Filipino9 Q3 W7 Paggamit-Ng-Pang-Ugnay Mangida Kalinga V4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Paggamit ng Pang-ugnay

sa Pagbuo ng Kwento
Modyul sa Baitang 9
Ikatlong Markahan-Modyul 7

ROSE ANN W. MANGIDA


Tagapaglinang

Department of Education • Cordillera Administrative Region


District of Northern Pinukpuk

i
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Published by the
Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa maaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan
ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum ng


Kagawaran ng Eduksyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung
ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
Alamin

Isang mainit na pagbati ang handog ko sa iyo, minamahal kong mag-aaral!


Napakasipag mo dahil nakaabot ka sa modyul na ito. Alam kong sabik na sabik ka na upang
matuto na naman at madagdagan ang iyong kaalaman hinggil sa mga pang-ugnay.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang wastong paggamit ng pang-ugnay upang maging
mas maganda ang iyong pagsasalaysay at mas lalawig pa ang iyong kahusayan sa gramatika.
Kaya inaasahang sa pagtatapos ng modyul na ito ay matatamo mo ang sumusunod na
kasanayan:

Kasanayang Pampagkatuto:

Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagsunod-sunod ng mga pangyayari


sa lilikhaing kwento (F9WG-III-e-54)

Subukin
PAUNANG PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat tanong o pahayag. Pagkatapos, isulat ang
tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ito’y bahagi ng pananalita na nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, parirala sa


kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay.
A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-angkop
2. Anong pang-ugnay ang ginagamit na nagpapaganda’t nagpapadulas ng pagbigkas ng
mga pariralang pinaggagamitan?
A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-angkop
3. Alin sa mga sumusunod na pang-ugnay ang malimit gamitin na nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap?
A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-angkop
4. Ito’y mga kataga na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay.
A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-angkop
5. Anong pangatnig ang dapat gamitin kung namimili, may itinatangi o kaya’y nag-
aalinlangan?
A. Pamukod B. Panubali C. Panlinaw D. Pananhi
6. Alin sa mga sumusunod na pang-angkop ang ginagamit kung ang salita ay nagtatapos
sa katinig maliban sa n?
A. ng B. na C. g D. ng, na, g
7-9 (Punan ng wastong pangatnig ang patlang)
7. _______mawala na itong virus para bumalik na sa dati ang lahat.
A. Kung B. Dahil C. Sakali D. Sana

2
8. Ingat na ingat ang ibang tao na hindi mahawahan ng COVID 19 ___________ walang
pakialam ang ilan.
A. pati B. palibhasa C. samantalang D. samakatwid
9. Laging sundin ang mga health protocols ______ iwasang manatili sa labas upang
makaiwas sa sakit.
A. O B. maging C. at D. sapagkat

10-12 (Punan ng wastong pang-ukol ang patlang)


10. ___________DOH mas madali nang makahawa ang coronavirus dahil airborne na ito.
A. Ayon kay B. Ayon sa C. Hinggil kay D. Tungkol sa
11. Puspusan na ang ginagawang pagbabakuna __________coronavirus.
A. laban kay B. laban sa C. ukol sa D. sa
12. Hinuhuli ng mga awtoridad ang mga nag-iinuman at walang face mask sa
kalye_____________batas.
A. tungkol sa B.alinsunod sa C. hinggil sa D. ukol sa
13-15 (Punan ng wastong pang-angkop ang patlang)
13. mabagsik_____coronavirus
A. na B. ng C. g D. na, ng, g
14. bakuna______ituturok
A. na B. ng C. g D. na, ng, g
15. gamitin_____facemask
A. na B. ng C. g D. na, ng, g

Modyul
7 Gramatika: Wastong gamit ng Pang-ugnay
sa Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari

Balikan
Bago ka tuluyang pumalaot sa iyong paglalakbay, subukin mo muna ang iyong sarili
kaugnay ng iyong natutuhan sa nagdaang aralin.

Gawain 1
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

3
Kasidhian ng pang-uri

Mga paraan sa pagpapasidhi ng


damdamin

Magaling dahil naaalala mo pa ang iyong pinag-aralan sa modyul 6 tungkol sa


pagpapasidhi ng damdamin. Ngayon, dadako na tayo sa ating aralin hinggil pa rin sa gramatika
kaya’t halika na. Sabay nating tuklasin ang iyong bagong aralin.

Tuklasin
Gawain 2: Gamit ko, Hulaan mo!
Panuto: Isulat ang pagkakapareho ng dalawang larawan batay sa gamit at kahalagahan ng
mga ito.

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
Opinyon ko, Ipahayag ko!
__

4
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

Canva.com Opinyon ko, Ipahayag ko!

Isa kang talagang henyo dahil nahulaan mo ang parehong gamit ng mga larawan.
Ito’y kapwa ginagamit na pang-ugnay. Pinagdudugtong ng tulay ang dalawang lugar upang
magsama gayundin naman ang halaga ng cellphone. Pinag-uugnay nito ang dalawang taong
magkalayo. Maging sa mga salita, kailangan din ang mga pang-ugnay upang ang mga ito’y
magsama-sama at iyan ay hihimayin na natin.

Suriin
Kagaya ng tulay at cellphone na napakahalaga sa mga tao, lubhang importante rin
ang mga pang-ugnay sa gramatika lalo na sa pagpapahayag. Para rin itong tulay at cellphone
na nag-uugnay sa mga salita. Simpleng pangungusap lang o p arirala ay nagtataglay na ng
mga pang-ugnay. Ano nga ba ang pang-ugnay?

Ang pang – ugnay ay isang bahagi ng pananalita. Ito’y tumutukoy o tawag sa mga
salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, parirala, o sugnay. Samakatwid, pinag-
uugnay nito ang isang salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa
sugnay hanggang makabuo ng talata o teksto.

Ito’y mahalaga upang makita ang kaugnayan na namamagitan sa pangungusap o


bahagi ng teksto.Sa pamamagitan ng mga pang-ugnay, napagsunod-sunod nito ang mga
kaganapan.

Sa Filipino ang mga pang – ugnay ay kadalasang kinakatawan ng pang – angkop,


pang – ukol, at pangatnig.

5
1.Pang – angkop - salitang nag – uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Ito ay nagapaganda o nagpapadulas ng pagbigkas ng mga pariralang
pinaggagamitan.
May dalawang uri ng pang-angkop
A. Ang pang – angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito nakasulat nang nakadikit sa
unang salita.Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
Halimbawa: malupit na virus
B. Ang pang – angkop na -ng ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos
sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita. Halimbawa: bakunang hinihintay
C.Ang pang-angkop na -g ay idinudugtong kung ang salita ay nagtatapos sa katinig
n. Halimbawa: mamamayang Pilipino

2.Pang – ukol – Ito ay kataga/ salitang nag – uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
mga salita sa pangungusap. Ito ang mga kataga / pariralang malimit na gamiting pang-
ukol.
Sa ayon sa/ kay
Ng hinggil sa /kay
Kay/ kina ukol sa/ kay
Alinsunod para sa/kay
Laban sa/ kay tungkol sa/ kay
Halimbawa: Hinggil sa Covid-19 ang lagi na lang laman ng balita sa araw-araw.

3. Pangatnig – mga kataga/ salita na nag – uugnay sa dalawang salita, parirala, o


sugnay.
a. Pangatnig na Pamukod- Ang uri nito ay mayroong pamimili,
pagtatangi, pag-aalinlangan at karaniwag nilalagyan ng mga katagang ni, o, at
maging.
Hal. Anong gusto mong bakuna kontra Covid? Sinovac o Aztrazenica?
b. Pangatnig na Pandagdag- Nagsasaad ito ng pagpupuno o pagdaragdag
at ginagamitan ng mga katagang at, saka, at pati.
Hal. Unang nabigyan ng bakuna ang mga health workers at frontliners
pati na ang mga nagboluntaryong mamamayan.
c. Pangatnig na Pananhi- Ginagamit ito upang magbigay ng dahilan,
kung nangangatwiran at kung sumasagot sa tanong na bakit. Ang mga katagang
ito ay upang, sapagkat, palibhasa, pagkat, kasi at dahil.
Hal. Marami pa ring natatakot na magpabakuna dahil sa naibabalitang
namatay pagkatapos mabakunahan.
d. Pangatnig na Panubali- Nagpapakita ito ng pagbabakasali o pag-
aalinlangan. Ang mga katagang ginagamit ay kung, di, kundi, kapag, sana at
sakali.
Hal. Sana mawala na itong Covid-19 para bumalik na sa dati ang lahat.
e.Naintindihan
Pangatnig na moPanlinaw-
na ba angGinagamit
gamit ngito
mga pang-ugnay?
upang linawin o Magaling
magbigay-dahil
magagawa
linaw mo ng sagutin
sa isang nang wasto
sitwasyon ang mga
o paliwanag. gawaing
Ang naihandaginagamit
mga katagang para lamang
ay:saanupa,
iyo. Tiyak
kaya,ka
gaganahan samakatuwid, sang
na sa pagsagot madaling
mga ito. salita, samantala at kung gayon
Hal. Ingat na ingat ang ibang tao na hindi mahawahan ng virus
samantalang ang ilan ay walang pakialam.

6
Pagyamanin
Gawain 3. Sagot ko, Tukuyin mo.
Panuto: Basahin nang maigi ang mga pangungusap. Pagkatapos, salungguhitan ang
mga ginamit na pang-ugnay at sabihin kung anong pang-ugnay ito. Maaaring higit sa
isa ang ginamit na pang-ugnay sa bawat bilang.
Hal. Ayon kay Rodrigo Duterte, hindi papayagan ang klaseng face-to-face kung
walang bakuna ang lahat.
Pagpipilian: Pang-ukol pang-angkop pangatnig

1. Dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19, isinailalim ulit ang CAR sa ECQ.


Kasagutan:
2. Laging sundin ang mga health protocols upang makaiwas sa sakit.
Kasagutan:
3. Ayon sa pastor, ang matibay na pananampalataya at pananalig sa Diyos ay
magbibigay sa atin ng katahimikan sa gitna ng pandemya.
Kasagutan:
4. Mahigit isang taon na tayong nakararanas ng pandemya.
Kasagutan:
5. Malaki na ang maitutulong mo kung titigil ka sa bahay at hindi mamamasyal.
Kasagutan:

Gawain 4: Hanapin mo, Kasagutan ko!


Panuto: Punan ng wastong pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng
maikling kwento mula Saudi Arabia…(Ito’y bahagi lamang). Hanapin ang angkop na
pang-ugnay sa ibaba.

Maikling Kwento ng Pagmamahal sa Magulang


Ni: Aman Pendiaman

Mayroong isang anak 1 nakatira kasama ng kanyang ina. Maaga


siyang naulila sa kanyang ama. 2 siya’y nag-aaral, sinisikap ng kanyang
ina na magtrabaho 3 maghanap-buhay para sa gastusin ng kanyang anak lalo
na sa kanyang pag-aaral.
4 nakikita ng anak ang pagtitiis ng kanyang ina 5 kanya,
siya’y nangarap na makatapos ng pag-aaral 6 masuklian ang kanyang
ina.
7 kagustuhan ni Allah ay namatay ang kanyang ina bago pa
siya makatapos ng pag-aaral at dahil dito ay nangako siya na pagkatapos niya ng
pag-aaral ay magpapatayo siya ng masjid (simbahan ng mga Muslim). Tutulong sa
mga mahihirap at iaalay ang gantimpala nito sa kanyang ina.

7
Dumaan ang mga araw , siya’y nakapag-asawa at nagkaroon 8 anak. Isang
araw, habang, siya’y papalabas sa masjid, nakita ng mga tao ang isang refrigerator
na ipinapasok sa masjid. Ikinalungkot niya ito at napaisip, “Nagbibigay ako ng
tulong sa iba’t ibang lugar pero naiwan ko ang amin9 masjid at ako’y naunahan
sa kabutihan”.
Nakita siya ng imam (pari ng mga Muslim) ng masjid at binati siya sabay
sabing, “Salamat sa iyong kabutihan sa ibinigay mo na refrigerator”. Siya’y nagtaka
at sumagot, “ Hindi sa akin nanggaling ang refrigerator na iyan”. Sumagot ang imam,
“Iyan ay galing sa iyo”.
Biglang dumating ang kanyang anak na nasa elementarya pa lamang at
sinabing “Sa akin nanggaling ‘yan o aking ama at iaalay ko ang gantimpala niyan
para sa’yo.”
Siya’y napaluha sa narinig na sinabi ng anak at nagtanong, “Saan ka kumuha
ng pinambili mo? Sagot ng bata sa ama, “Limang taon ko po iyang inipon mula sa
mga pera na ibinibigay ninyo sa akin. Nakikita ko po ang ginagawa ninyong
pagtulong at pag-aalay 10 gantimpala nito sa aking lola. Ako po’y nag-ipon at
iaalay ko din ang gantimpala para sa inyo.”

MGA PANG-UGNAY NA PAGPIPILIAN


Habang na Ayon sa
Dahil ng para sa
At g upang
Kapag sa subalit
Kung ng kaya

Mahusay! Nagawa mong sagutin ang dalawang gawain sa bahaging ito.


Ipagpatuloy mo pa ang iyong kahusayan sa mga natitira pang gawain.

Isaisip
Gawain 5: Punan mo Ako!
Panuto: Kumpletuhin ang hinihingi ng talahanayan hinggil sa pinag-aralang pang-ugnay.

Uri Pang-ugnay Halimbawa ng Pangungusap na ginagamitan ng pang-


Pang-ugnay ugnay
1.
2.
3.

8
Isagawa
Gawain 6: Sulat ko, Kwento Ko!
Panuto: Sumulat ng isang maikling kwento o dagli gamit ang mga pang-ugnay na iyong
napag-aralan. Isulat ang nabuong kwento/dagli sa hiwalay na papel.

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa nabuong kwento


Nilalaman……………………….……..10% (Malinaw ang konsepto at angkop sa paksa)
Organisasyon …………………………10% (Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari)
Gamit ng Wika ………………………..20% (Tamang gamit ng pang-ugnay at pagbabaybay)
Pagkamalikhain..……………………....10% (Orihinal at may sariling istilo ang pagkasususlat)
Kabuuang puntos………………………50

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat tanong o pahayag. Pagkatapos, isulat
ang tamang sagot sa hiwalay na papel.

1-3 (Punan ng wastong pangatnig ang patlang)


1. _______mawala na itong virus para bumalik na sa dati ang lahat.
A. Kung B. Dahil C. Sakali D. Sana
2. Ingat na ingat ang ibang tao na hindi mahawahan ng COVID 19 ___________ walang
pakialam ang ilan.
A. pati B. palibhasa C. samantalang D. samakatwid
3. Laging sundin ang mga health protocols ______ iwasang manatili sa labas upang
makaiwas sa sakit.
A. O B. maging C. at D. sapagkat
4-6 (Punan ng wastong pang-ukol ang patlang)
4. ___________DOH mas madali nang makahawa ang coronavirus dahil airborne na ito.
A. Ayon kay B. Ayon sa C. Hinggil kay D. Tungkol sa
5. Puspusan na ang ginagawang pagbabakuna __________coronavirus.
A. laban kay B. laban sa C. ukol sa D. sa
6. Hinuhuli ng mga awtoridad ang mga nag-iinuman at walang face mask sa
kalye_____________batas.
A. tungkol sa B.alinsunod sa C. hinggil sa D. ukol sa
7-9 (Punan ng wastong pang-angkop ang patlang)
7. mabagsik_____coronavirus
A. na B. ng C. g D. na, ng, g
8. bakuna______ituturok
A. na B. ng C. g D. na, ng, g
9. gamitin_____ facemask
A. na B. ng C. g D. na, ng, g

9
10. Ito’y bahagi ng pananalita na nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, parirala sa
kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay.
A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-angkop
11. Anong pang-ugnay ang ginagamit na nagpapaganda’t nagpapadulas ng mga pariralang
pinaggagamitan?
A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-angkop
12. Alin sa mga sumusunod na pang-ugnay ang malimit gamitin na nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap?
A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-angkop
13. Ito’y mga kataga na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay.
A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-angkop
14. Anong pangatnig ang dapat gamitin kung namimili, may itinatangi o kaya’y nag-
aalinlangan?
A. Pamukod B. Panubali C. Panlinaw D. Pananhi
15. Alin sa mga sumusunod na pang-angkop ang ginagamit kung ang salita ay nagtatapos
sa katinig maliban sa n?
A. ng B. na C. g D. ng, na, g

Karagdagang Gawain
Gawain 7:
Panuto: Kumuha ng isang kwento mula sa aklat o sa internet at ihambing ang iyong ginawa.
Pagkatapos ng iyong paghahambing, isulat ang mga pang-ugnay na ginamit ng may-akda at
tukuyin kung anong uri ito ng pang-ugnay.

Mga Pang-ugnay Uri ng Pang-ugnay


1._________________ _________________
2._________________ _________________
3._________________ _________________
4._________________ _________________
5._________________ _________________
6._________________ _________________
7._________________ _________________
8._________________ _________________
9._________________ _________________
10.________________ _________________

Sa wakas, natapos mo na ang pinakakahuling gawain! Masaya ako at


nagtagumpay ka, mahal kong mag-aaral!

10
11
Tayahin Isaisip
1. D 6. B 11. D 1. Pang-angkop - na, ng, g
2. C 7. A 12. C 2. Pang-ukol- sa, ng, kay/ kina
3. C 8. B 13. B ayon sa/kay, alinsunod
4. B 9. C 14. A laban sa/kay, para sa/kay
5. B 10. A 15. B 3. Pangatnig- o, ni, maging, at ,pati,
kundi, palibhasa,samantala,
dahil, anupa, kung gayon,
Karagdagang Gawain samakatwid, kaya, kasi at
1-10 - Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral marami pang iba
Isagawa
Kanyang-kanyang sagot ang mga
mag-aaral
Pagyamanin
Gawain 3 :
1. Dahil sa pagdami ng kaso ng Covid-19, isinailalim ulit ang CAR sa ECQ.
Kasagutan: Pangatnig pang-ukol pang-ukol
2. Laging sundin ang mga health protocols upang makaiwas sa sakit.
Kasagutan: Pang-angkop pangatnig pang-ukol
3. Ayon sa pastor, ang matibay na pananampalataya at pananalig sa Diyos ay
Kasagutan: Pang-ukol pang-angkop pangatnig
magbibigay sa atin ng katahimikan sa gitna ng pandemya.
Kasagutan: pang-ukol pang-ukol
4. Mahigit isang taon na tayong nakararanas ng pandemya.
Kasagutan: pang-angkop pang-ukol
5. Malaki na ang maitutulong mo kung titigil ka sa bahay at hindi namamasyal.
Kasagutan: pang-angkop pangatnig pangatnig
Gawain 4
1. na 6. upang
2. Habang 7. Ayon sa
3. At 8. ng
4. Dahil 9. g
5. para sa 10. sa
Balikan Subukin
1. lantay/karaniwang antas
2. pahambing/katamtamang antas 1. A 6. B 11. B
3. pasukdol/pinakamasidhing antas 2. D 7. D 12. B
1. Paraan: Pag-uulit ng pang-uri 3. C 8. C 13. A
2. Paraan: Paggamit ng kataga 4. B 9. C 14. B
3. Paraan: Paggamit ng panlapi 5. A 10. B 15. C
Tuklasin
Iba-iba ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
Mensahengislam.blogspot.com. “Maikling Kwento para sa mga Mag-aaral na Filipino”
Accessed April 16, 2021. https://mensahengislam.blogspot.com/2017/01/maikling-
kwento-ng-pagmamahal-sa.html.

Slideshare.net. “Pang-Ugnay” Accessed April 17, 2021.


https://www.slideshare.net/mobile/FelixZacharyAsilom/pangugnay.

Slideshare.net. “Retorikal na Pang-ugnay” Accessed April 17, 2021.


https://www.slideshare.net/MaeAnnLegario/retorikal-na-pag-uugnay

12

You might also like