FIL7 Q1 W1 Paghihinuha Lumbag Benguet V4
FIL7 Q1 W1 Paghihinuha Lumbag Benguet V4
FIL7 Q1 W1 Paghihinuha Lumbag Benguet V4
(Paghihinuha)
Modyul sa Filipino 7
Unang Markahan- Linggo 1
TERESITA L. LUMBAG
TAGAPAGLINANG
Inilathala ng:
Curriculum Implementation Division–
Learning Resource and Development Management Section
KARAPATANG SIPI
2020
ii
SUBUKIN
Unang Hirit! Bago mo gawin ang pagbasa, sagutin mo muna ang mga
sumusunod na tanong, para malaman kung gaano k a l a w a k ang iyong
nalalaman sa aralin. Pagkatapos sagutin, iwasto ang iyong sagot gamit ang susing
sagot na matatagpuan sa huling bahagi ng modyul na ito.
Binabati kita kung ang iyong iskor ay 9-10, ibig sabihin may kaalaman ka sa ating
aralin, kaya mas mabuting ipagpatuloy na sagutin ang mga gawain sa bawat bahagi
ng modyul upang madagdagan pa ang iyong kaalaman. Tara na!
Gawain 1:
Pagpipili: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng kuwentong-bayan?
A. Kapupulutan ito ng aral.
B. Anyo ito ng panitikan na dinala ng mga Kastila sa Pilipinas.
C. Hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari.
D. Sumasalamin sa kaugalian at tradisyon ng lugar na pinagmulan nito.
3
6. “Hmmm, hindi maaari ito. Matabang usa ang nadale samantalang ako isang
munting ibon lang.” Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito?
A. Ayaw matanggap ang pagkatalo.
B. Minamaliit ang kakayahan.
C. Kailangan na siya ang palaging nakalalamang.
D. Mapanlait sa kapwa.
7. “Alam kong niloloko mo lang ako pero hindi kita papatulan.” Ano ang ibig sabihin
ng pahayag na ito?
A. Mapagtimpi
B. Maunawain
C. Mapagbiro
D. Masayahin
10. Kitang-kita sa kanya ang pagiging tuso. Ang kasalungat ng salitang tuso
sa pangungusap ay:
A. mabuti B. pasaway C. palaaway D. manloloko
4
BALIKAN
Gawain 2:
HANAY A HANAY B
5
TUKLASIN
Ang kuwentong bayan na iyong babasahin ay mula sa mga katutubong Meranao
sa Lanao, Mindanao. Meranao ang tawag sa mga mamamayan ng Lanao, isang rehiyon
sa Mindanao. Tinatawag din silang “Maranao o mga taong nakatira sa gilid ng lawa. Ang
salitang Maranao ay mula sa salitang “ranao” na ang ibig sabihin ay lawa. Sila ay mga
Muslim at Islam ang kanilang relihiyon.Sa relihiyong Islam pinahihintulutan ang lalaking
makapag-asawa ng higit sa isa. Subalit magagawa lamang ito ng lalaking Muslim kung
siya ay maykaya sa buhay.
6
Samantala, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kanyang huli at saka
iniluto. Umaamoy sa kapaligiran ang nakagugutom na amoy ng nilulutong usa
subalit nang handa na’y agad itong nilantakan ng lalaki nang hindi man lang
nag-aalok sa kanyang asawa.Sinolo niyang kinain ang usa sa loob ng tatlong
araw, kahit alam niyang gusto rin ito ng kanyang asawa, at ang bitag naman
talaga ni Lokes a Babay ang nakahuli sa usa. Likas na maramot at walang
pagpapahalaga sa asawa si Lokes a Mama. Inubos niya lahat ang nilutong usa
na hindi man lang binigyan si Lokes a Babay, na nananatiling walang kibo sa
kabila ng ginagawa ng asawa.
Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a Mama
ang asawa. “Gusto ko ulit na makatikim ng matabang usa. Halika, maglagay
tayong muli ng bitag sa gubat, “paanyayang sinabi sa asawa. Muli, naglagay ang
dalawa ng kani-kanilang mga bitag. Hindi marunong umakyat ng puno at hindi
man lang tinutulungan ng kanyang asawa si Lokes a Babay kaya, inilagay niya uli
ang kanyang bitag sa tabi ng puno kung saan siya dating naglalagay.
Hatinggabi nang mamalayan ni Lokes a Babay ang kanyang asawang
bumabangon at dahan-dahang lumabas ng pinto. Nagkunwari siyang tulog.
Matalinong babae si Lokes a Babay at nahulaan niya ang ginagawa ng asawa.
Subalit wala siyang balak na sundan ito. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero
hindi kita papatulan”, binulong niya sa sarili, at pinilit niyang matulog kahit siya’y
nagdaramdam sa ginagawang pagtrato sa kanya ng asawa.
Nang siya’y nakatulog, napaginipan niyang pinakakain daw niya ng palay
ang alagang ibon at laking gulat nito nang mangitlog ito ng isang montias o isang
mamahaling hiyas.
Nagising na lamang siya nang tinatawag ni Lokes a Mama para tingnan
ng kanilang mga bitag. Ngunit wala na siyang interes sa mga bitag. “Ikaw na
lang ang pumunta”, sabi niya sa asawa. “Masakit ang ulo ko, mas gusto kong
magpahinga na lang,” ang dugtong pa niya.
“Bahala ka. Basta’t pag may nahuli ako, hindi kita bibigyan. Kanya- kanya
tayo”, sabi ni Lokes a Mama habang pababa ng hagdan. Hindi sumagot si
Lokes a Babay. Sanay na siya sa pagiging tuso at madamot ng kanyang asawa.
Wala rin itong pagpapahalaga sa kanya at hindi niya naramdamang mahal siya
nito.
Pagkaalis ng kanyang asawa ay agad niyang pinuntahan ang kanyang
munting ibon. Kumuha siya ng palay at ipinatuka sa ibon. Gayon na lang ang
kanyang panggigilalas nang makitang pagkalunok sa palay ay biglang nangitlog
ng isang diyamante ang ibon. Kinuha niya ang diyamante. “Mayaman na ako!
Mayaman na ako!” ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili habang itinatago ang
mamahaling bato
7
Mula sa Pinagyamang Pluma ni A. Dayag p.11
Tulad nang dati, pag-uwi ng kanyang asawa ay iniluluto nito ang kanyang nahuli
at mag-isang kumakain at hindi man lang inaalok ang asawa. Subalit hindi na ito
pinakialaman ni Lokes a Babay, sa halip ay masaya siyang humuhuni ng paborito
niyang himig habang ginagawa ang mga gawaing bahay, na labis namang ipinagtataka
ng kanyang asawa.
Araw-araw nga, pagkaalis ng kanyang asawa upang kunin ang anumang nahuli
ng kanilang bitag ay pinakakain naman niya ng palay ang ibon at saka mag-aabang sa
ilalabas nitong diyamante. Walang kamalay-malay si Lokes a Mama na marami na palang
naiipong diyamante si Lokes a Babay.
Isang araw, habang mag-isa na naming kinakain ni Lokes a Mama ang kanyang
inilutong huli ay nagsalita si Lokes a Babay. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa
akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Bukod pa riyan hindi ko na rin
kayang tiisin ang pagiging maramot mo at kawalan mo ng pagpapahalaga sa akin”, ang
buong kapaitan niyang sabi sa asawa na hindi man lang tumingala mula sa pangasab sa
niluto niyang ligaw na pato. “Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay
sa akin. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag
na huwag mo na rin akong aabalahin”, ang pangwakas na sabi ni Lokes a Babay.
Medyo nakonsensya naman ang lalaki dahil totoong lahat ang sinabi sa kanya ng
asawa. Pero ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon. Ngayon ay Malaya na siya.
Matagal na niyang sinasabi kay Lokes a Babay na gusto na niyang makipaghiwalay
subalit hindi ito pumayag. Ngayon ay heto at pumayag na siya sa kanyang kagustuhan.
Nag-impake si Lokes a Babay n g k a n y a n g m g a g a m i t a t d a l a a n g
pinakamamahal niyang ibon at umalis siya ng bahay. Naiwan naman
s i L o k e s a M a m a a t i p i n a g p a t u l o y l a at umalis na sila sa bahay kasama ang
pinakamamahal niyang alagang ibon. Iniwan si Lokes a Ma- ma na nagpatuloy sa
11
gawaing pangangang ang kanyang pangangaso.
Samantala, si Lokes a Babay naman ay bumili ng isang malawak na lupain at
nagpatayo ng isang torogan o malapalasyong tahanan. Kumuha siya ng mga guwardiya
at mga katulong na magsisilbi sa kanya. Naging maayos at masagana ang kanyang
pamumuhay. Nabalitaan ito ni Lokes a Mama ang napakagandang k a l a g a y a n
s a buhay ng k a n y a n g dating asawa kaya’t muli siyang nagpalno.
“Babalikan ko si Lokes a Babay para makasalo rin ako sa kanyang kayamanan.
Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang kanyang kayamanan subalit dapat lang
na makinabang din ako,” ang sabi sa sarili ng tusong lalaki.
Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Kilala niya kasi ang
pagiging tuso at manloloko ng asawa kaya’t pinabilinan niya ang kanyang
mga guwardiya na huwag na hu wag itong palalapitin man lang sa kanyang
magarang tahanan. Kahit anong gawin ni Lokes a Mama ay hindi na
nagpaloko sa kanya ang asawa.
At magmula noon, namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a Babay
nang maligaya, masagana at payapa.
Isang malayang pagsasa linn g “Tiny Bird” mula sa The Agaman iyog Folktales.
Mindanao Art and Cu lture, Numb er On e,1979. Marawi Cit y:
Universit Re search Cen ter, Mindanao State University
Gawain 3:
Talasalitaan muna tayo!
Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng kasingkahulugan/kasalungat ng salitang may
salungguhit sa pangungusap.
1. Bago sumapit ang takipsilim ay inilalagay ng mag-asawa ang kani- kanilang
bitag sa gubat.
Kasingkahulugan A. hatinggabi B. umaga C. tanghali D. papalubog na ang
araw.
Kasalungat A. hatinggabi B. umaga C. tanghali D. papalubog na ang
araw.
2. Sa halip na kumibo ay nag-isip na lang ng ibang paraan ang babae.
Kasingkahulugan: A. umiyak B. nagsalita C. tumahimik D. kumilos
12
4. Gayon na lang ang kanyang panggigilalas nang makitang nangitlog ng ginto ang
ibon.
Kasingkahulugan: A.pagkaasiwa B.pagkagulat C.pananabik
D. pagkampante
Kasalungat: A. pagkaasiwa B. pagkagulat C. pananabik D. pagkampante
13
SURIIN
Ano ang paghihinuha?
Ang paghihinuha (Looking Back) ay isang kasanayan sa pag-iisip ng mga
preliminary na ideya na nagpapahayag ng mga pala-palagay batay sa mga pahiwatig
na nakalimbag sa teksto. Ito ay batay sa mga ebidensiya o mga implikasyong
ipinapakita sa isang kuwento, akda o pangyayari. Karaniwang tinatawag s a I n g l e s
n a “Reading between the lines o Inferencing”. (PRIMALS 2018)
Mga dapat taglayin sa paghihinuha:
Halimbawa:
Si Melody ay isang mabait at matalinong mag-aaral sa ikapitong
baitang.
tinatanong niya muna ito sa kanyang mga guro sa kanilang group chat.
Siguro naman, alam mo na kung ano ang paghihinuha batay sa mga nailahad
na mga halimbawa. Sa sumusunod na mga gawain ay makatutulong sa iyo para
mapayaman pa ang iyong kaalaman sa paghihinuha.
Kaya huwag mabagot sa pagsagot!
14
PAGYAMANIN
Pagsasanay 1: PAGPIPILI
Sa gawaing ito ikaw ay maghihinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar
na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga
tauhan sa binasang kuwento. Piliin ang letra ng tamang sagot. I s u l a t a n g s a g o t
sa iyong sagutang papel.
2. “Hmmm, hindi maaari ito,” ang sabi ni Lokes a Mama sa sarili. “Matabang usa
ang nahuli ng bitag niya samantalang sa akin isang munting ibon lang ang nadale?”
mahihinuha sa pahayag na ito na…
A. Hindi dapat nalalamangan ang mga lalaki
B. Kailangan na ang lalaki lamang ang mangaso.
C. Mahina ang mga babae.
D. Siya ang lalaki, kaya dapat siya ang nakahuli sa usa.
3. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan”, ang
tahimik niyang naibulong sa sarili. Mahihinuhang si Lokes a Babay ay:
A. Matampuhin B. Mapagtimpi C. Mapanghusga D. Masayahin
15
Pagsasanay 2: Pagpupuno ng Grapikong representasyon.
Pagsasanay 3: Iugnay Mo
Sa gawaing ito, ikaw ay muling magbabasa ng isang kuwentong-bayan mula
sa Benguet. Basahin mong mabuti ang kuwento pagkatapos, magbigay ka ng iyong
hinuha sa kaugaliang o tradisyon batay sa mga pangyayari sa kuwento.
16
Ang Asawa ng Mangangaso
(Kuwentong-bayan ng Sablan, Benguet)
Kuwento ni Bony Tacio
Isinalin sa wikang Filipino ni Tima L. Delio
Noong unang panahon, may mag-asawang nakatira sa isang nayon. Ang lalaki
na may mabuting pag-uugali ay isang mangangaso samantalang ang kanyang
maybahay ay may masamang ugali.
Isang araw, matapos makahuli ng hayop ang lalaki ay inutusan niya ang
kanyang asong pangaso na maunang umuwi.
“Dalhin mo sa iyong likod itong huli natin at iuwi mo sa ating bahay”, utos niya
sa aso. Itinali ng mangangaso ang kinatay na hayop sa likod ng aso saka ito pinauwi.
Sa daan pauwi, nakaramdam ng pagkahapo ang aso. Mabigat ang kanyang
dala at malayo pa ang kanyang lalakbayin pauwi.
Ganun pa man, nakarating pa rin siya sa kanilang nayon. Nang marating niya
ang bahay ng mangangaso, hindi na niya maiakyat sa hagdan ang kanyang dala.
Mabigat ang karne sa kanyang likod dagdag pa na hapong-hapo ito.
“Aww”, iyak ng asong humihingi ng tulong. Paulit-ulit siyang sumubok sa pag-
akyat sa kawayang hagdan subalit paulit-ulit rin siyang nahuhulog.
“Aww, aww, aww”, pagmamakaawa ng asong pangaso
Ang maybahay ng mangangaso ay nakatayo sa pintuan habang
pinagmamasdan ang nahihirapang hayop. Libang na libang siya sa kanyang nakikitang
paghihirap ng aso. Di naglaon ay pinagtatawanan na niya ito.
“Ha! Ha! Ha! Kawawang aso, ni hindi niya matulungan ang kanyang sarili!”
tumatawa niyang sambit. “Ha! Ha! Ha!”, patuloy niyang pang-iinsulto sa aso.
Pagod na ang asong pangaso sa kasusubok na maiakyat sa hagdan ang dalang
karne. Yumuko siya sa lupa at tinapik ng kanyang paa ang pundasyon ng hagdan.
Walang ano-ano ay biglang bumulwak ang tubig.
“Wooossshhh!” ugong ng galit na tubig.
Nahintakutan ang asawa ng mangangaso sa silakbo ng galit na tubig kaya
tumakbo siya ng matulin.
Nang lumingon siya, hinahabol siya ng bumubulusok na tubig. Katulad ito ng
aso na handa siyang dakmain.
Pagod na siya at hindi na makatakbo. Naabutan na siya ng tubig at tuluyan nang
nalunod. Mula noon hindi na siya muling nakita pa.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nanatili na ang tubig at naging lawa.
Pinaniniwalaang ang haba ng lawa ay siyang layo ng tinakbo ng babae nang sinubukan
niyang takasan ang tubig. Ito ang kuwento sa likod ng Lawa ng Libtong.
17
Punan ang Talaan ng tamang Hinuha
Pangyayari Hinuha
18
ISAISIP
Bilang paglalahat, ayusin ang mga salita sa loob ng itlog upang mabuo ang
kaisipang natutuhan mula sa aralin.Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
sa mga
Mahihinuha
Kuwentong-bayan
na
ng lugar
19
ISAGAWA
Siguro naman, marami ka ng natutuhan tungkol sa aralin. Ngunit mas
makabuluhan ang iyong pagkatuto kung alam mo ang iyong ginagawa sakaling
maranasan mo ang mga sumusunod na sitwasyon:
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Nawawala ang iyong alagang aso na Shih Tzu, mahal na mahal mo ito sapagkat
regalo ito ng iyong kaibigan. Isang araw, may nakita kang kagaya ng iyong aso
na karga- karga ng iyong kapitbahay. Tinanong mo nang malayuan ang iyong
kapitbahay kung saan niya kinuha ito, at sinabi niyang, binili niya ito sa isang Pet
shop noong isang araw lang. Mas lalo ka tuloy naghinala sa kanyang sinabi. Ano
ang iyong gagawin?
A. E-post sa FB ang nawawala mong Shih Tzu.
B. Isuplong sa mga pulis na may nagnakaw sa iyong aso.
C. Sabihin sa kaibigan mo, na nawawala ang regalo niyang aso iyo.
D. Kausapin ang kapitbahay at tingnan mo sa kanyang aso ang iyong
palatandaan ng nawawala mong alagang Shih Tzu.
2. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng isang anak na kagaya mo para
mapanatiling buo ang iyong pamilya, kung hindi maganda ang ugnayang ng
iyong mga magulang.
A. Maging mabait at ipakitang mahal mo silang pareho.
B. Mag-aral nang mabuti para maging maganda ang iyong buhay
C. Panigan ang iyong ina dahil siya ang tama.
D. Tanungin ang ama at ina bakit hindi maganda ang kanilang ugnayan.
1
10
TAYAHIN
Sa bahaging ito, tatayahin natin kung may nadagdag sa iyong kaalaman tungkol sa
aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong.
A. Tukuyin ang tinatanong ng bawat letra. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1
11
KARAGDAGANG GAWAIN
Mahusay! Matagumpay mong nasagot ang mga gawain sa modyul na ito, tiyak
marami ka nang natutuhan tungkol sa mga Kuwentong-bayan. Bilang karagdagang
gawain:
Batayan 5 4 3
Paksa Nagtataglay ng mga Hindi nagtataglay Walang
kababalaghan at may ng kababalaghan binanggit na
aral ngunit may aral kababalaghan
at aral.
Paghihinuha( sa Mahihinuha ang Hindi masyadong Hindi mahinuha
kaugalian at mahinuha ang ang tradisyon at
Kaugalian at
Tradisyon ng lugar) tradisyon at kaugalian ng
Tradisyon ng lugar
kaugalian ng lugar lugar.
Maayos ang Maayos ang Katamtaman ang Hindi maayos
pagsasalaysay pagkakasunod ng pagkakasunod ng ang
mga pangyayari mga pangyayari pagsasalaysay.
Kabuuan
20
SUSING SAGOT
Subukin
1.B 2.A 3.A 4.B 5.C
6.B/C 7.A 8.A 9.A 10.A
Tuklasin
Kasingkahulugan 1.D 2.B 3.B 4.B 5.B
Kasalungat B C D D C
Balikan
1.C 2.E 3.B 4.A 5.D
Suriin
halimbawang sagot: Tungkol sa munting ibon na hindi pinahalagahan ng mangangasong
Lokes a Mama bagkus ipinagpalit ito sa usa na nahuli ng bitag ng kanyang asawa na Lokes
a Baba.Di inakala na ang ibon ay mangingitlog ng dyamante, na naging dahilan sa pagyaman
ng asawang babae na Lokes a Baba.
halimbawang sagot: hindi pinahalagahan ni Lokes a Mama
ang asawa Dahil:hindi marunong magluto;wala siyang alam
sa mga gawaing bahay;hindi siya mayaman
halimbawang sagot:Hindi makatwiran dahil hindi naayona sa kaugaliang Muslim na
iwanan ng babae ang asawang lalaki .Siya ang ilaw ng tahanan dapat siya ang gagawa
ng paraan para maging maaayos ang kanilang pagsasamahan bilang mag-asawa.
halimbawang sagot:
Maaaring niluto niya ang ibon; siguro hindi umalis si Lokes a Baba sa kanilang bahay,
at patuloy na pangangaso pa rin ang kanilang ikinabubuhay
halimbawang sagot: -mahihinuha na kayamanan at kaginhawaan lang
ang hinahanap ni Lokes a Baba.
mahal pa rin niya si Lokes a Mama dahil hndi siya nag-
asawa muli.maaring gusto niya lang siguro na bigyan leksiyon si Lokes
a Mama.
PAGYAMANIN
Gawain 2:
Gawain 3
1.Nag-uutos
2.Napakasalbahe
3.Nagpakita ng paggalang/nagdasal
4.Pagod na pagod
5.mabilis na pagdaloy ng tubig
ISAISIP
Mahihinuha sa mga kuwentong-bayan ang mga kaugaliang at tradisyon ng
lugar na pinagmulan nito.
TAYAHIN
1.Tapat 6. Oo 11. Hindi
Dyamante Oo Hindi
Ranao Oo Oo
4. Diborsiyo 9. Hindi 14. Hindi
5. Islam 10. Hindi 15. Hindi
SANGGUNIAN
Kwentong Bayan – Ang Kahulugan At Mga Halimbawa Nito. Phil
News.https://philnews.ph/2020/01/13/kwentong-bayan-ang-kahulugan-at-
mga- hal i mbaw a -ni to/
CRISTINA SANTOS SANIO Filipino Unang Taon EFERZA Academic Publications Co.
2010 p.51
24
Para sa katanungan o feedback, sumulat o tumawag kay/sa:
25