She Who Stole Cupids Arrow - Alyloony
She Who Stole Cupids Arrow - Alyloony
She Who Stole Cupids Arrow - Alyloony
Prologue
"Alam ko ang ginawa mo," sabi sa'kin nung lalaking naka-sandal sa pader ng
apartment ko. Naka-crossed arms siya habang naka-ngisi siya sa akin na para bang
nahuli niya akong gumagawa ng kasalanan.
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya at lumapit siya sa'kin.
"Sino ako? Pwede mo akong tawaging Eros. Pero mas kilala ako sa
pangalang Cupid. At sa ating dalawa, ikaw ang magnanakaw."
Pinanliitan ako ng mata nung lalaki. Seryoso na ngayon siyang nakatingin sa'kin.
"You broke into my lair and you stole my bow and arrow."
This isn't happening. Nag hahallucinate lang siguro ako. Hindi totoo
ang mga nangyari kanina at nung mga nakaraang araw. Yung magandang babaeng naka-
belo, yung kumikinang na compass at love potion, pati yung malaking bahay na
pinuntahan ko at yung pana ni kupido... hallucination lang lahat nang yun.
"You are not hallucinating, Jillian. Totoo ang lahat ng mga nangyayari
sa'yo," sabi sa'kin nung lalaki na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Ninakaw mo ang pana ko at pinlano mo itong gamitin kay Luke, tama ba?"
Totoo ang sinabi niya. Ninakaw ko ang pana niya at ibinuhos ko doon ang
love potion na ibinigay nung babaeng naka-itim na belo. Pero nung papanain ko na si
Luke, biglang dumating si West at siya ang tinamaan ng pana.
"Alam mo bang dahil sa ginawa mo, ginulo mo ang timeline ko, limang tao
ang nanganganib na hindi na mahahanap ang one true love nila, at mauudlot na naman
ang pagkikita namin ng asawa kong si Psyche dahil kailangan kong ayusin ang gulong
ginawa mo."
He took a step forward at bigla niyang hinawakan ang magkabilang kong braso.
Tinitigan niya ako ng seryosong-seryoso sa mata na halos atakihin ako sa puso dahil
sa sobrang kaba ko sa kanya.
***
This week ko rin po ippost ang first chapter nito. Pag napost ko na ang Epilogue ng
Angel in Disguise :D
Note: May ilang greek gods/godesses akong babanggitin sa story na 'to na hindi po
talaga nag-eexist sa Greek Mythology. :)
Chapter 1
Chapter 1
"Pumalpak ka na naman."
Nakakunot ang noo ng editor-in-chief namin na si Sir West habang nakatingin sa'kin.
Sa table niya may nakalatag na tatlong libro Mga book sample ng librong ire-release
namin two weeks from now.
"Ano po ba ang problema?" tanong ko sa kanya while avoiding his gaze. Wala naman
talagang nabubuhay na nilalang ang nakaka-tingin ng diretso sa mata ni Sir West eh.
Pakiramdam ko katapusan ko na pag inangat ko ang tingin ko sa kanya.
"Anong problema? Yung trabaho mo ang problema! May mga naka-lusot na naman na
typographical and grammatical errors! Ano ba Jillian, kailangan mo na ba ng salamin
ha?"
Dali-dali kong kinuha yung mga book sample at naka-simangot akong bumalik sa table
ko.
Ang sungit-sungit talaga ng boss namin! Kung matandang binata siya maiintindihan ko
eh kaso hindi. Halos magka-edad lang kami pero yung kasungitan niya dinaig pa ang
babaeng nag me-menopause. Laging lukot ang noo at salubong ang kilay.
Isa akong proofreader sa isang publishing house. Kung hindi nga lang maganda ang
pa-sweldo rito, matagal na akong nag quit dahil laging akong pinag-iinitan ni Sir
West. Feeling ko kada nakikita niya ang pagmumukha ko eh bigla na lang nasisira ang
araw niya.
Wag siyang mag-alala. The feeling is mutual. Sadyang malas lang ako dahil mas
mataas ang posisyon niya sa'kin.
Napa-buntong hininga na lang ako at binuklat yung book sample. Hinanap ko yung mga
ini-highlight ni Sir West na dapat kong ayusin.
Tatlo! Tatlo lang! Yung isa sumobra lang ng spacing. Tas kung pagalitan niya ako eh
akala mo pumatay ako ng tao!
Napalingon ako bigla sa likuran ko at nakita kong nakatayo doon ang layout artist
naming si Luke. Naka-ngiti siya sa'kin habang may hawak-hawak na mug.
"Uminom ka muna ng kape para mawala ang init ng ulo mo," inilapag niya 'yung mug ng
kape sa table ko.
"T-thanks Luke!"
"Wag mo na pansinin 'yun. Wala kasi siyang lovelife kaya siguro masungit," pabulong
at natatawa-tawa niyang sabi sa'kin bago siya bumalik sa desk niya.
Ininom ko yung kapeng tinimpla ni Luke at parang biglang nawala ang init ng ulo ko.
Napalitan agad 'to ng kilig at para na akong shunga na nakangiti mag-isa sa tapat
ng desktop ko. Jusko. Sa ginawa niyang ito, hindi na naman ako makakatulog mamayang
gabi.
Si Luke ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako makapag-resign sa publishing
house na 'to. At in the first place, siya rin ang dahilan kung bakit dito ako nag
apply ng trabaho.
First year college pa lang kasi, type ko na siya. Hanggang sa lumalim na ng lumalim
at siya na ang laman ng utak ko. Kahit anong gawin niya, kahit saan siya magpunta,
lagi akong nandoon. Sabi nung mga kabarkada ko, ang creepy ko kasi mukha na akong
stalker ni Luke. Pero dinedma ko lang sila. Hindi kasi sila nila alam ang
nararamdaman ko eh. Hindi sila ang na-inlove at lalong hindi sila ang nabiktima ng
pana ni kupido.
Pero lecheng kupido 'yan, ako lang ang pinana. Ni-hindi man lang naisipang panain
na rin si Luke para maging masaya na kami.
Limang taon na ang unrequited love na ito. Hanggang kelan pa kaya ako mag-aantay?
Buong magdamag, si Luke ang laman ng isip ko. Hindi tuloy ako makapag-concentrate
sa pino-proofread kong manuscript. Kaya naman ng ipasa ko ulit ito kay Sir West,
nabulyawan na naman ako.
Napayuko na lang ako at paulit-ulit nag sorry. Napilitan pa akong mag overtime. At
dahil doon, ginabi ako ng uwi. Pagdating ko sa may kanto ng baranggay namin, wala
ng pila ng tricycle kaya no choice ako kundi ang maglakad. Hay buhay 'to.
Ang dilim-dilim ng daanan. Wag sana akong maka-salubong ng mga lasenggo, masasamang
tao, engkanto o aso. Pag tumili ako, walang makakarinig sa'kin. Hindi pa ako
pwedeng mamaalam sa mundong 'to. Hindi ko pa nakukuha ang puso ni Luke. Kailangan
pang maging kami, magpakasal, magka-anak at tumanda ng magkasama bago ako mawala sa
mundong 'to.
Nasaan na ba si Cupid? Ba't hindi na niya kasi panain si Luke para ma-inlove na
sa'kin. May kotse pa naman siya. Hindi na ko kinakailangan mag commute pauwi pag
naging kami.
"Wag ka nang umasa. Hinding-hindi ibibigay ni Cupid sa'yo ang lalaking gusto mo."
Isang babae na halos ka-edaran ko ang naka-ngiti sa'kin. Naka-suot siya ng itim na
mahabang bestida na longsleeves at may nakabalabal na belong itim sa ulo niya.
Napalunok ako bigla. Hindi kaya multo ang babaeng 'to o engkanto? Nandito pa naman
kami ngayon sa tapat ng narra tree. Hindi ba bali-balitang sa narra tree
naninirahan ang mga engkanto?
Mas lalo ako pinanindigan ng balahibo, "n-nababasa mo ang nasa isip ko?!"
"Manghuhula ako eh. At kung makatingin ka sa puno ng narra at sa'kin, kahit sino
mababasa ang nasa isip mo."
Naka-hinga ulit ako ng maluwag, "akala ko naman. Pero ano ang ibig mong sabihin
kanina na hinding-hindi ibibigay ni Cupid ang lalaking gusto ko? At ba't ganyan
pala ang attire mo? Hindi ka ba naiinitan?"
Binigyan niya ako ng isang ngiti at para na namang nagsi-taasan ang mga balahibo sa
katawan ko. Kakaiba kasi ang ngiti niya. Para bang pinapahiwatig niya na marami
siyang alam at marami siyang kayang gawin.
Now I'm positive! Nababasa niya ang nasa isip ko! Engkanto nga siya!
Kahit nanlalambot ang tuhod ko ay sinubukan kong maglakad palayo sa kanya. Kaya
lang, nakaka-ilang hakbang pa lang ako, bigla niyang hinawakan ang balikat ko.
"Hindi man ikaw ang itinadhana ni Cupid para kay Luke, may paraan pa rin naman para
maging kayo. 'Yun ay kung magagawa mong nakawin ang pana niya."
Nilingon ko yung babae, "hehehe, nang gu-good time ka na lang miss eh! Kailangan ko
nang umuwi kaya alis na ako ha?"
Bigla akong napa-tingin ng diretso sa mga mata niya. Masyadong malalim ito.
Masyadong nakaka-lula. Parang bigla akong nawala sa sarili. Ilang segundo akong
natigilan na para bang hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko.
"Naniniwala ako sa'yo. Ano ba ang dapat kong gawin para manakaw ko ang pana ni
Cupid?"
Bigla ulit akong natigilan. Ano ba ang sinasabi ko? Ba't sinabi kong naniniwala ako
sa kanya? Eh hindi naman kapani-paniwala mga pinagsasasabi niya eh! At sinong tanga
ang maniniwala sa pinagsasasabi ng babaeng 'to?
"Ang compass na 'yan ang magtuturo sa'yo kung saan mo matatagpuan ang kinalulugaran
ng pana ni Cupid. Siguraduhin mong palagi mong suot 'yan dahil mag-sisilbi rin
'yang proteksyon sa'yo para hindi ka mapansin at makita ni Cupid. Pag nakuha mo na
ang pana, ibuhos mo dito ang potion na nasa bote atsaka mo gamitin para panain si
Luke."
Tinignan ko ang mga kagamitan na ibinigay niya sa akin atsaka ko siya tinignan ng
diretso sa mata, "mamahalin na ba ako ni Luke pag nagawa ko 'to?"
"Oo. Magiging sa'yo na ang lalaking 'yon. Pero may kapalit ang pag tulong ko sa'yo
Jillian."
"A-ano?"
"Simple lang naman. Pagkatapos mong gamitin ang pana ni Cupid, kailangan mong
ibigay ito sa akin."
Bago pa ako makasagot, bigla-bigla na lang nawala ang babaeng naka-itim na belo sa
harapan ko. Habang ako, napanganga na lang at hindi makapaniwala sa mga nangyari at
nasabi ko.
***
Disclaimer: I don't own Cupid, Psyche or kahit na sinong Greek/Roman Gods and
Goddesses na babanggitin ko sa story. Lahat sila ay kabilang sa Greek/Roman
Mythology. But I might alter some of their roles/powers :) Baka magbanggit din ako
ng ibang fictional Gods and Goddesses na hindi talaga nag e-exist sa mythology.
Chapter 2
Chapter 2
"Sir mamatay na po ako. Hindi ko kayang pumasok *ubo ubo* ngayon. Kasi *ubo ubo*
ang taas talaga ng *ubo ubo* lagnat kooo!"
Kasi naman kanina bago ako umalis, nag sabi na ako kay Elise, yung isa pang
editor doon na ka-close ko, na hindi na ako makakapasok. Eh itong si Sir West sukat
tinawagan pa ako dahil ayaw maniwala!
"Opo sir! I-p-proofread ko po ang mga 'yun kahit na nasa death bed na ako!"
"Hay naku Jillian! Basta I need those manuscripts by Monday kaya mag
pagaling ka at ayusin mo ang trabaho mo!"
Ang highblood na naman ng isang 'yun! Grabe siya! Isang araw lang niya ako
'di makikita eh akala mo end of the world na kung makapag-maktol siya.
Ang malas siguro ng papanain ni Cupid para maging forever nitong si Sir
West. Kawawang babae.
Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa ang kahibangan na 'to. Baliw lang ang
taong maniniwala doon sa babaeng nakaitim.
Pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan eh eto ako, sinusunod ang sinabi
niya sa'kin. Parang nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko.
Bahala na nga. Hindi naman masama kung susubukan ko 'di ba? Kahit na
itong compass na ibinigay sa'kin ay dinala ako sa kahabaan ng EDSA.
Buti na lang naisipan kong punuin ng gas itong kotseng 'to. Mamaya
makarating ako hanggang Bicol nito.
Dito ako nag simulang mataranta. Hindi kaya nasa ilalim ng taal lake
ang pana ni Cupid? O baka naman nasa may crater na ng taal volcano? Kasi kung
ganoon eh uuwi na lang ako. Masyado na akong nag-aaksaya ng oras, panahon, energy
at perang pampa-gas sa kotseng bulok na ito para lang sa isang kalokohan.
Ilang beses na akong nakababa sa may Taal Lake at ito rin ang ruta na
dinadaanan ko pero ngayon ko lang nakita ang bahay na 'to.
Napakamot ako bigla sa ulo ko. Shunga ko rin. Mag nanakaw nga ako, ba't
ako mag do-doorbell!
Tinignan ko ulit ang compass na nakasabit sa leeg ko. Hindi ito naka-
turo sa may front door, instead, tinuturo nito ang likuran ng bahay.
'Wag niyang sabihing nasa ilalim ng fountain na 'to ang pana ni Cupid?
Paano ko makukuha 'yun? Titibagin ko ang fountain? Mag huhukay ako sa lupa?
I knew it. Kalokohan lang ang lahat ng 'to. At ako naman si dakilang
uto-uto, sukat sinunod ko ang babaeng 'yun.
Baka naman nasa Wow Mali ako ah?! Baka may hidden camera rito!
Hay kalokohan.
Patayo na sana ako para umalis pero bigla akong tinamaan ng idea.
Hindi kaya...?
Sinubukan kong umangat at humanap ng hangin pero wala, parang ang taas-
taas na ng tubig.
Paano nangyari 'to? Kanina lang hanggang talampakan lang ang tubig eh.
Naapakan ko pa ang semento ng fountain. Pero bakit ngayon parang biglang ang lalim-
lalim na nito?
Umayos ako ng tayo at tinignan ko ang paligid. Nasa loob ako ng isang
silid kung saan ang ilaw lang na nag mumula sa torches na naka-kabit sa dingding
ang nagsisilbing liwanag.
Wag naman sana ako mapunta ulit sa malalim na tubig na 'yun please!
Hindi ako marunong lumangoy!
Nakuha ko ang pana ni Cupid. Ang weird man nang mga nangyari pero totoo
itong lahat. Hindi hallucination, hindi imagination at mas lalong wala ako sa Wow
Mali.
Tumayo ako at ready na sanang umalis nang bigla akong matigilan dahil
may pumasok sa loob ng garden.
Isang lalaking matangkad, maputi, brownish yung eyes, itim ang buhok,
gwapo, at---at nagagawa ko pa siyang i-describe kahit na kumakabog ang dibdib ko sa
sobrang kaba.
Si Cupid kaya ito? Pero ba't mukha siyang Pinoy? Mukha siyang
Pilipinong artista na mestizo na pwedeng rumampa sa underwear fashion show ng
Bench. Gwapo eh. At mukhang may abs.
Pero mukhang hindi siya si Cupid kasi base sa na re-search kong picture niya, kulot
na ginintuan ang buhok niya, naka-bahag lang siya ng puting tela, at doon sa ibang
picture naman eh isa siyang batang mataba.
Pero kahit sino pa siya, I'm doomed! Nandito lang ako sa fountain,
nakatayo, habang nasa likod ko ang pana ni Cupid. At siya naman nasa may entrance
ng garden at nakaharap sa pwesto ko.
Kaya lang nagulat ako nang bigla niya akong lagpasan na para bang hindi
niya ako nakita. Naupo lang siya sa gilid ng fountain habang nakatingin sa tubig
nito.
"Siguraduhin mong palagi mong suot 'yan dahil mag-sisilbi rin 'yang
proteksyon sa'yo para hindi ka mapansin at makita ni Cupid."
Para hindi ako makita? Ibig sabihin hindi ako nakikita ng lalaking 'to
ngayon?
Nang makalagpas ako sa entrance ng garden, dali-dali akong tumakbo palabas ng gate
at sumakay sa kotse ko habang ang pana ni Cupid ay hindi ko pa rin inaalis sa likod
ko.
To be continued...
Chapter 3
Chapter 3
Gusto ko lang siyang hingan nang advice kung paano ko gagamitin ang
pana na ito. Una sa lahat, hindi ako marunong pumana. Pangalawa, hindi ko alam ang
sasabihin ko sa mga ka-trabaho ko kung bakit ako may dala-dalang pana. Baka may
magical kagamitan siya o device na pwede kong gamitin para itago ang pana ko.
"Oo nga. Wag kang mag-alala. Matatapos mo 'yan," pang e-encourage naman
sa'kin ni Elise.
"Thanks!"
Nag tungo na ako sa pwesto ko. Isinandal ko naman 'yung pana doon desk
ko. Buti na lang at hindi ma-intriga itong si Elise. Hindi niya ako tinanong kung
bakit may dala-dala akong pana sa likuran ko.
My god!
"L-Luke!"
Pinaandar ni Luke ang gulong ng swivel chair niya papalapit sa akin.
Bigla naman niyang tinamaan ang pana kaya natumba ito sa sahig.
"Why are you looking at me like that? Did I say something wrong?"
"Oh I see."
I'm positive! Hindi nila nakikita ang pana! Pero paano nangyari yun?
Paanong ako lang ang natatanging nakakakita nito?
Napahawak ako sa compass na nakasabit sa leeg ko. Hindi kaya dahil din
ito sa compass na 'to?
"T-thanks!"
Nginitian lang ulit niya ako atsaka siya bumalik sa pwesto niya. Habang
ako naman, ngiting-aso na naman ako habang ino-open ko ang computer ko.
"Hey, Luke."
Hindi ko na narinig ang sagot ni Sir West kay Luke. Napako na lang ang
tingin ko doon sa pana na tumama sa kanya. Kay Sir West. At saktong-sakto itong
nakasaksak sa kanang bahagi ng dibdib niya.
Sa puso.
"Sir West? Okay lang po kayo? Ba't parang natulala kayo?" tanong ni
Luke sa kanya.
Pak---shet.
Sumablay ang tira ko. Iba ang tinamaan. Ano nang mangyayari sa'kin?
Paano na 'to?! Paano ko maayos 'to?!
Si Sir West?!
That guy is heartless! Hindi siya marunong mag mahal. Siguro naman
hindi gagana ang pana ni Cupid sa kanya 'di ba?
Pero kung sakali... kung sakali lang naman na may natitirang love sa
puso niya...
Arrggh! Kailangan ko yung babaeng naka-itim! Kailangan naming
solusyonan ito!
Sinubukan kong mag focus pero ang gulo-gulo ng isip ko. Hindi ko na rin
namalayan na nagsi-akyatan na ang mga katrabaho ko. Hindi ko na rin napansin na
nag-lapag ng juice at sandwich si Luke sa table ko.
"Pinagpapawisan ka."
"H-ha? T-talaga?"
Bigla siyang natigilan. Inangat niya kasi ang tingin niya sa akin at
nag tama ang mga mata namin. Parang gulat na gulat siyang makita ako. Bigla-bigla
ay umamo ang mukha niya.
"I-I mean, m-malapit na kasi 'yung ano eh.. yung deadline nung mga ano, mga
manuscript," bigla siyang napakamot sa gilid ng tenga niya at iniwas niya ang
tingin sa akin. Bigla ring namula ang magkabilang tenga niya.
Napa-angat ulit ang tingin niya sa'kin at nakita ko ang mukha niya na
punong-puno ng pagaalala.
"Ganun ba? May sakit ka pa ba? Gusto mong mag half day muna? Wait, may
maghahatid ba sa'yo? Kaya mo bang umuwi?"
"Y-yes sir!"
"J-Jillian..?"
To be continued...
Chapter 4
Chapter 4
"Hinahanap mo 'ko?"
"Ayun nga! Tulungan mo ako. I-ibang tao ang tinamaan ng pana. May
pangontra k aba diyan or something? Doon sa potion na binigay mo sa'kin, may
antidote ba 'yun para mawalan ng bisa?!"
"Pero may paraan pa 'di ba? I know there's still a way para maayos 'to!
Hindi pwedeng ma-inlove sa akin si Sir West! At paano na si Luke? Please I'll do
anything! Tulungan mo lang ako!"
Hindi pwedeng hindi maayos ang gulong 'to. Sir West's fate is already
sealed with mine? Hindi ako makakapayag! Pag siya ang makakasama ko habang buhay,
walang pinagkaiba 'yun sa pag tira ko sa impyerno!
"Ganoon ba?"
"T-teka! Ibalik mo 'yan! Ang daya mo naman eh! Wala namang gamitan ng
hocus pocus!"
"Tapos na ang ating kasunduan, Jillian. Ikaw ang gumawa ng sarili mong
kapalpakan kaya patawad kung hindi kita matutulungan. Paalam."
"Sandali lang---!!"
I can't believe this! She refused to help me! Paano na ako? Ano na ang
gagawin ko?!
Pero kung sakali mang totoo ang lahat nang 'to, kailangan kong magtago
kay Cupid! Kinuha na sa akin nung babaeng naka-itim ang compass! Nakakaramdam ako
na any minute now, mahahanap na ako ni Cupid.
Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng apartment ko. Kaya lang nang
makapasok ako sa loob, hindi ko pa man nabubuksan ang ilaw, may narinig na akong
nag-salita.
Dali-dali kong in-on ang switch ng ilaw at ayun, may nakita akong isang
lalaking naka-sandal sa pader ng apartment ko. Naka-ngisi siya sa akin na para bang
naaliw siyang makita ang takot na takot kong expression sa mukha.
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya at lumapit siya sa'kin.
"Sino ako? Pwede mo akong tawaging Eros. Pero mas kilala ako sa
pangalang Cupid. At sa ating dalawa, ikaw ang magnanakaw."
Pinanliitan ako ng mata nung lalaki. Seryoso na ngayon siyang nakatingin sa'kin.
"You broke into my lair and you stole my bow and arrow."
"You are not hallucinating, Jillian. Totoo ang lahat ng mga nangyayari
sa'yo," sabi sa'kin nung lalaki na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Ninakaw mo ang pana ko at pinlano mo itong gamitin kay Luke, tama ba?"
Hindi ako sumagot instead tinitigan ko lang siya habang nag sa-
somersault na ang puso ko. Hindi dahil sa gwapo siya kundi dahil nakakatakot talaga
ang aura niya.
"Alam mo bang dahil sa ginawa mo, ginulo mo ang timeline ko, limang tao
ang nanganganib na hindi na mahahanap ang one true love nila, at mauudlot na naman
ang pagkikita namin ng asawa kong si Psyche dahil kailangan kong ayusin ang gulong
ginawa mo."
He took a step forward at bigla niyang hinawakan ang magkabilang kong braso.
Tinitigan niya ako ng seryosong-seryoso sa mata na halos atakihin ako sa puso dahil
sa sobrang kaba ko sa kanya.
"Walang mararating ang sorry mo," seryoso pa rin niyang sabi. "Paano na
lang yung limang kawawang tao na nadamay dahil sa ginawa mo?"
"Hindi mo gets? Okay ipapaliwanag ko sa'yo. Pero bago ang lahat, may
kape ka ba? Para naman masarap ang kwentuhan natin!" nag tungo si Cupid sa sofa ko
at dumekwatro na siya doon ng upo.
"Anong hindi big deal! Ang laki kayang gulo nang ginawa mo!" bulalas
niya sa akin.
"Oo siya nga. You sealed his fate with yours. At dahil iba ang laman ng
puso mo at isang side lang ang napana mo, siya lang ang nahulog sa'yo at ikaw,
hindi ka nagkagusto sa kanya. Meaning, habang buhay na niyang mararanasan ang
magmahal sa isang taong hinding-hindi siya ma-mahalin."
Napatahimik ako. Kahit ganoon kasama si Sir West, parang ang lupit
naman ng ginawa kong kaparusahan sa kanya. Tsaka isa pa, ayoko naman habul-habulin
ng taong 'yun sa tanang buhay ko!
Napa-yuko na lang ako. Oo na. Ako na. Ang dami ko nang naapektuhan.
"Dahil wala akong planong gawan kayo ng connection kung hindi mo aayusin
ang gulong 'to."
"Dahil nagamit mo na ang pana na sana ay para sa ibang tao, ikaw ngayon
ang gagawa ng paraan para magkaroon sila ng connection."
To be continued....
Chapter 5 (10/30/14)
Chapter 5
[Jillian's POV]
Si Luke at si Elise...
Tahimik akong tumayo at iniwan si Cupid sa sala ng maliit na apartment ko. Nagtungo
ako sa kitchen at binuksan ang ref atsaka ako kumuha ng tubig.
Matagal ko nang alam na imposible talagang maging kami ni Luke. He never treated me
as more than friends. Kahit na bigyang meaning ko lahat ng kind gestures niya sa
akin, I know at the back of my mind, wala lang ang mga bagay na 'yun sa kanya. Wala
lang ako sa kanya.
Pero ang sakit pala na marinig mo mismo kay Kupido na hindi yung taong
matagal mo nang gusto ang itinakda niya para sa'yo. At mas dobleng sakit kasi
nalaman ko pa na yung isa sa pinaka close kong kaibigan ang para kay Luke.
Bakit si Elise pa? Simula college gusto ko na si Luke. Mas nauna kong
nakilala si Luke kesa kay Elise. Mas nauna akong nahulog, nag mahal at umasa. Pero
bakit sa kanya itinadhana si Luke samantalang wala naman siyang ibang ginawa kundi
ang ngumiti rito araw-araw kada umaga. Ni-halos hindi nga sila nagpapansinan dalawa
eh.
Ang cold niya. Para siyang walang nararamdaman. Para siyang hindi
marunong maawa.
"Acceptance is the key, Jillian. Hahayaan muna kita ngayong gabi. Pero
bukas nang gabi, babalikan kita. At siguraduhin mong naihanda mo na ang sarili mo
sa panahon na 'yun."
Palibhasa ang trabaho niya lang ay pumana nang pumana eh! Ni hindi niya
alam na minsan yung pag pana niya ay masyadong masakit.
The next day, parang pinagpyestahan ng ipis ang mga mata ko. Parehong
namamaga eh. Hindi ko tuloy nai-suot ang contact lense ko at napilitang gamitin ang
eyeglass kong may makapal na frame.
Hindi na nga ako kagandahan, mas lalo pa ako nag mukhang manang sa
itsura ko. Ngayong sawi ako sa pagibig, paano pa ako makakahanap ng lalaking
magkakagusto sa akin sa itsurang 'to?
At kelan pa naging close ang dalawang 'yan? Simula nang sabihin sa akin
ni Cupid na sila nakatadhana? Eh bakit kailangan pa niya ako kung ngayon pa lang,
pwede nang magkaroon si Elise at Luke ng connection.
Kaya na nila ang sarili nila! Hindi na nila ako kailangan! Dito na lang
ako at pagmamasdan silang mag mahalan hanggang sa mamatay ako sa inggit.
Dahil sa'yo 'to! Dahil nalaman kong ikaw ang nakatadhana kay Luke!
Ayoko namang magalit sa kanya. Wala naman siyang kasalanan eh. Si Cupid
kasi talaga ang may kasalanan nito.
"By the way, pinapakita ko kay Elise 'yung book cover na ginawa ko para
sa isang librong ire-release natin. Tignan mo naman Jill kung okay lang."
"Maganda pero parang may hindi tugma," sabi ni Elise. "Tingin mo ano,
Jillian?"
"Siguro try niyong gawing red yung kulay nung font," suggestion ko
naman.
"Oo nga 'no! Thanks Jill! You're the best!" naka-ngiting sabi ni Luke
sa akin.
Kung ako ang the best, bakit hindi ako ang naging the one para sa'yo?
Ibang klase ang dating ni Sir West! Lakas maka-prof na papagalitan kami
pag hindi kami nakaupo sa assigned seats namin!
Pero ni isa, walang nakapag-salita agad. Lahat natulala kay Sir West...
H-he is smiling.....brightly.
Hindi na siya sumagot. Nginitian niya lang ulit kami/ako bago siya
tuluyang pumasok sa pinaka office niya.
"Ano ka ba Elise! Tao rin naman si Sir West at marunong din maging
masaya!" sabi naman ni Luke habang naka-dungaw siya sa amin ni Elise.
"Baka may girlfriend na," sabi naman ni Luke. "O baka may nililigawan
kaya good mood."
"Ikaw Jillian. Tingin mo ba't good mood si Sir West ngayon?" tanong
naman ni Luke.
Malamang dahil sa akin! Dahil in love siya! At hindi ako proud. Naiinis
ako. In love siya dahil sa kapalpakan ko!
"Manunuod...tayong dalawa?"
Oo Cupid. Alam kong mali ito. Pero pwede bang i-delay ko muna ang
paghahanda sa gagawin ko kahit isang araw lang?
[Cupid's POV]
"Ako'y iyong patawarin ngunit hindi ko pwedeng ibigay sa iyo ang pana
mo. At siguro naman hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang sarili ko kung
bakit."
***
Chapter 6 (11/8/14)
Chapter 6
[Jillian's POV]
Abot tenga ang ngiti ko habang paulit-ulit kong binabasa ang text
message ni Luke sa akin.
Bukas, before lunch. Ibig sabihin halos isang buong araw ko siyang
makakasama. First time ito! I mean, first time ko siyang makakasama na siya lang
talaga at wala kami sa trabaho. For the first time, masosolo ko ang taong matagal
ko nang gusto.
Gulay! Ano isusuot ko? Wala akong bagong damit! Si Sir West kasi pinag
overtime na naman ako kaya naabutan ako nang pagsasara ng mall eh!
"Sinabi ko na sa'yo na hindi ikaw ang nakatadhana para kay Luke. Bakit
mo pa gagawin ang bagay na ito? Masasaktan ka lang," pagpapatuloy niya.
"Bakit? Hindi ba ako masasaktan sa pinapagawa mo ha? You are asking me na maging
tulay sa lalaking mahal ko at sa isang kaibigan na malapit sa akin. Hindi ba
masakit 'yon, Cupid? Okay, alam ko mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat ninakaw ang
pana mo. But I'm really, really sorry. Hindi ko sinasadya ang bagay na 'yun. Kaya
lang, hindi ko talaga kaya ang ipinapagawa mo sa akin!"
Kanina sa office, buo na ang loob kong um-ayaw sa pinapagawa ni Cupid. So what kung
si Elise ang naka-tadhana kay Luke? Edi i-ibahin ko ang tadhang naayon sa gusto ko.
"Jillian, malaki ang magiging kapalit pag pinilit mong baguhin ang
tadhana."
Muli kong iniwas ang tingin ko kay Cupid. Hindi ko lang kasi talaga
magawang tanggapin ang tadhanang sinasabi niya sa akin eh.
Bakit kasi hindi na lang ako ang idinuktong niyang tadhana kay Luke?
Mahigit limang taon ko na siyang gusto. Ibig sabihin, kaya ko pa siyang mahalin
nang panibagong limang taon o higit pa. Hindi pa ba sapat 'yun? Hindi ba ako
deserving sa kanya?
Napailing si Cupid, "no, Jillian. It's just that, pang ilang milyong
tao ka na na sinisi ako sa pagiging brokenhearted nila. Kung baga masyado nang
gasgas ang tenga ko sa ganyang paratang."
"You are the freaking God of love! Sino pa ba ang sisisihin namin?"
Napatawa nang mahina si Cupid dahil sa sinabi ko, "kung sabagay. Ako
nga naman 'yon. Pero nakakalimutan na nang mga tao na nasa nature na nila ang
magmahal. May mga pagkakataon na nakaka-gawa kayo nang connection sa isang taong
hindi naman talaga naka-tadhana para sa inyo. At ang result? Heart break. Tao mismo
ang may gawa nun pero sa kabilang banda, hindi ko rin ito pinipigilang mangyari.
Pagka kasi naka-experience ka ng heart break at pinana na kita doon sa taong
nakatadhana para sa'yo, mas doble ang saya, mas worth it."
"Teka lang. Tao lang din ako. Kung ako ang magiging tulay sa pag gawa
ng connection ni Luke at ni Elise, magiging mahina lang ito. Please, ibang
kaparusahan na lang ang ipataw mo sa akin! Bawiin mo na lang ulit ang pana mo doon
sa babaeng naka-itim! A-alam ko kung saan siya makikita."
"Kung ganoon nga lang sana kadali iyon. Sadyang si Ayesha ay hindi
ordinaryong tao."
"P-pero wala rin naman akong magiging silbi! Ikaw na ang mismong
nagsabi na tanging ikaw at ang pana mo lang ang makakagawa ng isang malakas na
connection!"
Kinuha ni Cupid sa kamay ko ang compass at isinuot niya ito sa leeg ko.
Nagulat ako nang bigla-bigla na lang may lumabas na liwanag mula sa compass.
"Hindi ko alam Jillian. Sa totoo lang, nagtataka rin ako kung bakit
ikaw. Pero ito nag liwanag. Ibig sabihin, ikaw lang ang makaka-gamit niyan. Sa
ngayon, ikaw lang ang makakapagduktong ng malakas na koneksyon sa dalawang tao.
Kaya please Jillian, ikaw lang ang makakatulong sa akin."
Kung hindi ko gagawin ito, habang buhay nang hindi magduduktong ang
kapalaran ni Luke at ni Elise.
"Sobra."
Napapikit ako.
"Okay. Mukhang wala na naman akong choice kundi gawin ito 'di ba? Kesa
kalabanin ko ang tadhana."
~*~
[Cupid's POV]
Nagkibit-balikat ako, "hindi rin, Ayesha. Suot na niya ang compass ko.
Wala ka nang magagawa. Pinili ni Jillian ang kaligayahan ng mahal niya. Alam kong
magtatagumpay siya kay Luke at Elise. At pag nagkaroon na nang koneksyon ang
dalawa, alam mo na kung sino ang isusunod ko."
"May mga alas pa ako Cupid, kaya wag kang makampante. Gagawin ko ang
lahat para hindi mabuo ang koneksyon na iyon!"
Gagawin niya ang lahat, makuha lang niya ang bagay na minsang
ipinagkait sa kanya.
To be continued...
Chapter 7 (11/10/14)
Chapter 7
[Jillian's POV]
"Bakit ba kasi ako ang naisipan mong piliin ha? Sa dinami-rami ng tao sa buong
mundo, bakit sa akin ka kailangan umilaw?"
"Punta akong abs-cbn, mag a-audition ako bilang leading man ni Maja
Salvador."
"Joke lang! 'To naman! Masama bang i-try ang fashion ng mga mortal?"
Tinalikuran ko siya.
Pero kung sabagay, mismong ang love ay never naging matino. Ang God of
Love pa kaya!
"Uy teka lang! Nangiiwan 'to! Hindi pa tapos ang sinasabi ko!
Tinatanong mo kanina kung paano mo magagawang magkaroon ang dalawang tao ng
koneksyon 'di ba?"
"Ewan. Mag bas aka ng mga libro kung paano maging matchmaker. O mag
search ka doon sa internet. Masyado nang high-tech ang mga mortal kaya marami ka
nang paraan para makakuha ng tip kung paano maging matchmaker."
"Ano?"
"8:45am na."
"Oh eh ano naman kung 8:45 am na---sheet! 8:45 na! Ma-l-late na ako!"
Teka nga, eh bakit ba ako nagmamadali ah? Hindi naman ako papagalitan
ni Sir West eh. Well, hindi na ngayon kasi kasalukuyan siyang in love sa akin at
hindi niya ako magagawang bulyawan.
Napa-ngisi ako.
Natigilan ako bigla. Hindi natuloy ang movie date namin. Kahit labag sa
loob ko ay maka-durog puso ko siyang tinext na hindi na matutuloy kasi may biglaan
akong kailangan gawin. Kaya naman kinabukasan, dumayo ako sa malayong lugar para
manuod ng sine at mag senti.
Pero anak ng tinola naman! Isang ngiti lang niya, nanghihina na naman
ang isip ko at nag wawagi na naman ang puso ko.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya bago pa niya ako tuluyang
maimpluwensyahan.
Dali-dali akong nag punta sa table ko. Pero nagulat ako sa nadatnan ko
doon.
May isang malaking bouquet ng flowers ang nakapatong sa desk ko. Meron
pang isang box ng Ferrero chocolates.
"Kanino 'to galing?" tanong ko kay Elise na nasa kabilang table lang.
"Wow! Mukhang may secret admirer ka ah?" naka-ngisi ring sabi ni Luke
sa akin. "Sino kaya siya?"
Napa-buntong hininga ako. Sino pa nga ba? Malamang si Sir West 'yan!
"Oh, ba't mukhang hindi ka masaya?" tanong ulit sa akin ni Luke. "May
problema ba?"
"Wala naman," matipid kong sagot sa kanya without even looking at him.
"Nga pala, Jill. Gusto mo mamaya na natin ituloy ang panunuod ng movie?
After work. Tapos tara mag dinner! My treat."
Oh god help me. Bakit ganyan si Luke? Bakit nagyayaya na naman siya?
Ha? He's making it harder for me!
Pero kasi...
"Sure! Later."
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanila at naupo na lang sa pwesto ko.
Wow lang. Nakagawa ako ng paraan para makapag solo sila. You must be
really proud, Cupid!
Medyo masakit.
Fresh na fresh pa ang isang 'to. Saan kaya ito binili ni Sir West? At
infairness gumastos pa talaga siya ha. Ang mahal na kaya ng bulaklak na ganito
ngayon!
Sayang ang pera niya. Pinagkagastusan niya ang babaeng hindi naman
nakatadhana sa kanya. Nakaka-gulity tuloy.
"Jillian!"
Teka bakit ang sungit na naman ng aura niya? Hindi ba siya natutuwa na
na-aappreciate ko ang binigay niya sa akin?
"Sir.."
"Then wake up extra early! Hindi dahilan ang traffic! I need the
manuscript today. Hindi ka uuwi hangga't hindi mo 'yun tapos!"
"O-okay po..."
Balik masungit na naman siya. Ano kayang problema nito? Hindi kaya
nawawalan na ng bisa ang pana ni Cupid?
O sadyang heartless lang talaga si Sir West at hindi niya kayang mag
mahal ng matagal?
Siguro nga.
Pandesal.
Nagtataka akong napatingin kay Sir West at nakita kong biglang namula
ang tenga niya.
"Ha?"
This time buong mukha na niya ang namumula kaya naman tumalikod na siya
at bumalik sa harap ng computer niya.
"Thank you po," halos pabulong kong sabi sa kanya at dali-dali akong
lumabas sa opisina niya.
To be continued...
Chapter 8 (11/11/14)
Chapter 8
[Jillian's POV]
"Jillian, una na kami ha?" sabi sa akin ni Elise habang pinapatay niya ang desktop
niya.
Napakamot ako ng ulo. Paano ko magagawang tapusin ang 80K word count na
manuscript na ito kung nasa 40K pa lang ang nababasa ko? Naduduling na talaga ako.
At pagod na rin ang mata ko.
Napatingin ako sa orasan. 7:30pm na. Hanggang 5pm lang ang pasok ko eh.
Pero nandito pa rin ako sa opisina at nag t-trabaho.
Kaso may pagka-strikto pa rin siya eh. Paano kung bulyawan ako?
Eh kung magpa-cute na lang ako sa harap niya? Mag b-beautiful eyes ako!
Ha! Hindi siya makaka-resist sa charm ko!
Bigla akong kinilabutan nang may nag salita. Anak ng tokwa naman oh!
Mag isa na lang ako dito! May multo pa naman sa opisina namin!
"Huy! Ano ang ginagawa mo rito ha? Mamaya makita ka ni Sir West eh!
Tsaka pwede ba, tanggalin mo nga yang shades mo! Wala nang araw 'no!"
Ibinaba niya ang tasa ng kape sa desk ni Luke. Sinunod naman niya ako
at tinanggal ang shades niya atsaka niya isinabit ito sa polo na suot niya.
"Oo na! Oo na! Lumayas ka nga rito kasi na-di-distract ako sa trabaho
ko. Ang dami-dami ko pang gagawin. Hindi ko na alam paano pa tatapusin 'to!"
"S-sorry.."
Natigilan ako bigla dahil ibang boses na ang narinig ko. Nilingon ko
ang desk ni Luke. Wala na si Cupid doon.
Ay anak ng---! Oo nga harsh talaga siya sa akin pero bakit nagu-guilty
ako?!
"Anyway, bumili ako ng dinner. Baka kasi gutom ka na. Kumain ka muna
bago ka umuwi. Pwedeng bukas mo na ituloy yan dahil gumagabi na rin."
Inilapag ni Sir West ang supot ng pagkain na dala niya doon sa table ni
Elise na nasa tabi ko lang din. Kinuha niya yung isang Styrofoam food container
doon at isang drink atsaka siya naglakad papunta sa office niya.
Hay naku!
"Sabay na po tayong kumain. Mas ganado po kasi ako kapag may kasabay
eh."
Sheet. May killer smile naman pala itong si Sir West eh. Bakit hindi
niya gawin palagi? Hindi niya ba alam na yung mga ganyang klaseng ngiti ay
nakakahawa ng good vibes?!
"Sorry 'yan lang ah? Hindi ko kasi alam ang gusto mo."
In-open ko yung food container at halos mag ningning ang mata ko nang
makita kong one piece chicken at palabok ang in-order niya.
Mas lumawak ang ngiti ni Sir West at nakita ko na naman ang pamumula ng
tenga niya.
Nakaka-amuse lang. Sanay kasi akong seryoso at masungit siya. Then all
of a sudden, masusulyapan ko ang side niya na 'to.
Which is wrong. Kasi wala kang karapatan makita ang side niya na 'yan.
Pero dahil sa pagkakamali mo, look what you've done to him.
Napa-angat ang tingin ko kay Sir West at nakita kong naka-tingin siya
doon sa bouquet ng flowers at chocolate na nasa desk ko.
"Imposible po 'yan sir! Hindi naman ako kagandahan 'no. Alam ko naman
na karamihan ng lalaki, unang na-attract talaga sa mukha at katawan ng isang
babae," unless panain na sila ni Cupid.
One thing I learned about Sir West---ang transparent niyang tao. Kita
agad sa expression niya kung masaya siya, galit, o nahihiya.
"W-wala 'yun. P-pero kung gusto mo talagang bumawi, may request sana
ako.."
Patay! May request daw! Paano kung yayain ako nito makipag-date? Hindi
ako pwedeng um-oo! Ayoko mag take advantage sa kanya. Magagalit si Cupid!
"A-ano po 'yun?"
"Yun lang naman po-este yun lang naman pala West! No problem!"
Halos mag e-eight thirty na rin kami natapos ni West kumain. May kasama
kasing kwentuhan. Naka-ilang sorry rin siya sa mga panahong nag su-sungit siya sa
akin. Naintindihan ko naman. Pressured din siya at may hinahabol na trabaho. At oo
na, kasalanan ko naman talaga kasi lagi akong late mag-pasa. Dahil tuloy dito,
bigla akong ginanahan mag trabaho. Na-guilty rin kasi ako.
"Pero kasi..."
"Don't worry about me! Ako pa? Sanay na sanay akong bumyahe promise!"
Rush hour na. Punuan na ang mga jeep. Buti na lang talaga at sanay ako
makipag gitgitan kaya naman nang may dumaang jeep na hindi puno, nakipag-unahan na
ako. Pa-sampa na sana ako kaya lang may isang lalaking sumagi sa akin kaya nahulog
ako at natumba sa kalsada. Ang magaling na lalaki, ni-hindi man lang nag sorry.
Nakakatunaw ng puso.
Boses ni Cupid.
"Promise!"
To be continued...
Chapter 9 (11/19/14)
Chapter 9
It's still seven in the morning pero nakapaligo na ako at nakapag ayos. Ngayon
naman ay kasalukuyan na akong nag a-almusal. Napaka-unusual na bagay nito para sa
akin.
Ang aga pa! For sure pag umalis ako ng bahay ng 7:30, makakarating ako
sa office ng 8-8:30 kahit pa ang traffic. Pero keri lang. Nangako ako sa boss ko na
magiging mabuting empleyado na ako.
"Wala ka bang bahay? Wala ka bang pera? Pansin ko lang, madalas kang
makikain dito!"
"Huwag kang madamot binibini. Ang mga biyayang ibinibigay sa'yo katulad
ng pagkain na ito ay dapat ibinabahagi rin sa iba," pangaral niya sa akin sabay
kagat ng pandesal.
"Wala naman. Kakamustahin ko lang ang pag porma sa'yo ng boss mo. May
pa-Jollibee-Jollibee pa siyang nalalaman!" pang-aasar ni Cupid.
"Nga pala, nag date si Luke at Elise kagabi," naka-simangot kong sabi
kay Cupid.
Oo, ipinapakita ko talaga na naiinggit ako sa pag-alis ni Luke at ni
Elise dahil dapat ako ang kasama ni Luke. Hindi na talaga ako nag-abala pang itago
ang inis ko dahil wala rin naming saysay. Alam na rin naman ni Cupid 'yun, itatago
ko pa ba?
"Pero umpisa na. Lumabas na silang dalawa. Alam kong mag e-enjoy si
Luke sa company ni Elise. Masaya naman kasi kasama si Elise eh. Pala-tawa siya,
mahilig mag biro, magaan kausap, ang dali niyang nakakaisip ng topic na pwedeng
pag-usapan, mabait pa siya at maganda---"
Napa-tikom ako ng bibig. Totoo naman ang sinasabi ni Cupid eh. Nag
sisimula nang lumabas ang mga insecurity ko kay Elise. At gusto kong pigilan 'to.
"Ang mga tao talaga ang hilig mag self-pity, ang hilig mainggit. Marami
silang bagay na gusto na hindi naman para sa kanila. At pag hindi nila nakuha, kung
sinu-sino ang sisishin. Hindi nila naisip na may darating naman na bagay na
nakalaan sa kanila. Sadyang ang impatient lang nila mag-antay."
"Siguro dapat bilisan mo na rin mag emote diyan kasi kanina pa nag-
aantay ang sundo mo sa labas."
Anong oras pa kaya siya nandiyan sa tapat ng apartment ko? At ba't niya
ako sinusundo?!
"Ba't ako?!"
"Wow lang! Wala ba akong silbi? Samantalang kung wala ako, edi lahat na
nang tao eh tuluyan nang hindi naniwala sa forever."
"Ewan ko sa'yo!"
Basta ko na lang isinaksak ang mga kagamitan ko sa bag. Ni hindi ko na
nakuha pang ayusin sa pouch ko ang mga make-up ko.
"Sige bye!" paalam ko kay Cupid nang hindi siya tinitignan dahil busy
ako sa pag check ng bag ko kung lahat na ba ng gamit na kailangan ko ay nailagay
ko.
"Alam ko."
"At... kung may mapansin ka mang kakaiba, sabihin mo agad sa akin ha?"
"Okay fine."
"Bye! Ingat! Enjoy kayo ng boss mo!" pahabol niya habang palabas na ako
ng pinto.
Dali-dali kong nilapitan si Sir West. Akala ko maaga ako! Pero mukhang
mas maaga ata siya! 7:20am pa lang. Anong oras kaya 'to kung bumangon?
"Sir West!"
"Oh, Jillian."
Anak ng isda naman oh! Bakit ba ang transparent ng taong 'to? Ang dali-
dali niyang mabasa.
Nginitian ko rin siya, "ganun po ba? Naku nag promise na ako sa'yo.
Naka-ready na nga ako oh."
"O-oo nga hehe. So uhmm, so... ah, kasi nandito na lang din ako, s-
sabay ka na?"
Gusto kong humindi kasi naawa ako sa kanya. Pero hindi ako maka-hindi
kasi naawa ako sa kanya.
Wait, what?
"Ah... Jillian?"
Hindi kami halos nag uusap habang nag mamaneho siya. Ewan kung bakit
biglang naging awkward kami sa isa't-isa samantalang kahapon eh parang close na
close na kami. Hindi ako makapag simula ng conversation samantalang siya naman eh
mukhang tinatamaan ng hiya.
Buti na lang naisipan niyang buksan ang radio kaya naman hindi
masyadong tahimik.
Oo nga pala, kagabi nung mabangga ako ng isang lalaki habang pasakay
ako sa jeep, nadapa ako sa kalsada kaya naman nagkasugat ako sa tuhod.
Hindi naman kalakihan at kayang tapalan ng bandaid, yun nga lang, medyo
makirot.
I blinked. Hindi nag sink-in agad sa utak ko ang sinabi niya. Nawala
rin ang ngiti sa labi niya dahil mukhang pati siya ay nagulat din sa pag banat niya
ng ganun.
Halos maalog ang utak ko nang bigla siyang mag emergency break.
The whole ride, wala nang nag salita sa amin. Gusto kong mag thank you
sa kanya sa pag sabi niya ng maganda ako pero tinamaan ako ng hiya. At alam ko
naming maganda ako sa paningin niya ngayon dahil sa pana ni Cupid at hindi dahil sa
maganda talaga ako---which is kind of depressing.
Kahit na sabihin nating aayusin din ni Cupid ang nagawa kong kapalpakan
kay Sir West, hindi ko maalis ang fact na may gusto siya sa akin ngayon at 99.9% na
masasaktan siya.
Paano kung mag resign siya para sa akin? Edi masasaktan na siya,
nawalan pa siya ng trabaho! Edi sinira ko pa ang buhay niya?
Kung hindi ko man kayang pigilan na masaktan siya, at least man lang
wag kong hayaan na mawalan siya ng trabaho.
'Wag kang mag-alala West, ipapakilala rin ni Cupid sa'yo ang babaeng
para talaga sa'yo.
To be continued...
Chapter 10 (11/24/14)
Chapter 10
[Jillian's POV]
"Jill? Totoo ba 'to? Ang aga mong pumasok?" hindi makapaniwalang tanong ni Luke sa
akin pagkarating na pagkarating niya sa opisina.
"Nangako kasi ako kay Sir West na magiging isang mabuting empleyado na
ako."
"Wow," naglakad si Luke patungo sa desk niya. "Katakot-takot na naman
bang verbal abuse ang ginawa sa'yo nung monster boss na 'yun kaya napilitan kang
pumasok sa opisina ng maaga?"
Pakshet na ngiting 'yan oh! Mula umpisa hanggang ngayon lagi na lang
akong pinanghihinaan ng tuhod dahil diyan. Tapos yung lips pa niya! My gosh yung
lips niya! Kahit wala namang ginagawa eh parang nangaakit na sunggaban mo ito ng
halik.
Cupid, kill me now! Bakit ganun?! Ang tindi pa rin ng epekto sa akin ng
taong 'yun? 'Di ba dapat nag m-move on na ako kasi nga may trabaho ako na i-match
make siya kay Elise?!
Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat nang 'to, edi umpisa pa lang
nag move-on na ako para mas madali ang trabaho ko ngayon!
Pero kung umpisa pa lang nag move-on na ako, hindi mangyayari ang lahat
nang 'to.
Hay buhay.
Kumuha ako ng isang pakete ng kape at ibinuhos ko ito sa mug ko. Habang
nilalagyan ko ito ng mainit na tubig galing sa water dispenser, dumating naman si
Elise at nag timpla rin ng kape.
"You mean, kamusta ang movie? Maganda naman. Bitin nga lang."
"I see.
Nilingon ko si Elise at pinagmasdan habang nag titimpla siya ng kape.
Petit siya. Siguro mga nasa 5'0 lang ang tangkad. May pagka morena ang kutis at
meron siyang mahabang buhok na lagi niyang itinitirintas. Sobrang simple lang
niyang manumit at mag-ayos but that makes her look attractive. Isa pa, masiyahin
kasi si Elise kaya naman madali siyang pakisamahan.
"Uhmm Elise.."
"Hmm?"
"Oh. Paano ba? Hmm, he's kind, makulit, ang hilig mag patawa. At oo nga
pala, kahapon nung nanood kami ng sine, napatunayan kong ang gentleman din niya!"
Siniko ni Elise ng mahina ang braso ko, "idagdag mo pang ang gwapo
niya, 'di ba?"
Na-imagine ko bigla si Cupid. Kung nandito lang siya for sure kung anu-
ano na namang pangaral ang sasabihin niya sa akin.
Oo na Cupid. Alam ko naman na kailangan kong gawin 'to for the sake of
those five people---at kabilang na ang soulmate ko---na nanganganib ang love life
dahil sa kapalpakan ko.
"Jillian.."
Oo! Alam kong ang ewan nang palusot ko. At yung ilaw na lumalabas sa
kwintas ko ay malayong-malayo sa ilaw na lumalabas sa isang flashlight o isang
bumbilya. Yung ilaw na nasa compass ngayon ay parang sinag ng araw kaso kulay pula
nga lang.
Nagmadali ako palabas ng office kaya lang bigla kong nakasalubong si Sir West. At
may kasama siyang babae. Matangkad, mestiza, balingkinitan ang katawan, nakalugay
ang mahaba niyang buhok na may natural curl sa dulo, mapungay ang mata, at oo
maganda siya. Mukha siyang model. At---at---bakit ngiti siya nang ngiti kay Sir
West ha?!
"Sa restroom lang po," sagot ko naman nang hindi ko inaalis ang tingin
sa babaeng kasama niya.
Mukhang nahalata niya ang pagtataka sa istura ko kaya naman agad niya
itong ipinakilala sa akin, "Jillian, this is Enid Dimasalang. She will be our new
graphic artist."
"Hi Jillian! Nice to meet you!" masiglang bati ni Enid sa'kin sabay
lahad ng kamay.
I took her hand at nakipag shake hands naman ako. "Hi Enid! Welcome sa
aming company. Proofreader nga pala ako dito."
"Wow! Excited na akong makatrabaho kayo! By the way, ang ganda naman ng
necklace mo," tinuro niya ang compass na nabitiwan ko nang makipag-kamay ako sa
kanya. Umiilaw pa rin ito kaya agad akong napahawak dito.
"Thanks! Ang ganda-ang ganda rin ng bracelet mo," tinuro ko naman yung
bracelet niyang may butterfly na charms.
Sa totoo lang sasabihin ko sanang maganda siya kaya lang tinamaan ako
ng too much insecurity kaya hindi ko na tinuloy.
Sorry na, babae lang din ako at madaling ma-insecure sa mas maganda sa
akin!
Nag thank you siya sa akin then he and Sir West excused themselves.
Ipapakilala raw niya si Enid sa mga kasamahan namin.
"Aba malay ko! Sa'yo nanggaling 'yan! Ano bang ibig sabihin nang pag-
ilaw nito?"
"Cupid?"
He cupped the compass using both of his hands at nang bitawan niya ito,
nalawa na ang pulang liwanag na lumalabas dito.
"May kailangan lang akong punatahan," sabi niya at bago pa ako makapag-
salita, nawala na lang siya sa harapan ko.
Okay, ano ba ang problema? Sana naman nag-aabala siyang i-share sa akin
'di ba?!
"Ang ganda niya girl!" bulong sa akin ni Elise. "Bakit niya naisipang
mag trabaho sa publishing company? Seriously, pwede siyang maging model! Pwede nga
siyang maging cover girl ng mga magazines natin eh!"
Nung lunch time, sabay-sabay kaming bumaba nina Luke at Elise. Sa totoo
lang, ayokong sumabay sa dalawang ito kasi masyadong masakit kada iisipin kong
kailangan ko silang i-matchmake. Gusto ko sanang dumistansya muna kaya lang naisip
ko rin na pagka nag stay naman ako sa office, si Sir West naman ang makakasabay ko
at hindi na talaga kakayanin ng konsensya ko kung mas magiging malapit pa siya sa
akin. Kaya pinili ko na lang si Luke at Elise na makasama.
"Thank you talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina," sabi ni Enid.
Gusto kong maging masaya sa thought na 'yun pero may kirot pa rin akong
nararamdaman.
A few minutes bago matapos ang lunch break, sabay-sabay kaming umakyat
sa opisina. Dahil katapat lang ng pinto ng opisina namin ang pinaka office ni Sir
West, natanaw ko siya doon na busyng-busy na may binabasa sa computer screen niya.
Bigla tuloy akong napaisip kung kumain na ba siya ng lunch o hindi pa?
Parang hindi kasi siya bumaba kanina eh. O baka naman may dala siyang lunch? O baka
ine-expect niya na sabay kaming mag l-lunch pero pag labas niya ng opisina niya eh
wala na ako?
Anak ng isda naman oh! Alam kong makokonsesnya ako pag sinabayan ko
siya sa pagkain at mapapalapit siya lalo sa akin. Pero nakokonsensya rin ako sa
thought na akala niya magsasabay kami pero iniwan ko siya dito mag isa.
Anak ng konsensya!
Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Sir West at bumalik sa pwesto ko.
Ipinasak ko ang headset ko sa aking tenga at pinakinggan ang "Shake it off" ni
Taylor Swift habang nag p-proofread. Baka sakali kasing ma-shake it off ko ang mga
iniisip ko dahil sa kantang ito.
Nagpaalam na ako kina Luke, Elise at sa iba pang mga kasamahan ko.
"Wow Jillian on the dot ka mag o-out ngayon ah!" pang-asar sa akin ni
Edgar, yung isa naming editor.
Palabas na sana ako ng pinto kaya lang, narinig ko ang pag slide ng
pinto ng office ni Sir West. Wala na sana akong balak lumingon kung hindi lang niya
ako tinawag.
Napa-buntong hininga na lang ako. My gawd! Sir West naman eh! Iniiwasan
na nga kita eh. Bakit ganyan ka pa?
"Bakit po?"
"Ah ganun ba? Wow," sabi niya na hindi man lang nag abala na tignan ang
email niya. Kasi malamang, nakita na niya yun.
Huminga ako ng malalim, "no Sir West. Hindi po ako sasabay sa inyo.
Boss kita eh. Hindi pwede."
"I-I didn't mean anything like that, Jillian. I just want to be your
friend."
Kaya lang hindi ko pwedeng kalimutan na kaya lang din naman siya ganyan
sa akin is because of that one stupid arrow.
Naisipan ko nang sumakay ng taxi para mas mabilis akong makauwi. Kaya
lang, nang naglalakad na ako papuntang taxi bay, natanaw ko si Enid na palabas na
rin ng building.
Siya yun, ang babaeng naka-itim na nag utos sa akin na nakawin ang pana
ni Cupid.
To be continued...
***
Ang kyot nung #WesLian <3
Chapter 11 (11/25/14)
Chapter 11
[Jillian's POV]
What the eff?! Bakit magkasama si Enid at si lady in black? Bakit sila magkakilala?
Nakakainis naaaaa!!
"Uy."
"Jillian."
"Sir!"
Napabuntong-hininga siya.
"Wala na tayo sa loob ng opisina kaya hindi mo ako dapat tawaging sir."
"Hindi ba kita pwedeng maging kaibigan man lang?" tanong niya sa akin
at ang lungkot-lungkot ng boses niya. Yung mga mata niya parang nangungusap, nag
mamakaawa. Yung itsura niya-well gwapo-pero para siyang gwapong pinag sakluban ng
langit at lupa.
Ano baaaaaaa. Bakit niya ba ginagawa ito? Madali akong mahabag! Madali
akong bumigay! At pag ako bumigay sa taong 'to, mas lalong magiging mali ang bagay
na itinatama ko.
"At alam ko naman na hindi ako masyang kasama kaya siguro ayaw mo akong
maging kaibigan," pagpapatuloy niya. At bumuntong hininga pa ulit siya. "Siguro
nga, dahil doon. Naiintindihan ko naman, Jillian. S-sorry. S-sige una na ako."
Ow may gawd! Why are you doing this to me? This is torture!
"Mabuti kang tao at napatunayan ko na 'yun matagal na. It's just that-"
it's just that tinamaan ka ng pana ni Cupid kaya ka ganyan sa akin. At lumalayo ako
kasi hindi mo ako dapat mahalin. May ibang tao kasing nakatadhana para sa'yo. If
only I could say those things!
Umiling ako, "wala. Marami lang akong pinagdaraanan lately and I'm
sorry kasi mukhang sa'yo ko naibuntong lahat ng pinagdaraanan ko. Of course I want
to be your friend and I'm so sorry kung itinaboy kita," I smiled at him.
Sana.
"Hatid na kita?" alok niya sa akin.
"Bakit ganun? Okay naman siya kanina ah?" bumaba si Sir West at pumunta
sa harapan para i-check ang makina ng kotse niya.
Bigla-bigla ay umilaw na naman ang compass na suot ko. This time, kulay
asul na liwanag naman ang lumalabas dito at nag mumula siya doon sa letter W ng
compass. Sa west part.
"Okay na 'yung kotse," Sir West told me habang pasakay siya. "Wala
namang problema. Baka nag-loko lang."
"Buti na lang."
Pinaandar niya ulit ang kotse at maayos namang umandar ito. At sa totoo
lang, maayos na maayos ang lahat ng bagay nung pauwi kami. Walang traffic, tuloy-
tuloy ang pag mamaneho niya at mabilis kaming nakarating sa apartment ko.
Bumaba na ako sa kotse niya and gave him wave bago ako tuluyang pumasok
sa apartment ko.
"Cupiiiiddd!!"
"Jillian," nakita ko siyang nakatayo sa maliit ko sala at seryoso
siyang nakatingin sa akin.
Umiling ako, "no. Hindi niya ako nakita at mas lalong hindi ko hinubad
ang compass. Pero may bago kaming empleyado at nakita ko silang magkasama kanina!
My gosh! Baka kasabwat ni Ayesha yun o ginagamit siya ni Ayesha. Kailangan natin
malaman ang plano nila! Paano kung plano nilang saktan si Luke at Elise o kaya
naman si Sir West? O baka may plano rin silang masama sa akin? Cupid, I'm scared!
Kailangan natin sila agad mapigilan!"
"Hindi ko alam! Wala akong napansin! Well, kung kakaibang bagay yung
bracelet niyang may butterfly na charms o yung kwintas niyang may butterfly o yung
obvious obsession niya sa paru-paro eh ewa---"
"Wait! Paru-paro?!"
Ipinatong niya ang ulo niya sa kanyang dalawang palad and he look so
scared.
"Ang gwapo mo naman, iho!" sabi ni Lalaine, yung isa naming editor na
matandang dalaga.
"Sana i-hire ka rito para lagi akong ganado pumasok," sabi naman ni
Cynthia, isa ring columnist.
Napatawa na lang ako. Kung alam lang kasi nila na ang real-life Eros
talaga ang kaharap nila.
"At eto na ang pinagkakaguluhan ng mga boys," sabi naman ni Luke habang
nakatingin sa pintuan ng office.
Nakita kong papasok na si Enid kaya agad akong napatingin kay Cupid.
Nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin din siya kay Enid.
"Hi guys, good morning!" bati ni Enid sa amin at napa-tingin siya kay
Cupid. "Hello!" naka-ngiting bati niya rito.
Hindi kumibo si Cupid. Nakatitig lang siya kay Enid na para bang
nakakita siya ng multo. At parang bigla rin akong kinabaha.
"E-Eros!"
***
Author's Note:
Para po sa mga hindi nakakakilala kay Psyche, she is the Greek Goddess of Soul and
the wife of Eros/Cupid :)
Chapter 12 (11/27/14)
Chapter 12
[Jillian's POV]
Psyche? Tinawag niyang Psyche si Enid? Ibig sabihin siya ang asawa ni
Cupid?
Tinabing ni Enid ang kamay ni Cupid, "excuse me sir, pero hindi po kita
kilala at hindi po Psyche ang pangalan ko."
Oh no.
"Okay pre, ayos ka rin dumamoves ah! May pa Cupid and Psyche ka pang
nalalaman diyan. Pero hands-off pare. Respeto naman sa babae."
"Si Ayesha ba ang may kagagawan nito?!" giit niya kay Enid at hinawakan
niya ang kamay nito.
"Ano ba pre!" hinila ulit siya ni Edgar palayo kay Enid at sinuntok
siya nito.
"Sorry!"
"Psyche.."
"W-what's happening?!"
"Wag kang bibitiw sa akin," sabi niya kaya naman napahigpit ang hawak
ko sa braso niya.
Naramdaman ko ang pag lutang namin sa ere. Hindi ko alam kung gaano
kami kataas ngayon. Hindi ko rin nakikita ang kapaligiran dahil sa nakakasilaw na
liwanag na pumapalibot sa amin.
Tumingin ako sa paligid. Puro puno at mga halaman lang ang nakikita ko-
well except doon sa malaking kweba na nasa harapan namin ni Cupid.
Ay anak ng--!!
Hindi pa rin ako sinagot ni Cupid instead tuloy-tuloy lang siyang nag-
lakad papasok.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Nakakaramdam kasi ako
ng matinding kaba sa lugar na 'to. At isa pa, ang dilim masyado sa loob. Wala akong
makita. Kung hindi ko hahawakan si Cupid, alam kong hindi ako makakagalaw sa
kinatatayuan ko.
"Cupid, a-ano bang nasa loob ng kwebang 'to?" bulong ko ulit sa kanya.
Mas dumoble ang kaba ko. Paano kung may lumabas na halimaw diyan o wild
animal? Paano kung biglang may umatake sa amin? Paano kung may inilagay na kung
anu-anong patibong si Ayesha sa lugar na 'to?
"Wag kang matakot," dinig kong sabi ni Cupid. And this time, mas
kalmado na siya.
Well, I'm with a god. Hindi ko nga lang alam kung ano ang kaya niyang
gawin pag wala ang pana niya, pero siguro naman ay kaya niya kaming protektahan 'di
ba?
Dali-dali akong lumapit sa pond kaya lang bigla akong hinila ni Cupid.
"Wag kang basta-basta lalapit. Hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa'yo
kung padalos-dalos ka ng kilos."
Bago ko pa ma-itanong kay Cupid kung sino si Hecate dahil mahina ako sa
Greek mythology, ibinato niya ang hawak-hawak niyang bato doon sa pond. Gumalaw
bigla ang kaninang tahimik na tubig. Hanggang sa biglang nagkaroon ng isang
malaking whirlpool sa gitna nito.
Napalunok na lang ako. Tama nga siya, hindi dapat ako basta gumagawa ng
kahit ano rito.
"Bakit mo ginagawa ang mga bagay na 'to? Bakit kailangan mong guluhin
ang lahat?! Ano bang problema mo?!"
Hinawakan ni Cupid ang braso ko kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.
"Cupid.."
"Makinig kayo!"
Napatingin kami bigla kay Ayesha. Bigla niyang itinaas ang kanang kamay
niya at kasabay ng pagtaas niya nito ay ang pagtaas din ng tubig mula sa pond na
nasa likuran niya.
"Ano ba ang sinasabi mo? Ano ang ibig mong sabihin?!" tanong ko sa
kanya.
Pero hindi niya pinansin ang tanong ko dahil tuloy-tuloy pa rin siya.
"Gawin ito agad. Dahil kapag natakpan na ng dilim ang liwanag, tuluyan
nang mabubura ang lahat."
Pagkasabi niya noon ay itinuro niya kami gamit ang kanang kamay niya.
Bigla-bigla ay naging isang malaking-maliking alon ang tubig na nagmula sa pond at
lalamunin kami nito.
"Takbo!"
To be continued...
***
Author's Note:
Yung mga nagagalit kung bakit may asawa si Cupid, mehehehe sisihin niyo po ang
Greek mythology XD
Chapter 13 (11/28/14)
Chapter 13
[Jillian's POV]
"Natatakot ako," sabi niya sa akin. "Natatakot ako na baka tuluyan nang
mawala sa akin si Psyche. Hindi ko kakayanin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
"Cupid, gusto kitang tulungan. Pero hindi ko magagawa ito kung hindi mo
ipapaliwanag sa akin ang lahat. Naguguluhan talaga ako. Sino si Ayesha at bakit
niya ginagawa ang mga bagay na 'to? Bakit parang ang laki ng galit niya? At, ano
ang ibig niyang sabihin na babawiin niya ako?"
Umusog ako ng kaunti kay Cupid at pinakinggan maigi ang sinasabi niya.
"Nang makasanayan na ni Ayesha ang mundo namin, naging maayos naman ang
lahat," pagpapatuloy niya. "Kaya lang nang aksidente niyang mabasa ang book of
soulmates, doon na ulit nagkaroon ng bagong kaguluhan. Nakita niya kasi na
nakaguhit ang tadhana niya sa lalaking mahal niya. Pero dahil malapit na siyang
maging isang ganap na Goddess, unti-unti nang nabubura ang pangalan niya sa librong
iyon dahil nag-iiba na ang kapalaran niya. Nag-rebelde si Ayesha at tumakas kay
Aphrodite. Hindi ko alam kung sino ang tumulong kay Ayesha para makatakas, pero
nagawa niyang makabalik sa mundo ng mga tao. Yun nga lang, huli na ang lahat nang
makabalik siya. Dahil patay na ang lalaking nakatadhana sa kanya."
"At itong Hecate na ito, ano ang bagay na kaya niyang gawin?"
"Sino yun?"
"What the hell! Ginagawa niya lahat ng bagay na ito para sa isang taong
kahawig lang ng nakatadhana sa kanya?! Okay lang ba siya?"
"Hindi niya naiintindihan ang bagay nay un, Jillian. Dahil ang nasa
isip niya ay si Zyron at ang lalaking nakatadhana sa kanya ay iisa. Kaso hindi.
Magkaiba sila at sa ibang tao rin nakaguhit ang tadhana ni Zyron. Kaya niya kinuha
ang pana ko ay para hindi ko magawan ng connection ang dalawa."
Iniwas ni Cupid ang tingin niya at napayuko siya, "dahil pinili ka rin
ng compass niya Jillian. She wants to use you against me. Alam niya kasing pag
nagsama kayong dalawa, wala na akong magagawa. Afterall, ikaw lang ang may
kakayanan ngayon na makagawa ng strong connection."
"Then you don't have to worry about me. I cannot be bribe from some
strong magic. Hindi ko naman gusto 'yun eh. I'm on your side Cupid."
"Pero may paraan pa Cupid! Naalala mo, bago tayo makaalis sa kweba, may
sinasabi si Ayesha sa atin. Isang riddle! Marahil ayun yung sagot kung paano
maibabalik ang alaala ni Psyche!"
Pero kesa matuwa ay mas lalong naging down ang itsura ni Cupid.
"Cupid, listen to me," mas lumapit ako kay Cupid at hinawakan ko ang
balikat niya atsaka ko siya tinignan ng seryoso. "Hindi man ako magaling sa
mythology, pero alam mo ba na ang story niyo ni Psyche ang hinding-hindi ko
makakalimutan. Yung mga pinagdaanan ni Psyche para lang makita ka ulit niya, at
kung paano mo siya ipinagtanggol at pinrotektahan kay Aphrodite, hinding hindi ko
makakalimutan yun. At alam mo ba, yung mga Gods ang dami nilang nagugustuhan na
iba't-ibang babae. Pero ikaw, nag-iisa lang si Psyche sa paningin mo. Siya lang ang
mahal mo at alam ko, kahit anong mangyari, kahit anong pagsubok pa ang ibato sa
inyo ni Ayesha, malalagpasan niyo ito. Cupid, hindi lang ang pana ang tanging bagay
na nag buklod sa inyo ni Psyche," mula sa balikat ni Cupid ay inilipat ko ang kamay
ko sa dibdib niya. "Ang puso niyo rin ang dahilan kung bakit kayo nagmamahalan."
"Jillian..."
"Tsaka may nakakalimutan ka ata. Wala man ang pana mo, nandito naman
ako. I'll be your arrow, Cupid. So ano, paiibigin na ba natin si Psyche in a
traditional way?"
Kakayanin...
To be continued...
***
Author's Note:
I suggest you read Cupid and Psyche's myth para sa mga hindi pa nakakaalam ng story
nila. Pero kung maiintay niyo ang ilang chapters, baka ikwento ko rin yun dito sa
mga susunod na chapters.
At, mas maganda kung nagbabasa ng author's note. May mga goddesses kasi akong
nababanggit at sinasabi ko sa author's note kung sino ang gods/goddess na 'yun.
Pero syempre doon sa mga hindi nagbabasa ng AN ay hindi rin mababasa ang tip ko na
'to. Wahahaha XD
Chapter 14 (12/1/14)
Chapter 14
[Jillian's POV]
"Oh my gaaasssh!!! Oh my gosh! Hala! Patay! I'm dead! Patay! Anong gagawin ko?!
Saan na ako pupulutin!" natatarantang sigaw ko habang pabalik-balik akong
naglalakad sa harapan ni Cupid.
"Calm down," chill na chill niyang sabi habang naka-hilata siya sa sofa
at busy kumain ng chichirya.
Maayos na rin naman ako ngayon. Naka t-shirt at pajama na nga ako eh.
Ang kaso lang...
ANAK NG PANA NAMAN OH! Nakalimutan kong may trabaho ako ngayon! At nag
AWOL ako nung dalhin ako ni Cupid sa kweba! Ang pag-alis ko ng hindi nagpapaalam sa
opisina ay considered as AWOL. At ang AWOL ay equals to goodbye job kapag hindi ako
nakapag-produce ng katanggap-tanggap na excuse.
Anong gagawin ko? Paano ko i-e-explain ang sarili ko? Anak naman ng--!!
"Wag ka ngang mataranta, Jillian. In love naman sa'yo ang boss mo kaya
hindi ka nun patatalsikin."
"User! Isa pa hindi lang si West ang boss ko 'no! May mas mataas pa sa
kanya!"
"Okay. In love sa'yo si West kaya hindi ka niya isusumbog sa mas mataas
pang boss para hindi ka mapatalsik."
Dahil nag mamadali ako, simpleng pants at t-shirt lang ang sinuot ko at
dali-dali na akong lumabas. Kaya lang, napahinto ako bigla nang ma-realized ko na
lahat ng gamit ko ay naiwan ko sa opisina. Kahit ang cellphone at wallet ko.
"Uy ano ba! Ibalik mo sa akin 'yan! Nag i-stress eating ako dito eh!"
I glared at him, "MAS STRESS AKO! Dalhin mo ako sa office namin!" utos
ko sa kanya.
Napangiti ako. Marunong naman pala makuha ang isang 'to sa tingin.
Cupid offered me his arm at isinukbit ko naman ang kamay ko doon. Maya-
maya lang ay nag liwanag na ulit sa kapaligiran namin, at sa isang iglap lang ay
nandito na kami sa elevator ng building ng opisina ko at paakyat papunta sa office.
"Ituro mo nga sa akin ang technique na 'yan. Laking tipid nito sa oras
at pamasahe."
"Mga Gods and Goddesses lang ang may kakayahan ng ganito. Hindi ka
isang Goddess kaya wag kang umasa."
Sinimangutan ko siya. Hindi man ako Olympian goddess, mukha naman akong
dyosa!
Nang marating na naming ang opisina ko, dali-dali akong pumasok doon.
Wala na ang iba kong mga ka-opisina pero andoon pa si Luke at Elise. Agad naman
nila akong sinalubong dalawa.
Biglang napa-buntong hininga si Luke, "hay good thing. Akala namin kung
ano na ang nangyari sa'yo eh. Pinakaba mo kami lahat."
And right on cue pagkasabi ko nun, biglang nag bukas ang pintuan ng
opisina at pumasok si Sir West. Halata ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako
pero bigla na lang naging cold ang tingin niya sa akin atsaka siya dumiretso sa
loob ng opisina niya.
Kumatok ako sa opisina niya pero hindi siya sumagot. Ganun pa man,
lakas loob na akong pumasok sa loob at nadatnan ko siya sa may desk niya na
nakapatong ang ulo sa dalawa niyang kamay.
"Sir West..."
Inangat niya ang tingin niya sa akin. Ang cold ng mga mata niya. Mas
bumilis ang tibok ng puso ko.
"Pero nung nawala ka, I don't have any intentions of firing you."
Napamulat ulit ako napatingin sa kanya. He's still looking at me
seriously at palapit na siya ng palapit sa akin.
"S-Sir West..."
"And I'm so glad you're here. I'm so glad you're safe. Akala ko kung
ano na ang nangyari sa'yo. You scared me."
"Hindi kita kayang parusahan, Jillian. Let's just forget what happened
today."
Ganun na lang yun. Hindi na niya ako pinagalitan na dapat ay gawin niya
dahil deserve ko naman. Ni-hindi ko nga naipaliwanag sa kanya maigi ang pagkawala
ko sa trabaho kanina eh.
Hindi siya nakasagot. Iniwas niya agad ang tingin niya sa akin at
halata ko na ang pamumula ng mukha niya.
"I'll give you two days suspension. You may leave now," mariin niyang
sabi.
Chapter 15 (12/05/14)
***
Chapter 15
[Jillian's POV]
"Cupid, pwede mo bang ipakilala sa akin ang soulmate ni West?" tanong ko sa kanya
habang nandito kami ngayon sa Mcdo at kasalukuyang nag i-stress eating.
"Hindi pa rin pwede. Mamaya madaliin mo ang kay Luke at Elise at bigla
mo na lang i-matchmake si West."
Hindi ako umimik. Ganun naman kasi talaga ang plano ko. Gusto ko nang
mag jump agad sa lovelife ni West. Paano ba naman kasi parang pinipilipit sa sakit
ang puso ko dahil sa ginawa ko sa kanya. Nasaktan ko siya. Nasasaktan ko siya. At
alam kong mas masasaktan ko pa siya. Monster man ang tingin ko sa kanya noon, alam
ko ngayon na hindi naman pala talaga siya ganoon. Ang isang taong kung mag mahal ay
katulad ni Sir West ay malayong-malayo sa pagiging isang halimaw.
Lumungkot bigla ang mukha ni Cupid, "oo. Sobra. Hay, kung hindi nga
lang ninakaw ng isa diyan ang pana ko, edi sana matagal na akong nakauwi ngayon at
masaya kaming magkasama ni Psyche."
Bigla naman niya akong nginitian, "ang init ng ulo mo. Joke lang 'di
ba? Tsaka isa pa may tiwala ako sa'yo na maayos mo ito."
"Teka lang Cupid, naisip ko lang, kahit magawa kong i-matchmake si Luke
at Elise. Si West at ang nakatadhana sa kanya pati si Zyron at ang nakatadhana rin
sa kanya, paano kung mas magalit si Ayesha at hindi niya ibalik ang pana mo? Paano
na?"
"Wag kang mag-alala, may alam na akong paraan para maibalik sa akin ang
pana ko."
"Ano 'yun? Isinumbong mo siya kay Aphrodite? Kay Zeus? Kay Athena? Kay
Hades? Anoooo?"
"Hindi. Hindi ko pwedeng gawin 'yun. Pero may hiningan ako ng tulong at
kasalukuyan nang ginagawa ang bagay na kakailanganin ko. Sa ngayon, kailangan mo
munang gawin ang trabaho mo okay? Mag focus ka doon at hayaan mo muna si West.
Magiging okay rin siya. Parte ng buhay ang ma-brokenheart. Hindi naman siya
suicidal na tao eh."
Pero kung sabagay, wala naman ako talagang ibang magagawa kundi ang
pabayaan na lang si West.
Monday morning, ten minutes bago ang time ako nakarating sa office.
Ibang klase kasi ang traffic pag Lunes. Ang hirap pang sumakay ng jeep kasi
palaging punuan. Si Cupid naman ay hindi bumisita sa pamamahay ko ngayong umaga
kaya hindi ko napakiusapan na ihatid ako sa office gamit ang hocus-pocus niya.
"B-baka kasi hindi pa kayo nag aalmusal kaya nanlibre ako," sabi niya
rito at bigla na naman namula ang tenga niya.
"Ang bait naman ni Sir!" masiglang sabi ni Elise at bigla niya akong
hinila sa pwesto niya at inabutan ng pandesal na may palamang pancit canton. "Ayan.
Kainin mo 'yan!"
Obvious naman kasi kung bakit niya ginagawa ito eh. Pero ewan ko ba
kung bakit parang natutuwa ako?
"Wag na! W-wag na. Dalawang baso ang nalagyan ko ng kape eh-uhmmm
accidentally. Ito na lang sa kanya. Lalagyan na lang ng mainit na tubig 'to."
"-hindi ako nanlibre dahil sa'yo ah! Wag kang mag assume!" pagputol
niya sa sasabihin ko. "T-tsaka isa pa, masama bang manlibre sa mga ka-officemates?
Normal na bagay lang 'yun!"
Inabot niya sa akin ang tasa ng kape na tinimpla niya at agad niya
akong tinalikuran atsaka pumasok sa loob ng opisina niya.
Maniniwala na sana ako sa kanya kung hindi lang siya guilty eh. At ang
cute niya ma-guilty at mahiya. Pulang-pula ang dalawang tenga niya.
Nagtungo na ako sa desk ko para mag simula nang trabaho. Kaya lang, pag
dating ko doon, nakita kong may nagiwan na naman ng chocolates.
"Malay mo naman. But whoever that guy is, sana siya yung taong mabuti
at hinding-hindi ka sasaktan."
Nginitian ako ni Luke. Yung normal na ngiti lang niya pero napaka-
daling makapang-hawa kaya naman napangiti na lang din ako.
"Luke, alam mo ba, na-realize ko lang na kahit gaano kabuti ang isang
taong minahal mo, kung hindi naman talaga siya ang nakatadhana para sa'yo,
masasaktan at masasaktan ka pa rin niya."
Biglang ipinatong ni Luke ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok
ko.
"Kung anu-ano na ang sinasabi mo, Jill. Puro romance stories ba ngayon
ang manuscripts na ine-edit mo?"
Tinawanan ko siya, "oo eh! Naapektuhan na nga ata ang utak ko."
Ibinilin siya sa akin ni West (at kinakausap niya ako nang hindi ako
tinitignan sa mata). After nun, bumalik na ulit siya sa opisina niya. Si Cupid
naman ay biglang dumiretso sa table ni Enid.
"Alam kong hindi maganda ang inasal ko sa'yo noong huling beses tayong
nagkita. Sana patawarin mo ako. Gusto ko lang magpakilala sa'yo ng mas maayos. Ako
nga pala si Eros," at inilahad niya ang kamay niya sa harapan ni Enid.
"Kapag natapos na ang lahat nang ito at nakuha ko na ang pana 'ko,"
bulong sa akin ni Cupid, "kailangan mong ipaalala sa akin na dapat akong maging
patas. Baka kasi bigla kong maisipang iduktong ang kapalaran ng edgar na 'yan sa
isang unggoy."
"I know."
To be continued...
Chapter 16 (12/6/14)
Chapter 16
[Jillian's POV]
"Hay. Ibang klase talaga ang hagupit ng bagyong Jillian sa puso ng kanluran," naka-
ngising bulong sa akin ni Cupid habang naka-lean siya sa may desk ko at sarap na
sarap sa pagkain ng pizza.
"Okay lang 'yan Jillian. Nag eenjoy ka rin naman sa mga binibili niya
eh. 'Di mo ba napapansin? Favorite mo lahat ang binibili niya!"
Mas lalo kong tinignan ng masama si Kupido. Ba't ba parang aliw na aliw
siya pag may mga nilalang na nag durusa o nagiging mukhang shunga at uto-uto nang
dahil sa pag-ibig?!
"Ibang klase rin ang tama ni Edgar sa asawa mo!" ganti ko naman sa
kanya kaya biglang nawala ang ngisi sa mukha ni Cupid.
Mabait naman itong si Edgar. Hindi nga lang kagwapuhan. At may pagka
maangas at mahangin kaya minsan nakakapikon talaga siya. Pero masipag naman siya.
Yung nga lang, walang kaalam-alam ang mokong na 'to na God of Love ang
kanyang binabangga.
"Huh?"
"Pana ka lang nang pana. Alam mo kung sino ang nakatakda para kanino.
Hindi katulad naming mga mortal, walang kaalam-alam kung sino ba talaga ang the one
para sa amin. Kaya naman kapag nag mahal kami, palagi kaming nagbibigay ng effort
sa mga taong minamahal namin. At ayun ang hindi mo naranasan. Ang mag bigay ng
todo-todong effort."
Napa-simangot lalo si Cupid, "nag e-effort naman ako eh. Sadyang ang
laking hadlang lang ng Edgar na 'yan."
"Alam kong hindi dapat pinipilit ang pagkakaibigan," sabi ni Cupid kay
Enid. "Pero pwede ba natin subukan kung may chance na magiging magkaibigan tayo?
Pwede ba tayong sabay na mag lunch ngayon?"
"Wag ka nga sasama sa lalaking 'yan. Type ka niyan eh," hirit ni Edgar.
Hindi siya pinansin ni Cupid at nagaktingin pa rin siya kay Enid, "kung
sinasamahan mo si Edgar, pwede mo rin akong samahan. Halata rin naman na type ka
niya eh."
"Yes!" sigaw ni Cupid, "I-I mean.. yes. Hehe. Yes. Tara na?"
"Seriously?!" iritang sabi ni Edgar pero dinedma lang siya nina Cupid
at Enid. Sabay na lumabas yung dalawa.
Buti naman at lumayas na siya. May iba pa kasi akong plano eh.
"Guys, gusto niyo bang manuod ng musical play sa Sabado?" tanong ko kay
Elise at Luke habang kumakain kami. "May mga tickets kasi ako rito. Sayang naman
kung hindi magagamit."
"Okay lang. May Sunday rin naman eh. Pwede namang sa Sunday tayo."
"Sige na Elise, sumama ka na. Mas masaya kung tatlo tayo," pagpipilit
ko sa kanya. "Di ba Luke?"
Aba. Bakit nung si Luke na ang nagyaya, um-oo agad siya? Hmm.
Sa totoo lang, ako ang mawawala sa Sabado. Wala akong planong siputin
silang dalawa. I think mas magiging malapit sila kung lalabas ulit sila na sila
lang.
Mwahahaha. Okay lang 'yan. God naman siya eh. Madali niyang matatapos
'yan.
Nung hapon na pauwi na kami, bigla namang bumuhos ang ulan. Mabuti na
lang talaga at palagi akong may dalang payong.
"Si Psyche," sabi ni Cupid sa akin habang nasa may labasan na kami ng
building.
Napatingin ako sa kalangitan. Ang dilim na. At medyo malakas din ang
ulan. Ngayon ko lang na-realize na ang shunga ko. Sana pala nagpahatid muna ako kay
Cupid sa bahay gamit ang hocus pocus niya. Ngayon, paano ako uuwi?
Dahil walang choice at ayokong ma-trapped dito, lumusong na ako sa
ulan. Goodluck talaga. Nawa'y wag akong magkasakit.
"Hahatid na kita."
"Ayoko."
"Bakit kailangan mo pang gawin 'to? I told you may iba na akong mahal."
"Ihahatid lang naman kita. Hindi naman kita nililigawan eh," mahinang
sabi niya at parang any minute eh mag p-pout na siya.
"Sir West, hindi mo ako pwedeng ihatid. Boss kita. Isa pa, kailangan mo
nang itigil ang panlilibre mo ng breakfast sa mga kaopisina natin. Hindi mababago
nun ang fact na may iba na akong mahal."
Kaso akala ko tatalikod na ulit siya at iiwan ako, kaya lang tinignan
niya ako ng seryoso.
"H-ha?"
"Wala na akong paki kung boss mo ako at may iba ka nang mahal. Hindi ko
kasi kayang lumayo sa'yo, Jillian."
Huminga ako nang malalim, "kasi hindi ako ang para sa'yo."
"Pero paano kung ikaw talaga ang para sa akin?" seryosong tanong niya.
"I-imposible."
I am in deep trouble.
To be continued...
Chapter 17 (12/9/14)
Dedicated to leily kea
Tawa ako nang tawa sa comment mo sa Chapter 15 XD Yung Edgar + Unggoy = Edgoy XD
Pati yung "baka si Edgar at Ayesha ang nakatadhana?"
Nyahahahaha XD
***
Chapter 17
[Jillian's POV]
Simple lang pumorma si Sir West. Bagay naman sa kanya ang mga damit na
sinusuot niya kasi maganda built ng katawan niya. Pero kahit anong simple niya
pumorma, hindi nawawala yung aura niya na alam mong angat siya sa buhay.
Kaya naman nang makita ko si Sir West na nakaupo sa bulok kong sofa
habang nanunuod sa t.v kong hugis kahon ay para akong biglang nanliit.
Tinignan ko ang ref ko kung ano ang pwede kong ipakain sa kanya.
Tanging dalawang pistel ng tubig, isa bote ng peanut butter, isang can ng liver
spread, at isang pack ng sandwich spread lang ang nakita kong laman nito.
Pero habang nasa byahe kami, doon ako nagsisi. Naalala ko kasi ang
pana. Hindi naman niya gagawin at sasabihin ang lahat nang ito kung hindi dahil sa
pana ni Cupid.
"Jillian."
"Uhmm Jilian, sabi sa news na baka abutin daw bukas ng hapon ang bagyo
kaya naman nag suspend na kami ng pasok bukas sa trabaho."
"O-okay lang bang nandito ako ngayon?" tanong niya sa akin na para bang
nahihiya-hiya.
"Oo naman! Ayos na ayos lang. Hindi naman kita hahayaan na umalis
habang bumabagyo," ang tanging problema ko lang ay wala akong maipapakain sa'yo.
"Ano 'yun?"
Ipinakita ko sa kanya ang dalawang de lata na hawak ko.
Bigla naman napangiti ng malawak si Sir West, "ayun lang ba? Walang
problema."
"Infairness, mas masarap pala 'to kung ginigisa ah," masayang sabi ko.
"Siguro marami kang alam sa kusina 'no?"
"Oh...I see."
Napangiti ako, "buti ka nga marunong mag-luto eh. Ako hindi. Nasanay na
kasi ako bumili diyan sa kanto ng ulam at kanin. Tutal mag-isa lang din naman ako
sa bahay."
Napaangat ulit ang tingin niya sa akin, "wala ka bang kapatid? Nasaan
ang parents mo?"
"Hindi ko alam kung may kapatid ba ako o wala. Hindi ko kasi nakilala
ang mama ko. Ang papa ko naman, busy ako itago kasi malaking issue pagka nalaman na
may anak siya sa labas."
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni West nang dahil sa sinabi ko. Hindi
ko rin alam kung bakit na-banggit ko sa kanya ang bagay na 'yun. Tanging ang mga
kaibigan ko lang na nagmula sa bahay ampunan at ang mga madre na nag-alaga sa amin
ang nakakaalam ng bagay na 'yan. At siguro si Cupid since wala naman ata siyang
hindi nalalaman tungkol sa akin kahit hindi ko ikwento sa kanya.
Pero kasi, ewan, parang ang gaan ng loob ko ngayon kay Sir West.
Mga Martinez ang tumulong kay Sen. Evangelista. (Oo hindi ko siya
tinatawag na papa, tatay, daddy o ama.) Yung mga Martinez na may ari ng biggest
telephone company ng bansa.
Pak---shet.
Napalunok ako. Baka ipapatay ako nito pag nalaman niya kung anong
kagagahan ang ginawa ko sa kanya.
Hindi ako halos makapag salita. Ngayon lang kasi ako nakakita ng isang
taong born with a golden spoon on his mouth na paglaki ay pinili na lang magpaka
low profile.
"H-ha?"
"I mean, grabe. Nasa harap mo na ang kayamanan pero mas pinili mong
tumayo sa sarili mong paa. At para sa akin kahanga-hanga 'yun."
A wide, beautiful smile spread across his, "t-talaga? Ayun yung tingin
mo?"
"S-so," he cleared his throat, "dito rin ba natutulog yung pinsan mo?"
"Pinsan?"
"Si Eros?"
Actually hindi ko alam. Pero sana wag dahil ayokong magulat si West na
bigla na lang susulpot mula sa hangin si Cupid.
Medyo napaiwas ng tingin si West at nakita kong mas lumala ang pamumula
ng mukha niya. Sa daming beses ko siyang nakitang mamula, ngayon ata ang pinaka
mapula.
Nag-taka naman ako kung bakit nag blush siya nang ganyang katindi. Then
bigla ko na lang na gets.
"Nuod tayong movie!" sabi ko na lang para mawala ang awkwardness namin
sa isa't-isa (at maduduming bagay na naglalaro sa isip ko)
"Hala nabasa na ang hoodie mo. Wala pa naman akong damit na mapapahiram
sa'yo rito. Hala paano na?"
"N-no worries. May t-shirt naman ako sa loob," sabi niya sabay pinadaan
ang hoodie sa ulo niya para hubarin.
Medyo sumama yung panloob nyang t-shirt kaya naman sumilip ng onti ang
abs niya sa harapan ko. At nang tuluyan na niyang mahubad ang hoodie niya, nag
hello sa mukha ko ang biceps niya.
"Hindi na. Okay lang. Bisita kita. Umupo ka na doon at mabilis lang
'to," nakangiti kong sabi. Smile Jillian. Smile at wag ipahalata na may namumugad
nang paruparo sa bituka mo.
"P-pero---"
"Sige na! Okay lang talaga," umalis ka na sa harapan ko. Ayokong maakit
sa'yo. Hindi pwede. Hindi. Hindi talaga.
Hindi na ako kinulit ni Sir West at nagtungo na siya doon sa sofa. Ako
naman, pilit na pinapakalma ang sarili habang nag huhugas. Buti na lang at
nahimasmasan ako kahit papaano.
Nang bumalik ako, pinapili ko si Sir West kung anong movie ang gusto
niya. Good thing he chose a safe-romance free movie---Despicable Me.
To be continued...
***
#TeamKanluran
#TeamKupido
#TeamLuke
#TeamEdgar (?!!!)
Chapter 18 (12/17/14)
Dedicated to DatGuyStoryMaker :)
***
Chapter 18
[Jillian's POV]
Hindi mawala ang pag-ngisi ni Cupid habang naka-upo ako sa dining table ko at
umiinom ng kape habang naka-busangot ang mukha.
"'To naman! Ang pikon mo. Pero kung makikita mo lang itsura niyo
kanina. Ang cute-cute mo. Para kang koala na naka-yakap sa puno."
Ngumisi naman siya, "para namang may kakayanan kang pigilan ako."
"O-oo naman! Hindi ako ma-i-inlove 'no! Hinihintay ko na nga ang para
sa akin eh."
"Good."
Bigla kong ipinako ang tingin ko sa tasa ng kape na iniinom ko. Hindi
ko alam kung bakit pero parang bigla akong na-depress sa sinabi ni Cupid.
May ibang tao ang para kay West. Alam ko naman 'yun eh. Pero in some
ways iniisip ko, kung sakaling si West ang nakatadhana sa akin, siguro ayos lang sa
akin. Nakita ko kung paano siya magmahal. Baka nga hindi pa niya pinapakita masyado
eh pero halata nang sobra-sobra siya kung mag mahal.
Naisip ko dati, ang malas ng kung sino mang babae ang nakatadhana kay
West. Pero ngayon, sa nakikita ko, ang swerte-swerte ng babaeng 'yun.
"Sabi ko na bagay sa'yo 'yang mga ganyang pormahan Sir West eh!" papuri
naman ni Cupid. "Gusto mo sumama sa akin minsan na mag audition sa PBB?"
"Ang dami mo namang gustong salihan. Mamaya niyan pati sa The Voice mag
audition ka rin!" sabi ko naman kay Cupid.
"Pwede rin! Alam mo namang lahat kaya kong gawin," Cupid gave me a
meaningful smile.
Hmp! Hindi rin lahat! Dadaan muna siya sa butas ng karayom bago makuha
ang puso ni Pysche!
"O-oo nga. Pwede na akong umalis. M-medyo nakaka-abala na ata ako kay
Jillian," Sir West gave me an innocent smile.
"Oh okay lang daw kay Jillian, sir! Jillian, dalhin mo kaya si Sir West
doon sa lugawan sa kanto. Hindi pa nag b-breakfast yung boss natin oh! Mahiya ka
naman!" pang-u-udyok ni Cupid sa akin.
"H-hindi na. Okay lang ako," ngumiti ulit sa akin si Sir West.
"Pero-"
"S-sige na nga...."
Sabi na eh, may pinaplano talaga ang isang 'yun kaya bigla niya akong
pinasama kay Sir West.
Bigla namang namula ang tenga niya, "h-hindi kita nililibre ah? K-kelan
'yun? Wala akong matandaan."
Bigla akong hinawakan ni Sir West sa braso kaya naman napalingon ako sa
kanya.
"Boss mo?" tanong ni Aling Melissa habang naka-ngiti kay Sir West.
"Akala ko boyfriend na eh!" pagbibiro niya.
Um-order ako ng champorado habang goto naman ang in-order ni Sir West.
"Naku, ganyan lang talaga si Cassy. Medyo may problema kasi siya sa
pag-iisip pero mabait naman siya. Sayang lang kasi tignan mo siya, ang ganda-ganda
kaya niya."
"Isa lang ang maganda sa paningin ko," titig na titig niyang sabi sa
akin.
Hindi pwede ito. Isang malaking heartache ang katapat nito pag
nagkataon.
"Uh Cassy, may kasama ako ngayon eh. Dyan siya naka-upo," naka-ngiting
sabi ko sa kanya.
"Cassy...?"
"Ha?"
"Dalawa sila."
"Sinong sila?"
To be continued...
**
Ba't ang daming nag comment sa #TeamEdgar? Ang dami namang Edgarnatics dito!
Mwahahahaha
Chapter 19 (12/23/14)
Chapter 19
[Jillian's POV]
"S-sure ka?"
"Jillian, hawak ko ang book of soulmates kung saan nakalagay ang mga
pangalan ng magkakaduktong ang tadhana. At sa lagay mo, isa lang talaga ang naka-
duktong para sa'yo. Wag kang mabahala sa sinabi nung manghuhulang iyon dahil hindi
ito totoo."
Seryoso, sa lahat ng nakilala ko, siya lang ang nag enjoy at na-thrill
sa punuan ng jeep at traffic.
Anong meron?
"Wag mo nang ituloy. Mas intimate pa rin ang ginawa niyo ni Kanluran."
"Grabe yung secret admirer mo, oh! Ang laki ng teddy bear," sabi ni
Elise.
Pero dapat pa ba akong mag-isip kung kanino? Iisa lang naman ang
lalaking pwedeng mag bigay sa akin nito.
Dear Sir West, masyado nang cliché ang ganitong style pero saludo ako
sa effort mo.
Hindi ako nagsalita sa sinabi ni Luke. The reason kung bakit ganoon ang
reaction ko noon ay kasi mali na gawin sa akin yun ni West. Mali na bigyan niya ako
ng mga regalo o pakitaan ng effort.
"Kayo talagang mga babae kayo. Kaya ang dali niyong makuha, isang teddy
bear lang, kilig na kilig na kayo agad."
Panira ng araw!
I almost melt.
OMG! Ba't parang natutunaw ako? Bakit? Huy Jillian, umayos ka! Binalaan
ka na ni Cupid! Bakit nag aalboroto ang puso mo? Bakit ang pasaway ng damdamin mo?
Bakit naapektuhan ka kay West ha?
"Ikaw na rin ang bahalang mag bigay kay Eros ng ipo-proofread niya."
Okay. Bakit ngayon ako naman ang nauutal ha?! Anak ng!
"What?"
Biglang nag init ang mukha ko at pakiramdam ko, grabe akong namula sa
harapan niya.
This is so embarrassing.
To be continued...
***
Guys, sali kayo sa group ko sa facebook if you want. Chikahan tayo doon. Hehe.
Search niyo lang -- "Tambayan ng mga Alyloonytunes"
Chapter 20 (12/29/14)
Chapter 20
[Jillian's POV]
"Malapit na talaga mapunit ang bunganga mo dahil sa lawak nang ngiti mo," sabi sa
akin ni Cupid habang naka-sandal sa desk ko at kumakain ng burger.
Hindi ako makasagot. Gusto kong itanggi yung sinasabi niya. I want to
defend myself. Gusto kong sabihin na hindi naman ako na-i-inlove eh. Bakit ako ma-
i-inlove sa kanya samantalang alam ko namang hindi siya nakatadahana para sa akin?
Hindi naman ako tanga para hawakan ang kalderong nakasalang sa kalan dahil alam
kong mapapaso lang ako.
Kasi mukhang threatened si Sir West dahil may secret admirer ako. Sa
totoo lang, hindi ko iniisip kung sino ba talaga ang nagpapadala nitong mga
regalong 'to sa akin. Parang wala akong paki? Parang mas may paki ako sa ire-react
ni Sir West?
He used his power instead. Kaya wala pang isang minuto, nasa bahay na
kami.
Tumayo ako bigla sa kama at nag punta sa kitchen ko. Nakita ko naman si
Cupid doon na kinakain ang carbonara ko. Ni-hindi niya naisipang alisin sa
tupperware.
"Mali, Cupid. Hindi pasaway ang puso ko. Sadyang mortal lang talaga ako
kaya ginugusto ko ang mga bagay na hindi pwede. Ayan naman ang hobby naming mga tao
'di ba? Ang mag mahal ng taong hindi nila pwedeng mahalin."
"Then tell me, paano ko maiiwasan 'to? Paano mo nagagawa ang tungkulin
mo nang hindi nagiging sagabal ang puso mo?"
Maybe he's right. I am falling for West. Hindi pa man ako tuluyang
nahuhulog, alam kong malapit na malapit na. Para akong nasa gilid ng bangin.
Tanging pagkapit ko na lang sa bato ang dahilan kung bakit hindi pa ako nahuhulog.
It's Saturday morning. Ten minutes bago yung oras na sinabi ko kina
Elise at Luke na magkikita kami para manuod ng musical play. At dahil ginagawa ko
ang misyon ko sa kanilang dalawa, nandito pa rin ako ngayon sa sala ko, at sitting
pretty na nanunuod ng TV.
"Oh Elise? Si Eros 'to!" sabi ni Cupid habang kausap si Elise. "Hindi
na raw makakasama si Jillian eh. May sakit kasi. LBM."
"Oo. Nasa banyo siya ngayon. Hindi ka niya makaka-usap, baka marinig mo
pa ang pag-iri niya. Ha? Naku ituloy niyo yan. Sayang ang tickets! Enjoy kayo ni
Luke! Sige-sige, ikakamusta ko kayo kay Jillian. Bye!"
He ended the call at ibinalik sa akin yung phone ko. Tumayo naman ako
at pinaghahampas ko siya ng unan.
Nakakayamot!
"Ito naman! Tinulungan ka na nga eh!" sabi niya sabay tayo at inayos
ang damit niyang nagusot.
"Sa The Voice. Sige, male-late na ako. Baka mapagalitan ako ni Coach
Sarah. Bye!"
Nasa gitna na ako nang Harry Potter 2 nang biglang may kumatok sa pinto
ng apartment ko.
"L-Luke? Teka, what are you doing here?! Di ba nanunuod kayo ng play ni
Elise?"
"J-Jillian...."
To be continued...
***
Chapter 21 (12/30/14)
Chapter 21
[Jillian's POV]
Ayokong mag-isip nang kung ano. Ayoko munang mag assume. Pero kasi---my
gosh.
"S-sorry pala bigla kitang niyaya ah? Uhmm sabi kasi ni Eros, ano, sira
ang tyan mo? Binigyan pa kita ng chocolate.."
I blushed. Bwiset na Cupid yan! Kung siraan ko kaya siya kay Psyche
bilang ganti?!
Iniwas ni Luke ang tingin niya sa akin, "I left her because I need to
see you. Anyway, kasama naman niya si Enid manuod ng musical play."
"Ah I see.."
"Luke, kung ano man ang sasabihin mo, please paki-sabi na."
I knew it. I knew it. Luke, bakit ngayon pa? Ha? Ano ba? Bakit hindi
noon? Bakit ngayon mo pa inamin kung kailang nanakaw ko na ang pana ni Cupid para
sa'yo! Tapos nalaman kong hindi ako ang naka-destined sa'yo!
Napakamot siya ng ulo, "well, uhmm, kasi," huminga siya ng malalim. "I
like Elise. Pero ang buong akala niya ay gusto kita."
And then now, wala ka sa musical play. Kaya pinilit niya akong puntahan
ka. Siya rin ang bumili niyan para sa'yo."
Hinayaan kong mag sink-in sa isip ko ang mga sinabi ni Luke. And then,
I let out a hearty laugh. Para akong biglang nabunutan ng tinik sa dibdib. Para
akong nakahinga ng maluwag. I thought-oh my gosh! Pero buti na lang talaga!
"W-well...uhmm..dati?"
Ano ba! Awkward na naman?! Bakit kailangan akong madulas ng ganyan ha?!
Bakit?!
"Kelan pa?"
"N-nung college," ...at after college. Actually mga five years, ganun
kitang gusto. Ganun.
"Yep."
"At kaya mo ako pinuntahan ngayon ay dahil hindi mo na kayang itago ang
nararamdaman mo. Since hindi mo masabi kay Elise, sa akin mo na lang sinabi?"
Natigilan si Luke.
He grinned, "gustong-gusto!"
"Game!"
~*~
[Enid's POV]
Bibili lang sana ako ng lunch kanina sa labas nang bigla akong nakita
ni Elise at isinama ako dito sa isang theatre hall para manuod ng play. Maganda
naman yung play. It is about a Greek God falling in love to a mortal. Magaling ang
mga stage actors and actresses. Ang gaganda pa ng mga boses nila.
"E-Eros?" gulat kong sabi kaya naman sinenyasan niya ako na tumahimik.
Okay, alam kong winarningan ako ng kaibigan kong si Ayesha tungkol kay
Eros. Manghuhula kasi si Ayesha at nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi niya. At sabi
niya sa akin, sasaktan daw ako ng husto ni Eros kaya naman habang maaga pa lang,
dapat lumayo na ako sa kanya.
Pero parang hindi ko ata magagawa. Lalo na't pansin ko lang, kahit saan
ako magpunta, palagi ko siyang nakikita.
Nang matapos ang musical play, nilingon ko ulit siya pero wala na siya
sa upuan niya. Sabay naman kaming lumabas ni Elise ng theatre hall.
"No problem! Anyway, sorry ah? Mukhang iiwan na muna kita. Nakapangako
kasi ako sa kapatid ko na sasamahan ko siya mamili ngayon."
Napatawa naman ako sa sinabi niya, "alam mo bang gasgas na ang hirit na
'yan?"
Napakamot siya bigla sa ulo niya, "ganun ba? Makaluma kasi talaga ako.
Anyway, nagustuhan mo ba yung play?"
"Ba't alangan ka? Hindi ka ba na-touch sa love story ng isang Greek god
at mortal?"
"Hindi. Kasi mga babaero ang mga Greek gods. Kaya nga ang daming
demigods 'di ba? Marami silang babaeng pinaibig at inanakan. Hindi sila stick to
one!"
Teka, pinag-aralan ba ang story nila sa school? May nag e-exist bang
storya nila?
"Halata sa mukha mo na hindi mo alam ang storya nila," sabi ni Eros and
for a second, parang nakita kong lumungkot ang mukha niya. Madali niya lang ito
naitago sa isang magandang ngiti.
"At dahil wala kang alam tungkol kay Cupid at Psyche, ikukwento ko
sa'yo ang love story nila. But before anything else, tara kumain muna ng lunch."
***
Author's Note:
Nagugulat ako kasi may mga nagtatanong sa akin kung anong title ng story ni Cupid
at ni Psyche at bakit wala raw ito sa My Works ko. Meron ding nagtatanong kung ako
ba ang author ng story ni Cupid at Psyche. Medyo na-windang ang bangs ko. XD
By the way, mapag-aaralan niyo rin yan sa school niyo. 4th year HS ata tinuturo
yun. World Literature. Mehehehe (at least medyo nabigyan ko na kayo ng background
wahahahahaha)
Chapter 22 (1/2/15)
Chapter 22
[Enid's POV]
"Eros, umorder ka pa ng sizzling sisig kung pinapalamig mo naman 'yang pagkain mo.
Ba't hindi mo na umpisahan ang pagkain at mamaya mo na ako titigan?" I told him
kaya naman napababa ang tingin niya sa pagkain niya pero masyadong evident ang
masayang ngiti na gumuguhit sa labi niya.
Ibinalik ni Eros ang tingin niya sa akin at mas lalong lumawak ang
ngiti niya.
"Gusto mo ba, ang lasa mo at ang lasa ng sisig na ito ang ipag-compare
ko?"
Hindi ko alam talaga kung may nag e-exist bang ganung story. Siguro
gawa-gawa lang ni Eros. Paano ba naman kasi, English major ako at nabasa ko ang
buong greek mythology. Back to back. Cover to cover. Lahat ng tungkol doon ay
masasagot ko. Pero wala talagang story ni Cupid at Psyche doon. Ni hindi ko nga
kilala kung sino si Psyche eh.
Napa-tikom ulit ang bibig ko. Mukhang seryoso talaga siya sa kwento
niya. Mas maganda pa kung hindi ako sasabat.
"Ano?"
"Sinadya niyang panain ang sarili niya para mahulog siya kay Psyche."
Napalunok ako. Bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko? Kinakabahan
ba ako? Naapektuhan?
Dahil tuwing gabi lang pumupunta ang asawa ni Psyche ay hindi niya
nakikita ang istura nito dahil lagi itong nagtatago sa dilim. Sinabihan naman siya
ng kanyang asawa na magtiwala ito sa kanya at wag na wag niyang titignan ang mukha
nito. Pumayag naman si Psyche. At sa mga gabing nagdaan na kasama niya ang kanyang
asawa, kahit hindi niya nakikita ito, ay natutunan na rin niya itong mahalin."
Napangiti ako. Ewan ko, damang-dama ko ang kwento ni Eros. Hindi naman
ako nakaka-relate pero ewan... parang naiintindihan ko ang nangyayari? Parang
nararamdaman ko ito.
Ngumiti si Eros, "oo. Pero bago yun, hinanap muna ni Psyche si Cupid.
Hanggang sa pinuntahan niya si Aphrodite para magpatulong dito. Dahil sa galit pa
rin si Aphrodite sa kanya, sinabi ni Aphrodite kay Psyche na kailangan niya munang
patunayan na karapat-dapat siya para kay Cupid kaya naman binigyan niya ito ng
iba't-ibang pagsubok."
"Like?"
"Oo. Kahit pasaway siya. Kahit masyado siyang curious. Kahit na iniisip
niyang hindi siya karapatdapat para kay Cupid," nagulat ako nang biglang kuhanin ni
Eros ang kamay ko. "Kahit iniisip niya na hindi pa sapat ang kagandahan niya para
maging asawa ni Cupid. Hindi niya alam, siya ang tanging minahal ni Cupid. Ang
nagiisa. Na kahit sino pa ang dumating, hinding-hindi siya ipagpapalit ni Cupid."
"Na kahit pa mawala ang alaala niya at tuluyan niya nang makalimutan
ang kwento nilang dalawa at ang pagmamahal nila sa isa't-isa, gagawa at gagawa si
Cupid ng paraan para bumalik siya. Katulad ng ginawa ni Psyche noon para mahanap
niya si Cupid. Mahal na mahal kasi nila ang isa't-isa."
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi ako makahinga.
Biglang may nag flash ng mga images sa utak ko. Lampara, kutsilyo, palasyo, butil
ng bigas, mga tupa, isang kahon. Si Eros. Mukha ni Eros.
Memory?
~*~
[Jillian's POV]
"Oo nga. At least nalinawan na rin ako kung sino ang nagpapadala ng mga
ito sa desk ko," sabi ko habang nakatingin sa bouquet ng rose na dala ko.
"Ah, Jill, pag lilinaw lang ah? Isang beses lang ako naglagay sa desk
mo. Yung una at yung huli, hindi na ako yun."
Bigla kong hinampas ang braso niya, "ano ba! Seryoso, tingin mo sino?"
Tumawa siya ng malakas, "joke lang Jill! Binibiro lang kita. Pero ito
seryoso, nakita ko na si Edgar ang may dala nung stufftoy."
"I'm not joking! Pero hindi naman ibig sabihin na siya ang nagbibigay
sa'yo. Actually, I asked him. Napagutusan lang siya. Binigyan siya ng dalawang libo
para ilagay sa table mo yung stuffed toy at bulaklak. At may bonus pa na isang libo
para sa pananahimik niya pag may magtatanong. Kaya ayun, hindi ko nalaman kung sino
ang secret admirer mo. Pero grabe. Para bayaran si Edgar ng tatlong libo? I guess
your secret admirer is a millionaire."
"Ba't ka nag blower ha? Dahil niyaya kita mag lunch 'no?" pang-aasar
niya.
Pareho kaming natawa ni Luke sa pinag-gagagawa namin. Ang saya rin pala
maging ka-close ng ganito si Luke. Yung close na talagang magkaibigan lang kayo.
Wala ng butterflies in the stomach. Wala nang kilig moments. Yung ganito na lang.
Magkaibigan na nag-aasaran.
Tinignan niya ako at si Luke. Tapos napadako ang tingin niya sa bouquet
na hawak ko. At tinignan niya ulit si Luke.
Uh-oh.
"Ah, nag volunteer kami para doon sa mga nasalanta ng bagyo," malamig
pa rin niyang sabi.
"Ah wala. Kumain lang kami sa labas nitong si Jill. Nilibre ko siya,"
masayang sagot ni Luke.
Shet. Shet. I want to kill you, Luke. Tokwa ka! Ano yang sinabi mo! Ma-
mi-misinterpret niya!
"Hi! I'm Luke, and this is Jillian," pakilala naman ni Luke sa amin
dalawa.
"No. But I heard a lot of things about you," naka-ngisi niyang sabi at
napatingin siya kay West. Bigla namang namula ang tenga ni West and he still
avoiding my gaze.
"R-really?"
"Yep! By the way, I'm Zyron--West's brother. Nice meeting you again,"
sabi niya at nagpaalam na sila ni Sir West sa amin.
Napanganga ako.
He's tall like West. Maputi. Medyo singkit din. Ang seductive ng ngiti.
Ang ganda ng built ng katawan. Sobrang gwapo.
To be continued...
Chapter 23 (01/07/15)
Chapter 23
[Jillian's POV]
Monday morning. Mag-isa akong pumasok sa work dahil hindi nagpakita si Cupid sa
apartment ko. Actually, mula Sabado pa simula nang sinabi niya sa akin na mag o-
audition siya sa The Voice eh hindi na siya bumalik sa apartment ko.
Hindi kaya, talagang nag audition ang isang yun at nakapasok siya?
Maaga akong umalis ng bahay dahil ayokong sagupain ang punuan sa jeep
at ang traffic sa C5. At dahil napaaga naman ako masyado, 8am pa lang nasa opisina
na ako.
Akala ko, ako ang unang makakarating sa opis kaya lang pag bukas ko
nang pinto, nakita ko si Enid na naka-pwesto na sa desk niya at nagbabasa. I
approached her.
"Hi Enid!"
Inangat niya ang tingin niya sa akin, "oh Jillian! Ang aga mo ah?"
Tinignan ko yung hawak niyang book na kasing laki ng pocket book. Greek
mythology din. At yung isang itim na hardbound na book na may black cover, silver
pages ay may nakalagay din na "Greek Mythology" in gold letters.
"A-ah w-wala. M-may hinahanap lang ako," sagot niya sa akin at kinuha
niya ang book na hawak ko.
I shrugged, "okay."
"Uhmm, Jillian.."
"Oo!" mabilis kong sagot sa kanya. "Meron! Favorite ko nga ang story
nila eh. Ang sweet-sweet kaya nilang dalawa!"
"Yep!"
"Hmm, sa lahat ng version, may story doon ni Cupid at Psyche. Pero ang
meron ako ay katulad nung sa'yo na contemporary English version."
"Kinuwento kasi sa akin ni Eros yung story ni Cupid and Psyche kaya
naman na-curious akong hanapin sa book. Pero nabasa ko na ito ng buo at ni-isang
beses hindi nabanggit ang story nilang dalawa."
Kinuha ko yung isang book na katulad ng akin. Dahil yung story lang ni
Cupid at Psyche ang madalas kong binabasa sa greek mythology, alam na alam ko na
kung anong page ito. Kaya lang, nagulat ako nang ibang myth ang nakalagay sa page
kung saan nandoon ang story ni Cupid at Psyche.
Pumunta sa desk ko si Enid kaya lang, bago pa niya mabasa ang story ni
Cupid at Psyche, bigla na lang namatay ang desktop ko.
Wala sa greek mythology book ni Enid ang story ni Cupid at Psyche. Nung
sinearch ko sa desktop ko, bigla na lang itong namatay.
Divine intervention.
Cupid balled his hand into fist. Nanginginig siya sa galit. Napapikit
siya at napahinga ng malalim at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili.
Cupid gave me a sad smile, "tingin mo magugustuhan kaya niya ako kahit
hindi ko gamitin ang pana?"
Gusto ko nang magsimula ng trabaho pero sira nga ang desktop ko thanks
to Ayesha. Bwiset siya. Hindi ko naman ma-i-report dahil for the first time in
forever, late ang magaling naming boss na si West.
By 11am, dumating na si Sir West. One hour siyang late! Wow! Tinalo
niya ako! Record breaking!
Ang pinagkaiba nga lang, nang pumasok siya sa opisina, nag good morning
lang sa kanya ang lahat at wala manlang pumansin sa pagiging late niya.
"Woah, ba't ka galit? Sino ang kaaway mo?" he asked me looking amused.
Buset! Bwiset!
Hindi ko rin alam kung ano ang ikinagagalit ko! Nakita ko lang si Sir
West naginit na ang ulo ko.
What the hell is his problem? Bakit ang cold niya sa akin.
Why is he acting like that? Bakit hindi na siya nauutal sa harapan ko?
Bakit ang cold niya bigla?!
Pero kasi...
"So anong ginagawa niyo ni Luke sa mall nun?" dinig kong tanong niya
kaya naman napabalik ang tingin ko sa kanya. He's still looking at his laptop
screen.
"Friends lang kami ni Luke," mahinahon kong sabihin. "Iba rin ang gusto
niya."
Tinignan ako ni Sir West at nginitian, "akala ko-" huminga siya nang
malalim, "sorry if I introduced you to my brother as my workmate. Nagselos kasi
ako."
It's my turn para mag-init ang mukha ko. Mahiyain siya pero ibang klase
rin ang pagiging straightforward ng isang 'to! Ni hindi man lang gumawa ng excuse!
Masyadong honest!
"H-ha?"
Biglang nangamatis ang mukha ni Sir West, "well, ah, p-parang ganun na
nga..."
Boom tanga.
To be continued....
Sorry kung medyo matatagalan. May importante kasi akong ginagawa na hindi ko
mabitiwan kaya naman hindi ko ma-i-singit ang pag u-update. :)
- Aly A.
Chapter 24 (2/1/15)
Chapter 24
[Jillian's POV]
Kanina pa na-ayos ang desktop ko kaya naman dito na ulit ako nagta-
trabaho sa desk ko. At magmula nang makabalik ako, naka-tingin na ng masama sa akin
si Cupid at paulit-ulit na ibinubulong sa akin na ang pasaway ko, ang tigas ng ulo
ko at ang tanga ko.
Pero kasi...
I sigh.
Cupid's right. Pasaway ako at ang tigas ng ulo ko at ang tanga ko.
Seriously, what the hell am I thinking?! Bakit ba ako pumayag na sumama kay West sa
Sabado? Ako na mismo ang naglalapit ng sarili ko sa kanya. Kung sakali man mahulog
sa akin nang husto si West, alam kong darating ang point na kailangan ko siyang
saktan. Maaring magalit siya sa akin nang pang habang buhay. O baka hindi na niya
ako pansinin ko kahit gawing kaibigan man lang niya.
Pero ayos lang. Kasi alam kong once na makilala ko na ang naka-match
kay West gagawa na ako nang paraan para pag-duktungin ang kapalaran nila. At
magiging masaya na ulit siya nun.
Matagal pa ako. Kailangan pa naming mabawi ni Cupid ang pana niya kay
Ayesha. Kailangan ko pa i-match si Luke at Elise, si West, si Zyron pati si Cupid
at Psyche.
At natatakot ako na baka hindi ko magawa ang task ko pagka tuluyan nang
naging pasaway ang puso ko.
"Promise, I'll give you the right guy," mahinahong sabi ni Cupid.
Dali-dali akong naglakad papuntang comfort room kaya lang bago pa ako
makapasok, nakita ko naman si Edgar na palabas sa male's comfort room.
Naalala ko yung sinabi ni Luke. Alam ni Edgar kung sino ang nagpapadala
ng ng bouquet sa akin.
Nilapitan ko siya.
"Uy, may tanong ako," sabi ko sa kanya.
"Sorry hindi ako pwedeng sumama sa'yong mag dinner mamaya. I'm busy,"
sabi naman niya.
"Wala rin akong planong yayain ka, unggoy! May kailangan lang akong
malaman."
Oh my god.
Mukhang pera!
"Oh ayan!" sabi ko kay Edgar sabay abot ng pera na masaya naman niyang
tinaggap. "Now spill it!"
"Obviously."
What---what---what the---
"Pwede bang pag nakuha mo na ang pana mo, paki duktong ang kapalaran ni
Edgar sa kuto?!"
~*~
It's 8 o'clock in the evening. Iwan ako rito sa office sa kadahilanang hindi ko na
naman natapos ang trabaho ko nang maaga. Kasalanan ito ni Ayesha at Edgar eh! Si
Cupid naman, pina-una ko na ng alis para masabayan niya si Enid. Si West naman,
kanina pa hindi lumalabas sa opisina niya. Mukhang busy rin.
The guy is around 45-50 years old. He's wearing a perfectly tailored
business attire and he look so intimidating. Yung parang bigla akong nanliit sa
sarili ko by just merely looking at him.
"Ah opo. P-please take a sit first. Inform ko lang po siya na nandito
kayo."
"Sir West!"
Biglang nawala ang ngiti sa labi niya at parang hindi niya nagustuhan
ang sinabi ko.
Bumalik ako sa desk ko at naupo. Mamaya na lang siguro ako aalis kapag
wala na si Sir Edmond. Mamaya kailanganin ako ni West.
Para libangin ang sarili ko, naglaro na lang ako sa phone ko ng Candy
Crush. Habang nasa kalagitnaan ako ng isang level, bigla akong nakarinig ng
something na nabasag sa opisina ni Sir West kaya naman napatayo ako bigla.
Ano yun? Ba't may nabasag? Teka, papasok ba ako? Kakatok ba ako? Hindi
ba rude kung bigla akong papasok sa loob para i-check kung ano ang nangyari?
Naka-upo si West sa swivel chair niya habang nakapatong ang ulo niya sa
kaliwa niyang kamay. Agad ko namang napansin ang sugat sa kanang kamao niya.
"Tara na. Pero pa-check muna natin sa clinic ang sugat mo okay?"
Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila ng father niya. Pero
obviously, mukhang hindi ito maganda. West look so helpless awhile ago at sa hindi
ko at parang kumirot ang puso ko nang makita ko siyang ganun.
Pero pwede ko naman sigurong subukan na pagaangin ang loob niya kahit
papaano 'di ba?
Nauna rin akong maglakad palabas ng opisina kaya lang bago pa ako
makaabot sa pinto, nagulata ko nang biglang hawakan ni West ang kamay ko and he
pulled me against him. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"S-Sir West...."
"Jillian," mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Thank you. Ikaw lang
ang magandang nangyayari sa buhay ko ngayon."
Napalunok ako bigla sa sinabi niya at pakiramdam ko parang nangingilid
na rin ang luha sa mata ko.
It hurts.
To be continued...
***
AN:
Yay! Nakapag update na rin ako! Waaaaaah. At kinilig naman ako dahil pag open ko
1.1M reads na ang SWSCA. Huhu salamat po readers! At thank you sa mga matyagang
nag-antay. As promised, ito na ang update! <3
- Aly
Chapter 25 (02/07/15)
Chapter 25
[Jillian's POV]
"Tell me what happened," walang paligoy-ligoy ko na sabi ko kay West matapos naming
maubos ang isang mud pie na in-order namin dito sa restaurant kung saan ko siya
dinala.
"W-what? Why?"
"Yes, I love this job. I always love literature kaya masaya rin ako sa
trabaho ko. Pero hindi rin ibig sabihin nun eh ayokong magtrabaho sa amin. It's
just that...."
"Just what?"
"I'm not!" mabilis niyang sabi. "I mean, close naman kami ni kuya.
Ayoko lang na ikinukumpara niya ako sa kanya. Feeling ko wala akong kwenta."
"Jillian..."
Inangat ko ng onti ang tingin ko sa kanya and I was shocked to see that
he is giving me a genuine smile.
Napayuko ulit ako. Hindi ko kayang ipakita ang mukha ko kay West. Alam
kong nangangamatis na ito sa pula.
Bakit ba dati siya yung madalas mag blush? Bakit ngayon ako na?
"Uy, ba't ayaw mo akong tignan?" he asked me. There's a hint of a smile
in his voice.
Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya naman napa-angat ang tingin ko
sa kanya.
I tried my best na wag mawala ang ngiti sa labi ko. I tried my best na
wag ipakitang gusto kong maiyak sa salitang binitiwan niya.
~*~
[Enid's POV]
Mas lumawak naman ang ngiti sa labi niya, "grabe stalker talaga? Pang
panget lang yun. Dahil gwapo ako, dapat secret admirer ang tawag mo sa akin."
"Shooting star."
Hindi ko ma-itago ang ngiti sa labi ko. Nakakainis naman kasi ang isang
'to eh. Ubod ng corny.
"Wala kang makikitang shooting star dito kahit pa mamuti ang mata mo."
"Ayun shooting star!" sabi niya sabay turo sa langit. Napatingin naman
ako agad pero puro yero at kable ng kuryente pa rin ang nakita ko.
"Eh hindi ko naman pwedeng kalabanin ang shooting star. Malakas ang
effect nun. Lalo na yung nanggaling pa sa imagination mo."
"Yes! It's a date?"
"Wait."
Nagulat ako nang biglang hawakan ni Eros ang kamay ko at hinalikan niya
ako.
Hindi ko matandaan.
Pero ewan. Everytime na kasama ko si Eros, parang nag m-melt ang puso
ko. Parang ang sarap sa pakiramdam na nandyan siya sa tabi ko.
Ang kumportable.
"Enid?"
"Oh Ayesha!" naka-ngiti kong bati pero deep inside parang hindi ako
mapakali.
"G-galit ako?"
Parang bigla akong nawala sa sarili ko. Wala akong makita. Puti lang
ang kapaligiran at tanging ang ngiti lang ni Ayesha ang nakikita ko.
Paulit-ulit sa utak ko ang mga katagang galit ako kay Eros. Galit ako
kay Eros. Galit ako kay Eros.
Nakaramdam ako ng matinding galit kay Eros. Galit na hindi ko alam kung
saan nagmula.
Gustong gusto.
To be continued...
Chapter 26 (2/16/15)
Chapter 26
[Jillian's POV]
"Basahin mo na Jillian. Sige na. Paki proofread mo. Paki edit. May dapat ba akong
tanggalin? May dapat ba akong dagdagan?"
I rolled my eyes at him, "for pete's sake Luke, hindi mo kailangan ang
bagay na 'yan. Hindi mo kailangan ng script kapag magtatapat ka. Sabihin mo sa
kanya kung ano ang nararamdaman mo that moment. Mas effective yun."
Mas cool at mas confident pa siyang tignan kay West pero pagdating sa
pagpapakita ng feelings talong-talo siya ni West!
"W-what if ayaw niya pala sa akin? What if may gusto siyang iba? What
if ma-basted ako?"
I smiled at him, "at least you tried at wala kang magiging regret
doon."
Napangiti bigla si Luke, "thank you Jillian ah? I don't know why you're
doing this pero sobrang thankful ako na nandyan ka at pinapalakas ang loob ko."
"Ay sus! Nag drama pa! Basta pag naging kayo, kailangan ilibre mo ako!"
Ipinatong ni Luke ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ito, "oo naman, my
little cupid!"
Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko, "ano ba! Ang tagal kong inayos ang
buhok ko, guguluhin mo! Mukha na tuloy akong bruha!"
"Ewan ko sa'yo!"
We both laugh.
"Good morning."
Hindi lang para sa task ko kundi para na rin kay Luke. Alam ko kung
gaano kabuting tao nitong si Luke. Kasama ko siya mula college pa lang at kitang-
kita ko kung gaano niya ka-deserve na maging masaya. Kaya nga na-inlove ako dati
dito eh.
~*~
Katatapos lang ng lunch break at taas kilay akong nakatingin kay Cupid dahil ang
lawak na naman ng ngiti ng isang 'to. Yung ngiti na parang nanalo siya sa lotto.
"Maybe? Pero hindi pa masyado. Kasi kung oo, maalala na niya ako. Pero
sana. Sana talaga."
He is so handsome.
Inangat niya ang tingin niya then our eyes met. Feeling ko malulunod
ako.
"Ah yes, ibibigay ko lang sa'yo 'to. Schedule ng next releases natin at
kung kelan ang deadlines niyo sa next manuscript."
"Got it!"
"Uy!"
Napatingin ako kay West. Sobrang lapit niya sa akin. Ramdam ko na ang
hininga niya and I can even smell his perfume.
"Ah Jillian!"
"Y-yes?"
~*~
[Cupid's POV]
"Ang saya pala ng ganito?" naka-ngiting sabi ni Enid habang naglalakad kaming
dalawa papunta sa bahay niya.
"Yung ganito."
Kanina habang naglalakad kami, pa-simple kong kinuha ang kamay niya.
Pinapakiramdaman ko ito kung babawiin niya sa akin pero hinayaan niya lang ako.
Ngayon, ayoko nang makarating sa bahay nila. I just want to hold her
hand forever. Hindi ko kayang bitiwan ito.
"Nope. Kasama ko yung friend ko. Kaso wala siya ngayon eh. Pasok ka."
"Cupid."
She smiled at me at bigla na lang niya pinagdikit ang mga labi namin.
I kissed her back. I placed my hand around her shoulder and pulled her
against me. I kissed her with longing, with passion, and with too much emotions.
No. She's not Psyche. Hindi pa rin niya naalala ang lahat.
"I will kill you," mahinahon niyang sabi habang unti-unting humihigpit
ang pagkakahawak niya sa leeg ko.
Hindi ako makapag salita. Hindi ako makakilos. I know she can't kill me
but seeing her looking at me with those empty eyes, it feels like I am dying
inside.
"Psy-c-che..."
Pero wala akong magawa. Nandito pa rin ako at nakatayo sa harap nila,
hindi makakilos, hindi makapag salita. I am under Ayesha's blackmagic.
"Without your arrow, you are just a useless and pathetic god, Cupid,"
she told me. "Ano kayang gagawin ko sa'yo? Isumpa na lang kaya kita? Ikulong ng
panghabang buhay? Ah alam ko na," ngumiti siya sa akin. "Iparanas ko na lang kaya
sa'yo ang ipinaranas niyo sa akin?"
Napapikit ako. Kailangan kong makakawala. Baka kung ano ang gawin niya
kay Psyche. Hindi pwede. Hindi niya pwedeng ilayo sa akin ang asawa ko.
Pagkasabi niya nun ay nakita kong may gumuhit na isang malaking sugat
sa braso ni Psyche.
"Cupid!!!"
"Cupid!!"
"Jillian?!"
"Jillian!"
"Layuan mo siya!"
To be continued...
Chapter 27 (3/15/15)
Chapter 27
[Jillian's POV]
"Stay still," sabi ni Cupid habang hawak niya ang braso kong may sugat at may
ipinapatak siyang kulay asul na liquid dito. Hindi ko alam kung ano pero unti-
unting nawawala ang mga sugat ko.
"Yung compass," sagot ko sa tanong niya. "Pauwi na ako kanina tapos nag
dilim yung paningin ko. Tapos narinig ko ang boses mo at ang boses ni Ayesha. Sunod
nun, bigla na naman nag liwanag ang compass ko. Napapikit ako at nung pagdilat ko
ulit, nakita kita sa harapan ko kasama si Ayesha at si Enid."
Cupid gave me a sad smile, "I am useless without my arrow. But I guess
you really did became my living arrow. Thank you for saving me, Jillian."
Nakita kong may tumulong luha sa gilid ng mata ni Cupid. I felt a tight
knot in my stomach. Nasasaktan ako para kay Cupid, pero hindi ko alam ang sasabihin
ko sa kanya. Hindi ko siya magawang bigyan ng encouraging word.
[Flashback]
"Bakit mo ba ginagawa 'to ha? Ano bang problema mo?! Tigilan mo na 'to
Ayesha, please lang!"
Dali-dali akong lumapit kay Enid kaya lang nang hahawakan ko na siya,
naramdaman ko na parang may humihiwa sa braso ko. Napasigaw ako nang makita ko ang
apat na mahahabang hiwa sa braso ko.
Nagulat ako nang biglang mas lumawak ang ngiti ni Ayesha habang napapa-
iling-iling siya.
"Hindi ba niya sinabi ang plano niya? Hindi ba niya ipinaliwanag ang
mangyayari sa'yo ngayong na sa'yo na itong compass na 'to? Ikaw ang apprentice ni
Cupid. Balang araw, magkakaroon ka rin ng sarili mong pana, ng sarili mong
kapangyarihan at katungkulan. At iaalis ka nila sa mundong 'to. Malayo sa mga
kaibigan mo. Malayo sa taong nakatadhana para sa'yo."
"Nagawa na nila dati! Ginawa na nila sa akin yun! At nung tumakas ako,
alam mo kung ano ang naging kapalit, ha Jillian?! Yung buhay ng mahal ko!"
"Bakit? Hindi rin ba niya sinabi sa'yo na sila ang dahilan ba't namatay
ang mahal ko, ha? Hindi ba niya sinabi sa'yo na para magampanan ko na ang trabaho
ko, kinakailangan nilang patayin ang mahal ko?!"
Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin ako kay Ayesha. Hindi ako
makapag-salita. Ayaw mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya sa akin.
Umiling ako.
Nagulat ako nang makita kong may namumuong luha sa mata niya.
"Inosente ang mahal ko, Jillian. Inosente siya. Wala siyang ginawang
masama sa kanila. Napaka buti niyang tao tapos inaksaya lang nila ang buhay niya.
Ang sakit. Sobrang sakit. Wag mo sanang maranasan ang naranasan ko."
Nanginginig ako.
No. Mali 'to. Hindi ako dapat maniwala sa kanya. Mapanlinlang ang
babaeng nasa harapan ko ngayon.
Tinitigan ko si Ayesha.
[End of flashback...]
She's in pain.
Cupid ano ba talaga ang totoo? Gagawin mo rin ba sa akin yun? Ilalayo
mo rin ba ako dito against my will?
"Saan?"
Napailing ako.
Tumayo si Cupid.
"Ano yun?"
"I thought I'm your living arrow. Ibig sabihin, team tayong dalawa.
Partners tayo. Pero bakit laging hindi mo sa akin sinasabi ang mga plano mo? Bakit
ang dami mong lihim sa akin, Cupid?"
"No! Ang dami kong gustong malaman. Bakit kahit yung mga simpleng
tanong ko hindi mo magawang masagot?"
"Jillian please!"
"No Cupid! It's about time para ipaliwanag mo sa akin ang lahat! Bakit
ako ang pinili ng compass? Ano ang magagawa ng compass na 'to? Saan ka pumupunta
pag nawawala ka bigla? Ano ang plano mo para mabawi ang pana kay Ayesha? Cupid
naman eh!"
"Cupid! Wait!"
Bigla na lang naglaho si Cupid sa harapan ko at nang mawala na rin ang
pumapalibot na liwanag, na-realized kong nandito na ako ngayon sa apartment ko.
To be continued...
****
Author's Note:
Waaaah sorry po medyo natagalan ang update! Nagbakasyon kasi si otor ng matagal na
panahon hahaha. Nagbabalik na ulit ako and I'll do my best para tuloy-tuloy na ulit
ang update. Salamat po sa pag-aantay :)
Chapter 28
Chapter 28
[Jillian's POV]
Naku Cupid! Kung hindi ka lang brokenhearted, baka nasakal na kita! Pasalamat ka
hindi ako marunong mag appear-disappear kundi pupuntahan kita diyan sa
kinalulugaran mo, itatali sa silya, at hindi kita pakakainin hanggang sa magsalita
ka!
Hindi man lang niya shine-share sa akin ang mga kaganapan samantalang
involved ako!
Sina Cupid ang dahilan bakit namatay ang soulmate ni Ayesha. Kung totoo
man ang sinasabi niya, parang naiintindihan ko na kung bakit siya nagkakaganyan.
Kung bakit galit na galit siya kay Cupid. At kung totoo man talaga yun, ibig
sabihin ako rin? Ganun din ang gagawin niya sa akin?Kaya ba ako pinili ng compass
ay para maging apprentice ni Cupid?
Ilalayo rin ba niya ako sa soulmate ko? Wala rin ba akong magiging
choice?
No. Hindi ko dapat isipin 'to. Hindi dapat ako maniwala sa Ayesha na
yun. Malamang inuuto niya lang ako!
That night, hindi ako halos makatulog. Baka kasi biglang mag appear si
Cupid sa harap ko. Pinili ko mang mag tiwala sa kanya eh ang dami ko paring
katanungan na gustong itanong sa kanya. Isa pa nagaalala ako sa kanya. Paano kung
sinundan niya si Ayesha para iligtas si Psyche? Paano kung bigla siyang mapahamak?
Kinabukasan, um-absent ako sa work. Una dahil wala akong tulog ni isang
minuto. Pangalawa, alam kong lutang ang isip ko at wala rin akong magiging silbi
kung papasok man ako. At pangatlo, kailangan ko i-handa ang sarili ko kung sakali
man magliwanag ulit ang compass at dalhin ako somewhere kung saan man naghahasik ng
lagim itong si Ayesha.
Pero ngayon, kakain muna ako ng almusal. Gutom na ako! Ni hindi ako
nakapag dinner kagabi!
"Oh Jillian! Ang tagal mo nang hindi nabibisita rito ah? Nagkaroon ka
lang ng manliligaw na pogi!" pagbibiro niya.
"Manliligaw na pogi?"
"Oo! Yung kasama mo last time! Yung si West!"
"Aysus! Eh sabi nung pinsan mong si Eros head over heels sa'yo ang
gwapong binatang yun!"
"Si Eros?"
"Oo. Madalas nandito yun eh. Laging bumibili sa akin tas lagi rin
nakikipag chikahan. Feeling ko type ako ng pinsan mo! Naku sabihin mo mukha na
kaming mag ina. Pero byuda naman ako, at age doesn't matter naman kaya pwede na
rin."
"Bigyan niyo na lang po ako ng isang order ng goto with egg pati
tokwa."
"Nasaan na nga pala ang pinsan mo? Dalawang araw nang hindi bumabalik
yun dito ah?" inilapag niya sa tray yung order ko.Kinuha ko naman ito.
"Yep."
"Wag po kayong mag alala Aling Melissa! Mahal ka ni Mang Jose!" sabi ko
sabay turo doon sa magtataho na regular customer din nina Aling Melissa.
Yung huling beses ko siyang nakita, may sinabi siyang kakaibang bagay
sa akin. Parang isang hula. Sabi niya dalawang lalaki ang nakaduktong sa kapalaran
ko. Ang una ay makakasama ko hanggang sa dulo. Ang pangalawa ay mag-aalay ng buhay
niya para makasama ko ang una.
Sabi ni Cupid hindi iyun totoo dahil iisa lang ang naka-duktong sa
akin. Pero hanggang ngayon, bothered pa rin ako sa sinabi ni Cassy.
"H-ha?"
~*~
Kanina pa ako nakahiga sa sofa ng sala ko. Nakatitig sa kisame. Ni hindi ko alam
kung anong oras na. After nung lahat nang sinabi sa akin ni Cassy, ni hindi ko na
nagawang ubusin ang pagkain ko nun at umuwi na ako.
At si West.
I heaved a sigh.
Hindi naman siya ang naka-tadhana sa akin eh, pero bakit kailangan ko
na naman masaktan ng ganito?
Napapikit ako.
Oh my gosh namaaaan!
"Jillian, may sakit ka raw sabi ni Elise. Here, I brought you foods,"
sabi niya sabay taas nung paperbag na dala niya.
"You look pale pero okay naman ang temperature mo. Wait uminom ka na ba
ng gamot?"
Tumango ako sa kanya. Then I feel a lump in my throat.
"O-okay na ako.."
Hindi ko makita kung ano iyon. Nakapako lang ang tingin ko sa mukha ni
West.
Bakit ganito yung nararamdaman ko? Mali ito eh. Hindi siya ang para sa
akin. Kung hindi ko siya accidentally na napana, hinding hindi siya magkakaganito
sa akin.
Sobrang sakit.
Natigilan si West nang harapin niya ako at nakita niya ang tuloy-tuloy
na pagbagsak ng luha sa mata ko.
"Jillian?"
But I can't seem to find my voice. Umiyak lang ako nang umiyak.
"Bakit? Ano yun? Tell me what's wrong, Jillian? Ayoko nakikita kang
nagkakaganyan."
"Jillian?"
To be continued...
Chapter 29 (3/25/15)
Chapter 29
[Jillian's POV]
"May bagong bukas na pasta house near our office. Minsan kain tayo
doon."
"Oo nga pala Jillian, about our date tomorrow. If you still not feeling
well, it's okay if we cancel it."
"No!" mabilis kong sabi. "I-I mean, okay lang. Go ako syempre. Okay na
okay na talaga ako!"
"Are you sure?" tanong niya habang bakas sa mukha niya ang
pagaalinlangan at pag aalala.
Ngumiti si West, "okay then. I'll pick you up tomorrow at around 4am."
"I forgot to tell you, pupunta nga pala tayong dalawa sa Baguio. Mag
pack ka na ng gamit for three days and two nights."
Sa isang bahay ampunan sa Baguio kasi ako dati nakatira. Fourth year
highschool ako nang magpakita na sa akin ang tatay kong politician. Pag dating ng
college, dinala niya ako sa Manila para dito na mag aral. Hindi na ako nakabalik pa
ng Baguio simula noon.
Maliit man ang bahay ampunan, mababait naman ang mga tao doon.
Nakita kong namula ang tenga ni West and he gave me a guilty smile.
"Well... uhmmm.. accidentally kong nakita yung papers mo nung nag apply
ka sa amin at nakita ko nga na taga-Baguio ka dati so uhmmm ayun."
Napangiti ako sa sinabi niya.
He just shrugged habang hindi pa rin nawawala ang guilty smile sa labi
niya.
Alam kong mahihirapan ako sa huli. Alam kong masasaktan ako ng husto.
Siguro.
Sa babaeng nakatadhana kay West, pahiram muna ako sa kanya ha? Habang
wala ka pa, sa akin muna siya.
~*~
[Cupid]
"Pero baka mamaya kung ano na ang gawin ni Ayesha kay Psyche. Hindi ako
mapapakali hangga't alam kong nanganganib ang buhay ng babaeng mahal ko!"
Napa-buntong hininga si Hephaestus, "manalig ka na lang na hindi
magagawang saktan ni Ayesha si Psyche. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa.
Nung panahong nandito si Ayesha, si Psyche lamang ang nakakaintindi sa kanya at
alam kong may utang na loob ito sa babaeng mahal mo."
Sa kagagawan niya.
"Cupid?"
Hindi sumagot si Cupid. Iniiwas niya lang ang tingin niya rito.
"Alam ko ang lahat, Cupid. Alam ko ang ginagawa ni Ayesha. At alam kong
nahanap mo na rin siya."
Tumango si Cupid.
"Ina, compass ko ang pumili kay Jillian. Ibig sabihin ay akin siya.
Hindi mo siya pwedeng galawin."
"O siya. Mukhang kinakailangan mo nang umalis, aking anak. Mag iingat
ka."
Yumuko si Cupid sa kanyang ina at kay Hephaestus bilang pag galang bago
tuluyang umalis.
To be continued...
***
Aly's Note:
May mga nababasa akong comments na medyo nalilito sila sa family line ni Cupid XD
Medyo magulo talaga ang family tree ng mga greek gods and goddesses. Mahilig kasi
sila sa affair. Lol XD
Chapter 30 (4/2/15)
Chapter 30
[Jillian's POV]
'Yung tampalasang god of love na 'yun, talaga nga naman! Hindi talaga nagpakita sa
akin! Magaling na bata! Hay naku!
Tinignan ko ang orasan. It's 3:45am. Ready na ang mga gamit ko at
inaantay ko na lang si West na dumating. Inaasahan kagabi na magpapakita sa akin
ang kumag na si Cupid pero wala. Hindi.
"Cupid, kung sakali mang may powers ka na marinig itong sinasabi ko,
gusto ko lang malaman mo na bwiset ka. Makikipag date lang ako kay West kahit hindi
siya ang nakatakda sa akin. Sana sa araw na wala ako eh wag mong maisipang kainin
ang stock ng pagkain ko kundi patay ka talaga sa akin! Ima-matchmake kita kay
Edgar!"
Just to be sure, nag iwan na lang din ako ng note sa lamesa ko.
"G-good morning."
Tumango ako.
"Let's go!"
"Ang gaang ng bag mo ah?" sabi nya habang isinusukbit niya ito sa
balikat niya.
Natigilan ako bigla dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang dapat kong
i-react.
Medyo madilim. Pero kahit ganun, alam kong namumula na naman ang tenga
niya.
~*~
"Gusto mo bang mag breakfast muna? Pwede tayong mag stop over if you want," tanong
sa akin ni West habang nasa byahe na kami.
"-really?!"
"---pero okay lang! Mas okay kung mag stop over na lang tayo. Baka 'di
mo magustuhan eh."
Nilingon niya ako saglit at nginitian, "Jillian, you don't know how
much your effort made me happy. At sigurado akong masarap 'yan. Ikaw gumawa eh."
Ba't ba ang hilig akong pinupuri ng isang 'to? Binobola na ba niya ako?
Natututo na ba siyang mambola?
Nag-aalboroto na naman ang utak ko. Sinasabing mali 'to, ba't nandito
ako ngayon sa loob ng kotse ni West papunta sa isang malayong lugar samantalang
alam ko na pag natapos na ang bakasyon namin, mas magiging mahirap ang lahat para
sa akin.
Pero minsan pala, kahit sinasabi nilang kaya nasa itaas ang utak ay
dahil ito muna ang dapat sundin, may pagkakataon talaga na hindi mo kayang hindian
ang sinasabi ng puso mo.
Alam ko na ang sasabihin sa akin ni Cupid pag nagkita ulit kami. Alam
kong katakot-takot na sermon ang aabutin ko.
~*~
Nag stop over kami ni West sa isang gasoline station para kumain muna ng inihanda
kong sandwich. Bumili rin siya ng kape para sa aming dalawa.
"So? How was it?" tanong ko sa kanya nang kumagat siya doon sa
sandwich.
"Weh?"
At sinunod nga niya ang sinabi ko. Tinuloy-tuloy niya ang pagkagat sa
sandwich at muntik-muntikanan pa siyang mabulunan. After a while, tanging tissue na
lang ang natira doon sa sandwich.
"H-ha?"
"I like you. But I swear, hindi kita binobola nung sinabi kong masarap
yung sandwich."
Namula ako. Naginit ang mukha ko. Natigilan. Napatingin ako sa gilid ng
labi niya. May mayonnaise. Bigla na lang akong natawa.
"What? Why are you laughing? Akala mo talaga binobola kita?" seryoso
niyang sabi.
"Ay wait. Wala pala tayong tubig. Gusto mo bumili ako?" tanong niya
habang nakaturo siya doon sa convenience store sa tapat namin.
"Okay."
Nakakita ako ng paborito kong candy na nasa lower shelf. Nung yumuko
ako para kumuha nung isa, may nabangga ako sa likuran ko.
Natigilan ako.
Kakaiba.
No.
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at ngitian niya ako.
Bakit pati ang boses niya sobrang ganda? Ang sarap pakinggan sa tenga.
"Ganun ba? Mag-iingat kayo ah, Jillian."
Pagkasabi niya nun, binigyan niya ako ng isang huling ngiti atsaka siya
umalis.
Jillian.
Napalingon ako kay West at nakita kong may hawak na siyang supot.
Lumingon si West.
"Babae?"
To be continued...
Aly's Note:
Hello readers! Nabasa ko yung mga comments about kay Aphrodite doon sa last
chapter. May mga nag correct kasi sa akin na hindi si Zeus ang father ni Aphrodite.
That Aphrodite is the oldest olympian God at tinapon siya ni Uranus sa sea.
Actually may ganoong kwento nga sa myth. I believe kahit sa Percy Jackson series,
ganoon din ang nakasulat about kay Aphrodite. Pero yung finollow ko kasi is yung
nakalagay sa Iliad ni Homer which is according to him, Aphrodite is the daughter of
Zeus kaya ayun ang inilagay ko sa aking explanation.
Chapter 31 (04/18/15)
Chapter 31
[Jillian's POV]
"Jillian!!! Ikaw bata ka! Tignan mo ang itsura mo! Ang ganda-ganda mo na!"
masayang-masayang bati sa akin ni mother superior habang hawak-hawak niya ang mukha
ko.
Halos kararating lang namin ni West sa bahay ampunan kung saan ako
nakatira dati. Nang makita ko ang gate nito kanina, dali-dali akong bumaba ng kotse
at tumakbo papasok.
Sobrang excited akong makita ang mga taong kumupkop sa akin pati na rin
ang lugar na kinalakihan ko.
"Ano ka bang bata ka! Okay lang yun. Ang mahalaga nandito ka ngayon.
I pout, "hindi po. Hindi ako sa kanya nakatira at never akong tumira sa
bahay niya."
"Ha? Aba'y nung kinuha ka niya rito sa ampunan, ipinangako niya sa akin
na di ka niya pababayaan!"
Medyo natawa ako, "malabo pong mangyari yun. Masyado siyang busy sa
trabaho niya."
Tinapik ni mother superior ang pisngi ko, "sige change topic na tayo.
Sino yung gwapong binata na kasama mo? Siya ba yung nobyo mo?"
"N-naku hindi po! K-kaibigan ko po siya. B-boss ko rin po," I gave her
an awkward smile.
"Boss? Kay bait naman ng boss mo. Talagang nag abala pa na dalhin ka sa
Baguio para lang makita kami."
Mas lalong nag init ang mukha ko, "hehe o-opo. Matulungin siya sa
kapwa."
~*~
Halos tatlong oras akong nakipag kwentuhan kay mother superior. Doon na
rin kami kumain ni West at gustong-gusto niya ang luto ni mother superior.
Nung medyo pa-gabi na, nag-paalam na kami sa kanila. Pero bago kami
umalis, may ibinigay sa akin si mother superior na isang kahon.
"Ito yung mga gamit na naiwan mo bago ka umalis. Itinabi ko kasi alam
kong babalik ka rito."
"Thank you po ah? Promise, dadalaw agad ako sa inyo."
Boyscout ang boss ko. Nag advance booking na siya. Two bed rooms. Ewan
pero napailing na lang ako. Paano kasi sa dinami-rami ng manuscript ng romance
stories na nabasa ko, pag may hotel scene, asahan, magiging fully booked agad ang
mga rooms at isa na lang ang matitira kaya mapipilitan si girl at boy na mag share
ng room.
I heard him chuckled, "okay. Mag-ayos lang tayo ng gamit tas kain na
tayo."
"See you later," ngiting-ngiti na sabi niya while he's opening the door
to his room.
Oh my golly wow! Uso nga pala multo rito sa Baguio! Ba't hindi ko
naisip yun?! Pwede kong sabihin kay West na mag-sama na lang kami sa isang room
kasi baka takot siya sa multo!
"Sana sinabi mo na lang sa akin na gusto mong sa iisang room lang
tayo."
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni West. My jaw
literally dropped nang makita ko siya na nakatayo sa gilid ko habang naka-ngisi ng
malawak.
"B-b-bakit...? P-p-p-paanong...?"
Nag step-aside si West at nakita kong may isa pang bedroom dito sa loob
ng room ko.
Itinaas ni West ang keycard niya, "connecting rooms ang kinuha ko,"
paliwanag niya habang amuse na amuse siyang nakatingin sa akin.
"B-bakit?"
Mas lumapit si West sa akin and I can feel his breath in my neck.
"Tsaka na tayo mag share ng isang room pagka sinagot mo na ako," bulong
niya sa akin. Humiwalay siya and I heard him chuckled. "Mag ayos ka na, kakain na
tayo," at naglakad na siya papunta sa room niya.
What the.
~*~
Halos hindi ako makatingin kay West habang kumakain kami ng dinner. Hindi ko rin
halos mai-lunok ang mga pagkain ko. Naka buffet pa naman kaming dalawa.
Nag lean forward siya sa akin, "I made you blush. That's an
achievement!"
Hindi ata alam ni West kung ilang beses nang nag-init ang mukha ko at
nag blush ng dahil sa kanya.
Hindi ata siya aware kung ano ang epekto niya sa akin.
"No. Ibig kong sabihin, yung ma-solo kita," nilingon ako ni West at
nginitian. "Thank you talaga Jillian ah? Dahil pinagbigyan mo ako."
"Ano ka ba! Dapat ako nga ang mag thank you eh dahil dinala mo ako
rito. Nakita ko tuloy ulit yung mga itinuring kong pamilya."
"I'll do everything to make you happy. You know that right?" Medyo
umusog papalapit sa akin si West. "Naalala mo yung sinabi mo sa akin dati na hindi
ako ang para sa'yo? Jillian, I want to prove that you're wrong. Na pwedeng ako ang
maging para sa'yo. Na I deserve to be the one for you."
"W-West..."
Anong gagawin ko? Bakit minahal ako ng ganito ni West? Bakit sobra-
sobra?
"What is it?"
"A-ano?"
Napatango siya, "oo nga 'yun yon! Nung second day mo sa trabaho.
Tandang-tanda ko yun. Nasa cafeteria tayo tapos may isang business man ang bumangga
sa isang matandang babae. Natumba yung matandang babae at hindi man lang pinansin
nung business man. Nilapitan mo yung business man at pinagsabihan mo not knowing na
isa pala siya sa mga big bosses natin. Muntik ka nang mapatalsik nun."
Hindi naituloy pa ni West ang sinasabi niya because I grabbed him and
kissed him. He froze tapos humiwalay ako sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata
niya dahil sa ginawa ko.
"Jillian..."
"Jillian, stop."
Hindi ba pwedeng siya na lang? Please. Siya na lang sana ang para sa
akin.
Humiwalay ako kay West. He looked me in the eyes at nakita ko ang gulat
sa mata niya nang makita niya akong umiiyak.
Umiling ako.
"I-I'm so sorry."
Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko magawang sagutin ang tanong
ni West. Tanging iling nalamang ang naisagot ko sa kanya bago ako tuluyang tumakbo
palayo sa kanya.
Narinig kong hinahabol niya ako. Narinig ko ang boses niya na tinatawag
ang pangalan ko.
Tapos na.
Wala na.
To be continued...
Chapter 32 (5/6/15)
Chapter 32
[Jillian's POV]
"Jillian, ito yung mga gamit mo. Kinuha ko na," sabi ni Cupid sa akin habang
inilalapag niya ang bag ko sa kama pati na rin yung malaking box na ibinigay sa
akin ni Mother superior doon sa ampunan.
"Jillian, I'm sorry," dinig kong sabi niya. His voice is full of
remorse. "Gusto kitang hayaan kay West. Kung pwede lang na siya na ang gawin kong
para sa'yo, ginawa ko na. Pero hindi talaga siya ang para sa'yo eh."
Cupid gave me a sad smile at pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata
ko.
Hindi na ako umimik pa. Umiyak lang ako nang umiyak sa harap ni Cupid.
Umiyak ako hanggang sa wala nang mailabas na luha ang mata ko. Umiyak ako hanggang
sa manlabo na ang paningin ko at humapdi na ang mga mata ko.
Minsan iniisip ko, sana hindi ko na lang siya napana.O sana hindi ko na
lang alam na hindi pala siya ang nakatadhana para sa akin.
Kasi alam ko na kahit anong gawin ko, sa heart break papatungo ang
relasyon namin.
Hindi kami pwede. Kahit mahal na mahal ko siya, hindi kami pwede.
"JILLIAN!!! JILLIAN!!"
Shit. Shit.
"West--!"
"Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo. Ba't bigla kang nawala? Nag alala
ako ng husto, Jillian."
"Umuwi ka na, West," halos pabulong kong sabi sa kanya without looking
at him.
My voice cracked.
Ang hirap.
Napabagsak ang kamay ni West mula sa balikat ko. Inangat ko ang tingin
ko sa kanya at kitang-kita ko ang painful expression sa mukha niya.
"Okay lang sa akin na saktan mo ako basta bigyan mo lang ako ng chance,
Jillian!"
Cupid, kung mababaw lang ang connection na ito, bakit ganitong kahirap?
Bakit ganitong kasakit? Bakit willing siyang gawin ang lahat para sa akin?
"Then all this time, sinasakyan mo lang ako dahil bakit? Naawa ka sa
akin?"
"I see," I heard him laugh bitterly. "Mukha siguro akong tanga 'no?
Mukhang asong ulol na habol nang habol sa'yo."
"Umalis ka na please."
"Okay."
He released my hand.
Masyadong masakit.
~*~
[Cupid's POV]
Maganda pa rin ang hardin na 'to. Buhay na buhay ang mga halaman. Puno
ng kulay ang bulaklak sa paligid at maraming paruparong nagliliparan.
Napapikit ako at pilit kong inaalala ang hardin na ito nung mga
panahong nandito pa si Psyche. Yung magandang ngiti niya habang pinapalibutan siya
ng mga paruparo. Yung tunog ng tawa niya na tila musika sa pandinig ko. Kung paano
siya tumayo sa harapan ko habang nakangiti sa akin at inaantay na lumapit ako para
yakapin siya.
Dahil hindi ko na alam ang dapat kong gawin para maibalik sa tabi ko
ang mahal ko.
Puno ng galit ang puso ni Ayesha. Alam kong minsan silang naging
matalik na magkaibigan. Pero sa sitwasyon ngayon, alam kong kayang-kaya nang saktan
ni Ayesha si Psyche para masaktan din ako.
At natatakot ako.
"Ama?"
"Hedone!"
"Ama!"
Tumakbo palapit sa akin ang nagiisa kong anak at niyakap ako ng napaka-
higpit.
"Ama, ba't ang tagal mong hindi umuwi? Ang tagal mong hindi ako
dinalaw! Kamusta ang misyon mo? Nasaan si ina?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Hindi ko pwedeng sabihin kay Hedone ang totoo. Alam kong bababa rin
siya sa mundo ng mga mortal upang hanapin si Psyche at ayoko na siyang madamay.
Medyo nag liwanag ang aura niya at ngumiti siya sa akin ng malawak,
"sabi mo 'yan ama ah? At uuwian mo ako ng pasalubong. Basta kahit anong galing sa
mga mortal masaya na ako."
"Cupid."
Tumango si Hedone at humarap siya kay ina. Yumuko siya rito bilang pag
galang atsaka niya kami iniwan.
To be continued...
***
Aly's Note:
So binasa ko ulit sa umpisa itong SWSCA pati yung mga comments. Na-realized ko lang
na ang pinaka sikat na character na nagawa ko sa tanang buhay ko eh si Edgar. Siya
lang ang umaani ng napakaraming comment pag nababanggit ang pangalan niya. Tipong
wala naman siya sa eksena, basta nabanggit lang ang name niya, ang dami na agad
nagco-comment sa line na yon. Waahahahaha ANONG MERON KAY EDGAR GUYS? Bat ang dami
niyong "Edgarnatics" dito?! XD
Chapter 33 (5/19/15)
Chapter 33
[Cupid's POV]
~*~
[Jillian's POV]
To be continued...
***
Aly's Note:
Medyo natawa ako sa comments last update. Nung maraming nag comment na anak ni
Cupid si Jillian. Nyahahaha. Ang lawak ng imagination ng mga readers ko!
Wahahahahaha XD Napalabas tuloy ang tatay ni Jill ng wala sa oras. Lol XD Pero it's
about time na rin :D
Anyway, sino po mga aspiring writers dito na gustong makapag publish ng book under
VIVA-PSICOM, taga Manila or kayang pumunta sa Megamall? Magkakaroon po kasi kami ng
writing workshop doon this coming May 27 at doon sa workshop, may mapipiling mag p-
publish under Viva Psicom :) If interested po kayo, check niyo po ang pinned post
ko sa FB page ko -> facebook.com/alyloony
Chapter 34 (6/9/15)
Chapter 34
[Jillian's POV]
"Bad day?" tanong niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin doon sa
pinapanuod niya.
Naupo ako sa tabi niya at nakita kong Power Puff Girls ang pinapanuod
ni Cupid. Inagaw ko yung jar ng Nutella sa kanya. Hindi naman siya umangal.
Umiling ako, "hindi naman. He's just giving me a cold shoulder the
whole day. Madalas din siyang nagpapanggap na hindi ako nag e-exist. I can't blame
him though."
Tumango si Cupid.
"Sorry."
"Okay lang. Ganun talaga. Hindi siya ang para sa akin eh."
"Ayos lang. Alam kong magiging okay rin ito. Someday... Someday..."
"Kaso kailangan na niyang maging okay ngayon kasi patay tayo kung
hindi."
"Ang alin?"
"W-what?! What? Silang dalawa na? Wait! Hindi ako ininform ni Luke!
Paanong? Anong-? Paano nangyari yun?!"
"Call them."
Dali-dali kong tinawagan si Luke at pagka-sagot na pagkasagot niya,
diniretsa ko agad siya ng tanong.
Nung nasa Baguio kami ni West, sinabi ni Luke kay Elise na hindi talaga
ako ang gusto niya kundi si Elise. Na hindi si Luke ang nagbigay ng stuff toy at
chocolate sa akin nung araw na nahuli ni Elise si Luke.
Umiyak daw si Elise. Akala ni Luke nagalit ito sa kanya. Yun pala, may
gusto rin si Elise sa kanya.
"Ganun na nga..."
Tumayo ako.
~*~
[Cupid's POV]
"Ba't ganito ang alak ng mga mortal? Ni hindi ako nalalasing. Nakaka-pitong bote
na ako dito ah?" tanong ko kay Jillian habang binubuksan ko ang ika-walong bote ko.
Kawawa rin si Jillian. Alam kong gusto niya ring makalimot ngayon.
"Hindi kaya tubig lang ang laman ng beer na 'to? Hindi rin ako
nalalasing," sabi niya habang nakataas ang bote ng beer at tinititigan niya ito.
"Hay buhay parang life. Gusto kong kumatay ng baboy pero takot ako sa dugo," at
bigla siyang humagalpak ng tawa.
"J-Jillian.."
"Tapos kanina sa opisina jusko, ang hot niya tignan. Ewan ba't mas
gwapo siya sa suplado looks? Tapos nagiba pa siya ng maayos. Bad boy look na. Wala
na ang good boy na si West. Pero good boy or bad boy man, ang attractive pa rin
niya sa paningin ko. Gosh! West! Gosh! You're so hot! HAHAHAHAHAHA. Ba't hindi ka
para sa akin ha? Bakeeeet?!" at humagulgol siya ng iyak.
O--kay?
"Hindi nga sabi ako lasing! Ba't ba pinagpipilitan mong lasing ako ha!
Hayop ka! Kasalanan mo 'to! Halika rito at bibigwasan kita ha! Bwiset ka! Ano
papalag ka ha? Hoy sagot! Leche kang hayop ka! Nakakairita kang bwiset ka! Patay ka
talaga sa akin!!" pahikbi-hikbi niyang sabi habang pinupunasan ang luha sa mata.
Mukhang mali ang hinala ko. Mukhang tinatalaban ng alak ang mga demi-
god.
Kung hindi lang siya lasing, baka hinamon ko na 'to ng away. Palibhasa
siya nakakalimot ngayon at ako eh hindi!
"Saan ka pupunta?"
"Kay West! Itatanong ko kung sino mas sexy sa amin nung ka-tadhana
niya! Ako pipiliin nun! Makikita mo!"
"Jillian--!!!"
SHIT.
~*~
[Jillian's POV]
Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko matandaan na lumabas ako ng bahay. Bigla na
lang nawala si Cupid sa tabi ko.
Bwiset na yun! Iniwan ako ni Cupid! Sabi ko dalhin niya ako kay West
eh! Pero ba't hindi niya ako sinamahan?!
May nakita akong pinto sa harapan ko. Nag doorbell ako. Pinindot ko
nang pinindot nang pinindot yung doorbell dahil ang tagal buksan ng pinto.
At nasaan si Cupid!
Napa-ngisi ako.
SI WEST!
Nag pout ako, "hindi mo ba ako gustong makita? Ikaw kasi gustong gusto
kitang makita!" at humagulgol ako ng iyak sa harapan niya.
"May itatanong lang naman ako eh! Ba't ka galit sa akin?!" at mas lalo
ko pang nilakasan ang paghagulgol ko.
"Uy West, ba't ka nagpapaiyak ng babae ha?" dinig kong sabi ng isang
lalaki sa may likuran ko.
"H-hindi.. Tsk! Wag ka nga magulo!" iritang sabi ni West at hinila niya
ako papasok ng condo niya at binalibag niya ang pinto.
"I'm beautiful!"
"Ano yun?"
Iniwan ako doon ni West at ako naman ay sumunod sa kanya. Nakita kong
papasok siya sa isang kwarto. Pumasok din ako sa kwartong yun.
"Jillian!!"
"Ba't hindi mo masagot ang tanong ko? Nahihirapan kang pumili? Hindi ba
obvious na mas sexy ako? Gusto mo patunayan ko pa?"
To be continued...
Chapter 35 (6/14/15)
IMPORTANT NOTE. PLEASE READ:
Hi dears! Nag update po ako last June 9! Baka po kasi hindi niyo nakita ang update
since maraming nag m-message sa akin na hindi nila mabasa ang update. If ever,
check that first before reading this. Baka malaktawan niyo ang chapter 34 :)
***
Chapter 35
[Jillian's POV]
~*~
"Mahal naman eh, tataba na ako kakabigay mo ng chocolate sa akin," sabi ni Elise
kay Luke habang naka-ngiti.
"Kahit tumaba ka pa, mahal pa rin kita," sabi naman ni Luke.
"Guys, kumakain kami ni Jillian dito. Pwedeng tumigil kayo?" sabat
naman ni Cupid.
Nagkangitian lang si Luke at Elise.
"Kayong dalawa talaga! Hinuli niyo ako sa balita!" sabi ko sa kanila.
"Ako ang nagmistulang tulay niyo tas ako pa ang huling naka-alam?"
"Sorry na Jill! Hindi lang namin masabi sa'yo kasi mukhang wasted ka
kahapon," sabi naman ni Luke.
"Di bale pag ikakasal na kami, ikaw ang unang makakaalam!" sabi naman
ni Elise.
"Kasal agad? Ang bilis ha!" natatawa-tawa kong sabi.
"Ganun talaga. Feeling ko forever na 'to eh," tumingin siya kay Elise
at ngumiti.
Napa-ngiti rin ako.
Oo nga, forever na sila. Kahit sa kabilang buhay wala nang makakabali
sa connection nilang dalawa.
Nakaka-bitter.
Sarap makisali doon sa mga nagsasabi ng walang forever!
Pero paano ko nga ba magagawa yun kung alam ko sa sarili ko na meron?
At patunay ngayon ang dalawang taong nasa harap ko? Na alam ko kahit magkagalit
sila, magkasakitan, maghiwalay, eh in the end, sila pa rin talaga.
Kasi ayun ang naka-guhit sa kapalaran nila.
Nauna akong umakyat sa office.
Napapaisip na naman ako eh.
Sino ang para kay West?
Siya na ang sunod na ima-matchmake ko. Hindi ko pa kilala kung sino ang
naka-tadhana sa kanya pero ngayon pa lang, gusto ko nang umiyak.
Nakakatawa. Nangyari na 'to noon.
Nung nalaman kong si Elise ang para kay Luke.
Alam ko masakit yun.
Pero bakit parang ibang sakit itong nararamdaman ko ngayon?
Sumakay ako ng elevator. Buti na lang at ako lang mag-isa.
Pakiramdam ko kasi parang nangingilid ang luha sa mata ko.
Bumaba ang elevator sa parking lot. Napa-sapo ako sa noo.
Pababa pala 'tong nasakyan ko! Kainis!
Nag open yung pinto ng elevator at may pumasok na isang lalaki.
Nagkatinginan kami at parehong nanlaki ang mata namin.
"Oh, you're Jillian right? West's co-worker?"
Tumango ako.
"Zyron right? Sir West's brother?"
"Yep. That's me!"
Nginitian niya ako at doon ko lang napansin na may dimple siya sa right
side.
Killer smile.
Bigla ko naalala na si Zyron ang kahawig ng lalaking mahal ni Ayesha.
Si Zyron ang dahilan kung bakit ginagawa ni Ayesha lahat ng 'to.
Hindi ko masisisi si Ayesha. May killer smile ang isang 'to eh. At amoy
ko ang pabango niya.
"Uhmm, pupuntahan mo po si Sir West?"
"Yep. Actually nagkita na kami kanina. May naiwan lang ako sa kotse.
Kasama ko nga yung kababata namin na galing sa states. Gusto makita si West eh."
"Ohh, nasa taas na po sila?"
"Right," nilingon niya ako at nginitian ulit.
I blink.
Familiar ang ngiti niya. Parang nakita ko na dati. Hindi ko lang
matandaan kung saan.
Huminto na elevator. Nakarating na kami sa floor namin. Pero nung
nagbukas ang pinto ng elevator, hindi ako nakalabas agad.
Dahil sa tapat nito... kitang-kita ko...
Si West...
At isang babae...
They are kissing each other.
To be continued...
Author's Note:
Sa mga confused pa rin, pamangkin ni Cupid si Jillian. Kapatid ni Cupid ang mother
ni Jillian at pareho nilang ina si Aphrodite, okay?
Half-goddess si Jillian.
Nagulat kasi ako last update dahil clueless sila na pamangkin pala ni Cupid si
Jill.. pero na-reveal ko na ito sa mga huli pang chapters XD
Ayun lang po :D
Chapter 36 (6/16/15)
Chapter 36
[Jillian's POV]
Nagulat ako nang biglang nag-sara ang pinto ng elevator kahit na hindi
pa kami nakakababa ni Zyron.
"Sorry. We're not supposed to see that," dinig kong sabi niya.
Napalunok na lang ako at tumango. I'm trying my best to hold back the
tears.
Pumanik ng isang floor yung elevator, nung walang sumakay, pinress uli
ni Zyron ang 7th floor kung saan kami dapat bababa.
Saglit lang. Pero parang mas nadurog ang puso ko nang tignan niya ako
na para bang wala siyang pakielam.
Ang sakit.
"We're going up. Doon tayo sa conference room mag-usap," sagot naman ni
West.
"Alright!"
Sobra.
Ilang beses pa ba ako dapat masaktan bago ko makilala ang para sa akin?
Ayoko na magmahal.
~*~
[West's POV]
Palayo sa akin.
Parang last week lang, nagagawa pa naming tignan ng diretso ang isa't-
isa. Nagagawa ko pa siyang ngitian.
Parang last week lang ang saya ko kasi papunta kami ng Baguio dalawa.
Kesa ngayon.
Umasa ako.
Oo sobrang sakit. Halos mamatay ako sa sakit. Pero magiging maayos ako.
Magiging okay ako.
Kaya ko.
[Flashback]
Tinitigan ko maigi si Jillian. Namumula ang mukha niya. Amoy alak ang
hininga niya.
At hindi ko talaga malaman kung paano niya nalaman kung saan ako
nakatira.
Kung hindi lang ako sinaktan nito, hinila ko na siya palapit sa akin
para yakapin ng mahigpit.
Iniwan ko siya doon at pumasok ako sa kwarto ko para kunin ang kotse.
Kaya lang, sinundan niya ako sa loob ng kwarto ko at isinara pa niya ang pinto.
"Jillian!"
I look at her, confused. Ano nga yung tanong niya? Hindi ko ata narinig
kanina kasi busy akong titigan siya.
Ngayon... ngayon...
"Stop it!" agad kong hinawakan ang kamay ni Jillian at tinanggal ko ang
pagkakahawak niya sa butones ng polo niya.
Baka hindi ko magawang pigilan ang sarili ko. Baka hindi ko ma-kontrol
ang emosyon ko.
"Umiikot..."
Dinig kong sabi niya kaya agad ako napalingon at nakita kong gumegewang
na siya at matutumba na siya.
Lumapit ako para alalayan siya kaya lang bigla siyang bumagsak. Dahil
na out balance ako, pareho kaming napatumba sa kama.
Nakalapat ang likod niya sa kama at ako naman ang nasa itaas.
Itinungkod ko ang braso ko sa gilid niya para hindi ko siya madaganan.
Parang ako ang nalasing. Nablangko ang isip ko. Hindi ako makatigil.
I kissed her back. I kissed her pationately. I kissed her with longing,
with love.
With love....
Mali. Mali.
She's drunk. At alam kong wala siya sa tamang pagiisip. Alam kong hindi
niya alam ang pinag gagagawa niya.
Alam kong pag hindi siya lasing, hindi niya gugustuhin ang bagay na
'to.
Agad kong itinaas ang kumot sa bandang dibdib niya dahil hindi na niya
nagawang i-butones pabalik ang polo niya.
Napapikit ako.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. Agad akong uminom ng tubig para
mahimasmasan ako. Tinawagan ko si Eros para sabihin na nandito si Jillian sa condo
ko at kailangan niyang pumunta.
[End of flashback]
"Kuya! What are you doing here?" naka-ngiti ko ring sabi sa kanya.
"Wala naman. Tinitignan ko lang 'tong publishing company na binili ni
dad. I'm just wondering kung kelan pa nagka-interes si dad sa pag ppublish ng mga
libro at magazine."
I shrugged.
"Hmm? Who?"
"Me!"
"Sasha?"
"Oh my god."
"I know right! Halos hindi rin ako makapaniwala nung sinundo ko siya sa
airport kanina!" natatawa-tawang sabi ni Kuya Zyron.
"Wow. That's nice! Hindi talaga kita nakilala agad. Hindi ako
makapaniwala na yung madungis na si Sasha eh.."
"Oh dang, I forgot my phone in my car. Wait baba lang ako," sabi ni
kuya at lumabas siya ng opisina ko.
"So.. kumain ka na ng lunch? Do you want something to eat?"
"No. Kakakain lang namin ni Kuya Zyron. Nag drop by lang talaga ako
para makita ka, West. How are you?"
Broken.
Kasi yung akala kong magiging girl friend ko, pinaasa lang ako.
"Ay sus. Wag kang masyadong mag focused sa work. Sayang ang gwapo mo."
"Hindi naman ako nambobola! 'To talaga!" napapaypay siya. "Pero ang
init sa office mo ha?"
"Sure. Let's go. Ang init dito. I'll just text Kuya Zyron."
"West..."
"Hmm?"
"Do you remember what I told you two years ago? Nung bumalik kayo ni
kuya Zyron sa San Fransisco?"
"Sasha..."
"Hindi ba pwedeng mahalin mo rin ako, West? Hindi kasi ako maka-move on
sa'yo."
Masakit para sa akin. Pero yun ang totoo. Kapatid lang ang turing ko sa
kanya. At hindi ko siya kayang lokohin sa kung ano ang totoo kong nararamdaman.
Imposible.
Inangat ko ulit ang tingin ko kay Jillian pero bago ko pa makita ang
mukha niya, sumara na ang pinto ng elevator.
To be continued...
Chapter 37
Chapter 37
[Jillian's POV]
"Maglalasing ka na naman ba?" tanong ni Cupid sa akin.
Hindi ko siya sinagot at tinakpan ko lang ng unan ang mukha ko.
Kanina pag uwi ko, nag lakas loob na akong buksan yung maliit na box na
ibinigay sa akin ni West nung araw na sinabi ko sa kanyang hindi ko siya mahal.
Isang bracelet ang laman nung box.
Bracelet na hugis arrow. May note na iniwan si West doon sa bracelet.
"You pierced my heart with an arrow and now I am deeply and madly in
love with you, Jillian. Will you be my girlfriend?"
Gusto kong matawa at maiyak. Yung sinabi niya, it is supposed to be a
metaphor pero hindi siya aware kung gaano katotoo iyon.
Yes West, kung alam mo lang, I really pierced your heart with an arrow.
At aksidente ang nangyaring iyon. And I'm sorry. I am so sorry.
Kung pwede lang sanang yes ang sagot ko sa tanong mo.
Naalala ko yung sinabi niya sa akin sa Baguio.
Nagustuhan niya ako nung umpisa pa lang na nagtrabaho na ako sa
kompanyang yun.
Umpisa pa lang. Bago ko pa makilala si Cupid. Bago ko pa nakawin ang
pana niya.
Nakakaiyak.
Pero mahalaga pa ba yun?
Kanina lang may kahalikan na si West.
"Jillian.."
Naramdaman kong naupo si Cupid sa tabi ko at inalis niya ang unang
nakatakip sa mukha ko.
"Nakakita ako ng artista kanina!" masigla niyang sabi.
Pinanliitan ko siya ng mata.
Nakakainis ang isang 'to! Nag eemote ako rito tapos sasabihin nakakita
siya ng artista!
"Paki ko?"
Inilabas niya ang phone niya.
Jusko.
May phone pala siya!
"Tignan mo oh! Nag selfie kami! 'Di ba siya yung drummer ng Endless
Miracle? Si Jasper Yu? Mas gwapo ako sa kanya!"
"Malamang. Anong laban ng mortal sa isang Greek God."
"Di ba crush mo siya?"
"Eh? Hindi. Hindi ako mahilig sa artista."
"Asus! Crush mo siya eh!"
Tinaasan ko ng kilay si Cupid, "ba't mo naman ipinagpipilitan na crush
ko siya? Bakit? Siya ba nakatadhana sa akin? Umamin ka!"
Biglang tumawa ng malakas si Cupid.
"Jillian hindi ko akalaing assuming ka pala at ang taas mo mangarap!
Hahahahahahaha!"
Leche ang isang 'to.
Tinulak ko siya sa kama at nagtalukbong ako ng kumot.
"Eto na naman! Pinapasaya lang kita! Gusto mo mag-inuman ulit tayo?"
Bigla akong may naalala.
"Cupid, nung nag inuman tayo, nung nalasing ako, biglang gumana yung
compass. Nakapag teleport ako! Paano nangyari yun?"
"I told you, may kapangyarihan ang compass. You have a strong will nung
nalasing ka at ayun ang makita si West. That's why you accidentally unlocked the
power of the compass."
"Huh? Eh edi magandang sign yun? Pwede kong magamit?"
"No. The power of the compass is quite dangerous kaya mas magandang
hindi mo na ito pakielamanan at magiingat ka parati."
Napa-buntong hininga na lang ako.
"Jillian?"
"Hmm?"
Ipinatong ni Cupid ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok.
"You'll be okay. I know and I will make sure na in the end, magiging
masaya ka. I promise you that."
I gave him a sad smile.
Sana nga, marating ko na ang "end" na sinasabi ni Cupid para maging
masaya na ako.
Kasi ang sakit-sakit na.
~*~
The next day, nag meeting kaming lahat ng employees kasama si Sir West
para ipakilala ang dalawa pa naming magiging "boss."
Binili na pala ng family nina West ang publishing house na ito. Elise
was promoted as Editor-in-chief---ang dating posisyon ni West. At ngayon naman,
hands-on na sa business aspect si West kasama ang brother niyang si Zyron....at
yung kahalikan niya na nakita ko na si Miss Sasha Collins.
So, boss ko ang kahalikan niya.
So, higher boss na ang lalaking sinaktan ko.
At dahil doon, sa taas na ang office niya at hindi na rito na kasama
namin siya.
Palayo na nang palayo ang agwat namin sa isa't-isa.
"Hi guys I am Zyron and mas mabait ako kay West kaya wag kayong mag-
alala," sabi ng kuya ni West sabay kindat sa amin.
Naka-ngiti naman si West habang iiling-iling.
"Ang gwapo niya!" rinig ko pang bulong ng isa sa mga editors namin.
Nagpakilala na sunod si Ms. Sasha.
She's actually nice. Nakangiti, ang lambing ng boses niya.
Ang ganda niya, mukhang mahinhin, ang demure kumilos, sosyalin.
Ang sarap niyang sabunutan.
Dear Cupid, kung siya ang nakatadhana kay West, hindi ko na ata talaga
kayang gawin ang bagay na 'to.
In-annouce rin nina West na magkakaroon kami ng summer outing sa isang
beach resort sa Subic. Three days, two nights kami doon. Syempre kasama yung dalawa
naming boss.
Hindi ko alam kung mag e-enjoy ako o hindi.
"Magpanggab ka na lang na may sakit," bulong ni Cupid sa akin after ng
meeting.
"Tapos ikaw kasama?"
"I-ta-tag na lang kita sa mga photos," sabi ni Cupid.
Pinanliitan ko siya ng mata.
Buti pa ang isang 'to, kahit nawawala ang asawa niya nagagawa pa niya
ang mga bagay na yan.
Sa totoo lang, curious ako kung ano ang ginagawang paraan ni Cupid para
mahanap si Psyche. Kada tinatanong ko siya, nagiiba ang aura niya.
Hindi ko maintindihan.
Pero isa lang ang sigurado ko.
He's trying to hide all his pain behind a smile.
"On the second thought, bawal ka palang hindi sumama!"
"At bakit?"
"Basta, I need you there!"
Hindi na ipinaliwanag pa sa akin ni Cupid kung bakit kailangan niya ako
doon.
Baka may kinalaman na naman sa misyon ko at sa compass.
Cupid wag na wag mo talagang sasabihin sa akin na si Ms. Sasha ang
nakatadhana kay West. Hindi ko kaya! Hindi talaga.
Hay naku Jillian, mukhang kahit na sino naman hindi mo matatanggap para
kay West eh.
Nang matapos na ang office hours at oras na para umuwi, nauna si Cupid
sa akin at may kailangan daw siyang puntahan.
Yung isang yun talaga hindi manlang nag magandang loob na ihatid muna
ako sa apartment ko gamit ang hocus-pocus niya! Walang utang na loob! Samantalang
doon siya nakikitulog sa apartment ko, nakikigamit ng kuryente, tubig at nakikikain
pa. Pero hindi siya nag s-share ng bayad!
Come to think of it, parang naging palamunin ko si Cupid.
Tapos sinasaktan pa niya ako sa mga pinapagawa niya sa akin!
Dali-dali na rin akong umalis at sumakay sa elevator dahil nakita ko
mula sa labas kanina na parang uulan. Hindi ko pa naman dala ang payong ko.
Pasara na sana ang elevator nang may narinig akong nagsalita.
"Oh, wait!"
I immediately pressed the open button at nang makita ko kung sino ang
sasakay, nagsisi agad ako na hindi ko pa hinayaang sumara ng tuluyan ang elevator.
It's Ms. Sasha and West... I mean, Sir West.
"Thanks!" naka-ngiting sabi ni Ms. Sasha.
Nginitian ko rin siya kahit ayoko. Syempre boss ko eh. Hindi naman
pwedeng mag attitude ako sa kanya. Mamaya mapatalsik pa ako sa trabaho. Paano na
lang kami ni Cupid? Ano na lang ang kakainin naming dalawa pag nawalan ako ng
trabaho?
Bwiset. Palamunin talaga si Cupid.
"West, I'm hungry. Let's eat dinner?" tanong ni Ms. Sasha kay Sir West
at pinulupot pa niya ang kamay niya sa braso nito.
Bwiset! Bwiset talaga!
"Hmm, okay. Maaga pa naman."
Oh god. Ang tagal ng elevator. Ang tagal naman makarating sa lobby! Ang
tagal!
Gusto ko nang bumaba.
"Isa ka sa mga editors right?" tanong sa akin ni Ms. Sasha.
Oh god, why is she talking to me? I don't want to talk to her.
Inaamin kong bitter ako!
"Proofreader po," sabi ko with a fake smile.
"Oh I see. And your name is?"
"Jillian Evangelista po."
Tumango siya, "great! Hopefully makilala ko na kayo lahat. Medyo
excited na nga ako sa outing eh! Let's have some fun Jillian, ha?"
Nginitian ko ulit siya.
Gusto kong maging cheerful. I want to like her.
Pero hindi ko kaya.
Nakakainis! Ang bitter ko talaga!
"How about you West? Are you excited?" tanong naman niya kay Sir West.
"Of course I am. Tsaka kasama ko kayo ni kuya," West gave her a genuine
smile.
"Naks naman! It's been a while na rin nung last na nakapag-outing
tayong tatlo. Do you remember yung sand castle na pinaghirapan nating gawin tas
nung nabuo na biglang umalon ng malakas at nasira yun?"
Natawa si West, "yes! I remember that! Inis na inis ka kaya nun! Ang
epic!"
"At kinailangan niyo akong ilibre ng dessert para mawala ang inis ko!"
Don't mind me. I'm not here. Invisible lang ako. Sige lang, go ahead
lang, mag reminisce kayo ng masasayang alaala niyo. Wag niyo akong pansinin.
Bwiset.
Biglang huminto yung elevator at pare-pareho kaming na out balance.
At kung mamalasin ka nga naman, nakatakong pa ako kaya naman natumba
talaga ako at napaupo sa sahig.
Oh god!
"Sasha, are you alright?"
Inalalayan ni West si Sasha umayos ng tayo kahit na nakasandal naman
agad ito sa pader at hindi natumba.
Di tulad ko.
"I'm fine! I'm fine! Ms. Jillian, are you alright?" tanong ni Ms.
Sasha.
"Opo," sagot ko habang itinatayo ko ang sarili ko.
Bwiset ang sakit ng ankle ko.
Pero mas masakit ang puso ko.
Ganito pala yung feeling 'no pag hindi ka pinili ng taong mahal mo? Ang
sakit pala. Nakakaiyak. Kahit ikaw ang mas may kailangan sa kanya, iba ang pinili
niyang alalayan.
Kasalanan mo yan Jillian. Desperada ka! Sana umpisa palang hindi mo na
ninakaw ang pana ni Cupid para hindi mo aksidenteng napana si West at hindi ka
nasasaktan ng husto ngayon. Ang desperada mo kasi sa pagmamahal! Sobrang desperada
mo!
"Are you sure na okay ka lang?" tanong ulit ni Ms. Sasha.
I gave her a reassuring smile, "opo. Okay lang po."
Umandar na ulit yung elevator.
Nakarating na kami sa lobby.
Nagpaalam na ako sa dalawa kong boss. Nginitian ako ni Ms. Sasha at si
West naman ay diretso lang ang tingin. After that, dumiretso na sila sa parking lot
at ako ay naupo muna saglit sa may gilid ng hagdan ng entrance ng building.
Ang sakit ng ankle ko. Nanginginig ang tuhod ko sa sakit.
At malala, umuulan pa. Wala akong payong.
Napatakip na lang ako ng mukha dahil hindi ko na napigilan ang pagiyak.
Hindi ko alam kung dahil sa kamalasang natamo ko o dahil sa
nararamdaman ko.
Hindi ko na maintindihan.
Jillian, kalma. Kalma. Kalma.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
Walang mararating ang pag-iyak ko.
Tumayo na ako ulit at hinubad ko ang blazer na suot ko atsaka ko ito
itinakip sa may ulo ko.
Gusto kong tumakbo pero bawat hakbang ko, sumasakit ang paa ko.
Nakakatawa lang kasi nangyari na 'to noon. Wala akong payong. Umuulan.
Dumating si West at pinagpilitan niyang ihahatid niya ako sa amin.
Ayaw ko pa nun pumayag.
Pero ngayon, ang saya ko siguro kung mangyayari ulit yun.
Alam ko kasing imposible na eh. Napaka imposible na nun.
Sinaktan ko siya. He's mad at me. At may kasama na siyang ibang babae.
Pero kahit ganoon, sana dumating pa rin ang panahon na mapatawad niya
ako sa ginawa ko sa kanya.
Hindi man niya ma-realized na para sa ikabubuti niya yung ginawa ko,
sana mapatawad pa rin niya ako.
Bigla akong nadulas at natumba ako sa semento, sa gitna ng ulan.
There's a searing pain in my ankle. Napahawak ako bigla dito.
I am so frustrated! I hate it! I hate what's happening! Ayoko na!
Nakakainis na!
Napahawak ako sa compass.
Pwede bang gumana ka muna ngayon? Kahit ngayon lang? Please! Dalhin mo
na ako pauwi! Ayoko na! Hindi ko na kaya ang araw na 'to! Ayoko na---
Napa-angat ang ulo ko nang maramdaman kong may mga kamay na umaalalay
sa akin.
"You sprained your ankle."
Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko.
Bigla akong nagpasalamat na umuulan at basang-basa ako kaya hindi
pansin ang umaagos na luha sa mata ko.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang paghagulgol ng iyak.
"S-Sir West."
Binitiwan ni West ang payong na hawak niya at nagulat ako nang bigla
niya akong buhatin.
"Kailangan mo munang pumunta sa ospital para matignan 'yan....tapos
ihahatid na kita pauwi."
Hindi ako umangal o naginarte. Hinayaan ko lang siya na buhatin ako.
Hinayaan ko lang na maging sobrang lapit sa kanya ngayon.
Alam kong mali.
Pero hinayaan ko muna ang sarili ko na makagawa ng pagkakamali ngayon.
Kasi sobrang sakit na.
To be continued...
Chapter 38
Chapter 38
[Jillian's POV]
Chapter 39
Chapter 39
[Jillian's POV]
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Cupid sa akin.
Lagpas limang beses na niyang tinanong ang bagay na 'yan. Sa totoo
lang, naiirita na ako.
"Cupid, naka-impake na ang mga gamit ko. Ready na akong umalis. Ibig sa
bihin, go na go ako."
Bumuntong hininga si Cupid at iniwan na ako sa kwarto ko.
Tinapos ko ang pag iimpake ng gamit ko. Naghahanda na kasi ako para sa
outing namin. At ilang oras na lang, kailangan na naming umalis ni Cupid para
pumunta sa opisina kung saan ang meeting place naming mag o-office mates.
Kanina ko lang naisipan mag impake ng damit. At ngayon, basta lagay na
lang ako sa bag ko ng kahit ano dahil wala talaga akong gana.
Kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko na lang mag stay sa bahay.
Ayokong sumama. Ayokong makita si West.
Nung gabing na-trapped siya rito sa bahay ko, ayun ang huling beses ko
siyang nakita. Ni-hindi ko alam kung anong oras siya umalis nun. Hindi ko alam kung
sinugod ba niya ang bagyo makalayo lang sa akin.
Though alam kong ayos naman siya dahil sabi ni Elise, naka-salubong daw
niya si West sa opisina.
Yun lang, ako, kahit anino ni West ay hindi ko nakita. Siguro sinasadya
niya rin na wag magpakita sa akin. Malamang iniiwasan niya ako.
Sa ginawa ko ba naman sa kanya, hindi pa ba niya ako iiwasan.
Pero sa outing, magkakasama kami sa isang lugar. Gagawin namin ang mga
activities na magkasama. Mahihirapan kami kung iiwas kami sa isa't-isa.
At gusto ko talagang wag nang sumama.
Yun lang, mapilit si Cupid. May importante raw kaming dapat gawin. At
ewan ko rin kung bakit. Parang may pakiramdam ako na dapat akong sumama.
Which is nakakakaba.
Ilang beses na ba akong naniwala sa instinct ko? But it turns out na
laging palpak ang instinct ko.
Bahala na nga si Batman.
At dahil kanina lang ako nag-sipag mag impake, male-late na kami ni
Cupid. Buti na lang at naisipan na niyang gumamit ng magic para maka-punta agad
kami sa office. Nakaka-taka nga dahil pumayag siya agad samantalang dati hindi ko
siya mapilit.
"Wow! On the dot kayo ah!" sabi ni Edgar sa amin nang dumating kami ng
saktong 7am sa office. "Sayang talaga at nag resign si Enid! Gusto ko pa naman
siyang makitang naka-bikini!"
Napa-simangot si Cupid sa sinabi ni Edgar and I saw him balled his
fist. Hinawakan ko agad ang wrist niya at hinila siya palayo kay Edgar. Mamaya
masapak ni Cupid si Edgar. O worst, gamitan pa niya ng salamangka.
"I swear, matapos lang talaga 'to, isusumpa ko ang mortal na 'yan!"
Cupid hissed.
"Relax! Hindi naman niya nakita ang asawa mo na naka bikini eh!"
Naka-simangot pa rin siya. Mukhang na-badtrip talaga.
"Hi guys!"
Napalingon kami sa dumating at nakita namin si Sir Zyron. He's wearing
that bright smile again na parang wala siyang problema.
"Are you ready?"
"Yes sir!" sagot namin sa kanya.
"Alright! Nasa baba na si West at Sasha. Nandyan na yung sasakyan
natin!"
Parang biglang sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ni
West.
Hindi ko talaga siya pwedeng iwasan ng habang-buhay. Makikita at
makikita ko pa rin siya.
And a part of me wants to see him badly.
Kinuha na namin yung mga gamit namin at sumunod kami kay Sir Zyron.
Isang mini van yung sasakyan namin at sakto namang kasya kaming lahat---including
the three bosses.
"Ang babait ng mga boss natin 'no? Halatang gusto tayong maka-bonding.
Talagang hindi sila humiwalay ng sasakyan at sasabay sila sa'tin," sabi ni Luke.
"I heard na idea ni Ma'am Sasha 'to. Grabe maganda na mabait pa! She's
indeed a role model," dagdag pa ni Elise.
Sumimangot ako at medyo binilisan ko ang pagpasok sa mini van. Doon ako
sa dulo naupo. Ayoko sa harap. Gusto kong mapag-isa.
Lalo na na nakita ko sa may bandang harap naupo si West at katabi pa
niya si Ma'am Sasha.
Naiinis ako.
Ang hinhin kumilos ni Ma'am Sasha. Ang sophisticated.
Hindi kaya siya ang tinutukoy ni Cupid na nakatadhana kay West? If
ever, paano ko siya magagawang i-matchmake kay West kung naiinis ako sa kanya?
Nung kay Luke at Elise dati, medyo kinaya ko pa dahil hindi naman ako
naiinis kay Elise.
At nandyan si West para libangin ang puso ko.
Habang tumatagal, mas pahirap nang pahirap ang duty ko.
Sana naman wag na dumating sa point na kailangan kong i-matchmake si
Ayesha sa isang santo. Hindi ko na kakayanin promise.
Nag-sakayan na ang iba ko pang mga ka-officemates. Naupo naman si Cupid
sa kabilang side ko sa tabi rin ng bintana.
Aba, hindi ako tinabihan ng isang 'to ah?
Dahil sobra-sobra pa ang seats, in the end, wala kaming katabi pareho
ni Cupid.
Napa-buntong hininga na lang ako.
Siguro kung nasa ibang sitwasyon kaming dalawa, malamang katabi ni
Cupid si Enid at ako? Katabi ko yung nakatadhana sa akin---kung sino man siyang
leche siya na ang tagal tagal dumating sa buhay ko. Sana naman nagpapakilala na
siya 'no para hindi na ako naghihirap nang ganito.
"Matulog ka muna, sandal ka sa akin," dinig kong sabi ni Luke kay Elise
at nakita ko pang sinandal ni Elise ang ulo niya sa balikat ni Luke. Naka-akbay
naman si Luke kay Elise.
Anak naman ng--!! Ba't dito ba pumwesto ang dalawang 'to sa harap ko
ha? At bastusan, nag PDA pa ang mga malalandi!
Nagsimula na ang byahe. Ang ingay sa bus. Akala mo mga estudyante na
mag f-fieldtrip. Puro lokohan at tawanan. Pinangungunahan pa ni Edgar na
nagmimistulang clown sa harap at mukhang nagpapabibo sa tatlong boss.
Nag-pasak na lang ako ng earphones sa tenga ko at pumikit ako at nag
panggap na tulog para hindi nila ako istorbohin.
At sa pag papanggap ko, nakatulog talaga ako.
~*~
Nagising ako na nakahinto ang bus namin at halos walang laman ito.
Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong naka-stop over pala kami.
"Hindi ka bababa?"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Sir Zyron na nasa harapan
ko.
"Ah... hindi po sir."
Tumango siya.
"Nag eenjoy ka ba?"
"Opo.. bakit po?"
"Wala lang. Pansin ko lang na mula kanina sa opisina naka-simangot ka
na."
Medyo kinabahan ako bigla sa sinabi niyo.
Hala! Na-notice pala niya ang bad mood ko! So bad shot na agad ako sa
boss ko?
The hell I care. Gusto ko nang mag resign.
"Uhmm...medyo wala lang po ako sa mood kanina."
Naupo siya sa bakanteng seat sa tabi ko.
"Alam mo bang nakakahawa ang bad mood? Kaya dapat sa mga outing na
ganito, ipakita mong masaya ka. Paano mag eenjoy ang iba kung may isang badtrip?"
Napa-kagat ako ng labi.
Gusto kong huminga ng malalim. I badly want to roll my eyes. Gusto ko
siyang tarayan at sabihin na anong gusto niyang mangyari? Eh bad mood ako. Hindi
naman naapektuhan yung iba sa akin eh. Ni hindi nga nila nahahalata eh. Kaya nga
nandito ako sa likod ng bus eh para walang mang istorbo sa akin.
Tsaka sino siya para pakielamanan ang nararamdaman ko? Hindi ba siya
aware na kaya ako ganito eh dahil sa kapatid niya?!
"Malapit nang kumunot ang noo mo. I can sense it," sabi niya habang
naka-ngisi ng nakakaloko.
Napahawak ako sa noo ko at tumawa naman siya. Tinignan ko lang siya
habang kinakagat ko pa rin ang labi ko kasi gusto ko na talaga siyang sigawan.
"Why don't you say something?" tanong niya matapos niyang mapa-kalma
ang sarili niya sa pag tawa.
"Uhmm.. I don't know what to say, sir. Hindi naman po kita pwedeng
tarayan..."
Iniwas ko ang tingin ko.
Anak ng tupa! Sinabi ko talaga yun sa harap ng bago kong boss? Seryoso
yan? Oh my gosh! Anak naman talaga ng tupa oh!
Narinig ko ulit ang pag tawa niya.
"Ganito ka ba talaga palagi? Naka-simangot at nagtataray?"
"Hindi po at hindi ko po kayo tinatarayan."
"Hey, I'm just joking okay? Inaalam ko lang yung sinasabi ng kapatid ko
na masiyahin ka raw at kahanga-hanga. Pero sa nakikita ko ngayon ang gloomy mo."
Sige! Ipagkalandakan pa niya na gloomy ako! Leche talaga ang sarap
sagutin kung hindi ko lang siya boss!
May inilabas siyang candy sa bulsa niya at inabot sa akin.
"Para hindi ka mahilo."
Kinuha ko yung candy, "oh.. thanks po."
Tumayo siya at paalis na ulit pero huminto siya at tinignan ako.
"By the way, kay West galing yung candy. I-abot ko raw sa'yo."
Naglakad na pabalik si Sir Zyron doon sa harapan ng bus kung saan sila
nakapwesto kanina.
Napatingin ako sa may entrance ng bus at sakto namang pumasok si West
kasunod si Ms. Sasha. Nagtama ang tingin naming dalawa.
Ewan ko kung sino ang unang umiwas. Ako ba o siya o sabay naming iniwas
ang mga tingin namin?
Hinigpitan ko ang hawak doon sa candy na ibinigay niya sa akin at
napapikit na lang ako.
Sa ilang segundo na nag tama ang tingin namin, parang nakuryente ang
buong katawan ko.
Ano yun, sparks? Sparks ba ang tawag doon?
Bakit kailangan pa magkaroon ng sparks kung hindi naman kayo para sa
isa't-isa?
Nakaka bitter na talaga ang sitwasyon kong 'to.
~*~
"Ang ganda ng resort!!" masayang sabi ni Elise nang makapasok kami sa
resort na pinagdalhan sa amin ng mga big boss.
Maganda nga talaga ang resort. Sosyal. Member ata ang family nina West
dito kaya naman naka discount kami. Isa pa, halos solo namin ang buong resort.
Kakatapos lang kasi ng summer kaya naman wala nang masyadong nagbabakasyon dito.
Sabi nung nag assist sa amin, may anim na pool daw sa resort. Tapos sa
'di kalayuan, nandoon yung beach. Though pwede kami maglakad sa dalampasigan, pero
in-advice-an kami na wag munang mag su-swimming dahil high tide raw ngayon.
Great.
Nagpunta na kami sa mga assigned rooms namin. Apat ang magkakasama per
room. Kasama ko sa room si Elise, si Dina ang isa pa naming editor at si Grace-yung
book cover artist namin.
Nagpahinga lang kami saglit at after that, lumabas na kami at nagtungo
sa buffet hall kung saan kami mag l-lunch.
"Ayun sina Cupid at Luke," turo ni Elise. Nakita ko yung dalawang
lalaki na nandoon na at mukhang inaantay kami.
Nilapitan namin sila ni Elise.
"Tara kuha tayo ng food?" aya ni Luke kay Elise.
"Tara."
Nagpunta na yung dalawa doon kaya naman naiwan kami ni Cupid.
"Una ka na. Ako na magbabantay ng table natin," sabi niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay, "aba himala hindi ka nakikipagunahan sa akin
kumuha ng pagkain."
Nag kibit-balikat lang si Cupid at ako naman, hinayaan ko lang siya.
Pansin ko kanina pa siya matamlay. Walang imik. Dahil pa rin ba yun sa
biro ni Edgar kanina?
Yung Edgar na yun talaga ang sarap tadyakan sa balls eh.
Kumuha na ako ng makakain doon sa buffet. Chicken ceasar salad,
mushroom soup, breadsticks, crab, rice, shrimp, beef, pasta.
"Sa'yo lahat 'yan?" tanong ni Edgar sa akin nung nakatabi ko siya sa
pila.
"Oo baket?"
"Kaing construction worker tayo ah!" pangaasar niya sa akin.
Nag kibit-balikat lang din ako at hindi ko siya pinansin.
Wala siyang alam! Lahat ng manghuhusga sa akin, walang alam!
Hindi nila alam kung paano magmahal ng isang tao na hindi naman pwedeng
maging kayo! Hindi nila alam ang pakiramdam ng masaktan dahil nakikita mong
nasasaktan ang mahal mo nang dahil sa'yo at wala kang magawa!
KAYA BAHALA SILA KUNG HUHUSGAHAN NILA AKO KUNG BAKIT ANG DAMI KONG
KINUHANG PAGKAIN! BAHALA SILA KUNG SASABIHAN NILA AKONG PATAY GUTOM!
Grabe sila! Patay gutom agad?! Hindi ba pwedeng may pinagdaraanan
lang?!
Bumalik na ako sa table namin at nakita kong nanlaki ang mata ng tatlo
kong kasama nang makita ang dala kong pagkain.
"What?!"
Umiling si Luke, "w-wala. Wala."
Buti hindi ka nag react! Palibhasa may girlfriend na!
Si Cupid naman ang tumayo para kumuha ng pagkain at hindi ko na siya
naisipan pang hintayin dahil nagumpisa na akong lumamon.
Kakain ako hanggang sa makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.
"Oh masigla na pala si Jillian eh."
Napa-tigil ako sa pagkain nang makita kong pumwesto sa table namin si
Sir Zyron. Kasunod niya si Ma'am Sasha....at si West.
Naupo si Ma'am Sasha sa tabi ni Sir Zyron.
Isa na lang ang natitirang upuan.
Yung upuan na nasa gitna namin ni Ma'am Sasha.
"Upo na West," sabi ni Sir Zyron habang tinuturo ang upuan sa tabi ko.
Oh god.
Napaiwas na lang ako ng tingin. Naramdaman ko namang in-occupy ni West
ang upuan sa tabi ko.
"Buti naman at mukhang masigla ka na Jillian. Dami mo nang kinakain
eh!" pagbibiro ulit ni Sir Zyron sa akin.
Ba't naman kailangan niya pang pansinin 'to?!
Ang sarap niya talagang bulyawan. Mag sama sila ni Edgar!
"Bakit po sir? Matamlay po ba si Jillian kanina?" tanong naman ni
Elise.
Isa pa 'to! Inintriga talaga! Wala siyang utang na loob! Ako ang
dahilan bakit may lablayp siya ngayon!
"Oo eh. Mukhang nag e-emo kanina sa bus!" sagot ni Sir Zyron at
nagtawanan naman sila.
"Kuya Zyron! Leave her alone! The poor girl is already blushing because
of you!" saway naman ni Ma'am Sasha sa kanya.
Walangya kang babae ka! Kaya ayoko sa'yo! Sinaway mo nga pero pinoint-
out mo naman na namumula na mukha ko sa kahihiyan!
"Jillian, ba't hindi ka nagsasalita? Tahimik ka ba talaga. Weird. Sabi
nitong si West madaldal ka raw eh," pangungulit uli ni Sir Zyron.
God, he's so annoying.
"Kuya, just eat," mariing sabi ni West.
"Sir West nakukwento mo po pala kami sa kapatid mo!" sabi naman ni
Luke.
Zyron snorted. West gave Luke an awkward smile.
Mukhang alam ko na kung ba't ganyan ang reaction nila.
Kasi ako lang ang kinukwento ni West kay Sir Zyron.
At ngayon ganito kami.
Siguro kaya ang hilig akong pinapahiya nitong si Sir Zyron kasi alam na
rin niya ang ginawa ko kay West.
Binilisan ko ang kain ko. Ngayon lang ako nagsisi na ang dami kong
kinuhang pagkain. Gusto ko na lang makaalis sa table na 'to.
Isa pa para akong kinukuryente dahil katabi ko si West. Ang hirap
huminga. Lalo na pag accidentally na nagtatama mga siko namin.
Kelan pa naging ganitong kalala ang epekto niya sa akin?
"Akin na lang 'to Jillian!" sabi ni Cupid na hindi ko napansin na nasa
tabi ko na pala.
Masaya kong ibinigay ang more than half ng pagkaing kinuha ko sa kanya
then I gave him an appreciative smile.
Hindi ko alam kung gutom lang talaga 'to o nakaramdam din siya na gusto
ko nang lumayas dito.
Nang matapos akong kumain, I excused myself.
"Ay alis ka na? Bawal! Masamang may aalis habang 'di pa tapos kumain
ang iba. Pare-pareho kami ritong hindi makakapag-asawa!" sabi ni Zyron sa akin.
Anak naman ng pamahiin na yan oh!
"Hayaan mo na siya," dinig kong sabi ni West.
At ewan, parang kumirot na naman ang puso ko.
Halata sa tono niya na gusto na niya akong umalis eh.
Tuloy-tuloy na akong lumabas ng buffet hall.
Makapunta na nga lang sa room. Matutulog na lang ako.
Iiyak na lang ako.
"Jillian!"
Napalingon ako kay Cupid at nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa
akin.
"Hmm?"
"Come with me."
"Saan?"
"Basta."
Hinawakan ni Cupid ang wrist ko at hinila niya ako palabas ng hotel na
tinutuluyan namin.
"Uy, saan tayo pupunta? Teka, kay Ayesha ba? Nakita mo na ba siya?
Pwedeng kung dadalhin mo ako ngayon kay Ayesha magpalit muna ako ng damit? Naka
shorts, t-shirt at flipflops lang ako! Pwedeng mag suot muna ng mas protective na
damit ha?"
"Hindi! Basta!"
Dinala ako ni Cupid sa may dalampasigan at naupo kami sa isang bench
doon.
"Anong gagawin natin dito?"
"Basta!"
Tinignan ni Cupid ang orasan niya.
"Manuod ka," bulong niya sa akin.
Tinignan ko naman yung dagat.
"Cupid---don't tell me lalabas si Poseidon diyan ngayon?"
"Hindi! Ay naku Jillian, pwede manahimik ka muna at tignan mo na lang
ang darating?"
Sinimangutan ko siya pero sinunod ko ang sinabi niya. Tinignan ko ang
dagat sa harapan ko.
...
...
...
...
"Uhm.. Cupid, ano bang meron?" tanong ko makalipas ang ilang minutong
pagtitig sa dagat.
Napakamot ng ulo si Cupid, "hindi ko na alam ang nangyayari."
"Ako rin. Hindi ko na gets. Ano ba dapat ang mangyayari?"
Napakibit balikat si Cupid, "hindi ko na talaga alam."
Buntong hininga ako.
"Pwede na ba akong umalis? Kasi sa totoo lang wala ako sa mood ngayon
eh."
Tumango lang si Cupid nang hindi ako tinitignan. Ako naman, iniwan ko
na siya doon at dumiretso ako sa kwarto. Agad akong pumasok sa CR ng room namin,
nagbabad sa bathtub doon hanggang sa maubos ang luha sa mata ko.
Leche.
Wala na atang katapusan ang pag iyak na 'to.
~*~
[Cupid's POV]
Ang hirap ng intindihin ng tadhana. Ang hirap ng intindihin ng mga mangyayari.
Kahit ako, naguguluhan na rin.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa book of soulmates
na hawak ko.
Malinaw na malinaw pa rin ang nakalagay rito eh.
Nakaduktong si West sa ibang babae at hindi kay Jillian.
Ba't hindi na lang kasi si West at Jillian? Bagay naman sila? Bakit iba
ang para sa kanila?
Ang naka-sulat sa book of soulmates ay hindi pwedeng mabago. Hindi
pwedeng magkapalit-palit ang mga magkakatadhana. Pwedeng mawalan ka ng nakatadhana
kung mamamatay ito bago mo pa siya makilala. Doon nagkakaroon ng mga taong single
hanggang sa pagtanda nila.
O pwede rin yung nangyari kay Ayesha. Nawalan ng ka-tadhana ang
lalaking para sa kanya dahil kinuha ni Aphrodite si Ayesha.
Pero ang magkapalit-palit ng mga nakatakda? Hinding-hindi mangyayari
yun.
Pero naguguluhan talaga ako.
Kanina, dapat dadating ang nakatadhana kay West. Ayun ang dapat
ipapakita ko kay Jillian.
Alam ko kasi na gusto na niyang i-matchmake si West. Gusto ko na rin
itong matapos para maipakilala ko na kay Jillian ang para sa kanya.
Para hindi na siya masaktan.
Pero hindi dumating yung babae. Nakakapagtaka talaga. Nandito pa rin
nakasulat ang pangalan ng babaeng yun. Nakaduktong pa rin ito sa kapalaran ni West.
Pero bakit wala siya kanina?
Bakit naiba ang naging takbo ng tadhana.
Dito sa lugar na 'to dapat magkikita si West at ang babaeng yun. Pero
hindi nangyari.
Ano na ba ang nangyayari?
Napatingin ako ulit ako sa may dalampasigan at nakita kong naglalakad
doon si West.
Napaayos ako ng upo.
Hindi kaya na-delay lang yung babae? Baka na-traffic?
Anong klaseng explanation yan Cupid!
Pero baka dumating na nga yung babae! Supposedly magkakasalubungan
sila!
Napalingon ako sa kabilang side at halos malaglag ako sa kinauupuan ko
nang makita ko kung sino ang makakasalubong ni West.
It's Jillian.
Hindi niya napapansin na nasa harap na niya si West at nakatitig ito sa
kanya.
Busy kasi siya sa pagkuha ng litrato sa dagat.
At hindi rin napansin ni West ang isa pang taong parating dahil busy
siya sa pagtitig kay Jillian.
It's Zyron.
Anong nangyayari?
To be continued...
Hi po! Kung sakali mang medyo ewan ang naging dating ng update na 'to, pasensya na
po. Pinilit ko lang po kasi na tapusin ito ngayong gabi dahil ayokong bitiwan.
Aside sa may inasikaso lang na manuscript, may naka-sagutan ako na demanding reader
sa twitter na talagang umubos ng pasensya ko at medyo nawalan ako ng gana dahil sa
tweet niya. And yes, nagsisisi ako ba't ko pa siya pinatulan. Naapektuhan lang ako.
Pero ito lilinawin ko lang po ulit sa lahat ng readers ko na nag iintay ng update
ko: MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT. Thankful ako na matyaga kayong nagaantay.
Aminado ako na mabagal ako mag update. Pero I am trying my best na mapabilis ito.
Mahirap po magsulat. Mahirap mag isip ng update. Mahirap ipilit ang feels kung ang
author mismo ay wala sa mood magsulat. Mas mahirap pag na ppressure kami. Ganado
kami pag inspired kami.
At nakakawala po ng inspiration ang mga comments na katulad nito: "ang bagal bagal
mo mag update. Hindi mo na naisip ang mga readers na nagiintay ng update mo."
Kung hindi ko po naisip ang mga readers na nag aantay ng update ko, bakit pa po ako
nag uupdate?
Gusto ko lang po i-inform kayong lahat na libre kong ginagawa ang pagsusulat dito
sa Wattpad. (Not unless sponsored ito like ng That One Summer ko. Which is ayan
lang ang natatanging story ko na sponsored.)
Lagi kong sinasabi, if ayaw mabitin, pwede naman po natin basahin na lang pag tapos
na.
Napuno ako kanina sa twitter dahil ang naging dating sa akin ng tweet ng certain
reader na yun (no need pangalanan kasi blocked na siya sa akin at mukhang wala na
talaga rin siyang planong magbasa,) ay wala akong paki kung nagiintay ang mga
readers ko ng matagal.
Pero humihingi ako ng tawad kung hindi ko maibigay ang buong time ko para sa inyo.
Chapter 40
Chapter 40
[Jillian's POV]
Ang hirap mabuhay sa mundong ibabaw! Ang hirap mag mahal at masaktan! Bakit ganun?
23 years old na ako pero NBSB pa rin ako?! Wala pa akong nagiging jowa! Yung
dalawang lalaking pinaka minahal ko pa eh kinakailangan kong ipares sa iba!
Boses ni Elise.
"Love you so much!" dinig kong sabi ni Luke and then Elise giggled.
Mga walanghiya!
Ang sarap sumigaw ng go get a room kung wala lang kami sa isang room!
Inikot kong mag-isa ang buong resort habang nagkukukuha ako ng mga
photos. Nakita ko na rin yung iba kong mga ka-opisina na nasa infinity pool at nag
su-swimming na.
Walang taong naglalakad ngayon sa tabing dagat kundi ako lang. High
tide kasi kaya walang nag suswimming. Isa pa, sobrang lakas ng alon ng tubig
ngayon.
Naalala ko dati nung nasa bahay ampunan pa ako noon, nangako tatay ko
sa akin na lalabas kami at dadalhin niya ako sa beach. Sobrang excited ko nun kasi
makakabonding ko na ang ama ko.
Nung araw na sinabi niyang susunduin niya ako, maaga akong nagising at
nagantay sa may gate ng bahay ampunan.
Matapos ang limang taon tsaka lang siya ulit nagpakita sa akin. Kinuha
niya ako sa bahay ampunan para pag-aralin ng college sa isang university sa
Maynila. Pero kahit ganun, malayo pa rin ang loob ko sa kanya.
Sa bahay ampunan, ayaw sa akin ng mga bata doon. Hindi ko alam kung
bakit. Isa lang ang naging kaibigan ko nun at naghiwalay agad kami kasi sinuwerte
siyang maampon.
"West!"
Ang sakit na ngang isipin na hindi ka pwede para sa akin eh. Tignan mo
yang itsura na yan! Ang gwapo gwapo mo!
"Hi Jillian!"
Napatango siya.
"Nag text si Sasha, nasa café raw siya. Puntahan ko lang," sabi ni
West.
Napa-simangot ako.
"I insist! West oh, sabihan mo nga 'tong si Jillian na sumama na siya!"
Sinulyapan ako ni West pero mabilis na mabilis lang. Yung para bang
hindi niya ma-atim na tignan ako.
"See? Tara na!" hinawakan naman ni Sir Zyron ang wrist ko at humabol
kami kay West.
Gusto kong umalis pero wala eh, tuloy-tuloy ang paglalakad ko na para
bang nagkaroon ng sariling isip ang mga paa ko.
Nang makarating kami sa café na nasa loob ng resort, nakita naman agad
namin si Ms. Sasha na nakaupo doon while drinking a cup of coffee and reading a
book.
"Oh you're here!" naka-ngiting bati niya nang makita niya ang
magkapatid. "Oh sumama ka rin pala, Jillian."
Wala naman talaga siyang ginagawa sa akin pero bakit asar na asar ako
sa kanya?!
Bakit ba talaga ako sumama sa kanila? Para saktan ang sarili ko, ganon?
Stupid Jillian!
Hindi naman pumalag si West at pumila na. Agad akong tumayo at lumapit
kay West sa pila.
"Sir West, y-yung bayad ko sa coffee ko," sabi ko habang inaabutan ko
siya ng pera.
"Pero kasi-"
"Bumalik ka na doon."
"Don't mind him!" sabi naman ni Ms. Sasha. "Tsaka okay lang naman
talaga kay West na i-treat ka niya. That guy is a perfect gentleman."
"Hmmmm..."
Nginitian ko lang sila. Pero awkward na ngiti dahil pakiramdam ko, out
of place talaga ako dito.
Magkatapat kami ni Ms. Sasha habang nasa left ko naman si Sir Zyron at
nasa right ko si West.
Wow.
"Jillian!"
"Let me see!"
Nagulat ako nang biglang tinabing ni West ang kamay ko na may hawak na
tissue at pinupunasan ang dibdib kong tinapunan ng kape.
Gusto kong maiyak. Gusto ko kasi na si West ang magdala sa akin pero
alam kong hindi pwede yun.
It's Ayesha.
Walang pag d-dalawang isip ay tumakbo ako palabas ng café para puntahan
si Ayesha. Nakita ko siyang naglalakad palayo.
"Ayesha!"
Hinanap ko si Ayesha.
Napadpad ako sa pinaka dulo ng resort. Yung sa private area kung saan
naka-check in ang mga VIPs. May malaking private pool din dito.
Walang tao.
"Jillian."
Ang lalim. Hindi ako makalangoy. Ayaw gumalaw ng hita at kamay ko.
Nalulunod ako.
Am I going to die?!
Napapikit ako.
Unti-unti.
Nanghihina na ako.....
Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay, may naramdaman akong dalawang
kamay na humawak sa braso ko at hinila ako pataas.
To be continued...
Chapter 41
Chapter 41
[Jillian's POV]
***
Author's Note:
Chapter 42
Chapter 42
[Jillian's POV]
Huminga ako ng malalim habang nandito ako sa tapat ng hotel room nina West at
Zyron. Kanina pa ako nakatayo rito. Pinanlalambutan ako ng tuhod. Ilang beses na
rin akong napahawak sa labi ko at parang paulit ulit na nag re-replay ang sinabi sa
akin ni Luke.
Chapter 43
Chapter 43
[Jillian's POV]
Friends... friends... friends...
I should be happy right? Hindi man nag work out ang sa'min ni West
dahil sa lecheng tadhana na 'yan, at least pwede pang maging maayos ang relasyon
namin sa pamamamagitan ng pagiging magkaibigan.
Pero shit na 'yan, ang sakit. Hindi ko matanggap.
Iniisip ko, sana maka move on na si West para hindi na siya nahihirapan
sa akin. Para hindi na siya nasasaktan.
Pero ngayon na sinasabi na niya sa akin na handa na siyang mag let go,
parang ayoko. Hindi ko tanggap. Hindi ko kaya.
Ang selfish kong tao.
Ako itong hindi maka-move on.
"Hindi ko na pwedeng isisi sa'yo kung bakit 'di mo ako magawang
magustuhan," sabi ni West at nilingon niya ako atsaka ako nginitian. "Tanggap ko na
na hanggang magkaibigan na lang tayo, Jillian. Tanggap ko na."
Huminga ako ng malalim at pilit kong nginitian si West.
"O-kay. T-thank you West! I-I'm really h-happy!"
Liar! Liar!
Nilahad ko ang kamay ko, "friends?"
He took it at nakipagkamay siya sa akin.
"Friends!" ngiting-ngiti niyang sabi at bumitiw na siya sa kamay ko.
Sana may kakayahan akong pahintuin ang oras para ititigil ko ito doon
sa part na hawak niya ang kamay ko at nakangiti siya sa akin.
Kakalimutan ko na lang ang salitang friends.
"West!"
Pareho kaming napalingon sa tumawag sa kanya at nakita kong papalapit
si Sasha.
Isang plain black na spaghetti strap dress lang ang suot niya pero ba't
sobrang ganda niya?
"Oh Sasha."
"I'm looking for you. I want to buy something in the souvenir shop."
"Alright! I'll accompany you," naka-ngiting sabi ni West dito.
Nanikip ang dibdib ko.
Gusto kong sabihin na wag siyang sumama kay Sasha. Wag niya akong iwan
dito. Gusto ko pa siyang makausap. Scratch that. Kahit hindi siya magsalita. Kahit
tahimik lang kami. Basta dito lang siya sa tabi ko, masaya na ako.
Please West. Please.
I'm really selfish, huh?
"Una na kami, Jillian," sabi ni West.
Nginitian ko lang sila.
"Bye Jillian!" masigla namang sabi ni Sasha.
Sige lang! Maging masaya ka! Swerte mong bruha ka eh! Kasama mo ngayon
ang buong buhay ko leche!
Pagka talaga ikaw hindi nakatadhana kay West, hahalakhak ako. Pareho
tayong masasaktan.
Napakamot ako ng ulo.
Bwiset.
Ang bitter ko.
Napa-buntong hininga ako at tumayo na rin ako.
Wala naman akong mararating kung mag s-senti lang ako dito. Mas okay pa
kung maglasing na lang ako.
Pumunta ako doon sa bar na nasa loob nitong resort. Wala masyadong tao
bukod doon sa magbabarkada na nasa gilid at nag tatawanan.
Naupo ako sa may barstool at um-order ng cocktail drink na unang
nahagip ng mata ko.
Hindi ako pala-inom talaga. Pero gusto kong maglasing ngayon.
Wala na akong paki kung sumugod ulit ako sa kwarto ni West pag nalasing
ako.
Bahala na si Batman.
"Hi miss. Mag-isa ka lang?" dinig kong sabi ng isang lalaki.
Jusko. Cliché.
Jusko. Sa dinami-rami ng manuscript na pinroofread ko, ilang beses ko
nang nabasa ang ganitong sitwasyon.
May lalapit na guy, tatanungin kung mag isa lang si girl. Medyo
mababastos si girl. Tas may susulpot na knight in shining armor sa tabi niya.
So sa akin ba meron?
Sana naman kung may sumulpot eh yung nakatadhana na sa akin ano?
"Obviously wala. Nakita mo ba na meron akong katabi? Wala 'di ba?!"
irita kong sabi nang 'di ko siya nililingon.
Bwiset. Mainit ulo ko ah!
I heard him chuckled, "taray mo naman, Ms. Jillian."
Napalingon ako bigla at halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang makita
ko si Zyron.
"S-sir! I-ikaw pala yan! Oh my gosh! I'm sorry!"
Napa-ngisi ng malawak si Sir Zyron, "nakakatuwa ka. Kaya mong ihandle
ang sarili mo sa ganung sitwasyon."
Napa-yuko na lang ako habang nahihiya hiya.
Anak nang! Naman Jillian eh! Lingon-lingon kasi muna bago mag taray!
Naupo si Zyron sa bar stool na katabi ko.
"So, why are you here? At ba't mag-isa ka lang na umiinom dito?"
Napailing ako, "ah wala po. Wala lang."
"Hmm. Mind if I join you?"
"O-okay lang po."
"Wag mo na ako i-po pag tayong dalawa lang," he winked at me tapos
tinawag na niya ang bartender para sa order niya.
"Banana chocolate milkshake please," sabi ni Zyron.
Napalingon ako, "milkshake?!"
"Why? Anong masama sa milkshake?" natatawa-tawa niyang sabi.
Napailing naman ako, "wala lang po. Nakakagulat lang."
"Hindi na ako umiinom. Madali kasi akong malasing," sabi ni Zyron. "At
ayoko naman malasing sa harap ng isang magandang babae."
"E-eh? Maganda?"
Nginitian ako ni Zyron, "oo. Maganda. So Jillian, matanong ko lang,
pagbalik natin sa Manila...can I ask you to go out with me?"
This time, tuluyan na akong nahulog sa kinauupuan ko.
To be continued....
Author's Note:
Guys sorry super short update lang! Mag uupdate po ulit ako sa FRIDAY don't worry.
Pasensya na talaga. Salamat po sa pagbabasa <3
Chapter 44
Chapter 44
[Jillian's POV]
"Hey! Are you okay?" tanong sa akin ni Zyron habang inaalalayan niya akong tumayo
dahil nahulog ako sa kinauupuan ko.
Napatingin ako sa kanya.
"Sir... a-ano po uli ang sinabi niyo kanina?"
Nginitian niya ako.
Shet. Pareho sila ng smile ni West! Ba't ngayon ko lang nahalata?
"I said, I am asking you to go out with me pag nakabalik na tayo sa
Manila."
Napapikit ako.
Okay, kalma Jillian. Kalma. Wag ka muna mag aassume. Yung mga babaeng
assumera, binabaril sa Rizal park.
Malay mo na misinterpret mo lang ang sinabi niya?
Malay mo iba talaga ang nasa isip mo? Madumi ka pa naman mag isip!
Lahat sa'yo may malisya!
Wag muna mag assume.
"Bakit niyo po ako niyayaya?" tanong ko sa kanya.
"Type kita eh."
Shit na malagkit!
"So.... payag ka?"
Napatingin ako sa mata ni Zyron. Hindi ko alam kung sincere siya o
hindi. Jino-joke ba ako nito?
"Sir, nagbibiro po ba kayo?"
"No. I'm serious."
"Weh?"
"I am. What should I do para patunayan kong type kita?"
Napabuntong hininga ako.
This guy is full of confidence. He did not blink nung tinanong niya
ako. Diretso pa siyang nakatingin sa akin.
Dahil ba iniisip niya na madali akong mapapayag?
Napailing ako.
"I'm sorry sir. I can't."
Nawala ang ngiti sa labi ni Zyron.
Hmm. Hindi niya expected ang reaction ko?
"Why?" tanong niya.
"I just can't."
"Dahil sa work mo? Pwede namang weekends eh. Or I'll grant you a
leave."
"Sir...paano niyo po ako naging type?"
"Huh? What kind of question is that?"
"Wala. Curious lang po ako. Hindi mo naman po talaga ako kilalang
kilala. Ilang araw pa lang tayo nagkakasama. Tapos niyayaya niyo na po akong
lumabas kasama kayo? Bakit ang bilis?"
"Jillian--!"
"I'm sorry. Pero ayoko po nang ganun eh. Excuse me po."
Dali-dali akong lumabas sa bar.
Buti na lang at naisipan ko na bayaran agad ang ininom ko kaya libreng-
libre akong makapag walk out nang walang sagabal.
Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Sir Zyron pero hindi ko siya
nilingon.
I know because of what I've said, may tendency na mawalan ako ng
trabaho. Hindi ko lang basta boss ang sinabihan ko ng ganun kundi anak siya ng may
ari ng publishing house na pinagtatrabahuhan ko.
Pero ewan! Nainis ako!
Bakit ang dali para sa kanya yun?
Dahil "type" niya ang isang tao, ang bilis niyang pumorma? Na akala
niya lahat ng babae na ngitian niya nang ganun eh mabibingwit niya?
Samantalang si West... kami ni West... bullshit. Iisa lang ang gusto
kong pumorma sa akin at hindi pa pwede yung taong yun.
Nakakayamot.
Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.
Ano ba! Ilang araw na akong iyak nang iyak dito ha!
Hindi naman ako iyakin eh.
Nung hindi nga ako sinipot ng daddy ko nung birthday ko hindi ako
umiyak eh.
Nung professor ko ang nagsabit ng medal sa akin nung graduation ko nung
college, hindi rin ako umiyak.
Nung after ng graduation, diretso ako sa bahay at malamig na sardinas
ang tangi kong handa---wala pa akong kasama kumain---di rin ako naiyak.
Pero si West. Dahil kay West. Naging iyakin ako.
Hindi ko na narinig ang boses ni Zyron. Napalingon ako sa likod ko at
hindi rin siya nakasunod sa akin.
Malamang. Hindi sanay humabol ng babae ang isang yun.
Medyo nabawasan ata ang respeto ko sa taong yun.
Naupo ako doon sa loob ng isang kubo na medyo malapit sa dagat.
Wala nang masyadong tao sa paligid. Madilim. Malakas pa ang alon.
Kung may rapist man dito, patay ako panigurado.
Pero gusto ko mag stay pa kahit saglit.
Pahuhupain ko lang ang luha. Ayaw tumigil eh.
Nakakainis.
Ba't ganon. Bakit?
"Jillian?"
Dinig kong tawag sa akin
Shit. Shit.
Not you.
Bakit ikaw pa?!
"Hey, Jillian. Are you okay?"
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si West na nakatingin sa akin
habang bakas ang pagaalala sa mukha. Agad akong napayuko.
Bakit?
Tadhana naman eh. Leche ka naman eh.
"S-Sir West, what are you doing here?" tanong ko nang hindi ko pa rin
siya tinitignan.
Thank god madilim. Sana hindi niya nakita ang luha sa pisngi ko.
"I saw you na papunta rito. Nagtaka ako eh. Madilim ang part na 'to.
Are you okay?"
Napatango lang ako, "opo. Nagpapahangin lang."
Naramdaman kong naupo si West sa tabi ko.
"Why are you crying?"
Oh dear.
"Hindi. Napuwing dahil sa buhangin."
"May puwing pa? Nagluluha mata mo eh."
Bakit ba ang talas ng paningin nito ha?!
"Hindi na po."
Biglang humangin ng malakas. And this time, may pumasok na talaga na
buhangin sa mata ko.
"Aw!"
ANONG KALOKOHAN 'TO TADHANA?! NAKAKABADTRIP KA NA HA!
"Let me..."
Naramdaman ko ang tip ng daliri ni West sa pisngi ko at ang hangin na
ibinubuga niya sa mata ko.
Halos hindi ako makahinga.
Ang lapit niya.
Yung labi niya.
Yung hininga niya ramdam ko.
Naalala ko yung sa Baguio. Yung hinalikan niya ako. Yung pakiramdam na
parang umiikot ang buong mundo ko. Literal na nahilo ako sa sagil na halik na yun.
Gusto ko ulit maranasan.
"Jillian," dinig kong sabi niya.
Halos pabulong. Parang naglalaro ang pangalan ko sa mga labi niya.
Hindi na hinihipan ni West ang mata ko pero hindi pa rin niya inilalayo
ang mukha niya sa akin.
Mula sa mata ko ay bumaba ang tingin niya sa labi ko.
Napalunok ako.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Medyo lumapit siya.
Para akong nakukuryente. Bakit ganun? He is not touching me but his
presence is electrifying.
Ang hirap huminga.
Mas lumapit pa siya. Paunti nang paunti ang gap ng mga mukha namin.
Alam kong mali 'to. Alam kong hindi ito tama.
Pero hindi ko gumawang lumayo.
I badly want him to kiss me. Please.
Please.
Naiiyak ulit ako.
West gently touched my cheek. His touch is as light as a feather.
Pero grabe na ang epekto nito sa buong katawan ko.
Unti-unting nilapit ni West ang labi niya sa labi ko.
Napapikit ako. Hinihintay na dumapi ang labi niya sa akin.
Pero hindi dumating.
Naramdaman ko na inalis na ni West ang pagkakahawak niya sa pisngi ko
at humiwalay siya sa akin.
Napadilat ako.
At kita ko ang mga mata niya na titig na titig sa akin.
"You don't have to feel sorry for me anymore, Jill," sabi niya then he
patted my head. "Bumalik na tayo sa hotel. Delikado rito."
Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kanya.
Ang sikip sa dibdib.
No. Akala niya siguro kaya ko siya hinayaan dahil natatakot akong
masaktan ang feelings niya pag pinigilan ko siya.
Pero hindi niya alam, gusto ko yun. Gusto kong halikan niya ako.
I want him and I love him so much it hurts.
~*~
[Cupid's POV]
To be continued...
Chapter 45
Chapter 45
[Jillian's POV]
~*~
(Cassandra)
Chapter 46
Chapter 46
[Jillian's POV]
"Sir Zyron please, bumalik na tayo sa office. Ma-l-late po ako. Marami pa po akong
trabaho."
"Akong bahala sa'yo," kinindatan niya ako at ibinalik niya ang tingin
niya sa kalsada.
Napasimangot ako.
Mali talaga na pumayag akong sumama sa kanya. Maling maling mali. Sabi
niya kasi diyan lang sa coffee shop sa kabilang street kami pupunta. Sasamahan ko
lang siyang mag kape. Pero ilang street na ang nilagpasan namin. Ang layo na namin
sa office.
"Sir may trabaho pa po ako," seryoso kong sabi.
"Wala ka nang magagawa Jillian. Pumayag ka na eh," nilingon niya ako
and then he gave me a mischievious smile.
"Okay just tell me saan po ba tayo papunta?"
"Sa condo ko."
Nanlaki mata ko, "huh?! Why?!"
Bigla-bigla naman siyang tumawa ng malakas, "I'm just joking! May alam
akong restaurant sa 'di kalayuan. Masarap ang breakfast nila doon."
Mas lalo akong napasimangot, "nag breakfast na po ako."
"Hindi ka naman siguro on diet."
Napabuntong hininga ako, "Sir Zyron, marami pa po akong trabaho.
Please?"
"Malapit na deadline?"
"Opo."
"Imomove ko."
"You cannot do that. Maapektuhan ang release date ng mga libro."
"So what? I'm the boss."
I look at him in disbelief.
Magkamukha sila ni West. Ang daming similarities ng itsura at kilos
nila.
Pero magkaibang magkaiba sila.
Si West, never niyang ginamit ang posisyon niya para sa akin. At hindi
masama ang loob ko doon kasi mas nakakainis yung ganitong trato. Wala siyang
pagpapahalaga sa trabaho niya.
Kahit naman noong okay kami ni West, never niyang ini-move ang
deadlines ko para sa pangsariling dahilan. Hindi niya rin nakakalimutan na
paalalahanan ako na may dapat akong tapusin at ipasa.
Walang special treatment.
Okay yes, meron. Pero special in a way na walang masasagasaan.
Napailing ako.
Bakit ba hindi ko maiwasan na i-compare si West kay Zyron?
O baka sa lahat ng lalaking darating sa buhay ko ikukumpara ko si West.
At nararamdaman kong palaging si West ang mas lamang.
Tumingin na lang ako sa bintana at pilit kong nilalabanan ang inis na
nararamdaman ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko na boss ko si Zyron at dapat
mag dahan-dahan pa rin ako sa pakikipagusap sa kanya.
"Hmm, napatahimik ka. Are you mad at me kasi marami ka pang trabaho?"
Hindi ako umimik.
"Kung mag resign ka na lang kaya? Ako na bahala sa'yo."
Napalingon ulit ako sa kanya.
"Excuse me?"
"Ako na bahala sa'yo. Basta maging tayo."
Oh god. Oh dear dear god.
"Ganyan ka ba pumorma sa isang babae? Dinadaan mo sa pera?"
He shrugged, "it usually works."
"Sa akin hindi."
"Ano pa ba kailangan mo?"
Napapikit ako.
"Paki hinto yung kotse."
"Inuutusan mo 'ko? I'm your boss."
"Yes boss kita pero wala kang karapatan na insultuhin ako. I don't like
you, Zyron!"
He grinned at me.
"May galit ka ba sa lahi namin? Gwapo naman kami ah? Pero pareho mo na
kaming binasted ngayon ni West."
"A-alam mo yung about doon?!"
"Of course I do. Kapatid ko si West eh."
Napapikit ako, "alam mong gusto niya ako and yet...ginagawa mo 'to?
Balak mo bang gumanti sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya."
Umiling siya, "pinopormahan kita ngayon dahil gusto talaga kita."
"Pero alam mo ang nararamdaman ni West para sa akin!"
"So? Ano naman? Porket ba nagustuhan ka niya at binasted mo siya eh
hindi na kita pwedeng magustuhan at pormahan?"
Wala na bang ikaka selfish ang taong 'to?!
Ipinarada ni Zyron ang kotse sa tapat ng isang restaurant. Bumaba ako
agad. Instead na dumiretso ako sa loob ay nagtuloy-tuloy ako doon sa hilera ng mga
taxi.
"Wait Jillian! W-walk out-an mo na naman ako? Sumama ka na sa akin
kumain."
"Kailangan ko na pong magtrabaho, sir."
He smiled at me, "alright, I'll let you go today. But I promise you,
Jillian, you will fall for me."
~*~
To be continued....
Author's Note:
Hello guys! Nagugulat ako bakit marami pa ring nagugulat kada nilalagay ko sa
update na half goddess si Jillian. I understand na medyo matagal ang update and you
tend to forget the details pero ang ikinakaloka ko ay ilang beses nang nababanggit
sa story na may lahing goddess si Jillian pero hindi pa rin matandaan ng mga
readers. Wahahahaha. Anyare?
At sa mga naguguluhan po, nasa Chapter 33 ang super brief explanation pero sige
uulitin ko po uli.
(fiction lang 'to. Not included sa Greek myth pero kasama sa story ko)
Nagka anak si Aprhodite sa isang mortal and that's Janeia.
Janeia is half goddess. Anak ni Janeia si Jillian and that makes Jillian a demigod
as well.
Paano naging tito ni Jillian si Cupid?
I don't want to go into details muna kasi baka may ma-i-spoil. Pero ito po ay
reminder lang ulit na may lahing goddess si Jillian. Madalas kasi makalimutan ng
iba eh. Buti pa si Edgar naalala pero yung isang malaking bahagi ng plot, hindi.
Wahahaha. Iba talaga kamandag ni Edgar hayayay.
- Aly A.
Chapter 47
Chapter 47
[Jillian's POV]
"Bakit nasa 'yo 'to Jillian?" tanong sa akin ni Sasha habang bakas sa mukha niya
ang gulat at pagka hurt.
WHAT THE HELL.
"Gift ko 'yan kay Sasha ah? God, Sasha may magnanakaw kang empleyado!"
sabi naman nung Darlene.
Napatingin ako sa paligid. Lahat ng mga ka-opisina ko nakatingin sa
akin na parang hindi sila makapaniwala. Lahat gulat na gulat.
What the hell.
"Akin 'to. Regalo sa akin 'to!" sabi ko sa kanila.
"You're a liar!" sigaw nung Darlene. "Anong gift? Eh kabibigay ko pa
lang niyan kay Sasha yesterday!"
"Baka naman po magkapareho lang. Gift po sa akin 'to."
"Wag mo akong pinaglololoko!" inangat ni Darlene ang kamay ko at
hinawakan niya ang bracelet. "Ayan oh may naka-engrave na "S" sa bracelet. Pina-
engraved ko pa yan for Sasha. Or idadahilan mo na sa S din nagsisimula name mo
JILLIAN?"
Napapikit ako.
God, I'm so stupid. Malamang na set up ako. Ba't ko ba sinuot ang mga
alahas na 'to?!
"It's okay, Darlene. It's okay," kalmadong sabi naman ni Sasha.
"Jillian? Don't worry I'm not mad. Basta ibalik mo lang sa akin yung jewelries.
Importante kasi para sa akin 'yan eh."
I look at her in disbelief.
Ba't ang galing galing nitong um-arte ha?!
"Why are you doing this to me?" tanong ko sa kanya.
"J-Jillian?"
"Alam kong galit ka sa akin. Narinig ko ang usapan niyong dalawa sa
banyo. Ano? Gusto niyo akong mapatalsik dito sa kompanyang 'to dahil ang dumi ng
iniisip niyo sa akin? Ganon ba? Sana sinesante niyo na lang ako kesa yung ganito!"
"J-Jillian, what are you talking about? Wala kaming iniisip na ganun.
Ikaw ang favorite employee ko. Hindi ako makapaniwala na masasabi mo 'to," sabi
niya na parang iiyak na siya.
Santa-santita! Nakakakinis!
"Wag ka ngang plastic!"
"Hoy boss mo yan!" sabi nung Darlene. "Seriously Sasha, patalsikin mo
na nga 'to sa trabaho! Magnanakaw na bastos pa!"
"What the hell is happening?!"
Pare-pareho kaming napalingon.
Napapikit ako.
Shet naman.
"W-West si Jillian kasi," lumapit si Sasha kay West at hinawakan ang
braso nito. "She stole my jewelries at pinaparatangan pa niya ako ng kung anu-ano.
After I treated her right! Alam mo yan! Nakita mo kung gaano kaayos ang pagtrato ko
sa kanya!"
BWISET!
Kung may ninakaw man ako, yun ay ang pana lang ni Cupid! Wala nang iba!
Tinignan ko si West. He's looking at me seriously.
Nagbabadya ang luha sa mata ko pero pilit ko talagang pinigilan. Hindi
ito ang oras para umiyak.
Wala akong ginawang mali kaya hindi ako dapat umiyak.
Nilapitan ako ni West at hinawakan niya ang wrist ko. Tinignan niya ang
bracelet na suot ko.
"West, 'di ba familiar ka dyan sa bracelet na 'yan? Even her earrings!
Nakita mo nang ibigay ko 'yan kay Sasha!" sabi ni Darlene.
"Is it true Jillian? Kinuha mo ba?" tanong niya habang seryosong
seryoso ang tingin niya sa akin.
Ba't ganito? Bakit? Naniniwala ba siya kay Sasha?
Napalunok ako.
Wag kang iiyak. Please. Wag kang iiyak. Hindi pwede.
Sinalubong ko ang tingin sa akin ni West. Diretso sa mata.
"Hindi ako magnanakaw, Sir West."
Napatango si West.
"Let's check the CCTV," sabi niya.
Napapikit ako.
Alam kong hindi nila ako makikita sa CCTV. Alam kong malilinis ang
pangalan ko sa paratang nila pag tinignan nila yun.
Pero ba't masakit?
Bakit kailangan pang tignan yun bago niya ako paniwalaan?
"Hindi kasi magagawa ni Jillian ang magnakaw."
Biglang napaangat ang tingin ko kay West.
"Kaya let's check the CCTV. I'm sure makakampante na kayo na hindi
kinuha ni Jillian yung alahas pagka nakita niyo na ang CCTV," sabi ni West kay
Darlene at Sasha.
Kita ko ang gulat sa mukha nila. At kahit ako rin, hindi ko maitago ang
gulat sa mukha ko.
"B-but West! Akin talaga yun!" sabi ni Sasha na hanggang ngayon ay
hindi pa rin makapaniwala na ako ang kinampihan ni West.
HA! Ano ka ngayon bruha ka!
"No need to check the CCTV."
Napatingin kami sa nagsalita.
It's Zyron.
"Ako ang nagbigay kay Jillian niyan."
"W-what?!"
Napuno ng bulungan ang opisina namin. Napatulala na lang ako sa sinabi
ni Zyron.
Siya ang nagbigay? Teka... paanong? Yung mga nakaraan ba na bulaklak at
teddy bear ay siya rin?
"Bakit S ang naka engraved?!" tanong ni Darlene
Napangisi ng malawak si Zyron at nilapitan niya ako. Nagulat ako ng
hinila niya ako palayo kay West at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"S for sweetheart kasi nililigawan ko si Jillian."
WHAT.
THE.
HELL.
"So if you'll excuse us, may gusto lang akong sabihins a future
girlfriend ko."
Bigla akong hinila palabas ni Zyron.
"S-saglit lang--!!"
"Come on, Jillian. Sumunod ka na lang. I saved you," bulong niya sa
akin.
Napalingon ako sa likod ko. Kay West.
Nakatingin siya sa akin.
At kitang kita ko kung paano siya nasaktan.
~*~
"Bakit sinabi mo yun sa harap ng maraming tao ha? Ano ka ba! Boss kita eh! Bakit
kailangan mong ipaalam ha?!" inis na inis kong sabi kay Zyron habang nakaupo kami
sa hagdanan ng fire exit kung saan walang makakarinig sa amin.
"Woah woah woah. Don't be mad! Totoo naman yung sinabi ko eh. And
besides, I did save you a while ago. Kailangan magpa thank you ka sa akin!"
Kinunutan ko siya ng noo, "ikaw ba ang nagpadala nito?"
"Nope. At oo nga pala, akin na yan. Ibabalik ko na yan kay Sasha. Sa
kanya talaga ang mga yan. Ako na bahala kumausap sa kanya about this. At ikaw
naman, you don't have to steal. If you want a jewelry, pwede kitang bilhan."
Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Zyron.
Hindi ko alam kung ano ang mas masakit? Yung na-set up ako ni Sasha
pero alam niyang hindi ko talaga ito kinuha. O itong ginawa ni Zyron. Na iniligtas
nga niya ako, but still, iniisip niya na ninakaw ko ito?
Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggal ko ang mga alahas sa tenga
ang wrist ko. Kinuha ko yung necklace na ka-pares pa nito at iniabot ko lahat kay
Zyron.
"Don't worry Jillian. I'll protect you, okay? Ako na rin ang bahala kay
Sasha. And later, let's go to the mall. I'll buy you something."
Nginitian ko siya, "alahas?"
"Yep! Kahit anong gusto mo!"
Napatango ako, "wow. It's really weird."
"Hmm? Weird? Ang alin?"
"Ikaw."
He grinned, "at bakit mo naman nasabi yun?"
"Wala. Iniisip ko kung paano mo ako nagustuhan samantalang hindi mo
naman ako kilala."
Tumayo ako.
"Hindi ako pwede mamaya, sir. At oo nga pala, hindi ako mahilig sa
alahas. Kaya no thanks. Save your money."
Iniwan ko siya doon at dire-diretso ako sa elevator. Uuwi na lang ako.
Bahala na kung ma-AOWL ako. Bahala na kung bukas wala na akong trabaho.
Bahala na.
Hindi ko na kasi mapigilan ang luha sa mata ko eh.
Gusto ko nang umuwi at mapagisa.
Nagbukas ang elevator. Nakita ko si West.
Ang joker mo talaga tadhana.
Pumasok si West sa loob ng elevator at ako naman, napayuko na lang.
Ayokong makita niya ang expression sa mukha ko.
"Are you okay?" dinig kong sabi niya.
I just nod.
Gusto ko na talaga maiyak.
"Hindi kasi magagawa ni Jillian ang magnakaw."
Alam niyang bracelet ni Sasha yun but still, pinaniwalaan niya ako.
Kilala niya kasi ako. Alam niya na hindi ako ganung klaseng tao.
At ano ang isinukli ko sa kanya?
Nasaktan siya dahil kay Zyron. Hindi ko ma-imagine ang iniisip niya sa
akin ngayon.
"I'm glad na dumating si kuya. At least na clear agad na hindi mo
ninakaw yun."
I bit my lip.
Hindi pa ako pwedeng umiyak.
"Jillian."
Please wag mo na akong kausapin. Alam kong pag nagsalita ako, mababasag
boses ko. Tuloy tuloy nang aagos ang luha sa mata ko. Please West.
Please.
Bumukas ang elevator. Nasa lobby na kami. Dali-dali akong lumabas
without saying a word to him.
Nanginginig ang tuhod ko. Sana meron na lang akong kapangyarihan tulad
ng kay Cupid. Para pwede na akong makaalis sa lugar na 'to agad agad.
May biglang humatak sa braso ko kaya napalingon ako.
Seryosong-seryoso na nakatingin sa akin si West.
"Where are you going?" tanong niya sa akin.
"Home," tanging sagot ko.
Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.
"It's okay to cry, Jillian."
At before I know it, naguunahan na sa pagbagsak ang mga luha sa mata
ko.
~*~
[Psyche]
"Cupid..."
Napatingin si Psyche sa paligid niya. Madilim. Halos wala siyang
makita. Nanghihina ang buong katawan niya.
Ilang araw na ba siyang nakakulong sa kwebang ito? Ilang araw na ba
niyang hindi nakikita ang sinag ng araw?
Hinang hina siya. Halos hindi na makagalaw. Masakit pa rin ang mga
sugat sa braso at hita niya na dulot ng mahika ni Ayesha nung minsang nagtangka
siyang tumakas.
"Cupid..." paulit-ulit niyang sabi.
Tandang-tanda na niya ang lahat. Nung panahong binura ni Ayesha ang
alaala niya. Yung panahong sinaktan niya si Cupid dahil sa utos ni Ayesha.
Pero hindi malalabanan ni Ayesha ang pagmamahal na nararamdaman ni
Psyche para sa kanyang asawa. Kahit kailan, hinding hindi mabubura ng kahit anong
mahika ang pagmamahal na iyon.
At alam niya, darating ang asawa niya para iligtas siya. Alam niyang
gagawa ng paraan si Cupid para matupad ang naaayon sa plano nila.
Magagawa ni Cupid iyon. May tiwala si Psyche.
"Hanggang ngayon ay hinihintay mo pa rin ang iyong pinakamamahal na
asawa?"
Napa-angat ang tingin ni Psyche kay Ayesha na papalapit sa kanya
.
"Darating siya. Magagawa niya ang tungkulin niya at ililigtas niya
ako."
Tumawa si Ayesha.
"Napakalaki talaga ng tiwala mo sa kanya ano? At talagang kahit anong
mangyari, itutuloy niyo ang plano niyo para kay Jillian? Hindi ba kayo
nanghihinayang sa kanya?"
Tinignan ng masama ni Psyche si Ayesha, "ayun ang nararapat. Ayun ang
tama."
"At wala kayong balak ipaalam sa kanya?"
Iniwas ni Psyche ang tingin niya kay Ayesha.
Hindi pwedeng malaman ni Jillian. Mas mabuti nang wala siyang alam para
walang gulo.
Hindi pwede.
To be continued...
Readers, mawawala ako ng isang linggo kaya baka one week ding walang update. Mag
babakasyon lang si Ms. Author. Hahanap ng inspirasyon sa tabing-dagat. Hahaha.
Chapter 48
Chapter 48
[Jillian's POV]
"The amazing-mud pie sundae!" ngiting-ngiti na sabi sa akin ni West. "Kain na!" at
inabot niya sa akin yung dessert fork na hawak niya.
Napangiti na rin ako.
"T-thanks sir..."
Pinanliitan ako ng mata ni West, "kelan mo pa ako tinawag na sir pag
tayong dalawa lang?"
Napangiti na lang ako sa tanong niya. Sa totoo lang, nakakailang na rin
siyang i-address sa first name niya ng walang "sir"
Ramdam na ramdam ko na ang gap naming dalawa.
Kanina lang nung nagsusumbong si Sasha sa kanya na ninakaw ko yung mga
alahas, grabe ang kaba ko. Parang naninikip ang dibdib ko. Nung tinanong niya ako
kung totoo ba yun, parang nadudurog ang puso ko.
Akala ko kasi maniniwala siya kay Sasha.
Napatingin ako doon sa mudpie sundae. Mukhang masarap pero hindi ko
makuhang mag cheer up.
Naiinis ako sa sarili ko na umiyak ako sa harapan ni West. Nakakainis
kasi ayoko nang makita niya akong umiiyak. Ayoko nang i-comfort niya ako.
Mas lalo kasing lumalalim ang feelings ko para sa kanya kada gagawan
niya ako ng mabuti. Minsan iniisip ko sana pala nag stay na lang siyang galit sa
akin kesa yung ganito.
Mas lalo atang mahirap mag move on.
"Alam mo, mas okay kainin yung mudpie sundae kesa titigan. Eat. You'll
feel better."
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nginitian siya.
"Paano mo naman nalaman na I'll feel better after kong kumain ng
mudpie?"
He shrugged, "it works for me. Remember nung dinala mo ako dati dito
nung depress ako dahil sa father ko?"
Napatango ako, "hindi ko akalain na kahit papaano na cheer up ka ng
mudpie sundae nun. At least I did something right."
"Ikaw kasi ang nag-dala sa akin noon dito kaya sumaya ako."
Bigla akong natigilan. Napaiwas ng tingin si West sa akin.
Please West wag nang ganito. Please please please.
He chuckled, "wag ka nang ma-awkwardan. Past na yun. Wala na yun sa
akin."
Nginitian ko lang siya.
Wala na akong maisagot kundi ngiti.
Puro ngiti. Pekeng ngiti.
Past na yun.
Nakaka gago naman ang sakit na 'to oh!
Tumusok ako sa mudpie sundae at dali-dali kong sinubo. Halos mangilo
naman ako dahil ang lamig nito at kinagat ko.
"Dahan dahan, hindi kita uubusan," natatawa-tawang sabi ni West.
"Sorry sorry excited lang!"
"May chocolate ka na sa may gilid ng labi mo," inabutan niya ako ng
tissue.
Agad ko naman kinuha at pinunasan yung labi ko.
Ayan! Yung mga simpleng gestures na ganyan ang nakakainis eh! Yung
tipong hihilingin mo na sana siya magpunas ng chocolate sa labi ko.
Walangya!
Naghahangad pa rin ako ng moment sa kabila ng mga nangyari!
Napahinga ako ng malalim at tinignan ko si West.
"Salamat pala ah?"
"Hmm? Sa alin?"
"Sa paniniwala mo sa akin."
"Kahit sino namang nakakakilala sa'yo alam na 'di mo gagawin ang bagay
na yun. Don't worry Jillian, I'll talk to Sasha. Sasabihin ko sa kanya na mag sorry
siya sa'yo."
Napatingin ako kay West at hindi ko maiwasang mapangiti.
Naalala ko kanina yung sinabi sa akin ni Zyron. Kakausapin niya si
Sasha na palagpasin ang pagnanakaw ko. Isang bagay na hindi ko naman talaga ginawa.
Kung sabagay hindi ko rin naman siya masisisi. Hindi naman talaga niya
ako kilala eh. Mas kilala niya si Sasha. Malamang maniniwala siya na ninakaw ko
yun. Hindi ko lang talaga maintindihan kung paano niya nasasabing gusto niya ako
samantalang mukhang hindi naman niya ako kilala.
Ano nabighani sa kagandahan ko?
Naghahanap ng fling?
Trip niya lang?
Napagutusan ni Sasha?
Malamang hindi si Ayesha ang dahilan kasi magmamaktol ng bongga 'yon
kasi kaya nga kami nagkagulo ay dahil talaga kay Zyron na ka look-a-like ng ka-
destiny niyang naudlot.
"West... tingin ko parang mag reresign na ako."
"Ganun ba?"
Tumango ako. Hindi umimik si West kundi tumingin lang siya sa labas ng
bintana. Blangko ang expression niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip
niya.
Bigla na lang siyang bumuntong hininga at tinignan ako sabay ngiti.
"Hindi pwede."
"H-ha? Pero West--!"
"May offer ka na ba sa ibang kompanya?"
"Wala."
"New work?"
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko malaman kung magsisinungaling ako o
hindi.
"I bet wala rin. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin. Mag re-resign
ka it's either dahil naiilang ka sa akin o dahil kay Sasha."
Bakit ang galing magbasa ng isip ng isang 'to?!
"O dahil nililigawan ka na ng kapatid ko."
Napaangat ako ng tingin.
"I-it's not about that---"
"May plano ka bang sagutin siya?"
"West, hindi ko gusto si Zyron."
At kung sakali mang sasagutin ko siya, edi napatay naman ako ni Ayesha?
Napatango siya, "I know my brother Jillian. At...at nakikita ko na
seryoso siya sa'yo."
"West..."
"Well, ikaw pa rin naman ang mag d-decide."
Tumayo na siya, "kailangan ko nang bumalik sa office. Hahayaan muna
kitang mag undertime ngayon at mag leave bukas. Basta wag mo nang babanggitin ang
pag re-resign."
"But West---!"
"Basta Jillian."
~*~
Umuwi ka na Cupid.
Napa-buntong hininga ako habang naka-hilata ako sa kama. Gusto kong
makausap si Cupid. Gusto kong manghingi ng advice about Zyron. Feeling ko kasi mas
lalong magiging kumplikado ang sitwasyon namin dahil sa ginagawa ng mokong na yun.
Sabi ni West nakikita niyang seryoso sa akin si Zyron. Hindi ko lang
maintindihan kung bakit hindi ko maramdaman na seryoso siya? Hindi ko maintindihan
saan o kelan siya nagumpisang magkagusto sa akin? Ba't ang bilis?
Ang sarap iumpog ng ulo ko sa pader.
Bumangon ako sa kama. Makakain na nga lang. Gutom na ako.
Naisipan kong mag bukas ng de-latang tuna na mechado flavor tas ginisa
ko sa sibuyas at bawang tulad nung ginawa ni West nung araw na na-stranded siya
rito sa bahay ko dahil sa lakas ng ulan. At habang kumakain ako, inalala ko yung
panahon na yun.
Walanghiyang nakaka-emong buhay 'to.
Biglang may kumatok sa pinto ko.
Si Cupid?
Of course not. Kung si Cupid yun edi nag hocus pocus na lang sana siya
papasok sa bahay ko.
Bigla akong kinutuban ng masama. Ewan. Instinct?
Hindi kaya si Ayesha?
Nakarinig ulit ako ng katok. Mas malakas na kesa doon sa una.
Feeling ko napapraning na ako. May kumatok lang si Ayesha na agad? Baka
kapit-bahay lang!
But just in case.....
Kinuha ko yung kutsilyo ko at itinago ito sa likod ko. Better safe than
sorry.
"Sino yan?" sigaw ko bago ko buksan yung pinto. Hindi sumagot.
Sisilipin ko na sana sa bintana yung kumatok nang bigla niyang binuksan
yung pinto. Sa sobrang gulat ko, naitapat ko agad sa kanya ang kustilyong hawak ko.
"Jillian, ba't hindi ka---what the hell?!"
"Sir Zyron?! Anong ginagawa mo rito ha?!"
"Okay.. calm down. Dinalhan kita ng dinner at wala akong planong masama
sa'yo. Pwedeng pakibaba ang kutsilyo na hawak mo?"
"Ay sorry!" ibinaba ko yung kutsilyo. "Pero paano ka nakapasok dito?"
"Bukas ang pinto mo. Hindi ka ba marunong mag lock?!"
"Paano mo nalaman ang bahay ko?"
"Magaling ako eh!" at kinindatan niya ako. "So, dinner tayo. Nag dala
ako ng pagkain."
"Kakakain ko lang."
"Oh so cold. I don't care. Basta sasamahan mo akong kainin itong dala
kong foods."
"Sir Zyron---!"
"Bawal tumanggi. Ba't pag si West ang nagyayaya sa'yo okay lang? Ba't
pag ako hindi?"
Hindi ako sumagot.
"Tell me the truth Jillian, do you like West? Halatang halata ka kasi
alam mo yun? Pero pinagtataka ko, bakit mo siya binasted?"
"Basted na nga 'di ba? Tatanungin mo pa yan."
"So you don't like him?"
Huminga ako ng malalim. Bakit ang hirap magsinungaling sa ganitong
pagkakataon? Ang bigat sa dibdib.
"Answer me Jillian. Oo o hindi lang. I'm sure alam mo naman kung ano
ang nararamdaman mo?"
"Bakit kailangan kong sagutin ang tanong mo?"
"Oooh umiiwas? So you like West? Ba't mo siya binasted kung ganoon? Or
don't tell me na-realized mong gusto mo siya after mo siyang basted-in? Kung
sabagay nangyayari naman talaga yun. Magulo utak ng mga babae eh."
"Tumigil ka na nga! Ba't ka ba nangiintriga ha? Boss kita pero nandito
ka sa pamamahay ko!"
"Eh hindi kita tatantanan hangga't 'di mo sinasagot ang tanong ko. Oo o
hindi lang eh."
"Hindi ko gusto si West! Kaya ko nga siya binasted eh! Sinagot ko na
ang tanong mo. Happy?!"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya, "sobrang happy."
Nagulat ako nang bigla niyang itinaas ang phone niya at itinapat sa
tenga.
"Oh bro narinig mo ang sinabi ni Jillian. Hindi ka niya gusto. Maling
akala lahat ng iniisip mo kaya mag move on ka na. Bye bro."
"S-si West y-yung--?"
"Yes. At narinig niya ang lahat ng sinabi mo. Thank you rin dahil
sinigaw mo. Mas malinaw na sa kanya. Hindi na aasa ang mokong na yun," he winked at
me.
Napaupo ako sa sofa. Nanlalambot ang mga tuhod ko.
Why? Ba't kailangan niyang marinig yun? Sa pangalawang pagkakataon
ipinamukha ko sa kanya na hindi ko siya gusto.
"Kain na tayo!"
Tinignan ko ng masama si Zyron.
"Ba't mo ginawa yun ha?! Wala ka bang pakielam sa nararamdaman ng
kapatid mo ha?! Ba't ganyan ka? Ang selfish mo!"
Nilapitan ako ni Zyron then he lean forward.
"Stupid," pinitik niya ang noo ko.
"ARAY HA! Lumayo ka sa akin! Sasaksakin kita!"
He chuckled, "Jillian, may paki ako kay West. Kaya nga ipinarinig ko sa
kanya yun eh. Masasaktan siya oo. Pero hindi na siya talaga aasa sa 'yo. Ikaw kasi
eh yung mga tingin mo sa kanya, yung pakikitungo mo sa kanya, masyado kang paasa.
Hindi mo siya gusto pero ba't ganun ka makitungo sa kapatid ko? Ayan umaasa na
naman siya tuloy."
Napaiwas ako ng tingin. Ang sarap niyang sumbatan. Gusto kong sabihin
sa kanya na hindi paasa ang mga kilos ko. MAHAL KO SI WEST kaya ganun ako umasta.
Pero tama nga siya. Kung hindi masasaktan uli si West baka umasa na
naman siya.
Hindi pwede. Masasaktan lang siya sa akin. Magkakasakitan kaming dalawa
pag pinilit ko 'to kasi hindi kami ang naka destined sa isa't isa.
Oo magiging kami. Oo mararanasan naming mahalin ang isa't isa. Pero sa
hiwalayan din magtatapos ang lahat. Sa sakitan at iyakan. Baka sa huli kagalitan pa
namin ang isa't-isa.
Ayokong maranasan yun kay West.
"Jillian, kakain na tayo."
Hinawakan ni Zyron ang kamay ko pero agad ko itong binawi.
Isa pa 'to.
"Zyron, please, tama na. Wag mo nang gawin sa akin 'to."
"Ayoko nga."
"But Zyron."
"I really, really like you Jillian. I really do."
"Paano? Bakit? Saan nagsimula? Hindi mo pa naman ako kilala. Kelan lang
tayo nagkakasama. Halos wala pang dalawang buwan kang nagttrabaho sa kompanya,
mahal mo na ako agad? Ang bilis!"
"No. Hindi mabilis kasi dati pa lang gusto na kita. Dati pa lang,
nililigawan na kita. Hindi mo lang ako kilala."
"H-ha? Anong ibig mong sabihin?"
Lumapit siya sa akin then he gently touch my face.
"My dear Jillian, ako yung palaging nagpapadala sa'yo ng mga bulaklak
at stufftoys."
To be continued....
Author's Note:
Ang dami nag co-comment na putol-putol daw at magulo yung last update? Not my fault
po. Wag ako awayin niyo. Hahaha. Nagloloko ang Wattpad app niyo siguro. Dahil sa
app ko naman maayos ang update eh.
At sorry naman sa typo last update. Pasensya na kung instead "West" eh "Ice" ang
nalagay ko. Wag niyo na po pagtawanan huhu masyado niyo naman ipinamukha sa akin
>.< Kung alam niyo lang ang pagod ko nun. Nag sacrifice ako ng tulog makapagupdate
lang ng sabay sa SWSCA at GO. Hindi ko tuloy nagawang basahin lahat ng comments
kasi nasira ang feels ko >.< In-edit ko agad yun. Hindi lang ata nag reflect ang
edit ko sa app niyo kasi nga nagloloko.
Chapter 49
Chapter 49
[Jillian's POV]
"My dear Jillian, ako yung palaging nagpapadala sa'yo ng mga bulaklak at
stufftoys."
Napatulala ako sa harapan ni Zyron.
"P-paanong ikaw ang napadala ng mga bulaklak sa akin? Paano? Paano mo
ako nagustuhan? Hindi tayo magkakilala. Paano?"
"Jillian, hindi mo ba talaga ako natatandaan?" mas inilapit ni Zyron
ang mukha niya sa akin. My heart skipped a beat.
Ano ba 'to?
Medyo lumayo ako sa kanya, "magkakilala na tayo dati? Ba't hindi kita
matandaan?"
Napa-buntong hininga naman si Zyron, "I can't blame you. Ang laki naman
kasi nang iginwapo ko."
Pinanliitan ko siya ng mata.
Ano ba! Pinaglololoko ba ako nang isang 'to? Kelan ko siya nakilala?
Saan? Hindi ko siya matandaan.
"Okay, okay. I used to be Aaron Jimenez bago ako maging Zyron
Martinez."
Aaron jimenez? Aaron... Aaron...
Napatakip ako bigla ng bibig.
"Oh my god! I-ikaw.."
"Naalala mo na?"
"Ikaw yung batang bully sa ampunan!!" sabi ko sabay turo sa kanya.
"Grabe bully? Hindi ako bully ah!"
Hinawakan ko siya sa chin at medyo itinaas ko ang ulo niya. Doon sa may
ilalim ng baba niya, meron siyang scar na maliit.
Ako ang gumawa sa kanya niyan noon dahil sinira niya ang teddy bear na
binigay sa akin ng daddy ko. Itinulak ko siya ng malakas at tumama ang baba niya sa
isang matulis na bato.
"You already marked me, darling," he whispered then he winked.
Binitiwan ko siya agad.
"You deserved it! Sinira mo ang teddy bear ko noon!"
"Hindi ko sinira yun."
"Hanggang ngayon nagkakaila ka pa! Huling-huli kita na ginugupit ang
tyan niya!"
"Ginugupit ko yun dahil lalagyan ko ng recorded music sa loob. Narinig
kasi kita na naiinggit kay Faye noon. Isa sa mga sponsor ng bahay ampunan natin,
natuwa sa kanya at binigyan siya ng stuffed toy na tumutunog. Remember?"
Natigilan ako bigla.
Ibig sabihin, I misunderstood him?
Pero bully talaga siya noon! Lahat ng mga bata nilalayuan siya at takot
sa kanya.
But come to think of it, wala naman talaga siyang sinaktan o inaway.
Maybe because of the way he look at us? Siguro dahil laging naka-kunot ang noo niya
noon at wala siyang kinakausap na iba?
At nagulat kaming lahat kung bakit inampon siya ng isang mayamang
pamilya.
Pero ibig sabihin...?
"Hindi kayo tunay na magkapatid ni West?"
Tumango siya, "yes."
"P-pero magkahawig kayo eh! Paano..?"
"Kaya nga ako naampon eh. Halos kahawig ko si West. They want an older
brother for West. Someone to look after him. At dahil nga magka-hawig kami, pwede
akong pumasa na kapatid niya. Kaya ayun, inampon nila ako."
Napatango na lang ako.
Isang bagay pa rin ang hindi ko maintindihan...
"..paano ka nagkagusto sa akin?" tanong ko sa kanya.
He grinned.
"Matagal na akong may crush sa'yo ano ka ba. Kahit nung mga bata pa
lang tayo. Nung bagong lipat ako sa bahay ampunan sa Baguio, ikaw kaya ang unang
kumausap sa akin. Yun lang natakot ka rin ata kasi hindi ako nagsasalita," he
chuckled.
"Ang seryoso mo kaya noon! Kabata-bata mo, napaka seryoso mo!"
"But I am older than you. You were 10, I was 13 years old that time.
Teenager na ako. Sobrang wala na akong pag-asa na ma-ampon noon."
"But it turns out na ikaw pa ang naampon."
"I beg them you know? I told them na ampunin ka rin."
"T-talaga? Ginawa mo yun?"
Tumango siya, "oo. Kaso sabi nila, ako lang ang gusto nila. Nung una
nainis ako. Ayokong malayo sa'yo kahit hindi mo ako kinakausap nun. But then,
naisip ko na pag inampon ka nila, magiging magkapatid tayo at mawawala ang pangarap
ko na maging asawa ka. Kaya okay na rin."
"Zyron..."
"Every birthday at Christmas kaya pinapadalhan kita ng gifts.
Natatanggap mo ba?"
"Sa'yo galing yun? Yung mga regalong walang tag?"
Napakamot siya sa ulo niya, "uhmm oo. Nahiya lang akong magsabi kung
sino ako. Baka ma-creep out ka. Bakit sino ba iniisip mo na nagpapadala sa'yo nun?"
Napayuko ako bigla, "I thought it was from my dad."
"I-I'm sorry."
Nginitian ko siya, "thank you ah? Sa lahat ng mga regalo mo. Hindi ko
talaga alam ang i-re-react ko ngayon sa'yo."
"Well... masaya na akong binigyan mo ako ng isang genuine na ngiti. M-
maybe masaydo akong nagmamadali. I want you to get to know me first. I need to
prove to you that I am not really a jerk."
Lord, bakit mo ba ako binibigyan ng ganitong problema? Sana normal na
babae na lang ako nang maenjoy ko naman na may mga gwapong lalaking nagkakagusto sa
akin 'di ba?
"Zyron, I'm really, really sorry---"
"Drop it," pag putol niya sa sasabihin ko. "Hindi ako papayag na
basted-in mo ako nang hindi mo ako binibigyan ng chance. That's unfair Jillian. For
now, kainin muna natin 'tong dala kong pagkain. Ang tumanggi, panget!"
Napabuntong hininga na lang ako.
Gusto man kitang bigyan ng chance Zyron, kaso ayokong magaya ka kay
West.
Ayokong dumating sa point na dalawa na kayong nasasaktan nang dahil sa
akin.
~*~
Buo na ang loob ko, mag re-resign na ako.
Alam kong padalos-dalos ang desisyon ko. Alam kong ang hirap humanap ng
bagong trabaho. Bahala na. May savings pa naman ako. Kaya ko pang mabuhay nang
dalawang buwan ng walang trabaho.
Lakas loob akong umakyat sa floor kung saan nandoon ang office ng mga
big boss. Syempre kay West ako di-diretso since siya ang nag hire sa akin. Though
iniisip ko talaga na siguro mas madali ang pag re-resign ko kung kay Sasha bitch
ako lumapit? For sure papalakpak ang tenga nun pag sinabi kong mag re-resign ako.
Oo nga tama. Kay Sasha na lang kaya ako lumapit?
Napailing ako.
No. Kay West dapat. Siya ang nag hire sa akin. At pag kay Sasha ako
lumapit, baka isipin pa ng bruha na yun na nag wagi siya. Na siya ang dahilan ng
pagreresign ko. Mukha niya!
Bumukas ang elevator. Huminga ako ng malalim at nilapitan ko yung
secretary na nasa lobby. Sinabi kong I need to talk to Sir West.
Pinaupo niya ako habang tinatawagan niya si Sir West. Nang ibinaba na
niya yung phone, agad akong lumapit sa kanya.
"Ano raw sabi?"
"Wait lang daw po."
Tumango ako at bumalik sa kinauupuan ko.
Ano ba! Ba't ba ako kinakabahan?!
Sana nandito ka ngayon, Cupid.
Bumukas ang opisina nina West. Napa-ayos ako nang upo. Nakita kong
lumabas si West kaya mas napa-straight ako ng upo.
He's wearing a corporate attire today. White long sleeves with black
blazer.
Shit naman ang gwapo niya. So mas pahihirapan niya ako ngayon?!
Tinignan niya ako. Seryosong seryoso. Ni hindi niya ako nginitian.
Aba malamang. Matapos niyang marinig na ipinagsigawan kong hindi ko
siya gusto, magagawa pa ba niyang ngitian ako?
"Follow me," he told me coldly at nauna siyang maglakad.
Agad naman akong tumayo at sinundan si West papasok sa kabilang office.
Siguro dahil nasa loob na ng office nila si Sasha bitch at iniiwas niya ako sa
bruhang yun kaya sa kabila kami.
"Sir West, mag reresign na po ako," diretsahang sabi ko sa kanya nang
makaupo kami.
Agad kong iniabot sa kanya yung resignation letter. Kinuha niya naman ito nang 'di
tumitingin sa akin at binasa. Blangko lang ang expression niya.
Ano ba! Ba't ba sumisikip ang dibdib ko! Ba't ganyan lang ang expression niya?!
Palibhasa ine-expect mo na magugulat siya, magagalit, at pipigilan ka. Ang pabebe
mo Jillian!
"May typo dito sa resignation letter mo."
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko.
Lecheng typo yan oh! Sa dinami-rami nang nakasulat diyan, napansin pa
niya yon?!
"Tell me, bakit ka mag re-resign?"
"N-nandyan na po sa letter yung reasons."
"Wala akong pinaniwalaan ni isa sa mga nakasulat dyan."
He's really making this harder for me.
"Is it because of my brother?"
"No!"
"Because of me?"
"Hindi!"
Ang liar mo Jillian.
Napabuntong-hininga si West.
"I don't want you to resign, Jill."
"But Sir West---!"
"Kaso kung binigyan mo na nang chance si Kuya Zyron, wala naman akong
magagawa 'di ba?"
I was taken a back.
"A-ano?"
"Sinabi niya na sa akin Jillian na binigyan mo na siya ng chance. I-I
also heard what you said last night..."
"West--!"
"No it's okay," pag putol niya sa sasabihin ko. "It's okay. Mabuti na
yun para matauhan na ako. Mabuti nang narinig ko yun. Kesa umaasa pa ako sa'yo."
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Itatanggi ko
ba o hahayaan ko na lang?
Napalunok ako. Gusto kong maiyak. Gusto kong itanggi.
Pero para saan pa?
Sasabihin kong mahal ko siya tapos kinabukasan ima-matchmake ko na siya
sa iba?
Go signal na lang ang iniintay ko kay Cupid. Sabi niya malapit na
malapit na niyang ipakilala sa akin ang para kay West. Sa timeline ni Cupid, si
West na ang susunod. Pag nagulo ang timeline, maraming maapektuhan, maraming
masasaktan.
Wala na kaming chance. Ang sarap magpaka selfish ngayon.
"I'm sorry kung napapaasa kita," sabi ko sa kanya. Parang bawat
salitang binibitiwan ko eh patalim sa puso ko.
"Ayos lang. Kasalanan ko naman eh. Sinabi mo na sa akin noon na wala.
Pero umasa pa rin ako. Ngayon tatanggapin ko na lang."
Shit naman. Ba't ang sakit naman.
Kung ganito na ako nasasaktan para sa isang tao na hindi naman
nakatadhana sa akin, what more doon sa taong para sa akin? Ayoko na ata.
"Thank you for giving Zyron a chance, Jillian. I accept your
resignation."
Napalunok ako. Pumayag siya 'di ba? Dapat magsaya na ako.
Pero ang bigat sa pakiramdam.
"T-thanks."
"Huling hirit na, pwedeng next month na lang ang last day mo?
Anniversary kasi ng company. Yung party man lang sana natin, mapuntahan mo."
Tumango ako, "o-okay lang. Kailangan ko rin maghanap ng ibang work.
Thank you West ah? At... sorry."
Hindi na umimik si West. Iniwas na lang niya ang tingin niya sa akin.
Nagpaalam na ako at tumayo.
Ilang beses ko pa bang mararanasan ang magpaalam sa'yo?
Bubuksan ko na sana ang pinto nang maramdaman ko ang mga braso ni West
na yumayakap sa akin mula sa likod.
"W-West...?"
"Saglit lang please?" halos pabulong niyang sabi. "Saglit lang. Hayaan
mo lang na yakapin kita."
Mas lalong humigpit ang yakap ni West sa akin. Napapikit ako.
God knows kung gaano ko ginustong maramdaman ulit ang yakap niya. Gusto
kong maiyak.
"Nakakainis naman," he whispered. "Bakit ba kasi ang hirap hirap mong
kalimutan? Kahit ilang beses kong sabihin na past na yung nangyari sa atin, na wala
na yun, sarili ko lang niloloko ko. Jillian, paano ba ako makaka-move on sa'yo?"
At tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
To be continued...
~*~
Sa mga readers kong na-meet last Saturday and Sunday sa MIBF *kaway kaway*! Salamat
sa pagpunta <3
Chapter 50
Chapter 50
[Jillian's POV]
"Jillian, paano ba ako makaka-move on sa'yo?"
Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko habang yakap-yakap ako
ni West.
Itinakip ko ang mga kamay ko sa bibig ko para hindi makagawa ng ingay.
Nagpapasalamat ako na nakatalikod ako sa kanya dahil hindi niya nakikita ang mukha
ko.
Ayokong makita niya na umiiyak ako. Ayoko. Mag iisip lang siya. Aasa
lang siya.
Pero leche ang sakit talaga.
"Jiliian..."
Humiwalay ng pagkakayakap si West sa akin at naramdaman kong ipinatong
niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko. Pilit niya akong pinapaharap
pero tinatabing ko ang kamay niya.
"Jillian please..."
"Ano pa bang gusto mong mangyari West?"
"Humarap ka naman sa'kin."
Umiling lang ako. Ayokong magsalita dahil maririnig niya ang pagkabasag
ng boses ko.
"Jillian-"
"Aalis na ako."
Dire-diretso akong naglakad pero bigla niyang hinatak ang kamay ko kaya
napalingon ako sa kanya.
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin habang diretso siyang
nakatingin sa mata ko.
Para akong matutunaw kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.
He gently touched my cheek at pinunasan niya ang luhang tumulo rito.
Mali.
Sa aming dalawa, alam kong mas nasasaktan siya. Mas may karapatan
siyang umiyak.
Pero bakit ganun? Sa kabila ng lahat ng sakit na ibinigay ko sa kanya,
nagagawa pa rin niyang punasan ang luha sa mata ko.
Hinawakan ko ang kamay ni West na kasalukuyang nakahawak sa pisngi ko
at ibinaba ko ito.
"West, tama na..." halos pabulong kong sabi.
Ang bigat sa dibdib.
"Sorry... sorry ah? Sorry k-kung hirap na hirap akong maka move on
sa'yo. Ginawa ko na lahat eh. Pero wala. Mas gusto ko na ngang piliin magpaka-tanga
sa'yo eh. Gusto kong i-try ulit na ligawan ka. Baka sakaling magkaroon ng chance.
Baka mag-iba ang ihip ng hangin at magustuhan mo rin ako."
"Pero West---!"
"Gusto mo si Kuya Zyron?"
Hindi ako naka-imik.
Wala akong nararamdaman para kay Zyron pero kapag sinabi ko ito kay
West, alam kong ipagpipilitan niya na ligawan ako.
At oo, sinungaling ako kung sasabihin kong hindi iyon ang gusto kong
mangyari. God knows kung gaano ako kabaliw na makasama siya. Gustong gusto ko sa
pucha, mahal ko talaga ang isang 'to.
Walanghiya.
Sabi ni Cupid mababaw lang daw na connection ang nagagawa naming mga
mortal. Pero tignan mo 'tong nararamdaman ko para kay West, sobrang lalim at habang
tumatagal, palalim nang palalim.
Napapaisip tuloy ako, si West lang ba ang napana ko o pati mismong puso
ko ay napana ko na rin?
Bakit mahal na mahal ko siya?
"Gusto mo ba talaga ang kuya ko, Jillian? Dahil kung oo, rerespetuhin
ko yun. Hindi ako gagawa nang bagay na ikagugulo ng relasyon niyo. Just please
answer my question."
Napalunok ako.
"West..."
Ikaw ang mahal ko, not Zyron. Ikaw ang gusto ko. Kung pwede lang sana.
Kaso paano na tayo? Paano? Makikilala mo na ang para sa'yo. Mabubura na ang
pagmamahal mo sa akin kapag nangyari yun. West.
West paano na?
Cupid, pwede bang kahit ilang araw lang? Please. Pagbigyan mo na ako.
Saglit lang. Gusto ko lang maranasan na mahalin ng buong-buo ang lalaking nasa
harapan ko ngayon. Ayoko nang mag panggap na hindi ko siya mahal.
Cupid.. please...
Tinitigan ko siya sa mata.
Ang ganda ganda ganda ng mata niya. Lalo na nung panahong puno pa 'to
ng buhay. Nung panahong hindi ko pa siya nasasaktan.
I gently touched his eyelids. Napapikit si West.
I love you.
I mouthed. Nagpapsalamat ako dahil nakapikit siya at hindi niya
mababasa ang sinasabi ng labi ko.
I love you, West. I love you and I am so sorry.
Dumilat si West at hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin
papalapit.
Halos lumundag ang puso ko dahil sobrang lapit ko na sa kanya.
"Jillian... pwede ba akong humingi ng second chance?"
Gusto kong sumagot ng oo, West. Oo. I-grab na natin ang chance na 'to.
Kahit saglit lang. Gusto ko rin. Mahal na mahal na mahal kita. Please. Please.
Gusto kong magsalita.
Pero parang nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko mahanap ang boses ko.
At the back of my mind, I heard a voice.
A female voice.
"Jillian, magiging masaya ka rin. Alam ko yun. Nakikita ko yun. Pero
wag kang gagawa agad ng desisyon na ikakapahamak ng iba."
Bigla akong napalayo kay West at napahawak sa compass na nasa leeg ko.
Ang init nito. Parang sinusunog ang balat ko.
"Jillian?!"
I let out a cry at napaluhod ako sa sahig.
Naramdaman ko ang mga braso ni West na inaalalayan ako.
"Jill?! What's happening?!"
"W-west.. A-ang sakit---A-ng.."
Biglang umikot ang paligid.
Nagdilim ang paningin ko.
At tuluyan na akong nawalan ng malay.
~*~
Isang babae ang nasa harapan ko ngayon. Mahaba at itim na itim ang buhok nito. Ang
ganda ng pilik mata at ng ngiti niya. Nakasuot siya ng puting bestida at may hawak
siya na isang tangkay ng rosas.
Iisipin ko sanang anghel siya kaya lang masyadong pamilyar ang mukha
niya. Hindi ko alam kung saan ko siya unang nakita. Hindi ko matandaan.
Pero pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala.
"Jillian," nakangiting tawag sa akin nung babae at hinawakan niya ang
pisngi ko.
Napapikit ako.
Ang comportable ng hawak niya. Ang gaang sa pakiramdam.
"Magiging masaya ka rin, pangako 'yan. Pero ikaw pa rin ang hahawak ng
kapalaran mo. Hindi ka nila matatanggalan ng karapatan na mamili. Alam kong minsan,
nagiging makasarili ang puso ng isang tao. Wag mong hayaan malamon ka nito. Alam
kong masakit. Alam kong nahihirapan ka ngayon. Pero labanan mo. Darating din ang
tamang oras, wag kang mag alala. Gawin mo ang alam mong tama."
Unti-unting nawala ang babae sa harapan ko pero pilit kong hinahawakan
ang kamay niya.
Sino ka?
Gusto kong isigaw kaya lang hindi ko mahanap ang boses ko.
Kilala kita. Alam ko kilala kita. Pero sino?
Saan ko siya unang nakita?
~*~
[Cassandra]
Halu-halong imahe ang naglalaro sa isip ni Cassandra. Samu't-saring mukha ang
nagpapakita sa kanya. Iba't-ibang tinig ng mga tao. Maraming klaseng pangyayari na
magaganap sa hinaharap.
Itinuon ni Cassandra ang atensyon niya sa isang bagay.
Sino ang taong 'to? Sino ang taong maglalagay kay Jillian sa
kapahamakan?
Malabo pa rin ang imahe ng taong 'to sa isip niya. Hindi pa rin niya
makilala kung sino pero nararamdaman niyang malapit na.
Napa-takip siya sa magkabilang tenga niya at napasigaw.
Kamatayan. Kamatayan ng isang tao ang kapalit.
Pero sino?
Bakit hindi niya magawang makapasok sa mga mangyayari.
Alam niyang masamang kalabanin ang tadhana. Kung ano ang nakasulat
dito, mangyayari at mangyayari pa rin ito.
Pero hindi niya pwedeng ipagpasawalang-bahala na lang ang bagay na 'to.
Masisira si Jillian. Pag natuloy ito maaring hindi niya kayanin ang
bagay na 'to.
Magagawa niyang i-baling ang tadhana pero meron at meron pa ring
mangyayari na makakapagpahiwalay sa kanila.
Bakit hindi niyo na lang hayaang sumaya ang babaeng ito? Bakit
kailangan maging ganito ang kahahantungan ng lahat?
Napadilat si Cassandra at napatakip siya ng bibig.
Isang nakakasilaw na liwanag ang dumaan. Pero ngayon, kitang-kita na
niya ang mukha ng taong maglalagay kay Jillian sa kapahamakan.
Nanlambot ang tuhod ni Cassandra.
Hindi. Hindi pwede 'to. Paano?!
"Hindi mo dapat nakita ang bagay na 'yun."
Napalingon bigla si Cassandra sa likuran niya. Ngunit bago pa siya
makakilos, nawalan na siya ng malay.
To be continued....
Aly's Note:
Guys sorry medyo nagkamali lang ako ng info last update. Sa mga nagulantang, wag
kayong mag-alala. Hindi 10 years ang tanda ni Jillian kay West xD
Chapter 51
Chapter 51
[Jillian's POV]
Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Isang puting kisame ang una kong nakita.
"Jillian?!"
Naramdaman kong may lumapit sa kama kung saan ako nakahiga.
"Jillian, thank god nagkamalay ka na rin."
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at idinikit ito sa pisngi
niya.
"Wag ka na ulit mahihimatay nang ganun ah? Pinag-alala mo kaming
lahat!"
Napalingon ako at nakita ko ang mukha ni Zyron na puno nang pag-aalala.
"A-anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang
pagkatuyo ng lalamunan ko.
"Habang naguusap kayo ni West, bigla kang hinimatay. Buti na lang at
dumating ako at naisugod ka sa ospital agad. Sabi nung doctor, over fatigue raw."
Napapikit ako. Medyo ramdam ko pa rin ang onting pagkahilo.
Over fatigue? I don't think so.
Alam kong yung compass ang may dahilan. Naramdaman ko ang init nito
bago ako mawalan ng malay. Naramdaman kong parang hinigop nito ang buong lakas ko.
At nakita ko siya. Yung babae sa panaginip ko.
Sobrang pamilyar ng mukha niya. Ang gaan ng presensya niya.
Sino siya?
"Jillian?"
Napabalik ang atensyon ko kay Zyron. Nakatingin siya sa akin na parang
any minute, pwede akong mawala sa mundong 'to.
I gave him a small smile, "ayos na ako, Zyron."
"Sure ka ha? What do you want? Gusto mong kumain? May nararamdaman ka
ba? Should I call the doctor?"
Umiling ako, "s-si W-West nasaan?"
Medyo natigilan si Zyron at napa-buntong hininga siya.
"Nasa bahay na siya at nagpapahinga. Jillian, it's already 2am."
"Oh."
Bumangon ako at inalalayan naman ako ni Zyron para mapaupo.
"Siya ba ang nagdala sa akin sa ospital?" tanong ko.
"Nope. It's me. Hindi siya makaalis sa trabaho dahil ang daming dapat
gawin."
Napatahimik ako.
Kanina lang nanghihingi siya sa akin ng second chance. Kanina malapit
na ako um-oo.
Pero hindi man lang niya nagawang dalhin ako sa ospital.
Napa-buntong hininga ako. Pero kahit ang lalim na nang pag buntong-
hininga ko, hindi pa rin mawala-wala ang bigat sa dibdib ko.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Zyron.
Tumango ako at tinignan ko ulit siya, "thank you Zyron ah?"
"Ano ka ba! Wag kang magpasalamat sa akin. Alam mo naman na willing
akong bantayan ka."
"Pasensya ka na ah? Inabot ka pa ng 2am dito."
"Wala yun Jillian. Isa pa, natitigan naman kitang matulog eh kaya
masaya na 'ko," he winked at me.
Medyo napatawa ako nang onti, "para kang si Edward Cullen ng Twilight.
Talagang tinitigan?"
"Is that a compliment? 'Di ba kilig na kilig ang mga kababaihan sa
bampirang 'yun?"
Napailing ako, "ang creepy kaya na may tumititig sa'yong matulog."
He laughed, "kung sabagay. Wag kang mag alala, may iba rin naman akong
ginagawa bukod sa pagtitig ko sa'yo habang natutulog ka. Uma-attack din ako sa
COC."
Napangiti ako, "salamat talaga, Zyron. Salamat."
"Ayan ka na naman sa pasasalamat mo eh. Wag ka nang magpasalamat. You
know the reason why I am doing this."
"Zyron---!"
"Isa pa," pag putol niya sa sasabihin ko, "nalaman ko na nag resign ka
na. Dahil ba may pag-asa ako sa'yo?"
"Zyron please---!"
"No. Wag mo na lang sagutin. Mas okay na hindi ko alam ang sagot. Basta
kahit anong mangyari hindi kita susukuan, Jillian."
Parang bigla na naman nanikip ang dibdib ko.
Ano ba. Hindi ba effective ang basted sa taong 'to?
Aasa lang siya sa akin eh. Nasaktan ko na nga si West, pati ba naman
siya?
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inilapit niya
ito sa labi niya.
"Zyron.."
"Madali kang sinukuan ni West. Pero magkaiba kami Jillian. Papatunayan
ko na ikaw ang tipo nang babaeng dapat pinaghihirapang makuha."
Napapikit na lang ako.
Sinukuan.
Pero nanghihingi siya sa akin ng second chance. At ibibigay ko sa kanya
yun.
Kaso, nasaan siya ngayon? Ba't hindi si West ang katabi ko?
~*~
Dear Diary,
Wala talagang may gusto sa'kin. Wala nang pag-asa na ma-ampon ako.
Sabi ni Faye, kaya hindi ako naapon kasi hindi ako marunong kumanta o
sumayaw. Pero bakit ang bully na si Aaron na-ampon? Tapos mukhang mayaman pa ang
naka-ampon sa kanya. Isa pa, ang bait nung magiging kapatid niya.
Kanina, habang kinakausap si Aaron ng future parents niya, nakausap ko
yung magiging kapatid niya. Nag-hi kasi siya sa akin. Nakikipag kilala. Sabi niya
West ang pangalan niya. Nakangiti siya sa akin ng maganda at parang gusto niyang
makipag laro. Kaya lang nahihiya akong lumapit sa kanya kaya naman nagtago na lang
ako sa likod ni Mother Superior.
Pero nararamdaman ko na mabuti siyang tao.
Ang swerte naman ni Aaron. Nakahanap siya ng mabait na kapatid.
At dapat pala Zyron na ang itawag ko sa kanya kasi sabi ni Mother
Superior, pinalitan na ang pangalan niya.
Pagka kaya ako naampon, papalitan din nila ang pangalan ko? Gusto ko pa
naman ang Jillian eh.
Pero kahit panget ang ipalit nilang pangalan sa akin, okay lang. Basta
ampunin lang nila ako.
Gusto ko kasing maramdaman kung paano magkaroon ng isang pamilya.
Agad kong isinara yung diary at tuloy tuloy ang bagsak ng luha ko. 13 years ago na
ang nakalipas simula nang isulat ko 'to.
13 years ago... nagkita na kami ni West.
Parang biglang nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.
Isang maliit na pagkakataon pero bakit ang laki nang epekto sa akin
nito?
13 years ago.
Naalala pa kaya niya ang araw na 'yun?
Sinamahan niya akong bumalik sa bahay ampunan na yun. Naalala pa kaya
niya na doon din sa mismong ampunan na yun nanggaling si Zyron?
Eh ako? Naalala pa kaya niya?
Alam kong malabo. Kung ako nga hindi ko na natatandaan ang araw na 'to
eh. Masyado nang matagal. Ang bata ko pa rin nung panahon na yun.
But still...
God. Tadhana. Bakit pinaglalaruan niyo nang ganito ang feelings ko? Ano
ba!
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok nang malakas sa
pintuan ko. Halos kalampagin ang pinto ko.
Dali-dali akong lumabas at sinilip kung sino ang kumakatok.
"Aling Melissa?"
Binuksan ko agad ang pinto at ngayon ko lang napansin na umiiyak pala
si Aling Melissa, yung nagtitinda ng goto malapit sa amin.
"Aling Melissa? Bakit po? Ano pong problema?"
"Eh Jillian gusto ko lang sana itanong kung nakita mo ba ang anak ko?"
sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mata.
"Si Cassy? Hindi po. Bakit po? Ano po ang nangyari?"
"Kagabi pa kasi siya nawawala eh! Nagaalala na ako! Hindi naman ako
pinapansin ng mga pulis dahil wala pa raw bente kwatro oras na nawawala si
Cassandra! Pero kinakabahan ako. Jillian, hindi naman umaalis magisa ang anak ko
eh!"
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlamig. Para akong pinagpawisan
ng malagkit at nakaramdam ng sobrang kaba.
Agad kong niyakap si Aling Melissa.
"Hahanapin po natin si Cassandra. Tutulungan ko po kayo."
~*~
[West's POV]
"West, ilang beses ka nang bumubuntong hininga. Okay ka lang ba?"
tanong ni Sasha sa akin.
"Ah, y-yes I'm fine," ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa laptop ko.
Sinubukan kong mag concentrate sa trabaho pero hindi ko magawa.
I want to see her.
Pero hindi pwede.
Tama na West. Wag mo na siyang isipin. Kalimutan mo na siya.
Mahal niya ang kapatid mo. Tama na. Wag mo nang ipagpilitan pa ang
sarili mo.
Halos paulit-ulit na nag rereplay sa utak ko ang sinabi sa akin ni Kuya
Zyron.
"She told me she loves me. I'm so sorry West."
Nung panahon na yun, gusto kong sapakin ang kapatid ko. Gusto ko siyang
sigawan na bawiin niya ang sinabi niya. Na hindi totoo yun.
Pero ayan na lahat ng pruweba sa harap ko.
Kaya siya nag resign dahil gusto niya si Kuya Zyron. Walang rason ang
kapatid ko para magsinungaling sa akin. Sa tagal na namin magkasama, never siyang
nagsinungaling sa akin.
Pero ang hindi ko maintindihan, bakit nagsinungaling si Jillian nang
tanungin ko siya kung mahal ba niya si Zyron.
Sabi niya hindi.
Ginawa niya ba yun para protektahan ang puso ko? Para hindi ako
masaktan?
Bullshit.
Mas masakit sa akin ang nangyari kasi umasa ako.
Ang tanga ko. Umasa ako.
Jillian, ang hirap mong kalimutan. Ano bang ginawa mo sa'kin?!
Ang sakit.
"West."
Naramdaman ko ang kamay ni Sasha na nakapatong na sa isa kong kamay. I
gently pulled away.
"No, West."
Hinawakan niya ang braso ko. Napapikit ako.
"Sasha, bumalik ka na sa trabaho mo."
"Mag move on ka na sa kanya please?"
"Sasha.." sabi ko nang medyo may halong pagbabanta sa tono ng boses ko.
"Kalimutan mo na lang siya at tumingin ka na lang sa taong handa kang
saluhin. Pinagmumukha ka na niyang tanga, West. Wag ka nang umasa sa kanya. Can't
you see? Tinituhog niya kayong magkapatid!"
"She's not like that. Tigilan mo na yan."
Napailing siya, "maaring 'di mo nakikita ngayon kasi nabubulag ka sa
nararamdaman mo sa kanya. Pero makikita mo rin yun unti-unti West. Kaya ngayon pa
lang, mag move on ka na."
Tumayo ako at lumabas ako nang opisina.
Kailangan kong magpahangin.
No. Ayokong tignan sa ganoong paraan.
Kahit gaanong kasakit ang nararamdaman ko, kahit gaano ako nahihirapan
nang dahil sa kanya, ayokong humatong ang nararamdaman ko sa ganon.
Ayokong magalit sa kanya.
Mas okay nang sisihin ko ang sarili ko.
Pero hindi ko magawang i-alis sa isip ko ang mga sinabi ni Sasha.
To be continued..
Chapter 52
Chapter 52
[Jillian's POV]
"Miss excuse me," tinapik ko sa braso yung isang babae na naglalakad at agad naman
siyang napatingin sa akin. Pinakita ko ang litrato na hawak ko sa kanya. "Nakita
niyo po ba ang babaeng ito? Petite po siya na mas maliit sa aking ng onti tapos
mahaba ang buhok at mestiza?"
"Naku sorry miss, hindi eh."
"Ah ganun po ba? Salamat po."
Napabuntong hininga ako at naupo sa mahabang silya sa tapat ng isang
sari-sari store. Kanina pa kami nagpapaikot-ikot ni Aling Melissa para hanapin si
Cassy. May 24 hours na rin siyang nawawala kaya naman na-i-report na namin ito sa
pulis at tinutulungan na rin nila kaming mag hanap.
Kinakabahan ako at hindi ako mapakali.
Pwedeng kagagawan ni Ayesha ang pagkawala ni Cassy---pero bakit? Dahil
sa kakayahan nitong makita ang hinaharap?
Kung si Ayesha nga ang may pakana nito, ibig sabihin lahat ng sinabi ni
Cassy ay totoo?
Napailing ako.
No. Hindi lahat ng bagay na nangyayari ay konektado kay Ayesha.
Maaring iba ang dahilan ng pagkawala ni Cassy. Pero ninenerbyos pa rin
ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Masama ang kutob ko rito.
Napapikit ako.
Please, sana walang nangyaring masama sa kanya.
Nasaan na ba kasi si Cupid? Ang tagal na niyang hindi nagpapakita sa
akin. Kung nandito lang siya, for sure nahanap na agad namin si Cassy!
Cupid naman eh! Umuwi ka na!
Tumayo ako at nagsimula na ulit mag-hanap. Good thing at hindi na
umaatake ang hilo ko. Alam kong kalalabas ko lang sa ospital pero hindi ako
mapapakali hangga't hindi nakikita si Cassy.
Alam kong hindi ko kadugo sina Aling Melissa at Cassy. Hindi rin naman
kami ganoon kalapit sa isa't-isa.
Pero may time na dati, nung nagiisa ako at may sakit, silang dalawa ang
tumulong sa akin. Sa umaga, dadalhan ako ni Aling Melissa ng lugaw. Sa hapon naman,
si Cassy ang nag ch-check sa akin kung uminom na ba ako. Nung nagka dengue ako,
sila rin ang umalalay sa akin nun.
Mahirap mag-isa. Oo, natuto akong maging independent. Pero yung mga
small gestures na ginawa nila sa akin noon, sobrang thankful ako.
Naranasan ko kasi kahit papaano ang merong mag-aaruga sa akin.
"Miss! Miss!"
Napalingon ako nang may lalaking tumapik sa akin.
"Ikaw yung naghahanap sa babae 'no? Yung may dalang litrato?"
"Ah opo. Bakit po? May balita na ba?"
"Opo. Naku sumama na lang kayo sa amin. Papunta na rin ang nanay niya!"
Dali-dali akong sumama doon sa lalaki. Sinundan ko siya hanggang sa
makarating kami sa may likod ng palengke.
Maliit na eskenita.
Parang pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko.
Bakit dito niya ako dinadala?
Sa 'di kalayuan, may kumpol kumpol na mga tao. Parang may
pinagkakaguluhan. Samu't-saring bulungan.
Napahinto ako nang tuluyan nang marinig ko ang isang malakas na iyak.
Iyak ni Aling Melissa.
Napatakip ako ng bibig.
Hindi. Hindi. Hindi. Mali 'to. Mali ang iniisip ko. Hindi!
"Cassandra! Hindi! Cassandra! Anak naman! Bakit! Bakit ganito ha?!
Hindi!!"
Habang palapit nang palapit, unti-unti kong natatanaw si Aling Melissa
na nakaluhod sa harap ng isang....
Napapikit ako. Hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagbagsak ng
luha ko.
Si Cassandra.
Duguan. Maputla na ang labi.
Wala nang buhay.
Napaluhod ako. Alam kong may mga umalalay sa akin para tumayo pero
hindi ko na sila magawang pansinin. Alam kong kinakausap na ako ng mga tao sa
paligid ko pero hindi ko sila maintindihan. Tanging ang boses lang ni Aling Melissa
ang nangingibabaw sa pandinig ko.
"Sino gumawa sa'yo nito anak?! Bakit! Bakit ka pinatay?! Ikaw na lang
ang meron ako! Hindi ka pwedeng mawala sa akin! Anak naman gumising ka na please?
Nandito na si nanay. Hinding hindi na kita pagtataasan ng boses. Lahat ng sasabihin
mo, paniniwalaan ko na! Basta anak, gumising ka na!"
Unti-unti akong lumapit sa kinalulugaran nila. Ni-hindi lumingon sa
akin si Aling Melissa. Yapos-yapos lang niya ang anak niya.
Hinawakan ko ang kamay ni Cassy. Ang lamig lamig nito.
Bakit kailangang mangyari 'to?
Sino ang gumawa nito sa'yo? Sino?!
"Ma'am, kailangan na po natin ayusin ang bangkay ng anak niyo," sabi ng
isang pulis.
"Anong bangkay?! Buhay pa si Cassandra! Gigising pa siya!"
Hinawakan ng mga pulis si Aling Melissa para ilayo kay Cassy. Nag-tama
ang tingin naming dalawa.
"'Di ba Jillian? Buhay pa ang anak ko! 'Di ba?!"
Hindi ako makapag salita. Hindi ako makakilos.
Tanging luha na lang ang na-isagot ko sa kanya.
~*~
Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Naririnig ko ang mga bulungan
nila pero hindi ko sila pinansin.
Kailangan kong maglakad. Kailangan kong mahanginan. Parang ang hirap
hirap huminga.
Kanina, nagsidatingan na ang ibang mga kamag-anak ni Aling Melissa para
tulungan siya. Nung hindi na kinakailangan ang tulong ko, umalis na ako.
Ayaw mawala sa isip ko yung itsura ni Cassy. Sabi nila, isang malalim
na sugat sa tyan ang tinamo niya. Parang sinaksak ng isang patalim. May sugat din
sa may pulso niya at paa na parang iginapos siya.
Hindi raw siya ginahasa. Pero kung bakit siya pinatay, anong dahilan?
Hindi rin siya na-hold-up dahil yung pera at phone niya, nasa bulsa pa rin ng
bestida na suot niya.
Nanlalambot ako.
Paano kung si Ayesha ang may gawa nito? Paano kung pinatay niya si
Cassandra dahil nakikita niya ang hinaharap at ayaw ni Ayesha na malaman ko 'to?
Paano.... paano kung ako ang dahilan kung bakit wala na ngayon si
Cassy?
Napahinto ako at napahawak sa may poste dahil parang umiikot ang
paligid ko.
God, kung ako ang dahilan, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Ano ba 'tong pinasok ko?
Ngayon, pinagsisisihan ko ang lahat.
Bakit kailangan kong maging desperada? Bakit ko pa ninakaw ang pana ni
Cupid? Bakit ako ang nalagay sa sitwasyon na 'to?
Kung hindi dahil sa akin...baka buhay pa ngayon si Cassandra.
Kung si Ayesha ang may gawa nito, ako ang may kasalanan.
Biglang nanlambot ang tuhod ko kaya napaluhod na lang ako.
Cupid, please, please naman. Hindi ko na kaya eh. Kailangan na kita.
Parang mamatay na ako. Nasaan ka ba? Please dumating ka na.
"Jillian..."
Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses na yun.
May lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Jillian!"
"Z-Zyron?"
"Anong nangyari sa'yo?! Ba't puro dugo ang damit mo? Nasaktan ka ba
Jillian? Tell me what happened!"
He cupped my face at tinignan niya ako ng puno nang pagaala, "please,
please Jillian mag salita ka! Are you hurt? Please! Dadalhin kita sa ospital!"
Bubuhatin na sana ako ni Zyron pero agad kong hinawakan ang braso niya
para pigilan siya.
"I-I'm fine... I just..."
"Jill?"
"Please take me home."
Inalalayan akong makatayo ni Zyron.
"Jillian, what happened?"
Napatingin ako ng diretso sa mata niya. Puno nang pagaalala.
Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Para akong mamatay. Ang hirap
huminga.
Hindi ko na kaya.
Napayakap na lang ako kay Zyron at humagulgol ng iyak.
~*~
[Cupid's POV]
"Nagustuhan mo ba ang bagong pana na ginawa ko para sa'yo?" tanong sa akin ni
Hephaestus.
Nginitian ko siya, "hindi man ito tulad ng pana ko noon, maari ko na
'tong magamit para kalabanin si Ayesha."
Napatango si Hephaestus at lumapit sa akin. Napatingin siya sa pana na
nakasabit sa likuran ko.
"Hmm, nakakaamoy ako ng dugo. Wag mo sabihing nagamit mo na agad ang
panang 'yan?"
Hindi ako nagsalita.
"Sinong nilalang ang minalas na mapana mo?"
"Isang walang kwenta na hadlang sa plano ko."
"At napatay mo siya?"
Tumango ako, "masyadong matalas ang panang ginawa mo para sa akin."
"Mabuti naman kung ganoon. Ngayon, kinakailangan na kitang singilin
para sa aking serbisyo."
Napatahimik ako.
Sabi na eh, agad agad maniningil ang isang 'to. Alam kong ayaw na ayaw
niyang nag-hihintay. At gustuhin ko man balikan si Jillian ngayon, alam kong hindi
ako paaalisin ni Hephaestus nang hindi nakakapag-bayad.
"Handa ka na ba Cupid?"
Napabuntong hininga ako.
"Sabihin mo sa akin ang plano para mabalikan ko na si Jillian at ang
asawa ko."
To be continued...
Chapter 53
Chapter 53
[Jillian's POV]
"Jillian, sorry sa nangyari sa kaibigan mo," sabi sa akin ni Zyron habang inaabot
sa akin ang isang baso ng tubig.
Nandito na kami ngayon sa apartment ko. Kumalma na rin ako sa pagiyak.
Ang tanging nasabi ko lang kay Zyron ay patay na ang kaibigan ko.
Kanina, hindi niya ako binitiwan habang umiiyak ako. Hindi siya umalis
o nagsalita. Pinakinggan lang niya ako at hinayaang umiyak.
Kahit papaano, na-appreciate ko ang presence niya ngayon. God knows
kung gaano ko ka-kailangan ng makakapitan ngayon. Gulong gulo ako sa mga
nangyayari. Parang any moment, bibigay na ako. Hindi pa nagpapakita sa akin si
Cupid.
Kung sino ang kailangan ko ngayon, siya pa ang wala.
"Thank you Zyron ah? At pasensya ka na talaga. Masyado lang talagang
mabigat sa akin ang nangyari."
Kinuha ni Zyron ang kamay ko then he squeezed it.
"Wag kang magpasalamat Jillian, okay lang yun. Naiintindihan kita."
Tinignan ko si Zyron. He's smiling at me. Hinigpitan ko rin ang kapit
ko sa kamay niya kaya naman napatingin siya sa kamay ko.
"Zyron...ba't kahit ilang beses kitang itaboy ayaw mong sumuko?"
He looked taken a back because of my question.
"Jill, I told you, I really like you at hinding hindi kita susukuan 'di
ba? Kahit itulak mo pa ako palayo o kahit ikaw ang lumayo, hindi kita lulubayan.
Kahit makulitan ka pa sa akin, I'll prove to you na deserve ko ring mabigyan ng
chance."
Napangiti ako, "eh paano kung magka-boyfriend na ako ng iba?"
"Kung magkakaboyfriend ka sisiguraduhin kong ako yun."
"Eh paano kung magkagusto ka na sa iba?"
Napailing siya, "that's impossible. Paano mangyayari yun kung ninakaw
mo ang puso ko? Tinago mo, pinadlock tas tinapon ang susi?"
Napatawa ako ng mahina.
"Magkakagusto ka sa iba Zyron..." dahil after ni West, ikaw naman ang
i-ma-matchmake ko.
Napakunot ang noo ni Zyron, "kailan ka pa naging manghuhula?"
I shrugged, "wala lang. Basta alam ko mangyayari yun."
Ipinatong ni Zyron ang kamay niya sa ulo ko at tinitigan ako sa mata,
"hindi mo pa alam ang pwedeng mangyari. Pustahan tayo, sa simbahan ang tuloy nating
dalawa balang araw."
"Magkano pusta mo?"
He grinned, "buong buhay ko ang ipupusta ko."
Napailing na lang ako sa kanya habang nakangiti.
Kahit ang kulit ng isang 'to, kahit papaano medyo nakakalimot ako.
~*~
Dalawang araw akong hindi pumasok sa trabaho. At nung bumalik ako sa opisina, yun
ay para kuhanin na ang mga gamit ko.
Hindi ko alam kung pinagsisisihan ko ang biglaan kong pag re-resign.
Paano kasi, bigla na lang akong mawawalan ng trabaho. Ngayon, nganga ako sa bahay.
Hindi pa naman ganoon kadali makakuha ng trabaho. Buti na lang at kahit papaano eh
may ipon ako.
Pero kailangan na dahil masyado nang nagiging magulo ang lahat ng mga
nangyayari. Tingin ko mas makakabuti kung aalis na ako sa kompanyang 'to.
Aaminin ko, maimiss ko ang mga katrabaho ko. Sina Luke at Elise---at oo
na-pati ang nakakabwisit na si Edgar.
At si West.
Nung pumunta ako sa office, tanging si Zyron lang ang present na boss.
Wala si West at Sasha. According kay Elise, may pinuntahan na out of town na
meeting yung dalawa.
Nanikip ang dibdib ko. Ewan ko ba. Kahit papaano gusto kong magpaalam
at magpasalamat kay West kasi siya ang nag hire sa akin. At oo na, lolokohin ko na
ang sarili ko kung 'di ko sasabihin na gusto ko rin siya makita.
Kaso nga wala siya. At kasama pa niya yung bruha na si Sasha.
Sana present siya sa company anniversary ball. Kahit papaano kailangan
ko rin maayos ang relationship namin kahit bilang magkaibigan. Kasi paano ko siya
imamatchmake kung ganito kami?
And speaking of matchmaking, langyang Cupid yan hindi pa rin umuuwi
hanggang ngayon.
Dahil nga wala na akong trabaho, madalas akong na-kina Aling Melissa
ngayon. Tumutulong ako sa lamay ni Cassy. Hindi naman ganoon karami ang mga
pumupunta. Iilang mga kamaganak lang at malalapit na kaibigan. Kaya lang nagaalala
ako ng husto kay Aling Melissa.
Hindi siya nagsasalita. Tulala lang siya. Kahit nung ilibing namin si
Cassy, walang reaksyon si Aling Melissa. Nakatingin lang siya sa kawalan. She
became an empty shell. Kahit ilang beses namin siyang kausapin, hindi siya
kumikibo.
Natatakot ako sa kalagayan niya.
Sa ngayon, inuwi muna siya sa probinsya ng kapatid niya. Sana, sana
maging okay na ulit siya.
~*~
"Ang lungkot ngayon sa office. Wala ka na, wala na si Eros, wala nang
makulit!" sabi ni Elise sa akin.
Nandito kami ngayon sa mall at naghahanap ng dress na ma-i-su-suot para
sa anniversary ball ng kompanya.
"Pero buti na lang te at invited ka pa sa ball! At least may kasama
akong mamili ng dress!" masigla niyang sabi.
"Nahihiya nga akong pumunta eh. Resign na ako tapos aattend pa ako?"
"Okay lang 'yan! Pupunta ka naman doon as date ni Sir Zyron!" sabi nya
sabay kindat.
Medyo siniko ko si Elise, "uy! Hindi 'no! Anong date? Pupunta ako doon
para sa inyo."
"Sus. Ay naku Jillian. Alam na ng buong opisina na nililigawan ka ni
Sir Zyron. Yung iba nga eh iniisip na kayo na kasi nag resign ka na. Sabi nga ni
Edgar ikakasal na kayo!"
Napapikit ako.
Lecheng unggoy yun! Talo pa babae sa pagpapakalat ng chismis! At chi-
chismis na nga lang eh mali-mali pa!
"Lakas pa ipagmalaki ni Edgar na ikakasal na kayo sa harap mismo ni Sir
West. Hay yung isa talaga na yun."
Napalingon ako bigla kay Elise.
"Sa harap ni Sir West? Ano sabi niya?"
"Wala. Ngingiti-ngiti lang. Lam mo naman yun 'di masyado nag re-react."
Nalungkot naman ako bigla.
Ano ba Jillian! Ano bang gusto mong gawin niya? Magwala? Sugurin ka? I-
confirm kung totoo yun?! Gusto mo siyang magselos?! GAGA. GISING. HINDI KAYO
PWEDENG DALAWA.
LECHE.
"Pero girl, ano na nga ba ang status ng relationship niyo ni sir?"
Napalingon ulit ako kay Elise.
"W-wala ah! Wala naman kaming relasyon! Anong status sinasabi mo diyan.
Boss ko siya, empleyado niya ako. Yun lang. Ano ka ba. Wag mong bigyan ng meaning
ang closeness namin dati ni Sir West! Wala lang yun!"
Tinaasan niya ako ng kilay. "West? Gaga, I'm talking about Sir Zyron!"
Napatikom ang bibig ko.
Shit na malagkit naman!
Puro ka kasi West, West West! Move-on move-on din kasi!!
"Ay akala ko si Sir West," I faked a laugh. "Ah wala kaibigan ko lang
din si Sir Zyron."
"Ewan ko sa'yo Jillian. Push mo 'yan. Nililigawan ka nga eh."
Hindi na ako kumontra.
Sa totoo lang napapagod na ako ng kakapaliwanag. Wala naman
makakaintindi sa akin bukod kay Cupid. Bahala na sila sa iisipin nila.
Imamatchmake ko si West. Then isusunod ko si Zyron. Tapos babawiin
namin ni Cupid ang pana niya kay Ayesha. Imamatchmake ako ni Cupid sa taong
nakalaan para sa akin. After that, back to normal na ang buhay ko.
Napabuntong hininga ako.
Sana ganoon lang kadali iyon.
~*~
"O 'di ba ang ganda? Bongga!" sabi nung baklang nasa parlor kung saan ako
nagpaayos.
Anniversary ball na mamaya. Sa totoo lang, wala naman sa plano ko ang
sumugod sa parlor at magpaayos. Kaso nga lang nasira ang pang plantsa ko sa buhok
at kanina ko lang napansin na pudpod na ang lipstick ko kaya naman sumuko na ako at
nagpaayos na lang.
Syempre ayoko naman mag mukhang basahan doon. Nandoon si Sasha na for
sure eh bongga ang itsura. Bwiset siyang sosyalera siya! Kung may trabaho nga lang
ako ngayon, tinodo-todo ko na ang pagpapaayos! Buti na lang mabait itong si Miki at
binigyan ako ng discount. Crush niya kasi 'ang pinsan kong' si Cupid.
"Ayan girl, dyosang dyosa na ang feslaks mo ah? Kabogera ka na! Dahil
dyan, reto mo ako kay Eros ah?"
"Oo na. Mag se-set ako ng date niyo pag nakabalik na siya."
"Yay! Dahil diyan bibigyan kita ng 50% off!"
Napangiti ako.
Sorry na Cupid, ibebenta muna kita panandalian for the sake na
makatipid ako para may pangkain tayo sa mga susunod na araw.
Agad na akong bumalik sa bahay para magbihis. Isang simpleng black
sleeveless na cocktail dress na may lace na red sa waist ang nabili ko. Sakto rin
kasing naka-sale ito kaya naman nakuha ko ng mura.
Napatingin ako sa salamin nang makabihis na ako. Napabuntong hininga
ako.
Sa mga nangyayari ngayon, may gana pa talaga akong pumunta sa ball?
Tama ba 'tong gagawin ko? Magpapakasaya ako ngayong gabi?
Ba't 'di ko feel magpakasaya?
Pero ano bang dapat kong gawin?
Sa araw-araw na wala si Cupid, parang mas pabigat nang pabigat ang
nararamdaman ko. Ngayon ko lang na-realized, nakadepende pala talaga ako kay Cupid
sa mga susunod na hakbang na gagawin ko.
Pag wala siya, parang naliligaw ako.
Napailing ako.
Siguro kahit ganito naman ang nangyayari, may karapatan pa rin akong
mag-saya 'di ba? May karapatan pa rin akong i-experience ang isang napaka normal na
gabi.
Kinuha ko yung pouch ko at lumabas na ako.
Nung kinakandado ko na ang apartment ko, nagulat ako nang may nakita
akong naka-park na puting kotse sa tapat.
Shit.
Dali-dali kong sinarado ang pinto at nilapitan ang kotse. Bumukas ito
at bumaba si Zyron na pormang porma na rin. Complete coat and tie. With shades pa.
"Zyron, what are you doing here?"
He smiled at me.
"Seriously Jillian, siguro dapat tigilan mo na ang kakatanong kung
bakit ako nandito. The answers to your questions are always obvious."
"Pero sabi ko sa'yo mag tataxi na ako papunta doon sa event."
"Nope. As if papayagan kitang mag taxi mag-isa. Sakay ka na."
"Pero---"
"Hindi ka na makaka-kontra. I'm already here."
May point siya.
At nakakainis kasi ang tigas ng ulo ng isang 'to.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumakay na lang sa kotse niya.
Pinagbuksan ako ni Zyron ng pinto at nang makaupo na ako, siya naman
ang pumasok sa kabila.
Hindi agad niya pinaandar ang kotse nang makapasok siya. Instead, he
stared at me and then he smiled again.
"Bakit?"
Umiling siya, "wala. You just---you look so perfect today."
"Bola."
"I'm not. I'm telling the truth Jillian. Sa totoo lang, parang ayoko na
kitang dalhin sa event ngayon. Parang gusto na lang kitang solohin. Baka maagaw ka
pa sa akin doon eh."
Napailing ako habang nakangiti, "tigilan mo na 'yang mga cheesy lines
mo at mag maneho ka na."
He grinned, "yes ma'am! Let's go!"
He started the engine.
Marami nang tao nang makarating kami ni Zyron sa events place. Bukod sa
mga employees, marami ring special guests na nandoon. Pati ang mga big bosses
kumpleto---sabi ni Zyron.
Pero hindi ko makita si West.
At naiinis ako sa sarili ko dahil pag tapak na pagtapak ko pa lang sa
events' place na 'to, si West agad ang una kong hinanap.
Papasok pa lang kami ni Zyron, naharang na agad siya ng mga business
partners niya kaya naman nag excuse muna ako. Sabi ko hahanapin ko muna sina Elise.
Sakto naman, nakita ko sila sa isang table na malapit sa stage area. Agad akong
lumapit sa kanila.
"Uy Jill!" salubong ni Luke sa akin. "Ang ganda mo ah!"
Nginitian ko siya ng malawak at umikot ako sa harapan niya para ipakita
ang suot ko.
"Ang hot 'di ba?" proud na proud namang sabi ni Elise. "Tinulungan ko
siya sa pagpili ng isusuot!"
Napailing na lang si Luke, "patay si Sir Zyron nito. Maraming magiging
kaagaw."
Hinampas ko ng mahina si Luke sa braso, "pati ba naman ikaw inaasar ako
kay Zyron?"
"Hay naku Jillian! Alam na ng lahat na nililigawan ka niya. Hindi mo na
kailangan magkaila. Kaya ka nga nag resign 'di ba?"
Hindi ko siya sinagot at iniba ko na lang usapan.
Kasi nga paano ko ba ipapaliwanag sa kanila na kaya ako nag resign ay
dahil nahihirapan na akong makasama si West? Nasasaktan na ako para sa aming
dalawa. Na gustuhin ko mang maging kami, epal lang si tadhana. Na susugal na sana
ulit ako, bahala na kung ano mangyayari sa susunod, kaya lang bigla namang hindi na
ako pinapansin ni West.
May ikinukwento sa akin sina Elise at Luke about sa bagong magazine na
ilalabas ng company. Dumating din yung iba pa naming ka-work at kinamusta ako.
Lahat si Zyron ang bukambibig.
"Baka sa susunod na pagtapak ni Jillian sa opisina eh boss na rin natin
siya!" sabi naman ni Edgar. "Mag practice na kayo sa pagtawag sa kanya ng Ma'am
Jillian!"
Bwiset na 'to. Sapatusin ko 'to eh!
"Hi guys!"
Pare-pareho kaming napalingon sa nagsalita.
"Sir West! You're here!" sabi ni Luke.
West is smiling brightly at us.
He's smiling brightly. Ang gwapo niya tignan ngayon sa coat and tie na
suot niya.
He's smiling brightly! Gosh!
Bakit parang ang saya na niya? Okay na siya ngayon?
Buti naman okay na siya. Buti naman ayos na siya.
May binanggit si Edgar na nagpatawa kay Sir West.
Buti nakakatawa na siya.
Naka move on na ba siya?
Buti pa siya.
Buti pa siya ayos na.
"Good thing nakarating ka."
He's looking at me. He's smiling at me.
Fuck that bright smile.
Lumunok ako and I try my best to smile.
"O-oo nga po. Thanks for inviting me."
"Oh don't thank me. Yung kapatid ko ang nag invite sa'yo 'di ba? Alam
mo na..." he winked.
Ngumiti lang ako.
Gusto kong mag wala.
Bwiset! Leche! Nung araw na nag resign ako, ikaw ang nag invite sa
akin! Nung araw na yun 'din, nanghihingi ka sa akin ng second chance!!!
Bwiset na yan! Nakakainis! Ano! Ano na?!
Ano na naman ang nangyari at ganyan ka?
At bwiset talaga! Dapat hindi ako nabubwiset eh! Dapat okay sa akin
'tong nangyayari. Mas pabor. Mas madali para hindi na kami magkasakitan.
Pero tinola, adobo, nilaga, hayop talaga!
ANG SAKIT AH!
"West."
Nakita ko si Sasha na papalapit kay West at pinulupot niya ang kamay
niya sa braso nito.
"I want you to meet someone," nakangiti niyang sabi rito.
Tumingin si West sa amin at nginitian din kami. "Enjoy the party guys.
Babalik ako mamaya."
At sumama na siya kay Sasha.
"Ganda rin ni Ms. Sasha 'no? Bagay sila ni Sir West," sabi ni Ate Tina,
isa sa mga layout artist namin.
"Sus. Yang si sir West halata namang pinopormahan si Ms. Sasha!" sabi
naman ni Edgar.
"Kung sabagay. Hindi malabong maging sila. Bagay naman sila eh," pag
sangayon naman ni Elise.
Tinignan ko silang dalawa habang naglalakad palayo.
Bagay nga sila. At oo nga, baka nga maging sila.
Pero pwede ring hindi kung hindi naman si Sasha ang para kay West.
At sana talaga hindi siya ang para kay West. She doesn't deserve him.
Nagsimula na ang kainan. Masarap ang mga pagkain sa buffet table pero
parang hindi ko maenjoy.
Halos onti lang ang nakain ko.
Ewan ko ba ba't ang bigat ng pakiramdam ko.
Lumabas ako saglit sa event's hall. May mini garden kasi dito kung saan
pwedeng magpahangin. Naupo ako doon sa bench na malapit sa fountain at ipinikit ko
ang mga mata ko habang pinapakiramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa mukha
ko.
Kapag natapos na ang lahat nang 'to, ano kaya ang magiging takbo ng
buhay ko?
Ipinangako ni Cupid na magiging masaya ako. Naniniwala akong tutuparin
niya yun.
Para kahit papaano naman, masabi kong worth it lahat ng pinagdaraanan
ko ngayon.
Napahawak ako sa compass na nasa leeg ko.
Compass ka 'di ba? Pwede mo bang ituro sa akin ang daan habang wala pa
si Cupid? Kasi seryoso, hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko.
"West."
Napadilat ako nang marinig kong may nagsabi ng pangalan na yun.
"I really like you. Hindi ba pwedeng sa akin ka na lang tumingin?"
Napatayo ako at nakita ko sa 'di kalayuan si West at Sasha.
Ang lapit nila sa isa't-isa. Nakita kong inilagay ni Sasha ang isang
kamay niya sa batok ni West at naglapit ang mga mukha nila.
I blinked.
I blinked again.
They're kissing---in front of me.
Napalunok ako. I felt a lump on my throat. Parang may nakadagan din sa
dibdib ko dahil ang sakit sakit.
Oh god, ano 'tong pakiramdam na 'to?
Bakit kailangan niyo ipakita sa akin kung paano gumuho ang mundo ko?
Hindi ko na namalayan ang pagbagsak ng luha sa mata ko.
Tuloy tuloy. Ayaw mag-paawat.
Naghiwalay silang dalawa. Napa-angat ang ulo ni West.
Nag tama ang tingin naming dalawa.
Agad akong napatalikod at pinunasan ko ang luha sa mata ko.
Shit. Shit. Shit.
Dali dali akong umalis. Naglakad ako nang mabilis palabas.
Shit. Sana may dumaan na taxi, jeep, kahit ano.
Leche naman! Ba't ba nasa loob ng isang village ang event's place na
'to?!
Ang dilim ng kalsada. Walang dumadaang kotse.
Nakakainis!!
Hinawakan ko ng mahigpit ang compass.
Sige na please, lend me your power. Please. Gusto kong mag teleport.
Gusto ko nang umuwi. Please naman. I-uwi mo na ako.
May humawak sa braso ko at hinila ako.
"Jillian."
Napaiwas ako ng tingin.
Bakit kailangan mo akong sundan West?!
"Uhmm.. s-sumama pakiramdam ko. I-I think uuwi muna ako..."
"Ba't ka umiiyak?" he asked me coldly.
"Hindi ako umiiyak."
"Liar."
Hindi ako umimik.
"Dahil ba sa nakita mo ha?"
"Wala akong paki kung naghahalikan kayo ni Sasha," madiin kong sabi.
"I'm not kissing her."
Inangat ko ang tingin ko sa kanya.
"Eh anong tawag doon sa nakita ko? Ano yun? Hindi ba halikan yun?"
"Ba't ka nagagalit ha?"
"Hindi ako nagagalit!"
"Eh anong tawag dyan?"
"Naiirita kasi tinatanggi mo pa eh kita ko na!"
"At dahil sa nakita mo kaya ka umiyak?"
"West---! Ano ba! Ano bang gusto mong palabasin ha?!"
Mas humigpit ang hawak niya sa braso ko at hinila niya ako palapit sa
kanya.
"Sasha is kissing me but I'm not kissing her back."
"Wala akong paki. Wala kang dapat i-explain! Paki ko kung gumanti ka ng
halik sa kanya o hindi?! Ano ngay---!"
Hindi ko na nagawa pang ituloy ang sasabihin ko because he started
kissing me.
Hawak niya ang magkabilang side ng ulo ko.
Dapat nagpupumiglas ako ngayon. I should push him away.
Pero bwisit naman! Why am I letting him kiss me?! Why?!
Humiwalay siya at tinitigan niya ako sa mata.
"Kiss me back," he whispered.
Then he started kissing me again.
At ang nakakainis?
Sinunod ko siya. I kissed him back.
Kahit alam kong mali.
But damn it! I love him and I badly want him!
Bakit ang hirap hirap pigilan nang nararamdaman ko para sa lalaking
'to?! Bakit?!
I love him and it hurts so much.
Naramdaman ko ang mga braso niya sa likod ko. He's pulling me closer.
Our bodies crashed into each other. Hindi ko napapansin na hinihila ko na rin siya
papalapit sa akin.
God, I want him. Please. Ba't hindi na lang siya. Ba't hindi pwede?
I kissed him. I kissed him with too much love, and passion and longing.
At hindi ko napansin, tuloy tuloy na rin ang pagbagsak ng luha sa mata
ko.
Dahil alam kong hindi pwede itong ginagawa ko.
Pero ginawa ko pa rin.
To be continued..
IMPORTANT!!!! PLEASE READ!!
Ang daming nag comment sa last chapter about kay Hephaestus. Ang daming nanghuhula
sino ba si Hephaestus. Sa last na pagkakatanda ko, na-introduce ko na siya BEFORE
sa isang chapter dito.
Hephaestus is APHRODITE'S HUSBAND. He's a blacksmith kaya siya ang gumawa (ulit)
ng pana ni Cupid doon sa last chapter.
Sa mga nagsasabing TATAY NI JILLIAN si Hephaestus..
- Hindi po. Parang ilang chapters na ata nabanggit na ang tatay ni Jillian ay isang
mortal at POLITICIAN? XD
Sa mga nagsasabing NANAY NI JILLIAN si Hephaestus
- Mas lalong hindi. Sa huling pagkaka check ko, straight na lalaki naman si
Hephaestus. So wititit.
About Cassandra:
May isang chapter na pinaliwanag na rin ni Cupid sino ba si Cassandra? Pero sa mga
hindi nakakaalala, sige i-explain ko na rin.
MORTAL po si Cassandra. Hindi siya goddess. Tao lang din siya na isinumpa ni Apollo
na makakakita ng "future" pero hindi paniniwalaan nang kahit na sinong mortal.
Kaya naniniwala sa kanya si Jillian ay dahil may dugong goddess siya at kasama na
yun sa instinct niya.
"HA?! MAY DUGONG GODDESS SI JILLIAN?!"
Chapter 54
Chapter 54
[Jillian's POV]
"West, stop.."
Medyo humiwalay ako sa kanya. He's still holding me close. Ramdam ko pa
rin ang hininga niya sa mukha ko.
Nakasandal na ako sa poste na nasa tabi namin. Hindi ko alam kung paano
ako napasandal dito. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.
Ang tanging nasa isip ko na lang ay, gosh, West is kissing me and I am
kissing him back.
Gosh ano ba! Akala ko alak lang ang nakakalasing pero bakit pakiramdam
ko na-ha-high ako kay West ngayon? Ano ba!
"Really?"
"O-oo!"
Oh damn it!
Hindi ko napansin na I'm still pulling him closer to me. Shit naman.
Ano ba! I should push him away. Dapat itigil 'to. Mali 'to! Mali! Mali!
Oh what the hell. He's kissing me again. And I'm kissing him back
again!
Ano ba! Nakakainis naman eh? Ba't ba ang weak ko. Ano ba!
"W-west.."
I want to stop. Please. Let's stop this. Mahihirapan lang tayo lalo.
Napalunok ako.
"Let's go Jillian."
Tell him uuwi ka mag isa. Tell him na maiiwan siya dito at ikaw, aalis
ka na. Na hindi ka niya pwedeng ihatid kasi---holy crap! Mag-isa lang ako sa bahay.
At baka halikan ulit niya ako. At baka kung saan pa ito mauwi.
"Jillian?"
Napalunok ako.
Holy shit.
~*~
Nandito kami ni West pareho sa tapat ng apartment ko. Nasa loob pa rin
kami ng kotse. Walang nagsasalita. Mula kanina nung umalis kami, walang umiimik.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga sa sobrang
kaba. Hindi ko na alam ang next move ko.
Ano? Ano nang gagawin ko? I kissed him awhile ago. Kung sasabihin kong
hindi ko siya mahal, paano pa niya ako paniniwalaan kung maliwanag pa sa sikat ng
araw ang nararamdaman ko sa kanya.
Or...
"Jillian."
Naramdaman kong hinawakan ni West ang kamay ko. I badly want to pull
away pero hindi ko magawa.
Bakit ba mahal na mahal ko ang isang taong hindi naman para sa akin?
"Jillian, I---"
Hindi naituloy ni West ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang
phone niya.
Nasa dashboard ang phone ni West kaya naman nakita ko kung sino ang
tumatawag.
It's Zyron.
I know that for a moment, nakalimutan niya ang kapatid niya. At alam
kong ngayon na naalala na niya si Zyron, guilt is eating him up.
Hindi ako umimik. Hinihintay kong siya ang unang mag salita. Kasi sa
totoo lang, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
"Jillian."
Napalunok ako.
Paano ko gagawin yun West kung natatakot ako? Baka 'pag lumingon ako
sa'yo, hindi na ako makaatras. Alam kong 'pag tinignan ko ulit ang mga mata mo,
mawawala na naman ako sa sarili.
"Jillian please.."
Hinawakan niya ulit ang kamay ko. This time, ang higpit na ng hawak
niya.
"Jillian, I still love you. Hindi na ata kita mapapalitan sa puso ko."
West please...
"Kanina, you kissed me back. Kanina, niyakap mo ako. Mahal mo ba ako?
Ayoko nang mag assume. Gusto ko nang marinig mismo sa'yo 'to."
He gave me a sad smile. "Hindi ko alam. Yun na ata ang destiny ko. Ang
mahalin ka nang husto."
"West I---"
"Hey!"
Bigla kaming naghiwalay ni West nang may kumatok doon sa bintana niya.
HOLY CRAP.
Oh my gosh!
"Si Eros."
Tumango ako.
"West---!"
~*~
He chuckled.
Bwiset!
"A-anong nangyari?"
"Na-report na sa pulis?"
Tumango ako, "oo. Pero tingin ko si Ayesha ang may gawa nito."
"Si Ayesha? Bakit naman? Jillian, bakit naman sasaktan ni Ayesha ang
isang mortal na kagaya ni Cassy?"
Umiling si Cupid. "It's impossible Jillian. Nag masid ako kay Cassy,
she's a fraud."
Hindi ako umimik. Gusto kong paniwalaan ang sinabi ni Cupid para hindi
na rin ako ma-guilty. Pero bakit ganoon? Bakit iba pa rin ang pakiramdam ko rito?
"What are you doing inside West's car?" tanong ni Cupid sa akin.
Umiling ako, "I know. Ilang beses mo nang pinaulit-ulit yan sa akin. P-
pero pwede bang mag request?"
Hindi umimik si Cupid. Alam kong may idea na siya sa irerequest ko.
Alam ko ring katangahan na itong gagawin ko. Pero hindi ko na talaga kaya.
"Jillian.."
"I love him so much," my voice broke. Tuloy tuloy na naman ang
pagbagsak ng luha sa mata ko. "I love him, Cupid. Nahihirapan na ako. Please?"
"Wala akong paki! Wala na akong paki kung magulo ang lahat o mas
masaktan ako sa huli. I just want to be with him now. I love him and damn it! It
hurts!"
"Jillian, wala pa akong plano sabihin sa'yo dapat ito pero kung ito
lang ang magiging dahilan para mas maging malinaw sa'yo ang lahat, then I think I
need to tell you this."
"A-ano yun?"
"And remember your best friend nung nasa ampunan ka pa? Si Ana Morillo?
Siya ang nakatadhana para kay West, Jillian. At bukas, kailangan natin siyang
puntahan dahil kailangan na siyang makilala ni West bago pa mahuli ang lahat."
Napaupo na lang ako sa sahig. Ayaw mag sink in ang lahat ng sinasabi sa
akin ni Cupid.
"Kung ipipilit mo ang gusto mo, paano na lang si Zyron at Ana? Kung
ipipilit mo 'yan, malalagay lalo sa kapahamakan ang lalaking nakatadhana talaga
para sa'yo dahil alam mo naman na gusto siya ni Ayesha. Jillian, alam kong gustong
gusto mo nang maging masaya. Alam kong sa ngayon, gusto mo nang magpaka selfish.
Pero please, magtiwala ka sa akin. Alam kong hindi biro ito. Pero pinapangako ko
sa'yo, you'll be happy. Pangako yan. Pero sa ngayon, may misyon ka."
~*~
[West's POV]
"West, saan ka galing? Where's Jillian? Kasama mo ba siya?" salubong sa akin ni
Zyron nang makauwi ako. "Pareho ko kayong hindi ma-contact eh."
I know how much he loves Jillian. At ayokong masaktan ang kuya ko.
Pero hindi ko na kayang pigilan 'to. I love her so much. Akala ko nung
una kaya kong magparaya.
Pero hindi ko pala magagawa yung kung hindi rin ako lalaban para
mahalin niya ako.
"West?"
Tumango ako.
Hindi umimik si Zyron pero kita ko ang galit sa mga mata niya. Ramdam
ko na gusto niya akong sapakin ngayon.
"I still love her, kuya. I'm sorry. Hindi ko siya kayang bitiwan. Mahal
ko siya."
"Okay then," sabi niya. This time, mas mahinahon na ang boses niya.
"May the best man win."
"Kuya..."
"Babala lang kapatid, hindi agad ako susuko kay Jillian," sabi niya.
To be continued....
Chapter 55
Chapter 55
[West's POV]
"So, we fell in love with the same girl huh?" sabi ni kuya Zyron sabay inom ng
beer.
I shrugged, "oo nga eh."
Bumuntong hininga ang kuya ko. "Alam mo ba nung inampon ako ng parents
mo-"
"-natin," pagtatama ko sa kanya.
"Okay---ng parents natin eh ang saya ko kasi ikaw ang naging kapatid
ko. Magkasundo tayo sa lahat ng bagay. Marami tayong pagkakapareho. At halos iisa
ang mga gusto natin. But who would have thought na pati babaeng mamahalin natin eh
pareho rin?"
Hindi ako sumagot instead nilagok ko yung alak na hawak ko.
Hindi ko alam kung matatawa, maiinis o mawi-wirduhan ako sa sitwasyon
naming dalawa. Magkapatid kami eh. Pero eto kami ngayon, magkaribal dahil sa isang
babae. At kahit magkaribal kami, nagawa pa naming mag inumang dalawa.
"Minsan iniisip ko sana hindi mo na lang nakilala si Jillian," sabi ko
sa kanya.
He grinned, "sorry bro pero mas nauna ko siyang nakilala kesa sa'yo."
I sighed, "so, magkakilala na nga talaga kayo doon sa bahay ampunan?"
Tumango siya.
Naghinala na ako dati na kilala ni Zyron si Jillian nang malaman kong
sa iisang bahay ampunan tumira ang dalawa.
Pero hindi ko akalain na gusto rin siya ng kapatid ko.
"West, alam kong mas lamang ka sa akin ngayon but I want you to know na
hindi ko agad susukuan si Jillian."
Napatawa ako ng mahina. "Anong mas lamang? Pakiramdam ko nga ikaw pa
ang mas lamang eh. Ilang beses na kaya niya ako binasted. Pero katulad mo, 'di ko
rin siya susukuan. It's either her o mananatili na akong single habang buhay."
He grinned. "It's either her o ikamamatay ko kapag hindi ako ang pinili
niya."
Napailing ako. "Matindi na ang tama natin."
"Sobra. Grabe kasi ang babaeng yan. Pag tinamaan ka sa kanya, sobra
sobra."
"Pero paano kung may iba siyang magustuhan?"
"Edi iyak tayong dalawa."
Napatawa ulit ako ng mahina.
"Para tayong gago 'no? Magkaribal tayo pero nagagawa pa rin nating
makipagbiruan sa isa't-isa."
"Hindi lang kasi tayo magkaribal West. Magkapatid din tayo. Pero 'di
porket mas bunso ka eh pagbibigyan na kita ah?"
I smile, "hindi porket panganay ka magpapa bully na ako sa'yo."
"Edi ayos. Sabi ko nga kanina, may the best man win."
Napatango ako.
Ang gaan sa pakiramdam. I know Jillian kissed me back a while ago pero
ayokong pakampante sa gesture niya na yun.
Kuya Zyron is a great guy at tanga na lang kung sinong hindi magkagusto
sa kanya. At alam ko malaki ang chance na mahulog si Jillian sa kanya.
But I don't want that to happen. I love her and I want her to fall for
me. At hindi ako papayag na matalo nang walang ginagawa.
Kaya kung sakali man na ang ending nito eh magiging si Jillian at Kuya
Zyron, mas madali kong matatanggap.
Kasi alam kong ginawa ko na ang lahat.
~*~
[Jillian's POV]
At first I was numb and speechless. Hindi ko alam ang i-re-react ko. Ni-hindi ko
magawang umiyak. Ayaw mag sink-in sa utak ko ang mga nangyayari.
Hawak ko ang book of soulmates. Ang linaw linaw nang nakalagay.
Nakaduktong ang kapalaran ko kay Zyron. Nakaduktong kay Ana si West.
Si Ana.
Pumikit ako at pilit kong inalala ang matalik kong kaibigan sa bahay
ampunan. Eleven years old kami nung maghiwalay kaming dalawa dahil naampon siya.
Naalala ko na palatawa siya, makulit, ang hilig mag biro. Favorite niya na laro
noon eh yung kunyari nasa ospital kami at siya yung doktor na gumagamot sa mga
pasyente.
Ngayon kaya naging isang ganap na doktor na siya? Ganun pa rin kaya
siya? Palatawa, masiyahin, makulit, laging masaya?
Kaya kaya niyang pasayahin si West? Mapapatawa niya ba 'to?
Makakapagbigay ba siya ng oras kay West pag may problema siya? Maalagaan niya ng
husto?
Napahawak ako sa dibdib ko.
Nakakainis naman. Hindi ko pa nakikita ulit si Ana. Hindi ko pa alam
kung gaano kalaki ang pinagbago niya. Pero bakit ganun? Bakit parang hinihiling ko
na sana "hindi" lahat ng sagot sa mga tanong ko?
Para magalit ako sa kanya? Para magkaroon ako ng dahilan para wag na
siyang i-matchmake kay West?
Ang selfish mo talaga Jillian.
Isinarado ko ang book of soulmates at ibinato ito sa pader. Bwiset
naman oh!
Oo aaminin kong nagkaroon ako ng doubt kay Cupid. Oo pinilit ko siyang
ipakita sa akin ang book of soulmates. At ano ang napala ko?
Pakshet.
Minsan hinihiling ko na lang na sana nantitrip lang 'tong si Cupid eh.
Na joke lang lahat. Na kay West talaga nakaduktong ang kapalaran ko.
Pero nakakayamot. Ayan. Pinakitaan na ako ng pruweba. Bwiset.
Ang tagal kong hiniling na sana ipakilala na sa akin ni Cupid ang para
sa akin. Nung nalaman ko, bakit ang bigat sa dibdib?
Hindi ba dapat maging masaya ako? Zyron is a great guy.Kahit ang yabang
ng dating niya sa akin dati, napatunayan naman nya na he's a complete gentleman and
he really cares for me.
Pero bakit hindi ko ma-imagine ang sarili ko na kasama siya?
"Impatient."
Napa-angat ang ulo ko at nakita ko si Cupid sa gilid ng kwarto ko na
pinupulot ang book of soulmates na binato ko.
"You are so impatient, Jillian."
"Leave me alone."
"Ayoko. Baka susunod mo namang ibato eh ang compass mo."
Naupo siya sa gilid ng kama ko.
"Lagi ka na lang broken hearted," sabi niya.
"Eh bwiset ka pala eh. Kasalanan mo 'to!"
"Ikaw kaya ang may kasalanan. Kung 'di mo ninakaw ang pana ko edi hindi
mangyayari 'to."
I wiped my tears aggressively at tinignan ko siya ng masama.
"Ang galing galing mo talaga mang comfort 'no?!"
Ngumisi siya. "Talent ko eh. Ano, bibilhan na ba kita ng alak?"
Umiling ako, "para ano pa? Para maglasing tapos susugod na naman ako
kay West at mag i-strip dance?!"
He chuckled. Binato ko nga ng unan.
"Aray ah!"
"Wag kang umaray! Mas nasasaktan ako ngayon! Hayop!"
"Nasasaktan din naman ako. Hindi ko pa rin kasama ang asawa ko."
Nakakainis ang isang 'to!!
"Alam mo Cupid, minsan iniisp ko bakit ang laki laki laki ng tiwala ko
sa'yo samantalang ang dami dami mong inililihim sa akin? Bakit kaya ginagawa ko pa
lahat ng sabihin mo kahit nasasaktan na ako?"
"Kasi masokista ka? O uto-uto? O ginayuma kita? Who knows."
Hinampas ko ulit siya pero napabuntong hininga ako.
"Siguro nga ganun ang ginawa mo. Ginamitan mo ako ng kung anong
salamangka. Kahit kasi anong isip ang gawin ko hindi ko maiwasan na mag tiwala
sa'yo eh."
Hinila ako ni Cupid papalapit sa kanya at inakbayan.
"Alam kong paulit ulit na ako Jillian, pero itaga mo man sa bato,
tutuparin ko ang pangako ko na magiging masaya ka."
Napahikbi ako.
Bahala na. Umpisa pa lang si Cupid na ang pinili kong pagkatiwalaan.
Kailangan ko na lang maniwala na totoo ang mga sinasabi niya.
At sana hindi ako nagkamali.
~*~
"Hindi ba pwedeng pag-isipan ko muna 'to?" tanong ko kay Cupid habang hawak-hawak
niya ang braso ko.
"Hindi."
"Cupid naman eh! Maga ang mata ko kagabi kakaiyak because of West tapos
ngayon gusto mo nang puntahan natin si Ana? Ayoko!" hinatak ko ang braso ko sa
pagkakahawak niya.
"Jillian please, we need to go. We are running out of time. Ni hindi pa
magkakilala si Ana at West."
"Do we really have to go now?"
"Yes."
"Hindi ko pa kaya."
Hinawakan ako ulit ni Cupid. "Then sorry, I have to do this."
"Cupid---!!!"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil napalibutan na kaming
dalawa ng liwanag. Pilit akong kumalag sa pagkakahawak niya pero ang higpit.
Shit naman!
Dadalhin niya ako kay Ana! Hindi ba niya maintindihan na hindi pa ako
handa?! Ba't hindi niya ako mabigyan ng oras?! Wala ba siyang pakielam sa
nararamdaman ko?!
And why the hell am I still trusting this guy?!
Napapikit na lang ako. Naramdaman ko ang paglutang namin ni Cupid. At
nang muling maramdaman ko ang sahig, nakita kong nasa parking lot kami ng isang
building.
Hinampas ko si Cupid.
"Nakakainis ka! Ba't ba ayaw mo akong pakinggan ha?! Nakakainis ka!"
"I'm sorry Jillian, kailangan talaga nating umalis ngayon or else we
will miss our chance!"
"Excited ka talagang i-matchmake sa iba si West 'no?" sabi ko sa kanya.
He smile, "excited na akong maging masaya ka. Halika na."
Sinundan ko si Cupid papasok ng elevator.
"Cupid, hindi ko maintindihan..."
Nilingon niya ako, "ang alin?"
"Sabi mo si Zyron ang para sa akin. P-pero bakit ganun? Bakit si West
pa rin ang mahal ko?"
"Kasi Jillian hindi nangyayari ng overnight lang ang pag m-move on."
"Magagawa ko kayang mahalin si Zyron katulad ng pagmamahal ko kay
West?"
He smile at me. "Alam kong higit pa doon ang ibibigay mo sa kanya."
Napaiwas ako ng tingin.
Higit pa? May hihigit pa ba rito sa nararamdaman ko?
Nagbukas ang elevator at unang bumungad sa amin ay ang nurse station.
Napahinto ako bigla.
"Nasa ospital tayo?"
Tumango si Cupid.
Napangiti ako.
"Wow. Natupad nga niya ang dream niyang maging doktor."
Napaiwas ng tingin si Cupid at nagulat ako nang makita ko ang lungkot
sa mata niya.
"Jillian, a-actually... Ana is a patient here."
"H-ha? W-what do you mean?"
Napahinga ng malalim si Cupid at tinignan ako sa mata.
"Ana has cancer. She's dying. That's why we are running out of time."
To be continued.
Chapter 56
Chapter 56
[Jillian's POV]
Halos hindi ko maigalaw ang mga hita ko papasok sa hospital room ni Ana. Hawak-
hawak ko nang mahigpit ang braso ni Cupid. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nagaalinlangan ako na makita
siya?
Kumatok si Cupid sa room pero walang nagbukas para sa amin. Instead
isang mahinang "pasok kayo.." ang narinig namin.
Cupid opened the door at pumasok kami sa loob. Walang ibang tao sa loob
bukod kay Ana na naka-higa sa hospital bed. Sobrang payat niya. May bonnet na rin
siyang suot na sign na wala na siyang buhok.
Leukemia.
Parang gusto kong maiyak.
Nilingon kami ni Ana at nakita ko siyang ngumiti ng malawak.
"Jillian," sabi niya.
Agad akong lumapit sa kanya.
"Na-recognize mo ako?"
Tumango siya, "yung picture natin palaging nasa wallet ko."
"Ana..."
I occupy the seat beside her bed at hinawakan ko ang kamay niya.
"P-paano ka pala napunta rito, Jill? Sinabi ba ni Mother Superior
sa'yo?"
Hindi ako nagsalita.
"Si mother superior talaga... pero atleast nakita kita uli. Ang tagal
na 'no?"
Tumango ako, "k-kamusta ka doon sa pamilyang umampon sa'yo?"
She smiled, "masaya ako doon Jillian. Sobrang saya." Napahinga siya ng
malalim. "Naalala mo noon sabi ko gusto ko ang aapon sa akin eh mayaman? Tapos na-
disappoint ako na isang oridinaryong pamilya lang ang umampon sa akin. But it turns
out, sa kanila ko pa mararamdaman ang tunay na pamilya."
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, "I'm really happy for you
Ana."
Tumawa siya ng mahina.
"Sa lahat ng dumalaw sa akin, ikaw lang an nagsabi niyan."
"N-no! H-hindi yun ang ibig kong sabihin. I-I mean---"
"I know Jillian. I know. And I'm glad na may tao pa ring sasabihan ako
na masaya sila sa akin sa kabila ng nangyayari sa akin ngayon."
Napalunok ako. I fought back the tears.
God. She's the same old Ana. Yung Ana na kaibigan ko na masiyahin at
masyadong positive ang outlook sa buhay.
She's smiling brightly. Her eyes are shining.
Kahit nahihirapan siya. Kahit may sakit siya.
She deserves West. At ang bigat sa dibdib.
"Ikaw naman? Kamusta ka? Boyfriend mo ba yung kasama mo kanina?"
Napalingon ako sa likod. Wala si Cupid. Ibinalik ko ang tingin ko kay
Ana at nginitian siya.
"Pinsan ko yung kasama ko. Si Eros."
"Oh. Kaya pala magkahawig kayo."
Parang bigla naman akong nag blush dahil sa sinabi niya. Kahawig ko raw
si Cupid? Ibig sabihin ang ganda ko?!
"Jillian... how are you? Doon ka sa papa mo nakatira na?"
Natigilan ako bigla at napaiwas ng tingin sa kanya.
"Uhmmm... hindi eh. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakakausap."
"Why? What happened?"
"Eh ganun talaga. Itinakwil..."
Biglang lumungkot ang mukha ni Ana.
"I-I'm sorry Jillian.."
Umiling ako, "ano ka ba! Wag na nga natin pagusapan yun. Sige change
topic tayo!"
Kung anu-ano ang pinagusapan namin ni Ana. Tawa kami nang tawa. Ang
daming kwento sa isa't-isa.
Sabi nila pag matagal na hindi nagkikita o nagkakausap ang magkaibigan,
nagiging awkward na sila sa isa't isa. Pero with Ana, parang walang nagbago. Hindi
na nga lang kami yung mga batang nine years old na walang ibang ginawa kundi mag
laro. We're both grown ups now. Pero siya pa rin ang nag iisang best friend ko.
For a moment, nakalimutan kong siya ang nakatadhana kay West. For a
moment, I forgot that she's dying.
Ang ganda kasi ng ngiti niya. Ang sarap niya kausap.
Ang sakit naman.
Sana dati ko pa siya hinanap. Sana matagal ko na siyang pinuntahan. Ang
dami siguro naming bonding moments 'no?
Sana dati pa niya nakilala si West.
Oo nga. Kung dati pa dumating si Ana sa buhay ni West, magugustuhan
niya kaya ako?
Sabi ni West, nung kaka-hire pa lang niya sa akin, napapansin na niya
ako. He already likes me long before ko pa siya mapana.
Pero kung nakilala kaya niya si Ana, magugustuhan kaya niya ako without
the help of the arrow?
Malamang hindi.
"Saan ka pala nauwi Jillian?"
"Ah.. diyan lang ako sa Pasig."
"Oh? Eh ano ginagawa mo rito?"
"Dinadalaw ka nga!"
"Talagang pumunta ka rito sa Cebu para dalawin ako?"
Nanlaki bigla ang mata ko, "nasa Cebu tayo?!"
Ana look puzzled. I fake a laugh.
"Ah hehe... j-joke!"
Bwiset kang Kupido ka! Ni hindi mo ako ininform na nasa Cebu pala tayo!
Napailing siya habang nakangiti, "hanggang ngayon ang corny mo pa rin."
"Ang sama mo ah!"
Napatawa siya.
"I'm really happy to see you again, Jill. Thank you ah? Dahil
pinuntahan mo ako dito."
I feel a tight knot in my stomach.
Nakokonsensya ako. Sa totoo lang, kung hindi pa dahil kay Cupid, hindi
ko pupuntahan si Ana. Hindi ko siya hahanapin. Kung hindi siya ang nakatadhana kay
West, hindi ko siya uli makikita.
West.
Hindi ko alam ang mas masakit. Ang malaman kong may malubhang sakit si
Ana o ang ma-realize na bagay na bagay silang dalawa ni West.
Pero paano si West kung mamatay si Ana? Paano na siya?
~*~
"Are you okay?" tanong ni Cupid sa akin nang lumabas ako sa room ni
Ana.
Nang dumating na ang parents ni Ana, nagpaalam na rin ako sa kanila at
nangako na babalik ako.
Hindi ako sumagot instead hinawakan ko lang sa braso si Cupid.
Nagtungo kami sa fire exit kung saan walang tao. When the coast is
clear, nag teleport na kami papuwi sa apartment ko.
Napaupo agad ako sa sofa ng living room ko at ipinatong ko ang ulo ko
sa dalawa kong kamay.
"Jill..."
"Dapat pa bang makilala ni West si Ana?" halos pabulong kong tanong.
"Jillian... bakit ganyan ang tanong mo?"
Inangat ko ang ulo ko at tinignan ng seryoso si Cupid.
"Ana is dying! Paano kung magkakilala sila ni West at nahulog sila sa
isa't-isa? Masasaktan lang sila pareho! Lalo na si West! Worth it pa ba na
pagkitain ko sila?!"
Napa-hinga ng malalim si Cupid at lumapit siya sa akin.
"Ayan ba talaga ang iniisip mo o ayaw mo lang bitiwan si West?"
Parang patalim na sumaksak sa dibdib ko ang tanong ni Cupid.
"B-ba't ganyan ka mag-isip sa akin?! Concern lang ako sa dalawa Cupid!"
"I know that. Pero Jillian, gusto ko lang ipaalala sa'yo na you don't
own West. He's not the one for you."
"Alam ko yun!" sabi ko habang hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng
luha ko.
Stupid, stupid Cupid!
"Alam ko yun Cupid! Hindi mo na kailangan ipagdiinan pa iyon sa akin!!"
"Jillian," ipinatong ni Cupid ang mga kamay niya sa balikat ko at
tinitigan ako. "Kapag namatay si Ana, mawawala na ang kaduktong ng tadhana ni West.
But it doesn't mean na pwede na kayo because you are destined to be with Zyron.
Walang pwedeng makapag-bago sa nakasulat sa book of soulmates-kahit ako. At
gustuhin man kita ibigay kay West, hindi pwede."
Napaiwas ako ng tingin.
"Pero may pag-asa pang mabuhay si Ana."
Bigla ulit akong napatingin kay Cupid.
"P-paano?"
"The gods can help her kung makakahanap si Ana ng reason at will para
mabuhay. Sa ngayon kasi, tanggap na niya ang kapalaran niya."
Napapikit ako habang humihinga ng malalim.
"Kaya kailangan kong dalhin si West sa kanya?" my voice broke.
"I know it hurts you Jillian. Pero isipin mo, kapag namatay si Ana,
habang buhay na mag-isa si West. Yes mahal mo si West. Yes maaring suwayin mo ang
lahat at tatakbo ka ngayon sa kanya. Pero darating at darating ang panahon na
mawawala ang pagmamahal mo sa kanya dahil kay Zyron. Because Zyron is the one for
you. At ano na ang mangyayari kay West?"
Ayokong isipin. Ayokong tanggapin.
Ang sakit.
"Jillian, hindi ako humihingi ng pabor para sa sarili ko. I'm asking
this favor to you para kay West at Ana."
Lumayo ako kay Cupid at tinalikuran ko siya.
Ang sakit sakit sakit.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan ko si West.
"Jillian?" sabi niya mula sa kabilang linya.
Boses pa lang niya parang dinudurog na ang puso ko.
"W-West.. uhmm.. busy ka ba n-next week?"
"H-hindi! Hindi! I'm free next week. Why?"
Huminga ako ng malalim.
"Samahan mo naman ako bisitahin ang kaibigan ko. Okay lang ba?"
"Sure! No problem! Basta ikaw Jillian!"
Punong-puno ng sigla ang boses ni West. Ang saya saya niya.
Kung alam lang niya...
To be continued...
Chapter 57
Chapter 57
[Jillian's POV]
Nandito ako ngayon sa isang coffee shop at iniintay si West na dumating. Nakatingin
ako sa bank account ko at paulit ulit kong minumura si Cupid sa isip ko.
Lecheng god of love talaga ito! Leche!
Ang lakas ng loob niya para sabihin na siya na ang bahala sa trip namin
ni West papuntang Cebu para dalawin si Ana. Dahil daw nasasaktan na ako, unfair
naman daw kung mas pahihirapan pa niya ako sa pagaayos. Kaya siya na raw ang
bahala. Wala na raw akong dapat isipin.
Aba'y siya nga ang nagasikaso lahat pero ang ginamit naman niya na pera
ay ang savings ko. Walanghiya talaga! At nagbook nga ng hotel! Sa mamahaling hotel
pa! At mamahaling hotel room pa ang kinuha niya para sa amin ni West!
At syempre hindi naman kami pwede magsama sa isang kwarto, tig-isang
room ang kinuha niya.
8,000 per night. Two nights kaming naka-book. Tig 16,000 kami ni West.
All in all, 32,000 ang babayaran ko para sa kwarto namin. WALANGHIYA.
Tapos ang libre lang doon eh breakfast! Saan na ako kukuha ng pang
lunch at dinner namin?!
At syempre hindi pa kasama dyan ang airfare namin na sa savings ko rin
kinuha.
WOW CUPID! WOW!
I think I got swindled!
Seryoso! Eto ako ngayon papunta sa Cebu para i-match make ang lalaking
mahal ko sa best friend ko tapos wow, ako pa ang sumagot lahat.
Well, hindi ko naman pwedeng hingan si West ng pera. Nakakahiya dahil
alam niya nagpapasama lang ako sa kanya. Hindi siya aware na nandito ako para
gamutin ang pagiging broken hearted niya by matchmaking him to Ana.
Hayop ka talaga Cupid!!!! Humanda ka sa akin pag nakabalik ako!
Ibebenta ko ang katawan mo nang mapalitan naman lahat ng nagastos ko!
"Jillian?"
Napa-angat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni West. Papalapit
siya sa akin habang ang ganda ganda ng ngiti. He's wearing shades, a blue checkered
polo and black maong pants.
Parang nabura ang galit na nararamdaman ko.
Ano ba 'to? Ba't ang gwapo niya?! Dati naman hindi gwapo ang tingin ko
sa kanya! Dati inis na inis ako sa kanya kasi ang sungit sungit niya. Lagi niya
akong binubulyawan at pinapagalitan. Para siyang matandang babae na nasa menopausal
stage.
Pero ngayon...
Oh damn it!
Ano ba Jillian! Wag mo na siyang pagnasahan. Kahit pa mag laway ka
dyan, hindi siya magiging sa'yo okay?
You don't deserve a guy like him.
Bwiset na buhay 'to.
"Hi Jillian. I'm so sorry napag-antay kita."
"O-okay lang ano ka ba! Pareho naman tayong maaga."
He checked his watch, "medyo maaga pa nga tayo pero tingin ko okay na
rin yun para hindi tayo nagmamadali. Let's go?"
Tumango ako at tumayo na. Kinuha naman ni West ang bagahe ko at siya
ang nagdala.
"Ah West okay lang ano ka ba! Ako na mag dadala ng maleta ko."
"Okay lang. Ako na," nakangiting sabi niya.
"P-pero color pink yung maleta ko..."
He grinned, "so?"
Umiling ako. Yung puso ko lumulundag. Simple gesture yet ang sweet ng
dating sa akin.
Nakakabwiset ka naman West. Ang sarap mong batukan talaga. Gustong
gusto mo ako pinapahirapan 'no? Magsama kayo ni Cupid.
"So your friend Ana..." sabi ni West habang nagmamaneho siya papunta sa
airport. "Kwentuhan mo naman ako about sa kanya."
Napalunok ako.
Si Ana? Siya yung para sa'yo West.
"Uhmm... si Ana? Ahmm, ayun sabay kami lumaki sa bahay ampunan. Pareho
kami ng kapalaran nun. Baby pa lang pinaampon na. Yun lang sa kanya, hindi niya
kilala ang parents nya. Ako, dinadalaw minsan ng tatay kong nantakwil sa akin. Best
friend ko si Ana. Lagi kaming magkasama niyan lalo na sa kalokohan. Actually ako
lang ang maloko. Ang hilig kong gumagawa ng ikapapahamak ko. Tapos lagi niya akong
pinagtatakpan kaya naman minsan kahit wala siyang kasalanan, nadadamay siya. Ana...
she is such a great friend."
He smiled.
"Wow. Excited na akong makilala siya."
Medyo kumirot ang puso ko. Ano ba naman kasi ito. Bakit ba naman
ganito.
"Gusto ko ring pasalamatan siya kasi naging mabuti siyang kaibigan
sa'yo."
Nilingon niya ako saglit at nginitian.
Parang natutunaw ang puso ko. Ano ba naman 'to.
Huminga ako ng malalim.
"Mas okay siguro kung bibigyan mo rin siya ng encouraging words. She
badly need it."
"Of course I'll do that."
Nakarating na kami ni West sa airport. Hindi gaano karami ang tao
ngayon dito kaya naman mabilis lang kami nakapag check-in. One and a half hour
before the flight, nakaupo na kami sa waiting area.
"You want coffee?" tanong niya sa akin.
"Ah, no thanks. Nakapag kape na ako."
"How about something to eat?"
Nginitan ko siya, "nope. I'm full. Thank you."
Nag paalam si West sa akin na bibili lang daw siya ng kape saglit. Ako
naman, inginudngod ko ang ulo ko sa backpack ko. I am so sleepy. Kagabi hindi ako
halos nakatulog kakaisip sa trip na 'to. Iniisip ko kung ano ang mga mangyayari,
kung ano ang mararamdaman ko. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni West pag
na-meet na niya si Ana.
Natatakot ako.
Part of me, gusto nang umatras. Pero may parte rin sa akin na pinipilit
kong i-push ang sarili ko sa sitwasyon na 'to dahil sa isang dahilan.
I want West to be happy.
Dahil sa antok ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako nang tinatapik na ni West ang braso ko.
"Jillian, papasok na tayo sa eroplano."
Kinusot-kusot ko ang mata ko. I am so sleepy.
Groggy akong naglakad kasunod si West. Halos papikit na rin ang mata ko
kaya naman nang makaupo na kami sa loob, tulog na agad ako. Ni hindi ko na
namalayan na nag-take off na ang eroplanong sinasakyan namin. Ni hindi ko na rin
namalayan na sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni West at ginawa kong hotdog pillow
ang braso niya.
Nagising na lang ako sa kalagitnaan ng byahe na nasa ganung posisyon.
Halos mapamura ako at nawala talaga ang kaantukan ko nang makita ko ang sarili ko
na nakapulupot sa braso ni West!
"Ba't 'di mo ako ginising?!" sabi ko sa kanya.
"Eh?" sagot niya habang ang lawak ng ngiti.
Holy crap!
Tinalikuran ko siya. I heard him chuckled. Hindi ko pinansin at pumikit
ako. Nagpanggap ulit na tulog.
Ano ba! Ano ba naman!
Naka-nganga pa naman ako matulog! Natuluan ko kaya ng laway ang braso
nya?
Ano ba! Nakakahiya ka Jillian! Argghh! Ang sarap sabunutan ng sarili
ko!
Hanggang sa makarating kami sa Cebu, nagpanggap ako na tulog kahit na
nakakangawit ang pwesto ko. Nakakahiya kasi!
Pagbaba tuloy namin ng eroplano, feeling ko nagka stiff neck ako.
"Kasi naman mas comfortable ka sa pwesto mo kanina sukat lumipat ka pa
ng pwesto," naka-ngiting sabi ni West.
Feeling ko naginit lalo ang mukha ko.
Bwiset na 'to! Nakuha pa akong asarin!
Nang makalabas kami sa airport, may nag-aantay na sa amin na service
papunta sa hotel na tutuluyan namin.
"Kuya malapit lang po ba yung hotel?" tanong ko sa kanya.
"Ay ma'am medyo malayo-layo po. Mga 30 to 40 minutes na byahe."
Napatahimik ako. Ba't ang layo? Alam ko banda rito lang sa town yung
ospital?
Kasi naman 'tong si Cupid! Basta na lang ata namili ng hotel ng hindi
manlang nagiisip. Feeling ko ni hindi niya alam saan ang pinaka location mismo ng
ospital dahil masyadong convenient ang kanyang pag t-teleport at hindi na inaalam
ang mga lugar lugar!
"Jillian hindi ba masyadong malayo yung nakuha mong hotel sa ospital?"
tanong sa akin ni West. "Ano pala ulit name nung hospital? Para i-s-search ko ang
location."
Napaisip ako.
Shet na malagkit! I don't even know the hospital name!"
"Err, hindi ko alam eh. Pero susunduin daw tayo ng father ni Ana sa
hotel."
"Oh I see. Then that's good."
Tumango ako rin ako.
Ilang oras na lang magkikita na sila.
~*~
"Jillian, this place looks expensive," sabi ni West sa akin nang
makarating kami sa hotel.
No. Hindi lang hotel 'to. Hotel resort to be exact dahil sa harap nito
ay beach na.
Kaya naman pala ang mahal!!! Sasakalin talaga kita Kupido!!
"Seriously Jillian, okay lang sa akin kahit sa mga inn or cheap hotel
tayo tumuloy. How much ang nagastos mo rito?"
Napalunok na lang ako.
"D-don't mention it."
Pero para na akong aatakihin sa puso.
Nang makarating kami sa front desk, agad kong tinanong yung reservation
ko. Hindi pa full ang bayad ni Cupid. Downpayment pa lang. Walanghiya. Mauubos ang
laman ng savings ko.
"Jillian."
Hinila ako ni West palayo sa front desk at kinausap.
"Seriously, ang mahal."
I gave him an awkward smile, "o-o-okay lang ano ka ba!"
Kinunutan niya ako ng noo.
"It's not okay."
"Pero hindi na pwede i-cancel ang reservation kasi nakapag downpayment
na."
"Okay, ganito na lang, I need you to trust me."
"E-eh?"
"Hahati ako sa'yo-"
"No!"
"Hahati ako sa'yo," madiin niyang sabi.
"West, mahal!"
Tumango siya, "mahal din kita."
I was taken a back dahil sa sinabi niya. Hindi agad nag loading sa utak
ko.
At hinampas ko na lang siya sa braso habang siya naman ay tatawa-tawa.
"Seryoso! Wag ka muna pumick-up line dyan!"
"Seryoso ako na mahal kita pero sige, hindi muna ako pi-pick up line,"
ngiting-ngiti niyang sabi.
Ano ba! Kinikilig ako leche naman oh! Bawal ako kiligin hayop!
"Ayokong humati ka. Almost 9k ang per room. Ako na ang nagpasama tapos
magpapabayad pa ako sa'yo?"
"Okay ganito na lang para hindi masyadong mahal ang paghahatian natin.
Isang room ang kunin natin."
Parang umakyat ang dugo sa mukha ko.
"W-West kasi...."
"Pwede tayo doon sa room na may dalawang queen size bed. Chill ka lang.
If you're still uncomfortable, pwede akong matulog sa bath tub."
Napalunok ako. Feeling ko maling maling mali na idea 'to.
Baka ma-rape ko siya.
Ipinatong ni West ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.
"Jillian, I swear I am not going to make a move on you habang nasa
kwarto tayo. I promise. Please trust me."
Alam ko naman yun West. Pinagkakatiwalaan naman kita.
Hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko. Kasi naman!
"S-sige na nga."
"Alright."
Lumapit si West ulit sa front desk at inasikaso yung room namin.
Maya maya ay bumalik na siya sa kinalulugaran ko na may dala ng susi.
At sabay na kaming umakyat.
Oh dear.
To be continued...
Chapter 58
Chapter 58
[Jillian's POV]
Malaki ang room na nakuha namin sa hotel-resort na 'to. Malawak. Maraming breathing
space. Kasya na nga ang apat na tao.
May dalawang queen size bed. I occupied the one near the window.
Medyo malaki ang gap sa pagitan ng mga kama namin ni West.
Nandoon siya sa kama niya at iniaayos ang mga gamit niya.
Napaiwas agad ako ng tingin.
Ang laki ng room pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko ang sikip at
hindi ako makahinga? Bakit ang init? Nakapatay ba ang aircon?
Nilingon ko si West. Naka jacket siya.
Ako lang ba ang naiinitan?
Parang mali ata ang desisyon ko na pumayag akong mag-isang room na lang
kami ah.
"Jillian gagamit ka ng bathroom?"
"E-eh?"
Napalingon ulit ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin dahil busy
siya sa pagliligpit ng gamit niya.
"Papasok ka sa bathroom?" paguulit niya sa tanong niya sabay tingin sa
akin.
Napaiwas agad ako ng tingin.
"H-hindi.. hindi. Mamaya maya na ako. Uhmm, una ka na."
"Okay."
Narinig ko ang mga yapaka niya at pagsara ng bathroom door. Nang
makapasok na siya sa loob, napahinga ako ng malalim.
Whew. Anong nangyayari sa akin? Bakit ang hirap huminga?!
Tinanong niya lang ako kung gagamit na ako ng bathroom, kung saan saang
direksyon na pumunta ang utak ko.
Kasi naman nasa iisang kwarto kami! Tapos isa lang ang bathroom!
Tapos---!
Ayoko na!
Gumapang ako sa kama ko at pinulupot ko ang comforter sa katawan ko.
Ano ba naman! Bakit ba ako ninenerbyos? Wala naman kaming gagawin.
Tiwala naman ako kay West! Pero kasi naman eh.
Napa-ayos bigla ako ng upo.
Wait. Erm, may dala kayang damit si West sa loob ng banyo? Paano kung
lumabas siya diyan na nakabalabal lang ang towel sa hips niya? Tapos magbibihis
siya sa harapan ko?
Holy shit.
Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Nag init ang mukha ko. At
naiinis ako sa utak ko becaue I am actually anticipating it.
Ba't ba ako na-e-excite?!
Itinaklob ko ulit yung comforter sa ulo ko. Mas safe rito. Wala akong
makikita. Hindi magkakasala ang mata ko at hindi magpapasaway ang puso ko. Oo. Mas
safe rito.
Narinig kong bumukas ang pinto ng bathroom at automatic na inalis ko
ang pagkakataklob ng comforter sa akin.
At nakita ko si West na bihis na bihis.
Feeling ko namula ang buong mukha ko. Yes. Nararamdaman ko ang paginit
ng mukha ko.
Jillian naman kasiiiii!!!
"You can use the bathroom now," he said while smiling at me innocently.
I cleared my throat.
"O-okay.. okay.. okay sabi ko nga. Ako na. Sige gagamit na ako."
Dire-diretso akong pumasok sa banyo.
Nakakainis! Ano ba!!
Shit naman!
Lumabas ulit ako.
"Nakalimutan ko yung damit ko," sabi ko kay West na takang-taka na
nakatingin sa akin.
I heard him chuckled.
Shet naman! Pinagtatawanan niya ako oh! He's making fun of me! Hindi ba
niya alam ang nararamdaman ko ngayon?!
"Relax Jill. Hindi ako maghuhubad sa harap mo I promise."
"H-heh!"
At tumakbo ulit ako papasok ng banyo.
Wala pang isang oras na magkasama kami sa room na 'to, ganito na ako.
Paano pa kaya mamayang gabi pag matutulog na kami?!
~*~
"Jillian, ngayon pa lang thank you ah? Talagang nag effort ka pa para mapuntahan
ang anak ko," sabi ni Tito Rex, ang adoptive dad ni Ana.
"Naku okay lang po yun. Wala po yun," sabi ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa sasakyan niya at on the way na sa ospital. Hindi
ako mapakali. I'm nervous.
Hindi ko alam kung saan mauuwi ito. Hindi ako sure sa magiging epekto
nito kay Ana at West.
Makakaramdam na ba agad sila ng sparks? Paano kung hindi? Paano kung
hindi mailigtas ni West si Ana?
Pero paano kung oo? Paano kung magustuhan agad niya si Ana? Paano kung
may sparks agad?
Huminga ako ng malalim.
Basta bahala na. Basta gagawin ko ang dapat kong gawin. Kahit gaano
kasakit o kahirap. Baka mamaya ito pa ang daan para maging okay ang best friend ko.
Baka ito ang maging way para mas sumaya na si West.
Habang nasa byahe, ang daldal ni Tito Rex. Ang jolly ng personality
niya. Palangiti. Nakikita kong mabuti siyang tao at mahal na mahal niya si Ana.
Sinuwerte talaga si Ana pag dating sa pamilya. Ang swerte niya sa mga
umampon sa kanya. Alam ko ring naging maganda ang buhay niya.
At kung hahaba pa ito, mas gaganda pa. Si West ba naman ang nakatadhana
sa kanya eh.
Lumunok ako.
Okay that sounds bitter. And I don't want to be eaten up by bitterness.
Ayun ang ayokong mangyari sa akin.
Ayokong magaya kay Ayesha.
Kaya kung ito ang tama, then hindi na ako kokontra pa sa tadhana.
Magtitiwala na lang ako.
"Are you okay?" bulong sa akin ni West.
Napalingon ako sa kanya. He look worried. I tried my best para bigyan
siya ng isang genuine na ngiti.
"Napagod lang ako sa byahe but don't worry, I'm okay."
Nginitian din niya ako.
A heart melting smile.
Tumingin na lang ako sa bintana ng kotse.
Ang swerte swerte swerte mo Ana dahil mamahalin ka ng lalaking 'to.
Kaya please lang, mabuhay ka pa ng mahaba.
~*~
"Anak may bisita ka!" masiglang sabi ni Tito Rex nang pumasok kami sa
hospital room ni Ana.
Nakita kong nagbabasa si Ana ng libro. Napa-angat naman ang tingin niya
at lumawak ang ngiti niya nang makita ako.
"Jillian! Bumalik ka!"
Nginitian ko rin siya.
"Oo naman. Pwede bang hindi?"
Lumapit ako sa kanya and then I gave her a hug.
"Grabe na-miss kita! Kahit isang linggo lang tayong hindi nagkita."
"Ay naku yang si Ana, walang ibang bukambibig kundi ikaw!" sabi naman
ni Tito Rex.
"Asus ito namang best friend ko namiss agad ako!"
"Akala ko kasi hindi na kita makikita eh."
Biglang nagiba ang ihip ng hangin. Nawala ang masiglang aura ni Tito
Rex.
"O-o siya diyan muna kayo. Hahanap lang ako nang makakain natin."
Lumabas si Tito Rex ng kwarto kaya naman naiwan kaming tatlo doon.
"Ah, oo nga pala." Hinila ko papalapit si West. "Si West pala, kaibigan
ko."
Nginitian ni West si Ana at inilahad ang kamay niya.
"Hi, nice meeting you."
Ngumiti rin si Ana sa kanya at nakipag shake hands kay West.
"Nice meeting you rin!" masigla niyang sabi.
I look away.
Hindi ko alam kung may naramdaman silang spark sa isa't-isa. Pero
bwiset na yan. Ako pa ata ang nakaramdam nang maglapad ang mga kamay nila.
Parang biglang nag init yung compass sa leeg ko.
Is it a sign?
"Ikaw Jillian ah, parati ka na lang may kasamang gwapo," nakangiting
sabi ni Ana. "Una yung pinsan mong gwapo. Ngayon naman yung friend mo."
"Gwapo ako?" tanong ni West sa kanya habang nakangiti.
"Mr. West, wala bang salamin sa kwarto mo?"
Napa-iling na lang si West habang naka-ngiti.
Kung hindi ko lang alam na si Ana ang nakatadhana sa kanya malamang
binatukan ko na siya. Malamang nagalit na ako.
Malamang pagbabawalan ko siyang ngumiti ng ganyan sa ibang babae except
sa akin. Dapat sa akin lang. Bawal sa iba.
Pero sa sitwasyon ngayon, ako yung ibang babae at si Ana lang ang dapat
niyang ngingitian ng ganyan.
Kinuha ko yung phone ko at nagpanggap na may binabasang text.
"Oh no! Nag text sa akin yung in-apply-an ko ng trabaho. Uhmm okay lang
ba uhhm iwan ko muna kayo? Kailangan ko lang siyang tawagan?"
"Oh, sure.." sabi ni Ana.
Hindi ko na tinignan si West. Dire-diretso na ako papalabas. Halos
tumakbo ako papuntang comfort room at nagkulong sa isang cubicle doon.
Wala pa nga nasasaktan na ako at umiiyak. Paano pa kaya kung gusto na
nila ang isa't-isa?
~*~
[West's POV]
Tinignan ko nang tingin si Jillian habang palabas siya ng room.
Nag apply na pala siya sa iba. I wonder kung anong company at anong
trabaho ang in-apply-an niya.
Maganda kaya sahod? Maganda ba ang trato nila sa mga employees doon?
Sana wala siyang boss na masungit.
Okay. Alam ko dati nagsusungit ako sa kanya. Wala akong ibang ginawa
kundi ang bulyawan siya. But that's because I like her from the start at hindi ko
alam kung paano ako aasta sa harap niya.
Wait.
Paano kung may iba siyang magustuhan sa pagtatrabahuhan niya?!
"So West, paano mo nakilala si Jillian?"
Napabalik ang tingin ko kay Ana. She's smiling at me.
I don't know why pero ang gaan sa pakiramdam ng ngiti niya.
She's thin. She looks fragile. Yung itsura niya parang any minute, mag
b-breakdown na siya.
Pero habang nakangiti siya, ang sigla ng aura niya. Parang puro
positive vibes ang nasa paligid niya.
It's nice. I like her smile.
"Ahm, magka-workmate kami before," sagot ko sa kanya.
"Oh... I see... may gusto ka sa kanya?"
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa tanong niya.
"B-bakit ganyan ang tanong mo?"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya.
Damn that smile.
"Namumula ka. I guess I'm right."
Huminga ako ng malalim at nginitian ko rin siya.
"Yes, I love her."
"Wow... you love her..." ibinaling niya ang tingin niya sa libro na
binabasa niya. "Love... love.. love.. So tell me Mr. West, ano ba ang pakiramdam ng
isang taong in love?"
Sinilip ko ang title nung libro na binabasa niya at napangiti ako.
"I think malalaman mo diyan sa librong binabasa mo?"
"Hmm?" inangat niya. "Wait, nabasa mo na 'to?"
I smile, "yep. Company ko ang nagpublish niyan."
Nanlaki ang mga mata niya at parang biglang sumigla ang itsura niya.
"Really? Kayo? Wow! Oh my gosh! This is my favorite book! As in sobra.
Nung nag booksigning dito yung author talagang pumunta ako. I even cried in front
of her! At company niyo pa ang nag publish?"
Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Ana ang kamay ko at tinitigan
niya ako sa mata.
Ang lalim ng tingin niya. Napalunok ako. Naramdaman ko ang pag init ng
mukha ko. Hindi ako sanay na tinititigan ng ganito..
"Mr. West.."
"Y-yes?"
"Thank you for publishing this wonderful book. Dahil sa inyo,
nakarating ito sa aming mga readers. Salamat talaga."
I let out a nervous laugh.
"Ah hehehe, y-you're welcome..?"
Binitiwan niya ang kamay ko and then she grinned.
"Pero balik sa tanong ko. Okay, idiniscribe ng author dito sa book na
'to ang feeling niya nung in love siya. Pero paano siya nakasiguro na love na nga
yung nararamdaman niya? Walang sinabi eh. Basta sinabi na lang niya sa sarili niya
na in love siya. Paano mo malalaman kung love mo na talaga ang isang tao?"
Napangiti ako. Easy question.
"Paano mo malalaman na love mo na ang isang tao? Kapag hindi mo na
kini-kwestyon ang nararamdaman mo. Kapag hindi ka na naguguluhan sa kung ano ba
siya para sa'yo. Basta malalaman mo na lang, na mahal mo na siya. No need to ask
questios. No need to seek for an answer."
"Oh... so ayun pala yun. That's why..."
Tinitigan ko ang mukha niya. Parang ang lalim ng iniisip niya. Gusto
kong tanungin pero naunahan naman ako ng hiya. Hindi naman kami close. Wala pa
kaming isang oras na nagkakakilala tapos ang pinaguusapan na agad namin eh about sa
...errr..love?
At wala pa kaming isang oras na nagkakakilala alam na niya agad na
gusto ko si Jillian.
Ganun ba ako kadaling basahin?!
"O, ba't nakatitig ka sa akin?"
Napabalik ako sa sarili ko. Ang lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin
na nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal.
"Ah.. wala..wala..."
She smile, "nagagandahan ka sa akin? Masama yan. May Jillian ka na."
"N-no. H-hindi ganun--!"
"So panget ako?"
"T-that's not what I mean."
"Ganun na rin yun," sumimangot siya.
"H-hindi!" huminga ako ng malalim. "Okay, maganda ka kaya lang hindi
ako nakatitig sa'yo dahil maganda ka. Nawala lang ako sa sarili ko."
I bite my tongue para hindi na ako magsalita pa. Kahit anong sabihin ko
ang creepy ng dating. Mas mabuti pa kung itikom ko na lang ang bibig ko.
She giggled.
"I'm just joking. Alam ko naman.. inaasar lang kita."
Napakunot ang noo ko.
"Alam mo na ano?"
"Na hindi na ako maganda. Ang payat payat ko oh. Wala na akong buhok.
Alam ko naman," nakangiti niyang sabi.
Napailing ako at napasimangot.
"Oh? Don't worry, I'm not offended. I swear."
Huminga ako ng malalim.
"Ana.."
"Hmm?"
"Hindi tayo close.."
"Errr, I know."
"And I know hindi dapat ito sinasabi ng isang lalaki kapag hindi naman
niya ka-close ang isang babae dahil baka mapagkamalan pa siyang creepy na manyak na
babaero o kahit ano. Kaya ngayon palang, inuunahan na kita, hindi ako ganon."
Tinignan niya ako na parang takang taka siya sa kung ano ang pinu-punto
ko.
"What I mean is, alam mo ba ang nasa isip ko bago kami pumunta rito sa
ospital na 'to? Iniimagine kita. Nakahiga sa kama, ang tamlay, halos hindi
makangiti at parang wala nang pagasang mabuhay. Pero nung pagpasok ko, complete
opposite ang nakita ko. At ang unang pumasok sa isip ko? Ang ganda mo ngumiti. Yes
payat ka, wala nang buhok, so what? Ang positive ng aura mo at mas kapansin pansin
yun. After all, pag gumaling ka na babalik naman ang buhok mo 'di ba? Magkakaroon
ka rin ng laman."
Napaiwas ako ng tingin. I cleared my throat.
Sabi ko na dapat talaga itinikom ko na lang ang bibig ko eh. Kung anu-
ano na ang lumalabas na salita galing dito.
Hindi umiimik si Ana. Medyo inangat ko ang tingin ko at nakita kong
nakangiti siya sa akin.
"Thank you," sabi niya.
Parang umurong ang dila ko.
Napahinga siya ng malalim.
"Ang swerte ni Jillian sa'yo. Alam na ba niya nagusto mo siya."
"W-well, o-oo. N-nililigawan ko na siya."
Tumango siya.
"Good. At ma-bigyan nga ng advice ang best friend ko na sagutin ka na.
Mga lalaking kagaya mo hindi na dapat pinapalagpas."
"Uhm.. thanks."
Inangat niya ang tingin niya sa akin at nginitian ulit ako.
"At pag naging kayo, swerte ka rin sa kanya. Mabuting tao siya, West.
Alagaan mo ah?"
Napangiti rin ako.
"Oo naman. Aalagaan ko siya. And yes tama ka, swerte ako pag naging
kami. Sobrang swerte ko kapag minahal niya ako."
"Ngayon pa lang nasa'yo na ang boto ko!"
We both laugh.
Well, at least boto sa akin ang best friend niya.
To be continued...
Chapter 59
Chapter 59
[Jillian's POV]
Umiiyak kakatawa.
"Jillian!" sabi niya nang makita niya ako. "Grabe I like this guy! He
is so funny!" natatawa-tawang sabi ni Ana habang tinuturo si West.
"Eh madali naman maka-close itong si West! Grabe tawa ako nang tawa sa
mga kwento niya. Komedyante pala 'to!"
Nginitian ko siya. Hindi ko na alam ang itsura ng ngiti ko. Halata bang
pilit? Halata bang plastic?
I know West is an amazing guy. Alam kong kahit sino, makaka-close agad
siya. Kahit sino, pwedeng magustuhan siya sa una pa lang nilang paguusap.
"Jillian kamusta pala yung tumawag sa'yo? Saang company yun?" sabi ni
West.
"A-ah... wrong info. S-si Eros lang pala yun. Nang g-good time."
Ayokong tignan ang ngiti na 'yan. Please sana iwas iwasan muna niya ang
pag ngiti sa akin dahil mas lalo akong nahihirapan. Ang lakas ng bulong ng demonyo
sa utak ko ngayon.
Hindi tama.
"'Di ba kakaiba yung plot twist sa dulo? Ang mind blowing lang!" sabi
ni West kay Ana habang hawak hawak niya ang libro na kaninang binabasa ni Ana.
"Sobra! Iyak ako nang iyak doon. Feeling ko ako yung protagonist eh.
Parang yung puso ko yung nabiyak!" sabi naman ni Ana.
"Tama ka dyan! Wala, ang galing talaga nung author! Isa 'yan sa pinaka
talented naming authors eh kaya hindi ko talaga 'yan binibitiwan. Right Jillian?"
"Eh?"
Itinaas ni West yung librong hawak niya, "'di ba ikaw ang nag proofread
nito? Biruin mo yun, favorite book pala 'to ni Ana!"
Kung anu-ano ang pinaguusapan nung dalawa. Nandoon lang ako, tiga-tawa
at ngiti. Kung titingnan mo sila, parang sila yung matagal nang magkakilala at ako
yung kaka-close pa lang nila.
Maya maya pa, nauwi na sa mga libro ang kwentuhan nila. Ang dami nilang
pagkakapareho ng hilig. Puro romance and fantasy ang pinaguusapan nila. Paano ako
makakrelate kung karamihan ng binabasa ko horror at thriller?
Ang hirap pala nang ganito? Yung wala kang takas. Yung gusto mong
umalis kasi hindi mo na kayang makita. Gusto mong iiwas ang tingin mo kasi
nasasaktan ka na. Gusto mo nang umiyak pero kailangan mong pigilan. Kasi hindi
pwede. Hindi nila pwedeng malaman na nahihirapan at nasasaktan ka na kaya wala kang
ibang nagawa kundi ang ngumiti at tumawa.
Nakakabaliw pala.
Nagsabi kami na babalik kami bukas kaya lang treatment pala iyon ni Ana
kaya hindi kami pwedeng dumalaw. Ang mangyayari, sa susunod na araw na lang, dadaan
kami sa ospital bago ang flight namin papabalik sa Manila.
At ang sama sama sama sama ko dahil medyo nakahinga ako nang onti dahil
doon.
I know, I'm so selfish and I hate myself for feeling this way. Sa
nararamdaman ko ngayon, sa itinatakbo ngayon ng utak ko, unti unti kong na-re-
realize kung gaano ako kasamang tao.
Tumango lang ako habang pilit na ngumingiti. Baka kasi pag nagsalita
ako, mahalata pa ni West na hindi ako okay.
"So, gusto mo munang kumain bago tayo bumalik sa hotel?" tanong niya sa
akin.
"Pero---!"
~*~
Tahimik ako habang kumakain samantalang si West naman, ang daldal-daldal. Kwento
nang kwento about kay Ana. Mahal ko si West. Pero sa ngayon, gusto kong saksakin ng
tinidor ang dila niya para manahimik siya.
Oo na! Oo na! Nag enjoy na siya sa company ni Ana. Oo na! Masaya kausap
ang best friend ko. Tama na siya, nagkakasundo sila sa lahat ng bagay.
Sige na! Oo na! Aware na ako! Aware na aware na! Wag na niyang
ipagdiinan please?
"Oo nga pala, gusto mo bilhan natin si Ana ng book? Nabanggit niya kasi
na hindi pa siya nakakabili ng sequel nung book na binabasa niya. Surprise natin?"
"Jillian?"
Nginitian ko si West.
"West."
"West," hinawakan ko ang kamay niya kaya naman napa-angat ang tingin
niya sa akin.
Oh no. No. Jillian naman eh. Don't do it. Wala kang karapatan. Hindi
pwede. Wag ka nang pasaway please? Wag kang magbibitiw ng salita na pagsisisihan
mo.
Napapikit ako.
Oh no. Luha naman wag ka munang babagsak. Please naman. Wag ngayon.
"Okay lang talaga ako. Gusto ko lang matulog. Okay lang ba, umuwi muna
tayo?"
"Oo naman. You should have told me earlier para nakaalis tayo agad."
"Na aalis tayo doon agad kahit nag eenjoy ka pa makipagusap kay Ana."
Nakakainis talaga! Ang bitter bitter ng dating ko. Ang tono ko, para
akong nagseselos.
Well, YES oo inaamin ko. Nagseselos talaga ako. Sobra sobra sobra
sobra.
Pero mali kasi may sakit si Ana. Hindi dapat ako magisip sa kanya ng
ganun.
Mali kasi eto naman talaga dapat ang nangyayari eh. Sila naman talaga
ang nakatadhana sa isa't isa.
Naghilamos ako. Pinakalma ko ang sarili ko. Paulit ulit kong tinatatak
sa utak ko na makakaya ko 'to at hindi ako maiiyak pag labas ko.
Napayuko ako.
Sabay kaming naglakad ni West palabas ng mall kaso nagulat ako nang
biglang hawakan ni West ang wrist ko at hinila niya ako papalapit sa kanya.
"B-bakit?"
"Picture tayo."
"Huh?"
Inakbayan niya ako at itinapat niya ang cellphone sa mukha ko. At kesa
makunan pa ako nang naka-busangot ang mukha, ngumiti na lang ako.
"Anong one?"
"At bakit? Phone ko 'to. May karapatan ako kung ano ang gusto kong
gawing wallpaper."
Liar.
"P-pero, I know you'll hate me for thinking this way. B-baka isipin mo
na nag t-take advantage ako... well, she's your best friend..."
Hindi ako maka-imik. Hindi ko alam kung bakit parang umurong ang dila
ko. Ano ba 'to. Bakit ganito?!
"H-hindi naman sa nag t-take advantage ako sa opportuni---I mean---no,
not opportunity. Well, uhmm opportunity para sa akin kasi nililigawan kita pero
mali na isipin mo na nag t-take advantage talaga ako. Hindi yun ganun ah? Alam kong
malungkot ka kasi hindi natin makikita si Ana bukas. Pero---oh god, I'm seriously
bad at this. Just, please come with me tomorrow?"
Ano ba. Bawal yan Jillian! Why the hell are you smiling?!
Eh gaga ka pala! Ba't ang saya mo? Dapat malungkot ka kasi dapat si Ana
ang mahal niya!
"Well, I'll take that as a yes. Afterall, wala ka namang choice. Ako
lang ang kasama mo," he grinned.
"Pwedeng isa pang picture?" sabi niya sabay angat ng cellphone niya.
"West!"
"Joke lang."
Ang ironic ng buhay. Alam kong mali ang lahat nang 'to.
To be continued...
Chapter 60
Chapter 60
[Jillian's POV]
Ang liwanag ng buong paligid. Hindi ko makita ang taong nasa harapan ko. Hindi ko
siya mamukhaan. Pero kilalang kilala ko ang boses niya.
Kaya nga nang marinig kong tinatawag niya ang pangalan ko, sinundan ko
siya. Ang dami kong gustong itanong.
"Sino ang tinutukoy mo? Kanino ako magiingat? At sino ang pumatay
sa'yo? Si Ayesha ba?! Cassandra!"
"Dalawa ang nakatadhana. Isa ang magaalay ng buhay para makasama mo ang
isa. Mag iingat ka. Buksan mo ang mata mo."
"Cassy!"
...
"Jillian? Jillian gising na! Ang ganda ng araw sa labas oh. Bumangon ka
na please?"
Bumangon ako at kinusot ko ang mata ko. Nag l-loading ang utak ko kung
bakit nasa harapan ko si West at kinigising niya ako. And then I realized, nasa
Cebu nga pala kami para kay Ana.
Pero eto ako ngayon, nangako na makikipag date kay West kahit nakaratay
sa hospital bed si Ana.
Ang ganda ng ngiti niya. Halata sa mata niya na excited siya sa araw na
'to.
Pakiramdam ko mag co-collapse ako any minute now. Ramdam ko ang pagikot
ng paligid. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.
Nag flashback bigla sa akin ang panaginip ko.
Una, dalawa raw ang nakatadhana sa akin. Isa ang makaksama ko habang
buhay at yung isa, magaalay ng buhay para sa akin.
Sabi ni Cupid fraud daw si Cassandra. Sabi niya hindi totoo ang mga
sinasabi nito sa akin.
Si Zyron.
Napapikit ako.
Hindi ko maisip, paano ako ma-i-inlove kay Zyron? Kung siya talaga ang
nakatadhana sa akin, paano mangyayari yun?
But god, there's a small part of me that refused to believe that. Yung
katiting na bahagi na yun ang may pinaka malakas na boses sa buong katauhan ko.
Sinisigaw na hindi, si West lang ang mamahalin mo. Siya lang. Hindi mahihigitan ni
Zyron yun o nang kahit na sino pa.
Napailing ako.
Ano ba! Bakit ganito takbo ng utak ko? Bakit ako nagkaka-doubt kay
Cupid?!
Hindi. Dapat magtiwala ako sa kanya. Sigurado ako na kung may
pagkakatiwalaan ako, si Cupid yun. Alam kong nasasaktan ako sa mga ipinapagawa niya
sa akin pero naniniwala ako na may dahilan siya.
Sana lang sinasabi niya sa akin 'di ba para hindi ako mukhang tanga?
Pero naniniwala ako kay Cupid. Kasi kung hindi siya ang paniniwalaan
ko, sino? Si Ayesha? Mas lalong hindi. Umpisa pa lang, si Ayesha na ang dahilan
kung bakit nangyayari sa akin lahat nang 'to. Kung hindi lang niya ako binrainwash
na nakawin ko ang pana ni Cupid!
Yung bruhang yun talaga! Dahil sa kanya nahihirapan ako! Pagka yun
naka-face to face ko na, babalatan ko siya ng buhay!
Leche.
Pero kahit ganun ang reyalidad, nagpaganda pa rin ako. Kakain lang ng
breakfast, nagpabango at nag make up pa ako.
Hayop na yan.
Napa-angat bigla ang tingin niya sa akin at nawala ang kunot sa noo
niya.
"Hmm? Ba't ikaw nag ch-check? 'Di ba dapat si Elise since siya na ang
editor in chief?"
"Ah, hindi hiningi ko lang 'tong manuscript na 'to kasi ito yung best
seller eh tapos last book pa sa series. Hindi ako mapakali. Gusto kong siguraduhin
na maayos talaga."
Napa-ngiti ako.
"Hay, nag resign kasi yung favorite proofreader ko eh. Hindi tuloy ako
mapanatag sa mga manuscripts."
"Favorite pagalitan?"
Napangiti naman siya ng malawak.
Naalala ko yung araw na yun. Yun yung panahon na hindi ko alam ang
dapat maramdaman ko kay West. Sanay akong nagsusungit siya sa akin tapos all of a
sudden, bigla na lang magiging sweet.
Or not?
~*~
Nasa beachfront yung buffet area kung saan kami nag b-breakfast. Ang ganda ng
dagat. Blue na blue. Kanina pa ako titig na titig. Gusto ko nang magswimming! Kung
hindi nga lang ako gutom, malang nag skip na ako ng breakfast.
"Jillian, may nakita ako na pwede nating pagbilhan ng swim wears kung
gusto mong mag swimming."
Mali. Wag kang kikiligin. Bawal kang mag smile. Mali yan. Mali yan
Jillian!
Tumayo ako.
Sana lang hindi napansin ni West dahil pag napansin niya 'yan, patay
ako. Hindi ako patatahimikin nun. Hindi ako tatantanan nun. Tapos gagawa na naman
siya ng bagay na ikakikilig ko at magpapatong-patong na naman ang kasalanan ko
hanggang sa tuluyan nang masunog ang kaluluwa ko sa impyerno.
Kumuha ako ng tasa at maglalagay na sana ako ng kape nang bigla kong
maramdaman ang pag init ng compass sa leeg ko.
Napahawak ako dito.
Narinig kong tinatanong ako nung matandang babae sa tabi ko kung ayos
lang ako pero hindi ako maka-sagot.
No.
"West..."
"T-thank you."
Napapikit ako.
Please, sana hindi yun totoo. Promise, gagawin ko ang lahat para kay
West at Ana. Pero sana hindi pa siya mawala. Please, please, please.
"J-Jillian?" sabi ng daddy niya. "Si Ana inaatake. Hindi ko na alam ang
lagay niya. Hindi na namin alam."
Magkahawak na kamay.
"Sir please!" hinawakan ng isang nurse ang braso ni West pero tinabing
niya ito.
"Ana."
"W-West..."
Hindi niya ako nilingon. Parang hindi niya ako narinig. Dire-diretso
lang siya papalapit kay Ana.
Nagulat ako nang makita kong dumilat ang mata ni Ana. And then she
smiled at him.
Huminga ng malalim si Ana. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata niya. Nakita ko
ang panghihina ng katawan niya. Pero pilit niyang nilingon si West at nginitian.
Napatingin ako kay West and my heart broke into million pieces.
He is crying.
Nakita ko ang life machine at isang mahabang linya na lang ang nandito.
To be continued...
Aly's note:
Chapter 61
[Jillian's POV]
Everything's a blur.
Wala ako sa sarili. Hindi ko na naiintindihan pa ang mga nangyayari.
Ayaw mag sink-in sa utak ko kung bakit nagkakaganito.
Ilang beses ko nang tinawag si Cupid. Paulit ulit ulit. Pero hindi siya
pumupunta.
Bakit ganun si Cupid? Kung kailan kailangan ko siya atsaka pa siya
hindi nagpapakita sa akin?!
Bakit namatay si Ana?! Sabi niya magagawa siyang iligtas ni West. Pero
isang araw pa lang silang nagkikita eh! Huli na ba? Nahuli ba kami sa pagpunta?
Bakit ngayon lang ipinakilala ni Cupid ang makakatadhana ni West! Sana
noon pa! Sana dati pa!
Sana dati pa nung hindi pa malubha ang sakit ni Ana. Dapat noon pa nung
hindi pa ako nahuhulog ng husto kay West.
Sigurado ako, iba ang mangyayari.
Bull shit na timeline 'yan! Bullshit na book of soulmates yan!
Wala na ang best friend ko. Wala na ang nakatadhana para sa lalaking
mahal ko.
At hindi ko ineexpect na masasaktan ako ng husto dahil dito.
Naramdaman kong hinawakan ni West ang kamay ko nang mahigpit.
Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa harap. Doon sa kabaong ni
Ana.
"Jillian, ang weird ng pakiramdam ko," halos pabulong niyang sabi sa
akin. "Bakit ganun? Saglit lang naman kami nagkausap ni Ana. Kahapon ko pa lang
siya nakilala. Pero sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Alam mo yung pakiramdam
na parang may nawala sa akin na napaka halaga? Bakit ganito?"
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko
alam kung tama ba na sabihin ko kay West na si Ana ang nakatadhana sa kanya. Na
ngayong wala na si Ana, wala na ang para sa kanya. Na ni hindi man lang sila
nagkaroon ng chance na magkakilala.
At parang nilulunod ako ng konsensya.
Dapat nung nalaman ko ang tungkol doon, dinala ko na agad si West kay
Ana. Sana nung sinabi na hindi kami pwedeng dumalaw dahil schedule ng treatment ni
Ana, nag pumilit pa rin ako. Sana hindi ko kinuha ang chance na makasama si West
dahil hindi naman siya para saakin eh.
Nag selos ako nung naguusap sila. Nasaktan ako nun. Pero leche Jillian,
sana itinatak mo sa utak mo na wala kang karapatan sa mga bagay na yan.
Tulay ka nila. Match maker. You are Cupid's freakin living arrow.
Nakakainis!
Sana manhid na lang ako.
"I'm sorry..." sabi ni West and he gently squeezed my hand. "I-I know
na mas mabigat ang nararamdaman mo ngayon at wala man lang akong masabing
comforting words."
Napalunok ako dahil pakiramdam ko, lalabas na naman ang luha sa mga
mata ko.
Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni West sa kamay ko.
"E-excuse me, restroom lang."
Hindi pa man nakakasagot si West, dire-diretso na akong pumunta sa
restroom. Pakiramdam ko kasi kapag nag salita pa ako, maiiyak na ako.
At sakto ngang pagkapasok na pagkapasok ko, bumagsak na ang luha sa
mata ko.
"Cupid."
Napapikit ako.
"Cupid.."
Idinilat ko ang mata ko pero walang Cupid na dumarating.
"Cupid naman eh! Ano ba naman! Wag mo naman akong abandunahin ng
ganito! Please! I need to talk to you! Please naman!"
Wala. Walang Cupid na dumarating.
Bakit ganun? Tama ba na pinagkakatiwalaan ko siya? Nauubusan na ako ng
dahilan para gawin pa lahat ng inuutos niya sa akin.
Masyado nang masakit at mahirap. Ayoko na.
Gusto ko na lang bumalik sa dati. Yung simple at normal kong buhay.
Bakit sa akin pa kasi nangyari ang bagay na 'to?
Leche Jillian. Ba't ang desperada mo kasi sa pagmamahal? Ba't hindi ka
na lang masanay na lagi kang nagiisa! Ayan. Ayan ang napala mo.
"Jillian."
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong may tumawag sa pangalan
ko.
At nakita ko ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko sa lugar na
'to ngayon.
It's Ayesha.
Napaayos ako ng tayo at dumistansya agad ako kay Ayesha.
"Anong ginagawa mo rito?!"
"Wag kang mag-alala Jillian. Hindi ako pumunta rito para manggulo o
para saktan ka. Gusto lang kitang kausapin."
"Ano na naman Ayesha! Please wag muna ngayon! Wag muna ako!"
"Kailangan mong sumama sa akin, Jillian."
"At bakit?! Ano ba Ayesha!"
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso
ko.
"Patawad Jillian, pero kailangan kong gawin ito."
"A-Ayesha---!!!"
Biglang nag liwanag ang paligid at naramdaman ko na lumulutang ako.
Shit! Shit shit shit!
"Cupid!!" sigaw ko.
But it's too late. Wala na ako sa restroom ng funeral homes kung saan
nakaburol si Ana.
Kundi nandito ako sa loob ng isang kweba. At sa harap ko, andoon si
Ayesha.
"Ibalik mo ako!" utos ko sa kanya.
"Hindi kita ibabalik hangga't hindi ka nakikinig sa akin, Jillian."
Napahinga ako ng malalim at parang gusto ko na lang ulit maiyak dahil
nag halo halo na ang nararamdaman ko kay West, kay Ana at ang frustration ko pa kay
Ayesha.
"Ayesha patayin mo na lang kaya ako ngayon? Kasi sa totoo lang, kung
may gagawin kang masama, wala na ako sa wisyo na lumaban sa'yo. I'm in a complete
mess!"
"Ang sabi ko, gusto lang kitang makausap."
"Bakit? I-co-comfort mo ako? Thanks but no thanks."
Bumuntong hininga si Ayesha at tinignan ako ng seryoso.
"Jillian, yung nararamdaman mo ngayon, naiintindihan kita. Napagdaanan
ko rin yan. At pareho tayong dalawa. Lahat nang 'to kagagawan ng mga Gods na 'yun.
Ginugulo nila ang buhay nating dalawa. Kaya dapat, tayo ang magkampihan."
Napaiwas ako ng tingin.
Gusto kong sabihin sa kanya na ayoko siyang kampihan dahil nagtitiwala
ako kay Cupid.
Pero parang may pumipigil sa akin.
Nagtitiwala ka ba talaga kay Cupid, Jillian? Tingin mo hindi ka
nagmumukhang tanga? Nasaan siya ngayon na kailangan mo siya?!
"Jillian, alam ko na iniisip mo na hindi makatarungan ang nangyayari
sa'yo ngayon."
Napa-angat ang tingin ko kay Ayesha.
"Mali ka Ayesha. Alam mo kung ano talaga ang iniisip ko?! Iniisip ko na
hindi makatarungan ang nangyayari kay West! Hindi makatarungan na namatay si Ana!"
"Yun nga ba talaga, Jillian? Hindi mo ba talaga inisip na dapat kayo na
lang ni West? Hindi mo ba ginrab ang mga pagkakataon na makasama siya kahit alam
mong hindi siya para sa'yo? Jillian, hindi ka ba nakaramdam ng selos kay Ana? Hindi
ka ba nainggit sa kanya ha?!"
Napatakip ako ng tenga.
"Tama na Ayesha!! Tama na! Tumahimik ka na! Please ibalik mo na ako
doon!"
"Ayaw mong marinig Jillian, dahil ayun ang totoo! Ayun ang tunay mong
nararamdaman at hindi mo maitanggi iyon!"
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko na ngayon ko lang napansing
bumabagsak na. Tinignan ko si Ayesha ng seryosong seryoso.
"Oo! Oo na! Tama ka na! Ako na ang pinaka selfish na tao sa buong
mundo. Oo, nagselos ako kay Ana. Oo, ginrab ko ang chance na makasama si West kahit
alam kong may sakit si Ana! Oo paulit ulit ulit kong hinihiling na sana ako na lang
ang nakatadhana kay West. Kasi mahal na mahal na mahal ko siya. At oo selfish akong
tao! Ang sama sama sama ko!"
Nilapitan ako ni Ayesha at ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa
balikat ko. For a second, napahinto ako sa pagiyak.
Because she's looking at me with a genuine concern.
"Jillian," she said softly. "Oo, selfish nga. Oo nakaka guilty ang
ganung mga pagiisip. Pero alam mo, normal lang 'yan. Kahit sinong nilalang ang
mapupunta sa sitwasyon mo, ganyan ang mararamdaman at ikikilos. Mas selfless ka pa
nga sa iba eh. Dahil kung selfish ka talaga, hindi mo dadalhin si West sa Cebu para
makilala si Ana. Na kahit alam mong masasaktan ka, ginawa mo pa rin dahil gusto mo
ang maging masaya siya. At ngayon bakit ka umiiyak? Dahil alam mong wala na ang
nakatadhana kay West."
Napaiwas ulit ako ng tingin kay Ayesha.
Nakakainis. Dapat nagagalit ako sa kanya 'di ba? Kasi masama siya. Kasi
siya ang nangugulo rito.
Pero bakit parang nabubunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa mga
sinasabi niya?
"Jillian naiintindihan kita kasi ayan din ang naranasan ko. Ganyang-
ganyan. Alam mo ba siya ang nakatadhana sa akin? Yung lalaking mahal ko? Pero dahil
pilit akong ginawang apprentice ni Aphrodite, nabura ang pangalan ko sa book of
soulmates. Alam mo ba gusto akong bawiin ng lalaking mahal ko? At alam mo ang
ginawa nila? Pinatay nila ang pinakamamahal ko. Pinatay nila Jillian!"
Napailing ako.
"Hindi. Si Cupid? Hindi niya papayagan ang bagay na yun!"
"Buksan mo ang mga mata mo Jillian! Bakit ako magiging ganito ka-galit
kay Cupid?!"
"Gusto mong kunin ang pana niya dahil iniisip mo na si Zyron at yung
lalaking mahal mo ay iisa!"
"Dahil ayun ang totoo! Siya ang lalaking mahal ko at siya ang
nakatadhana sa akin pero binago nila ang book of soulmates!"
"Tama na. Wag mo nang guluhin ang utak ko! Please!"
"Makinig ka sa akin Jillian! Alam kong sinabi sa'yo ni Cupid na si
Zyron ang nakatadhana sa'yo, pero binago niya ang book of soulmates! Sa akin si
Zyron at kilala mo ang lalaking nakaduktong talaga sa'yo, Jillian?!"
Hinawakan ni Ayesha ng mahigpit ang magkabila kong braso.
"Si West ang para sa'yo Jillian."
Napahiwalay ako kay Ayesha. Gulong gulo ang isip ko.
Totoo ba yun? Totoo ba ang sinasabi niya?
Gustong gustong gusto kong maniwala.
Pero paano kung nagsisinungaling siya? Paano kung niloloko niya lang
ako? Paano ako makakasigurado na tama ang sinasabi niya?!
Napailing ako.
"Hindi. Hindi magagawa yun ni Cupid. Wala siyang dahilan para ibahin
ang book of soulmates. Wala. At sabi niya kahit na sino walang makakapagpabago ng
nakasulat sa book of soulmates! Please wag mo na akong lokohin!"
"Wala nga ba Jillian? Wala nga ba?"
"Walang dahilan si Cupid para lokohin ako!"
"Sigurado ka? Lahat ba talaga alam mo? Wala ba talaga siyang nililihim
sa'yo?"
Hindi ako makasagot. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong
paniwalaan. Hindi ko na alam kung ano pa ang tama.
"Jillian, binago ni Cupid ang nakalagay sa book of soulmates dahil sa
dalawang dahilan. Una, para saktan ako dahil galit siya sa akin sa ginawa ko kay
Psyche. At pangalawa, dahil kahit baguhin pa niya ang kapalaran mo, mabubura rin
naman ang pangalan mo sa book of soulmates."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Isa kang Goddess Jillian. Patunay na ang compass na nasa leeg mo na
pag natapos na ang lahat nang 'to, isasama ka na ni Cupid sa Mt. Olympus at
gagawin ka niyang apprentice niya."
To be continued...
Author's Note:
Hi dear readers! I know may magtatanong kung paano ko nalagyan ng photos sa gitna
ang update ko XD Actually, I'm participating as a beta tester sa Wattpad para sa
new media functionality nila. Sa ngayon, hindi pa pwede sa lahat ng users ang
feature na 'to but hopefully soon magamit niyo na rin! Mas masaya mag basa pag may
mga photos 'no? Wahahaha <3
ALY A.
Chapter 62
[Jillian's POV]
Halos mapatumba ako sa sobrang panlalambot dahil sa sinabi sa akin ni Ayesha. Ayaw
mag function ng utak ko. Ayaw i-absorb nito ang lahat ng mga nalaman ko.
Si West ang nakatadhana sa akin. Isa akong Goddess. Gagawin akong
apprentice ni Cupid?
Paanong nangyari yun?! Hindi yun totoo! Imposible! Hindi ako lolokohin
nang ganoon ni Cupid!
Hindi niya kayang gawin sa akin ang bagay na yun. May tiwala ako sa
kanya. Alam kong hindi niya magagawa yun!
Hindi nga ba?
Napailing ako.
"Tama na! Please Ayesha tama na! Wag mo nang guluhin ang utak ko! Wag
mo nang sabihin sa akin ang mga kasinungalingan na 'yan!"
"Jillian, nagsasabi ako sa'yo ng totoo."
"Pero bakit?! Sige nga! Paano ako magiging goddess?! Mortal pareho ang
mga magulang ko!"
"Sigurado ka Jillian? Nakilala mo ba ang iyong ina?"
Napailing ulit ako.
"Hindi batayan 'yun Ayesha!"
"Walang mortal ang makakagamit ng kapangyarihan ng compass Jillian."
"Hindi ko naman nagagamit ang kapangyarihan ng compass eh!"
"Sigurado ka?"
"Oo! Sigurado-"
Natigilan ako.
Naalala ko dati nung nasiraan ng kotse si West. Hiniling ko na sana
maayos na 'to. Nagulat ako nang biglang umilaw ang compass at naayos ang kotse ni
West.
At nung time na nalasing ako. Nakapag teleport ako nun sa condo ni
West.
"Ano Jillian?"
Napahawak ako sa ulo ko.
"Naguguluhan ako. Hindi ko na alam!"
"Naiintindihan kita Jillian. Alam kong magulo peero sana makinig ka sa
akin. Kayo ni West ang nakatadhana Jillian. Pero binago ni Cupid ang book of
soulmates at idinuktong niya ang pangalan mo kay Zyron at si West naman ay kay
Ana."
"Bakit niya gagawin yun? Kung buburahin lang din naman niya ang
pangalan ko sa book of soulmates, bakit kailangan pa niyang iduktong si Zyron sa
akin?!"
"Dahil gusto niya akong saktan at gusto niyang hindi ko malapitan si
Zyron. Reincarnation ng lalaking mahal ko si Zyron at dahil hindi pa ako patay at
ginawa akong immortal ni Aprhodite, sa akin pa rin ang nakaduktong ang tadhana
niya. Pero nabura nga ang pangalan ko sa book of soulmates kaya naman walang
nakaduktong para kay Zyron. Pero dahil idinuktong niya ang pangalan mo kay Zyron,
hindi ko siya malapitan Jillian. Ikaw ang ginawang pangharang sa akin ni Cupid."
Napapikit ako. Pilit kong nilalabanan ang mga luha sa mata ko.
"At si Ana?"
"Nakatakdang mamatay si Ana ng maaga dahil sa isang sakit kaya wala rin
siyang soulmate. Kaya naman naging madali ang pag duktong ni Cupid ng pangalan ni
West sa kanya."
My hand balled into fist. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako
makapaniwala sa lahat ng mga sinasabi sa akin ni Ayesha.
At biglang nag flashback sa isip ko ang sinabi ni Cassandra.
Mag ingat ka sa pagbibigyan mo ng tiwala, Jillian dahil maari mo itong
ikapahamak.
Tiwala. All this time nagtitiwala ako kay Cupid. All this time.
"At pag natapos ang lahat nang 'to, isasama na niya ako? Kahit ayaw
ko?"
Malungkot na tumango si Ayesha.
"Gagawin nila sa'yo ang ginawa nila sa akin."
Dito na tuluyang bumagsak ang luha ko.
Bakit ganun? Ang hirap hirap paniwalaan na magagawa ito ni Cupid. Pero
totoong totoo naman ang sinasabi ni Ayesha.
"Jillian, kailangan mong magtiwala sa akin. Alam kong mahirap pero
ayokong magaya ka sa akin. Ayoko ring mapahamak ka katulad ni Cassandra."
Napatingin ako bigla kay Ayesha. "Si Cassandra?! Kilala mo siya
Ayesha?!"
"Oo Jillian. At alam kong binalaan ka niya na mag ingat ka sa
pagkakatiwalaan mo. Kaya naman pinatay siya ni Cupid para hindi siya mo malaman ang
totoo Jillian."
Napatakip ako ng bibig at tuluyan akong napaluhod.
Naalala ko bigla ang reaksyon ni Cupid nang sabihin ko sa kanya ang
bagay na yun. Hindi siya makatingin sa akin. Hindi siya mukhang malungkot sa
nangyari. Ni hindi siya na bother sa kung sino ang pumatay kay Cassandra. Sinabi pa
niya na isang fraud si Cassandra.
Shit.
Dapat doon pa lang nawalan na ako nang tiwala sa kanya. Hindi ko
maintindihan ang sarili ko bakit nakuha ko pa ring magtiwala sa kanya nun.
At hanggang gustong gustong gusto ko pa ring pagkatiwalaan si Cupid.
Pero palagi siyang naglilihim sa akin. Wala akong alam sa mga plano
niya. Ni hindi niya sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta kapag nawawala na
lang siya.
"Hindi na ba pwedeng mabago ang lahat nang ginawa niya?" halos pabulong
kong tanong kay Ayesha.
Lumuhod si Ayesha sa harapan ko at ipinatong niya ang dalawa niyang
kamay sa magkabila kong balikat.
"Jillian, pwede pa. May paraan pa. Pero dito, kinakailangan ko ng
tulong mo. Syempre, hahayaan kitang mag desisyon kung tutulungan mo ako o hindi."
"Paanong paraan?"
May inilabas si Ayesha na isang golden dagger mula sa bulsa ng itim na
bestidang suot niya.
"Ikaw ang living arrow ngayon ni Cupid, Jillian. Ikaw ang makakatama sa
mga ginawa niya. Nasa akin pa ang pana ni Cupid pero wala nang arrow na natitira.
Kailangan natin ng bago, Jillian. May ginawang bagong pana si Hephaestus para kay
Cupid. Kailangan nating kumuha ng dalawang pana doon at dalawang patak ng dugo ni
Cupid na nag mula sa hiwa ng ginituang patalim na 'to."
"At kailangang ako ang kumuha?"
Tumango si Ayesha.
"Papanain mo si West para iduktong ang kapalaran niya sa'yo. Gagawin mo
rin iyon kay Zyron para iduktong ang kapalaran niya sa akin at maibalik ang
pangalan ko sa book of soulmates."
Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa patalim na hawak ni Ayesha.
"Ano Jillian? Kaya mo ba? Magagawa mo bang mag tiwala sa akin?"
Tinignan ko ng seryoso si Ayesha at walang sabi-sabi ay kinuha ko ang
patalim sa kamay niya.
Nginitian niya ako.
"Ginawa mo ang tama Jillian. Mahahanap mo si Cupid gamit ang compass
mo. Magiingat ka."
~*~
Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nagmamaneho ako papunta sa kinalulugaran ni
Cupid. Alam ko, kahit hindi ko na tignan ang compass, alam ko na kung nasaan siya.
Doon sa lugar kung saan ko siya unang nakita. Sa malaking bahay sa
Tagaytay.
Halos hindi ako makahinga dahil sa kaba. Alam kong pinangungunahan ako
ng takot ngayon. Ang daming what ifs na tumatakbo sa isip ko.
At malamang, kung magkakamali ako, maari kong ikapahamak 'to.
Pero there's no other way. I have to do this. I have to follow my
instincts.
Malinaw na ang isip ko sa dapat kong gawin. Buo na ang desisyon ko.
Pero sa ngayon, kailangan ko ng lakas ng loob.
Nakarating na ako sa malaking bahay. Napahawak ako nang mahigpit sa
compass at parang kumukuha ako rito ng lakas ng loob.
Huminga ako nang malalim at bumaba sa kotse.
Pumasok ako sa gate ng bahay at agad kong pinuntahan ang garden nito.
Wala pa ring pagbabago sa itsura. Naalala ko ang huling beses na nakita ko 'to ay
ang araw din kung saan ko ninakaw ang pana ni Cupid.
Nilapitan ko ang fountain sa gitna ng garden at sumampa ako rito.
Katulad nang dati, unti unti akong lumulubog sa fountain kaya naman napapikit na
lamang ako.
Nang imulat ko ang mata ko, nandito na ako sa loob ng hidden room ni
cupid. Sa gilid ng hidden room, nakakita ako ng isang kama. At doon, nakahiga si
Cupid at mahimbing na natutulog.
Parang pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko habang papalapit ako
sa kanya. A part of me is telling me to stop. Na wag ko nang ituloy itong binabalak
ko.
Pero hindi. Wala nang atrasan 'to. Kailangan kong gawin ito.
Nang makalapit na ako kay Cupid, inilabas ko ang golden dagger atsaka
ko ito itinaas.
~*~
"Jillian!!" salubong sa akin ni Ayesha nang makabalik ako sa kweba niya.
Napatingin ako sa likuran ni Ayesha. May dalawang lalaki ang lumulutang
sa ere habang walang malay.
Si West at si Zyron.
"Nakuha mo?"
Ipinakita ko sa kanya ang dalawang arrow na nakasukbit sa likuran ko.
Inilabas ko rin ang maliit na bote kung saan ko inilagay ang dugong nag mula sa
sugat ni Cupid.
Napangiti si Ayesha.
"Teka, si Cupid?" tanong niya.
Nginitian ko rin siya.
"Matapos ko siyang saksakin sa braso, bigla na lamang siyang nawalan ng
malay."
Napatango si Ayesha.
"Kinuha ko na si West at Zyron dahil kinakailangan na natin 'tong gawin
agad, Jillian. Handa ka na ba?"
Tumango ako at tinignan ko siya nang walang pag-aalinlangan.
Kinuha ni Ayesha ang pana ni Cupid at iniabot niya sa akin.
"Kailangan mo na silang panain, Jillian."
Kumuha ako ng isang arrow na nakasubit sa likuran ko. Nilagyan ko ang
pinaka patalim nito ng isang patak ng dugo ni Cupid atsaka ko ito itinutok kay
West.
"Gawin mo na Jillian. Ibalik mo sa'yo ang lalaking mahal mo! Ang
lalaking talagang para sa'yo!"
Huminga ako ng malalim. Tinignan ko si West. Napapikit ako.
I'll save you, West.
Nang muli kong idilat ang mata ko, pinakawalan ko ang pana sa kamay ko.
Pero kesa kay West ko itinira, pinatama ko ito sa may lagusan ng kweba.
Parang may nabasag na invicible mirror sa lagusan ng kweba nang tamaan
ito ng pana. At doon, nakita kong nakatayo si Cupid habang nakangiti ng malawak.
"A-anong ibig sabihin nito?! Jillian?!" dinig kong tanong ni Ayesha.
Nilingon ko siya at nginitian ng malawak.
"Sorry Ayesha, pero walang makakasira sa tiwala ko kay Cupid."
"Hi Ayesha! Namiss kita!" dinig ko namang sabi ni Cupid.
Nanlalaki ang mga mata ni Ayesha habang nakatingin sa aming dalawa ni
Cupid.
"Nahihibang ka na ba Jillian?! Matapos nang lahat ng sinabi ko sa'yo,
siya pa rin ang pinaniwalaan mo?! Nabubulag ka na! Buksan mo ang mga mata mo. Si
Cupid ang kalaban!"
"Talaga?" mahinahon kong tanong habang kumukuha ulit ako ng pana sa
aking likuran at ngayon ay itinapat ko na ito kay Ayesha.
"Jillian!"
"Ayesha, bakit hindi mo gisingin si Zyron ngayon? Gusto ko siyang
makausap."
Hindi umimik si Ayesha pero kita ko ang gulat at galit sa mata niya.
Tinignan ko siya ng seryosong seryoso.
"Dali na Ayesha. Gisingin mo si Zyron. Gusto kong makausap ang taong
tinutukoy ni Cassandra na magtataksil sa akin."
To be continued...
Chapter 63
Chapter 63
[Jillian's POV]
FLASHBACK.
Nang makalapit ako kay Cupid, inilabas ko ang golden dagger atsaka ko ito itinaas.
Itinapat ko ito sa ulo niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong aatakihin sa
puso.
Alam kong may point si Ayesha sa lahat ng sinabi niya sa akin. Kung
tutuusin, mas madali na lang kung paniniwalaan ko siya. Mas pabor pa sa akin.
Si West ang nakatadhana para sa akin. Si Zyron naman ay kay Ayesha.
Ginagawa ito ni Cupid para gawin akong apprentice.
Oo, kung iisipin pwedeng ayun ang totoo.
Pero isang bagay ang napaisip ako.
Si Cassandra.
Sabi ni Ayesha, kaya siya pinatay ni Cupid ay dahil tama ang prediction
ni Cassandra na may mag b-betray sa akin. Kung ganoon ay tama rin ang prediction ni
Cassandra na dalawang lalaki ang nakatadhana sa akin?
Bakit sabi ni Ayesha si West lang ang nakatadhana?
At kahit pag bali-baliktarin ko ang mga nangyari. Kahit anong isip ang
gawin ko, hindi pa rin ako completely makapaniwala na gagawin sa akin ni Cupid yun.
Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin. Na kahit bwiset siya sa buhay
ko, pinatunayan niya ang concern niya sa akin.
Kada sinasabi niya na sasaya ako, alam kong meant niya yun.
Nararamdaman ko yun.
At maaring mali ang instinct ko na magtiwala kay Cupid. Maaring mali na
hindi ko susundin ang inutos sa akin ni Ayesha.
Pero bahala na. Kailangan kong mag take ng risk. Hindi ko alam kung
mapapahamak ako o ano.
Pero kailangan kong gawin ito. I need to know his side.
Huminga ako nang malalim.
"Cupid," bulong ko. "Gumising ka."
Biglang napadilat ang mata ni Cupid at agad kong itinapat ang patalim
sa kanya.
"Jillian?!"
Dumistansya ako pero hindi ko pa rin ibinababa ang patalim.
Napa-bangon si Cupid at tinignan niya ako habang nanlalaki ang mga mata
niya.
"Jillian, saan mo nakuha ang patalim na 'yan? At bakit mo itinututok sa
akin yan?!"
Inilayo ko ang pagkakatutok ng patalim kay Cupid at itinutok ko 'to sa
puso ko.
"J-Jillian? Anong nangyayari sa'yo."
"Hindi kita magagawang saktan o patayin sa patalim na 'to Cupid kung
sakali mang kalaban ka. Pero alam kong kailangan mo ako ng buhay para isama sa Mt.
Olympus kaya kung gagawa ka ng kalokohan, sasaksakin ko ang sarili ko."
Itinaas ni Cupid ang dalawa niyang kamay.
"Jillian, kahit saksakin mo ang sarili mo niyan, hindi mo 'yan
ikamamatay. Sasaktan mo lang ang sarili mo."
Napakunot ako ng noo.
"Dahil ba sa goddess ako? Dahil immortal din ako katulad mo?"
Natigilan si Cupid at iniwas niya ang tingin niya sa akin.
"Cupid sagutin mo ako! Kinausap ako ni Ayesha at sinabi na niya sa akin
ang lahat! Ngayon binibigyan pa kita ng chance na magpaliwanag sa akin kaya gawin
mo na! Tell me the truth! Goddess ba ako? Totoo ba ng si West ang nakatadhana sa
akin? Binago mo ba ang book of soulmates? Ikaw ba ang pumatay kay Cassandra ha?!"
"Jillian kasi..."
"Jillian!"
Bigla akong natigilan nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun.
Lumingon ako sa likod ko at tuluyan kong nabitiwan ang patalim na hawak ko.
"C-Cassandra..?!"
"Jillian, bakit mo sasaktan ang sarili mo?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya at agad ko siyang nilapitan.
Hinawakan ko ang braso niya, ang mukha, ang balikat.
"B-buhay ka! Buhay ka! Paanong nangyari yun?!"
"Gising ka na pala?" dinig kong sabi ni Cupid.
Nilingon ni Cassandra si Cupid at nginitian.
"Oo. Maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin. Nang magising ako,
ikaw naman ang mahimbing na natutulog. Hula ko ay kagagawan din ni Ayesha ito kaya
naman pinainom ko sa'yo ang liquid na nasa tabi ng higaan ko. Buti pala at hindi
yun lason."
"Buti na lang din at umepekto sa akin iyon kung hindi napatay na ako
nitong si Jillian."
Napatingin ako kay Cassandra, and then kay Cupid.
"Teka nga, pwedeng paki paliwanag sa akin ang mga nangyayari?! Sawa na
kasi akong walang nalalaman eh!"
"Iniligtas ako ni Cupid kay Ayesha, Jillian. Gusto akong ipapatay ni
Ayesha dahil nalaman niyang nakita ko ang taong magtataksil sa iyo."
"At nung araw na papatayin na si Cassandra, nahanap ko siya at ang
demonyong lobo na inutusan ni Ayesha na paslangin si Cassandra," sabi naman ni
Cupid.
"P-pero nakita ko ang katawan ni Cassy! Nakita yun ng dalawang mata
ko!"
"Katawan yun ng demonyong lobo, Jillian," paliwanag ni Cupid.
"Kailangan kong palabasin na patay na si Cassandra para hindi na siya hanapin pa ni
Ayesha. Kinailangan ko ring itago si Cassandra para maging ligtas siya."
"Matagal akong nakatulog Jillian," sabi ni Cassandra. "Pinainom ako ng
potion ni Ayesha. At nung ako naman ang nagising, si Cupid naman ang mahimbing na
natutulog."
"Bwiset na Ayesha 'yon!" iritang sabi ni Cupid. "Buti na lang at hindi
niya alam na nandito si Cassandra kaya nakontra niya ang potion na pinainom sa
akin."
Napahinga ako ng malalim at napaupo sa kama. Kahit papaano ay parang
nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
Hindi si Cupid ang tinutukoy na hindi ko dapat pagkatiwalaan kundi si
Ayesha. Pero bakit?
"Hindi mo pa nasasagot ang isang katanungan ko. Isa ba akong goddess,
Cupid?"
Napayuko si Cupid.
"Please, sagutin mo na Cupid. Kailangan kong malaman ang lahat."
"Totoo 'yun Jillian. You're a part goddess. Kapatid ko ang iyong ina."
Napapikit ako.
"At totoo na isasama mo na ako sa Mt. Olympus."
"Ayun ang gustong mangyari ni Aphrodite."
Hindi ako sumagot. Para akong nawalan ng boses.
"Pero hindi iyon ang gagawin ko, Jillian."
Bigla akong napalingon kay Cupid at nakita ko ang lungkot sa mga mata
niya.
Nilapitan ako ni Cupid at lumuhod siya sa harapan ko at pilit na
sinilip ang ang mukha.
"Jillian, ayokong matulad ka kay Ayesha. Ayokong mangyari ang mga bagay
na yun sa'yo. Ang unang step para lumabas ang kapangyarihan mo ay ang malaman kung
sino ka talaga. Kaya wala akong sinasabi sa'yo. I gave you the compass para ma
contain ang powers mo. Pero minsan, may nakakalusot dahil nasa nature mo na yan."
"Eh yung about sa book of soulmates?"
"Si Zyron talaga ang nakatadhana sa'yo at si West ay para kay Ana. Pero
bago pa ako mapainom ni Ayesha ng potion, ito ang nakita ko sa book of soulmates."
Inilabas niya ang book of soulmates at iniabot niya sa akin.
Nakaduktong pa rin ang pangalan ko kay Zyron.
Pero hindi lang siya.
Nakaduktong din ang pangalan ko kay West.
Napa-angat ang tingin ko.
Dalawang lalaki ang nakaduktong sa akin.
Paanong nangyari ito?
Hinablot ni Cassandra ang book of soulmates.
"Nagsisimula na. Ito na nga. Ang prediction, Jillian!"
"Paano nangyari ito?!"
Napailing si Cupid, "hindi ko rin maintindihan Jillian. Hindi ko alam."
"Dahil kay Zyron..."
Pareho kaming napatingin ni Cupid kay Cassandra.
"Si Zyron?"
"Siya ang nasa prediction ko, Jillian. Siya ang taong hindi mo dapat
pagkatiwalaan."
"Teka, akala ko ang tinutukoy mo ay si Ayesha?" sabi ni Cupid.
"Buong akala ko rin ay si Ayesha o ikaw ang magtataksil kay Jillian.
Kaya nagulat ako nang makita ko ang mukha ni Zyron bago pa man ako mahuli ni
Ayesha. Pero alam ko na ang nangyayari. Mahal ni Zyron si Jillian mula umpisa pa
lang. At oo, alam ito ni Ayesha. Pero kesa makita niyang hadlang ang pagmamahal ni
Zyron kay Jillian, ginamit niya ito para sa mga plano niya. Pinaniwala ni Ayesha si
Zyron na si Jillian ay nakatadhana kay West. At para mabago ang tadhana na yun,
kailangang umibig ni Jillian kay Zyron. Jillian, lahat ng mga bagay na ibinibigay
sa'yo ni Zyron ay may love potion na galing kay Ayesha. Binubuhusan ni Zyron ito.
Hindi alam ni Zyron na may dugo kang goddess kaya naman hindi umeepekto ang bagay
na 'to sa'yo. At bawat love potion na ginagamit ni Zyron, ay nakakagamit din siya
ng ipinagbabawal na mahika ng tadhana. At dahil doon, unti-unting nagiging mahina
ang connection niyong dalawa. Ayun ang nais mangyari ni Ayesha. Dahil kapag tuluyan
nang naputol ang connection niyo, makukuha na niya si Zyron."
Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko.
Kaya pala kahit anong gawin ko, hindi ko makuhang magustuhan si Zyron.
Siya na mismo ang gumagawa ng paraan para mabura ang connection naming dalawa.
I feel a tight knot in my stomach.
Hindi ko inakala na magagawa ni Zyron 'to. Hindi lang sa akin kundi
pati na rin kay West.
Paano niya nagawang maging sobrang selfish?!
"Si Zyron at West ay kasalukuyan nang nasa kweba ni Ayesha," sabi ni
Cassandra.
"Pupuntahan natin sila Jillian. Ililigtas natin sila," sabi ni Cupid.
"May magic barrier ang cave ni Ayesha kaya hindi ako makakadaan. Pero kung
susugatan mo ako at ipapatak mo ang dugo ko sa barrier na 'yun, mababasag ito at
makakapasok ako. Pero, uhmm, wag mong gagamitin yung golden dagger dahil mamatay
ako. Galing sa mga fury ang golden dagger na 'yan. At pag sinaksak ka ng kadugo mo,
mamatay ka."
"Kaya ibinigay ni Ayesha sa akin 'yan. Kaya inutusan niya ako na ayan
ang gamitin ko para sugatan ka."
Tumango si Cupid.
"Halika na. Iligtas na natin si West at Zyron. At tutuparin ko na ang
pangako ko sa'yo na magiging masaya ka, Jillian."
"Teka Cupid, may naiisip ako na paraan."
"Ano yun?"
"Hindi lang si West at Zyron ang ililigtas natin. Pati na rin si Psyche
at ang pana mo."
"Paano natin gagawin 'yun?"
"Kailangan ko ng dalawang pana at ang dugo mo."
~*~
Nandito na kami ni Cupid sa labas ng kweba ni Ayesha. Paulit-ulit kong iniisip ang
plano namin.
Magpapanggap ako na nagawa ko ang gusto niya. Sasabihin kong nawalan ng
malay si Cupid nang saksakin ko siya sa braso dahil ayun ang inaasahan ni Ayesha.
Inaasahan niyang patay na si Cupid.
At kapag naibigay na sa akin ni Ayesha ang pana ni Cupid, kesa si West
o Zyron ang papanain ko ay ang lagusan. Dahil ang pana ay may dugo ni Cupid at
magagawa nitong basagin ang magical barrier.
Sunod nun, ililigtas ko si West.
At papatayin ko si Ayesha.
To be continued...
Author's Note:
At sa mga nag comment last chapter na bobo at tanga si Jill dahil nagtiwala na
naman siya kay Cupid, MAG SORRY RIN KAYO SA KANYA! Wahahahaha
Chapter 64
Chapter 64
[Jillian's POV]
"Dali na Ayesha. Gisingin mo na si Zyron. Gusto kong makausap ang taong tinutukoy
ni Cassandra na magtataksil sa akin."
Unti-unting lumapit si Ayesha sa harap ni Zyron at inihrapang niya ang
katawan niya rito.
"Alam mo na pala ang lahat, Jillian. Pero hindi mo ako mapipigilan.
Kung hindi mo papanain si Zyron, ikaw ang papatayin ko, Jillian!"
"Hindi naman pwede yun," sabi ni Cupid at itinaas niya ang bago niyang
pana na gawa ni Hephaestus. "Hindi ko hahayaang saktan mo ang pamangkin ko."
Sumeryoso lalo ang itsura ni Ayesha at itinaas niya ang palad niya.
Nakita kong may bola ng ilaw na kulay asul ang lumutang sa palad niya.
Diniinan ko ang hawak sa pana.
"Ayesha, kasing bilis ng pana ko ang mahika mo," sabi ni Cupid. "Ang
panang hawak namin ni Jillian ay gawa sa mahika ng mga Furies. Pagka-bumaon ito
sa'yo, ikamamatay mo 'to."
"Hindi ako natatakot sa inyo!" sabi ni Ayesha. "Akin si Zyron. Hindi
niyo na siya kailanman mababawi sa akin!"
"Simula nang pumayag kang maging apprentice ng aking ina ay natanggalan
ka na ng karapatan sa mortal na iyan!" sigaw ni Cupid. "Oo, mali ang aking ina na
patayin ang lalaking mahal mo. Ngunit iniligtas naman siya ulit ni Zeus at binigyan
ng pangalawang pagkakataon sa katauhan ni Zyron. Pero wala ka pa ring karapatan sa
kanya, Ayesha!"
"Tinanggalan niyo ako ng karapatan noon! Babawiin ko lang iyon ngayon!"
"Tandaan mo, kusa mong tinanggap ang pagiging Goddess mo. Ginusto mo
rin iyon kaya wag mo sa amin isisi ang lahat. Minsan hinangad mo rin magkaroon ng
walang kapantay na kapangyarihan!"
"Ayesha, itigil mo na 'to," mariin kong sabi. "Pakawalan mo na si Zyron
at West. Hindi ka mananalo sa amin ni Cupid, Ayesha!"
Ngumisi si Ayesha.
"May mga alas pa ako."
Bigla kaming may narinig na isang nakabibinging ungol sa hindi kalayuan
na na parang nanggagaling sa isang lobo.
Bumilis ang pintig ng puso ko at parang hindi ako makahinga. Pilit kong
pinapakalma ang sarili ko.
Ilang oras pa lang simula nang malaman kong part goddess ako. Kung
tutuusin, pwede ko pang i-consider ang sarili ko bilang isang mahinang mortal.
Pero ngayon, kailangan kong lakasan ang loob ko. Bawal matakot. Baka
pag pinangunahan ako ng takot, pare-pareho kaming mamatay rito.
No. Kahit ikamatay ko basta mailigtas ko sila. They deserve it. Both
West and Zyron. Hindi ako makakapayag na may magsasakripisyo sa kanila.
Bigla kaming nakarinig ng malakas na tili ng isang babae. Nanlaki ang
mata ni Cupid.
"P-Psyche--!!"
"Gutom ang alaga kong lobo. Ano kaya ang lasa ng asawa mo, Cupid."
"Ayesha--!"
"Cupid, puntahan mo si Psyche."
"Pero Jillian--!"
"Kailangan mong iligtas ang asawa mo. Wag kang magalala, magiging okay
lang ako."
Naramdaman ko ang pag-hinga ng malalim ni Cupid.
"Babalikan kita agad, Jillian."
Sinulyapan ko siya at nginitian ng bahagya.
"I know. Go, save your wife!"
Tumango siya at tumakbo papunta sa pinanggagalingan ng ingay.
Ibinaba ni Ayesha at kamay niya.
"Ngayon Jillian, makakapagusap na tayo ng maayos."
"Aayos lang ang paguusap natin kung ibabalik mo sa akin ni West at
Zyron."
"Jillian, alam kong mahal na mahal mo si West. Ito na nga, binibigyan
na kita nang pagkakataong makuha siya ng walang hadlang. Hayaan mo na si Zyron."
"Hindi mo ako madadaan sa ganyan Ayesha. Oo mahal ko si West pero hindi
ko kayang pabayaan si Zyron sa'yo."
"Bakit Jillian? Matapos nang ginawa niya sa'yo! Katulad ko rin si
Zyron. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya. Ang buong akala niya ay
kay West ka nakatadhana. Pero wala siyang paki kung aagawan niya ng tadhana ang
kapatid niya! Ba't hindi ka na lang magpaka-selfish at kunin mo ang lalaking para
sa'yo?! Hindi mo na rin naman magagawang mahalin pa si Zyron dahil siya na mismo
ang nagpahina ng koneksyon niyo!"
Bago pa ako makasagot kay Ayesha ay bigla na lang lumindol ng malakas
kaya pareho kaming napatumbang dalawa.
My heart skipped a beat.
Sana walang nangyayaring masama kay Cupid. Please, Cupid mag-iingat ka.
Nang huminto ang malakas na paglindol, hindi na ako nagdalawang isip
pa. Agad akong tumayo at pinakawalan ko ang panang nasa kamay ko.
Kaso nakita agad ito ni Ayesha at gumulong siya paalis sa kinalulugaran
niya kaya hindi siya tinamaan ng pana.
Tumayo si Ayesha at tumawa nang malakas.
"Paano ba 'yan Jillian, wala ka nang pana. Paano ka na ngayon?"
Muli niyang itinaas ang palad niya at nakita ko na naman ang kulay asul
na ball of light sa ibabaw nang palad niya. Bigla niya itong ibinato sa akin at
laking pasasalamat ko dahil nakailag ako. Tinamaan ng ball of light ang malaking
bato na nasa tabi ko at nakita ko itong naging abo.
Shit.
"Ang lakas ng loob mo na paalisin si Cupid. Tingin mo kaya mo akong
labanan? Sino ka ba? Anong laban mo sa akin?"
Hindi ako umimik. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa peripheral vision
ko, nakikita ko ang pana ni Cupid na tinira ko para sirain ang invisible barrier ni
Ayesha. Onti lang ang layo nito sa akin. Kaya ko 'tong abutin.
Kaya lang alam kong mas mabilis ang ball of light ni Ayesha kesa sa
pagtakbo ko.
Shit shit shit.
What should I do?!
"Tulungan mo ako Jillian at hahayaan kitang mabuhay."
"Manigas ka diyan."
Agad pinakawalan ni Ayesha ang asul na ball of lights at naramdaman
kong dumaplis it ko sa braso ko. I let out a cry of pain. Ang init ng braso ko.
Parang nasusunog. Ang sakit. Sobrang sakit!
Napatumba ako.
"Pwede naman kitang patayin Jillian para tuluyan nang mawala ang
koneksyon niyo ni Zyron. Katulad nang kung paano ko pinatay si Ana para maiduktong
ko ang kapalaran mo kay West."
Tinignan ko ng masama si Ayesha. Nanginginig ang buong katawan ko.
Siya ang dahilan kung bakit nawala agad si Ana. Si Ayesha... siya ang
may kagagawan...
"Ngayon Jillian, tutulungan mo ako o mamamatay ka?"
Napansin kong halos nasal likuran ko na ang arrow. Onting stretch na
lang maabot ko na ito. Pero hindi dapat mapansin ni Ayesha kaya naman dinistract ko
siya.
"Hindi mo ako papatayin Ayesha. Kailangan mo ang tulong ko. Kahit
mawala ang koneksyon namin ni Zyron, hindi mo maiduduktong ang kapalaran niya
sa'yo."
Tumawa nang malakas si Ayesha.
"Jillian Jillian Jillian...wag mong kalilimutan na madaling gayumahin
ang mga mortal."
Nahawakan ko na ang pana at itinago ko ito sa likuran ko.
Unti-unti akong tumayo at nginitian ko si Ayesha.
"Bago mo siya magayuma, papatayin muna kita."
Agad kong isinalang ang pana at pinakawalan ito. Kahit na nakailag si
Ayesha, nadaplisan pa rin ang tagiliran niya kaya naman napaluhod siya.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
Alam kong dapat ibaon ang pana para mamatay ang isang imortal. Pero
makaka-cause pa rin ito ng malaking damage sa katawan nila kung madadaplisan ka
nito.
"Tama na Ayesha. Talo ka na. Itigil mo na 'to. Hindi mo na magagawang
lumaban."
"Hayop kayong lahat!!"
Bigla ulit yumanig ang buong kweba kaya naman napatumba ulit ako.
Nagbagsakan ang malalaking bato sa ulunan ko at bago pa ako makailag, may isang
matalim na bato ang tumama sa hita ko.
Napasigaw ako ng malakas.
Umiikot na ang paningin ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Sa braso ko na tinamaan ni Ayesha ng ball of lights. Sa hita ko na
hindi ko na maigalaw dahil may naka-tusok na matalim na bato.
Naka-aninag ako ng pulang ilaw.
Napatingin ako sa direksyon ni Ayesha at nakita ko na kahit hinang hina
na siya, may mahika pa rin siya.
"Sa ating dalawa, ikaw ang mamatay Jillian."
Pinakawalan ni Ayesha ang pulang ilaw patungo sa direksyon ko.
Pero bago pa ito tumama sa akin, may biglang yumakap sa akin at siya
ang tinamaan ng mahika ni Ayesha.
"J-Jillian..."
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya. Kita ko kung paano lumabas
ang dugo mula sa bibig niya at unti-unti siyang napapikit at tumuba sa harapan ko.
Hindi ako makahinga.
Hindi.
Hindi pwede.
Bakit.
HINDI PWEDE.
"WEST!!!"
To be continued...
Chapter 65
Chapter 65
[Jillian's POV]
Aly's Note:
Epilogue
Epilogue
AFTER 1 YEAR.
[Jillian's POV]
Naka-ilang buntong hininga na ako dito sa coffee shop kung saan ako naka-tambay.
Dalawang beses na akong um-order ng Dark Mocha Frappuccino. Parehong venti at
pareho kong pinalagyan ng extra whipped cream.
Oo na. Nag-i-stress eating na ako. Sabi ko sa sarili ko mag d-diet ako
pero napagtanto ko na okay na ang chubby basta busog. Bakit ko ipagkakait sa sarili
ko ang masasarap na pagkain?
Wala na nga akong trabaho at lovelife tas hindi pa ako kakain ng
marami?! Aba unfair naman ata 'yon!
Simula nang mag resign ang sa publishing company na pinagta-trabahuhan
ko noon, hindi na ulit ako nakahanap ng ibang work. Pero nung panahon na kasi na
yun, nagkabati na kami ng daddy ko. He asked for my forgiveness and invited me to
live with him kasama ang bago niyang pamilya. At first, I'm hesitant. But I badly
want to have a family. Nakakasawa na rin ang mag-isa that's why I agreed.
I love my dad's wife. She's an amazing woman and she treated me like
her own. Nakakasundo ko rin ang mga half-brothers ko. Close ko na nga sila eh.
Kahit ang daddy ko. Okay na kami. Masaya na kami. Nakabawi na siya sa
akin.
Masaya na ako ngayon.
Yun lang, nabuburyo na talaga ako sa buhay ko. Feeling ko walang
direction ang life ko. Sinubukan kong tumulong sa business ni mommy (yes, mommy na
ang tawag ko sa new wife ni daddy) kaso hindi ko talaga gamay.
Kaya ngayon gusto kong bumalik sa publishing industry dahil ayun naman
talaga ang hilig ko.
Bakit ba kasi nag resign resign pa ako!
Well, ang epic naman ng dahilan ko sa pag reresign noon. Na
brokenhearted kasi ako kay Luke. Si Luke na mahal ko eversince college ako. Tapos
ngayon girlfriend na niya ang kaibigan kong si Elise. At para maka-move on, nag
resign ako.
Shitty move.
Though effective dahil naka move on na rin naman ako. And I am really
happy for them. Nakaka bonding ko na ulit ang dalawang yun at inaamin ko na wala na
ang sakit na nararamdaman ko.
Yun nga lang, wala pa rin akong work ngayon.
Kakagaling ko lang doon sa isang publishing company para sa job
interview at ayun, hindi ako nakapasa. Ang saklap.
"Hi Ms. Jillian!" bati sa akin ng isang barista. Kilala na niya ako
dahil madalas akong nandito. "Free taste oh!"
May inilapag siya sa table ko na brownies. Dalawa pa.
"Ba't dalawa?" nakangiti kong tanong.
"Para mag smile ka na!" pabiro naman niyang sabi.
Natawa ako nang onti at siya naman, lumapit na sa kabilang table para
abutan ng free taste ang mga 'yon.
Kinain ko yung brownies.
Ang saya saya. Puro pampataba na 'tong kinakain ko.
Nang maubos ko na ang kapeng iniinom ko, naisipan ko na rin umalis.
Makapag-ikot ikot na lang muna sa mall pang tanggal depression.
Nagtungo ako sa bookstore at nag tingin-tingin ng mga new releases na
libro doon.
Nasa best selling list na naman ang tatlo sa mga pina-publish naming
book. Yung isa, ayun na ang ika-fourth book ng favorite kong author.
Naalala ko, ako ang nag proofread noon ng first book niya at gandang
ganda talaga ako sa kwento nito. Ngayon, released na pala ang ika-fourth book.
Nakakamiss din magtrabaho sa publishing house ko dati. Kaso hindi ko
alam kung pwede pa akong bumalik doon.
"Jillian?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isa sa mga ka-
trabaho ko na papalapit sa akin.
"Uy! Edgar musta na?" bati ko rito.
"Eto ayos naman! Ikaw? Ano ang pinagkakaabalahan mo?" tanong niya.
"Wala nga eh. Naghahanap ako ngayon ng work," natatawa-tawa ko namang
sabi. Napatingin ako bigla sa hawak-hawak ni Edgar. Puro mga fairytale books.
"Pang-regalo?" tanong ko sabay turo ng mga librong hawak niya.
Napa-ngiti ng malawak si Edgar.
"Ah hindi, para sa baby ko."
Nanlaki bigla mata ko.
"B-baby?! As in bata? As in anak?!"
Tumango siya, "oo magkakaanak na ako. Eh sabi nila mas okay raw pag
binabasahan na agad ng books ang bata habang nasa sinapupunan pa."
Shit. Sino ang nabuntis ng isang 'to?
"Babe! Kanina pa kita hinahanap!"
Nagulat ako nang may isang babaeng lumapit kay Edgar at pinulupot nito
ang braso niya sa braso nito.
Nanlaki ang mata ko.
Isang babaeng matangkad, morena, makinis, and holy shit, I know her!
She's Diana Martin. Isang beauty queen.
At nakita kong medyo bilugan na rin ang tyan niya.
"Ay babe, may ipapakilala ako sa'yo," sabi ni Edgar sa kanya sabay
tingin. "Si Jillian nga pala, dati kong ka-trabaho. Jillian, si Diana, ang napaka-
ganda kong asawa."
Nag-shake hands kami ni Diana.
Shit talaga hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Oo nga pala Jillian, nasabi mo na naghahanap ka ng trabaho? Baka gusto
mong bumalik sa publishing house natin. Nag resign na kasi ako doon at naghahanap
sila ng bagong proofreader."
"Talaga? Wait, ba't ka nag resign?"
Hinawakan ni Edgar ang kamay ni Diana at tinignan niya 'to tsaka
nginitian.
"May business na kasi kami ng babe ko. Focus na ako doon!"
Tumango si Diana, "I can feel na magiging isang mabuting ama 'tong baby
Edgar. Nung boyfriend ko pa nga lang siya, sobrang caring na eh. Ngayon pa na
magkakababy na kami."
Napangiti ako. Kita ko na sobrang mahal ni Edgar si Diana.
Kahit unggoy pala tumitino pag naiinlove. I'm happy for him.
"Ngayon pa lang congrats na sa inyo!"
"Thanks Jillian!" sabi ni Edgar. "So ano, sasabihin ko kay Sir West na
interviewhin ka na?"
"S-si Sir West ang mag i-interview? E-eh 'di ba big boss na siya doon?
B-ba't hindi si Elise?"
"Sus alam mo naman si Sir West masyadong hands on!"
Napayuko ako.
"Oh what's wrong?"
"Baka hindi ako matanggap pag si Sir West ang nag interview. Alam mo
naman yun, ang init ng dugo sa akin."
"Ano ka ba! Think positive! Syempre mas gusto nun i-hire yung hindi na
kailangan i-train. Kaya mo 'yan. I-email mo sa akin ang resume mo ah? I'll forward
it to him."
Tumango ako.
"Thanks Edgar."
"Wala 'yon! Ay sige una na kami at papakainin ko pa ng lunch ang mahal
ko."
"Bye Jillian," sabi naman ni Diana.
Nag wave ako sa kanila. Kita ko pang hinawakan ni Edgar ng mahigpit ang
kamay ni Diana.
Napabuntong hininga ako. Ang bait naman ng tadhana kay Edgar.
Samantalang ako, 24 years old na pero NBSB pa rin.
That night, I forwarded my resume to Edgar. Nag email back naman agad
siya sa akin na i-interviewhin na ako ni Sir West bukas.
Excited na akong pumunta ulit sa office. Namimiss ko na rin kasi ang
mga ka-workmates ko dati. Yung trabaho ko. Yung amoy ng bagong print na libro.
Pero hindi ko namimiss ang pambubulyaw ni Sir West. Si Sir West na
parang araw-araw may dalaw. Ka-lalaking tao na binata, akala mo parang matandang
babae na mag me-menopause dahil sa sungit.
Wag lang sana niya akong lamunin ng buhay sa interview bukas.
Gumising ako ng maaga para makapag-ayos ng bongga. I wore my best
corporate attire---black skirt and white longsleeves. Itinali ko pa ng maayos ang
buhok ko at nag make-up ako tama lang. Yung mukhang kagalang-galang.
"Ang ganda ng anak ko ah!" sabi ni daddy sa akin bago ako umalis.
"Ayos ba di?" nakangiti ko namang sabi sabay ikot.
"Ba't hindi ka mag-suot ng blazer? Mas okay."
"Eh daddy talaga. Baka ma-intimidate ang mag iinterview. Sabihin
mukhang inaagawan ko na siya ng posisyon."
"Aba dapat lang maintimidate siya sa'yo! Dahil for sure pag hinire ka
niya, ilang buwan lang nasa mataas na posisyon ka na."
"Aysus si daddy masyadong bilib sa akin," natatawa-tawa kong sabi.
Kung alam lang niya kung gaano ako kapalpak dati sa trabaho ko.
Nagpaalam na ako kay daddy at mommy bago ako umalis.
Dumating ako sa office ng 30 minutes early.
"Jillian!!!" salubong sa akin ni Elise sabay yakap ng mahigpit.
"Elise! Oh my gosh!"
"Hi Jill!" masiglang bati naman ni Luke sa akin sabay patong ng kamay
sa ulo ko.
"Oy wag mong guluhin ang buhok ko! Ang tagal kong inayos 'yan!"
Tinignan ako ni Elise mula ulo hanggang paa.
"Ang ganda mo shet! Naku office girl na office girl! Galingan mo sa
interview ah? Miss ka na namin dito!"
"Kinakabahan nga ako eh! Nandito na ba si Sir West?" sabi ko.
"Nasa taas siya. Doon ata ang interview."
Isa-isang naglapitan din sa akin ang mga dati kong ka-work. May mga new
employee rin silang ipinakilala sa akin.
Naeexcite na talaga akong bumalik dito.
"Jill, sabi ng secretary ni Sir West umakyat ka na raw for the
interview," sabi ni Elise.
"Oh gosh."
"Chill! Kaya mo 'yan!" sabi ni Luke.
"Oo nga. You got this."
Napatango na lang ako. Kinakabahan pa rin talaga ako. Alam ko kasing
mutual ang feelings namin ni Sir West sa isa't-isa.
We both hate each other.
Good luck talaga sa akin. Hindi ko aakalaing kakaharapin ko ulit si
monster boss.
Umakyat na ako sa next floor. Pinapasok naman agad ako sa office ni Sir
West nung secretary niya.
"May kinuha lang si Sir sa kabilang office. Wait here okay?" sabi nung
secretary.
I nod at naupo sa chair sa kabilang side ng table ni Sir West.
Inikot ko ang tingin ko sa opisina niya. Maayos, organized ang lahat.
Kahit yung mga patong-patong na manuscripts sa desk niya organized din.
Ang ayos ayos talaga ng nilalang na 'to. Kaya siguro ayaw niya rin sa
akin kasi burara ako at magulo. Dati, madalas niyang pansinin ang work table ko na
sobrang gulo. Madalas din niya akong sermonan.
Ang saya siguro niya nung umalis ako sa kumpanya niya. Wala na siyang
sakit ng ulo. Wala nang pinapagalitan na lousy employee at laging late.
Ngayon, mabibigyan pa kaya niya ako ng chance?
Narinig kong nag-open yung door kaya naman agad akong napatayo.
Pumasok si Sir West at agad na nagtama ang tingin namin.
Ewan ko ba ba't mas dumoble ang kaba ko?
Dahil hanggang ngayon nakakatakot pa rin ang aura niya? Dahil nandoon
pa rin yung yung vibe na nakamasid siya sa bawat pagkakamali ko?
O fuck shit, bakit gumwapo siya ngayon?
I mean, hindi naman siya ganyan ka-gwapo dati ah? Ang sungit ng dating
niya. Naka-kunot ang noo palagi. Same age kami pero feeling mo matandang binata ang
kaharap mo.
But now....
Okay, may lovelife ba 'to at blooming?
"Hi Jillian," bati niya sa akin.
"Sir West."
Lumapit si Sir West at inilahad niya ang kamay niya.
"Nice to see you again."
Nakipag shake-hands ako sa kanya at feeling ko may kuryenteng dumaloy
sa buong katawan ko nang magdikit ang palad namin.
Okay. Shit. Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito ang na-f-feel ko?
Ano 'to? Bakit ang hirap huminga?
I used to hate this guy.
Pero bakit ganito ang effect niya ngayon?
Naupo si Sir West sa tapat ko at nginitian niya ako.
Parang mas tumindi ang kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko. Oh my
gosh. Kelan pa siya natutong ngumiti ng ganyan.
Ang gwapo niya ngayon.
Erase, erase, erase! Wag kang magpapalinlang Jillian! Kahit gwapo 'yan,
halimaw pa rin 'yan!
"How are you Jillian?" tanong niya.
"I---uhmm, I-I'm fine."
Leche. Ba't ako nauutal?
"Good. So, you're applying again as a proofreader?"
Tumango ako.
"Yes sir."
"Why?"
Kasi kailangan ko ng trabaho, obvious ba?
"I realized that-uhmm-proofreading is-err---my passion?"
Kumunot ang noo niya.
Bwiset naman kasi Jillian! Anong klaseng sagot yan! Proofreading is
your passion? What the hell! Anong kabobohan 'yan?!
Nabablangko talaga ang utak ko ngayon at hindi ko alam kung bakit.
Nag practice ako kagabi! Nasaan ang confidence ko ngayon?!
"Proofreading is your passion. Really?"
Hindi ako umimik. Feeling ko first question pa lang, tegi na ako.
Tinignan ni Sir West ang resume ko.
"So, hindi ka nag work after you resigned here a year ago."
"Ah, tumulong-tulong po ako sa family business namin."
"And what business is that?"
"Family restaurant po."
Tumango siya.
"Tell me, why should I hire you again? Actually your record here is not
good. You're always late. Kahit sa pagpapasa ng mga manuscripts lagi kang late. And
you said that proofreading is your passion."
Sabi na eh. Kaya ayokong siya ang mag i-interview sa akin dahil ganito
ang mangyayari.
Ang laki nga ng ikina-gwapo niya ngayon pero ang ugali same pa rin.
"Okay lang Jillian, just tell me honestly kung bakit dapat kitang i-
hire ulit."
Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng diretso sa mata.
"Kasi sir I miss this job. Na after kong mag resign, I realized na sana
pala pinagbuti ko noon. Ito yung place kung saan pakiramdam ko belong ako. That's
why I am giving it a shot. I'm asking for another chance, Sir West. This time I
promise I'll do better."
Iniwas ni Sir West ang tingin niya sa akin at tumango.
"Okay. I'll just email you the result of your interview. Thank you
Jillian."
Tumango ako at pakiramdam ko maiiyak ako kaya hindi na ako nagsalita at
tumalikod na lang ako at tuloy-tuloy na lumabas ng opisina niya.
I'll email you the result your face.
Ilang kumpanya na ang nagsabi sa akin niyan. At laging failed naman ang
result. Bakit hindi na lang ako diretsahin na hindi ako tanggap kesa yung
pagiintayin pa ako? Masakit kaya umasa.
At nakaka-frustrate kasi kung kelang gusto mo nang ayusin ang buhay mo
tsaka pa hindi ka nabibigyan ng chance.
Alam ko namang pabaya ako dati eh. Alam kong walang wala akong gana sa
lahat ng bagay.
Pero ngayon kasi nagbago na ako. I have my family. Now I want a
purpose. Gusto ko nang gawin ang bagay kung saan ako nag e-excel.
At nakaka disappoint.
Well, I can't blame him if he doesn't want me back. Sakit nga naman ako
sa ulo niya. Pasaway.
"Are you okay?" tanong ng secretary ni Sir West.
Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako.
Tumango lang ako at agad kong pinunasan ang luha sa mata ko.
Nakakainis. Napakaiyakin ko bwisit.
Agad akong sumakay sa elevator pero bago pa tuluyang sumara ang
elevator door, biglang pumasok si Sir West sa loob.
Shit naman.
Napatalikod ako sa kanya.
I don't want him to see my tear-stained face. Todo make-up pa naman ako
kanina para sa interview na 'to. Ngayon ayan, ang mascara lusaw.
Bwiset.
"Why did you leave my office? Hindi pa ako tapos eh," dinig kong sabi
niya.
Hindi ako umimik. Ganun na rin yun eh. Nag-t-thank you na siya. Meaning
pinapaalis na niya ako.
"Jillian."
Hindi pa rin ako humaharap sa kanya. Nahihiya ako. Feeling ko mukha
akong pathetic loser ngayon.
Bakit ba kasi sumige-sige pa ako sa job interview na 'to?
Sa bahay na lang ako. Tutulong na lang ako ulit sa business namin. Yun
na lang. Ayoko na. Pinapahiya ko na lang sarili ko eh.
"Jillian."
Naramdaman kong hinawakan ni West ang balikat ko at pilit niya akong
pinapaharap sa kanya.
Shit naman eh!
Yumuko ako.
"S-sorry Sir West. Please don't mind me. Medyo frustrated lang ako sa
sarili ko pero hindi naman kita masisisi. Okay lang po."
"Jill."
Biglang napa-angat ang tingin ko sa kanya nang tawagin niya akong Jill.
Never pa niya akong tinawag na ganun noon.
And I don't know why. I feel nostalgic. Parang narinig ko nang tinawag
niya ako dati na ganun but that's impossible.
"Y-you're crying..." gulat na sabi niya.
Napaiwas agad ulit ako nang tingin.
Wala na bang ikaka-awkward pa ang encounter namin na 'to?
"Here."
Inabutan niya ako nang panyo at agad ko namang kinuha at ipinunas sa
mukha ko.
Nakakahiya ka talaga Jillian.
"You're hired."
Napa-angat ulit ang tingin ko sa kanya.
"W-what?!"
"I said you're hired."
"P-pero.. b-bakit...? Wait are you hiring me dahil naawa ka sa akin? If
that's the case then, I'm so sorry Sir West. I can't accept the job."
"No. Tanggap ka naman talaga eh. The reason why I said na mag e-email
na lang ako sa'yo is because wala pa akong nakahandang contract ngayon para sa'yo.
Eh yung itsura mo kanina na lumabas ka sa office ko, halatang akala mo hindi ka
tanggap."
Napatulala ako. Halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.
"H-hired ako? Totoo? Sigurado ka? Tama ba ang dinig ko?!"
He smile, "yes Ms. Jillian Evangelista. You're hired. I want you to
report next week."
"Yes!"
At hindi ko napigilan ang sarili ko. Napatalon na lang ako at napayakap
kay Sir West.
"Ay shit." Bulong ko.
Agad akong humiwalay.
"S-sorry sir! Masayang-masaya lang!" ngiting ngiti kong sabi.
Napayuko si Sir West at tumango lang sa akin. Nakita kong namumula ang
tenga niya.
Eh? Ba't namumula ang tenga niya.
"S-sige Jillian see you next week," pagkasabi niya nun ay bigla na lang
siyang bumaba sa third floor.
Anong problema nun?
Pasara na sana ang elevator nang bigla ulit niya itong binuksan at
hinarang ang kamay niya.
"Sir West?"
Tinignan niya ako ng diretso sa mata at pakiramdam ko kinukuryente na
naman ang buong katawan ko. Feeling ko malulusaw ako dahil sa mga tingin na yan.
"Jill..."
"P-po?"
He smiled at me.
"Na miss kita."
After that, inalis niya na ang kamay niyang nakaharang sa elevator at
tuluyan na itong nag-sara.
Habang ako ay napatulala na lang sa loob with my mouth hanging open.
~*~
[Cupid's POV]
Pinagmasdan ko si Jillian na palabas ng opisina habang ngiting-ngiti at namumula-
mula pa ang pisngi.
Matapos ang isang taon, nagkita na ulit sila ni West.
It's starting.
Kaso nakakainis naman ang pamangkin ko na 'to. Nananaba eh! Ni hindi
man lang nag diet.
Buti na lang mahal pa rin sya ni West hanggang ngayon.
Well, napana ko na ang dalawa. Nag dugtong na ang kapalaran nila.
Ngayon babantayan ko na lang silang dalawa para wala nang makakasagabal sa happy
ending nila.
Sabi ko sa'yo Jillian 'di ba sasaya ka na?
Nakakatuwa na maayos na ang buhay ni Jillian ngayon. Masaya akong
nakikita mula sa malayo na may kasama na si Jillian at may itinuturing na pamilya.
Though inaamin ko paminsan-minsan nalulungkot ako kasi hindi na niya
ako naalala. Pero ang pag bura ko ng alaala niya ay para na rin sa ikabubuti ng
lahat.
Tuluyan ko nang pinutol ang koneksyon ni Jillian sa mundo namin para
hindi na siya mapag-interesan ng iba pang mga gods and goddesses. At ang final step
doon ay ang pagbura ng alaala niya.
Dahil hangga't may naalala siya sa mga nangyari, hindi siya
makakapamuhay ng normal. Ayokong mangyari yun.
Ngayon na pinili na ni Jillian ang buhay ng isang mortal, nawala na rin
ang pagiging part goddess niya.
Siguro maaring bumalik kapag siya'y pumanaw na. Maaring pag nawala na
siya sa mundong ito, maninirahan na siya sa Mt. Olympus para maging isang full
goddess.
But I doubt na gagawin ni Jillian iyon.
Pakiramdam ko hanggang sa kabilang buhay ay doon siya kung saan
makakasama niya si West.
Ganun naman talaga pag mahal mo. Ganun pag nahanap mo na ang soulmate
mo.
Kung nasaan siya, andoon ka. At hinding-hindi na kayo mapaghihiwalay.
Sa puntong 'to, nag-i-istart na ang panibagong kwento ni West at
Jillian.
Sisiguraduhin kong magiging isang magandang kwento ito.
- END OF BOOK ONE-
Aly's Note:
Yes! Tama po ang nabasa niyo! End of book one! Ibig sabihin ay may sequel!
Yaaaaay!!!
Hahayaan ko ba naman mabitin kayo ng bongga? Wahahahahaha. Of course gusto ko pa
rin makita niyo ang journey nina West at Jillian.
Pero sa mga contented na sa ending nito, okay lang kung mag stop na kayo. Sa mga
gusto naman samahan si West at Jill sa kanilang road to forever, push sa second
book na ipopost ko NEXT WEEK..
Title: "The Living Arrow"
Sa mga nagbasa po ng SWSCA, thank you po! Salamat talaga! At first medyo nangangapa
ako sa storya nito. Hindi ko alam kung paanong atake gagawin ko. Pero I'm glad na
na-appreciate niyo ito. Thank you thank you dear readers! I love you all!! Sana wag
niyo akong awayin kung hindi kayo ang nakatuluyan ni Edgar. Alam ko naman na
sobrang mahal niyo siya. Wahahahaha.
Kita-kits sa BOOK TWO!
Mwah!