Pre-Test in Epp 5 Agri

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
San Roque, Tarlac City

PRE-TEST SA EPP 5-AGRIKULTURA

Pangalan: _____________________________________ Iskor: ______________________


Baitang at Seksiyon: ____________________________ Petsa: _____________________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong pakinabang ang naidudulot ng pagtatanim ng gulay?


a. pagkain b. laruan c. palamuti d. abono
2. Ang mga ligaw na damong binunot sa halamanan ay maaaring gawing
_________________.
a. compost b. luwad c. inorganiko d. pestisidyo
3. Alin sa mga sumusunod ang unang kailangan sa pagtatanim ng gulay?
a. mga binhi at buto c. lupang pagtataniman
b. pataba o abono d. mga kagamitan sa pagtatanim
4. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga halamang gulay?
a. ito ay nakalilibang at dagdag na kita
b. ito ay dagdag nahirap sa mag-anak
c. ito ay dagdag na gawain
d. dagdag na gastos
5. Sa paghahanda ng lupa ang unang hakbang na gagawin ay pagbubungkal ng lupang
taniman. Alin sa mga kasangkapan ang nararapat gamitin?
a. asarol b. pala c. kalaykay d. trowel o dulos
6. Ang halamang gulay ay nangangailangan ng mga bagay upang tumubo ng mahusay. Alin
sa mga sumusunod ang mga pangunahing pangangailangan ng halaman?
a. lupang loamb. tubig c. pataba d. lahat ng nabanggit
7. Para sa wastong panahon ng pagtatanim ng halamang gulay, dapat tayo ay sumangguni sa
______.?
a. kalendaryo ng pagtatanim c. talaan ng paghahalaman
b. imbentaryo ng kagamitan d. listahan ng mga gulay
8. Alin sa mga sumusunod na halamang gulay ang tinatanim sa tuluyan o direct planting?
a. petsay b. repolyo c. okra d. kamatis
9. Paano itinatanim ang mga gulay na upo, sitaw at patola?
a. Ipinupunla b. itinatanim ng direkta c. isinasabog d. pagmamarkot
10. Mahalaga ang ________ sa halaman upang madagdagan ang sustansya nito. Alin sa mga
ito ang kailangan ng halaman?
a. pataba b. mga damo c. tubig d. compost pit
11. Mahalaga ang paglaki ng mga halaman. Ano ang gagawin mo para tumaba ito?
a. lagyan ng langis c. lagyan ng damo
b. lagyan ng buhangin d. lagyan ng pataba
12. Mas maraming gulay ang maitatanim kung ilalagay ito nang maayos sa
_______________.
a. kamang taniman c. bukid
b. kamang punlaan d. tumana

Page 1 of 5
13. Alin ang iyong gagamitin upang matukoy kung ikaw ay kumita o nalugi?
a. talaan ng ginastos at kinita c. talaan ng bibilhin
b. talaan ng materyales d. talaan ng budget
14. Nais mong mangalap ng impormasyon tungkol sa aalagaang hayop, alin sa mga ito ang
iyong gagamitin?
a. TV b. radio c. magasin d. internet
15. Paano natin malalaman kung ang pananim ay malapit ng anihin?
a. ito ay mabango c. ito ay may tamang laki
b. ito ay dilaw d. wala sa nabanggit
16. Nais mong mag-alaga ng manok, ano ang dapat mong ihanda?
a. buto ng mais c. lugar
b. kagamitan at kasangkapan d. patuka
17. Bakit maraming mangingisda ang nawiwiling mag alaga ng tilapia?
a. dahil madaling hulihin ito c. dahil malaki ito
b. dahil madaling pakainin at paramihin d. dahil maraming naguulam nito
18. Si Sharon ay nagtitinda sa palengke, ano ang dapat niyang gawin upang maging maayos
at matagumpay ang kanyang pagtitinda?
a. bilanging mabuti ang bayad ng mamimili
b. magsuot ng lumang damit
c. makipagtalo sa mamimili
d. bawalan ang bumibili na huwag hawakan ang paninda
19. Nais mong magtanim ng gulay sa inyong lugar, ano ang iyong dapat isagawa?
a. gumawa ng survey ng itatanim
b. gumawa ng listahan ng bibilhin sa palengke
c. gumawa ng listahan ng buto
d. gumawa ng listahan ng kagamitan
20. Ito ay ang tawag sa perang iyong kinita sa pagbenta ng iyong produkto
a. ginastos b. puhunan c. utang d. tubo
21. Napansin mong mabagal lumaki ang iyong mga alagang manok, ano ang dapat mong
gawin?
a. pakainin ng labis c. bigyan ng bitamina at mineral
b. pabayaan ito d. painumin ng tubig
22. Sa paggawa ng balak sa pagpaparami ng hayop, ano ang dapat alamin?
a. Tukuyin kung anong uri ng hayop ang pararamihin.
b. Lugar na paglalagyan
c. Bilang ng hayop na sisimulan
d. Lahat ng nabanggit
23. Aling uri ng isda ang mainam alagaan sa likod ng bakuran?
a. tilapia b. bangus c. karpa d. galunggong
24. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang manatiling malusog ang mga manok?
a. maaliwalas na kulungan c. tamang pangangasiwa
b. kalinisan d. lahat ng nabanggit
25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI alituntunin sa pag-aalaga ng hayop?
a. Ilagay sa oras ang pagpapakain sa kanila.
b. Lagyan ng kanal na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan
c. Biglaing hawakan ang mga hayop
d. Magsuot ng angkop na damit sa pagpapakain
26. Ano ang gagawin mo pagkatapos gamitin ang mga kagamitan sa paghahalaman?
a. iwanan b. pabayaan c. linisin d. wala sa nabanggit
27. Ano ang mga inilalagay sa isang compost?

Page 2 of 5
a. dumi ng hayop, balat ng prutas, balat ng gulay
b. dayami, damo, sanga
c. diyaryo, papel, bote
d. papel, sanga, plastic
28. Ano ang kailangan ng isang kulungan ng manok?
a. malamig at presko b. masikip c. mainit d. marumi
29. Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng hayop na
aalagaan?
a. magasin b. aklat c. internet d. diyaryo
30. Saan dapat itayo ang palaisdaan?
a. sa mainit na lugar c. sa mayroong sapat na pagkukunan ng tubig
b. sa malayong lugar d. sa malayo sa tirahan
31. Ano ang gagamitin mo sa pagdidilig ng halaman?
a. regadera b. piko c. asarol d. tinidor
32. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat gawin upang ang mamimili ay patuloy na bibili
ng iyong produktong gulay maliban sa isa.
a. maging magalang c. mali ang pagsukli
b. kausapin ng nakangiti d. tama ang timbangan
33. Kailan dapat nag-aani ng gulay?
a. tanghali c. umaga bago sumikat ang araw
b. hapon d. paglubog ng araw
34. Ito ay ang tawag sa halaga ng iyong binibiling gulay o isda
a. presyo b. tubo c. kita d. puhunan
35. Ito ay paraan ng pagtatanim kung saan ang buto, sanga, o dahon ay pinatututubo muna sa
punlaan bago itanim sa permanenting lugar.
a. tuwirang pagtatanim c. urban gardening
b. di-tuwirang pagtatanim d. edible gardening

36. Bakit kailangan ang crop rotation sa pagtatanim ng gulay?


a. Para patuloy ang pagiging tigang ng lupa.
b. Upang magpatuloy ang magandang dulot nang patuloy na paggamit ng lupa.
c. Upang maging makulay ang lupa.
d. Upang marami kang kakaining gulay.
37. Kailan ang mainam na oras ng pag-aani ng gulay upang hindi malanta ang mga ito?
a. Bandang hapon o madaling araw c. kalagitanaan ng gabi
b. Tanghaling tapat d. kahit anong oras
38. Alin ang tamang pagpapakangkat-pangkat ng mga bagong aning mga gulay?
a. Pagsamahin ang mga bungang hinog at hilaw
b. Ihiwalay ang mga inaning bulok, may galos at sirang bunga sa mga buo.
c. Ilagay sag awing ilalim ang malalambot at sa iababaw ang mga matitigas.
d. Lahat ng gulay ay nasa iisang lalagyan lamang.
39. Bakit kailangang maipagbili agad ang mga inaning gulay sa lalong madaling panahon?
a. Upang mapanatili ang kasariwaan nito.
b. Upang mauna sa ibang nagtitinda
c. Upang kumite ng marami.
d. Upang maipagyabang sa iba.

Page 3 of 5
40. Ano ang dapat ilagay sa mga produktong ipinagbibili upang mapadali ang pamimili ng
mga namimili?
a. bilang b. kulay c. presyo d. timbang
41. Ano ang dapat gawin upang maakit mo ang mga mamimili?
a. maging maingay c. maging masayahin
b. maging masungit d. maging tahimik
42. Alin ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng hayop na aalagaan?
a. Mga imported na hayop. c. Uri ng hayop na aalagaan.
b. Halaga ng kikitain. d. Uri ng pagkain ng mga hayop.
43. Anu-ano ang mga kabutihang naidudulot ng pag-aalaga ng manok?
a. Napagkukunan ito ng pagkain tulad ng karne at itlog.
b. Nakapagbibigay ng dagdag kita sa kapitbahay.
c. Nagdudulot ng kamalasan sa pamilya.
d. Nakadaragdag ng sariwang hangin sa paligid.
44. Bakit kailangang mataas ang bahay ng mga kalapati?
a. Upang ligtas sa daga, pusa at ahas.
b. Upang agad silang mangitlog.
c. Upang agad silang makalipad.
d. Upang malapit sa init ng araw.
45. Alin sa mga sumusunod ang hindi pagkain ng mga kalapati?
a. munggo b. palay c. giniling na mais d. saging

46. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa pag-aalaga ng pugo maliban sa
____________________________________.
a. Ang batang pugo ay binibigyan ng starting mash
b. Nakatayo kung mangitol ang pugo
c. Lagyan ng buhangin ang pangingitlugan ng pugo
d. Ilagay sa iisang kulungan lahat ng mga alagang pugo.
47. Bakit kailangang may sapat na liwanag at bentilasyon ang kulungan ng mga alagang
hayop?
a. Upang magbigay ng hustong oxygen. c. Upang madaling linisin.
b. Upang agad silang mangitlog. d. Upang malapit sa init ng araw.
48. Ang mga sumusunod ay mga panuntunang pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop, alin
ang hindi?
a. Dapat tuyo at malinis ang tirahan.
b. Ihiwalay agad ang mga hayop na maysakit.
c. Isangguni sa beterinaryo ang mga alagang hayop kung maysakit.
d. Itapon sa ilog ang mga namatay na hayop.
49. Bakit kailangang ihiwalay ang mga malalaking isda sa mga maliliit na isda?
a. Para magkaroon ng maaliwalas na lugar.
b. Para makatago ang maliliit na isda.
c. Para hindi na lalaki ang mga maliliit na isda.
d. Para madaling maibenta.
50. Ano ang mabuting naidudulot ng pag-aalaga ng isda sa isang mag-anak?
a. Nakatutulong sa kabuhayan ng ibang mag-anak.
b. Natutugunan ang pangangailangan ng mag-anak.
c. Nakadaragdag sa kita ng mga kaibigan.
d. Nakatutulong sa kita ng kapitbahay.

Page 4 of 5
Prepared by:

LEE B. TUDLA
Teacher – II
Mapandan ES-Mayantoc District

Page 5 of 5

You might also like