Filipino
Filipino
Filipino
Filipino 9
1
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 9: Pamaksa at Pantulong na Pangungusap
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinoman sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
2
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto
Pamaksa at Pantulong na Pangungusap
Manunulat: Ma. Lourdes D. Derano at Anamika F. Caldozo
Tagasuri: Nenita V. Rañon /Editor: Imelda T. Tuańo at Jay-ar S. Montecer
3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng modyul para sa
Pamaksa at Pantulong na Pangungusap!
4
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo ng kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa iyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mag-aaral.
5
MGA INAASAHAN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggalian (tao vs. tao at tao vs. sarili) sa
napanood na programang pantelebisyon.
MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:
1. Natutukoy ang pamaksa at pantulong na pangungusap sa loob ng talata.
2. Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang nakita sa akda.
3. Naisusulat sa sariling salita ang kaisipan sa talata.
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat sa patlang ang kung ang pangungusap na nakahilis ay
pamaksang pangungusap at X naman kung ito ay pantulong na pangungusap.
BALIK-ARAL
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6
2. Ito ay elemento ng sanaysay na sumasagot sa tanong na “Tungkol saan ang
akda?”
A. Kaisipan C. Tono
B. Paksa D. Tunggalian
3. Ang ibig sabihin ng Vox Populi, Vox Dei ay
A. Ang lakas ay nasa pagkakaisa.
B. Ang tinig ng Diyos ay ang tinig ng bayan.
C. Ang pagmamahal ng mga tao ang aking lakas.
D. Ang bandila sa sandaling itinaas ay hindi kailanman babagsak.
4. Ang sumusunod ay bahagi ng sining maliban sa isa. Ito ay
A. marahas na pakikidigma C. pagguhit sa kanbas
B. matamang paglilok D. tilamsik ng panulat
5. Ito ang lahi na binansagang pinakamasasama.
A. Afro Asian C. Kurdish
B. Israeli Jews D. Persian
ARALIN
Alam kong mahilig kang magbigay ng opinyon, kuro-kuro o sariling
kaisipan tungkol sa napapanahong isyu o paksa. Para lalong maging
mahusay at mapaunlad mo ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng
katuwiran, pag-aralan mo ang sumusunod.
Alam mo ba na…
7
May lawak itong 11,795 milya kuwadrado. Ito ay hugis-tatsulok. Halos sinlaki
ito ng Maryland ng Estados Unidos. Nasa mga hangganan ito ng Netherlands,
Alemanya, Luxembourg, Pransiya, at North Sea. Napalilibutan ng ilang bansa
at isang dagat ang Belgium.
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1
Panuto: Salungguhitan ang pamaksang pangungusap sa bawat bilang.
1. Naiiba ang paglangoy ng balyena sa karaniwang isda. Kapag lumalangoy,
pinagagalaw ng karaniwang isda ang magkabilang panig ng sariling
buntot habang baba-taas naman ang buntot ng balyena habang
lumalangoy.
2. Pinakamalaki ang mga tainga ng hayop na ito. Pinakamalaki ang mga
pangil nito na tinatawag na tusks. Ito lang ang hayop na ang nguso ang
nagsisilbing ilong. Talagang naiiba ang elepante sa lahat ng hayop.
8
3. Simulan mo sa pag-iipon ng mga kusot at mumunting tuyong siit. Kapag
nakakuha ka na ng mas malaking piraso ng kahoy, salitan na isalansan
ang mga ito na parang magkakapatong na parisukat. Madali lang gumawa
ng malaki-laking siga.
4. May dalawang paraan upang mas tumagal at manatiling buo ang mga
pinatuyong bulaklak. Una, isabit ang mga ito nang pabaligtad sa loob ng
ilang linggo. Ikalawa, iipit ang mga bulaklak sa mga pahina ng aklat
5. May ilang paraan upang ang pagsusulat mo ay maging biswal o
napakalinaw sa mata. Una, ilarawan mo nang mahusay ang mga bagay-
bagay. Ikalawa, gumawa ng mga paghahambing. Kahulihan, gumamit ng
mga angkop na pang-uri.
PAGSASANAY 2
Panuto: Magbigay ng isang pantulong na pangungusap sa bawat pamaksang
pangungusap. Gawing gabay ang ibinigay na pantulong sa loob ng panaklong.
PAGSASANAY 3
Panuto: Piliin ang pamaksang pangungusap batay sa ibinigay na tunggalian na
nakita sa tinalakay na akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa sulsol ng kaibigan, napatitikim ng bawal na gamot ang isang kabataan.
Mahirap humindi sa barkada, mahirap na matawag na “iba” at ma-out sa
grupo.
A. Sinasabi ng kaibigan kung ano ang maganda o hindi sa isang kabataan.
B. Ang kantiyaw ng mga kaibigan ay hindi magandang dahilan para
magdroga.
C. Hindi nagabayan nang maayos ang isang kabataan kaya sumusunod
siya sa dikta ng kaibigan
D. Malaki ang impluwensiya ng barkada kung bakit gumagamit ng bawal
na gamot ang isang kabataan.
9
2. Malapit sa aksidente ang taong nasa impluwensiya ng droga dahil wala sila sa
tamang katinuan. Panganib din ang sakit na maaring maidulot ng maling
paggamit ng droga maski legal gaya ng cough syrup. Mayroon ding panganib na
pangmatagalan ang epekto.
A. Maraming tao ang nakukulong dahil sa droga.
B. Nawawala sa sariling katinuan ang tao kapag nasa impluwensiya ng
droga.
C. Sa paggamit ng ilegal na droga, inilalantad ng tao ang sarili sa mga
panganib.
D. May mga taong nasasangkot sa bayolenteng kaguluhan dahil hindi
makontrol ang sarili.
3. Ang umalohokan ay buong husay na naghatid ng mensaheng kailangan ng
mamamayan sa kanilang barangay. Ginamit naman ni Rizal at ibang
propagandista ang tilamsik ng kanilang panulat upang ipahayag ang
nararamdaman.
A. Inugoy sa duyan ng berso at awiting-bayan ang mga Pilipino.
B. Sa pamamagitan ng malikhaing pagtatanghal, natatamo ang kalayaan.
C. Pinatunayan ng mga Pilipino na may mapayapang paraan sa pagkamit
ng kalayaan.
D. Maraming Pilipino ang nakilala sa larangan ng pagsulat gaya nina
Marcelo Del Pilar at Graciano Lopez Jaena.
4. Sinasabi ng ilang naninirahan sa Israel na ang mga Persians ang
pinakamasasama. May mga lumalabas na paboritismo sa pagtanggap ng mga
tao sa pamantasan. Ang mga pinaglilingkuran ay mahilig magpasakit sa harap
ng relihiyosong tagasubaybay.
A. Laganap ang diskriminasyon sa ibang lahi sa bansang Israel.
B. Hindi nagustuhan ng mamamayan ng Israel ang resulta ng botohan.
C. Sa Israel, ang pinaglilingkuran ay mahilig maging mataas na
konsyumer.
D. Ang galit na uri ay madalas na nagpapagalaw sa politika ng mga
bansang class ridden.
5. Nariyan ang tilamsik ng panulat, maramdamin at makabayang awitin,
maindayog na pagsayaw at iba’t ibang guhit sa kanbas na pilit na ipinararating
ang nais ipahiwatig. Hindi pahuhuli ang matatalim na pananalita na parang
lason at apoy na kumalat sa buong sambayanan.
A. Napatalsik ang diktador gamit ang ibang anyo ng sining.
B. Maraming anyo ng sining ang nagbigay-daan sa pagtamo ng
kapayapaan.
C. Sa pag-asam ng kalayaan, ginamit ng mga Pilipino ang galing sa
pagsulat.
D. Ginamit ng ibang Pilipino ang armas ng pakikibaka sa pagtatamo ng
kalayaan.
10
PAGLALAHAT
Panuto: Pumili ng angkop na pantulong na pangungusap sa ibinigay na
pamaksang pangungusap.
1. May ilang paraan upang mapuksa ang mga lamok sa ating paligid. (pumili
ng tatlong pantulong na pangungusap)
A. Maraming uri ng lamok.
B. Maaari nating bombahin ang mga ito ng pamatay-lamok.
C. Maaari nating buhusan ng langis ang tubig na may mga kiti-kiti upang
mapuksa ang mga ito.
D. Dapat nating panatilihing malinis ang mga kanal at hayaang tuloy-tuloy
ang tubig upang hindi pamahayan ng mga lamok ang mga ito.
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Ilahad mo ang iyong mga natutuhan sa araling ito. Dugtungan ang
pangungusap.
11
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Bilugan ang thumbs up kung ang pangungusap na may diin
ay pamaksang pangungusap at thumbs down naman kung ito ay
pantulong na pangungusap.
nguso ng elepante.
4. May kani-kaniyang gawain ang mga langgam sa kanilang pugad.
Naghuhukay ang ilan upang matirhan ang iba pang mumunting butas o
guwang. Naglilibot ang iba upang mangalap ng maiimbak na pagkain.
5. Nagsisimula ang malalaking sunog sa maliliit na bagay. Maaaring
pagmulan ng apoy ang basag na bote na tinatamaan ng sinag ng araw. O
dili kaya’y ang kamalig na puno ng mga nakasalansang dayami.
6. Tinamaan ng kidlat ang matayog na puno sa gitna ng bukid. Tumama rin
ito sa mataas na gusali. Laging hinahabol ng kidlat ang matataas na bagay
o anumang mataas na nag-iisang nakausli o nakatayo. Kaya’t kung mag-
isa kang naglalaro sa parke na walang anumang mataas na bagay na
nakatirik, huwag nang mag-atubiling pumasok sa mas malapit na
gusali bago ka pa gawing litson ng kidlat.
12
8. Sinasabing pinakamatamis na pook ang Hawaii. Halos ang tatlong-kapat
ng lupa ay natatamnan ng mga tubo. Galing din dito ang may siyam at
ikasampung bahagi ng pinya sa pandaigdigang kalakal.
9. Sa K to 12 magkakaroon ng mahabang panahon ang mag-aaral upang
matutuhan ang kanilang aralin. Mas mapagtutuunan nila ng pansin ang
pagpapaunlad sa sariling talento at abilidad bukod pa sa kanilang
kakayahang pang-akademiko.
10.Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga
nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipagugnayan
niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa
dakilangBathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng
magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.
Binabati kita!
13
14
PAUNANG PAGSUBOK 5. Iginigiit nilang sila ay mas
1. malakas, matapang at
2. x madiskarte.
3. x
4. PAGSASANAY 3
5. x 1. D
2. C
BALIK-ARAL 3. C
1. D 4. A
2. B 5. B
3. B
4. A PAGLALAHAT
5. D 1. B C D
2. B D
PAGSASANAY 1
1. Naiiba ang paglangoy ng PAGPAPAHALAGA
balyena sa karaniwang isda. 1. napapadali ang pagtukoy sa
2. Talagang naiiba ang elepante sa batayang ideya o kaisipan sa
lahat ng hayop. talata at akda.
3. Madali lang gumawa ng malaki- 2. paggamit ng impormasyong
laking siga. maaaring mapatotohanan,
4. May dalawang paraan upang paggamit ng estadistika at
mas tumagal at manatiling buo paggamit ng halimbawa.
ang mga pinatuyong bulaklak. 3. nailalahad nito nang maayos at
5. May ilang paraan upang ang masinop ang mga detalye na
pagsusulat mo ay maging nais iparating ng may-akda sa
biswal o napakalinaw sa mata. mga mambabasa.
PAGSASANAY 2 PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. Dapat ay makatapos sa pag- 1.
aaral, maging madiskarte sa
2.
buhay at palaging magdasal sa
Panginoon. 3.
2. Minsan ay mas matagal pa ang 4.
buwan ng tag-init kaysa sa tag-
ulan. 5.
3. Dapat ay umiwas sa maling 6.
barkada, laging sumunod sa
7.
payo ng magulang at maging
responsableng kabataan. 8.
4. Nadagdagan ng mahigit na 9.
2,000 ang nagpositibo sa
COVID-19 batay sa huling datos 10.
nitong July 12, 2020.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
BATAYANG AKLAT:
Romulo N. Peralta, 2016. Panitikang Asyano-Ikasiyam na Baitang.Modyul ng Mag-aaral sa
Filipino. P.224-226.
MGA WEBSITES:
https://ph-static.z-dn.net/files/d03/ff402b801ec6230eeec17c2d1471eaee.pdf
15