Modyul Ama

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Division of Leyte
BALOCAWEHAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Balocawehay, Abuyog,Leyte

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 9

ARALIN 1.1: Petsa:

Pangalan: Baitang at Seksyon:


I. Unang Bahagi:
 Paksa: Maikling Kwento
 Layunin: Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda.
 Code: F9PN-Ia-b-39

II. Ikalawang Bahagi:


 Alam mo ba!:
Maikling Kwento
 Ito ay isang maikling kathang maaring hango sa tunay na buhay o maari
namang likha lamang ng mayamang guni-guni ng mak-akda, kakaunti lamang
ang mga tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa
o nakikinig.
 Pangunahing layunin nito ay manlibang.
 Natatapos itong nasahin sa isang upuan lamang.
Bahagi:
SIMULA
a.) Mga Tauhan -- dito nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papael
nagaganapan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o suporta
b.) Tagpuan -- dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente gayundin
ang panahonkung kailan naganap ang kuwento.
c.) Suliranin -- kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan
GITNA
a.) Saglit na Kasiglahan -- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
b.) Tunggalian -- bahaging kababasahan ng pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning
kakaharapin naminsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan.
c.) Kasukdulan -- pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban
WAKAS
a.) Kakalasan -- bahagingh nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting
napangyayari sa kasukdulan.
b.) Katapusan -- kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.

Pagbasa sa Akda:
"Ang Ama" (kuwento, Singapore)
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay
sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -malaking supot ng mainit na pansit na iginisa
sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwingpagkain ng ama, lamang ay napakarami nito
upang maubosniya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo satira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa
mesa. Kundi sa pakikialam ng ina namabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng
masarapna pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta
anglahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki,
doseanyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat,
atnagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina,
upangtiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe
anyos,isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad
ng iba, aymaingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila


ngama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng
dalawangsupot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang
pagkain nahirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't
kumain ngkaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi
ngpagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kunghindi ito umuuwing lasing at
nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasapa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama,
naninipat ang mga matangtitingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito.
Kungumuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at angmga bata'y magsisiksikan,
takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa amaat umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na
dumapo sa kanilang mukha.Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mgabata na
humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mataniyon ay mamamaga, kaya mahihiya
itong lumabas upang maglaba sa malalakingbahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng
mga batamula sa kanilang ina, kundi isang uri ng pagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas
na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'ymagtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,may pagkakataong ilalayo ng mga
bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otsoanyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas
kainisan ng ama.Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sakaniyang mga
binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulitsiyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang
nakakainis talaga ay ang kaniyanghalinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya
aynakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banigkasama ang ibang mga bata, na
di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya angpinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina
napagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,napapaligiran ng bote ng  beer na
nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti nahindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay
parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, atkung hindi pa iyon
huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nangbuong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at
papaluin din ang ibang bata na satingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahilnasisante sa kaniyang trabaho sa
lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang
pinakamatandang batagayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama aybumagsak sa
nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kungsaan ito nanatiling walang kagalaw-galaw.
Mabilis na naglabasan ng bahay angibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata
sapamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang
bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayonmay isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan
sa taganayon nanakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong arawna nakaupong
nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilangnawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy
ang isang babae at pilit niya itonginilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulanghumagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madalingnakarating sa kaniyang
amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noondi'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng
kaniyang asawa at mgaanak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakipang munting
abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalakimismo). Nang makita niya ang dati niyang amo
at marinig ang magaganda nitongsinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay
napaiyakat kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupitna inulilang ama na ipinaglalamay
ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyangdugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang
wagas napagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awakong Mui Mui! Kaawa-
awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod -payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng
lungkot at awa na nagpayanig samatipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan.
Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata atbubulong-bulong,
"Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahalniya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.Mayroong siyang naisip. Mula
ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niyasa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na
kiming iniabot namanito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa mandito ay
hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya nalumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya
ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanongnila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila,
dahil tiyak nilana uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supotna may mas maliit na supot
sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindimakapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon
ng mgatsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ngbiskwit. Nagtaka ang mga
bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon
tulad niyon satindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi,'yong katulad ng
minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa malakingbahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay
nagkasiya sa pandidilat atpagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo atnanghula
ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inipsilang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.Hindi dumating ang senyas
na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mgakamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking
supot at mulinglumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila nasana,
nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi silamaririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan
siya pupunta." Nagpumilit na sumamaang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa
karaniwangpagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, perongayo'y nasa isang bagay
lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod nakaniyang hinintuan. Lumuhod
at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahanginilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,
"Pinakamamahal kong anak, walangmaiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."

Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga
bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa
pagdarasal at pag-iyak angama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kaninapang inip
na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malakingbahagi niyon, pero sa natira sa kanilang
nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isangpiging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.
Gawain #1.1:
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatig nito sa
pangungusap.

1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng
ilang araw sa labi.
2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad
nito.
3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay
nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin
iyon nang buong lakas.
5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang
matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng
kaniyang asawa at mga anak.
6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata.

Gawain #1.2 :
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Paano sinimulan ng may-akda ang kwento?

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

3. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama?

4. Paano nagwakas ang kuwento?

Gawain #1.3:
Panuto: Ibigay ang sariling pagpapaliwanag sa mga sumusunod na tanong.

1. “Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan
ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang
piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.” Ano ang nais ipahiwatig ng panghuling
pangungusap na ito? Bakit ganito ang saloobin ng mga bata? Patunayan.
2. Anong kultura ng mga taga-Singapore ang masasalamin sa kuwentong ito?

3. Paano naman ipinakikita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatay na mahal sa buhay?

4. Bakit may uring makabanghay ang kuwento?

5. Paano mo ilalarawan ang Ama ng kasalukuyang Asyano.

III.Ebalwasyon:
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.

1.

You might also like