M10 Q3 Final wk3 4 Edited
M10 Q3 Final wk3 4 Edited
M10 Q3 Final wk3 4 Edited
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na magagawa ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. Nakikilala ang
mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal
bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may
awtoridad
b. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad
c. Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at sa pagkilalala sa kanilang awtoridad na
hubugin, bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at
may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito
_______________________________________________________________________________________
Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ito sa patlang.
___ 2. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng
kakayahang magpasakop?”
a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-
uutos.
d. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang
magpasakop at sumunod.
___ 4. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya
para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
___ 5. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
a. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
b. pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya.
c. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at
pagsunod.
d. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
Gawain 2:
Panuto: Sagutin nang TAPAT ang bawat pahayag upang masukat ang kakayahan mong maging magalang at
masunurin sa iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad. Suriin at tayahin ang sariling kakayahan
kung ang mga pahayag ay ginagawa mo Palagi, Madalas, Paminsan-minsan o Hindi Kailanman. Lagyan ng
TSEK (✔) ang iyong sagot batay sa kasalukuyang kalagayan ng iyong kakayahan.
Paminsan- Hindi
Palagi Madalas
Mga Pahayag Minsan Kailanman
(3) (2)
(1) (0)
1.Isinasaalang-alang ko ang kanilang damdamin sa
pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita
at pagkilos.
2. Sa aking pakikipag-usap sa kanila, iniiwasan ko
ang madaliang panghuhusga at pagbibitiw ng
masasakit na salita.
3. Naniniwala akong mahalaga ang aktibong
pakikinig at pag-iwas sa anumang uri ng
diskriminasyon.
4. Kinikilala ko ang kanilang kakayahang matuto,
umunlad at magwasto ng kaniyang pagkakamali.
5. Naniniwala akong mahalaga ang pagpapanatili ng
pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at
pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang
kinabibilangan.
6. Sinusuri kong mabuti ang kanilang kalagayan o
sitwasyon upang makapagbigay ako ng angkop na
tulong bilang pagtugon sa kanilang
pangangailangan.
7. Humihingi ako ng payo sa kanila bilang pagkilala
sa karunungang dulot ng kanilang mayamang
karanasan sa buhay.
8. Ang kanilang mga naranasang pagtitiis at
pagsusumikap sa buhay ay aking hinahangaan at
nagbibigay sa akin ng inspirasyong magpatuloy.
9. Kinikilala ko ang kanilang ginagampanang
tungkulin at mahalagang maibabahagi bilang kasapi
ng pamilya at lipunan.
10. Iginagalang ko pa rin ang aking mga magulang,
nakatatanda, at may awtoridad, kahit na nakikitaan
ko sila ng mga di sinasadyang pagkakamali.
Bilang ng tsek
Gawain 3:
Panuto:
1. Gamit ang talaan, isulat ang tatlong bagay na ipinag-uutos ng iyong magulang, nakatatanda, at may
awtoridad.
2. Batay sa mga utos na iyong isinulat, ano sa palagay mo ang maaaring maging resulta o bunga ng
pagsunod sa mga ito? Punan ang sumusunod na talaan.
3. At kung di susundin ang mga utos na ito, ano sa palagay mo ang maaaring maging resulta o bunga nito?
Punan ang sumusunod na talaan.
Pagpapalalim (Suriin)
Basahin at unawain ang pagpapalalim ng Modyul 10.
Maraming aral ang nagsasabi na igalang ang lahat ng tao, igalang ang mga magulang at
nakatatanda pati na ang mga taong may awtoridad sa lipunan o estado. (Sa Bibliya: I Pedro 2:17; Efeso
6:2; Mateo 15:4; Levitico 19:32; Kawikaan 20:29; Roma 13:7; Sa Koran, 17:23-24; Mga Tinipong Wikain ni
K’ung Fu Tze, 1:2; 2:5-7). Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang
ibig sabihin ay “paglingon o pagtinging muli,” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang paggalang sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.
Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil nagmula ang iyong pag-iral sa magkakasunod at
makasaysayang proseso na mula sa mga ugnayang nauna sa iyong pag-iral. Ang iyong pagkilala at
pakikipag-ugnayan sa iyong mga lolo at lola, mga magulang ng iyong lolo at lola, mga tiyuhin at tiyahin, iba
pang mga kamag-anak at ka-angkan, ang nagpapatunay ng pagiging malayo ng pamilya. Gayunpaman,
malaki pa rin ang impluwensya ng iyong mga ka-angkan sa iyong pagkatao. Hindi ba’t may mga
tinataguriang “angkan ng mga doktor o guro,” “angkan ng matatalino o masisipag” o “lahi ng mga palaaway
o mga basagulero?” Hindi maaaring ipagwalang-bahala ang nagiging implikasyon ng ganitong
pagkakakilanlan sa iyong pamilya at sa iyong pagkatao.
Kung ano ang nakasanayan at palaging nakikita na ginagawa ng mga kasapi ng pamilya, lalo na
ng mga magulang at nakatatanda, ay makakalakihan at makakasanayan ng mga anak. Dahil dito,
naipagpapatuloy ang mga tradisyon ng pamilya na nakatutulong sa pag-unlad, hindi lamang ng bawat
kasapi ng pamilya, pati na rin ang pagkakabuklod-buklod ng mga henerasyon. Kung kaya’t may
pananagutan ang pamilya na bumuo at ingatan ang mga magagandang tradisyong nakalakihan at
nakasanayan ng mga kasapi nito.
Kung naging maayos ang paghubog sa mga naunang taon ng iyong buhay, mauunawaan mo ang
kahalagahan ng marapat na paggalang at pagsunod, dahil sa pagkilala mo sa pamilya bilang hiwaga,
halaga at presensiya.
Gawain 4
Panuto: Pagkatapos mong magkaroon ng mas malalim na kaalaman at pag-unawa sa mga konsepto ng
paggalang at pagsunod, pag-isipan at sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit nararapat na igalang at sundin ang mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Bakit nagsisimula sa pamilya ang pagkilala at pagtuturo ng mga birtud ng paggalang at pagsunod?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Gawain 5
Panuto: Pagkatapos ng aralin, anong mahalagang konsepto ang iyong naunawaan? Punan ang graphic
organizer.
Gawain 6
Panuto: Basahin ang liham at sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos.
Mahal kong Anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan, kapag dala ng kalabuan ng mata ay
nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda; naaawa ako sa sarili ko sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana
akong sabihang bingi. Pakiulit na lang ang sasabihin mo o pakisulat na lang.
Pagpasensyahan mo na rin ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong
piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana
akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtitiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama
kapag ayaw mong maligo.
Pasensiya ka na anak, matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo
sana ako at tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako ay nagiging makulit, paulit-ulit at parang sirang plaka. Basta
pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtawanan o pagsawaang pakinggan.
Natatandaan mo ba anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang
kakulitan mo.
Anak, huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na Lumikha, ibubulong ko sa
Kaniya na pagpalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina … Maraming salamat
sa iyo, Anak.
Nagmamahal,
Nanay at Tatay
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong basahin ang sulat? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Anu-ano ang iyong mga reyalisasyon? Ayon sa liham na iyong isasabuhay?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Gawain 7:
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ito sa patlang.
___ 1. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
a.pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
b.pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya.
c. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.
d.pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
___ 2. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa
___ 3. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng
kakayahang magpasakop?”
a.Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
b.Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa ipinag-uutos.
d.May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang
magpasakop at sumunod.
___ 4. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng ____________.
a.pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan. c. pagbibigay ng halaga sa isang tao.
b.pakikipag-ugnayan sa taong nakakahalubilo. d. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
___ 5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
a. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya. c. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
b. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya. d. Naiingatan nito ang pamilya sa panganib.
___ 6. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga
anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang
maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas
mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng ________:
a. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
b. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone kung nasa malayong lugar.
c. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
d. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
___7. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga
magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid.
Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-
aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya
ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin
ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
a. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
b. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila
ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
c. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa
mga natuklasang dahilan.
d. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya
nang walang pagtatangi.
___8. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa
dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay
magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
a. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano
ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay
nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung
hindi naman ikaw ang naapektuhan.
d. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na
ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.
___9. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng
isang bata, ang bata ay __________:
a. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang.
b. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.
c. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.
d. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang.
___10. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging
lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang
pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos
ni Jay ay nagpapakita ng ____________:
a. katarungan b. kasipagan c. pagpapasakop d. pagsunod