Mod 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

9

Araling Panlipunan
EKONOMIKS
Unang Markahan-Modyul 5
PAGKONSUMO

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang


Unang Markahan – Modyul 5: Pagkonsumo
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad sa anumang paglabag.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng kaukulang karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Charo B. Bon


Editor: Mary Grace C. Dela Cruz
Tagasuri: Gina C. Cristobal
Tagaguhit: RYAN CHRISTOPHER M. VILLALON
Tagalapat : BRIAN SPENCER B. REYES
Tagapamahala : JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, SDS
FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, EPS – LRMS
EDERLINA BALEÑA – EPS – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
Paunang Salita

Ang modyul na ito sa Araling Panlipunan- Ekonomiks ay suplementaryong materyal na


nakabatay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) na magagamit ng mga mag-
aaral sa ikasiyam na baitang upang matutunan ang mga paksa sa Unang Markahan.

Nilalaman ng modyul na ito ang Yunit 1- Mga Pangunahing Konsepto sa Ekonomiks


na nakatuon sa Kasanayang Pagkatuto bilang 5. Ito ay ang pagkonsumo at mga salik ng
pagkonsumo.

Sa paggamit ng modyul na ito ay inaasahang matututunan ang mga itinadhana ng


Kagawaran ng Edukasyon tungo sa pagkamit ng mga kasanayang pan-21 siglo at mga
pamantayang itinakda ng K-12 kurikulum.

Para sa Magulang/Tagapatnubay ng Mag-aaral:

Malaki ang bahaging ginagampanan ng magulang sa pagkatuto ng mag-aaral. Ang inyong


paggabay sa bawat aralin at mga gawaing nasa modyul na ito ay lubos na napakahalaga.
Bilang magulang o tagapatnubay ng mag-aaral kayo rin po ay magsisilbing guro ng inyong
anak katuwang ng guro sa Araling Panlipunan. Sa panahong ito ng pandemya, kung saan
ang buong mundo ay humaharap sa napakalaking hamong ito sa larangan ng Edukasyon.
Ang pagtutulungan at bukas na komunikasyon ay inaasahan upang makamit ang mga
kasanayang dapat matutunan ng mag-aaral sa modyul na ito. Kung may mga paksa at
gawaing hindi maunawaan kung paano ito isasagawa, huwag mag atubiling makipag-
ugnayan sa guro ng inyong anak sa asignaturang Araling Panlipunan.

Para sa Mag-aaral:

Inaasahan na pag-aaralan at uunawaing mabuti ang mga paksang nakapaloob sa modyul


na ito. Sikaping masagutan ang mga gawain ng tapat at seryoso upang matugunan ang
mga kailangang kasanayang pampagkatuto. Gayunpaman, sakaling mahirapan sa pag-
unawa sa mga konseptong pang ekonomiya huwag mag-atubiling lumapit sa iyong guro sa
Araling Panlipunan.

Layon ng may-akda na mapagtagumpayan at matutunan mo ang mga paksa o aralin sa


modyul na ito. Nawa’y makatulong sa iyong pag-aaral ang modyul na ito upang kahit ikaw ay
nasa tahanan lamang dahil sa pandemyang nararanasan ay mangibabaw ang karunungang
magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.

1
Magandang Buhay, Kaibigan!

…at ako
Ako si naman si
NAOMIE!
IKONG….

Makakasama mo kami upang matuto ng mahahalagang


konsepto sa EKONOMIKS

Pinagkunan:https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 at https://tinyurl.com/AP9Q1M2p3

Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Iwasang lagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay;
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul;
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay;
4. Panatilihin ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan;
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay;
6. Muling ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos ng sagutan
ang lahat ng pagsasanay.
Muling ipinapaalala na kung sakaling ikaw ay mahihirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang humingi ng patnubay sa inyong guro o
tagapagdaloy, sa iyong mga magulang, sa mga nakatatanda mong kapatid o sinuman sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.

2
Alamin:

YUNIT 1- MGA SALIGAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay magkaroon ng


lubos na pag-unawa sa mga paksang tatalakayin,
mabuksan ang iyong kritikal at mapanuring isipan, at
mahasa ang kakayahan at kasanayang magpasya sa
mga gawaing inihanda sa mga pagsubok sa kaalaman
sa bawat pagtatapos ng pagtalakay sa bawat aralin.

A. INTRODUKSIYON

Sa Modyul na ito na Araling Panlipunan 9- Ekonomiks tatalakayin natin ang


mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks. Ito ay nakatuon sa mga
sumusunod na paksa:
1. Kahulugan ng Pagkonsumo;
2. Mga salik na nakakaapekto sa Pagkonsumo;
3. Mga Batas ng Pagkonsumo.

B. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL


MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO: Nasusuri ang mga salik na
nakaaapekto sa pagkonsumo.

LAMP CODE: AP9MKE-Ig-15, AP9MKE-Ih-16

C. MGA TIYAK NA LAYUNIN:


Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito inaasahan na iyong:
1. Naibibigay ang kahulugan pagkonsumo;
2. Naiisa-isa ang mga uri ng pagkonsumo;
3. Natatalakay ang mga salik ng pagkonsumo;
4. Nasusuri ang mga batas ng pagkonsumo;
5. Napahahalagahan ang pagkonsumo bilang mahalagang bahagi ng
pang-araw-araw na pamumuhay.

3
Subukin:

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin at isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Tumutukoy sa halaga na natatanggap ng tao mula sa kanyang pagtatrabaho.


(kita, presyo, interes)
2. Uri ng pagkonsumo na natatamo agad ng tao ang kasiyahan sa paggamit nito
(maaksaya, produktibo, direkta)
3. Uri ng pagkonsumo na nakakapinsala sa kalusugan ng tao
(maaksaya, produktibo, mapanganib)
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagkonsumo
(kita, pagkakautang, konsyumer)
5. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao (pagkonsumo, produksiyon, pagpapalitan)

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Buuin ang mga ginulong letra at
isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay uri ng pagkonsumo na ang tao ay bumibili lamang upang maipagmalaki sa iba ang
produktong nabili T A N L A D
2. Ito ay tumutukoy sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao. Bahagi na ito ng ating
tradisyon. SAKONOY
3. Ito ay tumutukoy sa halaga ng mga produkto at serbisyo PESORY
4. Batas na mas binibigyang prayoridad ng isang tao ang pangangailangan kaysa sa mga
kagustuhan TABAS GN USANGKAYA NOKOMIKOE
5. Ang pamamaraan na ginagamit na panghikayat sa mga konsyumer na bigyang pansin at
bilhin ang mga produkto at serbisyo AGP NANASUYO

B. Panuto: Tukuyin ang uri ng pagkonsumo na tinutukoy batay sa larawan. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

4
Aralin
5 Pagkonsumo
Balikan:

Muling balikan ang mga paksang tinalakay natin sa


Produksiyon.Ating alamin kung natatandaan mo pa ba
ang mga paksang natalakay sa nakalipas na modyul sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa
ibaba.

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Tumutukoy sa paggawa, paglikha, at pagbuo ng mga produkto at serbisyo


A. pagkonsumo B. produksiyon C.pagpapalitan D.pagtustos
2. Bayad sa kapital
A. sahod B. tubo C.interes D.upa/renta
3. Unang salik ng produksiyon
A. lupa B. paggawa C. kapital D.
entreprenyur
4. Pagkasira o pagkaluma ng mga makinaryang ginagamit sa produksiyon
A. depresyon B. depresasyon C. debalwasyon D. depisit
5. Utak ng produksiyon
A. lupa B. paggawa C. kapital D.entreprenyur
6. Ang tawag sa produktong nakakalikha o nakakabuo ng isa pang produkto
A. lupa B. paggawa C. kapital D.entreprenyur
7. Pinakamahalagang salik ng produksiyon.
A. lupa B. paggawa C. kapital D.entreprenyur
8. Bayad sa entreprenyur
A. sahod B. tubo C. interes D. upa
9. Iba pang tawag sa salik ng produksiyon
A. output B. input C. process D. product
10. Natatanggap ng manggagawa bilang kabayaran sa kanyang serbisyong ibinibigay sa
produksiyon.
A. sahod B. tubo C. interes D. upa

5
Gawin 1- Pabili Po
Panuto: Ipagpalagay natin na mayroon kang Php 500.00 at mayroon kang
pagkakataon na bumili ng iba’t-ibang pagkain. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang bibilhin
mo?

PAMPROSESONG TANONG
1. Ano-anong mga pagkain ang
iyong bibilhin?

2. Ano ang iyong naging batayan sa


pinili mong pagkain?

3. Kung bibigyan ka ng
pagkakataon, ano sa mga pagkain
na nasa larawan ang nais mong
palitan at bakit?

Tuklasin:

Gawain 2- PIC TUKLAS


Tingnan ang larawan at sagutin ang mga
pamprosesong tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?
2. Paano mo makakamit ang mga
bagay na ito?

A. KAHULUGAN NG PAGKONSUMO
Kung sa produksiyon nagsisimula ang mga gawaing pang-ekonomiya ito naman ay
nagtatapos sa pagkonsumo. Hindi maaring mawala ang isa’t isa sapagkat ito ang bumubuo
sa mga gawaing pang-ekonomiya.
Ang lahat ng tao ay kumukunsumo. Sa pamamagitan ng pagkonsumo natutugunan
natin ang ating mga pangangailangan at kagustuhan. Sa pamilihan nagaganap
ang pagkonsumo dahil dito natin binibili ang ating mga pangangailangan.

Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa pagbili o paggastos ng mga


produkto at serbisyo para tugunan ang ating mga pangangailangan at
kagustuhan sa araw-araw.

6
Bawat tao ay may iba’t ibang dahilan ng pagbili o paggamit ng
mga produkto at serbisyo upang matamo ang kanilang
pangangailangan o kasiyahan. Matapos nating malaman ang
kahulugan ng pagkonsumo, alamin naman natin ngayon ang
mga uri ng pagkonsumo na maaaring ginagawa mo sa pang-
araw araw.

A. MGA URI NG PAGKONSUMO


May limang uri ang pagkonsumo batay sa layunin nito, ito ay ang mga sumusunod:

URI NG KAHULUGAN HALIMBAWA


PAGKONSUMO
1. Tuwirang Paggamit ng produkto na Kapag ang isang tao ay
Pagkonsumo dagliang natatamo ang nauuhaw siya ay kaagad
kapakinabangan ng produktong na umiinom ng tubig para
kinunsumo. mapawi ang kaniyang
pagkauhaw.

2. Produktibong Ang produktong binili ay Ang isang modista ay


Pagkonsumo nagagamit para makabuo ng iba gumagamit ng sinulid at
pang produkto na mas kapaki- tela sa paggawa ng damit.
pakinabang para sa lahat.

3. Maaksayang Pagbili paggamit ng produktong Ang pabayang paggamit ng


Pagkonsumo labis sa pangangailangan. tubig na hinahayaang
tumutulo mula sa gripo

4. Mapanganib Pagbili o paggamit ng produkto Ang paggamit ng sigarilyo


na o serbisyo na maaaring at pag-inom ng alak.
Pagkonsumo makasama sa kalusugan o sa
kapaligiran.

5. Lantad na Pagbili o paggamit ng produkto Pag-inom ng milktea kahit


Pagkonsumo para lamang ipagmalaki sa iba wala nang pambili ng
kahit walang sapat na pagkain o gamit sap ag-
kakayahan. aaral.

7
Gawain 3- Data Retrieval Chart
Panuto: Punan ang talahayanan batay sa mga uri ng pagkonsumo at iba pang
halimbawa nito. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel o kwaderno.
URI NG
KAHALAGAHAN HALIMBAWA
PAGKONSUMO

Suriin:

Gawain 4- Maria Went to Market

Sa panahon ng pandemya, ang


inyong pamilya ay kabilang sa nabigyan
ng ayuda ng pamahalaan. Ikaw ay
nautusan ng magulang mo na maglista
ng mga bibilhin nya sa supermarket.
Sagutin ang pamprosesong tanong.
Isulat ang kasagutan sa kwaderno o
sagutang papel.
Pamprosesong Tanong
1. Ano-ano ang mga bibilihin
ninyo para sa inyong pamilya?
2. Magkano ang ilalaan ninyong
badyet para sa pagbili ng inyong mga
pangangailangan?
3. Paano ninyo ibabadyet o hahati-hatiin
ang perang ibinigay ng pamahalaan
base sa inyong mga pangangailangan?
4. Ano ang ginamit mong
batayan sa pagpili ng mga bibilhin?

B. SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO

Matapos mong masagutan ang mga gawain.


Talakayin naman natin ang iba’t ibang salik na
nakaaapekto sa pagkonsumo ng bawat mamimili na
nakabatay ayon sa sitwasyon.

8
1. Kita- ito ay tumutukoy sa natatanggap na bayad ng mga nagtatrabaho kapalit ng
kanilang serbisyong ginagawa.

Ako si John Maynard Keynes, Isang Ekonomistang Briton.


Noong 1936 isinulat ko ang “The General Theory of
Employment, Interest, and Money” Malaki ang kaugnayan ng
kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo. Ito Ay dahil habang
lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang
kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang
banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba
ng kakayahang komonsumo.

Ako si Ernst Engel, isang Ekonomistang Aleman, ang kita ng


tao habang lumalaki ay mas nagiging prayoridad niya ang
kagustuhan kumpara sa pangangailangan ngunit kapag ang
kita ay maliit mas prayoridad ng tao na matustusan ang
kanyang pangangailangan.

2. Okasyon
Ito ay bahagi ng ating kultura, kung saan tayo ay nagdiriwang ng mahahalagang
selebrasyon na ating ipinagdiriwang tulad ng pasko, kaarawan, at iba pa.

3. Pag-aanunsiyo
Ito ay isang pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin ang
isang produkto o serbisyo gamit ang kilalang personalidad o iba’t ibang midyum para
mapukaw ang atensiyon ng madla sa magagandang katagian ng kanilang produkto.
MGA IBA’T IBANG PARAAN NG PAG-AANUNSIYO
a. Bandwagon – gumagamit ng maraming tao para ipakita sa lahat na
maraming gumagamit ng nasabing produkto o paglilingkod.
b. Testimonial – gumagamit ng mga kilalang personalidad na nanghihikayat sa
mga tao na gumamit ng produktong kanilang ginagamit.
c. Brand name – ipinapakilala ang tatak ng produkto o paglilingkod.
d. Fear/Scary – gumagamit ng pananakot sa hindi paggamit ng produkto o
paglilingkod.
4. Presyo
Ito ay tumutukoy sa halaga ng produkto at serbisyo na nagtatakda ng ating
pagkonsumo. Kapag mura ang presyo ng isang produkto mas nagkakaroon tayo
ng kakayahang bilhin ito kumpara sa mahal na presyo.

9
5. Mga Inaasahan
Ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo
ng tao. Halimbawa nito ay ang mga anunsiyo sa radyo na nagbibigay babala sa
mga tao may paparating na malakas na bagyo. Sa ganitong inaasahang
sitwasyon ay tataas ang pagkonsumo ng mga tao sa mga de-latang produkto
dahil sa nagbabadyang kalamidad.
6. Pagkakautang
Kapag may utang na binabayaran ang isang tao bumababa ang kaniyang
pagkonsumo sapagkat nababawasan ang kanyang kakayahang makabili ng mga
produkto dahil parte ng kanyang kinikita ay inilalaan niya upang ipambayad sa
kanyang pagkakautang.
7. Panggagaya o Demonstration Effect
Likas sa ating mga Pilipino ang may mga iniidolo kadalasan kapag ang paborito
nating artista ay gumamit ng isang produkto ginagaya natin ito o kaya naman
kapag may kaibigan tayo na may bagong sapatos nais din nating bumili. Ito ang
dahilan kung bakit ang mga produktong ating kinokonsumo ay magkakapareho.
8. Panlasa
Ang pagkonsumo ng tao ay nakabatay madalas sa kanyang kagustuhan o nais
na makamit na nakadepende rin sa uso, kultura, relihiyong kinabibilangan niya at
iba pa.
9. Pagpapahalaga ng Tao
Ang pag-uugali ng tao ay may malaking impluwensiya sa paraan ng kanyang
pagkonsumo tulad ng pagiging matipid o magastos.
10. Panahon
Ang pagbabago ng panahon tulad ng tag-ulan at tag-init ay nakapagpapabago
rin sa pagkonsumo ng tao.

Gawain 5:

PANUTO : Sa pamamagitan ng HASHTAG, magbigay ng limang pangunahing salik na


nakaaapekto sa pagkonsumo ang nararanasan mo sa araw-araw na pamumuhay at sabihin
kung bakit. Isulat ang sagot sa sagutang papel o kwaderno.

Halimbawa

#Demonstration Effect
dahil madalas akong naiimpluwensiyahan
sa mga nais kong bilhin.

10
Unawain

B. MGA BATAS NG PAGKONSUMO

Matapos nating matalakay ang mga salik ng


pagkonsumo, may mga batas din ang
pagkonsumo. Marami sa atin ang hindi
namamalayan na ito ang ating ginagamit sa
ating pagbili o paggamit ng mga
produkto at serbisyo.

● BATAS NG PAGKAKAIBA-IBA (LAW OF VARIETY)


Ayon sa batas na ito, ang tao ay gumagamit o bumibili ng mga bagay na
magkakaiba maaaring sa brand, kulay o istilo dahil ito ang nakapagbibigay sa kanya
ng satispaksiyon o kasiyahan.
● BATAS NG PAGKABAGAY BAGAY (LAW OF HARMONY)
Ayon sa batas na ito, ang tao ay mahilig bumili o gumamit ng bagay na dapat
ay laging may kakomplementaryo o kabagay. Mas nagkakaroon siya ng kasiyahan o
satispaksiyon kung ang binibili niya ay may kabagay sa kulay, istilo, porma at iba pa.
● BATAS NG IMITASYON (LAW OF IMITATION)
Ayon sa batas na ito, ang tao ay mas nasisiyahan kung ang kanyang binili o ginamit
na produkto ay katulad ng kanyang paboritong artista, sikat na tao o kakilala na
nagkaroon ng magandang epekto sa kanila ang paggamit ng nasabing produkto.
● BATAS NG KAAYUSANG EKONOMIKO (LAW OF ECONOMIC ORDER)
Ayon sa batas na ito, ang kasiyahan ng kumukunsumo ay mas mataas kung
mas nauuna niyang bilhin o gamitin ang mas kailangan bago ang kagustuhan.
● BATAS NG LUMILIIT NA PAKINABANG ( LAW OF DIMINISHING UTILITY)
Ayon sa batas na ito, ang paggamit o pagbili ng isang bagay na paulit-ulit ay
nakababawas sa satispaksiyon na nararamdaman ng isang tao.
UTILITY
tumutukoy sa sukat ng kasiyahan o satispaksyon sa pagkonsumo ng
produkto o serbisyo.
MARGINAL UTILITY
Ang karagdagang kasiyahan ng indibidwal sa pagkonsumo ng isang
karagdagang yunit ng produkto o serbisyo pakinabang na bahagya lamang
ang naidudulot na kasiyahan.
TOTAL UTILITY
Kabuuang kasiyahan na nakukuha sa pagbili at paggamit ng mga
produkto at serbisyo.

11
Pagyamanin:

Gawain 6-

Ngayong natutunan muna ang batas ng


pagkonsumo. Itala ang Batas ng Pagkonsumo na
laging mong isinasaalang alang sa tuwing ikaw ay
bumibili o gumagamit ng mga produkto at
serbisyo.Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa.
Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel o
kwaderno.

Halimbawa:

Sa tuwing nagluluto ang aming ina ng aming pagkain sa araw-araw, hindi


maaaring bumaba sa dalawang putahe ang kanyang iniluluto.. Kapag nagluluto siya
ng kahit anong may sabaw hindi mawawala ang pritong isda. Gayundin kapag
nagluluto siya ng gulay laging may kapartner na pritong manok o isda. Maging sa
aming meryenda, kung may champorado, inaasahan nang may kasamang dilis. Ito
ay para daw magbalanse ang tamis at alat. Kaya ang batas ng pagkabagay-bagay
ang isinasaalang-alang lagi namin sa pagbili ng pagkain sa bahay.

Ilagay sa sagutang papel o kwaderno ang iyong kasagutan.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

12
Gawain 7- Graphic Organizer
Panuto: Punan ang graphic organizer batay sa iyong natutunan sa mga tinalakay
tungkol sa pagkonsumo. Isulat ito sa sagutang papel o kwaderno.

1.
Uri ng Pagkonsumo 2.
3.

1.
Mga Salik na Nakaaapekto 2.
3.
sa Pagkonsumo 4.
5
6

1.
Mga Batas ng Pagkonsumo 2.
3.

Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa PAGKONSUMO:

● ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip

Narito ang mga mahahalagang tandaan mula sa ating tinalakay sa modyul na ito.

 May iba’t ibang uri ng pagkonsumo na ginagawa ang tao ito ay ang: tuwiran,
produktibo, mapanganib, maaksaya, at lantad.
 Sa bawat pagkonsumo na ginagawa ng tao may mga salik na maaaring
makaimpluwensiya sa kanya tulad ng kita, presyo, okasyon, pag-aanunsiyo,
pagpapahalaga ng tao, panahon, panggagaya, panlasa, mga inaasahan, at
pagkakautang.
 May iba’t ibang paraan ng pag-aanunsiyo: Bandwagon, Testimonial, Brand
Name, at Fear/Scary.
 May limang batas ng pagkonsumo ito ay ang mga sumusunod: Batas ng
Pagkakaiba-iba (Law of Variety), Batas ng Pagkabagay-bagay (Law of
Harmony), Batas ng Imitasyon (Law of Imitation), Batas ng Kaayusang
Ekonomiko (Law of Economic Order), at Batas ng Lumiliit na Pakinabang
(Law od Diminishing Utility).

13
Isagawa

Gawain 8: WHAT’S ON YOUR MIND

Magsulat ng repleksyon sa
Ngayong panahon ng
pamamagitan ng pagsagot sa
pandemya, paano
mga katanungan sa loob ng naaapektuhan ang inyong
kahon. Isulat ito pagkonsumo sa loob ng
sa sagutang papel o bahay? Anong mga salik ng
kwaderno. pagkonsumo ang higit na
nakaapekto sa inyo? Ano sa
Rubriks: mga uri at batas ng
Nilalaman…...………………..5 puntos pagkonsumo ang madalas
na naiaaplay ninyo sa
Istilo ng pagsulat…………….5 puntos
bahay? Ipaliwanag
Paglalahad ng ideya…………5 puntos
Kalinisan ng pagsulat…..…..5 puntos
KABUUAN…………………20 puntos

Tayahin:

A. Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel o kwaderno.

1. Alin ang higit na nakakatulong ng tamang pag-aanunsyo at impormasyon sa mga


mamimili?
A. Nagugustuhan nang mabilis ng mga konsyumer ang produkto kahit hindi pa nila
nagagamit.
B. Nakakabisado ng mga mamimili ang jingle at mga script sa komersyal dahil sa paulit-
ulit na pag-aanunsyo
C. Nagkakaroon ng ideya ang mamimili tungkol sa kalidad, bisa at husay ng binibiling
produkto.
D. Nakakabawas sa pagtitiwala ng mga konsyumer sa nasabing produkto.
2. Kung ang produksiyon ay tumutukoy sa paglikha ng kalakal at serbisyo. Ito naman
ay tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng mamimili sa produkto at serbisyo.
A. distribusyon B. pagpapalitan C. pagkonsumo D. pagbili

14
3. Ang pag-aanunsyo ay pamamaraan ng panghihikayat sa mga mamimili upang
tangkilikin ang isang produkto. Ang pag-eendorso ng paggamit ng produktong
Biogesic ng sikat na artistang gaya ni John Llyod Cruz ay halimbawa ng:
A. bandwagon B. testimonial C. brand name D. fear/scary
4. Ayon kay John Maynard Keynes ang paglaki nito ang dahilan ng paglaki ng
pagkonsumo ng isang tao.
A. interes B. kita C. renta.upa D. presyo
5. Ito ay tumutukoy sa halaga ng isang produkto na may malaking kinalaman sa
pagkonsumo ng isang tao.
A. okasyon B. kita C. panahon D. presyo

B. Piliin sa ibaba ang batas na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
A. Batas ng Imitasyon
B. Batas ng Lumiliit na Pakinabang
C. Batas ng Pagkabagay-bagay
D. Batas ng Pagkakaiba-iba
E. Batas ng Kaayusang Ekonomiko
1. Ayon sa batas na ito, ang paggamit ng iba’t ibang klase o uri ng produkto ang nagbibigay
kasiyahan sa tao.
2. Ang paggamit na ginaya mula sa ibang tao ng produktong ginagamit niya ang nagbibigay
sa kanya ng higit na kasiyahan.
3.Ayon sa batas na ito mas binibigyang prayoridad ng isang tao ang pangangailangan kaysa
sa mga kagustuhan
4. Ang batas na ito ay nagpapaliwanag na ang konsyumer ay nakakaramdam ng kasiyahan
kapag bumibili o gumagamit ng mga produkto na babagay sa isa’t isa.
5. Ang pagkonsumo sa isang produkto ay nagbibigay ng kasiyahan sa tao sa una ngunit
kapag ito ay nagkasunod-sunod ang kanyang kasiyahan ay paliiit ng paliit bunga ng pag-
abot sa pagkasawa.

C.Uriin ang pagkonsumo na inilalarawan sa mga sumusunod na bilang. Isulat ang


letra ng tamang sagot sa sagutang papel o kwaderno.
A. Tuwiran/Direktang pagkonsumo
B. Maaksayang pagkonsumo
C. Mapanganib/Nakapipinsalang pagkonsumo
D. Lantad na pagkonsumo
E. Produktibong pagkonsumo
1. Si Mercy ay bumili ng harina, baking powder, gatas, asukal at keso para gumawa ng puto
na kanyang ibebenta online.
2. Masayang nagzu-zumba ang Grade 9- St. Catherine. Pagkatapos ng kanilang sayaw, ang
lahat ay nagmamadaling pumunta sa canteen para bumili ng maiinom at makakain.
3. Nagluto ng marami si Charlita para sa kanyang kaarawan ngunit dahil nagdeklara ang
AITF at DOH ng Enhance Community Quarantine (ECQ) sa Kalakhang Maynila hindi
nakadalo ang kaniyang mga kaibigan sa kaniyang kaarawan dahil dito marami ang natira na
itinapon na lamang.
4. Si Zoe ay bumili ng bagong cellphone upang maipagmalaki sa mga kaibigan.
5. Nauubos ang pera ni Carlo dahil sa madalas na paninigarilyo na nagresulta ng kanyang
palagiang pag-ubo.

15
Sanggunian:
Department of Education (2015), Ekonomiks 10- Araling Panlipunan- Modyul para sa mga
Mag-aaral Unang Edisyon pahina 62-63
C Bon et.al,2015 Ekonomiks sa Makabagong Panahon JO-ES Publishing House Inc.
pahina 71-88
Baluyot et al. (2020) Daily Lesson Plan (Unang Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs).
Unpublished
Elektronikong Sanggunian:

Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p1 (Ikong Character)


Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 (Naomie Character)
Bitmoji
https://bit.ly/AP9Q1M5TITLE (Nagsho-shopping na mga babae)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE3 (Philippine coins)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE4 (Philippine Peso)
https://bit.ly/AP9Q1M5P1 (John Maynard Keynes)
https://bit.ly/AP9Q1M5P2 (Ernst Engel)
https://bit.ly/AP9Q1M5V1 (Salik na nakaaapekto sa Pagkonsumo)
https://bit.ly/AP9Q1M5V2 (Law of Diminishing Marginal Utility)
https://bit.ly/AP9Q1M5V3 (Batas ng Pagkonsumo)

16
17

You might also like