BUOD

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Clarince D.

Aucena 12-Stem Einstein

BUOD:

ANAK

Ang kwentong ito ay tungkol kay Josie, isang ina na piniling magtrabaho sa Hongkong

bilang isang kasambahay. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya at

matustusan ang kanilang pangangailangan, ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang

kinakabukasan ang kanyang mga anak, na malayo sa kanya, tiniis niya ang pag mamaltrato at

pagmamalupit ng kanyang amo. Makalipas ng ilang taon at nakauwi na rin siya dahil sa

pagpapasyang hindi na magtatrabaho sa Hongkong at siya ay magnenegosyo na lamang. Dahil

sa kanyang kagustuhang makasama ang kanyang mga anak. Si Daday ang kanyang bunsong

anak na hindi siya kilala, Si Michael na mahiyain at walang imik at si Carla, na hindi siya

ginagalang at hindi iniintindi ang kanyang ina. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man

lamang ang atensyon ng mga anak at sa mga araw na nagdaan ay nakikilala niya ang kanyang

mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo,

panlalalake, at paglalalag ng bata. At Marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang

pagkawala ng iskolarship ni Michael na siyang pinakamatalino sa kanyang mga anak, at iniwan

siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya. Si Josie ay

nagkaroon ng pagkukulang sa kanyang mga anak ngunit sa mga alitang nangyari naintindihan

rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa

pangyayaring iyon ay bumalik ang loob ni Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang

anak at nakakatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis

ng ina.

You might also like