Edukasyon Sa Pagpapakatao: Ikaapat Na Markahan - Modyul 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

(Ikalima- Ika-anim na Linggo)


MODYUL 3: PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

Alamin

Mga layunin:
A. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay (PPMB).
B. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay.
C. Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Subukin
Paunang Pagtataya (Pre-Test)
Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ito sa papel.
1. Alin ang HINDI kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
A. Gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa.
B. Batayan ng tao sa kanyang pagpapasya.
C. Magandang paraan upang higit na makilala ang sarili.
D. Personal na motto na nagsasalaysay ng nais mangyari sa buhay.

2. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.


A. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay
babaguhin o papalitan.
C. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
sitwasyon sa buhay.
D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaaring
magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa.

3. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa


buhay ng kapangyarihan kung:
A. kinikilala niya ang kanyang tungkulin sa kapwa.
B. nakilala ng tao ang kanyang kakayahan at katangian.
C. nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga.
D. nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamiya, trabaho at
komunidad.

1
4. Ito ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya
tungo sa kaganapan.
A. Bokasyon B. Misyon C. Propesyon D.Tamang Direksiyon

5. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.


A. Bokasyon B. Misyon C. Propesyon D.Tamang Direksiyon

6. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?


A. Kapwa, kasintahan at lipunan
B. Kapwa, lipunan at paaralan
C. Sarili, simbahan, at lipunan
D. Sarili, kapwa at lipunan

7. Ang sumusunod ay sariling pagtataya sa paglikha ng Personal na


Misyon sa Buhay MALIBAN sa:
A. Suriin ang iyong ugali at katangian.
B. Tukuyin ang pinapahahalagahan.
C. Tipunin ang mga impormasyon.
D. Sukatin ang mga kakayahan.

8. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na gamitan


mo ito ng SMART. Ano ang kahulugan nito?
A. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
B. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
C. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
D. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound

9. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao?


A. Upang matanaw niya ang hinaharap.
B. Para magkaroon siya ng kasiyahan.
C. Upang magkaroon siya ng gabay.
D. Para hindi siya maligaw.

10. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang
paglilingkod sa Diyos at kapwa. Ano ang maibibigay nito sa oras na
isinasagawa ito?
A. Kaligayahan B. Kaligtasan C. Kapayapaan D. Kabutihan

2
Panimulang Aral
Anong uring kinabukasan ang nais mo? Anuman ang iniisip mong uri
ng buhay sa hinaharap, ito ay hindi mapapasaiyo kung hindi mo ito
paghahandaan. Ang mabuti at matagumpay na kinabukasan ay bunga ng
pagpaplano at pagtatakda ng mga tiyak na gawain na makatutulong sa
pagtatamo nito.
Kagaya ng iba pang pagpaplano at pagpapasiya, ang pagpili ng kurso
at hanapbuhay ay isang malaking pasiya na nangangailangan ng matalinong
pag-iisip.

ARALIN 1: PAGPAPASIYA
(Ikalimang Linggo)

dreamstime.com

Tuklasin at Suriin
Sa pagpapasiya, kailangan mo ng gabay. Tulad ng isang bulag, lubos
siyang mahihirapan sa paglalakad kung walang gagabay na tungkod sa
kanya. Ito ang nagsisilbing kasangkapan niya upang marating niya ang nais
puntahan. Gayundin ang tao, kailangan niya ng gabay sa pagpapasiya upang
hindi siya magkamali; nang sa gayon, magkakaroon siya ng tamang
direksiyon sa pagkamit ng mga layunin niya sa buhay. Bakit nga ba
mahalaga na magkaroon ng direksiyon sa buhay ng tao? Una, sa paglalakbay,
sa buhay mo ngayon, nasa kritikal na yugto ka ng buhay. Anuman ang piliin
mong tahakin ay makaaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Kung kaya,
mahalagang mapanuri at sigurado sa iyong gagawin na mga pagpapasiya.
Ikalawa, kung hindi ka magpapasiya ngayon para sa iyong kinabukasan,
gagawin, ito ng iba para sa iyo-halimbawa ng inyong magulang, kaibigan, o
media. Dapat na maging malinaw sa iyo ang iyong tunguhin dahil kung hindi,
susundin mo lamang ang mga idinikta ng iba sa mga bagay na iyong gagawin.

Isaisip

3
Isagawa
Panuto: Magbigay ng isang sitwasyon kung saan nagsagawa ka ng
pasiya. Punan ang kasunod na kolumn ayon sa hinihingi nito. Gawin
ito sa isang sagutang papel.

Sitwasyon na Pasiyang
Hindi
kinakailangan nabuo ko at Mabuting
mabuting
kong dahilan o naidulot
naidulot
magpasiya batayan nito
Halimbawa:
Magpa-enrol
sa paaralan o Mag-aaral kahit May natutunan Wala
hindi sa may pandemya akong marami
panahon ng dahil sayang sa gitna ng
pandemya. ang panahon. krisis.
Iyong Sagot:

Tayahin
Panuto: Isulat sa sagutang papel kung TAMA o MALI ang pangungusap.
________ 1. Ang pagpili ng kurso ay nangangailangan ng matalinong pag-
iisip.
________ 2. Sa pagpili ng kurso, mas mabuti na mga mahal sa buhay ang
magdesisyon kaysa sa iyo.
________ 3. Ang mabuti at matagumpay na kinabukasan ay sanhi ng pag
pagpaplano at pagtatakda ng mga tiyak na gawain.
________ 4. Sa pagpapasiya, kailangan ng tao ang gabay.
________ 5. Ang tamang pagpapasiya ay makabubuti sa sarili, kapwa, at
pamayanan.

ARALIN 2: KAHULUGAN NG PERSONAL NA PAHAYAG SA


MISYON NG BUHAY

Balikan
1. Bakit mahalaga ang tamang pagpapasiya?

4
Tuklasin at Suriin
Marahil tinatanong mo ang iyong sarili sa ngayon kung paano mo
gagawin o sisimulan ang pagkakaroon ng malinaw na tunguhin sa buhay.
Naalala mo pa ba ang tawag dito? Ito ay ang Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay (Personal Mission Statement).

Ano nga ba kahulugan ng


Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay (PPMB)?

dougthorpe.com

Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ay katulad ng


isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais
na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin
na mga pagpapasiya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit
mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong
simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan
at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali
ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon, at
pagbabalik-tanaw.
Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly
Effective People, “Begin with the end in mind.” Nararapat na ngayon pa
lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano
ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti
ang iyong sarili at suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga, at layunin.
Mag-isip ng nais mong mangyari sa hinaharap at magpasiya sa direksiyon na
iyong tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat hakbang ay
patungo sa mabuti at tamang direksiyon.

Isaisip Ang pagbuo ng Personal


na Pahayag ng Misyon sa
Buhay ay nararapat na
iuugnay sa pag-uugali at
paniniwala sa buhay.

Steven Covey, Author npr.org

5
Isagawa
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba sa isang papel:
1. Ano ang ang iyong mithiin sa buhay? Ipaliwanag kung bakit ito ang
iyong gustong makamit o maabot.

Halimbawa ng iyong sagot: Msaging isang mahusay na guro dahil


gusto kong makatulong sa mga kabataan na magkaroon ng karunungan.

Iyong sagot: _____________________________________________________

Tayahin
Panuto: Punan ang sumusunod ng salita o lipon ng mga salita batay sa mga
bagong kaalaman na natutuhan sa Aralin 2. Isulat sa sagutang
papel.

1. Ang _________________________ ay isang personal na kredo o motto na


nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay.

2. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay nangangailangan ng


a. ____________________________
b. ____________________________
c. ____________________________

3. Ayon kay Stephen Covey, ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng


Misyon sa Buhay ay nararapat na__________________________________
___________________________________________________________________

ARALIN 3: PAGLIKHA NG PERSONAL NA MISYON NG BUHAY


(Ika-anim na Linggo)

Balikan
Ano ang kahulugan ng PPMB?

6
Tuklasin at Suriin

Sa paglikha ng Personal na Misyon sa


Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng
sariling pagtataya o personal assessment sa
iyong kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay
magiging kapaki-pakinabang sa iyong
mapanagutang pasiya at kilos.

Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya:


1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan ito sa paggawa ng iyong
PPMB sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong ugali at mga katangian.
Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino
ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang
mahalaga sa iyo, at paano mo isasakatuparan ang iyong mga
pagpapasiya.

2. Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan. Kailangang maging


maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga.
Kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras, at panahon. Ang iyong mga
pinapahalagahan ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal
na misyon sa buhay.

3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga naitalang impormasyon,


laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa
buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong
pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na
iyong tatahakin.

7
Isaisip

Ang pagsulat ng PPMB ay hindi madalian o


nabubuo lamang sa ilang oras. Ito ay kailangan
mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na panahon.
Sa oras na ito ay mabuo mo, ito ang magiging
saligan ng iyong buhay. Magkakaroon ka ng
pagbabago sapagkat ang lahat ng iyong gagawin o
iisipin ay nakabatay na dito.
kindpng.com

Sa pagbuo ng PPMB, dapat ito ay nakatuon sa kung ano ang nais mong
mangyari sa mga taglay mong katangian, at kung paano makakamit ang
tagumpay gamit ang mga ito. Ayon kay Covey, upang makabuo ng mabuting
PPMB, magsimulang tukuyin ang sentro na iyong buhay-halimbawa, Diyos,
pamilya, kaibigan, pamayanan. Ito ay dahil ang sentro ng buhay mo ang
magbibigay sa iyo ng seguridad, paggabay, karunungan, at kapangyarihan.

Ang PPMB ay maaaring mabago o mapalitan dahil patuloy na


nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa
kaniyang buhay. Gayunpaman, ito pa rin ang magsisilbing saligan sa
pagtahak niya sa tamang landas ng kaniyang buhay. Sabi nga ng isang
kataga, “All of us are creators of our own destiny.” Ibig sabihin, tayo ang lilikha
ng ating patutunguhan. Napakaganda hindi ba? Kaya pag-isipan mong
mabuti, sapagkat anuman ang iyong hahantungan, iyan ay bunga ng iyong
mga naging pagpapasiya sa iyong buhay.

Sa pagbuo mo ng PPMB, dapat na masagot nito ang mga


katanungang:
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking pagpapahalaga?
3. Ano ang nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay
sa aking buhay?

8
Kung mayroon kang PPMB, mas malaki ang posibilidad na magiging
mapanagutan kang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Makatutulong ito upang makita mo ang halaga ng iyong pag-iral sa mundo
na dapat mong pagnilayan at ihanda ang iyong sarili kung paano mo ito
sisimulan at gagawin. Mula dito, kailangang maging malinaw sa iyo ang
iyong pag-iral: ikaw ay mayroong misyon na dapat gampanan.

Tayahin
Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang ipinapahayag ng pangungusap. Isulat
ang sagot sa isang malinis na papel.

________1. Napakahalaga ang sariling pagtataya sa pagbuo ng PPMB.

________2. Ang iyong pinapahalagahan ay mahalagang pundasyon sa pagbuo


ng PPMB.
________3. Ang mga impormasyon na naitala mula sa sariling pagsusuri ang
magbibigay sa tao ng tamang direksiyon sa landas na pipiliin.
________4. Madali lamang ang paggawa ng PPMB.

________5. Hindi na pwedeng papalitan ang PPMB kung ito ay naisulat na.

Isagawa

Panuto: Gamit ang iyong sagutang papel, magbigay ng:

1. Limang (5) mga positibong ugali at katangian na maglalarawan sa iyo.


Halimbawa: masipag, mahusay magluto
Iyong sagot: ___________________________________________________

2. Limang (5) mga pinapahalagahan mo sa iyong buhay.


Halimbawa: pamilya
Iyong Sagot: ____________________________________________________

9
ARALIN 4: MISYON AT BOKASYON

Balikan
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng PPMB?

Tuklasin at Suriin
Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa
buhay ng magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.

Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa


buhay. Dahil iba-iba ang tao, iba rin ang kanilang misyon.
Maaaring isagawa ang misyong ito sa pamilya, kapwa,
paaralan, simbahan, lipunan o sa trabaho na iyong
ginagawa. dogapack.com

Mula sa misyon ay mabubuo ang


tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay
galing sa salitang Latin na “vocatio”, ibig
sabihin ay calling o tawag. Ito ay malinaw
na ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na
gampanan ang misyon na ipinagkaloob
Niya sa atin. Ito ay mahalaga sa pagpili mo
ng propesyong akademik, teknikal-
bokasyonal, sining at disenyo, at isports
pagkatapos mo ng Senior High School.
tl.teachingonestepahead.com

May pagkakaiba ang propesyon sa misyon. Ang propesyon ay trabaho


na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang
pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na siya dito. Ito ay
maaaring gusto niya o hindi ngunit kailangan niyang gawin sapagkat ito ang
pinagkukunan niya ng kaniyang ikakabuhay. At dahil sa ikabubuhay lamang
nakatuon ang kaniyang paggawa, hindi siya nagkakaroon ng ganap na
kasiyahan.
Ang bokasyon naman ay katulad din ng propesyon ngunit nagiging
mas kawili-wili ang paggawa para sa tao. Mas lalo siyang nasisiyahan
sapagkat nagagamit niya ang kaniyang mga talento at hilig sa kaniyang
ginagawa. Hindi niya nararamdaman ang pagkabagot. Hindi naging kompleto
ang araw niya kung hindi ito magagawa sapagkat ito ang nakapagdudulot ng
kasiyahan sa kaniyang buhay. Mula dito ay hindi na lamang simpleng
trabaho ang kaniyang ginagawa kundi isang misyon na nagiging isang

10
bokasyon. Dito tunay na nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan
sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang sarili at kumikilos siya para sa
kabutihang panlahat.

Napakahalaga para sa kabataan na katulad mo na bumuo ng PPMB.


Ito ang makapagbibigay sa iyo ng direksiyon sa iyong buhay upang sa
pagtahak mo ng iyong misyon patungo sa iyong bokasyon ay maging malinaw
na nakapagbibigay ito sa iyo ng kaganapan bilang tao.

Mula rito, ay madarama mo ang tunay na kaligayahan. Wika ni Fr.


Jerry Orbos, “Ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao
ay magkaroon ng misyon.” Aniya, “Ang misyon ay ang maglingkod. Ang
paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ang magbibigay sa tao ng tunay na
kaligayahan.”

Sa paggawa ng PPMB, isaalang-alang ang kraytiryang SMART o


Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bound. Ibig sabihin:

Nasusukat ng
Tiyak Nasusukat Naaabot Angkop
Panahon
(Specific) (Measurable (Attainable) (Relevant)
(Time Bound)

May takdang
Kayang gawin Makatotohanan Makatugon sa panahon o oras
Ispisiko ang
at at kayang pangangailangan kung kailan
isusulat
isasakatuparan abutin ng kapwa maisasakatuparan.

Narito ang halimbawang ginawa ng isang mag-aaral.

Balang araw ay nais kong maging isang


inhinyero at instrumento sa pagpapahayag ng
pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap ng
Kaniyang mga salita at karunungan sa lahat, lalo
na sa kabataan, maliliit na bata, at mga tinedyer
sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti,
pagsasaliksik, at pag-alaala sa walang
hanggang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng
aking ginagawa. wikiclipart.com

Mula sa halimbawa ng isang mag-aaral, narito ang mga hakbang upang


lalong mapatatag ang elemento nito. Mahalaga na ikaw ay gumawa ng matrix
o talahanayan dahil makatutulong ito nang malaki upang lalong maging tiyak
ang mga isusulat sa pahayag.

11
Takdang
Elemento Hakbang na Gagawin
Oras/Panahon
Regular na pag-aaral
Pag-aaral nang mabuti 2 oras araw-araw
ng mga asignatura
Pagsasagawa ng Pananaliksik tungkol Isang beses isang
Pananaliksik sa mga bagay na Linggo.
makapupukaw ng
atensiyon sa kabataan,
maliliit na bata at tin-
edyer.
a. Panalangin
a. Araw-araw
Pag-alaala sa Diyos b. Pagdalo sa Banal na
b. Tuwing Linggo
Misa.

Isaisip

Kung ang isang barkong naglalayag sa dagat sa gabi at araw ay


makaranas ng kawalan ng direksiyon, ano kaya ang gagabay dito
upang maiwasan ang pagkaligaw ng daan at malayo sa kapahamakan?
Walang iba kundi ang lighthouse. Ito ay tore o gusali na kumukuha ng
ilaw mula sa lampara o lenses at ginagamit bilang gabay ng mga
naglalayag na barko laban sa mga panganib o pagkalubog sa dagat.
Maituturing mo ba ang iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
bilang lighthouse? Paano ka makasesegurong makarating nang ligtas
sa iyong destinasyon? (iyong mga mithiin at pangarap sa buhay) gamit
ang iyong lighthouse? Pagnilayan ito.

Tayahin
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na sagot na tinutukoy
sa pahayag.

1. Sa paggawa ng PPMB, kinakailangan na gamitin ang kraytiryang


_____________. (KISS, SMART)
2. Tumutukoy sa trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay.
__________ (propesyon, bokasyon)
3. Ibig sabihin ay calling o tawag. __________ (misyon, bokasyon)
4. Ayon kay Fr. Jerry Orbos, ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ay
magdudulot sa tao ng tunay na __________. (kaligayahan, pag-asa)
5. Tumutukoy sa hangarin ng tao sa buhay na magdadala sa kaniya
tungo sa kaganapan. __________ (bokasyon, misyon)

12
Isagawa

Panuto: Gawin ang A at B. Maaari mong balikan ang pahina 11-12 bilang
gabay.
A. Bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay o PPMB.
Ang Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Balang araw ay nais kong maging isang __________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

B. Gumawa ng iyong matrix o talahanayan para sa iyong PPMB.

Hakbang na Takdang
Elemento
Gagawin Oras/Panahon

PPMB

png.kit.com

Tayahin
Panghuling Pagtataya (Post-Test)
Panuto: Sabihin kung TAMA o MALI ang ipinapahayag ng pangungusap.
Isulat ang sagot sa papel.

________1. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ay


nagsasalaysay ng nais mo sa buhay

________2. Ang PPMB ay maaaring mabago o palitan.

________3. Ang misyon natin sa buhay ay magkakaroon ng kapangyarihan


kung nagagampanang balanse ang tungkulin sa pamilya,

13
trabaho, at komunidad.

________4. Kapag ang trabaho ay naging bokasyon, ito ay naging kawili-


wili at di nakababagot na gawin.

________5. Ang pagpapasiya ay dapat makabubuti sa sarili, kapwa, at


lipunan.

________ 6. Ayon kay Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ng tao ay ang
paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

________ 7. Ang misyon ay tumutukoy sa hangarin ng tao sa buhay na

magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.

________8. Isinusulat ang misyon natin sa buhay upang may ipagyayabang


sa ibang tao.

________9. Madali lamang ang pagbuo o paglikha ng PPMB.

________10. Mahalaga na magkaroon ng direksiyon para siya ay may gabay.

14
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1 Aralin 2

Tayahin Tayahin
Tama Personal na Pahayag ng Misyon sa
Mali Buhay o PPMB
Tama a. Panahon
Tama b. Inspirasyon
Tama c. Pagbabalik-tanaw
Iuugnay sa pag-uugali at
paniniwala sa buhay

Aralin 3 Aralin 4

Tayahin Tayahin

Tama SMART
Tama Propesyon
Tama Bokasyon
Mali Kaligayahan
Mali Misyon

Mali
Mga Sanggunian Mali

Mula sa Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao. (2014). Grade 9 Learner’s Material para


sa K to 12 Program.
Punsalan, T.G. et. al. (2014). Pagpapakatao (Batayang Aklat sa
Edukasyon sa Pagpapakatao ng Sekondarya). Sampaloc, Manila.
Rex Book Store, Inc.
Mula sa internet
Mga larawan
https://googleimages.com

15

You might also like