CFLM 1 Midterm 1st Notes
CFLM 1 Midterm 1st Notes
CFLM 1 Midterm 1st Notes
Introduction
Filipinos are one of the best in the world. Although several countries have colonized them, a core value from their ancestors
remained intact and is still applied to this time. Filipinos are not perfect, but they have great characteristics and qualities
every one of us must be proud of.
Learning outcome:
1. POSITIVE TRAITS
1. God-Fearing –
Filipinos are known to be God-fearing citizens. Perhaps this is the secret to why Filipinos,
they say, can handle anything that will be thrown at them. Disasters, tragedies, challenges,
problems, trials, or difficulties can be handled by Filipinos still with smiles on their faces
because they never lose faith that the Almighty will guide them throughout their
undertakings. (Sana all faithful)
Pero kidding aside, panalangin at tiwala sa Diyos ang susi sa pagkamit mo ng iyong mga
pangarap na alam ko namang handa mong samahan ng sakripisyo at pagsusumikap. Tiwala
lang! kaya mo yan kapatid! kasama mo ang Diyos!)
2. Hospitality –
Hospitality is a trait displayed by every Filipino, characterized by heart-warming generosity
and friendliness exhibited to foreigners and locals alike.
(Yung kahit hindi ka sure anung pakay niya sa pagpasok sa buhay mo, susugal ka kasi nga
Filipino ka, hospitable ka mahirap sayo na tumanggi kaya buong puso tayong tumatanggap
ng bisita. Maaring sila ay dumalaw lang o maaring sila ay mag-stay pero kahit anu pa man
ang kahihinatnan, at least wala silang masasabi sapagkat tinanggap natin silla ng maayos at
bukal sa ating puso. Uulitin ko, ang mga bagay-bagay na ginagawa mo ay hindi tungkol sa
ibang tao, tungkol to sa’yo. Huwag kalimutang magpakabuti!)
3. Respect –
This is often observed not just by younger people but also by people of all ages. In the
Philippines, respect for one’s elders is a tradition but every Filipino is reminded to respect
his/her fellowmen regardless of age.
Sa pilipinas lang may tawag sa lahat. Sa ibang bansa, kung mas bata tatawagin nila sa
pangalan pero dito sa pilipinas ading, pate, nene, balong, bunso at kung anu-ano pa basta
ang point hindi pwedeng tawagin lang sa pangalan kahit nga yung nagtitinda ng buko sa
kalye nung first date niyo ang tawag mo manong ee. Respeto sa lahat ng taong nakapaligid
sa’yo ang pinakakadahilanan kung paano mo makakamit ito. Subalit ang unang hakbang sa
pegrespeto sa kapwa ay ang pagrespeto sa sarili. Pagkatiwalaan ang lahat ng iyong mga
hakbangin upang mapagbuti ang sarili at mapagdalubhasaan ang disiplinang ninanais
4. Strong Family Ties and Religion –
Filipinos value their families so much that they tend to keep families intact through the
generations.
Blood is thicker than water sabi nga. Naalala mo nung unang pinakilala mo siya sa pamilya
mo tapos nung tinanung niya anung sabi ng family mo ang sagot mo break na tayo insan.
Kasi kahit anung mangyari, ang pamilya mo ang tutulong sa’yo at wala kang ibang choice
kundi ang tanggapin sila. Oo kasama ang ate mong hindi marunong maghugas ng plato
ngayong quarantine at least may kuya ka namang sumasagot ng module mo. Sila ang
pinakamagandang inspirasyon upang makamit ang iyong mga hangarin. Ialay ang sakripisyo
at pangarap sa mga taong itinuturing nating pamilya at unti unti nating makikita na imbes na
reklamo hinggil sa panibagong paraan ng pagkatuto ang ating pinagtutuunan ng pasin ay
maisisiwalat natin ang mga salitang “sige pa, kakayanin basta para sa pamilya at sa mahal sa
buhay!”
5. Generosity and Helpfulness-
Aside from being hospitable, Filipinos are also well known from being generous. They share
what they have to the people around them even when they only have little.
Hindi naman masamang humingi ng tulong kung talagang hindi mo na kaya at kung may
tumulong sa’yo magpasalamat ka dahil hindi mo yun kayang bayaran ng kahit ano.
Tatanawin mong malaking utang na loob sa ate mo ang pagtulong niya sa pagsagot ng
module mo. Pero hindi yun ang dahilan bakit ka niya tinutulungan bagkus ang wagas na
pagmamahal ang naguudyok sa taong magbigay at ang busilak at tapat na kalooban ang
nagtutulak sa taong tumulong.
6. Strong Work Ethics -
Another good thing most Filipinos have is being hardworking people. They are always willing
to work almost the whole day to provide the needs of their families.
Ngayong nag-aaral ka pa lang, iisa lang ang trabahong inaasahan sa’yo; ang seryosohin at
paghusayan ang pag-aaral mo. Maging masigasig at pagsikapan ang iyong matayog na
pangarap. Sapagkat ang pangarap na ito ay hindi lamang sa iyo ngunit mas higit para sa mga
taong nagtratrabaho para suportahan at ipagkaloob ang iyong kagustuhan. Nawa ang mga
sakripisyong ito ay hindi masayang sapagkat ako mismo ang saksi sa pagsusumikap mo!
Mabuhay ka!
7. Loving and Caring-
Because of their generosity, hospitality and religiosity, Filipinos are found to be the sweetest
and most loving people in the world.
At kung sa tingin mo ay dapat kong isabuhay ang nasa module na ito, ito ang patunay ng
aking pagiging Filipino. Nag-aalala ako para sa iyo at hindi ko kalian man gagawing rason ang
pandemyang ito upang hindi ka matuto. Ikaw ay mahalaga sapagkat ang bawat isang
estudyante ay may natatanging puwang sa puso ng isang gurong katulad ko. Hayaan mong
ito ang magpa-alala sa iyo na hindi ka nag-iisa sa pagtahak ng panibagong hakbanging ito.
Kakayanin natin ito sa ngalan ng pagmamahal sa pagkatuto!
2. NEGATIVE TRAITS
1. Fatalism- When Filipinos are facing difficulties and shortcomings, they have this attitude of leaving it
up to God to sort things out.
Hindi kailanaman naging epektibong paraan ang pagsasabi ng bahala ka na Lord sa kahit
anong hakbangin. Matutong manampalataya na may kaabikat na paggawa upang makamit
ang matagal nang ipinapanalangin.
2. Crab Mentality- this is an attitude of some Filipinos where they tend to push each
other down to clear the way for their own gain. Isang malungkot na katotohanang
kailangang tanggapin sapagkat ito ay nakaukit na sa sistemang ating kinagisnan. Ang maari
na lamang takbuhan ay ang kasiguruhang ang punong mabunga ang siyang pinupukol kaya’t
dapat magdiwang at magpasalamat kapag pilit kang hinihila pababa sapagkat ito lamang ay
patunay na mas nakaaangat ka! Ipagpatuloy mo! Magsumikap ka!Siguraduhin mo lamang na
nariyan ka ngayon sa iyong kinalalagyan ng walang tinatapakang kapwa!
3. Ningas Cogon- most of the Filipinos are very good at the start when doing something. Nevertheless, after a
few hours or days. That excitement to accomplish something is lost and s/he become too
lazy to finish what has been started.
Ang apoy na mabilisang nasilaban ay mabilisan ding maaapula. At ano ang silbi ng bagang sa
umpisa lamang marikit at kapag naglao’y kakailanganin mong magsindi ng panibago ulit? Ito
ay katulad ng pagtupad mo sa iyong pangarap. Hindi maaring madalian lamang lahat.
Paghirapan mo, pagsumikapan mo, pag-alayan mo ng pawis at maging ng iyong dugo. Dahil
kung dumating sa puntong nakamit mo na ito, hinding hindi mo ito pakakawalan at
sasayangin sapagkat ang alab sa iyong puso ay di kalian man maapula at manlalamig.
4. Tardiness- referring to persons that we are waiting or who keeps on coming late to the set time
schedule of events. It brings negative impression to our people.
At anu ang silbi ng sipag at tyaga kung ito naman na ay huli? May panahon pa! hindi pa huli
ang lahat! May pagkakataon pang baguhin ang kinagisnang gawi na imbis na umpisahan ang
mga nakatakdang gawain ay uunahing maghimutok ng reklamo at ulit uliting ipagsigawan sa
buong mundo na ikaw ay pagod! Na ikaw ay hindi Robot! Na ikaw ay hindi dapat
trinatratong hamak na tagapagsunod! Puwes kung hindi mo nalalaman hayaan mong ako
ang magpaalam. Hindi lang ikaw ang nakararanas niyan! Lahat din ng iyong kamag-aral
pagod. Lahat din ng nakaenroll ngayong sem feeling nila sila ay mga hamak na tagapagsunod
lamang at pinipilit lang matapos ang module at hindi naman natututo. Mayroon lang isang
kaibahan. Sila kahit pagod, sila kahit pilit, sila kahit hirap nagsusumikap na makipagsabayan
sa panibagong hamon nang walang oras na sinasayang. Hindi sila kasing OA mo na bawat
module imamyday mo kasi masakit mang isipin at tanggapin, hindi sila interesado sa araw
mo. Kasi pati sila may module na kailangang tapusin tulad sa’yo. Hindi pa huli ang lahat.
Umpisahan ang tungkulin. Umpisahan ang mga gawain. Umpisahan ang unti-unting
pagkamit sa pangarap!
1. Maka-Diyos
2. Maka-Tao
3. Maka-bayan
4. Maka-kalikasan
3. Four (4) Main Obligations underlying Filipino Core Values
1. PANANAMPALATAYA –
Filipinos, well-known to be people of great faith in a supreme being (even before
colonizers came, we already have our established faith and belief systems) continue to
strive very hard to live life in accordance the will of the Divine or in consistency to the
teachings of our faith. However, like the abovementioned statement regarding fatalism, we
also tend to rely too much in our faith often times forgetting that a faith without action is
dead faith (dasal ka ng dasal na magkajowa ka kung may ipapakilala naman sa’yo ayaw mo?
Sisisihin mo ngayon? Ang Diyos? Ang gobyerno? Ikaw ang dapat sisishin…malala ka na. Pero
kidding aside, kapit lang, tiwala lang, dasal lang, kaya mo yan!)
2. PAKIKIRAMAY/PAKIKISAMA/PAKIKIPAGKAPWA –
Filipinos are very well-known to be people of good relations. Whether it is with our
family, relatives, friends, acquaintances or even strangers, we are well known to do our
social responsibility of helping and living harmoniously with others. This is a trait unique in
being a Filipino; a trait which in spite of being good is sometimes misunderstood and
therefore misused leading others into harm rather than to each individual’s betterment
(bad influence ka kung sinasama mo sila sa kalokohan. Kill-joy/Walang pakisama ka naman
kung hindi ka sumama. Ano nga ba talaga? Subalit Malabo man kung kanino tayo dapat
sumama. Isa lang ang malinaw: sasamahan kita sa laban para sa iyong pangarap. Walang
ISUdyanteng maiiwan!)
3. BAYANIHAN –
Whilst it is true that Filipinos are known for being resilient (Filipino lang ang
malakas at matibay) we are always confronted on what are the ways in showing and
becoming makabayan? At times that we are not in war, we are always asked on how to live
the last lines of the Lupang Hinirang saying that we have to die for the Philippines. Though
death is not necessary, (walang pwedeng mamatay para sa’yo…ikaw lang mamatay para sa
sarili mo…huwag kangg maniwala sa mga nanliligaw na nagsasabing mamatay kung wala ka
=)) To live for the country is another thing to talk about. How to live for the country in the
spirit of bayanihan? We help each other: buy local, love local. Travel local (May paSingapore
na nalalaman pero ang Mayon, nasa Naga nga ba talaga?) Live local. We should stop the
wrong connotation that local products are of low quality and we should stop believing that
all imported things are of better quality (yung corona virus imported natuwa ka ba?)
Pero seryoso, ang pag-aaral ng mabuti at ang pagsusumikap sa pagkamit ng
pangarap ang siyang pinakamabuting gawin sa kasalukuyan (habang tayo’y nag-aaral pa
lamang) upang maipakita ang pagiging makabayan sapagkat sa ganitong paraan ating
mapatutunayan na handa tayong maging pag-asa ng ating kinabukasan at maging
kapakipakinabang na kasapi ng lipunan)
4. PAKIKIPAMUHAY (CO-EXISTENCE)
Being Makakalikasan doesn’t only require us to join the SK tree planting activities (may SK
kayo?) or do the reuse, reduce, recycle (luma na yan). Being makakalikasan challenges us
to co-exist with the earth. Pakikipamuhay sa sanlibutan kabilang ang kalikasan. We have to
live a harmonious relationship with it (sana all may karelasyon). We should not look at it as
something that we can use and abuse but instead we should treat it as something we
cannot live without therefore we should take care of it. (hindi mo siya mahal dahil
kailangan mo siya pero kailangan mo siya kasi mahal mo siya)!