Filipino Reviewer Let

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 61

 Balat sibuyas 

(onion skin), a person called balat sibuyas, means he/she is overly


sensitive; someone who takes things too personally all the time.
 Bukas ang palad (open palm) someone who is supposed to have bukas ang palad
tends to be very helpful and generous, willing to lend money, anytime without asking for
interest or sometimes return of the money.
 Kaututang dila (farting tongue) Kaututang dila is someone you gossip with,
someone you share your news all the time, your confidant.
 Halang ang bituka (intestines are horizontal), a person describe as halang ang
bituka is supposed to be of bad character, deplorable, untrust-worthy, and would kill for
what he wants without feeling any guilt.
 Hindi makabasag ng pinggan (can’t break a plate), this idiom usually applies to
girls and womem who are especially very modest and really demure.  They move so
daintily and nimbly that it would be impossible for them to break anything.
 Makati ang paa, (this translate to itchy feet ) it means a person who likes to travel or
go places.
 May gatas pa sa labi (There is still milk on lips), meaning someone still very young,
innocent and pure.  Someone who is not quite adult yet.
 Matigas ang buto (strong bones), a person with matigas ang buto means he is very
strong and possessing lots of stamina.
 Matamis ang dila (sweet tongue), is someone who has the gift of the gab, he can
speak with eloquence and fluency and therefore can influence people.
 Malikot ang kamay (rowdy hands) a person with malikot ang kamay is someone
who is a bit of a thief.  He/she takes things without permission.
 Tulak ng bibig, kabig ng didib, (this is really hard to translate)  Anyway roughly it
means what is coming from your lips is negated by how you really feel.  
 Maitim ang dugo, (in English it translate to dark (black) blood.)  When a person is
described as being maitim ang dugo, it means that person is evil or of no good character.
 Magdilang Anghel (have an angel tongue), If someone who just said something
really good and positive is then wished to magdilang angel so that what she just said
would come true.
 Itaga sa bato (cast in stone)  Itaga sa bato especially when said or coupled with a
promise means that whatever happens that promise will be honoured and fulfilled.
 Kabyak ng dibdib (half of the pair of chest LOL)  Kabyak ng dibdib usually pertains
to the wife, the other half or better half.
 Magaan ang dugo (light blood) Magaan ang dugo is used to discribe someone you
are rather partial to even when you barely know that person.  You just know that he/she is
a good sort.
 Haligi ng tahanan (pillar of the home)  Haligi ng tahanan is usually the
father( husband), who provides for the family.  He eke out a living to support the family.
 Ilaw ng tahanan (light of the home) Ilaw ng tahanan is usually the mother (wife),
who looks after the house and everyone inside it.
 Agaw buhay (grasping life) Agaw buhay means someone is on the point of death or
someone trying to cheat death, between life and death.
 Balitang kutsero (Horse drawn cart driver’s news) When a news is said to be from a
balitang kutsero, this means that the news is not proven yet to be the truth, it is still a
rumour and a gossip. Not 100% reliable.
 Buto’t balat (Bones and skin) buto’t balat (buto at balat) skin and bones which
means someone who is really so thin you can see his protruding bones.
 Bungang-araw or sakit sa balat literally means "fruit of the sun." When used in
conversation, the phrase means prickly heat.
 Bungang-tulog is literally "fruit of sleep." But when used in conversation it signifies
or refers to dreams.
 Buto't balat literally translates to "bones and skin" but is an idiom meaning
malnourished (Skin and bones is also an American idiom for someone who is very skinny
or malnourished.).
 Makapal ang bulsa translates to "thick pocket" and is used to describe a person with
a lot of cash in their possession.
 Butas ang bulsa is someone with no cash but literally means "hole in the pocket."
 Mabigat ang kamay describes someone who is lazy but is literally translated as
"heavy-handed."
 Magaan ang kamay literally translates to "light-handed." The conversational
meaning is quite different. It is used to describe someone that is easily provoked and/or
easily hits another person.
 Kabiyak ng dibdib literally means "the other half of the heart" but is an idiom for
spouse.
 Daga sa dibdib describes worry or fear. The literal translation is "mouse in the
chest."
 Bulaklak ng dila has a literal meaning of "flower of the tongue." It is used to denote
exaggeration.
 Makati ang dila describes a chatterbox or talkative person and is literally translated
as "itchy tongue."
 Maitim ang dugo translates as "dark-blooded" but, when used in a conversation,
signifies an evil or bad person.
 The Tagalog idiom referring to the father is haligi ng tahanan which translates as
the post of the household and the mother is referred to as ilaw ng tahanan, which means
"light of the home."
 Itaga sa bato refers to remembering forever but holds the literal translation of "cast
in stone." This reference is an English idiom holding the same meaning.
 Matigas ang katawan refers to a lazy person but literally translates to "stiff-body."
 Makati ang paa translates to "itchy feet," describing someone that enjoys going
places.

Ang pangungusap lupon ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa o


kaisipan.
Dalawang bahagi ng pangungusap
Simuno/Paksa (subject)
Ito ang pinag-uusapan sa isang pangungusap.
Halimbawa:
1. Si Isabel ang kanyang matalik na kaibigan.
2. Nasa palaruan ang mga bata.
Panaguri (predicate)
Ito ang bahagi ng pangungusap kung saan tinutukoy nito ang simuno (kung ano ang
tungkol dito o kung ano ang ginagawa nito).
Halimbawa:
1. Bumibili si Vice ng damit para sa kanyang jowa.
2. Napagod sa pagkanta si Anne.
Uri ng pangungusap ayon sa gamit
• Pasalaysay (declarative) – nagsasalaysay o nagkukuwento ang mga
pangungusap na pasalaysay. Nagtatapos sa tuldok (.) ang mga pangungusap na ito.
Halimbawa: Napakaganda ng bahag-haring nakita naming kahapon.
• Patanong (interrogative) – ang patanong ay ang mga pangungusap na
nagtatanong. Tandang pananong (?) ang ginagamit sa hulihan nito.
Halimbawa: Saan maaaring makabali ng iPhone 12?
• Pautos (imperative) – ito ay mga pangungusap na nag-uutos na gawin ang
isang bagay. Ginagamitan ito ng bantas na tuldok (.)
Halimbawa: Gumawa ka na ng takdang-aralin mo.
• Pakiusap – ito ay tulad din ng nag-uutos subalit may halong pakiusap. Ito ay
ginagamitan ng mga salitaang maaari ba, pwede ba, o katagang paki-. Sa tuldok o
pananong din nagtatapos ang pangungusap na pakiusap.
Halimbawa: Pakisara naman ng pintuan, Krista.
• Padamdam (exclamatory) – nagsasaad ito ng matinding damdamin tulad ng
takot, pagkagulat, galit, at iba pa. Ginagamitan naman ito ng bantas na padamdam (!)
Halimbawa: Aray! Ang sakit ng kagat ng lamok!
Uri ng pangungusap ayon sa ayos
• Karaniwan – nasa karaniwang ayos ang pangungusap kung ang panaguri ay
nauuna sa simuno.
Halimbawa:
Bumili ng bagong bahay si Willie.
Sasali sa Ms. Universe si Pia.
• Di-karaniwan – ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos kung ang
simuno ay nauuna sa panaguri.
Halimbawa:
Si Willie ay bumili ng bagong bahay.
Si Pia ay sasali sa Ms. Universe.

Uri ng pangungusap ayon sa kayarian


Ang pangungusap ay may apat na uri ayon sa kayarian nito.

1. Payak
Ito ang pangungusap na nagpapahayag ng isang diwa o isang kaisipan lamang. Ito ay
maaaring may payak o tambalang simuno o panaguri.

Halimbawa:
Ang tamaraw ay kabilang sa mga hayop na nanganganib ng maubos.
Mahusay na aktor si Piolo Pascual.

2. Tambalan
Ito ay nagtataglay ng dalawang kaisipan o higit pa. Binubuo ito ng dalawa o higit
pang payak na pangungusap. Ginagamitan ito ng pangatnig.

Halimbawa:
Ang panganay nilang anak ay mahilig mang-asar samantalang ang bunso naman ay
mapagmahal.
Kaarawan ni Tatay ngayon kaya nagluto si Nanay ng masarap na ulam.
3. Hugnayan
Ito ay pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di
makapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng pangatnig.

Halimbawa:
Masaya ang mga bata dahil sa mga palaro.
Mahal kita bilang kaibigan.

4. Langkapan
Ito ay pangungusap na binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na makapag iisa o
sugnay na di makapag iisa.

Halimbawa:
Kapag yumaman ako, bibilhin ko lahat ng bagay na gusto ko at maglalakbay ako sa
buong mundo.

Bibili ako sa palengke habang maaga pa dahil dito kakain ng hapunan sila Lolo.
FIELD OF SPECIALIZATION – (FILIPINO) 

MULTIPLE CHOICE

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pangalang tahas? PAGKAIN, PAG-
ASA, KASANGKAPAN, GAMOT
A. Gamot C. Kasangkapan
B. Pag-asa D. Pagkain

2. Tumutugon ito sa hangarin makapagbigay nang wasto at epektibo pakikipag-ugnayan


gamit ang mga sagisag pangwika?
A. Talasalitaan C. Pakikinig
B. Talastasan D. Pagsasalaysay

3. Anong antas ng wika kabilang ang mga sumusunod na halimbawa: MERON, PENGE,
PA’NO?
A. Pabalbal C. Panretorika
B. Kolokyal D. Lalawiganin
4. Anong antas ng wika ang salitang DYAHI?
A. Jargon C. Pabalbal
B. Pambansa D. Lalawiganin

5. Anong antas ng wika kabilang ang salitang MANGAN?


A. Pambansa C. Lalawiganin
B. Pabalbal D. Jargon

6. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang paghayag na “Magandang araw po”?
A. EksistensyalC. Sambitla
B. Pormulasyong Panlipunan D. Pamanahon

7. Ano ang tawag sa mga salitang nakapag-iisa at may taglay ng kahulugan?


A. Morpemang Leksikal C. Malayang morpema
B. Di-malayang Morpema D. Paglalapi

8. Saklaw nito ang pag-aaral ng wastong baybay ng mga salita.


A. Morpolohiya C. Ortograpiya
B. Ponolohiya D. Semantika

9. Nasa anong uri ng pangungusap na walang paksa ang pahayag na “maraming salamat
po”
A. Sambitla C. Pormulasyon Panlipunan
B. Pahanga D. Pamanahon

10. Uwi ng pagbabagong morpoponemiko na gumagamit ng pagpapalit ng posisyon ng


ponema ng salita.
A. Asimilasyon C. Paglalapi
B. Metatesis D. Pagkakaltas

11. Ano ang tawag sa proseso kung papaanong gumagana ang ginagamit na mga
sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa
pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig?
A. Punto ng Artikulasyon C. Konsepto ng Artikulasyon
B. Paraan ng Artikulasyon D. Lalim ng Artikulasyon

12. “Dukha, dagta, sariwa”. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga salitang
binibigkas ng ___________.
A. Malumi C. Malumanay
B. Maragsa D. Mabilis

13. Anong pagbabagong morpoponemiko ang ginamit sa salitang MADUNONG?


A. Pagbibigay-diin C. Pagpapalit ng ponema
B. Pagkakaltas ng ponema D. Asimilasyon
14. Anong pagbabagong morpoponemiko ang ginamit sa mga sumusunod na salita:
NIYAYA, NILINIS, NILIPAD?
A. Reduksyon C. Pagpapalit
B. Metatesis D. Asimilasyon

15. Inilarawan dito kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit na pagpigil pag-
abala sa papalabas na hangin sa pagbigkas ng isang katinig.
A. Lalim ng Artikulasyon C. Paraan ng Artikulasyon
B. Punto ng Artikulasyon D. Konsepto ang Artikulasyon

16. “Puso, sagana, talumapati.” Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga salitang
binibigkas ng ____________.
A. Malumanay C. Malumi
B. Maragsa D. Mabilis

17. Ano ang tawag sa paggamit ng salita na ipinalalagay sa bunga ng maingat at


makabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit?
A. Haba C. Diksyon
B. Antala D. Tono

18. San kabilang ang mga sumusunod na salita: HABA, TONO, DIIN at ANTALA?
A. Ponemang Segmental C. Ponemang Suprasegmental
B. Ponemang Gramatika D. Ponemang Supresegmental

19. Anong pagbabagong morpoponemiko ang nagaganap sa mga sumusunod na salita?


“Pampelikula, Pandakot, Panlab”
A. Pagpapalit ng Diin C. Metatesis
B. Asimilasyon D. Takaw-tingin

20. Gamitin ng tao sa wika na sumasaklaw sa paglikha o pagpapahayag ng sarkastikong


kaisipan, pasulat man o pasalita.
A. Pasibo C. Multikultural
B. Personal D. Imahinatibo

21. Ang salitang “bana” na katumbas ng “husband” sa wikang English ay mula sa


___________.
A. Kabisayaan C. Katagalugan
B. Kabikulan D. Kailukanuhan

22. Paraan ng pagsusuri kung paano mapag-uugnay ang mga salita para sa isang
wastong pahayag.
A. Semantika C. Syntaks
B. Pragmatiks D. Morpolohiya
23. Pagpapaikli ng mga salita gamit ang mga unang letra ng mga salitang bumubuo sa
kabuuang mensahe.
A. Eupemismo C. Eponismo
B. Jargon D. Akronim

24. Ang unang alpabeto na alibato ay binubuo ng bilang na ito.


A. 15 C. 26
B. 17 D. 20

25. Kailan pinagtibay ng Sangunian ng Surian ng Wikang pambansa ang pinagyamang


alpabeto na binuo ng 31 letra?
A. Oktubre 8, 1971 C. Agosto 4, 1971
B. Disyembre 4, 1971 D. Oktubre 4, 1971

26. Taon na nagpapatibay ng Batas Komonwelt Blg 184 na lumikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa.
A. 1946 C. 1936
B. 1956 D. 1926

27. Ano ang nakapaloob sa deskripsyon at nilalaman ng kursong 2 sa kolehiyo?


A. Retorikang Filipino
B. Panitikang Filipino
C. Pagbasa at pagsulat tungo sa Pananaliksik
D. Sining at Wika
28. Alin sa mga sumusunod ang nagbigay ng pagkilala sa Bagong Alpabetong Filipino na
mula sa binago at pinagyaman ng dating Abakada?
A. Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1997
B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 18, s. 1987
C. Kautusang Pangkagawaran Blg. 21, s. 1987
D. Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987

29. Kailan ipinalimbag ng Surian ang kauna-unahang opisyal na aklat panggramatika na


sinulat sa wikang pambansa?
A. 1949 C. 1919
B. 1929 D. 1939

30. Anong taon naipasa ng mga kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa ang
resolusyong nagpapahayag na “ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng wikang
pambansa”?
A. 1948 C. 1938
B. 1947 D. 1937

31. Salitang Ivatan na nangangahulugang pantakip sa ulo na yari sa damo.


A. Vulan C. Vuyu
B. FeyuD. Vakul

32. Ang bahaghari ay nasa anong kayarian ng salita?


A. Langkapan C. Tambalan
B. Payak D. Hugnayan

33. Uri ng bantas na ginagamit kung may kasunod na mga lipon ng salita.
A. Gitling C. Kudlit
B. Tuldukuwit D. Tutuldok

34. Bahagi ng pananalita na nagpapahayag ng kilos, galaw, at pangyayari.


   A. Pangngalan C. Pang-uri
B. Panghalip D. Pandiwa

35. WALONG malalaking santol ang ibinigay niya sa akin. Anong uri ng pang-uring
pamilang ang bahaging nasusulat sa malaking titik?
A. Panaklaw C. Pamahagi
B. Panunuran D. Patakaran

36. Pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.


A. Ponetika C. Morpema
B. Alpabeto D. Semantika

37. Ano ang katawagan sa mga lipon ng mga pangungusap na tumatalakay ay


nagpapahayag ng isang kaisipan?
A. sugnay C. parirala
B. taludtod D. talata

38. Ano ang tawag sa mga pamilang na ISAHAN, WALUHAN, ANIMAN?


A. Panunuran C. Patakaran
B. Palansak D. Patakda

39. Saan kabilang na uri ng tayutay ang pahayag na: “Panibugho! Ikaw ang nagdudulot
ng kapighatian sa dalawang nagnanahalan.”?
A. Pagmamalabis C. Pagtawag
B. Palit-tawag D. Palit-saklaw

40. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat? GANDA, DASAL, MABUTI,
BAIT?
A. Dasal C. Ganda
B. Bait D. Mabuti
41. Saan kabilang na uri ng tayutay ang pahayag na: “Kapalaran, huwag ka sanang
mailap”.
A. Pagmamalabis C. Palit-tawag
B. Pagtawag D. Palit-saklaw

42. Batas na ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita.
A. Gitling C. Tutuldok
B. Panaklong D. Panipi

43. PARANG hindi magaganap ang lahat ng aking ninanais sa buhay. Nasa anong uri ng
pang-abay ang bahaging may malalaking titik?
A. Pang-abay na Pamaraan C. Pang-abay na Pang-agam
B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Kondisyunal

44. Ang kahulugan ng idyomang, hagisan ng tuwalya ay ____________.


A. hindi makapagpasiya C. napakasamang kapalaran
B. tulungang makapagligpit D. pagpapasuko sa kalaban

45. Ano ang katawagan sa nabagong anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng
kapaligiran?
A. Alomorposis C. Ponema
B. Sintaks D. Alomorp

46. “Ayaw kong paniwalaan na kaya nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit si


Gisela ay dahil dinuktor niya ito.” Ano ang kahulugang taglay ng idyomatikong pahayag
na ito?
A. ipinawasto sa matapat na kaibigan
B. winasto kahit mali
C. minalian
D. inayos sa pamamagitan ng pandaraya

47. “Patakbong lumapit si Anna sa kanyang ina.” Alin ang pang-abay sa pangungusap?
A. Anna C. Ina
B. Patakbong D. Lumapit

48. Pahalagahan ang pangaral ____________ hindi malihis ng landas. Anong pangatnig
ang angkop sa pahayag na ito?
A. Habang C. Sakali
B. Kahit D. Nang
49. Orihinal: Fate of the Earth
Salin: Satanas sa lupa

Ito ay pagsasaling:
A. adaptasyon C. semantika
B. malaya D. idyomatiko

50. Ano ang katumbas ng OFFICER-in-CHARGE sa Filipino?


A. Nanunuparan C. Nanunuparang Pinuno
B. Nanunungkulan bilang Pinuno D. Nanunungkulan

51. Alin sa mga sumusunod ang isang paraang pagsasaling-wika na nagsisikap na


makagawa ng eksakto o katulad na kahulugang kontekswal ng orohinal?
A. Literal C. Adaptasyon
B. Matapat D. Idyomatiko

52. Alin sa mga sumusunod ang idyomatikong pagsasalin ng pahayag na: “I will give you
a ring tonight.”
A. Aalukin na kitang magpakasal.
B. Bibigyan kita ng singsing mamayang gabi.
C. Tatawagan kita mamayang gabi.
D. Nais na kitang makasama habambuhay.

53. Ano ang tawag sa uri ng pagsasalingwika na tumutukoy sa lipunan, kalikasan, agham
at disiplinang akademiko?
A. Pangkasaysayan C. Pampanitikan
B. Teknikal D. Pangkultural

54. Ito ay isang paraan ng pagkuhang datos na ginagamitan ng sunod-sunod na tatlong


tutuldok upang ipakita na may bahaging hindi na sinipi sa talata.
A. Sinopsis C. Sintesis
B. Ellipsis D. Abstrak

55. Ano ang tawag sa maikling buod na matatagpuan sa panimula ng tesis o disertasyon;
nagbibigay rin ito ng layunin ng pag-aaral?
A. Sinopsis C. Parapeys
B. Abstrak D. Talahanayan

56. Isa sa katangian ng mananaliksik na marunong tumanggap ng kritisismo para sa


ikagaganda ng pananaliksik
A. Malikhain C. Mapamaraan
B. Marunong D. Bukas ang isipan

57. Tumutukoy sa isa asa katangiang mananaliksik na may sinusunod na proseso tungo
sa pagtuklas ng katotohanan o solusyon ng isang suliranin.
A. kritikal C. lohikal
B. sistematiko D. kontolado
58. Kumakatawan ito sa maikling buod na matatagpuan sa panimula ng tesis o
disertasyon; nagbibigay rin ito ng layunin ng pag-aaral.
A. parapreys C. talahanayan
B. sinopsis D. abstrak

59. Isang uri ng diskors na ginagamit upang ipaalam kung paano isagawa ang isang
Gawain o hakbang.
A. Persuasive C. Repartee
B. Compound D. Procedural

 60. Linyang kumikilala sa pinagmulan o sanggunian ng aytem, larawan or kartun.


A. Byline C. Column Rule
B. Credit line D. Dateline

61. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang katawagan sa lahat ng pamagat ng mga balita. 


A. Banner C. Byline
B. Skyline D. Headline

62. Ano ang tawag sa uri ng pamamahayag na nag-uulat ng mga tunay na pangyayari
batay sa pananaliksik o pakikipanayam at isinusulat ito sa paraang kawili-wili?
A. Kolumn C. Lathalain
B. Komento D. Pangulong Tudling

63. Ang maikling kuwento ng Binibining Phatupats mula sa akdang Kapampangan ay


isinulat ni _____________.
A. Juan Crisostomo Soto C. Juan Crisostomo Ibanex
B. Isagani R. Cruz D. Florentino Hornedo

64. “Walang ligaya sa lupa, Na di dinidilig ng luha.” Ito ay isang halimbawa ng


___________.
A. Salawikain C. Bugtong
B. Palaisipan D. Kawikaan

65. Sagutin ang bugtong na: “Ano itong likha ni Bathala, ang kinakain sa ulo dinadala?”
A. Niyog C. Kasoy
B. Isda D. Pusit

66. “Ang pag-ibig kapag bago ay matamis ngunit kapay ito’y kumupas ay mapait.” Ito ay
isang _____________.
A. Kasabihan C. Bugtong
B. Palaisipan D. Salawikain

67. Sinasabing ang nobela sa ngayon ay nabahiran ng kumersyalismo. Ito ay


napatunayan at makikita sa mga anyong ____________.
A. Diary C. Serye sa pahayagan
B. Anyong Magasin D. Pocket book

68. Ang mga sumusunod ay pamagat ng mga akda. Alin ditto ang hindi kabilang sa
pangkat? ANG HULING TIMAWA, DALUYONG, SANDIGAN, ANAK NG LUPA.
A. Anak ng Lupa C. Sandigan
B. Daluyong D. Ang Huling Timawa

69. Isang kominikasyong pampubliko na may layuning manghikayat at binibigkas ito sa


harap ng mga madla.
A. Daliit C. Sanaysay
B. Talumpati D. Komentaryo

70. Ano ang tawag sa bahagi ng talumpati na naglalaman ng mga patotoo sa paksang
binibigyang-diin o tinatalakay?
A. Kontrobersiya C. Paglalahad
B. Panimula D. Paninindigan

71. Anong uri ng talumpati ang ginagamit sa pagbibigay ng panayam o kaya’y panuto?
A. Talumpating Panghikayat C. Talumpating Nagbibigay-Kabatiran
B. Talumpating Nagbibigay Galang D. Talumpating Pampasigla

72. Kahulugang taglay ng kumpas na mananalumpati kapag kuyom ang palad niya
A. Panturo C. Kawalan ng tiwala
B. Panturong kumpas D. Pakikipaglaban

73. Anong dulog pampanitikan ang nagpapahayag ng mahalagang paksain: ang


kongkretong buhay at pakikihamok ng indibidwal gayundin ang usapin ng indibidwal na
kalayaan at pagpili?
A. Klasisismo C. Realismo
B. HumanismoD. Eksistensyalismo

74. Ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang mga sumusunod: nilalaman, kaanyuan
at kayarian, paraan ng pagkakasulat.
A. Bayograpikal C. Sikolohikal
B. Sosyolohikal D. Pormalistiko

75. Dulog pampanitikan na nagbibigay-diin sa sariling panlasa bumabasa. Kilala rin ito
bilang Reader-response Theory. Ano ito?
A. Antropohiya C. Pansikolohiya
B. Sikolohoya D. Impresyonista

76. “Siya ay 60 taong gulang; may mahabang buhok kulay-abo; tuwid at katawa;  tila
nalulumbay.” Ito ay naglalarawan ng:
A. Tagpuan C. Eksena
B. Pangyayari D. Tauhan

77. Sa pagtuturo ng panitikan, nagsisimula ito sa tinatawag na “De-kahon.” Ano ang


tinutukoy ng bahaging may salungguhit?
A. Paglinang ng Talasalitaan C. Pag-uulat sa talambuhay ng makata
B. Pagganyak D. Paglalapat

78. Karaniwang tema ng mga makabagong kuwentista.


A. Pag-ibig C. Kahiwagaan
B. Batikos D. Sosyo-ekonimiko-politikal

79. “Sinuyod ng mga kawal ang kapatagan ng umagang iyon. Ang mga kubo’y pinanhik;
tinanong ang mga nakatira.” Ano ang inilalarawan ng pahayag na ito?
A. Tauhan C. Pangyayari
B. Tagpuan D. Suliranin

80. Anong kuwento ang nagbibigay diin sa pangyayaring may kinalaman sa biglaang
pagbabago ng buhay ng tauhan?
A. Katatawanan C. Madula
B. Kababalaghan D. Masining

81. Ang kauna-unahang katipunan ng mga maikling katha ay nabuo noong


____________.
A. Panahon ng mga Hapon C. Panahon ng mga Propaganda
B. Panahon ng mga Kastila D. Panahon ng Amerikano

82. Ano ang katangian ng makalumang maikling kuwento?


A. Flashback C. Makabanghay
B. Ayos chronological D. Balik-gunita

83. Nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nuukol sa


mga kababalaghan.
A. Kurido C. Awit
B. Alamat D. Epiko

84. Uri ng tulang liriko na may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan,
may malinaw na batiran ng likas na pagkatao na naghahatid ng aral sa mambabasa.
A. Awiting bayan C. Balad
B. Oda D. Soneto

85. Katangian ng Berso Blanko


A. Walang sukat C. May sukat na walang tugma
B. Walang sukat walang tugma D. May tugma
86. Ito ay bumubuo ng labimpitong pantig.
A. Tanka C. Haiku
B. Tanaga D. Oda

87. Aklat na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo.


A. Tibag C. Pasyon
B. Lagaylay D. Panubong

88. Isang uri ng tula na ginagamit sa panggagamot, pang-uusog at pang-engkanto.


A. Sigaw C. Panunudyo
B. Bulong D. Mahika
89. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sinulat ni Marcelo H. Del Pilar
A. Ang Cadaquilaan ng Dios C. A la Juventud Filipino
B. Kaiingat Kayo D. Dasalan at Tocsohan

90. Itinuturing na pagtatanghal ng mga tau-tauhang yari sa pira-pirasong karton na


pinagagalaw sa likod ng isang putting tabing.
A. Parsa C. Saynete
B. Komedya D. Karilyo

91. Malaking ambag sa panitikang Filipino no Jose Palma Y Velasquez.


A. El Pensamiento C. Himno Nacional Filipino
B. La libertad D. Su plan de Estudio

92. Dulang panlibangan na patungkol sa paghahanap naman ng krus na pinagpakuan kay


hesukristo sa bundok.
A. Panubong C. Lagaylay
B. Kurido D. Tibag

93. Dulang Panrelihiyon na naglalarawan ng muling pagtatagpo nang nabuhay na


Panginoon at Birheng Maria.
A. Tibag C. Salubong
B. Komedya D. Flores de Mayo

94. Ano ang kauna-unahang talasalitaan sa tagalong na sinulat ni Padre Pedro de San
Buenaventura noong 1613?
A. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala C. Arte de la Lengua Iloko
B. Vocabulario de la Lengua Pampango D. Vocabulario de la Lengua Tagala

95. Sa anong panahon ng pananakop nabuo ang kauna-unahang katipunan ng mga


maikling katha?
A. Panahon ng mga Hapon C. Panahon ng mga Kastila
B. Panahon ng Amerikano D. Panahon ng mga Propaganda

96. Anong genre ng panitikan ang naglalahad ng isang natatangi at mahalagang


pangyayri sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon?
A. Nobela C. Dula
B. Sabayang Pagbigkas D. Maikling Kuwento

97. Ang sumulat ng kathang naglalarawan ng pambihirang pagkakaibigan ng dalawang


dalaga na sina Nena at Neneng ay si _____________.
A. Cirio H. Panganiban C. Teofilo Sauco
B. Modesto de Catro D. Valeriano H. Peña

98. “Kung ako ay magkakaroon ng ubang katulad niyan at kapag nilingon ko ang
nakaraan at nakita kong wala akong nagawa kundi ukol lamang sa aking sarili, ang bawat
uban ay magiging tinik sa akin at aking ikahihiya.”
Ang popular na pahayag na ito sa El Filibusterismo ay binigkas ni ___________.
A. Telesforo C. Isagani
B. Basilio D. Simoun

99. Ano ang uri ng tulang liriko na may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at
kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao na naghahatid ng aral sa
mambabasa?
A. Awiting bayan C. Oda
B. Soneto D. Balad

100. Kasaysayan ito ng magandang dalaga na itinira sa pusod ng kagubatan at siya ay


patay kung gabi at buhay na araw.
A. Maragtas C. Bantugan
B. Bidasari D. Indarapatra

101. Dating katawagan sa samahan ng mga nag-alab na damdamin ng mga writers na


kilala ngayon bilang Unyon ng mga Manunulat sa Pilipino. (UMPII)
A. Association of Young Writers C. Writers union of the Philippines
B. Writers of the Philippines D. Association of Filipino Writers

102. Ano ang tawag sa binibigkas nang patula; patalinghagang pahayag upang
mangaral?
A. Bugtong C. Salawikain
B. Dagli D. Kasabihan

103. Ano ang angkop na tanong na nababagay para sa pagdulog sosyolohikal?


A. Ano ang damdaming namayani sa iyo matapos kong mabasa ang kabanata 3
ng Noli
Me Tangere?
B. Kailan isinulat ang Noli Me Tangere?
C. Anong tradisyong panlipunan ang umiiral nang isulat ang Noli Me Tangere?
D. Sino-sino ang pangunahing tauhan ng Noli Me Tangere?

104. Sa nobelang El Filibusterismo, sino ang inagawan ng lupa ng mga Kastila kaya
nagging tulisan?
A. Tano C. Tata Selo
B. Dagli D. Kasabihan

105. Tulang kauna-unahang isinalin sa tagalog ni Andres Bonifacio.


A. Sampung Utos ng Diyos C. Sa Aking mga Kababata
B. Mi Ultimo Adios D. Isang Dipang Langit

106. Pinakamatandang tulang Epiko sa Panay at kumakatawan sa tatlong henerasyon. 


A. Haraya C. Bantugan
B. Hinilawod D. Lagda

107. Uri ng boses ng tao/tagapagsalita na parang nabibiyak, bibigay, nababasag.


A. Nasal C. Husky
B. Pleasant D. Shrill
108. Antas ng epektibong pakikinig na kung saan ang dayuhang napakinggang wika ay
ganap ng naunawaan at nanatili sa isipan.
A. Mensahe C. Gramatikal
B. Rekognisyon D. Seleksyon

109. Ayon sa ginawang pag-aaral nina Lachica (1998) at Badayos (1999), inuri nila ang
pakikinig sa apat na kasanayan. Alin kaya ang HINDI kabilang?
A. Mapanuri C. Aktibo
B. Pasibo D. Deduktibo

110. Layunin ng pagsasalita na may malakas na “sense of humor.”


A. Manghikayat C. Mangganyak
B. Manlibang D. Magpatibay

111. Suliranin sa pakikinig na nakakasira sa pagkuha ng tagapakinig sa nilalaman ng


mensahe sa pakikinig.
A. Batayang Antas C. Kalagayang Pisikal
B. Kaligiran D. Paglelektyur

112. Katangian ng tagapakinig na pinakikinggan ang nagsasalita, nagtatanong


pagkatapos ng talakayan.
A. Masipan C. Mausisa
B. Bukas ang isip D. Madaldal
113. Mortal na kalaban ng pakikinig.
A. Kasarian C. Okasyon
B. Ingay D. Oras

114. Uri ng pagsulat na itinatala ang lahat ng mga mahahalagang bagay na


naobserbahan sa kalikasan, sa paglalakbay at iba pa.
A. free writing C. writing out
B. writing up D. writing down

115. Ano ang tawag sa pag-aaral na nagtuturo sa isang mag-aaral na salain ang
katotohanan sa mga suliranin ng buhay at hanapin ang katumbas na lunas sa
naguguluhang lipunan?
A. Humanidades C. Agham Panlipunan
B. Pilosopikal D. Agham Pulitikal

116. Teorya sa pagbasa na nagsisimula sa iniisip ng tagabasa tungo sa tekstong


babasahin..
A. Teoryang Interactive Activation C. Interactive compensatory
B. Teorya Top-Down D. Teoryang Bottom-Up

117. Anong kasanayang pampanitikan na nakatuon sa mga impresyong tuwirang


nakalahad sa babasahin?
A. Pakikilahok C. Pagtugon
B. Literal D. Paglalanghap

118. Ito ay ang pagbibigay katuturan sa isang bagay.


A. Pang-estilo C. Tematiko
B. Semantika D. Kognitibo

119. Kinapapalooban ito ng mga salita o lipon ng mga salitang ginagamit bilang battle
cry, rally cry o catch word na nagpapahayag ng paninidigan o hangarin na
pinagsisikapang mapagtagumpayan.
A. Sanaysay C. Islogan
B. Dagli D. Tula

120. Pananaw sa pagsusuri ng kalagayang panlipunan, pag-uugali at motibasyon ng mga


tauhan sa akda. Bukod dito binibigyang-pansin ng pananaw na ito ang mga umiiral na
tunggalian: tauhan sa sarili niya, sa ibang tauhan, sa lipunan o sa kalikasan.
A. Naturalismo C. Humanismo
B. Realismo D. Marxism

121. Tawag sa uri ng dulang kalimitang itinanghal noong panahon ng Hapon?


A.  May Tatlong YugtoC. Bodabil
B. Stage Show D. Karaniwang Dula

122. Siya ang sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa Ingles na pinamagatang “A


Child of Sorrow.”
A. N.V.M. Gonzales C. Jorge Bacobo
B. Zoilo Galang D. Zulueta De Costa
123. Ayon sa alamat, siya ang diyosa ng mga Hindu na lumikha ng sayaw bilang libangan
ng mga celestial being.
A. Kabuki C. Brahata
B. Lahat ng nabanggit D. Vishnu

124. Kasanayang Pampanitikan na sumusuri sa pagkamatotohanan at di-makatotohanan


ng mga pangyayari sa akda.
A. Estetiko C. Kritikal
B. Literal D. Integratibo

125. Ano ang tawag sa isang uri ng pakikinig na ipinahihiwatig kapag natulog ka
hanggang matapos ang speaker sa pagsasalita?
A. Masusi C. Kombatib
B. May lugod D. Pasibo

126. Pagpapahayag na sumasaklaw sa pagbigkas na paraan at itinatagubilin ang mga


sumusunod: wastong bigkas, angkop na damdamin at sigla, malinaw na pagsasama-
sama o pagbubukud-bukod ng mga salita.
A. Pamamahayag C. Pasulat na pahayag
B. Pakikipagtalastasan di-pasalita D. Pabigkas na pahayag

127. Ano ang katawagan sa rutang dinaraanan ng mensahe ng tagapagsalita?


A. Konteks C. Pidbak
B. Participant D. Tsanel

128. Layunin ng pagsasalita na may malakas na “sense of humor.”


A. Magpatibay C. Manlibang
B. Mangganyak D. Manghikayat

129. Ito ay isang uri na ipinahihiwatig kapag natulog ka hanggang matapos ang speaker
sa pagsasalita.
A. Masusi C. May lugod
B. Kombatib D. Pasibo

130. Ano naman ang tawag sa uri ng tagapakinig na kahit anong pilit ay walang
maintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng noo, pagsimangot at
anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig?
A. Two-Eard Listener C. Bewildered
B. Frowner D. Busy Bee

131. Ano ang tawag sa kasanayang Pampanitikan sa sumusuri sa pagkamakatotohanan


at di-makatotohanan ng mga pangyayari sa akda?
A. Integratibo C. Literal
B. Kritikal D. Estetiko

132. “Sabi ni Lola kamakalawa pa nila kami hinihintay.” Alin ang pang-abay sa
pangungusap?
A. Lola C. Hinintay
B. Kamakalawa D. Sabi

133. Hakbang sa pagbasa na tumutukoy sa pag-uugnay-ugnay ng nga bago at nakaraang


karanasan sa pagbibigay-kahulugan sa teksto.
A. Aplikasyon C. Komprehensyon
B. Persepsyon D. Integrasyon

134. Ako’y magpapaalam sa kanya UPANG hindi siya maghanap. Anong uri ng pangtnig
ang nasa malaking titik.
A. Pangtnig na Panalungat C. Pangatnig na Panapos
B. Pangatnig na Panulad D. Pangatnig na Panlinaw

135. Ano ang unang proseso sa pagbasa?


A. Kritisismo ng teksto. C. Suriin ang teksto.
B. Muling pagbasa ng teksto. D. Pagtukoy sa layunin ng teksto.

136. Bahagi ng kuwentong nakapupukaw ng pinakamasidhing pananabik sapagkat sa


bahaging ito binibigyan ng huling pasiya ang kapalaran ng mga pangunahing tauhan o
bayani ng kuwento.
A. Tunggalian C. Kasukdulan
B. Panimula D. Kakalasan

137. Ang bibliography, index card, note cards ay tumutukoy sa pagsusulat na


___________.
A. teknikal C. jounalistik
B. akademik D. reprensyal

138. Alin sa mga sumusunod na katanungan ang tumutukoy sa pagsasagawa ng


ebalwasyon ng isang teksto?
A. Ano ang damdaming namayani sa teksto?
B. Ano ang katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan nito?
C. Ano ang kaisipang nais ilahad ng akda.
D. Sino ang sumulat ng akda?
139. Proseso sa pagpapakahulugan sa pagbasa na tumutukoy sa pagbibigay ng
kahulugan taglay ng pangungusap kung saan nasa isang lalagyan.
A. Propisyunal C. Konseptwal
B. Pragmatiko D. Kontekstwal

140. Anong uri ng tayutay ang taglay ng “Lawit na ang dila ko sa bigat nito.”
A. Pagsasatao C. Pamamalabis
B. Pagtawag D. Paghihimig

141. Ano ang kauna-unahang aklat na pambata na naglalarawan?


A. Pictus Tadeo C. Orbis Tundo
B. Pictus babe D. Orbis Pictus

142. Sa malikhaing pagpapasulat ng isang komposisyon, ang unang hakbang ay


kinapapalooban ng gawaing kinasasangkutan ng mga pandama, kaisipan, damdamin at
karanasang makatutulong sa mga mag-aaral na mag-isip.
A. Pagsasaayos C. Paglalathala
B. Pakikibahagi D. Pagtuklas

143. Mula 1853 – 1939, ilang salin o edisyon na Tagalog ang isinagawa sa akdang
“Florante at Laura.”
A. 54 C. 34
B. 24 D. 14

144. Ano ang isa sa teorya ng pagbasa na nangangahulugang napakahalaga ng pag-


unawa sa binasang teksto o lunsaran na nagsisimula sa iniisip ng tagabasa tungo sa
teksto o lunsarang babasahin?
A. Teoryang Bottom-Up C. Teoryang Sosyal
B. Teoryang Top-Down D. Teoryang Kritikal

145. Ito ay kumakatawan sa kahulugan ng pangungusap batay sa interaksyon ng awtor


at ng mambabasa.
A. Proposisyunal C. Konseptwal
B. Kontekstwal D. Pragmatiko

146. Ano ang tawag sa kumakatawan sa direksyon o address ng mga produkto, serbisyo
o institusyon na nabibisita sa web?
A. Website C. TCT
B. URL D. Internet

147. Paglilipat ng mga data mula sa central storage patungo sa isang local na storage.
A. Hard Copy C. Upload
B. Download D. Posting
148. Ano ang pangunahing midyum ng dantaon na nangunguna sa bagong milenyo na
nakararating sa atin sa pamamagitan ng air waves, cabel, website broadcast atbp.?
A. Transistor C. Telebisyon
B. Telepono D. Ebook

149. Ang pagsasagawa ng “Copy Paste” ay may katumbas na ____________.


A. Paglilista C. Pag-uumpisa
B. Pagpapalit D. Pangongopya

150. Ano ang tawag sa isang uri ng tsanel ng komuniskasyon gamit ang computer at
iba’t-ibang networks?
A. Internet C. Software
B. Router D. Website

ADDITIONAL QUESTIONS FOR FILIPINO

Multiple Choice:

1. Ito ay isang kuwentong naglalarawan ng pagkutya sa mapang-abusong prayle.

A. Fraile C. Hibik ng Pilipinas


B. Fray Botod D. Dasalan at Tocsohan
Sagot: B
2. Sino ang may-akda ng Dasalan at Tocsohan?

A. Jose Garcia Villa C. Marcelo del Pilar


B. Graciano Lopez Jaena D. Jose Rizal
Sagot: C
3. Sino si Huseng Batute sa tunay na buhay?

A. Julian Cruz Balmaceda C. Florentino Collantes


B. Jose Corazon de Jesus D. Jose dela Cruz
Sagot: B
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Bisaya?

A. Lagda C. Maragtas
B. Hinilawod D. Bantugan
Sagot: D

      5. Ang kauna-unahang nobelang  nalimbag sa Pilipinas ay ang _______.


A.Urbana at Feliza  C. Doctrina Cristiana
B. Barlaan at Josaphat D. Nuestra Senora del Rosario
Sagot: B

6. Ilang titik ang hiniram ng Alpabetong Filipino mula sa Alpabetong Ingles?

A. 6 C. 8
B. 7       D. 9
Sagot: B

7. Siya ang tinagurian na “Hari ng Makatang Pilipino” at “Ama ng Panulaang Tagalog”.

A. Jose dela Cruz C. Florentino Collantes


B. Jose Corazon de Jesus D. Francisco Baltazar
Sagot:D
8. Ang may-akda ng Bernardo Carpio, Doce Pares de Francia at marami pang iba.

A. Jose dela Cruz C. Florentino Collantes


B. Jose Corazon de Jesus D. Francisco Baltazar
Sagot:A
9. Ang mga sumusunod ay mga sagisag panulat ni Rizal MALIBAN sa ________.

A. Laong Laan C. Dimas-ilaw


B. Dimasalang D. Wala sa nabanggit
Sagot: C

10. “Pinagdausan ng isang masigarbong pagdiriwang ang Luneta Park kagabi”. Ano ang
pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?

A. ganapan C. tagaganap
B. sanhi D. tagatanggap
Sagot: A
11. Marami = ma- + dami, anong pagbabagong morpoponemiko ang pinapakita dito?
A. Pagpapalit ng Ponema C. Asimilasyon
B. Metatesis D. Pagkakaltas
Sagot: A

12. Aling salita ang may klaster?

A. palma C. plano
B. basta D. lahat ng nabanggit
Sagot: C

13. “Ang mga bata ay naglalaro”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.

A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: D

14. Aling salita ang may diptonggo?


A. buwis C. bigay
B. bayan D. lahat ng nabanggit
Sagot: C-

15. Siya ay kilala sa kanyang sagisag-panulat na Huseng Sisiw.

A. Julian Cruz Balmaceda C. Florentino Collantes


B. Jose Corazon de Jesus D. Jose dela Cruz
Sagot: D

16. Ang batas ay sa mga mamamayan.


      Ito ay likha ng mga  mamamayan.
      At ito ay para sa mamamayan.

    Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?

A. Anapora C. Anadiplosis
B. Epipora D. Konsonans
Sagot: B

17. Ang gaylinggo ng mga bakla ay halimbawa ng anong barayti ng wika?

A. sosyolek                         C. dayalekto
B. idyolek                         D. jargon
Sagot: A

18. “Masipag si Toni”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.

A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: C

19.”Tapsilog ang paborito niyang pagkain sa umaga”.  Nasa anong antas ng wika ang
salitang nakasalangguhit?

A. kolokyal C. pampanitikan
B. balbal D. lalawiganin
Sagot: A

20. Ito ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino.

A. Alibata                          C. Diona
B. Cuneiform       D. Abecedario

Sagot: A

21. Nilimot = in- + limot, anong pagbabagong morpoponemiko ang pinapakita dito?
A. Pagpapalit ng Ponema C. Asimilasyon
B. Metatesis D. Pagkakaltas
Sagot: B
22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa tatsulok ng kilusang propaganda.

A. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo H. Del Pilar


B. Jose Rizal D. Andres Bonifacio
Sagot: D

23. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram?

A. a C. c
B. b D. wala sa nabanggit
Sagot: C

24. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha  bunga ng pwersang pisikal
ng tao?

A. Bow-wow C. Ding-dong 
B. Yo-he-ho D. Pooh-pooh
      Sagot: B

      25. “Kailan ba darating ang umaga?”

Ang pahayag sa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?

A. Pagdaramdam C. Pagtanggi
B. Tanong Retorikal D. Pagsalungat
       Sagot: B

26. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nagmula sa panggagaya ng tao sa
mga tunog sa kalikasan?

A. Bow-wow C. Ding-dong 
B. Yo-he-ho D. Pooh-pooh
      Sagot: A

27. Ito ay tumutukoy sa personal at kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika.

A. sosyolek                         C. dayalekto
B. idyolek                         D. jargon
Sagot: B

28. Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?

A. Pilipino C. Tagalog
B. Filipino D. Wikang Pambansa
Sagot: A

29. Isang awiting bayan na tungkol sa pagkakaibigan.


A. diona C. soliranin
B. salagintok D. umbay
Sagot: B

30. “Maraming Juan Dela Cruz ang nangangarap na magtrabaho sa ibang bansa upang
umasenso ang buhay.”

Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag sa itaas?

            A. Pagpapalit-saklaw C. Pagtanggi


B. Pagpapalit-tawag D. Pagsalungat
Sagot: B

31. “Apat na mga tenga ang nakikinig sa kanilang pag-uusap.”

Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag na ito?

            A. Pagpapalit-saklaw C. Pagtanggi


B. Pagpapalit-tawag D. Pagsalungat
Sagot: A

32. Ito ay ang pinakadinamiko at pinakamababang antas ng wika na kadalasang maririnig sa


mga usapang kalye.
A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin
Sagot: C

33. Ang “Maayong Buntag!” ng mga taga-Cebu ay halimbawa ng anong antas ng wika?

A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin

Sagot: D

34. Ang barayti ng wika na nalilikha sa dimensyong heograpiko.

A. Jargon C. Sosyolek
B. Dayalekto D. Idyolek
Sagot: B

 35. “Eng-eng ang pangalan ng aking syota.” Ano ang antas ng wikang nakasalangguhit?

A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin
Sagot: C
36. Ano ang tamang ispeling ng salitang shop sa Filipino?

            A. syap C. shap


B. shop D. siyap
Sagot: B

37. Isang kwento na ang pangyayari ay hango sa tunay na karanasan, nakawiwili at


kapupulutan ng aral.

A. pabula C. mitolohiya
B. parabula D. anekdota
Sagot: D

38. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na


may pambihirang katangian.

A. epiko C. parabula
B. pabula D. dalit
Sagot: A

39. Alin sa apat na uri ng akdang pampanitikan na patula ay tulang sadyang isinulat upang
itanghal sa entablado?

A. tulang pasalaysay C. tulang padula


B. tulang patnigan D. tulang liriko
Sagot: C

40. “Ikaw ay kasama ko na sa paraiso mula sa araw na ito”. Ibigay ang ayos ng
pangungusap na ito.

A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: D

41. Alin sa mga sumusunod ay HINDI tulang pasalaysay?

A. Zarsuela C. Awit
B. Epiko D. Korido
Sagot: A

42. Alin sa mga tula sa ibaba ang isang tulang liriko?

A. Korido C. Oda
B. Duplo D. Balagtasan
Sagot: C

43. Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga
tauhan at hango sa tunay na buhay.

A. oda C. soneto
B. awit D. elehiya
Sagot: B

44. Ang may-akda ng “Sa Pula, Sa Puti”?

A. N.V.M. Gonzalez C. Francisco Rodrigo


B. Deogracias Rosario D. Zulueta de Costa
Sagot: C

     45. Sino si Quijano de Manila sa tunay na buhay?

A. Felipe Calderon C. Francisco Rodrigo


B. Deogracias Rosario D. Nick Joaquin 
Sagot: D

46. Isang epiko na tungkol sa kasaysayan ng mga nagsitakas na sampung datung Malay
dahil sa kalupitan ni Sultang Makatunaw ng Borneo.

A. Maragtas               C. Hari sa Bukid


B. Alim                     D. Lagda
Sagot: A

47. Alin sa mga sumusunod ay isang epiko ng mga Ifugao?

A. Ibalon at Aslon             C. Biag ni Lam-ang


B. Alim               D. Haraya
Sagot: B
48. Ang pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay.

A. Hinilawod               C. Hari sa Bukid


B. Alim                     D. Lagda
Sagot: A

49. “Mahilig mang-agaw si Nicole”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.

A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: C
50. Sino si Madlang-Away?

A. Dr. Pio Valenzuela C. Mariano Ponce


B. N.V.M. Gonzalez      D. Jomapa
Sagot: A

51. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa makrong kasanayang pangwika?

A. pagbasa C. pananaliksik
B.pagsulat D. wala sa nabanggit
Sagot: C

52. “Sumasayaw si Eng-eng  habang si Tonton naman ay kumakanta”. Anong uri ng


pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?

A. pasalaysay C. hugnayan
B. padamdam D. tambalan
Sagot: C 

53. “Nahulog ang bata!” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na
ito?

A. padamdam C. payak
B. pasalaysay D. tambalan
Sagot: C 

54. Ang pag-aaral sa pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang makabuo ng pangungusap at


pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap sa pagbuo ng diskurso.

A. Ponolohiya             C. Sintaks
B. Morpolohiya             D. Palabuuan
Sagot: C

      55. Isang pag-aaral tungkol sa wika na tinatawag ding palatunugan. 

A. Ponolohiya             C. Sintaks
B. Morpolohiya D. Wala sa nabanggit
Sagot: A

56. Alin sa mga sumusunod ay HINDI uri ng pangungusap ayon sa gamit?

A. padamdam C. pautos
B. payak           D. patanong
Sagot: B

57. Sino ang may-akda ng Canal dela Reina?

A. Estrella Alfon C. Lope K. Santos


B. Liwayway Arceo D. Lualhati Bautista
Sagot: B

58. Ang sumulat ng “Kalupi”.

A. Aurelio Tolentino C. Alejandro Abadilla


B. Juan Abad D. Severino Reyes
Sagot: D
.
59. Ang mga sumusunod ay mga korido MALIBAN sa _______. 

A. Ibong Adarna C. Bernardo Carpio


B. Don Juan Tenoso D. Florante at Laura
Sagot: D

60. Alin sa mga sumusunod na mga akdang maromansa ang isang awit.

A. Ibong Adarna C. Bernardo Carpio


B. Don Juan Tenoso D. Florante at Laura
Sagot: D

61. Ang kinikilalang “Ama ng Sarswelang Tagalog”.

A. Aurelio Tolentino C. Julian Cruz Balmaceda


B. N.V.M. Gonzalez D. Severino Reyes
Sagot: D
62. Isang zarsuelistang Tagalog at ang may-akda ng “Anak ng Dagat”.

A. Patricio Mariano C. Hermogenes Ilagan


B. N.V.M. Gonzalez D. Severino Reyes
Sagot: A

63. Isang awiting bayan para sa paglilibing.

A. sambotani C. daeleng
B. umbay D. oyayi
Sagot: B

64. Ang Ama ng Dulaang Tagalog.

A. Patricio Mariano C. Hermogenes Ilagan


B. N.V.M. Gonzalez D. Severino Reyes
Sagot: C

 65. Isang tulang maromansa na kung saan ang mga tauhan ay may kapangyarihang
supernatural at kaya naman ito ay hindi kapani-paniwala.

A. oda C. soneto
B. korido D. elehiya
Sagot: B
66. Sa tulang maromansa na Florante at Laura, ano ang pangalan ng ama ni Florante?

A. Duke Antenor C. Duke Menalipo


B. Duke Briseo       D. Duke Menandro
Sagot: B
67. Sa mga sumusunod na tauhan ng Ibong Adarna, sino ang bunsong anak ni Haring
Fernando?

A. Don Juan        C. Don Diego


B. Don Pedro       D. Don Pablo
Sagot: A

68. Sa Ibong Adarna, siya ang reyna ng kahariang Berbanya.

A. Reyna Valeriana C. Reyna Teodora


B. Reyna Juana D. Reyna Teodora
Sagot: A
69. Alin sa mga salita sa ibaba ang nasa kayariang KPPKPKPK?

A. kasaysayan C. katapangan
B. kaayusan D. klastering
Sagot: B

70. “Ipinaghanda ng isang masarap na pagkain ng kanyang asawa si Jestoni”. Ano ang
pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?

A. ganapan C. tagaganap
B. sanhi D. tagatanggap

Sagot: D

71. Ang tinuturing na “Makata ng Manggawa” at may-akda ng Luha ng Buwaya.

A. Amado Hernandez C. Alejandro Abadilla


B. Aurelio Tolentino D. Severino Reyes
Sagot: A

72. Alin sa mga salita sa ibaba ang nasa kayariang KKPKPKPKPK?

A. katalinuhan C. kabutihan
B. trabahador D. klastering
Sagot: B
73. Ang may-akda ng Dekada ’70.

A. Amado Hernandez C. Alejandro Abadilla


B. Lualhati Bautista D. Genevova Edroza Matute
Sagot: B

74. Isang dula na karaniwan ding ginagawa sa lamay ng patay na kung saan ang mga
babaeng kasali sa larong ito ay binabansagan ng pangalan ng mga bulaklak, punongkahoy
naman sa kalalakihan. Sinisimulan ito sa paghahanap ng hari ng kanyang alagang ibon.

A. Duplo C. Karagatan
B. Juego de Prenda D. Moro-moro
Sagot: B
75. Ito ay isang kwento tungkol sa pagpapadala ng prinsipe sa kanyang kapatid na lalaki
upang patayin ang mga halimaw sa kabilang bundok. Ito ang tinaguriang alamat ng
Mindanao. 

A. Alim C. Indarapatra at Sulayman


B. Hudhud D. Wala sa Nabanggit
       Sagot: C

76. Isang  tulang patnigan at hango sa isang alamat ng isang dalagang naghulog ng
singsing sa dagat at ang sinumang binatang makakakita nito ay siyang pakakasalan ng
dalaga.

A. Duplo C. Karagatan
B. Juego de Prenda D. Moro-moro
     
Sagot: C
77. Maliban sa ñ, ang tawag sa mga letra ng alpabetong Filipino ay tawag _______.

A. Kastila C. Tagalog
B. Ingles D. Bisaya
Sagot: B
78. Doon ay kaya kong ipagbawal ang buhos ng ulan. Ang salitang doon ay isang _______.

A. pang-abay C. pangngalan
B. pang-angkop D. panghalip
Sagot: D
79. Sa Florante ni Balagtas, siya ang kaagaw ni Florante sa lahat ng bagay. Siya ay taksil,
tahimik ngunit mapanganib.

A. Jose C. Menandro
B. Adolfo D. Antenor
Sagot: B

80. Isang awiting bayan na para sa sama-samang paggawa.

A. maluway C. sambotani
B. kundiman D. soliranin
Sagot: A
81. Saang bahagi ng Pilipinas nanggaling ang awiting bayan na “Sarong Banggi”?
A. Ilocos C. Bikol
B. Bisaya D. Tagalog
Sagot: C

82. Aling salita ang may klaster?

A. bulsa C. trumpeta
B. bistado D. lahat ng nabanggit
Sagot: C
83. “Ang Bagyong Yolanda ay mabangis”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.

A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: D

84. Aling salita ang may diptonggo?


A. buwal C. lamay
B. bayan D. lahat ng nabanggit
Sagot: C

85. Siya ang may-akda ng maikling kwento na “Uhaw ang Tigang na Lupa”.

A. Liwayway Arceo C. Genoveva Matute


B. Lualhati Bautista D. Estrella Alfon
Sagot: A
86. “Sumasayaw ang mga dahon sa pagdaan ng malakas na hangin.”

    Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?

A. Pagtutulad C. Pagwawangis
B. Pagmamalabis D. Pagsasatao
Sagot: D

87. “Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.”

    Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?

A. Pagtutulad C. Pagwawangis
B. Pagmamalabis D. Pagsasatao
Sagot: C

88. Ikinatuwa ng mga Pilipino ang pagtulong ng ibang bansa para muling makabangon ang
mga biktima ng bagyo. Ang kaganapan ng pandiwang nakasalangguhit  ay ______.

A. ganapan C. tagaganap
B. sanhi D. tagatanggap
Sagot: B

89. Atin Ku Pung Singsing:Kapampangan: :Ako’y Pobreng Alindahaw:______________

A. Tagalog C. Bikol
B. Ilokano D. Bisaya
     
Sagot: D

90. Sitsiritsit:Tagalog: :Manang Biday:______________


A. Tagalog C. Bikol
B. Ilokano D. Bisaya
     
Sagot: B

91. Isang tulang liriko na binubuo ng 14 na taludtod.

A. Oda C. Pastoral
B. Soneto D. Elehiya
Sagot: B

92. Alin sa mga sumusunod ang isang madamdaming tula tungkol sa patay?

A. Oda C. Pastoral
B. Soneto D. Elehiya
Sagot: D

93. Isang mahabang tula ng pagpaparangal o paghahandog sa isang taong nagdaraos


ng kaarawan o kapistahan.

A. Elehiya C. Dalit
B. Soneto D. Panubong
Sagot: D

94. Ano ang pamagat ng ating pambansang awit?

A. Bayang Magiliw C. Alab ng Puso 


B. Perlas ng Silanganan D. Lupang Hinirang
      Sagot: D

   95. Pantay na ang paa ng matanda nang dumating ang doktor. Sa anong antas ng
wika nababagay ang pariralang nakasalangguhit?

A. Kolokyal C. Pampanitikan
B. Balbal D. Lalawiganin
       Sagot: C

96. “Nagmamahalan sina Edna at Randy”. Ibigay ang pokus ng pandiwa na nasa
pangungusap.

A. ganapan C. tagaganap
B. sanhi D. tagatanggap
Sagot: C
97. Isang maikling katha na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may iilang
tauhan lang, pangyayari at may isang kakintalan.

A. Nobela C. Elehiya
B. Oda D. Maikling Kwento
Sagot: D

98. “Pinagpasyalan nina Cirilo at Andresa ang Ocean Park.” Ano ang pokus ng pandiwa na
nasa pangungusap?

A. ganapan C. tagaganap
B. sanhi D. tagatanggap
Sagot: A

99. Alin sa mga salita sa ibaba ang nasa kayariang KPPKKP?

A. malaki C. masama
B. teorya D. bihira
Sagot: B
100. Ang anyo ng panitikan na pataludtod, may sukat at tugma o malayang taludturan at
gumagamit ng masining at matalinghagang pagpapahayag.
A. tuluyan C. maikling kwento
B. nobela D. patula

Sagot: D

150 FILIPINO QUESTIONS WITH RATIONALIZATION

1. Ito ay isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o


istruktura ng salita.
       A. Ortograpiya C. Semantika
       B. Morpolohiya                             D. Sintaks

Sagot: B-Morpolohiya. Ang ortograpiya ay nag-aaral sa wastong baybay ng mga salita.


Ang semantika ay nag-aaral naman sa kahulugan ng salita samantalang ang sintaks ay
nakapokus sa pag-aaral tungkol sa wastong pag-uugnay at pagsasaayos ng mga salita
para makabuo ng isang pangungusap.

2. “Lumilindol.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa?


A. Temporal C. Penomenal
B. Eksistensyal D. Modal

      Sagot: C-Ang penomenal na pangungusap ay nagpapakita ng pangyayaring


pangkalikasan o
      pangkapaligiran.

     3. Ibigay ang panlapi na ginamit sa mga sumusunod na salita: kaligayahan,


pagmamahalan,
     pagkatiwalaan.
A. hulapi C. kabilaan
B. tambalan D. laguhan

     Sagot: C-Kabilaan ang tawag sa dalawang panlapi na kinakabit sa isang salitang-ugat.


Ang
     kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Ito ay maaaring unlapi at gitlapi (isinulat), unlapi at
hulapi
     (kaligayahan), gitlapi at hulapi (sinamahan).

    4. Anong bantas ang siyang inilalagay sa pagitan ng unlaping “ika” at “tambilang”?
A. tuldok C. kuwit
B. panaklong D. gitling

    Sagot: D-Maliban sa pagitan ng unlaping “ika” at “tambilang”, ang gitling ay inilalagay sa


pagitan
    ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang –ugat na nagsisimula sa patinig (tag-araw,
pag-
    unlad), at sa pagitan ng panlapi at pangngalang pantangi (maka-Diyos, taga-Marikina).
 
   5. Ayon kay Gleason, ang wika ay pinagkakasunduan ng isang lahi at kaya naman ay
naunawaan
   ng lahat ng kasapi ng lahi.
A. masistema C. likas
B. dinamiko D. arbitraryo

    Sagot: D-Ang wika ay arbitraryo dahil ito ay pinagkakasunduan ng isang lahi.


6. Isang akda ni Padre Modesto de Castro na binubuo ng palitan ng liham ng dalawang
magkapatid. 
A. Urbana at Feliza C. Dasalan at Tocsohan
B. Barlaan at Josaphat D. Indarapatra at Sulayman

Sagot: A-Ang Urbana at Feliza ay isang akda ni Padre Modesto de Castro na naglalaman ng
mga pangaral tungkol sa kagandahan asal at dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon. 

7. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha  bunga ng masidhing
damdamin ng tao?
A. Bow-wow C. Ding-dong 
B. Pooh-pooh D. Yoheho

      Sagot: B- Ang Teoryang Pooh-pooh ay ang teorya ng wika na nagsasabing ang wika
ay nailikha  bunga ng masidhing damdamin ng tao  gaya ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,
takot, pagkabigla at iba pa.

8. “Nahulog ang bata!” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na
ito?
A. padamdam C. payak
B. pasalaysay D. tambalan

Sagot: C-Ang payak na pangungusap ay isang uri ng pangungusap ayon sa kayarian na


binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa. Ang tambalan naman ay binubuo ng dalawang
sugnay na makapag-iisa. Ang pasalaysay at padamdam ay uri ng pangungusap ayon sa
gamit. 
9. Sa ponemang segmental, ano ang tinataglay ng mga salitang galaw, baliw, lamay, kahoy?
        A. ponema C. diptonggo
        B. klaster D. pares minimal

Sagot: C- Upang magkaroon ng diptonggo ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod
ang isang patinig at ang malapatinig na w o y, kung hindi, dapat din na ang dalawa ay
magkasama sa iisang pantig (halimbawa: ga-law, ba-liw, la-may, ka-hoy).

10. Sa kasaysayan ng ating panitikan, ang kinikilalang Gintong Panahon ng Panitikan ng


Pilipinas ay ang panahon ng ______.
A. Amerikano C. Kastila
B. Hapones D. Kontemporaryo

Sagot: B-Pinagbawal ng pamahalaang Hapon ang mga Pilipino sa pagsulat ng anumang


akda sa Ingles kaya umusbong ang mga akdang naisulat sa wikang Filipino.

11. Alin sa mga sumusunod ay sadyang isinulat upang ibigkas sa harap ng madla?
A. anekdota C. talambuhay
B. pabula D. talumpati

Sagot: D-Ang talumpati ay isang halimbawa ng anyong tuluyan na binibigkas sa harap ng


madla.

12. Kararating lang ni tatay mula sa trabaho. Ano ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap?
A. pangnnagdaan C. panghinaharap
B. pangkasalukuyan D. katatapos

Sagot: D-Katatapos ang aspekto ng isang pandiwa kapag ang kilos ay bago lang natapos.
Ito ay karaniwang nagsisimula sa unlaping ka- at inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat.

13. Anong titulo sa panitikan ng Pilipinas ang ibinigay sa manunulat ng akdang


pinamagatang “Isang Dipang Langit”?
A. Makata ng Pag-ibig C. Makata ng Masa
B. Makata ng Manggagawa D. Ama ng Wikang Pambansa

Sagot: B-Ang may-akda ng  “Isang Dipang Langit” na si Amado V. Hernandez ay tinaguriang
ang “Makata ng Manggagawa”. Minsan din siyang naging lider ng isang labor union at
pinagtanggol niya ang karapatan ng mga manggagawa.

14. Siya ay kilala bilang ang “dakilang mananalumpati” ng kilusang propaganda.


A. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo H. Del Pilar
B. Jose Rizal D. Gregorio Del Pilar

Sagot: A- Ang Triumvirate ng Kilusang Propaganda ay sina Graciano Lopez Jaena, Jose
Rizal at Marcelo H. Del Pilar. At ang tinagurian na  “dakilang mananalumpati” ay si  Graciano
Lopez Jaena.

15. Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang mga kaugnay na pag-aaral at


literatura?
A. Kabanata I C. Kabanata III
B. Kabanata II D. Kabanata IV

Sagot: B-May limang kabanata ang isang pananaliksik. Ito ay ang mga sumusunod:
Kabanata I (Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito), Kabanata II (Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura), Kabanata III (Disenyo at Paraan ng Pananaliksik), Kabanata IV (Presentasyon at
Interpretasyon ng mg Datos) at Kabanata V (Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon).

16. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na


may pambihirang katangian.
A. epiko C. parabula
B. pabula D. dalit

Sagot: A-Epiko. Ang pabula ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop,
parabula ay mula sa Bibliya at ang dalit ay awit na pumupuri sa Diyos.

17.Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Mindanao?


A. Bantugan C. Maragtas
B. Bidasari D. Indarapatra at Sulayman

Sagot: C-Ang Maragtas ay epiko ng mga Bisaya.

18. Sino ang may-akda ng Fray Botod? 


A. Jose Garcia Villa C. Marcelo del Pilar
B. Graciano Lopez Jaena D. Jose Rizal

Sagot: B- Ang akdang “Fray Botod” ay isang akdang tumutuligsa sa kamangmangan at


pagmamalabis ng mga prayle. Ito ay sinulat ni Graciano Lopez Jaena.

19. Isang Pilipinong manunulat na tanyag sa kanyang sagisag-panulat na Dimas-ilaw.


A. Jose dela Cruz C. Jose Corazon de Jesus
B. Anotonio Luna D. Emilio Jacinto

Sagot: D-Si Emilio Jacinto ay si “Dimas-ilaw” at siya ang kanang kamay ni Andres Bonifacio.
Si Jose dela Cruz ay Huseng Sisiw, Antonio Luna ay Taga-ilog at Jose Corazon de Jesus ay
Huseng Batute.

20. Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga
tauhan at hango sa tunay na buhay.

A. Moro-moro C. Awit
B. Epiko D. Korido

Sagot: C-May dalawang tulang maromansa sa Panitikang Filipino. Ito ay ang awit at korido.
Ang awit ay makatotohanan dahil ito ay hango sa tunay na buhay (halimbawa: Florante at
Laura). Ang korido ay di-makatotohanan dahil ang mga tauhan ay may kakayahang
supernatural (halimbawa: Ibong Adarna).

21. Ang salitang “parak” ay nasa anong antas ng wika?


     A. Jargon                                                          C. Kolokyal
     B. Pidgin   D. Balbal
Sagot: D-Kapag sinabing balbal, ito ay mga salita na ginagamit sa usapang kalye,
pinakadinamiko at pinakamababa na antas ng wika. Sa balbal, kadalasan ay pinapalitan ang
mga salita ng iba pang salita (pulis-parak) o di kaya ay binaliktad at dinagdagan ang baybay
ng salita (hiya-dyahi).

22. Alin sa mga sumusunod  na pangngalan ang HINDI tahas ?


     A. pagkain C. lapis
     B. gamot D. pag-asa

Sagot: D-Ang “pag-asa” ay isang pangngalang basal (pangngalang di-kongkreto, hindi


nahihipo at hindi nakikita). Samantala, ang “pagkain”, “gamot”, at “lapis” ay mga
pangngalang tahas (pangngalang kongkreto, materyal, nahihipo at nakikita).

23. Alin sa mga sumusunod ay isang pangngalang palansak?


     A. pag-ibig                                                         C. bahay-kubo
     B. Jose   D. buwig

Sagot: D-Ang pangngalang palansak ay isang pangangalan na tumutukoy sa grupo o


pangkat ng iisang uri ng tao, hayop o bagay (halimbawa: buwig, tropa, lahi).

24. Ang “pangarap” ay isang pangngalang _____.


     A. pantangi C. tahas
     B. palansak D. basal

Sagot: D-Ang “pangarap” ay isang pangngalang basal (pangngalang di-kongkreto, hindi


nahihipo at hindi nakikita).

25. Hangarin nitong makapagbigay nang wasto at epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang
mga
sagisag pangwika?
     A. talastasan C. talasanggunian
     B. bokabularyo D. linggwistika

Sagot: A-Ang “talastasan” o kilala rin sa tawag na “komunikasyon” ay isang proseso ng


pagpapalitan ng kasisipan gamit ang mga simbolong pangwika at may layuning
makapagbigay ng matagumpay na pakikipag-ugnayan at pagkakaintindihan.

26. Nasa anong antas ng wika kabilang ang mga salitang tulad ng  NASAN at  PA’NO?
     A. Pabalbal                                                    C. Panretorika
     B. Kolokyal                                                    D. Pampanitikan

Sagot: B-Ang kolokyal ay binubuo ng mga salitang impormal na pinaikli katulad ng tatay-tay,
mayroon-meron, saan-san.
27. Anong antas ng wika ang salitang DYAHI?
     A. Jargon                                                          C. Kolokyal
     B. Pidgin   D. Balbal

Sagot: D-Kapag sinabing balbal, ito ay mga salita na ginagamit sa usapang kalye,
pinakadinamiko at pinakamababa na antas ng wika. Sa balbal, kadalasan ay pinapalitan ang
mga salita ng iba pang salita (pulis-parak) o di kaya ay binaliktad at dinagdagan ang baybay
ng salita (hiya-dyahi).
28. Ang salitang “bana” ay halimbawa ng  anong antas ng wika?
     A. Sosyolek                       C. Lalawiganin
     B. Pabalbal                                                     D. Idyolek

Sagot: C-Ang lalawiganin o dayalekto ay isang antas ng wika na nakabatay sa lugar o


rehiyon (dimensyong heograpiko). Ang “bana” ay isang salitang Bisaya na ang ibig sabihin
ay “asawang lalaki”.

29.Anong uri ng pangungusap ang  “Magandang araw po”?


A. Temporal                                                C. Sambitla
B. Pormulasyong Panlipunan                        D. Pamanahon

Sagot: B-Ang “Pormulasyong Panlipunan” ay isang uri ng pangungusap na walang tiyak na


paksa na tumutukoy sa ekspresyon o pagbati na ginagamit sa pakikipagkapwa katulad ng
“Magandang Umaga!”, “Maraming Salamat!” at “Walang Anuman.”

30. Ito ay isang uri ng morpema ayon sa kahulugan na may kahulugan sa ganang sarili. Ito
ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin itong kahulugan na hindi na
nangangailangan ng iba pang morpema.
     A. Morpemang Leksikal                              C. Malayang Morpema
     B. Di-malayang Morpema                           D. Morpemang Pangkayarian

Sagot: A-Ang “Morpemang Leksikal” ay tinatawag ding morpemang pangnilalaman. Ito ay


nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin itong kahulugan na hindi na nangangailangan
ng iba pang morpema. Ang mga pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-bay ay
mga morpemang leksikal.

31. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa tamang pagsasaayos ng mga salita para
makabuo ng isang pangungusap na nagsasaad ng buong diwa?
A. Ortograpiya C. Semantika
B. Morpolohiya                             D. Sintaks

Sagot: D-Sintaks. Ang ortograpiya ay nag-aaral sa wastong baybay ng mga salita. Ang
semantika ay nag-aaral naman sa kahulugan ng salita samantala ang morpolohiya ay
sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita.

32. “Maraming Salamat.” Ito ay anong uri ng pangungusap?


A. Temporal                                                C. Sambitla
B. Pormulasyong Panlipunan                        D. Pamanahon

Sagot: B-Ang “Pormulasyong Panlipunan” ay isang uri ng pangungusap na walang tiyak na


paksa na tumutukoy sa ekspresyon o pagbati na ginagamit sa pakikipagkapwa katulad ng
“Magandang
Umaga!”, “Maraming Salamat!” at “Walang Anuman.”

33. Isang dulog pampanitikan na kilala sa katawagan na reader-response theory.


A. impresyonisya                                        C. antropolohiya
B. patalambuhay                        D. pansikolohiya
Sagot: A-Ang impresyonista ay isang dulog pampanitikan na kung saan ang
pagpapakahulugan sa isang tekstong binasa ay nakapokus sa sariling panlasa ng
mambabasa at kilala rin sa katawagan na reader-response theory.

32. Ibigay ang panaguri sa pangungusap na nasa ibaba.


“Ang gatas ay mayaman sa sustansya.”
A. sustansya                                      C. gatas
B. ang                      D. mayaman

Sagot: D-May dalawang bahagi ang isang pangungusap: simuno at panaguri. Ang simuno o
paksa ay siyang pinag-uusapan sa pangungusap samantala ang panaguri ay ang nagsasabi
kung ano ang ginagawa o ano tungkol ang simuno. Sa pangungusap sa itaas, “ang gatas”
ang simuno at “mayaman” ang panaguri.

33. Tukuyin kung anong uri ng panlapi ang matatagpuan sa mga sumusunod na salita:
kabutihan, pag-ipunan, magsuyuan.
A. hulapi C. kabilaan
B. tambalan D. laguhan

Sagot: C-Kabilaan ang tawag sa dalawang panlapi na kinakabit sa isang salitang-ugat. Ang
kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Ito ay maaaring unlapi at gitlapi (isinulat), unlapi at hulapi
(kaligayahan), gitlapi at hulapi (sinamahan).

34. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang talumpati na kung saan maagang
ipinaalam ang mga kalahok tungkol sa ano ang paksa ng talumpati?
A. may kahandaan C. impromptu
B. biglaang talumpati D. di-handa

Sagot: A-Sa talumpating “may kahandaan”, ang talumpati ay talumpati binubuo ng isang
paksa lamang at maagang ipinaalam ang mga kalahok tungkol sa nasabing paksa.

35. Anong bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos, galaw at pangyayari?


A. pangngalan C. pang-uri
B. panghalip D. pandiwa

Sagot: D-Pandiwa. Ang pangngalan ay nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, hayop o


lugar. Ang panghalip naman ay siyang humahalili sa pangngalan at ang pang-uri ay
naglalarawan ng pangngalan at panghalip.

36. Si Ana ay mabagal na naglakad papunta sa altar. Anong bahagi ng pananalita ang
sinalangguhitang salita?
A. pang-ukol C. pang-uri
B. pang-abay D. pandiwa

Sagot: B-Pang-abay. Ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa, pang-uri at kapwa pang-


abay. Sa pangungusap sa itaas, ang salitang “mabagal” ay naglalarawan sa salitang
“naglakad” na isang pandiwa. Ginamit ang salitang “mabagal” bilang isang pang-abay na
pamaraan.
37. Si Fe ay masaya sa kanyang kaarawan. Ang salitang “masaya” ay isang ______.
A. pang-ukol C. pang-uri
B. pang-abay D. pandiwa
Sagot: C-Pang-uri. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at panghalip. Sa
pangungusap sa itaas, ang salitang “masaya” ay naglalarawan kay “Fe” na isang
pangngalan. 

38. Si Fe ay masayang naghihintay sa kanyang ina. Paano ginamit ang salitang


sinalangguhitan sa pangungusap?
A. pang-ukol C. pang-uri
B. pang-abay D. pandiwa

Sagot: B-Pang-abay. Sa pangungusap sa itaas, ang nilalarawan ng salitang “masayang” ay


ang salitang “naghihintay” hindi si “Fe”. At ang salitang “naghihintay” ay isang pandiwa kaya
ang tamang sagot ay pang-abay.

39. “Tanghali na.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa?
A. Temporal C. Penomenal
B. Eksistensyal D. Modal

      Sagot: A-Ang temporal na pangungusap ay nagpapakita ng oras o araw.

40.  Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa pag-aaral ng kahulugan ng tunog o


ponema?
A. Ortograpiya C. Semantika
B. Morpolohiya                             D. Ponolohiya

Sagot: D-Ponolohiya. Ang ortograpiya ay nag-aaral sa wastong baybay ng mga salita. Ang
semantika ay nag-aaral naman sa kahulugan ng salita samantala ang morpolohiya ay
sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita.

41. Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang tungkol sa suliranin at ang kaligiran
nito?
A. Kabanata I C. Kabanata III
B. Kabanata II D. Kabanata IV

Sagot: A-May limang kabanata ang isang pananaliksik. Ito ay ang mga sumusunod:
Kabanata I (Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito), Kabanata II (Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura), Kabanata III (Disenyo at Paraan ng Pananaliksik), Kabanata IV (Presentasyon at
Interpretasyon ng mg Datos) at Kabanata V (Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon).

42. Aling salita ang may diptonggo?


A. bawal C. bahay
B. sibuyas D. lahat ng nabanggit

Sagot: C- Upang magkaroon ng diptonggo ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod
ang isang patinig at ang malapatinig na w o y, kung hindi, dapat din na ang dalawa ay
magkasama sa iisang pantig (halimbawa: ga-law, ba-liw, la-may, ka-hoy).

43. Siya ay kilala sa kanyang sagisag-panulat na Huseng Sisiw.


A. Julian Cruz Balmaceda C. Florentino Collantes
B. Jose Corazon de Jesus D. Jose dela Cruz
Sagot: D-Si Jose Dela Cruz ang guro ni Francisco Balagtas. Tinawag siyang Huseng Sisiw
dahil sa tuwing may magpapagawa sa kanya ng tula, ang hihingin niya na kabayaran ay
hindi pera kundi isang sisiw.

44. Ano ang pamagat ng ating pambansang awit?


A. Bayang Magiliw C. Alab ng Puso 
B. Perlas ng Silanganan D. Lupang Hinirang

      Sagot: D- “Lupang Hinirang” ang pamagat ng ating pambansang awit at hindi


“Bayang Magiliw”. Si Jose Palma ang sumulat sa titik nito at nilapatan ng musika ni Julian
Felipe.

     45. Nagpupuyos sa galit ang kanyang ina nang malaman nito ang pagbubulakbol sa
klase.

A. inis na inis sa galit C. na-ngingitngit sa galit


B. nagbubuhos ng galit D. nakikimkim ng galit

       Sagot: C- Ang nagpupuyos sag alit ay isang idyoma na ang ibig sabihin ay na-
ngingitngit sa galit.

46. “Kumakain ng prutas si Jherame”. Ibigay ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap.

A. ganapan C. tagaganap
B. sanhi D. tagatanggap

Sagot: C- Ang paksa na si “Jherame” ang siyang gumaganap sa kilos na “kumakain” kaya
ang pokus ng pandiwa ay pokus sa tagaganap o aktor.

47. Hayun ang mga bata na masayang naglalaro. Ang salitang hayun ay isang _______.

A. pang-abay C. pangngalan
B. pang-angkop D. panghalip
Sagot: D- Ang hayun ay isang panghalip pamatlig. Iba pang halimbawa ng panghalip
pamatlig ay ang mga sumusunod : doon, diyan at dito.

48. “Pinagbakasyunan nina Jhera at Tonton ang Camotes”. Ano ang pokus ng pandiwa na
nasa pangungusap?

A. ganapan C. tagaganap
B. sanhi D. tagatanggap

Sagot: A- Ang paksa na “ang Camotes” ay ang lugar kung saan naganap ang kilos na
“pinagbakasyunan” kaya ang pokus ng pandiwa ay pokus sa ganapan.

49. Alin sa mga salita sa ibaba ang nasa kayariang KPPKKPKPKP?

A. kasaysayan C. katapangan
B. heograpiya D. klastering
Sagot: B-Ang heograpiya ay nasa kayariang KPPKKPKPKP. Sa pagtukoy ng kayarian,
ginagamit ang simbolong P para sa patinig at K para sa katinig.

50. “Ipinagluto ng kanyang asawa si Jestoni”. Ano ang pokus ng pandiwa na nasa
pangungusap?

A. ganapan C. tagaganap
B. sanhi D. tagatanggap

Sagot: D-Ang paksa na “si Jestoni” ay ang tagatanggap ng kilos na “ipinagluto” kaya ang
pokus ng pandiwa ay pokus sa tagatanggap.

51. Sino ang may-akda ng Dasalan at Tocsohan?

A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio


B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar
Sagot: D-Ang Dasalan at Tocsohan ay akda ni del Pilar. Ito ay kahawig ng mga dasal na
itinuturo ng mga prayle sa mga Pilipino. Sa dasal na ito, lantaran niyang tinutuligsa ang mga
kasalanan ng mga prayle noon.

52. Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na “Agap-ito


Bagumbayan”.

A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio


B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar
Sagot: C-Iilan sa kilalang sagisag-panulat ni Bonifacio ay ang mga ss. : May Pag-asa,
Magdiwang at Agap-ito Bagumbayan.

53. Isang awiting bayan na tungkol sa pakikipagkaibigan.

A. sambotani C. daeleng
B. salagintok D. oyayi
Sagot: B-Ang sambotani ay awit sa tagumpay, ang daeleng ay sa pista at oyayi ay sa
pagpapatulog ng bata.

54. Sino si Dolores Manapat?

A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio


B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar
Sagot: D-Iilan sa mga sagisag panulat ni del Pilar ay ang mga ss. : Plaridel, Piping Dilat at
Dolores Manapat.

 55. Isang tulang maromansa na kung saan ang mga tauhan ay may kapangyarihang
supernatural at kaya naman ito ay hindi kapani-paniwala.

A. oda C. soneto
B. korido D. elehiya
Sagot: B-Ang oda, soneto at elehiya ay hindi tulang maromansa. Ang mga ito ay mga tulang
liriko.
56. Ito ay isang tulang patnigan at hango sa isang alamat ng isang dalagang naghulog ng
singsing sa dagat at ang sinumang binatang makakakita nito ay siyang pakakasalan ng
dalaga.

A. panubong C. elehiya
B. karagatan       D. oda
Sagot: B- Ang oda, panubong at elehiya ay hindi tulang patnigan. Ang mga ito ay mga tulang
liriko.

57. Sino ang may akda ng awiting ang  “Bayan Ko”?

A. Constancio De Guzman             C. Dolores Manapat


B. Jose Corazon de Jesus      D. Jomapa
Sagot: B-Ang “Bayan Ko” ay sinulat ni Jose Corazon de Jesus at nilapatan ng musika ni
Constancio De Guzman.

58. Isang manunulat sa panahon ng Amerikano na nagging tanyag sa kanyang tulang “Ang
Guryon”.

A. Ildefonso Santos C. Alejandro Abadilla


B. Amado Hernandez D. Teodor Gener
Sagot: A-Si Ildefonso Santos ay napabantog dahil sa kanyang tulang “Ang Guryon” at ang
kanyang naging sagisag panulat ay “Ilaw Silangan”.

59. Siya ang “Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas”.

A. Jose Garcia Villa C. Aurelio Tolentino


B. Deogracias Rosario D. Zulueta de Costa
Sagot: B-Si Deogracias Rosario ay ang “Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas” at iilan sa
kanyang mga akda ay ang mga ss. : Walang Panginoon, Ang Geisha at Dahil sa Pag-ibig.

60. Isang dula na sumikat nang humina ang zarzuela sa Pilipinas. Ito ay tinatawag ding
stage show sa Ingles.

A. bodabil C. karagatan
B. duplo D. korido
Sagot: A-Taong 1916 ipinakilala ang bodabil sa Pilpinas. Ito ay isang uri ng dula na
pinaghalu-halong awitan, sayawan, drama at katatawanan.

61. Isang epiko tungkol sa kasaysayan ng pag-iibigan ng mga bathala mula sa Iloilo, Antique
at Aklan.

A. Hinilawod C. Bidasari
B. Biag-ni-Lam-ang D. Maragtas
Sagot: A- Ang Hinilawod ang tinuturing na pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng
Panay.

62. Siya ay kilala bilang ang “dakilang manunulat” ng kilusang propaganda.

A. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo H. Del Pilar


B. Jose Rizal D. Gregorio Del Pilar
Sagot: B- Ang Triumvirate ng Kilusang Propaganda ay sina Graciano Lopez Jaena, Jose
Rizal at Marcelo H. Del Pilar. At ang tinaguriang ang  “dakilang manunulat” ay si Jose Rizal.

63. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram?

A. y C. c
B. b D. ng
Sagot: C- Ang titik na c ay mula sa Alpabetong Ingles.

64. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha  bunga ng masidhing
damdamin ng tao?

A. Bow-wow C. Ding-dong 
B. Pooh-pooh D. Yoheho
      Sagot: B- Ang Teoryang Pooh-pooh ay ang teorya ng wika na nagsasabing ang wika
ay nailikha  bunga ng masidhing damdamin ng tao  gaya ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,
takot, pagkabigla at iba pa.

      65. “Katoliko ba ang Santo Papa?”

Ang pahayag sa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?

A. Pagdaramdam C. Pagtanggi
B. Tanong Retorikal D. Pagsalungat
       Sagot: B- Ang Tanong Retorikal ay isang tanong na may pangunahing layunin na
makuha ang atensyon ng mambabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tanong na hindi
naman kailangang bigyan ng kasagutan.

66. Bakit Tagalog ang siyang napiling batayan ng kauna-unahang wikang pambansa sa
Pilipinas?

A. Dahil sa ito ang ginagamit ng mga taga-Manila kung saan naman matatagpuan
ang kabisera ng Pilipinas.
B. Dahil sa ito ay binubuo ng mga kaakit-akit na mga salita at bokabularyo
            C. Dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit  na ng mas nakararaming Pilipino.
            D. A at C
Sagot: C- Maliban sa napatunayan na ang wikang Tagalog ay ang may pinakamaunlad na
kayarian, mekanismo at literatura, pinili ang Tagalog bilang batayan ng kauna-unahang
wikang pambansa dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit  na ng mas nakararaming Pilipino.

67. Ilan lahat ang hiram na titik ng Alpabetong Filipino?

A. 6 C. 8
B. 7 D. 9
Sagot: C- Walo ang hiram na titik ng Alpabetong Filipino mula sa mga banyagang Alpabeto:
c, f, j, ñ, q, v, x at z .

68. Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?


A. Pilipino C. Tagalog
B. Filipino D. Wikang Pambansa
Sagot: A-Pinaikli ang pangalan ng naunang wikang pambansa noong taong 1939 at ito ay
naging Pilipino sa taong 1959.

69. Isang awiting bayan na ginamit sa pagpapatulog ng bata.

A. diona C. soliranin
B. oyayi D. umbay
Sagot: B-Ang diona ay para sa panliligaw, soliranin para sa paggaod ng bangka at umbay
para sa paglilibing.

70. “Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas.”

Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag sa itaas?

            A. Pagpapalit-saklaw C. Pagtanggi


B. Pagpapalit-tawag D. Pagsalungat
Sagot: B-Ang pagpapalit-tawag ay ang paggamit ng isang pangalan upang tukuyin ang isa
pang pangalan na pinapalitan nito. Sa itaas, ang palasyo ay ginamit na tumutukoy naman sa
president ng Pilipinas.

71.  “Apat na mga mata ang tumititig sa kanya.”

Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag na ito?

            A. Pagpapalit-saklaw C. Pagtanggi


B. Pagpapalit-tawag D. Pagsalungat
Sagot: A-Ang pagpapalit-saklaw ay ang pagbanggit ng isang bahagi bilang pagtukoy sa
kabuuan. Sa itaas, ang apat na mata ay ginamit na tumutukoy naman sa dalawang tao.

72. “San ba siya nakatira?” Ano ang antas ng wikang nakasalangguhit?

A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin
Sagot: A- Ang kolokyal ay isang halimbawa ng impormal na antas ng wika na kung saan
pinapaikli ang isang salita mula sa orihinal na salita.

73. Ang “Maupay na Aga!” ng mga taga Samar ay halimbawa ng anong antas ng wika?

A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin

Sagot: D-Waray-waray ang tawag sa dayalekto sa mga taga-Samar. Ang ibang katawagan
ng dayalekto ay lalawiganin. Ang dayalekto o lalawiganin ay isang barayti ng wika na
tumutukoy sa isang wika na sinasalita sa isang pook, rehiyon o lugar.
74. Ang “Hindi po namin kayo tatantanan” at “Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras” ay
mga tanyag na pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon. Sa anong barayti ng wika ito
naiuuri?

A. Jargon C. Sosyolek
B. Dayalekto D. Idyolek
Sagot: D-Ang idyolek ay isang barayti ng wika na kung saan iba ang wika ng bawat isa dahil
ang bawat tao ay may kanya-kanyang personal na paraan sa paggamit nito.

 75. “Neneng ang pangalan ng aking ermat.” Ano ang antas ng wikang nakasalangguhit?

A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin
Sagot: C- Ang balbal ang pinakamababang antas ng wika. Ito ay kadalasang ginagamit sa
usapang kalye.

76. Ano ang tamang ispeling ng salitang barbershop sa Filipino?

            A. barbersyap C. barbershap


B. barbershop D. barbersiyap
Sagot: B- Ang mga salitang may digrapong sh ay pinananatili na lamang sa orihinal na anyo.

77. Isang kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng iba’t ibang


paniniwala sa mga diyos at diyosa.

A. pabula C. mitolohiya
B. parabula D. anekdota
Sagot: C- Ang pabula ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop, parabula ay
mula sa Bibliya at ang anekdota ay mga pangyayari na hango sa tunay na buhay, karanasan
at kapupulutan ng aral.

78. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na


may pambihirang katangian.

A. epiko C. parabula
B. pabula D. dalit
Sagot: A- Ang pabula ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop, parabula ay
mula sa Bibliya at ang dalit ay awit na pumupuri sa Diyos.

79. Alin sa apat na uri ng akdang pampanitikan na patula ay tungkol sa pangangatwiran at


tagisan ng talino?

A. tulang pasalaysay C. tulang padula


B. tulang patnigan D. tulang liriko
Sagot: B-Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula na itinatanghal ng mga
natutunggaling makata.

80. “Ikaw ang aking mahal”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.

A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: D-Di-karaniwan ang ayos ng isang pangungusap kung nauna ang simuno kaysa sa
panaguri.

81. Ang may-akda ng “Kahapon, Ngayon at Bukas”?

A. Aurelio Tolentino C. Alejandro Abadilla


B. Juan Abad D. Severino Reyes
Sagot: A-Ang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay isang akda ni Aurelio Tolentino. Ito ay
sumikat sa taong 1903 at tungkol sa pagtutuligsa ng mga Amerikano.

82. Siya ang sumulat ng dulang ang “Tanikalang Ginto” na kung saan inakyat ng mga alagad
ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito at dinakip ang may-akda.

A. Aurelio Tolentino C. Alejandro Abadilla


B. Juan Abad D. Severino Reyes
Sagot: B-Ang “Tanikalang Ginto” ay isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga
Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso.

83. Ang mga sumusunod ay mga nobela ni Lualhati Bautista MALIBAN sa______.

A. Dekada ‘70 C. Gapo


B. Satanas sa Lupa D. Bulaklak ng City Jail
Sagot: B- Ang Satanas sa Lupa ay akda ni Celso Al Carunungan.

84. Isang batikan at kilalang feministang manunulat na kung saan ang kanyang akda ay
nakapokus sa mga kababaihan. Siya ang may-akda  ng “Bata, Bata, Paano ka Ginawa?”

A. Estrella Alfon C. Fausto Galauran


B. Lualhati Bautista D. Gervacio Santiago
Sagot: B-Iilan sa mga kilalang akda ni Lualhati Bautista ay ang mga sumusunod: Dekada
’70, “Nena” at  “Bata, Bata, Paano ka Ginawa?”.

85. Ito ay isang kwento tungkol sa pagpapadala ng prinsipe sa kanyang kapatid na lalaki
upang patayin ang mga halimaw sa kabilang bundok. Ito ang tinaguriang alamat ng
Mindanao. 

A. Alim C. Indarapatra at Sulayman


B. Hudhud D. Wala sa Nabanggit
       Sagot: C-Ang Alim at Hudhud ay epiko ng mga Ifugao.

86. Handa ng lumisan ang taong “amoy lupa” nang malaman niyang nasa maayos na
nakalagayan ang mga anak nito.Ang pariralang “amoy lupa” ay nagsasaad ng anong antas
ng wika?

A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. pampanitikan
     
Sagot: D-Ang amoy lupa ay isang idyoma na ang ibig sabihin ay matanda na at malapit ng
mamatay. Ang isang idyoma ay nasa antas pampanitikan.
87. Isang epiko ng mga bisaya na tungkol sa kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan.
Gaya ng “Kodigo ni Kalantiyaw” ng tribu ng Aklan.

A. Bantugan C. Bidasari
B. Lagda D. Darangan
Sagot: B-Ang Bantugan, Bidasari at Darangan ay mga epiko ng mga Muslim.

88. Siya ang may-akda ng dulang ang “Dalagang Bukid”.

A. Hermogenes Ilagan C. Alejandro Abadilla


B. N.V.M. Gonzalez D. Patricio Mariano
Sagot: A-Si Hermogenes Ilagan ang may-akda ng dulang ang “Dalagang Bukid” na siyang
nagging batayan ng awiting panzarsuela.

89. Sino ang may-akda ng Fray Botod?

A. Jose Garcia Villa C. Marcelo del Pilar


B. Graciano Lopez Jaena D. Jose Rizal
Sagot: B- Ang akdang “Fray Botod” ay isang akdang tumutuligsa sa kamangmangan at
pagmamalabis ng mga prayle. Ito ay sinulat ni Graciano Lopez Jaena.

90. Isang awiting bayan na tungkol sa paglilibing.

A. umbay C. sambotani
B. kundiman D. soliranin
Sagot: A-Ang kundiman ay tungkol sa pag-ibig, sambotani sa tagumpay at soliranin sa
paggaod ng Bangka.

91. Alin sa mga sumusunod ay HINDI tulang pasalaysay?

A. Moro-moro C. Awit
B. Epiko D. Korido
Sagot: A-Ang moro-moro ay isang tulang padula na nagpapakita ng hidwaan ng mga
Kristyano at ng mga Di-Kristyano
92. Alin sa mga tula sa ibaba ang isang tulang liriko?

A. Panunuluyan C. Pastoral
B. Duplo D. Balagtasan
Sagot: C-Ang pastoral ay isang tulang liriko na naglalayong ilarawan o ipahayag ang tunay
na buhay sa kabundukan.

93. Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga
tauhan at hango sa tunay na buhay.

A. oda C. soneto
B. awit D. elehiya
Sagot: B-Ang oda, soneto at elehiya ay hindi tulang maromansa. Ang mga ito ay mga tulang
liriko.
94. Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Bisaya?

A. Lagda             C. Bidasari
B. Maragtas D. Hinilawod
Sagot: C-Ang Bidasari ay epiko ng mga Muslim.

     95. Ang tinaguriang pinakasikat na epiko ng mga Ilokano.

A. Ibalon at Aslon C. Hinilawod


B. Bantugan             D. Biag ni Lam-ang
Sagot: D-Ang Biag ni Lam-ang ay isang tanyag na epiko ng mga Ilokano bago pa man
dumating ang mga Kastila subalit nasulat lamang ito noong dakong dantaong labimpito. Ito
ay akda ni Pedro Bukaneg.

96. Isang epiko na tungkol sa mga bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan.


Tinutukoy rito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan.

A. Haraya               C. Hari sa Bukid


B. Alim                     D. Lagda
Sagot: B-Ang Haraya, Hari sa Bukid at Lagda ay mga epiko ng mga Bisaya.

97. Alin sa mga sumusunod ay isang epiko ng mga Ifugao?

A. Ibalon at Aslon             C. Biag ni Lam-ang


B. Hudhud                           D. Haraya
Sagot: B-Ang Hudhud ay isang epiko ng mga Ifugao na tungkol sa mga buhay at
pakikipagsapalaran ng mga dakilang bayani ng Ifugao na ang tanging bida ay si Aliguyan.

98. Isang manunulat sa wikang Kastila na may sagisag panulat na Batikuling at nahirang na
Makatang Laureado.

A. Jesus Balmori C. Alejandro Abadilla


B. N.V.M. Gonzalez D. Zulueta de Costa
Sagot: A-Si Jesus Balmori ay nahirang na Makatang Laureado dahil tinalo niya si Manuel
Bernabe sa balagtasan ng wikang Kastila.

99. Ang kauna-unahang nobelang sinulat ng isang Pilipino gamit ang wikang Ingles.
A. The Wound and Stars C. Like the Molave
B. A Child of Sorrow                         D. A Vision of Beauty
Sagot: B-Ang “A Child Of Sorrow” ay isang akda ni Zoilo Galang.

100. Isang Cebuana na ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles


bago makadigma.

A. Estrella Alfon C. Dolores Manapat


B. N.V.M. Gonzalez      D. Jomapa
Sagot: A-Si Estrella Alfon ay ipinanganak sa San Nicolas, Cebu at nagwagi ng mga
karangalan mula sa maikling kwento at dula sa Free Press, Carlos Palanca Award at iba pa.
101. Sino ang may-akda ng maikling kwento na “Kwento ni Mabuti”?

A. Estrella Alfon C. Genoveva Matute


B. Deogracias Rosario D. Lualhati Bautista
Sagot: C-Si Genoveva Matute ay ang may-akda ng “Kwento ni Mabuti”. Ito ay tungkol sa
buhay ng isang karaniwang guro na may suliranin sa buhay ngunit ito ay hindi naging
sagabal sa kanyang tapat na paglilingkod.

102. Aling salita ang may klaster?

A. bulsa C. trabaho
B. bistado D. kahoy
Sagot: C-Upang magkaroon ng klaster ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod ang
dalawa o higit pa na katinig, kung hindi, dapat din na nasa iisang pantig ang nasabing
magkasunod na katinig.

103. “Ikaw ay may pusong bato”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.

A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: D-Di-karaniwan ang ayos ng isang pangungusap kung nauna ang simuno kaysa sa
panaguri.

104. Aling salita ang may diptonggo?


A. buwal C. patay
B. bayan D. iwas
Sagot: C-Upang magkaroon ng diptonggo ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod
ang isang patinig at ang malapatinig na w o y, kung hindi, dapat din na ang dalawa ay nasa
iisang pantig.

105. Siya ang may-akda ng maikling kwento na “Uhaw ang Tigang na Lupa”.

A. Liwayway Arceo C. Genoveva Matute


B. Lualhati Bautista D. Estrella Alfon
Sagot: A- Si Liwayway Arceo ang may-akda ng kwentong “Uhaw ang Tigang na Lupa”. Ito
ay tungkol sa kwento ng mga taong uhaw sa pag-ibig at silang lahat ay maihahambing sa
tigang na lupa na nauuhaw sa patak ng ulan.

106. “Hindi ko kaya ang mabuhay sa mundo kung mawawala ka sa piling ko.”

    Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?

A. Pagtutulad C. Pagwawangis
B. Pagmamalabis D. Pagsasatao
Sagot: B-Ang pagmamalabis o hyperbole ay pageeksaherada o pagmamalabis sa isang
kalagayan at kaya naman ay nagiging hindi kapani-paniwala.

107. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram?


A. g C.q
B. k D. ng
Sagot: C- Ang titik na q ay mula sa Alpabetong Ingles.

108. Ikinalulungkot ko ang mga kalamidad na dumating sa Pilipinas  sa taong ito. Ang
kaganapan ng pandiwang nakasalangguhit  sa pangungusap ay ______.

A. ganapan C. tagaganap
B. sanhi D. tagatanggap
Sagot: B-Ang paksa na “ang mga kalamidad na dumating sa Pilipinas  ”  ay siyang dahilan o
sanhi kung bakit nangyayari ang pandiwa na “ikinalulungkot”.

109. Si Janeth Napolesya ay naglulubid ng buhangin. Ang pariralang “naglulubid ng


buhangin” ay nagsasaad ng anong antas ng wika?

A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. pampanitikan
     
Sagot: D-Ang naglulubid ng buhangin ay isang idyoma na ang ibig sabihin ay
nagsisinungaling. Ang isang idyoma ay nasa antas pampanitikan.

110. Ang Alibata ay hango sa alpabetong Arabo na “alif-ba-ta”. Ito ay may 17 titik: 3 patinig
at 14 na katinig. Ano ang ibang tawag sa alibata?

A. Baybayin                        C. Diona
B. Cuneiform       D. Abecedario

Sagot: A- Ito ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino

111. Sino si Herninia dela Riva sa tunay na buhay?

A. Ildefonso Santos C. Alejandro Abadilla


B. Amado Hernandez D. Teodor Gener
Sagot: B- Ang mga sagisag panulat ni Amado Hernandez ay ang mga sumusunod:  Amante
Ernani, Julio Abril at Herninia dela Riva.

112. Alin sa mga sumusunod na akda ni Aurelio Tolentino ang siyang naging sanhi ng
kanyang pagkakakulong?

A. Luhang Tagalog C. Bagong Kristo


B. Kahapon, Ngayon at Bukas D. Manood Kayo
Sagot: B-Ang  “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay isang protesta sa pamamalakad ng mga
Amerikano, isang pagbabanta at paghamon ng paglalaban.

113. Siya ang may-akda ng “Ninay”.

A. Pedro Paterno C. Jomapa


B. Emilio Jacinto D. Isabelo delos Reyes
Sagot: A- Si Pedro Paterno ay ang may-akda ng Ninay . Ang Ninay ay ang kauna-unahang
nobelang Panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino.

114. Alin sa mga sumusunod ay HINDI uri ng pangungusap ayon sa gamit?

A. padamdam C. pautos
B. langkapan           D. patanong
Sagot: B-Ang langkapan ay uri ng pangungusap ayon sa kayarian.

115. Sino ang may-akda ng nobelang Banaag at Sikat?

A. Jose dela Cruz C. Jose Corazon de Jesus


B. Lope K. Santos D. Emilio Jacinto
Sagot: B-Si Lope K. Santos ay isang tanyag na Pilipinong manunulat at tinaguriang “Ama ng
Balarilang Tagalog”.

116. Isang Pilipinong manunulat na may sagisag panulat na Dimas-ilaw.

A. Jose dela Cruz C. Jose Corazon de Jesus


B. Anotonio Luna D. Emilio Jacinto
Sagot: D-Si Jose dela Cruz ay Huseng Sisiw, Antonio Luna ay Taga-ilog at Jose Corazon de
Jesus ay Huseng Batute.

.
117. May sagisag panulat na Paralitiko at ang tinaguriang “Utak ng Himagsikan”.

A. Emilio Jacinto C. Jose Corazon de Jesus


B. Anotonio Luna D. Apolinario Mabini
Sagot: D-Si Apolinario Mabini ay tinaguriang “Utak ng Himagsikan” . Siya ang kanang kamay
ni Emilio Aguinaldo.

118. Isang satirikong bersyon ni Del Pilar sa akdang sinulat ni Padre Jose Rodriguez na may
ganito ring pamagat.

A. Caiingat Cayo                         C. Fray Botod


B. Dasalan at Tocsohan             D. Sagot ng Espanya sa Hibik ng
Pilipinas
Sagot: A-Ang Caiingat Cayo ay isang akdang isinulat ni Del Pilar na nagtatanggol sa Noli Me
Tangere ni Rizal. Ito ay sagot sa Caiingat Cayo ni Padre Jose Rodriguez.

119. “Meron akong nalalaman. ‘Di ko sasabihin sa iyo.” Nasa anong antas ng wika ang mga
salitang nakasalangguhit?

A. kolokyal C. pampanitikan
B. balbal D. lalawiganin
Sagot: A- Ang kolokyal ay isang halimbawa ng impormal na antas ng wika na kung saan
pinapaikli ang isang salita mula sa orihinal na salita.

120. Ito ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino.


A. Alibata                          C. Diona
B. Cuneiform       D. Abecedario

Sagot: A- Ang Alibata ay hango sa alpabetong Arabo na “alif-ba-ta”. Ito ay may 17 titik: 3
patinig at 14 na katinig.

121. Ano ang tamang salin sa idyomang “You are the apple of my eye”?
A. masayahin ka pala C. katuwa-tuwa ka
B.ikaw ay mahalaga sa akin D. mansanas ang paborito ko
g Sagot: B-Ang idyomang “you are the apple of my eye” ay nangangahulugang ikaw ay
mahalaga sa akin.

122. Sa ponemang segmental, ano ang tinataglay ng mga salitang sabaw, giliw, damay,
reyna?
        A. ponema C. diptonggo
        B. klaster D. pares minimal
Sagot: C-Upang magkaroon ng diptonggo ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod
ang isang patinig at ang malapatinig na w o y, kung hindi, dapat din na ang dalawa ay
magkasama sa iisang pantig (halimbawa: ga-law, ba-liw, la-may, ka-hoy).

123. Ano ang tawag sa uri ng wika na nailikha sa pamamagitan ng pagpapaikli o


pagsasama-sama ng mga salitang impormal at binigyan ng buong kahulugan?
      A. kolokyal C. panlalawigan
      B. lokal D. pampanitikan
Sagot: A-Ang kolokyal ay binubuo ng mga salitang impormal na pinaikli (halimbawa: tatay-
tay, mayroon-meron, saan-san) o pagsasama-sama ng mga salitang impormal at binigyan
ng buong kahulugan (halimbawa: tapa+sinangag+itlog=itlog, maghintay+ka=teka).  

124. Ano ang tawag sa bantas na sinisimbolo ng sunod-sunod na tatlong tuldok para ipakita
na may mga bahaging hindi na sinipi sa isang talata?
A. synopsis C. sintesis
      B. Ellipsis D. abstrak
Sagot: B-Ang ellipsis ay isang bantas na binubuo ng sunod-sunod na tatlong tuldok para
ipakita na may mga bahaging hindi na sinipi sa isang talata.   

125. “May pag-asa.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa?
A. Temporal C. Penomenal
B. Eksistensyal D. Modal

 Sagot: B-Ang eksistensyal na pangungusap ay nagpapakita ng pagka-mayroon o


pagkawala.

126. Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang presentasyon at interpretasyon ng


mga datos?
A. Kabanata V C. Kabanata III
B. Kabanata IV D. Kabanata II

Sagot: B-May limang kabanata ang isang pananaliksik. Ito ay ang mga sumusunod:
Kabanata I (Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito), Kabanata II (Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura), Kabanata III (Disenyo at Paraan ng Pananaliksik), Kabanata IV (Presentasyon at
Interpretasyon ng mg Datos) at Kabanata V (Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon).
127. Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang salik sa pagtatalumpati MALIBAN sa
____.
A. okasyon C. tagapakinig
B. pagyayabang D. paksa

Sagot: B-Ang pagyayabang ay hindi isa sa mahalagang salik sa pagtatalumpati. Ito ay isang
maling ugali na dapat iwasan ng isang mahusay na mananalumpati.

128. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng kaisipan, opinyon o salaysay


gamit ang mga
simbolo o sagisag.
     A. pakikinig C. talastasan
     B. pagtuklas D. paglalahad

Sagot: C-Ang “talastasan” o kilala rin sa tawag na “komunikasyon” ay isang proseso ng


pagpapalitan ng kasisipan gamit ang mga simbolong pangwika at may hangaring
makapagbigay ng matagumpay na pakikipag-ugnayan at pagkakaintindihan.

129. Anong bahagi ng pahayagan ang nagpapakita ng opinyon ng buong pahayagan hinggil
sa isang napapanahong balita? 
A. editoryal C. pahayag ng tagapayo
B. kolum                                                            D. abstrak

Sagot: A-Ang editoryal ay kilala rin sa tawag na pangulong tudling. Ito ang bahagi ng
pahayagan na nagpapakita ng opinyon ng buong pahayagan hinggil sa isang napapanahong
balita. Samantala, ang kolum naman ay ang bahagi ng pahayagan na nagpapakita ng
opinyon ng isang manunulat o kolumnista hinggil sa isang isyu o balita.

130. Isang Pilipinong manunulat na tinaguriang “Utak ng Katipunan”.

A. Jose dela Cruz C. Jose Corazon de Jesus


B. Anotonio Luna D. Emilio Jacinto
Sagot: D-Si Emilio Jacinto ang “Utak ng Katipunan” at siya ang kanang kamay ni Andres
Bonifacio. Siya rin ang gumawa ng Kartilya ng Katipunan. 

.
131. Anong bantas ang siyang ginagamit sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at
lipon ng mga salitang magkaka-uri?
       A. kuwit C. gitling
            B. tuldok-kuwit D. tutuldok

Sagot: A-Ang kuwit ang siyang tamang bantas na gagamitin paghihiwalay ng magkakasunod
na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri. Ginagamit din ang kuwit sa pagsusulat ng
petsa at address.

132. Ano ang wastong pagpapakahulugan sa idyomang “My bank account is in the red”?
     A. nakapa-ipon C. nanakawan nang pera
           B. malapit nang maubos D. bale-wala
Sagot: B. Ang idyomang “My bank account is in the red” ay nangangahulugan na malapit ng
maubos ang pera.

133. Sa panitikan, ano ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng isang
tula? 
A. sukat C. talinghaga
            B. saknong D. tugma

Sagot: A-Sukat. Ang saknong ay tumutukoy sa bawat grupo ng mga taludtod sa isang tula.
Ang talinghaga naman ay ang malalim na pagpapakahulugan at pag-uunawa sa mensahe
ng tula. At ang tugma ay ang pagkakapareho ng tunog sa huling pantig sa bawat huling
salita ng isang tula. 

134. Ito ay tumutukoy sa instrumento ng komunikasyon na siyang ginagamit sa


pakikipagtalastasan, ugnayan at pagpapalitan ng kaisipan.
A. tunog C. bokabolaryo
B. wika D. sining
Sagot: B-Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo at nakabatay sa isang kultura. Ito ang instrument ng
komunikasyon.

135. Isang barayti ng wika na tumutukoy sa wikang nalilikha batay sa dimensyong


heograpiko. 
A. Etnolek C. Sosyolek
B. Ekolek D. Dayalekto
Sagot: D- Ang dayalekto o lalawiganin ay ang wikang ginagamit sa isang partikular na
rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ito ay nalilikha batay sa dimensyong
heograpiko. Halimbawa ng mga dayalekto ay Hiligaynon (sa Iloilo), Sinugbuanong Binisaya
(sa Cebu), Waray (sa Samar).

136. Sa komunikasyon na pasulat, alin sa mga sumusunod ang nararapat na isaalang-


alang? 
A. Lakas ng boses C. Maliksing mga mata
B. Maayos na pagpapalugit D. Pagkibit ng balikat
Sagot: B- Ang maayos na pagpapalugit o proper margin ay mahalagang salik sa
komunikasyon na pasulat.

. 137.Ano ang tamang pagpapakahulugan sa idyomang “The present problem is only a storm in a
teacup”?
A. bale-wala            C. may galit                                                        
B. buong puso           D. matagumpay
g ot: A-Ang idyomang “The present problem is only a storm in a teacup” ay nangangahulugan na
kasalukuyang problema ay hindi naman talaga tunay na problema o bale-wala.

138. Anong sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng wastong baybay ng mga


salita?
       A. Ortograpiya C. Semantika
       B. Morpolohiya                             D. Sintaks

Sagot: A- Ortograpiya. Ang morpolohiya ay nag-aaral sa istruktura ng salita. Ang


semantika ay nag-aaral naman sa kahulugan ng salita samantala ang sintaks ay
nakapokus sa pag-aaral tungkol sa wastong pag-uugnay at pagsasaayos ng mga salita
para makabuo ng isang pangungusap.

139. Anong pagbabagong morpoponemiko ang ginamit sa mga sumusunod na salita:


NIYAKAP, NILIGAW, NILIPAD?
A. Reduksyon C. Pagpapalit
B. Metatesis D. Asimilasyon

Sagot: B-Ang metatesis ang pagpapalitan ng posisyon ng mga ponema o tunog sa isang
salitang nilalapia.  Halimbawa: in+yaya=niyaya (ang unlaping in ay naging ni).

140. Isa sa pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles at kilala sa kanyang sagisag


panulat na “Doveglion”.

A. Jose Garcia Villa C. Alejandro Abadilla


B. N.V.M. Gonzalez D. Zulueta de Costa
Sagot: A-Si Jose Garcia Villa ay kilala sa paggamit ng mga matatalim na mga salita. Ang
kanyang sagisag panulat na “Doveglion” ay mula sa mga salitang dove, eagle at lion.

141. Ibigay ang pagbabagong morpoponemiko ang nangyari sa mga sumusunod na salita:
TAKPAN, DALHAN, BUKSAN.

A. Pagkakaltas C. Pagpapalit
B. Metatesis D. Asimilasyon

Sagot: A-Ang pagkakaltas ng ponema ay nangyayari kung ang huling ponemang patinig ng
salitang-ugat ay nawawala kapag nilalagyan ng hulapi. Halimbawa: takip-takpan (nawala
ang “i”), dala-dalhan (nawala ang “a”), bukas-buksan (nawala ang “a”).

142.  Ano ang panlapi na ginamit sa mga sumusunod na salita: PINAGSUMIKAPAN,


SANSINUKUBAN?
A. hulapi C. kabilaan
B. tambalan D. laguhan

Sagot: D-Laguhan ang tawag sa isang panlapi na binubuo ng tatlong panlapi na kinakabit sa
isang salitang-ugat. Ito ay may unlapi, gitlapi at hulapi. Halimbawa: pinagsumikapan,
sansinukuban.

143. Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI kabilang sa pangkat?

A. klaster C. diptonggo
B. diin D. pares minimal

Sagot: B.-Ang “diin” ay isang ponemang suprasegmental. Samantala, ang klaster, diptonggo
at pares minimal ay mga ponemang segmental.
144. Ibigay ang uri ng tayutay ang pinapakita sa pahayag na: “Pag-ibig, huwag mo akong
talikuran”.
A. Pagmamalabis C. Palit-tawag
B. Pagtawag D. Palit-saklaw
Sagot: B-Ang pagtawag o apostrophe ay ang pakikipag-usap sa isang bagay na wala
namang kakayahang magbigay ng sagot.

145. Ang tono, diin at antala ay mga halimbawa ng ______.

A. ponemang segmental C. ponemang suprasegmental


B. morpemang segmental D. morpemang suprasegmental

Sagot: C-Ang mga ponemang suprasegmental ay ang mga ponemang hindi makikita sa
alpabeto dahil hindi sila sinisimboluhan ng mga titik. Halimbawa ng ponemang
suprasegmental ay ang tono, diin, antala at haba.

146. TILA imposible na magkatotoo ang iyong mga pangarap. Nasa anong uri ng pang-abay
ang bahaging may malalaking titik?
A. Pang-abay na Pamaraan C. Pang-abay na Pang-agam
B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Kondisyunal

Sagot: C-Ang pang-abay na pang-agam ay nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa


kilos ng pandowa. Halimbawa sa mga ito ay ang mga salitang marahil, parang, tila, siguro,
baka.

147. Ano ang uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na nasa ibaba?
“Kapalaran, kumampi ka naman sa akin!”
A. Pagmamalabis C. Palit-tawag
B. Pagtawag D. Palit-saklaw
Sagot: B-Ang pagtawag o apostrophe ay ang pakikipag-usap sa isang bagay na wala
namang kakayahang magbigay ng sagot.
 
             148. KUNG matapos mo ito nang maaga, may premyo ka mula sa akin. Nasa anong
uri ng pang-abay ang bahaging may malalaking titik?
A. Pang-abay na Pamaraan C. Pang-abay na Pang-agam
B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Kondisyunal
Sagot: D-Ang pang-abay na kondisyunal ay ginagamit sa pagsasaad ng kundisyon para
maganap ang kilos. Halimbawa sa mga ito ay ang mga salitang kung, kapag, pag, pagka. 

149. Ang mga salitang “dukha, daga, pasa” ay mga halimbawa ng mga salitang binibigkas
ng _____.
A. Malumi C. Malumanay
B. Maragsa D. Mabilis
Sagot: B- Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang
binibigkas nang mabilis subalit ito ay may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng
malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na
pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

150. Anim na malalaking mangga ang ibinigay niya sa akin. Anong uri ng pang-uring
pamilang ang sinalangguhitang salita?
A. Patakaran C. Pamahagi
B. Panunuran D. Pamatlig

        Sagot: D. Ang patakaran ay ang karaniwang paraan ng pagbilang (halimbawa: isa, dalawa, tatlo).
Ang panunuran naman ay nagsasaad ng ayos  o pagkakasunud-sunod ng mga tao o bagay
(halimbawa: una, ikalawa, ikatlo). Ang pamahagi ay nagsasaad ng pagbabahagi ng isang kabuuan
(halimbawa: kalahatian, sangkapatan). Samantala, ang pamatlig ay tumutukoy sa panghalip na
ginagamit sa pagturo o pagtukoy sa isang bagay (halimbawa: iyan, iyon, dito).

FILIPINO MARIANO PONCE – Tikbalang,


JULIAN FELIPE- Composer of the Naning, (Satanas), Kalipulako
Philippine National Hymn. MGA URI NG PANGUNGUSAP:
MANUEL GUERRERO- Filipino 1. EKSISTENSYAL – mayroong isa o
doctor who discovered Tiki-Tiki. higit pang tao
PEDRO BUCANEG- The earliest Halimbawa: Mayroon daw puno sa
Ilocano poet on record. bakuran.
DEL SUPERIOR GOBIERNO- First 2. MODAL – nais/pwede/maari (Gusto ko
Newspaper in the Philippines. matulog.)
ANAHAW- The National Leaf of the 3. PANLIPUNAN – pagbati, pagbigay
Philippines. galang atbp.
4. SAGOT LAMANG – “Talaga?”, “Oo”
JOSE PALMA- Filipino poet who set
5. SAMBITLA – masidhing damdamin
words to the National Hymn.
(Aray!)
APARTHEID- complete segregation of 6. TEMPORAL – panandaliang kalagayan
white from black.
o panahon
AGUSTINIAN CHURCH- First church KAYARIAN:
in the Philippines. 1. PAYAK – iisang kaisipan
TAGAILOG- Pen name of Antonio 2. TAMBALAN – dalawang sugnay na ‘di
Luna. makapag-iisa
PINEAPPLE- The newest source of 3. HUGNAYAN – madalas nagsisimula sa
alcohol in the Philippines. kung, dahil sa
KOHAUTEK- comet of the century 4. LANGKAPAN – mahabang
SINTAKS/SINTAKSIS/PALAUGNAY pangungusap
AN - sangay ng barirala na tumatalakay sa Quijano de manila- pen name of Nick
masistemang pagkaka-ayus-ayos ng mga Joaquin
salita sa pagbuo ng mga parirala at Mark twain- pen name of samuel
pangungusap clemens
PEN NAMES OF FILIPINO Pedro Bukaneg- father of ilokano
PROTAGONISTS literature
ANDRES BONIFACIO – May Pag-asa, Lola basyang- pen name of severino
Agapito, Bagumbayan reyes
ANTONIO LUNA – Taga-Ilog Manila bulletin- oldest existing
EMILIO AGUINALDO - Magdalo newspaper in the country.
EMILIO JACINTO – Di Masilaw, Jose corazon de jesus- father of tagalog
Tingkian poetry
GRACIANO LOPEz JAENA – Diego, Alejandro Abadilla- father of modern
Laura tagalog poetry
JOSEMA. PANGANIBAN ¬– JoMaPa Noli me tangere- rizals literary
JOSE RIZAL – Dimas alang, Laon laan crowning achievement
JUAN LUNA – Buan Mahabharata- longest epic in the world
MARCELO DEL PILAR – Plaridel, Alibata- first filipino alphabet
Dolores Manapat, Piping Dilat Kundiman- song about love
Ambition- cause of Macbeth's tragic SOME TYPES OF GOVERNMENTS
end 1. COMMUNIST – classless society -
Steven javellana- author " Without State plans and controls economy
seeing the dawn 2. PARLIAMENTARY – majority of
Paz m. Benitez- author " dead stars people voted
Ares- god of war 3. REPUBLICAN – power comes from
people
Stratosphere- layer of the ozone
PHILIPPINE PRESIDENTS
Food web- system of food chain
(AgQueLaOsRoQuiMagGarMaMarAquiR
Sahara desert- largest ecosystem aEsArAquiDut)
Skin- largest organ ACTS
Dinoflagellates- cause red tide 1. ASSOCIATION OF SE ASIAN
Philippines- ring of fire NATIONS (ASEAN)
Type O- universal donor - Myanmar, Cambodia, Laos, Brunei,
Teoryang pooh- pooh- tunog mula sa Philippines, Singapore, Thailand,
silakbo ng damdamin Indonesia, Vietnam, Malaysia
Teoryang bow wow- tunog mula sa 2. BELL TRADE (PHILIPPINE TRADE
likha ng kalikasan ACT) – bet. Phil. & U.S.
Scanning- pahapyaw na pagbas 3. KYOTO PROTOCOL (UNNCC) - fight
Skimming- pinakamabilis na pagbasa global warming decreasing greenhouse
gases
Francisco lopez- sumulat ng unang
4. RIO DE JANEIRO CONVENTION -
balarilang ilokano
environment and sustainable development
Mariano perfecto- ama ng panitikang 5. TEJEROS CONVENTION – election -
bisaya Bonifacio elected as Director Imperator
Santiago magean- ama ng moro-moro 6. TREATY ON GENERAL
sa pangasinan RELATIONS - recognition of U.S. to
Jorge fajardo- ama ng panitikang Philippine freedom
pampango 7. UNDERWORLD-SIMMONS ACT –
Eriberto gumban- ama ng panitikang full free foreign trade
bisaya 8. PAYNE ALDRICH ACT – partial free
Pascual poblete- ama ng pahayagan, foreign trade
unang nagsalin ng noli sa tagalog MISSIONARIES AND EXPEDITIONS
Amado hernandez- makata ng mga 1. AUGUSTINIANS – most intelligent
manggagawa 2. FRANCISCANIANS – sends medical
Graciano lopez jaena- fray botod aids
Liwayway arceo- uhaw ang tigang na 3. DOMINICANS – richest
lupa 4. JESUITS
Narciso reyes- lupang tinubuan 5. RECOLETOS – most killed schools
MARTYR PRIESTS
Severino reyes- walang sugat
1. BURGOS – youngest, mastermind of
Lope k. Santos- banaag at sikat
secularization
Zoilo galang- a child of sorrow 2. GOMEZ – Oldest, likes “sabong” and
Aurelio tolentino- kahapon, ngaun at hid there.
bukas
UST- pinakamatandang university
Monalisa- most famous work of art of
leonardo da vinci

You might also like