Talumpati

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ANG MAY MAGULANG

Bawat isa sa atin ay may mga magulang, Ama at Ina na handang maghirap at gawin ang lahat para sa
kapakanan ng anak. Masarap magkaroon ng magulang, na magmamahal sayo. Tutulong sa mga
problema at sa mga oras na pumapatak ang luha dahil sa kabiguan andyan sila upang patahanin ka.
Andyan si Inay na gagabayan ka upang hindi ka ulit madapa, andyan si Itay na mangangaral para hindi
ka mapunta sa maling landas, sapagkat oras na masaktan ang anak doble ang sakit nito sa magulang.

Tayong kabataan na may mga magulang pa ay maituturing na talagang maswerte dahil bawat isa sa
atin ay may Ina na naghihintay sa pintuan ng bahay upang itanong ang araw mo, Ama na naghihirap
magtrabaho para sa luho sa buhay, iwan man tayo ng lahat ngunit kailanman ang ating magulang ay
hinding hindi tayo iiwan.

Tayong may mga magulang pa, sana ay pahalagahan natin bawat ginagawa nila malaki man o maliit,
mahirap ang walang magulang walang kakamusta sa mga araw mo, pagsasabihan ng mga problema at
babahagian mo ng mag pangarap sa buhay. Marami ngayon ang nangungulila sa yakap at
pagmamahal ng isang magulang.

Mahirap ang mabuhay ng mag-isa ka lang, yung iba gustong maranasan ang magkaron ng magulang
na magmamahal sa kanila, kahit nga mura ng Ina sa tuwing bubungad palang sa pinto, bugbog,
tadyak, suntok ng Ama sa tuwing matatalo sa sugal o lunod sa alak, ay walang nagpaparamdam ng
ganon, ang hirap diba, mahirap lumaki ng ikaw lang at walang kasama. Hanggang nakakasama pa
natin sila isipin natin at pahalagahan ang mag ginagawa nila, wala tayo sa ating kinalalagyan kung
hindi dahil sa kanila. Sa oras ng silay tumanda at tayo naman ang kailanganin nila huwag sana nating
ipagdamot ang aruga at pagmamahal natin na gusto nilang maramdaman, huwag sana nating sigawan
kung sya man ay makulit, huwag sanang pandirian kapag napadumi o napaihi sa short, imbis ay
intindihin dala na ito ng katandaan, pagpasensyahan man kung maging bingi, diba natin naisip nung
mag bata pa tayo ay hindi sila nagsawang intindihin tayo ng paulit-ulit.

Kung dumating ang araw na magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman ang ating magulang ay
huwag sanang pagsawaang alagaan, tayo bilang anak ay kailangang gawin ito sapagkat dito lamang
tayo babawi sa lahat ng ginawa nila sa atin.

Mahalin natin ang ating mga magulang, sabihin natin ang salitang "SALAMAT SA LAHAT MAHAL NA
MAHAL KO PO KAYO", iparamdam natin sa kanila na mahal natin sila dahil pag huli na ang lahat,
kanino mo pa ito sasabihin, anumang lakas ng sigaw, dami ng luha at sakit ng nararamdaman hindi
mo na ito masasabi pa, kaya habang maaga pa gawin mo na at sahing "Inay at Itay maraming
maraming salamat sa lahat mahal na mahal ko po kayo".
Sa Kabataan

Titibok. Dug dug, dug dug, dug dug. Titibok ang puso at magsisimula ang isang buhay. Isang buhay na
pinagpala. Isang regalong walang sinuman ang makahihigit. Dug dug, dug dug. Ang pusong natatangi
ang pintig. Ang pusong sumasakay ang tunog sa mga ulap sa langit.

Binigyan ka ng hininga. Upang makapagpatuloy, kailangan mong huminga. At sa paglipas ng mga


araw, darating ang isang pulutong ng bukas, at aanurin ka ng rumaragasang oras. Malulunod ka,
ngunit–hihinga pa rin. Tulad ng ibang nilalang, gaya rin ng halamang umuugat sa lupa, lalaki ka at
magpapatuloy ang pag-inog ng panahon sa iyong ulo. Sa bawat pagmulat ng iyong mga mata ay
masisinagan mo ang kagandahan ng regalong ibinigay sa iyo. Hindi ka makapaniwala sa dami ng
sangandaang maaari mong bagtasin.

Napunta sa iyo ang lahat ng iyong kailangan at gusto. Walang bagay ang hindi mo nakuha sa isa mong
salitang kasintatas ng sa isang hari. Sa pagmamadali mo, binilisan mo ang iyong paglakad. Hindi ka
nagdahan-dahan! Huwag mong sabihing walang nakamasid sa iyo sa hinaba-haba ng kasaganaang
isinalang sa harapan mo! Ang iyong pagkadapa sa malaking batong iyan ay kagagawan mo at hindi ng
mga taong nagmamahal sa iyo.

Ano nga ba ang alam mo sa pagmamahal?

Nakapikit ka nang ikaw ay pumili. Nakapinid, hindi lamang ang iyong paningin, ngunit pati na ang
iyong kamalayan at diwa. Dinakma mo ang daigdig at itinapal ito sa iyong mukha upang hindi mo na
makita pa ang kadalisayan ng kuwentong ikaw mismo ang may akda.

Ang tibok ay unti-unting napata. Nahapo ka, at nawalan ng hininga. Tapos na ba ang paghihirap mo?
Wala ka na bang dapat takasan pa?

Ikaw. Oo, ikaw. Ikaw ang gumuhit ng sarili mong landas. Ikaw ang bumaybay sa salitang “buhay” —
subalit nawalan ka na ng malay bago mo napagtantong ang mundo mo ay “buhay”.
Talumpati ng magsisipagtapos

ni: Mary Grace G. Dikitanan

Sa lahat ng kagalang-galang na bisita (Mrs. Florita R. Enmoceno)sa lahat ng guro sa aming paaralan, sa
lahat ng mga magulang na naririto , at sa kapwa ko magsisipagtapos, isang magandang hapon po na
pinagpala ng diyos.

Isa pong malaking karangalan po para sa akin ang magsalita sa harap ninyo ngayon hapong ito. Alam
ko pong ang Diyos na makapangyarihan ang nagbibigay sa akin ng pagkakataong ito, kayat hindi ko
dapat siya biguin.

Ang batch namin ay talaga namang pinagkalooban ng Diyos ng mga talento at potensyal sa ibat-ibang
larangan. Sinikap naming diskubrihin ang aming mga aking husay at galing upang magtagumpay sa
mga paligsahan sa loob at maging sa labas ng paaralan.

Siyempre, ang bawat tagumpay ay may katumbas na hirap at di-magandang karanasan, may mga
pagtatampuhan sa pagitan ng mga mag-aaral at kung minsan pa ngay sa pagitan pa ng mga guro't
estudyante, Oo, inaamin ko minsan naiinis ako sa aking mga titser kapag pagod na pagod na ako sa
pinagagawa nila sa akin, at batid kong may mga kaklase akong may kung anong tinatagong pagkainis
sa akin, at ganon din ako sa kanila, ayaw ko lang banggitin ang mga halimbawa ng mga sitwasyon
iyon. dahil dapat ngayon ay maligaya tayo kung marami ang pasakit na aking nilampasan, sa mga
pagkakataong iyon, hindi ko maiwasan ang umiyak......umiyak para mabawasan ang dinadala kahit
kaunti.

Nais ko pong pasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng masaya't makulay kong buhay
high school.

Sa aking mga magulang na kumalinga sa akin simula't sapul hindi ko po alam kung paano ko kayo
pasasalamatan. mula sa pag-aaruga,pagpapalaki,pagpaararl, pagtatanggol sa akinat pagmamahal
tunay pong kayo ay dakila, Ma, Pa para sa inyo ito. Mahal na Mahal ko po kayo.

Sa ating lahat, bilang pagtatapos, ay iiwan ko ang isang hamon. Maaari nagawa natin ngayon ang
matagumpay sa pag-akyat sa tuktok ng isang bundok. Pero mas marami pang bundok na sadyang mas
matataas ang dapat pa nating akyatin tiyak na marami ring sagabal ang masasalubong natin. ngunit sa
lahat ng makakaya upang mas marami pang pagdiriwang ang magaganap.
Nasaan Na Ang Kabataan?

Jenny M. Pablo

Una sa lahat, ako’y bumabati ng magandang araw, lalo na sa mga kabataan sapagkat ang tema ng
aking talumpati ay tungkol sa kabataan. Kabataan na sinasabing "Pag-asa ng Bayan". Kabataan na
nagsusulong sa ating bayan tungo sa kaunlaran, katahimikan, o kapayapaan. Ngunit nasaan na ang
kabataan?

Ang ating kabataan ngayon ay ibang-iba na kung ikukumpara noon. Lubhang mapupusok na sila sa
mga gawaing ilegal at mabibilang na lang sa mga kabataan ang gumagawa ng mabuti. Dahilan sa
ngayon ang kabataan ay lulong na sa maraming bisyo gaya ng alak, sigarilyo, sugal at paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Ang masaklap pa nito, hindi lang kalalakihan maging kababaihan ay lulong
na rin sa ganitong bisyo. Kaya iilan na lamang ngayon ang matitino. Iilan na lang ang sumusunod sa
mga patakaran, kaya pano pa natin masasabi na ang kabataan ay pag-asa ng bayan? Kung sarili nila ay
hindi nila kayang pahalagahan at nasisira ang kanilang pagkatao nang dahil sa bisyo. Pano natin
makakamtan ang katahimikan o kapayapaan kung ang ating kabataan ay walang pagkakaisa? dahil
ang hanap nila ngayon ay puro gulo, away at basag ulo. Kaya nasan na ang kabataan?

Kabataan, "Tayo ang Pag-asa ng ating Bayan." Tayo ang dapat magmulat sa mga mga susunod sa ating
mga yapak. Ipakita natin na karapat dapat tayong mamuno sa pagsulong ng ating bayan. Maging
masikap tayo, tumulong sa mga may katungkulan upang palaganapin ang batas. Sa pamamagitan ng
pangunguna sa pagsunod sa mga patakaran. Itigil ang ipinagbabawal na gamot, bisyo at makiisa
bilang mamayanan. Magkaroon tayo at disiplina at respeto sa sarili natin at sa ating kapwa. Magkaisa
tayo na ang kapayapaan ay ating makamtan. Tayo ng mamuno at ipakita na ang "kabataan ay ang Pag
asa ng Bayan"
Talumpati Para sa Kahirapan

Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga masasayahin at


kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga
taynga.
Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang problema
ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Sa aking
matagal at masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking
nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng
ating bansa ay ang kahirapan.
Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera,
ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang
bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis.
Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng
matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala
ng kahirapan.
Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang ang
kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta
sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan
ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin.
Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing
pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?
Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang
katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tiyaga na maghanap
ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa.
Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang
pamumuhay.
Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong ibahagi sa inyo. Ilan lang
ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng kahirapan sa ating bansa.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan?
Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay?
Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging isang
mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y
magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan.
Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran.
Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na
magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.

Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit
hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!
Sa Kabataan

Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot". Kapag ang isang
bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot.
Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng
isipan, ng puso, at ng diwa.

Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at
pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang
ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang,
kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong
bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking
kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas
ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan-anong
kapinsalaan para sa kinabukasan.

II
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa
langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon
ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o
bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang
kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-
aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan.
Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga
magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng
ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa
mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.

Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap,
wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.

You might also like