4th Periodical Exam in AP 10
4th Periodical Exam in AP 10
4th Periodical Exam in AP 10
SEMI-FINAL EXAM IN
ARALING PANLIPUNAN
_________16. Ito ay isa sa mga dokumento na naglalahad ng karapatang pantao kung saan binigyang ng kalayaan ang mga alipin,
may karapatang pumili ng ng nais na relihiyon at pagkakaroon ng pagkapantay-pantay.
_________17. Ito ay isa sa mga uri ng karapatan kung saan ang mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas. Karapatang makatanggap ng minimum wage.
_________18. Ito ang organisasyon na itinatag ito ni Jack Healey na isang kilalang human rights activist. Naging tagapagtaguyod ito
ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng
karapatang pantao sa buong daigdig.
_________19. Ito ay isa sa mga dokumento na naglalahad ng karapatang pantao kung saan hindi maaring ikulong, dakpin, at bawiin
ang anumang ari-arian ng sinoman nang walang pagpasya ng hukuman.
_________20. Ito ay isang organisasyon na nagbibigay ng proteksyon sa karapatang pantao ang kanilang motto ay "It is better to light
a candle than to curse the darkness.”
_________21. Ito ang organisayon na may pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang
karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan.
_________22. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamayang Pilipino.
_________23. Siya ang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nation at ang biyuda ni dating Pangulong Franklin
Roosevelt ng United States.
_________24. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
_________25. Ito ang organisasyon na itinatag ito ni Jack Healey na isang kilalang human rights activist. Naging tagapagtaguyod ito
ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang
pantao sa buong daigdig.
_________26. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang isang pamayanan o estado.
_________27. Ayon naman kay______________, sa pamamagitan ng civil society ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng
soberenya ng isang estado.
_________28. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay
sasailalim sa isang proseso sa korte.
_________29. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kanyang magulang.
_________30. Ito ay isa sa mga dokumento na naglalahad ng karapatang pantao kung saan hindi pagpataw ng buwis na walang
pahintulot ng Parliament at pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.