Fil6 ST4 Q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 6

th
4 SUMMATIVE TEST
2ND QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Kopyahin ang mga pangungusap sa sagutang at isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay
ginamit bilang pang-uri o pang-abay.

1. ________________ Ang tumatakbong kabayong itim ay matulin.


________________ Matulin tumakbo ang kabayong itim.

2. ________________ Masigla ang mga tao tuwing piyesta.


________________ Masiglang sumasayaw ang mga tao sa piyesta.

3. ________________ Ang guro namin ay mahusay magpaliwanag ng mga kababalaghan.


________________ Mahusay ang paliwanag ng aming guro tungkol sa mga kababalaghan.

4. ________________ Magaling magsulat ng mga kuwentong pambata si Flor.


________________ Si Flor ay isang magaling na manunulat ng mga kuwentong pambata.

5. ________________ Ang tatay ni Doris ay isang matiyagang manggagawa sa Saudi Arabia.


________________ Matiyagang naghahanapbuhay ang tatay ni Doris sa Saudi Arabia.

6. ________________ Maayos ang pila ng mga deboto sa prusisyon.


________________ Idinaos nang maayos ang prusisyon ng mga deboto.

7. ________________ Madaling nakumpuni ng magkapatid ang sirang bubong.


________________ Ang pagkumpuni ng sirang bubong ay madali para sa magkapatid.

8. ________________ Ang buhay ng mag-anak na Santos sa probinsiya ay maginhawa.


________________ Ang mag-anak na Santos ay maginhawang namumuhay sa probinsiya.

9. ________________ Magalang ang bata sa kanyang guro.


________________ Magalang niyang binati ang kanyang guro.

10. _______________ Mahusay bumigkas ng tula si Roy.


_______________ Si Roy ay mahusay sa pagbigkas ng tula.

II. Gamit ang iyong sagutang papel. Isulat nang maayos ang sumusunod na bahagi ng isang liham-pangalakal.
Pagsunod-sunurin ang mga ito. Gumamit ng tamang pormat at wastong bantas.

1. 366 Daang Rizal


Marikina, Metro Manila
Ika-28 ng Marso, 2020

2. Lubos na gumagalang
Maria Mercy Reyes

3. G. Lino S. Gomez
DANE Publishing, House, Inc.
206 Mindanao Avenue
Project 7, Quezon City
4. Ginoong Gomez

5. Nabasa ko po sa pahayagan na nangangailangan kayo ng isang ilustrador ng


magasin sa inyong tanggapan. Nais ko pong mag-aplay sa posisyong ito.
Mahilig po ako sa pagguhit. Marami na po akong mga iginuhit na nanalo sa
mga paligsahan sa aming paaralan. Kung inyong mamarapatin, nais ko pong
makipagkita sa inyo para sa interbyu at upang ipakita ang mga ginawa ko.
Sana po ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataong makapagtrabaho ngayong
bakasyon upang makatulong naman po ako sa aking mga magulang.
Lubos po akong umaasa sa inyong pagsagot.

File created by DepClick.

KEY:

1. pang-abay, pang-uri
2. pang-uri pang-abay
3. pang-uri pang-abay
4. pang-abay pang-uri
5. pang-abay pang-uri
6. pang-uri pang-abay
7. pang-abay pang-uri
8. pang-uri pang-abay
9. pang-abay pang-uri
10. pang-uri pang-abay

11-20.
Depende sa tugon o sagot ng mga bata kung paano naisulat ang sulatin o liham

You might also like