Simple

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LEARNING ACTIVITY SHEET

Pangalan:__________________________ _____Baitang/Seksyon: ______________Iskor:______

Asignatura: FILIPINO 7 Guro: _____________________ Petsa: ______

Pamagat ng Gawain: May Tama Ka!

Most Esential Learning Competency: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan


ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.(F7PN-
Ia-b-1)

Mga Kasanayan sa Pagkatuto/Layunin:


1. Nakikilala ang kultura at tradisyon ng mga taga-Mindanao
2. Naititiim sa isipan ang kahalagahan ng paggalang sa pagkakaiba-iba ng kultura at tradisyon.
3. Nasasagot nang mahusay ang mga gawaing naibigay.

Konsepto:
Isang Kabatiran tungkol sa Mindanao
Ang Mindanao na siyang pangalawang pinakamalaking pulo ng bansa at sinasabing
tahanan ng maraming Muslim sa bansa ay tinatawag ding Lupang Pangako ng Pilipinas. Ito ay
binubuong mismong pulo ng Mindanao at ng kapuluan ng Sulu. Nahahati ito sa anim na
rehiyong kinabibilangan ng Rehiyon IX (Peninsulang Zamboanga), Rehiyon X ( Hilagang
Mindanao), Rehiyon XI (Rehiyon ng Davao), Rehiyon XII (SOCCSKSARGEN), Rehiyon
XIII (Caraga), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
Sa panitikang Mindanao masasalamin ang kultura at paniniwala ng mga Muslim at mga
pangkat-etnikong naninirahan dito gaya ng Meranao, Tausug, Bagobo, Yakan, Badjao, at iba pa.
Karaniwang paksa ng kanilang panitikan ay may kinalaman sa kanilang relihiyon at paniniwala
gamit ang kanilang lingua franca, wikang Bisaya at Cebuano.
Ilan sa mga kilalang akda sa Mindanao ay ang Darangen ng mga Muslim kung saan
kabilang ang epikong Bidasari, Bantugan, at Indarapatra at Sulayman . Gayundin ang mga
kilalang “Alamat ni Pilandok” at “Mga Sultan ng Borneo” ay rito rin nagmula. Sa lalawigan ng
Lanao ay tanyag ang Agamaniyog o ang katipunan ng mga kilalang pasalindilang panitikan sa
nasabing lugar.
Kakaunti lamang ang mga tala tungkol sa panitikang Mindanao ngunit sa kasalukuyan ito
ay pinauunlad at pinalalawak sa tulong ng Sining Kambayoka sa pangunguna ng Mindanao State
University.

___1. Panuto: TAMA O MALI: Suriin kung tama o mali ang diwang ipinahahayag
Ang tungkol sa Mindanao ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang
titk T kung Tama at M kung Mali.

Mindanao ay ang pangalawang pinakamalaking pulo sa bansa.


___2. Ito ay tinatawag ding “Lupang Pangako” ng Pilipinas.
___3. Ang Mindanao ay nahahati sa walong rehiyon.
___4.Sa panitikang Mindanao,masasalamin ang kultura at paniniwala ng mga Itneg.
___5. Karaniwang paksa ng Panitikang Mindanao ay may kinalaman sa kanilang relihiyon at
paniniwala.
___6. Ilan sa mga kilalang akda sa Mindanao ay ang Darangen ng mga Muslim.
___7. Sa lalawigan ng Marawi ay tanyag ang Agamaniyog o ang kalipunan ng mga kilalang
pasalindilang panitikan sa nasabing lugar.
___8. Wikang Bisaya at Cebuano ang Lingua Francang karaniwang ginagamit sa panitikang
Mindanao.
___9. Kasalanan ng mga Muslim ang pag-aasawa ng higit sa isa.
___10. Sinasabing tahanan ng maraming Muslim ang Mindanao.

Pamagat ng Gawain: Ayusin mo Ako!

Most Esential Learning Competency: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan


ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.(F7PN-
Ia-b-1)

Panuto: Ayusin ang mga titik na ginulo upang mabuo ang salitang may kaugnayan sa
Mindanao

_______________1. Pangulo ng Pilipinas.( UDRETTE)


_______________2. Fruit basket ng Pilipinas. (VODAA)
_______________3. Kilalang-kilalang boksingero.(NAMYN CAPIUQOA)
_______________4. Naniniwala sila kay Allah.(USMILM)
_______________5. Isang sikat na festival. (WANAYADAK)
_______________6. Bahay sambahan ng mga Muslim ( SOMUEQ)
_______________7. Mabaho ngunit masarap na prutas.(NAIRUD)
_______________8. Lingua franca ng mga taga Mindanao.(SAYABI)
_______________9. Ang katipunan ng mga pasalindilang panitikan.(NIYOGAMAGA)
_______________10. Rehiyon XII (KSCCOSGENSAR)

Pamagat ng Gawain: Alam na this!

Most Esential Learning Competency: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan


ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.(F7PN-
Ia-b-1)
Panuto: Isulat ang alam mong mga impormasyon kaugnay sa pulo ng Mindanao.

You might also like