Week 1 3Q Module 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Learning Activity Sheets (LAS #1)

Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksiyon: _______________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa: _______________________

WEEK 1:ARALIN 3.1 PARABULA AT TALINHAGA PAGAPAKAHULUGANG METAPORIKAL

I. Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang ikaw ay:F9PB-IIIa-50: a Napatutunayang ang mga pangyayari sa


parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay. F9WG-IIIa-53:b. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang
matatalinghagang pahayag. F9PU-IIIa-53:c. Naisusulat ang isang anekdota o liham nangangaral; isang halimbawang
elehiya.
Kilala mo ba ang mga nasa larawan?

https://bit.ly/2ClseCJ https://bit.ly/2WDHUIt https://bit.ly/2OI2tik


Tama ang iyong sagot kung binanggit mo ang mga pangalan nina Eba at Adan, ang sinasabing unang babae
at lalaking nilalang ng Dakilang Lumikha. Nariyan din sina David at Goliath, ang kuwento nila ay nagpapatunay na
hindi dapat maliitin ang kakayahan ng kapwa batay sa pisikal na anyo. Sigurado akong kilala mo rin si Noah na
ipinakilala ang lubos na pananalig niya sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng isang arko na magliligtas sa kanila
sa delubyo.Ang mga nabanggit ay pawang mga karakter sa mga tunay na salaysay mula sa Unang Tipan ng Bibliya.
Nasa Bibliya ang iba’t ibang anyo ng panitikan kabilang na ang parabula. Ang parabula ay naglalaman ng mga aral ni
Hesus, na nakapaloob sa matatalinghagang pahayag.
Ang Parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay na maaaring
tao, hayop, lugar o pangyayari para paghambingin. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni
Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal
na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ang parabula ay
di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espirituwal
na pagkatao. Narito ang mga halimbawa ng mga parabula na mababasa sa Ikalawang Tipan ng Bibliya:
1. Alibughang Anak ( Lukas 15: 11-32 )
2. Parabula ng Sampung Dalaga ( Lukas 15:11-32 )
3. Ang Mabuting Samaritano ( Lukas 10: 25-37 )
4. Parabula ng Nawawalang Tupa ( Lukas 15: 1-7 )
5. Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin ( Mateo 25: 14-30 )
Tinatawag ding talinghaga ang parabula. Ayon sa Diksyonaryong Sentinyal ng Wikang Filipino ang talinghaga
ay “parirala, pangungusap o isang salaysay na may malalim o hindi tuwirang kahulugan na kailangang pag-isipang
mabuti upang maunawaan. Sa kahulugang ito maaaring ibilang sa talinghaga ang tayutay, idyoma at parabula.
Sa iyong babasahing parabula ngayon, suriing mabuti ang mga pangyayari na maaaring maganap sa tunay na buhay
at may matatalinghagang kahulugan. Lawakan ang pag-unawa at humingi ng gabay sa Banal na Espiritu upang ang
mensahe sa iyo ng Panginoon sa parabulang ito ay malantad sa iyong puso at isipan.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan


(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng
manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang
mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan.
Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa
palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng
karampatang upa.” At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-
ikatlo ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa
ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayo-tayo lang kayo rito sa buong maghapon?” “Kasi
po’y walang magbigay sa amin ng trabaho”, sagot nila. Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho
kayo sa aking ubasan.”
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala. “Tawagin mo na ang mga
manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga nagsimula nang ika-
lima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila
nang higit doon: ngunit ang bawat isa”y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho
sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila. “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila. “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo
sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli ng
tulad ng ibinayad ko sa iyo?”
“Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y
nagmagandang-loob sa iba?” Ayon nga kay Hesus,”Ang nahuhuli ay nauuna at ang una ay mahuhuli.”
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Sagutan ang sumusunod nasumusunod na pangungusap na hango sa binasang parabula.Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Bakit kaya inihalintulad ni Hesus ang kaharian ng Diyos sa isang ubasan ?
2. Ano-ano ang pagkakatulad ng May-ari ng ubasan at ng Panginoong Hesus?
3. Sang-ayon ka ba sa pagpapasya ng May-ari ng ubasan na bayaran ng tig-iisang pilak ang lahat ng manggagawa
nauna man o nahuli sa pagtatrabaho?Ipaliwanag ang sagot?
4. Ilahad ang mensahe ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng parabulang iyong binasa sa tunay na buhay?
5. Ipaliwanag ang sinabi ni Hesus na: “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna’y nahuhuli.”
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng matatalinghagang pangyayari sa parabulang “Ang Talinghaga ng
May-ari ng Ubasan.”
1. Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng
manggagawa para sa kanyang ubasan. Ano kaya ang kahulugan ng pagtutulad na ito?
A. Ang kaharian ng langit ay bukas para sa mga manggagawa.
B. Ang Panginoon ay laging maagap sa paghahanap ng mga taong nais mapunta sa langit.
C. Laging bukas ang puso ng Panginoon sa sinumang tatanggap sa kanyang mga salita at mananampalataya sa
Kanya.
D. Upang makapasok ang isang tao sa langit ay kailangan niya munang maging manggagawa ng Panginoon.
2. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang
upa.”Ano ang nais iparating ng Panginoon sa pahayag na ito?
A. Bawat gagawa sa ubasan ay magtatamo ng magandang kapalaran.
B. Ipinangako ng Panginoon na may katumbas na bayad ang pagtugon sa kanyang paanyaya..
C. Lahat ay inaanyayahan ng Panginoon na pumasok sa kanyang kaharian.
D. Sino mang tumanggap sa kanya bilang Tagapagligtas ay magtatamo ng biyaya ng buhay na walang hanggan.
3. Lumabas na naman siya(May-ari) nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon ay ganoon
din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima nang hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng
mga ibang wala ring ginagawa. Ano ang pinakamalapit na kahulugan nito?
A. Sa lahat ng oras ay matiyaga ang ating Panginoon.
B. Hindi nagsasawa ang Panginoon sa atin.
C. Laging naghahanap ang Diyos ng mga taong susunod sa Kanya.
D. Ano mang oras o panahon ay hinihintay lamang tayo ng Diyos na tanggapin Siya bilang Tagapagligtas
4. “Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho. At
sila’y (manggagawa) pare-parehong tumanggap ng tig-iisang pilak. Ano ang nais iparating sa pasyang ito ng
Panginoon?
A. Kung minsan ay hindi patas ang pagpapasya ng Panginoon.
B. Pantay-pantay ang tingin ng Panginoon sa mga nananalig sa Kanya.
C. Pare-pareho lamang ang kabayaran sa mga manggagawa na tigiisang pilak.
D. Mas mapapalad pa ang mga nahuli sa ubasan dahil pareho lang ang kabayaran sa kanila.
5. “Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Ano ang ibig iparating ni Hesus sa pahayag
na ito?
A. Hindi dapat mainggit ang tao sa kanyang kapwa.
B. Alam ng Panginoon ang kanyang gagawin kaya’t huwag tayong magalit sa Kanya.
C. Hindi tayo dapat magselos kung sinusuwerte ang ibang tao.
D. Walang karapatan ang tao na pagdudahan ang kapasyahan at kapangyarihan ng Panginoon

D. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Ang mga salita sa Hanay A ay mga simbolong ginamit ni Hesus sa parabulang iyong binasa. Tukuyin ang
matalinghagang kahulugang ispiritwal ng mga simbolong ito at gamitin sa pangungusap.
Hanay A Hanay B-Matalinghagang kahulugan Gamitin sa Pangungusap

1. Ubusan A. Paghihintay ng Panginoon sa


mga tao na tanggapin Siya
bilang Tagapagligtas

2. Manggagawa B. pangako ng Diyos na buhay na


walang hanggan

3. May-ari ng ubasan C. Mga taong tinawag upang


manampalataya sa Panginoon

4. Iba-ibang oras ng paglabas D. Kaharian ng Diyos


ng may-ari ng ubasan upang
maghanap ng manggagawa

5. Upa ng tig-iisang pilak E. Ang Panginoon

E.Gawain sa Pagkatuto Bilang 4- Inaasahang Pagganap


Panuto: Sumulat ng isang anekdota o liham na nangangaral na nagagamitan ng matalinghagang pahayag. Sundin
ang pamantayan sa paggawa ng anekdota o liham.

Rubriks sa Pagmamarka Puntos

Malinaw at maayos ang paglalahad ng 4


nangangaral na anekdota o liham

Paggamit ng angkop na salita 4

Kalinisan ng awtput 2

Kabuuan 10 puntos

PAGLNINILAY:
Panuto: Natutuhan mo, ibuod mo!
1.Paano naiiba ang parabula sa ibang akdang pampanitikan?
______________________________________________________________________________________________
_______________________________________.
2.Ano naman ang pagkakatulad ng parabula sa maikling kwento?
______________________________________________________________________________________________
________________________________.
Sanggunian ng Larawan:

https://bit.ly/2CRsiKa

https://bit.ly/2ClseCJ

https://bit.ly/2WDHUIt

You might also like