Frediln Celino
Frediln Celino
Frediln Celino
Federico B. Sebastian
Mga Tauhan
3. Aling Isyang: Tiya ni Alberto, mga limampu’t pitong taong gulang, puti na
ang buhok, may kapusukan ang ugali
Tagpo I
Clarita: Aray ko pohhh!!!!
Alberto:Nasaktan ka ba mahal?
Clarita: Nasaktan!? bumagsak kaya ako dahil sa upuan na yan!Hindi mo man lang sinabi na
bulok na pala yan.(galit na galit)
Alberto: (aamuhin si Clary) Wag ka nang magalit.(I mamasahe ang binti ng babae) Matagal
na kasi ako hindi nakakauwi dito mahal.
Clarita: ito pala ang sinasabi mong paraiso. Kita mo pala ang mga bituin kahit araw na
araw.
Clarita: (nagalit) Baket noong dumadalaw ka pa sa amin ang ayos ng iyong suot? And by
the way haven’t I told you call me Clary.
Alberto: (yayakapin patalikod si Clary) sige Clary. Bakit nga pala tayo naguusap ng
ganito,kakasal pa lamang natin ah?
Clarita: Oo nga.
Alberto: Aba saan pa e di dito. Wala naman taong makakakita sayo kundi…ako lang(titingin
sa manonood tapos tataas-taas ang kilay)
Clarita: Dito?!(titingin sa nanonood)
Alberto: Alam mo mahal ko, dito sa probinsya lalo na sa katulad kong mahirap wala ka ng
makikita pang room kundi ito lang.
Clarita: Huh?
Clarita: OMG! Di na talaga ako makakapag bihis!!! Sa Maynila na nga lang ako magbibihis.
Alberto: (tatawa)
Alberto: Wag ka na maligo Clary. Malamig ang panahon at hindi ka pa masyado sanay ditto.
Alberto: Hindi sa hindi ka naliligo. Iba kase ang banyo mo sa maynila sa banyo namin. Hindi
ka nga makapagpalit dahil sa hiya ang pagliligo pa kaya sa batalan.
Alberto: (sa sarili) ang hirap pala magkaasawq lalo na ang tulad ni Clary na laki sa Maynila
at mayaman. At ano kaya ang mangyayari kung malaman niya na ako ay may mga anak….
Clarita: Bert! Hindi ako pwedeng maligo doon….wala man lang harang yung…
Alberto: batalan, mahal
Clarita: at bert wala pa akong nakikitang gripo. Saan kayo kumukuha dito ng tubig?
Alberto:kumukuha kami ng tubig sa poso mga kalahiting kilometro lang naman mula rito.
Kung maliligo ka, sabihin mo na para ako ay maguumpisa ng maglakad.
Alberto: Ano?
Clarita: yung kasilyas.
Alberto: wala kami. Karamihan sa amin ay wala pang toilet, lalo na ang mga mahihirap na
tulad ko. At hindi pa kase nakakarating ang sibilisasyon sa amin e.
Clarita: yung kawayan?
Clarita: what?! Sukdulan na ang mga pagsubok mo sa akin bert! Dito mo ba ako ititira?!
Akala ko ba may sarili tayong paraiso at mamumuhay tayo ng parang si Adan at si Eba!!!?
Ano ang nangyari sa sinabi mo???
Alberto: tiya isyang siya ay si clary ang aking asawa , Clary ang aking tiya at aking mga….
Uuwi na lang ako sa maynila. Doon may banyo, toilet, bed, rooms at higit sa lahat walang
mga makukulit na bata ang manggugulo sa akin.
Aling Isyang: Tumahimik kayo! Tinamaan kayo ng lintik. (Sa pagkakaguloy ilaladlad ang
tabing)
Talambuhay ng May-akda:
Si Federico B. Sebastian ay ang unang pangulo ng “ Kapisanan Nang
Mga Propesorsa Pilipino. Siya ay isa sa mga may akda ng “Balarila ng wikang Pambansa 1-
4”. Panitikan sa mataas na Paaralan 1-4.
Mga Tauhan:
1. Clarita: Isang bababeng taga-Ma ynila, makabago… may mga
dalawampu’t limang taong gulang, may kaya sa buhay
3. Aling Isyang: Tiya ni Alberto, mga limampu’t pitong taong gulang, puti na
ang buhok, may kapusukan ang ugali
Tagpuan:
Sa maralitang bahay sa lalawigan ni Alberto.
Kaisipang moral:
Walang mabuting maidudulot ang pagsisinungaling.
Matuto tayong makuntento sa kung anong meron tayo.
NANA
Ni: Rene O. Villanueva
MGA TAUHAN:
Nana Rosing 60 Tindera ng isda
Rodrigo Anak ni Nana Rosing, may-asawa
Duarding Anak ni Nana Rosing,batilyo,binata
Sendang Anak ni Nana Rosing,dalaga
Ruben Batilyo,nobyo ni Sendang
Minda Kapitbahay nina Nana Rosing,suson-suson ang anak
Nana Ason, Kapitbahay ni Nana Rosing
Maang Beloy Paralitikong asawa ni Nana Rosing
Dolor Asawa ni Rodrigo
Bata
TAGPUAN:
Baryo Paraiso, isang likhang-isip sa Navotas
Lupa ang sahig ng bahay nina Nana Rosing, na sa labas aty tila isang punggok na kahon ng
mga pinagtagpi-tagpinng yero at kahoy na halatang araw-sunog. Sa dingding, tumatawag
ng pansin ang isang pares ng lumang bota katabi ng larawan ng Santo Papa. Nakasabit din
ang ilang makutim na polo at pantalon saka ang mailbag na tuwalya na kulay abuhin pa
kaysa puti. May kalang di bomba na sa pagbubukas ng eksena ay paulit-ulit na binobomba
ni Sendang pero ayaw magsindi.Walang ibang kasangkapan malinam sa papag, mesa, ilang
bangko at kalawanging banyera. Matiyagang sinisubuan ni Nana Rosing si Mang
Beloy,asawa niyang paralitiko ang kalahating katawan, baluktot ang kanang kamay at
lagging may hawak na bola.
SENDANG: Said na nga yung binili kong singkwentang gaas sa bote. Nagloloko ata.
NANA ROSING: Pagtiyagaan mo na. Maghahanap ng maiinit na kape ang Kuya Duarding mo
pag dating noon.
NANA ROSING: Itago mo yan. Iinit ang ulo ng Kuya Duarding mo kapag nakita yan.
SENDANG: Paano kung ituloy nila ang bantang pagbubuldoser ditto?
NANA ROSING: Basta ang sabi niya, hindi raw tayo aalis. Sa asawa. O, kain pa. Busog ka na
ba?
NANA ROSING: Kumain ka nang kumain. Paano ka lalakas niyan?. Magbibiro. Ikaw pa
naman ang ihaharap ko sa mga bubuldoser sa atin kung sakali.
SENDANG: Nay, sabi ni Beho baka gusto ko raw magtinda sa pwesto niya.
NANA ROSING: Naku,huwag. Salbahe yang si Beho. Kaya umalis yang anak ni Aling Pelisa
sa kanya dahil noong minsang ginabi ito sa pagsasara ng pwesto,sinundan ba naman sa
kubeta saka pinagtangkaan. Mabuti nakatakbo ‘yung bata. Baka sa konting barya, kung ano
pang hilinging kapalit sa’yo.
SENDANG: Kaya ko naman ho anng sarili ko. Kaya nga lagi akong me dalang perdible.Oras
na may lumuko-luko sakin,peperdeblihin ko.
SENDANG: Gusto lang makaipon para makapag-aral ako ng pananahi.Malakas daw ang kita
ng modista sabi ni Aling Pelisa. Maipapasok niya daw ako sa shop nila sa Caloocan.
NANA ROSING: Samahan mo na lang ako dito sa bahay at hindi ko kaya nang nag-iisa itong
ama mo.
Tatayo si Sendang at ililigpit ang pinagkanan ni Mang Beloy. Kukuha ng palangganang may
mainit na tubig si Nana Rosing. Babasahin ang isang kupas na bimpo at pupunasan si Mang
Beloy. TUtulungan ni Sendang na itayo ang ama habang pinupunasan ni Nana Rosin gang
asawa.
SENDANG: Baka mamatay ako sa lungkot sa Carmona. Wala raw malapit na sine roon.
SENDANG: Wala naming ibang magawa eh. Paminsan-minsan lang naman, kung
nakakaekstra si Ruben.
SENDANG: Marurumi ang isip nila. Wala naman kaming ginagawang masama. Madalang na
madalang nga kaming makapagsinedahil halos walang matira sa pagbabatilyo ni Ruben.
NANA ROSING: Pinaaalahanan lang kita.
SENDANG: Nag-aaya nga si Ruben, Inay
NANA ROSING: Ano? Aba, magtigil ka mo siya. Wala pang sampu ang gana niya sa isang
araw, e. Hindi k aba nagtanda sa nangyari sa Kuya Rodrigo mo? Hayun, nagpilit mag-asawa.
Ngayo’y hirap na hirap na.
NANA ROSING: Sinasabi ko na nga ba, masama ang ibubunga ng paglabas-labas ninyong
iyan.
NANA ROSING: Beloy, narinig mo? Itong anak mo gusto nang lumarga.
Uungol sa Mang Beloy. Manlalaki ang mata. Pilit na magsasalita pero hindi mauunawaan
ang sinsabi.
SENDANG: Kung maghihintay kaming lumaki ang sweldo ni Ruben bago magpakasal, baka
tumanda na akong dalaga. Pitong taon na kami inay. Si Ruben, malapit mag trenta. Di ba
kayo disisais lang nang nagtanan ni Itay?
NANA ROSING: Mura pa aang bigas noon. Ngayon, kumikita ka ma’y mamamatay ka pa ring
dilat ang mata.
SENDANG: Wala naman yatang mangyayari sa akin ditto. Sabi n’yo noon makapagtatapos
ako maski hayskul.
NANA ROSING: Kita mo naming halos walang matira sa paglalako ko ng isda. Ganoon din sa
pagbabatilyo ng kuya Duarding mo. Pati ang Kuya Rodrigo mo, sa atin pa rin halos umaasa.
SENDANG: Kaya nga hindi naman ako umaasa e. Paano pa ako babalik sa eskwela?Baka
mas matanda pa ako sa titser. Pag nakaluwag daw si Ruben pakukunin niya ako ng
pananahi. Gusto rin naming umasenso, Inay.
Ihihiga uli si Mang Beloy sa papag. Lalayo si Sendang sa ina. Magbobomba uli sa kalang
ayaw magsindi
SENDANG: Kahit na ano ang gawin natin, walang magyayari. Mabubulok na yata tayo rito.
NANA ROSING: Lalapit kay Sendang. Bayaan mo,kakausapin ko ang Kuya mo.
Mula sa labas, tatawag si Nana Ason, may dalang mga damit na binalot sa kumot na
matingkad ang kulay.
NANA ASON: Halos maiyak. Kaahit saan yata kami pumunta, sinusundan kami ng malas.
Ganitong-ganito kami noon sa obrero. Paaalisin daw. Ayaw naming. Isang madaling araw,
bigla na lang may nagsaboy ng gasoline sa isang bahay saka sinindihan. Tupok lahat ng
barungbarong. Pati iyong apo kong dadalawang taon ,sa pagmamadali, akala ko’y yakap-
yakap ko na. ‘Yon pala’y unan ang kalong-kalong ko.
SENDANG: Baka gawin nila ditto ‘yan, kapag nagmatigas tayo. Sa sikip natin ditto, baka
lahat tayo mahurno. Wala pa naming tubig kahit nga kanal, barado.
NANA ASON: Hindi na kami magpapabukas. May pamangkin ako sa Tatalon. Makikisuyo
muna kami hanggang sa makakita ng bagong lugar. Ipinababaklas ko lang iyong bahay. May
ilang yero ding maaaring pakinabangan. Dumaan lang ako para magbayad ng utang. May
kulang pa ako sa inyong kwatro-beinte. Dudukutin sa dibdib ang ibinuhol na panyolitang
may lamang pera.
NANA ASON: Dapat pa nga akong magpasalamat sa dami ng naitulong ninyo sa amin.
Mula sa labas, humahangos na tatawag ang buntis na si Aling Pacing. Sapu-sapo ang tiyan.
NANA ROSING: Nasaan kaya ang batang ‘yun.
NANA ASON: Kanina namataan kong kausap nina Ruben pagawi rito. Akala ko nga nakauwi
na.
NANA ROSING: Wala pa. Hindi pa nga nakapaghahapunan ang batang iyon…
PACING: Mapapasin ang balutan ni Nana Ason. Nagbalot na ba kayo, Nana Ason?
PACING: Mapapaupo. Kung meron lang nga bang mapuntahan..Itong asawa ko kasi, hindi
maasahan.Hayun, sa bahay naghihihilik.
PACING: Sampung santokristo na yata ang ipukpok ko sa dibdib ko tumino lang siya,
balewala pa rin. Umagang-umaga’y umiinom ng syoktong- Hindi naman dating ganoon si
Kuling ko,Nana Rosing, di ba? Tatango si Nana Rosing. Mula lang noong mabagsakan ng
banyera ng isda at mapilay, naging mainitin ang ulo.
PACING: Umiiyak kasi. Ito naming mga kapatid sa halip na pagbigyan yung bunso,
nakikipag-unahan din sa nahingi kong kaning lamig. Naku, Nana Rosing, puputok na yata
ang ulo ko sa problema. Biruin mo, walo ang pakakainin ko araw araw.Bumobungad ka pa
lamang sa pinto, “ Inay gutom na kami”. Wala ka naming maibigay. Bawal na ang mamulot
ng laglag na isda sa pondahan. Ngayon nga, pandekoko ang hinapunan namin.
PACING: Naku, si Kuling ko kapag malagihay na sa gabi, ayaw nang di nag iinit ang sahig.
Naninipa pa kapag umangal ako. Baka magising lang ang mga bata at malaman pa kung ano
ang pinag awayan namin, nakakahiya. Kung minsan tuloy kung anu-ano ang naiisip ko.
NANA ROSING: Ay Pacing, wag kang gagawa ng labis mong ipagsisis sa huli.
PACING: Siguro, hihintayin nalang namin kung ano ang mangyayari. Bahala na kung saan
kami dalhin bukas.
Lalapi si Nana Rosing sa papag.Uupo sa gilid nito. Sa mag susunod na usapan, isa isa silang
papaligid sa papag na parang nag tatanod sanahihimlaay na katawan ni Mang Beloy.
Hahawakan ni Nana Rosing ang tuyot na palad ng asawa nito
NANA ROSING: Kung sa bagay ano ba naman ang ayaw nating maiwan dito sa Baryo
Paraiso?
NANA ROSING: Wala naman talaga tayong maiiwan. Hindi naman paraiso ang baryong ito.
RUBEN: Wala. Nasa pondahan lang ako. Tumutulong kami sa pag-ahon ng Bangka ni Aling
Marina. Napag-usapan ang paglipat bukas. Sabi ko lang, baka hindi tayo lumipat. Linapitan
ako ni Maong sa binigwasan sa nguso sino daw ba ang ipinagma-malaki natin? Hinabol ako
ng barkada nya buti nakatakbo ako.
RUBEN: dahan-dahan…
Pauupuin ni Sendang si Ruben, kukuha ng tentora de yodo at dadampian ang sugat sa sungo.
Patuloy naming mag-uusap sina Duarding.
NANA ASON: Hindi pa ba sapat na tinakpan nila tayo ng mataas na bakod at saka
pinintahan ng kalburo? Tagung-tago naman tayo,a.
RUBEN: Patuya. Labis ang pagmamahal nila sa atin Nana Ason kaya ayaw nila taying
makita ng iba.
MINDA: Noong una, humuhingi tayo ng tulong sa mga opisyal pero di tayo pinakinggan.
Ngayo’y hundi tayo magkaisa dahil pinangakuan nila ang mga taga-looban na hindi sila
isasama sa gagawing paggiba sa ating mga bahay. Tayo na lamang ang taga-labasan ang
dapat kumilos at maging tayo ay di magkasundo.
DUARDING: Iilan lamang tayong naniniwala na di tayo dapat umalis ano man ang
mangyari.
RODRIGO: Ilalagak ko muna ang mag-ina ko sa mga byenan ko sa Blumentritt. Baka kung
mapaano si Dolor.
DUARDING: Bakit? Natatakot k aba kina Maong? Pag natakot ka sa mga yun lalo ka
duduruin.
RODRIGO: Halos isang lingo kaming inulin ng bato, Inay. Ayaw kaming tigilan ni Maong.
Wala tayong laban sa kanila.
NANA ROSING: Kami man natatakot. Pero hindi kami aalis.
RODRIGO: Alam niyo ba kung bakit malaks ang loob nina Maong?Nakita ko noong isang
araw, kausap niya ang mga pulis. Kakampi nila Maong ang mga pulis. Kakutsaba sila para
guluhin tayo hanggang sa umalis.Pati sina Chairman at mga taga-looban, kakampi nila
ngayon dahil hindi sila mapeperhuwisyo.
RUBEN: Akal aba nila’y talagang maliligtas sila sa paglilipat?Kung talagang planong
buwagin ang lugar na ito upang maitayo ang fish port. Di maglalaon ay paaalisin din sila.
Iniisa-isa nila tayo dahil alam nilang kapag sama-sama tayong kumilos ay mahihirapan sila.
RODRIGO: Pero watak-watak tayo! Saan tayo tatakbo kapag ginulo nila? Kanino tayo
magsusumbong?
NANA ROSING: Malumanay ngunit tiyak ang bawat kataga.Hindi sisgaw.Kung lagi tayong
maghahanap ng mapagsasakdalan, lagi tayong tatakbong bahag ang buntot. Hindi nyo ba
nakikita?Ginigulo tayo, nililito, tinatakot upang tayong magkakabayan. Magkakamag-anak,
magkakababata, halos magkakasundong ng bituka’t apdo ay mawala ang tiwala sa isa’t-
isa,magkahati-hati,magkaaway-away. Gagawin ito upang matakot tayo sa ating sarili. At
kung magkagayon, para na rin tayong mga bakang may tali sa ilong at hihilaing lumuluha
papalapit sa kamatayan.
RODRIGO: Pero ano ang laban natin sa kanila? Sandatahan sila at nasa panig nila ang
kapangyarihan.
NANA ROSING: Matagal na nila tayong pinapatay Rodrigo. Nang magtaboy tayo at
malungga sa kapirasong lungaw na ito, unti-unti na tayonng kinikitlan ng buhay. Bago tayo
tuluyang mangalagot, ipakita nating tayo’y mga buhay!
Katahimikan.
RUBEN: Lalapit kay Sendang. Tama si Nana Rosing. Kung padadala tayo sa pangamba,
makikitil tayo nang walang laban.
DUARDING: Oo. Gaya noong ginawa natin sa fishbroker at engkargardo sa pondohan. Nang
iwan naming mga batilyo ang isda, nataranta sila at natuklasan kapag nagsama-sama
kaming maliliit simbigat ng banyera ng isda an gaming lakas.
RUBEN: Noong una, takot tayong lahat sa fishbroker. Takot tayo sa engkargado. Takot tayo
maging sa kahero.
DUARDING: Nang me nadaganan sa atin san g Bangka, hindi tayo kumibo. Ang ama ko,
naipit ng amphibian truck at naparalitiko,wala ring nagalit ni gaputok. Pero ang patalsikin
tayo dito,sobra ha!
Pilit na tatayo ang ama ni Duarding. Uungol. Lalapit sa anak at sisikapin nitong itaas ang
kamay upang hawakan sa bisig si Duarding, tanda ng pagsang-ayon sa ginagawa ng anak.
RUBEN: Paano nga ba ang awit na ginawa natin, Duarding?. Pinalakas noon ang loob natin
nang iharap tayong mga batilyo sa pulis-----
Hindi kapalaran
O tadhana
Ang pagiging aba
Dapat na tuklasin
Ang sanhi at ugat
Ng dantaong hilahil
Ng dantaong hirap!
NANA ROSING: Kay Mang Beloy. Hindi umalis ang anak mo. Hindi umalis.Yayakapin ang
asawa. Sana Beloy, tama ang gagawin nating ito. Sana….
Pamagat: Nana
Talambuhay ng May-akda:
Si Rene Villanueva ay isang manunulat . Kilala siya sa kanyang mga
gawa para sa teatro, telebisyon at sa panitikang pambata.
Nagsimula ang kanyang buhay bilang manunulat sa dulo ng dekada
’70 kung kalian umakda siya ng mga dula, kwentong-pambata at sanaysay. Ginawaran siya
ng Gawad CCP Para sa sining noong 2004 at nahirang siyang Pinkamahusay na Alagad sa
Sining sa 2205 gawag Chanselor sa UP.
Nabibilang si Villanueva sa unang hanay ng mga manunulat na
naisama sa Hall of Fame ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Layunin ng may akda: Layunin nito ang paglalantad sa mga katiwalian sa ating lipunan.
Hindi nito layuning magmungkahi ng solusyon sa problema, bagkus nanghihikayat ito nang
higit na malalim na pag-unawa sa mga problemang bumabalot sa ating pamayanan, ngayon
at maging sa kinabukasan
Mga Tauhan:
Tagpuan:
Baryo Paraiso, isang likhang-isip sa Navotas
Kaisipang moral:
Ang pagkakaisa ng pamilya ay siyang nagpapalakas sa bawat miyembro nito.
Huwag nating baliwalain an gating karapatan sa pamayanan lalo na kung ito’y natatabunan
ng mga katiwalian.