FIL101 Handout 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Asignatura : Filipino 101 – Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Inihanda ni : Bb. Narlyn P. dela Cruz


Handout # 6

C. PAGBASA

Kahulugan, Kalikasan at Kahalagahan

 Nuncio et.al. (2015) : proseso ng pag – unawa sa mga nakalimbag na simbolo o koda ng isang partikular na wika.
 Alcaraz et.al. (2005) : maraming tradisyunal na pananaw kaugnay sa kalikasan ng pagbasa
1. Ang pagbasa ay hindi likas na natututuhan, ito ay itinuturo.
2. May kaugnayan ang antas ng pamumuhay sa antas ng kakayahan sa pagbasa ng mag – aaral.
3. Itinuturing na pinakamahusay na predictor ng tagumpay sa pagbasa ang kakayahang metalinggwistika .
4. May interkoneksyon ang pagtuturo ng pagsulat at pagbasa.
5. Ang pagbasa ay isang prosesong binubuo ng maraming kasanayan (multi – component skills)
 Lord Chesterfield (mula sa aklat ni Arrogante) : Nangunguna ang taong nagbabasa.
 Reading is the easiest way to travel.

Mga Hakbang sa Pagbasa

1. Persepsyon : alam ng mambabasa ang kanyang nakikita.


2. Komprehensyon : pag – unawa sa mensaheng inihahatid ng mga simbolo.
3. Reaksyon : pagbibigay ng matalinong pagpapasya at paghahatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at
pagdama sa teksto.
4. Integrasyon o Asimilasyon : ito ang pag – uugnay – ugnay ng binasa sa kaalaman at karanasan ng mambabasa..
5. Bilis / Bagal ng pagbasa : ay kinalaman sa oras o panahon na ginugol ng isang mambabasa sa napili niyang
paksa.
6. Kasanayan at Kaugalian sa Pag – aaral (Study Habit and Skills) : ito ay nangyayari kung kinagigiliwan,
nauunawaan at nailalapat ng mambabasa ang lahat ng kanyang binasa at paulit – ulit niya itong ginagawa nang
may giliw at kusa.

Mga Sagabal sa Pagbasa (Nuncio,2014)

1. Kawalan ng interes sa binabasang teksto.


2. Pagkakaroon ng sakit na dysnomia, isang suliranin sa pag – intindi ng tamang baybay ng mga salita.
3. Walang masyadong kaalaman sa paksang tinatalakay.
4. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon para sanayin ang sarili na magbasa ng madalas at magbasa rin ng iba’t ibang
teksto.
5. Limitado ang kakayahan sa istruktura at semantika ng wika kagaya ng talasalitaan.
6. Hindi minomonitor ang mga natutuhan sa teksto.
7. Hindi nagbabasa o tinitingnan muli ang teksto kahit pa nakalimutan na ang ideyang nakasaad dito.
8. Hindi nag – iisip nang mabuti habang nagbabasa o kaya’y naglalaan ng lubos at direktang konsentrasyon.
9. Nahihirapang tandaan ang ilang impormasyon ; nangyayari ito kung namumroblema, kinakabahan o tensyonado
ang isang tao.
10. Hindi akma ang binabasang teksto ayon sa iyong kakayahan ; maaaring sobrang hirap ang tekstong napiling
basahin.

Mga Kalagayang Nakakaapekto sa Pagbabasa (Nuncio et.al.2015)

1. Pisikal : madaling matukoy ang aspektong ito sapagkat ito ay madaling maobserbahan o makita sa pamamagitan
lamang ng masusing pag – iimbestiga.
a. Sarili
b. Kapaligiran
2. Pangkaisipan : mahirap tukuyin ang aspektong ito sapagkat ito ay may kinalaman sa kondisyon ng pag – iisip ng
isang tao.
a. Pansamantalang kalagayan : nakasalig o nakadepende sa nararamdaman o pinagdaraanan ng isang tao
sa pagkakataon na siya ay nagbabasa.
b. Intelektwal na kalagayan : may kinalaman sa paggamit ng wika at sa mapanuring pag – iisip ng isang
tao.

Mga Uri ng Pagbasa (Tumangan et.al.2001)

1. Masinsinang Pagbasa : maingat na pag – aaral at puspusang pag – unawa sa isang aralin na maaaring dalawa o
hanggang limang pahina ang haba.
2. Masaklaw na Pagbasa : ginagawa sa labas ng klase at itinatakda ng guro nang mas maaga.
3. Malakas na Pagbasa : kailangang may katamtamang lakas ng tinig, wastong galaw ng katawan, pinag – iiba – iba
ang tono ng tinig, may wastong oras ng pagtigil at pagbibigay – buhay sa damdamin ng bumabasa
4. Pagbasa ng Tahimik : paraan ng pagbasa na mga mata lamang ang ginagamit.

Pag – unawa sa Binasa

1. Makukuha natin ang kahulugan ng ating mga binabasa sa pag – alam ng kahulugan at kasalungat na kahulugan
ng bawat salita.
2. Sa pamamagitan ng paghihinuha o mga pahiwatig na kahulugan sa mga salita sa pangungusap. Ang
pagkakonsistensi ng mga salitang ginagamit sa loob ng pangungusap , makalilikha tayo ng diwang ipinahahayag.
3. Ang pag – alam sa bawat kayarian ng mga salita ay napakahalaga, ang salitang – ugat, maylapi, inuulit o
tambalan.
4. Pag –alam sa kahulugan ng mga salitang hiram na ginamit sa seleksyon.
5. Ang pag – alam sa kaibhan ng denotasyon at konotasyong kahulugan.
6. Mauunawaan din natin ang ating binasa sa pag – alam sa mga kahulugan ng idyomatikong pahayag at tayutay na
ginamit sa teksto o aklat.

Mga Kasanayan sa Pagbasa (Smith at Denchant)

1. Pagkilala sa mga salita.


2. Pag – unawa sa mga salita.
3. Tulin sa pagbasa nang tahimik.
4. Yumayaman ang talasalitaan.
5. Mapanuri at may pagpapahalaga.
6. Pagbasa mula sa pagitan ng mga linya.
7. May layunin sa pagbasa.
8. Maliwanag ang pagbasa ng mga salita.
9. Natututong gumamit at magbasa ng tsart, grap at mapa.
10. Marunong gumamit ng silid aklatan.
11. Pagtukoy sa pangunahin at kaugnay na kasipan.
12. Pagbibigay ng halimbawa.
13. Pagtukoy sa sanhi at bunga ng mga pangyayari.
14. Pagbibigay ng buod sa akdang binasa.

D. PAGSULAT

Kahulugan

 Tumangan et.al. (2001) :Isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng isang tao sa
pamamagitan ng paglilimbag ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.

Kalikasan ng Pagsulat
1. Ang pagsulat ay pormal na pinag – aaralan.
2. Itinuturo ng kasanayan sa pagsulat ang paglinang ng kakayahan sa pagsalita.
3. Ang pagsulat ay isang anyo o kasanayan ng komunikasyon.
4. Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika.
5. Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo.

Mga Layunin ng Pagsulat


Para kay JAMES KINNEAVY (1971),may limang kategorya sa pagsulat na nagiging rason kung bakit nagsusulat
ang tao. Ito ay ang mga sumusunod :

1. Ekspresiv : personal na pagsulat para maipahayag ang sarili


2. Formulari : isang mataas at istandardisadong pagsulat katulad ng mga kasulatan / kasunduan sa negosyo /
bisnes at iba pang transaksyong legal , politikal , at pang – ekonomiya.
3. Imaginativ : upang mabigyang – ekspresyon ang mapanlikhang imahinasyon ng manunulat sa pagsulat ng mga
dula , awit , tula , iskrip at iba pa
4. Informativ : upang magbigay ng mahahalagang informasyon at ebidensya
5. Persweysiv : upang makapanghikayat , mapaniwala dahil sa mga ebidensya , katibayang ipinahayag.

Kahalagahan ng Pagsulat
Mula sa panulat ni DONALD H. ORANES sa Balance the Basics : Let Them Write , binanggit niya ang kahalagahan
ng pagsulat bilang instrumento sa pagkatuto. Ito ay ang mga sumusunod :

1. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa talino dahil sa ginagawang analisis at sintesis sa mga nakuhang
impormasyon.
2. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa personal esteem.
3. Ang pagsulat ay nakapanghihikayat sa pagkatuto sa maraming larangan na gumagamit ng iskil sa pag – awit , sa
paggamit ng sining viswal at sistemang kinestetiko.
4. Nagpapagaling ng iskil sa pagbasa.
5. Tumutulong sa pagiging matapang ng manunulat na iwaksi ang anumang anonymity o anumang may kalabuan at
ito’y kanyang tinutuklas.
6. Tumutulong sa mga mag – aaral na magkaroon ng inisyativ sa paghahanap ng mga informasyon .
7. Upang makasunod sa hinihingi / rekwayrment ng pag – aaral.

Mga Uri ng Pagsulat

1. Akademikong Pagsulat
 nagkakaiba – iba at nabibigyan ng kaurian ayon sa kursong pinag – aaralan ng mga mag – aaral.
 yaong ginagamit sa mga kursong komposisyon o malikhaing pagsulat na kalimita’y sariling opinyon,
ideya o karanasan ang isinusulat dito, bagama’t maituturing ding akademiko ang pagsulat ng reaksyon sa
sinulat ng iba gaya ng pagsulat ng takdang – aralin.
2. Teknikal na Pagsulat
 isang uri ng komunikasyon sa anumang larangan na ang pangunahing gampanin ay makalikha ng isang
tiyak at partikular na mambabasa o grupo ng mga mambabasa.
 Ito ay objektiv, malinaw at tumpak, maikli at di – emosyonal na paglalahad ng datos.
 Madalas gamitin ng mga manunulat – teknikal ang mga epesyal na teknik gaya ng pagbibigay ng
depinisyon, deskripsyon ng mga mekanismo, ng proseso, at ng klasipikasyon ng mga interpretasyon.
3. Dyornalistik na Pagsulat
 may kaurian ayon sa layunin ng paggamit nito at naaayon sa dalawang uri ang kahulugang maaaring
maibigay sa salitang ito.
 UNA : bilang pang – araw – araw na karanasan.
 PANGALAWA : bilang gamit sa pamahayagan.

MGA SAMPUNG DAHILAN SA PAGTATAGO NG JORNAL


1) Isang travelog. Ang paglalakbay ay mas higit na nabibigyan ng kabuluhan kapag ito ay maitatala.
2) Talaan ng mga panaginip.Sa dami ng problema ng tao sa kasalukuyan bunga ng bilis ng pagbabago ng sibilisasyon at
pag – angkop sa modernisasyon, maraming binabagabag sa pagtulog ng mga panaginip. Kung itatala natin ang mga
ito, matutukoy natin ang mga tinatawag ni Freud na overt o mga hayag na bahagi ng panaginip at sa pamamagitan ng
saykoloji,masusuri natin ang mga latent o tagong kahulugan ng mga iyon. Sinong nakakaalam, balang araw ay
maaaring maging batayan ang mga ito ng isang tula o kwento, tulad ng nanngyari kay Robert Louis Stevenson, ang
sumulat ng Dr.Jekyll and Mr.Hyde.
3) Isang lagbuk. Sa panahong ito ng text at email, kailangan pa rin ang pagsusulatan. Sa jornal, maaaring isulat ang draft
ng mga sulat sa kaibigan, nkamag – anak o sa kahit na sino, ipasya mang ipadala iyon kalaunan o hindi. Sa
pamamagitan ng jornal, nagiging mas matapat ang paraan ng pakikipagniig sa ibang tao.
4) Isang aklat ng kaisipan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ng jornal,maaaring maidokumento ang mga libangan o kapaki
– pakinabang na gawain tulad ng paghahalaman, pag – aayos ng bahay, paglahok sa isang paligsahan at iba pa.
5) Kwaderno sa pagpaplano. Makapagtatala rin sa jornal ng mga balakin, tunguhin o mga plano para sa mga gawaing
may kinalaman sa isang proyekto, bisnes o anumang may praktikal na gamit sa pang – araw – araw.
6) Batayang proseso ng malikhaing gawain. Para sa mga manunulat at iba pang manlilikha tulad ng mga kompositor,
pintor, eskultor, dramaturgo, arkitekto at iba pa, mahalaga ang jornal sa kanilang paglikhang – sining. Maaaring
gumuguhit sila sa jornal na pinagmumulan ng isang obrang pinta, eskultura o arkitektura. Ang iba’y nagtatala ng mga
imahen na maaaring magpasimula sa isang tula. Bilang pinagmumulan ng kaisipan o inspirasyon, ginagawang aktibo
ng jornal at ginaganyak nito ang pagkamalikhain ng mga alagad ng sining.
7) Imbentaryong eklektik. Maaari ring ipunin sa jornal ang mga paboritong sawikain o mga salita, mga panunudyo, mga
usapang narinig o anekdota. Maaari ring magdikit sa jornal ng mga kliping sa dyaryo o magasin, mga ilustrasyon, mga
bagay – bagay tulad ng pabalat ng kendi o tsokolate na may halaga o kahulugan sa isang tao.
8) Tagatago ng koleksyon. Ang mga selyo, souvenir, retrato o anumang kinatutuwaang koleksyon ay maaaring
makatagpo ng isang “tahanan” sa mga blankong pahina ng isang jornal.
9) Memoir. Bilang talaan ng mga mahahalagang pangyayari sa isang tao, mababasang muli ang isang jornal balang araw
nang malaman ng isang tao kung paano siya lumaki, nagbago, nagkaisip at kung paano lumawak ang kanyang
pagtanaw at pag – unawa sa mga bagay – bagay sa buhay.
10) Isang uri ng pakikipag – usap sa sarili. Sa pagsusulat sa jornal nang may kalayaan o nang walang sensorship,
nakapagtatapat o nakapangungumpisal tayo sa ating sarili, maging ng mga kahiya – hiyang bagay. Bunga nito,
naibabaling ng jornal ang ating pansin sa mga maliit ngunit mahahalagang bagay – bagay na nagbibigay sa atin ng mas
malalim at malawak na pagkilala sa sarili at pagpapahalaga sa buhay.
4. Reperensyal na Pagsulat
 Tumutukoy ito sa mga sulating bunga ng mga teknikal na pag – aaral, mahabang panahon ng
pananaliksik at resulta ng mga eksperimentong pagsulat.
 Hal. Ensayklopedya , Diksyunaryo, Tesis at Disertasyon ( lahat ng uri ng disiplinang siyentipiko at
akademikong pag – aaral )

Iba Pang Uri ng Pagsulat

1. Pormal
2. Impormal o di – pormal
3. Pinatnubayang pagsulat
4. Malayang pagsulat

Mga Hulwaran sa Pagsulat ng mga Teksto


Matatalakay dito ang apat (4) na paraan ng pagpapahayag:

1. Paglalahad (Exposition) : sa payak na kahulugan ay pagpapaliwanag ; paraan ng pagpapahayag kung saan ang
layunin nito ay tumalakay at magpaliwanag.
2. Paglalarawan (Description) : layunin nitong makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mambabasa o
tagapakinig ; naipapakita ang kabuuang anyo, pagkakaiba at pagkakatulad ng isang tao, bagay, hayop, atbp.
3. Pagsasalaysay (Narration) : isang anyo ng diskurso na ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig o
nagbabasa ang mga kawil ng pangyayari.
4. Pangangatwiran (Argumentation) : layunin nitong mapaniwala o mapasang – ayon ang kaisipan ng tao tungkol
sa pinag – uusapang bagay o paksa sa pamamagitan ng katwiran ; manghikayat.
Ang Istandard ng Mahusay na Sulatin

1) Kaisahan : may isang paksang tinatalakay . Isang sentral na ideya na hinuhugisan at dinidebelop. Hindi
lumilihis sa paksang ito ang talakay.
2) Koherens : nagkokonek at nagkakaugnayan ang mga pangungusap.
3) Kalinawan : malinaw at hindi maligoy ang pangungusap.
4) Kasapatan : hindi bitin ang ginawang sulatin.
5) Empasis / Diin : nagfokus sa paksa at sentral na ideya. Walang paglihis na ginawa.
6) Kagandahan : libre sa mga kamalian – ispeling, bantas, sintaks, mahusay ang debelopment, organisado at
iskolarliang pagkakabuo.

Proseso ng Mabuting Pagsulat

1) Pag – asinta ( Triggering )


 Kapag lilikha tayo ng paksang susulatin, silipin muna natin ang kaugnayan ng ating sarili mismo, ang ating
karanasan at paniniwala. Bilang nagsisimula, pumili tayo ng paksa na higit ang ating kabatiran. Iwasan
natin ang mga paksang lubhang masaklaw na hindi naman abot ng ating pananaw at karanasan. Tiyak na
mawawala lamang tayo sa gitna ng talakay.
 Sa pagtukoy ng paksang nais isulat, magiging mahusay at epektibo ito kung ito ay hindi napakalawak
talakayin.
 May direksyon ang gagawing pagsusulat kung matutukoy agad ang paksang nais asintahin o talakayin.
2) Pagtipon ( Gathering )
 Anumang paksang susulatin ay pangangalap ng mga kailangang materyales at ng mga ebidensyang
magpapatunay.
 Matapos matukoy ang paksang isusulat, pagtitipon naman ng mga kaisipang isasama sa talakay.
 Mga mapagkukunan ng materyales para sa ating paksa : ang ating personal na karanasan subalit kung
hindi sapat kailangang bumaling tayo sa sistematikong pananaliksik mula sa mga aklat, jornal, magasin,
ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging ang panonood ng sine at telebisyon. Kailangan lamang
na maging mapili tayo at huwag isama ang mga walang kaugnayan.
3) Paghugis (Shaping )
 Paano nagkakahugis ang ating papel? Maging sa ating pagkuha ng mga tala o pagsasagawa ng personal
na interbyu, sinisimulan na rin nating i – organisa ang ating kaisipan. Hindi lang basta tinitipon ang mga
materyales, inaayos na rin natin ang mga tala ayon sa kanilang kahalagahan upang matiyak natin ang
kanilang kalalagyan, magmula sa simula hanggang sa katapusan ng ating isinasagawang papel.
 Ano ang gagamiting estratehiya sa paglalahad ng mga materyales? Nararapat na may estratehiya tayo sa
paglalahad ng mga materyales. Kailangang ding may estratehiya tayo na magbibigay hugis at direksyon
sa ating sulatin. Mayroon itong plano o disenyo para sa mambabasa.
 Binubuo na natin sa ating kaisipan ang gagawing panimula, ang ipopokus ng ating panulat, at maging ang
ating magiging konklusyon.
4) Pagrebisa ( Revising )
 Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag – unlad mula sa mga di – pormal na tala
tungo sa unang burador (o mga burador) hanggang sa dumating sa pinal na papel.
 Nangangailangan ng ilang ulit na pagbabasa upang mabago ang mga kakulangan, kamalian at kahinaan
ng pagkakatalakay.
5) Pag – edit ( Editing )
 Sa bahaging ito isinasagawa ang pagpapakinis ng papel upang matiyak na ang bawat salita at
pangungusap ay maghahatid ng tamang kahulugan.

E. PANONOOD

Kahulugan

 Naidagdag na ikalimang makro kasanayan


 Ito ang proseso ng pagbasa, pagkuha at pag – unawa ng mensahe mula sa palabas
 Maituturing na isang uri ng pagbasa dahil hindi ang tekstong nakalimbag ang binibigyang – kahulugan at
inuunawa ng manonood kundi ang tekstong audio – visual.
 Maituturing na lundayan ng modernong paraan ng pag – alam ng impormasyon.

Kahalagahan ng Panonood

1. Mapaunlad ang kakayahang magsuri at mapalawak ang kaalamang pangkaisipan at pag – unawa.
2. Mapaunlad ang kakayahang mangilatis o magsuri sa katotohanan ng isang bagay.
3. Mataya ang iba’t ibang elemento ng isang produksyon (pangyayari, suliranin, kagamitan atbp.).
4. Maging mulat sa katotohanan ng buhay.
5. Makatulong upang maging handa sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid.
6. Magising at mahubog ang kamalayan bilang isang indibidwal.

Positibo at Negatibong Epekto ng Panonood


Positibong Epekto

1. Naeexpose sa maraming bagay kung saan maraming matututuhan at malalaman.


2. Nakakapaghatid ng mga bagong kaalaman at impormasyon.
3. Nagiging updated sa mga pangyayari sa loob at labas man ng ating bansa.
4. Nalilibang sa mga iba’t ibang klase ng panoorin.
5. Nagiging paraan ng komunikasyon.
6. Nakakatanggal ng stress o pagod pagkagaling sa klase o trabaho.
7. Nagsisilbing paraan ng bonding time ng buong pamilya.

Negatibong Epekto

1. Nagiging tamad sa mga gawaing pantahanan at pampaaralan.


2. Naiimpluwensyahan ng masama gawa ng mga hindi kanais – nais na palabas.
3. Nanggagaya sa mga panoorin na hindi angkop sa kanilang edad lalo na ng mga kabataan.
4. Naisasawalang – bahala na ang mga aklat.
5. Nagiging sanhi ng mga sakit dahil sa kawalan ng ehersisyo.
6. Maaaring lumabo ang paningin dahil sa sobrang oras na inilalaan sa panonood.

Mga Uri ng Panoorin (Nuncio et.al.2014)

1. Tanghalan : pagtatanghal sa teatro. Hal. dula


2. Pelikula : tinatawag ring motion picture o mga larawang gumagalaw dahil hindi aktuwal ang pagganap o wala sa
harap ng mga manonood ang aktwal na palabas.
Genre ng Pelikula:

a. Romantic comedy f. Romance


b. Suspense g. Science – fiction
c. Horror h. Fantasy
d. Action i. Comedy
e. Drama

3. Programa sa Telebisyon
 Ang telebisyon ay ang midyum at ang programa sa telebisyon ang palabas.
 Mga uri:
a. Palabas ayon sa kwento tulad ng teleserye, telenobela, komediserye, fantaserye, pelikula sa TV
atbp.
b. Mga balita at serbisyo – publiko tulad ng primetime news, flash report, showbiz news at TV
documentaries.
c. Variety Show tulad ng Noontime Show at Sunday Variety Show.
d. Reality TV Show o Reality TV Game Show.
4. Youtube

Uri ng Manonood

1. Kaswal na manonood : ginagawa lamang bilang pampalipas oras. Hal. panonood ng music video, cartoons, soap
opera, drama
2. Impormal na manonood : nanonood lamang dahil kailangan. Hal. panood ng biswal na presentasyon

Kritikal na manonood : sinusuring mabuti ang bawat anggulo ng pinapanood. Hal. panonood ng balita,
dokumentaryo, edukasyonal na panoorin
Page 8 of 8

You might also like