Pagsasalinng Teksto
Pagsasalinng Teksto
Pagsasalinng Teksto
Pagsasalin ng teksto:
Ang kabuuan ng wika ay isang tuloy tuloy na
proseso ng talinghaga, at ang kasaysayan ng semantiko
ay isang aspeto ng kasaysayan ng kultura; ang wika din
ay isang bagay na nabubuhay, ito ay museo ng mga labi
ng buhay at sibilisasyon.
Posibleng paglalapat:
Hanggang sa ngayon ay masasabing patuloy ang
buhay ng wika sa kadahilanang hindi pa din tumitigil ang
ebolusyon nito. Halimbawa na lamang ay sa wikang
Filipino, na siyang paksa ng kursong ito, sa tulong ng pag
dadalumat at intelektwalisasyon ng sariling wika, patuloy na
lumalalim at yumayabong ang daluyan nating mga Pilipino.
Isang modernong halimbawa din ang pagbuo ng mga bagong
salita sa iba’t-ibang kaparaanan kagaya na lamang nang sa
salita ng taon na kung hindi man bagong salita, ay isang
salitang mabibigyan ng bagong pakahulugan. Isang halimbawa
din ang pag usbong ng “Gay Lingo” o ang daluyan ng mga
kasapi ng ikatlong lahi. Tunay nga na ang wika ay buhay, at ito
ang saksi kung paano hinuhulma ng mamamayan ang kanilang
kasaysayan.