Life and Works of Rizal
Life and Works of Rizal
Life and Works of Rizal
Section 1. This section mandates the students to read the two greatest novels of Rizal. These two shall be included
in the curricular of all schools, colleges and universities, public or private.
Section 2. This section mandates the schools to have "an adequate number" of copies in their libraries.
Section 3. This section orders the Board of National Education to publish the works in English, Tagalog, and other
major Philippine language.
Section 4. It prohibits the discussion of religious doctrines by persons engaged in any public school.
Section 5. A sum of 300 thousand pesos is appropriated to carry out the purposes of the law.
Section 6. It shall take effect upon its approval.
Ang mga sumusunod na tao ang nagsagawa ng diskusyon upang pagusapan ang mga pagpipiliang bayani:
1. William Howard Taft
2. Morgan Shuster
3. Bernard Moses
4. Dean Worcester
5. Henry C. Ide
6. Trinidad Pardo De Tavera
7. Gregorio Araneta
8. Cayetano Arellano
9. Jose Luzurriaga
ayon sa tala, maraming pumili kay Marcelo H. Del Pilar ngunit ito ay kanilang binago ayon kay Dr. H Otley
Beyer, isang dalubhasa sa Antropolohiya at katulong sa tekniko ng komisyon, sa kadahilanang higit na
naging madula ang buhay at kamatayan ni Rizal, lalung lalo na ang pagiging martir niya sa bagumbayan.
ayon sa mananalambuhay na si Rafael Palma " ang mga doktrina ni Rizal ay hindi para sa isang panahon
lamang kundi para sa lahat ng panahon".
naganap ang pagpili kay Jose Rizal bilang bayaning pambansa noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas
sa ilalim ng pamamahala ng Gobernador Sibil William Howard Taft.
sina heneram Emilio Aguinaldo at iba pang mga pinuno ng himagsikan na ipinatapon sa Hongkong ay
nagbigay ng pang-alaalang palatuntunan noong Disyembre 29, 1897 upang dakilain ang mga nagawa ni
Rizal, sa okasyon ng unang anibersaryo ng pagbaril sa bayani.
ang pahayagang La Independencia, na pinamatnugutan ni Antonio Luna at ang El Heraldo de La
Revolucion, sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Emilio Aguinaldo ay naglabas ng dagdag na sipi bilang
paggunita sa kamatayan ni Jose Rizal.
nong Disyembre 20, 1898, nagpalabas si Pangulong Aguinaldo ng opisyal na proklamasyon na nagtatalaga
sa Disyembre 30 ng taong iyon bilang Araw ni Rizal. Batay rin sa proklamasyon, iniuutos ang pagtataas ng
bandilang Pilipino sa kalagitnaan ng palo mula tanghali ng Disyembre 29 hanggang tanghali ng Disyembre
30, at ang pagsasara ng lahat ng mga opisina ng pamahalaan sa buong araw ng Disyembre 30.
Ang mga Inqulino ang mga tagapamahala ng mga prayle sa mga lupaing pag-aari nila. Ang nasabing lupain
ay inuupahan ng mga inquilino at pinapaupahan naman at pinapasaka sa mga tinatawag na kasama.
Sa Pilipinas ang Konstitusyong Cadiz ay naimplementa lamang makaraan ang isang taon, ito ay noong Abril
17, 1813.
Ang nasabing Konsititusyon ay noong 1813 ngunit ipinawalang bisa ng Hari noong 1814. Muling ipinairal
noong 1821, muling ipinatigil noong 1824, ibinalik noong 1836 at nawala noong 1837.
Ang pagpapatupad at pagpapawalang bisa ng konstitusyon ay pagpapakita ng kaguluhan sa Espanya, sa
agawan o pagpapalit palit ng may hawak ng kapangyarihan. Minsan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng
monarko at mga kakamping konserbatibo at minsan naman ay nasa kamay ng mga Kastilang liberal ang
pamumuno ng pamahalaan.
Ang Konstitusyong Cadiz ay nagbukas ng isipan ng mga Pilipino sa mga karapatan ng mga tao. Para sa
mga Pilipino o mga Indio, ito rin ay nagtatakda sa kanila sa kalayaan sa pagbabayad ng tributo at sa
sapilitang paggawa. Nakita rin nila ang pagkakapantay pantay ng mga kastila at mga Pilipino o Indio, ang
kalayaan sa relihiyon tulad ng inasam at ipinaglaban ni Hermano Pule. Dahil sa pag-asam sa itinakda ng
Konstitusyon naging sanhi ito ng pag aalsa sa iba’t ibang panig ng kolonya, at nagbukas sa isipan sa
kalayaan at paglaya.
Ang Konstitusyong Cadiz ay nagtakda ng karapatan ng tao at limitasyon ng kapangyarihan ng mga
namumuno ngunit ang mga ito ay hindi para sa mga sakop o kolonya ng Espanya tulad ng Pilipinas
Ang mga awtoridad na Kastila maging sibil o eklesiyastiko ay naging masigasig sa pagpapalaganap ng
pananampalatayang Kristyanismo, ngunit hindi naman nakikita sa kanilang pamumuhay ang mga aral na
itinuturo nila. Di-makatwiran ang pagtingin sa mga Indio saanman sa pamahalaan, hukuman, opisina,
sandatahan, paaralan at maging sa hanay ng simbahan.
Simbolo ng pagmamalupit ng mga Kastila ang mga guardia sibil (Konstabularyo) na nilikha sa atas ng hari
noong Pebrero 12,1852. Ang atas na ito ay sinusugan noong Marso 24, 1888 para mapangalagaan at
mapanatili ang kaayusan sa Pilipinas. Ito ay itinulad sa kilala at disiplinadong Guardia Civiles ng Espanya.
Ang mga hukuman ng mga panahong ito ay tiwali. Ang hustisya ay nabibili, mabagal at may kinikilingan.
Kalunos-lunos ang kalagayan ng mga Pilipino sa litigasyon. Ang pagkakasangkot sa kaso ay isang
kalamidad. Ang gagastusin sa kaso ay madalas na labis pa sa halaga ng pag-aaring pinagtatalunan. Dahil
dito, maraming litigante ang namumulubi pagkaraan ng mahabang pag-uusig ng hukuman. Ang mga
kasong kriminal ay tumatagal nang maraming taon. Sa panahong ito, maaring nakatakas na ang tunay na
may sala o nawala na ang dokumento. Ang kayamanan, estadong panlipunan at kulay ng balat ay mga
kailangang salik para manalo sa kaso.
Ang pag-aari ng mga prayle sa mga lupa ay lalo lamang nagpalala sa di pag-unlad ng ekonomiya ng
Pilipinas.
Sa sanaysay na Sobre la Indolencia de los Filipinos, (Ang Katamaran ng mga Pilipino) sinulat ni Rizal na.