KASAL

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KASAL

TAUHAN:
Behati- Kasintahan ni Peter
Peter- Kasintahan ni Behati
Anne- Matalik na kaibigan ni Behati
Layla- Nanay ni Behati
Carlos- Katrabaho at pinsan ni Behati
Babae- Nurse na nag-alaga kay Behati

PROLOGO:
Mag-dadalawang taon ng magkasintahan si Peter at Behati at kinabukasan ay may
nakahandang sorpesa si Peter para sa kanyang kasintahan….

Peter: Love punta tayo sa White Garden Place sunduin na lang kita sa inyo.
Behati: Bakit love anong meron?
Peter: Wala ka bang naaalala? Mahalaga pa naman ang araw para sa atin bukas.
Behati: Ha? Anong meron wala talaga akong matandaan ehhhh..
Peter: Bahala ka dyan, mauuna na akong umuwi hindi na kita maihahatid sa inyo.
Behati: Sorry na love, bukas antayin kita sa bahay ako wag ka nang magalit.

Dahil nga sa nangyaring ayaw kanina nang dalawang magkasintahan ay umuwing mag-isa si
Behati nag-iisp kung ano nga ba ang meron bukas kung bakit ganun nalang ang galit ng kanyang nobyo
sa kanya…

Behati: Ano kayang meron bukas, bat wala akong maalala.


*Kriiiiiingggggg….. Kriiiiinnnggg…*
Behati: ( Kinuha ang telepeno mula sa bag at kanya itong sinagot kaagad.) Hellooooo!!!
Anne ( Matalik na kaibigan ni Behati) : Oh! best aadvance na ako nang bati sayo ngayon para hindi
ako makaistorbo sa inyo bukas ni Peter.
Behati: Ha? Ikaw din ano bang meron bukas, bat parang ako lang ang walang maalala!
Anne: Ehh? Hindi mo alam kung anong meron bukas?
Behati: Anong bang meron bukas?
Anne: Anniversary niyo bukas ni Peter, wag mong sabihin na nakalimutan mo nanaman.
Behati: Hala! kaya pala nagalit siya kanina, magso-sorry na lang ako bukas at maghahanda ako nang
regalo tutal magkikita naman kami bukas.
Anne: Ilang beses na yan sa dalawang taon niyong magkasintahan lagi mong nakakalimutan.
Behati: Oo nga ehhh hindi ko din alam kung bakit. Sige bye na maghahanda pa ako ng regalo ko para
bukas para hindi na magalit si love bukas. Love you best night.
Anne: Sige, Bye na best love you night din.
*Ting*
Pagka-uwi ay dumiretso kaagad si Behati sa kanyang kwarto. Maya- maya lamang siya ay
nakatulog.

*Kinaumagahan*

Layla ( Ina ni Behati): Ang tagal naming gumising ni Behati tanghali na. Behattiii bangon na
dyaannn…
Behati: Opo, babangon na. (lumabas patungong kusina) Anong petsa at oras na ba Nay?
Layla: Ano! Nakalimutan mo nanaman March 11 ngayon at kanina ka pa din inaantay ng kasintahan
mo sa sala, bakit nakalimutan mo naming may usapan kayo ngayon at anong oras na oh.
Behati: Sige Nay, maghahanda na ako at bakakanina pa naghihintay si Peter don.
Layla: Talaga.

*Sa kotse habang bumabyahe patungong White Garden Place*

Peter: Sabi mo aantayin mo ko, Eh pagdating ko tulog ka pa. Alam mo naming mahalaga tong araw na
to para satin.
Behati: Oo na love, Sorry na ano nga ulit nga meron ngayon?
Peter: Anniversary natin ngayon nakalimutan mo!
Behati: Hehe.. love hindi naman nawala lang sa isip ko, sorry na.
Peter: Nawala sa isip nakaraang taon din ganondin nangyari.Tara na baba na tayo nandito na tayo,
enjoy na lang natin tong araw na to bukas busy nanaman tayo sa trabaho.
Behati: Sige love, sorry na ulit Happy Annivesary satin love I love you.

Masayang nag-iikot ang dalawang magkasintahan sa loob ng Garden at nang mapagod ay dinala
na ni Peter si Behati patungo sa kanyang inihandang sorpresa para sa kanyang nobya.

Peter: Tara love dito tayo upo may inihanda akong pagkain para satin ako nagluto lahat niyan.
Behati: Talaga love! salamat dito mapapadami nanaman ang kain ko nito hahha..
Peter: Love pagkatapos mo palang kumain mamaya meron daw fireworks display doon punta tayo.
Behati: Sige love, bilisan natin baka hindi natin maabutan.

* Pagkatapos kumain ay dumiretso kaagad sila Peter at Behati para manood ng fireworks
display *

Behati: Bakit walang tayo?


Peter: Baka papunta pa lang yung iba.
Behati: Ahhhhh sige love pwesto na tayo.

* Habang nakapwesto si Behati paharap sa langit ay agad na tumalikod si Peter upang


senyasan ang kanyang inutusan na magpaputok ng fireworks *

Behati: Ayan na love sayang tayo lang makakakita ( nagbigla si Behati sa nakitang Fireworks umiiyak
na humarap si Behati kay Peter at nagulat siyang nakita tong nakaluhod.)
Peter: Behati, Love Will You Marry Me?
Behati: Yes love! I will marry you.
Peter: Thank you love, I love you.
Behati: I love you too.

*Umuwing masaya ang magkasintahan dahil sa nangyari ngayong gabi at nakatulog sila
nang may ngiti sa labi.*
*Kinabukasan sa trabaho*

Behati: Magandang umaga sa inyong lahat!!!


Carlos ( Katrabaho ni Behati at pinsan): Bakit ang saya mo ata?
Behati: Kasi nag-propose na sakin si Peter kaya ako masaya ngayon.
Carlos: Ano? Pero alam mo naman yung sitwasyon mo baka lalo mo siyang masaktan niyan dahil sa
mga larawan kaya ok ka pa ngayon. Pero sa susunod kahit may larawan ay baka hindi mon a kayanin.
Paano yan?
Behati: Ibigay mo na sakin to.
Carlos: Sorry insan.
Behati: Ok lanq tama ka naman. Mamaya may ipapaabot ako sa iyo kay Peter pagkatapos ihatid mo na
ako.

* Buong oras ay inilaan ni Behati sa pagsusulat nang letter para kay Peter upang
magpaalam. Ngunit nakakailang ulit na siya ay hindi pa rin niya maisip kung ano ang kanyang isusulat
sa paraang hindi masasaktan ang kanyang kasintahan.*

* Makalipas ang tatlong buwan*


* Tatlong buwan na hinahanap ni Peter si Behati pinagtatanong na niya ito sa kanyang
magulang, kaibigan at katrabaho ngunit walang nakakalam kung nasaan ito. Halos mabaliw na si Peter
kung bakit biglang nawala ito samantalang masaya naman silang naghiwalay nung gabing yon sinagot
rin siya ni Behati, kaya nagtataka siya kung ano ang dahilan. *

Toktok.. Toktokk.

Peter: ( Tumayo siya at nagmamadaling buksan ang pinto) Behati! Carlos? alam mo ba kung nasaan si
Behati?
Carlos: Sorry pare ngayon ko lang naibigay galling kay Behati ito din pala yung address kung nasan
sya.
Peter: Sige samalat.

* Nagmamadaling magmaneho si Peter ngunit hindi niya pa nabubuksan ang sulat nakarating
kaagad si Peter at agad na nag kumatok.*
Tooktokk.. Toktoktok..

Babae (Nurse): Sino hanap nila?


Peter: Si Behati?
Babae: Ahhh si mam Behati, pasok po kayo. Nandon niya sa balkonahe puntahan niyo na lang po.
Peter: ( Agad niyang nilapitan si Behati at kanya itong tinawag) Behati! ( ngunit hindi man lang ito
humarap kaya iniharap niya si Behati sa kanya) Behati bakit bigla kang nawala may nagawa ba ako?
Ano yun? ayusin natin magpapakasal pa tayo!
Behati: Sino ka? At ako si Behati?
Peter: ( Nalilito si Peter kung bakit ganon ang asta ni Behati at napansin na lamang niya ang kanyang
hawak na sulat agad niyang itong binasa.)

Mahal kong Peter,


Hello love gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita sorry kung hindi ko agad nasabi
pero salamat sa mga larawan natin patuloy kitang nakakasama at naalala. Pero bawat araw na
lumilipas lalong lumalala masaya ako dahil handa kang pakasalan pero ayokong matali ka sa
taong makakalimutan ka din naman pag- lipas ng panahon. Pag nabasa mo to gusto ko hayaan
mo na lang ako alam kong makakahanap ka pa nang iba na mas mamahalin mo nang higit kaysa
sakin. Pero lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita sorry kung nakalimutan kita.

Nagmamahal.
Behati (LOVE)

* Lumuluhang iniangat ni Peter ang kanyang mata kay Behati ngunit si Behati ay
nananatiling nagtataka at nagtatanong ang mukha kung sino ang nasa harapan niya.*

You might also like