Ang dokumento ay tungkol sa anim na Sabadong paglalakbay ng isang batang lalaki na nagngangalang Rebo sa kanyang paglaban sa sakit. Sinasalaysay ang kanyang mga gawain at kalagayan tuwing Sabado mula sa unang Sabado hanggang sa huling Sabado bago siya pumanaw.
Ang dokumento ay tungkol sa anim na Sabadong paglalakbay ng isang batang lalaki na nagngangalang Rebo sa kanyang paglaban sa sakit. Sinasalaysay ang kanyang mga gawain at kalagayan tuwing Sabado mula sa unang Sabado hanggang sa huling Sabado bago siya pumanaw.
Ang dokumento ay tungkol sa anim na Sabadong paglalakbay ng isang batang lalaki na nagngangalang Rebo sa kanyang paglaban sa sakit. Sinasalaysay ang kanyang mga gawain at kalagayan tuwing Sabado mula sa unang Sabado hanggang sa huling Sabado bago siya pumanaw.
Ang dokumento ay tungkol sa anim na Sabadong paglalakbay ng isang batang lalaki na nagngangalang Rebo sa kanyang paglaban sa sakit. Sinasalaysay ang kanyang mga gawain at kalagayan tuwing Sabado mula sa unang Sabado hanggang sa huling Sabado bago siya pumanaw.
Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20
Anim na Sabado ng Beyblade
(Bahagi lamang) Ni Ferdinand Pisigan Jarin
Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na
niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng mga tao kasabay ng biling wag kalimutan ang regalo at pagbati ng Happy Birthday, Rebo! kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-maraming laruan. Stuffed toys, mini-helicopter, walkie-talkie, crush gear, remote controlled cars, at higit sa lahat, ang Beyblade.
Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming
Beyblade. Tinanggap niya ang lahay ng ito at marami pang iba sa kanyang kaarawan. Sa kanyang pagtuntong sa ikalimang taon. Kahit hindi totoo. Kahit hindi pa araw. Ikalawang Sabado, naki-bertdey namansiya. pagkatapos ay muling naglaro ng Beyblade kasama ang mga pinsan.
Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado,
sorpresa ko siyang dinalaw.Unti-unti na siyang nanghihina. Bihhira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kanyang kamay o di kayay bulsa. Ang nakapangngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kanyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang dina kaya ng kanyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng matitigas na butil ng dugo sa kanyang gilagid.
Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong
ikinagulat nang tanungin niya ako ng; Tay, may peya a? (Tay, may pera ka?) dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na agad naman niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kanyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kamiy pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggamna ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinauupuan.
Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado.
Subalit di na kusang nalagas ang buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad.Matapos ang pagtatanghal bagamat di man lang siya makangiti at makatawa. Kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.
Di na maikakaila ang patuloy na pagkapawi ng lakas ng
aking anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng Beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kanyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang maliliit na helicopter na tumataas at bumababa na tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ang tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwiy nahiga nang nahiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado.
Eksaktong katapusan. Kasabayng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, Ibinuga niya ang kanyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap dahil pagpasok ko pa lang ng pintuay pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.
Sige na Bo, salamat sa apat na taon. Mahal ka namin.
Paalam. Ikaanim na Sabado ng paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito. Payapa na siyang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa isang lugar na walang sakit, walang gutom,walang hirap. Payapang magpa-paikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapinang kirot ng pagkalungkot.