Region MIMAROPA
Region MIMAROPA
Region MIMAROPA
MIMAROPA
Bahagi ng Luzon ang MIMAROPA o Rehiyon IV-B na may kabuung sukat na 27,455.9
kilometro kwadrado. Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque,
Romblon at Palawan.
MINDORO
Ang Occidental Mindoro ay nasa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon. Mamburao ang
kabesera nito. Okupado ng Occidental Mindoro ang kaliwang bahagi ng pulo ng
Mindoro, habang ang kanang bahagi ay okupado ng Oriental Mindoro. Ang Palawan ay
nasa timog-kanluran ng Occidental Mindoro, habang ang Batangas ay nasa hilaga nito
Nahahati sa 11 munisipalidad ang Occidental Mindoro. Kabilang sa munisipalidad ang
Abra de Ilog, Calintaan, Looc, Lubang, Magsaysay, Mamburao, Paluan, Rizal, Sablayan,
San Jose, at Santa Cruz.
Matatagpuan sa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon ang Oriental Mindoro. Lungsod
Calapan ang kabisera nito. Ang silangang bahagi ng pulo ng Mindoro ay okupado ng
Oriental Mindoro, habang ang kanlurang bahagi ay okupado ng Occidental Mindoro.
Nasa kanang bahagi ng Oriental Mindoro ang Dagat Sibuyan at Romblon, habang nasa
hilagang bahagi ang Batangas at nasa timog ang mga pulo ng Semirara ng Antique.
Nahahati sa 26 na munisipalidad at isang lungsod ang Oriental Mindoro. Kabilang sa
munisipalidad nito ang Baco, Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Mansalay, Naujan,
Pinamalayan, Pola, Puerto Galera, Roxas, San Teodoro, Socorro, at Victoria. Calapan ang
nag-iisang lungsod ng Oriental Mindoro.
Topograpiya
Destinasyon ng mga turista ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro.
Ilang oras lamang ang biyahe mula Maynila papuntang Puerto Galera na kilala sa
pagkakaroon ng puting dalampasigan, iba't-ibang resort, at mga pook sisiran.
Klima
Walang tiyak na panahon kung kailan ang tagtuyot at tag-ulan. Malakas na pag-ulan ang
nararanasan sa pagitan ng Hunyo hanggang Oktubre.
PRODUKTO
Saging - Lansones
Rambutan - Niyog
Bigas - Mais
Tubo - Isda
Mani - Marmol
Tribya
Kinilala ang Mindoro bilang "Land of Tamaraws" dahil dito lamang matatagpuan ang
Philippine's largest wild animal, ang Tamaraw (Bubalus Mindorensis).
Sa islang ito ginanap ang Battle of Mindoro noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ayon sa Prinsipe ng Saudi Arabia, ang Oriental Mindoro ang pinakamagandang lugar sa
Pilipinas.
Nagmula ang salitang Mindoro sa wikang Espanyol na Mina de Oro matapos makakita ng
ginto sa lalawigan.
MARINDUQUE
Ang Marinduque ay isang hugis-puso na pulo na nasa gitna ng Kipot ng Tayabas sa hilaga
at and Dagat ng Sibuyan sa timog. Hiwalay ito sa Tangway ng Bondoc sa Quna pulo ay
ang Pulo ng Maniwaya, ang Pulo ng Polo at ang Pulo ng Mongpong. Ang pinakataas na
taluktok sa Marinduque ay ang Bundok Malindig (noon, Bundok Marlanga), isang
potensiyal na aktibong bulkan na may kataasan ng 1,157 na metro.
Klima
Hindi tiyak kung kailan ang tag-init at tag-ulan sa Matinduque subalit ayon sa pagsusuri
ay 32.9 degrees centigrade ang pinakamataas at 22.3 naman ang pinakamababa.
Produkto
Mais
Palay
Rambutan
Tanso
Tribya
Tinatawag na bila-bila sa isla ng Marinduque!
Alam mo bang 75% ng ine-export na paru-paro ng Pilipinas sa iba’t ibang panig ng
mundo tulad ng United Kingdom at United States of America ay mula sa ating isla?
Mayroong mahigit 200 species ng paru-paro o bila-bila sa Marinduque!
At ang pagku-culture ng mga bila-bila ay tumutulong sa turismo at kabuhayan ng aming
lalawigan. Bilang pagkilala sa kahalagahan ng industriyang ito, si Marinduque Gov.
Carmencita Reyes ang nangunal sa paghikayat sa Department of Environment and
Natural Resources upang iisyu ang Guidelines on the Commercial Sale of Captive Bred
Butterfly Specimens noong Setyembre 2002. Nakatulong ito hindi lamang sa mga
Marinduqueño kungdi maging sa iba pang mga lalawigan sa Filipinas na may butterfly
industry.
Sa ngayon, dahilan sa popularidad ng mga bila-bila, nagdaraos na rin ang Marinduque ng
Bila-Bila Festival!
ROMBLON
Matatagpuan sa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon ang pulong lalawigan ng Romblon.
Romblon din ang pangalan ng kabisera nito. Binubuo ng maraming pulo ang Romblon na
nasa Dagat Sibuyan. Nakahimlay ang Romblon sa timog ng Marinduque at Quezon, sa
silangan ng Mindoro, sa hilaga ng Aklan, at kanluran ng Masbate.
Nahahati sa 17 munisipalidad ang Romblon. Kabilang sa munisipalidad ang Alcantara,
Banton, Odiongan, Calatrava, Concepcion, Corcuera, Ferrol, Looc, Magdiwang, San
Agustin, San Andres, San Fernando, San Jose, Santa Fe, at Santa Maria.
Klima
Hindi tiyak kung kailan ang tagtuyot at tag-ulan sa Romblon subalit ang pinakamalakas
na pag-ulan ay nagaganap sa pagitan ng Setyembre at Enero.
Likas na Pinagkukunang-Yaman
Pangunahing prodyuser ng mataas na uri ng marmol ang Romblon at maihahambing
iyon sa gawa ng mga Italyano.
Tribya
Kilala ang lalawigan bilang Marble Island dahil mayaman ang lalawigan sa marmol.
PALAWAN
Ang Palawan ay pulong lalawigan na matatagpuan sa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon.
Lungsod Puerto Prinsesa ang kabesera nito. Ang mga pulo ng Palawan ay mulang
Mindoro hanggang Borneo sa timog-kanluran. Ito ay nasa pagitan ng Dagat Timog Tsina
sa hilagang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan. Ang Palawan ay hango sa pulong
Palawan na siyang pinakamalaking pulo sa lalawigang ito
Nahahati ang Palawan sa 23 munisipalidad at isang lungsod. Kabilang sa mga
munisipalidad ng Palawan ang Abutan, Agutaya, Araceli, Balabac, Bataraza, Brooke's
Point, Busuanga, Cagayancillo, Coron, Culion, Dumaran, El Nido, Kalayaan, Linapacan,
Magsaysay, Narra, Quezon, Rizal, Roxas, San Vicente, Sofronio Española, at Taytay.
Puerto Prinsesa ang nag-iisang lungsod nito.
Topograpiya
Ang Isla Coron ay isa sa pinakamalaking naitalang limestone formation sa mundo at nasa
pinakahilagang bahagi ng lalawigan ng Palawan, MIMAROPA,Mindanao, Pilipinas.
Malaking bahagi nito ay sakop ng mga barangay ng Banuang Daan at Cabugao sa
munisipyo ng Coron. Kabilang din ang isla sa Grupo ng mga Isla ng Calamian na nasa
Katimugang Dagat Tsina. Tinatawag din itong Bundok Calis dahil sa ito ay bundok na
gawa sa limestone. Ang klase ng limestone ay halos puro Permian at mula pa sa
Panahong Jurassic. Ang Isla Coron ay napabilang sa mga nominadong nasa Tentative List
ng UNESCO World Heritage Sites noong 2006.
Klima
Sa Hilaga at Timog na bahagi ay anim na buwan ang tag-init at anim na buwan ang tag-
ulan habang sa Silangang bahagi ay isa hanggang tatlong bwan na tag-init at walang
tiyak na panahon ng tag-ulan.
Likas na Pinagkukunang Yaman
Makikita ang serrabrancaite, isang pambihirang mineral na tinuturing bilang manganese
phosphate, sa mga karaniwang kweba lamang. Sa katunayan, maliban sa Palawan, sa
Sierra Branca, Brazil lamang matatagpuan ang mineral na ito. Maliban sa serrabrancaite,
natuklasan din ng grupo sa Palawan river ang dalawa pang bagong mineral: robertsite at
janggunite at walo pang mineral na dati nang kilala: calcite, gypsum, apatite, variscite,
strengite, manganite, rodocrosite, and pirolusite.
Tribya
Kabilang sa 7 New Wonders of Nature ang Undergroung River ng Palawan
Sining at Kultura sa MIMAROPA.
Ang pagiging sinauna ng Mimaropa at pagiging tahanan ng mga katutubo ay mamamalas
sa mga Mangyan na naninirahan sa isla ng Mindoro (pitong iba't ibang wika ang umiiral
dito: Irava, Alangan, Tambuid, Hanunuo, Tadyawan, Buhid at Ratagnon).
Sa Romblon, dahil malapit sa Visayas ay may tatlong pangunahing wika, Romblomanon,
Asi at Onhan na itinuturing na kabilang sa pamilya ng wikang Bisaya.
Marinduque ay walang ibang katutubong mga grupo maliban sa mga Tagalog, ngunit
maraming mga inapo ng Asi tribe ang naninirahan sa timog bahagi ng isla at sila ay kilala
pa rin na kumakapit sa kanilang mga pinag-ugatan sa Banton. Ang Tagalog na sinasalita
sa Marinduque ay maingat na pinag-aralan at napagpasyahan ayon sa pag-aaral, na
wikang pinag-ugatan ng mga modernong pambansang anyo ng pagsasalita – ang dating
Tagalog na yumabong na bilang salitang Filipino. Taong 1914 pa pinag-aralan ito ni
Cecilio Lopez, tinaguriang Father of Philippine Linguistics. Pag-aaral na muling inilimbag
ng Institute of Philippine Linguistics noong 1973, at wala pang sinumang humamon sa
pag-aaral hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang kultura at sining ay buhay sa Mimaropa. Ang kawalan ng mga konseho ng sining sa
maraming lugar, na dulot ng ibat-ibang natatanging mga sitwasyon kada lugar, mula sa
kakulangan ng mga pinagkukunan ng pondo hanggang sa interbensyon o panliligalig
pampulitika sa ilang lugar, ay hindi pa rin kayang pahintuin ang mga aktibidad
pangkultura at artistiko. Bagaman ito ay hindi isang pangkalahatang tuntunin, lumalabas
na mas madaling maisaayos ang mga konseho sa mga mas urbanized na lugar - kung
saan naroon ang pera. Gayunpaman, ang mga malalaking sponsors sa mga lugar na ito
ay nakakaranas din ng tinatawag na donor fatigue. Sa mas maliliit na bayan, ang mga ito
ay nananatiling hamon.
Gintong Binhi
"Gintong Binhi", ang 1st Mimaropa Arts & Culture Forum, ay isang naging venue para sa
pagsulong ng mga programa ng NCCA sa rehiyon. Ito ay mapabuti o i-refresh ang mga
kasanayan sa mga konseho ng sining at mga organisasyon sa Program Development,
Project Management, & Paggawa ng Panukala; magtatag ng mga mesa ng NCCA sa mga
LGU, mga paaralan, at mga institusyong kultural; palakasin ang pakikipagtulungan ng
LGU-NCCA sa pag-promote ng sining at pangkultura at ayusin ang adhoc ng Regional
Arts & Culture Network sa rehiyon.