1 4
1 4
1 4
fatcylicious:
Ang akdang ito ay isang tula na tumutukoy sa isang gansang nasasakal sa pag-ibig. Ito ay maihahalintulad sa
taong uhaw sa pag-ibig at nang makakita ng pagkakataon ay agad sumunggab ngunit huli na ng malaman na ang
pag-ibig pala ay pinagsamang sarap at hirap.
Ang pangunahing punto ng may-akda ay kung tayo ay magmamahal, siguraduhin natin na wala tayong
naaapakan at nasasaktan. May iba kasi na nagpapaka-martyr sa pag-ibig kahit alam niyang mali ito para lang
matugunan ang kanyang mga pangangailangan. May iba naman na sinasakripisyo ang kaligayahan upang
maging maligaya ang isang tao kahit hindi niya gusto ngunit napilitan lang.
Dito sa akdang ito, pinupunto ng may-akda na huwag natin ipilit o isakal ang isang taong ayaw sa iyo. Dahil sa
huli, ikaw pa din ang masasaktan.
Sa tulang ito, maganda ang naging punto ng may-akda. Ito ay tama dahil nangyayari ito sa totoong buhay. Ang
napansin ko lang kakaiba sa tulang ito, bakit naging gansa ang kanyang naging pangunahing tauhan? Marami
naman tayong pedeng i-halimbawa?
Hindi pa man ako nakaranas ng ganitong klaseng pag-ibig, pero nangyari na ito sa iba. Hindi ito biro, dahil
mahirap rin para sa iba na nakaranas nito.
Ang iyong analisis ay maganda pero may gusto lang akong sabihin, ito ay aking opinyon lamang. Sa
pagmamahal hindi pwedeng walang masaktan, dahil pa ikaw ay nagmamahal may masasaktan at masasaktan ka
talaga. Kung ayaw mo mang may masaktan, isusuko mo ba ang pagmamahal na iyang nararamdam? Kung oo
ay hindi ka talaga liligaya. Pagtanggap lang ang kailangan na gawin. Tanggapin na meron kang masasaktan
habang masaya ka o tanggapin na masasaktan ka dahil ayaw mong makasakit ng iba.
Ang "Tinig ng Ligaw na Gansa" ay akdang mula sa Ehipto. Ang gintong aral na mapupulot mula sa akda ay
tungkol sa tunay na pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay handang masaktan para sa minamahal. Handa
itong magbigay hanggat kaya at handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng minamahal. Kung minsan ang
pagmamahal ay nakakasakit din sa ibang tao sapagkat dumarating tayo sa puntong wala na tayong pakialam sa
ibang tao. Lagi na lang na ang ating iniisip ay ang ating sarili at wala ng iba. Nawawalan na tayo ng koneksyon
sa labas ng mundo kung kaya't kahit ang ating pamilya ay napapabayaan na natin.
4.7
- Sya ay sumusunod sa utos ng kanyang mga magulang kahit ito's labag sa kanyang kagustuhan
- Masunurin sa magulang kaya kayang tiisin ang sakit kahit syang hindi na masayya
- Natatakot sa posibleng mangyari kung susuwayin ang utos ng kanyang mga magulang.
Ang pagkaligaw ay ang dulot ng mga maling desisyon. Kagaya ng pag-aasawa na wala pa sa tamang edad.
Maaaring ang nagsasalita sa tula na ito ay mahahambing sa isang tao na nagmahal at nasasaktan. Sya marahil ay
gusto na ng kalayaan upang maging masaya ngunit nag-iisip sa epekto ng magiging desisyon nya, Dahil maging
ang kanyang mga magulang ay di nanaisin na ang kakahantungan nito.