Ang Kwento Ni Mabuti
Ang Kwento Ni Mabuti
Ang Kwento Ni Mabuti
Buod:
Uminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa punto de vista ng isa sa
kanya ng mga estudyante.
Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng kaniyang mga
salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo'y binudburan rin ng salitang 'mabuti' ang mga sinasabi niya.
Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni Mabuti at
inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y hindi rin nagkataon
lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild aklata na iyon upang umiyan rin. Kung anong kadahilana'y
hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang estudyante kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.
Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkekwento ng kaniyang buhay,
liban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan ang kaniyang anak,
halata sa mga kwento niyang patungkol dito na ang anak niyang ito ang kaniyang buhay.
Wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay patuloy pa
rin ang kaniyang positibismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ang pagningas kahit nilulunod na siya ng
kalungkutan.
Reperensiya:
http://mgahighschoolstuff.blogspot.com/2011/08/kwento-ni-mabuti.html?m=1
Petsa: 07/25/18
Repleksyon
Ang istoryang " ANG KWENTO NI MABUTI" ay napakagandang babasahin sapagkat may katuturan
ito sa kahit ano mang antas ng tao. Naging malikhain ang kaisipan ng may akda dahil nailahad niya ang dulot
ng isang pagiging mabuting tao. Maganda ang bawat eksena at dialogue dahil sa nagbibigay ito ng aral.
Nakakalungkot nga lang sapagkat sa kabila ng kabutihan ng guro ay sa likod naman nito ay may kalungkutan
palang nakatago. Nakakapukaw ng kaisipan ang mga studyanteng problemado na hindi nagdalawang isip na
tulungan ng guro.Ako ay naniniwala na lahat ng tao ay may namumutawing kabutihan.