Fil. 10 Q4 WEEK 2 Edited

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Division Quality assured Self-Instructional Packets (SIPacks)

SA Filipino 10

KWARTER: IKAAPAT IKALAWANG LINGGO

I. LAYUNIN:
Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang
pinagkukunang sanggunian F10WG-Iva-b-78
Nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon sa pananaliksik
F10EP-IIf-33
Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:
F10PB-IVb-c-87
- pagtunton sa mga pangyayari
- pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- pagtiyak sa tagpuan
- pagtukoy sa wakas
Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang
kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa F10PT-IVb-c-83

II. PAKSA:
Panitikan: Obra Maestra El Filibuterismo
Sanggunian: Gabay sa Pag-aaral sa El Filibusterismo ni Tomas C. Ongcoco
Pinagyamang Pluma
El Filibusterismo ni Dr. Rizal ni Arturo Sebastian Cabuhat
III. PAMAMARAAN:
UNANG ARAW
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Sa unang Linggo ng aralin ating natalakay ang kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo.
1. Magtala ka ng mga mahahalagang impormasyon na iyong natutuhan sa Kaligirang
pangkasaysayan ng nobela.
2. Sino-sino ang mahahalagang tauhan ng El Filibusterismo? Magbigay ng lima.
3. Ano ang papel na ginampanan nila sa nobela?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Alam mo ba?
Ano nga ba ang kahalagahan ng mga sanggunian? Anoman ang natitira mula sa
nakaraan, katulad ng sulat o larawan, ay itinuturing na sanggunian, maging sa personal
na buhay o sa buhay ng bansa. Bilang bakas ng nakaraan, ang sanggunian ay
katibayan na may nangyari. Kung wala ang sangguniang ito, hindi natin matitiyak na
may naganap, saan at kailan ito naganap, kung ano ang nangyari at kung sino ang
naroroon.

Ang isang talaan ng mga sanggunian ay tinatawag na talasanggunian.


Kabilang sa mga uri ng sanggunian ang primaryang sanggunian at ang
sekundaryang sanggunian. Ang primaryang sanggunian ay ang impormasyong
galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari. Halimbawa na si Chavit Singson na
saksi sa labanang Pacquiao vs. Bradley. Ang sekundaryang sanggunian ay ang tawag
sa impormasyong galing sa iba, na nalaman lang natin dahil sa taong nakasaksi sa
pangyayari. Halimbawa na ang mula sa aklat o diyaryo.

Sa iyong nabasang buod ng nobela magbigay ka ng 3 mahahalagang pangyayari.


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Sagutin ang mga tanong
1. Paano mo nalaman ang tungkol sa kasaysayan ng pagkakasulat ni Rizal sa kanyang
mga nobela?
2. Saan mo nalaman ang mga pangyayari tungkol sa kung paano siya namatay?

Ang tawag sa mga pinagkunan mo ng impormasyon tungkol sa mga tanong na


iyan ay mga sanggunian.

3. Gaano kahalaga sa isang nobela gaya ng El Filibusterismo na matukoy ang papel na


ginampanan ng mahalagang tauhan?

IKALAWANG ARAW

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1


Magtala ng mga impormasyon tungkol sa pagkakasulat ng El Filibusterismo partikular
kung paano at saan niya sinimulang sulatin ito at kung saan niya pinalimbag .Itala ang
mga ginamit na sanggunian. Gamitin ang tsart sa ibaba

Mga Impormasyon tungkol sa


Pagkakasulat ng El Filibusterismo Mga Sangguniang ginamit

Mauunawaan mo sa kabanatang ito na kapag nagsumikap at nagtiyaga ang isang tulad


mo kahit walang makakapitang pamilya at ibang kamag-anak.Ngayon
basahin mo ang buod ng Kabanata 6 na pinamagatang Si Basilio

SI BASILIO
Kabanata VI
Ulila at namimighati walang kapatid,at takot sa may kapangyarihan, si Basilio ay
lumuwas ng Maynila nang siya ay makatanggap ng salapi sa taong hindi niya kilala
pagkatapos siyang matulungan nitong mailibing ang inang si Sisa sa lupang hindi niya
alam kung sino ang may-ari. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan. Kinaawaan siya
dahil sa kanyang kahabag-habag na anyo. Nakaisip magpatiwalakal upang matapos
na ang paghihirap subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakakita ng
masasandigan. Nabuhayan siya ng loob. Ginawang alilang-kanin si Basilio kapalit
ng pagpapaaral sa kanya ng nangungulila sa anak na kanyang mayamang kababayan
si Kapitan Tiyago. Nakaranas siya ng panglalait sa mga kaklase at ilang propesor
dahil sa kanyang anyo at kilos na kakaiba sa mga mag-aaral sa lungsod.Dumaan siya
sa matinding paghihirap at pangungutya subalit pilit niyang pinaghusayan ang
pagsusunod ng kilay. Naiangat niya ang sarili sa pag-aaral at siya ay natanggap ng
mga kamag-aral. Hindi siya nabigo dahil magtatapos siyang may pinakamataas na
karangalan sa medisina.
Mula sa
Pinagyamang Pluma
MANALIKSIK

Pagyamanin pa ang karanasan sa paksa. Magsaliksik ng isang kaugnay na


balita/,kuwento mula sa iba’t ibang saggunian tungkol sa isang kabataang nagsumikap upang
mabago ang kanyang kapalaran gaya ni Basilio.Gamitin ang kolum sa ibaba.

Balita/Kuwento Hinango sa mga saggunian PAG-UUGNAY SA TEKSTO/AKDA

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


I. Magtala ng mga iba’t ibang sanggunian tungkol sa Kaligirang pangkasaysay ng El
Filibusterismo. Gamitin ang Chart

Mga Impormasyon sa Kaligirang Mga ginamit na Sanggunian


Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

II. Napakahalaga ng papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda upang maipakita


ang mga pangyayari;matukoy ang tunggalian, makita ang pinangyarihan, at
makapaghinuha ng wakas ayon sa ikinilos nila sa akda. Gamit ang Ladder Organizer
ay ilapat ang mga ito upang mailarawan mo ang buhay ni Basilio at mahulaan mo sa
huli ang mangyayari sa kanyang buhay.(Maaari kang gumamit ng ibang sanggunian)

Wakas Si Basilio sa Ateneo noong siya ay nag-aaral __________________

_____________________________________________________.

___________________________________________________________
_______________________________________________________
Gitna
Si Basilio sa Maynila, gutom, nanlilimahid,kalaban
ang________________________________________________________

Si Basilio sa kagubatan,ulila at walang malalapitang kamag-anak.pinaghahanap


ng may kapangyarihan dahil ipinaratangan.
Una
IKATLONG ARAW

F. Paglinang sa kabihasaan
I. Paano naging bahagi ng buhay ni Rizal ang sumusunod na mahalagang tao?.
Magsaliksik gamit ang iba’t ibang represensya/sanggunian (Aklat,goggle at iba pang
mapagkukunan ng impormasyon).Itala ang mga pinagkunan ng mga impormasyon.
1. Gobernandor-Heneral Emilio Terrero
2. Jose Alejandrino
3. Ferdinand Bluementritt
4. Valentine Ventura

II. Sa bawat bilang ay may matatalinhangang pahayag na ginamit sa mga kabanatang


iyong binasa. Ibigay mo ang kahulugan ng mga ito at gamitin sa pangungusap. Isulat
ang kahulugan at pangungusap sa graphic organizer.

Matalinhagang Kahulugan Pangungusap


Pahayag
Namimighati
Nagpalaboy-laboy
kahabag-habag
alilang-kanin
pangungutya

G. .Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


1. Paano magkakatulong sa iyo bilang mag-aaral ang mga natalakay na aralin?
2. Kung ikaw ay isang mag-aaral na may natatago palang talento at galling subalit hindi
mo nailalabas dahil sa iba’t ibang kadahilanan, ano ang gagawin mo upang katulad ni
Basilio ay maipakita mo ito at magtagumpay ka rin.

H. .Paglalahat ng aralin
1. Para sa akin mahalagang matutuhan ang wastong paggamit ng mga iba’t ibang
sanggunian dahil___________________________________________________.
2. Paano makakatulong ang pagtukoy sa mahalagang papel na ginampanan ng mga
tauhan sa isang nobela katulad ng El Filibusterismo?
3. Gaano mo nauunawaan ang kabanata sa tulong mga mga matatalinhagang pahayag?

IKAAPAT NA ARAW
I. Pagtataya ng Aralin
IA..Ngayong natutunan mo ang wastong paggamit ng mga iba’t ibang
reperensya/sanggunian o mga batis ng impormasyon sa pananaliksik. Gamitin mo ang
mga kasanayang ito ngayon sa pananaliksik tungkol sa naging epekto o nagawa ng mga
nobela ni Rizal sa mga Pilipino noong panahon ng himagsikan.
Ilahad sa isang papel ang iyong mga nasaliksik at bigyang-diin ang naging papel
ng mga taong nagising sa diwang makabayan sa pamamagitan ng nobela.
Gamitin ang rubriks para magsilbing gabay sa iyong gagawin.

Puntos Pamantayan
10 Lubhang napakalinaw ng nilalaman dahil kumpleto s basehan at patunay na
nagmula sa pananaliksik.
8 Malinaw ang nilalaman dahil taglay ang mga basehan mula sa pananaliksik
6 Bahagyang malinaw ang nilalaman dahil taglay ang ilang basehang mula sa
pananaliksik
4 Kulang na kulang sa kalinawan ang nilalamang taglay ang ilang basehan
mula sa pananaliksik.
2 Hindi naging malinaw ang nilalaman dahil kulang na kulang ang ginawang
pananaliksik

IB. Si Basilio ay isa sa mga mahahalagang tauhan ng El Filibusterismo. Suriin ang


papel naginampanan sa pamamagitan ng pagtunton sa mga pangyayari at tunggaliang
nangyari sa kaniyang buhay sa isang tiyak na tagpuan sa akda at tukuyin ang maaaring
maging wakas ng mga pangyayaring ito.

Basilio Tiyak na Tagpuan ng Pangyayaring


Tinatalunton
Tauhan

Mahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan:


Sa buhay ng tauhan

Tunggaliang nangyayari sa sa buhay ng tauhan


buhay ng tauhan upang
matunton ang pangyayari

ng pangyayaring tinatalunton
Posibleng Wakas o

IC. Higit na napapaganda ang pahayag kapag ginamitin ng matatalinhagang salita.kaya


tukuyin mo ang kahulugan ng mga nakasalugguhit sa pahayag sa ibaba.Piliin ibaba
at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
a. gulo e. dinaanan
b. tumpok f. agawin,kunin
c. binaybay g. maririnig
d. nadarapa

1. Si Basilio ay maingat na nanaog ng paliko-liko sa mga daang nang matiyak na


walang nakakakita sa kanya ay tinalunton niya ang landas na di-gawing daan ng
mga tao.
2. Tumungo siya sa matandang kagubatan ng mga Ibarra na nabili ni Kapitan Tiyago
nang samsamin at ipagbili ang ari-arian ni Crisostomo Ibarra.
3. Walang mauulinigan si Basilio maliban sa lagitik ng mga sanga ng kahoy na
gumagalaw sa ihip ng hangin.
4. Minsa’y napapabalik si Basilio dahil sa nasasalabid ang paa sa mga siit ng
matitinik o kaya’y natatalisod sa mga ugat ng mga buwal na mga puno .,at wari’y
nananalangin.
5. Tumigil si Basilio sa harap ng bunton ng mga bato, nag-alis ng sombrero

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/o remediation


1. Magsaliksik tungkol sa mahahalagang tauhan ng El Filibusterimo at papel na
ginampanan nila.
2. Basahin ang Kabanata 7 Si Simoun .Taluntunin ang naging buhay niya sa nakaraang
labing tatlong taon.
3. Magtala ng mga matatalinhagang pahayag na ginamit sa kabanata.

You might also like