Araling Panlipunan Module 3
Araling Panlipunan Module 3
Araling Panlipunan Module 3
Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kanyang mga mamamayan. Bawat
isa ay may bahaging gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon
sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang
pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng
isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi. Ang paglaya sa
kakapusan ay hindi magiging sapat upang umunlad ang bansa. Kailangan ng sama-samang
pagkilos ng lahat ng mamamayan.
Pagsasanay:
Ikaw ay gagawa ng imbentaryo ng mga paraan na matagumpay na naisagawa ng iyong
pamilya sa pagtugon ng mga suliraning pangkabuhayan na inyong naranasan. Pag-isipan mo ang
mga paraan na naging matagumpay. Punan ang sumusunod na tsart:
Tandaan Mo!
Bawat isa ay bahaging ginagampanan sa pag-unlad ng bansa.
Hindi sapat ang indibidwal na pagkilos upang mapaunlad ang bansa.
Kinakailangan ang pakikilahok sa sama-samang pagtugon sa pambansang suliranin.
Ang mga suliraning pangkabuhayan ay matutugunan sa pamamagitan ng pulitikal,
kultural, sosyal, at pang-ekonomikong paraan.
Panapos na Pagsusulit:
2. Ang inyong kapitbahayan ay magulo, maingay, at maraming tambay. Maghapong nagsusugal ang
mga kababaihan. Sila ay nagbabakasakali na swertihin at mayroon silang maipandagdag sa
gastusin sa bahay. Ang mga kalalakihan naman at mga tambay at nag-iinuman magdamag. Ang
mga bata naman ay pinababayaan sa paglalaro maghapon sa kalsada dahil sa masisikip ang mga
bahay. Ang mga kabataan ay maagang nagsisipag-asawa dahil sa maagang pagbubuntis. Ang mga
ilan na nakatapos ng pag-aaral ay hindi makakuha ng trabaho. Ano ang maaaring magawa upang
mapabuti ang lugar na ito? Magbigay ng limang hakbang na iyong maisasagawa na nagpapakita ng
paglalapat ng mga natutuhan mo sa mga nakaraang aralin.
A. ____________________________________________________
B. ____________________________________________________
C. ____________________________________________________
D. ____________________________________________________
E. ____________________________________________________
Sanggunian:
https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-18-ang-pilipino-sa-pambansang-
kaunlaran?fbclid=IwAR21gPMcBC6xDe_Hb2mnFOEb7Xdwsx6YITwikrJtI15NMDdzNbbRbfJlulo 8:46
8/05/2021