Mod 4
Mod 4
Mod 4
Araling Panlipunan
EKONOMIKS
Unang Markahan-Modyul 4
PRODUKSIYON
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: Produksiyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad sa anumang paglabag.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng kaukulang karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
A. INTRODUKSIYON
Sa Modyul na ito na Araling Panlipunan 9- Ekonomiks tatalakayin natin ang
mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks. Ito ay nakatuon sa mga
sumusunod na paksa:
1. Kahulugan ng Produksiyon
2. Mga Salik ng Produksiyon
a. Lupa
b. Paggawa
c. Kapital
d. Entreprenyur
3. Mga Suliraning Kinakaharap sa Produksiyon
B. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL
MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO: Natatalakay ang mga salik ng
produksiyon at ang implikasyon nito sa pang araw- araw na pamumuhay.
Subukin:
Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Hanapin sa Hanay B ang katumbas na sagot na
hinihingi sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Ito ang pinakamahalagang salik ng produksiyon.
kapital
2. Ito ang pinagmumulan ng lahat ng hilaw na materyal entreprenyur
na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo.
pamumuhunan
lupa
3. Ito ang bayad sa paggawa. mental na lakas
paggawa
4. Ito ay tumutukoy sa paglikha, paggawa, at pagbuo ng
produksyon
mga produkto at serbisyo na siyang tumutugon sa
mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. output
input
5. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng salapi para sa
sahod
darating na panahon upang mas lumaki ang
produksiyon sa pamamagitan ng pag-utang sa
tubo
bangko o paghahanap ng mga mamumuhunan. paggawa
renta
6. Ang tagapag-ugnay ng mga salik ng produksiyon.
Tinagurian ding “Utak ng Negosyo”.
unemployed
blue collar job
7. Ang tawag sa mga manggagawang gumagamit ng underemployed
talino at galing sa paggawa.
brawn drain
8. Ito ay tumutukoy sa produkto na nakalilikha ng iba brain drain
pang produkto.
9. Iba pang tawag sa salik ng produksiyon.
10. Ito ay tumutukoy sa produkto o serbisyong nalikha
gamit ang salik ng produksiyon.
11. Tawag sa bayad sa lupa
12. Ibang tawag sa pisikal na paggawa.
13. Tawag sa kalagayan na kung saan ang mga
manggagawang propesyunal sa Pilipinas ay nauubos
sanhi ng pangingibang bansa nila,
14. Mga manggagawang may trabaho ngunit ang
kanilang trabaho ay hindi nakabatay sa kurso o
kasanayang kanilang natapos.
15. Mga manggagawang walang trabaho
Aralin
4 Produksiyon
Balikan:
Panuto: Isulat ang salitang TUMPAK kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at
LIGWAK naman kung ang pahayag ay mali. Ilagay ang sagot sa papel.
1. Mga kapitalista o ang mga negosyante ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon
sa sistemang pamilihan.
2. Namamayani ang sistemang command o pinag uutos sa daigdig ngayon.
3. Kailangan ang alokasyon kapag may kakapusan.
4. Sa pinaghalong sistema ng ekonomiya, nakikialam ang pamahalaan sa pamamalakad ng
ekonomiya.
5. Ang presyo ay isang mekanismo sa alokasyon sa sistemang command o pinag-uutos.
6. Ang pangunahing layunin ng sistemang pampamilihan ay upang panatilihin ang tradisyon
na umiiral sa komunidad.
7. Nagbabadyet ang pamahalaan bilang isang paraan ng pag-aalokasyon.
8. Itinuturing na huwaran ang lipunang nasa ilalim ng Sosyalismo.
9. Pamahalaan ang namamahagi ng mga produkto at paglilingkod sa sistemang command o
pinag-uutos.
10. May kalakalan sa ilalim ng sistemang pamilihan.
Tuklasin:
A B
Gawain 4- Pagsunud-sunurin
PANUTO: Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkakasunud-sunod ng pagkakabuo
ng produkto. Ilagay ang bilang ng larawan sa ibabaw ng bagon ng tren sa ibaba. Gawin ito
sa papel.
Dumaraan ang paggawa ng isang produkto sa iba’t ibang proseso o yugto. Dahil sa bisa ng
espesyalisasyon, may mga bahay-kalakal na tagagawa ng hilaw na materyal. Mula sa input
ito ay pinoproseso o isinasagawa upang maging isang ganap na produkto o output.
Lupa Lakas
Puhunan Entreprenyur
Paggawa
Sa
pamamagitan
Sila ay tinatawag
nya napagsama
ding tagapangasiwa,
sama
tagapamahala, utak
siya ang lupa,
ng negosyo,
kapital at
supervisor,
paggawa upang
innovator, risk
mula sa hilaw
bearer, decision
na materyal sila
maker at ang may-
ay makagawa
ari ng kompanya.
ng isang ganap
na produkto.
Gawain 5
PANUTO: Gamit ang Frayer model itala ang mga bagay na may kinalaman sa produksyon.
Tukuyin kung anong salik ng produksyon ito nabibilang. Isulat ang sagot sa papel.
Education.com
Pamprosesong Tanong
PAMPROSESONG TANONG:
1.Ano ang mensaheng ipinapakita ng editorial cartoon?
2.Makakaapekto ba ang kasalukuyang pandemya sa produksiyon? Ipaliwanag,
3.Maliban sa pademiya, ano-ano pa ang iba pang maaaring makaapekto
sa salik ng produksiyon?
Isaisip
● Ang produksiyon ay tumutukoy sa paglikha, paggawa, at pagbuo ng mga produkto o
serbisyo at ito ay may apat na salik: lupa, kapital, paggawa, at entreprenyur.
● Ang lupa ang unang salik ng produksiyon na pinagmumulan ng hilaw na materyal at
pinagtatayuan ng pagawaan. Renta o upa ang tawag sa bayad sa lupa.
● Ang paggawa ang pinakamahalagang salik ng produksiyon dahil ito ang gumagawa
ng mga produkto at serbisyo sa pagawaan. Sahod o sweldo ang natatanggap na
bayad sa paggawa.
● May tatlong katayuan ang paggawa: employed, unemployed at under-employed
● May dalawang uri ng paggawa ito ay ang mental at pisikal na lakas paggawa
● Ang kapital ay ang ikatlong salik ng produksiyon. Tumutukoy ito sa mga kagamitang
ginawa ng tao tulad ng gusali, makinarya, kasangkapan, istruktura, salapi at mga
hilaw na materyal na gagamitin para makalikha uli ng ibang mga produkto.
● Interes ang tawag sa bayad sa kapital.
● Pamumuhunan ang pagdaragdag ng istak upang mapalawak ang produksiyon. Lahat
ng kapital ay maaaring dumaan sa depresasyon o pagkaluma.
● Ang entreprenyur ang tagapag-ugnay ng lahat ng salik ng produksyon. Tinuturing na
‘’Utak ng Negosyo’’.
● Tubo ang tawag sa nakukuhang bayad ng entreprenyur.
● Bawat salik ng Paggawa ay may kani-kanyang suliranin na nararanasan.
Isagawa
Pamantayan ng Pagtataya:
Nilalaman……………………..5 puntos
Paglalahad ng paksa………..5 puntos
Istilo sa pagsulat…………….5 puntos
Kalinisan at pagkamalikhain…5 puntos
Kabuuan ………………………..20 puntos
Tayahin:
A. Panuto: Gamitin ang nasa loob ng kahon bilang “clue” sa sagot sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.-3. Basahin ang tala na nasa kahon at sagutin ang mga katananungan.
Si G. Salceda ay nagmula sa pamilyang negosyante. Ipinamana sa kanyang mga magulang
ang mga makinaryang matagal na nilang ginagamit sa negosyo. Napansin niya na mabagal
ang produksyon na gamit ang lumang makinarya at pamamaraan. Kung hindi sa agarang
pag-aaral ng makabagong teknolohiya baka nagsara na ang pabrika. Dahil sa mga
pagbabagong ginawa niya ay unti-unting nagkaroon ng iba’t-ibang sangay ang kanilang
negosyo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sanggunian:
Department of Education (2015), Ekonomiks 10- Araling Panlipunan- Modyul para sa mga
Mag-aaral Unang Edisyon pahina 50-59
C Bon et.al,2015 Ekonomiks sa Makabagong Panahon JO-ES Publishing House Inc.
pahina 3-21
Baluyot et al. (2020) Daily Lesson Plan (Unang Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs).
Unpublished
Elektronikong Sanggunian: