Text For Scanning Skimming
Text For Scanning Skimming
Text For Scanning Skimming
Globalisasyon
Ang globalisasyon sa larangan ng ekonomiya ay pagkakaroon ng nag-iisang
dambuhalang pamilihan sa buong mundo. Kung dati ay may kani-kaniyang sistema
ng ekonomiya ang bawat bansa, inaalis ng globalisasyon ang mga pambansang
saklaw at hangganan upang pag-isahin ang mga ekonomiya ng bawat bansa. Ito
ang dahilan kung bakit borderless society ang tawag sa mga bansang pumapaloob
dito. Ibog sabihin ay inaalis ang mga border o hangganan ng pagpapalitan ng mga
produkto at serbisyong pang-ekonomiya.
Paano inalis ang hangganan ng mga bansa at pinag-iisa ang mga ito? Ito ay
sa pamamagitan ng pagpapabilis ng transportasyon at komunikasyonupang mas
maging madali ang daloy ng mga produkto. Mahalaga rin ang pag-aalis ng mga
pang-ekonomikong hadlang tulad ng buwis at taripa. Taripa ang tawag sa buwis na
ipinapatong sa mga produktong pumapasok sa isang bansa. halimbawa, may isang
toneladang pantalon mula sa Tsina na papasok sa Pilipinas upang ibenta rito. Sa
kasalukuyan, karaniwan ay 5-10% ng kabuuang halaga nito ang ibabayad sa
gobyerno ng Pilipinas bi;ang taripa. Sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos,
iniisip niyang sa taong 2015 ay aabot sa 0-1% taripa ng mga produktong papasok
sa bansa. plano ng dating pangulo na lalong pababain ang taripa upang makisabay
sa pandaigdigang kalakaran. Ibig sabihin ay mas maluwag na makapaglalabas ng
mga hilaw na materyales (raw materials) ang Pilipinas tungo sa ibang bansa habang
magigig tambakan naman ang Pilipinas ng mga yaring produkto (finished products)
upang ibenta sa lokal na pamilihan.
Sagot ang globalisasyon sa suliranin ng sobrang produksyon sa mayayamang
bansa habang kumukuha ng murang hilaw na materyales sa mga mahihirap na
bansa tulad ng Pilipinas. Dahil sa kalagayang ito, may mga ekonomistang nagsasabi
na lalong yayaman ang mga bansang mayayaman at maghihirap ang mga bansang
mahirap.