kanya. “Daanin mo na lang ang ‘thank you’


mo sa ilalim ng kumot. Okay?” Tinaklob na naman nito ang kumot sa kanila. “Round
four! Fight!”

She laughed and wrestle with him under the sheets.

Naramdaman niya ang pagdampi ni Johann sa mga labi niya. “Tulog ka


lang, Misis, ha? Mamalengke lang ako.”

Dinilat niya ang mga mata. “Ha? Matulog ka rin. Hindi ka pa natutulog.
Mamalengke ka pa?”

Bumangon ito at nagsuot ng shorts. “Marami naman akong energy at isa


pa, Linggo naman ngayon. Walang pasok. Kaya puwede akong matulog buong araw
mamaya.” Kumuha ito ng tuwalya at sinabit sa balikat. “Pero ngayon, mamalengke ako.
Para mapagluto kita ng masarap na agahan.”

Napangiti na naman siya at saka sinubukang bumangon. “I’ll come with


you, then.”

“Sasama ka sa’kin sa palengke? Sure?” naniniguradong sabi nito.

Tumango siya. “Yes. Why not?”

“Last time na dinala kita roon, puro ka angal, eh,” anito sabay ginaya
nito ang boses niya. “Oh my, why is it so mabaho here? Ugh! Johann, ang putek, yung
feet ko ang dirty na!” maarteng panggagaya nito sa kanya.

Napasimangot siya. “I don’t talk like that kaya.”

Natawa ito at pinisil ang magkabilang pisngi niya. “You’re so maarte


kaya. Kagigil!” sabay halik nito sa kanya sa labi. “So, sasama ka talaga? Akala ko
ba matutulog ka?” seryoso nang tanong nito.

“Later na lang rin katulad mo.”

“Maglalakad lang tayo hanggang palengke.”

“Huh? Hindi tayo magta-tryicycle.”

Natawa ito. “Sige magta-tricyle tayo. Para sa’yo, handa ako ng maglagas
ng bente pesos sa pamalengke.”

“Kuripot ka talaga,” aniya at saka bumangon na rin ng kama. “I’ll take


a shower first.”

“Sabay na lang.”

“No.” Tumayo siya at mabilis na hinablot ang tuwalya.

“Pero, Misis, naniniwala ako na ang mag-asawang naliligo ng sabay... ay


nakakatipid ng tubig.”

She laughed and pulled his hair. “Ha-ha! Funny!” pang-aasar niya at
saka naunang lumabas ng kuwarto. Nagdiretso na siya ng banyo at sandaling
nagshower.

Paglabas niya ng banyo ay nakaabang na si Johann.

“Pinagtimpla kitang gatas. Nasa ibabaw ng lamesa,” nakangiting sabi


nito at saka pumasok ng banyo pagkalabas niya.

Papasikat pa lang ang araw ngunit hindi na mabilang kung ilang beses
siyang napangiti ng asawa. Araw-araw, lagi nitong ginagawa iyon. At araw-araw,
nakangiti lang siya.

It’s such a wonderful feeling to be loved and taken care of. Lumapit
siya sa lamesa at ininom ang gatas habang ang isang kamay ay nakahawak sa buhol ng
tuwalya. Pagkaubos niya ng iniinom ay pumasok na siya ng kuwarto para magbihis.

Half an hour later, parehas na silang ayos ni Johann at magkasabay


silang lumabas ng bahay.

“Maglakad na lang tayo papuntang palengke, Misis. Tapos pabalik,


tricycle na.”
Tumingala si Sapphire sa langit. Maaraw na ngunit umaga naman kaya
healthy pa sa balat ang init ng araw. “Okay, fine.”

Sinara ni Johann ang gate at pagkatapos ay pasimple nitong hinawakan


ang kamay niya at saka sila naglakad papunta sa palengke. Ten-minutes walk lang
naman iyon mula sa bahay nila.

“Ano pa lang bibilhin natin?” she asked him while they’re walking. She
intertwined her fingers with his, at kumapit pa iya sa braso nito.

“Pang-agahan at pangtanghalian para mamaya.” Bumaling ito sa kanya.


“Anong gusto mong breakfast?”

“Ikaw na bahala. Kahit tuyo pa iyan, okay lang.”

Napangiti ito. “Tsk. Mahal mo na talaga ako. Okay na sa’yong kumain ng


tuyo?”

“Yeah. I also can’t believe that I can eat such food, and do stupid and
jolog things with you. But maybe, this is how love works. So be it.”

“Ayan ang misis ko.” Hinalikan siya nito sa sentido. “Masayang makita
na unti-unti nayayakap mo ang buhay na ginagalawan ko. Pero kung gusto mong tumira
talaga sa mansyon, sabihin mo lang sa’kin.”

“Why? Lilipat tayo?”

“Wala lang. Sinabi mo lang. Eh di alam ko lang,” nakangising sagot


nito.

She made face. “Annoying.”

He chuckled. “Joke lang. Ikaw naman. Siyempre, hindi naman kita


masisisi kung gusto mong tumira talaga sa malaking bahay. Kaya ko naman na itira ka
sa ganoon. Pero next time na kapag may mga bulilit na tayo. Pag-iipunan ko muna.”

“We can buy us a house.”

“Alam ko naman, pero gusto ko, ako ang magpo-provide sa’ting dalawa,
Misis. Kapag hindi ko na kaya, saka ako manghihingi ng tulong sa’yo. Kumbaga, back-
up natin ang pera mo.”

“It’s our money, Mister. Walang problema kung sabay nating gagastusin
iyon for us.”

“Habang hindi pa masyado kailangan ang isang bagay, itatabi muna natin.
Marami tayong kailangang paghandaan lalo na mag-uumpisa na talaga tayong
magkapamilya.” Dumapo ang isang kamay nito sa tiyan niya. “Wala pa bang laman ‘to?”

Tinapik niya ang kamay nito. “Parang nakakatakot maging mommy, Johann.”

“Natatakot kang maging nanay? Bakit naman? Twenty-eight ka na, ah.”

“Ang laki kasing responsibility niyon,” seryosong sabi niya. “Paano


kung hindi pala ako magaling na mommy?”

“Sige, huwag muna nating pag-usapan. Hanggang sa maging ready ka na.”

Napatingin siya rito. “Pero... excited ka nang magka-baby di’ba?”

“Oo... pero, hihintayin ko munang maging ready ka. Magtanong-tanong ka


sa mga mommy. Mag-research ka sa internet paano mag-alaga ng baby. Para hindi ka
natatakot sa kapasidad mong maging ina, Misis,” nakakaintinding wika nito. “Hindi
rin talaga biro ang maging magulang.”

She smiled. “But, Mister, if ever I’ll get pregnant, it’s okay lang din
naman.”

“Eh di, okay. No rush. Just take your time. Isa pa, enjoy-in muna natin
ang isa’t isa. Masayang maglaro sa ilalim ng kumot. Yes?” Tumaas-baba pa ang mga
kilay nito.

Natawa siya at binilisan ang paglalakad nila. Lalo na nagsisimula na


naman siyang landiin ng asawa.

Pagdating nila sa palengke ay napakaraming tao kahit umaga pa lang. But


it’s a normal sight. Umaga naman talaga namamalengke ang mga tao dahil sabi ni
Johann, lahat pa ng paninda ay fresh.

Sa dami ng tao ay mahigpit na mahigpit ang hawak ni Johann sa kamay


niya at pinoprotektahan siya nito na huwag mabunggo.

“Excuse me po. Excuse,” anito habang naglaka sila papunta sa bilihan ng


mga puto, kutsinta, kakanin, suman at kung anu-ano pa. “Excuse me po. May maganda
po akong asawa. Baka po masagi niyo.”

Natawa siya. “Why announce it?”


“Proud mister ako!” turo pa nito sa sarili. “Excuse me... dadaan po ang
maganda kong asawa.”

“Para kang tanga,” natatawang sabi niya. Pero natutuwa naman siya sa
ginagawa nito. She felt like a queen.

Nang makarating sila sa bilihan ng mga kakanin ay bumili si Johann ng


dalawang bundle ng suman na isinasawsaw daw sa asukal.

“Masarap din ‘tong suman sa lihiya,” turo nito sa isang pa-rectangle na


suman na nakabalot ng green banana leaf. “Lalo na kapag sinasawsaw ‘to sa
pinaghalong niyon at asukal. Tapos sasabayan pa natin ng mainit na mainit na
tsokolate.”

Sinasabi pa lang nito ay kumakalam na ang sikmura ni Sapphire. Hindi


naman sa hindi pa siya nakakakain ng suman pero hindi pa siya nakakakain sa paraang
sinasabi ni Johann.

Pagkatapos nila bumili niyon ay dumiretso sila sa loob ng bilihan ng


karne. Magluluto daw ito ng caldereta na sinag-ayunan niya. Nakikipagtawaran si
Johann sa karne ng baka na bibilhin nito nang bigla na lang napalingon si Sapphire.

Nagpaling-linga siya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang


napalingon.

“Sige na, two-hundred na lang, Manong. Para sa misis kong maganda naman
iyan, eh. Pagluluto ko siya ng masarap mamaya,” narinig niyang sabi ni Johann sa
matandang tindero.

Aba’t ginamit pa siyang dahilan.

“Bagong kasal ba kayo?”

Inakabayan siya ng asawa. “Opo. Bagong-bago.”

“Ah, kaya pala ang lambing mo pa,” pang-aasar ng matanda rito saka
bumaling sa kanya. “Nako, ineng, pagtumagal na kayo, ikaw na lang mag-isa
mamalengke at tatamarin na iyang mister mong sumama sa’yo.”

“Hindi mangyayari iyon, Manong,” Johann confidently said. “Baka nga,


ako ang lagi niyong makita ritong namamalengke. Hindi ko patatapakin mag-isa Misis
ko rito, baka ma-kidnap pa ‘to.”

“Ay sows! Nasasabi mo lang iyan dahil bagong kasal pa.” Naiiling na
sabi ng matanda habang hinihiwa ang karne. “Ang tamis ay sa una lang. Pagkatagal
puro away na.”

“Ay sows! Ang bitter mo, Manong,” natatawang sabi ni Johann. “Choice
naman ng asawa kung mananatili siyang malambing o normal na lang pagkatumagal.
Siyempre may mga away pero hindi ko paiiyakin ‘tong misis ko. Hindi na lilipas ang
isang araw at gabi na hindi ko ‘to lalambingin.”

“Sabagay. Eh, ang ganda-ganda naman niyang Misis mo. Sinong hindi
susuko diyan?”

“Kaya nga, Manong. Sige na, two hundred na lang iyang baka.”

Napakamot sa ulo ang matanda. “O, siya. Pasalamat ka at maganda ang


asawa mo at naiintindihan ko pa ang mga bagong kasal.” Bumaling na naman sa kanya
ang matanda. “Lasapin mo lang iyang ka-sweet-an ng asawa mo. Habang hindi pa
nagloloko.”

“Oy. Di ko ‘to lolokohin. Mamatay ka man, Manong.”

Napamulagat ang matandang tindero. “O, bakit ako?”

“Mas matanda ka, Manong, eh,” pilyong sabi ni Johann habang nakangisi.
“Pero, siyempre joke lang iyon. Basta, di ko ‘to lolokohin, Manong. Add mo ko sa FB
para lagi kang updated sa’min.”

“Hindi naman ako marunong ng ganoon-ganoon. Sige, maniniwala na lang


ako sa’yo. Mukha ka namang matino.”

Natawa si Johann. “Salamat, manong! Next time dito ulit ako bibili ng
beef!”

Pagkaalis nila ni Johann ay pasimple niyang piningot ang tainga nito.


“Ikaw, sa lahat ata ng sulok ng palengke, pinangalandakan mong asawa mo ‘ko.”

“Aba siyempre! Para kapag susunod na makita ka nila, sasabihin nila,


‘ay! Iyon iyong magandang babae na asawa ng pogi’.”

She chuckled. “Ewan ko sa’yo. May bibilhin pa ba tayo?”

Tinignan nito ang mga pinamili. “Patatas at carrots na lang tapos


puwede na tayong umuwi.”

Tumango siya at saka siya iginiya ni Johann sa bilihan ng mga gulay.


Pumipili na ang asawa ng magagandang patatas ng maramdaman na naman ni Sapphire na
parang may nakamasid sa kanya. Kaya bigla na naman siyang napalingon.
Pero wala naman siyang nakita. Puro mga tao lang na naglalakad.

Napailing-iling na lang siya at saka dumikit kay Johann. Yumakap siya


sa braso nito.

“Bakit?” tanong nito sa kanya nang mapansin mahigpit niyang pagkapit


rito.

“Parang kanina pa may sumuunodn ng tingin sa’kin tapos kapag lumingon


ako, wala naman.”

Napalinga-linga ito. “Wala naman, Saphi.”

“Kaya nga, eh. Baka imagination ko lang.”

“Baka pinagtitinginan ka lang kasi ngayon lang sila nakakita ng dyosa.”

“Yeah, right.”

Hinapit siya nito sa baywang palapit rito at saka siya kinintilan ng


halik sa noo. “Hayaan mo na. Baka nga imagination mo lang iyong parang nakatingin o
ano. Wala ka pa kasing tulog.”

“Ikaw kasi,” paninisi niya rito.

Ngumisi ito. “Huwag nang manisi. Parehas naman tayong nag-enjoy.”

Tumawa na lang siya at pasimpleng nagpaling-linga ulit. Baka nga nagha-


hallucinate lang siya.

Sino naman kayang posibleng sumunod sa kanya ng tingin, eh, wala namang
ibang nakakakilala sa kanya sa lugar na iyon?

Natapos na sila mamili ni Johann kaya umuwi na rin sila nito. Sumakay
sila ng tricycle kaya mas mabilis silang nakauwi ng bahay.

Nawala na rin kay Sapphire ang feeling ng parang sinusundan ng tingin.

Pagpasok nila ng bahay ay pina-upo agad siya ni Johann sa hapag at ito


na ang nag-serve sa kanya ng suman sa lihiya at ito na rin ang nagtimpla ng hot
chocolate.
“Tikman mo.” Sinubo sa kanya ng asawa ang maliit na portion ng suman na
nasa tinidor at isinawsaw nito sa niyog na may asukal.

Binuka niya ang labi at saka kinain iyon. Nang malasahan ay napatango
siya. Masarap nga! Nag-thumbs up siya rito at pagkatapos ay uminom siya ng hot
chocolate.

Perfect combo it is!

Magkatabi sila ni Johann na kumain. Sinusubuan pa siya nito. Siya


naman, tuwang tuwa na kumakain lang.

Nagtatawanan sila nang haplusin ng asawa ang gilid ng labi niya.


Huminto na ito sa pagtawa at nakangiti na lang habang nakatitig sa kanya.

“Why?” she asked him while munching her food.

He flashed that “matinee idol”- smile. “Mahal kita,” biglang sabi na


lang nito.

Napangiti siya. Randomly, bigla na lang iyong sasabihin ni Johann.


He’ll say he loves her in most unnecessary moments. Minsan pagkalabas nito ng banyo
pagkatapos maligo, bigla na lang siya nitong lalapitan at magsasabing mahal siya
nito. Ganoon ito ka-random.

“Mahal kita,” ulit nito sabay hapit sa mga baywang niya.

“I love you, too, Mister,” aniya at saka ito hinalikan. “Bigla bigla ka
na namang nanlalambing.”

“Kasama sa ‘hashtag galawang Johann’ iyon!” Parang nanggigil na niyakap


siya nito at ibinanaon pa ang mukha sa leeg niya.

She just giggled and stoked his hair. Parang isa itong batang kung
manlambing.

“Ang ganda talaga ng legs mo,” puri nito habang nakatingin sa legs
niya. Bumaba ang kamay nito doon. “Nakaka-adik!”

“Perv.”

“Legs, legs, legs mo ay nakakasilaw,” pakantang sabi nito habang


hinihimas-himas ang binti niya.
“Stop that! Hindi pa ‘ko natutulog, Johann. Don’t start.”

“Legs, legs, legs mo ay nakakatunaw...” patuloy pa rin nito sa


paghaplos.

Impit siyang napatili nang mabilis siya nitong nabuhat at naihiga sa


sofa. Johann started to rain tiny sweet kisses on her neck and collarbone.

“Walang kumot,” nasabi niya.

Natawa ito at saka mabilis na pumasok ng kuwarto. Paglabas, may dala na


itong kumot.

“Multiplication time!”

Wala na. Nakipag-“multiply” na lang si Sapphire sa asawa. Mamaya na


lang sila matutulog.

Sana talaga makatulog sila.

~~~

Next Update: January 6, 2015. Tuesday. 7 PM :)

=================

Chapter Twenty-Eight

This chapter is dedicated to sweet_rhyme.

~~~

CHAPTER TWENTY-EIGHT

INAASIKASo ni Sapphire ang lifestyle-slash-travel blog niya. Nagsunud-sunod kasi


ang email at tawag sa kanaya ng mga advertisements sa blog niya. Hindi niya na
masyado naaasikaso iyon kaya isang araw ay bumawi na siya.

Nag-asawa lang siya, nakakalimutan niya na ang mga responsibilidad niya. Ang dami
pa namang nagbabasa ng mga articles niya. Nakasulat siya ng tatlong blogs at ang
topic niya ay si Johann at ang buhay ng isang may-asawa.

Hindi iyon pasok sa mga sinusulat niya dati pero iyon ang nasa utak niya. She
enjoyed writing her husband's quirky ways. Naisip niya, blog naman niya iyon.
Puwede niyang isulat ang gustong isulat. At isa pa, the fact that she enjoyed
writing her experience being a wife to a middle class guy, baka mag-enjoy rin ang
mga readers niya.

Pagkatapos niyang ma-post ang mga articles ay saka lang siya naligo. Pupuntahan
niya ang underconstruction niyang bookstore. Araw-araw ay pinupuntahan nila ni
Johann iyon. Para ma-monitor ang mga nangyayari.

Kalalabas pa lang niya ng banyo at pumasok na sa kuwarto upang makapagbihis nang


tumunog ang cellphone niya.

"Hey, pauwi ka na?" bungad niya agad sa asawa.

"Oo. Naka-prepare ka na?"

Napasimangot siya. "Are you mad?" Napakaseryoso kasi ng boses nito.

Hindi ito sumagot.

"Mister?"

"Medyo."

"Why?" she curiously asked. Hindi madaling magalit si Johann. Mahaba ang pasensya
ng asawa. Kaya kung galit ito ngayon, malamang ay nasagad ito.

"Magkukuwento na lang ako mamaya. Nagmamaneho ako."

"Alright. Bye."

Pagkababa nito ng tawag ay nagkibit-balikat na lang si Sapphire. Binuksan niya ang


aparador at saka namili ng susuotin. Kumuha siya ng mga undergarments. Pagkasuot
niya iyon ay humugot siya ng high-waist white shirts at sleeveless orange crop-top.

She applied her beauty regiments before drying her hair. Saktong patapos na siya
nang pagpapatuyo ng buhok nang dumating si Johann. Narinig niya ang pagbukas ng
gate at ng pinto.

Johann stormed inside their room. "Magbibihis lang ako," anito nang hindi siya
tinitignan. Dire-diretso ito sa aparador at humugot ng damit.

She turned off her hair blower. "Why so grumpy?"

Hindi ito sumagot at hinubad lang ang uniporme nito. Nagpunas muna ito ng pawis
bago nagsuot ng shirt na may logo ng Superman sa harapan. Pagkuwa'y naghubad ito ng
slacks at nagpalit ng maong pants.

She shrugged again. Kung ayaw siya nitong sagutin, fine. Ayaw niya rin itong
kulitin dahil magsasalita naman ito kapag gusto nito.

Napapitlag si Sapphire nang ibalibag ni Johann ang pagsasara ng aparador. "What's


your freaking problem?" nagulat na tanong niya.

"Badtrip sa school. Pucha." Tinodo ni Johann ang temperature ng aircon at saka nito
tinapat ang mukha doon.

"Anong ginagawa mo?"

"Nagpapalamig ng ulo."

Kumunot ang noo niya. "Ano ba kasing nangyari sa school?" Nahawa na tuloy siya sa
pagsusungit nito.

"Sampung taon na 'kong nagtuturo at saka nila kukuwestyunin ang kakayahan ko na


maging teacher? Ingudngod ko sa kanila ang mastery level ko at nang makita nilang
kahit mahinang bata, mataas ang test sa Math kapag ako ang nagha-handle," gigil na
wika nito habang nagtatagis ang bagang.

"So, napagalitan ka ba ng Dean sa college? Or nung Principal sa highschool?"

"May epal na professor ang bumalik doon sa UP. Math professor. Pero mas mataas ang
level niya. Paano matanda na. Sa dinami-rami naming professor doon, ako ang pinag-
initan kanina." Lumayo ito sa aircon na magkasalubong na magkasalubong pa rin ang
mga kilay. Umupo ito sa gilid ng kama at may kung anong hinahanap sa bedside
drawer. "Di'ba may consultation hours kami para puwede kaming lapitan ng mga
estudyante kapag may hindi sila maintindihan na lesson? Eh, kanina, ang daming
lumapit sa 'kin na estudyante ko. Mga babae. Tanong ng tanong. Siyempre,
pinapaliwanag ko naman. Tapos bigla siyang sisigaw, eh, ang tahimik nga ng mga
estudyante ko habang nakikinig sa'kin. Epal ang matanda, amputek. Papansin, eh.
Gurang na kasi."

"Ano bang sinabi?"

Umiling si Johann. "Ayoko nang alalahanin. Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman
ako bastos sa nakakatanda pero kanina nung pinagalitan niya 'ko, sa harap pa ng mga
estudyante ko. Nakakawalang respeto naman iyon. Nahihiya ako doon sa mga estudyante
ko. Imbes na maipaliwanag ko sa kanila ang lesson dahil magpa-finals na, nakarinig
lang sila ng panenermon sa'kin ng matandang Santiago na iyon."

"Sino?"

"Prof. Darwin Santiago. Nagtuturo na rin siya dati doon. Mga Math majors ang
tinuturuan niya pero many years ago, nag-resign yata siya. Tapos ngayon, babalik.
Okay lang naman. Pero anong karapatan niya na sabihan akong kaya daw ang daming
nagpapa-consult sa'kin kasi hindi naintindihan ang pagtuturo ko sa loob ng
classroom? Gago ba siya? Buti nga may lumalapit at honest iyong mga bata na
sabihing hindi nila masyado na-gets iyong lesson." Nagwisik ito ng pabango sa may
pulso. "Nakakagago siya. Sakit sa braincells."

Nagsuot si Sapphire ng three-inch plump orange shoes. Patuloy pa rin sa pagra-rant


ang asawa niya.

"Maraming estudyante kanina, oo. Mga walo yata sila. Pero galing naman sa iba't
ibang math subject iyon. May dalawa siguro sa Math 17. Tapos sa Math 64. Meron
siguro mga dalawa rin sa Stat 121. Sa isang math subject ko, forty ang estudyante
ko. Minsan fifty pa nga. Let's say, two over fifty times 100 percent is equal to
four percent. Four percent! Ang baba na niyon sa percentage ng mga estudyante na
hindi nakakakuha ng lesson ko. At least. Iyong four percent na iyon na hindi
nakakuha ng lesson ko, sasabihan na 'kong bobo na teacher? Edi, wow!"

Sinuklay suklay ni Sapphire ang buhok gamit ang kamay at saka tumayo. "Just let it
go. Prove that old man that he's wrong. Don't rant na, Mister. Hindi ako sanay na
binabalandra mo ang katalinuhan mo sa Math. I hate that freaking numbers unless
nakikita ko iyan na nakasulat sa tseke." Nginitian niya ito. "Smile na, alright?
Kain na lang tayo sa labas pagkatapos nating tignan ang construction. My treat."

Napatingin ito sa kanya...no specifically, sa legs niya. Mas kumunot ang noo nito.
"Huwag mo nang i-display iyang legs mo, Misis. Namamanyak naman ako, eh."

Mahinang sinampal niya ito. "Halika na."

Humiga ito sa kama. "Mamaya na. Tinatamad pa 'ko." Inunan nito ang braso at saka
tumingin sa kanya. "Ayan ba suot mo sa paglabas? Ayos, ah. 'Kala ko mayaman ka?
Bakit parang laging kulang sa tela mga sinusuot mo?"

She chuckled. "Still mad?"

Nagbuga ito ng hangin. "Medyo-medyo. Nailabas ko na rin mga gusto ko sabihin. Pero
inis pa rin ako. Sa pagtuturo ko, ngayon lang ako napahiya ng ganito. Nakakabanas,
pucha na iyan."

"Sana sinagot mo siya. Did you defend yourself?" tanong niya habang umuupo sa tabi
nito.
Umiling si Johann. "Nagagalit na 'ko kanina. Kaya hindi na 'ko nagsalita. Baka kasi
ano pang masabi ko. Ayokong magbitiw ng mga salita na mas ikahihiya ko pa. Saka nga
kasi, ayokong sumasagot sa matanda. Halos kaedad niya na sina Daddy. Tama nang
napahiya na 'ko. Ayokong makita ng mga estudyante ko na bastos akong tao."

"Pero...hindi naman pambabastos kung nag-try kang magpaliwanag. Lalo na ikaw ang
tama."

"Eh di siya naman ang napahiya sa mga estudyante ko?" Napabuga ito ng hangin. "I
won't stoop down on his level. Hindi porke't pinahiya niya 'ko, pahihiyain ko rin
siya. Mas pipiliin kong gumalang pa rin sa nakakatanda."

Napangiti si Sapphire. Hindi man siya masyado sang-ayon sa prinsipyo nito, still,
may natutunan siya rito. Oh, lagi naman siyang may natutunan rito. "Such a good
boy, aren't you?"

Pumikit ito at napapangiti na. "Minsan kahit ikaw ang nasa tama, hindi ka na lang
iimik. Sino ba naman ang mapapahiya sa bandang huli? Isa pa, nandoon nga kasi mga
estudyante ko. Baka kung sinagot ko si Prof. Santiago, gayahin na nila. Bad iyon.
Magagalit si Lord. Teacher pa naman ako. Sa ayaw at sa gusto ko, role model nila
ako."

Hinaplos niya ang buhok nito at saka siya padapang humuga sa dibdib nito. "You're
too good to be true, Johann." Hinalikan niya ito sa baba. "Okay, I'll tell you a
secret for being a nice and smart teacher."

"Hindi. Bobo daw ako."

She pouted. "Inggit lang sa'yo siguro iyong prof na iyon kasi maraming lumalapit na
college girls sa'yo para magpaturo."

"Nye."

"You wanna know a secret or not?"

Nakapikit pa rin ito pero nakapulupot na ang isang braso sa baywang niya. "Ano ba
iyon?"

"I find your butt sexy."

Napadilat ito bigla. "Ha?"

"Kahit noon, nang unang kasal natin. I really like your sexy butt." Pilya siyang
ngumiti. "Kaya okay lang talaga kahit wala kang abs."
Ang kunot sa noo nito ay napalitan na ng malaking ngisi. "Aha! Sinasabi ko na. May
malisya ka na tumingin noon pa."

"Excuse me!" sabay hampas sa dibdib nito. "I just find your butt sexy and wala na
kong iniisip na iba. Baka ikaw. From the start you're a killer for flawless legs."

"Hindi ako tumingin sa legs mo hanggang noong birthday mo."

"Birthday ko? Nang mag-outing tayo?"

"Iyon nga. Ang hirap ka bigyan ng malisya, parang bibigwasan mo 'ko, eh. Buti na
lang noon ko pa napansin na hindi ka talaga man-hater. Then, there. Pasulyap-sulyap
na 'ko sa...legs mo, Misis. Sorry naman."

"Anong naiisip mo kapag nakatingin ka sa legs ko?"

"Iyong totoo?"

"Of course!"

"Naisip ko 'balang araw, mahahawakan din kita' ganoon," tumatawang sabi nito. "Eh,
kapag nakikita mo puwet ko? Anong naiisip mo?"

"Wala nang sense pinag-uusapan natin. Halika na." Akmang tatayo na siya nang
pigilan siya nito.

"Ang daya! Bilis na! Ano naiisip mo sa sexy butt ko? Spoil me, Misis. Para ma-good
vibes ako."

Ngumuso siya. "Wala naman akong naiisip."

"Weh?"

"Wala talaga."

"Last answer mo na iyan? Mamatay man ang goldfish ng kapit-"

"Walang goldfish ang kapitbahay, ano ba?"

Natawa ito. "Sagutin mo na. Huwag ka na mahiya."


Inirapan niya ito. "I like to squish it."

"Ano?"

"I like to squish it," ulit niya pa.

Natawa ito ng malakas. "Sige nga. Paki-squish."

"Eeew!" natatawang umalis siya sa ibabaw nito. "Umayos ka nga. Come on. Puntahan na
natin ang bookstore ko."

Paupo itong bumangon at tinitigan siya. "Ah...kaya pala," biglang sambit nito.

Tumayo siya at inayos ang kusot ng damit. "Anong 'kaya pala'?"

"Kapag nasa ilalim tayo ng kumot, pinipisil-pisil mo lagi ang puwet k-,"

"Stop!" Nag-init ang mga pisngi ni Sapphire. "Come on, Johann."

Ngingisi-ngisi ito. "Sexy butt lang pala katapat mo. Ano namang comment mo sa
harapan?"

"Pervert. Halika na kasi."

Tatawa-tawa ito. Halatang nabura na ang lahat ng pagkainis sa nangyari rito kanina.
Ganoon lang naman si Johann. After bursting out, he'll smile and laugh again na
parang walang nangyari.

Palabas na siya ng kuwarto nang pigilan siya nito.

"Misis, hindi talaga ako papayag na lalabas ka ng nakaganyan lang. Hindi ako
mayaman pero baka isipin nila, tinitipid kita sa damit."

"This is called 'fashion', Mister. Ito ang uso ngayon. High-waist skirts or shorts,
crop tees and such."

"Ganoon?"

"Yeah. Kaya halika na." Sinara niya na ang aircon at saka hinawakan ito sa kamay.

"Salamat."
Napalingon siya rito. "Huh?"

He pulled her and kissed her on the cheeks. "Kasi gusto mo ang puwet ko."

"Johann."

"Joke lang. Salamat kasi kahit anong badtrip ko, alam kong sa pag-uwi ko, may misis
na magpapabalik ng good vibes sa sistema ko." Hinalikan siya nito ulit sa pisngi.
"At kahit hindi ka ganoon kalambing at mas gusto mo 'kong paulanan ng English,
napapangiti mo pa rin ako. Hindi ko alam kung after ten years, ganito pa rin tayo.
Basta ang alam ko lang, kahit anong pagkainis at pagod ko sa isang araw ng trabaho,
may inuuwian akong misis na maganda, maganda, at maganda."

"You make my heart melt. Stop."

"Mahal kita."

She smiled. "Come on."

"Mahal kita."

Hinila niya ito palabas ng kuwarto.

"Mahal kita."

Napasulyap siya sa shirt nito. "I love you, too, Superman."

Hinapit siya nito sa baywang. "Tayo na't lumipad! Tentenenen!" Itinaas nito ang
isang kamay at pumorma na parang lilipad.

Natawa na lang siya nang mabilis itong tumakbo kaya napatakbo na lang rin siya
kasabay nito. Tumakbo sila hanggang sa nakasakay na sila ng kotse.

Medyo padilim na ng makarating sila sa construction site. Nakatatlong palapag na


ang nasementuhan. Ang fourth floor na lang ang tinatrabaho. Kinakabit na rin ang
mga bintana at pintuan sa first floor.

"Four to five months, give and take... Magbubukas na ang bookstore mo, Misis."

Nakatingala si Sapphire sa pinapangarap niyang bookstore mula pa noong bata siya.


Nakangiti siya na parang batang excited.
"Kakausapin ko lang iyong engineer," sabi ni Johann.

"Alright. I'll stay here," aniya habang nakatingin pa rin sa tinatayong bookstore.
Ang dami niyang naiisip na ideas sa kulay na gusto niyang ilagay.

Kaso bigla niyang naramdaman ang pagtayo ng balahibo sa batok. Napalingon siya.
Nagpalinga-linga. Wala namang tao sa likod niya.

Bumalik ang pakiramdam niya na parang may nagmamasid sa kanya. Napakunot noo siya
dahil kahot anong gawin niya panglinga ay wala naman siyang nakikitang tao.

Napailing-iling na lang siya at saka sumunod sa asawa niya.

That's weird. Nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang nakakaramdam na parang may
sumusubaybay sa kanya. Hindi na lang sinasabi ni Sapphire kay Johann dahil wala
naman siyang maipakitang katibayan kundi ang pakiramdam niya.

"Misis!"

Napapitlag siya. "Hey! Don't scare me like that!" saway niya sa mister.

"Ay, sorry. Halika na. Nandito iyong architect kasama nung engineer. Kausapin mo
sila para makapag-suggest ka ng mga gusto mo."

"Oh. Okay."

Inakbayan siya nito. "Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit parang magugulatin ka nitong
mga nakaraang araw?"

Umiling siya. "I'm fine. Don't mind me."

"Mahirap hindi pansinin ang bawat galaw mo. Every breath you take, every move you
make, every bond you break, every step you take, I'll be watching you."

Hinampas niya ito at tatawa-tawa lang ito. "Tumula ka na naman."

Nagsimula na itong kumanta ng wala sa tono. Sapphire just laughed. Kapag binagsakan
ito ng semento, bahala na ito.

~o~o~o~

SA HINDI kalayuan ay nakamasid sa loob ng kotse ang dalawang mata habang papalayo
sina Sapphire at Johann.

Malakas ang pagpipigil niya sa sarili na bumaba at yakapin ang anak na si Sapphire.
Ang tagal nitong itinago sa kanya ng ina nito.

Hindi niya kahit kailan naisip na magagawa ni Mercy-ang dati niyang nobya na itakas
at ilayo sa kanya ang anak.

Napabuntong-hininga siya at pinaandar palayo ang sasakyan. Makikilala niya rin ang
kanyang anak. At sasabihin niya rito ang totoo kung bakit lumaki itong wala siya.

One of these days, he'll claim his daughter back.

~~~

Next Update: January 9. (Friday) 7 PM.

=================

Chapter Twenty-Nine

CHAPTER TWENTY-NINE

"OKAY. I will attend the reunion party. Can I bring my husband with me?" tanong ni
Sapphire sa kabilang linya.

Kausap niya ngayon ang dati niyang classmate noong highschool na si Sylvia. Hindi
niya ito close friend pero ang babae na ang pinaka-nakaka-interact niya noon.

"Oh! Nag-asawa ka pala? We thought you're a man hater?" maarteng tanong nito.

Nagtaas siya ng kilay. "People change. I fell in love," simpleng saad niya.

Sylvia chuckled. "Alright. So, magpapa-reserve na ko for two para sa inyo ng asawa
mo. Next week na ang reunion party. Formal wear, okay? Be there at 7 PM. Resorts
World Manila."

"Okay. Thank you, Sylvia. See you."

"See you, Saphi! Bye!"

Pagbaba ng cellphone ay agad na in-encode ni Sapphire ang mga sinabi ng dati niyang
classmate sa "Reminders" niya. Ayaw niyang pumupunta sa mga party pero parang gusto
niyang makipagso-syalan kaya um-oo na lang siya nang tawagan siya nito kanina.
Isasama niya ang asawa para hindi siya ma-bored.

Tumayo si Sapphire mula sa sofa at tinignan ang niluluto niya sa kusina. She tried
to cook Tinolang Manok using the recipe she got from the internet. Nasusunod naman
niya lahat ng steps hanggang sa maluto na iyon.

Tinikman niya ang niluto. Not bad. Tumangu-tango pa siya habang hinihigop ang
sabaw. Pinatay niya na ang kalan at saka tinakpan ang kaserola.

She set-up the table for five minutes and she waited for Johann, after.

Habang naghihintay sa asawa ay napangalumbaba siya habang nakatingin sa kawalan.

These past few months, kung hindi niya kasama si Johann sa trabaho nito, nasa bahay
lang siya lagi at naghihintay sa pag-uwi nito. It’s a wifely duty that she can
perfectly understand but still, nami-miss niyang magtravel sa kung saan para may
mailagay sa blog niya.

Oo. May mga bagay talagang kailangang isuko kapag nag-asawa na. Pero hindi naman
siguro masama na pangarapin niya pa ring makapaglibot-libot sa mga magagandang
lugar? Lalo na ngayong mas marami siyang pera kahit pa hindi sagutin ng mga
sponsors ng blog niya ang kanyang adventure trips.

Gusto niyang maglibot at kasama si Johann. Siyempre! Mukha namang hindi magpapaiwan
ang asawa niya. But, being a professor and at the same time, being a highschool
teacher, walang bakanteng oras si Johann maliban na lang kung holidays. Tuwing
summer naman ay kumukuha daw ito ng tutorial or private lessons sa mga gustong
magpa-tutor.

Malapit niya nang bigyan ito ng award para sa pagiging ulirang guro.

Sa kakaisip ni Sapphire nang mga gusto niyang puntahan na lugar ay hindi niya na
napansin ang pagdating ni Johann. Nagulat na lang siya nang makitang binubuksan na
nito ang screen door nila.

“I’m home!” Napakalaki ng ngiting bungad nito. Napatingin ito sa dining table at
nakita niya ang pagningning ng mga mata nito nang makita ang niluto niya. “Wow!
Tinolang manok! Ikaw nagluto?”

“Hindi. Iyong manok,” sarkastikong sagot niya.

He chuckled. “Uy! Marunong siya mag-joke. Last mo na iyan, ah?” Binaba nito ang mga
dala na folder at saka ito lumapit sa kanya. Yumuko ito, hinalikan siya sa pisngi
at sa leeg. “Ang bango mo naman, Misis. Amoy-tinola. Mmm.”
“Take a seat and let’s eat dinner. I know you’re tired from work.” Tinapik-tapik
niya pa ito sa balikat dahil mukhang ayaw nitong lubayan ang leeg niya.

“Mukhang masarap ‘to, ah!” anito habang hinihila ang upuan sa tabi niya at saka
umupo. “Marunong ka pa lang magluto ng Tinola?”

Umiling siya. “Actually, no. Tumingin lang ako sa internet kanina ng recipe. And we
have the complete ingredients. So, I gave it a shot. Sana magustuhan mo.”

“Hindi ko pa natitikman, gusto ko na,” nakangiting sabi nito at saka ito sumandok
ng kanin at nilagay sa plato niya. “Siyempre, misis ko gumawa.” Nilapag nito ang
kanin at saka naman kinuha ang serving spoon ng Tinola. “Anong gusto mo? Yung leg o
yung thigh part?”

Tinignan niya ito. “I should be the one serving you. Ikaw ang galing sa work, eh.”
Inagaw niya rito ang serving spoon.

Pasimpleng inagaw naman nito pabalik ang serving spoon. “Hindi. Ikaw ang napagod
magluto kaya pagsisilbihan kita. At saka, hindi naman ako masyadong pagod galing sa
trabaho. Ang dami ko pa ngang energy para sa ilalim ng kumot!”

She rolled her eyes. “And what made you think that I’ll have sex with you this
night?”

Nilalagyan na nito ng sabaw ang mangkok niya. “Grabe ka talaga. Anong sex? ‘Make
love’ nga kasi iyon. Medyo hindi ka sweet, ano po?”

Nagkibit-balikat lang siya. “Ah, basta. Wala ako sa mood ngayong makipag-se—make
love. Nakakatamad.”

“Eh di, ako lang ang kikilos,” pilyong wika nito.

Natawa siya sabay hampas sa braso nito. “After three months, may mga ‘galawang-
Johann’ ka pa ba na hindi ko na-e-experience?”

Ito naman ang natawa at saka nilapag ang mangkok sa tabi ng plato niya. “Maraming-
marami pa! Bwa-ha-ha-ha! One-fourth pa lang ang nararanasan mo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “What?!” gulat na wika niya at saka inisip ang mga
ginawa nila. Grabe na ang naramdaman niya sa mga nakalipas na lovemakings nila
tapos may iba pa itong alam?

“Ha! Huwag mong ini-small si Johann Lawrence Anderson! The best is yet to come!”
Napailing-iling na lang siya habang nagingiti. “Let’s pray.”

Hinawakan ni Johann ang kamay niya at saka ito pumikit. “Lord, marami pong salamat
sa masarap na pagkain sa gabing ito. Salamat po sa maganda, mabait, at mabangong
misis. Salamat po sa lahat ng good vibes sa buong araw na ‘to. Amen.” Magkasabay pa
silang dumilat nito. “Kainan na! Attack!”

“Ang saya-saya mo ngayong araw. Unlike the other day,” pansin niya sa pagka-hyper
nito. “Something great happened in work earlier?”

Ang laki ng ngiti nito. “Okay na kami ni Prof. Santiago. Alam mo pa’no kami
nagkabati?”

“Tell me,” aniya habang sinisimulang kumain.

“May kapatid pala siya. Si Professor Augustine Santiago. Parang mas bata lang sa
kanya ng tatlong taon. Magkasabay pala silang na-hire ulit pabalik doon sa campus.
Nauna lang pumasok si Sir Darwin. Hayun, kung anong ikinasungit ni Sir Darwin,
sobrang bait naman ni Sir August.” Aliw na pagkukuwento nito bago humigop ng sabaw.
“Kaninang umaga, si Sir August pa talaga lumapit sa’kin para mag-sorry. Nabalitaan
niya daw kasi iyong ginawa ng kuya niya. Hayun. Siyempre, okay naman na sa’kin.
Nag-usap pa kami. At alam mo ba, ang dami naming pinagkakasunduan. Math professor
din kasi siya. Grabe. Ang astig lang!”

“Did he exlain why his brother was like a grumpy troll?”

Hinalo ni Johann ang sabaw sa kanin nito. “Oo. Aburido lang daw talaga si Sir
Darwin kapag may nakikita siyang mga college girls na masyadong madikit sa mga
lalaking professors.” Humarap ito sa kanya. “At may nasagap akong chika.”

Natawa siya sa term na ginamit nito. Gay. “Ano naman iyon?”

“Si Sir Darwin, nakabuntis daw kasi ng estudyante niya dati na kolehiyala. Parang
ganoon.”

“Oh,” she amusingly said. Chika nga. “Kanino mo nalaman iyan?”

“Sa mga tao sa faculty. Pero sabi nila, hindi daw si Sir Darwin. Si Sir August daw
talaga ang nakabuntis doon sa kolehiyala. Tapos, parang pinoprotektahan lang ni Sir
Darwin si Sir August kasi kapapasa lang daw ni Sir August ng board exam after five
takes, pagkatapos biglang mawawalan ito ng lisensya sa isang iglap lang?”

Ginaya niya si Johann. Nilagay rin ni Sapphire ang sabaw sa kanin niya. Hindi siya
aware na puwede pala iyon. Kapag kumakain kasi sa mansyon nila ng mga masabaw na
pagkain, talagang nakahiwalay ang sabaw sa kanin. “Oh. So, si Sir Darwin ang
nawalan ng lisensya?”
“Ewan ko lang. Nakakapagturo pa sila pareho, eh.”

“Nasaan na iyong nabuntis na college student?”

“That’s the mystery!” Hinimay nito ang ulam na manok gamot ang kutsara at tinidor.
“Mayroon pa pala.”

“What?”

“Pinanagutan daw iyong babae. Pero tumakas iyong babae. Tinakas kasama iyong baby,
eh.”

“Bakit tumakas?”

Johann shrugged. “Hanggang doon lang nasagap ko. Ako naman, ayoko masyadong
maniwala at maki-tsismis pa.”

She laughed. “Ayaw mo pang maniwala at maki-tsismis ng lagay na iyan, huh? Pero
kung makakuwento ka sa’kin!”

Natawa rin ito. “Basta. Pero baka nga totoo kasi ang sungit talaga ni Sir Darwin.
Hindi naman siya magiging ganoon kung walang pinaghuhugutan, di’ba? Baka natatakot
siyang maulit iyong ganoon sa iba. But, he apologized before I went home. Ah!
English!”

“Really?”

Tumango ito. “Nagulat nga ako, eh. Akala ko, pagagalitan na naman ako
dahil kanina, may mangilang-ngilang estudyante pa rin ang pumunta sa faculty para
magpa-consult sa’kin. Pero, nag-sorry siya. Tinanggap ko, siyempre. Ayun, friends
na kami.”

“Wow. You both befriended the two Santiagos.”

Ngumisi ito pagkatapos nguyain ang pagkain. “Astig ko ba?”

She rolled her eyes. “Whatever.”

“So, sa tingin mo? Sino talaga ang nakabuntis? Si Sir Darwin o si Sir
August?”

“I don’t care who. Problema na nila iyan. I don’t really meddle with
other people’s lives. Lalo na at hindi ko kaano-ano. Not my thing.” Sumubo siya ng
kanin at ulam. She delicately chewed her food then swallowed it. “Kaya ikaw, don’t
waste your time kaka-tsismis. You’re a guy. Dapat hindi ka tsismoso.”

Natawa ito. “Babae lang may karapatan maging tsismosa, ganoon?”

“Yeah.”

“Eh di, parang sinabi mo na rin na babae lang ang puwedeng maghugas ng
plato, maglinis ng bahay, maglampaso ng sahig, at magluto,” he logically said.

Tinaasan niya ito ng kilay. May point na naman ito! Argh. “Whatever.”

Natawa ito. Alam nitong talo siya sa argument. Kaya naman nag-change
topic na sila. Nag-uusap lang sila nang nag-uusap hanggang sa matapos na sila ng
pagkain.

Niligpit ni Johann ang mga pinagkainan. Nagpalit muna ito ng pambahay


bago hinugasan ang mga pinggan.

Minutes later, everything was settled. Nakaupo na lang silang dalawa sa


sofa. Magkatabi at magkahawak kamay habang nanonood ng TV.

“Alam mo, Misis, ang sarap nitong tinola mo. Pero...”

Napatingin siya rito. Kinabahan siya bigla. Baka may hindi ito
nagustuhan sa pagluluto niya... “P-Pero?” Worry is written all over her face. May
mali ba siyang nasunod sa recipe?

Sinalubong nito ang tingin niya. He sheepishly smiled. “Pero mas


masarap ka pa rin.” Sabay kindat nito sa kanya.

Napakurap si Sapphire. Maya-maya ay nag-init ang magkabilang pisngi


niya. Tinulak niya ang mukha nito. “Kung anu-ano pinagsasabi mo! Ugh!” naiinis na
sabi niya. Akala naman niya kung ano ng problema sa luto niya.

Tawa ito ng tawa. “Totoo naman! Masarap ka din pakinggan.” Tumingala


ito at pumikit. Pagkatapos ay pinatinis nito ang boses. “Oh! Oh! Johann! Faster!
Faster! Ugh!”

Nanlaki ang mga mata niya at napatayo. “Hey! I don’t scream like that,
you bastard!”

Tatawa-tawa ito pero tinuloy ang panggagaya sa kanya. “Ugh! Ugh!


Mister, ooohhh! I’m coming, baby! I’m coming!”
Hinampas niya ito ng throw pillow. “Argh!” naiinis na ungol niya.
“Ganyan ba ‘ko?”

Hinila ni Johann ang braso niya at sumubsob siya rito. “Ikaw naman. Di
ka mabiro,” malambing na sabi nito at saka hinalikan ang tungki ng kanyang ilong.
“Pero ganoon ka talaga mag-ingay.”

Napalabi na lang siya. “Nakakainis ka.”

Hinalikan siya nito sa gilid ng leeg at saka sa magkabilang pisngi.


“Sorry na. Gusto ko lang ng light atmosphere. Habang nanunuod kasi tayo, masyado
kang seryoso. May iniisip ka ba?” nag-aalalang tanong nito.

Umayos siya ng pagkakaupo sa kandungan nito. “Wala naman. I’m just


reminiscing the times when I got to go to any places. Iyong fun adventures ko
kasama iyong mga co-bloggers ko. I just miss that.”

Mula sa likod ay niyakap nito ang baywang niya at ipinatong nito ang
baba sa balikat niya. “Eh di, mag-travel ka kung gusto mo.”

“Sabi mo noon, pupunta lang ako sa mga lugar na puwede ang uwian.”

“Oo nga.”

“Of course when I travel and set an adventure, hindi kasya ang isang
araw lang.” Sumandal siya sa dibdib nito. “Gusto naman kitang kasama. Kaso parang
ang labo kasi busy ka masyado.”

Sandali itong natahimik. Parang nag-iisip.

“Gusto mo ba talaga?” tanong nito maya-maya.

“Yeah... naiinip na rin kasi ako dito sa bahay. Wala pa naman tayong
baby kaya wala akong pinagkakaabalahan.”

“Sige.”

Natuwid niya ang likod at napalingon rito. “What do you mean?”

“Sige. Papayagan kita. Kung gusto mo ‘ko isama, magli-leave ako sa


trabaho. Kaya kong sandaling iwan ang pagiging teacher para maging asawa mo. Kung
gusto mo rin mag-isa...” Nagkibit-balikat ito. “Okay lang rin. Mami-miss lang kita
kapag nawala ka overnight. Kapag two days, super miss na. Kapag three days, super
duper miss na. Kapag four days, super duper ultra—mmm!”
Siniil niya na ng halik ito sa mga labi. Paharap na siyang kumandong
rito at yumakap sa leeg nito. After the kiss, she smiled at him. “Mister, I want to
always travel with you. Share every experience with you. So, when I travel, you
will come with me. Para hindi boring.”

Kumunot ang noo nito. “Iyong totoo, Misis? Asawa mo ba ‘ko o clown mo?”

“Both.”

“Ay, grabe—mmm! Mmm... Bigla bigla ka na namang nanghahalik. Saan mo


natutunan iyan?” nakangising sabi nito.

“Kanino pa ba?” she sarcastically said before cupping his face. “Sabi
mo na iyan, ah. I’ll set our travel adventure together na.”

Tumango ito. “Just tell me ahead of time. Huwag biglaan.”

“Promise, sasama ka sa’kin?”

“Kahit saang lupalop pa ng mundo, Misis. Kahit sa Bermuda Triangle pa


iyan, sasamahan kita. Promise. Mamatay man ang—”

“Walang goldfish ang kapitbahay,” pangunguna niya rito.

“Meron na! Binili ko sila kanina. Para maka-sumpa ako sa’yo.”

She amusingly laughed. “Oh, Johann...”

“Tsk. In love ka na naman sa kabaklaan ko.”

She settled her face on his neck. “I just... I just cannot predict you.
Minsan nagsasalita ka ng kalokohan, minsan laging may point...gosh. Who made you?”

“Si Lord. Bait Niya ‘no? Ginawa akong pogi.”

She grinned. “Wala lang abs,” she teased.

“Kasi kung may abs ako, eh di nabaliw ka na sa’kin?” Inangat nito ang
mukha niya at sinalubong ang mga mata niya. “Tama na iyong... ako lang ang
nababaliw sa’yo.”
Nanggigigil na kinurot niya ang magkabilang pisngi nito.

“Dapat isa sa’tin matino para bebenta ‘tong love story natin kapag
kinuwento sa apo ng apo ng apo ng apo natin sa talampakan,” sabi pa nito.

“Yeah right.” Binaba niya na ang mga kamay. “Nga pala, may isa pa’kong
sasabihin.”

“Ano iyon?”

“Magkakaroon kami ng highschool reunion. Binalita sa’kin ng classmate


ko dati. I want to come. And, dapat kasama kita.”

“Akala ko ba hindi ka friendly noon? So, bakit ka pupunta sa highschool


reunion niyo ngayon?”

“Ano ka ba? Puno ng mayayaman doon. Makakatulong ang network nila para
sa bookstore ko. Duh?”

“Ah...” tumatangu-tangong sabi nito. “Eh di, sosyalan iyon?”

“Yup! More on maraming socialites doon.” Sapphire was also considered a


socialite since she’s a Monteverde. At kahit mag-asawa pa siya, she’ll always be a
Monteverde for the classy world of the rich and famous. “I’m going to buy you a
coat and tie. Oh, wait. Magpagawa na lang tayo kay Paul Cabral.”

“Paul Cabral? Iyong stylist ni PNoy?”

“Exactly! Maganda siya gumawa ng damit. Tama! Sa kanya tayo magpagawa


para complementing ang isusuot natin sa reunion party.”

“May reunion party bang ganyan ka-sosyal na kailangan kay Paul Cabral
pa magpagawa ng damit?”

Napakunot-noo siya. “What do you expect? Punung-puno ng mga rich people


sa reunion party, Mister. It’s a socialite’s formal party. So we have to dress up
on our signature clothes. Kung ayaw mo magpagawa kay Paul Cabral, then, kay Manny
Herrera na lang or kay—”

“Nakakalula naman iyan, Misis. Ayoko ng ganyan,” angal nito at saka


umiling. “Ayokong pumunta sa mga ganyan.”

“Bakit hindi? You’re an Anderson! Mayaman ka.”


“Sila Daddy ang mayaman.”

“Pero anak ka ni Daddy Philip. Kapatid ka ni Agatha kahit half pa.


You’re an Anderson and somehow, you belong to the world of the rich.”

Umiling ito. “Alam mo, Misis, kung gusto mong pumunta, ikaw na lang,”
seryosong sabi nito.

“Bakit?”

“Hindi nga kasi sanay sa mga ganyan. Hindi ako pa-sosyal o ano. Hindi
ko kayang mag-adjust sa mundo mo. Ayoko sa ganyan na puro pasikatan. Ayokong
makipag-usap sa mga tao na ipapamukha lang sa’yo kung gaano siya kayaman.”

Hindi naman lahat ng mayayaman ay ganoon! Mali ito ng impresyon.

Napataas siya ng kilay. Umalis siya sa pagkakandong rito at saka siya


humalukipkip. “How come you can’t adjust to the world where I grew up? Bakit ako
nagawa kong mag-adjust sa mundo mo? I lived on a small house, washed the dishes,
and god! I even learned to clean the toilet! The toilet bowl, for crying out loud!
Nag-adjust ako sa mundo mo kasi sabi mo, this is what we call, ‘pakikisama’?”

Napabiga ito ng hangin at napakamot sa noo. “Sapphire—”

“Wait. So, ako lang pala ang mag-a-adjust, Johann? Ako lang puwede mag-
adjust?” Napailing-iling siya. “Sasama ka lang sa’kin sa party, Johann. Just for a
night! Just for a night we’ll go to my world. Then after, balik na tayo rito sa
mundo mo. Is it too much?”

“Madaling bumaba. Mahirap umakyat.”

“What the hell?” she furiously asked.

“Mapapahiya lang ako doon. Hindi ako bagay sa ganoon.” Napayuko ito.
“Ang mayaman, kapag tumapak sa lupa, okay lang. Maganda pa rin tingin sa inyo. Pero
ang mahirap, kahit magbihis pa ng pang mayaman at umakyat sa mundo niyo, sasabihan
ka pang trying hard. Nasaan ang hustisya di’ba?”

“I don’t see you that way, Johann.”

“Basta. Hindi ako sasama. Ayoko sa mundo niyo.”

Napakagat ng ibabang labi si Sapphire. Nakuyom niya ang mga kamay. “But
I grew up there...”
Tumayo ito at hinawakan siya sa kamay. “Halika na, matulog na tayo.”

Marahas na binawi niya rito ang kamay. “Just step into my world once,
Johann.”

“Hindi nga sabi. Misis—”

“Kung makasabi ka sa’kin noon na mataas ang pride ko, akala mo naman
kung gaano kababa iyang sa’yo,” galit na sabi niya at saka tumalikod. Naglakad na
siya papunta ng kuwarto.

“Misis, nag-aaway ba tayo?”

Huminto siya sa paglalakad at nilingon ito. “Bawal ka sa ilalim ng


kumot! Matulog ka diyan sa sofa mo!”

~~~

Early update! Baka kasi wala ako mamayang gabi. Hihi.

Next update: Jan. 13, 2015 (Tuesday)

=================

Chapter Thirty

Dear friends, huwag niyo naman po akong utusang mag-update na parang nagdedemand
ako sa inyo ng votes and comments. I'm free to update anytime as you are free to
read, vote, and comment kung gusto niyo lang rin. Nag-aanounce naman sa page or
group kung may made-delay na update. Nag-eenjoy kayo kay Johann? Ako, na-stress
na.Kaunting pag-unawa lang po sana. Maraming salamat. :)~~~

CHAPTER THIRTY

"MATULOG ka diyan sa sofa mo!"

Napangiwi si Johann nang marinig niya ang malakas na pagsara ng pinto ni Sapphire.
Tsk tsk. Madaling masisira ang pinto! Ano bang akala ni Sapphire? Gawa sa mahogany
ang pinto ng kuwarto niya?
Palikod na hinahod niya ang buhok at saka napabuga ng hangin. Heto na naman.
Aamuhin na naman ang tigre. Roar!

"Misis!" pagkatok niya sa pintuan. Kinandado nito ang pinto. "Misis, mag-usap tayo.
Alam mo namang hindi ako makakatulog. Hindi ako natatahimik kapag galit ka sa'kin."
Kumatok pa ulit siya sa pinto.

Hindi ito sumagot pero alam niyang gising pa ito. "Misis..." Tawag niya sa mas
malambing na boses. Wala pa ring sagot mula rito.

Napabuntong hininga si Johann. He closed her eyes and leaned his forehead on the
door. "Sorry, Sapphire. Sorry talaga..."

Narinig niya ang pag-ingit ng kama.

Hindi naman niya intensyong magalit sa kanya ang asawa. Pero kasi, para sa kanya at
sa mga pinagdaanan niya sa buhay, natutunan niyang hindi maganda para sa kanya na
makihalubilo sa mga mayayaman.

Well, excemption ang mga kapamilya niya.

"It's just for a night, Johann!" mariing sabi nito mula sa loob ng kuwarto. "I want
to be by my side on that night... Gusto kitang ipagmalaki! While they have their
money, I'll show off that I'm the luckiest girl to marry a one in a million guy
like you. Ikaw ang ipagmamayabang ko sa kanila! Dahil kahit pangkaraniwang tao ka
lang, you can stand out from all the rest! And you love me more that I love you."

Napalunok siya. Medyo napangiti. Aba't bumabanat na rin ang misis niya! Natututo!

"Ano ba naman iyan? Nag-aaway na nga tayo, lalo pang nalalaglag ang puso ko sa'yo.
Huwag kang magbibitiw ng mga ganyang linya, nababaliw ako." Nakagat niya ang labi
sa pagpigil ng mga ngiti. Pucha na iyan. Kinikilig na naman yata siya. Kabadingan
na naman niya, putek!

"You know, Johann, if you're afraid that someone might belittle you, then I won't
let that happen! Hindi ko hahayaan na hamakin ka nila. I can buy their soul for
crying out loud!

Napakalawak na ng ngiti ni Johann. Nakakabaliw. Nakakabaliw ang misis niyang


marunong nang makisabay sa mga linyahan niya. "Ikaw lang ang inaalala ko, Sapphire.
Ayokong mapahiya ka dahil...ganito lang ako."

"Anong ganyan ka lang?"

"Puwede ba mag-usap tayo nang walang pinto sa pagitan natin?"


"No! If you want to talk then talk! I won't open the fucking door!"

"Hindi tayo makakapag-usap nang matino, Sapphire," seryosong wika niya at saka
kumatok ulit. "Halika na. Pag-usapan na natin ng maayos. Lumabas ka na diyan o
papasukin mo 'ko."

May mga oras na alam naman ni Johann kung kailan magseseryoso. May oras na alam
niya kung kailan pagbibigyan niya ang mga kapritso ng misis o kung kailan dapat
siya ang maging upperhand.

"Di'ba, sabi natin walang matutulog nang hindi naaayos ang gulo? Sige na, buksan mo
na 'tong pinto," he said with a slight pinch of authority in his voice.

Narinig niya ang mga yabag ni Sapphire sa loob. Maya-maya bumukas ang pintuan. His
wife's cute forehead creasing, her lips pouting.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang tumutol sa pagsama sa'kin?" She was close to
shedding a tear.

Bumuntong-hininga si Johann at inabot niya ang malambot nitong kamay. "Sige na.
Sasama na 'ko," sumusukong sabi niya. Taena. Alam na alam ni Sapphire kung paano
siya mapapasuko.

It's either with her kisses or with her tears. Hindi niya na isasama ang legs nito,
surrender na surrender siya talaga kapag ganoon.

"Papayag ka rin pala."

He tried to smile. Sa likod ng utak niya, nagtatalo pa rin ang isip niya. Tama kasi
si Sapphire na kung nakapag-adjust ito sa buhay niya, bakit hindi niya subukang
sandaling tumapak sa nakagisnang buhay nito?

Ngunit, takot lang naman siyang mapahiya ito. Okay nang maalipusta siya. Sanay na
siyang maliitin ng mga mayayaman dahil mahirap lang siya. Ang iniiwasan niya lang
mangyari ay pati ang asawa niya, maliitin din.

Ngunit sa itsura ng sopistikada niyang misis, kahit presidente, mahihiyang kutyain


ito.

Napangiti siyang talaga sa naisip. Kayang kayang irapan at tarayan ni Sapphire


kahit ang pangulo pa ng America. Astigin, eh!

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"


Umiling lang siya at dinala ang kamay nito sa labi niya. "Sasama na 'ko. Para wala
na tayong away." Bahala na lang kung anong mangyayari sa sosyal na reunion party.
"Pero huwag ka na magpagawa pa ng damit sa mga sikat na mananahi. Huwag ka ng
gumastos ng malaki. Itabi mo ang pera mo para mayroon kang gagamitin kapag
kailangan na kailangan mo."

"Pero gusto kitang gastusan. I want you to be the most gorgeous guy on the party.
Gusto ko ikaw ang may pinakamagandang suit sa lahat. Tingin ko naman madadala mo
iyon."

Umiling siya. "Huwag na, Misis." Kahit naman anong ibihis sa kanya...ganoon lang
siya. Magsusumigaw pa rin na galing siya sa wala.

May mga sariling issues din si Johann sa buhay. Iyon iyong mga pinakatatago niya sa
sulok ng isip niya na hindi niya munang gustong ibahagi sa asawa. Iyon iyong mga
nangyari sa kanya na hindi niya kayang daanin sa biro.

"But--"

"Sapat na sa'king lagi kang nasa tabi ko sa gabing iyon." Pinisil niya ang baba
nito. "Ikaw ang pinakamagandang misis na maipagmamayabang ko."

Lumitaw na din sa wakas ang mga ngiti nito. "Don't make me that mad again,
alright?"

Yumuko siya at kinintilan ito ng halik sa mga labi. "Hindi na po." Maya-maya'y
napangisi siya. "So, puwede na ko sa ilalim ng kumot?"

She chuckled. "You can sleep here. But really, I'm not in the mood for sex."

Napakunot noo siya. "Para namang iyon lang ginagawa natin sa tuwing nasa kama
tayo."

"Iyon nga lang!"

"Ay, ganoon ba?" natatawang sabi niya.

"Hell, yeah!"

Hianpit niya ito at pinanggigilan ng halik ang buong mukha nito. "Kasi naman bakit
ang sarap sarap mo, mahal ko?"

Tawa ito ng tawa. Nakikiliti marahil sa mga halik niya. "Johann, stop..."
Paatras ito ng paatras sa loob ng kuwarto hanggang sa nakapasok na rin siya siya at
kabilis niyang na-lock ang pinto.

"Grabeng pagmamahal 'to! Nakakalunod," aniya pa habang pinagdiskitahan niya naman


ang mabango nitong leeg. "Bakit nakaka-adik ka? Bakit mo 'ko nababaliw ng ganito?"

Sapphire just kept on giggling like a kid. Maya-maya ay parehas na silang bumagsak
sa kama.At bumaba ang mga kamay niya sa hita at makinis nitong mga binti.

Napaungol si Sapphire. "Johann,no...ugh! Yes! Yes!"

Napangiti si Johann at nagpatuloy sa mga galawang gustung-gusto ng kanyang misis.


Ang mga sumunod na nangyari ay kailangan ng striktong patnubay ng magulang.
Masyadong SPG.

~o~o~o~

"MISTER! Mister!"

Umungol lang ang asawa niyang si Johann. "Natutulog pa. Balik ka na lang bukas..."
Half-awake na wika nito.

Hinampas niya ito sa balikat. Pero napakalawak ng ngiti ni Sapphire.


"Johann...mister ko, gising na..." she sweetly said.

Nagtalukbong ito ng kumot. Halatang antok na antok pa. Ang dami naman kasi nilang
ginawa kagabi.

"Johann! Hey, may sasabihin ako..."

Umungol na naman ito. "Kung tungkol iyan sa reunion party, the number you have
dialed is not yet in service."

Natawa siya at saka ito dinaganan. "Thank you sa dress na binili mo for me..."
Natutuwang sabi niya. Mas maaga siyang nagising kay Johann kanina kaya naisipan
niyang bumangon at maglinis na ng banyo.

Habang naglilinis siya ay may dumating na delivery man. May malaking package na
dumating mula sa pinakasikat at pinakamahal na fashion boutique. Nang binuksan niya
iyon ay isa iyong napakagandang red-orange backless chiffon dress. Parang kahapon
lang ay pinoproblema niya kay Johann na wala siyang mahanap na perfect dress para
sa reunion party na gaganapin three days from now.

Napag-usapan nila na hindi na magpapagawa at kulang na rin kasi sa oras kung


magpapatahi pa.
Kaya laking gulat niya nang dumating ang package kanina. At may kasamang letter na,

"Bagay na bagay 'to sa'yo, Sapphire. Unang kita ko pa lang nito, ikaw agad ang
naisip ko. I love you."

Kinilig siya dahil sinorpresa siya ng asawa! Hindi niya akalain na bibili ito ng
ganoong kamahal na damit para sa kanya. And she really love the dress!

"I really love it, Mister! I will look like a princess in the reunion party! And
you'll be my prince!"

Umungol na naman ito.

Tinanggal niya ang kumot na nakataklob sa ulo nito. Hinalikan niya ito sa mga labi.
Tuwang tuwa talaga siya dahil sa sorpresa ng asawa.

Napadilat ito at napangiti. "Ang aga-aga, Misis, gusto mo pa ng galawang-Johann?"


nakangising sabi nito sa namumungay na mga mata.

"I don't really mind. You deserved it. I really love your surprise."

Napahikab ito. "Ha?"

"Iyong dress? It was so beautiful! Alam mo na talaga kung anong taste ko sa mga
damit."

Kinusot-kusot nito ang mga mata. "Anong dress?"

"Iyong binili mo for me? I was really surprise! Oh, I love you!" At saka niya ito
hinalikan ulit.

Nilayo nito ang mga labi. "Anong sinasabi mo?" nagtatakang sabi nito habang
nagkukusot ng mga mata.

Napakunot-noo siya. "Get up," utos niya rito

Bumangon nga ito at nagsuot ng boxers. Mabilis niyang hinila ito palabas sa sala
nila.

"You bought that, right?" Sabay turo sa malking box kung saan nakalagay ang damit.
"Ano iyan?"

Binuksan niya ang box at kinuha ang damit. "Please tell me you bought this for me."

Tinignan iyon ni Johann. "Ganda niyan, ah!" Napahikab ulit ito. "Pero di kasi
sa'kin galing iyan. Sino ba bumili?"

Lalong nagtaka si Sapphire at kinabahan na siya. "What are you saying? May note
tong kasama. Here!" Sabay abot niya rito ng note.

Binasa nito iyon at lalong napakunot noo.

"Sa'yo galing iyan, di'ba?" pilit niya pa. Baka ginu-good time lang siya ng asawa.

"Misis, kapag sinulatan kita ng sweet na note, di kita tatawagin sa pangalan mo, at
imbes na 'I love you' ay 'mahal kita' ang sinasabi ko."

Yeah, right. Hindi niya napansin iyon. Bigla niyang nabitawan ang damit. "Kanino
galing ang damit?"

"Sa'yo ko dapat itanong. Sino 'tong lechugas na nag-a-I love you sa'yo?"

Sapphire felt a goose bumps. "Shit! I don't know! Wala naman akong kakilala na
maggaganyan sakin kundi ikaw."

"Hala. May stalker ka!" Pananakot pa nito.

"Johann!"

"Baka sa Mommy mo 'to galing."

Mabilis na tinawagan ni Sapphire ang ina. Pero wala daw itong pinapadalang damit
para sa kanya.

"It's creeping the hell out of me!" bulalas niya nang lahat na ng kakilala at mga
pinsan niya ay natawagan niya na pero wala talagang alam ang mga ito.

"Tawagan natin yung courier," sabi ni Johann. "Ibalik na lang natin 'to."

Napalunok siya. Gustung gusto niya talaga ang damit, but the fact that they don't
know where the hell the dress came from, nawalan ng appeal sa kanya ang damit.
Mabilis na tinawagan ni Johann ang courier at gumawa na lang ng dahilan para ma-i-
return address na lang ang package.

Maya-maya dumating ulit ang delivery man.

"Pare, may alam ka ba o impormasyon sa nagpadala?" kausap ni Johann rito.

"Nako, sir, wala po, eh."

"Kahit initials ng pangalan?"

Sandaling may tinignan ang delivery man sa hawak niyong clipboard.

"D.S. po."

Nagkatinginan sila ni Johann. "May kakilala kang D.S.?"

Mabilis siyang umiling.

Napakamot sa ulo si Johann at saka hinayaan na nitong umalis ang delivery man dala
ang damit.

"D. S. Hmm..." sambit nito habang sinasara nito ang gate. "Baka naman manliligaw mo
iyon, Misis, na binasted mo dahil 'man-hater' ka."

"Wala akong kakilalang D. S., alright?"

Inakbayan siya nito. "Hayaan na natin. Kapag nagpadala ulit, pa-report natin. D.
S.? Hmm. Kung kilala ka lang niya, iisipin ko si Sir Darwin Santiago nagpadala
sa'yo, eh" biro nito.

"Bakit naman ako papadalhan ng masungit na professor na iyon nang damit?"

"Kaya nga. Ka-initials niya kasi." Napailing-iling ito. "Halika na, kain na tayo ng
agahan. Huwag mo na isipin iyon. Ha?"

Tumango na lang siya. Although, she can still feel the creeps. Pero, kahit anong
gawin niyang pag-iisip, wala talaga siyang kilala na may D at S na initials. At
nag-I love you pa?

Crazy!
"Okay, Misis! Anong gusto mong breakfast? Hotdog o ako?"

"Gago ka talaga!" singhal niya pero natatawa na lang sa kalokohan ng mister niya.

As always, Johann swept away all her worries. Bahala na ang D. S. na iyon kung sino
man iyon.

=================

Chapter Thirty-One

CHAPTER THIRTY-ONE

ANG pamomorblema ni Sapphire ng damit sa darating na highschool reunion party ay


sandaling nawala dahil naurong ang petsa ng party sa susunod pang buwan. Hindi niya
alam kung bakit na-move, basta pinadalhan lang siya ng email ng dati niyang ka-
klase para ipaalam ang pagbabago ng date.

Eksakto naman na October na by next month kaya semestral break na. At


kapag semestral break, hindi na masyado busy ang asawa niyang si Johann. Kaya nga
marami na silang places na pupuntahan by next month. Naka-book na ang lahat ng
tickets nila para sa travel na kailangan niyang gawin for her blog.

“I think my schedule is full,” sabi niya sa sarili habang nakatingin sa


planner ng IPad niya. Halos napuno ang buong October niya at mayroon na ring
schedule agad ang first and second week ng November niya.

Napangiti si Sapphire. Na-miss niya ang ganoong pakiramdam. Iyong laging may dapat
puntahan at gawin. Na-stress na rin kasi siya sa pag-aasikaso ng pinapatayong
bookstore niya. Although she’s excited about it and having fun preparing the stuff,
hindi pa rin maiwasang ma-stress siya sa dami ng kailangang pirmahan, ibilin sa
sekretarya niya, sa pakikipag-usap sa mga engineer at architect, sa mga publishing
companies, sa supplier ng mga kung anu-anong dapat na tinitinda sa bookstore, etc
etc...

Kaya naman sabik na siyang magliwaliw. And this time, hindi na siya mag-isa. She’ll
be with her husband. Naiisip niya pa lang na kasama niya si Johann habang nagta-
travel, siguradong masaya na. There will never be a boring time with him, she’s
sure of that.

“Tao po!”

Napalingon si Sapphire sa may binata nang marinig ang pagkatok sa gate sa labas.
Napatayo siya mula sa sofa at saka lumabas ng bahay.
“Magandang hapon, Ma’am! Delivery lang po para kay Mrs. Sapphire Anderson.”

Napataas siya ng kilay. Binuksan niya ang gate. “Ano ba? Noong isang linggo pa
iyan, ah?” pagtataray niya na sa inosenteng delivery man na araw-araw na yata
nakikita.

Naiinis na talaga siya. Mula nang maka-receive siya ng isang package na naglalaman
ng magandang gown mula sa unknown sender ay nagsunud-sunod na iyon.

Napakamot sa ulo ang delivery man. “Ma’am pasensya na po talaga. Tagapadala lang po
kasi ako. Saka po kasi kapag nagche-check naman po kami ng ipinapadala sa inyo,
safe naman po iyong mga gamit. Kaya po pinapadala pa rin namin dahil hindi niyo
naman po ikapapahamak.”

Humalukipkip siya. “Eh, I don’t know nga who’s the sender. Anong hindi
ikapapahamak? It’s creepy and annoying!”

Nang ibinalik nila ni Johann ang unang package ay natanggap niya lang ulit iyon
nang sumunod na araw. Pero hindi niya na ipinaalam kay Johann iyon lalo na at ibang
note naman ang kasama ng package. The note says:

“Please, Sapphire. Keep this, hija. It’s for you. This dress is only meant for
you.”

Hija? So, most probably, matanda ang nagpadala. Pero sino? Hindi ang Mommy niya,
sigurado siya. Lalong hindi naman ang yumao niyang Lola! Ngunit base sa note na
kalakip ay parang kilala talaga siya ng nagpadala.

Pagkatapos ng unang package na pinadal sa kanya ay nasundan naman iyon ng ilang


pares ng sandals, shoes, flipflops, and heels. Parang pinasadya ang mga iyon para
sa kanya dahil talagang nakaburda o naka-print ang pangalan niyang ‘Sapphire
Danaya’ roon. Ibinalik niya rin iyon pero bumalik lang rin ulit sa kanya. The third
package was a set of her favorite branded handkerchiefs. Hindi niya na sinauli iyon
at tinanggap na lang ngunit hindi niya pinaalam kay Johann iyon.

Lahat nang natatanggap niya ay itinatago niya sa kuwarto niya sa mansyon ng Lola
niya. Limang araw niya nang ginagawa iyon at kung tatanggapin niya ang padala
ngayon ay pang-anim na iyon.

“Puwede bang sa susunod na magpadala iyang ‘D.S.’ na iyan ng package para sa’kin,
harangan niyo na?” Pinirmahan niya na ang dapat pirmahan.

Napakamot sa ulo ang kausap niya. “Eh, sige po. Sasabihin ko na lang po sa
opisina.” Isang may di-masyadong kalakihang box ang inabot nito sa kanya at mabigat
iyon.
Pagkapasok niya ng bahay ay hindi niya na binigyang pansin na buksan pa iyon.
Tinawagan niya agad ang driver sa mansyon at inutusan ulit ito na pumunta sa
bungalow para kunin ang regalo.

“Be here after thirty minutes,” striktong bilin niya sa driver. “Baka maabutan pa
‘to ng asawa ko, alright?” tukoy niya sa package. Maliit lang ang bahay at wala
talaga siyang pagtataguan roon.

“Opo, señorita.”

Pagkababa niya ng phone ay umupo na lang ulit siya sa sofa at saka pinagpatuloy ang
pag-o-organize ng schedule niya sa IPad. But hell, she’s distracted by the box!
Patingin-tingin siya roon. Nangangati ang mga kamay niyang buksan iyon at tignan
kung may note ba sa loob.

Sa mga nakalipas na notes na kalakip ng mga packages, she can sense no harm with
whoever that D.S. is. Parang genuine naman ang intensyon niyon na magbigay ng mga
bagay sa kanya. At aaminin niya, kahit ang creepy, gusto niya ang mga pinapadala sa
kanya. Pasok sa taste niya ang mga gamit. Like the gown, the shoes, the
handkerchiefs, the books...

Napatingin na naman siya sa bagong box. Ano naman kaya ang laman niyon ngayon?

Tinapik-tapik niya ang mga daliri sa center table. Nangalumbaba rin siya habang
nakatingin sa box. Bubuksan niya ba o hindi?

After half an hour pa darating ang driver, so... should she open it?

“Ugh! Whatever!” Tumayo na siya at pinatong ang box sa ibabaw ng center table. When
she was about to cut the tape, at saka naman niya narinig ang busina ng kotse ni
Johann.

Nanlaki ang mga mata niya. “What the--?!” Nataranta siya bigla. Alas tres pa lang!
Bakit ang aga yatang umuwi ni Johann?

Narinig niya ang mabilis na pagbukas ng gate.

Uh-oh! Saan niya itatago ang box?! Nagpalinga-linga siya.

“Misis? Misis?” pagkatok na ni Johann sa pinto.

“Oh, shoot!” mahinang bulalas niya at saka tumakbo sa kusina. Binuksan niya ang
cabinet sa ilalim ng lababo at saka isiniksik doon ang box kasama ng mga
pesticides, muriatic acid, at kung anu-ano pang chemicals na panglinis.
“Sapphire?” katok ulit ni Johann.

“W-Wait lang, baby!” Baby?! Sa sobrang taranta niya, kung ano na natatawag niya sa
asawa. Tumakbo na ulit siya sa pintuan. Buti na lang at maliit ang bahay. Mabilis
niyang naabot ang doorknob. Huminga siya ng malalim.

Pagbukas niya ng pinto ay nakapaskil na ang ngiti sa mga labi niya. “Hi! You’re
early!”

Tinitigan siya ng mataman ni Johann at napakunot-noo nito. “Anong tawag mo sa’kin


kanina? Baby?”

She chuckled. “Lambing lang iyon.” Napalunok siya. “S-Sorry natagalan ako sa
pagbukas ng pinto.”

“Naglalaba ka ba?” tanong ni Johann. Hinubad nito ang sapatos at saka pumasok sa
loob ng bahay.

“Ah, galing ako sa loob ng banyo. You know, nag-number two,” palusot niya.

“Ah! Naabala ba kita? Pasensya na, Misis. Nakalimutan ko kasi dalhin iyong susi ng
pinto.”

“Buti nga nakalimutan mo,” nabulong niya sa sarili. Paano na lang kung may susi rin
ito? Edi nakita nito ang package.

“Ha?” Napalingon ito sa kanya.

Napapitlag siya. “H-Ha? Ah, w-wala. S-sabi ko, okay lang. Tapos na rin naman ako.”

“Ah...naabala kita sa paghuhugas ng puwet? Sorry, Misis! Mukha ka ngang nagmadali.


Nasabon mo ba ng maayos kamay mo? Paamoy nga—”

Pabirong bintukan niya na ito nang iangat nito ang kamay niya para amuyin. “You’re
so eww talaga.”

Natawa ito. “Uy, ayaw ipaamoy. Nakalimutan mo sabunin?”

“Yuck! Of course not!” She crossed her arms. “Bakit pala napaaga uwi mo? Akala ko
may faculty meeting pa kayo?”

“Meron nga. Umuwi lang ako sandali para kunin iyong naiwan kong papers sa kuwarto.
Babalik din ako ng campus agad,” anito at saka dumiresto na sa kuwarto nila.
Medyo nakahinga ng maluwag si Sapphire. Aalis naman pala ito agad. Hindi nito
maaabutan kapag dumating na ang driver nila.

“Bakit pala hindi ka na lang tumawag sa’kin para ako na lang ang nagdala sa’yo?”
tanong niya habang sumunod siya rito sa loob ng kuwarto.

“Eh, kasi wala ka namang kotse. Ayokong mag-commute ka. Ayokong mapagod ka pa.” May
hinugot itong mga folder mula sa filebox nito na nasa ilalim ng study table.
Binuklat-buklat nito ang mga folder. “At saka...”

“At saka?” She stomped her feet lightly over and over. Sana umalis na agad ito.
Baka biglang dumating naman ang driver sa mansyon at hindi niya alam kung anong
ipapalusot kay Johann kapag nag-abot ang mga ito.

Dahan-dahang lumapit sa kanya si Johann at saka pinulupot ang mga braso nito sa
baywang niya. “Dito kasi may time pa ‘ko landiin ka,” nakangising sabi nito sabay
halik sa leeg niya. “Mmm! Bango! Amoy pawis!”

She giggled when his kiss tickled her neck. “Amoy pawis ka diyan! I smell so nice
kaya. Maganda iyong soap na ginamit ko. Galing pa ng Europe.” Marahan niya itong
tinulak. “Balik ka na ng school,” taboy niya rito.

“Tsk. Parang nagbago na isip ko. Parang ayoko na bumalik,” tinatamad na sabi nito
at saka niya naramdaman ang mga labi nito sa balikat niya.

Natatawang lumayo siya rito. “Mas importante trabaho.”

“Mas importante ka.” Hinigit siya ulit nito at marahang kinagat-kagat ang kanyang
labi.

Magpapadala pa sana si Sapphire sa kaharutan ni Johann pero dahil may inaalala


siya, kailangan niya na talagang mataboy ito.

“Mister...” ungol niya saka mas lumayo rito. “You need to go na talaga. Mamayang
gabi na lang, alright?”

“Bakit ba pinapaalis mo na ‘ko? May natira pa ba sa tiyan mo? Kailangan mo pa bang


ilabas?” biro nito.

Aha! “A-Actually, yes...” Humawak pa siya sa may tiyan niya at umarteng masakit
iyon. “F-Feling ko talaga mayroon pa ‘kong kailangang ilabas, Mister. Ikaw kasi
bigla kang dumating at kumatok. Nawala tuloy ang concentration ko...”

Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Ganoon ba? Pasensya na, ah? Hindi ko naisip
na baka nga nagsi-CR ka kapag biglang dumating ako. Next time, magdadala na ‘ko ng
susi para hindi kita maabala sa concentration mo sa trono. Sige na, bumalik ka na
sa banyo. Aalis na rin ako ngayon.”

Napangiti siya at saka ito mabilis na hinalikan sa labi. “Okay. Take care, Mister!”
Pagkuwa’y tumakbo siya papunta sa loob ng banyo para magmukhang nagmamadali talaga
siya.

Pagkasara niya ng pinto ay ni-lock niya iyon at saka tinapat ang tainga sa pinto.
Naririnig niya pa ang kaluskos ni Johann. She heard his footsteps coming toward the
comfort room.

Kinatok nito ang pinto. “Alis na ‘ko, Misis. Ilabas mo na lahat ng sama ng loob
diyan, ha? Pagbalik ko, alam mo na!”

Lumayo siya sa pinto at tumawa. “You’re so naughty! Sige na, umalis ka na. Hintayin
na lang kita mamaya.”

“O, sige. Me loves you! Mwah-mwah tsup-tsup!”

“Gay!”

Narinig niyang tatawa-tawa ito habang papalayo. Dinikit niya ulit ang tainga sa
pinto at saka niya narinig ang pagsara ng pinto ng bahay. Mabilis niyang binuksan
ang pinto ng banyo at lumabas doon. Tumakbo siya papunta sa sala at sumilipsa
bintana.

Kakasara pa lang ng gate ni Johann. Maya-maya ay narinig niya na ang papalayo


nitong sasakyan.

Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman sa gusto niyang ilihim ang pagtanggap niya
sa mga pinapadala ng isang mystery sender. Pero nararamdaman ni Sapphire na
kailangan lang niya tanggapin ang mga iyon ngunit kung alam ni Johann, siguradong
pagbabawalan lang siya ng asawa.

Nilabas niya na ulit ang tinagong package. A moment later on dumating na ang driver
galing ng mansyon.

“Make sure to put this on my room, alright? Utusan niyo ang ibang maids to safely
put this on my closet and keep it locked. Understand?” bilin niya pagkaabot niya
rito ng box.

Tumango ang matandang driver. “Opo, señorita. At bawal din po ito makita ng
Señora?” tukoy nito sa Mommy niya.

“Yes, exactly.” Kumuha siya ng tatlong libo sa wallet niya at saka ibinigay rito.
“Ayan po. Pandagdag baon na sa mga anak niyo.”

“Nako, Señorita, huwag na po. Parte naman po ng trabaho ko na sumunod sa mga utos
niyo. Nababayaran naman po ako tuwing sahod—”

“Accept that, Mang Willy, alright?” Nginitian niya pa ang matandang driver.

Nanlaki ang mga mata nito. Hindi kasi ito sanay na hindi niya napagmamalditahan.
Well, she changed. Bilin sa kanya ni Johann, kapag nagbibigay siya o nagse-share ng
blessings dapat nakangiti siya. Para daw maramdaman ng tao ang sincerity ng
paghahandog niya.

“Sigurado po kayo, Señorita?”

Tumango siya. “Sige na po.” Pagkakuha ng matanda sa ibinigay niyang pera ay


nagpasalamat ulit ito ng marami bago umalis.

Bumalik na siya sa loob ng gate at nang akmang isasara niya na iyon ay may brasong
pumigil niyon.

Nanlaki ang mga mata ni Sapphire nang makita si Johann! What the heck?! Nakaalis na
ito kanina, ah?

“Gulat ka ‘no?” anito at saka pumasok sa loob.

“N-Nakaalis ka na kanina, ah... B-Bakit nandito ka ulit?” naguguluhang tanong niya.

Napaatras si Sapphire nang lumapit ito sa kanya. Nakatalikod na sinara nito ang
gate. “Tumirik iyong sasakyan ko sa kabilang kanto, eh. Palabas na ‘ko ng
subdivision sana.”

“Oh.” Nagpakura-kurap siya. “Iniwan mo iyong kotse mo doon?”

“Oo. Pinabantayan ko muna. Ayaw kasi gumana ng makina kahit anong tulak ng mga
tumulong sa’kin.”

“Ah, okay.” Sapphire composed herself. Base sa pagsasalita ni Johann, mukhang di


naman nito naabutan si Mang Willy. She’ll try to focus their conversation in his
old car. “Sabi ko naman kasi sa’yo, Mister, eh. You must buy a new car already.”

Napasimangot ito. “Unang kotse ko iyon, Misis. Hindi madaling palitan ang mga
nauna! Hindi ganoon kadaling basta na lang balewalain ang unang minahal. Mabilis
silang palitan kapag may pampalit, pero sa puso, hindi!” Napangisi ito. “Ha! Hugot
iyon!”
She rolled her eyes. “Bakit mabilis ka namang naka-move on kay Czarina?”

“Ay. Ibang usapan naman iyon.”

“Paanong naiba?”

“Involved ka, eh.”

“So?”

Ngumiti ito. “Laging may excemption kapag ikaw.” Inakbayan siya nito. “Ibalik natin
ang usapan sa kotse ko. Hayun nga, tumirik. Babalikan ko na lang. Pero,” Binigay
nito sa kanya ang susi ng kotse. “Mamaya pumunta ko doon at tignan mo kung mag-sta-
start. Minsan kasi ganoon lang ang kotse ko. Totopakin sandali pero pagkatapos ng
ilang oras, back to normal. Parang ikaw.”

Tinulak niya ang mukha nito at tawa naman ito ng tawa.

“Basta, ah? Umuwi ako ulit para ibilin talaga sa’yo iyong kotse. Iuwi mo rito kapag
gumana.”

“Pahila na lang natin sa tow truck.”

“Huwag. Baka magasgasan pa iyon. Ingatan mo rin iyang susi. Wala akong spare key,”
bilin pa nito.

Mahal na mahal talaga ni Johann ang sasakyan nito na Toyota Vios 2007. Kahit bulok
na ang model ay hindi nito nile-let go. “Fine, fine. Iyon lang ba?”

“Ahm, naka-pupu ka na ulit?”

“Ha? Ah, oo. Yeah, yeah I did.”

“Good. Wala ka nang dinaramdam na sama ng loob diyan?”

Umiling siya. “Nada.” Hinawakan niya ito sa kamay. “Puwede mo na ngang ituloy ang
ginagawa mo kanina, eh. Hmm.” Lumapit pa siya rito at hinalikan ito sa leeg.

He chuckled. “Kundi lang ako male-late sa meeting...” Humawak ito sa baywang niya.
“Mamaya na lang, ha?”

She pouted her lips. “Sabi mo kanina, mas importante ako?” Bumaba ang mga kamay
niya sa puson nito.

Napapikit ito at pinigilan ang kamay niya. “O, tukso... layuan mo ako. Kailangan ko
pumunta sa faculty meeting.”

“Kanina, gustung-gusto mo. Ngayon, ayaw mo na.”

“Mayroon pa kasi akong kotse kanina. Ngayon, magko-commute na lang ako. Baka hindi
pa ‘ko agad makasakay.” Tinaas nito ang kamay niya at hinalikan. “Bawi ako mamaya,”
sabay kindat nito sa kanya.

“Alright. Sige na. Ako na bahala sa kotse mo.”

“Sige. Pero may pag-uusapan din tayo mamaya.”

Kumunot ang noo niya. “Tungkol saan?”

“Bakit nandito ang driver mo kanina?”

Mahinang napasinghap si Sapphire at napakurap. Damn! “M-May inutos lang ako.”

“Ano iyong box na binigay mo sa kanya?” seryosong tanong nito.

Nakita nito iyon?!

“I-It’s just some stuff na...luma...and...ahm,” Iniwas niya ang tingin rito.
“Inutos ko na ilagay na lang sa kuwarto ko sa mansyon para hindi dagdag kalat sa
kuwarto natin,” naisip niyang palusot.

Johann held her chin up. “Misis...” malambing na sabi nito. “Bakit ka
nagsisinungaling sa’kin?”

“Hindi nam—”

“Ayokong humahalik sa labing sinungaling.”

“I-I’m not lying!” tanggi niya pa. Pero sa loob-loob niya ay napapangiwi na lang
siya.

“May nagtanong sa’kin na kapitbahay. Bakit daw napapansin nila, araw-araw may
magarang kotse na dumadaan dito sa bahay natin? Nakakantiyawan pa nga ako na may
bago na daw akong kotse.”
Napangiwi na talaga siya. Close nga pala si Johann sa mga kapitbahay nila. So, more
on napapansin nga ng mga it sa tuwing pinapadaan niya doon si Mang Willy para kunin
ang mga package na natatanggap niya araw-araw.

“Okay, kotse nga iyon sa mansyon. May inuutos ako kay Mang Willy araw-araw.”

“Anong inuutos mo?”

“B-Basta. Ano...tungkol sa bookstore...”

Napailing-iling si Johann habang pumapalatak. Napatingin ito sa orasan. “Kailangan


ko nang umalis. Mag-usap tayo mamaya. Habang wala ako, mag-isip ka pa ng magandang
palusot, ha? Galingan mo. Dapat mapaniwala mo ‘ko mamaya.”

Napalabi siya. “Johann naman, eh.”

Mabilis nitong hinalikan ang mga labi niya.

“Akala ko ba hindi ka nanghahalik ng labing sinungaling?”

“Excemption ka nga lagi, ano ba?” Napangisi si Johann. “At tignan mo, ikaw na mismo
nagkumpirma na nagsisinungaling ka nga.”

Aw, shit! Inirapan niya lang ang asawa. “Bahala ka. Isipin mo ang gusto mong
isipin.” Nagmartsa na siya papasok ng bahay.

“Sinungaling na, nag-walk out pa?” pang-aasar ni Johann.

“Damn you!”

“I love you, too!”

Pagkaalis ni Johann ay naiinis na binalibag pasara ni Sapphire ang pinto. Umupo


siya sa sofa na nakabusangot ang mukha.

Naiinis siya hindi dahil sa pang-aasar ng asawa sa kanya. Naiinis siya sa sarili
niya dahil nahuli siya ni Johann na nagsisinungaling rito. Mas naiinis siya dahil
kahit nagbibiro-biro pa si Johann, alam niyang medyo disappointed ito sa kanya
dahil nagtatago na naman siya rito.

Kailan ba naging magandang makahuli ng taong nagsisinungaling? Argh!


~o~o~o~

PAGKAKITA pa lang ni Sapphire kay Johann na palabas ng Math building ay agad siyang
tumayo mula sa kinauupuang bench at sinalubong ang asawa.

“Hi!” nakangiting bati niya rito.

“Uy!” gulat na sambit nito nang basta na lang siya lumitaw sa harap
nito. “Misis!”

She sweetly smiled at him and kissed his lips. “I have good news. Ayos
na ang kotse mo. Hindi ako tumirik on my way here.”

Tumaas-baba ang tingin nito sa kanya. Halatang nagtataka kung bakit


siya nakasuot ng classy pastel dress. Kinulot niya rin ang dulo ng kanyang mahabang
buhok at nag-apply ng make-up. “Naka-ayos ka, ah. Saan ang fashion show?”

Tumawa siya at kinuha ang kamay nito. “Gusto kong kumain sa labas, eh.
Kaya sinundo kita, Mister.”

Hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya. “Hmm.”

“Anong ‘hmm’?” tanong niya habang naglalakad na sila papunta sa parking


lot.

“Saan naman tayo kakain?”

“Italianni’s.”

“Wow. Pumili ka pa ng magandang venue para sa pag-uusapan natin, ha?


Nakaisip ka na ba ng mas magandang palusot? Kabisado mo na ba script mo?” pang-
aasar nito.

She pouted her lips. “You’re so annoying. I really wanted to have a


dinner date with you.” Malambing pa siyang sumandig sa balikat nito. “We don’t
often go out. Kaya naisip ko, gusto ko mag-date tayo.”

“Utot mo.”

Malakas na hinampas niya ito sa dibdib. “Nahihirapan na nga akong


magpaka-sweet, eh! Maki-cooperate ka naman!” naiinis niya nang sabi rito.
Nakuha pa nitong tumawa at huminto sila sa paglalakad nang nasa tapat
na sila ng kotse nito.

Hinarap siya nito at hinawakan sa magkabilang pisngi. Parang nanggigil


na pinagkiskis nito ang mga tungki ng ilong nila. “Kasi naman, Misis ko, aamin ka
lang naman. Hindi mo na kailangang magpaka-sweet at may paaya-aya ka pa sa labas.”

“Pero gusto ko naman talaga na mag-date tayo ngayon, Johann,” she


sincerely said. Sinalubong niya ang mga mata nito. “Libre ko naman, eh.”

Kinuha nito ang susi ng kotse mula sa kanya. “Wala namang kaso na sa
labas tayo maghapunan. Gusto ko lang makasiguro na hindi mo ‘to ginagawa para lang
makalimutan ko saglit iyong usapan natin kaninang hapon. Hindi naman siguro ‘to
suhol sa caught-in-the-act lying mo?”

Pinagbuksan siya nito ng pinto sa front seat. “Ahm, slight?”

Natawa ito. “Ay, magaling na babae.” Sinara nito pinto at saka mabilis na sumakay
ng driver seat. Ini-start nito ang makina ng kotse pagkatapos ay nagmaneho na.

“Johann.”

“Bakit?”

Huminga siya ng malalim at napayuko. “Ayoko naman kasing magsinungaling sa’yo, eh.
Sana wala ka doon para hindi mo ‘ko nahuli, and I don’t have to lie.”

“Ako pa may kasalanan? Sorry, ah?” sarkastikong wika nito.

Na-realize ni Sapphire na mali ang sinabi niya. Natawa tuloy siya. “No, mali pala.
It’s not what I mean. Basta, ayoko namang magsinungaling talaga sa’yo. May mga
bagay lang talaga na...I want to keep for myself first. I have secrets of my own.
And to be able to protect that, I have to lie para hindi mo malaman.”

Hindi nagsalita si Johann ng matagal. Mukhang ina-analyze nito ang mga sinabi niya.
Hinintay ni Sapphire ang sagot nito ngunit parang ang buong atensyon nito ay nasa
harap lang ng kalsada.

“Mister?”

“Wala akong maisip na punchline.”

“What the hell? Hindi ko kailangan ng funny punchlines mo ngayon.”


Tumahimik na naman. Nainip na si Sapphire.

“Nag-iisip ka pa rin ng punchline? Ano ba—”

“Alam kong nasabi ko na sa’yo noon na kahit pa mag-asawa na tayo, gagalangin pa rin
natin ang privacy ng bawat isa. Dahil isang sign iyon ng pagtitiwala,” seryosong
sabi nito habang nililiko ang kotse palabas ng EDSA.

Totoo naman iyon. Wala silang pakialaman ni Johann sa kanya-kanyang cellphones,


laptops, at kung ano pang personal gadgets nila. Hindi rin nila alam ang password
ng isa’t isa sa mga social accounts na mayroon sila. Sabi ng asawa niya, maganda
daw na napa-practice pa rin ang privacy ng bawat isa para hindi nakakasakal.

“Pero ngayong nalaman ko na may nililihim ka, gusto kong malaman iyon,” patuloy
nito.

“Bakit? Don’t you trust me?”

Napasulyap ito sa kanya. “Trust agad? Hindi ba puwedeng curious lang ako, ‘teh?”

Lumabi siya. “Sasabihin ko rin naman sa’yo sa tamang oras.” Basta kapag tapos niya
nang paimbestigahan kung sino ang mga nagpapadala sa kanya ng package ay saka niya
sasabihin ang lahat rito.

“Baka ikaw ang hindi nagtitiwala sa’kin,” biglang sabi nito.

“Huh?”

“Am I not trustworthy enough for you to share that secret to me?”

Hinawakan niya ito sa braso. “It’s not that, Mister. Some secrets are not shared
not because you don’t trust someone to hide it, too. You just have to keep it to
yourself for a while.”

“Alright.” Napabuntong-hininga ito. “But really, curiousity is killing me.”

“You’re the one who needs to trust me, then. Afterall, whatever secret am I hiding
for now won’t harm our marriage.”

“Won’t it harm you too?”

“I think so, yeah.” Nagkibit-balikat siya. “I’m sorry for lying earlier. I don’t
want to lie to you, believe me.”
Tumango ito. “I’m just mocking you. You looked so pretty when you lie.”

Napangiti siya. “So, I’ll just lie, then?”

“Nah. You’re much gorgeous when that delicious mouth speaks the truth,” he
smilingly said.

“Okay... So, next time, if I have a secret, I’ll just tell you it’s a secret when
you caught me again.”

“Uh-huh,” tango nito. “Don’t make a lie just to cover it. I’ll understand all the
secrets you are keeping as longs as it won’t put you in any danger.” Inabot nito
ang kamay niya at hinalikan iyon.

Kiniling ni Sapphire ang ulo. May napansin kasi siya. “Mister, bakit nag-i-English
ka?”

“Tinamad ako mag-Tagalog.”

She laughed. “May ganoon ba?”

“Oo. Pero, ginanahan na ulit ako mag-Tagalog. Ubos na baon kong English! Nasimot!”
natatawang sabi nito.

“You sound hot and handsome when you speak in English kaya.” Hinalikan niya ito sa
leeg.

Napangisi ito at tumingin sa kanya nang huminto ang kotse dahil sa traffic. “So
next time, magdi-dirty talk ako ng English sa susunod na ‘Kumot Escapade’ natin?”

Nag-init ang buong mukha ni Sapphire. “Johann!”

Humaglapak ito ng tawa. “O, ano? Mas maganda Tagalog! Mas hard!”

Natawa na lang rin siya pero nag-iinit pa rin ang mga pisngi. Johann can be really
naughty!

Nito na lang nila nasubukan na dagdagan ng “dirty talks” ang kanilang “Kumot
Escapades” as Johann labeled it. Well, she must admit, mas nakaka-turn on kasi. Mas
may thrill.

“Pero, Misis, huwag ka na talaga magsisinungaling, maliwanag? Kahit sa ibang tao.


Liars go to hell.” Hinaplos nito ang mga labi niya at tumingin sa kanya ng mataman.
“Ayokong mapunta ka sa impiyerno. Wala kang poging mister doon, sige ka.”

“Hindi mo ‘ko sasamahan doon?”

“Mainit doon, eh. Baka mas maging hot kapag nandoon na ‘ko.”

“Ewan ko sa’yo!” natatawang batok niya rito.

“Iyang secret mo, hihintayin ko hanggang sa ready ka nang i-share sa’kin. Basta,
hindi mo ikapapahamak, ah?”

“I promise,” she smilingly swore to him. Ugh! She was loving Johann more for
respecting her decision.

Umusad na ang traffic. “Okay! Maliwanag na lahat. Puwede mo na ‘ko ulit landiin.”

Sapphire laughed. Lumungkis siya sa braso nito. “Let’s go home na lang,


what do you think?”

Kumislap ang mga mata nito. “Under the kumot?”

“Under the kumot.”

“Masaya iyan!” At saka nito niliko ang kotse pauwi sa bahay nila.

~o~o~o~

“NANINIWALA ako sa kasabihang ‘Ang mag-asawang nagsasama ng tapat, may forever’.”

Napa-faceplam si Sapphire sa isa na namang “quotable quote” mula sa


asawa. “Mister, ano ba naman iyang sayings mo? Puwede bang lagyan mo ng rhyme?”

Sumimsim ito ng kape. “Ha? Dapat ba nagra-rhyme?” he playfully said.

She rolled her eyes and drunk her glass of milk.


“Pero aminin mo, natawa ka doon.”

“Whatever,” natatawang sabi niya. Humiwa siya ng pancake at sumubo ng


sliced strawberry. “Tapusin na natin ‘tong breakfast natin para makapasok ka na.”

“Sandali. Ine-enjoy ko pa ‘tong pancake ko. May cream cheese pa at


strawberry. Talaga naman kayong mga sosyal! Mantikilya at asukal lang, masarap na
‘to, eh.”

Kasalukuyan silang nasa isang sikat na café at kumakain ng agahan.


Since hindi sila natuloy sa dinner date nila kagabi, nag “breakfast date” na lang
sila ngayon.

“Ngayon ka lang ba nakakain niyan?”

“Hindi naman. Amazed lang talaga ako sa mga kaartehan ng mga


mayayaman.” Sumubo ito ng pancake.

“You know, dapat masanay ka na rin sa mga ganyan. More or less, aaraw-
arawin na natin na kumain sa mga fancy places like this.”

Kumunot ang noo nito. “Bakit naman?” tanong nito habang ngumunguya.

“Para nga masanay ka. Practice na rin so you can memorize the spoons,
forks, and knives used it fine dining. Sigurado kasi pagdating ng reunion, ganoon
ang set up ng table.”

Nagkibit-balikat ito at nagtuluy-tuloy sa pagkain.

“Mister, huwag mo kong ipapahiya sa mga batchmates ko pagdating ng


reunion, ah? Para rin naman sa’ting dalawa iyon. Leave your carefree manners muna
sa bahay kapag um-attend tayo ng party next month,” diretsang sabi niya rito.
“Dapat iyong dating mo parang si Reeve or like your cousins. Classy, handsome,
intimidating, intelligent... ganoon.”

Tumango lang si Johann at wala nang sinabi. Inabot nito ang isang
diyaryo at binuklat-buklat iyon.

“Bakit natahimik ka?” tanong niya rito.

“Wala naman,” iling nito. “Pinag-iisipan ko kung paanong hindi maging


‘ako’ kapag dumating iyang reunion party niyo.”

“You’re doing that, again.”


“Ang alin?” kunot-noong tanong nito.

“Belittling yourself.”

Napasandal ito sa kina-uupuan. “Maliwanag naman sa’kin na hindi ko


puwedeng dalhin ang pag-uugaling kong ‘to kapag sinamahan kita sa party,”
mahinahong sabi nito at saka ngumiti. “Huwag ka mag-alala, kakayanin kong
magmukhang hari para sa reyna ko.”

Inabot niya ang kamay nito na nasa ibabaw ng lamesa. “Thank you,
Mister. But you’re really a king to me naman, eh. It’s just that, you know, we need
to impress the people more.”

Tinignan siya nito nang matagal bago niya naramdaman ang pagpisil nito
sa kamay niyang nakahawak rito. “Papasok na ‘ko. May klase ako ng alas-otso. Pero
ihahatid muna kita sa bahay.” Binitiwan nito ang kamay niya. Kinuha nito ang
sariling wallet, binigay iyon sa kanya at saka tumayo. “Ikaw na magbayad. Una na
‘ko sa kotse.”

Nalaglag ang mga balikat ni Sapphire. Hindi mapagkakailang, issue pa


rin sa kanilang mag-asawa ang tungkol sa pag-a-adjust nito sa mundo niya kahit
isang gabi lang naman iyon.

Nagtuluy-tuloy na si Johann palabas habang siya ay nagbayad na ng


pinagkainan nila. Kailangan pa talaga nilang mas mag-usap ng asawa niya tungkol sa
gagawin nitong adjustments.

Hindi naman niya kasi alam kung ayos lang ba talaga kay Johann na
sumama na sa kanya sa party o pinipilit lang nito na maging “okay” para hindi na
sila magtalo pa.

Naglalakad na siya palabas ng restaurant papunta sa kotse ni Johann


nang may tumawag sa kanya.

“Sapphire Monteverde?”

Napalingon siya nang marinig ang pangalan niya.

“Sylvia?” she recognized her high school classmate. Ito ang nag-aya sa
kanya sa reunion party dahil ito rin ang nag-organize niyon.

“Oh, my god! Ikaw nga, Sapphire! Nice seeing you here!” magiliw na sabi
nito at saka bumeso-beso sa kanya na parang close friends sila.

But out of courtesy, bumeso na rin siya rito at ngumiti. “Hi, Sylvia!
Nice seeing you here, too.”

“Aalis ka na ba?”

“Oo, eh. Hinihintay ako ng asawa ko sa kotse namin.”

“Oh, I see. See you na lang sa reunion party next month?”

“Yeah. Sure. We will be there.”

“That’s cool!” Nagpalinga-linga ito. “So, where’s your car? Did you
bring your Porsche with you? Oh wait. You married an Anderson, right? So, most
definitely, mas mahal pa doon ang car niyo?”

“Ahm...” Napalunok si Sapphire. OMG. Hindi nito puwedeng malaman na ang


kotse na sinasakyan niya ay isang old model lang. “Y-Yes. Of course. My husband
owns a...M-Mercedez. Merdecedez-Benz! The latest model?” pagsisinungaling niya.
Lihim siyang napangiwi.

Nanlaki naman ang mga mata ni Sylvia sa sinabi niya. “Really? Oh my


god! Iyong husband ko, bibili pa lang niyon by next week. Ang ganda kasi di’ba?”

Tumango lang siya.

“Alright, papasok na ‘ko sa loob. Bye, Sapphire! See you next month!”

Nang makapasok na Sylvia sa loob ng restaurant ay tumalikod na si


Sapphire para hanapin ang Mercedez-Benz—ay este, ang kotse ni Johann.

Pagkatalikod niya ay napasinghap siya nang makita ang asawa. At base sa


ekspresyon ng mukha nito, narinig nito ang pagsisinungaling niya sa dating kaklase.

“M-Mister...”

“Mercedez-Benz pala, ah?” Mapait na napangiti ito at naunang naglakad


sa kotse nito.

Sumunod siya rito. “S-Sorry... Kasi, ano lang—”

“Sakay ka na sa ‘Mercedez-Benz’ natin,” sarkastikong wika nito.

Napasimangot siya at sumakay na ng kotse.


Tahimik sila sa loob habang nagmamaneho ito.

“Buti pala hindi ako nakita ng kaibigan mo. Baka mamaya, mapakilala mo
pa ‘kong driver kaysa asawa mo.”

Napayuko si Sapphire. “Hindi ko naman gagawin iyon...” mahina niyang


sabi.

“Tsk. Tsk.”

“Can we not fight?”

“Hindi naman kita inaaway, ah?”

“I know I lied, again. I’m sorry. Hindi ko lang kasi—”

“Hindi mo lang kaya na malaman ng sosyal mong kaibigan na nakasakay ka


lang sa isang kotse na outdated na ang model at tumitirik-tirik na.” Napailing-
iling ito at pilit na natawa. “Naintindihan ko naman, Sapphire. Oo, naiintidihan
ko. Lagi ko namang ginagawa iyon. Umintindi.”

Nang tignan ni Sapphire si Johann ay alam niyang may problema na naman.


Malaman ang mga huling salita nito.

Jeez!

Araw-araw na lang may problema silang mag-asawa! Ugh! Is this the real marriage
people are talking about?!

Hindi na lang iyon basta natatawanan kung ganoon nga.

~~~

Next update: Feb 16. (Monday)

=================

Chapter Thirty-Two

CHAPTER THIRTY-TWO
HUMINTO ang kotse ni Johann sa tapat ng bahay nila. Hindi muna agad bumaba si
Sapphire. Kanina pa sila tahimik sa loob ng kotse habang pauwi kaya sigurado siyang
may problema na naman sila.

“Johann—”

“Bumaba ka na, Misis. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho,” mahinahong


sabi nito.

She sighed. “I’m really sorry.”

“Mamaya na ulit tayo mag-usap kapag malamig na ulo ko.” Lumapat ang
labi nito sa pisngi niya. And that was the first cold kiss he gave her.

Wala nang nagawa si Sapphire kundi ang bumaba ng kotse. Umalis si


Johann na hindi sila okay. That kept her distracted the whole day.

Siya na naman ang mali. Lagi na lang na siya ang may kasalanan sa
tuwing mag-aaway sila ng asawa.

Tuluy-tuloy siyang pumasok sa kuwarto at humiga sa kama. Niyakap niya


ang unan at sinubsob doon ang mukha. Hindi na muna siya pupunta sa construction
site ng bookstore. Hindi na rin muna siya magsusulat ng article para sa blog niya.

Nagsinungaling siya kay Sylvia kanina tungkol sa kotse dahil nasa


sistema niya na ang laging magpa-impress. Kabilang siya sa buena de familia. Hindi
naman sa kinahihiya niya ang kotse ng asawa niya, pero hindi niya lang mapigilan
kaninang magsinungaling.

Well, mayroon naman talaga siyang latest model ng Mercedez-Benz na


kotse. Palihim na binili niya last week at itinago sa mansyon. Regalo niya sana kay
Johann sa darating na Pasko.

Nagsinungaling ka pa rin, Saphi.

Yeah, right. Ayaw lang naman niya kasi na kapag nalaman ng dating
kaklase niya na gumagamit siya ng kotseng outdated na ang model ay i-tsismis pa
siya ng mga iyon sa ibang kakilala. Baka isipin ng mga itong naghihirap siya o kaya
ay nawawalan na ng ka-sosyalan. Ganoon pa naman sa mundo nila. Kung hindi tungkol
sa negosyo, politika, at kayamanan ang pinag-uusapan, they tend to talk about other
people’s lives. Well, hindi naman siya mahilig maki-tsismis sa buhay ng ibang tao
dahil wala nga siyang pakialam sa mga ganoon. Pero ayaw rin naman niya na siya ang
maging “talk-of-the-town”.
Sa pag-iisip niya nang pag-iisip ay hindi niya na namalayan na
nakatulog na siya. Naalimpungatan siya pagkadating ng hapon. Kumain lang siya ng
late lunch at saka bumalik sa higaan. Nag-isip ulit at nakatulog na naman. Nagising
na lang ulit si Sapphire nang marinig niya ang tunog ng sasakyan ng asawa.

Pagkatingin niya sa orasan ay alas-siyete y medya na pala! Napabangon


siya, mabilis na nag-ayos, at saka lumabas ng kuwarto para salubungin ang asawa.
Nang makita niya si Johann sa labas ng nakabukas ng pinto ay basang-basa ito!

“Johann?”

Napaangat ito ng tingin mula sa paghuhubad ng sapatos. Tipid itong


ngumiti. “Puwedeng paabot ng tuwalya?”

Agad naman siyang bumalik ng kuwarto at kinuha ang tuwalya nito.


Binalikan niya ito sa labas ng pinto. Basang-basa talaga ito at tumutulo pa ang
tubig mula sa buhok at damit nito.

“A-Anong nangyari?” nag-aalalang tanong niya.

Pinunasan nito ang buhok gamit ang tuwalya. “Umulan ng malakas kanina.
Tapos nang pauwi na ‘ko...” Napabuntong-hininga ito at napatingin sa kotse na naa-
park sa garahe. “Tumirik iyong sasakyan sa gitna ng daan. Napilitan akong lumabas
ng kotse, tinulak ko sa gilid kasi nakakaabala ako ng ibang motorista.”

“Kaya ka basang-basa? Tinulak mo mag-isa ang kotse habang umuulan?”

Hinubad nito ang polong uniporme at pinapiga sa kanya. “Oo, eh. Wala
akong choice.”

“Walang tumulong sa’yong magtulak?”

“Wala. Ang lakas ko nga, eh! Hindi ko na matandaan kung paanong natulak
iyong kotse sa gilid. Pero maya-maya rin na-realize ko kung saan ako nakakuha ng
lakas. Ako nga pala si Superman,” biro pa nito saka ngumisi.

Bahagya siyang natawa. “Ikaw talaga. Magbanlaw ka na nga. Baka


magkasakit ka pa.”

“Hindi ako magkakasakit. Ako nga si Superman, eh.”

She just rolled her eyes. “Buti na-start ulit ang kotse at nakauwi ka.”

Sinampay nito ang tuwalya sa mga balikat. “Buti nga kamo. Kundi,
hanggang dito nagtulak ako. Mababansagan na ‘kong ‘The hot guy in the rain’.”
“Hot? Wala ka ngang abs.”

“Ang hotness ay hindi nababase sa abs. Minsan sa magandang puwet na.”

Hinila niya na ito papasok ng bahay. “Magbanlaw ka na! Baka sipunin ka


pa. Sandali, iinit kita ng tubig panligo.” Mabilis na pumunta si Sapphire sa kusina
at naglagay ng tubig sa takuri. Pagkatapos ay isinalang niya sa kalan.

Pumasok na ng kuwarto si Johann. Pagkalabas nito ay dala na nito ang


mga basang damit at isinabit sa likod bahay para matuyo bago ilagay sa laundry
basket.

“Anong ginawa mo buong araw?” tanong nito sa kanya habang hinihintay


uminit ang tubig.

“I slept all day.”

“Hindi mo binisita ang bookstore mo?”

Umiling siya at saka hinarap ito. “Ahm...hindi ka na galit sa’kin?”

Tinignan siya nito. “Hindi naman ako nagagalit sa’yo.”

Napalabi siya. “Iyong kanina kasi... you were cold. Sabi mo pa, mag-
uusap tayo kapag malamig na ang ulo mo. So, I assume that you’re really mad at me.
And I understand. I lied kasi. Hindi lang iyon ang naging dating sa’yo. Kasi akala
mo kinahihiya ko ang kotse mo.”

“Hindi ako galit sa’yo. Nakakainis iyong ginawa mo, oo. Pero, sabi ko
nga, naiintindihan ko naman. Sanay ka sa buhay na puro pa-impress. Kumbaga,
nakasanayan niyo iyan. Wala naman akong magagawa.” Nagkibit-balikat ito. “Ang
inaalala ko lang paano kung magkita kayo ulit ng Sylvia at mabuko niya na wala ka
namang Mercedez-Benz na—”

“Actually, may Mercedez-Benz naman ako sa mansyon. Iyong latest model.”


Nakagat niya ang labi at saka napatungo. “Ireregalo ko sana sa’yo sa Christmas.”

“Reregaluhan mo ‘ko ng kotse? Ng mamahaling kotse?”

Tumango siya at tumingin rito. “I know how much your car means to you.
Kasi pinaghirapan mo iyon. Matagal mong pinaghirapang mabayaran noon. Alam ko rin
na hindi mapapantayan ng kahit anong mamahaling kotse ang sentimental value ng Vios
mo. But, I still want to give you a new car. No, hindi para maipagyabang natin. But
you know... I just love you so much...and I think you deserve more, Mister.”
Hindi ito nakasagot. Tinignan lang siya nito nang matagal na para bang
hindi makapaniwala sa mga narinig sa kanya.

“Mister?”

“Sandali.”

“Why?”

Napangiti ito at nag-iwas ng tingin sa kanya. “Kinikilig yata ako.”


Nakita niyang mas lumapad ang pagkakangiti nito ngunit tinatakpan nito iyon ng
kamay.

Natawa siya rito. “Such a gay.” The kettle whistled. “O, maligo ka na,”
aniya at saka pinatay ang kalan.

Kinuha na nga nito ang takuri at saka dinala sa loob ng banyo. Maya-
maya ay narinig niya nang naliligo ito.

Inumpisahan niya namang magluto. Pero hindi nga pala siya marunong.
Hindi pa siya nakapag-search kanina nang recipe kaya hinintay niya na lang si
Johann matapos. Paglabas ni Johann nang banyo ay narinig niya ang pagbahing nito.

“Sinipon ka na.”

Bumahing na naman ito. “Hindi. Wala ‘to. Mawawala rin ‘to mamaya.”
Suminghot ito. “Bihis lang ako. Tapos magluluto na ‘ko ng hapunan.”

Napatango na lang siya at hinintay ito sa kusina. Tutulungan na lang


niya itong magluto. After five minutes, tapos na magbihis ang asawa. Lumabas ito ng
kuwarto at tumuloy sa kusina.

Umulan na naman sa labas kaya naisipan nitong magluto ng Sinigang na


bangus. Habang nagluluto sila ay hindi ito masyadong madaldal.

“Wala kang kuwento sa’kin?” tanong niya rito habang naghihiwa siya ng
kamatis at sibuyas na inutos nitong gawin niya.

Lumayo ito sandali at napabahing na naman. “Excuse me,” anito at saka


muling bumahing. “Wala naman akong masyadong kuwento. Wala naman masyadong nangyari
sa’kin ngayong araw maliban nga sa nabasa ako ng ulan at nagtulak ng kotse.” He
sneezed again.
Inabutan niya na ito ng tissue paper. “Sinisipon na si Superman.”

Natawa ito at saka kinuha ang tissue. “Mawawala rin ‘to.” Suminghot-
singhot ito at saka nagpatuloy sa pagluluto.

“Mister.”

“Hmn?”

“I’m really sorry about earlier,” aniya habang ang atensiyon ay sa


hinihiwang sibuyas.

“Wala na iyon, Misis. Kalimutan mo na.”

“Hindi ka talaga galit sa’kin?”

“Hindi ko nga kayang magalit sa’yo. Ayokong nagagalit sa’yo. Gusto ko,
mahal lang kita.”

She blushingly smiled. “So, hindi na mainit ulo mo sa’kin?”

“Kapag sa’yo, ibang ulo ang umiinit.”

Lumingon siya at hinampas ito sa braso. Tawa ito ng tawa. Pero natigil
ito at saka sunud-sunod nang napabahing.

“Uminom ka na ng gamot mamaya,” aniya rito. “You did catch a cold. Tsk,
tsk. Bawal mo ‘ko halikan. Baka mahawa ako.”

Napasimangot ito. “Ano ba iyan,” angal nito.

“Why don’t you rest for a while? Just tell me what to do and I’ll be
the one to cook na lang.”

He covered his nose and mouth and sneezed. “Kaya mo ba?”

“I think so. Ano bang gagawin ko?”

Tinuro nga nito sa kanya ang dapat niyang gagawin. Nakuha niya naman
agad dahil sa pag-e-explain nito nang malinaw.

“Magpahinga ka na,” aniya ulit rito. “After I finished cooking,


tatawagin kita para sabay tayong kumain.”

“Sigurado ka?”

Tumango siya. Iniwan na siya nito at saka humiga sa sofa.

An hour after, handa na ang hapag. Tumayo si Johann at umupo sa tapat


niya. Kung kanina ay sinisipon lang ito, ngayon ay muhang hindi na ito okay.

Namumula na ang ilong nito. Pati ang tainga. Mapungay din ang mga mata
nito at parang nahihirapan nang kumilos.

Agad niya itong nilapitan at dinama niya ang leeg nito. “Oh my gosh.
Mainit ka na!” gulat na wika niya.

“Normal iyan,” he hoarsely said. “Hot talaga ako.”

Nakuha pa nitong magbiro! “May sinat ka na.” Hinawakan niya ito sa


magkabilang pisngi. “Magpahinga ka na kaya sa loob ng kuwarto?”

Umiling ito. “Kaya ko, Misis.” Tumikhim ito. Iniwas nito ang mukha sa
kanya. “Umupo ka na. Kumain na tayo.”

“P-pero...”

“Si Superman ako, di’ba? Wala lang ‘to. Maya-maya, okay na ‘ko,”
nakangiting sabi nito. Tinapik-tapik siya nito sa balakang. “Sige na. Bumalik ka na
sa puwesto mo. Huwag kang mag-alala, ha?”

She bit her lower lip. Dahil nagugutom na rin siya, bumalik na lang
siya sa upuan niya at sabay na silang nagdasal at kumain.

Pilit pinasisigla ni Johann ang boses sa tuwing nagkukuwentuhan sila.


Pero namamalat na ang boses nito unti-unti at mas madalas na itong bumahing.

“Tapos, alam mo ba—”

“Don’t talk na, please?” saway niya rito. Dahil nag-aalala na siya para
rito. “Finish your food para makainom ka na ng gamot. Saka para makapagpahinga ka
na sa kama.”

“Misis, ayos lang talaga ako.”


“Lagi ka namang ayos lang. Kahit hindi na, ‘ayos’ ka pa rin. Finish
your food and drink your medicine,” she authoratively said.

Napakamot ito sa pisngi. “Opo.”

Tahimik na nga nitong tinapos ang pagkain. Tumayo si Sapphire at


mabilis na kinuha ang lalagyanan nila ng mga gamot at binigay rito.

Hindi niya alam kung anong gamot ang ininom ni Johann. Pero dalawang
tableta ang nakita niyang ininom nito.

“Ayan na po. Tapos na po,” anito at saka siya nginitian.

“Good. Now, go rest inside the room.”

“Pero ako ngayon ang nakatokang maghuhugas ng pinggan.”

“No. Ako na. Basta magpahinga ka na.” Ayaw niyang magkasakit si Johann.
Kasi hindi niya alam ang gagawin kapag ganoon. Hindi niya alam paano ito aalagaan.
Baka isugod niya agad ito sa ospital.

“Gagawa pa ‘ko ng lesson—”

“Johann, please. Magpahinga ka na,” pakiusap niya na rito. Punung-puno


na nang pag-aallala ang tinig at tingin niya rito.

Napabuntong-hininga ito at saka tumayo at pumasok ng kuwarto. Sumunod


siya rito at nakita niyang humiga na ito sa kama. Umupo siya sa gilid ng kama at
maayos itong kinumutan.

“Paano kapag nagkasakit ako, Misis? Aalagaan mo ‘ko?”

“Hindi ko alam paano mag-alaga ng may sakit.”

Ngumiti ito at pumikit. “Okay lang. Alam ko naman paano aalagaan ang
sarili ko kung sakali man.”

“Ahm, gusto mo pumunta na tayo ng hospital?”

He chuckled. “Ospital ka diyan? Sinisinat lang ako. Magiging maayos rin


ako bukas ng umaga.”

“Paano kung hindi?”


“Magiging maayos rin ako bukas,” ulit nito. “Mind over matter lang.
Bawal akong magkasakit. Baka mahawa ka pa.”

“Ako pa iniisip mo.”

“Eh, sino pa bang iisipin ko?”

“Sarili mo.”

Dumilat ang mapungay na nitong mga mata. “Posible ba iyon? Uunahin mong
isipin ang sarili mo kaysa sa taong mahal mo?”

Hinaplos niya ang pisngi nito. “Have you ever thought of yourself
alone, Superman?”

“Noong bata ako, oo. Iniisip ko lagi kung paano ako mabubuhay. Mula
nang mamatay ang nanay ko at basta lang ako iniwan ng kinilala kong tatay, alam
kong mag-isa na lang ako. Kahit pa kinupkop ako nila Czarina, alam kong wala akong
kailangang isipin kundi ang paano ko bubuhayin sarili ko. Kaya siguro ang aga kong
matuto sa kalakakalan ng buhay, eh. Kasi mag-isa lang ako.”

Sapphire can imagine Johann as a little boy with no one and nothing to
have. At sa tuwing naririnig niya ang istorya nito, kakaibang damdamdamin ang
lumulukob sa puso niya. He’d been through a lot, she knew kahit hindi pa nito
nakukuwento ang buong buhay nito sa kanya.

“You have me now,” aniya rito.

“Kaya nga, eh.” Napangiti ito. “Kaya nga ikaw lagi ang una kong
naiisip, inaalala...kasi meron akong ikaw. At para di ka mawala, top priority
kita.”

“Ugh. Drama,” kunwari ay angal niya at saka ito inirapan. But she was
greatly touched. Hinalikan niya ito sa noo. “Hindi naman ako mawawala sa’yo kahit
pa hindi ako ang maging top priority mo. Magpahinga ka na, alright? Magliligpit
lang ako ng pinagkainan.”

Tumango ito at saka pumikit na ulit. Lumabas na siya ng kuwarto at saka


mabilis na nagligpit at naghugas. Nang matapos ay sinilip niya sa kuwarto ang
asawa. Base sa paghinga nito ay tulog na tulog na ito. Lumapit siya rito at maingat
na dinama ang noo nito. Mas uminit na ito.

Bahagya itong kumilos at bumaluktot ng higa. Para itong nilalamig kaya


hininaan niya ang aircon.
Nangamba siya. Tuluyan na yatang magkakasakit ang mister niya. Nakagat
niya ang daliri. Paano nga kung magkasakit ito? Paano niya ito aalagaan?

Lumabas ulit siya nang kuwarto at kinuha ang cellphone niya sa bulsa.
Tinawagan niya si Crystal Jane. Sa lahat ng pinsan niya, ito ang pinakamaalaga.

“Hi, Saphi! Napatawag ka?”

“Ahm, gusto ko kasi sanang magtanong sa’yo. I think Johann has a fever.
Kapag ganoon, ano bang kailangan kong gawin? Isusugod ko ba siya agad ng hospital?”

Natawa ang pinsan niya sa kabilang linya. “Hindi naman siguro malala
ang sakit niya, hindi ba?”

“Hindi naman siguro. Nabasa kasi siya ng ulan kanina. As in, he came
home dripping wet! Tumirik kasi iyong kotse niya. And then nang maging okay na,
sumakay pa siya kahit basang basa na siya. Nakabanlaw naman siga agad nang pagkauwi
niya. Kaso sinipon na and then, mainit na siya.”

“Oh. Alright. Hindi naman siguro mababa resistensya ni Johann. Baka may
iba pang factor kaya siya nagkasakit. Feeling ko, sobrang pagod rin iyan. Don’t you
think?”

Napaisip si Sapphire. Baka nga. Sunud-sunod kasi ang trabaho ni Johann


sa eskuwelahan. Minsan pa nga yata ay hindi ito natutulog kapag may ginagawang
exam, lesson, o presentation. Napaka-devoted naman kasi nito sa pagiging guro.
“He’s been really busy nga after his birthday. Ngayon na nga lang siguro bumigay
iyong katawan niya.”

“Okay. First, get his temperature. Kapag mataas ang lagnat, painumin mo
ng paracetamol. Kapag pinagpawisan, punasan mo agad ang likod. Change his clothes.
And then...”

Habang nagsasalita si Crystal Jane ay mabilis na kumuha ng papel at


ballpen si Sapphire. Sinulat niya lahat ng sinabi ng pinsan. Sinigurado niya wala
siyang na-miss kahit isa sa mga bilin nito.

Siguro noong nagkakasakit si Johann ay ito lang ang nag-aalaga sa


sarili kaya siguro sabi nito kanina ay alam na nito ang gagawin. But Sapphire wants
to take care of her husband.

She’ll make him feel that he’s not alone anymore like the child he used
to be.

Pagkatapos niyang makausap si Crystal Jane ay nagpaalam na siya rito.


Kumuha agad siya ng electronic ear thermometer sa medical kit nila ni Johann.
Thermometer iyon na itatapat lang sa tainga at may kailangan lang pindutin para
makuha ang body temperature.

Ginawa nga iyon ni Sapphire at nagulat siya nang makitang nasa 39


degree-Celcius. Mataas na iyon!

Umungol si Johann. “M-Misis...?”

“Mataas ang lagnat mo. Kukuha ako ng gamot sandali—”

“Huwag na,” mahinang sabi nito at saka siya hinapit sa baywang.


“Magpahinga ka na. Kaya ko naman sarili ko.”

“Kaya mo? Nilalamig ka na kahit wala ng aircon or electric fan!”

Bahagya itong bumangon. “Sa sofa ako magpapahinga. Hindi ka nakakatulog


kapag walang aircon—”

“No,” pigil niya rito at saka pinilit itong humiga ulit. “Don’t think
of me. Magpahinga ka na. I’ll take care of you.”

Kumurap-kurap ito. “Weh? Baka pagkagising ko mamaya nasa ospital na


‘ko?”

Umiling siya. “Ako na mag-aalaga sa’yo. Huwag mo na ‘kong isipin, ha?


Let me take care of you. Let me be a good wife.”

Napangiti ito at saka napapikit na ulit. “Baka mahirapan kang alagaan


ako.”

“Don’t think of me na nga, eh.” Tumayo siya at kumuha ng gamot at


tubig. Mabilis na ininom iyon ni Johann at saka sinigurado niyang maayos na itong
nakahiga. Ayon kay Crystal Jane, mamaya-maya pa ito pagpapawisan kaya kailangan
niyang bantayan.

“Matulog ka na...” ani Johann at saka umusod para mabigyan siya ng


espasyo. “Wala munang acrobatics sa ilalim ng kumot, ah? Day off muna si Superman.”

Tumabi siya rito. Agad itong yumakap sa baywang niya at sinubsob ang
mukha sa dibdib niya.

“Misis, huwag kang magtatampo na hindi mo muna ako matitikman ngayong


gabi, ha?”
She chuckled and played with his hair. “You’re such a crazy ass.”

“Baka ‘sexy ass’?”

“Matulog ka na nga! May sakit ka na, nakukuha mo pang magbiro.”

“Sakit lang ‘to. Si Johann ako.”

Dinama niya ang leeg nito at mainit na mainit na iyon. Ramdam niya rin
na hindi ganoon kahigpit ang yakap nito sa kanya kaysa sa normal. Nanghihina na
ito.

Maya-maya mas bumigat na ang ulo nito sa dibdib niya. Nakatulog na ulit
ito.

Hinayaan niya lang na ganoon ang posisyon nila. Ilang beses niyang
kinapa ang likod nito dahil baka nagpawis na. Ngunit, siya na ang pinagpawisan at
lahat dahil nga hindi naka-on ang aircon at electric fan, pero hindi pa rin
pinagpapawisan ito.

Naghintay pa siya ulit hanggang sa nakatulugan niya.

Naalimpungatan lang si Sapphire nang maramdaman niyang wala na si


Johann sa kama. Maayos na siyang nakahiga at nakakumot. Bukas na rin ang aircon.
Napabalikwas siya ng bangon.

Nasaan si Johann?

Tumayo siya at papungas-pungas na lumabas ng kuwarto. Alas-dos pa lang


ng madaling araw.

“Mister?” tawag niya kay Johann nang makita niya itong umiinom ng tubig
sa kusina habang nakahawak sa may lababo.

Madilim ang buong paligid. Hindi na ito nagbukas ng ilaw.

Umubo ito. “Misis?” lingon nito sa kanya. Mukha itong hinang-hina. Pati
ang paghinga nito ay hindi pantay.

“Napagpawisan ka na ba? Bakit lumabas ka ng kuwarto? Bakit hindi mo na


lang ako ginising?” Lumapit siya rito at dinama ang leeg nito.

Parang napaso ang kamay niya dahil sobrang init na ito!


Nagsunud-sunod ang pag-ubo nito. Napasinghap ito at napakapit sa kanya.

“Johann?” Lahat yata ng bigat nito ay napunta sa kanya. Muntikan na


siyang matumba ngunit mabilis itong bumitiw sa kanya at walang malay na napasadlak
ito sa sahig.

“Johann!”

~~~~

Next Update: Tomorrow night. (Feb. 17)

=================

Chapter Thirty-Three

CHAPTER THIRTY-THREE

“SABI mo, hindi mo ‘ko isusugod sa ospital?” nanghihinang sabi ni Johann pero may
naglalarong ngiti sa mga labi nito.

“You fainted! What am I supposed to do? Keep calm?” nagagalit na


singhal ni Sapphire sa asawa niya. Naka-confine na ngayon si Johann sa St. Luke’s
Hospital.

Nang bigla na lang itong mawalan ng malay kanina ay nataranta siya.


Tumawag agad siya ng ambulansiya at naisugod naman agad si Johann sa ospital. At
doon niya nalaman na mild pneumonia at overfatigue ang dahilan ng malalang
trangkaso nito. Hindi naman nito kailangang ma-confine, pero para mas sigurado na
hindi ito magpipilit na pumasok sa trabaho ay pina-admit niya ito. For fast
recovery, also.

Umubo ito. “Ayos lang naman ako.”


“Ayos? ‘Ayos’ ka lang? Sige nga, tumayo ka diyan!” hamon niya pa rito
habang nakakuyom ang mga kamay.

Pinilit nitong bumangon ngunit hirap na hirap na ito sa pag-aangat pa


lang ng kamay.

“Now, what? You can’t stand up? Sabi mo, ‘ayos’ ka lang? Stand up,
then! Akala mo lagi mong kaya ang sarili mo?”

Napaungol ito ng mahina at napapikit. “Bakit mo ba ‘ko pinapagalitan?”

“Kasi sinungaling ka rin! Sinasabi mong okay ka kahit naman hindi! Kasi
hindi mo inaalagaan sarili mo kapag hindi ko nakikita. Nagpapabaya ka. Inaabuso mo
katawan mo sa trabaho!” sigaw niya.

“Nasa ospital tayo. Huwag kang sumigaw,” nanghihinang saway nito.

“Hindi! Sisigaw ako! Sisigawan kita! Kaya nga ako kumuha ng private
suite, eh. Para hindi ako makaabala ng iba.” Napasinghot si Sapphire. Nakagat ang
labi at pinigilan ang mga luha sa pagtulo.

Naalala niya pa rin ang pagbagsak ni Johann kanina at ang walang malay nitong
pigura. Kahit pa hindi naman ganoon kasama ang nangyari rito at kailangan lang nito
ng pahinga, kakaibang kaba at takot ang naramdaman niya nang ilang beses niyang
pinilit gisingin ito ngunit hindi ito nagigising.

Putlang putla ang mukha ni Johann kanina at parang wala na itong buhay. Takot na
takot si Sapphire. Nanginginig siya sa takot. Ayaw niya ng ganoong itsura ng asawa.
Ayaw niyang wala ang mga mapaglarong ngiti nito sa mga labi at ang kislap ng mga
mata nito.

“M-Misis... huwag kang umiyak. Hindi naman ako mamamatay...”

Lumayo siya rito at pinunasan ang mga luha sa mga mata. Pagkuwa’y
humalukipkip siya at mataray itong tinignan. “Abuse your body next time, and I
swear, I’ll be the one to kill you!”

Para itong natatawa kaso ay masyadong manghina kaya napapangiti na


lang. Pinilit nitong dumilat para makita siya. “Huwag ka nang magalit
sa’kin...Pakiusap? Parehas nating hindi inaasahan na mangyari ‘to. Kahit ako naman,
ayoko sa kalagayan ko ngayon. Hindi lang ako naging aware na masyado pala akong
naging abala sa trabaho at pagtuturo na makailang beses pala akong natuyuan ng
pawis, nabasa ng ulan, at kulang ang oras sa pagtulog.” Umubo ito at suminghot-
singhot.

“Hindi ka kasi talaga si Superman!”


“Sorry na, Misis.”

Inirapan niya ito. Saktong may kumatok sa pinto. Agad na binuksan ni


Sapphire iyon at dumating nga ang kapatid ni Johann na si Agatha. Sadyang tinawagan
niya ang hipag dahil natatakot na siya kanina sa pag-aalala. Hindi niya rin alam
kung maalagaan niya si Johann ng tama.

“Hi, Sapphire!” magiliw na bati ng dalaga. May bitbit itong isang


basket ng mga prutas.

Agad niya itong pinapasok at itinuro si Johann. “Hayan ang kuya mo.
Ikaw na mag-alaga, naiinis ako, eh.”

Tumango lang ito at agad na lumapit sa kapatid. “Hello, Kuya! How are
you feeling?”

“Agatha? Bakit nandito ka?” nagtatakang tanong ni Johann sa kapatid.

“Kasi may sakit ka. Mamaya pupunta rin dito sila Daddy.” Hinalikan nito
ang noo ng kuya nito. “Tinakot mo si Sapphire. She’s crying na kanina over the
phone nang unconcious ka pa.”

Napatingin sa kanya si Johann ngunit hindi niya ito pinansin. Umupo


siya sa isang couch doon at nagbasa-basa ng magazine.

Limang oras na nandoon si Agatha at inaasikaso si Johann na madalas


namang tulog. Mas maalaga naman ang kapatid nito kaya agad talagang pinakiusapan ni
Sapphire si Reeve na payagan si Agatha na doon muna. Para rin may makasama siya.

Maya-maya pa ay nagpaalam na rin si Agatha matapos makainom ng gamot at


makatulog ni Johann.

Habang natutulog ang asawa ay umupo siya stool na nasa gilid ng kama
nit. Tinitigan niya at hinaplos-haplos ang buhok at mukha nito. Kahit paano, nawala
na ang inis sa sistema niya.

Hindi naman siya nagagalit o naiinis talaga mismo kay Johann. Mas
parang naiinis siya sa sarili. May mga na-realize siyang mga bagay. Wala pang
kalahating taon na nagsasama sila ni Johann ngunit marami na talaga itong
napatunayan sa kanya.

“Alam mo ba...” aniya rito kahit hindi siya nito naririnig. “Naiinis
ako kanina kasi gusto kong sisihin ang sarili ko. For the past months, you have
always taken care of me. You always make sure that I’m healthy and happy. Then I
realized, eh ako? Ano kayang ginawa ko para masiguradong naalagaan kita?”
Napabuntong-hininga siya. “Nagi-guilty ako. Dahil sa maliban na pagbibigay ko sa’yo
ng trust at love ko, wala na ‘kong ibang ginawa. When you fainted, my heart stopped
beating. When I can’t w-wake you up, I lost my mind. My world stopped. Ang OA, but
that’s how I really felt. Helpless. Hindi ko kaya kapag wala ka.”

Oh, she hates being dramatic and all. But hell, she’s talking with
Johann, anyway.

Namumutla pa rin ng bahagya si Johann at nagbabalat ang tuyong labi


nito. But it didn’t stopped her to leave a kiss on his lips.

“I love you, Mister. Sana gumaling ka na agad.” Hinawakan niya ang


kamay nito at niyukyok niya ang ulo sa higaan. Hanggang sa nakatulog na siya ng
tuluyan.

Nagising si Sapphire sa mga katok na naririnig niya sa pintuan. Pag-


angat niya ng ulo ay nahihimbing pa rin sa pagtulog ang asawa. Agad niyang binuksan
ang pinto at binati ang isang doktor at dalawang nurse na tumitingin kay Johann.

After the check-up, pinaalam lang sa kanya ng doktor na maganda ang


response ng mga gamot kay Johann at baka after three days ay makalabas na ito.
Hindi rin naman kasi ganoon talaga kahina ang baga nito ayon sa doktor.

Kinagabihan ay dumating ang in-laws niya at nasaktong gising si Johann.


Groggy lang ito nang kaunti dahil sa gamot ngunit nakakausap naman ng maayos.

Sumunod na araw, medyo malakas na si Johann. Saktong bumisita ang mga


pinsan nito nang sabay-sabay. Ang gulu-gulo tuloy sa kuwarto nila.

“Uy, huwag nga kayong maingay, nahihilo ako,” angal ni Johann.

Pinindot ni Charlie ang dextrose sa kamay ng asawa niya.

“Aray!” daing ni Johann.

Tumawa ang lokong pinsan. “Masakit?”

“Pucha! Malamang! ‘Aray’ nga, diba?”

“Ahh. Okay.” Inulit ni Charlie ang pagpindot. Mabilis na nilayo na rito


ni Johann ang kamay.

“Ang bait mo talaga, Charlie. Gusto mong nasasaktan ako. Iyan tayo,
eh.”
“Parusa ko iyon sa’yo. Nagpapaiyak ka ng babae. Nagkatrangkaso ka lang!
Nakapagpaiyak ka na?” pangongonsensiya rito ng pinsan.

Napakunot-noo si Sapphire na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi.


Nahihiya tuloy lalo siya. Naalala niyang tinawagan niya yata lahat ng pinsan ni
Johann habang umiiyak siya dahil after five minutes pa nakarating ang ambulansiya
sa bahay nila. Mabilis na iyon kung tutuusin. But when Johann’s laying unconciously
on the kitchen floor for five minutes, it seems like forever for her.

“Sa susunod, Johann, huwag kang biglang hihimatayin,” ani Reynald dito.

“Paano ko naman mapipigilan iyon? Puwede bang mag-set ng time kung


kailan ako hihimatayin?” sarkastikong sabi nito. “At isa pa, kung ako lang rin,
ayoko namang himatayin. Hindi ko lang talaga bakit biglang nag-shut down ang utak
ko. Full memory na siguro. Too much information. Too much memories.”

“Ikaw na. Ikaw na may full memory na utak. Shut down ka na ulit,”
nakangising biro ni Dylan. “Pero huwag mong gagawin sa harap ng babae. Baka umiyak
na naman.”

Tinakpan ni Sapphire ng magazine ang mukha. Kunwari nagbabasa siya.


Walanghiyang mga lalaki. Nasama na siya sa mga inaasar.

“But how are you feeling now?” seryosong tanong ni Gideon.

“Lagi akong tulog, eh. Parang nagre-recharge iyong pakiramdam ko.


Nasusuka na ‘ko sa mga gamot pero ayos lang. Mind over matter nga lang. Kapag
iniisip kong gagaling ako, mabilis akong gagaling.”

“I believe in that ‘mind over matter’ thing. Kapag iniisip mong kaya
mo, nakakaya talaga,” ani Ramses.

“Saka sinasamahan ko rin ng prayer kay Lord.”

“Mabait na bata,” komento ni River.

“Mabait ka daw sabi ni River! Dahil first comment niya iyon, maniniwala
kaming mabait ka at some point talaga,” natatawang sabi ni Charlie. Nag-asaran pa
ang mga ito hanggang sa kailangan nang umalis ng mga pinsan nito.

Nagpaalam na ang lahat at lumabas maliban kay Bari. May paperbag itong
inabot kay Johann.

“Pinabibigay ni Czarina.”
Ikiniling ni Johann ang ulo at kinuha ang paperbag. “Bakit sa’yo
inabot? Magkasama ba kayo?” salubong ang mga kilay na tanong nito.

“Sabi niya, mabilis daw gumagaling si ‘Superman’ kapag may kapa. I


don’t understand.” Nagkibit-balikat ito. “Get well soon, Johann.” At saka ito
tumalikod

“Oy, di mo sinagot tanong ko. Kuya Bari!”

Tinaas lang ni Bari ang isang kamay nito bilang pamamaalam ngunit hindi
na nilingon pa si Johann hanggang sa makalabas na ito ng pinto.

“Ang labo,” Iiling na sabi ni Johann. Bumaling ito sa kanya. “Misis,


kumain ka na?”

“Yeah,” tipid niyang sagot at saka tumayo. “And it’s your time to eat.
Anong gusto mo? Diyan ka na kakain o sa dining table ka?”

“Sa dining table na lang. Para makatayo na rin ako at maalala ng paa ko
ang purpose niya sa buhay ko.”

Lumapit siya rito at inalalayan niya itong makatayo. Hindi naman ganoon
kalayo ang distansya ng higaan sa kainan kaya kahit halatang nanlalambot pa ang mga
tuhod ay nagawa ni Johann na makalakad naman nang maayos.

Nang makaupo ito sa kainan ay agad niyang isinasikaso ang pagkakainan


nito. Hinayaan lang siya nito na pagsilbihan niya ito. Walang umiimik sa kanila
habang nilalapit niya rito ang lahat ng pagpipilian nitong kumain.

“Hanggang kailan pa ‘ko dito sa ospital?” tanong nito habang


nagsisimula nang kumain.

“Sa makalawa puwede na tayong lumabas kapag na-cleared na ng doktor.”

Tumango lang ito. Umupo siya sa tapat nito at pinanood ito sa pagkain.
Kahapon ay halos hindi nito kayang kumain at kung kakain man ay isinusuka nito.
Tinulungan siya ni Agatha kung paanong aasikasuhin kapag umulit ang ganoon.

Kahapon, lantang-lanta pa si Johann. Pero ngayong gabi, masaya siyang


nakikitang magana na itong kumakain.

“Tititigan mo lang talaga ako? Kain ka ulit, Misis. Mas masarap kumain
kapag may kasalo.” Inabutan siya nito ng sliced fruits.

Kahit busog pa siya ay kumain na rin siya. Kung mas gaganahan si Johann
kumain kapag may kasabay, then sasabayan niya ito.

“Napansin kong lagi kang tahimik, Misis. May problema ba tayo?”

Mabilis siyang umiling. “Wala naman. I just don’t feel like talking.
Wala naman rin kasi akong ikukuwento sa’yo.”

Inabot ni Johann ang kamay niya at marahang pinisil iyon. “I’m sorry.”

Her forehead creased. “Sorry? For what?” nagtatakang tanong niya.

Tinignan siya nito ng diretso sa mga mata. “Kasi pinag-alala kita. Kasi
pina-iyak kita.”

“Wala ka naman kasalanan. I just over acted. I just panicked because I


don’t know what to do. I should be the one saying sorry. Dahil kung walang
ambulansiya, wala naman akong magagawa.” Napayuko siya. “Wala naman ako laging
nagagawa para sa’yo.”

“Meron, ah.”

“Ano?”

Ngumiti ito. “Pinapasaya ako lagi. Iyang mga ngiti mo, mga halik mo,
mga yakap mo...iyong presence mo sa buhay ko...sobra pa sa sapat iyon, Sapphire.”
Nilaro-laro nito ang daliri niya sa kamay at tinignan iyon. “Iyong araw-araw na
pinipili mong makasama at mahalin ako, tama na iyon para sa’kin. Wala ka nang
kailangang gawing iba.”

“Ginagawa mo rin naman iyan sa’kin. Pero sa’yo may kasama pang pag-
aalaga at panenermon at moral lessons at... Ginagawa mo lahat ng bagay, Johann,
para mapasaya ako. Para ma-feel kong sobrang special ako. Para mapanatag ako na
mahal na mahal mo ‘ko. Ang dami mong ginagawa para intindihin ako. Ako? Ano bang
ginawa ko? Laging ako ang dahilan kung bakit tayo nagtatalo minsan. Nadi-disappoint
kita. Hindi kita masyado matulungan kapag kailangan mo. Madalas pa kitang sungitan
at kainisan. Ako lang nagbe-benefit sa pagmamahalang ‘to.”

“Masaya ka ba sa’kin?”

“Of course!”

Mas lumupad ang ngiti nito. “Eh di nakaka-benefit din ako. Iyon naman
ang hangarin ko nang mahalin kita. Ang maging masaya ka sa piling ko.” Their
fingers intertwined. “Tignan mo ‘ko, Sapphire.”
Nag-angat nga siya ng tingin at sinalubong ang mga mata nito.

“Hindi kompetisyon ang pagmamahalan, tandaan mo iyan. Hindi nasusukat


kung sino ang mas nagmamahal sa mga ginagawa natin para sa isa’t isa. At sinong may
sabi na wala kang ginagawa para mapakita ang pagmamahal mo sa’kin? Hindi kita
mamahalin ng ganito katindi kung alam kong ako lang ang laging gumagawa ng paraan
para mag-work out ang kasal natin. Kung ang basehan mo para mag-conclude ng ganyan
ay dahil nagkasakit ako ngayon at nandito sa ospital at sa tingin mo na hindi mo
‘ko naalagaan, then that’s invalid.”

“Johann...”

“Kahit kailan hindi ka nagkulang ng paalala sa’kin na ingatan ko ang


sarili ko at lagi akong kumain sa oras. Ako lang ‘tong matigas ang ulo na hindi
sumunod. Naalagaan mo ‘ko sa sarili mong paraan, Sapphire. Huwag mong
pagkukumparahin ang mga ginagawa ko sa mga ginagawa mo. Basta ako, masaya ako lagi
sa’yo. Iyong mga away natin? Normal iyan. Bagong kasal pa tayo, eh. Pero ang
mahalaga, hindi nagtatagal sa’tin ang problema.”

Napalabi siya. “I felt like, isa ako sa mga stress mo.”

“Kung stress ka sa’kin, gusto ko na ma-stress lagi.”

“Sakit ako sa ulo mo.”

“You’re my favorite headache.”

“Bumabanat ka naman, eh! Seryoso tayong nag-uusap rito, Mister.”

“Aba’t seryoso naman ako.”

Sapphire sighed. Matagal silang nagsukatan ng tingin ni Johann.


Nalinawan na naman siya. All thanks to her adorable husband.

Isip siya ng isip kung paano niyang mapapantayan ang pagmamahal nito sa
kanya. But indeed, love is not a competition between a couple. They have their own
ways of showing their love for each other. Ang mahalaga, masaya sila sa isa’t isa.

Pa-cute na ngumiti si Johann at kinindatan pa siya.

“Ahm, Misis, matagal pa ba ‘tong ‘staring contest’ natin? Puwedeng


time-first muna? Nawiwiwi ako, eh.”

“We’re having this magical moment and you’ll ruin it because you need
to pee!”
“Eh, malay naman ng pantog ko sa magical moment natin?” tatawa-tawang
sabi nito.

“Whatever.” Tumayo na siya at inalalayan ito sa loob ng banyo.


Pagkatapos nitong gumamit ng banyo ay bumalik na sila sa pagkain.

“Ano pala iyong binigay sa’yo ni Czarina?”

“Ay, oo nga. Pakiabot naman ng paper bag.”

Kinuha niya iyon at ibinigay rito. Binuksan nito iyon at kinuha nito
ang isang maliit na pulang kapa.

“Ano iyan?”

Napangiti si Johann habang tinignan ang kapa. “Kapa ni Superman. Noong


mga bata kasi kami, niregaluhan ako ng tatay ni Czarina ng Superman costume. Tapos,
kapag nagkakasakit ako, sinusuot ko lang iyong kapa na ‘to, gumagaling agad ako.”

“Pinaniniwala mo talaga ang sarili mo na ikaw si Superman, ano?”


kantiyaw niya rito.

“Sa mga naranasan ko sa buhay siguro may karapatan akong maging si


Superman. Pakisuot nga sa’kin ng kapa, Misis.”

Binuhol niya ang tali ng kapa sa leeg nito. Maliit at bitin na ang kapa
para rito but he looked cute.

“Tentenenen! Kapag magaling na ‘ko, Misis, ililipad kita.”

Natawa lang siya at nangalumbaba. “Saan mo naman ako dadalhin?”

“Sa langit.” He smirked. “Langit ng pagnanasa.”

She just laughed and playfully slapped his handsome face. “Bilisan mong
magpagaling, ah?”

“Uy, excited.”

“Hindi iyon. I’m gonna show you something kapag nakalabas ka na rito sa
ospital.”
Tumango ito at inutusan siyang lumapit rito. He kissed her on the
cheeks and whispered, “Huwag ka nang iiyak ulit at tatawag sa buong kamag-anak ko
kapag natataranta ka. Mas magiging maingat na ‘ko ngayon.”

Yumapos siya sa leeg nito. “Mas aalagaan pa kita ngayon, Mister. I love
you so much.”

He chuckled and buried his face on her neck. Parang nanginig pa ito.

Ah. Kinilig si Mister!

~o~o~o~

THE NEXT day, hindi inaasahan nina Johann at Sapphire ang pagbisita ng ilang
estudyante ni Johann at ng mga kaibigang guro ng asawa.

Buti na lang at malaki ang kuwarto. Na-accommodate naman ang lahat ng


gustong bisitahin si Johann.

May isang dalagang estudyante na may dalang bulaklak na agad na lumapit


kay Johann at niyakap ang huli.

“Sir Johann! Nag-aalala po kaming lahat nang hindi kayo pumasok ng


dalawang araw. Kagabi na lang po namin nalaman na sinugod po pala kayo sa ospital.
Kumusta na po kayo ngayon?”

“Ang OA talaga nitong si Cindy. May payakap-yakap pa kay Sir. Close?”


narinig ni Sapphire na bulong ng isang estudyante.

“Eh, kilala ko naman iyang si Cindy, OA forever. Hayaan mo na lang.


Buti na lang mabait si Sir Johann, never nag-take advantage.”

Tinitigan ni Sapphire si Cindy. Sa tantiya niya ay nasa disi-otso na


ang dalaga. Maganda, maputi, at halatang makinis ang balat. Ilang beses niya na
itong nakita kapag sinasama siya ni Johann sa campus.

And obviously, the girl got a crush on her husband. But she does not
mind. Cindy’s a kid in Johann’s eyes. No need to get jealous or feel threatened.

Nakayakap pa rin ito kay Johann pero nagawa ng asawa niya na mataktikang mailayo
ito.
“Sir, magpagaling po kayo, ah? Namimiss na po namin kayo.”

“Kung alam ko lang, kapag time na ng subject ko, nagpa-party-party kayo. Masaya
kaya kapag absent ang professor. Aminin! Pinagdaanan ko iyan. Masaya ang free
time!”

Habang nakikipagkuwentuhan ang mga bisita kay Johann ay may napansin si Sapphire sa
labas ng pintuan.

Mabilis siyang lumabas nang may nakitang anino sa may pinto na bahagyang nakabukas.
Pagkalabas niya ng kuwarto ay sinara niya ang pinto at sa pagtingin niya sa pasilyo
ay may nakita siyang papalayong pigura ng lalaki.

Hindi alam ni Sapphire kung anong nagtulak kay Sapphire para sundan ang lalaki.

“Excuse me! Sir?” tawag pansin niya rito.

Napahinto naman ito at napalingon.

Si Professor Augustine Santiago pala ito! Pamilya sa kanya ang matanda dahil
napakilala na ito sa kanya ni Johann minsan.

“Sir August! Kayo po pala iyan.”

Ngumiti ito. “Magandang araw sa’yo, Mrs. Anderson. Bibisitahin ko sana si Johann
pero medyo marami pang tao sa loob.”

“Ganoon po ba? Babalik na lang po ba kayo?”

“Baka, oo.”

Naramdaman ni Sapphire ang pagkailang nang tignan siya ng ginoo. Actually nang una
niyang makilala ito ay kasing-giliw ito ni Johann kaya natutuwa rin siya rito.
Magaan ang loob niya sa matandang lalaki pero napapansin niyang iba ito tumingin
kapag sa kanya.

“You remind me of someone,” anito.

Napakurap siya. “S-Sino naman po?"

“Isa kang Monteverde, hindi ba? Is there any chance na may relative kang
nagngangalang Mercy Monteverde? Nakalimutan kong itanong iyon sa’yo nang una tayong
nagkakilala.”
Kilala nito ang Mommy niya? “Ahm, Mercy Monteverde is my mother, Sir August. Bakit
niyo po siya kilala?”

Napansin niya ang pagrehistro ng pagkagulat sa mga mata nito. Para rin itong
namutla at hindi nakapagsalita.

Nagtaka siya. “Sir? Is there anything wrong?”

Parang robot na umiling ito. “N-Nothing. Nothing!” Tumikhim ito at bahagyang


natawa. “Ahm, w-well, Mercy used to be my student in UP. Isa sa pinakamahusay ang
n-nanay mo sa klase kaya ko siya natatandaan. A-Anak ka pala niya.” Humugot ito ng
panyo sa bulsa at pinunasan nito ang noo na biglang namawis. “Bale, I gotta go. S-
Siguro ay sa ibang pagkakataon ko na lang bibisitahin si Johann. Pinagdarasal ko
ang mabilis niyang paggaling.”

“Thank you, Sir,” pasasalamat niya kahit nagtaka siya sa ikinilos nito pagkatapos
malaman na anak siya ng Mommy niya.

“Mauuna na ‘ko...” Napalunok pa ulit ito bago tumalikod at mabilis na naglakad


palayo.

Napangiwi si Sapphire nang may makabangga pa itong dalawang nurse. Anong nangyari
kay Sir August?

Sa huli, nagkibit-balikat na lang si Sapphire at bumalik sa loob ng kuwarto ni


Johann.

People these days are just weird.

~~~

Next Update: February 20. (Friday)

=================

Chapter Thirty-Four

CHAPTER THIRTY-FOUR
“THANK YOU po sa pagdalaw, Mommy,” nakangiting pasasalamat kay Mercy ng manugang
niyang si Johann.

Nginitian niya ito at tinapik-tapik nang marahan sa balikat.


“Magpagaling ka agad, alright?”

“Gagaling po agad ako. Magaling po yata mag-alaga ang anak niyo!”


magiliw na sabi nito bago bumaling sa anak niyang si Sapphire.

“Tulog ka lang naman ng tulog buong maghapon,” her daughter said. “Kaya
wala rin naman akong masyadong ginagawa.”

“Inaayos mo higaan ko, pinagsisilbihan mo ‘ko ng pagkain, inaalalayan


mo ko sa banyo, binabantayan mo oras ng pag-inom ko ng gamot, inaasikaso mo ang mga
bisita ko para sa’kin, pinupunasan mo ‘ko at pinapalitan ng damit... oo nga, wala
ka ngang ginagawa,” natatawang saad ni Johann.

“Gosh, I did all that?” gulat na sambit ng anak niya. “I’m not aware.
It was just normal. I am your wife, anyway.”

“Nakakatunaw ng puso ang pag-aalaga mo, Misis. Halika rito, kiss kita.”

Inirapan ito ni Sapphire. “Kiss your face.”

“Uyy, nahihiya sa harap ni Mommy.”

Mercy chuckled. “Oh come on, hija. Kiss your husband. Kunwari ay wala
ako rito.”

“Mommy! Hindi ako nahihiya, ano.” Humalukipkip ito at lumapit sa kanya.


“Anyway, buti nakauwi ka na from your vacation with your boyfriend at nakadalawa ka
rito.

Hinaplos niya ang buhok ng anak. “Buti nga kamo at nakauwi na kami.
Kung saan-saan naman kasi ako dinadala ni Arthur. He’s an adventurer!” tukoy niya
sa kasintahan na mas matanda lang sa kanya ng apat na taon. Galing rin sa
maimpluwensiyang pamilya. Biyudo at may dalawang malaking anak na tanggap naman
siya bilang kasintahan ng tatay ng mga ito. “You know, Saphi baby, I think I
finally found ‘the one’. Si Arthur. He’s really serious in our relationship.”

Inikot ni Sapphire ang mga mata. “Of course, Mom. Lagi mo namang
nakikita ang ‘the one’,” sarkastikong sabi nito na ikinatawa lang niya. “Lahat
naman ng naging boyfriend mo, sinabihan mong ‘the one’.”

“But Arthur’s different,” depensa niya pa. At iba talaga sa mga naging
kasintahan niya ang lalaki sapagkat si Arthur ang pinaka-responsable,
pinakamasiyahin, at pinaka-mature sa lahat ng naging boyfriends niya for over
twenty-something years.

“They are all different.”

Natawa si Johann. “Ang nega mo talaga, Misis. Kita mong masaya si


Mommy, binabara mo.”

Sapphire pouted. “Whatever.”

Naiintindihan niya ang pagsisintir ng anak. Nito lang sila naging open
sa isa’t isa ng anak niya. Ilang beses na daw siya nitong nakitang umiiyak dahil sa
mga past boyfriends niya na kung hindi siya niloloko ay iniiwanan naman siya ng
walang pasabi.

Ngunit hindi naman siya umiiyak noon for a failed relationship.


Nasasaktan lang siya dahil sa mga nagdaang lalaki sa buhay niya, walang gustong
tumanggap kay Sapphire bilang parte niya. Noong bata pa si Sapphire, lagi silang
“package deal” ika nga. Kung gusto siyang pakasalan ng kasintahan niya, dapat ay
isasama niya ang anak kung saan man siya dalhin ng mapapangasawa. Pero lumaki na
ang anak niya at nagkaasawa na, she never made it to the altar.

Anyway, she’s just forty-six years old. Maybe, she can still get
married lalo na at nagpaparamdam na si Arthur ng hangarin nitong pakasalan siya.
And Sapphire’s stable now with Johann. Masaya na anag anak niya at sinigurado
nitong hindi niya na itong kailangang intindihin kapag nakikipag-relasyon siya.
Kumbaga ay wala na ang “package deal”. Tanggap man daw ito o hindi ng taong
pakakasalan niya, ayos lang daw.

Buti na lang talaga at tanggap ni Arthur si Sapphire. Siyempre kahit


malaki na ang anak niya, magkaasawa man siya, hindi ito puwedeng ma-itsapuwera sa
pamilyang gusto niyang buuin.

Nanatili pa siya sa ospital at nakipagkuwentuhan sa anak at manugang.


Nag sumapit ang alas-singko ng hapon ay nagpaalam na siya dahil may usapan pa sila
ni Arthur na pupuntahan.

“Ihahatid ko lang si Mommy sa lobby,” paalam ni Sapphire sa asawa.

Nag-thumbs-up si Johann. “Ingat po kayo, Mommy!”

“Salamat. Kapag gumaling ka na ay pumunta kayo ulit sa mansyon.


Magpapahanda ako.”
Pagkalabas nila ng kuwarto ng anak ay nakasakay naman agad sila ng
elevator.

“Saphi, hindi ka pa ba buntis?” tanong niya sa anak.

Gulat na napabaling ito sa kanya. “Hindi pa. Bakit mo natanong, Mommy?”

“Wala lang. Gusto kong ihanda ang sarili ko kung magiging lola na ba
ako, anytime soon.” Napahawak siya sa magkabilang pisngi. “Parang ayoko pa maging
lola. Kaya sabihan mo ‘ko ng maaga kung sakaling mabuntis ka na, ha? Para matanggap
ko na may tatawag na sa’king ‘grandma’.”

Natawa ang anak niya. “Oh, so you’re afraid to be a grandmother pa,


ha?”

“Am I too sexy to be a grandmother?” biro niya.

Nagkatawanan sila nito.

“Don’t worry, Mom. Napag-usapan na rin naman namin ni Johann ang


tungkol sa pagkakaroon ng baby. I honestly told him na hindi pa ‘ko handa. I mean,
being a mom is a very big responsibility.”

“You’re right, baby. Sobrang laki talaga. Tignan mo ako. Nabuntis ng


maaga kaya ang palpak ko tuloy. Kasi hindi ako naging handa. Ang pagiging magulang
talaga ay pinag-iisipang mabuti at pinaghahandaan ng maayos. Tama iyang nagre-ready
ka. Laking pasasalamat ko talaga nang hindi ka nabuntis noong teenager ka.”

Ngayon niya parang mas gustong pasalamatan nang pagiging man-hater


nito. Kahit papaano ay ito ang kusang hindi lumalapit sa lalaki noong kabataan nito
kaya naiwas ito sa tukso.

“Huwag mo nang isipin ang nangyari sa’yo noon, Mommy. Ang mahalaga,
lumaki ako ng maayos,” anito habang papalabas sila ng elevator.

“Thanks to your Lola.” Buti na lang at laging nakasuporta ang mga


magulang niya kahit pa nakalaki niyang failure sa kanilang pamilya. But then, past
cannot be rewritten. She’s happy now because her daughter is happy.

“You’re still the hottest momma in town!” konsula ng anak. “And I love
you, Mommy.”

Niyakap niya ang anak at hinalikan ito sa pisngi. Sapphire is and will
always be the greatest gift from Above. Her daughter is the only right thing that
she got from her past mistakes.

Naging maksarili man siya nang hindi niya namamalayan habang lumalaki ito, hindi pa
rin tumigil ang anak niyang mahalin siya. Kung alam lang nito kung gaano pa kahigit
ang pagmamahal ng isang ina.

“I love you more, baby,” malambing na sabi niya sa anak. Niyakap niya pa ito nang
mas mahigpit na ginantihan naman nito nang parehong higpit.

“See you, Saphi!” paalam niya rito nang nasa labas na siya ng ospital at hinihintay
ang pagdating ng driver niya.

“Bye, Mom! You take care!” nakangiting kaway nito bago bumalik sa loob ng ospital
upang balikan na ang asawa nito.

Nakangiting sinundan niya ng tingin ang anak hanggang sa nakasakay na ito ng


elevator. Ibinalik niya ang tingin sa harapan at hinintay na huminto sa harap niya
ang sundo na maghahatid sa kanya sa opisina ni Arthur. And from there, they will
dine out.

Habang naghihintay ay may nahagip ang mga mata ni Mercy.

May isang pamilyar na bultong nasa hindi kalayuan at unti-unting lumapit sa kanya.
Marahan siyang napasinghap at napaatras.

“Mukhang nagulat ka,” anito sa mahina ngunit buong tono nang nasa mismong harap
niya na ito.

Napailing-iling siya. “N-No... W-What are you doing here?” sindak na sabi niya.

“Hindi mo habang buhay maitatago kay Sapphire ang lahat,” seryosong sabi nito.

Nanlamig ang mga kamay niya at napatingin sa loob ng ospital. Nagsimula siyang
kabahan. “Huwag na huwag kang lalapit sa anak ko! Binabalaan kita. Tahimik na ang
buhay ni Sapphire. Huwag mo nang guluhin pa, Darwin.”

“Guluhin? Bakit ko naman guguluhin ang buhay ng anak ko? Gusto ko lang maging
malapit sa kanya. Mas makilala siya. Pinagkait mo siya sa’kin iyon for twenty-eight
years, Mercy!” mahina ngunit mabagsik na bulalas nito

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang paparating kotse niya na
minamaneho ng kanilang family driver. Mabilis niyang tinalukuran si Darwin at
binuksan ang pinto ng kotse sa likod.

“Mercy!” habol ni Darwin sabay hablot ng braso niya.


“Darwin!” Marahas na binawi niya ang braso rito. “Alam nating lahat ang totoo. Kung
may plano kang magpakilala kay Saphi, huwag na huwag mo iyong gagawin!”

Ano bang kailangan nito? God! Bakit pa ito bumalik?

“She has the right to know.”

Tumalim ang tingin niya rito. “Hindi mo siya anak, Darwin. Hindi! Alam mo yan.
Umalis ka na dito! Huwag na huwag mong lalapitan ang anak ko!” mariing sabi niya at
saka ito tinulak ng malakas sa dibdib.

Pipigilan sana siya nito ngunit may mga guards na ang parang papalapit kaya hindi
na ito nagpumilit pa. Nakasalay siya ng kotse na napakalakas ng kabog ng kanyang
dibdib.

Nasapo niya ang noo at napailing-iling. Kapag nalaman ni Sapphire ang katotohanan
ay tiyak na magagalit na sa kanya ang anak...

~o~o~o~

NAPAANGAT ang kilay ni Sapphire nang makitang sa pagbalik niya ng kuwarto ay may
bisita pala si Johann.

At iyon ay ang college student na si Cindy na estudyante ni Johann. At


ito lang mag-isa. Wala ang mga kaklase nito.

“Hindi mo naman kailangang mag-abala, Cindy. At pagabi na, hija. Dapat


ay umuuwi ka na,” narinig niyang sabi ni Johann rito.

“I’m sorry, Sir. Pero gusto ko po talaga kayong bisitahin. Kayo po ang
favorite professor ko. Nag-aalala lang po talaga ako.”

“Nabisita niyo naman na ‘ko kahapon.”

“Pero, bulaklak lang po ang nabigay ko. Ngayon po, I have a basket of fruits. Mas
magiging mabilis daw po ang paggaling niyo kapag kumakain kayo ng fruits.”

“Oo nga, eh. Sa dami niyo nang nagbibigay ng prutas, magtatayo na kami ng misis ko
ng fruit stand dito sa ospital. Malapit na kami magbenta sa kapitbahay naming mga
pasyente.”
The girl chuckled. “Kayo po talaga, Sir. Basta po kapag nagbenta kayo, huwag niyo
pong ibebenta ang dala kong prutas. Special po kasi ito.” Napansin ni Sapphire na
napayuko ang dalaga at parang namula.

“Special?” gulat na bulalas kunwari ni Johann. “May powers ba iyan?”

Mahinhing tumawa si Cindy. “With love po ang mga prutas kaya po special,” parang
nahihiyang sabi nito. Dumantay ang kamay nito sa braso ni Johann. “Mas mabilis po
kayong gagaling, Sir.”

Sandaling hindi nagsalita si Johann. Hah! The girl is obviously flirting with her
husband!

Doon na siya tumikhim at sabay na napatingin sa kanya ang dalawa.

“May bisita pala tayo.” Bumaling siya sa dalaga. “Cindy, right?”

“Y-yes, Ma’am.”

“Ikaw lang mag-isa?”

“O-Opo. Hindi na po sumama ang mga kaklase ko kasi po maraming homeworks na


kailangan gawin.”

“Kung ganoon pala ay dapat maaga kang umuwi. Marami ka pa palang gagawin.”
Nakangiti si Sapphire pero may hint ng pagtataray ang tono niya. Mabilis na
pinasadahan niya rin ito ng tingin.

Sleeveless crop top at highwaist tight shorts ang suot ng dalaga. Well, sa edad
nito ay natural na ganoon ang suot...pero hindi ba masyadong plunging ang neckline
nito? And for an eighteen year old, she already had a well-rounded big breast. Or
epekto lang iyon ng push-up bra?

Anyhow, maganda at maamo ang mukha ng dalaga, ngunit masyadong sexy at revealing
ang suot nito for Sapphire. Natatandaan niya nang ganoong edad si Haley ay ganoon
din magsuot ang pinsan niya, pinagbantaan niyang sasabunutan niya ito kapag hindi
nag-ayos ng dadamitin. Buti na lang at nakinig sa kanya ang nakababatang pinsan.
Nang maka-graduate na lang ito ng college at saka ito bumalik sa pagsusuot ng sexy
outfits. Aprubado niya na iyon. At least college graduate na ang pinsan niya.

Eh, itong Cindy na ‘to?

“Ahm... may dala naman po akong sariling kotse. Kaya po mabilis akong makakauwi,”
dahilan nito.
“Pero alam mo, Cindy, dapat inuuna mo ang homeworks mo,” malumanay na sabi ni
Johann sa dalaga at saka ito nginitian. “Na-appreciate ko ang pagbisita mo sa’kin
at nagpapasalamat talaga ako sa mga prutas. Kakainin ko ang mga iyon. Sa ngayon,
umuwi ka na, hija. Siguradong nag-aalala ang mga magulang mo sa’yo.”

“Sanay naman po sila na madalas akong gabihin sa pag-uwi.”

“Kahit na. Ayaw mo ba silang masabayan sa pagkain? Magdi-dinner pa naman na.”

Napayuko na naman ito. “Hindi ko naman po sila nakasabay sa pagkain kahit minsan.
My parents were busy. Always busy,” malungkot na sabi nito.

Nagkatinginan sina Sapphire at Johann. Agad din siyang nakaramdam ng awa sa dalaga.
Obviously, kulang ito sa pansin ng mga magulang.

Nag-angat ito ng tingin at nakangiti na ulit ito. “Sige po, mauuna na lang po ako.
Get well soon, Sir Johann,” malambing na paalam nito sa asawa niya bago tuluyang
umalis.

Hindi nagpaalam sa kanya ang dalaga. Ang naramdaman niyanag awa rito ay
biglang pumutok.

“Kawawa siya ‘no?” sabi ni Johann nang wala na talaga si Cindy.

She crossed her arms over her chest. “She’s a flirt. At ikaw! Mukha
kang nag-e-enjoy!”

Napanganga si Johann. “Misis?”

“Ano?”

“Baliw ka ba? Grabe ka naman. Bata lang iyon.”

“She’s a young woman already, Johann. Did you see her boobs?”

“Bakit ako titingin sa boobs niya?”

“So, saan ka tumingin? Sa legs niya?” pagtataray niya.

Kumunot ang noo nito. “Bakit ako titingin sa legs niya? Estudyante ko
iyon. Bata ang tingin ko kay Cindy. Kahit kailan hindi ako tumitingin ng may
malisya sa mga estudyante ko. Child abuse iyong ganoon. Isa pa, isa akong guro.
Lisensiyado. Matino pag-iisip ko.”
“Pero huwag mong ikaila na hindi mo napapansin na may malaki siyang
boobs at flawless legs.”

“Oo. Napapansin ko,” diretsang sagot nito. “Iyon lang. Napapansin ko


lang. Hindi ko binibigyan ng malisya. Dahil neneng siya sa mga paningin ko. At
hindi ko alam kung bakit ang defensive ko. Sa tono mo siguro, Misis. Malisyosa ka
rin, eh.”

“Gosh, that girl has a crush on you!”

“O, eh, ano? Petty crush lang iyon. Pambatang paghanga. Nang nag-aaral
naman ako, may mga crush din akong teacher pero hanggang doon lang iyon. For kilig
purposes only.”

“You are entertaining her!”

“Bumisita iyong bata, eh. Anong gagawin ko? Sasabihan ko nang ‘Shoo,
shoo! Go away! Bawal ka ditong bata ka. May crush ka kasi sa’kin’? Ganoon?”

Inirapan niya ito. “Ha-ha. Funny.”

“Selosa.”

Nang tignan niya ito ay mapanuksong nakangisi ito.

“Pati ba naman bata, pagseselosan mo? Eh, alam mo namang ikaw lang sa
puso ko. Boom!”

Natawa siya. “Para kang sira. FYI, hindi ako nagseselos. Concern lang
ako. Baka sa sobrang pagka-cool mo na prof at pagka-friendly mo ay mabigyan mo ng
wrong signals si Cindy.”

“Tss. Alam ng lahat na may asawa ako. At alam ng lahat na hindi ako
papatol sa bata. Fifteen years naman ang tanda ko doon. Para ko nang kapatid iyon o
baka kung naging batang ama man ako, anak na turing ko sa ganoon. Friendly ako sa
mga estudyante ko pero pinapanatili ko ang barrier na ‘O, professor niyo pa rin
ako, ah. Galangin niyo pa rin ako kahit madalas na nakikipagbiruan ako sa inyo.’.”

“Basta. Mag-iingat ka lang,” paalala niya sa asawa. Hindi alam ni


Sapphire ngunit masama ang kutob niya kay Cindy. Hindi siya nagseselos. Basta. May
kakaiba lang siyang nararamdaman.

It’s somewhat inline with danger.


~o~o~o~

SA WAKAS ay nakalabas na rin ang asawa niya sa ospital.

Ngunit kailangan pa rin nitong magpahinga. Bawal pa rin itong


magtrabaho dahil baka mabinat. Nagtutuluy-tuloy pa rin ang pag-inom nito ng gamot.

Nahiga si Johann sa kama nila. “Ah! Na-miss ko ‘tong kama natin.


Napakaraming mainit na alaala rito na—”

“Sshh! Bago ka mag-remenisce ng mga intimate moments natin, magpahinga


ka muna.”

“Pahinga na naman. Iyan na lagi ginagawa ko sa ospital, iyan pa gagawin


ko dito sa bahay. Kakain,iinom ng gamot, matutulog. Kain-tulog. Buhay baboy?”

“Nangayayat ka. You need to be back in your shape.”

“Oo nga, eh. Napabayaan ko ang abs ko.”

“Ugh, wala ka pong abs, pinapaalala ko lang.” Inayos niya ang kumot
nito.

Natawa ito. “Ay, wala ba? Sorry. Nakalimutan ko.”

She chuckled also and kissed the top of his head. “Kaiinom mo pa lang
ng gamot. It will take effect again after a few minutes kaya matulog ka na ulit.”

Nahiga ito ng maayos. “Ang sarap ng buhay ko. May nag-aalaga sa’kin.”
Kinuha pa nito ang kamay niya at masuyo iyong hinalikan. “Ganito pala ang feeling
ng may nag-aalaga. Dapat noon pa kita nakilala, Misis.”

She sweetly smiled at him. “Matulog ka na.”

Nag-make face ito. “Ahm, di mo ba napansing nilalandi kita? Bakit


pinapatulog mo ‘ko? Lumandi ka naman pabalik!”

“May sakit ka pa! Umayos ka nga. We have forever for us to flirt. Pero
hindi ngayon. Magpahinga ka. Magpagaling ka agad kung gusto mong makipaglandian,
ha?”

Matulis na ngumuso ito.

“Ano iyan?”

“Kiss mo ‘ko,” nakangusong sabi nito.

Natatawa siya sa itsura nito. “No. Bawal pa. Baka mahawa ako.”

Nawala ang pagnguso nito at napayuko. “Ay.” Para itong batang naagawan
ng kendi. Humiga ito patalikod sa kanya. “Sige, tulog na ‘ko.”

Nagtampu-tampuhan pa! Napailing-iling na lang siya at hinalikan ang


pisngi nito. “Call me when you need anything, Mister. I love you.”

“Hmm.”

Inikot niya ang mga mata. “Seriously, nagtatampo ka?”

“Hinahanap-hanap na ng mga labi ko ang mga labi mo.”

Umikot ang mga mata niya. Hinarap niya si Johann sa kanya at saka
mabilis na dinampian ng halik ang mga labi nito. Tatlong beses niyang inulit iyon.
Hanggang sa sumilay na ang ngiti sa mga labi nito.

“Now, sleep,” utos niya rito at saka siya tumayo mula sa kama.

Nagtalukbong ng kumot si Johann. “Kinikilig ako!” bulalas nito.

“Gaytard.”

“Ang sarap-sarap ng halik ni Misis. Nakakapanghina. Nakakalakas. Ang


tamis-tamis! Ang sarap-sarap! Break it down.” pakantang sabi nito habang lumalabas
siya ng kuwarto.

Natatawa na lang siya habang paupo ng sofa sa sala. Binuksan niya ang
kanyang laptop para mag-check ng emails. An hour later, may narinig siyang katok sa
gate. Sumilip siya sa may bintana bago lumabas.

“Magandang hapon po! Sulat po para kay Mrs. Sapphire Anderson.”


“That’s me,” aniya.

The old mailman smiled. “Pakipirmahan na lang po rito.”

Pagkatapos siyang may pirmahan ay nagtatakang nakatingin siya sa isang


long white envelope na nakapangalan sa kanya. Uso pa pala ang snail mail?

Pagkapasok niya ulit ng bahay ay pumunta siya ng kuwarto para i-check


ang asawa. Mahimbing itong natutulong.

Bumalik na siya sa sala at binuksan na ang sulat. Sino naman ang


nagpadala pa sa kanya ng sulat kung may email naman?

She started reading the letter.

Sapphire,

Nababalitaan kong tinatanggap mo ang mga regalong handog ko sa’yo. Sana ay


nagustuhan mo ang mga iyon.Nang bata ka pa ay naalala ko ang pagkagusto mo sa kulay
kahel na kahit anong gamit na may ganoong kulay ay napapangiti ka. Ipagpaumanhin mo
kung hindi ko magawang magpakilala, hija. Ngunit sa tingin ko, kailangan ko na ring
ipaalam kung sino ako sa buhay mo. Nasasabik na rin akong makita, mayakap at mas
makilala ka pa.

Huwag ka sanang matakot sa’kin. Kung gusto mo sa ating pagkikita ay magdala ka ng


mga kasama. Wala akong masamang hangarin sa’yo. Gusto lang sana kitang mas
makilala, anak. Nakalagay ang numero ko sa ibaba ng sulat na ito. Tawagan mo ‘ko
kung kailan ka handa.

-D.S.

~~~

Next Update: February 23. (Monday)

=================
Chapter Thirty-Five

CHAPTER THIRTY-FIVE

“OKAY. You can open your eyes now!”

Dahan-dahang idinilat ni Johann ang mga mata at kitang-kita ni Sapphire


rito ang pagkamangha sa nakita.

Nginitian niya ito. “Surprise! This is your new car!” Hinila niya ito
palapit sa kotse. “Did you like it?”

Nakita niya kung gaano suyurin nang buong paghanga ni Johann ng tingin
ang kotse. Marahang hinaplos pa nito iyon na para bang natatakot itong magasgasan
kapag napadiin ang hawak nito.

“Eto iyong kotse na regalo mo sa’kin?” baling nito sa kanya na


nagniningning ang mga mata.

“Obviously. It’s the 2014 Mercedes-Benz E-Class E350 Cabriolet. It’s


one of the latest model cars that MB released this year,” imporma niya rito. “Anong
masasabi mo?”

Malawak na napangiti ito. “Ang pogi ng kotse na’to! Astig!” Patuloy pa


rin ito sa pagsuyod ng tingin sa kotse. Bawat sulok ay tinitignan nito.

Napapangiti na lang rin si Sapphire habang pinagmamasdan niya ang asawa


na parang excited na bata habang nakatingin sa kotse. The cabriolet is a two-door
car that can carry four to five passengers. Lunar Blue Mettalic ang exterior color
at gray naman ang interior. Top-down styled din ang bubong at nagmamalaki sa harap
at likod ng kotse ang Mercedes-Benz logo.

“Like I’ve told you, dapat sa Pasko ko pa ‘to ibibigay. But to make
sure that you won’t come home again na basang-basa ng ulan dahil tumirik ang kotse
mo, ngayon ko na ‘to ibibigay sa’yo.” Umupo siya sa hood ng kotse. Tinukod niya ang
mga kamay at pinag-cross ang legs niya.

Napatangu-tango si Johann. “Eh, ano nang gagawin ko sa Vios ko?”

“Let’s still keep it. Dito natin itago sa garahe ng mansyon. I know
naman na wala kang lakas-loob na ibenta iyon kasi first car mo iyon. Kaya, isama na
lang natin sa collection rito.”
Iginala ni Johann ang tingin sa napakalaking garahe ng mga Monteverde.
From vintage cars to modern ones, they got it all.

“Car collector ang Lolo namin bago siya namatay,” naisip niyang
ikuwento rito. “When he’s gone, Lola kept his car collection kasi magagalit daw si
Lolo kapag ibinenta niya sa iba pang car collectors.”

“Nakakahiya namang ihanay rito ang kotse ko.”

“Nope. I don’t think so. In the future, ma-appreciate ng marami ang


2007 Toyota Vios mo katulad ng pagka-fascinate ng ibang tao ngayon sa mga 1950
Volkswagen. So, qualified siya sa car collection.”

Binuksan ni Johann ang pinto ng driver’s seat at umupo roon. Tinignan


nito ang mga featires ng kotse sa loob at sa bawat paghawak nito ng mga bagay sa
loob ay napapangiti ito.

“You like cars, don’t you?”

Napatingin ito sa kanya. “Sino bang lalaki ang ayaw sa kotse?” Hinaplos
nito ang manibela. “Magkano bili mo rito?”

“I won’t tell you. It’s a gift! Bakit ko sasabihin ang presyo?” Inabot
niya rito ang susi na kasama ng car remote. “Anyway, the price does not matter.
Para naman kasi sa’yo ‘yan. Good guys like you deserves good cars like this.”

Lumabas si Johann mula sa kotse at saka tumayo sa harap niya.

“So, are you going to accept it or pagtatalunan pa natin kung bakit ako
bumili ng mamahalin na kotse para sa’yo?”

Umiling ito at tinignan siya. “Hindi ko ‘to kotse. Kotse natin ‘to,”
mariing sabi nito sa “ko” at “natin”. “Hindi ako makikipagtalo dahil ipokrito ako
kung sasabihin ‘kong hindi ko nagustuhan. Mercedes-Benz na ‘to, aarte pa ba ‘ko?
Minsan sa buhay ko, nangarap naman ako ng ganitong ka-astig na kotse.”

“Puwede ka namang magkaroon ng ganitong kotse kung sasabihin mo lang


kay Daddy Philip,” tukoy niya sa ama nito.

“Oo, puwede. Pero nakakahiya. Buti na lang hindi ako humingi. Mas gusto
ko ‘to na regalo ng asawa ‘ko. Mas masarap alagaan.” Hinapit siya nito sa baywang.
“Salamat, Misis.”

Nakahinga ng maluwag si Sapphire. Akala niya isusumbat na naman ni


Johann na dapat hindi na siya gumastos ng malaki at dapat ginamit niya na lang ang
pera para makatulong sa charity.

“Thank you that you appreciate it.”

“Sa’yo ‘to galing. Hindi ko hiningi o ano. Desisyon ng puso mo na


bigyan ako ng ganitong regalo. At kahit ano mang bagay na ibibigay mo ng may
pagmamahal, hinding-hindi ko tatanggihan.” He kissed her cheeks.

Yumakap siya sa leeg nito at mapaglarong ipinulupot ang mga binti sa


balakang nito.

“Ay,” napangisi ito. “May kababalaghan kang naiisip. Gusto ko iyan.”

She chuckled and bit her lower lip. “Tell me your darkest dirtiest
secret.”

Kumunot ang noo nito. “At bakit gusto mong malaman?”

“I’ll tell you a secret in exchange of your secret.”

Mukhang nag-isip ito. “Sige. Gusto mong malaman kung paano ko nawala
ang virginity ko?”

Napataas siya ng kilay. That sounded interesting. “Go ahead. Hindi mo


pa nakukuwento sa’kin iyan.”

Impit siyang napatili nang buhatin siya ni Johann at umupo ito sa


driver seat ng kotse at nakakandong na siya rito.

“Sa kotse iyon, eh,” pagsisimula nito.

“What?!” bulalas niya. “You had your first experience inside a car?”

“Oo. Ang naughty ko ‘no?”

“Mukhang proud ka pa!”

Natawa ito. “Hindi naman. Highschool lang ako noon, eh. Third-year
highschool. Tapos may pinaka-bebot sa school namin na senior year na. Nakalimutan
ko na kung paano kami nagkakilala, eh. Sa mga barkada siguro. Tapos, ang lagkit
tumingin sa’kin niyon, eh. Sabi ko, ‘Ah, crush ako nito.’”

“So, you had sex with her?”


“Sandali lang. Excited? Pupunta rin tayo diyan.”

“Ang bottomline, nakipag-sex ka sa kanya.”

“Oo. Pero niligawan ko siya at naging girlfriend ko naman siya. Maganda


relasyon namin. Tapos alam mo iyong usig ng barkada? Sobrang sexy naman kasi ng
girlfriend ko. Nakaka-turn on. Pero, ilang beses kong inalis sa isip ko na may
mangyayari sa’min. Kasi ginagalang ko naman siya, eh. Tapos isang araw, sa kotse
niya...ramdam naming dalawa iyong tensyon, eh. Alam mo iyon?”

“Sexual tension?”

“And curiousity. Hindi ko na matandaan kung paano siya nag-surrender.


Pero alam ko, parang gusto rin niya. Pagkatapos...ayun na. Rakrakan na.”

“Mukhang nag-enjoy ka?”

Pilyong ngumiti ito. “Mesherep, eh.”

“Ang landi mo!” sabay hampas niya sa braso nito. Hindi naman nakaramdam
ng pagseselos si Sapphire o ano. Lalaki si Johann kaya alam niyang may mga ganoon
talaga itong escapades. Wala naman sa kanya iyon. Afterall it’s all in the past.

“Iyon na ang pinaka-dark and pinaka-dirty secret mo?”

“Oo. Gusto mo i-detail ko pa ginawa namin sa kotse? Dirty iyon.”

Inirapan niya ito. “Bakit natatandaan mo pa every detail?”

“First, eh. Saka minahal ko naman iyong girlfriend ko na iyon. Somehow,


lovemaking din iyon. Pero, di ko pinagmamalaki na binatilyo ako nang ginawa ko
iyon. Pero nahingi ko na ng tawad kay Lord ang kapusukang iyon. Hindi na ‘ko
umulit...”

“Weh?”

“He-he!” tanging sagot nito.

Natawa rin siya. “Ang landi mo talaga!”

“Sorry na. Sadyang kabilang ako sa mga naging mapusok nang kabataan ko.
Pero, kahit kailan naman, hindi ako iyong nag-initiate sa mga naging girlfriend ko.
Saka isa pa, nangangako naman ako na pananagutan ko sila. Kaso, mga girlfriend ko
rin humihiwalay sa’kin.”

“Nakailang girlfriends ka ba?”

“Tatlo. Seryoso naman lahat iyon. Isa sa highschool, dalawa sa college.


Guilty nga ako kapag nakikipaghiwalay sila sa’kin. Halata kasi nila na parang dina-
divert ko lang iyong attention ko sa kanila. Kasi nga in love ako kay Czarina noon.
Kaso bata pa siya kaya talagang binaling ko sa iba ang pagmamahal ko.”

“Tapos basted ka kay Czarina, ano?” pang-aasar niya rito.

Pero mukhang di naman ito napikon. “At dahil doon, nakilala kita. And
we live happily ever after!”

“Nasaan na pala iyong mga naging ex-girlfriends mo?”

“Wala na ‘kong balita sa kanila. Siguro may mga pamilya na rin sila.”

“Wala naman sigurong biglang babalik?”

“Oy, wala, ah. Clean lagi ang break-up ko sa mga naging girlfriend ko.
Talagang nagbibigayan kami ng closure. Ayoko ng may issue na naiiwan sa pagitan
namin. Tignan mo nga si Czarina, hindi naging kami, pero nagka-closure pa rin
kami.” Tumawa ito. “Sabi ng mga etudyante ko, sa panahon daw ngayon, kahit crush
lang kailangan din ng closure kasi may mga hindi maka-move on.”

She chuckled. “Kids these days” napapiling na sabi niya. “You know,
hindi ‘ko naranasang magkaroon ng crush.”

“Kawawa naman. Okay lang iyan.” Hinaplos nito ang buhok niya. “At least
lahat ng first sa’kin mo naranasan. Ah, ang pogi ko!”

Pinatong niya ang ulo sa balikat nito. “Hindi kaya. May first stolen
kiss ako noon,” pagtatapat niya.

“First stolen kiss?”

“Oo.” Napasimangot siya nang maalala ang nagnakaw ng unang halik sa


kanya. It was just a smack, anyway. Pero nakakinis pa rin kapag naalala niya. “I
was a kid then. Six years old lang ako.”

“Tignan mo ‘to. Ikaw pala unang lumandi, eh!” tukso nito.


“No! Ako iyong nanakawan ng halik! Hindi ko ine-expect iyon.”

“Malamang. Wala namang nanakawan na nag-expect na mananakawan sila.”

“See? Kaya nga inis na inis talaga ako. Hanggang sa ngayon.”

Natawa ito. “Ano bang nangyari?”

“Birthday party ni Reeve iyon. Siyempe kids party kaya nandoon kaming
magpipinsan. Tapos iyong bestfriend niya, si Prince? Lagi akong binu-bully niyon,
eh. Lagi niya ‘kong sinasabihan na ang ganda ko daw.”

“Pinuri ka na nga, bully pa sa’yo yun?” Natawa na naman ito.

“Eh, ayoko nga kasi sa mga lalaki noon. Kaya kapag may nagpe-praise
sa’kin na lalaki, naiinis ako.”

“Huhulaan ko, ninakawan ka ni Prince ng halik nung six ka sa birthday


party ni Reeve?”

“Yeah.” Sumingkit ang mga mata niyon. “Mula noon kapag nakikita ko
siya, lagi ko siyang sinusuntok sa mukha tapos pinagtatawanan niya lang ako.”
Lumabi siya. Nag-astang parang kawawa.

Ngunit tumawa lang si Johann. Mukhang nagenjoy pa sa kuwento niya. “Ang


tinik talaga ng Prince na iyon! Idol!” Hinapit siya nito sa baywang. “Kaya pala
nang bumisita sa’kin sa ospital si Prince, ang sama ng tingin mo sa kanya? May past
pala kayo, ah?”

“He’s disgusting.”

“Hayaan mo na. Move on ka na. May asawa na iyon. Baka nga nakalimutan
niya na iyong ginawa niya sa’yo noon, eh.”

“Bakit mo pala naging kaibigan iyong Prince na iyon?”

“Pinakilala lang sa’kin ni Agatha tapos ayun. Nagkasundo kami. Ganoon


siguro talaga kapag mga pogi, you know?”

“Ah basta. Hindi ko pa rin siya bati.”

“Sige, susuntukin ko minsan kapag nagkita kami. Kung iyon ang


ikapapanatag ng damdamin ng six-year old mong kaluluwa.”
Sapphire chuckled. “Mister.”

“Bakit?”

Tumingin siya rito. Sapphire wanted to tell him something. Pero hindi
niya magawang maibahagi rito ang tungkol sa natanggap niyang sulat noong isang
araw.

She distracted herself the last two days. Lagi niya lang inaasikaso si
Johann hanggang sa gumaling ito at lagi lang siyang nakikipagkuwentuhan ng kung
anu-ano rito katulad kanina para lang hindi niya maisip ang gumugulo sa utak niya.

Hindi niya na kailangang magpaimbestiga pa kung saan galing ang mga


pinapadalang package sa kanya. She’s pretty sure that her true father knows her.

Pero paano nangyari iyon? Bakit biglang gusto siyang makilala ng


sariling ama? Kuwento nga sa kanya ng Mommy niya, hindi daw ito pinanagutan noon.
Kaya bakit gusto siya nitong biglang mas makilala kung hindi naman siya inako nito
noon?

Huminga siya ng malalim. “Sabi mo noon...may tamang oras kung kailan


gina-grant ni God ang mga prayers natin.”

Humawak ito sa magkabilang baywang niya. “Oo. Bakit?”

“Pa’no kung hindi mo na pinagdadasal ang isang bagay pero dumating pa


rin iyon?”

Seryosong tinignan siya nito. “Dahil nakatadhanang mangyari ang isang


bagay, kung ganoon. Si God kasi, planado Niya na ang buhay mo mula umpisa hanggang
dulo. At kapag may isang bagay na dapat mangyari kahit hindi mo na hilingin,
mangyayari at mangyayari iyon nang may rason.”

Nayuko siya at nagsalubong ang mga kilay. Kung dati gusto niyang
makilala ang totoong ama, ngayon ay hindi na siya sigurado. Parang ayaw niya na.
Para sa kanya, wala naman nang sense.

Masaya na siya sa buhay niya. Hinahanap-hanap lang naman niya ito noong
bata pa siya dahil hindi siya masyadong nabibigyan ng atensyon ng Mommy niya.

But everything’s all different now. She has Johann and with him, life
is just complete, simple, and happy.

Hindi niya alam kung tatawagan niya ba ang numerong nakalagay sa sulat
na natanggap niya. Parang hindi naman na siya interesado pa.
Ngunit kung hindi na talaga, bakit bumabagabag pa rin iyon sa kanya?

“Sabi ko na, eh.”

Napaangat ang tingin niya sa asawa. “What?”

“May pinoproblema ka.”

Hindi siya sumagot. Umalis siya sa pagkakandong rito at umupo sa


passenger seat sa tabi nito. “How can you tell?” she asked.

Tumingin ito sa kanya. “Ako pa ba? Kapag sa’yo, bukas na bukas ang five
senses ko. Lahat napapansin ko. Nitong mga nakaraang araw, masyado mo kong
pinagtutuunan ng pansin, masyado kang maraming tinatanong, masyado kang maraming
kinukuwento, masyado kang malambing, masyado kang madaldal...hindi ka naman ganoon.
Unless, you’re distracting yourself from something.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Sa malamang mas aasikasuhin kita at mas
magiging malambing ako sa’yo kasi nga may sakit ka.”

“Hindi din.”

Inirapan niya ito. “Ewan ko sa’yo.”

“Tignan mo ‘to, biglang magtataray. Isa pa iyan. Kapag ganyan ka na,


ibig sabihin may natatamaan na ‘ko. Sabihin mo na. May bumabagabag sa’yo, ano?”
Tinapat ni Johann ang kamay nito sa tapat ng puso nito. “Ramdam ko rito, eh.”

Johann knew her too well. Humalukipkip siya. “I’m not in the mood to
talk about it.” Or she doesn’t really want to talk about it? Hindi niya alam. Kapag
nalaman ni Johann na gusto siyang makilala ng totoong ama niya, baka ipagpilitan
nitong makipag-communicate siya.

“Hmm. Masyado ka nang maraming nililihim sa’kin. Hindi kaya


magkapatong-patong iyan at bigla ka na lang sumabog?”

“Bakit ako sasabog?”

“Baka kasi mabigat sa damdamin o di kaya ay masakit sa ulo isipin.


Sinasarili mo pa. Kung hindi mo kayang ibahagi sa’kin bilang asawa mo, puwede
namang i-open up mo sa’kin bilang kaibigan mo.” Kinuha nito ang kamay niya. “Alam
mong makikinig ako,” he intently said.
Nakagat niya ang ibabang labi. Right. Johann’s her bestfriend, too.
Paano niya bang nakalimutan that she can confide anything to him? At bilang
kaibigan, gagalangin nito ang bawat desisyon na gusto niyang gawin.

Pagkatapos ng ilang minutong pakikipagpaglaban sa sarili kung sasabihin


niya ba rito o hindi ang pinoproblema niya, napagdesisyon siyang sabihin na ang
lahat rito.

Mula sa pagtanggap niya ng mga package at planong pag-iimbestga noon


hanggang sa natanggap niya ang sulat na panigurado siyang galing sa totoong ama.

“And you know what, I got a feeling that, iyong minsang nararamdaman ko
na parang may nagmamanman sa’kin... it was my father’s doing.” She
sighed. Sumadal siya sa upuan at sinandig ang ulo. “Sa tingin ko marami nang alam
sa’kin ang tatay ko. Pero bakit bumabalik siya?”

“Baka kasi ito na ang sagot sa dasal mo mula pagkabata mo. Iyong “not
yet” ni Lord noon ay “yes” na ngayon.”

“But... I don’t want to know him anymore...”

“Sigurado ka?”

She’s not really sure. Parang may parte pa rin sa kanya na gustong
makilala ang ama. Pero... “Natatakot ako.”

“Saan?”

“I just got this bad feeling. Parang kapag nakilala ko siya, marami
akong malalaman. I don’t know... and what about Mommy? Paano ko sasabihin sa kanya
na bumabalik iyong taong hindi siya pinanagutan? It would hurt her if I’ll
entertain him.”

Hindi na nagsalita si Johann at pinisil-pisil lang ang kanyang kamay.


Maya-maya ay napansin na lang ni Sapphire na parang nabasa ang pisngi niya. She
touched her face and found out that she’s crying already!

Mabiis siyang kinabig ni Johann sa dibdib nito at niyakap siya nang


mahigpit. He didn’t ask why.

He knew she was torn.

Torn between the want and the hatred to know the man that abandoned her mother when
he got her pregnant. Kung pinanagutan lang ng totoong niyang ama ang Mommy niya,
they could have been a happy family.
“A-Anong gagawin ko?” she softly asked her husband.

He kissed her forehead and gently whispered, “Let’s pray.”

~o~o~o~

“ALAM mo na gagawin mo?”

“Hindi pa rin.”

“Eh di, ipag-pray ulit.”

Nangalumbaba si Sapphire habang nakatingin sa flat-screen T.V. na nasa


kuwarto niya. Pagkatapos nilang tumambay sa garahe ng mansyon ay inaya niya si
Johann na doon muna sila at manood ng pelikula sa kuwarto niya.

Kasalukuyan siyang padapang nakahiga sa kama niya habang nakatitig lang


sa malaking T.V. Si Johann naman ay nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama.
Hinilot-hilot nito ang paa niya.

“Misis.”

“Hmm?”

“Huwag mong pilitin ang sarili mong maging handa. Ipanatag mo ang
kalooban mo kung gusto mo talagang makipagkita sa tatay mo.”

Nilingon niya ito. “At sino namang may sabi na makikipagkita ako sa
kanya?”

He knowingly smiled. “Ramdam ko.”

Damn it. “Can you read my mind?” sarkastikong wika niya.

“Nakikita ko sa mga mata mo. Nararamdaman ko sa puso mo. O baka


assuming lang ako.”

She laughed. “Johann, hindi mo ba ‘ko pipilitin na makipagkita?”


Pinatunog-tunog nito ang mga daliri niya sa paa. “Hindi. Desisyon mo
iyan.”

“You won’t tell me what’s the best thing to do?”

“Sinabi ko na iyan.” Ngumisi ito. “Magdasal nga, di’ba? Kapag di mo


alam ang gagawin, subukan mong makinig sa gusto ng Diyos na gawin mo.”

“You’re talking holy, again.”

“Totoo naman kasi. Hindi mo kailangang laging dumepende sa sarili mong


desisyon. Lalo na takot ka sa kalalabasan. Kapag ganyan na walang nakakaalam sa mga
susunod na mangyayari, kanino ka ba makikinig sa susunod mong gawin?” Padapa na rin
‘tong humiga katulad niya.

“God knows what is bound to happen next. He can give the answers...
can’t He?”

“Tumpak!”

“But how can I know what He wants me to do? Hindi ko naman Siya
naririnig.”

“Kung anong sagot ang unang pumasok sa isip mo pagkatapos mo magdasal,


iyon ang sagot. Ang Diyos, sa puso mo bumubulong. Kaya makikinig ka sa sinasabi ng
puso mo.”

Pumikit siya. “I can’t hear anything.”

“Baka hindi ka talaga naka-focus kay Lord, kaya hindi mo marinig.”


Tinignan siya nito ng mataman. “Huwag mo muna madaliin. Maririnig mo rin ang sagot.
Pero sa ngayon, may iba akong naririnig.”

“Ano?”

He playfully grinned. “Punta daw tayo sa ilalim ng kumot. Masaya daw


doon.”

Umingos siya ngunit napatili at natawa nang kubabawan siya ng asawa.


Pinaulanan nito ng mga halik ang buong mukha niya.

“Na-miss ko ‘to,” anito habang nakangisi. “Na-miss mo rin ‘to. Aminin


mo.”
“We’ve been whole some for quite sometime. Yeah.”

Nagkatinginan sila at nagkatawanan. Bumaba ang ulo nito at marubdob


siyang hinalikan sa mga labi. Nakalimutan tuloy ni Sapphire ang pinoproblema niya.

“May naisip ako...” she whispered between their kisses.

Unti-unti nang bumababa ang mga kamay ni Johann sa katawan niya. “Ano?”

“Let’s do it inside the car!”

Natigilan ito. “Seryoso?” di makapaniwalang-sabi nito. “Bibinyagan


natin iyong bagong kotse natin?”

Tumangu-tango siya. “Uh-huh. Thrilling!”

Kinagat ni Johann ang ibabang labi nito at mainit siyang tinignan.


“Paunahan sa kotse, ano? Ang mahuli, siya sa ibabaw.”

“Ang mahuhuli ang gagawa lahat ng pleasure? Okay!”

“Game!”

“Johann!” tili niya nang mabilis na nakabangon ang asawa at nakalabas


ng kuwarto niya. Ang daya!

Pagkalabas niya ay hinihintay siya nito sa may hagdan. Kinindatan siya


nito at saka mabilis na bumaba. Hindi naman siya nagpahuli.

They were halfway the stairs when they both stopped.

“Leave this house now!”

Nagkatinginan sila ni Johann at magkasabay na sumilip sa ibaba. Nakita


niya ang Mommy niya na tila galit na galit. Para silang mga bata ni Johann na
mabilis na nagtago sa balustre ng malaking hagdan.

“Bakit hindi mo sinabing itinuloy mo? Bakit pinaniwala mo ‘ko na—” sabi
ng isang pamilyar na boses.

“Wala ka namang pakialam noon sa’kin at sa anak ko.”


“Kaya sumama ka kay Kuya?”

“Kaya niya kong panagutan.”

“Pero iniwan mo rin siya dahil hindi mo kayang mawala ang prinsesang
buhay mo!”

“Para iyon sa ikabubuti ng anak ko! Kung nagawa mo ‘kong pananagutan


noon, sana hindi naging ganito kagulo!”

Lumakas ang tibok ng puso niya. Siguradong-sigurdo siya...ang ama niya


ang kausap ng Mommy niya base sa pinag-uusapan ng mga ito. Parang nanikip ang
dibdib ni Sapphire...makakaharap niya na ba ang totoong ama ngayon... Hindi...

Hindi pa siya handa. Ayaw niya pa.

Sumilip si Johann sa ibaba at napansin niya ang panlalaki ng mga mata


nito. “Tang—”

“Why?” pabulong na tanong niya.

Napatingin ito sa kanya. Puno nang pag-alala at pagtataka ang anyo


nito.

Inalalayan siya nitong tumayo at kinabig nito ang ulo niya pasubsob sa
dibdib nito. Kaya hindi niya na narinig o nakita ang nangyayari sa baba. Tuluy-
tuloy silang bumalik sa kuwarto niya.

“T-That’s my father already...” nasabi niya habang tulalang nakatingin


kung saan.

Palakad-lakad naman si Johann pagkatapos nitong ikandado ang pinto.


“Bakit ganoon? Paano...?” narinig niyang bulong nito.

“W-Why?” wala sa sariling natanong niya. Umuulit sa isip niya ang hindi
niya maintindihang pagtatalo kanina.

Tumingin sa kanya si Johann. His eyes were full of concern while


looking at her.

“Si... si Sir August...” anito. “Si Sir August ang nasa baba kanina.”

Nanlaki ang mga mata niya at rumehistro sa isip ang pamilyar na boses
kanina.
Fuck.

Augustine Santiago is her real father. Ito si D.S.?

Ngunit nang maalala niya ang reaksyon nito sa ospital ay parang nagulat
ito nang malaman kung sino ang Mommy niya. At sa sulat na ibinigay ni D.S. sa
kanya, mukhang matagal na siyang kilala niyon.

Kung si Sir August at D.S. ay iisa, bakit ganoon?

D.S... Darwin Santiago.

“Bakit hindi mo sinabing itinuloy mo? Bakit pinaniwala mo ‘ko na—”

“Wala ka namang pakialam noon sa’kin at sa anak ko.”

“Kaya sumama ka kay Kuya?”

“Kaya niya kong panagutan.”

Oh, shit. She’s more than confused now.

~~~

Next Update: Tomorrow night. (Feb 24, 2015)

=================

Chapter Thirty-Six

CHAPTER THIRTY-SIX

NANATILI sina Johann at Sapphire sa kuwarto ng huli. Hindi na nila alam kung anong
nangyari sa ibaba dahil walang naglakas-loob sa kanila na lumabas at tumingin.

Nakahiga sila pareho sa malaking kama niya at diretso ang tingin sa kisame.
Naalala niya ang "tsismis" noon sa kanya ni Johann tungkol sa dalawang Santiago.
Kinonekta nila iyon sa taong nagpapadala sa kanya at sa narinig nila kanina.

Clearly, ang mystery sender niya ay si Darwin Santiago. Akala niya ay ito rin ang
totoo niyang ama. Not until they heard what August Santiago told her mom earlier.
Malinaw sa pag-uusap ng mga ito na si Sir August nga ang tatay niya...

Ngunit bakit sa sulat sa kanya ni Sir Darwin, mas ito pa ang mukhang tatay niya?

"I'm confused."

Hindi nagsalita si Johann. Katulad niya ay mukhang pilit nitong binubuo ang puzzle
sa isip nila.

Napabuntong-hininga siya at pinagpatuloy ang pakikipagtitigan sa kisame. Hindi


pinanagutan ni Sir August ang Mommy niya kaya si Sir Darwin na lang ang umako.

So that means, both brothers loved her mother?

And wait, if Sir Darwin took responsibility, why did she grew up without a father?

Naalala niya ang kuwento noon ni Johann;

"Pinanagutan daw iyong babae. Pero tumakas iyong babae. Tinakas kasama iyong baby,
eh."

Oh, life. The woman was her mother and she was the baby. Ang tsismis sa kanya noon
ng asawa ay tungkol na sa buhay niya.

"Bakit hindi mo sinabing itinuloy mo? Bakit pinaniwala mo 'ko na-"

"Wala ka namang pakialam noon sa'kin at sa anak ko."

"Kaya sumama ka kay Kuya?"

"Kaya niya kong panagutan."

"Pero iniwan mo rin siya dahil hindi mo kayang mawala ang prinsesang buhay mo!"

Shit.

Dahan-dahan siyang napabaling kay Johann. "I had a conclusion."


Napatingin din ito sa kanya. "Naisip mo rin?"

At base sa tingin ng asawa ay parehas sila nang naiisip. She bit her lip.

"Totoo ang kinuwento sa'kin ni Mommy na hindi nga siya pinanagutan. But no one ever
told me na may umako pala ng responsibility...Hindi kasingyaman nila Mommy si Sir
D-Darwin... My mom can't live a simple life. Kaya tumakas siya from my father's
brother at bumalik sa poder nina Lola..." she concluded. Hindi alam ni Sapphire
kung bakit bigla siyang nakaramdan ng galit bigla.

All her life, she tried to avoid hating her mom for never giving enough attention
to her. Pero ngayong nalaman niyang may tsansa pala noon na lumaki siyang may
father figure, at ang Mommy niya ang may kasalanan kaya hindi iyon natuloy dahil
umalis ito. For what? For luxury? For a well-off life?

Nakuyom niya ang mga kamay nang hindi niya namamalayan. Mabilis siyang bumangon at
pumasok ng walk-in closet niya. Sinusian niya ang isang closet doon kung saan niya
pinatago ang mga packages na pinadala sa kanya noong mga nakaraang araw.

Binuksan niya ang mga package na hindi niya pa nabubuksan. Sa isang box na medyo
may kabigatan na naalala niyang pinakuha niya kay Mang Willy na muntikan na siyang
mahuli ni Johann, may laman iyong mga gamit ng baby.

From feeding bottles to bibs. From little dolls to stuff toys. May mga lampin rin
na nakaburda ang pangalan niya... Naghalungkat pa siya at nakakita ng isang
picture.

May isang bagong panganak na baby ang natutulog sa picture. Tinignan niya ang
likuran niyon.

Sapphire Danaya M. Santiago. July 18, 1986.

Welcome to the world, baby.

She can't recognize the handwritting. Ngunit sigurado siyang hindi iyon sa Mommy
niya. Marahan siyang huminga ng malalim. Bigla siyang may naramdamang kirot sa
dibdib.

Tinignan niya pa ang loob ng box pero wala nang ibang laman iyon. Sinubukan niyang
buksan ang isa pang package na kasing laki lang ng shoe box. Napasinghap siya nang
makitang mas marami pang baby pictures niya ang nandoon. At kahit kailan ay hindi
niya pa nakikita ang mga iyon.

Hindi niya alam kung bakit naginginig ang mga kamay niya habang tinitignan isa-isa
ang mga larawan at ang nakasulat sa likod niyon.
One month old Saphi. Such an angel. August 18, 1986

Two month old Saphi. Most wonderful baby girl. September 18, 1986.

Three month old Saphi. Baby, you brought colors in to my life. October 18, 1986.

Nakagat niya ang ibabang labi nang makakita ng larawan kung saan may braso ng isang
lalaki ang nakikita sa picture ngunit hindi ang mukha nito. Nakasandig siya ang
baby sa braso ng lalaki na parang kilalang-kilala nito ang kasama. And the baby was
smiling. She was smiling there while lying on a man's arms.

Seventh month and you first smiled at the camera, Sapphire. When I held you, you
automatically smiled and clung to me. You're so precious like your name. You are
mine, my baby girl. In my heart, you are my daughter. March 18, 1987.

"Oh, my god." Mas lalong sumikip ang dibdib niya. Naramdaman niya na lang ang
pagdantay ng kamay ni Johann sa balikat niya. Hindi niya namalayan na kanina pa
pala ito sa likod niya.

Marami pang mga pictures na sumunod. Nahinto siya sa larawan niya na nakadapa sa
kama at nakangiti ng malaki na labas pa ang maliliit niyang ngipin. She wasn't
smiling at the camera but maybe she's smiling at the person holding it.

Eleventh month. You already said 'Dada' and 'Love you'. Daddy loves you, too,
Sapphire baby. Daddy will forever love you. June 18, 1987.

Naghanap pa siya ng pictures pagkatapos ng eleventh month. But there was no more.
Nagpakurap-kurap siya habang nakatingin sa kalat-kalat ng mga larawan sa dresser
niya.

Parang namanhid ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung bakit parang naiiyak
siya. There were just damn pictures with captions! Pero maraming emosyon ang
napukaw niyon sa kanya.

May tumayong tatay para sa kanya. Once. She had a father. Clearly, that Professor
Darwin Santiago loved her not just his niece but his own daughter.

He kept track on her while she was a baby. Base on the captions, he was a loving
father.

Nanghihinang napaupo siya sa sahig. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman.
Hindi niya pa naman kasi alam ang totoong nangyari sa mga ito. Ngunit isa ang
malinaw sa kanyang emosyong.
Panghihinayang. Dahil kahit hindi niya totoong ama si Sir Darwin, kamag-anak niya
pa rin ito. And he could have been her proud father. Naranasan niya sanang lumaki
ng may ama kundi lang tumakas ang Mommy niya rito...

"Misis..." mahinang bulong ni Johann mula sa likod niya. Pumalibot ang mga braso
nito sa baywang niya.

"I-I...I don't know what to feel..." wala sa sariling nasambit niya. Bagsak ang mga
balikat niya.

"Siguro, ito ang sagot sa tanong mo kung makikipagkita ka ba kay Sir Darwin o
hindi."

Napalunok siya. Sumandal siya sa dibdib nito at napapikit. She tried to focus on
something. Pagkuwa'y parang may narinig siya sa likod ng isip niya kasabay ng
pagkabog ng puso niya.

Yes. She really needs to see and meet Darwin Santiago. Dito niya gustong malaman
ang lahat.

~o~o~o~

"HELLO? Sir Darwin Santiago? Opo. Si Johann po ito. Good evening po, Sir. Ahm..."
Napatingin sa kanya si Johann. Sapphire urged him to continue talking.

Hindi niya alam kung paano kakausapin si Darwin Santiago. Kaya naman si Johann ang
pinag-dial niya ng numero nito at ito na lang rin niya ang pinakausap niya.

Parang hindi rin alam ni Johann ang sasabihin. "Ahm, Sir...ano po kasi, alam ko na
po na... may koneksyon po kayo sa asawa ko po." Napangiwi si Johann. Hindi nito
alam kung tama ba ang pagkakadiretsa nito sa propesor.

"Yes, Sir. Opo. Alam niyo po pala pero hindi niyo po nabanggit sa'kin. Ayos lang
po, Sir. Pero po, ahm... iyon nga po, kaya po ako napatawag para po kay
Sapphire..." Tumikhim ito. "Interesado po ang asawa ko na makipagkita sa inyo."

"Kailan daw?" Johann silently mouthed.

"Now. This evening. Dinner outside," she whispered.

Tumangu-tango si Johann. "Sir, ngayon daw po sana kung puwede kayo. Pasensya na po
kung biglaan... Ayos lang po?... Opo. Sige po. Kayo po, saan po kayo mas
convenient?... Ah, sige po." Napatingin si Johann sa orasan. "Mga eight PM po.
Okay, Sir. Thank you po."
Pagkababa ni Johann nang tawag ay tapos na rin mag-ayos si Sapphire.

"Ready ka na talaga?" paninigurado ng asawa sa kanya.

"I want to know everything. I badly want to know," mariing wika niya. "So, I
believe I'm ready."

"Puso mo nakahanda ba?"

"I-I...think so...Yeah."

"May narinig akong hesitation."

Inikot niya ang mga mata. "Don't confuse me, Johann. Please."

"Hala. Nagtanong lang, eh. Hindi naman kasi ibig sabihin na gusto mong malaman ang
isang bagay ay handa ka na ngang malaman talaga iyon. Halimbawa, gusto mong malaman
kung paano makipag-ano. Eh bata ka pa, kaya hindi pa ka handang makipag-ano."

"Ano?"

"Sex."

"Ah, basta! I need to know the truth now!"

"Bakit hindi mo muna kausapin ang Mommy mo?"

"Ayoko," matigas niyang sabi. Hinila niya na ang kamay ni Johann at lumabas na siya
ng kuwarto niya sa mansyon.

Tahimik ang buong kabahayan. Bago sila makababa ay nakasalubong nila ang Mommy niya
na mukhang nagulat nang makita sila.

"Magandang gabi po, Mommy," magalang na bati ni Johann rito.

"Oh! What a surprise! Nandito pala kayong mag-asawa." Ngumiti ito. "Kararating niyo
pa lang ba?"

"No, Mom. We've been here since morning. I showed Johann our new car."

"S-Since morning?" Parang bigla itong namutla. "K-Kanina pa kayo...?"


"Yes. Kanina pa. At narinig ko rin nang dumating ka kaninang hapon."

Nanlaki ang mga mata ng ina at hindi ito agad nakapagsalita. Masama niyang tinignan
ito. Lalo niyang naramdaman na marami pa ring tinatago sa kanya ang sariling ina.

"Is he my real father? He's Augustine Santiago, right?"

"S-Sapphire..."

"Is he my father?" ulit niya nang mas mariin.

"Anak..." parang maiiyak na ang Mommy niya.

"Damn, Mom! Just answer me!" sigaw niya na rito.

"Sapphire," narinig niyang saway sa kanya ni Johann.

"Y-Yes...h-he's your father."

And that's all she needs to know. Mabilis na siyang tumalikod at bumaba ng
hagdanan.

"Anak, s-saan ka pupunta?" habol ng ina.

Hindi niya ito sinagot at nagtuluy-tuloy lang sa pagbaba. Narinig niyang humingi ng
paumanhin dito si Johann bago siya sinundan.

Nasa garahe na sila nang inutusan niya ang isang kasambahay na buksan ang malaking
gate. Agad rin siyang sumakay ng bagong kotse pagkabukas niyon ni Johann.

"Ang bastos mong anak, ah," saway sa kanya ng asawa habang nagmamaneho na ito
palabas ng gate. "Naiintindihan kong galit ka sa nanay mo, pero hindi mo dapat siya
sinagawan ng ganoon. Alam kong nagugulat ka sa mga pangyayari. Pero hindi excuse
iyon para mambastos ka ng magulang."

Nilukob siya ng guilt dahil sa nagawa niyang pagsigaw sa ina. Ngunit, hindi iyon
ang kailangan niyang isipin ngayon.

"I know, Johann. I know. But please...don't make me feel guilty right now. Don't
make me feel that you're going to hate me too because I shouted at my mom. I need
you now. Ikaw lang kakampi ko..."
Nakita niya ang paglamlam ng mga mata nito at pagbabago ng ekspresyon ng mukha
nito. Nagpakawala ito ng hininga at saka tumango.

"Nandito lang ako sa tabi mo," he assured her.

Pagkadating nila sa isang Chinese restaurant kung saan sila umayon na makipagkita
ay parang di magawang makakilos ni Sapphire. Lalo na nang matanaw niya mula sa
labas ang taong may malaking koneksyon pala sa kanya.

She met sir Darwin once. It was the same day that she first met her biological
father, Si August. Pero kahit sino sa dalawa ay wala siyang naramdamang kakaiba o
"lukso ng dugo" as what they call it. Tuwing dinadala siya ni Johann sa campus ay
parang normal lang ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita ang dalawang propesor.

Well, she remembered na magaan ang loob ni kay Sir August dahil parang si Johann
ang huli. Pero, siguro kasama na roon ang fact na tunay na ama niya kasi ito.

"Misis?"

Napalunok siya at napatingin kay Johann. Parehas na silang nakalabas ng kotse


ngunit hindi siya makapaglakad.

Sumilay ang isang ngiti mula sa asawa niya. "Tutuloy pa ba tayo?" mahinahong tanong
nito.

Tumingin ulit siya sa loob ng restaurant. Nandoon na sila. Ayaw niyang sumuko pa.
Dahan-dahan siyang tumango sa tanong ng asawa.

Nilapitan siya ni Johann at nagsalikop ang kanilang mga kamay.

"Kapit ka lang sa'kin," bulong ng asawa sa kanya habang unti-unti na silang


naglalakad papasok sa loob ng resto. "Magiging ayos rin ang lahat."

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito at pagkapit niya sa braso nito.

When they were finally faced to faced with Sir Darwin, hindi magawang makapagsalita
ni Sapphire dahil sa dami ng mga salitang nasa isip niya na nag-uunahan makalabas
sa bibig niya.

"Magandang gabi po, Sir," bati ni Johann at saka nakipag-kamay sa kapwa propesor.

"Magandang gabi rin sa inyo," pormal na pagbati pabalik ng matanda. Ngunit nang
sumulyap ito sa kanya ay bahagya itong napangiti at nakita niya ang pagkislap ng
tila walang buhay nitong mga mata.
Pinaghila siya ni Johann ng upuan. Umupo siya sa tapat ni Sir Darwin at si Johann
ay umupo sa tabi niya.

There was an awkward silence for a while. Buti na lang at na-suggest ni Johann na
um-order na ng pagkain. Pagkatapos maka-order ay tumikhim ang asawa niya.

"Sir Darwin, alam ko pong marami kayong gustong sabihin kay Sapphire. Ayos lang po
ba kung hindi ko kayo puwedeng maiwan? Kailangan po kasi ako ng asawa ko sa tabi
niya."

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Johann na nakapatong sa hita nito.

"Walang problema sa'kin," sabi naman nito.

Palihim na inobserbahan niya si Sir Darwin. Makapal ang suot nitong salamin, he has
grayish hair, obvious laughlines and wrinkles...ngunit kung titignan mabuti ay
hindi nga ito ganoon katanda. Siguro ay anim hanggang pitong taon lang ang tanda
nito sa kanyang Mommy.

"May gusto lang po akong malaman," diretsang sabi niya bigla.

"Ano iyon, hija?"

"You're not my real father."

Umiling not. "Biologically not. Anak ka ng nakababata kong kapatid. Pero para
sa'kin, anak kita, Sapphire. Anak kita," malumanay na sabi nito.

Napayuko siya sandali at napapikit. She uttered a short silent prayer for a while.
Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang napapadasal. Johann's influence, of
course.

Huminga siya ng malalim bago dinilat ang mga mata. Sinalubong niya ang tingin ng
matandang Santiago. "Gusto ko lang pong malaman ang tunay na istorya. Let's skip
the part that your brother got my mother pregnant. And you owned the
responsibility. Why?"

Sumandal ito sa kinauupuan. Tipid na napangiti. "Dahil noong mga panahong iyon, may
palihim akong pagtingin sa Mommy mo. Pero hindi ko siya puwedeng ligawan dahil
disiotso pa siya noon at estudyante ko siya. Anim na taon ang tanda ko sa kanya.
Handa sana akong maghintay na makapagtapos siya ngunit... naunahan na 'ko ng
kapatid kong si August. Kaya nang mabuntis siya at hindi kayang mapanindigan ng
kapatid ko, inako ko. Dahil hindi kaya ng puso ko na mag-isang maghirap si Mercy sa
pagbubuntis. Umalis ako sa trabaho at lumipat ng ibang eskuwelahan para hindi na
mas lumaki ang isyu. Umalis na rin noon si August at pumunta sa ibang bansa. Hindi
niya lang alam na... na tinuloy ni Mercy ang pagbubuntis at pumayag ang Mommy mo na
sumama sa'kin."

Conclusion number one is right. Mahal din nito ang Mommy niya noon.

"I... I saw my baby photos." Napakurap-kurap siya.

"I kept it for the last twenty-eight years."

"W-Why?"

"Why what?"

"Bakit niyo tinago at iningatan?"

"Dahil iyon lang ang mayroon akong alaala sa'yo pagkatapos umalis ni Mercy at
bumalik sa poder ng mga magulang niya." Napayuko ito. "Ipagpaumanhin mo sana,
anak."

"S-Sorry for what?"

Tumingin ito sa kanya at malungkot na ngumiti. "Dahil mahirap lang ako. Dahil
simple lang ang kaya kong ibigay sa inyo ng Mommy mo noon. Ipagpatawad mo nang
ilayo ka ni Mercy, hindi kita naipaglaban..." Nagkibit-balikat ito. "T-Talo ako,
eh... Hindi ako ang totoo mong ama at mas maibibigay ng mga Monteverde ang lahat-
lahat sa'yo."

Nangilid na lang bigla ang luha sa mga mata ni Sapphire. Bakit ganoon? Ramdam na
ramdam niya sa boses nito na talagang malungkot ito sa pagkawala niya sa buhay
nito? Bakit ganoon ito kaapektado kahit hindi naman ito ang totoo niyang ama?

"I was only twenty-four years old, then. Hindi pa ganoon kalaki ang kita ko sa
pagtuturo. Pero sapat naman iyon para mabuhay ko kayo ng Mommy mo. Pero,
naiintindihan ko na hindi sanay sa simpleng buhay si Mercy. Nakikita ko kung gaano
niya gustong makabili ng isang bagay pero hindi ko magawang ibili iyon para sa
kanya dahil nag-iipon ako sa panganganak niya. Nakapagtiis naman siya hanggang sa
ipanganak ka niya." Napangiti ito nang malaki na parang may naalala. "You were
exactly 6.9 pounds when Mercy gave birth to you. Malakas kang umiyak. Ibig daw
sabihin noon, malakas rin ang baga mo. You were healthy and has no complications.
Alam ko pamangkin kita, pero nang una kitang makita...inako na kita para sa'kin.
Anak na kita. S-Sabi ko, ibibigay ko sa'yo ang hindi kayang ibigay ng kapatid ko.
Dito sa puso ko, akin ka. Mamahalin kita ng totoo. Palalakihin kita na puno ng
pagmamahal ng isang tatay."

Napalunok siya. Naramdaman niya ang pagkirot ng puso. Now, it does not matter kung
totoo niyang ama ito o hindi na gustong magbigay sa kanya ng pagmamahal bilang ama.
"Mula nang ipanganak ka hanggang sa bago ka mag-isang taong gulang, lahat ng galaw
mo, binabantayan ko. Unang iyak, unang tawa, unang salita, unang ngiti... tuwing
nakikita kita pagkagaling ko sa trabaho, nawawala ang pagod ko. Mas nagsusumikap
ako na mas magtrabaho pa ng husto para maibigay ko sa inyo ang lahat. But before
you turned one, Mercy left. Tinakas ka niya habang nasa trabaho ako. Umuwi siya sa
mga Lola mo. Naintindihan ko siya."

"My mom left you for wealth?"

"Hindi sa ganoon...Mahigit isang taon din siyang nagtiis sa buhay na kasama ako.
Alam kong kaya niyang magtagal sa buhay na ganoon kung..."

"Kung ano?"

Malungkot na tumingin ito sa kanya. "Kung natutunan niya lang akong mahalin."

Sumikip ang dibdib ni Sapphire. Nanghihinayang siya. Hindi lang ito natutunang
mahalin ng Mommy niya, nawala na rin ang oportunidad para rito na maging ama.
Lumaki siyang walang ama dahil doon?

Nagalit pa siya sa lahat ng lalaki... sa mga naging boyfriends ng Mommy niya dahil
akala niya biktima rin ang Mommy niya. Iyon pala, may handang magpakatatay para sa
kanya pero mas pinili ng Mommy niya na...?

Napailing siya. All her life, she refused to hate her Mommy. Ayaw niyang magalit sa
ina. Pero ngayon, her heart easily went for Sir Darwin.

"Wala akong planong manggulo sa buhay mo, anak. Gusto ko lang na mas mapalapit
sa'yo. Pasensya na kung natagalan ako. Gusto ko kasi na sa pagbalik ko, may sapat
akong pera para hindi ka maghinala sa pakikipaglapit ko sa'yo. Oo, hindi ako ang
totoo mong ama. Pero sa puso't isip ko ay anak kita. Anak kita..." Ngumiti ito.
"Ipagpaumanhin mo kung inaako ko ang pagiging ama mo. Naranasan kong hindi matulog
sa gabi para mapatahan ka, nagtimpla ako ng gatas mo, nagpalit ng lampin mo,
tinuruan kitang magsalita, maglakad...nakakatulog ka sa mga bisig ko ng mapayapa...
Sobrang naging malapit ka sa puso ko, Sapphire. Napatunayan kong ang pagiging ama
ay hindi lang nababase sa laman at dugo, ang pagiging ama ay sinasapuso. Kahit
hindi mo totoong anak, kung nabibigay mo ang lahat ng pagmamahal mo bilang ama sa
kanya, sino ka para hindi tawaging magulang?"

Marahang inabot nito ang isa niyang kamay sa ibabaw ng lamesa. At sa paraan ng
paghawak nito roon na hinayaan niya ay parang may kung anong humaplos rin sa puso
niya.

"Masayang-masaya ako ngayon na nakaharap na kita. Na malaya kong masasabi lahat.


Mahal kita, anak ko. Hayaan mo sanang kahit ngayon lang, maging ama ako sa'yo."

Sapphire started crying. Damn the tears for falling. Unti-unting lumuwag ang
pagkakahawak niya kay Johann. And he let go of her. Alam nito ang gusto niyang
gawin.

Tumayo siya at lumapit sa kanyang ama...Oh, it does not matter anymore if he's not
her biological father. Kung tinuturing siya nitong totoong anak, then she'll treat
him as her true father also. Umupo siya sa tabi nito at niyakap ito nang mahigpit.

And when she's inside his arms, she felt a wonderful feeling that she was searching
for so long-a father's love.

Naramdaman niya ang maingat na paghalik nito sa kanyang sentido. "Salamat,


Sapphire. Binigyan mo 'ko ng tsansa na makalapit sa'yo," madamdaming saad nito.

Napangiti siya at pinahid ang mga luha. "I should be the one to say thank you. Wala
kang responsibilidad sa'kin kung tutuusin but you continued to love me as your own
child. Thank you... thank you, Daddy."

Napaamang pa ito sandali dahil sa tinawag niya rito. After a while he smiled widely
and hugged her again.

Nang mapatingin siya kay Johann ay pasimpleng pinupunasan nito ang mga luha sa
gilid ng mata. Nagsalubong ang mga tingin nila at napangiti agad ito. Nag-thumbs pa
ito sa kanya.

"Sir, here's your order. We are sorry for the delay. Nagkaroon lang po ng kaunting
problema sa kitchen," sabi ng isang waiter kay Johann.

"Ah, okay lang. Okay lang. Ang ganda nga ng timing niyo, eh."

Naghiwalay na sila sa pagyayakapan ni Sir-no, ni Daddy Darwin at nagkangitian


habang nilalapag ang mga pagkain sa table nila.

Naisip ni Sapphire, napakaraming nangyari ngayong araw. Parang kanina lang, pinag-
iisipan niya pa kung makikipagkita ba siya sa ama. She and Johann prayed.

And this is the answer. Sa susunod na lang siya makikipag-dwell sa Mommy niya at sa
biological father niya.

Daddy Darwin deserved her whole time now. At sisiguraduhin niya na hindi ito ang
huling pagkain nila sa labas. She suddenly felt the rush to bond with him!

"Ito na po lahat ang order niyo, Sir. Don't hesitate to approach us if you still
need anything."

Tumango si Johann at bahagya pang nag-bow. "Harigatou!"


Napakunot noo siya. "Mister, nasa Chinese restaurant tayo. Hindi Japanese!"

"Ay!" Nag-peace ito sa waiter. "Wrong number ako. Sorry."

They all shared a good laugh.

Kinindatan pa siya ng mister. Well after the drama, expect Johann to make things
lighter.

~~~

Next Update: March 2, 2015 (Monday)

9 Chapters left! :)

=================

Chapter Thirty-Seven

CHAPTER THIRTY-SEVEN

TAHIMIK na nagmamasid si Johann sa buong klase niya na kumukuha ng final exams.


Last day na rin ng semester kaya siguradong pagkatapos niyon ay magsasaya na ang
mga estudyante niya.

Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kuwarto. Nakikita niya ang pagkunot-


noo ng ilang estudyante niya habang nagsasagot. May iba naman na sobrang bilis
pumindot sa calculator at mag-compute sa scratch. So far, wala naman siyang
nakikitang nagko-kopyahan kaya bumalik na siya sa desk niya.

Tumingin siya sa phone niya at may kalahating oras pa bago matapos ang
exam. He swiped the screen of his phone, bumungad naman agad ang home screen niya.
Awtomatiko siyang napangiti. Si Sapphire kasi ang wallpaper niya.

Kinuhanan niya ito nang picture na natutulog habang gulu-gulo ang buhok
at medyo nakanganga pa. Madami siyang picture ng misis niya sa kanyang cellphone.
Actually, lahat ng album niya puro si Sapphire ang laman. Maraming mas magaganda na
i-display sa wallpaper pero pinaka-gusto niya ang nakakanganga itong natutulog.

Napapatunayan niya kasi lalo na mahal niya talaga ito kahit nakanganga
natutulog. Speaking of his wife, na-miss niya ito kaya naisipan niyang padalhan ito
ng text message.

To: Misis ko

Misis?:)

From: Misis ko

What?

Napailing-iling siya sa reply nito. Hindi marunong gumamit ng emoticon


ito kaya kahit sa text, ang taray ng dating nito.

To: Misis ko

I miss you. <3

From: Misis ko

What’s <3?

To: Misis ko

Less than three. Equation iyan. Solve mo, ah?;)

From: Misis ko

Gayshits. I googled it. It’s a heart! What the fuck.

“Grabe, Misis. Ang lambing-lambing mo talaga,” bulong niya sa sarili


habang napapangiti. Ayaw niya sa mga masusungit at mga maldita. Pero si Sapphire
kahit minumura na siya ng english, tuwang tuwa pa siya.
To: Misis ko

Sige murahin mo ‘ko. Nate-turn on ako, beybe! >:D

From: Misis ko

What are you doing? Why are you texting me? Aren’t you
supposed to be teaching?

To: Misis ko

Final exam ngayon, di’ba? Nagbabantay lang ako ng klase.


Pero patapos na ‘ko. Tapos diretso uwi na ‘ko. Miss na kita, eh. :”>

From: Misis ko

Okay.

Napa-facepalm na lang si Johann sa reply ni Sapphire. Wala talagang


kalambing-lambing! Pero kapag sa kama naman, kung maka---oops. Censored.

To: Misis ko

Hindi mo ba ko nami-miss? :(

From: Misis ko

We saw each other this morning. And we’ll see each other
after an hour from now. Why should I miss you?
To: Misis ko

Bakit ba hindi ka man lang marunong mambola? Puwede mag-


reply ka lang ng ‘I miss you, too’ kahit hindi totoo? Hahaha! Lumandi ka naman, ano
ba? XD

From: Misis ko

What’s XD?

Kinagat ni Johann ang labi para huwag matawa. Iyon talaga ang napansin
nito sa message niya? “Kakaiba ka talaga, Misis!” nangingiting bulong niya sa
sarili habang nakatingin sa wallpaper niya. “Kaya mahal na mahal kita, eh.”

Hindi na siya nag-reply rito dahil tapos na ang oras nag exam at
nagsimula nang magpasa ang ilan. Nag-extend pa siya ng five minutes para sa mga
hindi pa tapos. Maya-maya lang, wala nang tao sa loob ng classroom at nasa kanya na
lahat ng bluebook.

Palabas na rin siya ng kuwarto nang tumunog ang phone niya. Napangiti
siya nang makita ang caller.

“Yes, Misis?” magiliw na sagot niya.

“Bakit hindi ka na nag-reply?” mataray na tanong nito.

“Pasenya na. Natapos na kasi iyong exam kaya naabala na ‘ko sa mga
nagpasa. Papunta na ‘ko nang faculty ngayon. Ayusin ko lang mga gamit ko pagkatapos
ay uuwi na ‘ko. Huwag kang masyadong excited, ah?” biro niya.

“As if. By the way, nag-aya si Daddy Darwin mag-dinner. We’ll go,
okay?”

Doon niya narinig ang excitement sa boses nito. “Okie-dokie!”


Napagtanto niya na talagang sabik sa isang ama ang asawa niya. Mabuti na lang
talaga at mabait at mabuting tao si Sir Darwin. Kahit napahiya siya nito noon,
maayos naman na ang lahat sa kanila ngayon. Ang kaso... inaalala niya si Sir
August. Hindi na niya nakitang pumasok ito sa eskuwelahan magmula nang magkakilala
sina Sir Darwin at Sapphire.

Ayaw naman niyang manghusga. Si Sir August ang mas kapalagayan niya
nang loob noon pero hindi niya lubos maisip na paanong hindi nito gustong akuin si
Sapphire noon? Naiinis siya sa totoo lang. Bakit ba may mga lalaking hindi kayang
akuin ang responsibilidad?
Pero hands up and down talaga siya kay Sir Darwin. Mas may karapatan
talaga itong matawag na ama. Kakaunti na lang silang mga lalaki na may mga bayag!
Yeah!

“Mister.”

“Hmm?” Tinulak niya ang pinto ng faculty gamit ang balikat at nagtuluy-
tuloy siya sa table niya.

“Ahm...I miss you, too,” malambing na sabi ni Sapphire kaya bahagya


siyang natigilan.

Tengene. Sa ganoon magaling ang misis niya, eh! Biglang lambing! Natira
na naman puso niya. Pucha.

“Mister?”

“Sandali. A moment of silence para sa poging mister na kinilig.”

Sapphire chuckled. “Umuwi ka na!”

“Opo, misis!” natatawang tugon niya at saka na nito tinapos ang tawag.
Mabilis na inayos ni Johann ang mga gamit. Kinuha niya ang black leather briefcase
na gamit at saka nagpaalam sa mga kasamahan niya sa loob ng faculty.

Pasipol-sipol pa siya habang naglalakad patungong parking lot nang may


tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Cindy.

“Sir Johann!”

“Cindy. Kumusta?”

She smiled widely. “Marami po akong nasagutan sa exam niyo, Sir! Ang
galing niyo po talagang professor. Ang cool niyo pa. Sana po, next semester ay
maging professor pa rin namin kayo.”

Ginantihan niya ang ngiti ng dalaga. “Salamat. Tignan na lang natin sa


susunod na sem kung magtuturo pa ‘ko sa mga college niyo. Baka kasi iba na ang ma-
assign.”

“Ah, Sir Johann, may ibibigay po sana ako sa inyo.” Mula sa shoulder
bag nito ay may inilabas itong isang box ng cookies.
“Uy, mukhang masarap iyan, ah,” komento niya.

“Sir, sana po tanggapin niyo. I baked that last night. Para po talaga
sa inyo. Pasasalamat ko po kasi sa buong semester, kayo lang po ang hindi boring
ang subject kapag pinapasukan ko kahit ayaw ko po dati sa Math.” The girl sweetly
smiled and handed the box of cookies to him.

Tinanggap niya naman iyon para hindi ito ma-offend. Isa pa, mukha naman
talagang masarap ang cookies. Hindi dapat tinatanggihan ang pagkain! “Salamat,
Cindy. Napakabait mong bata. Saka nakikita ko sa klase, eager ka talaga matuto.
Cool ka rin na estudyante.” Nag-thumbs up pa siya rito.

He noticed her blushed. Pinatong niya ang kamay sa ibabaw ng ulo nito.

“Mag-aral ka mabuti, hija. Happy sembreak!” Tinaas niya rin ang box na
bigay nito. “At salamat rin dito. Siguradong masarap ‘to dahil alam kong
pinaghirapan mo.”

“T-Thank you so much, Sir Johann.”

Nagulat siya nang bigla siyang niyakap ng dalaga. Johann felt awkward,
ngunit kabastusan naman kung itutulak niya ang bata. He just lightly tapped her
shoulder. Mataktikang nakalayo rin siya rito.

“Sige, mauna na ‘ko, Cindy. May pupuntahan pa kasi kami ng asawa ko.
Ikaw ba ay walang gimik? Bakasyon na bukas.”

Umiling ito at nakita niya ang pagbago ng ekspresyon nito nang


mabanggit niya ang asawa. Ngunit hindi niya na lang iyon pinansin.

“S-Sir... may gusto po akong sabihin sa inyo.” Napayuko ito na tila


nahihiya.

“Sure. Go on. Tungkol ba saan?” he urged her.

Akmang magsasalita na ito nang biglang tumunog ang cellphone nito.


Parang natatarantang hinanap nito ang phone sa bag at agad na sinagot iyon.

“Hello? O-Opo... Opo.P- Palabas na po ako,” sagot nito sa tumawag at


saka ibinaba ang phone.

“Ano ulit ang gusto mong sabihin?” tanong niya.

Nagpakurap-kurap ito at parang namutla. Mabilis itong umiling. “Ah...w-


wala po pala, Sir. Pasensya na po. Ahm—” Parang isang paranoid na luminga-linga
ito. “I’ll go a-ahead, Sir.”

Mabilis itong tumalikod at tumakbo palabas. Napansin niyang may nahulog


mula sa bag nito. Pinulot niya iyon at ihahabol sana sa dalaga ngunit nakasakay na
ito sa kotse na parang sumundo rito.

Nanliit ang mga mata ni Johann nang makilala kung kanino ang Toyota
Corolla na pinagsakyan ni Cindy. Napansin niya pa ang plate number.

Matandain siya sa mga numero. Kung hindi siya nagkakamali ay kotse iyon
ni Sir August...

That’s strange. Bakit naman sasakay si Cindy sa kotse ni Sir August?

Tinignan niya ang nahulog na gamit ng dalaga. Nanlaki ang mga mata niya
nang ma-realize kung ano iyon.

Isang pakete ng condom!

“Tsk, tsk, tsk.” Napailing-iling na lang siya at naglakad na papunta sa


kotse niya. Nilagay niya iyon at ang maliit na box sa bag niya. “O, kabataan bakit
ka’y pusok niyo?” pagmo-monologue niya at saka sumakay ng kotse niya.

Pero habang nagmamanahe siya pauwi ay napapaisip siya.

Ano kayang relasyon ni Cindy sa totoong ama ng asawa niya?

Hmm. Isyu ito!

~o~o~o~

PAGOD NA pagod si Sapphire at parang inaantok na pagkauwi nila ni Johann galing sa


pakikipag-dinner sa Daddy Darwin niya. Ngunit kahit ganoon ay parang napakataas pa
rin ng adrenaline niya.

Ang dami na naman nilang napagkuwentuhan ng ama-amahan. Lagi nitong


kinukuwento kung anong mga ginagawa niya noong baby pa siya at naaliw naman siya
dahil hindi naman nakukuwento sa kanya ng Lola niya o ng Mommy niya ang tungkol sa
infant years niya.

Masarap din kausap si Daddy Darwin kahit pa parang may pagka-strikto


ito. Pero kapag siya na ang kaharap ay laging nakangiti at nakatawa. Matalino ito
at laging may sense ang mga sinasabi kaya ang sarap kausap.

Makailang beses na rin niyang naka-bonding ang ama pero hindi pa alam
iyon ng Mommy niya. Sapphire don’t feel like talking to her yet. Dahil siguradong
may dramahan na namang magaganap. She’s fed up with too much drama. Kaya mabuti
pang magpapalamig muna siya ng ulo dahil naiinis talaga siya sa Mommy niya na
masyadong maraming itinatago sa kanya.

Kung hindi pala naglakas loob si Daddy Darwin na lapitan siya ay


mukhang walang plano ang Mommy niya na sabihin sa kanya na minsan may nagpaka-tatay
para sa kanya pero nilayo siya nito sa ganoong pagmamahal.

Pero ayaw niya na muna problemahin ang Mommy niya at wala pa rin siyang
planong makilala ang tunay niyang ama. Daddy Darwin is enough of her attention.

Pagkatapos niyang magpalit ng pantulog ay humiga na siya nang kama kung


saan una nang nahiga si Johann.

Nakapikit na ito pero mukha naman hindi pa tulog. Umunan siya sa dibdib
nito at niyakap ito. “Isn’t it a fun night, Mister? Ang daming nakakatuwang kuwento
si Daddy.”

“Oo nga, eh. Mukhang enjoy na enjoy nga ang Misis ko.”

Napangiti siya at napapikit. “Super enjoyed it! You know, Daddy


Darwin’s really sincere to know me better. Kaya talagang nakakatuwa. He makes a lot
of time and effort to be with me.” Tiningala niya ang asawa. “Johann, by three days
time, kaya mong tapusin ang pag-check ng papers mo at pag-compute ng grades?”

Tumango ito habang nakapikit pa rin. “Oo. Matatapos ko agad iyon bago
tayo magbakasyon,” inaantok na wika nito.

Iyon pa ang isang nakakapagpa-excite sa kanya. She’ll start travelling


with Johann!

“Mister, matutulog ka na?”

“Opo.”

Hinalikan niya ito sa pisngi. “No ‘galawang-Johann’ for tonight?” she


teased.

Dumilat ang isang mata nito. “Pass muna, puwede? Pahinga lang ako.
Lowbatt na ‘ko.” Napahikab ito at niyakap siya sa baywang. “Bukas ng umaga na lang,
Misis. Pang-breakfast natin,” nakangising sabi nito habang pinikit na uli ang isang
mata.

Mukhang pagod na pagod nga ito kaya naintindihan naman niya. Afterall,
hindi naman problema sa kanya kung hindi sila nagme-make love nito gabi-gabi.
Sometimes, cuddling and spooning are enough.

Sumubsob na siya ulit sa dibdib nito. “Pray muna tayo, Mister, bago
tayo matulog. You lead the prayer.”

“Lord, maraming salamat po para sa napakagandang araw na ‘to. Maraming


salamat po sa lahat ng blessings na ibinibigay Niyo sa’min. Salamat po dahil laging
masaya ang Misis ko. Salamat po dahil dininig Niyo na po ang matagal niya ng dasal
sa inyo. Salamat din po dahil mukhang nakasagot naman po lahat ng estudyante ko sa
exam na ibinigay ko sa kanila. Sana po, makapasa po silang lahat. Napakasaya po ng
araw na ‘to kahit nakakapagod. Sana po ay hindi kayo magsawa na pagpalain kaming
mag-asawa. At saka po, Lord, pahingi na po ng baby.”

Pasimpleng kinurot niya ito at narinig niya ang mahinang pagtawa nito.
Johann continued praying and when it ended, they together said “Amen.” Naramdaman
niya pa ang masuyong paghalik nito sa bumbunan niya.

“Gusto ko kapag nagka-baby na tayo, tatawagin niya ‘kong ‘Tatay’,” he


randomly said.

Napataas ang kilay niya. “Why not ‘Daddy’ or ‘Papa’?”

“Mas maganda ang ‘Tatay’. Tapos ikaw, ‘Nanay’. Para astig tayo!”

Nagkibit-balikat siya. It’s not a bad idea. “Okay.”

“Sabi mo iyan, ah! Akala ko aapela ka pa dahil hindi tunog sosyal.”

“I think being called ‘Nanay’ is...great? Basta. There’s nothing wrong


about it. Wala na kong pakialam kung hindi tunog sosyal.”

Hinalikan nito ulit ang bumbunan niya. “I like it! Sige na, tulog na tayo. Good
night, Misis. Me loves you. Five-ever! See you in my dreams,” antok na wika nito.

“Oh, Johann...such a—”

“Gay?”

“Such a sweet husband.” Kinapa niya ang tiyan nito. “With no abs,”
nang-aasar na dugtong niya.
“Huwag mong ibaba ng ibaba ang kamay at kung ano pang makapa mo diyan.
Baka tuklawin ka.”

She chuckled. “What? It’s a snake?”

“A beri-beri big snake! Sss!”

Matutulog na lang silang dalawa, nagtatawanan pa sila. It’s always


great to end a day with Johann. Maganda rin ang bawat gising niya.

Ngunit, hindi kinabukasan.

Nagsalubong agad ang kilay ni Sapphire nang magising siya. Paano ba


naman ay nakasimangot si Johann na parang aburidong-aburido.

“What happened to your face?” inaantok na tanong niya. Bumangon siya ng


kama at hinagod ang mahabang buhok.

“Sabi ko kasi sa’yo, hindi talaga kaya ng sikmura ko kumain ng Japanese


food!” naiinis na wika nito.

Humikab siya. “Sa Korean restaurant naman tayo kumain kagabi kasama si
Daddy.”

“O, eh di, Korean! Pucha. Bumaliktad sikmura ko pagkagising ko. Sinuka


ko yata kanina lahat ng kinain ko kagabi,” nakangiwi ito at talagang magkasalubong
na magkasalubong ang mga kilay.

“Oh, poor Johann.” Kahit inaantok pa at bahagyang naiinis na pagkainis


nito ay nilapitan niya ito at niyakap.

Napasinghot ito at lumayo sa kanya. “Ang baho mo,” walang habas na sabi
nito.

Parang nabuhusan ng tubig si Sapphire sa sinabi nito. What? Siya?


Mabaho? Ibamoy niya ang sarili. Amoy-strawberry nga siya dahil sa lotion na pinahid
niya kagabi. And her underarm smelled nothing.

Hinampas niya ito sa braso. “What’s wrong with your nose, you asshole?!
Hindi ako mabaho, FYI! Baka naamoy mo bunganga mo since nagsuka ka kanina!”

“Nag-toothbrush na ‘ko!” Nagtaas din ito ng boses. “Pucha. Ang sama ng


gising ko. Hindi na talaga ako kakain ng mga pagkaing di ko alam paano bibigkasin!”
Lumabas ito nang kuwarto at ibinalibag pa ang pinto!
Napatayo si Sapphire at hinabol ang asawa. “Hey, what’s your problem?
Bakit ang init-init ng ulo mo, ang aga-aga! Dahil lang nagsuka ka kanina. And so
what? People throw up!”

“Kumain ka na,” sabi nito na hindi pinansin ang mga tanong niya.

Tumingin siya sa lamesa. “Where’s the food? Wala namang pagkain, eh.”

Sumimangot ito. “Eh di, magluto ka.” Tinalikuran siya nito at pumunta
sa likod-bahay.

Naiwan siyang nakanganga. Si Johann ba talaga ang kausap niya?

Umupo si Sapphire sa dining table at pinakalma ang sarili. Johann’s


grumpiness has a reason. There must be! At hindi dahil nagising lang ito na masama
ang tiyan kanina. Napakababaw niyon. And Johann’s not a shallow kind of person.

Huminga siya ng malalim. Iintindihin niya na lang ito. Baka may


problema na hindi pa nito masabi sa kanya.

“Relax, Sapphire. Mauuntog din iyang si Johann,” bulong niya sa sarili.


“Lalamig din ang ulo niya mamaya. Okay? Okay!” Tumayo na siya at tumuloy na lang sa
kusina upang makapagluto ng agahan.

Naisip niya agad na gumawa ng pork fried rice dahil sa natirang kanin
kagabi. Nagdikdik siya ng bawang at saka nilagay iyon sa pinainit niyang kawali na
may mantika.

“Anong niluluto mo?”

Napapitlag siya. Nasa likod niya na pala si Johann at hindi pa rin


nabubura ang simangot sa mukha nito.

“I’m making fried rice, why?”

Nagusot ang ilong nito at pinatay ang kalan. “Ang baho ng bawang.
Expired na ata iyang ginamit mo.” Tinakpan pa nito ang ilong.

“What? May nag-e-expire bang garlic?”

“Basta. Ayoko niyang niluluto mo. Magluto ka ng iba!”


“Ikaw na magluto kung ayaw mo sa lulutuin ko,” mataray na sabi niya.
Hindi na niya napigilan na totoong mainis rito. Ibinaba niya ang hawak na sandok at
hinubad ang suot na apron. Binato niya rito iyon. “Huwag mo nga akong dinadamay sa
init ng ulo mo kung ano mang nangyayari sa’yo.”

“Tss.” Kinuha nito ang kawali may bawang at parang nandidiri na tinapon
iyon sa basurahan. Saka siya tinalikuran.

“Johann! Where are you going?”

“Maghahanap ng pagkain!” Lumabas na ito nang bahay.

Nagtiim ang bagang ni Sapphire. Where’s her gaytard husband? Nasaan


napunta ang lambing nito? Where are his jokes and punchlines?

Padabog na binuksan niya ang refrigerator at kumuha na lang ng


breakfast cereal at fresh milk.

Unang beses siyang kakain ng agahan na masama ang loob sa asawa.

Nasa kalagitnaan na siya ng kinakain nang bumalik si Johann. May bitbit


itong tattlong malalaking supot ng...rambutan? Mukhang galing ito ng palengke.

Hindi na ito nakasimangot ngunit walang emosyon sa mukha nito habang


hinuhugasan nito ang mga rambutan. Maya-maya ay umupo ito katapat niya dala-dala
ang mga rambutan na nakalagay sa malaking bowl.

Hindi sila nagpansinan nito.

Then, Johann quietly ate the rambutan without offering any to her.
Hindi siya sanay na ganoon ito. Laging kapag may pagkain ito ay aalukin muna siya
nito bago kumain.

Hmp. She does not like to eat that red fruit anyway. Wala na siyang
pakialam kung kainin nito iyon lahat nang hindi siya inaaya. Tumayo na siya nang
maubos ang kinakain.

At buong araw na silang hindi nagpansinan ng asawa.

Nasa sala ito buong araw at nag-check ng mga test papers. Habang siya
ay nasa kuwarto at nagsulat sa blog niya. Lumabas din siya para makita ang
pinapatayong bookstore at hindi siya sinamahan nito.

Papadilim na ng umuwi siya. Naabutan niya si Johann na nakasubsob ang


ulo sa center table ng sala habang may ballpen sa isang kamay nito at calculator sa
kabila.

Humupa naman na ang init ng ulo niya at wala na sa kanya ang


misunderstanding nila kaninang umaga. Gusto niya na lang kausapin ang asawa kung
anong nangyari rito at bakit ganoon ang inaasal nito.

Nilapitan niya ito at marahang tinanggal ang ballpen sa kamay nito.


Hindi ito gumalaw kaya tulog nga ito. Pagtingin niya sa ginagawa nito, nagko-
compute na agad ito ng grades.

She turned off the calculator and arranged the papers scattered all
over the table. Pagkatapos niyon ay marahan niyang hinaplos ang buhok nito.

Lumuhod siya dahil nakaupo ito sa sahig. “Johann? Johann...?” gising


niya rito sabay marahang yugyog sa balikat nito.

Nagising naman ito kaagad at napatingin sa kanya.

She smiled at him. “Let’s eat dinner? I bought food from a classic
Filipino restaurant.”

Namumungay pa ang mga mata nito nang pumalibot ang mga braso nito sa
baywang niya. “Sorry, Misis...” he huskily said. “Ang init lang talaga ng ulo ko
kanina. Hindi ko alam kung bakit. Pagpasensyahan mo sana ako.”

She caressed his face. “Kung babae ka, iisipin kong may PMS ka.” She
chuckled. “Ang sungit-sungit mo kanina.”

“Ang sama kasi talaga ng gising ko.” Dumampi ang labi nito sa gilid ng
leeg niya. “I’m sorry.”

“Wala ka ba talagang problema?”

Umiling ito.

Kahit ayaw niyang maniwala ay tumango na lang siya. “Kain na tayo?” aya
niya rito.

Magkasabay silang tumayo at hinanda ang pagkain. Back to normal sila na masayang
nagkukuwentuhan habang kumakain. Hanggang sa pagtulog ay maayos ulit sila.

Ngunit nagising na naman si Sapphire na mainit ang ulo ng Mister niya. Naulit pa
iyon ulit nang sumunod na umaga. Mismong nakita niya na ang pagsusuka nito.
“What’s your tummy’s problem now?” she asked. “Okay naman ang pagkain natin kagabi,
ah?”

Nagtuluy-tuloy si Johann sa pagduduwal nito sa inidoro. Napapangiwi na lang siya.


Ano na naman bang nangyayari rito? Nagsisimula na rin siyang mag-alala sa kalagayan
nito.

Magkakasakit na naman ba ang mister niya?

Pumasok siya sa banyo at hinamas-himas ang likod nito. Inabutan niya ito ng basang
bimpo na pinunas nito sa bibig. He flushed the toilet and shoved her away.

Lumabas siya ng banyo at dumiretso sa kusina. Wala siyang maisip na lulutuin kaya
kumuha na lang siya nang rambutan sa vegetable crisper. Ang daming rambutan doon.
Si Johann ang nag-stock.

Nakita niyang nagmumumog ito sa bathroom sink. Pagkatapos nito ay binigyan niya ito
ng isang basong malamig na tubig. Kinuha nito iyon at ininuman.

“Pumunta na kaya tayo sa doktor, Mister? Baka may mali sa tiyan mo? Baka may uod na
diyan,” aniya at saka binuksan ang kinuhang rambutan at kinain.

“Bakit mo kinakain ang rambutan ko?”

Nahinto siya sa pagnguya. “Bawal ba?”

Kumunot ang noo nito. “Dapat nagpaalam ka.”

Napataas siya ng kilay. “What now? Magagalit ka dahil kumuha ako ng isang piraso sa
mga rambutan mo? What? You don’t want to share it with me?”

“Dapat lang nagpaalam ka. Akin iyon, eh. Privacy, di’ba, Misis?”

Niluwa niya ang buto ng rambutan. “So, kasama na ang rambutan sa privacy mo ngayon?
And what’s with you stocking all those rambutan in our fridge?” Tinapon niya ang
buto sa basurahan at naghugas ng kamay. “Throwing up in the morning, grumpy all
day...for three days, ang dami mo nang rambutan na nakain and you keep on buying
tons of that fruit! Kung hindi ka lang lalaki, iisipin kong buntis ka at
naglilihi.”

Pagharap niya kay Johann ay mataman itong nakatingin sa kanya na parang may na-
discover ito.

From his knotted forehead, he flashed a wide grin.


Napahalukipkip siya. “You’re creeping the hell out of me.”

“Parang nagkaka-idea na ‘ko kung anong nangyayari sa’kin,” anito na parang tuwang-
tuwa. “Diyan ka lang, Misis. Huwag kang aalis diyan sa puwesto mo.”

“What—” Mabilis na tinalikuran siya nito at pumasok sa kuwarto nila. Kung gaano ito
kabilis umalis ay ganoon rin ito kabilis na nakabalik.

Itinaas nito ang kinuha mula sa kuwarto.

Her eyes widened. “Home pregnancy test kit?”

Tumango ito at binigay iyon sa kanya. “Pumunta ka na ng banyo. Tignan mo kung


buntis ka!”

Mukha itong hindi mapakali.

“Ahm... J-johann, hindi naman siguro ako buntis. Wala naman akong nararamdamang
signs na—”

“Ako, Sapphire. Ako ang nakakaramdam ng signs. Sa tingin ko, ako ang naglilihi para
sa’yo!” nakangiting sabi ni Johann. Hinila na siya nito papasok ng banyo.

Natigilan siya. Could it be?

“J-Johann...” Nagsimula na siyang kabahan. “P-Puwede ba iyon? Na ikaw ang naglilihi


para sa’kin?”

“Oo! May mga ganoon talaga.” Nahampas nito ang noo. “Bakit di ‘ko ba naisip iyon?
Kaya pala lagi akong may morning sickness at ayoko sa amoy mo. Naglilihi ako!” He
looked so thrilled. Parang hindi pa ito na-bother na ito ang maglilihi para sa
kanya.

“Hey, don’t get too excited!” saway niya rito. “We still don’t know yet if I’m
pregnant or not.”

“Kaya nga, i-try mo na ang test! At mamaya pupunta tayo ng clinic to make sure!”

Nagningning na talaga ang mga mata ni Johann na parang malapit na ring maghugis-
bituin. Nakagat niya ang ibabang labi.

“Misis, kilos na. Ano ba? Ako pa ba maghuhubad ng panty—”


“Sshh! Lumabas ka na kasi ng banyo, di’ba? I can manage...” I think. God, am I
really pregnant?

“Lalabas pa ‘ko ng banyo? Huwag na. Nakita ko naman na iyang p—”

“You get out or I won’t try this test?”

Maamong lumabas naman ito ng banyo. And she started the test.

After five minutes, lumabas na siya habang nakayuko.

“Ano na? Anong resulta?” Johann beamingly asked.

“Sorry...” mahinang sabi niya.

Unti-unting nawala ang ngiti nito. “H-Ha?”

Binigay niya rito ang test stick.

“Sorry kung ikaw ang naglilihi para sa’kin.”

Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa dalawang malinaw na guhit sa test
stick. Nag-angat ito ng tingin sa kanya.

She sweetly smiled at him. “Congratulations, Tatay Johann.”

Niyakap siya nito nang mahigpit. Pagkuwa’y napasuntok ito sa ere at tumakbo palabas
ng bahay.

“Mga kapitbahay! I’m going to be a tatay!” Johann shouted at the top of his lungs.

~~~

Next Update: Next Monday (March 9, 2015) Medyo busy lang, friends, kaya matagal.
Thank you! :)
=================

Chapter Thirty-Eight

I want to greet the Telop Beauties of HHIC Phils. Love niyo daw po ako. I love you
rin po! Hello din kay whettebeyb18 na nagrequest magpa-greet para sa mga ka-
officemates niya that also read my stories. God bless po sa inyo! Ma-meet ko po
sana kayo kapag nag-booksigning event po kami or grand meet up (April 12) Hihi!

~~~

CHAPTER THIRTY-EIGHT

"SINONG buntis?"

"Si Johann," sagot ni Sapphire sa mga pinsan.

Nagtawanan ang mga ito.

"Oh, congratulations to the both of you!" masayang bati ni Crystal Jane. "You both
deserved that wonderul blessing."

"How many weeks na pala ang baby?" tanong ni Lavender.

"Four weeks pa lang naman sabi ng OB," sagot niya bago sumipsip ng milkshake na in-
order niya. "Hindi nga ako nakaramdam ng signs. Ang normal lang kasi ng takbo ng
katawan ko. Wala naman akong nararamdamang iba. Then, last week nga si Johann medyo
iba kinikilos lagi. Iyon pala siya ang naglilihi. At parang siya talaga ang
buntis!"

Her cousins laughed, again. "Possible naman iyon, eh. 'Symphatetic pregnancy' ang
tawag doon, right?" ani Crystal Jane.

"There's such a thing pala?" Haley asked. "Paano nangyayari na ang guys ang
naglilihi instead of their wives?"

Crystal Jane shrugged. "No scientific explanation. Pero may mga pamahiin sila
katulad ng baka nahakbangan ng wife yung husband niya kaya nalipat sa guy yung
paglilihi."

Lavender chuckled. "Crazy folklores."

"Hindi ko naman hinahakbangan si Johann," aniya.


"Puwede rin na sobrang mahal ka ni Johann na siya na umako ng burden ng paglilihi
for you. Ganoon din daw iyon, eh," Crystal Jane added.

"Mas magandang paniwalaan iyan," natatawang sabi ni Haley. "Iyon na lang ang isipin
niyo, Saphi. How romantic!" kinikilig pang sabi nito.

She rolled her eyeballs and continued sipping her drink.

"Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Lavender.

"I'm happy," sagot niya. "Naiinis lang talaga ako ngayon. Johann canceled our
trips. Iyong tinira niya lang ay yung mga trip na puwedeng by road lang. Ayaw
niyang magbiyahe kami via planes and ships. Delikado daw sa'kin. Pero nang tinanong
ko naman ang OB, okay lang naman daw. Binigyan niya lang kami ng safety
precautions."

Nagtalo pa sila ni Johann noong isang araw dahil sa pagpipilit nitong huwag muna
silang tumuloy na pumunta sa kung saan-saan. Although, magbabakasyon pa rin naman
sila pero around Luzon na lang. Pinagpipilitan niyang kaya pa naman niya at mas
magandang mag-travel pa habang hindi pa malaki ang tiyan niya. But she lost the
argument. Lagi naman.

"First baby niyo kasi iyan, eh. Kaya nagdo-dobleng ingat lang siguro ang asawa mo,"
konsula ni Crystal Jane. "Magbabakasyon pa rin naman kayo, Saphi. Sa malalapit na
nga lang, yes. Para siguro hindi ka makaramdam ng discomfort sa biyahe kaya ganoon.
Ikaw at ang baby niyo naman lang rin naman ang iniisip ni Johann."

"She's right. Ngumiti ka na lang, Sapphire. Travelling can wait. Baby's safety
first!"

Napabuntong-hininga siya. Naisip niya rin naman iyon. Pero sayang lang kasi ang
excitement niya. Napahawak siya sa manipis pang tiyan. She still can't believe that
she's already carrying a life inside her womb.

Kahit pa maka-ilang beses na siyang binati ng mga kapitbahay nila ni Johann sa


tuwing lalabas siya, hindi pa niya iyon ma-absorb lahat. Pero sa nakikita niyang
thrill at happiness sa mukha ng asawa, talagang totoo ang lahat. Buntis na siya...
Magkakaroon na sila ng anak...

"Hey, I have to go," paalam ni Lavender sa kanila. "Hinahanap na 'ko ng manager ko.
May bagong TVC yata ako na gagawin."

Lavender's a covergirl and a commercial model. Lagi na rin itong abala ngayon dahil
nagsunud-sunod ang projects.

"Ako rin pala aalis na," biglang paalam ni Haley. "May kakausapin pa kasi akong
importanteng tao."

"Si Gideon ba iyan?" Hanggang ngayon wala pa ring balita si Sapphire sa naging
takbo ng love life ng mga pinsan niya dahil hindi naman nagku-kuwento. Hindi niya
alam kung naka-move on na ang mga ito sa mga dating karelasyon. Hinihintay niya
lang na kusang magkuwento ang mga ito.

Haley chuckled. "Maybe. Maybe not," maarteng sagot nito.

Pagkatapos niyon ay magkasabay nang umalis ang dalawa. Sila na lang ang naiwan ni
Crystal Jane sa restaurant na kinainan nila. Susunduin siya ni Johann doon dahil
pabiyahe na sila papuntang Pagsanjan, Laguna mamaya. After ipamalita ni Johann sa
lahat na yata ng kakilala nila na buntis siya, magbabakasyon na talaga sila ng
asawa.

"Ikaw, wala kang pupuntahan?" tanong ni kay Crystal Jane.

Umiling ito. "Tapos ko naman na ang mga trabaho ko. Sasamahan na lang kita hanggang
sa masundo ka na ni Johann. Para hindi ka mainip at saka para may kausap ka."

Lumayo siya ng bahagya rito. "Ayoko talagang tumatabi sa'yo. Walang panlaban ang
sungay ko sa 'halo' mo." Sa kanila talagang magpipinsan ay si Crystal Jane lang ang
may halo sa ulo.

Her cousin chuckled. "Your sense of humor is improving."

"Nahawa na ko kay Johann. Araw-araw ko ba namang kasama?" aniya at saka napansin na


ubos na ang iniinom niya. Um-order pa ulit siya ng isang milkshake. "Anyway, how's
your love life? Okay na kayo ni Ramses?" naisip niyang usisain para may mapag-
usapan sila.

"We're okay. Natanggal na ang awkwardness namin since your birthday." Sinamaan siya
nito ng tingin. "Don't ever lock me up again alone in a room. With a man."

Natawa siya. "I was just trying to help. Hindi naman kasi lagi kayong ganoon ng mga
pinsan natin towards sa mga pinsan ni Johann. We're all connected whether we like
it or not. Dapat daw harmonious ang pagsasama, sabi ni Mister."

"Naintindihan ko. Well, we're okay now. Ramses and I are friends," kibit balikat
nito. "We're friends like we used to be. Nga pala, sa tingin mo anong gender ng
baby niyo?" pag-iiba nito ng topic.

Dumating ang bagong milkshake na in-order niya. "Johann wants a boy. Sana daw
lalaki."

"Eh, ikaw? Anong gusto mo?"


Hindi siya nakasagot. Tahimik na uminom lang siya ng milkshake ulit. Hindi naman
niya kasi iniisip. Ayaw niyang isipin.

"For a wife that's going to be a mom, you don't really look excited about it,"
pansin ng pinsan niya. "Any problem?"

Mabilis siyang umiling. "I'm fine. I'm excited. I'm happy," aniya rito ngunit bakit
ang tono niya ay parang mas kinukumbinsi niya ang sarili?

"You're...afraid?" panghuhuli nito.

Iniwas niya ang tingin rito. "This milkshake is really good. Baka siguro dito na
lang ako maglilihi kaysa sa rambutan. Alam mo ba, iyong bahay namin, bahay na yata
ng rambutan. Araw-araw, bili ng bili si Johann. Nagsta-stock siya kahit marami pa
naman. Takot siyang maubusan." Napailing-iling na lang siya. "And you know what,
iyon lang lagi kinakain niya!"

Crystal Jane chuckled. "That's really cute. Mukhang nag-e-enjoy pa yata si Johann
na maglihi para sa'yo."

"He's always grumpy in the morning though." Pero hindi maikakaila ni Sapphire na
kahit ganoon ay talagang tuwang-tuwa nga si Johann. Iniinda nito ang morning
sickness at kahit naiinis ito ng walang dahilan ay kino-control nito ang emosyon
para daw hindi ito makapagbitiw ng salitang makakasakit sa kanya.

Hindi niya talaga kayang isipin na mas kaya siya nitong unahin kaysa sa sarili.
Lalo siyang naliliit tuloy dahil sa iniisip niya. Parang ang selfish na naman kasi.

"Nga pala, nakausap mo na ba si Auntie Mercy? Okay na ba kayo?"

Umiling siya. Isa pa iyon sa iniisip niya. Ayaw niya muna talaga kausapin pa ang
ina. Baka kapag nalaman nito na nakikipagkita siya lagi sa Daddy Darwin niya ay
magalit ito o ano. Ah, ewan. Hindi niya na alam kung anong unang iisipin.

"Sana magkaayos na kayo. Magiging masaya siya kapag nalaman niyang buntis ka na."

She sighed. "Kung gusto mo, puwede niyong sabihin sa kanya. Pagkatapos ng bakasyon
namin ni Johann at saka ko na lang siya kakausapin."

Nakakaintinding tumango ang pinsan niya. "Eh, ang real dad mo? Nakilala mo na?"

Ilang beses nang inalok sa kanya ng Daddy Darwin niya na sasamahan daw siya nito
kung gusto niyang makilala ang kapatid nito. Ngunit, lagi siyang tumatanggi. Pa'no
niyang pakikiharapan ang taong tinanggihan siya hindi pa man siya nabubuhay?
"You know, Crystal Jane, I'm cool with Daddy Darwin already. He's my father. Gusto
ko rin makilala ang bioligical father ko, oo. But not now, I think." Something's
telling her that she should keep the distance away from her real father.

"Let's change the topic, then. Anong feeling na may baby na sa tummy mo?" she
curiously asked with giddiness in her voice.

"Hindi pa yata fetus ang baby so...it feels normal pa. W-Wala namang pagbabago
akong nararamdaman...well, wala pa."

Mag-uusisa pa sana ang pinsan niyang halatang excited din para sa kanya ngunit
eksaktong dumating na si Johann kaya nagpaalam na ito sa kanila.

"Kumusta, Misis?" bati sa kanya ng asawa at saka umupo sa tabi niya. "Kumusta ang
lunch kasama mga pinsan mo? Marami ka bang nakain? Nabusog ka ba? Nabusog ba si
baby?" sunud-sunod na tanong nito habang kumikutitap pa yata ang mga mata.

"Paano ko naman malalaman kung nabusog ang baby? Pa'no ko tatanungin?" sarkastikong
wika niya.

"Ang sungit mo talaga," puna nito pero tumatawa. Inakbayan siya nito at nakisipsip
pa sa milkshake niya. "Tapos na 'ko mag-encode ng final grades ng mga estudyante
ko. I'm free! Makakapagbakasyon na tayo, Misis. Handa na mga gamit natin sa kotse
at saka naibilin ko na ang bahay natin sa mga kapitbahay para hindi tayo manakawan.
Dumaan din akong bookstore kanina pala. Bumili ako ng mga libro tungkol sa
pagbubuntis at sa preparation bilang parents!"

Naubos niya na ang inumin kaya tumayo na sila at lumabas ng restaurant. "Naiinis pa
rin ako sa'yo hanggang ngayon, ano. You cancelled some of our trips!"

Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. "Misis, nag-cancel lang ako ng mga trips
kung saan may extreme adventures kang gustong gawin para mailagay sa blog mo,"
paliwanag nito. Sinara na nito ang pinto sa side niya at saka mabilis na umikot
para makasakay sa driver's seat.

Nilingon ni Sapphire ang backseat. Halos mapuno iyon ng mga gamit nila. Buong bahay
na yata ang dala ni Johann!

"Ayoko rin na magbiyahe tayo ng sobrang layo kung puwede naman na maka-experience
ka rin ng 'fun and relaxation' sa malapit lang," ani pa nito habang binubuhay ang
makina ng kotse. "Road trip na lang tayo, di'ba? Mas masaya! Nasa lupa pa tayo.
Kaya kapag may sumakit sa'yo, masusugod agad kita sa ospital. Eh, paano kung nasa
eroplano tayo tapos magkaproblema ka? May ospital ba sa mga ulap? Waley."

"Ang OA mo rin, eh. I'm definitely fine you know. Iingatan ko naman ang sarili ko."
"Mas okay na iyong OA, at least, sigurado ako na safe kayo ng baby natin. Saka nasa
first trimester ka pa ng first baby natin kaya dobleng ingat lang, Misis. Hayaan
mo, kapag nakalabas na si baby, ako pa mismo magtutulak sa'yo sa bangin para
makapag bunjee-jumping ka."

Sumandal siya sa kinauupuan, kinabit ang belt, at napahalukipkip na lang.

"Nagtatampo ka pa rin?"

"Bakit ang dami mong dalang gamit? Sobra-sobra yata. Isang linggo lang naman tayong
mawawala," she said, ignoring his question.

"Kapag nagmamahal ka, mas maayos na ang masobrahan kaysa ang magkulang."

She silently chuckled. "Paano naman napasok ang pagmamahal sa pagdadala mo ng


sobrang gamit?"

Ngumisi ito. "Dahil ang pagdadala ng sobrang gamit para sa bakasyon ay parang
pagmamahal ko sa'yo." Mabilis na sumulyap pa ito sa kanya. "Hindi ka na maghahanap
pa ng wala. Lahat ng kailangan at di mo kailangan, maibibigay ko na."

Napangiti lang siya habang napapailing-iling.

"Misis."

"Hmm?"

"Sorry."

Napabaling siya rito. "For what?"

"Alam ko kasing nagtatampo ka talaga tungkol sa mga cancelled trips. Alam kong
excited ka...pero gusto ko lang naman mag-ingat tayo. Nakakaparanoid lang kasi.
Imagine, may dala tayong maliit na buhay. Bigay ni Lord kaya dapat pag-ingatang
mabuti."

"I know." She sighed. "I'm sorry, too. Okay lang naman talaga na hindi muna tayo
magbiyahe sa malalayong lugar. I perfectly understand. May iba lang akong iniisip."

"Sure?"

She nodded and gave him an assuring smile. "Ang top priority ay ang baby, hindi na
ang mga sarili natin," aniya. She reclined her seat. "Matutulog muna ako. Mukhang
mahaba pa ang biyahe."

"Ano iyong 'iba' mong iniisip?"

Hindi siya sumagot at hindi naman na nangulit ang asawa niya. Binalot sila ng
katahimikan kaya naman tuluyan na siyang nakatulog.

Nagising lang siya ng maramdamang hindi sila umaandar. Wala si Johann sa driver's
seat. Pagtingin niya sa labas ng binatana ay naka-park ang kotse sa harap ng isang
fruitstand. Nakita niya si Johann na bumili ng isang supot ng rambutan. Pero hindi
lang pala isang supot ang binili nito. Dalawang box!

May mga taong naglagay ng dalawang box ng rambutan sa backseat. Pagkatapos ay


sumakaya na ulit ito ng kotse. Nginitian pa siya nang makitang gising na siya.

"Misis, kumusta tulog? Medyo mahaba pa ng kaunti ang biyahe. Na-traffic kasi tayo
kanina."

"Bakit ang dami mong binili na namang rambutan?"

Nagbukas ito ng isa mula sa supot na dala. Kumain ito habang nagmamaneho.
"Naglilihi nga ako, di'ba? Baka walang rambutan sa pupuntahan natin kaya mabuti ng
handa."

"You bought two boxes!"

"Nagugutom ako, eh. Baka magkulang."

She laughed. "Hindi kaya magmukhang rambutan ang baby?"

Natawa rin ito. "Oo nga, ano? Pero kahit ano pang itsura ni baby, labs naman siya
ni tatay at nanay."

Tinitigan niya ito. "Gustung-gusto mo talagang maging tatay..."

"Sa edad ko ba naman, sinong hindi ma-e-excite? Thirty-three na rin ako. Handa at
stable na 'ko. Saka kasama 'to sa mga pangarap ko, ang maging tatay. Naiisip ko na
agad na makipaglaro sa baby natin. Kapag medyo malaki na siya, tuturuan kong
magdasal, magbasa, mag-Math, mag-basketball, sasamahan ko pa siyang maligo sa
ulan...iyong mga ganoon? Saka gusto ko ma-experience iyong sinasabi ni Sir Darwin
na happiness nang masaksihan niya ang unang ngiti mo, unang lakad, unang salita,
unang tawa... parang ang sarap-sarap sa pakiramdam ng ganoon. Pa'no pa 'ko na
totoong anak 'ko pa iyan, galing sa'kin tapos mayayakap ko, mahahalikan ko,
mapapalitan ko ng diaper...ah!" Ang lapad ng mga ngiti nito habang nagsasalita at
diretso ang tingin sa kalsada.
"Sabi nila mahirap din daw mag-alaga at magpalaki ng bata...pero naniniwala ako na
worth it lahat ng hirap na mararanasan natin kung sakali," dagdag pa nito.
"Malaking-malaking love ang maibibigay natin sa baby natin, eh. Hindi tayo
magkukulang sa aspetong iyan. Mapaparanas natin sa kanya iyong mga hindi natin
masyado naranasan sa mga magulang natin. Alam kasi natin ang pakiramdam ng parang
left-out kaya alam kong, hindi natin hahayaan na maramdaman iyong ng anak natin."

Hindi nakapagsalita si Sapphire at napatingin na lang sa labas ng bintana ng kotse.


She bit her lower lip. Nagpatuloy si Johann sa pagkukuwento ng mga plano nitong
gawin kapag lumabas na ang baby nila. Doon pa lang, alam niyang magiging mabuting
tatay si Johann.

Napahawak siya sa tiyan. Siya kaya magiging mabuting nanay rin?

"Kapag binata na siya, tuturuan kong manligaw ng maayos. Saka puwede ko siyang
bigyan ng advice ng mga galawan sa kama-aray!"

Hinampas niya kasi ito ng malakas sa balikat. "Wala pa nga iyong baby natin, binata
na agad siya sa imagination mo? Kung anu-ano pang kalokohan ituturo mo. What if
this will be a girl and a photocopy of me and my personality, huh?"

"Bakit naman siya mabi-bitter sa lalaki, eh may Tatay Johann siya? Bakit naman siya
matatakot sa mga bagay-bagay kung hindi naman natin siya iiwan sa bawat milestone
niya sa buhay? Bakit siya magiging masungit, mataray, at suplada kung pupunuin
natin siya ng nag-uumapaw na pagmamahal? Magiging lovable siya!"

"Hindi ko alam kung iniinsulto mo ko o ano."

Natawa lang ito pero hindi na nagkomento. Kumuha ulit ito ng rambutan at kinain
iyon. Ganoon na rin ang ginawa niya. Namagitan ang katahimikan sa loob ng kotse ng
hindi masyado namamalayan ni Sapphire. Nakitingin na kasi siya sa labas ng bintana
at puro puno na ang nakikita niya. Maluwag na rin ang daaanan. Mula sa nakikita
niyang signboards, nasa Laguna na sila. Baka papunta na sila sa parte ng probinsiya

Habang nakatanaw siya sa labas ay hindi niya namamalayan ang pagsulyap-sulyap sa


kanya ni Johann. Siguro ay nararamdaman na naman ito na gumugulo sa isipan niya.

Argh! Lagi na lang magulo ang isip niya. Mula nang dumating si Johann sa buhay
niya, may mga bagay na sobrang nabago at may mga pangyayaring hindi niya inaasahan
na darating pa sa buhay niya.

"Gusto mo pag-usapan?" biglang tanong ni Johann.

Napalingon siya rito. "Ang alin?"

"Ang gumugulo sa isip mo... Alam kong may iniisip ka. May pinoproblema. Gusto mo
pag-usapan?"

"Bakit ba laging alam mo kapag may problema ako?"

"Nararamdaman ko nga kasi. Pag tinitignan kita, alam kong may mali," he softly
said. "Kaya kung ano man iyon, mas makakaluwag sa dibdib kung may masasabihan ka.
Kaibigan ako, remember? Share na!"

Napasandal si Sapphire pero maya-maya ay napatuwid ng upo. Nilaro-laro niya ang


wedding ring sa daliri. Hindi niya naman kasi alam kung paano ipapaliwanag ang
nararamdaman.

"Malapit na tayo sa Villa Socorro," tukoy nito sa tutuluyan nilang farm resort na
malapit-lapit lang sa Pagsanjan Falls na pupuntahan nila bukas ng umaga. "Gusto mo
doon na lang pag-usapan?"

"At paano ka nakakasigurado na sasabihin ko sa'yo?"

"Ako pa ba mare-resist mo? Madami na tayong mga sikretong pinagsaluhan, ngayon ka


pa ba magtatago?"

Napabuga siya ng hangin. "Johann, I-I...I think I'm not yet ready to be a mother,"
mabilis niyang pag-amin at saka iniwasan ang tingin nito. "Nasabi ko na 'to noon
sa'yo, di'ba? Na hindi pa 'ko handa? Pero kung darating man, I will try to be
ready. But it's been a week and I cannot absorb the whole thought!"

"O, bakit sumisigaw ka?"

"Because it's frustrating! Parang mali na ganito ang nararamdaman ko. Baka
maramdaman ng baby na parang hindi pa siya welcome for me...well, I'm happy, okay?
Pero di ko alam kung masaya ba 'ko kasi ang saya-saya mo o masaya talaga ako kasi
magkaka-anak na 'ko..." Napailing-iling siya. "Ayoko ng ganitong pakiramdam. Kasi
parang kahit kailan yata hindi ako magiging handa na maging nanay. Wala akong alam
sa pagiging ina. Nang nagkasakit ka nga, hindi kita maalagaan kundi lang ako
hihingi ng tulong sa iba. Feeling ko, wala akong mother's instinct katulad ng
sinasabi nila. Iyong na-i-imagine mo, hindi ko nga ma-imagine sa magiging b-baby
natin. Natatakot ako na baka magkulang ako sa magiging anak natin. Baka...katulad
rin ako ng mommy ko. Maging unaware na mas inuuna ko ang sarili ko. Buti ka pa, may
mga plano na, ako hindi pa. You're too excited, I'm not. You're too happy, and I'm
not quite sure if I'm happy, too," she confessed.

"Ngayon pa lang, failed na 'ko. Baka maramdaman ng baby na unwanted pa siya for me.
Actually, I want it. I-I... I want it for you, Mister..." gumaragal ang boses niya.
"Pero parang mali ang pakiramdam na gusto ko lang ang baby para mabigyan ka ng
satisfaction. Dapat gusto ko rin siya...but I'm afraid."

Suminghot-singhot na siya ngunit hindi niya hinayaan na maiyak siya. Nagiging


unstable na masyado ang hormones niya. Dapat matutunan daw niyang ma-control iyon
sabi ng doktor niya kundi ay baka masaktan niya ang sarili kapag lumala.

Hindi nagsalita si Johann. Wala rin itong anumang reaksyon. Ngunit maya-maya ay
inabot nito ang kamay niya kahit nagmamaneho pa ito.

"Malagkit pa kamay ko, pero hawakan mo lang. Kasi hahawakan lang rin kita,"
malambing na sabi nito.

"Johann..."

"Hahawakan lang kita para maramdaman mong wala ka dapat ikatakot. Kasi nandito ako
para sa'yo, eh. Hahawakan kita para maramdaman mong magkakampi tayo. Kapag
magkakampi, walang iwanan. Magkasalungat man tayo ng nararamdaman ngayon, pasasaan
ba at magiging masaya rin tayo pareho."

"Unang buwan pa lang ngayon, Sapphire. May walong buwan pa tayo para paghandaan ang
pagdating ni baby. Sa totoo lang, natatakot rin ako katulad mo, eh. First time ko
rin 'to." Hinalikan nito ang kamay niya at sandali nitong pinarada ang kotse sa
gilid. Hinarap siya nito at masuyong nginitian. "Natatakot rin ako at kinakabahan
pero mas pinili kong pangibabawin iyong kasiyahan ko na magkakaroon ako ng anak sa
babaeng pinakamamahal ko."

Dahil sa sinabi nitong iyon ay tuluyan ng namasa ang mga mata niya.

"Tandaan mo, mahihirapan tayong pareho sa pagbubuntis mo, oo. Sa susunod na mga
buwan, magbabago mga buhay natin. Asahan mo lang na sa paglipas ng mga araw, sabay
nating ma-o-overcome ang takot mo. Unti-untiin natin. Dahan-dahanin. Magiging handa
ka rin. Alam ko." Tinuro nito ang puso niya. "Kasi nandiyan na si Lord, eh.
Ihahanda ka Niya. Magiging mabuting nanay ka. May pagmamahal na diyan, eh...sa puso
mo. And when there is true love, you can never go wrong."

Naiyak na siya ng tuluyan. "B-Bakit ka nagpapaiyak?" angal niya habang umiiyak na.

He enveloped her in his arms and rocked her back and forth. "Sinasabi ko sa'yo, ang
baby natin ang pinaka-masuwerteng baby kasi may magiging nanay siya na katulad mo.
Alam kong maibibigay mo sa kanya iyong pagmamahal na lagi mong hinahanap sa Mommy
mo noon. Saka nandito ako. Team effort 'to. Magkasama naman tayo magpapalaki ng
anak. Complete family tayo. Hindi laging perpekto pero si Lord ang magiging sentro.
Amen!"

Niyakap niya ito nang mahigpit, tiningala, at inabot ang mga labi nito. She closed
her eyes and kissed him with all the love she can give.

Oo nga naman, bakit ba kasi siya natatakot? Bakit ba kasi kinukumpara niya ang
sarili rito? Siguro, hindi pa natatanggal lahat sa sistema niya ang pagiging
independent na kahit nandyan na si Johann, ang iniisip lagi ni Sapphire ay mag-isa
niya lang dapat harapin ang mga nararamdaman at kinakatakutan.
Ngunit, ilang beses na ba siyang tinulungan ni Johann na ma-overcome ang lahat?
Wala pa silang isang taong kasal at nasa adjustment period pa rin talaga siya.
Ngunit, parang ang tagal-tagal na nilang magkasama nito.

Oo nga naman, may mister siyang katulad ni Johann. He will always be there...he can
always help her to overcome her fears. Johann is the type of guy that can easily
turn her nightmares into sweet lovely dreams.

"I want to think that you're not real," bulong niya pagkatapos niya itong halikan.
"Gusto kong tanungin si God kung bakit binigay ka Niya sa'kin, when all my life, I
chose to be bitter about everything."

Napangiti ito hanggang sa sumingkit ang mga mata. "Iyon na iyong sagot. Bitter ka
daw kasi. Kailangang ng sweetness sa buhay mo. Ayan tuloy, napadpad ka sa poging
tulad ko. Huwag ka na lang magtanong kung bakit walang abs. Magpasalamat ka kasi
may sexy ass!"

She can't help but laugh aloud.

Kakaiba. Kakaiba talaga ito. "I'm trying to think na nasa Drama-Comedy na tayo na
story."

"Mas gusto ko nasa erotic story tayo!" pilyong saad nito.

Pinisil niya ang magbilang pisngi nito at totoong pinanggigilan niya. "Mahal kita,
Johann. Ako pala talaga ang pinaka-masuwerteng babae sa mundo. Sorry na ang ibang
girls. Wala ka ng carbon copy. I'll never let you go, I'm telling you. I love you
so much."

Nakita niya ang pamumula ng mga tainga nito. Bahagya pa itong nanginig.

Natawa na naman siya. "Uyy! Kinikilig!" she teased.

Bahagya itong natawa at lumayo sa kanya. Sinumulan na nito ulit paandarin ang
kotse. Pero hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi.

She wiped her tears. "Now, I'm feeling better. Honestly, there's this part of me
that's still afraid and not ready. But at least, I can feel the genuine happiness
already." Iyon na lang rin ang gagawin niya katulad ng ginawa ni Johann... "I will
overcome my fears with happiness, Mister. Kasi magkakaanak ako sa'yo. And I love
this baby, too, because it's a part of me and you."

Nahampas nito ang manibela. "Naiihi na 'ko sa kilig. Stahp!"

She laughed and kissed his still reddening ears. Hinilig niya ang ulo sa balikat
nito kapagkuwan sabay tutop sa tiyan. I still have eight months, baby. I'm going to
be ready for you. "Kaya ko 'to..." pagpapalakas ng loob niya sa sarili.

Saktong pumasok ang kotse ni Johann sa entrada na may malaking sign na "Villa
Socorro Agri Eco-Village and Farm Resort".

Hinalikan nito ang bumbunan niya. Then he whispered, "Kaya natin 'to, Misis."

It's as good as saying that he loves her too. Damn much.

~~~

HAPPY 1M reads, friendly readers! Thank you for loving Sapphire and most especially
si Johann. Tambalang Mister at Misis FTW! Naisip ko tuloy mag-extend ng chaps. Hmm.
Bahala na! Haha!

Next update: March 14, 2015 (Saturday)

=================

Chapter Thirty-Nine

CHAPTER THIRTY-NINE

“GRABE iyon, Misis. As in, bukang-buka! Imagine, iyong ulo ng baby unang lalabas
tapos hihilahin kasunod buong katawan!”

Napangiwi si Sapphire sa kinukuwento ni Johann sa kanya. “R-Really?”

“Tunay na tunay! Nanlaki nga mata ko nang pinanood sa’min sa video kung
paano nanganganak ang babae sa Bio class yata namin iyon.” Pinalaki nito ang mga
mata at binuka nang malaki ang mga kamay. “Ganoon pala talaga ka-elastic ang
mga...flower ng mga babae. Balde-baldeng dugo pa ang lumalabas.”

Nanginig si Sapphire at napayakap sa tiyan niya. Nagsitayuan din ang


mga balahibo niya sa katawan. Hindi niya alam kung paanong ang kuwentuhan nilang
mag-asawa ay napunta sa panganganak. Bigla na lang detailed nagkuwento si Johann
habang naglalakad sila papunta sa Pagsanjan falls mula sa pinag-iwanan nila ng
kotse nila.

“Tapos, Misis, sobrang sakit daw bawat ire. Mmmmp!” arte nito na parang
umiire at hirap na hirap. “Buti na lang uso na anesthesia. Nakamamatay daw sa
sobrang sakit, Misis. Pero kahit daw may pampamanhid, feel na feel pa rin daw.
Literal na fifty-fifty chances of winning ang buhay ng mga nanay. Ay, grabe. Ito
pa, kapag hiniwa iyong—”

“Sshh!” saway niya na rito habang tinatakpan ang mga tainga. “Napaka-
inspirational talagang ng mga sinasabi mo, Nakakatulong talaga sa’kin,”
sarkastikong wika niya habang matalim na ang tingin rito. “Gusto mong huwag kong
ilabas ‘tong anak mo?”

Tinakpan nito ang bibig. “Hindi na po.”

Tinanggal niya ang kamay sa tainga at napabuga ng hangin. “Ugh! I can


imagine the full details because of your creepy story. Damn you.” Binilisan niya
ang pagsunod sa tour guide na kasama nila.

“Sorry na, Misis. Hinahanda lang naman kita sa katotohanan. Para alam
mo na kung anong i-e-expect—”

Hinampas niya ito sa braso. “Hinahanda? You’re more on terrifying me!


Takot na nga akong maging nanay, tinakot mo pa ‘ko lalo kapag manganganak na ‘ko.
Ikaw kaya manganak?” Hanggang ngayon ay nanayo pa rin ang balahibo niya.

“Kung puwede lang, ano? Aba! Kung puwede lang magbuntis ang lalaki,
okay lang.Mas gusto ko iyon...” Inakbayan siya nito at masuyong nginitian. “Aakuin
ko lahat ng sakit sa panganganak, huwag ka lang mahirapan.”

Akmang hahalikan siya nito nang iharang niya ang kamay sa buong mukha
nito at marahang tinulak iyon. “Then you’re being sweet now. Nasasabi mo lang iyan
kasi hindi ka naman talaga magbubuntis. There’s no chance for a guy to get
pregnant.”

“Oy, kung may genie man o fairy godmother ang magpapakita sa’tin
ngayon, iyon ang unang una kong hihilingin.”

“Another thing na hindi na naman totoo.”

“Hindi ka naniniwala sa mga ganoon? Sa mga magical people?” Inalalayan


siya nito nang maging matarik na ang daan pababa.

“What am I? Still a kid?”

“Uy, may duwende!” bulalas nito.

“Ha? Saan?” gulat na tanong naman niya.


Ang lakas ng tawa nito. “Yung totoo? Akala ko ba hindi ka naniniwala?”

“Malay ko ba kung nakakita ka nga?” Pinigil niya ang matawa. “Oh,


Johann, you’re crazy.”

“Pero, eto, serious talk. Nakakita na ‘ko ng diwata.”

Tinignan niya muna ang mukha nito at mukha ngang seryoso ito. “Talaga?”
pakikisakay naman niya.

Tumangu-tango ito. “Sobrang ganda pala talaga ng diwata katulad ng


naririnig kong kuwento noong bata ako. Sobrang ganda. Sobra talaga.”

Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Sapphire kung maniniwala ba siya o


hindi sa sinasabi ng asawa. Mukhang ang lakas kasi ng trip nito.

Huminto ito sa paglalakad at matamang tinitigan siya. “Actually


nakatingin na nga ako ngayon sa diwatang iyon, eh...” nakangiting sabi nito.

Napangiti naman siya. “Oh, really? What’s the name of the fairy?”

“Sapphire.”

“Diwata siya ng ano?”

“Diwata ng magagandang legs.”

Ang lakas ng tawa niya. “Whatever. Hindi ko pa rin makakalimutan ang


full detailed labor na kuwento mo.”

Napakamot ito sa batok. “Ikaw naman. Naglalambing lang, eh.”

“Ang sakit na ng paa ko,” angal niya. “Matagal pa ba tayo?”

“Kaunti na lang, o,” turo nito sa baba kung nasaan nauna na ang mga
kasama nilang ibang turista.

Humugot siya ng malalim na hininga at pinunasan ang pawis sa noo.


“Napapagod na talaga ako.”

Tumalikod si Johann at inawang ang likod nito. “Sampa ka sa’kin, dali.


Piggy back ride, beybeh!”
Sumampa nga siya rito dahil totoong masakit na ang paa niya at
hinihingal na siya kahit pababa naman ang daan.

“Ugh! Ang bigat!” angal nito nang makasampa na siya. “Ano ba


pinagkakakain mo, Misis?”

“There’s a baby on my tummy.”

“Sabagay. Ugh! Ang bigat talaga. Mamaya ako na buhatin mo, ah?”

“Asa ka.” Yumapos siya sa leeg nito nang maglakad na ulit ito.

“Ang lakas natin maka-koreanovela.”

“Huh?”

“Uso ganito sa kanila, eh. Sweet kapag binubuhat sa likod ang babae.
Hindi ka ba nanonood ng mga koreanovela?”

“Hindi ako mahilig manood ng mga ganoon.” Hindi talaga siya mahilig
manood ng TV unless it’s her favorite Pretty Little Liars or The Big Bang Theory on
show.

“Hindi mo kilala si Lee Min Ho?”

“Sino iyon?”

“Huwag mo nang alamin. Basta ang alam ko lang, walang halong


lokohan...mas pogi ako doon.”

She laughed. “Okay. Maniniwala ako hanggang sa hindi ko siya nagu-


google.”

“Buti na lang walang internet rito.”

Hanggang sa makarating sila sa baba ay nagtatawanan sila habang buhat


siya nito. Binaba na lang sya nito nang pinapasuot na ng lifevest ang mga turista
at isa-isa nang pinapasakay sa banka na magtu-tour sa kanila sa rifts and hidden
cave na mayroon ang Pagsanjan Falls.

Nang nakasakay na sila sa banka ay naramdaman niya ang pagpulupot ng


mga kamay ni Johann sa baywang niya mula sa likod. “Pakapit ako, Misis. Baka
mahulog ako, eh. Katakot!”
She just rolled her eyes and laughed at him. Nang magsimula na ang ride
ay napapatili-tili siya dahil dumadaan sila sa mga parte na malakas ang hampas ng
tubig at mabato pa. Ngunit kahit ganoon ay na-enjoy niya ang scenery sa mga gilid
lalo na ng dumaan ang banka sa pagitan ng bulubundukin ng Sierra Madre.

Nabasa na rin sila ni Johann after the canoe ride.

“Ang saya! Let’s try it, again!” she said.

“Huwag na! Ang lakas alon at saka mabato. Delikado sa’yo. Tama na iyong
isa.”

“Takot ka lang, eh. Mas malakas sigaw mo sa’kin kanina,” tukso niya
rito nang minsang di sinasadyang nahampas ng alon ang banka nila, tumama sa isang
bato, at mas nauna pang sumigaw si Johann kaysa sa kanya.

Sumimangot ito. “Na-carried away lang ako. Tayo na nga! Sakay na lang
tayo doon sa balsa para makalapit tayo sa talon.”

Sumakay nga sila sa isang balsa kasama pa ang ibang turista. Napatili
siya sa saya nang makalapit sila sa ilalim ng talon at dumiretso sa kanila ang
bagsak ng tubig. Because of the fast flowing current of the water, masakit talaga
ang bagsak pero ang sarap sa pakiramdam. Lalo na sa likod dahil parang namamasahe
siya. Mukhang nag-enjoy rin ang asawa niya dahil binuka pa nito ang mga braso
habang bumabagsak ang tubig sa kanila.

Maya-maya ay hinila siya nito payakap at napatili na naman siya dahil


sa bagsak ng tubig hanggang sa nagkatawanan na lang sila nito. At nagulat siya nang
bigla siya nitong halikan sa mga labi nang mga limang segundo siguro habang nasa
ilalim sila ng talon.

Nakangisi ito nang humiwalay sa labi niya. “Galawang Johann! Yeah!”

Napailing-iling na lang siya habang natatawa sa kalokohan nito. Nang


makababa na sila nang balsa na basang basa ay mabilis na pinuntahan ni Johann ang
mga gamit nila.

Saktong pagkahubad niya sa life-vest na suot ay binalot nito agad sa


kanya ang tuwalya at pinunasan siya habang ito ay basang basa pa. “Baka lamigin
ka,” anito habang pinupunasan siya at pagkatapos ay sinuot nito ang batrobe sa
kanya. “Huwag mo ‘tong huhubarin, ha? Baka sipunin ka. Masama iyon sa inyo ni
baby,” anito habang tinatali ang roba niya.

She smiled at his sweet and kind gesture. Kailan ba titigil si Johann
na maging ito? Gosh! She can’t see any reason not to love this man every single
day.
Pagkatapos siya nitong maasikaso ay saka lang ito nagpunas. Bintbit
nito ang dalawang bag nila at hinawakan na ang kamay niya paakyat sa dinaan nila
kanina. Nang makarating na sila sa taas ay may nakahandang pagkain para sa mga
turista na kasama sa tour package na kinuha nila.

“Where’s the spoon and fork?” tanong niya.

Nakalatag sa mahabang lamesa ang mga pagkain na nakapatong lang sa


dahon ng saging.

Kumamay si Johann nang ulam at kanin. “Spoon and fork ka diyan? Saan ka
nakakita ng boodle fight nang hindi nagkakamay?” Sinubo nito ang pagkain at kumamay
ulit. “Eto, o. Say, ‘ah’!”

Kinain naman niya ang sinubo nito. Ngumuya-nguya siya at wala nang
arte-arteng nagkamay. Tutal naman ay tinuruan na siya niyon dati ni Johann nang
kumain sila ng tuyo. She enjoyed the food, as well as Johann. Naghugas na sila ng
kamay sa hugasan at ininom ang mga baong tubig.

“Sapphire?”

Napalingon si Sapphire at nagulat nang makita si Sylvia—ang dati niyang


highschool classmate.

“Oh my gosh! Napapadalas na ang accidental meetings natin. Nandito ka


rin pala sa Laguna!”

“Ahm, hi, Sylvia,” bati niya. “Nagbabakasyon nga kami ng asawa ko


rito.”

“Really? I’m with my husband, too! Katatapos lang namin mag-tour sa


Pagsanjan falls. And I can see na tapos na rin kayo.” Napadako ang tingin nito kay
Johann na kasalukuyang nagsusuot ng bago at tuyong white shirt.

“Ah, Sylvia, this is my husband. Johann Anderson.”

“Oh, hi!” nakangiting bati naman nito kay Johann.

“Mister, siya si Sylvia...” Hindi niya na kailangang mag-intro dahil


nakita naman na nito si Sylvia noon.

“Hello! Nice meeting you.” Kinamayan nito ang dati niyang kaklase.
“Kumusta?”
“Had a fun time! Mukhang kayo rin?”

“Oo. Katatapos nga lang namin kumain.”

Nanlaki ang mga mata ni Sylvia at napatingin sa kanya. “You joined the
boodle fight?” nakangiwing tanong nito. “With all those other people eating with
their bare hands?”

Tumango si Sapphire. “Why? Anong masama? Masarap kaya kumain ng


nakakamay,” aniya rito. “You should try it sometime.”

Umiling ito. “No, thanks,” maarteng sabi nito. “Not really ‘our’ thing,
Sapphire. I mean, we’re not primitives. Saan mo naman natutunang kumain ng
nakakamay?”

Ayaw niya na ang tono ng boses nito. Well, naintindihan naman niya na
mayaman ito at hindi talaga sanay sa ganoon. Nandidiri rin siya rati sa nagkakamay
kapag kumakain but Johann taught her that it was the basic way of eating way back
and it was indeed enjoyable.

“By the way, saan kayo nagste-stay? Nasa isang high-class hotel and
resort kayo nearby? Kasi kami ng husband ko, we are in Hotel La Corona De
Pagsanjan. Are you staying there, too?”

“Hindi,” sagot ni Johann. “Sa Villa Soccoro kami. Farm resort.”

“Oh,” sambit lang ni Sylvia. “Why aren’t you staying on a more high-end
resort?”

“Hindi naman kailangan,” nakangiting sagot ni Johann. “Mahal na nga sa


Villa Soccoro, eh. Kailangan lang naman namin nitong misis ko, eh, iyong may
matutuluyan sa gabi dahil mas madalas naman pasyal sa labas ang habol namin.”

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Bahala na si Sylvia mag-isip na


bumaba na ang standards niya ngayon o ano. Tutuparin niya ang pangako niya kay
Johann na hindi na siya magsisinungaling sa kung anong buhay mayroon siya ngayon.
Masaya naman siya sa pagiging low-profile kasama ang asawa.

Nag-angat ng kilay si Sylvia. “Mahal na sa inyo ang place kung saan


kayo nagste-stay? I mean, iyong pinakamahal na nilang room is only seven-thousand.
That’s still cheap.”

“Mahal na iyon, ah. Doon nga lang kami sa two-thousand per night, eh.
Ang maganda sa Villa Soccoro, eh, yung ramdam mo ang farm life at magaganda ang mga
view. Ang gigising pa talaga sa’yo sa umaga ay ang tilaok ng manok at hindi ang
tilaok ng cellphone,” ani Johann na napansin niyang mas tumaas na ang tono nito sa
pananalita. “Hindi naman ikamamatay ni Sapphire na tumuloy sa ganoong lugar. Tama
ba, Misis?”

“Tama.”

Napailing-iling si Sylvia. “I can’t believe this. Anyway, free ba kayo


tonight? Let’s have dinner? Sasabihin ko sa asawa ko na magpa-reserve siya ng
dinner deluxe for four mamaya sa hotel. What can you say?”

“Okay,” sagot niya agad kahit hindi niya alam kung okay lang rin kay
Johann.

“Alright! Baka kapag nakita niyo ang hotel, magbago ang isip niyo at
lumipat kayo doon. See you around, Mr. and Mrs. Anderson!” paalam nito at saka
tumalikod na paalis.

Napatingin siya kay Johann. “Sorry about that.”

“Bakit pumayag kang makipag-dinner sa kanila? Kaya mong kumain kasabay


ng mayabang na tao na iyon?” nakakunot-noong sabi nito.

“Wala naman sigurong masama. Hindi naman sa mayabang si Sylvia. Hindi


lang siguro makapaniwala na—”

“Inaya niya tayong kumain mamaya para mapamukha sa’tin kung gaano nila
ka-afford kung saan mang hotel sila tumutuloy.”

“So what? We can also afford staying in that hotel. It’s just that mas
pinili natin iyong mas peaceful at eco-friendly na lugar.”

Naglakad na si Johann papunta sa kotse nila at sinundan niya naman ito.

“Sorry, okay? Tatawagan ko na lang si Sylvia kung ayaw mong ituloy ang
dinner. Pero wala naman sigurong masama na makipag-dinner sa kanila...”

Hindi umimik si Johann.

“May allergy ka ba sa mga mayayaman, Mister, ah? Bakit iyong mga pinsan
mo naman nakakahalubilo mo ng maayos?”

“Iba sila.”

“But they are still rich people. At alam ko ring mayaman ka rin. But
you stay in your way of living and I have no problem with that.” Napabuga siya ng
hangin nang makitang mukhang hindi naman ito nakikinig sa kanya at tuluy-tuloy lang
ang paglalakad.

“I hate bringin up the ‘adjusting’ thingy, you know,” aniya. “Kasi


ayoko nang nagtatalo tayo about it. Nangako ka naman na sa’kin na pupunta ka with
me sa reunion party. Pero kapag mas iniiwasan pala natin iyong issue, mas
lumalaki.”

Hindi pa rin ito nagsalita.

“Ano bang problema mo sa mayayaman?”

Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad. “Ayaw ko lang talaga sa mundo


niyo.”

Here we go again. “Naloko ka ba ng mayayaman noon? Napagtrip-an?


Minaliit ka ba?”

Huminto ito sa paglalakad. Napahinto rin siya nang lumingon ito at


nakita niya ang hinanakit sa mga mata nito. “Minsan kong pinilit na mag-adjust
diyan sa mundo niyo. Resulta? Minaliit lang ako. Hinamak...tinaboy. Pinagsalitaan
ng masama. Kinutya ng mayayaman. Hindi lang basta mayayaman...pamilya sila ng Mama
ko. Pero hindi nila ako matanggap dahil bastardo ako. Kahihiyan ang Mama ko sa
pamilya nila... Ako? Dungis na ‘ko sa reputasyon na iniingatan nila...”

“J-Johann...”

“Ayaw nila sa’kin. Hindi nila ako tanggap dahil takot silang malaman ng
iba pang mayayaman na may tinatago silang dumi. Dumi lang ako. Dahil sa putanginang
kayamanan at reputasyon na iyan, sarili mong dugo kaya kang duraan at talikuran.”

Hindi niya alam ang tungkol doon. Johann never told her about his
mother’s family. She was speechless and she don’t want to say anything at all lalo
na ng totoong galit na ang mga nasa mata nito.

Nakita niya ang pagngilid ng luha sa mga mata nito. “Hindi lahat ng
mayayaman katulad mo, katulad nila Daddy at Agatha, katulad ng mga pinsan
ko...Masaya ako na hindi nila ginawa iyong ginawa sa’kin ng unang pamilyang
nakilala ko. Pero kahit ganoon, ramdam ko pa rin...Anak ako ng puta kong ina.
Masakit iyon.”

Pumatak na ang luha nito. “Masakit iyon, Sapphire. Nakabaon sa puso.


Ang hirap-hirap hugutin.”
~~~

Next update: Monday (March 16)

=================

Chapter Forty

CHAPTER FORTY

PINAKIRAMDAMAN ni Sapphire si Johann magmula nang manggaling sila sa Pagsanjan


Falls hanggang sa makauwi sila sa tinutuluyan nilang farm resort.

Hindi na uli nagsalita si Johann mula nang aminin nito ang isang masakit na
nakaraan na ikinagulat niyang pinagdaanan nito. Hindi ito nagkuwento ng buong
detalye. Pinunasan lang nito ang luhang pumatak kanina at saka mabilis siyang inaya
nang umuwi.

Naisip niya, sa nakalipas na mga buwan na mag-asawa sila, Johann never really told
her everthing about his mother's family. Ang alam lang niya, galing din sa mayamang
pamilya ang nanay nito ngunit tinakwil nang pinagbubuntis ito. Hanggang doon lang
ang alam niya. Pagkuwa'y naisip niyang, anong klaseng asawa ba siya? She never
bothered to ask Johann about the whole story.

Palibhasa kasi, puro siya ang may issue sa pamilya at sa sarili. Doon na lang lagi
silang nakatutok. Subalit, ni minsan naman kasi ay walang nabanggit si Johann kaya
naman kahit minsan ay hindi nila na-brought up iyon.

"Mister..." mahinang tawag niya rito pagkalabas nito ng banyo. Nakasando na ito at
shorts habang pinapatuyo nito ang buhok gamit ang tuwalya.

Tumingin ito sa kanya ng walang ekspresyon sa mga mata. "Matutulog muna ako.
Pakigising na lang ako kapag pupunta na tayo sa dinner ng kaibigan mo," kaswal na
sabi lang nito at saka humiga ng kama.

Napabuntong-hininga siya. Halatang umiiwas na ito sa mga tanong niya tungkol sa mga
sinabi nito kanina.

"Minsan kong pinilit na mag-adjust diyan sa mundo niyo. Resulta? Minaliit lang ako.
Hinamak...tinaboy. Pinagsalitaan ng masama. Kinutya ng mayayaman. Hindi lang basta
mayayaman...pamilya sila ng Mama ko. Pero hindi nila ako matanggap dahil bastardo
ako. Kahihiyan ang Mama ko sa pamilya nila... Ako? Dungis na 'ko sa reputasyon na
iniingatan nila..."

Unang beses niyang marinig ang sobrang sakit sa tinig ni Johann. His words cut deep
inside her heart. Kahit hindi niya pa alam ang buong kuwento, ramdam na ramdam niya
ang panghahamak rito.

Tinignan niya ang asawa na ngayo'y nakapikit na at patagilid na nakahiga, paharap


sa dingding.

She did it again. Na-spoil na naman niya ang isang masayang araw dahil sa pagpayag
niyang makipag-dinner kasama si Sylvia at ang asawa nito na hindi hinihingi ang
permiso kay Johann.

Tatawagan niya na lang si Sylvia mamaya at ipapa-cancel niya muna ang dinner. Wala
na siyang ganang lumabas pa kung ganitong ramdam niya ang bigat sa damdamin ni
Johann.

Lumapit si Sapphire sa kama at humiga sa tabi ng asawa. She hugged him from the
back. Alam niyang gising pa ito.

"Johann..."

Hindi ito sumagot bagkus ay naramdaman niya ang paghawak lang nito sa kamay niya.
Nakiramdam lang ulit siya at base sa pantay na paghinga ni Johann ay tuluyan na nga
itong nakatulog.

Mukhang wala talaga itong balak banggitin ulit ang mga sinabi kanina. But she
wanted to learn more about his past.

Paano kaya?

~o~o~o~

"WAKE UP, Mister! Dinner's ready!" Sapphire softly tapped Johann on the face.
"Mister! Kain na tayo."

Unti-unting nagising at mapungay na dinilat ang mga mata. Napahikab ito. "Aalis na
ba tayo?"

"Hindi na. I canceled the dinner with Sylvia. Ayoko nang lumabas, eh," aniya habang
bumabangon ito at nag-iinat.

Napatingin ito sa kanya habang kinukusot-kusot ang mga mata. "Sigurado ka?
Nakakahiya naman doon sa kaibigan mo."

"Nah. She's not a 'friend'-friend. You know. And I don't care of what she's
thinking. Basta ngayon, kain na tayo. I ordered sisig! Look!" sabay turo niya sa
kainan kung saan nandoon ang sizzling sisig na in-order niya via room service.
Hinila niya sa kamay si Johann at magkasabay na silang dumulog sa kainan.

"Kain muna tayo," aniya habang binibigyan ito ng plato at kanin. "Then later, we
will have a drink!"

Tumayo siya sandali at pinakita rito ang isang case ng beer na pinabili niya kanina
habang natutulog ang asawa.

Napakunot-noo ito. "Bawal ka uminom, hija. Buntis ka, nakalimutan mo?"

Napalabi siya at tumabi rito. "Ikaw lang iinom ng beer. Ako, gatas."

"Lalasingin mo 'ko?" Nanlaki ang mga mata nito. "May binabalak kang masama sa'kin?"

Piningot niya ito sa tainga. "Silly! Alam mong may kailangan tayong pag-usapan.
But..." Kumuha na siya ng sisig at nilagay sa plato nito. "But I know that you
won't care to tell about 'your' story. Kilala kita. Ayaw mong nagda-drama. Gusto mo
puro tawa lang."

Tinignan niya ito sa mga mata. "Pero hindi ngayong oras, Johann. And I read
somewhere na maganda pag-usapan ang ilang mga bagay over a drink. Pero hindi na 'ko
puwede uminom kaya ikaw na lang."

Napatingin ito sa sariling plato na pinuno niya ng pagkain. "Hindi naman na kasi
natin kailangan pag-usapan 'iyon'."

"And what? You'll leave me hanging? After you opened about it earlier, hindi mo
itutuloy ang pagkukuwento?"

Napakamot ito sa leeg. "Eh, kasi naman hindi masayang ikuwento. Saka kalimutan mo
na iyon. At least, alam mo na kung bakit ayokong nakikipag-sosyalan sa mga
mayayaman."

"Hindi. Hindi ko pa maintindihan masyado," mariing sabi niya.

"Kita mo 'to. Ikaw pag-ayaw mong pag-usapan, hindi ko pinipilit. Tapos ngayon ako
ang may ayaw pag-usapan, mapilit ka."

She pouted. "Sayang iyong beer..."

Napaismid ito. "Eh di ikaw uminom. Tunawin mo iyang baby sa tiyan mo. Sige ka."

"Sungit."
Sumubo na ito ng sisig at kanin. "Nakaka-depress kapag nagkuwento ako. Baka
malungkot ka. Mararamdaman ng baby iyon."

"For just a while, will you please think about yourself first?" bulalas niya.
"Huwag mo nang isipin kung malulungkot kami ng baby sa mga ikukuwento mo. I want
you to open up. Kasi sa tuwing nag-o-open up ako sa'yo, gumagaan ang pakiramdam ko.
Baka ganoon din ang maramdaman mo if you'll share a piece of your life that brought
you pain."

Hindi ito kumobo at nagpatuloy lang sa pagkain. Ngunit nakita niya ang pagbabago ng
ekspresyon sa mga mata nito.

"Sooner or later, you need to tell me about it. Pero bakit hindi na lang ngayon?
Solo natin ang buong magdamag para mapag-usapan iyon. And...I'm willing to listen
because I'm your friend..."

"Linya ko iyan, ah."

She rolled her eyes. "Pahiram, puwede?"

Tahimik na nginuya nito ang kinakain at saka lumunok. Nagbuga ito ng hangin. "Ayoko
talagang magkuwento. Hinding-hindi ako magkukuwento!"

~o~o~o~

"DEAR Ate Charo, ako po si Johann. Minsan poging professor. Minsan hot na asawa."

"You're drunk," ani Sapphire sa asawa habang binubuksan nito ang panglimang bote ng
beer na iniinom nito.

Natawa ito. "Nag-uumpisa na nga akong mag-MMK, eh. Ito na o. Magkukuwento na 'ko,
Misis."

Ah, finally! Limang bote lang pala ng beer at dadaldal na ito. Akala niya ay
talagang hindi na ito magkukuwento. Pero sino ba ang hindi napapasuko ng alak?

"Okay, fine." Nanglumbaba siya sa lamesa habang nakatingin rito. "So...what's your
thing about your mother's family?"

Nakita niya ang hesitation sa mga mata nito habang nakatitig sa bote ng beer.
Uminom ito ng diretso roon at saka humarap sa kanya. "Wala pa 'kong isang taon nang
mamatay ang Mama ko. Cervical cancer. Naiwan ako sa pangangalaga ng naging asawa
niya-si Tatay Rommie. Habang papalaki ako, tinatanim talaga sa'kin ni Tatay na
hindi niya 'ko totoong anak. May pag-aari siyang talyer noon. Maganda kita niyon
nang pinakasalan niya si Mama hanggang sa pinanganak ako. Kaso unti-unting nalugi
nang magkasakit at namatay si Mama.

"Habang papalaki pa 'ko, naging sugarol rin si Tatay. Kaya minsan, nung grade three
siguro ako noon, umuwi ako minsan sa bahay namin, wala kaming kapagka-pagkain. Buti
na lang mabait iyong kapitbahay namin, nag-share ng pagkain sa'kin. Pero halos
isang linggo wala si Tatay. Isang linggo ako kung kani-kanino nanghihingi ng
pagkain sa kapitbahay. Isang linggo akong walang baon maski tubig sa school. Umuwi
na lang siya minsan, sobrang lasing at kung anu-ano sinasabi. Masama pala loob
niya. Ang laki nang natalo niya sa sugal...iyong buong talyer pala niya iyong
pinusta niya." Huminga ito nang malalim at napainom na naman ng beer.

"So, nawala sa kanya iyong talyer?"

Tumango ito. "Sinisisi pa nga ako ni Tatay Rommie, eh. Kasi daw, kung wala naman
siyang kailangang buhayin na bata, eh di sana hindi siya nagsusugal para maghangad
ng malaking pera. Tss." Napailing-iling si Johann. "Ang baluktot ng rason niya.
Gusto ko sana sagutin siya noon na kasya naman sa'min iyong kakarampot na kinikita
ng talyer niya. Saka wala naman akong ibang hinihingi sa kanya kundi iyong tatlong
piso lang na baon ko sa school. Kaso bata pa 'ko noon. Takot ako kay Tatay. Madalas
kasi nagugulpi niya 'ko. Baka magulpi ako kapag sumagot ako. Ang hirap kaya pumasok
sa school na masakit buong katawan. Kaya tinatanggap ko na lang lahat ng sigaw at
mura niya. Pinigil ko maiyak dahil lalong magagalit si Tatay."

Sapphire bit her lower lip. She can't imagine how a little boy could handle such
situation. Ano bang ginagawa niya noong kaedad niya si Johann? Naglalaro lang at
madalas lang hanapin ang Mommy niya.

"Isang araw, pagbalik ko galing school, nagulat ako na naka-empake lahat ng gamit
ko. Sabi ni Tatay, ilalagay niya na 'ko sa kung saan dapat ako nandoon."

"W-Was that the time that...iniwan ka niya sa harap ng bahay nila Czarina cause he
thought ang totoo mong father ay ang father ni Czarina?"

Marahan itong umiling. "Hindi..." Tumungga ulit ito ng beer. Dinala niya 'ko sa
isang probinsya sa Tarlac. Doon ko nakilala na buhay pala ang mga magulang ni Mama.
Doon ko nakilala iyong mga kamag-anak ko. Sa isang probinsiya sa Tarlac,
maimpluwensiya ang pamilyang Velasquez. Lahat ng tao doon tingin sa kanila, mataas
at perpekto. Iyong mga kapatid ni Mama, nakapag-asawa ng mga mayayaman rin.
Negosyante, politiko, artista... Napakaganda ng reputasyon nila..."

Napasandal ito sa upuan at napabuntong-hininga. "Noong bata ako at iniwan ako doon
ni Tatay, aaminin ko mas gusto ko iyon kaysa nandoon ako sa maliit at mabahong
bahay namin sa Tondo. Masaya pa yata ako noon nang malaman kong mayaman pala ako.
Mayaman pala pamilya ni Mama. Kaya walang naging problema si Tatay sa pag-iwan
sa'kin doon, eh. Kasi pumayag ako agad. Nasa isip ko, makakatakas na 'ko sa mahirap
na buhay ko... pero hindi rin pala. Mas doble pala impiyerno roon."

Natawa pa ito at tuluyang tinungga hanggang sa maubos ang beer nito. Agad na
napansin ni Sapphire ang galit at sakit sa mga mata ni Johann.
"Akala ko, tanggap ako ng Lolo at Lola ko...ng mga tito at tita ko...Akala ko
makakasundo ko si Rafael..."

"Who is he?"

"Pinsan ko. Kaedad ko lang. Akala ko, magkakalaro kami at magtuturingan na parang
magkapatid. Iyon pala, kasama siya sa mga hahamak sa'kin." Napatingala ito at
napahawak sa noo. "Dalawang taon ako tumira kasama ng mga Velasquez. Dalawang taon
akong pilit na nakibagay sa mundo na dapat kabilang ako...pero kahit anong gawin
ko, isa lang ang tingin nila sa'kin. Dumi. Dungis. Mantsa sa napakaputi nilang
repustasyon sa buong bayan na iyon.

"Hindi ko alam kung bakit pa nila ako kinupkop kung hindi pala nila akong ituturing
na kapamilya. Oo, binigyan nila ako ng magandang kuwarto at magagarang damit,
sapatos, at laruan. Oo, pinasok nila ako sa magandang paaralan. At, oo, nakakakain
na 'ko ng masasarap na pagkain... Ang masama lang, isusumbat nila sa'kin lahat ng
binibigay nila. Isasama pa nilang ungkatin kung gaano kasuwail si Mama sa kanila at
kung gaanong nagbuntis siya nang maaga na muntikan na makasira ng reputasyon nila
bilang isang konserbatibo at malinis na pamilya, tang-ina."

"Wala akong alaala ni Mama. Ang alam ko lang, sabi ni Tatay Rommie, nagsikap si
Mama magbago. Sinikap ni Mama na maging mabuting nanay sa'kin kahit nasa tiyan pa
lang ako. Si Mama kasi nang kabataan niya, mapaglaro sa lalaki. O sige, 'malandi'
na kung iyon ang akmang tawag. Boyfriend niya pa noon si Daddy Philip, iyong tatay
namin ni Agatha. Four years na sila at sila na dapat ang magpapakasal. Pero
nabuntis siya sa'kin. Ang kaso, naguluhan siya dahil hindi niya alam kung si Daddy
ba talaga ang nakabuntis sa kanya. Dahil nang panahon ring iyon, boyfriend rin pala
niya si Tito Ed-ang tatay ni Czarina. Hindi alam ng dalawa na pinagsasabay pala
sila ni Mama."

"Yeah, you already told me that."

Tumango ito. "Hayun nga, nang malaman nila Lolo iyon na buntis na nga si Mama at
hindi pa alam kung sino ang totoong tatay, lalo silang nagalit. Pinatapon nila si
Mama sa Canada para doon na manganak at ang sabi ng Tita ko, ang plano daw dapat ay
pagkatapos manganak ni Mama, ipamimigay na lang daw ako at saka babalik si Mama ng
Pilipinas na parang walang nangyari."

Nanlaki ang mga mata ni Sapphire. "What the hell?! Naisip nila iyon? How cruel they
can get?!" hindi niya mapigilang magkomento.

"O, kalma lang," nakangising sabi ni Johann.

"Si Mommy nga, nabuntis rin naman ng maaga but never naisip nila Lola na ipamigay
ako if ever hindi siya pinanagutan ni Daddy Darwin."

"Eh, hindi nga kasi lahat ng mayayaman katulad ng pamilya niyo na hindi ganoon
katakot madungisan ang reputasyon."

She sighed. "So, your Mom left Canada before you were born, right?"

Tumango ito. "Ayaw niya 'kong ipamigay. Tumakas siya nang seven months na 'ko sa
tiyan niya at bumalik sa Pilipinas na dala lang ay kaunting pera. Ang tapang ni
mother!"

"Then?"

"Manghihingi sana siya ng tulong kay Daddy Philip dahil malaki pa rin ang
posibilidad na baka nga anak ako ni Daddy. Ang kaso, masaya na si Daddy sa Mommy ni
Agatha ng mga panahong iyon. She turned to Tito Ed kaso wala na sa bansa si Tito.
Nag-manage na ng company sa ibang bansa at may plano na ring magpakasal sa iba. So,
kahit sino sa kanilang dalawa, hindi na puwedeng pakasalan ni Mama para mapanagutan
ako at tanggapin ulit siya ng pamilya niya. She was hopeless. Hanggang sa napadpad
siya sa Tondo at nakilala niya si Tatay Rommie doon na inasikaso siya nang wala na
siyang pera. You know na, nagka-ibigan. Nagpakasal sila agad bago pa 'ko ilabas.
Kaya dala-dala ko ang apelyido ni Tatay dati na Asuncion...

"Dahil sa ginawang iyon ni Mama, lalong nagalit sila lolo at tuluyan na siyang
tinakwil. Kasama na 'ko. Ang alam ng mga tao sa bayan, pumunta sa Canada si Mama
para mag-aral ulit kaso namatay dahil sa cancer. Wala ako sa picture. Kaya nang
ibalik ako ni Tatay sa kanila, hindi nila alam kung paano ako itatago sa taong-
bayan. Binigay nila lahat ng pangangailangan ko dahil obligado sila kasi apo pa rin
nila ako, eh. Pero...kapag nasa school ako, bawal kong sabihin na apo nila ako. Ang
sasabihin ko lang, 'scholar' nila ako. Kapag may handaan sa mansyon, bawal ako
lumabas ng kuwarto ko. Kung gusto ko daw lumabas, magsuot daw ako ng uniporme na
katulad sa mga lalaking katulong..."

"Bullshit," napamura na si Sapphire. Mapapainom na rin sana siya ng beer kundi niya
lang naalala na buntis pala siya. Napainom na lang siya ng gatas niya.

"Bullshit talaga," natatawang sabi ni Johann habang binubuksan na ang pang-anim


nitong bote ng beer. "Pero...ginawa ko iyon. Kasi malungkot mag-isa sa kuwarto.
Naiinggit ako kay Rafael kasi nakikita ko sa labas ng bintana na kalaro niya mga
kaklase namin. Lumabas ako at nanghingi ng damit ng katulong. Ang ganda pala sa
party ng mga mayayaman, naisip ko noon. Ang daming ilaw, ang gaganda ng mga suot na
damit, ang daming pagkain! Tumitingin-tingin lang ako noon. Iniiwasan 'kong makita
ako nila Lolo. Hinanap ko si Rafael saka iyong mga kaklase namin. Gusto kong sumali
sa kanila...kaso, ayaw ng pinsan ko. Tinulak niya 'ko at sinigawan. Bumalik na daw
ako sa kuwarto. Hindi daw bagay na makipaglaro ang mga 'katulong' sa kanila. Nainis
ako. Tinulak ko rin siya. Nasabi ko, 'Bakit ganyan ka? Ang sama mo 'sakin! Pinsan
mo naman ako, ah!'. Wrong move pala iyon. Ang daming nakarinig sa'kin. Pucha, pang-
teleserye iyong eksena na sumunod!"

Napansin niya ang paghigpit ng hawak nito sa bote.

"Nagbulungan iyong mga tao. Ang daming nagtatanong kung totoong Velasquez ba 'ko.
Eh sino daw mga magulang ko? Iyong Tito ko, si Rafael palang ang anak. Iyong dalawa
kong tita, wala pang anak. Biglang lumitaw si Lolo at Lola. At sa harap ng maraming
tao, s-sinabi nila... 'Pagpasenyahan niyo na. Nagsisinungaling ang batang ito.
Hindi siya pinsan ni Rafael. Hindi namin siya apo. Isa lang siyang...' Tang-ina."
Ngumiti si Johann ngunit kitang-kita niya ang hinanakit sa mga mata nito. Kumuyom
ang malaya nitong kamay.

"Isa lang daw a-akong ilusyunadong anak ng katulong."

Tumingin ito sa kanya. His eyes were full of tears now. "Ouch, ha. Ang s-sakit
niyon. Harap-harapan, t-tinanggi nila ako... M-Mas masakit pala iyon kaysa sa mga
sigaw at mura sa'kin ni Tatay. Mas... mas masakit p-pala sa buong kalamnan iyong
pinahiya ka ng sarili mong pamilya sa harap ng maraming tao kaysa sa mga gulpi ni
Tatay sa'kin."

At kahit si Sapphire ay ramdam na ramdam ang sakit sa pinagdaanan nito.

=================

Chapter Forty-One

CHAPTER FORTY-ONE

"PAGKATAPOS niyon, pinagalitan pa nila ako," pagpapatuloy ni Johann sa kuwento.

"Wala daw akong karapatan na ipaalam na pinsan ako ni Rafael, na isang Velasquez
ako...na anak ako ng anak nila. Binigay na daw nila lahat ng kailangan ko, nakuha
ko pa daw silang muntik na pahiyain. Ang isang katulad ko daw na mahirap, laking
kalye, at anak ng isang puta ay hindi kahit kailan magkakaroon ng karangalan na
dalhin ang pangalan nila.

"Eh, putang-ina! Kanila na pangalan nila! Sarili nilang anak, natawag nilang puta?
Sariling apo nila na wala pang sampung taong gulang, kaya nilang pagsabihan ng
ganoon? Aanhin ko iyong maganda kong kuwarto, iyong magagara kong gamit, iyong
masasarap na kinakain ko kung araw-araw na lang, hindi naman nila ako tinuturing na
isa sa kanila? Bakit ko pa gugustuhing maging mayaman kung lalaki ako sa pamilyang
wala nang ibang inisip kundi ang 'image' nila?

"Binu-bully rin ako araw-araw ni Rafael. Mas pinamumukha niya sa'kin iyong layo ng
agwat namin kahit pa dapat pantay lang kami. Lagi siyang angat. Lagi siyang bida.
Siya ang paborito nila Lolo. Eh di siya na! Mukha niya, mas pogi naman ako sa
kanya."

Papaiyak na sana si Sapphire ngunit umurong ata ang luha niya. "Johann!" saway niya
rito. "Seryoso na tayo, eh. Huwag ka nang humirit ng ganoon."

Natawa ito at pinahid ang mga luha. "Eh, totoo naman kasi. Kapag nakita mo iyong
pinsan kong iyon, ako pa rin pipiliin mo. Mas madalas niya rin akong awayin noon
kasi lahat ng crush niya, ako iyong crush!"

Uminom ulit ito ng beer bago magpatuloy.

"Inis ako sa pinsan kong iyon...pero inggit na inggit rin ako sa k-kanya...
Nakikita ko kung gaano siya kamahal ng mga magulang niya...nila Lolo at Lola. Siya
kasi ang kino-consider na panganay na apo kahit mas matanda ako ng dalawang buwan.
Siya ang magmamana ng lahat na mayroon ang mga Velasquez." Humugot ito ng malalim
na hininga at saka inubos na naman ang laman ng bote nito. "Siyempre bata pa 'ko
noon. Inggitero nga ako. Kaya ang ginawa ko, inungusan ko si Rafael sa klase.
Laging mataas grades ko kaysa sa kanya. Nag-top one ako. Akala ko magiging proud na
sa'kin sila Lolo..."

Napayuko ito. "Kaso pinagalitan na naman ako. Dapat daw nagparaya ako. Dapat daw
hinayaan kong mag-top one si Rafael. Wala daw akong utang na loob, tang-ina. 'Utang
na loob' nila mga pagmumukha nila! Pero dahil nine years old lang ako noon, eh di
sige, si Rafael na top one. Kanya na. Huwag lang magalit sila Lolo.

"Ang ginawa ko na lang, ginagaya ko na lang si Rafael. Iyong mga pagdadamit niya,
iyong sosyal niyang pananalita, kahit iyong kung paano siya maglakad...lahat ginaya
ko. Para magmukha akong mayaman. Kahit bumabaluktot dila ko sa Ingles, nag-aral ako
mabuti pati kung paano bibigkasin. Ang naisip ko niyon, baka kapag nawala sa
sistema ko iyong pagiging mahirap ko, maiharap na ako nila Lolo bilang apo nila.
Pero hindi pa rin pala... pinagtatawanan lang nila ako kapag sinusubukan kong
kumilos at magsalita na katulad nila.

"Bata pa 'ko niyon kaya siguro tumatak hindi lang sa isip ko, pati dito," sabay
turo sa puso nito. "Lahat-lahat ng sinapit ko sa pamilyang akala ko iaalis ako sa
impiyernong buhay pero mas pinalasap sa'kin kung ano ang tunay na kahulugan niyon."

"Johann..."

"Tiniis ko iyon nang dalawang taon. Kinalimutan ko kung ano ang totoong ako para
lang alipustahin nila. Naisip ko, kung hindi naman sila mayaman, kung wala naman
silang pangalan na iniingatan, magiging iba kaya ang pagtanggap nila sa'kin?"

Napapikit ito at napayuko. Then, his shoulders started shaking. He's crying
already.

"A-At alam mo, Sapphire...hindi ako nasasaktan kasi hindi nila ako matanggap..." he
sobbed. "N-Nasasaktan ako dahil...kahit ganoon sila sa'kin, mahal ko sila. S-Sila
lang iyong mayroon akong alaala ng inang di ko n-nakagisnan. Pamilya pa rin sila.
At kaya ang sakit-sakit kasi mahal ko sila kahit a-ayaw nila sa'kin..."

Parang piniga ang puso ni Sapphire nang makita ang ganoong itsura ng asawa. The
funny, jolly, and gay Johann was nowhere to be found.

"Pero di ko na k-kaya iyong trato nila. Humanap ako ng paraan na matawagan si Tatay
at sabihin alisin niya na 'ko doon. Tumanggi pa si Tatay dahil hindi niya na nga
ako kayang buhayin. Sabi ko, dalhin niya na lang ako sa totoong tatay ko kung
kilala niya. Iyon na iyong oras na napadpad ako kanina Tito Ed at namasukan na lang
na houseboy."

"Iyon din iyon hindi mo naramdaman kay Tito Ed iyong lukso ng dugo?"

Tumango ito. "Pero hindi na lang ako umalis. Dahil kahit houseboy lang ako doon,
hindi nila ako pinagmalupitan kahit hindi alam ng pamilya nila Czarina kung saan
ako galing. Doon ko unang napatunayan na may mga mayayaman pa rin pala na katulad
nila. Pinag-aral pa ko ni Tito Ed. At kahit di ko kadugo si Czarina, kuya na kuya
ang tingin niya sa'kin. Sa kanila ko unang naramdaman na kahit hindi kadugo,
puwedeng tawaging pamilya."

"Then you found Agatha and Daddy Philip."

"Katorse pa lang ako, nahilig na 'ko sa pagre-research at nahanap ko nga si Daddy


Philip at ang pamilya niya. Naramdaman ko iyong lukso ng dugo sa kanya. Kaso
natatakot akong lumapit sa kanya. Kasi wala pa kong napapatunayan noon. Natakot
akong baka katulad rin siya ng mga Velasquez. Baka hindi niya rin ako tanggapin
kasi houseboy lang ako na pinag-aaral ng amo. Hanggang sa iyon nga, nang naging
stable ako two years ago, saka 'ko sinubukang humarap at magpakilala. Tanggap rin
pala nila ako kahit anak ako ni Daddy sa pagkabinata. Proud pa siya na isa akong
teacher. Proud siya sa mga mumunting narating ko."

Tumingin ito sa kanya at sinubukang ngumiti sa kabila ng mga luha nito. "M-May
gusto ka pa bang malaman?"

"B-Bago mo makilala sila Tito Ed and Daddy Philip...ganyan ka na ba talaga? I mean,


you're funny, you always smile, you laugh wholeheartedly na parang wala kang
pinagdaanan noong bata ka pa... Or you're just faking it all?"

Suminghot ito. "Kahit nang nakatira pa 'ko kasama si Tatay, sa mga Velasquez...lagi
naman akong nakangiti, nakatawa, nagpapatawa...kasi iyon ako, eh." Pinalis nito ang
mga luha. "Hindi ko alam. Ang weird ko nga. Nahihirapan na 'ko at nasasaktan pero
nakakita pa rin ako ng nakakatawang bagay sa mga pinagdadaanan ko. Sabi ni Agatha
sa'kin, mana daw kasi kami kay Daddy. Kahit sa pinakamadilim na lugar, nakikita ko
iyong pinaka-maliit na butas ng ilaw."

Akmang magbubukas ulit ito ng isa pang bote ng beer nang pinigilan niya ito sa
kamay. Lumapit siya rito, kumandong, at mahigpit itong niyakap.

"I love you, Mister. Hindi na kita pipilitin mag-adjust sa mundo nang mayayaman,
kung hindi mo pa kaya. Mas naiintindihan na kita ngayon."

Pumalibot ang mga braso nito sa kanyang baywang. "Okay lang naman, Sapphire. Takot
lang talaga ako na baka may makasalamuha ako na kagaya nila Rafael. Dahil kahit
napatawad ko na sila, hindi ko maalis na maalala lahat kapag nakikihalubilo ako sa
mga rich people. Na-trauma yata ako..."
Humarap siya rito at pinahid ang mga luha nito. Then, she held both his hands and
looked at him straight to the eyes. "Hawakan mo kamay ko. Hawakan mo para
maramdaman mong magkakampi tayo," nakangiting ulit niya sa sinasabi nito sa kanya
palagi. "Kapag tumapak ka sa mundo ng mayayaman, hawakan mo kamay ko. Kasi kasama
mo 'ko. Hindi kita iiwan. Kapag may humamak sa'yo, ipapakulong ko."

"Edi wow!" Natawa ito nang malakas. "Lasheng na talaga ako. Ang shweet shweet na ng
misis ko, syet!"

She chuckled. "Seryoso ako. Kung sino man ang aapi sa'yo at magagawang maliitin ka,
pagdudusahin ko."

"Ay. Bad iyon! Lagot ka kay Lord," saway ni Johann. "Suntukin na lang natin ng
magkasabay. Left and right."

Napangiti siya. "Deal!"

Nagkatinginan sila at nagkatawanan.

Then, Sapphire gently caressed Johann's face. "Now that I'm here, we're a team. You
don't need to be scared facing the rich. You're an Anderson. Not a Velasquez if
they disgraced you. You're Johann and I love you just the way you are. Kahit
maghirap ka pa, sasamahan kita. Status and wealth does not matter when I'm already
with you."

She reached for his lips and lovingly kissed him. "True love and happiness of life
comes from within you, Mister. Tama si Agatha, nasa pamilya niyo na laging
nakakakita ng 'hope' sa lahat ng bagay. You can see even the tiniest light in the
darkness. Because in here," sabay turo sa kaliwang dibdib nito sa mismong tapat ng
puso. "In here lives the Lord God. He's the hope and the one keeping you strong,
Mister. He's the reason for your smiles and loving kindness. You can attract
positivity and fun, and you can charm all girls in every age because God shines in
you."

Napakurap ito at nanatili lang nakatingin sa kanya.

"Huwag mong kalimutan ang mga 'holy talks' mo noon sa'kin. Kung paanong sinabi mo
na si Lord, mahal ako kaya dapat lahat ng angst ko sa buhay, dapat ko lang itapon.
Do the same, Mister. You can eventually overcome your fears when you face them.
Afterall, your bad experiences made you tough and good. Dahil sabi mo nga, lagi
nating kasama si Lord. What can go wrong? Facing rich people will be chicken feed
to you. Dahil sa team nating dalawa kasama si baby," sabay hawak sa maliit niyang
tiyan. "Kasama din natin si Lord. Amen?"

"Amen!" Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Ngunit, subalit, datapwat...


nasaan si Sapphire? Nasaan ang Misis ko? Sino kang sumapi sa kanya?!"
Natawa siya nang niyugyog pa siya nito. Kahit siya ay hindi niya alam kung paano
niya nasabi ang mga nasabi kanina. Ngunit pinagtagpi-tagpi lang naman niya ang mga
madalas sabihin sa kanya ni Johann. At ngayong ito naman ang may kailangan niyon ay
nagpaalala lang siya.

"Sana huwag ka na maging allergic sa mayayaman. Dahil kahit tanggap ka man nila o
hindi, mahal na mahal naman kita."

"Natatakot na 'ko. Ikaw pa ba talaga si Misis ko?"

She rolled her eyes. "Susuntukin na kita."

Nanlaki ang mga mata nito. "Misis! You're back!" natutuwang sabi nito at saka siya
niyakap ng mahigpit. "May sumapi sa'yo kaninang anghel. Ang bait. Muntik na 'kong
maakit."

She hugged him back. "And you're back, too."

He chuckled. Pagkuwa'y huminga ito ng malalim at sinubsob ang mukha sa kanyang


dibdib. "Tama ka...kasama natin ang Diyos..." Muli itong humugot ng hangin at
marahang pinakawalan iyon. "Salamat, Misis. Salamat sa pagpapaalala."

She happily smiled and kissed his forehead.

"Kaya ko 'to," he whispered pertaining on facing his fear.

Bumulong siya rito. "Kaya natin 'to."

~o~o~o~

"AHHH! Ang sakit ng ulo ko!" daing ni Johann pagkatapos nitong magdududuwal
pagkagising nito.

Hindi lang ito nagsuka dahil sa paglilihi. Nagsuka rin ito dahil sa matinding hang-
over sa mga ininom nito kagabi.

Inabutan niya ito ng pain reliever. "Here. Drink this."

Ininom nga nito iyon at saka ulit humiga ng higaan.

"Are you going to be okay?" tanong niya rito habang kumakain siya ng rambutan.
"Oo..." pa-ungol na sagot nito. "Itutulog ko lang ulit."

"Okay ka na mamaya by lunch?"

"Sa tingin ko, oo. Gusto mong lumabas?" tanong nito habang nakapikit at hinihilot-
hilot ang sentido.

"Ahm, tumawag si Sylvia. Inaaya tayong mag-lunch kasi last day na nila today sa
bakasyon nila ng asawa niya." Inobserbahan niya ang magiging reaksyon nito ngunit
nanatili lang itong nakapikit. "Is it okay with you?"

Nag-thumbs-up ito na ikinangiti niya.

Kaya naman bago mag-lunchtime ay nakapag-ayos na sila. Nawala na rin ang hang-over
nito nang makatulog ulit kaninang umaga.

"Buti pumayag ka. Akala ko tatanggi ka pa," sabi ni Sapphire kay Johann nang
papunta na sila sa isang fancy restaurant na pinag-ayaan sa kanila ni Sylvia.

Ngumiti lang ito habang nakatutok ang tingin sa daan. "Pasensya ka na kung hesitant
ako sa pag-adjust sa mundo mo, Misis. Nang makilala ko kasi sila Tito Ed, sila
Daddy, iyong mga pinsan ko...hindi nila pinilit na mag-adjust ako kung nasaan sila.
Tinanggap nila ako ng buo kung ano lang ang mayroon ako. Alam kasi nila kung saan
ako humuhugot kaya allergic ako sa mayayaman. Kaya kapag napapansin mo, kapag
kasama ko sila, sila pa ang nag-a-adjust sa'kin. Kapag kasama ko sila Charlie,
magsusuot lang sila ng damit na hindi ako ma-i-intimidate. Dadalhin lang nila iyong
kotse nila na hindi mahihiyang tabihan ng Vios ko noon. Si Daddy, kakausapin niya
'ko na parang si Agatha. Anak na anak iyong pakiramdam ko. Minsan bine-baby pa 'ko
ni Mommy Ria. Napagtanto ko, iyon pala iyong 'pamilya'."

Inabot nito ang isang kamay niya. "Ikaw rin nag-adjust ka sa buhay ko. Na-realized
ko lang kagabi pagkatapos ng 'drinking' session natin na...puro kayo pala nag-a-
adjust sa'kin. Tama ka nga sa sinabi mo noon, dapat matutunan ko rin. Pero nagho-
holdback ako dahil sa mga nangyari noon sa'kin kasama ang mga Velasquez."

"So, you're ready now?"

"Siguro." Nagkibit-balikat ito. "Eh, hawak ko naman kamay mo. May kakampi ako. Kaya
'natin', tama?"

She sweetly smiled. "Right!"

"Kasama pa natin si Lord!"

"Amen!"
Kaya naman pagdating nila sa restaurant ay halatang napakamahal ng mga pagkain roon
dahil nagsusumigaw sa karangyaan ang buong paligid.

Ngunit, hindi naman nagkokomento si Johann. Nang makita niya si Sylvia ay agad
silang lumapit na mag-asawa rito habang magkahawak ang mga kama.

"Hi, Sapphire! Gosh, you made it! So nice!" anito at saka bumeso sa kanya.

"Thanks for inviting us kahit di na kami nakarating kagabi," ani Johann rito.

"No, it's all right," nakangiting sabi ni Sylvia. "We're glad that you were able to
join us. Take your seats. Nag-comfort room lang iyong husband ko."

Pinaghila siya ni Johann nang upuan at saka ito tumabi sa kanya nang makaupo na
sila. Kinuha ni Sapphire ang Menu sa ibabaw ng table at namili sila ni Johann ng
makakain.

"Seared Tuna Steak. Boneless Chicken Steak. Chicken Saltimboca..." mahinang


pagbabasa ni Johann sa listahan ng main course. "Pork Chop Ala Pobre." Natawa ito.
"Huwag nating order-in iyong pork chop. Mahirap lang siya. Pobre, eh."

Mahina siyang natawa sa corny nitong punchline. "What the hell, Mister? Umayos ka
nga!"

Mahinang nagtatawanan sila nito sa likod ng nakabukas ng Menu nang bumalik na ang
asawa ni Sylvia mula sa banyo.

"Ahm, guys, I want you to meet my husband," pagpapakilala ni Sylvia sa isang


lalaking matipuno at halatang aristokrato dahil sa tindig. "He's Rafael. Rafael
Ruiz Velasquez."

Hindi napansin ni Sapphire ang biglang paninigas ni Johann sa upuan nito.

"I'm Sapphire Anderson," pagpapakilala niya sa lalaki sabay nakipagkamay rito. "And
this is my husband, Jo-"

"Johann?" kunot-noong sabi ni Rafael habang nakatingin sa asawa niya.

Pagtingin niya kay Johann ay poker faced na ito. "Rafael."

Si Sapphire naman ay nanlaki ang mga mata nang may mapagtanto.

Rafael Velasquez.
Velasquez...

Rafael!

Ito ang pinsan ni Johann na kinukuwento nito sa kanya kagabi!

"You two know each other?" bulalas ni Sylvia sa pagkagulat.

Hindi sumagot si Johann. Nakatingin lang ito kay Rafael na naitago na ang gulat.

"Ahm, he's just an old schoolmate back from Tarlac, babe," sagot ni Rafael at saka
ito umupo sa tabi ng asawa nito.

Napatiim-bagang si Johann. "Oo. Magkaklase lang kami dati," mahina ngunit mariing
sabi nito.

"Wow! What a small world!" ani Sylvia. "Anyway, let's order na. Babe, anong gusto
mo?"

Napalunok si Sapphire. Hindi pinakilala ni Rafael na pinsang buo nito si Johann.


Lihim na kumuyom ang mga kamay niya at naalala kung anong ginawa ng batang Rafael
sa batang Johann noon base sa mga kuwento ng asawa niya.

Gusto niyang suntukin ang bully na Rafael na ito ngayon!

Naramdaman niya ang paghaplos ni Johann sa nakakuyom niyang mga kamay. Hinawakan
nito iyon at pinaghugpong ang mga daliri nila. Nilapit nito ang labi sa mga tainga
niya.

"Sabi ko sa'yo, eh," bulong nito. "Mas pogi ako sa kanya, di'ba?"

Di-makapaniwalang napatingin siya kay Johann. Nakangisi na ito at kinindatan pa


siya.

Ah! It's an awkward situation for the two but Johann saw the funny side. Lagi
naman.

"Oo nga. Mas pogi ka."

Lihim na naman silang nagtawanan at hindi na nila napansin ang matalim na tingin si
Rafael kay Johann.
~~~

Dalawang chaps ang na-post ko, friends! Yeah! Huwag niyo kalimutan basahin ang
Chapter 40 bago ang 41. Haha!

Next week na po ulit ang next update! Thank you!

Next update: March 23 (Monday)

=================

Chapter Forty-Two

CHAPTER FORTY-TWO

RAMDAM ni Sapphire ang tensyon sa pagitan nina Johann at Rafael habang nasa
kalagitnaan na sila ng tanghalian. Ngunit nanatiling tahimik ang dalawa. Mas
madalas ay silang dalawa lang ni Sylvia ang nag-uusap.

Ngunit kahit ganoon ay malakas makaramdam si Sapphire. Lalo na at


napapansin niya ang talim ng tingin ni Rafael kay Johann.

Nasa isip ni Sapphire, subukan lang talaga ng Rafael na ito na kantiin


si Johann, nakahanda na ang mga kamao niya. But her precious hands would be dirty.
So, baka tawagan niya na lang lahat ng connections na mayroon siya at saka ipapa-
salvage ng palihim ang lalaki.

You’re crazy, Sapphire. Oh, things we do for love...

“So, Johann, what do you do for a living?” tanong ni Sylvia kay Johann.

“Nagtuturo ako,” nakangiting sagot ni Johann.

“You’re a teacher?” Rafael boredly asked.

“Licensed by PRC pa,” sagot naman ni Johann. Hindi pa rin nawawala ang
mga ngiti.

“Teacher ka lang?” napangisi si Rafael na parang nangmamaliit. “How


much salary are you getting from that job?”
“Teacher ‘lang’?” sabat ni Sapphire. “Excuse me, Mr. Velasquez, hindi
ni-la-‘lang’ ang ganoong profession,” she said in her sweetest and calm tone. Kahit
nanggigil siya sa pagmumukha ng lalaki ay dapat mapanatili niya ang class niya.
“And besides, my husband is a regular professor in a prestigious university like
UP. At the same time, he also teach in highschool. Johann teaches Math—that one
subject hated by many but only true smart people would understand. Are you good in
Math, Mr. Velasquez?”

Nakita niya ang sandaling paggalawan ng muscles nito sa mukha at akmang


sasagot ito ngunit sumabat na rin si Sylvia.

“Good in Math or not, hindi naman na mahalaga. Afterall, in reality we


don’t really use it more often. Like finding ‘x’ and ‘y’, the area of a cone, and
plotting in a cartesian plane,” sabi pa ng dati niyang kaklase.

Gusto sanang tumawa ni Sapphire. Nasasabi lang iyon ni Sylvia dahil


noong highschool sila ay lagi itong mababa sa subject na iyon.

“Hindi nga natin nagagamit iyon na ‘iyon’ mismo,” wika naman ni Johann.
“Ang application naman ng tinuturo ng Math ang ginagamit sa buhay. Katulad ng
paghahanap ng ‘x’ and ‘y’. Oo, hindi naman na tayo kailangang mag-solve ng ganoong
literal na Math problem. Pero kaya siya tinuturo para maintindihan natin na sa
totoong buhay, maraming problema ang darating at para masolusyunan mo iyon,
kailangan mong matutunan na gamitin lahat ng ‘given’—o lahat ng mga resources na
mayroon ka para makalagpas ka sa pagsubok na iyon,” Johann patiently explained.

“Sinasabi rin ng Algebra na sa isang problema puwedeng maraming solution o puwedeng


isa lang. Kaya kailangan mag-iisip kang mabuti sa solution na gagamitin mo sa real
life problem para maiwasan mong magkamali.”

Napangiti si Sapphire ng matagumpay nang makita niyang wala nang ibang


masabi ang mag-asawa na katapat nila.

Tumikhim si Rafael. “Too much for a preach. Anyway, is your salary


enough for the two of you? I don’t mean to offend, Johann. But you’re wife was
from a high class family. High-maintenance, isn’t she?”

Nangati ang mga palad ni Sapphire. Aba’t parang hindi naman proper na
itanong iyon? Pero halata namang nananadya ang Rafael na ito na isukol si Johann.
Walang hiya!

Johann stayed calm. “Kung galing lang sa pagtuturo ang pera ko, oo,
hindi magkakasya sa’min. Pero hindi lang naman doon nanggaling ang pera ko, Rafael.
Isa pa, high-maintenance nga ‘tong si Misis.” Sabay akbay sa kanya ni Johann. “High
maintenance sa pagmamahal! So far, name-maintain ko naman. Punung-puno ang
pagmamahal ko rito. Di mo mari-reach.”
Sapphire chuckled and jokingly poked Johann’s belly. Natawa rin ito at
mas kinabig siya upang mahalikan sa noo.

“Isa pa, hindi naman nabibili ng pera ang lahat ng mamahaling bagay sa
mundo,” ani Sapphire. “I’m a high maintenance, yes. I still love buying branded
things. But then, I realized it won’t make me purely happy. True joy comes from the
heart that’s full of love. My husband refuels it everyday kahit pa punung-puno na
iyon.” Hinawakan niya ang kamay ng asawa. “Isa si Johann na puwedeng ikumpara sa
pinakamamahaling bagay. Because he’s too precious. Sayang Sylvia, you won’t
experience how my husband loves truly. Kakaiba siya. Wait, let’s scratch that he’s
like the most expensive thing in the world bacause he’s really priceless.”

Naramdaman niya ang bahagyang pagnginig ni Johann sa tabi niya. Ugh!


Kinilig ang mister!

“How romantic,” komento ni Sylvia na nakangiti pero nakataas naman ang


kilay. Inabot nito ang wine nito at uminom roon. She doesn’t look pleased.

“I bet, Sylvia, ganoon din sa’yo si Rafael?” panunubok niya pa.

Parang natigilan si Sylvia sandali. Ngumiti ito kapagkuwan. “Of


course,” she confidently said. “Rafael can be romantic, too. He’s not just really
showy.”

“O baka walang iso-show,” bulong ni Johann malapit sa kanya.

Napatingin siya kay Johann at nang magtama ang mga tingin nila ay sabay
pa silang tahimik na nagkangitian. Kanina pa nila napapansin ni Johann mula nang
kumain sila na masyadong formal sina Sylvia at Rafael. May endearment ng ang dalawa
ngunit parang kulang naman sa lambing. Parang obligado lang magtawagan na ganoon.

In short, wala silang maramdaman “love” ni Johann sa pagitan ng dalawa.


Walang ‘love vibes’ bulong sa kanya ng asawa kanina. Dahil kahit hindi pa showy ang
isang tao, nakikita naman iyon sa mga mata. Pero si Rafael kanina pa puro madilim
ang tingin.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa. She typed something and showed
it to Johann.

Ano ba iyang pinsan mo? Ang sama ng tingin sa’yo kanina pa. I’m gonna
punch his face, really.

Nang mabasa iyon ni Johann ay pasimpleng kinuha nito ang cellphone niya
at nag-type rin.

Hayaan mo na. Di lang niya matanggap talaga na hanggang ngayon mas pogi
ako sa kanya. HAHAHAHA! Boom!
“Bakit mo naman palang piniling mag-teacher, Johann?” tanong na naman
ni Sylvia sa asawa niya.

“Because I believe the children are our future. Teach them well and let
them lead the way.”

Nagkatawanan sila maliban kay Rafael. Tsk. Wala pa yatang sense of


humor ang huli.

“Seryoso, nakakaramdam ako ng fulfillment kapag nagtuturo. Mahirap at


nakakapagod ng sobra. Lalo na kahit sa bahay, dala-dala mo trabaho mo kapag teacher
ka. But teaching is a passion also. My passion,” seryosong sabi ni Johann. “Hindi
ko alam pero gusto kong makatulong sa mga bata. Gusto kong maturuan sila ng
kailangang matutunan nila ng maayos. Lahat naman kasi puwedeng magturo. Pero iilan
lang talaga iyong tunay na ‘nakakapagturo’. At kapag isa kang teacher, malaki ang
impluwensiya mo sa utak ng isang bata. Kaya pinili kong maging teacher. Sa totoo
lang, kapag nagtuturo ako, hindi ko pino-focus masyado ng sobra sa lecture. Gusto
kong hinahaluan ng lesson sa buhay iyong mga tinuturuan ‘ko. Ayokong matapos ang
pagiging guro ko sa apat na sulok lang ng classroom. Nagbabakasakali ako na iyong
mga estudyante ko, maging mabuti silang mamamayan ng bansang ito balang araw...That
would be all. Thank you!”

Nilingon niya si Johann at nginitian ito. Kinindatan naman siya nito.

“Are you really teaching good values to your students?” epal ni Rafael.
“Saan ka naman nakakuha niyon, Johann?”

“Maraming ganoon sa tabi-tabi. Naubusan ka ‘no?” sagot rito ng mister


niya.

Nagtagis ang mga bagang ni Rafael. Pabalibag na hinagis nito ang table
napkin sa lamesa.

“Sylvia, let’s go,” matiim na utos nito sa asawa bago tumayo at


tumalikod ng mabilis.

Si Sylvia naman ay gulung-gulo sa inasal ng asawa. “W-What’s


happening?” tanong nito sa kanila.

Nagkibit-balikat si Johann. “Tanong mo na lang sa asawa mong pinaglihi


yata sa badtrip.”

“Sige na, Sylvia, follow your husband. We’ll pay the bill.”

“S-Sorry about these.” Tumayo na ito at mabilis na hinabol si Rafael.


Bumaling sa kanya si Johann. “Bakit tayo magbabayad, Misis? Ang mahal-
mahal kaya ng mga ‘to! Sila naman nag-aya. Dapat sila magbayad.”

Natawa si Sapphire at sumenyas lang sa isang waiter na kukunin na nila


ang bill. “Hayaan mo na, Mister. Ipamukha lalo natin doon sa Rafael na mas mayaman
at better tayo sa kanila. Hmp. Obviously, he’s so bitter to you. Ang kapal ng
mukha, ha? Eh siya nga ang may kasalanan sa’yo.”

Nagkibit-balikat lang si Johann.

“Dapat hinayaan mo na’kong suntukin siya. Habang kasama natin siyang


kumakain, nagmumukha na siyang punching bag sa paningin ko!”

Natawa ito. “Siguro boy ang baby natin. Ang tapang mo, eh.” Inakbayan
siya nito. “Ang lakas mo pa mang-asar kanina. Laughtrip mga itsura nila, eh.”

“At ikaw! Magaling kang sumagot, as always. Pero what do you mean
kanina na hindi lang sa salary mo sa pagtuturo nanggaling ang pera mo? May other
resources ka pa ba?”

“Yes, yes, yow! Di’ko ba nakuwento sa’yo? Binigyan ako noon ni Daddy ng
shares sa Anderson-Monteverde Hotel dahil panganay niya naman ako. Nag-invest din
ako sa kompanya ng mga pinsan ko.”

Napataas siya ng kilay. But she was impressed. “So, you are really
rich, huh?”

“Lalo mo na naman akong minahal niyan?” nakangising sabi nito.

She just rolled her eyes na ikinatawa nito. “Anyway, next time na
makita ko ulit iyong Rafael na iyon, puwede bang one punch lang? As in one lang
talaga.”

Hinawakan nito ang kamay niya. “Huwag na, Misis. Madudumihan pa kamay
mo. Asarin mo na lang. Makipagtalastasan ka ng English! Magaling ka doon, eh!”

Pagkabayad nila ng bill ni Johann ay lumabas na rin sila ng restaurant.


Subalit bago pa sila makasakay ng kotse nila ay lumapit sa kanila ang security
guard ng restaurant.

“Excuse me po, Sir. Kayo po si Mr. Johann Anderson?”

Tumango naman si Johann. “Opo. Bakit ho?”


“Ah, pinabibigay po ni Mr. Velasquez sa inyo bago sila umalis ng asawa
niya. Eto po.” May inabot itong isang papel kay Johann at saka umalis na.

Napakunot ang noo ni Johann habang nakatingin sa papel.

“What’s that?” she curiously asked.

Umiling lang si Johann at saka binulsa ang papel. Napabuga ito ng


hangin. Inutusan siya nitong sumakay na ng kotse.

Habang ini-istart nito ang makina ng kotse ay magkasalubong pa rin ang


mga kilay nito.

“Mister? Why? What’s the problem? Anong sinasabi ng Rafael na iyon?”

Bumaling ito sa kanya. “Pumunta daw ako sa Tarlac. As soon as


possible.”

“Bakit?”

Napansin niya ang lamlam sa mga mata nito. “G-Gusto daw akong makita
nina Lola.”

“Pagkatapos ng ginawa nila sa’yo noong bata ka pa?” mataray na sabi


niya. “No way, Mister. You’re not going there! Ano namang kailangan nila sa’yo?”

“Hindi ko alam...” Nagsimula na itong magmaneho. “Pero parang gusto


kong pumunta.”

“No. Baka anong gawin nila sa’yo doon. Sasama ako kung hindi ka
papipigil.”

“Sino namang nagsabing hindi kita sasama? Kaso baka masapak mo naman
mga kamag-anak ko doon,” nakangisi nang sabi nito.

“I won’t do that unless may gawin silang hindi maganda sa’yo. Makikita
nila how a Monteverde gets even.”

“Nakakatakot ka naman. Huwag ganoon. Dapat cool lang tayo.”

“So, pupunta ka talaga?”


“Baka makikipagbati na sila...Kasi bakit naman ako gustong makita nina
Lola, hindi ba?”

Sapphire saw hope in Johann’s eyes. Gusto niyang ito na lang ang
sapakin, eh. Namaltrato na ito dati pero heto, sinabi lang na gusto itong makita ng
grandparents nito ay mukhang nasabik pa si Johann.

“Okay, fine. You go, I’ll go.”

Tumango ito.

“Kailan tayo pupunta roon?”

“Now na!”

Napatanga si Sapphire. Hindi naman masyado ‘tong excited?

Pero kinakabahan talaga siya. Ano kayang naghihintay sa kanila roon?

~~~

Next update tomorrow! :D

=================

Chapter Forty-Three

CHAPTER FORTY-THREE

“I HAVE a question,” wika ni Sapphire habang binubuksan ang isang rambutan. “Why do
you look so excited to see them? Hindi ka ba natatakot na baka sa pagpunta mo roon,
maulit lang ulit iyong nangyari sa’yo noon?”

“Sa totoo lang, hindi ‘ko iniisip kung anong dadatnan ko roon,” sagot
ni Johann habang ang atensyon ay nasa harap ng kotse habang nagmamaneho. “Basta.
Ewan ko ba kung bakit na-excite rin ako.”
“Parang kagabi lang nalasing ka at nagbuhos ng mga hinanakit mo sa
kanila,” aniya sabay kain sa rambutan.

“Iyon na nga, eh. Pero kasi naisip ko rin na kung matutunan ko nang
humarap sa mga mayayaman, mawawala na iyong ‘allergy’ ko sa kanila. Siguro kung
haharapin ko naman ngayon iyong mga taong dahilan kung bakit ilag ako sa rich
people, baka mawala na nang tuluyan iyong insecurity ko.” Nagkibit-balikat ito.
“Ewan ko lang talaga kung tama ‘tong gagawin ko.”

Kumuha si Sapphire ng tissue at niluwa ang buto ng kinakaing prutas.


“This is your other way of facing your fear, huh?”

Tumangu-tango ito. “Iyong mismong nagbigay sa’kin ng fear ang haharapin


ko. Hindi naman siguro masama, hindi ba?”

“But really, what are you expecting when we get there?”

Napakamot ito sa batok. “Umaasa ako na nagbago na sila. Alam mo na,


baka ngayon, kaya na nila akong harapin ng tama. Afterall, I’m not the same kid
anymore. Ah, English!”

“What if your expectations fail? What if they are worst than before?
Tignan mo nga iyong si Rafael. Halata namang galit na galit sa’yo pero bigla ka na
lang pinapapapunta sa Tarlac, eh, unang beses niyo lang ulit magkita after more
than two decades! That’s freaking suspicious!” sapantaha niya.

“Praning ka rin, eh ‘no?” natatawang sabi ni Johann. “Baka naman


matagal na nila akong hinahanap pagkatapos nang aksidenteng magkita kami ni Rafael
ngayon, pinaalam niya na rin sa’kin. Kaso hindi direkta kasi nandoon si Sylvia.”

“Ugh! That, also! Pinakilala ka lang niyang ‘dating kaklase’! Kung iba
na trato nila sa’yo dapat hindi na nangimi si Rafael na ipakilala ka na pinsan niya
sa asawa niya!”

“Kalma lang, Misis. Baka si Rafael na nga lang ang may galit sa’kin
dahil nga, kita mo naman, umangat ako sa buhay. I made it through without them.”

“At mas pogi ka.”

“Tama! Isa pa iyon. Na-insecure si koya.”

Hinawakan niya ito sa braso. “Basta, Johann, kapag unang tapak pa lang
natin doon at may sinabi na silang hindi maganda, aalis agad tayo, alright?”
“Bakit ba parang kinakabahan ka? Mga kamag-anak ko naman iyon.”

“Na inalipusta ka dati nang bata ka pa.”

“Kamag-anak pa rin.” Sumulyap ito sa kanya. “Huwag ka nang


overprotective, Misis. Alam ko naman kung anong pinapasok ko.”

Hindi na lang sumagot si Sapphire. Kumuha na ulit siya ng rambutan at


saka kinain iyon. Nag-ease naman na ang kaba niya sa posibleng kahinatnan nang
pagpunta nila sa mga Velasquez.

Sana lang talaga ay para sa ikabubuti ni Johann ang pagpunta nila.

~o~o~o~

INABOT na ng dilim sina Sapphire at Johann sa daan. Dahil sa haba ng biyahe at sa


marami nilang stop-overs, nakaramdam ng pagod si Sapphire kaya nakatulog na siya
pagkatapos nilang maghapunan ni Johann sa isang fast-food chain.

Nagising na lang siya kinaumagahan na nakahiga na siya sa napakalambot


na kama na nasa isang malaki at air-conditioned na kuwarto. Wala si Johann sa tabi
niya ngunit may marka ang tabi niya na nahigaan nga iyon.

Nasa tahanan na kaya sila ng mga Velasquez?

Bumangon si Sapphire at nakitang pantulog na ang suot niya. Baka


pinalitan siya ng damit ni Johann kagabi nang hindi na siya ginigising para mas
maging komportable ang tulog niya.

“Magandang umaga!” masiglang bati ni Johann nang pumasok ito ng pinto.


May dala-dala itong isang karton ng fresh milk.

She lazily smiled at him. “Good morning.” Napahikab pa siya at kinusut-


kusot ang mga mata. “Where are we? Nandito na ba tayo sa mga Velasquez?”

Tumango ito at lumapit sa kanya. Kumuha ito ng baso sa side table at


nagsalin ng gatas doon. “Gabing-gabi na tayo nakarating. Naligaw kasi ako sa
paghahanap nitong mansyon. Ang dami na kasing nagbago dito. Tapos kaya rin ako
naligaw kasi ginawa na pa lang exclusive village ‘tong lupa nila. Parang pumayag
yatang ibenta nila sa isang land developer pero kailangan itong mansyon kasama sa
loob ng village. Ayun.”

Kinuha niya ang inabot nitong baso ng gatas sa kanya. “Where are we in
Tarlac exactly?”

“McArthur Highway, Brgy. Estrada, Capas, Tarlac. Amaia Scapes Capas


pangalang ng village. Nasa pinaka-dulung-dulo ng village tayo kaya malayo sa ibang
home owners.”

Uminom muna siya ng gatas bago nagtanong ulit. “So...last night, did
you have a ‘family reunion’?”

Umupo ito sa tabi niya sa kama. “Maniniwala ka ba na tayo lang ang tao
rito at isang caretaker?”

Napataas siya ng kilay. “Huh? What do you mean?”

“Walang ibang tao rito kundi tayo. Sabi sa’kin ni Manang Bing, ‘yung
caretaker, ang umuuwi na lang dito paminsan-minsan ay si Rafael at si Sylvia.”
Nakita niyang parang lumungkot ang mga mata nito. “Namatay na daw si Lolo eight
years ago dahil sa lung cancer.”

“Oh,” tanging nasambit niya. She does not really know what to feel.

“Ito pa, iyong dalawang kapatid na babae ni Mama—iyong mga tita ko,
nag-migrate na sa Canada kasama buong pamilya. Iyong mga parents naman ni
Rafael...” Napabuga ito ng hangin. “N-Namatay ang parents niya sa isang road
accident three years ago.”

Napasinghap siya. Hindi naman niya inaasahan na wala na pala sila halos
na madadatnang kamag-anak nito roon. Well, they have been bad to Johann, pero wala
naman sa isip niya na ang iba ay namatay pa.

Napailing-iling si Johann. Bagsak pa ang mga balikat nito. “Wala na


pala si Lolo, hindi ko man lang nalaman...”

Hinagod niya ang likod nito. “How about your grandmother? Where is
she?”

Tumingin ito sa kanya. “May Alzheimer’s si Lola Vani, Saphi,” mas


malungkot na balita nito. “Kahapon sinugod sa ospital dahil nagwawala. Pero ayos
naman na daw ngayon. Iuuwi na daw si Lola mamayang hapon. Si Rafael ang susundo.”

“Oh, my...” Hindi talaga ganoon ang inaasahan niya. Kinakabahan pa siya
kahapon sa posibleng pagku-krus ng landas ng mga taong naging pangit ang pagtrato
sa asawa niya. Baka kasi kung anong gawin ng mga ito...iyon pala...

Napahiga si Johann sa kama at diretsong nakatingin sa kisame. “Pucha,


wala na pala akong halos aabutan rito. Bakit pa ‘ko pinapunta ni Rafael?”
Exactly.

Ibinaba niya ang baso ng gatas at umunan siya sa braso ng asawa.


“Mister, are you okay?”

“Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Alam mo iyong...hindi ito


‘yung inaasahan ko pero hindi rin naman ito ang hindi ko inaasahan.” Kumurap-kurap
ito. “Ang gulo, putek na iyan!” Nahilamos nito ang kamay sa mukha nito.

Parehas halos sila ng nararamdaman. But Sapphire knew that he felt more
intense since it’s his family they are talking about.

“It’s okay to feel sad...I think,” aniya at saka maingat na hinaplos


ang pisngi nito.

“Siguro nga. Dahil hindi ko rin naman ako masaya sa mga nalaman ko.”

“Ahm... I don’t want to sound evil. But don’t you think it’s their bad
karma?”

Napikit si Johann at napabuntong-hininga. “Huwag na lang natin isipin.


Sana mapayapa na si Lolo kung nasaan man siya. Saka sina Uncle. Bigla akong naawa
kay Rafael.”

“Ano nang plano mo ngayon?”

Matagal bago ito sumagot. “Para sa’yo, Misis, may halaga pa ba kung
hihintayin kong makita si Lola Vani? Tutal, hindi niya naman ako naalala, hindi
naman siguro siya magagalit kapag nakita ako?”

“The real question is, do you want to see her? For me, you ‘need’ to
see her. She’s the mother of your mother, afterall. But it does not mean if you
need to, you want to.”

Hindi ito sumagot at kinabig na lang siya para yakapin nang mahigpit.

~o~o~o~
“MAIIHI yata ako sa pantalon ko, Misis.”

“Calm down, Johann. Salubungin mo lang ang Lola mo. Magmano ka lang.
Then we’ll leave as according to plan,” sabi ni Sapphire habang kalmadong nakaupo
sa malaking sofa na nasa sala.

Kumakain siya ng “tupig” na isang sikat na delicacy sa Tarlac. Malagkit iyong


coconut meat na nakabalot sa dahon ng saging. Kinakain iyon na parang kumakain lang
ng suman. Manang Bing served it to them earlier, at nagustuhan niya iyon kaya
nakaka-apat na yata siya habang si Johann ay hindi mapakaling palakad-lakad sa
harap niya.

“Ang sarap talaga nitong tupig. Let’s buy a lot of this when we go home. Parang
gusto rin siya ni baby,” sabi niya habang patuloy sa pagkain.

“Tataba ka diyan.”

“And so? You won’t love me any less.”

“Wow! Confident!”

Inirapan niya ito at nagpatuloy sa pagkain. “Wala pa ba sila?”

Tumingin si Johann sa labas ng malaking bukana ng pinto. “Hala. Ayan


na!” nanlalaking matang bulalas nito. “Sapphire, anong gagawin ko?”

“Just stand still and smile like you always do.”

“At ikaw kakain lang ng tupig diyan?”

Tumayo siya at lumapit rito. Hinawakan niya ang kamay nito. Habang ang
isa niyang kamay ay may dalang tupig. She was busy munching her food when Sylvia
entered the house.

Hindi na ito nagulat nang makita sila roon kaya sa tingin niya ay alam
na nito ang totoo kung kaano-ano ng asawa nito ang asawa niya.

“Hi, Sylvia,” nakangiti niyang bati sa babae.

Ngumiti lang rin ito ng tipid at tinanguan lang sila ni Johann. Dire-
diretso ito sa malaking hagdanan para umakyat sa taas.

Naramdaman ni Sapphire ang paninigas ni Johann sa tabi niya at ang


paghigpit ng pisil nito sa kamay niya. Papasok na kasi ang Lola nito na inaalalayan
ni Rafael.

“Aba’y alam mo pala kung saan ako nakatira, hijo,” narinig nilang sabi
ng matanda kay Rafael. “Salamat sa paghahatid sa’kin. Ano nga palang pangalan mo?”

“Rafael po,” walang emosyong sagot nito katulad ng wala lang ring
emosyon ang mga mukha nito.

“Rafael? Aba’t kapangalan mo ang isa kong apo na sobrang salbahe na


bata.”

Sabay pa silang napaismid ng tawa ni Johann dahil sa sinabi ng matanda.


Tumalim tuloy ang tingin sa kanila ni Rafael na mukhang hindi na rin nagulat nang
makita sila ni Johann.

Mabilis na lang nilang pinigil ang pagtawa.

Napatingin sa kanila ang Lola ni Johann na sa tantiya ni Johann ay nasa


late seventies lang. Nasa magandang hubog pa ng pangangatawan ang matandang babae
ngunit napakarami na rin nitong mga kulubot bagaman nakikita pa rin ang kagandahan
nito.

“Ah, may mga bisita pala ako,” sabi nito nang makita sila ni Johann.
“Mayap a gatpanapun!”

“Magandang hapon daw,” bulong ni Johann. “Kapampangan kasi si Lola.”

“Anong maipaglilingkod ko sa inyo? Mga kaibigan ba kayo ng isa sa mga


anak ko?” nakangiting bati pa nito.

Parang robot na lumapit sa matanda at nagmano. “Magandang hapon po,


Lola. Ako po si Johann. At ito po ang asawa kong si Sapphire.”

Lumapit rin siya at nagmano rito.

“Ah. Kinagagalak ko kayong makilala.” Napatingin si Lola Vani kay


Johann. “Ano nga uli ang pangalan mo, hijo? ‘Johann’ ba kamo?”

“O-Opo...”

“May isa rin akong apo na kapangalan mo.” Nakita nila ang paglungkot ng
mga mata ng matanda. “Ang kaso ay hindi ko na ulit siya nakita noong umalis siya
maraming taon na ang nakalipas. Pinagbawalan kasi ako ng aking asawa na si Victor.
Pero mabait ang batang iyon. Nakita mo ba siya?” Bumaling naman ito kay Rafael.
“Nakita niyo na ba ang isa ko pang apo na iyon?”
Napatingin si Sapphire kay Johann at nakita niyang natigilan lang ito.

“Lola Vani, take a rest,” sabi ni Rafael dito.

“Subalit may mga bisita ako.”

“Ako nang bahala sa kanila, Lola. Magpahinga na kayo.” Pagkuwa’y


tinawag ni Rafael si Manang Bing at inutusan ang katiwala na ihatid na ang matanda
sa kuwarto nito at tawagan na daw pabalik ang mga nurse na nag-aalaga para rito.

Nagpaalam pa ulit sa kanila si Lola Vani bago ito akayin ni Manang


Bing.

Nasa isip ni Sapphire, mukha naman palang mabait si Lola Vani. Malayo
ito sa naiisip niyang matandang babae na estrikta at hindi palangiti. Bigla niya
tuloy na-miss ang lola niya dahil sa mga magiliw na ngiti ni Lola Vani.

“Misis, tinawag akong ‘apo’ ni Lola. Narinig mo?” bulong ni Johann sa


kanya na may kasiyahan sa tinig. “Tinawag niyang ‘apo’ ang batang ako. First time
kong narinig iyon!” Nangingislap pa ang mga mata nito.

She smiled at him. “Looks like your grandmother never really forgotten
you. Mabait ka pa daw.”

Napangiti si Johann. “Napapansin pala ako ni Lola dati ...”

Something tagged Sapphire’s heart when she saw the look in Johann’s
face. Tuwang-tuwa na ito sa ganoon kaliit na bagay and it was really a pure and
innocent happiness.

Tumikhim ng malakas si Rafael kaya napatingin naman sila rito.

“Ay, nandyan ka pala,” sabi ni Johann. “Kumusta?”

Tumalim na naman ang tingin nito kay Johann. “Pinapunta kita rito para
kay Lola. Kung gusto mo magpakilala sa kanya, bahala ka. Bahala ka na kung gusto
niyong magpalipas ng mga araw dito,” he said, expressionless. Nilagpasan na sila
nito at umakyat na rin ng hagdan.

“Rafael!” tawag rito ni Johann.

Tumigil ito at nilingon sila. “What?”


Johann smiled. “Salamat na hinayaan mo ‘kong makita si Lola.”

“Alam mo na siguro ang nangyari sa pamilyang ‘to, Johann. Masaya ka na


siguro,” matalim na sabi nito at saka nagpatuloy sa pag-akyat.

“Ang layo naman ng sinagot niya,” komento ni Johann. “Nag-‘thank you’


na nga ako, hindi pa nag-‘welcome’.”

“Salbahe nga daw kasi,” aniya. “Sapakin ko kaya siya. Isa lang puwede?”

“Huwag na. Mapapagod ka pa. Bato ‘yun, eh. Sayang effort.” Napabuga ito
ng hangin at pagkatapos ay napangiti. “Pero tinawag talaga akong ‘apo’ ni Lola
Vani. Ibig sabihin kaya niyon, tanggap niya ‘ko?”

“Hinahanap ka nga daw niya, hindi ba? Baka siguro.”

Mas lumawak ang pagkakangiti. “Mag-stay muna tayo rito. Kahit mga
tatlong araw lang. Makipag-bonding tayo kay Lola. Hindi na siya mukhang nakakatakot
ngayon, eh. Siguro kasi, wala na rin si Lolo. Hindi na siya sunud-sunuran.”

“Ha? We will stay here?” Napalabi siya. “Eh di lagi kong makikita iyong
Rafael na iyon?”

“Huwag mong pag-initan si Rafael. Baka maging kamukha ng baby natin,”


saway ni Johann at saka siya hinapit sa baywang. “Mas okay nang magmukhang rambutan
si baby kaysa maging kamukha ni Rafael.”

“Eeew. Ganoon ba iyon?”

“Basta, para peaceful huwag mo na lang pansinin kung ayaw mo. Mukha
naman wala lang rin siyang pakialam,” sabi nito. “Intindihin na lang natin si
Rafael the bitter. Masakit pa rin siguro sa kanya iyong pagkamatay ng mga magulang
niya.”

Umingos siya. “Hmp. Hindi ako kasing understanding mo. But okay, I’ll
try not to punch him and be mad at him. Para hindi siya maging kamukha ni baby.”

“Kain ka na lang ng tupig.”

“Baka naman maging tupig si baby,” natatawang sabi niya.

“Kaysa maging Rafael. Tupig o Rafael?”


“Rambutan.”

“Good answer!”

~o~o~o~

“NAALALA ko pa, madalas na magkaroon ng kasiyahan rito sa bakuran nang nabubuhay pa


si Victor. Maraming mga ilaw, magaganda ang musika na nililikha ng mga piyanista,
at masayang-masaya ang mga kaibigan namin habang nagsasayawan,” pagkukuwento ni
Lola Vani habang nasa garden sila at naisip ni Johann na makipagkuwentuhan sila sa
Lola nito.

“Sosyal po talaga kayo noon, ano, Lola?” ani Johann.

“Ang asawa ko talaga ang mahilig na maghanda ng malaking kasiyahan.


Gustung-gusto niya kasing pinagmamalaki sa buong bayan na mayaman siya. Napaka-
hambogero ni Victor! Hindi ko nga alam kung bakit ko siya pinakasalan.”

“Baka na-inlove ka, Lola,” sabi pa ni Johann. “Kasi itong si asawa ko


po, maldita, eh. Madalas ako tarayan. Pero mahal ko ‘to.”

Napatingingin si Lola Vani kay Sapphire. “Ah, napakaganda ng iyong


asawa at nakikita ko ang kagandahan ng kanyang loob dahil sa mga mata niya. Hindi
siya mahirap mahalin.”

“Thank you, Lola,” she sweetly smiled.

“Maganda rin po ang legs niya, Lola.”

The old woman chuckled. “Napakapilyo mo, hijo. Sino ka nga ba ulit?”

“Ako po si Johann,” nakangiting sagot ng asawa. Mula nang mag-umpisa


nilang kausapin si Lola Vani ay nakaka-sampung tanong na siguro ito ng pangala ni
Johann. But her husband does not mind. Paulit-ulit lang rin itong sumasagot na
parang hindi napapagod.

“Johann? Aba’t kapangalan mo ang isa kong apo.” Lumapit sa kanila ang
matanda at bumulong. “Ngunit ‘wag niyong ipagsasabi. Hindi kasi alam ng mga tao na
nagkaroon ng anak mula sa pagkadalaga ang bunso kong anak na si Valerie. Para sa
asawa ko ay malaking kahihiyan iyon. Lalo na at hindi pa alam kung sino ang ama.
Ang kawawa kong bunso, hindi ko man lang nagawang ipagtanggol siya... Kahit ang
anak niya ay hindi ko na ipaglaban sa napaka-estrikto kong asawa na napakataas ng
tingin sa sarili! Punyeta!”

Pinigil ni Sapphire ang matawa. She’s having fun talking to Johann’s


grandmother.

“Hayaan mo na, Lola,” sabi ni Johann rito. “Ang mahalaga naman po ay


lumaki ako—ah, ang ibig kong sabihin, ang mahalaga naman po siguro ay nasa mabuting
kalagayan na siguro ang apo niyo kung nasaan man siya.”

Sumandal ito sa kinauupuan at tumingala sa kalangitan. “Sana nga ay


maayos lang ang apo kong iyon. Sana ay mahanap ko na siya para naman makahingi ako
ng tawad sa kanya. Ngunit baka galit na galit sa’kin ang apo kong iyon. Wala pa
siyang sampung taong gulang ngunit naranasan niya ang lupit ng akala mong santo
kong asawa. Kung maibabalik ko lang ang oras...”

Ngumiti si Johann at hinawakan ang kamay ni Lola Vani. “Pinapatawad


niya naman na kayo, Lola. Sa tingin ko, pinapatawad niya na kayo. Kasi sabi mo,
mabait siya.”

Tumingin ito kay Johann nang diretso. Matagal na nakatitig si Lola Vani
rito. Nagkatinginan silang mag-asawa dahil sa pagtataka.

“Lola Vani?” untag niya sa matanda.

Bumaling naman ito sa kanya. “Sino kayo?” Luminga-linga ito sa paligid.


“Bakit nasa labas ako ng bahay? Nasaan si Victor?”

Napabuntong-hininga si Johann. “Lola Vani, kinuha na po ni Lord si Lolo


Victor.”

Kumunot ang noo ng matanda. “Kinuha ng Diyos? Ha! Baka kinuha ni


Satanas.”

Nagkatinginan na naman sila ni Johann at pigil na pigil nila ang


pagtawa.

Tumikhim ang mister niya. “Ako po pala si Johann, Lola Vani. At siya po
ang asawa kong si Sapphire,” he introduced them for the nth time.

Ngumiti sa kanila si Lola Vani. “Ah, magandang araw sa inyo. Anong


maipaglilingkod ko?”

“Wala naman po. Gusto lang po naming makipagkuwentuhan sa inyo.”


Tumangu-tango ang matanda. “Ganoon ba? Aba’y walang problema.” Tumingin
ito kay Johann na parang ngayon lang ulit nito nakita ang lalake. “Kumusta ka,
hijo? Napakagandang lalaki mo naman.”

“Ang dami nga pong nagsasabi niyan, Lola,” ngising-ngisi si Johann.

“Napakaganda rin ng mga ngiti mo. Kasabay na ngumingiti ang mga mata
mo,” nakangiting sabi ni Lola Vani. “May naalala ako sa’yo. Ganyan rin ngumiti ang
bunso kong anak na babae. Umaabot hanggang sa kanyang mga mata. Siya ang pinaka-
pasaway ngunit pinakamalambing naman sa mga anak ko. Sayang lang at kinuha ng maaga
ng mga langit si Valerie.”

Ramdam ni Sapphire na kahit paulit-ulit na magkuwento si Lola Vani


tungkol sa ina ng asawa, ay hindi mapapagod makinig si Johann rito.

Bumaling naman sa kanya si Lola Vani. Nanlaki ang mga mata nito nang
makita siya. “Mercelina Monteverde? Anong ipinunta mo rito, amiga?”

Napatda naman si Sapphire. Marami sa pamilya nila ang nagsasabi na


kahawig na kahawig niya nga daw ang Lola Mercelina niya noong kabataan nito.
“Kilala niyo po ang lola ko?”

“Ha? Apo ka na ba niya?” gulat na wika nito at saka napahawak sa mga


pisngi nito. “Napakatanda ko na pala kung ganoon? Pasensya na, hija, at
napagkamalan kitang lola mo. Madalas kong makita sa mga kasiyahan sa Maynila si
Mercelina kapag pumupunta kami ng asawa ko.”

Nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanya at kay Johann. “Mag-asawa


kayo, hindi ba? Bagay na bagay kayo.”

“Ang sarap niyo pong kausap, Lola,” sabi ni Johann. “Napaka-honest niyo
po.”

Nagkatawanan silang tatlo.

“Kayo ba’y magtatagal rito? Marami kaming mga kuwarto sa itaas na


puwede niyong tuluyan.”

“Dalawang araw pa po kami rito, Lola.” Hindi alam ni Sapphire kung


ilang beses na rin niyang nasabi iyon rito.

“Dalawang araw lamang? Aba’t tagalan niyo pa. Napakasaya rito sa


tahanan ko. Huwag kayong mahihiya.”

Gusto pa sana nilang makipagkuwentuhan pa sa matanda ngunit kailangan


na nitong magpahinga sabi ng isang nurse na nag-aalaga rito.
Kumaway pa sa kanila si Lola Vani habang inaalalayan ito papasok sa
loob ng mansyon.

Sabay silang nagpakawala ng hangin ni Johann.

“Naubos energy ko kay Lola. Pero, ang dami ko talaga tawa kapag
sinisiraan niya si Lolo, eh. Comedy rin pala ‘tong si Lola Vani,” natatawang sabi
ng asawa niya.

“Johann.”

“Hmm?”

“Bakit hindi mo sabihin kay Lola na ikaw si Johann na apo niya? Mas
magiging masaya siya kapag nalaman niyang nahanap ka na niya.”

Kumuha si Johann nang rambutan na nasa center table. “Sasabihin ko rin


siguro. Baka bukas o bago tayo umalis.”

“Ayaw mo lang ng drama, sabihin mo.”

Kinain nito ang binuksang rambutan. “Okay na ‘ko na ganito muna. Na-e-
enjoy ko si Lola. Kapag umalis na tayo, balikan natin siya, ha? Kahit isang beses
sa isang buwan, dalawin natin siya rito.”

“Sure! I enjoy Lola Vani rin naman. Kahit paulit-ulit tayo,” natatawang
sabi niya. Umayos siya ng upo at sumandal. “Mister, ikuha mo naman ako ng tupig,
please?”

Tumayo naman ito at mabilis na kumuha ng tupig sa kusina. Pagbalik nito


at isang basket ang dala nito.

“O, ayan na isang basket. Pinabili ko kanina kay Manang Bing.”

Nangislap ang mga mata ni Sapphire. “Thank you, Mister! You really love
me!” Tumayo siya at malambing na niyakap ito.

“Siyempre! Para sa inyo ni baby iyan. Kaya huwag ka ng kakain ng


rambutan ko, ha?”

Kumandong siya sa mga hita nito. “Subuan mo ‘ko ng tupig,” paglalambing


pa niya rito. Hindi alam ni Sapphire kung bakit gusto niyang magpasubo pa rito.
But, she’s pregnant anyway. She can have no reason at all for her requests.
“Ano ka? Bata? Susubuan ka pa? Ikaw na lang. Kumakain ako ng rambutan,
eh.”

“Eh...please? Sige na, Mister...” mas pinag-igi niya pa ang


paglalambing rito. “Subuan mo na ‘ko ng tupig...Be sweet to me...”

“Ikaw na lang. Kumakain rin ako, eh. Susubuan mo rin ba ‘ko?”

“Eh...”

Natawa si Johann at hinalik-halikan ang kanyang mga labi. “Ang cute mo,
Misis.”

She smiled at him. “Susubuan mo na ‘ko?”

“Hmm...” Pumalibot ang mga braso nito sa baywang niya. “Sa isang
kondisyon.”

“What?”

He sheepishly grinned. “Sa ibabaw ka mamaya.”

Napakunoot noo siya. Ibabaw? Anong ibabaw—napasinghap siya nang


mapagtanto ang ibig nitong sabihin. Pabirong piningot niya ito sa tainga. “Ugh!
You’re a maniac, Mister!”

Ang lakas ng tawa nito na umalingawngaw sa buong garden. “Ay sus! Gusto
mo rin naman iyon. O, ano? Susubuan kita tapos sa ibabaw ka mamaya?”

“No.”

“Kita mo ‘tong babaeng ‘to. Ang daya mo naman. Dapat give and take.
Susubuan kita ngayon, tapos mamaya dalhin mo ‘ko sa heaven!”

“I don’t want to go above. It’s tiring!”

Hindi na ito nahinto sa nanunuksong pagtawa.

Nagpatuloy sila sa paggawa ng deal para lang subuan siya nito ng tupig.
Ngunit nahinto sila sa pag-uusap dahil may narinig silang sigawan sa loob ng
mansyon.
“Rafael! Tell me, who’s that girl?! Bakit ganoon ang text message niya
sa’yo?”

“Shut up, Sylvia! Wala ka nang pakialam roon!”

Tumayo sila ni Johann at pumasok sa loob. Nakita nila ang mag-asawang


sina Rafael at Sylvia na nagsisigawan habang pababa ng hagdan.

“And where are you going now? Pupunta ka sa babae mo?! Why won’t you
leave that bitch?!”

Napatili si Sapphire nang bigla na lang sinampal ng malakas ni Rafael


si Sylvia. Mabilis na lumapit si Johann sa dalawa at tinulak nito ng malakas si
Rafael.

“Tarantado ka pala talaga, eh!” mariing wika ni Johann kay Rafael na


mukhang nagulat sa paglitaw nito. “Hindi sinasaktan ang babae, Rafael!”

“You, motherfucking bastard! Huwag kang makialam rito! Away naming mag-
asawa ‘to!” tulak rin ni Rafael kay Johann. “Ang hilig mo talagang makisawsaw,
ano?!”

“Nagtitimpi lang ako sa’yo, Rafael. Pero ang manakit ng babae? Asawa mo
pa? Aba hindi ka lang gago, tarantado kang talaga!” galit na galit na wika ni
Johann.

Akmang magsusuntukan na ang dalawa nang mabilis na napigil ni Sapphire


si Johann. “No, please...Mister...”

Pumagitna na rin si Sylvia at kahit masakit pa ang pisngi at umiiyak ay


pinigilan rin nito si Rafael.

“R-Rafael, please...baka makita kayo ni Lola Vani...” ani Sylvia habang


umiiyak. “I-I’m sorry. S-Sige na, umalis ka na...”

Marahas na binawi ni Rafael ang braso mula sa asawa nito. Nagawa pa


nitong itulak si Sylvia bago mabilis na tumalikod

Sapphire gritted her teeth because of the sight.

“Hey you, asshole!” tawag niya rito at saka mabilis na lumapit rito.

“Misis!”
Bago pa siya mahabol ni Johann ay malakas nang dumapo ang kamao niya sa
mukha ni Rafael. Dahil sa gulat ay napahawak ito sa nasaktang mukha. Pagkatapos ay
humawak pa siya sa magkabilang balikat nito at malakas itong tinuhod sa pagitan ng
mga hita.

Napahiyaw ito at namilipit sa sakit.

“Rafael!” dinaluhan pa ito ni Sylvia nang napahiga ito sa sahig.


“Sapphire, what did you do?!”

Rafael muttered a sequence of expletives while holding his aching


crotch. “You’re going to pay for this, bitch!”

“Ulol,” ani Johann at saka siya hinila ng asawa at mabilis silang


umakyat sa kanilang kuwarto. Hinihingal silang dalawa pagkarating nila sa kanilang
kuwarto.

“Huwag mo na ulit gagawin iyon,” sabi ng asawa niya habang nakasandal


ito sa naka-lock na pinto nila.

“Hell yeah! Because I’m gonna kick his ass the next!” gigil na sabi
niya.

“Confirmed,” sambit ni Johann.

“What?”

“Boy ang first baby natin.” Napangiti ng malapad si Johann. “Ang bagsik
mo! Apir!”

She gave Johann a high-five and then they end up laughing.

But at the back of Sapphire’s head, naawa siya kay Sylvia. Instinct was
telling her that she needs to help Sylvia from her demon-incarnate husband.

~~~

Ang tapang ni Nanay Saphi. I kennat! >.< Haha! :D


Next update: Next Monday (March 30, 2015)

=================

Chapter Forty-Four

CHAPTER FORTY-FOUR

PINIPIGILAN nina Johann at Sapphire na matawa habang nasa hapagkainan sila kasama
si Lola Vani, Sylvia, at ang kararating lang na si Rafael.

Ang pagsuntok ni Sapphire kay Rafael sa mukha ay nakatamo ng pasa. Akalain mo iyon!
Her punched served him well. Kung pupuwede lang ay dadagdagan niya pa iyon, kung
hindi lang siya pinagbawalan na ni Johann.

Kahit daw ubod ng kasamaan si Rafael at humanga ang mister niya sa katapangan niya,
masama pa rin daw ang manakit ng kapwa.

Okay, fine. Eh di, hindi na siya manununtok. Huwag lang talaga subukan ni Rafael na
kantiin siya o kahit si Sylvia pa. Sapphire felt sympathy towards her old
classmate. Kahit hindi naman sila malapit, naawa pa rin siya rito nang makita kung
paano ito pagbuhatan ng kamay ng asawa.

Natapos ang hapunan na ang nag-uusap lang ay si Lola Vani at Johann. Minsan ay
nakikisali sila ni Sylvia, habang si Rafael ay buong oras tahimik.

Habang kumakain na sila ng dessert ay may tinanong si Lola Vani sa kanila.

"Paano mo nga pala nakilala ang asawa mo, Sapphire?" tanong nito sa kanya.

"Kapatid po ni Johann ang asawa ng pinsan ko. Kaya po kapag may mga family events,
nagkikita po kami ni Johann."

"At paano naman kayo nauwi sa kasalan?"

"Gusto niya po kasing magtayo ng bookstore, Lola," sagot ni Johann habang


nagbabalat ng rambutan nito.

"Anong kinalaman niyon? Gusto ng katuwang ni Sapphire sa pagtatayo ng negosyo,


ganoon ba?"

"Opo. Ganoon na lang po," ngingiti-ngiting sagot ni Johann. Pinagtakpan na lang


nito ang totoong rason kung bakit sila nauwi sa kasalan. "Wala po talagang love
noong una. Kaso po hindi na napigilan ni Sapphire ang damdamin niya. Nang umamin po
siya, pinagbigyan ko na po. Kawawa, eh-aray!"

Malakas na siniko niya ito. "Excuse me. You're the one who first confessed your
true feelings for me." Bumaling siya kay Lola Vani. "The truth is Lola, we were on
Tagaytay to help his friend. After that, he started telling me, 'puwede bang
saluhin mo 'ko? Kasi nahuhulog na 'ko' and many more gayshits like that."

Sabay na natawa sina Lola Vani at Johann.

"Ito talagang misis ko, hindi papatalo," anito at saka kinurot siya sa magkabilang
pisngi. "Kumain ka pa ng tupig, o." Sinubo nito sa kanya ang binalatan rin nitong
tupig. Mukhang sinadya nito na isubo sa kanya iyon ng buung-buo kaya malakas na
hinampas niya ito sa balikat nang mapuno ang bibig niya.

Tinawanan lang siya ng loko-loko.

"Kayo naman, Sylvia, paano kayo nagkakilala ng asawa mo?" baling ni Lola Vani sa
mga ito na nasa kabilang bahagi ng lamesa.

Sylvia smiled. "We have common friends, Lola. One time, our friend threw a party
and that's when Rafael and I met. Pinakilala po kami sa isa't isa. Then, we started
dating two years ago. Right, babe?" baling pa nito kay Rafael na ang atensyon ay
nasa pagkain lang nito na hindi pa ubos. "Babe?"

Tumango lang si Rafael.

Narinig niyang bumulong si Johann sa kanya. "Mukhang problemado siya. Tinuhod mo


kasi ang kaligayahan niya kaninang umaga. Ayan, no more happiness na yata."

Sapphire contained her laugh. She felt so evil laughing at Rafael because she
kicked his balls. Wala na siyang pakialam kung problemado nga ito. Mas masaya ngang
tadtadin na lang ito ng napakaraming problema!

"Paano naman kayo nauwi sa pagpapakasal?"

"We loved each other so much, Lola. We've been together for three months then he
proposed to me," parang kinikilig pang pagkukuwento ni Sylvia.

Bumulong na naman sa kanya si Johann. "Weh?" mahinang side comment nito na gusto
niya rin sanang sabihin. Pigil na naman nila ang pagtawa.

"Ganoon ba? Dalawang tao na pala kayong kasal, kung ganoon?" nakangiting tanong ng
matanda. "Bakit wala pa kayong mga supling ngayon?"
Napansin niya ang pagkalusaw ng ngiti ni Sylvia. Parang biglang hindi na nito alam
ang isasagot. Doon nag-angat ng tingin si Rafael at walang emosyong sumagot nang,
"Sylvia had a miscarriage, Lola. It was a trauma for her. She never wanted to get
pregnant again."

Natigilan si Sapphire sa lihim na pagtawa dahil sa sinabi ni Rafael. Nagkatinginan


sila ni Johann na parehong nagulat sa narinig.

Nakunan pala si Sylvia?

Nang tignan niya ang babae ay kinumpirma ng malungkot na itsura nito ang sinabi ng
asawa.

"Ikinalulungkot ko ang balitang iyan. Ngunit, may mga ganyan talagang pangyayari na
hindi maiiwasan. Sylvia, hija, hindi naman masamang sumubok ulit. Mas sasaya pa ang
pagsasama niyong mag-asawa kung susubok kayo ulit na magka-anak."

Mukhang nasukol na naman ang babae at hindi na magawang makapagsalita. Nakaramdam


ng lungkot si Sapphire para rito. Napahawak siya sa kanyang tiyan. She can never
imagine losing a child. Parang hindi niya rin kakayanin iyon.

"I'm finish. Excuse me," paalam ni Rafael at saka mabilis na tumayo. Lumabas ito ng
dining room.

The awkwardness thickened after Rafael left. Nanatiling tahimik si Sylvia na


nakayuko na.

"Ah, Lola Vani, ihahatid ko na po kayo sa kuwarto niyo para makapagpahinga kayo,"
Johann offered.

"Sandali, nakakain na ba tayo? Magpapahanda muna ako kay Bing ng makakain natin."

"Nakakain na po tayo, Lola. Kaya po puwede na kayo magpahinga."

"Ah, ganoon ba?" Inalalayan na ito ni Johann sa pagtayo. Bigla naman tumigil si
Lola Vani sandali. "Sino nga pala kayo? Bagong nurse ba kita, hijo?"

"Ang pogi ko naman na nurse, Lola," natatawang sabi ni asawa niya. "Pero, sige po,
nurse niyo 'ko ngayon. Halika na, 'La, pahinga na po kayo."

Sila na lang ni Sylvia ang natira sa dining room pagkalabas ng mag-lola. Sinenyasan
siya ni Johann bago ito lumabas na maiwan at subukang kausapin si Sylvia.

"Ugh..." Tumikhim si Sapphire. "Sylvia, sorry about what we heard..."


Sylvia shrugged and looked at her. "Shit happens. Huwag mo 'kong kaawaan." Napabuga
ito ng hangin at mabilis na rin tumayo. Tumungo ito ng garden na mabilis naman
niyang nasundan.

Hindi gawain ni Sapphire na makisimpatya sa ibang tao. Wala nga siyang pakialam sa
mundo noon. Pero hindi niya lang mapigilan na hindi makausap si Sylvia dahil parang
kailangan iyon.

"Why did you follow me?" tanong ni Sylvia sa kanya habang nagsisindi ng sigarilyo.
"Lumayo ka sa'kin. Buntis ka pa naman, bawal sa'yo makalanghap ng usok nito."

Kinuha ni Sapphire ang sigarilyo nito, hinulog iyon sa lupa, at saka tinapakan.

"What the--?"

"Now, I can talk with you," taas noo niyang sabi. "Lagi ka bang sinasaktan ni
Rafael? Like what happened earlier?"

Nag-iwas ito ng tingin. "No... That was the first time Rafael hit me."

Napataas siya ng kilay. "Are you sure? Come on, Sylvia. You can tell me
everything."

"You're not my friend."

"But it does not mean we cannot be."

Napatingin ito sa kanya. "Why do you care, Sapphire?"

"Ewan ko. Nag-aalala ako, eh. Hindi ko gusto iyong nakita kong pananakit sa'yo ng
asawa mo. I hate men like that," aniya. "At siya pa ang gana na manakit? Sa
pagkakarinig ko pa naman sa usapan niyo, pinipigilan mo lang naman siyang mambabae
kaninang hapon."

Napailing-iling ito. "Just stay out of our business, Sapphire. Diyan ka naman
magaling since our highschool days. Wala ka lang pakialam sa mga tao sa paligid mo.
Stay that way," mataray na sabi nito at saka siya tinalikuran.

"Can't people change?" sabi niya at saka humalukipkip. "And well, we are family now
in law. Asawa ka ng pinsan ng asawa ko. So, you see, it's hard not to care,"
matapat niyang sabi. "Although, galit ako kay Rafael dahil halata naman na insecure
siya kay Johann. Pero hindi naman dapat na madamay ka sa galit ko sa asawa mo. Lalo
na, he's like a monster-no, he's a monster. A devil in the making."
Marahas na napalingon ito. "Don't judge Rafael! You don't know him. Hindi mo alam
ang mga pinagdaanan niya magmula nang maiwan sa kanya lahat ng responsibilidad ng
pamilyang 'to," salubong na kilay na sabi nito. "And if Rafael had hit me,
karapatan niya siguro iyon. Like what I said, it was the first time he hit me. It
was about time!"

Napakunot-noo siya. "What the hell are you saying, Sylvia? What? Masaya ka pa na
sinaktan ka ni Rafael?"

"For Pete's sake, it was just a slap!"

"A hard slap, FYI. Naiyak ka pa nga. Nasaktan ka na."

"Mas masakit pa ang ginawa ko sa kanya noon kaysa sa malakas na sampal na ginawa
niya sa'kin!" bulalas nito. "I deserved that, Sapphire! Pagkatapos kong malaglagan,
ngayon lang ulit nagpakita ng emosyon si Rafael. Masyado kasi kayong pakialamero ng
asawa niyo. Porke't inapi siya ni Rafael noong mga bata pa sila, it does not mean
na ayaw pa rin sa kanya ng asawa ko."

Umismid siya. "Oh, please. Tell that to the marines."

"Sabi mo nga, 'can't people change'? Don't judge my husband!"

"Pero malinaw ang mga nakikita ko. The way he looked at Johann with envy and anger,
the way he talked and hurt you...Oh come on, Sylvia, don't defend Rafael just
because you are in love with him," she snapped. "Now, I just want you to open up
because I'm willing to listen. If you don't want to, then fine! Live 'happily' with
your evil husband na lang," tumalikod na siya at naglakad papaso ng mansyon.

"I lost my baby because of my fault. Because I'm a classic self-centered whore."

Natigilan si Sapphire at napalingon rito.

Sylvia's face was full of pain and restrained anger. She was close to tears. "Nang
magpakasal kami, kahit ibinigay niya na lahat sa'kin, hindi pa rin ako nakuntento.
He was busy running his company pero hindi niya nakakalimutan ang pagiging asawa
niya sa'kin. But I thought, it was never enough. I cheated on my husband. Nabuntis
ako ng iba."

Nanlaki ang mga mata ni Sapphire. Tama ba ang narinig niya? Sylvia cheated first?

"Galit na galit si Rafael that he even cried out of anger in front of me..."
Tuluyan na itong naiyak. "P-Pero kahit ganoon, kinumbinsi niya 'kong ituloy ang
pagbubuntis at huwag nang magpakita sa lalaki ko. He became cold and distant since
then. But you know what? Kahit ganoon, he took care of me. Lagi niyang pinapaalala
sa'kin na magpa-check up, kumain ng marami, uminom ng vitamins... Kahit alam niyang
hindi niya anak ang dinadala ko, kita ko kung gaano siya nag-aalala. Just then I
realized how much he loved me. Nakokosensya ako nang sobra. At ako, selfish as
ever, I tried to commit suicide by drinking a lot of sleeping pills."

"Sylvia..."

Napatakip ito ng mukha at napaupo sa wooden bench na nandoon. "Mabilis akong


nasugod ni Rafael sa ospital. I-I lived, m-my b-baby didn't. Nakunan ako. And
Rafael cried with me. Hindi niyo alam iyon. Hindi niyo alam na may puso ang asawa
ko. Pero pagkatapos niyon, nagpatuloy na ang pagiging malamig niya sa'kin.
Naiintindihan ko siya. Mas ayos na iyon kaysa ipagtabuyan niya 'ko na dapat noon
niya pa ginawa." Tumingin ito sa kanya. "Kaya kung saktan man niya 'ko ngayon, I
think I deserved that. H-He's not really seeing other girls. Buhos ang atensyon
niya sa trabaho. Paranoid na lang ako ngayon dahil nagawa ko ngang mag-cheat noon,
paano kung gumanti siya? We tried to work out our marriage and forget everything,
but I guess, once the trust was broken a lot of times, it would never be the same
again. Rafael cannot trust me anymore."

Tumayo ito at pinunasan ang mga luha. Tinignan siya nito ng diretso sa mga mata.
"Happy, now? You know our story." Pinilit nitong ngumiti. "So, never judge Rafael
again. Huwag mo rin siyang sasaktan katulad ng ginawa mo kanina. He'd been through
hell because of me. Kaya kung ano man ang gawin niya sa'kin, I deserved all of it.
Huwag na kayong makialam pa ni Johann. You two are here because of Lola Vani. Iyon
na lang intindihin niyo."

~o~o~o~

"HAY NAKO, Misis! Saang teleserye naman ba tayo pumasok ngayon?"

She worriedly sighed and lay down the bed. Katatapos niya lang sabihin kay Johann
ang mga nalaman mula kay Sylvia. "I was shocked as hell. I mean...okay, I feel bad.
All along, si Sylvia pala ang naging bad girl. Rafael was...well, just
brokenhearted and the victim."

Tumabi sa kanya si Johann at kinumutan siya. "Mukhang tama si Sylvia, huwag na


tayong makialam sa kanila ni Rafael. Pa-bida kasi tayo masyado. Iyan tuloy. Nagi-
guilty ka na 'no?"

She bit her lower lip. "Sa mga kuwento mo naman kasi, talagang natatak na sa'kin
that Rafael was the evil one. Malay ko ba na loving husband pala siya noon bago
magloko si Sylvia?"

"At tinanggap niya pa rin si Sylvia kahit alam niyang nabuntis ng iba ang asawa
niya..." Napailing-iling si Johann at humiga na nang maayos. "Akala ko, wala nang
tatalo sa mala-MMK kong kuwento noong bata pa 'ko. Hay. Nasuntok at natuhod mo pa
si Rafael at pagkatapos, tinawanan pa natin. Nyay. We're bad. So bad. Ikaw kasi,
eh."

Tinulak niya ito. "Manisi ka pa, sige. I feel bad about it na nga, eh. And besides,
ikaw naman unang nangialam, eh. Nang sinampal niya na si Sylvia, ikaw ang unang
pumasok sa eksena!"

"Kasi naman, mali pa rin ang manakit ng babae kahit pa gaano kalaki ang naging
kasalanan sa kanya ni Sylvia dati kung doon man siya humuhugot ng galit."

"Sabi ni Sylvia, hindi naman daw talaga nambabae si Rafael. Siya lang madalas
magbigay ng kulay dahil nagawa niya nga daw iyon dati, paano pa kaya si Rafael?"

Hinila siya ni Johann at pina-unan ang ulo niya sa bisig nito. "Hindi kasi nagawang
ibigay ni Sylvia ang buong loyalty niya kay Rafael, kaya habambuhay na siyang
maghihinala kung faithful nga ba talaga si Rafael sa kanya."

"Hindi kaya parusa na 'to ng tadhana kay Rafael dahil sa pang-aapi niya sa'yo noon?
Binigyan siya ng not-so-faithful wife that hurt him big time."

"Ang bad mo talaga, Misis. Hindi nagpaparusa si Lord."

She pouted and hugged him. She really felt bad about the things she learned. "Ang
tapang nating sabihan silang matapobre, tapos ang judgemental pala natin," she
realized.

"Uy, ikaw lang, ah."

Hinampas niya ito sa dibdib. "So, ano? Kapag bida, tayong dalawa? Kapag kontrabida,
ako na lang?"

Natawa ito. "Manghingi na lang tayo ng sorry sa kanilang mag-asawa. Bukas naman ng
hapon, paalis na tayo."

"Will they be happy again? You know, mababalik kaya iyong love sa marriage nila?"

"Kapag nakilala nila si Lord, panigurado. God can restore all damages. Gaano man
kabigat, kalaki, at kawala-walang pag-asa na mabubuo pa ang sira ng isang bagay."

"You're talking holy again."

"Turn on ka naman?" nakangising sabi nito.

She just smiled at him. "Mister?"

"Hmm?" Biglang naging kaakit-akit na ang tingin nito sa kanya at sinimulan na


nitong hilahin ang kumot pataas.
Natawa siya. "Gusto ko ng tupig."

Napakunot-noo ito at natigil ang paghila ng kumot. "Huwag na! Alas-onse na ng gabi,
nasa ilalim na dapat tayo ng kumot at...natutulog."

"But I really want some tupig. Kuha mo 'ko. Marami doon sa kitchen. Please,
Mister?"

Napasimangot ito. "Huwag ka na kumain ng tupig. Bawal ka na kumain. Parusahan mo


sarili mo. Judgmental ka, eh."

Masama niya itong tinignan. "Ikukuha mo 'ko ng tupig o hindi?" she dangerously
asked.

Padabog na bumangon ito at may binubulong-bulong.

"Anong binubulong-bulong mo diyan?" mataray na tanong niya rito.

"Mukha ka ng naglalakad na tupig. Kailan ka ba matitigil kakakain niyon?"

Napabangon siya. "And you're a walking rambutan! Ikuha mo na 'ko tupig. Hurry up!
Nagugutom si baby!" she commanded.

"Opo, Misis!" Sumaludo pa ito at saka mabilis na lumabas ng kuwarto.

Akala ni Sapphire ay hindi matatagalan si Johann. Ngunit sampung minuto na yata ang
lumilipas ay hindi pa rin ito nakakabalik. Humiga na siya ng higaan dahil parang
inaantok na siya. Ngunit mabilis siyang napabalikwas ng bangon nang makarinig nang
malakas na magkabasag nang kung ano mula sa ibaba.

Bigla siyang kinabahan.

She put on her robe and hurriedly went out the room. Nagkasalubong pa sila ni
Sylvia na halatang nagtataka rin sa nangyayari sa ibaba. Mukhang nagising lang ito.

Magkasabay silang bumaba ng malaking hagdan.

"Just stopped being nice, bastard!" galit na galit na sigaw ni Rafael kay Johann
habang kinukuwelyuhan nito ang huli. "Tigilan mo nang ipamukha sa'kin na masama
akong tao, na hindi ako mabuting apo, at wala akong kuwentang asawa!"

"Tinanong ko lang kung ayos ka lang ba, ang dami mo nang sinabi agad!" Malakas na
tinulak ito ni Johann. Gumewang si Rafael na halatang nakainom. "Puwede ka namang
sumagot ng 'hindi'! Ano bang kinalaman ng pagiging mabait ko 'ron?"
"Sa lahat ng nangyari noon, alam ko naman na galit na galit ka sa pamilyang 'to. At
ako na lang ang puwede mong pagbuhusan lahat, Johann. Puwede ba? Magalit ka na
lang?! Huwag mong ipakitang wala na lang basta sa'yo ang lahat."

"Gago! May trauma na ko sa mayayaman dahil sa inyo. Pero hindi ko talaga alam lung
bakit hindi ko magawang magalit nang tuluy-tuloy sa inyo. Ah, alam ko na. Kasi nga
pamilya kayo kahit ano pang maging ikot ng mundo!"

"That! That bullshit! Stop calling us your family! Huwag mo na lalong iparamdam
sa'kin ang sama ng loob sa lahat ng ginawa namin sa'yo noon. The guilt was fucking
killing me! And I'm receiving all the bloody shits of this world because of what
this family had done to you!" Sarkastikong ngumisi ito. "What do you call that,
again? Karma? My parents and Lolo died. Our relatives just flew away. Hindi na 'ko
kilala at matatandaan pa ni Lola. Habang buhay na pasan ko lahat ng responsibilidad
nang pagiging Velasquez. And the love that I thought that will make me feel alive
had broken."

Napatingin si Sapphire kay Sylvia. Parehas silang hindi makakilos sa baba ng hagdan
habang nakatingin sa magpinsan.

"Johann, just stop caring. Just stop showing how much of a good person you are and
how your marriage with your wife was too good and full of love." Mula sa bar
counter ng mga alak ay binasag ni Rafael ang isang bote ng wine.

Sabay-sabay pa silang napapitlag dahil sa lakas ng pagkabasag na nilikha niyon.

"I envied everything that you have, Johann," pagpapatuloy pa rin ni Rafael na
parang humulas bigla ang galit. "Dahil kahit ang pinangarap kong isang asawang
magmamahal sa'kin ng tapat, mayroon ka. At ako, wala. Lahat ng mayroon ka, hinding-
hindi ako magkakaroon kahit sinubukan kong magbago noon."

"Rafael..." Sylvia started sobbing.

Napatingin ang lalaki sa asawa nito. Tahimik na lumapit si Sapphire kay Johann na
putok na ang gilid ng mga labi.

"Hindi pa naman huli ang lahat sa'yo, Rafael. Sa inyo ng asawa mo...sa pamilyang
'to. Kung titigilan mo lang ang pagse-self pity mo, kung lagi mong pipiliin na
maging mabuti sa kabila ng kalupitan ng mundo, at kung kaya mong patawarin at
pagkatiwalaan ulit ang asawa mo, magbabago ang lahat sa buhay mo."

"Easy for you to say."

"Anong easy? 'Easy' mo mukha mo. Ganyan lang ginawa ko nang akala ko, wala nang
tatanggap sa pagkatao ko," seryosong sabi ni Johann. "Pero nagtiwala ako sa Diyos.
Kahit sobrang sakit na, nagawa pa rin Niyang hilumin lahat."
Napatiim bagang ito ngunit wala nang sinabi.

"Bakit hindi mo subukan, Rafael? Kayo ni Sylvia? Lapit kayo kay Lord. Wala namang
bayad," dagdag pa ni Johann at saka siya hinila pabalik sa kuwarto nila.

Naiwang tahimik sina Rafael at Sylvia.

~~~

This Lenten season, lapit tayo kay Lord. Let us not forget how God showed His
amazing love to us through Jesus Christ. God bless, everybody! :)

Next update: April 6, 2015 (Monday)

6 chapters to go! :)

=================

Chapter Forty-Five

CHAPTER FORTY-FIVE

"LOLA Vani, aalis na po kami. Marami pong salamat sa pagtanggap sa'min dito."

Sadness came across Lola Vani's face. "Aalis na agad kayo? Bakit napakabilis naman
yata? Hindi niyo ba nagustuhan ang pananatili niyo rito?"

Mabilis na umiling si Sapphire habang hawak ang kamay ng matanda. "No, Lola. We
enjoyed it here. We had fun knowing you and hearing your stories. Pero kailangan na
po kasi naming umuwi. We promis to come back and visit you as often as possible."

Nakakaintinding tumango ito at nginitian sila. "Pagpasensyahan niyo na pala ako


minsan kung lagi ko kayong nakakalimutan. Nag-u-ulyanin na kasi ako. Nakikita ko
ngang mukhang naging masaya kayo rito. Pero...ano nga ba ulit ang mga pangalan
niyo?"

"Ako po si Johann, Lola," walang sawang pagpapakilala ni Johann sa sarili. "At siya
po ang asawa ko, si Sapphire."

"Kinagagalak ko kayong makilala. Sana'y makabalik kayo at muli akong bisitahin.


Saan nga pala kayo nauwi?"
"Sa Manila, Lola," sagot niya.

"Ah! Maynila!" Kumislap ang mga mata ni Lola Vani. "Sa pagkakaalam ko ay doon
nakatira ang isa ko pang apo na anak ng bunso kong si Valerie. Puwede niyo ba
siyang hanapin para sa akin? Malaki ang kasalanan ko sa batang iyon at gusto kong
makahingi ng tawad at bumawi sa bata..."

Napatingin siya kay Johann. Nakatingin ito kay Lola Vani na nakangiti at ang mga
mata nito ay puno ng emosyon nang pagmamahal para sa lola nito.

Johann held Lola Vani's other hand and kissed it. "Huwag kang mag-alala, Lola.
Nahanap niyo na siya. Napatawad na po kayo ng apo niyo. Nakabawi na po kayo sa
kanya. At masayang-masaya po siya na nakasama niya kayo at muling nakilala."

Lola Vani's eyes widened while looking at her husband. Parang natulala sa gulat si
Lola Vani. Umangat ang kamay nito na hawak niya kanina. Hinaplos niyon ang mukha ni
Johann, then the old woman started crying.

"Lola?" Nataranta si Johann. "Lola, b-bakit ka po umiiyak?" Niyakap nito si Lola


Vani.

"You are Johann Lawrence...Y-You're my grandchild... Ang tagal kitang hinanap, apo.
K-Kami ng lolo mo, bago siya namatay gusto ka niyang ipahanap..." Lalong lumakas
ang pag-iyak ni Lola Vani kaya lumapit na sa kanila ang dalawang nurse na nag-
aalaga rito.

Pinigilan niyang makalapit ang dalawa. "No. Let them be," utos niya. Tumingin siya
sa mag-lola.

Nakayakap na rin nang mahigpit si Lola Vani kay Johann. Hindi niya nakikita ang
reaksiyon ng asawa dahil nakayuko ito habang yakap-yakap si Lola Vani.

"P-Patawarin mo kami, a-apo...Patawarin mo kami... Mahal kita. Wala lang akong


kapangyarihan noon na ipagtanggol ka at.. at..." Mas napahagulgol pa ng iyak si
Lola Vani. "Huwag ka na sanang magalit, apo ko. Hindi kita ikinahihiya. Tanggap na
tanggap kita sa puso ko dahil ikaw ang natatanging alaala ng bunso ko sa'min.
Patawarin mo sana kaming lahat. Pinagsisihan namin ang mga nagawa namin noon..."

Sapphire's eyes got misty. Kahit hindi naman siya ang apo nito, ramdam niya ang
pagsisisi, pagmamahal, at sinseridad sa boses ni Lola Vani. After all these years,
the Velasquez regret everything they did to a little boy. At sa paglipas rin ng mga
panahon, si Lola Vani na lang ang natira para hingin lahat ng kapatawaran kay
Johann.

"Tapos na po iyon, Lola. Kalimutan na po natin..." gumagaragal ang boses ni Johann.


"Salamat po sa p-pagtanggap. Mawawala na po iyong sakit ng kahapon dahil natanggap
ko na po ang matagal kong pinagdarasal na maging parte ng pamilya na 'to. At mahal
na mahal ko rin po kayo." Johann kissed Lola Vani's forehead and hugged her once
more.

She knew that right from there, Johann will have his insecurities no more. He
already conquered his fear. And he gained a family again.

~o~o~o~

"TUTULOY na po kami, Manang Bing," ani Johann sa matandang katiwala. "Nag-iwan po


kami ng mga contact number para po kung sakaling kailangan po kami rito ay
matawagan niyo po kami ng asawa ko."

Luminga-linga si Sapphire bago sila lumabas ng mansyon ni Johann. "Nasaan po pala


sina Rafael at Sylvia, Manang?"

"Ang señorito ay maagang pumasok sa trabaho. Si Ma'am Sylvia naman ay sinundo ng


mga kaibigan niya kaninang umaga. Baka namamasyal lang."

"Oh. Alright..." Pagkatapos nang naging engkuwentro kagabi nina Rafael at Johann,
iyon na ang huli niyang kita sa mag-asawa.

"Aalis na po kami, Manang! Sa susunod na buwan po siguro ay babalik kami. Kayo na


po muna bahala kay Lola Vani!"

After a while, nakasakay na sila ni Johann sa kotse at nagmamaneho na ito palabas


ng village.

"Mister, sa tingin mo, ano nang mangyayari kanina Sylvia at Rafael? Tumatak kaya sa
kanila iyong sinabi mo? The holy part?"

Nagkibit-balikat si Johann. "Hindi ko alam. Siguro, oo. Siguro, hindi. Pero


pagdasal natin na sana, na-touch sila ng Holy Spirit. Mukhang puwede pa namang
mabalik ang love at trust."

Sumandal si Sapphire sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. "Malalaman siguro


natin iyon pagdating ng reunion party. Si Sylvia ang nag-organize niyon, eh. For
sure, Rafael will be there if...they worked things out." She inhaled and exhaled.

Bago niya malaman na buntis siya at sabik pa siya sa pag-aayos ng mga puwede nilang
puntahan ni Johann, she was kinda expecting that all the experiences in their
adventures would be worthwhile. Na-i-imagine na niya kung paano iyon isusulat. She
imagined how it would be a good read for the readers of her blogsite.

Ngunit nang malaman na ngang buntis siya, Johann canceled everything she planned
for their baby's safety. Una, nakaka-disappoint pa. But then, maybe it was really
meant to be. Because she got not only experiences, but learnings as well, in their
simple vacation. Mas nakilala niya pa si Johann. Mas nakita niya pa ang puso nito.
Mas naging malalim pa ang pag-intindi niya tungkol sa pagpapatawad, pagtanggap,
pagmamahal sa mga taong minsan nang nagawan ka ng malaking kasalanan.

She got to know what family is made up of.

"Ang tahimik mo yata?" untag sa kanya ni Johann na habang nagmamaneho at ngumunguya


na naman ng rambutan.

"I was organizing the things I would write for my blog."

"Wala pala tayong masyadong naging adventure, ano? Sa Pagsanjan Falls lang."

She smiled. "Oh believe me, we had been through a lot of adventures. Kung saan-
saang drama tayo sumuot."

Johann laughed. "Biruin mo iyon? Ang plano lang natin ay magbakasyon pero nauwi pa
tayo rito sa Tarlac at nagka-tsansa ako na makita ulit sina Lola."

"It only proved that... God's at work. We can plan all we want, pero Siya pa rin
ang masusunod. Unforeseen events come with unexpected learnings, afterall."

Napasulyap sa kanya si Johann. "Nagto-talk holy ka na rin, Misis. I like!"

She chuckled and grabbed the basket of tupig on the backseat. "Pagbalik natin ng
Manila, I'll talk to Mommy na," she finally decided. "Walang-wala ang drama ng
buhay mo sa drama ng buhay ko. Kung napatawad mo sina Lola Vani, wala akong
kaparapatan para maging matigas pa kay Mommy dahil lang tinago niya sa'kin ang
katotohanan about Daddy Darwin."

"Hay, salamat! Na-gets mo rin!"

Kumuha siya ng isang tupig sa basket at binalatan iyon. "And maybe, I should talk
to Sir August...tatanggapin ko na iyong alok ni Daddy Darwin na makilala ko rin
nang lubusan ang biological father ko. Wala naman sigurong mawawala," sabi niya pa.
Sa totoo lang, diskumpiyado pa siya na makaharap ang totoong amang tinakasan ang
responsibilidad sa kanya. But it was all in the past now.

Ang mahalaga ay buhay naman siya ngayon at nakahanap ng bagong buhay na bubuo rin
ng pamilya kasama si Johann.

I'm getting dramatic and poetic now.Ugh.

But she liked it. She liked the changes in her. Because it's good, it's healthy,
and it's holy.
"Misis?"

"Yes?" aniya habang kumakagat ng tupig.

"Alam mo na ba iyong iba't ibang positions sa kama na puwedeng gawin at safe habang
buntis ka?"

Napataas ng kilay si Sapphire at malakas na hinampas si Johann sa braso. "Ano na


namang kamanyakan iyan, Mister?"

"Normal na pinag-uusapan iyon, Misis. Sige nga, kailan tayo huling-"

"Really? Iyan ang pag-uusapan natin?" Parang nag-init ang magkabila niyang pisngi.

"Anak ng..." Tumawa ito. "Nagba-blush ka pa, ah. First time?" pang-aasar nito.

"May mga bagay na hindi pinag-uusapan habang nasa biyahe."

"So, hindi ka nagre-research?"

She pouted. "I did."

Ang lakas ng tawa nito. "Uy, interested."

At buong biyahe ay wala na silang ginawa kundi magkulitan. Pabawas at pabawas na


rin ang wholesomeness ng mister niya.

Well, it's a good kind of naughtiness.

~o~o~o~

LIVING THE LIFE--THE SAPPHIRE WAY

Blog Entry #2020: Self-Transforming Adventure.

You have known me for being the socialite, lifestyle blogger Sapphire Danaya
Monteverde. Since I finished college and put up this blog, I have shared countless
classy ways of lifestyles, book and movie reviews, fun adventures, tons of product
advertisements, and the way I live my wealthy, powerful life.
Each blog entry gave you a sneak peek of how I live my life-my own way. Some said
my blogs are helpful, entertaining, a good read, and a way to understand how the
rich live in a daily basis.

I can't deny I have earned money by just putting up a personal blog that, at first,
was just a "diary" for me. My opinions matter to me, big time. That's why I love
writing it down, putting eccentric comments and callous kickbacks. As I reviewed my
past blogs, I laughed at myself. Wow. I used to be a high and mighty bitch,
"maldita"-in a classy way. Maybe because I thought that bearing the name of
Monteverde gave me the power to be like that.

And when my grandmother died, I jumped into an adventure that changed my life,
changed the way I view things, and changed a whole lot in me. This particular
adventure changed my deepest soul and fragile heart.

Mrs. Sapphire Danaya M. Anderson. A new name that I would just carry for a while-I
thought. Little did I know, embracing marriage and accepting love would make me
find a true friend, a constant companion, a forever partner-in my husband's arms, I
found home.

Falling in love, it's the greatest thing one would feel-if we fell in love with the
right man that is close to God. I am not religious and all. But Johann Anderson, he
has this amazing power to make me know the mightiness of our Lord God. He's kinda
gay (well, sometimes I thought he's a closet gay) but he's one hell of a gaytard
husband! You'll just love every part of him-the way he talks, the way he makes fun
of things, the way he curses, the way he smiles, the way he looks at me with love,
the way he takes care of me, and the way he brings me closer to God. He's all perf!
With a sexy ass, don't forget about that. Abs? Oh, not important at all!

Anyway, living with him was the first extreme adventure in my life. He's the only
man I've been with, and he's the only man who made me clean a toilet bowl! (Jeez!)
He taught me how to do the house chores, how to conserve water, electricity, and
how not to spend my money extravagantly. I thought I was gonna die because he took
all the fancy things I was used to. But, I was just exaggerating.

Because the first thing I learned from that adventure: The greatest things come in
simplest forms. Happiness is not having everything but being contented on what you
have. Luxurious life is awesome. But living in a simple bungalow that's filled with
sweetness and "Johann Talks" is beyond wonderful.

My future bookstore is in progress, as well as my marriage with Johann. Now,


there's an precious life inside me. I'm carrying an angel who would complete our
family. It's my second adventure.

Pregnancy fears me. I'm not yet ready to be a mom-or so I thought. Then, my husband
reminded me, it's not just "my" adventure anymore, it's ours. Together, we would
face this (did I mention, he's the one who's "naglilihi" for me? Well, yes, he's
having the morning sickness and grumpy attitude). I'm not alone. We are a team.

This second adventure taught me that marriage is helping each other as you grow in
love each passing day. Feeling the fear is just okay, but don't linger on that
emotion alone. Find a way to turn your fears into your strengths.

Speaking of fears, it led us-me and my husband - in another adventure. My Johann,


although almost perfect as he can be, kept insecurities and pain inside the deepest
part of him. He kept it for years, but by God's grace, we found a way for him to be
free from his fear-the fear we all don't want to experience-rejection.

So, this unexpected adventure led us to meet again the people who wronged him. But
they are not the person they used to be. To cut the long story short, Johann
forgave them with all his heart, never looking back to the years they have hurt
him. I quote, "Ang pamilya, kahit ano mang maging ikot ng mundo, ay pamilya pa rin.
Sa kanila ka galing. Ano mang tampuhan, pagkakasakitan at awayan ang mangyari,
patatawarin at patatawarin mo sila. Dahil ang pusong marunong magmahal ay
mapagpatawad."

Unforseen events come with unexpected learnings. Unexpected learnings result to


self-reflections.

I want to be like my husband. I want to be as understanding and as forgiving as he


is...

Niyakap nang mahigpit ni Sapphire ang Mommy niya.

"Hija, forgive me again for keeping things from you. I just thought at that time na
kapag kanila Darwin, hindi malaki ang tsansa na maibigay niya lahat ng gusto mo sa
paglaki. Hindi katulad dito kanila Mama, lahat ay mapapasaiyo. Bata pa ako niyon at
materialistic. Kaya akala ko, kahit wala kang kikilalaning ama, magiging masaya ka
dahil maibibigay ko sa'yo ang mundo," pagpapaliwanag ng Mommy niya. "Hindi ko pa
lubos na maintindihan noon na hindi lahat ng mamahalin sa mundo ay nabibili ng
pera."

"I understand, Mommy... We make mistakes. We make bad choices. But it doesn't mean
we don't deserve a second chance to make things right," nakangiting sabi niya.
"Gusto ko, pagkalabas ng baby namin ni Johann, maiintindihan niya rin ako kapag may
mga pagkakamali ako-kami ni Johann sa pagpapalaki sa kanya. I forgive you, Mommy,
because I love you. I don't want to bear a grudge against you again. You're my
family. You're the only one that I would love even beyond time."

Her mom blinked tears in her eyes and kissed her cheeks over and over.

I'd like to be my husband. I'd like to give second chances, third, fourth,
fifth...and so forth without getting tired.

A second chance can pave way for more blessings to come into your life. Recently,
my youngest cousin Haley got married with the noble and honorable Vice-Mayor of
Amora. It's their second chance at love, and as I watched them getting married,
saying their vows, looking at each other sweetly, I know that sometimes or most of
the times, second chances are worth the risk. It will make you happy and free once
more.

Nang makita ni Sapphire ang kanyang Daddy Darwin ay agad niya itong niyakap.

"Ah, kumusta ang anak ko? Kumusta ang bakasyon niyo ng asawa mo?"

"It was great! Baka next week, umalis ulit kami since matagal pa naman bago matapos
ang semestral break," aniya sa ama-amahan.

"Mabuti iyan," nakangiting sabi nito. "Nabalitaan kong buntis ka? Congratulations,
hija!"

"Thank you, Daddy! May wild guess na nga agad si Johann na magiging boy daw ang
baby namin." Luminga-linga siya kahit malakas ang pagkabog ng puso niya. "Kasama
niyo po ba si S-Sir August?" Hindi niya pa rin alam kung ano ang dapat itawag sa
totoong ama.

Lumungkot ang mga mata ni Darwin at umiling. "Sorry, Saphi, wala ngayon sa bansa si
Augustine para sa isang bakasyon. Ngunit, siguro sa pagbalik niya ay puwede ko
siyang isama para makilala mo na rin siya ng lubusan. Tutal naman ay handa ka na,
hindi ba?"

Marahan siyang tumango. Kahit papaano ay nawala na ang kaba niya. Baka hindi pa
iyon ang tamang oras para sa kanila ng tunay na ama. "By the way, Daddy Darwin,
Johann's with me. And kasama rin namin si Mommy..."

Pinilit nila ni Johann na sumama ang Mommy niya sa lunch date na iyon dahil nalaman
nila na recently ay nag-break na daw ang Mommy niya at ang boyfriend nito. Kaya
malungkot na naman ang Mommy niya at naisip nilang isama sa mga lakad nilang mag-
asawa.

"Ah, ganoon ba?" Daddy Darwin acted cool but he seemed tense and excited perhaps?

May tumikhim sa likod nila at nandoon na pala ang Mommy niya kasama si Johann.

"Hi, Darwin," mahinang sabi ng kanyang ina.

"Magandang araw sa'yo, Mercy."

"Yo, what's up, Sir?" pa-cool na bungad ni Johann. "Pa-pogi yata kayao ng pa-pogi,
Sir, ah? Inspired?"

Daddy Darwin contained his laugh. Pero napangiti ito. "Napakaloko mo talaga,
Johann."
"Part ng charm, Sir."

"But, Johann's right," her mom said. "You look...great. Aging has become you,
Darwin. You look more handsome, indeed."

"Ah...At ikaw ay parang hindi tumatanda, Mercy. Ang itsura mo ay katulad pa rin ng
dati. Hindi ka ba tumatanda?"

Her mom chuckled. "Bolero."

Lihim na nagkatinginan sina Sapphire at Johann na magkatabi na sa upuan. Nakita


nilang pinaghila ni Daddy Darwin ang Mommy niya ng upuan at magkatabi ang mga ito.

"May spark, Misis!" bulong sa kanya ni Johann.

She secretly giggled. Para rin siyang kinilig para sa dalawa. Could her parents
have a second chance?

As I end this article, I know that my adventure continues. I know that I would
never stop learning because life never stops teaching. On my way to motherhood,
experiences would be tougher. However, I believe that in every adventure and
experience we will face, there's always a hidden moral lesson at the end of it.
Years ago, I hated when life bitched. Then, I came to understand that life was
never a bitch. It's more of a learning field and God's the teacher. And it's
exciting to learn from Him.

I learned how to listen more often, to be aware of the people around me, to care
for those who need caring, and to love like Christ (well, this is a lifetime
progress). Physical adventures may give you a thrill, but simple spiritual quests?
It gives more than the pleasure, gives more than something your memory would
ceaselessly remember...

One of the true adventures in life is becoming the best that God wanted you to be.

I am Mrs. Sapphire Anderson. A "misis" to my "mister". A "nanay" on the way. The


adventures I faced made me a better version of myself. For now, this is the best of
me.

How about you? What's your latest adventure that made you better than before?

Nag-inat si Sapphire pagkatapos niyang i-type ang latest article na ipo-post niya
sa kanyang blog kinabukasan. Naghikab siya at saka pinatay ang Macbook. Humiga na
siya ng kama pagkatapos at saka niyakap si Johann na mahimbing nang natutulog.
Nakanganga pa at humihilik!
She tried to close his mouth. Nang masara niya iyon ay bumukas lang ulit. She
giggled and kissed his cheek.

Sa ngayon, ayos na ang lahat. Panatag ang loob niya. Wala na silang parehong
problema ng mister niya.

Siniksik niya ang mukha sa leeg ng asawa na bahagyang kumilos para yakapin siya.
Nakatulog siya na nakangiti.

Little did Sapphire and Johann know, there's still a bigger problem waiting for
them.

~~~

Five chapters to go!

Next update: Wednesday (April 8, 2015)

=================

Chapter Forty-Six

CHAPTER FORTY-SIX

SAPPHIRE was busy scanning her Instagram account on her IPhone. At nang nainip na
ay inangat niya ang tingin sa nakasaradong fitting room na nasa harap niya.

Napasimangot siya. “Johann! What’s taking you so long?” tawag niya sa


asawa na nasa loob. They were on a fashion boutique right now. Malapit na kasi ang
highschool reunion party. In three days time to be precise. Siya ay may damit nang
isusuot—ang binigay sa kanya ng Daddy Darwin niya noon, noong isang mystery sender
pa ito.

Siya may damit na, si Johann pala ay wala pang suit na susuotin kaya
napasugod sila ngayon sa isang classy clothing line for men’s formal wear.

“Sandali na lang, Misis! Ang arte kasi ng damit na ‘to. Ang daming
patong! May long-sleeves na sa loob, papatungan pa ng blazer, tapos coat! May
necktie pa!” hatalang iritadong angal nito. “Hindi ba puwedeng—”

“Hindi,” kontra niya na agad kahit hindi pa tapos ang sinasabi nito.
“Ganyan talaga iyan. Kasi three-piece suit nga, di’ba? Can you just get out of
there? Patingin ako.”

Bumukas ang pinto ng fitting room.

“Ah, finally, lumabas ka na—,” Sapphire stopped in her mid-sentence


when she saw Johann wearing a black suit and tie. Oh, shit! He looked magnificent
and...jeez, handsome than ever!

Hindi niya namalayan na napanganga na pala siya habang nakamata rito.


Suddenly, it seemed like the world slowed down for Sapphire. That’s not her first
time to see Johann wear a formal corporate attire. Dahil nang ikasal naman sila ay
ganoon rin ang suot nito. But now, it seemed different.

Saktong-sakto rito ang damit...From his black leather shoes, black slacks, to the
neatly tucked in white long-sleeved polo under a black blazer inside his black
coat. And the black tie? Gosh, everything was perfect on Johann!

Johann closed the coat’s button in a manly way. Pagkuwa’y niluwagan


nito nang kaunti ang necktie at saka kinabit ang cufflinks sa magkabilang pulso ng
suot na black coat. At habang ginagawa iyon lahat ni Johann ay pansin na pansin
iyon ni Sapphire—in a slow motion way.

Then, her husband looked at her.Sinuot nito ang isang kamay sa loob ng
bulsa ng slacks nito, he slowly smiled that reached his eyes.

Dumamba ang puso niya nang mas mabilis. How can Johann do that? How can
he make her heart beat so fast like it’s the first time she learned that she was in
love with him? How can her gaytard husband can look so immaculate in a three piece
suit?

Dahan-dahang lumapit sa kanya si Johann. Then, he gently caressed her


right cheek. His one forefinger slid down her chin. He lifted it up. “Misis,
tumutulo laway mo,” nakangising sabi nito.

Natigil ang slow motion at ang kilig na nararamdaman ni Sapphire.


Tinulak niya ang mukha nito. “Nakakainis ka!” Pero pasimple niyang hinawi ang gilid
ng labi. Talaga bang tumulo ang laway niya?!

Ang lakas ng tawa nito. Napapalingon tuloy sa kanila ang mga tao sa
loob ng shop.

“Bakit naman kasi natulala at nakanganga ka pa, Misis?” Inayos nito ang
lapel ng coat nito. “Para ka namang nakakita ng alien. Hindi ba bagay sa’kin suot
ko?”

“Hell, no! You look...wow!” Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat


at tinignan ang sides nito. “Is that really you, Mister? Why, you look like an
executive!” Sa itsura nito ngayon, walang mag-aakala na guro ito. Mas bagay na ito
ngayon sa loob ng isang malaking opisina na nasa loob ng isang napakalaking
kompanya.

“Ows? Talo ko na sina Reeve, sina Dylan, sina Kuya Bari?” he asked,
eyes sparkling.

Hinawakan niya ang tiyan nito. “Medyo bloated lang iyong part na ‘to,”
natatawang sabi niya.

Nag-make face ito. “Eh di sila na may abs.”

Pumunta siya sa likod nito. “Your slacks perfectly flaunted your good
butt, though.” Then, she playfully tapped his ass.

Napapitlag ito sa ginawa niya. “Uy, tsansing! Para-paraan, Misis, ah!


You, ha?”

“The suit looks perfect! You look handsome, Mister! Gosh, I never
thought that you can look like that. We’ll buy that and two more other suits.
Mukhang bagay rin sa’yo ang white and gray suit!” natutuwang sabi niya. She can
already imagine how the women in the party would envy her for having Johann by her
side.

Pinagpag ni Johann ang suot. “Bagay ba talaga sa’kin? Hindi mo lang ako
inuuto para suotin ko ‘to sa party?”

“Of course not! You know me, Mister. Kapag pangit, sasabihin ko agad
with no mercy. Hindi ako nang-uuto, ano?” Itinaas niya ang Iphone at binuksan ang
camera app. “Come on, strike a pose. Ipo-post ko pa ‘to sa Instagram ko.”

At nag-pose nga ang masunuring asawa! Nilagay nito ang dalawang kamay
sa bulsa at ngumiti nang bahagya habang sinadyang papungayin ang mga mata...

Sumimangot siya. “Umayos ka nga. I don’t want that look!” Ayaw niyang
makita ng iba na parang nang-aakit ito. That’s his face whenever they made love.
Gusto niya siya lang nakakakita ng ganoon.

Ngumiti na lang si Johann na labas ang mga ngipin at umaabot ang


kasiyahan hanggang sa mga mata.

“No, I don’t like that, too,” angal niya na naman. Johann looks so
charming at that smile, baka kapag p-in-ost niya iyon ay mas dumami ang magka-crush
rito. More than thousands pa naman ang followers niya sa Insta.

“Eh, di hindi na lang ako ngingiti? Ah, ‘look up’ na lang!” anito at
saka tumingin sa kaliwa nito at nag-pose na nakatingin sa taas.

“Shit,” she muttered silently. Dati, hindi niya masyado napapansin kung
saan angle guwapo ang asawa niya. Pero ngayon...why the hell he looked great at any
angle? What the?! Ganoon ba talaga kapag buntis? Naglilihi ba siya kay Johann?
Bigla na lang ito masyadong gumaguwapo sa mga paningin niya. Pero hindi niya
sasabihin sa asawa iyon dahil paniguradong lalakas ang hangin nito.

Binaba niya ang cellphone. “Puwedeng takpan mo na lang iyong mukha mo?
Iyong suit lang naman ang importante.”

“Ay, wow. Kinuhanan mo pa ‘ko ng picture? Eh di kuhanan mo na lang


‘yung damit kapag naka-hanger.”

She laughed. “Fine! Wacky pose!”

“Video-han mo na lang ako habang nagsasayaw ng Gangnam style. Tutal


gan’to naman suot ni Psy nang sinayaw niya iyon.”

“Huh? What’s Gangnam—oh! The viral Korean dance.” Natawa na naman siya.
“You dance that?”

“Oppa Gangnam style!” biglang sabi nito at saka pinosisyon ang mga
kamay forward habang naka-cross at saka ito sinimulang indakin ang sikat sa sayaw.

“Oh, my jeez! Stop that! Mister!” mabilis na saway niya rito dahil
palihim nang nagtatawanan ang mga sales person at iba pang customer sa loob ng
shop.

Ngunit mukhang enjoy si Johann magmukhang tanga. “Heeeey, sexy lady!”


Tinaas pa nito ang kamay at iniikot-ikot ang kamao sa ere habang ang mga paa ay
umiindak.

Namula na siya dahil siya ang nahihiya sa ginagawa nito ngunit hindi
niya rin mapigilan ang matawa sa pagsasayaw nito. “Johann!”

“Mother, father, gentlemen!”

She laughed out loud. Nakitawa na rin ang ibang tao na nakakakita kay
Johann. Napatakip na siya ng mukha dahil sadyang dinadagdagan nito ng kembot ang
pagsasayaw. Napaka-kulit talaga!

“Sayaw ka rin, Misis!”

“Mag-isa ka!” natatawang tanggi niya at saka ito tinulak papasok sa


loob ng fitting room. “Magpalit ka na, bibilhin na natin iyan. Ugh! Stop dancing,
you gaytard son of a gun!”

Tawa na lang ito ng tawa nang makapasok na ito ng fitting room.


Naplingon siya sa apat na sales staff at isang customer na nasa kabilang fitting
area na bahagyang natatawa pa rin.

Tumikhim siya. “Sorry about that. My husband is really hyper.


Nakalimutan ‘kong turukan ng pampakalma,” she joked.

“Narinig ko iyon!” sabi ni Johann. Bumukas ang pinto ng fitting room at


impit siyang napatili nang hilahin siya papasok ng asawa sa loob.

At anong ginawa nila roon? Nag-mirror selfie lang naman.

And shared one kiss. Maybe, two?

Okay fine, they almost made out! They’ll just blame it to the hormones.

Nakapagpalit na ito ng damit sa wakas at inayos niya ang nagulo nitong


buhok. Pinahid niya rin ang labi nito dahil may naiwang smudge ng lipstick niya.

Their eyes met and they just laughed together.

Random, funny, sweet, and intimate moments like those made their
marriage light and peaceful. They struggled on fights, too. But it’s normal to the
both of them dahil lagi naman silang magkasalungat ng mga paniniwala. Though, the
good thing was they both learned to compromise day by day.

At pagkarating ng reunion party ay tama nga ang hinala ni Sapphire.


Johann easily charmed every women at the party. Mas nakadagdag pa na bagaman hindi
ito sanay sa ganoong okasyon ay nagawa nitong maging confident sa harap ng mga
taong nasa sirkulasyon niya.

“Hi! Mrs. Sapphire Anderson?” untag ng isang babae sa kanya habang


nakaupo siya sa table at kumakain. Kumuha sandali si Johann nang maiinim niya.

“Yes?” Nakilala niya na ito ang emcee ng program kanina. Dapat si


Sylvia ang nandoon but surprisngly, hindi daw nakadalo ito.

Ngumiti ang babae. “I’m Gaea. Batchmates tayo, Mrs. Anderson. Pero sa
ibang section ako noon. I want to tell you lang that I’m an avid reader of your
blog since you started it. Kasi nakaka-relate ako sa mga blogs mo, and I love how
you share your experiences sa mga trips mo noong dalaga ka pa. Pero yung last
article that you posted, god!” Namamanghang sabi nito. “I was touched kahit hindi
pa ‘ko kasal. And I was amazed because it’s really different from all the things
you have written before! It’s so heart warming.”

Napangiti si Sapphire nang malapad. Marami na siyang nabasang comments


sa blog niya since she posted her latest article last week at hanggang ngayon ay
overwhelmed pa rin siya sa natatanggap na mga komento. “Thank you , thank you so
much. Bago rin sa’kin ang magsulat ng ganoon. And I’m glad na nagustuhan niyo. I
mean, I was nervous when I posted it.”

“Oh, don’t be. Write again an article like that next time! Nakaka-
inspire kayo ng asawa mo. It’s like telling me, telling us that masarap mag-indulge
sa isang God-centered marriage. Ang dami kasing negative assumption about the
marriage life. Like, it’s the end of happiness na daw and freedom. But with what
you wrote, it sound so fun. Your ‘adventures’? Truly inspiring! And congratulations
nga pala for the baby. Can we take a picture?”

“Oh, sure.”

After that, may ilan pang naglapitan sa kanya, claiming that they have
also read her blog and her latest article. At nang makabalik si Johann na may
dalang milkshake para sa kanya ay pinakilala niya ito kanina Gaea and the girls got
gaga over him.

“You’re such an ideal husband! Can I take a picture with you?”

“You look dashing! Sapphire and you were match made in heaven!”

“Ah, salamat,” parang nahihiyang sabi ni Johann habang napapakamot sa


batok nito. Nang may nagpakuha ng litrato rito ay natatawa na lang si Sapphire
dahil lagi itong naka-peace sign at wacky face.

Wala namang angal ang mga babae na nagpa-picture rito at natutuwa pa


nga kapag nakikita ang picture.

Habang pinagkakaguluhan si Johann ng iba niyang ex-classmates na


nagbabasa ng blogs niya, naisip niyang tanungin si Gaea tungkol kay Sylvia.

“Ahm, what happened to Sylvia? Bakit hindi siya nakarating?”

“Oh, hindi mo ba nabalitaan? She will be staying with her parents in


New Zealand. Doon muna siya because she and her husband decided to... part ways for
a while. That’s what I heard.”

Hindi pinahalata ni Sapphire ang pagkagulat. “Oh,” sambit niya lang.


Two weeks ago since they left Tarlac ay wala na talaga siyang narinig na balita
tungkol kanina Rafael at Sylvia although laging tumatawag si Johann sa Tarlac para
kausapin si Lola Vani paminsan-minsan.
Hindi pa man natatapos ang party ay maagang umalis na sina Johann at
Sapphire para hindi siya masyadong mapuyat.

“Ang saya ng party! Ang dami kong fans!” wika ni Johann habang
naghahanda na sila sa pagtulog.

She chuckled. “Hindi na nga kita ipi-feature sa blog ko sa susunod,”


she joked while applying cream on her face.

Natawa rin ito. “Pero seryoso, hindi ko inaasahan na karamihan pala ng


mga tao doon ay down-to-earth at kahit alam mong nakakataas sila, hindi sila
nahihiyang aminin na mambabasa mo sila at nagpa-picture pa sa’kin! Ah, famous!”

“Told you, you should not put all rich people in a mainstream. Kasi may
mga humble pa rin naman sa kanila. Ikaw, you’re rich but you keep yourself in a low
profile.”

“Mas masaya ako sa simpleng buhay. Nakakatulog lagi ako ng mahimbing na


hindi namomorblema na baka isang araw mawala lahat sa’kin,” anito habang pinapagpag
ang mga unan. “Nagsimula naman kasi ako sa wala kaya kung mauulit man, kaya ko pa
ring mabuhay.”

“Johann, nabalitaan mo na ba na...naghiwalay muna sina Sylvia at


Rafael?”

Natigil ito sa pag-aayos pagpagpag ng unan at napatingin sa kanya.


“Huh? Nag-split sila?”

“Ahm... just a cool-off? Sabi kasi ni Gaea, ‘for a while’ lang daw, eh.
Sylvia went abroad. Doon muna siya sa family niya.” Napabuntong-hininga siya. “I
feel sad about it.”

Humiga na si Johann ng kama. “Para rin siguro iyon sa ikabubuti nilang


dalawa. Masyado na silang nagkasakitan, eh. Kailangan nila ng ‘space’. Pero
magkakabalikan rin iyon,” confident na sabi nito.

“How sure are you?”

“Not so sure. Pero kung sila talaga, sila talaga hanggang sa huli.
What’s meant to be will always find its way.”

“Wow, english,” magkasabay pa nilang sabi.

Johann stretched his arms over the bed. “Halika na, tulog na tayo.”
Humiga nga siya at umunan sa mga braso nito. Naramdaman niya ang
paghalik nito sa noo niya. Napatingala siya rito at naawa nang nakitang nakapikit
ito, nakanguso pa at dumampi ng paulit-ulit ang halik nito sa mga labi niya.

“Misis, may tatanong ako.”

“What?”

“Mamahalin mo rin pa ba ako kahit anong mangyari? Kahit magbago ako?


Kahit may mga gawin akong mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa ko?”

Napataas siya ng kilay. “What kind of question is that? Bakit ka naman


magbabago?”

“Tanong lang iyon, Misis. Hindi ko naman sinabing mangyayari iyon.


Kumbaga ‘what if’ lang. Mamahalin mo pa rin ba ako?” seryosong tanong nito.

“It depends.”

Sumimangot ito. “It depends pa? Eh ikaw nga kahit magpa-salvage ka ng


tao, mamahalin pa rin kita ng sagad!”

She chuckled and hugged him. “I will love you, no matter what. Alright?
Kahit bigla ka pang magsayaw ng Gangnam style sa kalagitnaan ng kalsada, kahit
mawalan ka na ng sense of humor, kahit tumaba ka na dahil sa kakakain ng rambutan,
kahit yumabang ka na sa dami ng fangirls mo, I will still love you the same,” she
assurred him.

Napangiti na ito at idinantay ang noo nito sa kanya. “Sabi mo iyan,


ah?”

“Bakit biglaan mo ba natanong?”

Umiling ito habang nakatingin pa rin sa kanya. “Wala lang. Naisip ko


lang sina Rafael at Sylvia. Sana hindi tayo maghiwalay kahit ano pang mangyari.”

“If you cheat on me, I’ll kill you.”

“Ang bangis! Hanep! Bet!”

Pinitik niya ito sa noo. “But really, whatever happens, walang


bibitaw.”
“Walang iwanan.”

She suspiciously looked at him. “Pero hindi ka naman mambabae, hind


ba?”

“Hindi ko gagawin iyon. Ayaw ni Lord ng ganoon.” Niyakap siya nito nang
mahigpit. “Mangangako ako sa’yo, puwede nating pag-awayan lahat, pero kahit kailan
hindi magiging issue ang loyalty ko sa’yo. Kahit maraming magandang legs ang
nakabalandra sa harap ko, legs mo pa rin ang hahanapin ko.”

“Dapat lang!”

Natawa ito at hinalikan na naman siya na parang nanggigil. “Walang


bibitiw. Walang iwanan. Kahit anong temptasyon, pagsubok, at problema pa ang
dumating. Sealed. Locked. Tinapon ko na ang susi sa Pluto.”

“Ah...okay.” May patapon-tapon pa ng susi sa Pluto itong nalalaman!


Ngunit ayos na iyon. At least, maliwanag ang mga bagay. Tough road is ahead of
them, so they need to have a journey full of trust.

“Mister,” she whispered.

“Hmm?”

“Mahal kita,” malambing na sabi niya.

“Thank you—aray! Mapanakit ka talaga, ano?” natatawang sabi nito


pagkatapos niya itong sipain sa paa. “Me loves you, too, Misis. Over-over! Hihi.”

“Ugh. Why so gay, Johann?”

“Aanhin pa ang lalakeng-lalake kung hindi naman kayang magseryoso ng


iisang babae?”

May point.

Hinila nito ang kumot pataas sa kanila. “At aanhin pa ang kumot kung
wala tayo sa ilalim nito?”

Mabilis siyang humiwalay rito at bumangon. “Sorry. No ‘galawang-Johann’


for now. Pagod ako. Matutulog na kami ni baby.”

Napatili siya nang mabilis siya nitong nakabig sa baywang at naihiga sa


kama. Napatili na naman siya nang pumaibabaw ito at kinindatan pa siya habang
nakangisi nang nakakaloko.

“Going under the kumot in three...two...one!” Tinaklob nito ang kumot


sa kanila at wala silang ginawa kundi magtawanan dahil nangulit lang ito at
naglambing sa kanya.

Johann knew that she’s not in the mood to make love. That’s why she
loved him more. He knows how to respect her womanhood eventhough he’s entitled to
do everything with her.

Sa tingin niya, kahit kailan ay hindi naman siya magkakaproblema sa


asawa.

~o~o~o~

Several months later...

MALAKAS NA napasinghap si Sapphire at napahawak sa malaki niyang tiyan.


“I’m going to give birth, already! Isugod mo na ‘ko sa ospital!”

“Chill lang, Misis. Breathe in, breathe out,” cool na cool na sabi ni
Johann. “Baka false alarm lang. Last week din ganyan ka, eh. Hindi pa naman
pumuputok ang waterbag mo.”

Napaiyak na si Sapphire sa sobrang sakit na nararamdaman sa tiyan.


Malakas ang paghigab na nararamdaman niya. June na. Due month na niya. Manganganak
na siya!

“Maghintay ulit tayo ng another five minutes. Kapag may naramdaman ka


ulit na contraction, isusugod na kita ng ospital,” mahinahong sabi nito.

“Anong another five minutes?! Mamamatay na ‘ko sa sakit! Take me to the


hospital right now! Lalabas na ang baby!” sigaw niya sa asawa.

“Natataranta ka lang. Sinabi na iyan ni doktora di’ba? Relax lang. Baka


matakot si baby. Inhale-exhale lang, Misis,” ani pa nito at saka siya hinawakan sa
kamay. “O, sabay tayo, ah? Inhale...exhale.... Inhale...exhale...”

Sinasabayan niya ito at ininda ang sakit na nararamdaman. Paulit-ulit


sila nito nang maramdaman niyang parang may umiipit sa tiyan niya at parang kung
may anong humihila pababa sa baby niya.

“Ahhhh!” sigaw niya na.


“Huwag kang sumigaw, Misis. Inhale, exhale—”

“Kapag hindi mo ‘ko sinugod sa ospital, hindi ko papakita sa’yo ‘tong


baby natin! Uuwi ako sa mansyon. Hindi mo na ‘ko makikita ulit!”

Nakuha pang tumawa ni Johann. “Misis, nauna kasi iyong pagkataranta mo


—”

“A-Anong natataranta?! Masakit na talaga! Ikaw ba ang nakakaramdam?!


Ako, right? So, bring me to the damn hospital because I’m going to give birth!
Johann!” tuluy-tuloy niyang sigaw.

“Ganitong-ganito rin tayo last week, eh. Natutulog na tayo tapos bigla
kang nag-a-announce na manganganak ka na. Gabing gabi, sinugod kita sa ospital nang
naka-boxer shorts lang ako! Tapos, false alarm lang pala. Nakakahiya talaga iyon,”
pagre-reminisce pa nito sa kahihiyan nila last week.

Pero wala na siyang pakialam, basta ngayon ay manganganak na siya!


Totoo na talaga! Nararamdaman niya na!

Sinabutan niya sa buhok si Johann nang mahigpit. Napahiyaw ito sa


sakit. “Aray! Misis!”

“I’m begging you, Johann! Masakit na talaga!”

“Eh, hindi pa nga pumuputok ang waterbag mo.”

May narinig silang parang pumutok at naramdaman ni Sapphire ang likido


sa kanyang mga hita.

Nanlaki ang mga mata ni Johann habang nakatingin sa hita niya.

“Ayan na, pumutok na! Masaya ka na?!”

“I-isusugod na kita ng ospital. Sandali, isusugod na kita!” Johann


started to panic. Nagmamadali itong lumabas ng kuwarto habang iniwan siyang
nakahiga sa kama.

“Mister, saan ka pupunta?! Johaaaaann!”

Bumalik ito sa loob. “H-Huh? Isusugod kita sa ospital!”


Napahikbi siya sa sakit at mas napahawak sa tiyan. “Eh, b-bakit mo ‘ko
iniwan?” nahihirapang sabi niya.

“Ay, pucha! Nakalimutan kita! Dapat pala kasama ka!” natatarantang sabi
nito at saka siya mabilis na binuhat palabas ng kuwarto.

Sinabunutan niya ito dahil hindi niya magawang matawa sa katangahan


nito. May makakalimutan na lang, siya pa!

“Aray, aray, aray! Oo na, Misis. Eto na, pupunta na tayo sa ospital.”
Naipasok na siya nito sa kotse at mabilis na ring sumakay. “Inhale, exhale ka lang
diyan. Repeat over and over hanggang sa makarating tayo sa ospital!” anito habang
hindi maisuksok ang susi sa car ignition.

Ugh!

“Manganganak na ‘kooooo!”

“A-Alam ko, Misis. Sandali lang. W-Wait lang over there. Ayaw makisama
ng susi!”

“Ahhhh!”

Sa wakas ay nag-start na ang kotse. “Yes! Ayan na! Pupunta na tayong o-


ospital, Misis. Kapit lang. Huwag ka munang manganganak.”

Ngunit hindi pa rin umaandar ang kotse.

“Johann, nakasara pa iyong gate! Baka gusto mong buksan? Baka lang
naman gusto mo?!”

Napamura ito at mabilis na bumaba ng kotse para buksan ang gate.


Nagmamadali itong bumalik sa kotse at lalong naghilab ang tiyan niya. Hindi niya
alam paanong matagumpay silang nakarating ng ospital at nakahiga na siya ngayon sa
loob ng delivery room habang mahigpit niyang hawak ang mga kamay ni Johann.

“Mrs. Anderson, on a count of three, push harder. Isang malakas na ire


lang po. One, two, three!”

“Mmmmp!” Hindi lang siya ang umiire dahil nakikisabay sa kanya si


Johann.

“Mas malakas pa, Mrs. Anderson.”


“Mmmp!” Naunang ire ni Johann.

“Bakit nauuna ka pa?” naiinis na natatawa na nasasaktan na tanong niya


sa asawa.

“Ay, wala pa ba?”

“Push!” utos ng doktora.

Napapikit si Sapphire, nilaliman ang paghinga, hinigpitan ang kapit sa


kamay ng asawa at saka malakas na umire.

She heard a cry. A baby’s cry.

“G-Good job, Misis,” garagal na bulong ni Johann sa kanya. She smiled in relief
before drifting off to sleep.

“Congratulations, Mister and Misis! It’s a bouncy baby boy!”

~~~

May naiisip ba kayong magandang pangalan para sa baby nila Misis at Mister? Comment
your suggested names below! Ang mapipili ko, I will dedicate the next chapter to
her/him. <3

Next Update: April 10, 2015 (Friday)

=================

Chapter Forty-Seven

First of all, maraming maraming salamat po sa lahat ng nag-suggest ng sobrang


gagandang pangalan with bonggang explanations pa. Gusto kong gamitin lahat, eh!
Kaso, kailangan ko lang po ay isa. I appreciated all of your efforts. Huwag po
kayong mag-aalala kung hindi ko man po napili ngayon ang pangalan na shinare niyo.
Malay niyo magamit ko sila sa susunod pang bulilit nina Misis at Mister? At baka
magamit ko rin ang magagandang names na shinare niyo sa iba ko pang stories? Astig
niyo, friends! Yiee!
Sa mga nagsuggest ng RamboPig = Rambutan + Tupig, pinatawa niyo ko, friends! Ang
saya magbasa ng comments tuloy. Haha!

Ang napili ko po ay binase ko lang po sa naka-caught ng attention ko at sa tinibok


ng puso ko (whut? Haha) pagkabasa ko ng pangalan. With explanation or none. Sa
lahat po ng nag-suggest ng "Johannes" at "Isaiah", para po sa inyo ito.

Ang nag-suggest ng "Johannes Isaiah" though, I dedicate this chapter to you. Thank
you, Erei05!

~~~

CHAPTER FORTY-SEVEN

NAPAUNGOL si Sapphire nang marinig ang pag-iyak ni Isaiah. Parang gusto niya na
ring maiyak dahil pagod na pagod na siya, at gustung-gusto niya ng dire-diretsong
tulog ngunit hindi puwede. Kailangan niyang bumangon para patahanin ang two-week
old nilang anak.

Kahit mabigat ang katawan ay bumangon siya, dinilat ang mga mata na
gusto ulit na bumagsak, at saka tumayo palapit sa crib ni Isaiah.

Pagkabuhat niya sa anak ay parang mababali ang mga nanghihina niyang


braso. For a normal baby, Isaiah sure was bouncy! Masyado itong mabigat sa timbang
na 8.7 pounds nang ipanganak niya ito two weeks ago.

Johannes Isaiah M. Anderson, they named their first born. Obviously,


sinunod nila ang first name nito sa pangalan ni Johann. Habang ang “Isaiah” naman
ay suggested name ng mga biyenan niya. Dahil parehas naman nilang nagustuhan ni
Johann na galing sa Bible ang pangalan ay iyon ang napagpasyahan na second name.

Oh, Isaiah was wonderful. Worth of all the pain she’d been through during her
pregnancy and the day she gave birth to him. Pagkagising niya pagkatapos manganak
ay ito agad ang bumungad sa kanya habang karga ni Johann.

Isaiah made her smile and cry in happiness. At nang una niya itong kargahin,
mabigat na talaga ito ngunit maliit. Natakot pa siya nang una. But then, he fitted
perfectly inside her arms. And when she first breastfeed him, naramdaman niya ang
tunay na koneksyon na mayroon sila ng anak. She’s the one nurturing him, she needs
him to live, he is truly hers. Now, she undestands why babies are called a “bundle
of joy” because Isaiah brought more shades of happiness in her life.

Mas lumakas ang pag-iyak ni Isaiah kaya mas inayos ni Sapphire ang pagkarga rito.
Dinilat niya ang mga matang napapapikit at saka hinele ang bata.
Although, Isaiah is very cute and lovable, he’s also a pain in the ass. Reality
check lang, mahirap talagang mag-alaga ng baby. Sobrang hirap. Katulad ngayon,
simula nang manganak siya, wala na siyang mapayapang tulog sa gabi.

“Why won’t you stop crying, baby?” bulong niya sa anak habang marahang niyuyuyog
ito para tumahan. “Nanay is already sleepy and tired and weak. Please, baby
Isaiah...tahan na... sshhh...”

Ngunit mas lalong pumalahaw ng iyak si Isaiah. Napalingon siya sa kama dahil baka
nagising si Johann. Pero nanatiling tulog ito, pagod rin kasi sa pag-aalaga buong
araw.

Alas-tres y medya pa lang nang madaling araw. Wala namang pasok si Johann bukas
dahil nagbago na ang academic calendar ng UP. It was shifted to August kaya nag-
uumpisa pa lang ang summer vacation para rito. But still, may summer Math classes
itong tuturuan by next week.

For the past two weeks since she gave birth, si Johann ang nag-aasikaso kay Isaiah.
Siya, laging natutulog at nagpapahinga. Pero kahit anong gawin niyang tulog at
pahinga, parang lagi pa rin siyang pagod. At ramdam ni Johann iyon kaya ginigising
lang siya nito kapag kailangan nang mag-breastfeed ni Isaiah. After that, she’ll go
back to sleep.

But after a week, naawa naman na siya dahil puro si Johann ang gumagawa ng lahat ng
bagay—from the house chores, to the cooking, to taking care of the baby and her.
Hindi naman ito umaangal o nagpaparinig, pero ramdam niyang nahihirapan rin ito.
For the past eleven months they have been together, natutunan niyang makiramdam
rito kahit hindi ito magsalita.

This week, inasikaso niya ang bookstore niya na magbubukas na by next month,
kasabay ng birthday niya. Kahit wala namang nakaka-stress dahil maganda at smooth
naman ang opening plan, still nakakaramdam pa rin siya ng anxiety. Sabi ni Johann,
baka lang daw kinakabahan siya sa pagbubukas ng bookstore niya kaya ganoon.

Anyway, hati na sila ni Johann sa oras na pag-aalaga kay Isaiah. Pero kaninang
umaga ay si Johann na naman ang nag-consume ng lahat ng responsibilidad dahil nag-
orient siya ng mga bagong staff na magta-trabaho sa bookstore niya pagkabukas
niyon. Nakipagmeeting din siya sa iba’t ibang publishers na gustong magpasok ng
product sa bookstore niya. Pagkauwi niya kanina, sobrang pagod na siya at nakatulog
agad na hindi na siya nagkaroon pa ng bonding time kasama sina Johann at Isaiah.

So now, dapat mapatulog niya ang anak para hindi niya na kailangang gisingin pa ang
mister niya. Siya ang nanay dapat mas kabisado niya ang anak, pero minsan si Johann
pa ang nagsasabi sa kanya ng mga dapat gawin kapag papaliguan, papakainin,
papalitan ng diaper, at lalaruin si Isaiah.

Tuloy pa rin siya sa pagpapatahan kay Isaiah ngunit ayaw talaga nitong tumigil. She
checked his diaper, hindi naman basa. So, anong iniiyak ng baby nila?
“Baka gustong dumighay.”

Napapitlag si Sapphire at napalingon kay Johann na nagising na.


Bumangon ito habang kinukusot ang mga mata at saka lumapit sa kanila.

Pinasa niya rito ang anak na wala pa ring tigil sa pag-iyak.

“Sshh...Isaiah, tahan na... Nandito na si Tatay...” malambing na sabi


ni Johann. He carried their son across his right shoulder. Hinagod hagod nito ang
likod ng bata. “Misis, pakilagyan naman ng lampin iyong balikat ko. Didighay ang
baby.”

Agad siyang kumuha ng lampin at saka maingat na nilagay sa balikat


nito. Tuloy pa rin si Johann sa paghagod sa likod ni Isaiah, then their baby
burped.

“Good boy...” bulong ni Johann kay Isaiah at saka ito hinalikan sa


bumbunan. “Ang galing ng anak natin, no? Two weeks pa lang, marunong na mag-burp.”

Maingat na pinahiran ni Sapphire ng lampin ang bibig ni Isaiah. “Alam


na alam mo talaga kung anong gustong gawin ni Isaiah.”

Pahigang binuhat na ito ni Johann at tumigil na sa pag-iyak ang baby.


“Ako pa ba? ‘Super Tatay’ yata ‘to!” nakangising sabi ni Johann na parang hindi man
lang iritado na nagambala ang tulog nito. Johann gently rocked Isaiah in his arms.

Tinitigan niya si Johann habang nakatingin ito kay Isaiah, at napangiti


si Sapphire. The love and affection in his eyes were very visible. Alam nang kung
sino mang makakakita rito na mahal talaga ni Johann ang anak nila. Kung may
kakaibang koneksyon sila ni Isaiah, mas kakaiba rin ang connection between a father
and his son.

Napatingin sa kanya si Johann at napakunot-noo ito. “O, bakit umiiyak


ka?”

Napasinghot siya at pinahid ang mga mata. “I don’t know. Tears just
started flowing. Pagod lang siguro ako.”

Habang buhat nito si Isaiah sa isang kamay ay dumapo ang malayang kamay
nito pisngi niya. He swept away her tears gently. “Ganoon ba? Tulog ka na lang
ulit, Misis. Ako na bahala kay Isaiah.”

“Ikaw na lang laging bahala sa kanya. Sabi ko na, eh. I’m not going to
be a good mother,” himutok niya. Habang nakatitig siya sa mag-ama niya, mas na-
realized niya na mula nang pinanganak niya ang baby nila, ang tama lang niyang
ginawa ay ang i-breastfeed ito. Pero kung kaya rin siguro ni Johann na magpa-
breastfeed ay ito na rin siguro ang aako.

“Ngek. Dalawang linggo pa lang, Misis, naka-conclude ka na agad nang


ganyan?”

She made face. “Eh, kasi naman, kahit minsan hindi ko naman nagawang
patahanin si Isaiah. Hindi ko rin magawang palitan ng maayos ang diaper niya. Human
milk-producer niya lang ako...” Nagbagsakan na naman ang mga luha niya. “Two weeks
pa nga lang, failed na agad ako!”

“Sshh. Magigising si Isaiah.”

“S-Sorry...” mahina niyang sabi.

Binalik na ni Johann ang anak nila sa crib at saka siya nilapitan. “Ang
drama mo naman, Misis. Parang hindi mo lang napatahan, ganyan ka na agad mag-isip?”

Napahikbi siya. “Two weeks pa l-lang...how come you are so good at


taking care of baby agad? Bakit ako hindi? Two weeks pa lang pero nakikita ko na
agad na magiging magaling kang tatay sa tuwing tinitignan ko kayo ni Isaiah...bakit
a-ako parang hindi?”

“Aww...kawawa naman,” nakalabing pang-aasar pa nito.

Sinuntok niya ito sa braso na ikinatawa nito nang mahina.

Lalo siyang napaiyak. “Pinagtatawanan mo pa ‘ko!”

Inakay siya nito patayo. “Halika nga, sa labas tayo mag-usap. Para
hindi maabala si Isaiah.”

Nagpaakay naman siya hanggang sa sala. Umupo ito sa sofa at kinandong


siya nito. “Hay, magpapatahan na naman ako ng isa ko pang baby.”

Sinuntok niya ito sa sikmura at natawa na naman ito. Niyakap siya nito
nang mahigpit mula sa likod.

Hindi alam ni Sapphire kung bakit napaka-emosyonal niya. But a lot


changed for the past months. Lumambot na daw kasi ang puso niya kaya siguro
mabilis siyang madala sa mga bagay. Lalo na nang nagbubuntis pa siya. Lahat
iniiyakan niya kahit sa pinakamababaw na dahilan, katulad nang minsang nakalimutan
lang mag-‘I Love You’ ni Johann sa kanya sa text nang um-attend ito ng isang
Teacher’s Conference sa Baguio for three days. Hindi siya nakasama dahil may
kailangan siyang asikasuhin sa bookstore. She’s six months pregnant at that time.
Umiyak siya at inaway agad ito which she realized later on na napaka-childish,
stupid, at unreasonable ng inakto niya.
Kung nung buntis pa siya, masisisi niya sa hormones ang masyadong
pagka-emosyonal, ngayon ay hindi na. Ngunit hindi naman niya matigil ang pag-iyak
dahil disappointed siya sa sarili sa pagiging nanay.

“Uy, bakit umiiyak ka pa rin?” untag ni Johann sa kanya at saka


hinalikan ang batok niya. “Alam mo, mali kasi iyang iniisip mo, Misis. Marami pang
oras, araw, taon na puwede kang mag-improve. Sinabi ko na sa’yo, huwag mong
pinagkukumpara ang kaya mong gawin sa kaya kong gawin. Ano ba ‘to, contest?”

“A-Ang h-hirap maging nanay...”

“Mahirap din maging tatay.”

Nilingon niya ito. “Bakit hindi halata sa’yo?”

Napabuntong-hininga ito. “Tulog ka kasi ng mga oras na una kong


pinalitan ng lampin si Isaiah. Tulog ka nang hindi ko siya mapatahan at kailangan
ko pa mambulabog ng kapatid para lang malaman kung bakit ayaw tumahan ng isang
baby. Tulog ka nang halos magwala na ‘ko dahil sa naririndi na ‘ko sa pag-iyak ni
Isaiah. Tulog ka, eh. Paano mo mapapansin na naghirap ako, aber?”

Lalo siyang naiyak. Lalo lang siyang na-guilty sa mga sinabi nito. “W-
Walang kuwentang a-asawa na rin pala a-ako...”

Napanganga si Johann. “Huh? Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.”

“Wala na ‘kong ginawa kundi ang matulog, magpahinga, asikasuhin ang


bookstore ko, at iwan lahat sa’yo ng responsibility!” Umalis siya sa pagkakandong
rito. “I’m still selfish!”

“Medyo nga.”

Napahagulgol na siya.

“Ay, joke lang. Ano ba naman iyan? Bakit hindi mo na ma-gets mga joke
ko?” Hinawakan siya nito sa kamay ngunit nagpumiglas siya. “Sapphire.”

Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak habang nakaupo sa dulo ng sofa malayo


kay Johann. Suddenly, she cannot understand herself anymore. Nagpatuloy siya sa
pag-iyak habang nakatakip ang mga palad sa mga mata.

Naghalo-halo na ang emosyon niya na hindi niya maintindihan kung bakit


kailangan niyang maramdaman.
Narinig niya ang pagbuga ni Johann ng hangin. Naramdaman niya na tumayo
ito at umalis. Marahil ay hahayaan na lang siya nito dahil hindi niya rin alam
paano papakalmahin ang sarili. Napagod na siguro si Johann sa pag-intindi sa kanya.

“Misis...”

Bigla siyang napaangat ng tingin at nakita si Johann na may dalang


tubig. “Inom ka na muna. Mag-refill ka muna ng tubig sa katawan tapos iyak ka na
lang ulit.”

Tinignan niya ito ng masama at kinuha ang baso ng tubig. “H-Hindi mo b-


ba ‘ko p-papatahanin?”

“Magpapatahan ka ba?” tanong nito habang umiinom siya ng tubig

“I don’t really know what’s going on with me. S-Sorry...” Then she
cried again.

Hinagod-hagod nito ang likod niya. “Alam kong stressed ka, marami kang
iniinintindi dahil sa pagbubukas ng bookstore, pagod ka, ninenerbiyos ka, na-e-
excite ka, nadi-disappoint ka, nagi-guilty ka...sige lang, iyak lang. Buhos mo
lahat.” Tumabi ito sa kanya at inakbayan siya. “Sabi ko na nga ba, dapat hindi kita
pinayagan na asikasuhin agad ang negosyo mo. Kapapanganak mo pa man lang rin.”

“I’m okay.”

Tumingin ito sa kanya na salubong ang mga kilay. “Saan ka banda ‘okay’
ngayon? Sige nga. Explain.”

Hinilot niya ang sentido na sumakit na dahil sa pag-iyak niya. “Na-e-


experience ko siguro iyong Postpartum depression. You know, unstabled hormones even
after birth,” bigla niyang naisip. Well, that can explain what she’s feeling right
now.

“Ah, oo! Alam ko iyan. Sinabi sa’tin iyan ni Doktora eh. Bale, dapat
aware ka lang na kaya ka ganyan dahil sa Postpartum. Di’ba dapat nilalabanan iyan?”
nanlalaking mga mata na sabi nito.

Tumango siya at pinunasan ang mga luha gamit ang shirt ni Johann. Ayaw
niya pahiran ang suot niyang pajama top. Mahal iyon. Iyong kay Johann, okay lang
dahil hinayaan lang siya nito.

Hindi na siya umiiyak at unti-unti niya na ring napayapa ang damdamin.


“Hayan na, okay na ‘ko.”
“Hay, muntik na ‘ko mabaliw kakaisip kung bakit ayaw mong tumahan.
Akala ko gusto mo lang rin dumighay,” natatawang sabi nito.

Napabuntong-hininga siya at dinantay niya ang ulo sa balikat nito.


Sumisinghot-singhot pa siya bago huminga ng malalim.

Mas kinabig nito ang balikat niya. “Huwag ka nga munang lalabas mamaya,
ha? Dito ka lang sa bahay.”

“Pero iyong bookst—”

“Mag-utos na lang tayo ng gagawa ng mga kailangan mong gawin. Dito na


lang muna tayong tatlo sa bahay. Isa pa, buong araw mo lang na makasama si Isaiah,
mage-gets mo rin ang anak natin.”

“I still think that I’ll fail as a mother,” she honestly said.

“Noong una akong pumasok ng college, laging mababa ang grades ko sa


lahat ng subjects ko. Kahit Math pa. Pero kahit minsan, hindi ko inisip na hindi
ako magiging magaling na teacher sa pagdating ng araw,” biglang pagkukuwento nito.

Tiningala niya ito. Saktong yumuko ito para tignan siya. Masuyo itong
ngumiti sa kanya.

“Adjustments,” anito. “Kapag nagsisimula ulit ng bago, laging may pag-


a-adjust na nangyayari. Hindi ibig sabihin na failed ka ngayon, failed ka na habang
buhay. Desisyon mo iyon. Nakasalalay sa’yo kung mananatili ka sa kung saan akala mo
hanggang doon ka lang o hahanap ka ng paraan para mas mag-improve ka. Hindi mo
naman kailangang maging magaling agad sa simula. Magsisimula ka ngang matuto para
maging magaling.”

Napalabi siya. “I know.”

“Kita mo ‘to, alam mo naman pala, eh.”

Humalukipkip siya at nilayo ang tingin rito. “Pero ganoon naman ang mga
tao, di’ba? Kahit alam na nila, papaalalahanan mo pa rin.” She sighed. “Okay, I
won’t go anywhere later. I’ll spend this whole day with Isaiah and you.”

Niyakap siya ni Johann nang mahigpit at inaya nang bumalik sa pagtulog


dahil mukhang okay na daw siya. Pagdating ng umaga, biglang kailangang umalis ni
Johann dahil pinatawag ito ng dean ng College of Engineering kung saan magtuturo
ito major Math sujects next semester.

Bigla siyang kinabahan dahil unang beses na maiiwan sa kanya si Isaiah


mag-isa.
“Kaya mo iyan, Misis. Para namang hindi mo anak iyan. Pakikiramdaman mo
lang siya. May mother instinct ka naman siguro.”

Iyon nga problema niya, wala yata siyang mother instinct. “B-But—”

“Sandali lang ako. Chill lang kayo ni Isaiah. Babalik agad ako
pagkatapos ko makausap ang dean, ha?” Lumapit ito sa crib at maingat na hinalikan
sa noo ang anak nila na mahimbing pang natutulog. Pagkatapos ay siya naman ang
hinalikan nito sa pisngi. “Babalik agad ako, Misis. Promise!”

Pag-alis nito ay napabuga na lang siya ng hangin. Siguro naman hindi


lalagpas si Johann ng apat na oras. Malapit lang naman sa kanila ang campus at
mukhang hindi naman ganoon katagal makikipag-usap ang dean rito dahil emergency
lang naman ang pagkakatawag rito.

Pagkaalis ni Johann ay kinandado niya ang gate at saka pumasok sa


bahay. Tumuloy siya sa kuwarto at naghila ng upuan sa tabi ng crib. Tinitigan niya
ang mapayapang pagtulog ni Isaiah. And she can’t help but lightly touch her son’s
tiny face.

Her son. Anak niya. Tama si Johann, she can take care of their precious
child. Kaya niya iyon. Hindi dapat niya i-down ang sarili bagkus ay dapat niyang
palakasin ang loob.

Adjustment. Mahirap sa umpisa pero kapag nakasanayan na, magiging


madali na lang.

Napangiti siya habang nakatitig pa rin sa baby nila. Last year, hindi
niya kahit kailan plinano na magkaroon ng asawa o anak. But then... well, God had
another plan. And here she is now.

Bahagyang gumalaw si Isaiah kaya binawi niya ang kamay. Ngunit tulog na
tulog pa rin ito kaya tinuloy niya ang ginagawang paghaplos rito.

Sabi ng Mommy niya, kamukhang-kamukha niya daw ang baby dahil ganoon
daw ang itsura niya nang ipinanganak siya noon. Isaiah will be her boy-face
version. Ngunit sana ay makuha nito ang pagiging enthustiastic at humurous ng asawa
niya.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa pagtitig at paghaplos-


haplos lang sa natutulog na anak. But she does not want to move from there.

Kung kaninang madaling araw ay puno siya ng negativity, ngayon ay bigla


na lang nagli-lift pataas ang positivity sa sistema niya. Wow. Just looking at her
son, it brought her hope that she can be a cool and good parent too someday.
Sana rin ay laging ganoon kapayapa si Isaiah. Natataranta na kasi siya
kapag umiiyak ito.

Maya-maya ay gumalaw ulit ito...and he started crying. Kumabog ng


malakas ang puso ni Sapphire at biglang nablanko sa dapat gawin.

Oh my! Help me, Lord!

~o~o~o~

KALALABAS lang ni Johann sa opisina ng Dean nang kinuha niya ang cellphone sa bulsa
at tinawagan si Sir Darwin.

“Sir! Nakausap ko po ang dean ng CE. Tuluyan na daw pong nag-resign si


Sir August?”

Pumalatak ito mula sa kabilang linya. “Tinuloy niya pala ang plano
niya. Sa totoo lang ay hindi ko pa siya nakakausap magmula nang biglaan siyang mag-
file ng leave last semester. Kahit magkapatid kami, magkaiba na kami ng buhay kaya
hindi ko masyado nalalaman ang mga plano niya. Ano bang sabi ng dean sa’yo?”

Naglakad na siya papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse niya.
“Eh, ako na nga po ang magha-handle ng mga naiwang subject loads ni Sir August.
Hindi naman po nabanggit sa’kin ng dean kung bakit bigla na lang nag-resign si
Sir.”

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Sir Darwin. “Hindi ko na talaga


alam kung ano na naman bang pumasok sa utak ng lalaking iyon. Hindi niya na
nakatandaan ang mga biglaang pagpapasya.”

“Nasaan po ba siya?” he curiously asked.

“Hindi ko rin alam. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.”

Nang makita niya ang kotse ang agad siyang sumakay roon. “Paano na
iyan, Sir? Talagang hindi na siya mas makikilala ng asawa ko?” Habang nagbubuntis
pa lanag ang misis niya ay nakikita niyang gusto na talaga nitong mas makilala ng
lubos ang ama dahil noon namang hindi pa nila alam ang katotohanan ay mas magaan
talaga ang loob nilang dalawa kay Sir August. Ngunit nang lumabas na ang totoo,
biglang dumistansya na lang ang totoong ama ng asawa niya.
Buti na lang nandiyan si Sir Darwin at kahit paano ay nararanasan pa
rin ni Sapphire na magkaroon ng ama. Ngunit, iba pa rin talaga kung magkakaroon na
rin ng kasunduan ang mga ito.

Alam niya ring disappointed na ang asawa niya dahil makailang beses
nang napurnada ang masinsinang pag-uusap ng mga ito dahil laging hindi puwede si
Sir August o kaya ay hindi ito ma-contact. Kahit si Sir Darwin ay hindi na alam
kung paano kakausapin ang kapatid nito. Nararamdaman niyang nawawalan na ito ng
gana na maging malapit pa sa totoong ama.

“Gagawa pa rin ako ng para para kay Sapphire. Nga pala, kumusta na ang
anak ko? Kumusta na ang apo ko?”

“Ako, Sir, hindi mo kukumustahin?” biro niya habang pinapaandar na ang


kotse.

Natawa naman ang biyenan niyang hilaw. “O, sige, kumusta ka na rin ba?”

“Ayos lang, Sir. Parehas pa kaming nag-a-adjust ni Sapphire. Ayos na


ayos rin po ang baby. Marunong na pong dumighay.” Kusa siyang napangiti nang maisip
niya ang anak. Hindi niya maramdaman ang kakaibang damdamin na pumupukas sa puso
niya sa tuwing tinitignan niya ang anak. Basta ang alam niya ay nakaka-proud magka-
anak.

Kanya iyon, eh. Galing sa kanya. Made out of love. Ah, mabagsik!

Pagkatapos ng kumustahan ay binaba niya na rin ang tawag. Nangako si Sir Darwin na
hahanapin nito ang kapatid para makausap ng masinsinan.

Ngunit kung ayaw magpakita ni Sir August, eh di huwag. Ayaw niya namang pag-isipan
ng masama ang ama ng asawa niya, pero, kung ayaw nito na makilala si Sapphire, mas
mabuti pang huwag na nga itong magpakita na lang o magpaasa na kikitain ang asawa
iya at pagkatapos ay hindi naman natutuloy. Mas nalulungkot siya kapag nalulungkot
ang misis niya.

Napailing na lang siya at inalis sa isipan si Sir August. Binilisan na lang niya
ang pagmamaneho para makasama na ang mag-ina niya.

Tatlong oras lang siya nawala, suma total. Ano na kayang nangyari kay Sapphire at
Isaiah? Siguro ay tulog pa rin ang anak nila at baka natulog lang rin ulit si
Sapphire.

Bigla siyang napangiti nang maalala kung gaano kamukhang kawawa si Sapphire kapag
umiiyak ito. Mukhang kawawa pero maganda pa rin. Anak ng rambutan! Hindi na
pumangit sa paningin niya ang asawa kahit pa ang laki ng tinaba nito nang
nagbubuntis ito. Kahit napakalaki ng mga eyebags nito, o mukha itong haggard,
maganda pa rin.
Mahal na mahal talaga siya ng Diyos. Last year, broken hearted lang siya, ngayon
asawa na, tatay pa!

Haaaaanep!

Speaking of last year, malapit na ang first wedding anniversary nila ng asawa!
Nahampas niya ang manibela. Hindi pa siya nakakaisip ng gagawin para sa unang
anibersaryo nila.

Isang taon na siyang nagpapaka-“gay” at isang taon na rin siyang pinapaulanan ng


English ng asawa! Mag-iisang taon na nang una siyang mabighani sa legs ni Sapphire.

Napangisi siya. Parang ang sarap sundan agad ni Isaiah. Hmm...

Hanggang sa makauwi siya ng bahay ay nag-iisip pa rin siya kung anong gagawin na
espesyal para sa araw nilang mag-asawa. Magpatulong kaya siya sa mga pinsan niya?
Puwede.

Siya na ang nagbukas ng gate dahil may susi naman siyang dala. Pagkatapos niyang
maipasok ang kotse ay sinara na niya ulit ang gate at nasasabik na pumasok ng
bahay.

May narinig siyang pag-iyak mula sa kuwarto. Napakunot-noo siya dahil hindi lang si
Isaiah ang mukhang umiiyak.

Nanlaki ang mga mata niya nang pagpasok niya ng kuwarto ay umiiyak na rin si
Sapphire habang buhat nito ang umiiyak na si Isaiah.

“J-Johann...” umiiyak na tawag nito nang makita siya. “A-Ayaw tumahan


ni I-Isaiah...”

“Dahil hindi siya mapatahan, naki-duet ka na lang?” Hindi niya alam


kung bakit natatawa pa siya sa itsura nito. Maybe because even though she looked
helpless, she’s still adorable. Kahit umuusok pa ang ilong nito sa bagsik minsan,
ang cute nito sa paningin niya.

Pumalahaw ng iyak ang anak nila. Parang mas nataranta si Sapphire at


nilakasan rin ang pag-iyak. “Ugh! I suck at this!”

Tuluyan na siyang natawa kahit walang nakakatawa sa nakikita. Kinuha


niya na si Isaiah rito at saka nakapang puno na ang diaper nito. Ah, kaya pala
umiiyak.

Mabilis naman niyang pinalitan ng lampin ang anak. “Okay na, anak. Eto
na si Tatay...o, ayan na, may bago ka nang lampin...” pagbe-baby talk niya pa
pagkatapos pulbusan at makabit ang bagong diaper. Tumahan na ang bata. Si Sapphire
umiiyak pa rin.

“Uy, tapos na iyong ka-duet mo, Misis. Baka gusto mo na rin tumahan?”
natatawang sabi niya sa asawa habang binabalot ang mabahong diaper. Mabilis niyang
tinapon iyon sa trashcan sa tabi ng pinto at saka naglagay ng alcohol sa kamay bago
kargahin ulit si Isaiah.

“I’m doomed, Johann!”

“Bakit hindi mo tinignan kung puno na ba ang diaper?” simpleng tanong


niya.

Suminghap-singhap ito at napayuko. “I forgot. Akala ko gusto niya ulit


mag-burp, eh.”

Natawa na naman siya. Hay. Marami pang kailangang matutunan si


Sapphire, aminado siya. Napapangunahan lang talaga ito ng takot.

Mabilis na nakatulog ulit si Isaiah. Sa paggising nito, gutom naman ito


sigurado. Ibinalik niya na ito sa crib at saka naman hinarap ang misis niya.

Kinabig niya ito payakap, yumuko, at nanggigil na hinalikan ang


magkabilang pisngi nito. “Tahan na, Misis.”

“I swear I’m not going to be a good mom! Isaiah will hate me! Ugh!”

Sinasabi lang nito iyon dahil hindi pa ito nakakapag-adjust ng maayos.


Pero naniniwala si Johann sa kakayahan nito. Lagi siyang naniniwala na kaya nito
ang mga bagay na kinakatakutan lang naman nito sa umpisa. Pasa-saan ba at
malilinawagan din itong magandang misis niya? Masyado lang itong OA ngayon. Dahil
na rin sa dala sa hormonal imbalance nito.

“May sasabihin ako sa’yo,” nakangiting sabi niya rito.

Tiningala siya nito. “W-What?” humihikbi pang tanong nito.

“Mahal kita.”

Nahinto ito sa paghikbi at pagluha. Nanatili lang itong nakatingin sa


kanya.

“Mahal kita. Kaya hindi ko hahayaan na mangyari ang mga sinasabi mo,”
masuyo niyang wika rito sabay marahang haplos sa pisngi nito. “Magkakampi tayo.
Walang iwanan. Kaya natin ‘to.”

“J-Johann...”

Ginulo niya ang magulo nang buhok nito. “Dahan-dahan lang, Sapphire.
Nagsisimula pa lang tayo. Labanan mo rin iyang postpartum mo. Masyado kang nadadala
ng emosyon mo. Relax lang. Laging may ilaw sa dulo ng lagusan.” Ah, ang dami talaga
niyang alam! Pero totoo naman. Iyon din sabi sa kanya ng mga nakakatanda noon.

“S-Sorry...”

Inangat niya ang laylayan ng polo-shirt niya at saka pinunas sa mukha


nito. Wala naman kasi siyang panyo. “Halika sa sala, tuturuan kita ng mga dapat
gawin. Para kapag nagising mamaya si Isaiah, alam mo pa kung ano ang gagawin.”

Tumango ito at saka humawak sa kamay niya. Lumabas sila ng kuwarto at


tumambay sa sala. Matiyaga niyang pinaliwanag rito ang mga natutunan niyang gawin
sa pag-aalaga sa anak. Sinabi niya rin rito ang payo na binigay sa kanya ng kapatid
niya sa pag-aalaga ng bata. May anak na kasi sina Agatha na mag-iisang taong gulang
na sa susunod na buwan rin.

Ang maganda kay Sapphire kapag tinuturuan niya ay nakikinig ito. Kahit
noong pinagagawa niya ito ng mga gawaing bahay, kahit labag sa loob nito ay
makikinig ito sa instructions. Matalino ang asawa niya, masyado lang napupukaw ng
emosyon nitong mga nakaraang araw. Pero babalik din ang dating ito kapag tumagal.

Pagkalipas ng dalawang oras, narinig nila ang pag-iyak ni Isaiah mula


sa kuwarto.

Prenteng sumandal siya sa kinauupuan. “O, ayan na, Nanay. Tapos na ang
lesson, time to take your quiz,” makahulugang sabi niya.

Sapphire held her breath. Tumayo ito pumasok sa loob ng kuwarto.


Sumunod naman siya rito at nakita niyang kahit parang kinakabahan ang asawa niya ay
kinuha nito si Isaiah mula sa crib.

“H-hi, baby...” malambing na sabi nito. “Are you hungry? Do you want
your milk already?” she asked softly.

Number one, makipag-usap ng malumanay, malambing at puno ng pagmamahal


sa bata. Kahit mag-baby talk pa. Check.

Nagpatuloy lang sa pag-iyak si Isaiah. Nagpatuloy si Sapphire sa


malumanay na pagpapatahan rito.

Number two, huwag matataranta. Mararamdaman ng baby kapag natatakot rin


ang may buhat rito kaya matatakot rin ito at lalong maiiyak. Kaya dapat kalmado
lang. Check.

“N-Nandito na si Nanay... Hindi na magugutom si baby...” Later on,


Sapphire was already breastfeeding their son. Siyempre ay hindi na umiiyak ang
bata. Mapayapa ito habang nakasubsob sa dibdib ni Sapphire at maganang sumususo ng
gatas. Sapphire held Isaiah tenderly.

Number three, kapag alam na kung anong gusto ng bata, manatiling


kalmado at iparamdam ang pagmamahal sa anak sa mga simpleng paghaplos at paghalik.
Check.

Napangiti si Sapphire at napalingon sa kanya. He gave her a thumbs up.

“Okay, being a mom is not horrible afterall. Naisip ko na ‘to kanina.


Kaya ko naman, basta maniniwala ako sa sarili ko. Gosh, anong itura ko kanina
habang umiiyak at natataranta?”

“Mukhang tanga.”

Dumilim ang itsura nito na ikinatawa niya.

“Pero maganda. Hindi pa kasi tapos, galit agad?” natatawang sabi niya.
“Bale diyan ka muna? Bibili lang ako ng bananaque para meryenda natin. Kaya mo na,
ha? Baka pagbalik ko, nagdu-duet na naman kayo ni Isaiah?”

Marahan itong natawa at umiling. “Hindi na. I can manage.”

Tumango siya at saka tumalikod palabas ng kuwarto.

“Mister,” pahabol na tawag ng asawa.

“Yep?” lingon niya rito. “May ipapabili kang iba?”

Umiling ito at matamis na ngumiti. “Thank you. For always understanding


me. For patiently teaching me things. I really can’t live without you.” Tumikhim
ito. “Me really really loves you, Johann,” malambing pa nitong dagdag bago muling
binaling ang tingin sa anak nila.

Mula sa mga narinig ay dumiretso iyon sa puso ni Johann na nagpabilis


lalo ng pagtibok. Tumawid iyon sa bawat himaymay ng ugat niya. Nag-init ang tainga
niya at bahagya siyang nanginig.

Pinigilan niya ang malapad na ngiti at mabilis na lumabas ng kuwarto.


Napapakilig rin kaya niya si Sapphire katulad nang nagagawa nitong
pagpapakilig sa kanya mula sa mga simpleng sinasabi nito?

Ah, excited na siya para sa first wedding anniversary nila!


Paghahandaan niya talaga iyon at gagastos siya kahit gaano kalaki para sa asawa.

Ano kaya ang magandang gawin?

Habang naglalakad siya sa labas papunta kanila Manang Lisa para bumili
ng bananaque ay nag-ring ang cellphone niya.

Unknown number pero sinagot niya pa rin.

“Hello?”

“Hi, Sir Johann! This is Cindy! Ahm, from Math 17? First sem, last year
po naging student niyo ‘ko.”

“Ah, oo! Naalala kita,” aniya pero napakunot ang noo. “Saan mo nakuha
ang number ko, hija?”

“I asked around, Sir. Ahm, sorry po, Sir, kung naabala ko kayo. Sorry
rin po kung hiningi ko ang number niyo sa iba para lang ma-contact kayo.”

“Hindi. Sige, okay lang.” Hindi na siya magagalit pa. Eh, alam na nito
ang numero niya. May magagawa pa ba siya? “Bakit ka nga pala napatawag? Do you have
any questions about your grades last last semester?”

“No, Sir,” malambing na sabi nito. “I just called to say po na magiging


Prof ko po kasi kayo for the summer class next week. I’m just excited po na kayo
ulit ang magtuturo sa’kin—sa’min...” sabik ngang bulalas nito. “Ahm, that’s all,
Sir.”

Ang weird talaga ng mga kabataan ngayon. “Ah, okay. So, I’ll just see
you in class, then. Don’t forget to bring your textbook sa first day ng summer
class,” sabi na lang niya.

“Okay, Sir! Ahm, nagustuhan niyo po ba iyong cookies na binigay ko po


sa inyo before the sembreak? Gusto niyo po bigyan ko kayo ulit, Sir?”

“Ahm...” Nakalimutan niya na kung masarap ba ang cookies na binigay


nito noon. Pero naubos niya yata iyon—sila ni Sapphire, kaya siguro, baka masarap.
“Masarap ang cookies. Nag-enjoy kami ng asawa ko sa pagkain. It was thoughtful of
you. Pero hindi mo kailangan magbigay ulit.”
“No, Sir. I’ll surely bake and give you cookies po. And by the way po
pala, congrats po sa baby niyo!”

“Salamat, Cindy.”

“Bye, Sir! See you next week!” masayang-masaya pang paalam nito bago
ibaba ang telepono.

~~~

Next Update: April 15 (Wednesday)

Three Chapters to go!

=================

Chapter Forty-Eight

Reminder: Day-off muna ang comedy.

~~~

CHAPTER FORTY-EIGHT

HABANG nagsusulat si Johann sa blackboard ay may kaunting ingay siyang naririnig


mula sa klase. Ngunit hindi naman abala sa kanya iyon dahil sanay na siya. Hindi
naman ganoon kalakas iyon dahil dalawampu lang naman ang estudyante niya para sa
summer class na iyon.

Humarap siya sa mga estudyante niya pagkatapos magsulat. "Find the derivative of
the following functions. Who wants to solve the problems on the board for a graded
recitation?"

May tatlong nagtaas ng kamay kaya agad niyang tinawag ang mga iyon. Kailangan niya
pa ng dalawa kaya nagtawag na lang siya mula sa class record na nasa ibabaw ng desk
niya.

"Borja? Neil, Solve problem number four." Agad namang tumayo ang tinawag niyang
estudyante at lumapit sa board.
"For problem number five...del Rosario," he announced. Nag-angat siya ng tingin
nang hindi tumayo ang estudyanteng tinawag niya. "Del Rosario? Cindy?" tawag pansin
niya sa dalagang parang tulala habang nakatingin sa labas ng bintana ng classroom.

"Cindy, tawag ka ni Sir!" kalabit rito ng katabi.

Napapitlag naman ang dalaga at saka napatingin sa kaklase nito pagkatapos ay sa


kanya. "S-Sir!" anito at mabilis na ngumiti. "I'm sorry, Sir...Ahm, a-ano po
gagawin?"

Inabutan niya ito ng chalk. "Find the derivative of the function, Cindy. Sa number
five ka," mapagpasenyang sabi niya rito. Agad namang tumayo si Cindy at kinuha ang
chalk sa kanya. Pagkuwa'y sumagot na ito.

Sanay na siyang maka-encounter ng mga tulalang estudyante kaya hindi na bago sa


kanya iyon. Isa pa, sa nakalipas na isang linggo mula nang magsimula ang summer
class ay attentive naman si Cindy. Actually, buong klase niya ay attentive. Second
take naman na kasi ng mga ito ng Calculus I. Kaya nag-summer ang mga ito dahil
bumagsak ang mga ito last semester. Iba ang klase niya para sa mga nag-a-advance
naman na estudyante.

"Sa mga hindi sumagsagot sa board, sumagot din kayo sa scratch paper. Akala niyo
makakatakas kayo, ah?" nakangising sabi niya sa mga nakaupo lang. Nag-ungulan sa
protesta ang mga ito. "Sige na. I'll dictate the function then find its derivative
using the product rule. Graded recitation din 'to."

Nagkuhanan naman ng scratch paper ang mga ito at saka sinulat ang dinikta niyang
function.

Habang sumasagot ang mga ito ay tapos na ang tatlo sa limang nagsasagot sa board.
Ang naiwan na lang ay si Cindy at si Neil-na naging estudyante niya rin noong
nakaraang taon kasabay nina Cindy.

Napansin niyang tapos na si Neil sa pagsagot ngunit nanatili ito sa board at


tinulungan si Cindy na mukhang nahihirapan.

Hinayaan lang iyon ni Johann dahil siya rin naman ang magbibigay ng grade mamaya sa
mga ito.

"Hay nako, tinutulungan na naman ni Neil ang girlfriend niya."

"Sus, ano pa maasahan mo diyan kay Cindy? Tulala nga kanina, paano pa makakasagot?
Siyempre tutulungan siya ng syota niya. Hmp. Ang dali lang kaya ng binigay ni Sir
na function."

Bahagyang nilingon ni Johann ang dalawang estudyante na mahinang nagtsitsismisan sa


likod niya. Nagkibit-balikat lang siya. Wala namang problema kung may magnobyo man
sa loob ng klase niya.

Tumikhim siya nang makitang halos si Neil na ang sumasagot ng problem ni Cindy.
Aba, unfair na iyon.

Napalingon sa kanya si Cindy. "Sorry po, Sir Johann. I...I don't know what to do
po..." pag-amin nito at saka napayuko.

"Sir, ako na lang po sasagot para kay Cindy," sabi ni Neil.

Nagkaroon ng kantiyawan sa klase dahil sa sinabi nito. Umulan ng "Yihee!" at


"Ayiee!". Bahagya naman siyang napangiti. O, pag-ibig nga naman!

Tinapik-tapik niya ito sa balikat. "You may take your seat now, Neil." Bumaling
siya kay Cindy. "Ikaw din. Next time, be more attentive."

"I'm really sorry, Sir..." nakayukong sabi ni Cindy at saka bumalik sa puwesto
nito. Ganoon rin ang ginawa ni Neil na halatang mukhang nag-aalala para sa
girlfriend nito. Bahagya namang napakunot ng noo si Johann dahil sa pagkakatanda
niya ay masiyahin at palangiti lagi ang dalaga.

Ngayon niya lang nakitang ganoon ito na matamlay at tulala. Ngunit nagkibit-balikat
na lang siya. Baka may personal na problema lang ang dalaga. "Who wants to answer
number five?" sabi na lang niya sa klase. May nag-prisinta naman kaya agad niya
iyong tinawag.

Pagkatapos i-derive ang huling function na sinulat niya sa blackbooard ay


pinapaliwanag niya sa mga sumagot ang ginawang pag-solve ng mga ito. Hawak niya ang
class records at saka binibigyan ng marka ang mga estudyante. Pinapasa niya rin ang
mga sumagot sa papel ng binigay niyang ibang function. Siyempre, iba ang grade
niyon sa mga sumagot at nagpaliwang sa harap.

Pagkatapos ng lahat ng iyon ay saktong natapos na rin ang oras ng klase. "Class,
huwag niyong kalimutang may quiz tayo next meeting. About product and quotient
rule. Baka magsama na rin ako ng chain rule. So that we can move on to our next
topic," bilin niya sa mga ito na nag-aayos na ng mga gamit.

"Yes, Sir!"

"Kitakits!" pa-cool na paalam niya sa mga ito bago siya naunang lumabas ng
classroom dala ang libro at class record niya.

Pagdating niya ng faculty room ay binaba niya ang mga gamit sa desk at saka humarap
sa computer. After an hour and a half pa ang next class niya kaya naman gagawa muna
siya ng ibang trabaho-mga reports na iniwan ni Sir August at sa kanya pinapatapos
dahil siya lang naman ang may maluwag-luwag na schedule kung ikukumpara sa ibang
propesor na kasama niya.
Pagbukas niya ng computer ay agad na bumunga ang desktop wallpaper niya. Napangiti
siya dahil picture iyon ni Sapphire habang buhat-buhat si Isaiah. Agad niyang na-
miss ang mag-ina nya kahit tatlong oras pa lang naman nang huli niyang makita ang
mga ito bago siya pumasok sa trabaho.

Sa paglipas ng mga araw ay natutunan na rin ni Sapphire kung paano alagaan ang anak
nila. Hindi na nakiki-"duet" pa ang misis niya kapag biglang umiiyak si Isaiah.
Sabi na nga ba at talagang mag-i-improve si Sapphire kung gugustuhin lang nito.
Panatag na siyang naiiwan ang dalawa dahil stable na rin naman si Sapphire at hindi
na ito emosyonal katulad ng mga nakaraang araw.

Iyon lang ay bumalik na ang pagkamaldita nito kaya minsan nara-ratratan na naman
siya ng Ingles kapag hinihiritan niya ng "jokes" niya.

Ganado at nakangiting gumawa ng reports si Johann, kahit noong una ay tamad na


tamad siyang ituloy ang basta na lang na iniwang trabaho ni Sir August. Wala, eh.
Inspirado na siya dahil lang sa misis at anak niyang wallpaper niya.

Pagkatapos niya roon ay pumasok na siya sa susunod na klase. Habang papunta sa


classroom ay nakasalubong niya si Sir Darwin na mabagsik ang anyo at mukhang
mananakmal kahit anong oras.

Hindi niya tuloy alam kung babatiin ba ito o hindi. Baka bigla siyang kainin!

Bigla itong bumaling sa kanya. "What's your next class?" biglang tanong rin nito.

"Ah, Advance Algebra po sa room-"

"After that, wala ka na bang klase?" putol nito agad sa sinasabi niya.

"Yes, Sir. Uuwi na po ako pagkatapos," magalang niyang sabi. "Gusto niyo pong
sumama sa bahay? May ihahanda po yatang merienda si Sapphire."

Pagkabanggit ng pangalan ng misis niya ay naging malambot na ang ekspresyon ng


mukha nito. Ah! Pangalan lang pala ang misis niya ang magpapakalma sa tatay-tatayan
nito. Napabuntong-hininga si Sir Darwin. "Can you stay? May mga reports na
kailangang tapusin. Ipapasa bukas sa dean." Napahilot ito sa sentido. "Napakaraming
iniwang trabaho ni Augustine," he whispered, stressed.

Tumango na lang siya. Siguro kaya bad mood ito ay dahil nga sa mga nabinbing
trabaho ng kapatid nito na napasa na lang kung kani-kanino. "Sige po, Sir.
Tatawagan ko na lang si Saphi na late na 'ko makakauwi."

Tumangu-tango ito at saka siya nilagpasan. Nagtuloy na rin siya sa klase niya at
nag-umpisang magdiscuss pagkarating sa klase. Pagkatapos niyon ay naging abala na
siya sa mga pinagawa sa kanya ni Sir Darwin. Pasado alas singko na nang matapos
siya. Nagulat pa siya nang makitang siya na lang ang natira sa loob ng faculty
room.

Aba't sumobra yata siya sa sipag?

Dali-dali niyang sinara ang computer at inayos ang mga gamit. Gusto niya nang
umuwi! Nasasabik siyang laruin si Isaiah at lambing-lambingin ang asawa. Sobrang
pagod na siya at sumasakit na rin ang batok at likod niya. Pero siguradom pagkauwi
niya ng bahay ay mawawalang lahat ng iyon.

Binitbit niya ang dalang laptop bag at saka niya sinara ang lahat ng ilaw sa
faculty. Sinara niya ang pinto at ang security guards na ang magla-lock niyon.

Habang naglalakad siya papunta sa parking lot ay napahinto siya nang may marinig na
nagtatalo sa hallway.

"What's the matter with you, Cindy? Hindi na kita maintindihan!"

"I told you, Neil, leave me alone. Ayoko munang pag-usapan. Please..."

"What? Is it about your parents again? Come on, that's an old issue. Halika, sumama
ka na lang sa'kin sa bahay. Wala sila Mama..."

"No! Ayoko!"

"Babe-"

"I said no!"

Nakita ni Johann na mabilis na tumalikod si Cindy habang umiiyak na tumakbo palayo


kay Neil. Parang talunan naman ang itura ng binata.

Napailing-iling na lang siya at nagtuloy sa paglalakad. Hindi na bago sa kanya ang


makakita ng mga ganoong eksena. Tutal, lagi namang may kanya-kanyang drama ang
buhay. Lalo na ang buhay ng mga estudyante.

Malapit na siya sa kotse niya nang may marinig siyang pag-iyak. Luminga-linga siya
at nakita si Cindy na umiiyak habang nakaupo ito sa ilalim ng isang puno sa parking
lot.

Kahit gusto niyang huwag na pansinin ang dalaga ay parang ang sama naman kung
hahayaan niya lang ito doon.
"Miss del Rosario? Cindy?" untag niya rito.

Napatingala ito sa kanya na hilam ng luha ang mga mata. Nilukuban naman siya ng
awa. Kaya siguro ito tulala sa klase kanina. May kinikimkim talaga ito. Pagkatapos
ay nakita niya pa kanina na nakipagtalo ito sa nobyo. Kawawang bata.

Kinapa niya ang bulsa para kumuha ng panyo. Sakto! May dala siya. Inabot niya iyon
rito. "Bakit ka naman dito umeeksena, hija? Padilim na, o. Mag-emo ka na lang sa
bahay niyo. Para safe ka."

Kinuha nito ang panyo. "T-Thank you, Sir...Sorry if you have to see me like this."

Sa totoo lang nga ay hindi siya sanay na makita itong ganoon. Sa nakalipas na
dalawang linggo ay lagi nga itong nakangiti sa klase niya. Kapag nakikipag-usap pa
sa kanya ay parang laging masaya. Hindi niya na lang pinapansin kapag nakakarinig
siya ng sobrang kalambingan sa tinig ng dalaga dahil baka ganoon talaga ito
magsalita.

Sabi ni Sapphire, may "crush" daw sa kanya ang dalaga. Wala namang problema na may
humanga sa kanya. Isang dekada na siya nagtuturo! Sanay na siya. Pogi problems!
Pero hindi naman siya kahit kailan nag-take advantage sa mga estudyante niya kahit
noong single pa siya.

"Kung anuman ang problema mo, magdasal ka. Hingi ka ng strength kay Lord," sabi na
lang niya dahil ayaw naman niyang usisain ito. "Saka umuwi ka na rin. Baka mapaano
ka pa rito."

Pagtalikod niya ay tinawag siya nito.

"Sir!"

"Hmm?" lingon niya rito.

Nakatayo na ito. "Paano po 'tong panyo niyo?"

He smiled. "Mas kailangan mo iyan. Ipampahid mo ng luha mo. Singahan mo pa, okay
lang."

Nakagat nito ang ibabang-labi. "Sir..." parang nag-aalangan ito na may idugtong.
Napabuntong-hininga ito. "S-Sir, puwede po magtanong?"

Nilagay niya ang isang kamay sa bulsa. "Tungkol saan?"

Nangilid na naman ang luha sa mga mata nito. "B-Bakit po may ibang mga magulang na
walang pakialam sa anak nila? Why are they s-selfish?"
"Huh?" kunot noong sambit niya.

Suminghot ito. "K-Kasi, Sir...iyong parents ko po, walang pakialam sa'kin. Last
year, naghiwalay na po sila. Pumunta na po ng ibang bansa si Papa kasama ang
girlfriend niya. Si Mama naman po, may bago nang boyfriend... tapos po, hindi na po
nila ako pinapansin..." Napahagulgol na ito ng iyak. "Noong una akala ko po kaya
kong tiisin. Pero ang sakit-sakit na p-po... B-Bakit po ganoon? H-Hindi po ba nila
ako mahal?"

Nahawa si Johann sa kalungkutan ng dalaga. Dinig na dinig niya ang sakit sa mga
sinabi nito. Matagal na pala itong may kinikimkim. Matagal na itong nagtatago sa
pekeng ngiti.

Biglang niyang naalala si Sapphire. Ganoong ganoon ang tinig ng asawa niya nang una
niyang beses marinig ang hinanakit nito sa ina. Sapphire used to be a neglected
child like him...like Cindy now.

Mas lalong naiyak si Cindy at tinakpan nito ang mukha. "S-Sir, nakakapagod na po
ngumiti lagi. Nakakapagod na pong manghingi ng pagmamahal sa ibang tao... gusto ko
lang naman po, mahalin ako ng parents ko...Pero may kanya-kanya na po silang
buhay..." hagulgol nito. "B-Bakit naiwan po ako, S-Sir...?"

Kusang gumalaw ang katawan ni Johann at niyakap niya ito-iyong yakap na katulad sa
isang ama sa kanyang anak, o ng kuya sa kanyang nakababatang kapatid.

Wala siyang masabi. Ngunit alam niyang iyon lang ang kailangan ng isang batang
pusong nawasak-isang yakap ng kakampi.

~o~o~o~

NANG sumunod na meeting ay hindi pumasok si Cindy sa klase ni Johann. Hindi na siya
masyadong nagtaka roon dahil baka kailangan ng dalaga ng pahinga dahil sa emotional
stress.

Pagkatapos niyang malaman ang hinanakit nito ay pinayuhan niya lang ang dalaga na
magpakatatag at magdasal. Hindi niya alam kung sinunod ba ni Cindy ang payo niya
dahil wala na siyang narinig rito pagkatapos niyon.

Naisip niyang magtanong sa mga kaibigan ni Cindy pagkatapos ng klase. "May balita
ba kayo tungkol kay Cindy? Bakit di siya pumasok ngayon?" pasimpleng tanong niya.

"Ah, Sir Johann, masama daw po kasi ang pakiramdam niya magmula pa po ng isang
araw. Pero next meeting, Sir, papasok na po siya."

Tumangu-tango lang siya. "Sige. Pakisabi sa kanya, get well soon. At sana makahabol
siya sa bagong topic natin. O, ingat kayo."

"Salamat, Sir!" Pagkaalis ng mga ito ay pumunta na rin siya ng faculty room.
Humarap siya sa computer niya at tinapos na ang mga reports na pinapagawa sa kanya.
Sa ngayon, malapit niya nang matapos ang lahat ng iniwang trabaho sa kanya. Ipapasa
niya na lang iyon kay Sir Darwin at ito na ang magpapasa sa dean.

Pagkaraan ng isang oras ay tumunog ang cellphone niya. Singato niya iyon at narinig
ang boses ng kapatid.

"Hello, Kuya! I just like to inform you na ready na for set-up iyong place para sa
anniversary niyo ni Sapphire two weeks from now."

Napatuwid siya ng upo at napangiti ng malapad. "Yes! Salamat, Agatha! So, puwede ko
na gawin kahit anong gusto ko sa lugar na iyon?"

"Yep! You want me to help?"

"Hindi na. Alam kong busy ka sa pagiging nanay. Sila Prince at Charlie na lang ang
hiningan ko ng tulong. Okay na iyong nakahanap ka ng lugar. Maraming salamat!"

"Okay. God bless, Kuya! Pakikumusta na lang ako kay Sapphire. And kiss baby Isaiah
for me."

"Pakihalik rin ako sa pamangkin ko. Mag-iingat ka, ha? Sabihin mo kapag inaapi ka
na ni Reeve diyan. Suntukin natin," biro niya. Naalala niya tuloy nang sinuntok
siya ni Reeve noon dahil nagseselos ito sa kanila ni Agatha nang hindi pa nito alam
na magkapatid sila ng babae.

Nang matapos ang tawag ay tumayo na siya at pr-in-int ang documents na kailangan
niyang ipasa. Salamat naman at saktong natapos niya na iyon bago pa niya simulang
paghandaan ang anniversary nila ng asawa.

Pagkatapos ng kalahating oras ay nakaayos na iyon sa dalawang folder at pinirmahan


niya ang mga papel. Iniwan niya iyon sa ibabaw ng desk ni Sir Darwin nang matapos
siya. Pumasok na rin siya sa susunod niyang klase.

Nang uwian na ay hindi agad siya umuwi at pumunta muna sa lugar na pagdadalhan niya
sa asawa pagdating ng anniversary nila. Bigla siyang nasabik nang makita ang lugar
na walang kalaman-laman. Marami siyang puwedeng gawin.

Nang tumitig siya sa malaki at puting dingding ay alam na niya ang gagawin. Ang
dami niyang naiisip na pakulo para sa araw niya at ni Sapphire. Sana magawa niya
lahat ng tama.

Napangiti siya at inobserbahan ang buong lugar. Pakikiligin niya ng todo ang asawa!
~o~o~o~

"AT SAAN ka naman galing?" nakapameywang na tanong ni Sapphire kay Johann. Alas-
otso na at saka palang ito umuwi.

"Nag-over time," nakangiting sagot nito. "Sinabi ko sa'yo na may mga tinatapos
akong division reports, hindi ba?" Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa
pisngi.

Tumaas ang kilay niya. "Nag-over time ka lang talaga?" tinignan niya ito ng
mataman. Sa mga nakalipas na araw ay lagi na lang itong late kung umuwi galing ng
trabaho. Naniniwala naman siya na may tinatapos itong reports, kaso nakausap niya
kanina ang Daddy Darwin niya at sinabi sa kanya ng ama-amahan na last week pa
natapos ni Johann ang naiwang trabaho rito.

So, ano ang ibang pinagkakaabalahan nito at bakit sobrang late na kung umuwi ito?

Nag-iwas ng tingin si Johann. "Ahm...at saka may ginawa lang ako kasama iyong mga
pinsan ko. Alam mo naman, may misyon na naman kami para si Charlie naman ang
makapag-asawa na."

Tumaas ang kilay niya at tinalikuran ito upang balikan ang niluluto niyang hapunan.

"Si Isaiah?"

"Natutulog," sagot niya. "Don't wake him up. Mahirap na siyang patulugin."

"Sayang. Hindi ko naabutan."

"Umuwi ka kasi ng maaga sa susunod," parinig niya at saka sinara ang kalan. Isang
buwan na si Isaiah ngayon at natutuwa talaga siya sa anak niya dahil magkasundong-
magkasundo sila. Mas madalas na siyang kasama ni Isaiah sa bahay dahil nga
pumapasok si Johann ng trabaho. Mas nakabisado niya ang anak at hindi na siya
kinakabahan kapag umiiyak ito.

Well, she must say, she had improved a lot! Dinadala niya pa minsan si Isaiah sa
bookstore niya na malapit na ang opening. At lahat ng staff niya ay natutuwa rito.
Isang buwan pa lamang at marunong nang ngumiti si Isaiah! Siya ang unang nakasaksi
niyon at ininggit niya pa si Johann dahil nasa trabaho ito nang unang ngumiti ang
anak nila.

"Kumusta ang bookstore? Ready for operations na ba?" tanong nito habang hinuhubad
ang polo na suot.
"Malapit na. We're just fixing tiny details na lang. How about your classes?"

"Nakaka-apat na linggo na'ko ng summer class. Dalawang linggo na lang, tapos na!"

"Natatapos mo ang topic mo on-time?"

"Oo. May isang klase lang na medyo delayed dahil hindi ganoon kataas ang mastery
level nila sa huling topic kaya hindi ako makausad." Sumandal ito sa may lababo at
pinanood siya sa pagluluto. "May chismis ako."

She rolled her eyes. "Ano na naman?" Sa tuwing uuwi ang mister niya ay lagi itong
may kuwento sa kanya. Well, it's kind of good dahil kapag napag-uusapan nila iyon
ay nagpapalit sila ng mga opinyon tungkol sa "chismis" na dala nito.

"Nakuwento ko na sa'yo iyong tungkol sa problema ng isa kong estudyante, di'ba? Si


Cindy?"

Tumango siya. Weeks ago, that little flirty girl with big boobs sought comfort from
her husband. Well, naiintindihan niya naman ang problema ng dalaga sa pamilya.
Napuno lang siguro ito at walang ibang masabihan kundi ang asawa niya na may puso
para sa mga kawawa. Still, kahit gusto niyang intindihin na may problema lang ang
bata, masama pa rin ang kutob niya rito. And she does not know why. But from the
very start, Cindy smelled of danger.

Pero lagi niyang pinipigil na mag-isip ng masama tungkol sa dalaga. Ito na ang
kawawa dahil sa mga pinagdadaanan, iniisipan niya pa ng ganoon? Hanggang sa wala
naman itong ginagawang hindi maganda, hahayaan niya lang siguro.

"What's with her now?"

"Iyong boyfriend naman niya problema niya ngayon. Nag-confide sa'kin kanina iyong
bata. Natatakot na daw siya kay Neil dahil madalas ay pinipilit siyang makipag-
ano."

Napakunot-noo siya at napalingon rito. "What?"

"Alam mo na...lagi daw siyang pinipilit na pumunta ng bahay ng binata. Ayoko ngang
maniwala kasi kapag nakita mo si Neil, mukhang hindi makabasag-pinggan, eh. Saka
siya iyong parang hindi naman siguro kailangan mamilit ng babae para maikama. Pero
nakikita ko

You might also like