Komunikasyon Week 1 2
Komunikasyon Week 1 2
Komunikasyon Week 1 2
PANIMULA:
Bakit kinkailangang pag-aralan ang pinagmulan ng ating wika? Gaano nga ba ito kahalaga?
Pahina| 1
Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika
Saklaw ng Modyul:
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:
Aralin Pamagat Target na Kompetensi Core Values Sesyon
blg.
1 Mga Konseptong Natutukoy ang mga Pagpapahalaga sa wika
Pangwika konseptong pangwika Parespeto sa kaibahan ng ating
1. Wika Naipapahayag ang ginagamit na wika.
2. Wikang kahalagahan ng wika Pagrespeto sa kultura at
Pambansa sa ating pang-araw- paniniwala ng iba. 10 Sesyon
3. Wikang araw na Maayos na pakikipag-ugnayan sa
Panturo komunikasyon. kapwa tao.
4. Wikang Nauuunawaan ang
Opisyal konsepto, elementong
cultural, kasaysayan,
at gamit ng wika sa
ating lipunan.
Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
Pamanatayng Pagganap:
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling
komunidad
Sanggunian:
https://www.liveworksheets.com/pq1217812of
Aklat : Komunikasyon sa Akademikong Pilipino
Gedoriolerma.blogspot.com
Sipi mula sa introduksyon ng wika sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Komunikasyonnat Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Batayng Aklat sa Filipino para sa Senior High School
Ni Felina P. Espique, PhD
Inaasahang Kasanayan::
1. Manawaan ang kahalagahn ng wika sa pang-araw-araw na Gawain ng bawat tao.
2. Matukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
3. Mabigyang kasagutan ang mga kahingian sa kabuuan.
DAY 1-6
Panimulang Pagtataya
__________________________________________________________________________________________________
Bago natin simulan ang ating talakayan, gawin muna ang nakatalagang pangunahing
gawain na nasa ibaba.
Gawain 1
Panuto: Piliin ang titik na tumutukoy sa uri ng antas ng wika na nasasalungguhitan sa bawat pangungusap Isulat ang
iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
A. Balbal ` B. Kolokyal
C. Pambansa D. Lalawiganin
E. Mampanitikan
PAGTUKLAS
Ang wika, isa sa mga mahahalagang instrumento ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan ay nabigyang depinisyon o
kahulugan ng iba’t ibang mga manunulat. Ang mga kahulugang ito ay naipakilala sa inyong mga asignatura sa mas
mababang antas ng iyong pag-aaral.
Sa paksang ito, ipinakikilala ang konsepto ng wika, wikang pambansa, wikang panturo, at wikang opsiyal para sa
pagkilala at pang-unawa nito sa lipunang Pilipino.
Ang Papel ng Wika
Makabuluhan ang papel ng wika sa anumang lipunan. Sa kasaysayan ng Pilipinas, mahalaga ang naging gampanin ng
paggamit ng wika ng mga iba’t ibang sektor para sa pagsasakatuparan ng kanilang mga gawain sa araw-araw. Ang wika
na binigyang kahulugan ni Tumangan (1997) bilang isang paraan ng pananagisag o pagbibigay ng kahulugan upang
makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng ibang tao ay nagpapakilala lamang na ang wika ay may malaking
papel sa lipunang napagkakaunawaan.
Ayon kay Whitehead, ang wika ay nagpakilala sa kabuuan ng kaisipan ng mga taong lumikha nito. Nangangahulugan
na ito ay sumasalamin sa anumang nagawa at ginagawa ng isang pangkat ng taong gumamit nito. Ayon kay Carlyle(n.d.),
ito ay gumaganap bilang saplot ng kaisipan o mas angkop na sabihing saplot kalamnan, ng katawan, at ng pag-iisip.
Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na tinatawag na ponema. Ang pag-aaral ng ponema ay tinatawag na
ponolohiya. Ang ponemang pinasama-sama para makabuo ng maliliit na yunit ng salita ay tinatawag na morpema.
Ang pag-aaral sa mga morpema ay tinatawag na morpolohiya. Sa wikang Filipino ang mga morpema ay maaaring
isang salitang-ugat , panlapi, at morpemang ponema. Sa pagsama-sama sa mga morpema, nakakabuo tayo ng mga
salita. Ang pag-uugnay sa mga salitang ito ay nakakabuo naman ng isang pangungusap. Sa pag-aaral sa masistemang
balangkas ng wika, tinatawag na makaagham ang pag-aaral sa mga pangungusap ng sintaks. Sa pakikipagpalitan ng
mga pangungusap sa pagitan ng mga tao, nagkakaroon tayo ng diskors. Ang pag-aaral sa diskors ay maaari rin gawin
katulad ng pagsusuri sa mga diskursong nagaganap sa loob ng isang pagpupulong.
Balangkas ng Wika
2. Teoryang Bow-wow
Sinasabing sa teroyang ito ginagad ng tao ang mga tunog mula sa kalikasan o hayop at binigyan nila ng mga
ngalan o taguri ang mga ito.
Halimbawa:
ihip ng hangin
Dagundong na kulog
Lagaslas ng dahon
Twit-twit na ibon
Bow-wow na aso
Tiktilaok na manok
3. Teoryang Dingdong
Sa teoryang ito, sinasabing ang lahat ng kapaligiran ay maya sariling tunog na kumakatawan dito.
Halimbawa :
Klang-klang ng kampana
Tsug-tsug ng tren
Langingit ng pinto
Tik-tak ng orasan
5. Teoryang Pooh-pooh
Sinasabi sa teroyang ito na dahil ang tao ay may taglay na damdamin at kapag nasapol ang damdaming ito,
nakapagbulalas siya ng mga salita kaakibat ng nararamdamang tuwa, lungkot , takot, pagkabigla, at iba pang -uri ng
damdamin.
Halimbawa:
Wow ! (kapag nasisiyahan o natutuwa)
Naku po! ( kapag natatakot)
Aray! ( kapag nasasaktan)
Naks! (kapag humahanga)
6. Teoryang Yo-he-ho
Teoryang nagsasaad na ang tao ay bumabanggit ng mga salita kapag siya’y gumagamit ng pisikal na lakas. May
mga salita, tunog o ekspresyon na nasasambit ang tao kapat nagbubuhat ng mabibigat na bagay sa pag-eehersisyo, sa
pagluluwal ng sanggol, at sa mga kompetisyong pampalakasan.
7. Teoryang Ta-ta
Ang ta-ta ay paalam sa o “goodbye” sa Pranses na binibigkas ng dila nang pababa-pataas katulad ng pagkampay ng
kamay. Ang teoryang ito ay nagsasabing ang kumpas o galaw ng kamay ay kanyang ginagawa upang magpaalam.
8. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ang pakilos, pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga sinaunang tao bilang partisipant /gumaganap sa mga festival,
selebrasyon, ritwal o okasyon tulad ng pakikidigma,pagtatanim, pag-ani, pangingisda, pagpapakasal, paghahandog o pag-
aalay ay lumilikha ng mga tunog at pag-usal ng mga salita sa kalauna’y binigyan ng kahulugan ng mga ito.
Ang Wikang Pambansa ay isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng
isang bansa. Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit
sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa. Ayon sa Saligang Batas ng Biak na Bato -
Ang Tagalog ang magiging opisyal na Wika ng Pilipinas.
Sa pagpili ng wikang pambansa, ang Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 ay nagsasaad na "Ang Kongreso ay
gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na
umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng
gagamiting mga wikang opisyal".
May Walong Pangunahing Wika sa Bansa ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Samar-Leyte o Waray,
Pampango o Kapampangan, at Pangasinan o Pangalatok. Ang Suriang Wikang Pambansa (SWP) ay itinatag noong
Pahina| 5
Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika
Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang As emblea). Pinili ang Tagalog
bilang batayan ng bagong pambansang wika at ipirinoklama ito ng Pangulong Quezon. Pinili ang Tagalog bilang Wikang
Pambansa dahil ito ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi
ng wikang ito. Ayon sa Saligang Batas ng 1973 - Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging Filipino
.
Ang Wikang Panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wika ng talakayang guro-
mag- aaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase. Ito ang
wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan. Sa pangkalahatan ay Filipino at Ingles ang mga
opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. Sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga
mag- aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Ayon kay DepED Secretary
Brother Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay
makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-
kultural”. Sa Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988), idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang
19 ng Agosto kada taon. Sa Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957), idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang
buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika. Ang Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996) ay
nagtadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED.
Ang Wikang Opisyal ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga
bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa,
bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. Bago
maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka-karapatdapat na
wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa
pamamagitan ng pagsaalang- alang ng ibat' ibang salik. Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana
ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na
wika simula Hulyo 4, 1946. Ayon sa Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3), “Hangga’t walang ibang itinatadhana
ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.”, Ayon naman sa Kasalukuyang Konstitusyon
(Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7), “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol
sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.
Aklat : Komunikasyon sa Akademikong
Pilipino
Gedoriolerma.blogspot.com
Karagdagang Kaalaman
Mga Probisyong Pangwika Saligang Batas
Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) - Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.
Saligang Batas ng 1935 -Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang
Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.
Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na
adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawagingFilipino.
Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA
SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
Pahina| 6
Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika
magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic, at Kastila.
SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t-
ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
DAY 7
PAGLINANG
Ang layunin natin sa gawaing ito ay upang mas mapalalim ang iyong kaalam tungkol sa iba’t ibang teorya
ng wika
Pahina| 7
Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika
Gawain 2
Panuto:: Pagkatapos basahin at unawin ang mha teorya g wika, gwain ang gawin 2 na nasa ibaba.
Magbigay ng mga tigdadalawang halimbawa ng mga sumusunod na mga teorya:
Teoryang Bow-wow
Teoryang Dingdong
Teoryang Pooh-pooh
Teoryang Yo-he-ho
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
DAY 8-9
PAGPAPALALIM
GAWAIN 3
Panuto: Para mapalalim ang iyong kalaaman sa papel ng wika sa lipunan, sagutin ng unang gawain . Isulat sa unang
hanay ang letra ng konsepto ng wika mula sa Hanay B na inilalarawan sa mga aytem sa Hanay A.
Pahina| 8
Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika
11. Nauunang ipinakilala sa pag-aaral ng wika ang mga ponema baago ang
morpema, sintaks, at diskors.
12. Ang mga ponema ay nailalarawan sa pamamagitan ng posisyon ng dila
at sa paraan ng pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas.
13. Ang tamang pag-oorganisa sa mga sinasabi ay mahalaga para sa
epektibong pakikipagtalastasan.
14. Ang salitang “caňao” ay walang katumbas na kahulugan sa iba pang
wika sa Pilipinas.
15. Ang mga wikang hindi na ginagamit ay unti-unting nawawala at
tuluyang namamatay.
DAY 10
PAGTATAYA:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong hinggil sa kasaysayan ng Wikang Pambansa. ( Maaaring magsaliksik sa
internet ng mga sagot.)
________________________ 1. Ang tinaguring Ama ng Wikang Pambansa.
_________________________2. Ang tawag sa komisyong nararapat itatag ng kongreso na magsasagawa ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad ng Filipino at iba pang mga rehiyunal na wika sa
bansa.
_________________________3. Ang wikang batayan ng wikang pambansa.
_________________________4. Probisyon sa Konstitusyong 1987 na nagtatakda sa wikang Filipino bilang wikang
pambansa.
_________________________5. Ito ang ginamit na wika noong Panahon ng Propaganda.
_________________________6. Ilang letra sa alpabetong Romano na ipinalit ng mga Espanyol sa Baybayin?
_________________________7. Ang kautusang militar na nagtatakda sa Tagalog at wikang Hapon bilang opisyal na
wika ng Pilipinas
_________________________8. Petsa na kung kailan ipinroklama ang tagalog bilang wikang pambansa.
_________________________9. Petsa kung kailan naging Pilipino ang pangalan ng ating wikang pambansa.
_________________________10. Ang kalihim ng edukasyon, Kultura, at Palakasan na nagpalabas ng kautusang
pangkagawaran na tumutukoy sa paggamit ng katagang “ Filipino” sa pagtukoy
wikang pambansa.
SARILING PAGTATAYA:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung naisakatuparan at natutuhan mo mula sa aralin ang mga sumusunod:
Pahina| 9
Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika
Naipapahayag ko ang
kahalagahan ng wika sa
ating pang-araw-araw na
komunikasyon.
Nauuunawaan ko ang
konsepto, elementong
cultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa ating
lipunan.
Pahina| 10
Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika