Research Dalumat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Antas ng kaalaman ng

mga estudyante na
kumukuha ng kursong
english sa paggamit
ng baybayin.

Filipino ang pangunahing wika sa Pilipinas tumutukoy ito sa pangkalahatan pero


ang pinaka sentro ng wikang Filipino ay ang Tagalog (Mangahas, Philippine Daily
Inquirer 2016). Ginagamit ito sa pangaraw araw lalo na sa pakikipag talastasan. Sa
panahon ngayon ang pagkadalubhasa sa wika ay para lamang sa mga dalubwika o
mga propesyong may kinalaman dito. Ayon kay Mangyao (2016) ang wika ay dynamic o
patuloy na nagbabago sa katagalan ng panahon ito ang nagiging sanhi ng pagkalimot o
hindi paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa na rin ang modernisasyon sa
nakakaapekto sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o pag usbong ng
mga makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas (Reyes, 2016).
Walang masama sa kagustuhang mag-aral ng iba’t ibang pamamaraan ng pagsulat at
pagsalit. Ano nga ba ang mga kaalamang ito kung hindi gagamitin at ibabahagi? Pero
kung dalisay ang interes sa pagkilala sa mga ito gaya ng baybayin, dapat pag-aralan
ang mga ito hindi lamang sa pangkasalukuyang konteksto. Nararapat na may pagtingin
at pagrespeto sa kulturang pinag-uugatan rin nito.

Sa ilalim ng House Bill no. 4395 o National Script Act 2011 na muling inihain
noong nakaraang taon, hinihikayat ang muling pagtakda sa Baybayin bilang
pambansang sistema ng pagsulat sa pamamagitan ng pang-araw-araw na paggamit
nito. Bukod pa rito, inilunsad kamakailan lamang ang Baybayin Keyboard, isang libreng
mobile application. Maaaring makatawag ito ng pansin ng ilang kabataan, at maging
interesado rin sila na buhayin ang sinaunang sistema ng pagsusulat sa Filipinas.
Nakatawag ito ng atensiyon ng ilang kabataan, na iminungkahi rin ang muling pagbuhay
sa sistema ng pagsulat na may makabuluhang ambag sa kasaysayan ng Filipinas.
Magugunita ring nagsagawa ng serye ng mga palihan ang Pambansang Museo noong
nakaraang taon para sa mga nais matutong magsulat sa Baybayin.

Ayon kay Virgilio Almario, ang baybayin ay napaka halaga sa etnograpiyang

Filipino at sap ag kahubog ng cultura. Bajo p aman dumating ang mga mananakop,

malinaw na ebidensya ito ng sinaunang katutubo sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Torres sa isang panayam sa Varsitarian na hindi magiging


madaling ibalik ang Baybayin sapagkat ilang siglo na ang lumipas mula noong huli itong
gamitin nang malawakan. Sa madaling salita, hindi na ito makasasabay sa daloy ng
modernisasyon.

You might also like