Character Formation Chapter 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Module 2

CHAPTER 2: Filipino Traits and Characteristics

Introduction

Filipinos are one of the bests in world. Although they have been
colonized by several countries, a core value from their ancestors remained
intact and is still applied to this time. Filipinos are not perfect, but they
have great characteristics and qualities every one of us must be proud of.

Learning outcome:

At the end of the topic, the students will be able to:

• Discuss well – Known Positive and Negative Traits and Attitudes of


Filipino.
• Identify and discuss the Four (4) Filipino Core Values
• Enumerate the four (4) main obligations underlying Filipino Core
Values

Learning content:

2.1. The Most Well- Known Traits and Attitude of the Filipino
2.1.1. Positive Traits
2.1.2. Negative Traits
2.2. Filipino Core Values
2.3. Four Main Obligations Underlying Filipino Core Values

2.1. The Most Well- Known Traits and Attitude of the Filipino

2.1.1. POSITIVE TRAITS

1. God-Fearing –
Filipinos are known to be God-fearing citizens. Perhaps
this is the secret why Filipinos, they say, can handle anything
that will be thrown unto them. Disaster, tragedy, challenges,
problems, trials or difficulties can be handled by Filipinos still
with smile in their faces because they never lose faith that the
Almighty will guide them throughout their undertakings. (sana
all faithful =)
Pero kidding aside, panalangin at tiwala sa Diyos ang susi
sa pagkamit mo ng iyong mga pangarap na alam ko namang
handa mong samahan ng sakripisyo at pagsusumikap. Tiwala
lang! kaya mo yan kapatid! kasama mo ang Diyos!)

1
2. Hospitality –
Hospitality is a trait displayed by every Filipino,
characterized by heart-warming generosity and friendliness
exhibited to foreigners and local alike.
(Yung kahit hindi ka sure anung pakay niya sa pagpasok
sa buhay mo, susugal ka kasi nga Filipino ka, hospitable ka
mahirap sayo na tumanggi kaya buong puso tayong
tumatanggap ng bisita. Maaring sila ay dumalaw lang o
maaring sila ay mag-stay pero kahit anu pa man ang
kahihinatnan, at least wala silang masasabi sapagkat tinanggap
natin silla ng maayos at bukal sa ating puso. Uulitin ko, ang
mga bagay-bagay na ginagawa mo ay hindi tungkol sa ibang
tao, tungkol to sa’yo. Huwag kalimutang magpakabuti!)
3. Respect –
This is often observed not just by younger people-but
also by people of all ages. In the Philippines, respect for one’s
elders is a tradition but every Filipino is reminded to respect
his/her fellowmen regardless of age.
Sa pilipinas lang may tawag sa lahat. Sa ibang bansa,
kung mas bata tatawagin nila sa pangalan pero dito sa pilipinas
ading, pate, nene, balong, bunso at kung anu-ano pa basta ang
point hindi pwedeng tawagin lang sa pangalan kahit nga yung
nagtitinda ng buko sa kalye nung first date niyo ang tawag mo
manong ee. Respeto sa lahat ng taong nakapaligid sa’yo ang
pinakakadahilanan kung paano mo makakamit ito. Subalit ang
unang hakbang sa pegrespeto sa kapwa ay ang pagrespeto sa
sarili. Pagkatiwalaan ang lahat ng iyong mga hakbangin upang
mapagbuti ang sarili at mapagdalubhasaan ang disiplinang
ninanais
4. Strong Family Ties and Religion –
Filipinos value their families so much that they tend to
keep families intact through the generations.
Blood is thicker than water sabi nga. Naalala mo nung
unang pinakilala mo siya sa pamilya mo tapos nung tinanung
niya anung sabi ng family mo ang sagot mo break na tayo
insan. Kasi kahit anung mangyari, ang pamilya mo ang tutulong
sa’yo at wala kang ibang choice kundi ang tanggapin sila. Oo
kasama ang ate mong hindi marunong maghugas ng plato
ngayong quarantine at least may kuya ka namang sumasagot
ng module mo. Sila ang pinakamagandang inspirasyon upang
makamit ang iyong mga hangarin. Ialay ang sakripisyo at
pangarap sa mga taong itinuturing nating pamilya at unti unti
nating makikita na imbes na reklamo hinggil sa panibagong
paraan ng pagkatuto ang ating pinagtutuunan ng pasin ay
maisisiwalat natin ang mga salitang “sige pa, kakayanin basta
para sa pamilya at sa mahal sa buhay!”

2
5. Generosity and Helpfulness-
Aside from being hospitable, Filipinos are also well known
from being generous. They share what they have to the people
around them even when they only have little.
Hindi naman masamang humingi ng tulong kung talagang
hindi mo na kaya at kung may tumulong sa’yo magpasalamat
ka dahil hindi mo yun kayang bayaran ng kahit ano. Tatanawin
mong malaking utang na loob sa ate mo ang pagtulong niya sa
pagsagot ng module mo. Pero hindi yun ang dahilan bakit ka
niya tinutulungan bagkus ang wagas na pagmamahal ang
naguudyok sa taong magbigay at ang busilak at tapat na
kalooban ang nagtutulak sa taong tumulong.
6. Strong Work Ethics -
Another good thing most Filipinos have is being
hardworking people. They are always willing to work almost the
whole day to provide the needs of their families.
Ngayong nag-aaral ka pa lang, iisa lang ang trabahong
inaasahan sa’yo; ang seryosohin at paghusayan ang pag-aaral
mo. Maging masigasig at pagsikapan ang iyong matayog na
pangarap. Sapagkat ang pangarap na ito ay hindi lamang sa iyo
ngunit mas higit para sa mga taong nagtratrabaho para
suportahan at ipagkaloob ang iyong kagustuhan. Nawa ang
mga sakripisyong ito ay hindi masayang sapagkat ako mismo
ang saksi sa pagsusumikap mo! Mabuhay ka!
7. Loving and Caring-
Because of their generosity, hospitality and religiosity,
Filipinos are found to be the sweetest and most loving people
in the world.
At kung sa tingin mo ay dapat kong isabuhay ang nasa
module na ito, ito ang patunay ng aking pagiging Filipino. Nag-
aalala ako para sa iyo at hindi ko kalian man gagawing rason
ang pandemyang ito upang hindi ka matuto. Ikaw ay mahalaga
sapagkat ang bawat isang estudyante ay may natatanging
puwang sa puso ng isang gurong katulad ko. Hayaan mong ito
ang magpa-alala sa iyo na hindi ka nag-iisa sa pagtahak ng
panibagong hakbanging ito. Kakayanin natin ito sa ngalan ng
pagmamahal sa pagkatuto!

2.1.2. NEGATIVE TRAITS

1. Fatalism- when Filipinos are facing difficulties and shortcomings


they have this attitude of leaving it up to God to sort
things out.
Hindi kailanaman naging epektibong paraan ang
pagsasabi ng bahala ka na Lord sa kahit anong
hakbangin. Matutong manampalataya na may kaabikat na

3
paggawa upang makamit ang matagal nang
ipinapanalangin.

2. Crab Mentality- this is an attitude of some Filipinos where they tend to


push each other down to clear the way for their
own gain.
Isang malungkot na katotohanang kailangang
tanggapin sapagkat ito ay nakaukit na sa sistemang ating
kinagisnan. Ang maari na lamang takbuhan ay ang
kasiguruhang ang punong mabunga ang siyang pinupukol
kaya’t dapat magdiwang at magpasalamat kapag pilit
kang hinihila pababa sapagkat ito lamang ay patunay na
mas nakaaangat ka! Ipagpatuloy mo! Magsumikap ka!
Siguraduhin mo lamang na nariyan ka ngayon sa iyong
kinalalagyan ng walang tinatapakang kapwa!
3. Ningas Cogon- most of the Filipinos are very good at the start
when doing something. Nevertheless, after a few hours or
days. That excitement to accomplish something is lost
and s/he become too lazy to finish what has been started.
Ang apoy na mabilisang nasilaban ay mabilisan ding
maaapula. At ano ang silbi ng bagang sa umpisa lamang
marikit at kapag naglao’y kakailanganin mong magsindi
ng panibago ulit? Ito ay katulad ng pagtupad mo sa iyong
pangarap. Hindi maaring madalian lamang lahat.
Paghirapan mo, pagsumikapan mo, pag-alayan mo ng
pawis at maging ng iyong dugo. Dahil kung dumating sa
puntong nakamit mo na ito, hinding hindi mo ito
pakakawalan at sasayangin sapagkat ang alab sa iyong
puso ay di kalian man maapula at manlalamig.
4. Tardiness- referring to persons that we are waiting or who keeps on
coming late to the set time schedule of events. It brings
negative impression to our people.
At anu ang silbi ng sipag at tyaga kung ito naman
na ay huli? May panahon pa! hindi pa huli ang lahat! May
pagkakataon pang baguhin ang kinagisnang gawi na
imbis na umpisahan ang mga nakatakdang gawain ay
uunahing maghimutok ng reklamo at ulit uliting
ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ay pagod! Na ikaw
ay hindi Robot! Na ikaw ay hindi dapat trinatratong
hamak na tagapagsunod! Puwes kung hindi mo
nalalaman hayaan mong ako ang magpaalam. Hindi lang
ikaw ang nakararanas niyan! Lahat din ng iyong kamag-
aral pagod. Lahat din ng nakaenroll ngayong sem feeling
nila sila ay mga hamak na tagapagsunod lamang at
pinipilit lang matapos ang module at hindi naman
natututo. Mayroon lang isang kaibahan. Sila kahit pagod,

4
sila kahit pilit, sila kahit hirap nagsusumikap na
makipagsabayan sa panibagong hamon nang walang oras
na sinasayang. Hindi sila kasing OA mo na bawat module
imamyday mo kasi masakit mang isipin at tanggapin,
hindi sila interesado sa araw mo. Kasi pati sila may
module na kailangang tapusin tulad sa’yo. Hindi pa huli
ang lahat. Umpisahan ang tungkulin. Umpisahan ang mga
gawain. Umpisahan ang unti-unting pagkamit sa
pangarap!

5. Disobedience to Simple Rules and Instructions- some Filipinos,


despite of the understanding of the purpose of laws and
ordinances have inability to observed and follow them.
Bakit kailangan ulit-ulitin ang instructions bago
tuluyang isagawa? Sadya bang mahirap intindihin o ayaw
lang tanggapin sapagkat hindi ito ang nakagisnan kaya
nga naman sadyang napakahirap mag-umpisa?
Ngayon na din ang tamang pagkakataon upang
tuluyang tanggapin at intindihin na ang mga alintuntunin
ay mga gabay upang maisagawa ng maayos ang mga
nakatakdang aralin. Ang simpleng pagsunod sa mga ito
ang siyang magiging unang hakbangin palapit sa ating
inaasam na diploma, lisensya at disiplina. “Comply before
you complain! Shut up, work hard and get that license”
6. Living beyond their means- one of the reasons why a lot of Filipinos
live in poverty is because of overspending.
Since, most people want to live an elite
lifestyle, many resort to social climbing or
living beyond their means.
Ang pamumuhay ng matiwasay at masagana ay
bunga ng pagsusumikap at pagtitiyaga. Isang
pamumuhay na hindi malabong mapasaiyo sapagkat batid
ko ang iyong pagpupursige dala ng iyong kagustuhang
makamit ang mga ito. Subalit hayaan mong paalalahanan
kita habang ikaw ay nasa iyong personal na pagtahak ng
daan patungo sa iyong pangarap.
Ang mga taong makasasalamuha mo sa daan ay
mga kapwa mo manlalakbay at hindi kailanman
kailangang tignan na kakompitensya at kalaban. Ito ay
nais kong ipagdiinan sapagkat dapat mong malaman na
mayroong mauuna at mas makaangat sa iyo – hindi mo
sila dapat kaiinggitan. Mayroon din namang mas
mahuhuli kaysa sa pag-usad mo – hindi mo dapat sila
tawanan at pagmataasan gayun din na hindi mo sila
dapat kaawaan. Bagkus ang kailangan mong pagtuunan

5
ng pansin ay kung nasaan kana. Kung ano ang mayroon
sa iyo at hindi kung ano ang meron sa iba na wala ka o
anu ang meron ka na wala sila. Uulitin ko. Hindi ito
tungkol sa kanila. Tungkol ito sa iyo. Gamitin mo ang
lahat ng mayroon ka, ang kasalukuyang kinatatayuan mo,
ang kasalukuyang situwasyon mo upang makamit mo ang
niananais mo. Huwag mong nasain ang wala sa iyo
sapagkat kakaawaan mo lang ang sarili mo na siyang
maguudyok sa’yo na humiram ng higit sa kaya mong
ibalik kaya malulugmok ka at maibabaon. Huwag mo ding
ipagmayabang kung anu ang meron ka sapagkat ito ay
pipilitin nilang kunin sa iyo na siya namang magdudulot
ng pagkawala ng kakaramput na nasa iyo.
Samakatuwid, gamitin ang lahat ng iyong
pinakaiingatang ari-arian, lakas, talento, kakayahan,
talino at oras upang makamit ang iyong pinakaaasam na
pangarap. Isang pamumuhay na may pagkakuntento sa
kung anu ang iyong nakamtan sapagkat ang
pagkakuntento sa buhay ang sikreto sa pagkamit ng
kasiyahan. Ipinapanalangin ko ang iyong tunay na
kasiyahan kaibigan!

2.2. Filipino Core Values

2.2.1. Maka-Diyos
2.2.2. Maka-Tao
2.2.3. Maka-bayan
2.2.4. Maka-kalikasan

2.3. Four (4) Main Obligations underlying Filipino Core


Values

2.3.1. PANANAMPALATAYA –
Filipinos, well-known to be people of great
faith in a supreme being (even before colonizers
came, we already have our established faith and
belief systems) continue to strive very hard to live
life in accordance the will of the Divine or in
consistency to the teachings of our faith. However,
like the abovementioned statement regarding
fatalism, we also tend to rely too much in our faith
often times forgetting that a faith without action is
dead faith (dasal ka ng dasal na magkajowa ka
kung may ipapakilala naman sa’yo ayaw mo?
Sisisihin mo ngayon? Ang Diyos? Ang gobyerno?
Ikaw ang dapat sisishin…malala ka na. Pero kidding

6
aside, kapit lang, tiwala lang, dasal lang, kaya mo
yan!)

2.3.2. PAKIKIRAMAY/PAKIKISAMA/PAKIKIPAGKAPW
A–
Filipinos are very well-known to be people of
good relations. Whether it is with our family,
relatives, friends, acquaintances or even strangers,
we are well known to do our social responsibility of
helping and living harmoniously with others. This is
a trait unique in being a Filipino; a trait which in
spite of being good is sometimes misunderstood
and therefore misused leading others into harm
rather than to each individual’s betterment (bad
influence ka kung sinasama mo sila sa kalokohan.
Kill-joy/Walang pakisama ka naman kung hindi ka
sumama. Ano nga ba talaga? Subalit Malabo man
kung kanino tayo dapat sumama. Isa lang ang
malinaw: sasamahan kita sa laban para sa iyong
pangarap. Walang ISUdyanteng maiiwan!)

2.3.3. BAYANIHAN –
Whilst it is true that Filipinos are known for
being resilient (Filipino lang ang malakas at
matibay) we are always confronted on what are the
ways in showing and becoming makabayan? At
times that we are not in war, we are always asked
on how to live the last lines of the Lupang Hinirang
saying that we have to die for the Philippines.
Though death is not necessary, (walang pwedeng
mamatay para sa’yo…ikaw lang mamatay para sa
sarili mo…huwag kang maniwala sa mga nanliligaw
na nagsasabing mamatay kung wala ka =)) To live
for the country is another thing to talk about. How
to live for the country in the spirit of bayanihan? We
help each other: buy local, love local. Travel local
(May pa Singapore na nalalaman pero ang Mayon,
nasa Naga nga ba talaga?) Live local. We should
stop the wrong connotation that local products are
of low quality and we should stop believing that all
imported things are of better quality (yung corona
virus imported natuwa ka ba?)
Pero seryoso, ang pag-aaral ng mabuti at ang
pagsusumikap sa pagkamit ng pangarap ang siyang
pinakamabuting gawin sa kasalukuyan (habang
tayo’y nag-aaral pa lamang) upang maipakita ang

7
pagiging makabayan sapagkat sa ganitong paraan
ating mapatutunayan na handa tayong maging pag-
asa ng ating kinabukasan at maging
kapakipakinabang na kasapi ng lipunan)

2.3.4. PAKIKIPAMUHAY (CO-EXISTENCE)


Being Makakalikasan doesn’t only require us
to join the SK tree planting activities (may SK
kayo?) or do the reuse, reduce, recycle (luma na
yan). Being makakalikasan challenges us to co-exist
with the earth. Pakikipamuhay sa sanlibutan
kabilang ang kalikasan. We have to live a
harmonious relationship with it (sana all may
karelasyon). We should not look at it as something
that we can use and abuse but instead we should
treat it as something we cannot live without
therefore we should take care of it. (hindi mo siya
mahal dahil kailangan mo siya pero kailangan mo
siya kasi mahal mo siya)!

Learning Task 2:

Post the following requirements in our GC due on Friday until 5 PM

1. Take a picture of someone (isang tao lang! kung madami sometwo


dapat yan) whom you believe to be a GOOD FILIPINO (so walang
bad traits na ilalagay good traits lang) and (caption sa baba ng
picture) explain the traits (madami – may “S”) that he/she possess
making him/her worthy to be called one.
2. Take a photo of things around your community showing negative
traits of Filipinos and (caption sa baba ng picture) explain why you
said so
N.B.
Dalawang picture sa bawat tao:
Isa para sa positive traits (marami, hindi isa lang) at yung tao
(isang tao lang) na nagpopossess ng traits na yon
At yung isa ay yung negative Filipino traits sa community.
Kung may tanong mag pi-em sakin ng mas maaga bawal mag-
pm ng alas dose ng hating gabi parang awa niyo na!
See you when it’s safe! Good luck in reaching for that degree! Go and get
that License!

References:
 https://www.wattpad.com/19719649-philippine-history-filipino-
traits-and

8
 https://www.slideshare.net/12071989/filipino-traits-and-
characteristics-30717747
 https://www.wattpad.com/19719649-philippine-history-filipino-
traits-and
 https://owlcation.com/social-sciences/Filipino-Traits-and-
Characteristics
 https://en.wikipedia.org/wiki/Filipino_values
 https://www.slideshare.net/12071989/filipino-traits-and-
characteristics-30717747

You might also like