Melc 4 Acts
Melc 4 Acts
Melc 4 Acts
4. Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento.
Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng
may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maparating sa
kanyang mambabasa.
Gawain 2: Pagbasa ng Akda
Mabangis na Lungsod
Gawain 3
Pagsulat ng Journal Summative
Panuto: Isulat sa Journal notebook ang sagot sa tanong na ito . Maaring magdikit
ng larawang may kaugnayan sa iyong sagot. Gamitin ang template sa ibaba.
Insert template
Ano ang pinakikita ng akda sa uri ng lipunang mayroon tayo?
Paano maaring mahinto ang paigiging biktima ng mahihina
sa isang mabangis na lungsod?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
Gawain 4
Simulan natin Formative
Mahilig ka bang magbasa? Sagutin ang ilang katanungan sa ibaba kaugnay ng
mga akdang nabasa mo.
1. Ano ang paborito mong maikling kuwento? Isulat ang maikling buod nito.
2. Ano ang paborito mong pabula? Isulat ang maikling buod nito.
3. Ano ang paburito mong alamat? Isulat ang maikling buod nito?
4. Ano ang paborito mong nobela? Isulat ang maikling buod nito?
5. Ang maikling kuwento,pabula,alamat , at nobela ay ilan sa mga halimbawa ng
tekstong naratibo. Batay sa nalalaman mo tungkol sa mga akdang ito, anong p
agpapakahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong naratibo? Isulat sa
ibaba.
Gawain 5
Magagawa natin summative
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong sa sarili
pamilya,komunidad, at bansa (F11PB-IId-99)
Gawain 6 summative
B. Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa (F11PB-IIIa-98)
Sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay ng paksa o tema ng tekstong
binabasa.
Ano ang paksa o temang tinalakay ng akda ? tukuyin at lagyan ng tsek ( / ) ang
sagot mo at saka ipaliwanag ang napili mong sagot
Paliwanag:
Batay sa iyong naging kasagutan, bakit mahalaga ang pagpili ng naaangkop na paksa
o tema sa pagbuo ng isang tekstong naratibo?
Gawain 7
Sagutin natin
Panuto: Suriin ang katangian at kalikasan ng binasang tekstong naratibo ang “Mabangis
na Lungsod,” Sagutin ang mga tanong.
Puntos Pamantayan
Napakahusay ng pagkakasulat,lubhang nakakaaliw, at
4 napag-iiwan din ng mahahalagang aral sa mambabasa
Mahusay ang pagkakasulat, nakakaaliw at nagtataglay
3 ng mahahalagang aral para sa mambabasa
Hindi gaanong mahusay ang pagkakasulat kaya naman
2 hindi naakit ang mambabasa at hindi malinaw na
naipabatid ang taglay na aral.
Maraming kakulangan sa pagkakasulat, hindi nakaakit, at
1 hindi malinaw ang taglay na aral.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang
mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag
lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong
pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit.
Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa
suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa
mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala
naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa
mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa
maruruming palad.
Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya
ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para
maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng
pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na
kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay
Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan
ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.
“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik
kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak
ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y
naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.
“Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig
Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi
inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing
na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling
inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog
nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi
niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman
ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng
pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.
Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang
malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng
suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol.
Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman
niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga
bagol.
“Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang
sinabi sa matanda.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang
niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang
sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang
kumandong sa kanya.